You are on page 1of 1

Ang aking

Sir Chad salamat sa lahat ng mga mabubuting memorya naming lahat sa Pytha. Sa totoo lang sir, isa sa
klase m ang pinakapaborito ko. Nagawa mong gawing masaya at nakakatawa ang pagtuturo sa Math.
Tinatrato mong pantay pantay ang bawat estudyante mo, at ginagawa mo lahat para bawat isa sa amin
ay makagawang makaintindi ng lesson mo. Guminhawa na ang pakiramdam ko kung sumasagot sa
Math at nagagawa masagot iyung mga tanong sa Math na datti kong hindi alam. Wala naman
akong naging problema sa inyo sir, naging okay lang naman.

Hindi lang naman Math ang tinuturo mo, pati na rin ESP. Nakikining ka naman sa mga problema naming,
kung may koneksyon iyun sa lesson mo, at sinusubukan mong magbigay ng maayos na dahilan o
solusyon para sa amin. Nagagawa ko namang maintindihan ang mga explanasyon mo sa mga lessons sa
klase. Nakatulong naman ang mga lessons mo sa akin para matuto ng mga bagong bagay at umunlad
bilang isang tao.

Bilang isang guro, para isa kang tunay na magulang. Palagi mo kaming pinapaala kung nakalimutan
naming maglini ng room. At ginagawa mong masolusyonan kung may problema o isyu sa loob ng klase
mo. Nagagalit ka naman sa amin, kung kailangan. Nag- aalala ka naman sa amin, kung may pupuntahan
kami na kami kami lang naman na klase.

Sa loob ng klase mo, natutunang ko gumamit ng Wilson pag maglilinis, at mag mop sa mga shig sa room.
Para natutunan ko na kailangan kong maging mas responsible kung kahit saan ako.

Salamat Sir Chad, sa pagiging guro at adviser ng klase namin ngayong School Year, kung sana lang pwede
ka sana maging adviser namin ulit sa susunod. Pero sana marami pa akong magiging mga memorya
tungkol sa iyo sir. Hanggang sa susunod Sir Chad. Salamat.

You might also like