You are on page 1of 31

GRADE ONE

AGILA
October 29, 2021
Mahal mo ba ang mga kasapi ng
iyong pamilya? Ano ang mga kilos at
Gawain ang paraan mo upang
masabi o maipakita na mahalaga
sila saiyo?
Tignan ang mga larawan.
SUBUKIN
: Basahin ang mga nakasaad sa ibaba. Lagyan ng kung
ito ay kilos o gawain na nagpapakita ng pagmamahal at
pagmamalasakit sa ka-pamilya. Lagyan naman ng
kung hindi.

________1. Pagtulong sa nanay sa paghuhugas ng plato.

________2. Paglayo sa kapatid na may sakit.

________3. Paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap.


Mahalaga ang pagmamahal at
pagmamalasakit. Ang mga ito
ay nagpapatibay sa ugnayan ng
bawat isa. Mahalagang
maipadama o maipakita mo ang
mga ito sa kanila.
Ang Pagmamalasakitan sa Pamilya
Ang mag-asawang Manny at Annie Cruz ay biniyayaan ng
dalawang anak. Si Sofie ang panganay at si John naman
ang bunso.
Marami ang natutuwa sa dalawang bata. Lumaki silang
mababait. Maalalahanin at matulungin din sila
Isang araw nagkasakit ang kanilang nanay. Sa halip na
lumabas upang makipaglaro, nanatili sila sa loob ng
bahay.
Sa oras ng meryenda ipinaghanda ni Sofie ng
tinapay at juice si Aling Annie.
Pinainom nya ang ina ng gamot pagkatapos kumain.
Tinawagan din niya ang kanilang tatay upang ipaalam na
maysakit ang kanilang nanay.
Habang wala pa si Mang Manny ay inalagaan din ni
Sofie ang kanyang nakababatang kapatid. Tahimik na
naglalaro ang magkapatid habang nagpapahinga an g
kanilang ina.
Ilang oras pa ang lumipas ay dumating na rin ang
kanilang tatay. Masaya ito sa ipinakitang
pagmamalasakit ng magkaptid.
Kinabukasan, magaling na si Aleng Annie. Sama-sama
silang nagdasal upang magpasalamat sa Diyos.
Namasyal din sila matapos magsimba.
Tanong:

1. Sino-sino ang kasapi ng Pamilya Cruz?

2. Ano ang nangyari kay Aleng Annie?

3. Anong kilos o gawain sa kwento ang


nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit?

4. Kung ikaw si Sofie gagawin mo din ba ang


ginawa nya? Bakit?
Mga Gawain na nagpapakita ng
pagmamalasakit at pagmamahal sa pamilya

Pagsunod sa utos o pakiusap


Mga Gawain na nagpapakita ng
pagmamalasakit at pagmamahal sa pamilya

Pag-aasikaso sa may
sakit
Mga Gawain na nagpapakita ng
pagmamalasakit at pagmamahal sa pamilya

Pagyakap sa miyembro ng
pamilya
Mga Gawain na nagpapakita ng
pagmamalasakit at pagmamahal sa pamilya

Pagbabantay sa bunsong kapatid habang may ginagawa ang


nanay.
Mga Gawain na nagpapakita ng
pagmamalasakit at pagmamahal sa pamilya

Pag-alalay sa mga
nakakatanda
TANDAA
N: Laging tatandaan ang wastong
kilos at gawain na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa bawat kasapi ng
pamilya. Mahalagang maipakita o
maipadama ng batang tulad mo na
mahal mo sila. Ang simpleng gawain ng
pagsunod at pagtulong ay palatandaan
na isa kang mabuting bata.
Gawain 1:
Panuto: Kulayan ang puso ng pula kung tama ang ginagawa
ng bata sa mga sitwasyon at itim naman kung mali.

1. Kaarawan ng nanay. Maagang


gumising si Nita. Hinalikan niya at
binati ang nanay.
Gawain 1:
Panuto: Kulayan ang puso ng pula kung tama ang ginagawa
ng bata sa mga sitwasyon at itim naman kung mali.

2. Masayang magkwento si Dan. Iyon


ang kaniyang katangian. Pagkagaling
niya sa paaalan ay ugali na niyang
magkwento sa kaniyang lola tungkol sa
mga ginawa niya sa paaralan.
Gawain 1:
Panuto: Kulayan ang puso ng pula kung tama ang ginagawa
ng bata sa mga sitwasyon at itim naman kung mali.

3. May ginagawa ang tatay sa bakuran.


Tinawag niya si Nilo. Ipinaabot niya
ang pandakot. Hindi kumilos si Nilo at
nagkunwari na hindi narinig ang utos
ng kaniyang tatay.
Gawain 1:
Panuto: Kulayan ang puso ng pula kung tama ang ginagawa
ng bata sa mga sitwasyon at itim naman kung mali.

4. Habang naglalaba ang nanay,


inaalagaan naman ni Rica ang kaniyang
batang kapatid. Kinakantahan niya ito
para makatulog.
Gawain 1:
Panuto: Kulayan ang puso ng pula kung tama ang ginagawa
ng bata sa mga sitwasyon at itim naman kung mali.

5. Sinigawan ni Allen ang bunsong


kapatid sapagkat hindi ito sumunod sa
kAniya.

You might also like