You are on page 1of 2

Topic: Pagmamalasakit sa kapwa

Narrator:

Sa isang paaralan ng barangay Lourdes, nag-aaral ang magkaibigan na sina Mark Anthony, John Lloyd,

Iness at Rowena. Silang apat ay maituturing na ipinagmamalaki ng paaralan dahil sa taglay na katalinuhan at higit

sa lahat dahil sa kabutihan ng kanilang puso.

Habang naglalakad sina Mark Anthony, John Lloyd, Iness at Rowena patungo sa kanilang tambayan,

nakasalubong nila ang kanilang dating kaklase na si Rhealine na tila nanghihina. Dali-dali nila itong nilapitan at

kinausap.

Mark Anthony: Rowena, okey ka lang ba?

Rhealine: Naghihina yata ako

Iness: Ano bang nangyari sayo?

John Lloyd: Teka! Parang hindi ka pa kumain nang tanghalian ah?

Rhealine: Wala kasi akong baon na pera tapos naiwan ko pa ang baon ko sa bahay

Rowena: May tinapay pa akong natira oh! Kainin mo tuh para naman magkalaman iyang tiyan mo.

Mark Anthony: May biscuit rin ako rito oh! Pandagdag

Rhealine: Salamat Rowena, Mark Anthony at sa inyo rin Iness at John Lloyd

Mark Anthony, John Lloyd, Iness at Rowena: Walang ano man!

Iness: Ang mabuti pa ay dalhin ka nalang namin sa klinik ng paaralan natin

Jhon Lloyd: Oo nga, parang makakaroon ka pa ng lagnat

Narrator:

At dali-dali nilang dinala si Rhealine sa Klinika ng kanilang paaralan. Pagkarating nila doon, mabilis silang

sinalubong ng nurse na si Caitlen.

Caitlen: Anong nangyari kay Rhealine?

Iness: May lagnat po siya Nurse Caitlen, nalipasan po kasi siya ng gutom
Caitlen: Ganun ba? Sige dito niyo nalang siya eh higa at nang matignan ko ang kalagayan niya

Narrator:

At mabilis nilang hiniga si Rhealine sa higaan na hinanda ni Nurse Caitlen. Nang maihiga na ito mabilis na

inasikaso ito ng nurse. Ang apat na magkaibigan ay nanatiling nakatayo at hinintay ang resulta sa kalagayan ng

dating kaklase.

Iness: Okey na po ba siya Nurse?

Caitlen: Oo, ang mabuti pa ay umuwi na kayo. Tatawagan ko na lamang ang magulang ni Rhealine para ipaalam

ang kalagayan niya.

Mark Anthony: Sige Nurse!

Narrator:

At mabilis na umalis ang apat sa kadahilanan na baka hinahanap na sila nang kanilang mga magulang.

Nang palabas na sila ng ka nilang paaralan. Nakita nila ang pulubi na si Darwin. Nilapitan nila ito at inabutan ng

ilang kapiraso ng damit, natirang pagkain at natira rin nilang barya.

Darwin: Maraming salamat sa inyo! Kay buti niyo talagang bata! Naway pagpalain kayo ng diyos dahil sa inyong

kabutihang taglay

Iness: Walang anuman Mang Darwin! Aalis na po kami

Darwin: Mag-iingat kayo sa daan

Narrator:

At umuwi ang magkaibigan na may ngiti sa kanilang mga labi. Dahil para sa kanila wala nang maisasaya pa

ang pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa.

You might also like