Narrator: Noong unang panahon, ay may mag asawang naninirahan sa malayong
nayon na nagngangalang Rihanna R. Claveria at Manuel A. Claveria. May apat
silang anak na nagngangalang Janine R. Claveria, ang panganay Patricia R. Claveria, ang pangatlo April R. Claveria, ang pangalawa at Aliyah R. Claveria, ang bunso. Si Janine ang pinaka-panganay sa kanilang magkakapatid at siya din ang nagtratrabaho para sa kanilang pamilya para may magastos at may makain sila sa pangaraw-araw at para mapaaral din niya ang iba pa niyang mga kapatid dahil ang kaniyang ama na si Manuel ay kailangan pa ng pahinga dahil matanda na rin kasi ang kaniyang ama kaya siya nalang ang nagtaguyod mag-isa sa kanilang pamilya. Rihanna: (naghanda) Rihanna: Mahal, tawagin muna nga ang mga anak natin dahil kakain na tayo Manuel: Sige mahal(naglakad papunta sa kanilang mga anak) Manuel: Halina kayo mga anak dahil kakain na tayo. Mga anak: Opo, nandyan napo kami pa. (Kumain na ang lahat)… (Meanwhile)... Janine: (Biglang dumating galing trabaho) Janine: Ma, pa, nandito napo ako, mano po. Rihanna: Oh anak, nandito kana pala, halika kumain ka muna. Janine: Opo (Meanwhile)... Janine: Uhmm ma, pa, may sasabihin po pala ako sa inyo(biglang nalungkot at nervous) Rihanna/Manuel: Ano yun anak? Janine: Uhmm sorry po dahil nawalan na po kasi ako ng trabaho dahil napagbintangan po kasi ako na ako daw ang nagnakaw ng mga alahas don sa pinagtrabahuan ko. Rihanna/Manuel: (Nabigla at natahimik) Narrator: Biglang nalungkot at nanghinayang si Janine sa kaniyang mga sinabi dahil akala niya na galit ang kaniyang mga magulang nong sinabi nya na nawalan siya ng trabaho kaya umalis nalang siya sa hapag-kainan at naisipan na pumunta nalang sa kaniyang kwarto. Narrator: Kinaumagahan, umalis ng bahay si Janine ng hindi nagpapaalam sa kaniyang mga magulang dahil mag-aaplay daw siya ng trabaho ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kahit ni isa ay walang tumanggap sa kaniya, dahil sa kalungkutan, ay naisipan niyang pumunta sa bar at maglasing nalang. Fast forward(Kinaumagahan)... Janine: (umalis ng bahay ng hindi nag paalam) Rihanna: Mahal, nakita mo ba yung anak natin na si Janine?nawawala kasi siya eh Manuel: Hindi ko siya nakita mahal eh. Rihanna: San kaya nagpunta ang batang yun tsk. Manuel: Tanungin mo yung ibang mga anak natin kung nakita ba nila yung ate nila. Rihanna : Sige (naglakad patungo sa kanyang mga anak) Rihanna: Mga anak nakita nyo ba yung ate nyo? Mga anak: Hindi po ma eh. Rihanna : Ah sige, bilisan nyo nalang dyan dahil baka ma-late na kayo sa inyong mga klase. Mga anak: Malapit napo (Hinatid na nila ang kanilang mga anak sa paaralan) (Kinahapunan) Narrator: Hapon na at wala parin si Janine kaya nag-alala na ang kaniyang mga magulang hanggang sa dumating na sina Patricia, April, st Aliyah galing sa paaralan. Mga anak: Ma, pa, nandito napo kami (nagmano) Rihanna: Halina kayo mga anak, kain na tayo Manuel: Teka, wala parin ba si Janine? Rihanna/Mga anak: Wala pa Narrator: Gabi ng nakauwi si Janine sa kanilang bahay hanggang sa... Fast forward (night)... Janine: (umuwing lasing) Manuel: San ka galing at ba't ngayon kalang? oras pa ba to ng uwi ng isang matinong babae??!! Janine: (tahimik) Rihanna: Oo nga at tsaka ba't amoy alak ka ha?!! Janine: Wala kang pakialam(sumigaw) Rihanna: (sinampal si Janine) Manuel: Bastos kang bata ka!, nagagawa munang sigawan yung mama mo ngayon! Janine: (Pumasok sa kwarto habang umiiyak) (Fast forward) Rihanna: (Kumatok sa pintuan ni Janine) Rihanna: (Anak buksan mo yung pinto, pag-usapan naman natin to ng maayos oh, nandito naman kami palagi ng papa mo na handang makinig sa mga problema at mga hinanakit mo kaya pakiusap anak, buksan mo na yung pinto. Janine: (Binuksan yung pinto) Janine: (Umiyak at niyakap ang mama at papa) Rihanna: Ano ba ang problema mo anak at ba't ka uminom at naglasing? Janine: Eh kasi naman ma, pa, nawalan nanga ako ng trabaho tas wala pang tumanggap sa akin kanina sa pag hahanap ko ng trabaho. Manuel: Okay lang yan anak, basta magtiwala ka lang sa sarili mo na may tatanggap din sayo at makakahanap ka rin ng bagong trabaho. Sorry nga pala sa inyo anak ha dahil hindi ko nagawa ang responsibilidad ko bilang ama mo at ng mga kapatid mo, at tiyaka ako nga dapat ang magtratrabaho eh at hindi ikaw. Janine: Okay lang po yun pa, kaya ko pa naman eh at tiyaka kakayanin ko pa po para lang po sa inyo ni mama at sa mga kapatid ko. Rihanna: Tama ang papa mo anak, at tiyaka wag kang basta bastang susuko dahil hindi naman mabilis na sumuko ang ating pamilya diba? Janine: Opo, maraming salamat po talaga sa inyo ma, pa, mahal na mahal na mahal ko po kayo. Rihanna: Mahal na mahal na mahal ka din namin ng papa at mga kapatid mo anak. Basta lagi mong tatandaan ha na walang susuko sa atin sa kung ano mang mga problema at mga hamon na ating kinakaharap o haharapin. Manuel: Tama ang mama mo anak, dahil ang isang pamilya ay dapat nagkakaisa, nagmamahalan, at higit sa lahat, nagkakaintindihan. Rihanna:Tama, kaya dapat magpakatatag tayo at hinding hindi susuko sa kung ano mang mga pagsubok na darating o dadating sa ating buhay at sa ating pamilya. Janine: Salamat po sa mga payo nyo, hinding hindi ko po ito makakalimutan at gagawin ko po ito kasama kayo na aking mga pamilya Rihanna/ Manuel: Walang anuman anak Rihanna, Manuel/Janine: (nagyakapan sa isa't isa) Mga anak: Pwede po bang sumali sa inyo? Rihanna/Manuel: Oo naman mga anak Janine: Syempre naman mga kapatid ko Family Claveria:(nagyakapan) Narrator: Mula noon, ang kanilang pamilya ay mas naging matibay at matatag pa at nangakong walang susuko sa ano mang mga pagsubok o hamon na haharapin or darating sa kanilang buhay o sa kanilang pamilya.