You are on page 1of 4

Si Maam

Adaptasyon mula sa isang Video ni Rosie Nanz Tauhan: Rey Carlos- isang mag-aaral Mrs. Perlita Santos- isang guro sa isang pampublikong paaralan Ace- anak ni Gng. Santos may cerebral palsy Angela- kaklase ni Rey Carlos Jonathan- kaklase Julie- kaklase Mga mag-aaral Tagpuan: Umaga. Sa isang tipikal na pampublikong paaralan. May mga silyang kahoy may mga mangilan-ngilang sira na. May isang lalaking pormal ang kasuotan at iginagagala ang kanyang tingin sa loob ng silidaralan. Malalim ang iniisip. Kakausapin ang audience) REY: A teacher effects eternitykasabihan lang yunkasabihan na pinatunayan ng panahon at kasaysayansa dinami-dami ba naman ng mga propesyon----doktor, abogado, engineer, nurse o maging isang simpleng driver, magtataho, vendor at ibalahat yun dumaan sa isang guro. Hindi ko na matandaan kung ilang ang mga naging guro kopero merong isang tumatak sa isip koYung Chemistry teacher koSi Maam Perlita Santos. Dito sa eksaktong silid na itoSino bang makakalimot sa kanya? Tinalo pa niya si Ms. Tapia ng Iskul Bukol sa pagka-terror! (Bababa ang telon) (Tataas ang telon.Parehong tagpuan.May mga estudyante sa loob ng silid na nag-aantay ng kanilang guro. May isang umpukan ng mga mag-aaral sa may lamesa ng guro malapit sa blackboard. May ilan din sa labas ng pinto) ANGELA: Pambihira yung test nung isang araw kay Maam Santos! Parang ayaw ipasagot! JULIE: Talagang mahirap! May parusa bang madali? JONATHAN: Ito naman kasi si Rey ehayaw pang magpakalbo! (sabay tawa) (Nagtawanan ang lahat) 1

REY: (Tumayo mula sa pagkakasalampak sa silya. Sabay hagod ng kamay sa kanyang buhok na nakataas) Teka bat nadamay na naman ako dyan? ANGELA: Ikaw naman talaga dahilan bakit tayo nagkaroon ng surprise test sa Chemistry eh REY: Palagi naman mainit ang ulo ni Maam! JONATHAN: Kunsabagay, tama si Rey. Minsan nga pag nakikita ko si Maam na nagagalit parang nakakakita ako ng buwaya! (aarteng parang buwaya na mananakmal) ArrrrrrhArrrrrrrrrrrh (sabay takbo palabas ng silid) (Tawanan ang lahat) REY: Naalala nyo ba last week binato ni Maam ng eraser si Guerrero? Hahahahamabuti at dumaplis! (nagmumuwestra ng pag-ilag) ANGELA: Mainitin ang ulokasi maagang nabiyudatsk, tsk, tsk REY: Minsan naman parang praningnakatulala? (mumuwestra ng nakatanga at sabay kindat) (Tawanan ang lahat) JULIE: Huwag nga kayong ganyanmabait kaya si Maam Perlita Santosnabiyuda man siya o hindi, kahit naman sino mapupundi kung kayo ang estudyante REY: Uy Julie baka nakalimutan mo, yung ginawa sayo ni Maam? (Tawanan ang lahat) REY: (Hahawak sa baywang at aastang si Mrs. Santos) Carlos wala ba kayong suklay? (Dadako ng tingin kay Julie) Julie dalawa ang plantsa namin sa bahay! Ipahiram ko ang isa saiyo! (Tawanan ang lahat maliban kay Julie) JULIE: Sobra kayo! Concern lang si Maam Santos sa akin. Tama naman siya Panget sa isang estudyante ang gusot na uniporme REY: Anong concern dun? Eh namamahiya nga! (Biglang papasok si Jonathan. Humahangos) JONATHAN: Si Maam! Si Maam! Si Maam! (nagmamadaling umupo sa silya) (Nagkagulo ang lahat. Papasok ang guro. Humahangos. Tumingin sa kanyang wristwatch) MRS. SANTOS: Class get crosswiseYou will have a surprise quiz about yesterdays lesson (Lilibot ng tingin) Angela, kindly check the attendance for me (Titingin sa kinaroroonan ni Angela) Okay class,

number your paper from 1 to 10 (Titigil sandali) number one What is the chemical symbol of Uranium? (Walang imik ang lahat. Abala sa susunod na sasabihin ni Mrs. Santos. Maliban kay Rey na bubulong sa katabi) REY: Pakopya! ANGELA: Ayoko nga! MRS. SANTOS: Silence! Number two chemical symbol of Helium? REY: (Magtataas ng kamay.Tatayo at lalapit sa guro) Maam may I go out? MRS. SANTOS: (Nanlalaki ang mga mata) Carlos dapat bago pa magsimula ang klase ginawa mo na iyan you have a quiz! REY: Naiihi na po ako, di ko nap o kaya pigilan (kakamot ng ulo) MRS. SANTOS: Okay. You may get out. REY: Thank you, Maam. (Lalabas ng silid si Rey. Darating ang isang mag-aaral, yukung-yuko na papasok at uupo sa silya.Makikita ng guro) MRS. SANTOS: Class, I was 5 minutes late. May tumalo pa sa akin! MAG-AARAL: Sorry Maam, Im late MRS. SANTOS: Just dont do it again! Number threeWhat is the. (Papasok si Rey mapapatid sa pagmamadali. Lalagpak sa harap) REY: Maam sandal lang po! Aray! (Mapapalingon ang lahat. Magbubungisngisan) MRS. SANTOS: (Pasigaw) OMG Carlos! Silence everyone! Sileeeeeeence! REY: (Tatayo at uupo sa silya) Sorry po Maam MRS. SANTOS: You will stay after class! (Bababa ang telon) (Tataas ang Telon) Tagpuan: Sa silid-aralan pa din. Wala ng mga mag-aaral. Makikita sa Mrs. Santos at Rey sa harap. 3

MRS. SANTOS: (Matamlay) Carlos I want you to go with me REY: Saan po Maam? MRS. SANTOS: Sa bahay namin (Bababa ang telon) (Tataas ang telon) Tagpuan: Sa isang maliit ngunit maaaliwalas na bahay. Sa pagpasok ng pinto ay makikita ang mga monoblock na upuan at mesa. May kutson sa sala. May nakahiga, isang binatilyo. Hindi gumagalaw ngunit makikita ang hindi normal na anyo nito.) REY: (Gulat na napapatitig sa binatilyong nakahiga sa kutson) MRS. SANTOS: Carlos siya si Ace ang anak komay cerebral palsylahat ng kailangan niya nakadepende sa akinHindi niya kaya ang sarili niya (mapapayuko at hihikbi) Hindi na matutupad kailanman ang mga pangarap ko para sa anak koPero sa inyong mga estudyante kona hinuhubog ko (Hahawak sa ulo ni Rey) Pwede mo bang tuparin para sa akin? REY: (Tulala pa din at hindi alam ang sasabihin. Tila naumid sa kanyang natuklasan. At mapapayuko din) (Bababa ang telon) (Tataas ang telon. Sa silid-aralan, nasa gitna si Rey nakaupo at nakayuko) REY: (Mapapatingin sa kawalan) Nabago ang tingin ko kay Maam nung araw na yun at nahiya sa aking sarilinabigla din ako sa aking natuklasankaya pala nagmamadali siya sa pag-uwikaya pala siya laging 5 minutes latekaya pala minsang lagi siyang tulala at nakatingin sa kawalanSa kabila ng kanyang suliranin at dalahin sa buhay nakuha pa niyang alalahanin kaming mga estudyante niyana sa kabila ng kanyang obligasyon sa tahananay nagagawa pa niya ang trabaho sa paaralan Noon ko lang na-realize mali ang impresyon ko kay Maam Ngayon malayo na ang narating kohindi ko alam kung nasaan na si Maampero dito sa pusot isipan komananatili siyang magandang halimbawa at mabuting karanasan (Musikang malungkot) (Bababa ang telon) Katapusan

You might also like