You are on page 1of 10

SCENE 1

Narrator: Sa lungsod ng Marawi, sa malawak at makulay na lugar


ng dakilang Pamantasan ng Mindanao kung saan
namumuhay ang iba’t ibang klase ng tao at napakaraming
estudyante, ay namamalagi ang mga diyosa na
nangangalaga sa kariktan nito. Pinamumunuan sila ng
Inang Kalikasan.

(Setting: golf, darating ang mga diyosa)


Diyosa Verona: Magandang araw, Diyosa Felice at Diyosa Melody.
Alam niyo ba kung bakit tayo ipinatawag ng Inang
Kalikasan?
Diyosa Felice: Hindi ko rin alam Diyosa Verona. Pero tignan mo oh,
lahat ng Diyosa ay dumating.
Diyosa Melody: Andun si Diyosa Persia, si Diyosa Cerise, si Diyosa
Reverie, at marami pa. Nakakatuwang makita na kompleto
tayo ngayon.
Boses: Magandang araw sa aking magaganda at magigiting na
Diyosa.
Lahat: Magandang araw Inang Kalikasan.
Boses: Batid ko ang inyong pagtataka kung bakit ipinatawag ko
kayo sa araw na ito. Aking napapansin na dahil nagbalik
na ang normal na pagsasagawa ng klase ay yumabong na
ulit ang mga tao rito sa dakilang Pamantasan ng
Mindanao. Ngunit dahil din rito ay nagbalik pati ang mga
iresponsableng estudyante na walang pakialam sa
kanilang kapaligiran. Dahil dito ay inaatasan ko ang bawat
isa sainyo na baguhin ang masamang pag uugali na ito ng
isang estudyante sa loob ng isang buwan. Kapag nagawa
niyo ito ay gagantimpalaan kayo ng Diyos na umakyat sa
kanyang kaharian at mamuhay sa Kanyang langit habang
buhay.
(lahat ay matutuwa, magpapalakpakan at nae excite)
Boses: Iyon lamang aking mga Diyosa. Sana ay magtagumpay
kayong lahat sa inyong misyon. Sa pagkakataong ito ay
mapupunta kayo sa estudyanteng naka atas para sa inyo.
Paalam.
(habang nagsasalita si Diyosa Felice ay isa isa nang nawawala ang
mga Diyosa)
Diyosa Felice: Naku, nakakatuwa naman iyon. Makakatulong na
tayo sa kapaligiran, may magandang gantimpala pa
tayong matatanggap. Diba Diyosa Verona?
(pagharap niya sa kanyang mga katabi ay wala na ang mga ito)
Diyosa Felice: Diyosa Melody? (naghahanap) Nawala na sila
kaagad? Pero bakit ako andito pa rin ako?
(maghahanap hanap si Diyosa Felice hanggang sa matamaan ito
ng basura. makikita niya ang isang babaeng nagmumuni
muni sa golf habang kumakain ng mga chichirya at
hinahagis lamang ang kanyang basura kahit saan)
Diyosa Felice: Ah, nandito pala ang estudyanteng naka atas sa
akin. Ang kalat pala talaga niya.
(mag aanyong estudyante si Diyosa Felice)
Felice: Hi, ako si Felice. Anong pangalan mo?
Yna: Uhm, hello? Ako si Yna? Bakit mo natanong?
Felice: Pwede mo bang pulutin ang mga basura mo?
Yna: Excuse me? Sino ka para utusan ako?
Felice: Mawalang galang lang pero napakalinis ng golf ng MSU at
ikaw lang sa lahat ng bumibista rito ang nakikita kong
nagkakalat ng ganito dito.
Yna: (mataray) Wala akong nakikitang problema sa ginagawa ko.
(tatayo) At isa pa, may mga janitor na pwedeng maglinis
ng kalat ko. Kaya please mind your own business and get
lost. (maglalakad palayo)
(titignan siya ni Felice habang naglalakad palayo)
Felice: Aba, napakamapagmataas ng estudyanteng naka atas sa
akin. Nakakainis. Pero kaya ko ‘to. Para kay Inang
Kalikasan kakayanin ko ’to. (pupulutin niya ang mga
basura ni Yna)

SCENE 2
(Setting: Classroom, nakaupo ang mga estudyante at andun si
Felice na nagpapanggap bilang estudyante)
Yna: Ano ba yan? Saan nanggagaling ang mabahong amoy?
Kaklase 1: May mga basura kasi sa likod. Hindi ko rin alam kung
bakit may nagtatapon jan eh may napakalaking sign na
nakasulat jan na bawal magtapon ng basura eh.
Yna: Yuck, ang baho baho. Gawain ng mga garbage collectors yan
tapos hindi man lang nila ma accomplish.
Kaklase 2: Hindi naman nila kasalanan yun. Kaya nga bawal tapunan
ng basura yang jan dahil hindi nadadaanan ng garbage
collectors yan kaya mahirap na makita nila. Kasalanan na
ng mga iresponsableng tao yan.
Yna: Whatever.
Felice: (inner voice) Pati sa ibang tao hindi na siya nahiya na ipakita
ang di kanais nais na pag uugali niya. Ayaw niya sa mabaho
pero ang ugali niya mismo napakabaho. (umiiling)

SCENE 3
Narrator: Sa loob ng ilang araw ay sinundan lamang ni Diyosa
Felice ang estudyanteng si Yna at nakita niya na kahit pa
may mga babala at paalala sa kanya na huwag magtapon
ng basura kahit saan ay tila hindi ito pinapansin at
isinasapuso ni Yna.
(Setting: Covered walk, makikita na nagwawalis ang janitor pero
itinapon lang ni Yna ang basura niya sa daan)
(Setting: Street foods na mga tindahan, may katabi na basurahan si
Yna pero itinapon pa rin ang basura kung saan saan)
(Setting: Sa klase, nagtuturo ang guro tungkol sa 3R’s pero
inaantok lamang si Yna)

SCENE 4
(Setting: Golf, magkikita kita si Diyosa Felice, Melody, at Verona)
Diyosa Melody: Diyosa Felice! Diyosa Verona! Kumusta kayo?
Diyosa Verona: Ito, natutuwa ako dahil nagbago na ang
estudyanteng naka atas sa akin. Pagkatapos ng isang
linggo ay baka matanggap ko na ang gantimpala ko!
Diyosa Melody: Talaga? Ako rin! Hindi na ako makapaghintay. Pero
sandali, Diyosa Felice? Bakit nakasimangot ka riyan? May
problema ba?
Diyosa Felice: Napakahirap baguhin ng pag uugali ng
estudyanteng naka atas sa akin. Napagtanto ko na hindi
siya kulang sa paalala at pangaral, sadyang mabaho lang
talaga ang kanyang pag uugali. Naku.
Diyosa Verona: Diyosa Felice, kayang kaya mo yan. Gamitin mo
ang angkin mong kapangyarihan.
Diyosa Melody: Tama si Diyosa Verona. Huwag mong sayangin ito.
Alam mo kung ano ang ibig naming sabihin diba?
Diyosa Felice: Sa tingin niyo panahon na para gamitin ko ito?
Diyosa Melody: Oo naman. Kung ganyan katigas ang ulo ng isang
tao, dapat lang na mabigyan siya ng leksyon.

SCENE 5
(Setting: Area around CNSM)
(naglalakad si Yna papunta sa kanyang next subject nang
banggain siya ni Felice kaya siya ay natumba)
Yna: Aray! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!
Felice: (tutulungang tumayo si Yna pero may ididikit ito sa kamay
nito)
Yna: Sandali. Ikaw nanaman? Paki alamerang babae? Wait, ano
tong dumi na nilagay mo sa kamay ko?
Felice: Simula ngayon magiging kasing baho ka na ng basura.
(magliliparan ang mga basura papunta kay Yna)
Yna: Aray! Ano ‘to? Anong nangayayari?! Baliw ka ba?
Mangkukulam?!
Felice: Hinding hindi mawawala ang mabaho sa iyo hangga’t hindi
ka natututong magtapon ng basura sa tamang lalagyan at
maging responsableng tao.
(patuloy na may mga basura na nagliliparan at dumidikit kay Yna)
Yna: (mapapaupo) Tulong! Tulong! (pipikit sa takot)
Narrator: Takot na takot si Yna kaya siya ay napapikit at napayakap
sa sarili. Ngunit pagdilat niya ay wala na si Felice sa
kanyang harapan pati na ang mga basura sa kanyang
katawan. Dahil sa labis na pagkagulat at pagtataka ay
tumakbo siya papalayo at itinuring na imahinasyon ang
nangyari. Ang hindi niya alam ay katotohanan ang lahat
ng sinabi ni Diyosa Felice.

SCENE 6
Narrator: Lumipas ang ilang araw at ipinagpatuloy pa rin ni Yna ang
kanyang iresponsableng pagtatapon ng basura kung saan
saan. Napapansin niya na sa tuwing ginagawa niyo iyon
ay bumabaho siya ngunit ipinagkibit balikat na lamang
niya iyon at nagkunwari sa sarili na wala siyang naaamoy.
Hanggang sa naging sobrang masangsang na ang
kanyang amoy na maging ang mga tao sa kanyang paligid
ay naaamoy ito.

(Setting: Classroom)
Kaklase 1: Ikaw kaya ang magsabi.
Kaklase 2: Ayoko nga baka magsungit ulit.
Yna: (haharapin sila) Ano ba kasi yun?! Nakakarindi yung mga
bulung bulungan ninyo, alam niyo ba?
Kaklase 1: Kasi, Yna, uhm..
Kaklase 3: Girl, real talk lang ha? Pero ang baho baho mo these
past days. (magsespray ng perfume) Medyo hindi na kasi
namin siya matolerate. I don’t mean to offend you pero
naliligo ka ba?
(magbubulung bulungan ang mga kaklase niya)
(magfaflashback kay Yna ang sinabi sakanya ni Felice sabay
magwawalk out siya sa klase)

SCENE 7
(Setting: Harap ng DB)
(Iiwanan ni Yna ang kanyang basura sa gilid)
Tao: Naamoy mo ba yung mabaho na naaamoy ko?
Yna: (macoconscious at aamuyin ang sarili, babalikan ang basura
at pupulutin)
Tao: Ayun nawala na ang mabahong amoy. Baka nasagip lang sa
hangin.
Yna: (inner voice) Totoo kaya ang sinabi ng paki alamerang
babaeng iyon? Na mawawala lamang ang mabahong amoy
ko kapag itinapon ko na ng maayos ang mga basura ko?

SCENE 8
(Setting: Sa Street food shops)
(Pagkatapos kumain ni Yna ay hindi niya ilalagay sa basurahan
ang kanyang basura)
Tao 1: Hmmp! Ang baho! May naamoy ba kayo?
Yna: (Nataranta si Yna kaya agad na itatapon ang kanyang basura
sa tamang lalagyan)
Tao 1: Ayun. Biglang nawala. Baka dahil lang sa napadaan na
garbage truck kanina.
Yna: (inner voice) Totoo nga ang sabi ng babaeng iyon! Pero
paano? Anong klase siyang tao? Engkanto kaya siya?
Nasaan na kaya siya ngayon?

SCENE 9
(Setting: Area around CNSM)
Yna: Engkanto? Mangkukulam? Nasan ka? Ano nga yung
pangalan mo? Charice? Verice? Kung sino at ano ka man,
gusto kong malaman mo na susubukan kong magbago. Kaya
sana mawala na ang sumpa ng pagiging mabaho na ibinigay
mo sa akin. Pangako yan.Naririnig mo ba ako?
(walang sasagot)
Yna: Bahala na kung nakikinig ka o hindi. Basta kaya ko ‘to.
Babaguhin ko na ang aking pagiging makalat na tao.

SCENE 10
Narrator: At tulad ng kanyang pangako, nagbago nga si Yna. Sa
una ay ginagawa lamang niya ang pagtatapon ng basura sa
tamang lagayan dahil ayaw niyang bumaho. Hanggang sa
nagtagal at nakasanayan na niyang gawin ito kahit hindi na
niya naiisip ang magiging kapalit nito.
(Setting: Classroom, muntik nang itapon ni Yna ang kanyang papel
kahit saan pero napatigil siya at itinapon niya sa kanyang
bag)
(Setting: Golf, Kumakain ng mga snacks si Yna at nang aalis na
siya ay inipon niya ang kanyang mga basura sa iisang
cellophane at dinala)
(Setting: Covered walk, may nakitang basura sa daan si Yna at
pinulot niya ito)

SCENE 11
(Setting: Area around CNSM)
Yna: (Naglalakad hanggang sa mabangga siya ni Felice pero hindi
siya matutumba)
Sabay: Naku, pasensya na/Sorry!
Yna: Ikaw? Sa wakas nakita na kita!
Felice: Yna, natutuwa ako sa pagbabagong nangyari sa iyo. Sa
loob ng isang buwan ay napakaganda ng transpormasyon mo
bilang isang estudyante ng dakilang Pamantasan ng
Mindanao. Maraming Salamat.
Yna: Ako ang dapat na magpasalamat sayo. Marami akong
natutunan sa ginawa mo sa akin. Sa una ay sadyang
natatakot lang ako na maging mabaho, pero habang nagtagal
ay narealize ko ang halaga at magandang dulot ng
pangangalaga sa paligid.
Felice: Sana ay ipagpatuloy mo ang kabutihang iyong ginagawa
para sa Inang Kalikasan at sana mas maraming tao pa ang
ma impluwensyahan mo. Dahil diyan ay makaka alis na ako.
Yna: Sandali! Ano ang iyong pangalan? At anong klase kang tao?
Felice: Ako si Diyosa Felice. Isa sa napakaraming Diyosa na
nangangalaga sa kapaligiran ng inyong paaralan.
Yna: Napakaganda ng iyong pangalan. Magkikita pa rin ba tayo
ulit?
Felice: Siguro. Sa ngayon ay tatanggapin ko muna ang aking
gantimpala mula sa Diyos at mauuna na ako sa kanyang
kaharian. Kung ipagpapatuloy mo ang iyong mga
magagandang gawain ay tiyak na magkikita tayo sa lugar na
iyon.
Yna: Pangako, sisikapin kong gawin ang tama at nararapat.
Paalam Diyosang Felice.
Felice: Paalam, Yna. (maglalakad palayo habang tinitignan ni Yna)
Narrator: At tulad ng ipinangako ng Inang Kalikasan, natanggap ni
Diyosa Felice ang kanyang gantimpala at si Yna ay naging
responsableng estudyante at tao na hindi kailanman
makakalimutan ang mga gintong aral na kanyang natutunan
sa kanyang karanasan.

You might also like