You are on page 1of 9

MGA HIBLA NG PANITIK NI FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR:

PAGLALAPAT NG TEORYANG BAYOGRAPIKAL SA FLORANTE AT LAURA

_____________________________________________________________________________________

ABSTRAK
Si Florante “Balagtas” Baltazar ay nakilala sa kaniyang akdang Florante at Laura na
napakalaking impluwensya sa panitikang Filipino. Sa pag-aaral na ito, mababanaag ang
pagsusuri na ginamitan ng teoryang bayograpikal. Sa paraang ito malalaman ang mga salik na
nagtulak sa manunulat upang sulatin ang Florante at Laura. Ang naging karanasan, buhay at at
pakikipagsapalaran nito upang mabuo ang akdang ito. Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng may-
akda sa pangunahing tauhan ng kuwentong Florante at Laura. Napatunayan sa pag-aaral na ito
sa pamamagitan ng paraang nabanggit na napaalaking salik ang naging karanasan at buhay ng
may-akda sa kuwentong Florante at Laura.
Mga Hibla Ng Panitik Ni Francisco Balagtas Baltazar: Paglalapat Ng Teoryang
Bayograpikal Sa Florante At Laura
Panimula
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa bansa ang mga Pilipino ay mayroon ng sariling
panitikan—sa pasaling bibig o ‘di naman kaya ay sa pasulat na paraan. Kanilang pinakapapel
ang mga dahon, balat ng kahoy at ang ilan inuukit sa loob ng kuweba samantala ang mga
matutulis na bagay gaya ng mga bato at kahoy ay ang kanila namang mga panulat.
Ang mayamang panitikan ng Pilipino ay mas lalo pang naging makulay sa pagdating ng
mga dayuhan gaya ng kastila.Ang kuwentong bayan, awiting bayan lalo na ang tula ay tuluyang
nabago at naragdagan sa uri at paksa
Ang tulang Pilipino, sariling atin o hiram na panitikan. Ang kasaysayan ng tulang Pilipino
ay nababahagi sa limang importanteng mga panahon. Una, ang Matandang Panahon. Ang
panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong
1521. Pangalawa, ang Panahon ng mga Kastila na nagmula noong taong 1521 hanggang sa
taong 1876. Pangatlo, ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat. Ito ay panahon ng
himagsikan. Pang-apat, ang Panahon ng mga Amerikano na nag-umpisa noong taong 1898
hanggang sa pagkatapos ng panahon ng digmaan. At ang huli'y ang Panahong Patungo sa
Pambansang Krisis.
Ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis, marami sa mga akdang nasusulat sa
panahong ito ay pagtutuligsa sa bulok na pamamalakad ng gobyerno na may bahid ng mga
dayuhang sa atin ay nanggahasa. Gayon din, ang mga akdang nais imulat ang mga mambabasa
sa mga problema ng lipunang kanilang kinabibilangan.
Isa nga rito ang akda ni Francisco Balagtas Baltazar na Florante at Laura na hanggang
ngayon ay nagdudulot sa maraming kritiko kung ano nga ba ang tunay na katuturan at kaisipan
ang nakapaloob rito.
Kaya naman ang mag-aaral ay binalak suriin ang obra maestrang ito gamit ang teoryang
Bayograpikal nang sa gayon ay malaman ang ugnayan ng akda sa manunulat at mapalutang ang
natatanging katangian na taglay ng akdang ito. Matatamo ang ito sa pamamagitan ng mga
layuning inihanda:
1. Naitatala ang kaibahan at pagkakatulad ng buhay ni Florante sa may-akda;
MGA HIBLA NG PANITIK NI FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR:

PAGLALAPAT NG TEORYANG BAYOGRAPIKAL SA FLORANTE AT LAURA

_____________________________________________________________________________________
2. Natutukoy ang mahalagang kaisipang nakakintal sa akda sa pamamagitan ng pagtalunton
sa karanasan ng manunula;
3. Natutukoy ang impluwensya sa manunulat upang masulat ang akdang Florante at Laura;
at
4. Natutukoy mga nakakubling maling pamamahala sa kaniyang panahon.

METODOLOHIYA
Isinakatuparan ang pag-aaral sa pamamagitan ng intensibong pagbabasa ng mga
pangunahing sanggunian. Inihanay at sinuri ang mahahalagang konseptong may kaugnayan
nang sa gayon ang paghuhulma sa pag-aaral na ito ay kapapanaligan at makapagpatibay pa.
Literary text analysis ang ginamit na sa pag-aaral na ito. Sa pamamagitan ng dulog na ito,
madadalumat ang bawat sanggunian na may kinalaman sa manunulat na maaring maiugnay sa
akdang kaniyang sinulat.

RESULTA AT TALAKAYAN
Sa bahaging ito makikita ang resulta at pagtalakay sa isinagawang pagsusuri ng mag
mag-aaral sa obra maestra ni Francisco Balagtas Baltazar na Florante at Laura gamit ang
teoryang Bayograpikal.
Naitatala Ang Kaibahan At Pagkakatulad Ng Buhay Ni Florante Sa May-Akda
Ang kaibahan ni Florante kay Balagtas ay nasa bahaging ibaba. Mabusising tinalunton
ng mag-aaral ang mga ito. Sinusundan ng mga patunay ang bawat talakay nang sa gayon lubos
na kapanaligan ang mga resultang nakalahad.
Una, si Florante ay isang bunsong anak ng kanilang makapangyarihan at mayamang
pamilya, ang ama ay si Duke Briseo ng Albanya, at ina niya si Prinsesa Floresca ng Krotona.
Narito ang ilang talatang nagpapatunay.
Sa isang dukado ng Albanyang s’yudad,
doon ko nakita ang unang liwanag,
yaring katauha’y utang kong tinanggap,
sa Duke Briseo ng ama kong liyag!

Ngayon nariyan ka sa payapang bayan,


Sa harap ng aking minamahal ,
Prinsesang Florescang esposa mong hirang,
Tanggap ang luha sa mata,y nunukal

Bakit naging tao ako sa Albanya,


Bayan ng ama ko at di sa Crotona
masayang s’yudad na lupa ni ina?
disin ang buhay ko’y di lubhang nagdusa

Ang dukeng ama ko’y pribadong tanungan


ng Hari Linseo sa anumang bagay,
MGA HIBLA NG PANITIK NI FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR:

PAGLALAPAT NG TEORYANG BAYOGRAPIKAL SA FLORANTE AT LAURA

_____________________________________________________________________________________
pangalawang puno sa sangkaharian,
hilaga ang tungo ng suyo ng bayan.

Kaya naman kapansin-pansin sa ginawang katangian ng may-akda kay Florante na taglay


nito ang mga katangian gaya ng mayaman,kabataan, kakisigan at kabantugan na labis namang
mababanaag na ang mga katangiang ito ay di taglay buhay ni Francisco Balagtas. Sapagkat ayon
kina Mondragon et al., (2017) ipinanganak si Francisco Balagtas noong ika-2 ng Abril, 1788 sa
Panginay, Bigaa, Bulacan. Mahirap lamang ang pinagmulan niyang pamilya. Si Juana dela Cruz,
isang ordinaryong maybahay ang kaniyang ina at at si Juan Balagtas naman ay isang panday. Si
Balagtas ay nakapag-aral ng katon at katesismo ng Doktrina Kristiyana sa kumbento ng Bigaa sa
ilalim ng pamamahala ng maestrillo ng kura.
Pangalawa, ang pag-ibig ni Florante ay naging matagumpay sa bandang huli. Si Laurang
kaniyang sinisinta ay naging kaniya rin at sila ay nagpakasal sa bandang wakas. Bagaman
mayroong mga pagsubok sa pag-iibigang ito ngunit ito ay nagwakas ng hitik ng kasiyahan at
pagmamahalan kasama sina Aladin at Ferida, puso ay nangagsiyahan. Narito ang ilang talata
mula sa akda na nagpapatunay sa mga naunang pahayag.
Dinala sa reynong ipinagdiriwang
sampu ni Aladi’t Fleridang hirang
kapuwa tumanggap na mabinyagan
magkakasing sinta’y nakaraos makasal.

Sa pamamahala nito bagong hari


sa kapayapaan ang reyno’y nauli
dito nakabangon ang nakalulugami
at napasatuwa ang namimighati

Kaya nga’t nagtaas kamay ang langit


Sa pasasalamat bayang tinangkilik,
Ang hari’t reyna’y walang iniisip
Kundi ang magsabog ng awa sa kabig.

Ngunit sang pag-ibig ng manunulat sa kaniyang iniirog na si Maria Auncion ay di


nagtagumay at natapos sa malungkot na wakas. Sinabi sa aklat nina Mondragon et al., (2017)
lubos na umasa si Balagtas na magkakatuluyan sila ng mahinghing dilag. Subamit kabaligtaran
ang nangyari. SaPandacan ay may karibal si Balagtas. Isa itong binatang mayaman at
makapangyarihan. Ang pangalan? Maraiano Kapule. Pinaratangan nito si Balagatas ng
piangbuhol-buhol na sabi-sabi. Paratang dito. Sumbong doon. Dahilan upang dakpin siya ng mga
awtowidad at ikulong. Isang araw nalang ay nabalitaan ni Balagtas na ikinasal si Maria Asuncion
kay Mariano kapule.
Pangatlo, lumaki sa galak at layaw si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat
palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap kaysa sarap. Ang batang
nasanay sa ginhawa ay maramdamin at di makatatagal sa hirap. Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t
tiniis nito ang luha ng asawa at masakit man sa loob na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama
sa Atenas upang doon mag-aral. Narito ang ilang talata na nagpapatunay sa mga naunang
pahayag.

Anhin kong saysayin ang tinamong tuwa


Ng kabataan ko’y malawig na lubha,
Pag-ibig ni ama siyang naging mula
MGA HIBLA NG PANITIK NI FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR:

PAGLALAPAT NG TEORYANG BAYOGRAPIKAL SA FLORANTE AT LAURA

_____________________________________________________________________________________
Lisanin yaong gubat na payapa.

Pag-ibig anaki’y nakilala


Di dapat palakhin ang anak sa saya.
At sa katuwaa’y kapag namihasa,
Kapag lumaki’y walang hihinting ginhawa.

Sapagkat ang mundo ay mundo ng hinagpis


Mamaya’y sukattibayan ang dibdib,
Lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis,
anong ilalaban sa dahas ng sakit?

Samantalang si Balagtas ay sanay sa karukhaan, bata palang ay batak na sa hirap.


Kaniyang inisip na kailanman ang kaniyang kalagayan ay hindi magiging hadlang sa pag-abot ng
tagumpay. Kapapansinan ng maraming di pagkakatulad si Florante at Balagtas. Ngunit malimit
gamitin ito ng may-akda bilang lunsaran at itaas ang kakayahang pantao ng mga mambabasa.

Sa bahaging ito, ang pagkakatulad ni Florante kay Balagtas ay isisiwalat. Mabusising


tinalunton ng mag-aaral ang mga ito. Sinusundan ng mga patunay ang bawat talakay nang sa
gayon lubos na kapanaligan ang mga resultang nakalahad.

Sa mga naunang kabanata litaw namang si Florante ay naigapos sa isang punongkahoy


na Higera. Sa puntong iyon ay walang ibang iniisip si Florante kundi ang kaniyang mahal na si
Laura at ang kahariang Albanya. Tinanggap na niyang siya ay wala ng pagkakataon na mabuhay
pa sapagkat sa gubat na ito ay maraming mababangis na hayop gaya ng hyena, leon at tigreng
handing kumapa ng tao anumang oras. Narito ang ilang taludutod mula sa akdang Florante at
Laura na nagpapatunay sa pahayag na nauna;

Sa isang madilim na gubat na mapanglaw


dawag na matinik ay walang pagitan
halos naghhirap ang kay Pebong silang
dumalaw sa loob na ubhang masukal

Malalaking kahoy ay inihahandog,


Pawing dalamhati, kapisata’t lungkot,
Huni pa ng ibon ay nakalulunos,
Sa lalong nagtitimpi’t nagsasayang loob.

Tanang ng mga baging namimilipit


Sa sanga ng kahoy nababalot ng tinik,
May bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
Sa kangino pa mang sumagi’t lumapit

Gaya ni Baltazar maaring sabihinh ito ay halaw sa karanasan at buhay nito sapagkat
noong siya ay paratangan ni Mariano Kapule sa mga sabi-sabi siya ay ikinulong at nagdusa ng
ilang taon. Ayon nga sa aklat ni Monleon et al., (2017) nang isang araw ay nagtungo si Balagtas
sa tahanan ni Maria Asuncion Rivera upang dalawin isang gabi. Hinuli ng mga awtoridad ang
makata . Nabilanggo si Balagtas sa kasalanang di naman niya nalalaman. Sa panahon ng
kaniyang pagkabilanggo , nagpakasal si Maria Asuncion Rivera kay Mariano Kapule . Sumigid sa
kaliit-liitang ng laman ni Balagtas ang kawalan ng katarungang sinapit niya. Nagdusa siya sa
MGA HIBLA NG PANITIK NI FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR:

PAGLALAPAT NG TEORYANG BAYOGRAPIKAL SA FLORANTE AT LAURA

_____________________________________________________________________________________
madilim na piitan. Ang pinakamalungkot na dagok ng kaniyang kapalaran ay kaniyang nadama
sa likod ng mga rehas na bakal. Nagwakas ang kaniyang pagdurusa noong 1838. Kaya naman
di man parehong tagpuan at dahilan ang pagkakagapos ni Florante sa akdang ito ang mapait na
kapalaran na kanilang nadanas ay sapat upang sabihing ang buhay ng dalawang taog tinutukoy
ay may pagkakatulad.
Pangalawa, nang pumasok sa Atenas si Florante. Labing-isang taong gulang si Florante
nang ipadala sa Atenas upang mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga
estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama na si Florante na tila
pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng
panahong ito, natuto siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika.
Habang si Balagtas naman ay pumunta sa Maynila upang makipagsapalaran sa nais
nitong makapag-aral at mapahusay ang potensyal nito sa pagsusulat nang siya ay labing-isang
taon din. Siya ay namasukang maglingkod sa kaniyang kamag-anakan na nagngangalang
Trinidad sa Tondo noong 1799, Pineda et al., (2018). Kaya naman lubos na lantad ang
pagkakatulad ng edad ni Florante at ni Balagtas nang nahiwalay ang mga ito sa kani-kanilang
pamilya at ito ay sapat na upang masabi na ito ay may pagkakapareho o halaw mismo sa buhay
ng may-akda.
Pangatlo, ang pagiging pinuno. Si Florante sa huling bahagi ng kuwento ay naging hari at
siyang namuno sa reynong Albanya kasama ang asawang si Laura. Ibig sabihin siya ay namuno.
Narito ang ilanf talata na nagpapatunay sa mga naunang pahayag.

Sa pamamahala nito bagong hari


sa kapayapaan ang reyno’y nauli
dito nakabangon ang nakalulugami
at napasatuwa ang namimighati

Kaya nga’t nagtaas kamay ang langit


Sa pasasalamat bayang tinangkilik,
Ang hari’t reyna’y walang iniisip
Kundi ang magsabog ng awa sa kabig.

Nagsasama silang lubhang mahinusay


Hanggang sa nasapit ang payapang bayan
Tigil, aking musa’t kusa kang lumagay
Sa yapak ni Celia’t dalhin yaring Ay! Ay!

Samantala gayon din ang nangyari sa buhay ni Balagtas siya ay naging alkalde sa
kanilang lugar. Sabi nga sa aklat nina Mondragon et al., (2017) namuhay nang matiwasay ang
pamilya ni Balagtas sa Udyong . Humawak pa ng ilang pinagkakapitagang tungkulin
panggubyerno tulad ng juez mayor de sementra at tinente primero. Kaya ganun na lamang ang
pagkakahawig ng dalawang tao, si Florante at Balagtas. Bagaman si Balagtas ang manunulat na
bunuo kay Florante ay makikita parin ang kanilang ugnayan sa isa’t isa.

Natutukoy ang mahalagang kaisipang nakakintal sa akda sa pamamagitan ng


pagtalunton sa karanasan ng manunulat.

Dahil sa pantasya at kahusayan sa pananagalog ni Balagtas, hindi nga kataka-takang


magustuhan ng mga Filipino noon hanggang ngayon ang akdang ito, dahil na rin sa hiwagang
nakakubli sa bawat simbolismong ginamit nito. Gayon pa man mababakas parin ang kaisipan na
MGA HIBLA NG PANITIK NI FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR:

PAGLALAPAT NG TEORYANG BAYOGRAPIKAL SA FLORANTE AT LAURA

_____________________________________________________________________________________
pinakalumutang sa kuwento ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Alam naman nating
nag-umpisa ang kuwento nang naigapos si Florante sa punongkahoy ng Higera.

Sa isang di sinasadyang pagkakataon, napapunta ang isang Persyanong Moro sa dakong


kinalalagyan ni Florante. Ito ay si Aladin, anak ni Sultan Ali-adab, na nagpaka-layu-layo sa
sariling bayan dahil sa sama ng loob sa ginawang pang-aagaw ng ama sa kanyang kasintahang
si Flerida. Nadinig lahat ni Aladin ang mga panaghoy ni Florante tungkol sa kanyang mga
kahirapan at siya ay lubos na naawa. Tinunton niya ang pinanggagalingan ng tinig at nakita ang
dalawang leong naka-akmang pumaslang kay Florante. Mabilis na pinaslang ni Aladin ang mga
leon. Kinalagan niya ang gapos ni Florante at pinagpilitang pahimasmasan siya. Yayamang
dumidilim na noon, dinala ni Aladin si Florante sa may dakong pinasukan nito sa gubat at doon
ay magdamag siyang binabantayan. Kinabukasan ay nagkakuwentuhan silang dalawa.

Sinasabi na ang Albania ay kumakatawan sa Kristiyano at Muslim naman sa mga


Persyano gayon pa man nakita pa rin natin ang mabuting loob na taglay ng mga bawat panig
kahit sila ay magkaiba sa paniniwala at kaharian. Kaya sa bandang huli nakita ang pagkakaisa at
ang dulot ng ganitong mga pag-uugali sa sangkatauhan. Dahil noong panahong naisulat ang
akdang ito talamak ang ang di pagkakaintindihan buhat sa pagkakaiba sa rehiyon may ilang
umaayon at di umaayon sa paniniwalng kristyano gayon pa man ipinakita ni Balagtas sa kuwento
na mayroon pa ring mga Alladin sa ating buhay na kahit tayo ay magkakaiba mangyayari pa rin
ang sinasabing pagkakaisa sa pagkakaiba. Sapagkat sinasabi nga sa loob ng kuwento na si
Aladin ay nagmula sa kahariang kalaban ng kahariang Albanya ngunit nang si Florante ay
nakagapos kinalagan ng Persyano ang kawawang si Florante, kinalagan, inalagan at pinakain
hanggang bumalik ang lakas ni Florante. Hindi man tahasang sinabi ng may-akda ngunit
mauunawaan at malilimi na sa mga panahong iyon na di lamang sa Kastila ay hidwaan ang mga
Filipino bagkus nonn pa man ay mayroon ng di matapos-tapos na alitan ang mga Muslim at
Kristyano kung relihiyon ang pag-uusapan. Narito nga ang ilang talata mula sa kuwento na
nagpapatunay sa mga naunang pahayag.

Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak
Gerero’y hindi napigil ang habag,
Tinunton ang boses at siyang hinahanap
Patalim ang siyang nagbukas ng landas.

Dawag na masini’y naglagi-lagitik


Sa dagok ng lubhang matalas na kalis,
Moroy di tumugot hanggang di nasapit
Ang binubukalan ng maraming tangis

Anyong pantay-mata ang lagay ng araw


Niyong pagkatungo sa kalulunuran,
Siyang pagkataos sa kinalalagyan,
Nitong nagagapos na kahambal-hambal.

Namamangha naman ang magandang kiyas


Kasing-isa’t sa bayaning tikas,
Mawiwiwli disin ang mnamalas
Na mata, kundangan sa malaking habag.

Gulong-gulo lubaha ang kaniyang loob,


MGA HIBLA NG PANITIK NI FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR:

PAGLALAPAT NG TEORYANG BAYOGRAPIKAL SA FLORANTE AT LAURA

_____________________________________________________________________________________
ngunit napayapa nang anyong kumilos,
itong abang kandong na kalunos-lunos
Nagising ang maybahay na nakatutulog

Natutukoy ang impluwensya sa manunulat upang masulat ang akdang Florante at Laura
Ipinanganak si Francisco Balagtas noong ika-2 ng Abril, 1788 sa Panginay, Bigaa,
Bulacan. Mahirap lamang ang pinagmulan niyang pamilya. Si Juana dela Cruz, isang ordinaryong
maybahay ang kaniyang ina at at si Juan Balagtas naman ay isang panday. Si Balagtas ay
nakapag-aral ng katon at katesismo ng Doktrina Kristiyana sa kumbento ng Bigaa sa ilalim ng
pamamahala ng maestrillo ng kura. Hindi naging sagabal ang karalitaan upang magtagumpay.
Naniniwala siyang, “ Kung gugustuhin ang isang bagay ay matutupad.” Gustong-gusto niyang
malinang ang kaniyang isipan, kung kaya’t noong taong 1799 , kahit masakit ang kaniyang
kaloobang iwanan ang Bulacan ay pumunta siyang Maynila. Ang kanaiyang layunin lamang ay
makapag-aral. Subalit wala siyang gaanong kapera. Kaya sa murang edad siya ay namasukang
tagalingkod sa kanilang isang kamag-anakan sa Tondo na nagngangalang Trinidad. Trabaho rito.
Punas diyan. Linis doon. Lampaso rito at dilig dito. Naging masipag siya. Maaaring malayo ang
bituing kaniyang inaabot ngunit sa kaniyang masidhing kagustuhang maabot ito di naglaon
matagumpay niyang natuhog ang kaniyang bituin. Natapos siya noong 1812 Collegio de San
Jose , isang institusyong Heswita , ang Kanones, Kastila, Humanidades, Teolohiya at Pilosopiya.
Sa nasabing kolehiyo, naging guro ni Balagtas ang sikat na mangangatha ng aklat ng
Pasiong Mahal ng Ating Hesukristo na si Pedro Mariano Pilapil. Sa paaralan kinakitaan si
Balagtas sa kahusayan sa pagtula.Marami siyang kakilala na nagpapagawa ng berzo at sulat
tungkol binyagan, kasalan at ioba pang okasyong sosyal. At pagsulat ng tula ang nagbigay sa
kaniya ng salapi at nagbigay daan upang makilala ang mga mayayamang taga-Tondo, San
Nicolas at Binundok. Sapagkat may angking talino sa pagtula, kinakailangan niyang
makasalamuha ang pinakamahuhusay na mga makata noon.
Nang mga panahong iyon, ang lahat ng makata noon ay nagbibigay galang kay Jose dela
Cruz o kilala bilang Huseng Sisiw. Huseng Sisiw ang tawag sa kaniya sapagkat nakaugalian na
marapat may dalang sisiw ang isang makata na nais magpawasto kay dela Cruz. Ninais ding
magpawasto ni Balagtas kay dela Cruz ngunit dahil sa wala siyang dalang sisiw kaya tuanggi
ang maestro na gabayan ang si Balagtas. Di naman minasama ito ni Balagtas sapagkat naniniwla
siyang di lang siya ang puwedeng makapagtuturo kay Balagtas. Nangarap siyang sumikat.
Kasama ng pagsisikap na makasulat ng pinakamaririkit na tula.
Noong 1835, humigit kumulang sa 47 taong gulang noon si Balagtas nang manirahan
nang manirahan siya sa Pandacan. Sapagkat makata, ang kagandahan ay hindi lumalampas sa
kaniyang paningin. Namagneto siya ng angking kagandahan ng isang dalagang nagngangalang
Maria Concepcion Rivera na nagbibigay sa kaniya ng ibayong inspirasyon.
Lubos na umasa si Balagtas na magkakatuluyan sila ng mahinghing dilag. Subalit
kabaligtaran ang nangyari. Sa Pandacan ay may karibal si Balagtas. Isa itong binatang mayaman
at makapangyarihan. Ang pangalan? Mariano Kapule. Pinaratangan nito si Balagatas ng
piangbuhol-buhol na sabi-sabi. Paratang dito. Sumbong doon. Dahilan upang dakpin siya ng mga
awtowidad at ikulong. Isang araw nalang ay nabalitaan ni Balagtas na ikinasal si Maria Asuncion
kay Mariano kapule. Pinaratangan nito si Balagtas ng ng pinagbuhul-buhol na sabi-sabi. Paratang
dito. Sumbong doon.
Nang isang araw ay nagtungo si Balagtas sa tahanan ni Maria Asuncion Rivera upang
dalawin isang gabi. Hinuli ng mga awtoridad ang makata . Nabilanggo si Balagtas sa kasalanang
di naman niya nalalaman. Sa panahon ng kaniyang pagkabilanggo , nagpakasal si Maria
MGA HIBLA NG PANITIK NI FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR:

PAGLALAPAT NG TEORYANG BAYOGRAPIKAL SA FLORANTE AT LAURA

_____________________________________________________________________________________
Asuncion Rivera kay Mariano Kapule . Sumigid sa kaliit-liitang ng laman ni Balagtas ang kawalan
ng katarungang sinapit niya. Nagdusa siya sa madilim na piitan. Ang pinakamalungkot na dagok
ng kaniyang kapalaran ay kaniyang nadama sa likod ng mga rehas na bakal. Nagwakas ang
kaniyang pagdurusa noong 1838. Nang taong ding ito isinilang ang Florante at Laura,
Mondaragon et al., (2017).
Sinasabi ng mga kritiko na noong siya ay ikinulong buhat kay Mariano Kapule dito
inumpisahang gawin ni Balagtas ang Florante at Laura at ang nakikitang dahilan ay ang pagbigo
nitong mapa-ibig si Maria Asuncion Rivera sapagkat nabalitaan nitong ikinasal ito kay Mariano
Kapule nang siya ay nasa piitan. Dagdag pa ang opresyong nakikita ni Balagtas na ginagawa ng
pahalaang Kastila sa mga manunulat sa panahon na iyon. Kaya ganon na lamang ang tagpuan
nitong hitik sa kanluraning mga terminolohiya at kaisipan sapagkat sa paraang ito maikukubli ang
tunay na kaisipan ng akdang ito.

Natutukoy ang Nakakubling Maling Pamamahala Sa Kaniyang Panahon

Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa kahariang
Albanya. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang
kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos. Narito
ang ilang talata sa mga naunang pahayag;

Sa isang madilim na gubat na mapanglaw


dawag na matinik ay walang pagitan
halos naghhirap ang kay Pebong silang
dumalaw sa loob na ubhang masukal

Malalaking kahoy ay inihahandog,


Pawing dalamhati, kapisata’t lungkot,
Huni pa ng ibon ay nakalulunos,
Sa lalong nagtitimpi’t nagsasayang loob.

Tanang ng mga baging namimilipit


Sa sanga ng kahoy nababalot ng tinik,
May bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
Sa kangino pa mang sumagi’t malapit

Ang bulaklak ang nagtayong kahoy,


Pinakamaputing nag-ungos sa dahon,
Pawing kulay-luksa at nakikiayon
Sa nakaliliyong masangsang na amoy.

Naigapos si Florante sa punongkahoy Higeras, sumisimbolo si Florante sa bansang


Pilipinas na naigapos gubat malapit sa sariling kaharian. Siya na matuwid, siya na matapat at
siya na naglingkod sa Albanya, ay siya ngayong naghihinagpis sa gubat na mapanglaw dahil sa
kataksilan ni Adolfo.
Ito ay representasyon sa kalagayan ng pamahalaan at ng mga Filipino sa panahong
Kastila. Ang ilang kabanata ng nagsisiswalat ng paghihinagpis ng Florante ay buhat sa
karanasang nadanas ng manunulat sa pamamalang Kastila. Naikubli sa pamamagitan ng
paggamit ng ibang paraan ng pagbunyag ang ginawa ni Balagtas kaya naging malakas ang hatak
nito sa mga mambabasa sa panahong yaon hanggang sa kasalukuyan.
MGA HIBLA NG PANITIK NI FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR:

PAGLALAPAT NG TEORYANG BAYOGRAPIKAL SA FLORANTE AT LAURA

_____________________________________________________________________________________

KONKLUSYON
Sa isinagawang pag-aaral lumabas na may mga pagkakaiba at pagkakatulad si Florante
kay Balagtas. Pagkakatulad— Florante ay naigapos sa isang punongkahoy na Higera at si
Balagtas ay nabilanggo sa kasalanang di naman niya nalalaman. Sa panahon ng kaniyang
pagkabilanggo; labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang mag-aral at
si Balagtas naman ay pumunta sa Maynila upang makipagsapalaran sa nais nitong makapag-
aral at mapahusay ang potensyal nito sa pagsusulat nang siya ay labing-isang taon din. Sa
pagkakaiba— si Florante ay isang bunsong anak ng kanilang makapangyarihan at mayamang
pamilya, ang ama ay si Duke Briseo ng Albanya, at ina niya si Prinsesa Floresca ng Krotona at
ipinanganak si Francisco Balagtas noong ika-2 ng Abril, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan.
Mahirap lamang ang pinagmulan niyang pamilya. Si Juana dela Cruz, isang ordinaryong
maybahya ang kaniyang ina at at si Juan Balagtas naman ay isang panday.
Natukoy ang pangunahing kaisipan na nakapaloob sa kuwentong Florante at Laura, ang
pagkakaisa sa pagkakaiba-iba. Ang Albanya ay representasyon ng mga Filipino at ang Persya
sa mga Muslim bagaman magka-iba ang kaharian at matagal ng may hidwaan, ang pagtulong ni
Aladin kay Florante ay isang maliwanag na nagpapakita na ang may-akda ay nagnanais ang
baguhin at alisin ang kaisipang magkaaway ang dalawang panig, at bagkus ay magtulungan at
paimbulugin ang pagkakaisa bagaman tayo ay magkakaiba-iba.
Samantala, lantad ang impluwensya na nag-udyok sa may-akda na isulat ang sining na
ito ay ang karanasan nito sa lipunang kaniyang gingalawan. Siya ay nakaranas ng di timbang at
di matalos na dahilan bakit siya naikulong buhat na rink ay Mariano Kapule.
At ang maling pamamahala ng mga kastila sa ating bansa ay patuloy na namamayani
nang isinulat ni Balagtas ang sining na ito at ito ay napalutang nang mahusay at tago sa akdang
ito.

REKOMENDASYON
Mula sa isinagawang pag-aaral lubos na iminumungkahi ng mag-aaral ang mga
sumusunod:
1. magkaroon ng taunang kumperensya hinggil sa malalimang pagtuturo nito sa panitikan:
2. magkaroon ng malalimang pag-aaral sa akdang ito upang lalo pang mapahalagahan ang
angkin nitong ganda.

SANGGUNIAN
Pineda, Ponciano B.P., et.al., Florante at Laura. AKLAT ANI Publishing and Educational trading
Center.

You might also like