You are on page 1of 5

Pamagat: Ang Alab ng Panibagong Apoy Characters:

Lola Remedios
Tatay Paulito
Nanay Maria
Fidelita - eldest daughter
Fantine - youngest daughter

Setting: Sa sala ng pamilya.

Si Lola ay nakaupo sa upuan na katapat sa bintana habang ang mga tanaw nito ay kasing-layo
ng kanyang nakaraan at yakap-yakap niya ang orasan.

Lola Remedios: Hindi ko alam pero nangungulila ako... nangungulila ako...

Maya-maya ay tumayo siya at binuksan ang radio at masigasig na sumasayaw habang


naglilinis. At hindi niya sinasadya na mahulog ang orasan.

Lola Remedios: (naiiyak) Naku, ano ang gagawin ko dito.

Paulito: (biglang dumating, nakita siya ni Lola kaya sinubukan niyang humingi ng tulong dito)

Lola Remedios: Sino ka? Ah, mabuti at dumating ka. Maaari mo ba akong tulungan sa
pagpapaayos ng orasan kong ito?

Paulito: (nagagalit) Ipapaayos? Eh, wala nga tayong pangbili ng bigas. Pwede ba tigilan mo na
'yang kakahawak mo sa orasan na ‘yan. Mabuti nga at nasira yan para wala ka ng
pinagkakaabalahan pa kung hindi ang maglinis dito sa bahay.

Lola Remedios: (naiiyak) hindi ko naiintindihan ang pinagsasabi mo. Bakit galit na galit ka sa
akin? Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa iyo?

Paulito: Iniwan mo kami ng tatay para sa sarili mong pangarap na ni kailan may hindi natupad.
Napaka selfish mong ina. At ni hindi ka man lang bumalik para tulungan ako na matupad ang
pangarap na makapagtapos ng pag-aral. At kahit sa pagdalaw sa burol ni tatay, wala ka! At
nagulat na lang ako ng dalhin ka dito sa amin na may sakit ng Dementia. Ngayon naalala mo
na?

Lola Remedios: (naiiyak) Hindi ko naalala, pero bakit, Ijo, nasasaktan ako?

Paulito: Aba’t hindi ko alam kung bakit nasasaktan ka! Eh, nung pag-alis mo nga dati wala ka
ngang pakialam o kahit paalam man lang. Pero diyan (tinuro ang bandang dibdib) diyan
nakatago ang puso mo. Kung may nararamdaman man yan kalimutan mo na rin! Dahil matagal
ko na ring kinalimutan na ina kita! Dahil kung binigyan mo sana kami ng magandang buhay dati,
eh di sana, nakapag aral kami ng maayos at nabigyan ko ng magandang buhay ang pamilya ko.
Lola Remedios: Kung kaya ko lang ibalik ang mga panahon gusto kong itama ang lahat. Kung
kaya ko lang... pero wala akong maalala, pero sobrang sakit dito, Ijo. Parang ikamamatay ko
ang sakit na ito.

Paulito: Eh di ikamamatay mo. Dahil dito… dito sa loob (hinawakan ang kanyang bandang
dibdib) ang galit na nasa puso ko ay parang bulkan na hindi tumitigil sa pagliliyab. Galit na galit
pa rin ako sa iyo! Kaya tumigil ka na sa mga salita mong walang kwenta.

Maria: Paulito! Ina mo pa rin siya.

Paulito: (nakita ang anak na si Fantine na pumasok na naghihirap dahil bulag ito) Kita mo yan,
Maria!? Parang isinumpa ang ating pamilya! Nakakapagod na ang kahirapan na ito ay ang
dahilan ng ating pagdurusa. Mamatay na lang tayo sa kahirapan at gutom. Napaka walang
kwentang buhay na ito.

Fantine: (biglang dumating at naiiyak sa narinig, tinulungan siya ng ina na umupo muna) Tay,
Huwag na po kayong mag-away ni lola at mama.

Paulito: (Tumingin kay Fantine) Hindi ko na naiintindihan, anak. Sobrang nahihirapan na si


Itay... Kaya ako nagagalit sa Lola mo kasi dahil sa kaniya hindi ko kayo kayang bigyan ng
magandang buhay.

Maria: Paulito! Hindi kasalanan ni Nay Remedios!

Paulito: (nakatingin sa itaas) Bakit ba kasi! Bakit ba kasi kami ang naghihirap! Masisira ba ang
iyong plano kung binigyan mo kami ng marangyang buhay? (Throwing fists on the air,
ipinapakita na galit siya sa Panginoon, sabay suntok sa mesa, at hagulhol ng iyak) Ang nais ko
lang naman ay bumalik ang anak kong si Fidelita. Nag-aalala ako kung ano ang nangyari sa
kanya. Gusto kong buo pa rin ang pamilya ko. Bakit ba kasi sumali pa siya sa militanteng grupo
na 'yon! (Umiiyak at tinawag ang pangalan ni Fidelita nangungulila) Fidelita, anak. Bumalik ka
na!

Biglang may sumabog sa may di kalayuan at yumanig ang lupa at natumba sila, maliban kay
Fantine at Maria.

Paulito: Ano iyon? (Binuksan ang bintana, tiningnan kung ano ang nasa labas) Bomba! May
nagtapon ng bomba sa kabilang baryo! (Narinig ang malakas na barilan) Dapa, dumapa kayong
lahat!

Maria: Anong nangyayari, Paulito?

Paulito: Sumalakay na naman ang mga militanteng grupo, Maria. Hawakan mo si Fantine.
Susubukan kong ihanda ang maaari nating dalhin sa pag-alis natin. Kukunin ko muna ang
naipon kong pera sa kwarto at hahanapin natin si Fidelita (may pag-aalala at pabulong na sabi)

Biglang may sumabog na naman.


Fantine: Nay? Ano po ba ang nangyayari? Hindi ko po maintindihan, Inay, bakit parang may
sumasabog at malakas na putok? Natatakot po ako Inay. Huwag po kayong lumayo sa tabi ko.
Maria: Anak... hindi ko din alam pero... huwag kang mag-alala, hindi lalayo si Inay sa tabi mo, at
magiging maayos din ang lahat. (Nakita si Lola na naka-upo sa gilid) Nay Remedios, hali po
kayo dito.

Lola Remedios: (pinulot ang sirang orasan at lumapit sa kanila na naguguluhan sa lahat ng
nangyayari) Eneng, ano ba ang nangyayari?

Maria: May sumalakay po sa ating bayan... huwag niyo na po muna iyang isipin, Nay. Pero sa
nangyari po kanina patawad po sa pinagsasabi ni Paulito sa inyo, talagang napupuno lang siya
sa lahat na mga nangyayari.

Paulito: Fantine, Maria, aalis na tayo. (Aktong palabas na sana)

Maria: Si Nay Remedios, Paulito? Iiwan mo siya dito?

Paulito: Magiging pabigat lamang siya sa atin, Maria!

Maria: Pabigat? Anong klaseng anak ka Paulito? Dadalhin ko si Nay Remedios, sa ayaw at sa
gusto mo. (Tinulungan si Lola Remedios na tumayo at inilalayan niya itong maglakad palabas)

Paulito: Hindi na ako makapaghintay pa na makita ang aking anak na si Fidelita. (Habang nasa
loob pa sila ay biglang dumating si Fidelita.)

Fidelita: Nay! Tay!

Fantine: Ate Fidelita? Bumalik ka! Kilalang kilala ko ang boses mo. Alam kong ikaw 'yan!

Fidelita: (naluluhang makita ang kapatid)

Paulito: Fidelita! (Tatakbo na sana ngunit natigilan siya ng nilabas ni Fidelita ang baril at itinutuk
ito sa kanyang pamilya)

Fidelita: Patawad pero kailangan ko itong gawin para mapatunayan sa kanila na tapat ako sa
kanilang grupo. Pinag-aral nila ako, pinakain... kaya hindi ko kayang talikuran sila... pero...

Paulito: Pero sinasaktan ka nila? At pinipilit na pumatay ng tao? Fidelita! Hindi pa ba sapat ang
simple nating pamumuhay dati? Na kahit mahirap, nagkakaisa tayo at nagmamahalan?

Fidelita: (nanginginig ang kamay) Hindi Itay. Hindi ako kailan man nabusog sa pagmamahal
niyo sa akin. Gusto ko ding matupad ang mga pangarap ko Itay. Gusto kong makapagtapos ng
pagaaral at abutin ang gusto ko sa buhay. Umalis ako sa bahay kasi hindi ko kaya ang sobrang
hirap ng ating buhay. (she pulls the trigger)

Maria: Fidelita, anak, huwag mong ituloy ang iyong binabalak… Mahal ka namin.
Paulito: Anak, Fidelita! Ako na lang, ako na lang ang barilin mo at huwag ang kapatid mo at ang
iyong ina. Maawa ka sa kanila!

Fidelita: Itay! Bakit... bakit...! (Naiiyak) Hindi ko pa rin kaya? (Binaba ang baril, nanlulumo at
naupo sa sahig) Bakit... (umiiyak) sinira nila ang buhay ko. Sa mga militanteng grupo na iyon.
Bakit... hindi ako nakontento at sinubukang maghanap ng paraan para makapag-aral? Bakit
nagpakabulag ako sa alok nila?

Lola Remedios: Eneng, nakakaramdam ako ng tuwa dito sa aking dibdib. Sino ba iyang
dumating?

Maria: Si Fidelita, Nay Remedios. Siya ay umalis at nawala ngunit ngayon ay bumalik na!
(Niyakap si Lola, at umiiyak si Lola)

Lola Remedios: Anong oras na ba, Eneng?

Maria: Alas singko na po ng hapon. Bakit po?

Lola Remedios: Ang saya-saya ko ngayon. Sa alas singko ng hapon. Masaya ako na bumalik
si Fidelita kahit hindi ko mabatid kung bakit. Naguguluhan ang aking isip (hinawakan niya ang
kanyang bandang ulo) pero hindi ito naguguluhan at tiyak na tiyak nito na mahal ko kayong
lahat kahit hindi ko kayo maalala (tinuro ang bandang dibdib). Maaari bang hawakan mo ang
orasan na ito, Eneng?

Maria: Sige po, Nay Remedios.

Paulito: Anak Fidelita, kahit ano pa ang naging desisyon mo dati. Tanggap ka pa rin namin.
Matagal ka naming hinintay anak. Sapat na ang bumalik ka na ligtas at buhay sa amin.
(Malakas na putok ang narinig nila mula sa labas)

Paulito: Dapa! Fidelita! (hinila ni Tatay si Fidelita ngunit wala ni isa sa kanila ang natamaan,
kung hindi si Lola Remedios ang natamaan ng bala) Nag-aagaw buhay na nakahandusay sa
sahig si Lola.

Lola Remedios: Kay amo ng iyong mukha, Ijo. Parang matagal na kitang kilala at dahil sobrang
sobra kitang mahal. Gusto kitang iligats mula sa kapahamakan. Mahal kita... kahit hindi kita
maalala, at patawad sa mga kasalanang nagawa ko sa iyo, lahat ng kasalanan ko.

Paulito: (hindi makapaniwala sa ginawa ng kanyang ina) Nay... Nay! Patawad... patawad po sa
lahat.

Lola Remedios: Ijo… anak Paulito. Mahal kita. Mahal ko kayo. Wala kang dapat na ihingi ng
patawad. (sinubukang hawakan ang bandang dibdib ni Paulito) Sana, diyan ay tumigil na ang
nagliliyab na bulkan… Patawarin mo ako anak.

Paulito: Nay, hindi ko akalain na sa pagbuhos ng aking mga luha ay siyang nagpatigil sa
lumiliyab na galit sa aking dibdib. Parang dumaloy ang ulan sa galit na galit na bulkan… Nay,
ang siyang tunay, pinapatawad kita. At patawad din po sa lahat-lahat ... mahal na mahal ko po
kayo.

Lola Remedios: Huwag mo akong kalimu...tan... a-nak... (habang sinusubukang ituro ang
bandang dibdib ni Paulito, at nawalan na ito ng buhay)

Paulito: Nay!!!! (Umiyak at humagulgol)

Fidelita at Fantine: Lola Remedios!

Maria: Nay Remedios!

Ang lahat ng pamilya ay pinalibutan nila si Lola. Habang nagpatuloy pa rin ang putukan sa
labas.

Paulito: (pinunasan nya ang luha sa kanyang pisngi) Kailangan nating makaalis mula sa gulo
dito. Bagong lakas, bagong pag-asa. Malalagpasan natin ang lahat ng ito. (niyakap ng mahigpit
ang kanyang pamilya.

Maria: (may napansin na kakaiba sa loob ng orasan ni Lola) Paulito, parang may pera sa loob
ng orasan ng Inay, (kinuha niya ito.) Naku, Paulito, ang laking pera nito (naiiyak at napayakap
kay Paulito)

Paulito: (tiningnan ang nasa loob at may sulat din itong nakalakip, binasa niya ito) Para sa
lahat ng pagkukulang ko sa pinakamamahal kong anak na si Paulito. (Umiyak si Paulito ngunit
tumayo siya na may panibagong pag-asa) Aalis tayo sa bayan na ito. At maghahanap ng
bagong tirahan at magsisimula ng panibagong buhay. Pangako ko sa iyo Fidelita at Fantine,
makakapag tapos kayo ng pag-aaral (hinawakan ang magkabilang balikat ng dalawang anak).

Fantine: Tay, paano po si Lola?

Paulito: Babalik tayo pag natapos na ang gulo dito. (Tumingin sa ina) Pangako Inay, babalik
kami, na walang ni isa sa amin ang nasaktan sa gyera na ito.. Aalagaan ko sila Inay.... (he
covers his mother with blanket) Paalam…

May halong lungkot ang pag-alis ng buong pamilya ngunit makikita sa kanilang mga mukha ang
panibagong pag-asa.

Wakas.

You might also like