You are on page 1of 14

Layunin:

Naiisa-isa
ang mga gawain na
makatutulong sa pangangalaga ng
iba pang kasapi ng pamilya.
Itanong:
1.Sino ang nakita ninyo sa larawan?
2.Sino-sino sa inyo ang may kasapi ng pamilya na
nangangailangan ng pag-aaruga?
3.Kung ikaw ay may matanda na kasapi ng iyong pamilya,
sapat ba ang kaalaman mo upang maalagaan mo siya
ng wasto?
Si Lola Leoncia
Ang mag-asawang sina Mang Lito at Aling Lita ay
biniyayaan ng tatlong anak na babae. Sina Lala, Lirio, at
Lina. Ang panganay nila na si Lala ay may asawa, at may
isang anak, na si Lans, walong buwan gulang pa lamang.
Sama-sama silang nakatira sa isang bahay kasama ang
nanay ni Aling Lita na si Aling Leoncia, 75 taong gulang.
Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mag-anak.
Masaya ang mag-anak sa piling ng isa’t isa.
Nagtutulungan, nag-uunawaan, nagbibigayan,
naggagalangan, at nagpaparaya ang bawat isa kung
kinakailangan.
Isang araw, sa hindi inaasahang pangyayari
inatake sa puso si Aling Leoncia na naging dahilan
ng pagkaparalisa ng kalahati ng kaniyang katawan.
Naging alagain si Aling Leoncia at
nangangailangan ng matinding pag-aalaga ng
bawat kasapi ng pamilya.
Kinakailangan ding maghanap ng trabaho si Lala,
upang may panustos sa gatas ng kaniyang anak.
Kung kaya’t naging problema ni Aling Lita ang pag-
aalaga kay Aling Leoncia at kay Lans, ang anak ni
Lala
Nalaman ni Lirio at Lina ang problema ng kanilang
ina. Nagprisinta ang dalawang bata na sila na ang
mag-aalaga kay Aling Leoncia at kay Lans dahil
natutunan na nila sa paaralan ang pag-aalaga sa
matatanda, pag-aalaga sa maysakit, pag-aalaga
sa sanggol, at nakababatang kapatid. Kung kaya’t
natuwa si Aling Lita at si Lala.
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Batay sa kwento, sino-sino ang
nangangailangan ng pag-aalaga ng mga
kasapi ng pamilya?
3. Paano kaya ang gagawing pag-aalaga nila
Lirio at Lina kay Leoncia at kay Lans?
WASTONG PARAAN NG PAG AALAGA SA MATANDA
Panatilihing malinis at maaliwalas ang silid.
• Panatilihin ding malinis ang kaniyang mga
kagamitan tulad ng mga gamit sa pagkain
(baso, pinggan, atbp.) Hugasan agad ang mga
ito pagkatapos kumain.
• Iabot sa kaniya nang may pag-iingat at
paggalang ang lahat at ang mga pangunahin
niyang pangangailangan.
• Kung hindi na kayang maglinis ng katawan
ang matanda; punasan siya ng maaligamgam
na tubig araw-araw o paliguan kung hindi
makakasama sa kaniyang kalalagayan
• Pagsuutin siya ng maginhawang damit-
pambahay.
• Hainan siya ng pagkain sa kaniyang silid kung
hindi na niya kayang pumunta sa hapag-kainan
• Pakinggan siya kapag nagkukuwento.
• Kausapin nang madalas ang matanda,
upang maramdaman niyang mahalaga pa rin
siya.
• Maaaring ipasyal ang matanda paminsan-
minsan upang makalanghap ng sariwang
hangin.
• Dalawin sa kaniyang silid nang madalas kung
hindi na niya kayang lumabas.
Itala ang wastong paraan sa Pag-aalaga sa
Matatanda.
Wastong Paraan sa Pag-
aalaga sa Matatanda
1.Silid-tulugan 
2.Mga kagamitan 
3.Pagpapakain 
4.Pagpapaligo/Paglilinis ng 
Katawan
5.Pagpapainom ng Gamot 
TANDAAN NATIN!
Ang pagsunod sa wastong pag-
aalaga ng matatanda ay
nagdudulot ng kaginhawahan sa
tagapag-alaga, gayon din sa
mga kasapi ng mag-anak.
Isulat ang NK kung ang sumusunod ay
pagpapakita ng pagtulong sa pag-aalaga sa
matatanda at DK kung hindi.
________1.Pinanatili kong malinis at maayos ang
silid-tulugan ng aking lolo o lola.
________2. Kinakausap ko nang madalas ang aking
lolo o lola upang maramdaman nilang mahalaga
pa rin sila.
_______3. Hindi ko agad sila pinapansin kapag
ako ay inuutusan.
_______4. Hinuhugasan ko agad ang kanilang
mga gamit sa pagkain pagkatpos kumain.
_______5.Pinakikinggan ko siya habang
nagkukuwento.

You might also like