You are on page 1of 5

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
TUKURAN WEST DISTRICT
DISTRICT ACHIEVEMENT TEST
Araling Panlipunan - IV
S.Y. 2021 – 2022

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot at itiman ang titik nito na
nasa loob ng bilog sa iyong sagutang papel.

1. Ang pagkamamamayan ay mayroong basehan o batayan at ito ay nakapaloob sa ________.


A. aklatan
B. Saligang Batas
C. Banal na Kasulatan
D. Talaan ng mga Karapatan
2. Anong tawag sa pagkamamamayang Pilipino kung sinusunod ng isang anak ang pagkama-
mamayan ng kanyang magulang saan mang bansa siya ipinanganak?
A. Jus soli
B. Jus sanguinis
C. Naturalisasyon
D. Dual citizenship
3. Kung ang pagkamamamayan ng isang anak ay naayon sa lugar ng kanyang kapanganakan
anuman ang pagkamamamayan ng kanyang magulang, ito ay tinatawag na __________.
A. Jus soli
B. Jus sanguinis
C. Naturalisasyon
D. Dual citizenship
4. Ilang taon dapat manirahan sa bansa ng tuluy-tuloy upang makamit ang pagkamamamayang
Pilipino?
A. 5
B. 10
C. 15
D. 20
5. Alin sa sumusunod ang kabilang sa likas na karapatan?
A. bumuto
B. maglaro
C. mabuhay
D. mag-aral
6. Alin sa sumusunod ang dapat maging kaakibat ng iyong mga karapatan?
A. batas
B. tungkulin
C. panlipunan
D. pangkabuhayan
7. Paano tinutugunan ng isang mahusay na pinuno ang pangangailangan ng mamamayan?
A. sa pamamagitan ng pag-aalay nito ng mga ginto at alahas
B. sa pamamagitan ng pagbabayad nito ng mga nahiram na salapi
C. sa pamamagitan ng pagtalima o paggalang sa kanilang mga karapatan
D. sa pamamagitan ng pagpapadala nito sa mga pandaigdigang paligsahan
8. Ang programang ng pamahalaan na nagbibigay ng libreng serbisyong medikal at gamot sa tuwing
maoospital ang isang Pilipino ay karapatang___________.
A. magpahinga
B. maging malaya
C. makapaglahok
D. maging malusog
9. Paano binigyang solusyon ng pamahalaan ang mga kabataang huminto na sa pag-aaral?
A. sa pamamagitan ng ALS
B. sa pagbibigay ng mga research
C. sa pamamagitan ng online studies
D. sa pagbibigay ng libreng school supplies
10. Paano natutulungan ng pamahalaan ang mga batang nag-uumpisa pa lamang matuto?
A. nagtayo ng mga health center
B. nagtayo ng mga playground sa mga barangay
C. nagtayo ng mga Day Care Centers sa mga barangay
D. nagtayo ng mga Indigenous People Centers sa mga barangay
11. Paano mo maipakikita ang pagtulong sa mga negosyanteng Pilipino?
A. bumili ng produktong banyaga
B. pintasan ang produktong gawa sa bansa
C. siraan ang produktong gawa ng mga dayuhan
D. tangkilikin ang mga produktong gawa ng kapwa Pilipino
12. Paano itinataguyod ng pamahalaan ang karapatan ng bawat isa sa pantay na proteksiyon ng
batas?
A. lihim na papanigan ang kakilalang nagkasala
B. walang pinipili sa pagpataw ng parusa, mahirap man o mayaman
C. nakabatay sa ibibigay na pabuyang salapi mula sa pamilyang nagkasala
D. paparusahan lang ang may pinakamabigat na kasalanan sa grupong nagkasala
13. Ang bawat Pilipino ay may karapatang makapagpili ng maaniban upang itaguyod ang
kanyang nakagisnang paniniwala. Ano ito?
A. karapatan sa relihiyon
B. karapatan sa pagsasalita
C. karapatan sa pamamahayag at pagtitipon
D. karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon
14. Paano maipakikita ng pamahalaan ang kanyang tungkulin bilang tagaprotekta sa isang
inirereklamo o nasasakdal?
A. hayaan siyang pumili ng kanyang relihiyon
B. hayaan siyang basahin ang sulat ng nagreklamo
C. ipadala sa kanya ang lahat ng ebidensiya sa hukuman
D. huwag ipahalughog ang kanyang tahanan kung walang utos mula sa hukuman
15. Alin sa sumusunod na mga salita ang maaring kabahagi ng Kagalingang Pansibiko?
A. kalakasan
B. katapatan
C. kasipagan
D. boluntarismo
16. Ang sumusunod ay mga gawaing pansibiko maliban sa isa. Ano ito?
A. pagtapon ng kalat sa tamang lagayan
B. sumusunod sa mga batas pampubliko
C. lumalahok sa mga gawain ng komunidad
D. dahan dahang lumalakad habang umaawit ng lupang hinirang
17. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagtataguyod para sa kaunlaran ng bansa?
A. pag-uuling
B. pangangaso
C. pagkakaingin
D. muling paggugubat
18. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang produktibong mamamayan maliban sa isa. Ano ito?
A. maagap
B. matapat
C. malakas
D. mapanlinlang
19. Bilang isang Pilipino, paano mo maipakikita ang pagtulong sa saring bansa?
A. mag – abroad upang makapagpadala sa pamilya
B. magsilbi sa saring bayan nang sa ganoon ay makatulong sa kapwa
C. magsilbi sa mga dayuhang negosyante upang kumita nang mas malaki
D. magmadaling makakuha ng promosyon sa trabaho upang makasahod nang mas malaki
20. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagtalima sa programang Clean and Green?
A. Munting basura ibubulsa ko
B. Makilahok sa mga pambansang paligsahan
C. Makibaka at magdaos ng mga symposium tungkol sa kapaligiran
D. Maglikom ng pondo upang maglunsad ng programang pangkapaligiran
ARPAN IV - TABLE OF SPECIFICATION

Number Cognitive Process Dimensions


Quarter Learning Competencies of Items Test
Rememberi Understanding Analyzing Applying Evaluat Creati Item
ng ing ng Placement
4th Natatalakay ang konsepto at prinsipyo ng
pagkamamayan 4 2 2 1,2,3,4

Natatalakay ang konsepto ng karapatan at tungkulin 5,6,7,8,9,


10 1 4 5 10,12,13,
14
Naipaliliwanag ang mga gawaing lumilinang sa
kagalingang pansibiko
1 1 15
Napahahalagahan ang kagalingang pansibiko
1 1 16

Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga


mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran ng 17,18,19,
bansa 4 2 2 20
Total 20 3 6 9 0 2

ANSWER KEY 1 B
2 B
3 A
4 B
5 C
6 B
7 C
8 D
9 A
10 C
11 D
12 B
13 A
14 D
15 D
16 D
17 D
18 D
19 B
20 A
Prepared by: ALLAN S. CABALLERO
PSES Grade V – Teacher

You might also like