You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Pamantasang Estado ng Isabela


Cauayan Kampus

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Title: Tayô‘Tay
Format: Drama
Language: English, Filipino
Audience: Students
Duration: 10 Minutes
Frequency: Every Sunday
Time: 3pm-4pm
Scripted by: Group 1
Cast: Agatha, 20 taong gulang, maluho, nag-aaral sa isang sikat na Unibersidad at
suwail na anak.
Danny, tatay ni Agatha, 76 taong gulang, basurero, mabuting ama at
single parent.
Erika, 18 taong gulang, mayaman at kaibigan ni Agatha.
Carrie, 18 taong gulang, mayaman at kaibigan ni Agatha.
Bubbles, 30 taong gulang, may-ari ng junk shop, mapagmalasakit

1. MUSIC: INTENSE BACKGROUND ESTABLISH FOR 5 SECONDS THEN FADE IN


2. SFX: LAKAD AT PAGBUKAS NG PINTO
3. AGATHA: (NAIIRITA) Meron na ba iyong pinabibili kong cellphone? ‘Di ba kailangan
4. ko na ngayon?
5. DANNY: (HAPONG-HAPO) Anak nandiyan sa ibabaw ng aparador mo.
6. SFX: MAGLALAKAD PAPUNTA SA APARADOR
7. AGATHA: (BUBUKSAN ANG SUPOT) (MAGAGALIT) Ano ‘to? Ito na iyon? Nag-iisa
8. niyo na nga lang akong anak di niyo pa mabigyan ng disenteng gadyet. Itay cellphone
9. lang! Cellphone lang!
10. DANNY: (HAPONG-HAPO) Pasensya ka na anak ayan lang nakayanan ko. Huwag
11. kang mag-alala bibilhin ko iyong gusto mo kapag bumuti na ang kalagayan ko.
12. AGATHA: (MAGAGALIT) Huwag kayong magdahilan! Ang sabihin niyo ‘di niyo talaga
13. kayang ibigay ang ipinabibili ko. Wala talaga kayong kwenta!
14. DANNY: (NAGMAMAKAAWANG SIGAW) Agatha… May ipagtatapat ako sa’yo.
15. (UUBO NANG MATAGAL)
16. SFX: NABASAG NA BASO
17. MUSIC: SAD INSTRUMENTAL
18. NARRATOR: Hanggang saan kayang tiisin ng ama ang pasakit na dulot ng anak?
19. Hanggang saan kayang igapang ng ama ang mga pangangailangan ng anak?
20. Hanggang saan kayang magsinungaling ng ama para maipakitang kaya niyang ibigay
21. ang lahat? Tunghayan natin ang kuwentong pinamagatang Tayô’Tay. Dito lang sa
22. nangungunang estasiyon ng radyo sa Pilipinas. Ito ang DZRB 960 kHz.
23. SFX: CHIME ESTABLISH FOR 3 SECONDS
24. ERIKA: Oyy Agatha, gusto mong sumama sa bar? We’re going to have fun there!
25. AGATHA: Yeah! Sure, G ako diyan.
26. ERIKA: Okay. See you later!
27. SFX: CROWD NOISE
28. CARRIE: Are you having fun girls?
29. ERIKA: Carrie, it seems like it’s her first time.
30. CARRIE: Hayaan mo na lang siya!
31. ERIKA: Agatha! Hinay-hinay lang, di ka mauubusan.
32. AGATHA: (LASING) Anoo ba? Mind your own business. I’m having fun. Okay?
33. CARRIE: OMG! Ihatid ka na namin Agatha. Lasing ka na. Nandiyan naman ang car
34. ko.
35. AGATHA: (LASING) Noooo! Hindi naman ako baldado. Kaya ko pang umuwi.
36. CARRIE AT ERIKA (DISAPPOINTED) Okay.
37. SFX: TILAOK NG MANOK
38. DANNY: (NAG-AALALA) Nasaan na naman kaya si Agatha? Mag-uumaga na.
39. SFX: NAGLALAKAD PAPASOK NG BAHAY
40. DANNY: (ALALANG-ALALA) Oh! Anak, bakit ngayon ka lang? Saan ka ba nagpunta?
41. AGATHA: (NAIINIS) Bakit ba ang dami niyong tanong ha?
42. DANNY: Nag-aalala lang naman ako, ano bang masama roon anak?
43. AGATHA: (NAGAGALIT) Masama ‘yung pinapakialaman mo ang buhay ko!
44. SFX: CHIME ESTABLISH FOR 3 SECONDS
45. CARRIE: Girls look! My dad gave me a new phone!
46. ERIKA: Wow! Good for you girl. Hmm. Sa Sunday ko pa makukuha ang phone na
47. ipinangako ni Daddy eh.
48. CARRIE: What about you Agatha? Your dad is planning to buy a phone like this, right?
49. Sakto, magagamit natin sa fieldtrip.
50. AGATHA: Ahhh. Ehhh! Yes, he will..
51. SFX: NAGLALAKAD AT BUBUKSAN ANG PINTO
52. AGATHA: Kailangan ko ng cellphone gagamitin ko sa field trip namin kailangan ko na
53. bukas.
54. DANNY: Sige anak, tiis ka na lang konte.
55. SFX: TINUTULAK ANG KARITON PAPUNTA SA JUNKSHOP
56. DANNY: Bubbles, nagbebenta ako ng kalakal.
57. BUBBLES: Oh, mang Danny mukhang nakarami ka ngayon a.
58. DANNY: (HAPONG-HAPO) Ahhh! Oo, may pinag-iipunan kasi ako.
59. BUBBLES: 10 kilo sa bakal, 14 kilo sa plastic, 16 kilo sa lata. Ito na po ang bayad mang
60. Danny. (IAABOT ANG PERA)
61. DANNY: Salamat, Bubbles!
62. BUBBLES: May problema ka po ba?
63. DANNY: May ipinabibili kasing cellphone si Agatha para sa fieldtrip nila pero kinapos
64. ako. (UUBO)
65. BUBBLES: Magkano pa ba ang kulang mang Danny?
66. DANNY: ‘wag na Bubbles, pagtatrabahuan ko na lang nakakahiya.
67. BUBBLES: Sige na po mang Danny, ‘wag ka nang mahiya. Parang ama na rin ang
68. turing ko sa’yo.
69. DANNY: Nakakahiya man Bubbles pero salamat. Tatanawin kong malaking utang na
70. loob ito sayo.
71. BUBBLES: Walang anuman mang Danny. Heto po, pandagdag at pambili niyo na rin
72. ng gamot.
73. DANNY: (UUBO) Salamat talaga Bubbles.
74. SFX: CHIME ESTABLISH FOR 3 SECONDS
75. DANNY: Miss magkano ang cellphone na iyan?
76. SALESLADY: 3,500 po, sir.
77. DANNY: (IPAPATONG ANG MGA PAPEL AT BARYANG PERA) Ito miss nabilang ko
78. na iyan.
79. SALESLADY: Sige po sir. Ito na po ‘yung cellphone.
80. SFX: MAGLALAKAD AT BUBUKSAN ANG PINTO
81. AGATHA: (NAIIRITA) Meron na ba iyong pinabibili kong cellphone? ‘Di ba kailangan
82. ko na ngayon?
83. DANNY: (HAPONG-HAPO) Anak nandiyan sa ibabaw ng aparador mo.
84. SFX: MAGLALAKAD PAPUNTA SA PINTO
85. AGATHA: (BUBUKSAN ANG SUPOT) (MAGAGALIT) Ano ‘to? Ito na iyon? Nag-iisa
86. niyo na nga lang akong anak ‘di niyo pa mabigyan ng disenteng gadyet. Itay cellphone
87. lang! Cellphone lang!
88. DANNY: (HAPONG-HAPO) Pasensya ka na anak ayan lang nakayanan ko. Huwag
89. kang mag-alala bibilhin ko iyong gusto mo kapag bumuti na ang kalagayan ko.
90. AGATHA: (MAGAGALIT) ‘wag kayong magdahilan! Ang sabihin niyo ‘di niyo talaga
91. kayang ibigay ang ipinabibili ko. Wala talaga kayong kwenta!
92. DANNY: (NAGMAMAKAAWANG SISIGAW) Agatha… May ipagtatapat ako sa’yo
93. (UUBO NANG MALAKAS)
94. SFX: NABASAG NA BASO
95. AGATHA: (KAKABAHAN, MANGINGINIG, SISIGAW)‘Tay! ‘Tay! Anong nangyayari
96. sa’yo? (UMIIYAK) Mga kapitbahay tulong!
97. SFX: AMBULANCE
98. AGATHA: (HUMAHAGULGOL SA IYAK) ‘Tay gumising ka ‘tay!
99. NURSE: Pasensya na po Ma’am pero di po kayo pwedeng pumasok.
100. AGATHA: (UMIIYAK AT BUMUBULONG) ‘Tay gumising ka!
101. SFX: (PAGBUKAS NG PINTO)
102. MUSIC: SAD INSTRUMENTAL
103. AGATHA: (NAG-AALALA AT NAGUGULUHAN) Doc, ano pong kalagayan ng itay ko?
104. Ano pong sakit niya? Malala po ba? Ano po?
105. DOKTOR: Nagkaroon ng stroke ang tatay mo. Paralisado ang kalahating katawan niya
106. kaya ‘di na siya makakalakad at makakausap nang mabuti.
107. AGATHA: (NAIIYAK) Paano po yun nangyari Doc?
108. DOKTOR: Hindi ba nasabi sa iyo ng ama mo? Ayon sa obserbasyon ko matagal na
109. ang sakit ng iyong ama at mas naging kumplikado ito dahil maaaring hindi siya
110. nagpapacheck-up.
111. AGATHA:(PATULOY SA PAG-IYAK)
112. SFX: CHIME ESTABLISH FOR 3 SECONDS
113. MUSIC: SAD INSTRUMENTAL
114. AGATHA: ‘Tay okay na po ba pakiramdam niyo?
115. DANNY: (NAKANGIWI) Ayos lang ako anak, anak pasensiya ka na ha hindi ko
116. naibigay ang mga pangangailangan mo (BIGLANG MAIIYAK)
117. AGATHA: (MALULUNGKOT AT MAIIYAK) ‘Tay ako po dapat ang humihingi ng tawad,
118. hindi ko po nakita kung paano kayo nagpapakahirap para sa’kin. Ginawa kong sentro
119. ang mga kaibigan at ang mga luho ko at pati kayo ay hindi ko na nabantayan.
120. Naghangad ako ng mga bagay na hindi ko naman kayang abutin. ‘Tay patawad.
121. SFX: CLOCK TICKING
122. SFX: TUNOG NG MGA KUBYERTOS
123. AGATHA: ‘Tay kain na ho tayo.
124. DANNY: Sige anak. Salamat hah.
125. AGATHA: (NAGSISI) Ako dapat ang magpasalamat sa inyo itay. Pagbubutihan ko na
126. po ang pag-aaral ko nang sa gayon ay makapagtapos ako’t makahanap ng trabaho
127. para maipagamot kayo. Ang mahalaga ay makapaglakad man lamang kayo kahit
128. papano ‘tay.
129. DANNY: (NAKANGIWI) Aaaa…naaaak! Lumaki ka na talaga, ikaw na lang ang
130. mayroon ako kaya gagawin ko lahat ng aking makakaya para lang mapasaya ka.
131. AGATHA: Salamat po ‘tay. Tama na po ang drama. Kain na po tayo.
132. SFX: FOREST
133. BUBBLES: (MASAYA) Aba! Aba! Tatlong taon na ang nakalilipas Agatha, nakikita ko
134. talaga ang pagbabago sa iyo.
135. AGATHA: Hindi naman ho tita gusto ko lang pong makabawi kay itay.
136. BUBBLES: Sige Agatha, natutuwa ako at narinig ko iyan mula sa iyo.
137. SFX: GRADUATION MARCH
138. AGATHA: (MASAYANG-MASAYA) ‘Tay! May diploma na ho ako!
139. DANNY: (MASAYANG-MASAYANG NAKANGIWI) Congrats anak. Salamat sa Diyos
140. at hindi niya tayo pinabayaan.
141. AGATHA: (MAIIYAK) Mahal na mahal ko po kayo.
142. DANNY: (NAKANGIWI) Proud na proud ako sa’yo Agatha. Mahal na mahal din kita.
143. SFX: CHIME ESTABLISH FOR 3 SECONDS
144. AGATHA: Pahinga po muna tayo. (PAUUPUIN NI AGATHA SI DANNY)
145. DANNY: (MASAYA) Parang kailan lang anak ang liit mo pa. Tuwang-tuwa kami ng
146. nanay mo na dumating ka sa buhay namin.
147. AGATHA: Oo nga po itay at hanggang ngayon hindi n’yo ako sinukuan.
148. DANNY: Anak kita at kailanman hindi kita susukuan.
149. AGATHA: (MAIIYAK) Hay! Tama na nga po ito. Tayo na po tayo tay para mabilis po
150. ang paggaling n’yo. Tayo ‘tay! Sige pa po! Konti nalang! (SOBRANG SAYA) Ayan!
151. Ayan! Hala ‘tay nakatatayo ka na ulit!!!!
152. DANNY: (MATUTUWA) Magaling na ako anak!
153. SFX: CHIME ESTABLISH FOR 3 SECONDS
154. SFX: CROWD NOISE ESTABLISH FOR 5 SECONDS THEN FADE OUT
155. CARRIE: Agatha, long time no see! Anyway, may trip to Hongkong nga pala kami.
156. Sama ka?
157. AGATHA: Sure, para makapag unwind naman ako. Pero hindi pa kasi kaya ng sahod
158. Ko
159. Don’t worry. Treat ka namin. Package for 3 kasi yun so, see you na lang sa airport ha.
160. SFX: PAGBUKAS NG PINTO
161. AGATHA: Tay? Tay? Nandito na po ako. Nakita ko nga po pala sina Carrie at Erika
162. At next week ay isasama nila ako sa HongKong
163. DANNY: Ganoon ba anak. Oh mag-iingat kayo doon ha?
164. AGATHA: Opo tay.
165. SFX: AIRPLANE THEN FADE OUT
166. SFX: PILOT SPEAKING
167. AGATHA: Carrie, what’s wrong?
168. CARRIE: (NAGPAPANIC) I think pababa ang movement nitong plane.
169. ERIKA: Are you sure?
170. AGATHA: Magka-crash na yataaa! Aaaaaaaaaaaah!
171. SFX: AIRPLANE CRASH ESTABLISH FOR 5 SECONDS
172. SFX: BUBUKAS ANG PINTO
173. MUSIC: INTENSE BACKGROUND
174. BUBBLES: Ohh, gising ka na pala, Agatha.
175. AGATHA: Oh Bubbles, buti napadalaw ka. Ilang araw na ba ako rito sa hospital?
176. BUBBLES: Tatlong taon at apat na buwan Agatha,iyan din ang palagi mong
177. itinatanong pagkatapos mong matulog nang matagal.
178. AGATHA: (NALILITO) Ha? Bakit? Paano?
179. BUBBLES: Nasa mental hospital ka Agatha.
180. AGATHA: (BALIW) Hahahaha. Siraulo ka pala Bubbles e. Nasaan ba si itay? Siya ang
181. gusto kong makausap!
182. BUBBLES: (GALIT) Ang itay mo ay patay na! Hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral!
183. Noong araw na inatake ang itay mo ay ang araw din ng pagkawala niya! Ikaw! Ikaw
184. ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito sa buhay niyo Agatha! Iyan ang
185. katotohanan! At dahil ‘di makayanan ng konsensya mo, ngayon, baliw ka na!
186. AGATHA: (MATATAWA NA MAIIYAK) Anong pinagsasabi mo Bubbles? Ikaw ang
187. baliw! Ikaw! Nasaan si itaaaaaay? Bubbles, ilabas mo ako rito! Ilabas mo ako!
188. BUBBLES: Hindi puwede! Bruha ka! Tumigil ka na sa mga imahinasiyon mo! Kung ‘di
189. lang dahil sa itay mo, ‘di na kita binibisita rito!
190. AGATHA: Hayuuuup ka Bubbles! Sabi na nga ba, ikaw talaga ang may kasalan ng
191. lahat ng ito! Papatayin kita!
192. BUBBLES: (HIHINGI NG TULONG) Ahhhhh. Agatha… Tumigil ka! Nurse? Nurse?
193. Paki-inject na lang yung gamot.
194. NURSE: Sige sir. Pakihawakan na lang po ‘yong kamay niya.
195. AGATHA: (NAGWAWALA) Huwag niyo akong hawakan!
196. BUBBLES: (GALIT) Agatha! Huminahon ka!
197. AGATHA: Huwaaaaaaaaaaag…..
198. MUSIC: SUSPENSE ESTABLISH FOR 3 SECONDS
199. EXTRO: Ano kayang mangyayari sa susunod na kabanata ng buhay ni Agatha
200. ngayong nalaman niyang imahinasyon niya lamang ang lahat? Gagaling pa kaya siya?
201. O tuluyan na siyang mababaliw? Pakasubaybayan sa mga susunod na tagpo ng
202. dramang pinamagatang Tayô’Tay. Abangan sa susunod na Linggo sa ganito ring oras.
203. Dito lang sa nangungunang estasiyon ng radyo sa Pilipinas. Ito ang DZRB 960 kHz.
204. MUSIC: HAPPY
###

You might also like