PAMAGAT: BALIK SA LIWANAG
TEMA: DRAMA, PAGBABAGO, AT PAG-ASA
……………………………………………………………………………………………….................
SIMULA
TAGPO: ISANG BARONG-BARONG SA GILID NG RILES NG TREN. UMAGA. SI LANDO, ISANG
LASENGGO AT DATING MANGGAGAWA, AY NAGLALASING HABANG NAGKAKALAT NG MGA
BOTE SA SAHIG. SA SULOK, SI MILA, ANG KANYANG ASAWA, AY NAGLALABA NG DAMIT
HABANG UMIIYAK NANG TAHIMIK.
1. LANDO : (UMIINOM MULA SA BOTE NG ALAK) bakit ba lagi kang tahimik, mila? Hindi mo
2. Ba naririnig ang buhay natin? Walang kwenta! Walang direksyon!
3. MILA : (HININTO ANG PAG LALABA) hindi ako tahimik, lando. Napagod na akong mag
4. Magsalita. Napagod na akong mangarap.
5. LANDO : (TUMAWA NG MAPAIT) eh ano ngayon? Ganyan naman talaga tayo, diba?
6. Talo! Loser!
7. MILA : (MATAPANG NGUNIT MAY LUHA) hindi ako talo, lando. Pero ikaw, sinuko mo
8. na ang laban mo.
9. SFX: SIGAW NG BATA MULA SA LABAS NG BAHAY
10. NENE : (MASIGLA) papa, mama, may dumating na sulat para sa atin!
……………………………………………………………………………………………….................
GITNA
TAGPO: SA MALIIT NA LAMESA, BINABASA NI MILA ANG SULAT HABANG SI LANDO AY
TAHIMIK NA NAKIKINIG.
11. MILA : (BINABASA NANG MALAKAS) "ginoong rolando rivera, isa ka sa napiling
12. magbalik sa pagawaan bilang supervisor. dalhin lamang ang inyong aplikasyon
13. sa aming opisina."
14. LANDO : (GULAT) supervisor? para sa akin? paano—paano nangyari 'yan?
15. MILA : (MAY HALONG SAYA AT GALIT) alam mo bang habang nalulunod ka sa alak, ako
16. ang nagpasa ng aplikasyon mo? alam kong kaya mo, lando, pero hindi mo na
17. nakikita ang sarili mo!
18. LANDO : (NAKANGANGA, NANGINGINIG ANG BOSES) mila... nagawa mo 'yun para sa
19. akin?
20. MILA : (TUMANGO) oo, pero hindi ito para sa'yo lang. para ito sa atin, para kay nene.
21. SFX: PAGPATTER NG MGA PAA, TILA PAGSILAY NG BAGONG PAG-ASA
……………………………………………………………………………………………….................
WAKAS
TAGPO: ILANG BUWAN ANG NAKALIPAS. NASA OPISINA SI LANDO, SUOT ANG
UNIPORME NG SUPERVISOR. DUMALAW SI MILA AT SI NENE UPANG DALHAN SIYA NG
TANGHALIAN.
22. MILA : (MASAYANG BUMULONG HABANG INIAABOT ANG BAON) lando, tingnan mo ang sarili mo. ang
23. layo na ng narating mo.
23. LANDO : (NAKATINGIN SA PAMILYA, MAPAKUMBABA) hindi ko ito narating mag-isa. kung wala ka, mila,
24. hindi ko ito magagawa.
25. NENE : (NAKANGITI) papa, pwede na ulit tayong maglaro sa linggo?
26. LANDO : (YUMUKO SA ANAK, MAY HALONG SAYA AT PANGAKO) oo, anak. pangako, hindi ko na kayo
27. Pababayaan.
28. MSC: MASIGLANG TUNOG NG MAKINA SA PABRIKA, NAKA-FADE UNDER HABANG NAG-UUSAP
29. SFX: PAGYAKAP NG PAMILYA, TUNOG NG SIMULA NG UMAGA
KATAPUSAN.