You are on page 1of 7

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

S.Y. 2023-2024
TABLE OF SPECIFICATION

COGNITIVE PROCESS
DIMENSION
10
60%
No. 30% %
of No.
Most Essential Learning
Days of Re Un
Competencies An Ev
Taug Items me der Ap Cre Item
ht aly alu
mb sta plyi atin Place
zin ati
eri ndi ng g ment
g ng
ng ng

Nakapagpapakita ng mga kanais-nais


na kaugaliang Pilipino
1.1. nakikisama sa kapwa Pilipino
1.2. tumutulong/lumalahok sa 5 6 2 1 1 1 1 1-6
bayanihan at palusong
1.3. magiliw na pagtanggap ng
mga panauhin
1

Nakapagpapamalas ng
pagkamalikhain sa pagbuo ng mga 2 1 7-9
sayaw, awit at sining gamit ang
5 6
2 anumang multimedia o teknolohiya
Napananatili ang pagkamabuting
mamamayang Pilipino sa 1 1 1 10-12
3 pamamagitan ng pakikilahok

Nakasusunod ng may masusi at


matalinong pagpapasiya para sa
kaligtasan. Hal:
4.1. paalala para sa mga panoorin 5 6 1 2 1 1 1 13-18
at babasahin
4.2. pagsunod sa mga alituntunin
tungkol sa pag-iingat sa sunog at
4 paalaala kung may kalamidad
Nakapagpapakita ng magagandang
halimbawa ng pagiging
responsableng tagapangalaga ng
kapaligiran
5.1. pagiging mapanagutan
1 2 1 19-22
5.2. pagmamalasakit sa
kapaligiran
sa pamamagitan ng pakikiisa sa
mga 5 6
5 programang pangkapaligiran
Napatutunayan na di-nakukuha sa
kasakiman ang pangangailangan
6.1. pagiging vigilant sa mga 1 1 23-24
illegal
na gawaing nakasisira sa
6 kapaligiran
Nakikiisa nang may kasiyahan sa
mga
programa ng pamahalaan na may
kaugnayan sa pagpapanatili ng
kapayapaan 5 6 2 2 1 1 25-30
7.1. paggalang sa karapatang
pantao
7.2. paggalang sa opinyon ng iba
7 7.3. paggalang sa ideya ng iba
Nakalalahok sa pangangampanya
sa
pagpapatupad ng mga batas para sa

kabutihan ng lahat
5 7 3 2 1 1 31-37
8.1. pangkalinisan
8.2. pangkaligtasan
8.3. pangkalusugan
8.4. pangkapayapaan
8 8.5. pangkalikasan
Nakagagawa ng isang proyekto
gamit ang iba’t ibang multimedia
at technology tools sa 1 1 5 1 38-45
pagpapatupad ng mga batas sa
kalinisan, kaligtasan, kalusugan at
10 13
9 kapayapaan

Nakikiisa nang buong tapat sa mga 5 46-50


gawaing nakatutulong sa bansa at
10 daigdig
40 50 11 8 10 15 6 0 50
TOTAL

Pagwawasto:
1. B 11. D 21. C 31. B 41. MALI

2. D 12. D 22. A 32. D 42. TAM


A
3. C 13. C 23. C 33. C 43. TAM
A
4. C 14. D 24. D 34. A 44. TAM
A
5. B 15. C 25. D 35. A 45. TAM
A
6. A 16. C 26. B 36. D 46. ♥
7. D 17. D 27. D 37. D 47. ♥
8. A 18. A 28. B 38. B 48. ▲
9. B 19. B 29. C 39. A 49. ♥
10. C 20. B 30. B 40. A 50. ♥
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
S.Y. 2023-2024

Pangalan: __________________________________________ Marka: __________________


Baitang at Pangkat: _________________________________ Petsa: ___________________

I. Panuto: Basahin at intindihin ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa patlang.

_______1. Ano ang tawag sa kaugaliang Pilipino kung saan nagtutulong-tulong ang magkakapitbahay upang matapos ang isang
gawain?
A. Sanggunian
B. Bayanihan
C. Balikatan
D. Akbayan
______ 2. Bakit kailangan tumulong tayo sa mga nangangailangan?
A. Para kapag may problema tayo, pwede rin tayong humingi ng tulong sa kanila.
B. Dahil makukunsensya tayo kapag hindi tayo tumulong.
C. Para huwag tayong masisi sa bandang huli.
D. Dahil pananagutan natin ang ating kapwa.
______ 3. Ano ang ipinakitang kaugalian ng Pilipino na binibigyan ng pagkain ang bisita?
A. Paggalang sa nakatatanda
B. Matulungin sa kapwa
C. Magiliw na pagtanggap sa bisita
D. Pag-alaga sa kapwa tao
______ 4. Ano ang tawag sa kaugalian na pagtulong sa tao na walang kabayaran?
A. Kaibigan
B. Akbayan
C. Bayanihan
D. Sanggunian
______ 5. Bakit kailangan gawin ang pagtulong sa kapwa?
A. Upang iwasan ito
B. Ipagpatuloy ang nakaugaliang Pilipino
C. Pagbabalewala sa kaugalian
D. Pagpapabaya sa nakagisnan
_______6. Paano maipapakita ang iyong pagtulong bilang isang mag-aaral?
A. Tulungan ang kaklaseng may kapansanan
B. Magkalat sa paaralan
C. Manggulo sa silid aralan
D. Pabayaan ang guro na may dalang gamit
_______7. Ikaw lamang ang may cellphone na may kamera sa inyong pangkat. May dula-dulaan kayong gagawin sa
asignaturang Filipino at ito ay kailangang kuhanan ng video na ipapasa sa inyong guro. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko ito ipahihiram para lahat kami ay hindi makapasa.
B. Gagawa ako ng sarili kong video na ipapasa sa aming guro at hindi ko sasabihin sa iba kong kagrupo.
C. Itatago ko ang aking cellphone at sasabihing nawala ko ito.
D. Ipahihiram ko ang aking cellphone upang kami ay makapagpasa.
_______8. Ikaw lamang ang marunong mag-edit ng larawan at video gamit ang kompyuter sa inyong pangkat. Kinakailangan na
ang kinuhanan ninyong video ay mai-edit muna bago ipasa sa inyong guro. Ano ang iyong gagawin?
A. Tuturuan ko sila kung paano mag-edit ng larawan at video.
B. Tuturuan ko lamang sila kung may kapalit.
C. Hahayaan ko sila at gagawa ako ng sarili kong video.
D. Tuturuan ko sila ngunit mali ang ituturo ko sa kanila.
_______9. Nagtatanong ang inyong guro kung sino ang marunong gumawa ng presentasyon gamit ang MS Powerpoint
Presentation. Alam mong marunong si Kharl sa paggawa nito. Bilang kaibigan niya, papaano mo maipapalabas ang
pagkamalikhain ni Kharl?
A. Hindi ako magsasalita at hahayaan ko sila.
B. Sasabihin sa kaibigan ito na ang pagkakataon na para ipakita ang kaniyang kakayahan.
C. Magtuturo ng ibang kaklase kahit wala siyang kaalaman sa paggamit ng MS Powerpoint Presentation
D. Sasabihin ko na ako ang marunong pero ang kaibigan ko ang gagawa nito.

_______10. May proyekto kayo sa paggawa ng isang paper folding. Hindi ipinaliwanag ng inyong guro kung paano ito gawin.
Ano ang maaari ninyong gawin upang magawa ito?
A. Walang gagawin para magawa ito dahil proyekto lang naman iyon.
B. Maghihintay na ipaliwanag ito ng guro.
C. Maghahanap sa internet kung papaano gawin ang paper folding.
D. Magpapagawa na lamang sa iba.
_______11. May programa sa inyong Barangay tungkol sa wastong pagtatapon at paghihiwalay ng basura. Ano ang dapat mong
gawin bilang isang miyembro ng pamayanan?
A. Huwag makialam sa programa.
B. Tawanan ang mga sumusunod sa programa.
C. Hayaan na lang ang magulang na ang makilahok.
D. Tutulong sa paghihiwalay sa basura sa aming tahanan.
_______12. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?
A. Upang matugunan ang pansariling pangangailangan.
B. Upang maipakita ang hangarin mo na maging magulo.
C. Upang magampanan ang isang gawain nang may pag-aawayan.
D. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa kabutihang panlahat.
_______13. Nagkataon may lumabas sa iyong wall sa Facebook na may mga larawan na malalaswang katawan ng menor de
edad.Ano ang iyong gagawin?
A. Pananatilihin panonoorin ang mga litrato.
B. Isa-save kaagad ang mga litrato at itatago para hindi malaman ng mga magulang.
C. Hihingi ng tulong na ireport ang nagpapakalat ng malalaswang larawan.
D. Magyaya pa ng iba para makita ng marami.
_______14. Nagtatapon ng balat ng saging ang iyong kapatid sa labas ng inyong bahay. Ano ang iyong gagawin?
A. Hihikayatin ko pa rin siya na gawin iyon.
B. Babaliwalain na parang walang nakita.
C. Hahayaan na lamang siya.
D. Pagsasabihan ko siya ng mahinanahon na masama ang pagtapon ng balat ng saging dahil maaaring ikadulot ng
aksidente sa makakaapak nito.
_______15. May nakita kang karatula na bawal tumawid. Ano ang iyong gagawin?
A. Babaliwalain at tatawid pa rin kahit bawal.
B. Magpapanggap na walang nabasa.
C. Susunod sa nakasulat at tatawid sa tamang tawiran upang maging ligtas.
D. Magkukunwaring walang napansin.
_______16. Mahilig magbasa si Neslo ng mga babasahing espiritismo kaya madalas siya ay nagiging matatakutin. Dapat ba
siyang tularan?
A. Hindi ko po alam.
B. Opo dahil maganda ang mga mapupulot doon.
C. Hindi po kasi nakakaapekto na ito sa kanyang pag-iisip.
D. Opo kasi walang ibang libangan.
_______17. Ang desisyon na dapat gawin ay para sa kabutihang___________
A. Pang-isahan
B. Para sa mga lider
C. Para sa hindi miyembro ng pangkat
D. Panlahat
________18. Kapag may sakuna, sunog, aksidente, o naganap na krimen tulad ng nakawan,Ano ang iyong gagawin?
A. Maging kalma at humingi agad ng tulong o tumawag sa mga numero na pwedeng hingan ng tulong, gaya ng
ambulansya, bombero, pulis at iba pa.
B. Mataranta at magsisigaw na lamang
C. Magsasaya na parang walang nangyari.
D. Isasawalang bahala na lamang
_________19. Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyektong humuhikayat sa lahat na magtanim ng mga gulay sa kanilang
likod-bahay. Bilang miyembro ng isang organisasyong pangkabataan sa inyong pamayanan, paano ka makakatulong sa
proyektong ito?
A. Balewalain ang proyekto dahil may iba ka pang gustong gawin.
B. Imungkahi sa SK na magkaroon ng paligsahan para sa pinakamaraming bilang ng maitatanim na mga halaman ng
gulay sa bawat barabggay.
C. Hayaan ang mga magulang na makiisa sa proyekto
D. Ikaw mismo ang magsisimulang manira ng tanim.

_________20. Sa daan pauwi, napansin mo na marumi at maraming kalat ang kanal na malapit sa iyong paaralan. Ano ang
gagawin mo?
A. Magkunwaring walang nakita
B. Hihingi ng mungkahi sa mga magulang kung ano ang maaaring maitulong sa pagpapanumbalik ng gamda ng sapa.
C. Magkikibit-bakikat na lamang dahil wla ka naming magagawa
D. Hayaan lamang ang mga basura
_________21. Nakasakay ka sa dyip papuntang paaralan. Napansin mo na nagbubuga ito ng makapal at maitim na usok. Ano
ang gagawin mo?
A. Balewalain ang nakikita mo dahil sanay ka na sa ganitong usok araw-araw.
B. Sabihan mo na lang ang tatay mo na ihatid at sunduin ka sa paaralan.
C. Sabihan ang drayber ng dyip na nakauubo ang usok ng kaniyang dyip.
D. Magsumbong ka sa makikitang pulis.
_________22. Nagbakasyon ka sa probinsya. Isang araw, narinig mo ang lolo mo na inuutusan ang isa niyang tauhan na
magkaingin sa kaniyang bukid o pagtabas at pagsunog ng mataaas na damo. Ipinagbabawal tio dahil may masamang epekto sa
tao at sa kapaligiran. Ano ang gagawin mo?
A. Ipapaliwanag mo sa lolo mo na ipinagbabawal ito at sasabihan din ang masamang epekto nito sa tao at sa
kapaligiran.
B. Magagalit ka sa lolo mo.
C. Isusumbong mo ang lolo mo sa mga awtoridad
D. Pagsasabihan mo ang mga manggagawa sa bukid na itigil ito.
_________23. Ano ang dapat taglayin ng bawat isa upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran?
A. katapangan
B. katalinuhan
C. disiplina
D. palakaibigan
_________24. Nakita mo ang iyong kaklase na nagtapon ng balat ng kendi sa parke kahit may nakasulat sa karatula na
“BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO”. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipahuhuli ko siya sa pulis
B. Ipagsasabi ko ang kaniyang ginawa
C. Magkunwaring di siya kakilala
D. Sabihan siya na bawal ang magtapon ng basura baka siya ay maparusahan at di tama ang kanyang ginawa.
_________25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nabibilang sa mga pamamaraan upang makamit ang kapayapaan?
A. Paggalang sa opinyon ng iba
B. paggalang sa ideya ng iba
C. pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan.
D. Paninira sa kapwa
_________26. Hindi naging maganda sa pandinig ni Mara ang mga naging opinyon ng mga kasamahan tungkol sa gagawing
pagtatanghal sa kanilang paaralan. Bilang lider ng samahan, ano ang nararapat niyang gawin?
A. Ipagsawalang kibo ang mga narinig
B. Pakinggan at Igalang ang anumang naging opinyon ng iba
C. Aalis sa samahan at sasali na lamang sa iba.
D. Magagalit at sasabihin siya ang dapat masunod
________27. Nais ni Dona makiisa sa programa ng kanilang barangay. Ano ang mainam niyang gawin?
A. Magpatala at ipaalam sa punong-barangay ang kanyang nais na paglahok
B. Ipost sa Facebook at itag ang mga kaibigan na siya ay lalahok sa programa
C. Manguna sa gaganapin na programa sa barangay
D. Lahat ng nabanggit
________28. Sinabihan ka ng iyong kaibigan na ikaw ay napakadaldal at maingay sa loob ng klase. Ano ang magiging reaksyon
mo?
A. Sasaktan ang kaibigan
B. Igagalang ang kanyang opinyon
C. aawayin ito
D. Di na kakausapin kahit kailan
________29. Nagalit ka sa sinabi ng iyong kapitbahay dahil para sa iyo ang mga pinagsasabi niya sa inyong kalapit barangay ay
di totoo at gawa-gawa lamang. Ano ang gagawin mo?
A. Sisiraan din siya sa ibang tao
B. Lalapit kay Tulfo para siya ay makulong
C. Kakausapin ang kapitbahay ng may paggalang sa kanyang opinyon ngunit sasabihin na di totoo ang kanyang
sinasabi sa iba.
D. Hahayaan na lang siya tutal di mo siya kaibigan
________30. Napapansin mo na palaging aktibo si Maria sa mga kaganapan sa inyong komunidad. Lahat ng programa at
proyekto ng inyong opisyales ay kinabibilangan niya. Anong klaseng mamamayan si Marie?
A. Tamad at walang pagpapahalaga sa bayan
B. Masipag at dapat tularan ng lahat
C. Pabida at gusto laging kasali sa eksena
D. Pakielamera sa lahat ng bagay
________31. Sinisiguro palagi ng mga Kapulisan sa aming bayan ang kaayusan at kapayapaan tuwing may mga pagdiriwang na
ginaganap sa aming bayan. Ginagawa ng mga Kapulisan ito upang matiyak ang _______ sa aming lugar.
A. Kagandahan C. Kalinisan
B. Kapayapaan D. Kalusugan
_______ 32. Ikinakampanya ng Health Worker sa aming barangay ang malawakan at tamang pagpapabakuna sa mga sanggol at
mga maliliit na bata upang mapanatili ang maganda at maayos nilang __________.
A. Kagandahan C. Kalinisan
B. Kapayapaan D. Kalusugan
________ 33. Pagpuputol sa mga puno sa kabundukan ay magdudulot ng hindi maganda sa ating _______. Kaya naman hindi
nag-atubiling isinumbong ni Lucas ang mga illegal loggers na nagpuputol ng puno sa kalapit bundok sa kanilang barangay.
A. Kagandahan C. Kapaligiran
B. Kapayapaan D. Kalusugan
_________ 34. Ang pagsunod sa mga ______ at alituntunin ng ating pamahalaan ay mapakahalaga upang maiwasan natin ang
anumang panganib at sakuna.
A. Batas C. Gawain
B. Utos D. Payo
_________35. Malaking tulong ang programang Earth Hour upang mapangalagaan natin ang ______.
A. Kalikasan C. Kaligtasan
b. Kalusugan D. Kalinisan
_________36. Paano maipapakita ni Ben ang pagmamahal niya sa kalikasan. Anong gawain ang dapat niyang isagawa?
A. Pagsusunog ng mga plastic sa kanilang bakuran.
B. Paggamit ng mga nakalalasong kemikal
C. Pagsali sa mga gang
D. Pagsali sa mga Clean-Up Drive na isanasagawa ng kanilang samahan.
_________37. Paano mabibigyan ni Maria ang kanyang bagong silang na sanggol ng malusog at malakas na pangangatawan.
Ano ang dapat niyang ibigay sa anak nito?
A. Mga pagkaing sagana sa vetsin at preservatives
B. Mga pagkaing matitigas
C. Gatas mula sa baka
D. Gatas na galing sa kanya.
_________38. Ano ang kinakailangan upang matagumpay na maipatupad ang mga proyektong pampamayanan?
A. Pagsasawalang bahala
B. Pakikiisa at suporta
C. Pakikiisa kung kakilala lamang ang tagapagpatupad
D. Pagiging pasaway
_________39. Alin sa mga sumusunod ang magandang dulot ng paggamit ng technology at multimedia tool sa pamayanan?
A. Mas mabilis, madali at malawakan ang anunsyo sa mga programa o importanteng impormasyon sa pamayanan.
B. Magagamit upang makapagpakalat ng mga fake news
C. Magagamit upang makapanakit ng ibang tao
D. Magagamit upang magpakalat ng tsismis sa pamayanan
_________40. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan sa paggamit ng technology at multimedia tool maliban sa isa.
A. Piliin lamang ang mga impormasyong maaaring isapubliko.
B. Iwasan itong gamitin upang makapanakit ng ibang tao.
C. Huwag gumamit ng mga salitang may masama o hindi kaaya-ayang kahulugan.
D. Pag-angkin sa gawa ng ibang tao.

II. Panuto: Isulat ang Tama sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagkakaisa at Mali naman kung hindi.

________ 41. Pinunit ni Nestor ang poster tungkol sa Earthquake Drill na isasagawa pa lamang sa kanilang barangay.
________ 42. Napagkasunduan ng magkaibigang Bert at Janry na umuwi na lamang at huwag ng makilahok sa programa dahil
ito ay ukol sa droga at wala naman silang maitutulong dito.
________ 43. Ang isang grupo ay nagkasundo upang ihalal ang mamumuno sa kanilang lugar; isang taong may hangaring
mapaunlad ang kanilang lugar.
________ 44. Sa paaralan, naatasan ang isang mag-aaral na mamuno sa isang grupo, ang mga miyembro ay nag-usap-usap at
bumuo ng isang plano para sa gagawin nilang proyekto.
________ 45. Sa tahanan, ang mga magulang at mga anak ay nagpapasiyang magbakasyon sa probinsiya, sila ay
magkakasamang nagdesisyon na puntahan at bisitahin ang kanilang lolo at lola.

III. Panuto: Iguhit ang puso (♥) sa patlang kung nagsasaad ng pakikiisa sa mga gawaing nakatutulong sa bansa at daigdig, at
tatsulok (▲) naman kung hindi.

________ 46. Sumusunod ako sa mga alituntunin at batas na ipinapatupad sa aming barangay at sa bansa.
________47. Bilang mag-aaral, ako ay mag-aaral nang mabuti upang pagdating ng araw ay ako naman ang isa sa tutulong sa
aking bayan upang maging maunlad sa pamamagitan ng paggamit ng aking mga kaalaman.
________48. Hindi ko pagtutuunan ng pansin ang pagtulong ng ating bansa dahil hindi ko ito kaya.
________49. Patuloy na ginagampanan ng mga kapulisan ang kanilang tungkulin sa pagsugpo ng mga ipinagbabawal na gamot.
________50. Ang mga nars at doktor sa buong mundo ay walang kapaguran sa kanilang paglillingkod upang magamot ang mga
may karamdaman lalong lalo na ang mga nadapuan at nahawa ng sakit.

You might also like