You are on page 1of 3

ISABELA STATE UNIVERSITY

Cauayan Campus
Cauayan City Campus

PINAL NA PAGSUSULIT SA
GEC 10 – KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Pangalan: Lagda: Iskor:


Kurso, Taon, at Seksyon: Petsa: Oras:

I. PAGSUSULIT NA MORSE (50 aytems) PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem.
Piliin ang A kung ang dalawang pahayag ay tama; B kung ang dalawang pahayag ay mali; C kung
ang unang pahayag ay tama at ang ikalawa ay mali; D kung ang unang pahayag ay mali at ang
ikalawa ay tama.
SAGUTANG PAPEL

1. A B C D 16. A B C D 31. A B C D 46. A B C D


2. A B C D 17. A B C D 32. A B C D 47. A B C D
3. A B C D 18. A B C D 33. A B C D 48. A B C D
4. A B C D 19. A B C D 34. A B C D 49. A B C D
5. A B C D 20. A B C D 35. A B C D 50. A B C D
6. A B C D 21. A B C D 36. A B C D
7. A B C D 22. A B C D 37. A B C D
8. A B C D 23. A B C D 38. A B C D
9. A B C D 24. A B C D 39. A B C D
10. A B C D 25. A B C D 40. A B C D
11. A B C D 26. A B C D 41. A B C D
12. A B C D 27. A B C D 42. A B C D
13. A B C D 28. A B C D 43. A B C D
14. A B C D 29. A B C D 44. A B C D
15. A B C D 30. A B C D 45. A B C D

1. Ang lektyur o lecture ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga impormasyon o karunungan.


Kasama rito ang mga kritikal na impormasyon, kasaysayan, mga teorya, atbp.
2. Isa sa mga halimbawa ng lektyur ang homilya ng mga pari. Kadalasang kabilang dito ang pagbebenta
ng mga negosyante ng kanilang mga produkto sa mga target na mamimili.
3. Ayon kay Bligh (1972), ang lecture ay paraan ng pagtalakay na ginagawa sa pamamagitan ng walang
tigil na pagsasalita ng dalubguro. Binigyang-diin naman nina Percival at Ellington (1988), na ang lektyur
ay isang pamamaraan ng pagtuturo na kinasasangkutan ng di-linyar na komunikasyon.
4. Ang lektyur ang pinakakaraniwang metodo na ginagamit sa hayskul. Mainam itong tagapagsalin ng
karunungan hanggang sa komprehensyon.
5. Higit na epektibo ang aktwal na demonstrasyon kaysa sa lektyur. Higit na epektibo naman ang lektyur
kaysa sa trabaho sa laboratory.
6. Dalawa ang daluyan ng lektyur bilang proseso ng komunikasyon. Ginagawa nitong aktibo ang mga
mag-aaral o mga partisipants.
7. Mahalaga na pagtuunan ng pansin ng lektyurer ang panimula at wakas na bahagi ng pagtalakay. Ang
panimula ang siyang magtatalaga ng mood na maaaring madala hanggang sa pinakadulong bahagi ng
pagtalakay.
8. Ang magsasagawa ng lektyur ay hindi na kailangang bumuo pa ng balangkas. Kinakailangan nito na
gumawa/maghanap ng mga katulong na audiovisual aids.
9. Maaaring lagyan ng drama ang pagtalakay katulad ng paggamit ng sipi, biswal, anekdota, atbp. Maaari
ring gumamit ng iba’t ibang estratehiya upang mapukaw ang atensyon ng mga tagapakinig.

1|Pahina
10. Iugnay ang pagtalakay sa mga bagay na karaniwang napanonood nila sa internet. Hayaan lamang ang
mga partisipants na makinig upang magampanan nila ang pagiging pasibo.
11. Ang simposyum ay isang pormal na akademikong instruksyon kung saan ang mga partisipants ay mga
paham o eksperto. Tinatalakay ng mga paham o eksperto ang kanilang opinyon o pananaw sa isang
partikular na paksa.
12. Ang seminar ay karaniwang inoorganisa ng isang indibidwal. Maaari itong isakatuparan sa loob ng isa
o kalahating araw lamang.
13. Ang short-term objective ay mga plano na matatamo sa lalong madaling panahon. Samantala, ang
long-term objective naman ay mga plano na matatamo sa mahabang panahon.
14. Pumili ng tagapagsalita na may malawak na kaalaman sa paksa ng pagtalakay. Ang pangunahing
tagapagsalita ay kailangang makapagbigay ng pahapyaw na impormasyon sa lahat ng tatalakayin sa
isang seminar.
15. Ang seminar ay karaniwang tinatawag na paham-aral. Ang worksyap naman ay malimit ding tawaging
“work-on-practice.”
16. Ang general workshop ay mga gawain na ibinibigay sa magkakaibang partisipants. Ang closed
workshop naman ay inihahanda batay sa pangangailangan ng espisipikong pangakat ng tao.
17. Binubuo ng malaking bilang ng mga partisipants ang isang workshop. Karaniwang nasa 60 hanggang
150 ang mga dumadalo sa isang workshop.
18. Ang isang worksyap ay nakadisenyo sa mga taong may pare-parehong interes. Inihahanda nito ang
mga lektyurer sa aktwal na karanasan sa paksa ng talakayan.
19. Limitado lamang sa iisang tao ang pangangasiwa ng isang worksyap. Ang pagkakaroon ng katulong na
tagapangasiwa ay nakabatay sa disenyo ng worksyap batay sa paghahanda na isinagawa para rito.
20. Impormal ang pagtalakay sa worksyap. Limitado ito sa ilang sesyon bagamat may ilan na nagpapasya
na isagawa ito sa maraming sesyon.
21. Nakapagbibigay ng intensibong karanasan sa edukasyong larang sa loob ng maiksing panahon ang
worksyap. Ang worksyap ay magandang pagkakataon na masubukasn ng participant na aktwal na
gamitin ang kanyang natutunang teorya.
22. Mayroong tatlong proseso sa pagbuo ng worksyap; pagpaplano, paglalahad, at pagpapatupad. Sa
pagpapatupad, mayroon ding tatlong hakbang upang ito ay maisakatuparan; panimula, katawan, at
wakas.
23. Ang konperensya ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong na kung saan ang mga kasali o
partisipant ay binibigyan ng pagkakataon na makapagbigay ng kani-kanilang pagtalakay sa iba’t ibang
paksa. Ang konperensya ay laging nakasentro sa larang ng akademya.
24. Ang komite sa pagpaplano ang siyang nakaatang sa budget para sa gawain, rehistrasyon at
pagbebenta ng mga tikets. Ang komite para sa administrasyon naman ay ang siyang namamahala sa
pagbuo ng konsepto ng konperensya, pagtukoy sa tema, sa mga tagapagsalita, daloy ng programa,
lugar at oras ng gawain.
25. Ang komite sa promosyon ang siyang mamahala sa pagpapakilala ng conference sa mga piling
partisipants. Maaaring isaalang-alang ang paggamit ng lahat ng plataporma ng social media.
26. Ang Taunang Saradong Pagpupulong o Annual Closed Meeting ay pagpupulong ng mga shareholder
ng isang korporasyon. Sa pagkakataong ito karaniwang ginaganap ang eleksyon para sa mga bagong
Board of Directors.
27. Mayroong dalawang kategorya ang tanong sa isang panayam. Ang unang mahalagang katanungan at
ang ikalawang mahalagang katanungan.
28. Ang press conference ay inoorganisa o binubuo ng isang tao lamang. Ang taong ito ay laman ng mga
balita upang linawin ang mga usapin hinggil sa kanya.
29. Ang konggreso ay karaniwang ginagawa buwan-buwan sa bawat disiplina. Isinasagawa ito upang
magbigay ng pagpapahalaga sa tagumpay na nakamtan ng isang larang.
30. Ang breakout session ay bahagi ng isang malaking konperensya. Dinisenyo o inayos ito upang
gumawa ng mas maliit na pangkat.
31. Ang bilog na hapag ay naglalarawan sa pagkakapantay-pantay ng mga partisipants sa isang round
table discussion. Bawat isa ay may karapatan na makapagbahagi ng kani-kanilang opinyon o saloobin.
32. Ang Galas ay maihahalintulad sa Bangkete. Ang Bangkete ay hindi maihahalintulad sa Galas.
33. Ang Galas ay glamorosong okasyon na kinabibilangan ng malaking hapunang piging. Ito ay mayroong
kasiyahan at paggawad ng parangal.
34. Sa pagsasagawa ng panayam, kinakailangan ang pagsusuot ng pormal na kasuotan. Kinakailangan
din ang pagiging eksakto sa oras na pinag-usapan.

2|Pahina
35. Kinakailangan magbigay ng respeto sa kapapanayamin. Direkta na lamang na sipiin o pagkuha sa
kanyang mga sinabi bilang “quotation.”
36. Mahalaga rin na tiyakin ang kredensyal ng taong kapapanayamin. Tapusin ang panayam sa oras na
makuha ang lahat ng kinakailangan datos.
37. Ang pinakakritikal na aspeto ng konperensya ay ang pagpili ng lugar kung saan ito gaganapin. Ang
pinakakritikal na aspeto ng konperensya ay ang pagpili ng mga tagapagsalita.
38. Sa pagpili ng petsa ng isang konperensya, ilagay ito sa huling araw ng linggo sapagkat walang pasok
sa opisina ang mga partisipants. Huwag ilagay sa petsa na mainit ang panahon o summer.
39. Mahalaga ang pagkakaroon ng komite para sa seguridad sa isang konperensya. Maaaring magtalaga
ng dagdag na security kung kinakailangan.
40. Ang simposyum ay isang pagpupulong na tinatawag ding sampaksaan kung saan ito ay may layunin na
magbigay ng kaalaman ukol sa isang paksa. Karaniwang isinasagawa sa mga eskwelahan at
karaniwang tungkol sa droga, maagang pagbubuntis, atbp ang paksa.
41. Ang Seminar ay isang regular na pagpupulong para sa isang talakayan. Karaniwang isinasagawa ng
mga asosasyon o organisasyon.
42. Ang worksyap ay sanayan na nagbibigay-diin sa palitang-kuro, pakitang-turo at praktikum. Ito ay
karaniwang isinasagawa pagkatapos ng isang seminar.
43. Ang social media ay maaaring gamitin upang makatawag ng mga partisipants para sa gaganaping
konperensya. Ito ay home-based software na pinahihintulutang mag-interact ang indibidwal sa palitan
ng kanilang buhay-buhay.
44. Ginagawang pasibo ng lektyur ang mga mag-aaral. Isang hamon sa paggamit ng lektyur ang
mahikayat ang mga mag-aaral o tagapakinig na makibahagi sa talakayan.
45. Hindi maaaring mapabilang ang lektyur sa iba pang metodolohiya sa pagtuturo. Hindi nagiging mainam
na tagapagsalin ng karunungan ang lektyur.
46. Ang lektyur ay may kakayahang ilantad ang mga bagong kagamitan. Sa pamamagitan din nito,
nagiging mataas ang antas ng kontrol ng isang dalubguro sa kanyang klase.
47. Importante sa isang lektyur ang pagkakaroon ng layunin. Kabilang din dito ang pagkakaroon ng
nilalaman at istruktura.
48. Ang worksyap ay mainam na gamitin bilang paraan ng pagtuturo sa isang metodo o pamamaraan na
bago pa lamang sa nakararami. Sa pamamagitan ng worksyap, nababalikan ng mga partisipants ang
mga kasanayan na hindi na nangangailangan ng rebyu o pagsasanay.
49. Ang maikling worksyap ay nagtatagal ng apatnapu’t limang (45) hanggang animnapung (60) minuto.
Samantalang ang kaninaman ay nagtatagal ng isang oras hanggang tatlong oras.
50. Ang kontestuwalisado ay nangangahulugang nilalaman. Ang kontekstuwalisado ay nangangahulugang
sitwasyon.

Prepared by: Checked by: Approved by:

Christian C. Sententa Dr. Teresita C. Molano Dr. Jonathan Lord R. Aquino


Instructor Program Chair, CEd Dean, CEd

3|Pahina

You might also like