You are on page 1of 4

ANG KAHALAGAHAN NG PAGDADAMAYAN

Ang kuwentong aming itatanghal sa inyo ngayon ay patungkol sa isang lalaking estudyante na may
pagkamahinhin at nakakaranas ng bullying. Ipapakita sa kwento ang mga eksena sa bida ang
pagkakaroon ng makataon kilos.

Isang umaga narinig ang malakas na boses ng ina ni Ralphy. Talak nang talak si nanay.

1st scenario: Sa bahay (nag-aaway ang mag-ina)

Mama (Ashley): Anong oras na hindi ka pa babangon diyan!!! Humilata ka lang diyan hanggang sa
mabulok ka diyang bata ka!

Anak (Ralph L.): Ito na po babangon na.

Mama: Saan ka ba nanggaling kagabing bata ka? Kung saan-saan ka na naman nagagala. Ayusin mo yang
buhay mo kung ayaw mong abandonahin kita bilang anak.

Anak (Ralph L.): Ma, hindi naman po ako gumagawa ng katarantaduhan. Bakit niyo po ako inaakusahan
ng mga bagay na hindi ko naman ginawa?

Mama: Aba! Aba! Sumasagot-sagot ka na ngayon!!! Lumayas ka ditong bata ka nagdidilim ang paningin
ko sayo.

Anak (Ralph L.): (Nag walk-out) na may mabigay na mukha.

Sa labis na kalungkutang nadarama ni Ralphy ay pumasok siya sa eskwela na tila ba wala siyang ganang
mag-aral, siya ay distracted. (Ilang saglit pa ay may mga kaklase si Ralphy na mukang ku*

May mga kaklase si Ralphy na ubod ng pasaway. Kinuha nila ang gamit ni Ralphy at pinagtulungan ng
mga salbaheng kaklase si Ralphy. Binully nila ito.
2nd scenario – Sa paaralan

(Nakaupo na ang lahat, tahimik at nag susulat ang mga estudyante)

Ralph L: (Kinuha ang gamit ni Jonalyn)

Jonalyn: Sino ang kumuha ng gamit ko nito.

Ralph L: Ohh! Ito na ohh, nanghiram lng saglit yung tao.

(Nakaupo na ang lahat, tahimik at nagsusulat ang mga estudyante.)

Windelle: Kinuha ang gamit ni Ralph L nang walang paalam.

Ralph L: (Nagalit) Sino yung kumuha ng gamit ko? Pakiusap ibalik niyo na. Makita mo ba yong gamit ko?
Ikaw Nakita mo ba? Akin yan, Pakiusap ibalik mo na.

Windelle: Ohh! Ito na, nakakairita ang muka mong bakla ka.

Michelle: Hoy Windelle, tumahimik ka nga diyan.

Jonalyn: Oo nga Windelle, tumigil ka na wala namang ginagawang masama sayo si Ralphy ehh.

Ralph D: Tumahimik ka nga Jonalyn pandak, hindi ka naman kasali rito.

Michelle: Eh ano naman Ralph eh kaibigan naming itong inaapi niyo, alangan namang tatahimik lang
kami rito.
CONTINUATION

Ralph L: Hayaan niyo na sila, sanay naman na ako sa mga ganyan.

Windelle: Haha sanay daw, sige ga wahh bakla, bakla.

Ralph D: Bakla, bakla.

Jonalyn: Ayaw niyo talagang tumahimik , isusumbong ko talaga kayo kay maam.

Windelle: Edi magsumbong ka pandak, pandak.

Teacher: Anong kaguluhan ang nangyari dito? Bakit ingay-ingay niyo ehh mayroon akong ibiniling
Gawain sainyo? Ano tapos na ba kayo?

Michelle: Sina Ralph at Windelle po, gumagawa po sila ng kaguluhan, binubully po nila sina Jonalyn at
Ralphy.

Jonalyn: Totoo po iyan maam.

Teacher: Totoo bai yon Ralph, Windelle na binully niyo itong si Ralphy?

Windelle: Hindi po yan totoo maam.

Ralph D: Opo, dipo totoo, nag sisinungaling po sila, wala pong katotohanan ang mga sinasabi nila.

Teacher: Sabihin mo saakin Ralphy, anong ginawa nila sa iyo? Ano ang totoong nangyari?

Ralphy: Binubully po nila kami maam, sinasabihan ng mga hindi magagandang salita.

Teacher: Windelle, Ralph tara sa guidance office!

Teacher: Bakit niyo ginawa yun? Bakit niyo binubully yung mga kaklase niyo ehh wala naman silang
ginagawang masama sa inyo?

Ralph: Ehh ano po kasi maam….

Teacher: Kahit mangatarungan ka pa diyan ay mali talaga yung ginawa niyo.

Windelle: Sorry po talaga maam, hindi na po namin uulitin.

Ralph D: Opo maam, sorry po.

Teacher: Huwag kayo sa akin mag sorry, sa mga kaklase niyo dapat kayo mag sorry.

Ralph D and Windelle: Opo maam.

Sina Windelle at Ralph ay nagtungo kina Jonalyn at Ralphy para mag sorry.

W: Sorry Ralphy, Jonalyn, Michelle, sa ginawa namin kanina.

R: Oo nga, patawarin niyo na kami hindi nanamin uulitin, napagtanto na namin na mali ang aming
ginawa at nasaktan naming ang inyong damdamin.

Ralphy: Sige pinapatawad na namin kayo.


Ralphy: Salamat sa inyo ha dahil sa nandiyaan kayo, ipinagtanggol niyo ako, laban sa kanila.
Napakaswerte ko talaga na naging kaibigan ko kayo.

Michelle: Kami rin naman, maswerte saiyo.

Jonalyn: Oo nga, mahalaga ka saamin, kaibigan ka naming lahat at handa ka naming ipagtanggol kahit
malaking tao payan.

Michelle: Basta palagi lang kaming nandito para sa iyo. Dadamayan ka namin kapag ikaw ay malungkot,
sasamahan ka naming sa mga masasaya at malulunkot mong araw.

Sa kabilang banda, ang pagiging bully ay walang mabuting dulot sa isang tao kaya piliin rin nating paging
Mabuti sa mga taong nakapaligid sa atin, dahil hindi natin alam na sila ay may mabigat na
pinagdadaanan.

You might also like