You are on page 1of 13

LANDO

Characters:
Lando-
Elsa-
Gregor-
Nanay at Tatay ni Elsa-
Nanay, Tatay, at Kabit ng Tatay ni Gregor-

Extras:
Jeepney Driver
Fishball Vendor
Rogelio, ang malupetchi na guard
Nagpapaupa kay Gregor
Nurse

Intro/Foreshadowing:
Narrator: Sa kalsada, marami tayong makikita, iba't ibang
mukhang nagmumungkahi ng problema.
Lahat may parepareho ng pinagdadaanan, droga, kalungkutan, at
kadalasan kahirapan.
Ngunit may isang tao na lumamang sa lahat, pangala'y taong
grasa, isa siyang alamat.
Dakilang tambay sa eskinita, pabaliw man kung iyong tignan,
may panig kang di nakikita, kaya kami ay pakinggan.

*Pumasok si Lando*

Lando: Barya, barya, pahinge ako barya!

*Humawak sa isa sa dumadaan, siya ay tinaboy*

Narrator: Ito si Lando, isang taong grasa na dukha,


kasiyaha't pagluluksa naghahalo sa kanyang mukha, naturingan
mang baliw,
o milyon-milyon ang emosyon, di natin alam kung bakit kaya
alamin natin ang rason.

*Patay ang ilaw tapos bukas ulit*


Scene 1: Pagkakikita at pagibig.

*Setting: Kakatapos lang magsimba ni Elsa, bumungad sa kanya


ay isang lalaking barker/tagatawag ng pasahero sa jeep na
nagngangalang Lando*

Pari: Sa ngalan ng ama, at anak, at espiritu santo, amen.


*Palakpakan lahat* Ngayo'y umayo kayo't magparami.

*Nagbabasbas yung pari ng holy water palabas*

Lando: Oh, isa pa sa kaliwa! Kasya pa yan ate hingang


malamim!

*Habang nagtatawag ng pasahero si Lando ay nadaan si Elsa *

* Pumasok yung magnanakaw*

*Kinuha ng magnanakaw yung pitaka ni Elsa*

Elsa: Tulong! x2 May snatcher!

Lando: *Binalibag yung snatcher sa lapag, kinuha yung pitaka*

*Tumakbo yung snatcher paalis kasama yung laman ng pitaka*

Lando: Miss ok ka lang?

Elsa: Ay, oo, inaalala ko yung pitaka ko, nandun kasi lahat
ng pera ko.

Lando: Wag ka magalala miss beautiful nasa akin.

Elsa: Ay salamat kuya! *Kinuha yung pitaka* *Tinignan yung


pitaka* Naku po! Nadale niya yung laman! *Naluluha*

Lando: Miss may problema ba? Kung pamasahe lang pauwi sakyan
mo nalang ako este itong jeep sagot na kita.

Elsa: Pangkain ko sana yung pera kuya, nawawala rin yung mga
ID ko dito.

Lando: Wag ka magalala miss, mababawi mo naman yan. Tara


libre muna kita pagkain, sagot ko promise.

Elsa: Nako wag na kuya! Marami ka na nagawa para sakin,


nakakahiya na.
Lando: Sus! Wag ka mag alala! Pagkatapos kong punuin tong
jeep lilibre kita, hintay ka lang.

Elsa: Sige na nga.

Lando: *Habang nagtatawag ng pasahero* *Lumingon kay Elsa* Oo


nga pala miss, di pa tayo magkakilala, ako nga pala si Lando,
ikaw?

Elsa: Ako pala si Elsa. *Nagabot ng kamay para


makipagkamayan*

Jeepney Driver: Oh Lando, eto na hati mo ngayong araw.

Lando: Salamat boss!

*Lumingon kay Elsa*

*Nakatulala si Elsa*

Lando: Oh, bat tulala ka? Malaki ba kita ko? *Ngumiti*

Elsa: Kala ko kasi lilibre mo ko, iniisip ko kung anong


mabibili natin sa Bente pesos mo.

Lando: Di ka nalabas ng bahay noh? Porma mo palang


pangmayaman na. Kaya ka nanakawan eh.

Elsa: Huh? Di kaya. Magaling lang ako mamorma. Tapos pormal


to pangsimbahan.

Lando: Eh, kahit na. *Sumigaw yung fishball vendor*

Vendor: Hoy fishball kayo diyan! Piso dalawa!

Lando: Uy! Narinig mo yun? Piso dalawa? Mabubusog ka dito!

Elsa: Ay, salamat nalang pero sinabi ng magulang ko na iwasan


ko daw yan, delikado daw yan.

Lando: Pano to naging delikado? Eh parang inaaraw-araw ko na


yung pagkain ng fishball? At tignan mo naman katawan ko,
macho!

Elsa: Ulol! Sige na nga, patikim nga ko.


*Kumuha si Lando ng stick, at tumusok ng fishball, sinubo ito
kay Elsa*

Elsa: Hmmpphh! Ang sarap nga noh! Piso dalawa lang toh?

Lando: Oh, ikaw pa ang nagtaka, kala ko di ka mayaman?


Narrator: Biglang pinagtagpo ng tadhana, kislap ay mahiwaga,
Nagulat si Lando'y pera niya'y nawala na. Di rin niya alam
oras ang kanyang kalaban, ang binibining piniling ilibre ay
gusto ng lumiban.

*Naglalakad na sila pauwi, hinatid ni Lando si Elsa*

Lando: Uy! Bahay niyo yan?

Elsa: Oo, bakit?

Lando: Di nga?

Elsa: Bakit ayaw mo ba maniwala?

Lando: Grabe, ang laki naman, parang banyo niyo palang, bahay
ko na!

Elsa: Di naman. Wala naman yan sa laki bahay. nasa kasama mo


yan.

Lando: Ganun ba? Eh paran-.

*natigil sila ng nanay ni Elsa*

Nanay: Oh, nandito ka na pala, bat ginabi kana.

Elsa: Ay nay, nanakawan kasi ako kanina sa-

Nanay: Sino yan sa tabi mo?

Elsa: Nay si Land-

Nanay: Nako anak pumasok ka dito! Baka manakawan ka niyan!


Bilisan mo!

Elsa: *Nagabot ng calling card habang hinahatak ng nanay*


*pabulong* Tawagan mo ko*

Lando: *Kinuha niya yung calling card*


Nanay: Umalis ka dito hampas lupa! Rogelio paalisin mo to
dito!

Lando: *Tumakbo palayo*

*Patay ilaw*

*Nasa sarisariling bahay na sila Lando at Elsa; habang


nagsasalita ang narrator ay tila nag tetext silang dalawa*

Scene 2: Pagtanan nila Elsa at Lando

Narrator: At habang tumatagal sila'y tuluyang nabuwal sa init


ng pagmamahal na binigay ng maykapal. Kaya't si Lando ay di
nag-atubili na manligaw, ngunit mayroon palang problemang
nakadungaw.

*Kumakanta ng Simpleng tao*

*Si Lando ay natigil ng magulang ni Elsa*

Tatay: Anak, what is the meaning of this?

Nanay: Hindi ba't ikaw yung taong grasa noong nakaraan? Anong
ginagawa mo dito!? Pinaalis na kita ah?

Lando: Balak ko po sanang ligawan ang inyong-

Tatay: Anong ligaw? Anong ibig sabihin neto Elsa? Don't tell
me nahulog ka dito sa indiong to!

Nanay: Guards! Rogelio! Take this beggar out! *Wow english*

Lando: Elsa! Bitawan niyo ko! ELSAAA!! *Tuluyan siyang


nilabas*

Elsa: *Sinampal yung nanay*

Nanay: *Nabigla* Wha-what did you do that for!?

Tatay: *Hinawakan yung kamay ni Elsa* Stop this insolence!


Ano bang ginawa sayo ng hampas lupa na yan para magustuhan mo
siya?

Elsa: *Pumiglas sa kanya* Di niyo maiintindihan! Di naman


kayo sangayon na makipagkapwa tao sa tulad niyang dukha,
bakit ko pa ipapaliwanag!?
Nanay: *Umiiyak* Ginusto lang naman namin protektahan ka,
papaano kung pera lang ang habol sa atin?

Elsa: Hindi lahat ng tao ay katulad mo, inay *burn* na


nagpabuntis sa mayaman para umangat sa buhay!

Nanay: *Sinampal si Elsa, nagkasabunutan at nagkapalitan ng


salita*

*Piniglas ng tatay ang away sa bahay *

Tatay: Walang hiya ka! Pinalaki ka namin ng maayos, pinaaral


sa magandang eskwelahan tapos eto isusukli mo sa amin? Paano
kung delikadong tao yung Lando guy na yon!?

Elsa: Tay, isa siya sa patunay na di lahat ng dukha masama,


nung nanakawan ako siya pa mismo ang tumulong sakin, kahit na
alam niyang mayaman ako. Ginawa niya ang lahat para mapasaya
ako.

Tatay: What happened to you, Elsa? Di ka naman ganyan dati.


Di ka na lalabas ng bahay hanggang wala ako pahintulot! And
di mo na makakausap yung Lando na yun!

Elsa: Pero tay-

Tatay: Wala nang pero pero! Go to your room!

*Umalis si Elsa, luha sa kanyang mukha; kanyang magulang ay


umalis na rin*

Narrator: Ilang araw na lumipas, hindi na natiis, bilang na


ang araw ng kalungkutan at paghihinagpis, dahil di niya
kausap si Lando, na tuluyan niyang na-miss, kaya minabuti
nalang ni Elsa na umalis.

*Nagsimula ang scene ng patakas si Elsa sa kanyang bahay*

*Pumunta siya kay Lando*

*Kumatok siya*
Lando: Sandali lang!

Lando: *Binuksan yung pinto* Uy Elsa! *Nagyakapan silang


dalawa* Bakit ka nandito? Pinalayas ka ba ng magulang mo?

Elsa: Kabaliktaran nga eh, lumayas ako. Ayaw nila kong ilabas
ng walang pahintulot.

Lando: Edi wala ka naring babalikan?

Elsa: Di nila kayang magalit sakin ng matagal, pero hahanap


muna ko ng matitirahan.

Lando: Pwede ka naman dito muna tumira sa bahay ko, kung ayos
lang sayo.

Elsa: Sigurado ka? Di kasi ako sanay sa mga ganito.

Lando: Saan?

Elsa: Na manirahan sa ibang bahay.

Lando: Diba sabi mo, "Wala yan sa bahay, nasa kasama mo yan.

*Ngumiti si Elsa*

Lando: Oh, oo nga pala, gusto mo kumain? Libre ko!

Elsa: Wag na, ako naman.

Lando: Uy, salamat! Wala talaga kong pera ikaw talaga


pagbabayarin ko.

Elsa: Loko!

*2nd verse of Lando plays, while the background montage sa


panahon magkasama sila*

*Verse ends with the scene, attention diverts to Gregor, na


nangangalakal sa tabi*

*Scene Ends*
Scene 3: Gregor at and Lanseta

*Nasa gitna si Gregor*

Narrator: Ito si Gregor, anak ng mag-asawang hiwalay, mga


pangarap niya sa buhay magkasamang tinangay ng kanyang ama sa
pagalis papunta sa kanyang kabet dahil ang kanyang ina ay
nagdurusa sa sakit.

*Scene: nagaaway ang pamilya ni Gregor, ang kanyang ama na


paalis na kasama sa kanyang kabet*

Tatay: Hoy Gregor kunin mo nga yung mga damit ko diyan


isalansan mo sa maleta ko.

Gregor: Bakit tay saan kayo pupunta? Tapos sino yang kasama
niyo?

Tatay: Makulit kang bata ka! Ang rami mong tanong, kung
sinunod mo nalang sinabi ko edi natapos ka agad!

Nanay: Hoy *Pangalan ng Tatay* saan ka pupuntang hinayupak


ka?

Tatay: Kung saan malayo sayong leche ka!

Nanay: Abay hayup ka talaga ha, nagdala ka pa talaga ng kabet


mo dito! Di ka pwepwedeng umalis *Pangalan ng tatay* nangako
kang pananagutan mo kami ng anak mo!
Tatay: Puro nalang kayo pananagutan, puro kayo lamon! Wala na
nga kayong madulot na maganda, bubungangaan mo pa ko!

Kabet: Baby, kunin mo na maleta mo, iwanan mo na yang


palamunin mong asawa.

Nanay: Abay hayop kang babae ka! *Nagsabunutan, sampalan, you


name it*

Tatay: *Pinigil ang away at naitulak ang asawa niya sa sahig*

Nanay: *Naistroke sa impact*

Gregor: Tay! Anong ginawa mo kay inay!?

Tatay: Akin na yung maleta ko peste ka!

Gregor: *Kumapit sa tatay* Tay wag niyo kaming iwan tay!


*Naiyak*

Tatay: *Tinulak ang anak* Leche! Magsama-sama kayong mga


palamunin!
*Umalis ang tatay kasama ang kabet habang si Gregor nakahawak
sa kanyang ina humihingi ng tulong*

*scene ends*

*Naghahanap ng trabaho si Gregor*

Gregor: *Nagabot ng resume sa may ari ng restaurant* Eto po


sir

May-ari: *tinignan muna yung papel* Pasensiya na boi,


kailangan namin ng high-school graduate. *binalik yung papel*

Narrator: Di siya matanggap sa trabaho, kahit ano man


subukan, upang matulungan pamilya niya sa kahirapan. Siya'y
walang wastong pagaaral, hindi siya makaangal, wala ng ibang
paraan kundi ang mangalakal.

*Nangalakal si Gregor at binenta sa junkshop upang makabili


siya ng pangulam ng kanyang inay na may sakit*

Gregor: *Binuksan ang pinto* Nay?

Nanay: *Nakahiga sa higaan saan pa ba*


Gregor: Nay kain ka na, may dala akong pancit. *binuksan yung
pancit at isinubo sa nanay*

Gregor: Inom ka ng gamot aalis lang ako saglit, Didiskarte


lang ako para bukas meron ulit. Basta ipangako mo na
magpapagaling ka sayong sakit.

Narrator: Habang tumatagal lalo siyang nahihirapan, dahil sa


paupahan lamang sila naninirahan. Sa dami ng gastusin di
sapat ang onting danyos, dahil sa gamot ng kanyang ina
nauubos niya rin halos.

Landlord ni Gregor: Hoy Gregor, 5 buwan ka nang di nagbabayad


ha? Ayoko na ng paulit ulit mong rason.

Gregor: Pasensiya na po talaga, gipit po talaga kami eh.

Landlord: Ayan ka na naman eh, kung di kayo makakapagbayad,


edi umalis nalang kayo dito!

Gregor: Wag po muna! Ihahabol ko po lahat ng bayarin sa


susunod na buwan! *natataranta*

Landlord: Di mo na ko madadali sa palusot mo Gregor, umalis


na kayo dito kundi magpapatawag ako ng pulis!

Nanay ni Gregor: *Naistroke na malupet*

Gregor: Nay? Nay! Tulong! Tulong!!

Narrator: Hanggang sa lumala pa ang kanyang karamdaman,


tinanong niya ang Diyos kung anong kanyang kasalanan, bakit
siya nagdaranas ng gantong suliranin, doble ang balik ng
malas kahit sumikapin.

Nurse: Um-ok na po ang lagay niya, pero kailangan niya parin


po manatili dito. Bilin niyo nalang po yung nasa receta.

Gregor: Sige po.

*Lumapit si Gregor sa ina*

Gregor: Inay kain ka na may dala akong pancit, tapos inom ka


ng gamot alis lamang ako saglit. Didiskarte lang ako para
bukas meron ulit. Basta pangako mo magpapagaling ka sa ‘yong
sakit.
*End scene*

*Bumalik si Lando at Elsa sa gitna*

*Magkatawagan sila, nasa trabaho si Lando habang si Elsa ay


nasa bahay*

Lando: Elsa, napatawag ka ata?

Elsa: Oo, may gusto sana ako sabihin sayo.

Lando: Ano yun? Bakit? Ayos ka lang? Mayroon bang bumisita


diyan?

Elsa: Grabe naman pagaalala mo sakin, kaya maganda kang


maging tatay eh.

Lando: Huh? Anong ibig sabihin nun?

Elsa: Buntis ako Lando!

Lando: *Napatigil sa salita* *Sumigaw sa saya at tumalon*


Magiging ama na ko!

Elsa: Oo nga!

Lando: Sige sige, uuwi ako maaga, hintayin mo ko diyan sa


kanto, kakain tayo sa labas.

Elsa: Sige, Lando, ay saka pala.

Lando: Ano yun?

Elsa: Dalhan mo ko pasalubong kahit siopao lang.

Lando: Sige ba ako bahala, basta ikaw pati ang anak natin.

*Natigil ang paguusap*

*Habang nagtatawag si Lando ng pasahero, nadaan sa gitna si


Gregor*

Gregor: Ano ba toh! Wala akong ipon ngayong araw! Magbabayad


pa ko bayarin sa ospital, pati sa renta.

*Gabi na ng Huwebes*
Narrator: Isang gabi ng huwebes, lumubog na ang araw, doon na
niya naisipang mandukot at magnakaw, labag man sa loob niya
ay di na makatagal sa kakarampot na kusing sa trabahong
marangal.

*Naglalakad si Elsa, tinutukan siya ng patalim ni Gregor*

Gregor: Bigay mo pera mo kung ayaw mo masaktan!

Elsa: *Pumupumiglas* Tulong! Tulong!

Gregor: *Sinaksak niya si Elsa sa tagiliran*

*Kinuha niya yung pitaka at tumakbo*

*Dumaan si Lando*

Lando: Elsa? Elsa? *Nakita niya nakahandusay sa lapag*


*Pasigaw* Elsa!!

Lando: *Hawak hawak ang patay na katawan ni Elsa*

*Tumutugtog chorus ng Lando*


*Bumalik kay Gregor ang atensyon*

Gregor: Nurse!

Nurse: Bakit po?

Gregor: Nasan po yung babaeng nandito? Yung may stroke po?

Nurse: Kaano-ano niyo po siya sir?

Gregor: Anak niya po.

Nurse: Sir, I'm sorry to say na she passed away ngayong


hapon.

Gregor: Huh? Biro ba to? Di naman ikaw naka-assign dito ah?


Nasan yung ina ko!

Nurse: Sir nasa morgue na po siya. Sorry po talaga.

*Umalis yung nurse*

*Umiyak at sumigaw si Gregor*


*Tumugtog chorus ng Gregor*

Chorus: Sa dilim ako’y tinawag ngunit pinahamak ng akalang


liwanag
Bakit gan’to naging mahina ako
Masama man ang bagay, magandang hangarin labag man sa aking
damdamin
Bakit gan’to naging mahina ako
Hindi ko ‘to ginusto

Narrator: At doon nagtatapos ang istoryang puno ng


kapighatian, isang lalaking umasang may katuwang siyang
uuwian, isa nama'y umaasa ang ina'y mapagaling sa kamatayan.
Pareho ma'y nabaliw, sa problema nabaon, isa'y isinantabi ang
konsensya para sa kanyang obligasyon. Wala man napuntahan ang
hirap na kanilang dinala, naging aral naman sila para satin
na sulitin ang buhay, kahit walang kulay, dahil baka ito'y
biglaang mawala
At kung may baliw ka man nakita diyan sa daan, iyong tandaan,
lahat ng bagay may dahilan.

You might also like