You are on page 1of 7

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

S.Y. 2023-2024
TABLE OF SPECIFICATION

COGNITIVE PROCESS
DIMENSION
10
No. 60%
No. 30% %
of
Most Essential Learning of Un
Days Re
Competencies Item de An Ev
Taug me Ap Cr Item
s rst aly alu
ht mb ply eat Place
an zin ati
eri ing ing ment
din g ng
ng
g
Nakapagpapakita ng mga
kanais-nais
na kaugaliang Pilipino
1.1. nakikisama sa kapwa
Pilipino
5 6 2 1 1 1 1 1-6
1.2. tumutulong/lumalahok sa
bayanihan at palusong
1.3. magiliw na pagtanggap
ng
1 mga panauhin
Nakapagpapamalas ng
pagkamalikhain sa pagbuo
ng mga sayaw, awit at sining 2 1 7-9
gamit ang anumang
2 multimedia o teknolohiya 5 6
Napananatili ang
pagkamabuting
1 1 1 10-12
mamamayang Pilipino sa
3 pamamagitan ng pakikilahok
Nakasusunod ng may masusi at
matalinong pagpapasiya para
sa
kaligtasan. Hal:
4.1. paalala para sa mga
panoorin
5 6 1 2 1 1 1 13-18
at babasahin
4.2. pagsunod sa mga
alituntunin
tungkol sa pag-iingat sa sunog
at
4 paalaala kung may kalamidad
5 Nakapagpapakita ng 5 6 1 2 1 19-22
magagandang
halimbawa ng pagiging
responsableng
tagapangalaga ng
kapaligiran
5.1. pagiging mapanagutan
5.2. pagmamalasakit sa
kapaligiran
sa pamamagitan ng
pakikiisa sa mga
programang
pangkapaligiran
Napatutunayan na di-
nakukuha sa
kasakiman ang
pangangailangan
1 1 23-24
6.1. pagiging vigilant sa mga
illegal
na gawaing nakasisira sa
6 kapaligiran
Nakikiisa nang may
kasiyahan sa mga
programa ng pamahalaan
na may
kaugnayan sa pagpapanatili
ng
kapayapaan
5 6 2 2 1 1 25-30
7.1. paggalang sa
karapatang
pantao
7.2. paggalang sa opinyon
ng iba
7.3. paggalang sa ideya ng
7 iba
Nakalalahok sa
pangangampanya sa
pagpapatupad ng mga
batas para sa
kabutihan ng lahat
5 7 3 2 1 1 31-37
8.1. pangkalinisan
8.2. pangkaligtasan
8.3. pangkalusugan
8.4. pangkapayapaan
8 8.5. pangkalikasan
Nakagagawa ng isang
proyekto gamit ang iba’t
ibang multimedia at
technology tools sa
1 1 5 1 38-45
pagpapatupad ng mga
batas sa kalinisan,
10 13
kaligtasan, kalusugan at
9 kapayapaan
Nakikiisa nang buong tapat
sa mga gawaing
5 46-50
1 nakatutulong sa bansa at
0 daigdig
40 50 11 8 10 15 6 0 50
TOTAL

Pagwawasto:
1. B 11. D 21. C 31. B 41. MALI

2. D 12. D 22. A 32. D 42. TAMA


3. C 13. C 23. C 33. C 43. TAMA

4. C 14. D 24. D 34. A 44. TAMA


5. B 15. C 25. D 35. A 45. TAMA

6. A 16. C 26. B 36. D 46. ♥


7. D 17. D 27. D 37. D 47. ♥
8. A 18. A 28. B 38. B 48. ▲
9. B 19. B 29. C 39. A 49. ♥
10. C 20. B 30. B 40. A 50. ♥

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5


S.Y. 2023-2024

Pangalan: __________________________________________ Marka: __________________


Baitang at Pangkat: _________________________________ Petsa: ___________________

I. Panuto: Basahin at intindihin ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa
patlang.

_______1. Ano ang tawag sa kaugaliang Pilipino kung saan nagtutulong-tulong ang
magkakapitbahay upang matapos ang isang gawain?
A. Sanggunian
B. Bayanihan
C. Balikatan
D. Akbayan
______ 2. Bakit kailangan tumulong tayo sa mga nangangailangan?
A. Para kapag may problema tayo, pwede rin tayong humingi ng tulong sa kanila.
B. Dahil makukunsensya tayo kapag hindi tayo tumulong.
C. Para huwag tayong masisi sa bandang huli.
D. Dahil pananagutan natin ang ating kapwa.
______ 3. Ano ang ipinakitang kaugalian ng Pilipino na binibigyan ng pagkain ang bisita?
A. Paggalang sa nakatatanda
B. Matulungin sa kapwa
C. Magiliw na pagtanggap sa bisita
D. Pag-alaga sa kapwa tao
______ 4. Ano ang tawag sa kaugalian na pagtulong sa tao na walang kabayaran?
A. Kaibigan
B. Akbayan
C. Bayanihan
D. Sanggunian
______ 5. Bakit kailangan gawin ang pagtulong sa kapwa?
A. Upang iwasan ito
B. Ipagpatuloy ang nakaugaliang Pilipino
C. Pagbabalewala sa kaugalian
D. Pagpapabaya sa nakagisnan
_______6. Paano maipapakita ang iyong pagtulong bilang isang mag-aaral?
A. Tulungan ang kaklaseng may kapansanan
B. Magkalat sa paaralan
C. Manggulo sa silid aralan
D. Pabayaan ang guro na may dalang gamit
_______7. Ikaw lamang ang may cellphone na may kamera sa inyong pangkat. May dula-
dulaan kayong gagawin sa asignaturang Filipino at ito ay kailangang kuhanan ng video na
ipapasa sa inyong guro. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko ito ipahihiram para lahat kami ay hindi makapasa.
B. Gagawa ako ng sarili kong video na ipapasa sa aming guro at hindi ko sasabihin sa
iba kong kagrupo.
C. Itatago ko ang aking cellphone at sasabihing nawala ko ito.
D. Ipahihiram ko ang aking cellphone upang kami ay makapagpasa.
_______8. Ikaw lamang ang marunong mag-edit ng larawan at video gamit ang kompyuter sa
inyong pangkat. Kinakailangan na ang kinuhanan ninyong video ay mai-edit muna bago ipasa
sa inyong guro. Ano ang iyong gagawin?
A. Tuturuan ko sila kung paano mag-edit ng larawan at video.
B. Tuturuan ko lamang sila kung may kapalit.
C. Hahayaan ko sila at gagawa ako ng sarili kong video.
D. Tuturuan ko sila ngunit mali ang ituturo ko sa kanila.
_______9. Nagtatanong ang inyong guro kung sino ang marunong gumawa ng presentasyon
gamit ang MS Powerpoint Presentation. Alam mong marunong si Kharl sa paggawa nito. Bilang
kaibigan niya, papaano mo maipapalabas ang pagkamalikhain ni Kharl?
A. Hindi ako magsasalita at hahayaan ko sila.
B. Sasabihin sa kaibigan ito na ang pagkakataon na para ipakita ang kaniyang
kakayahan.
C. Magtuturo ng ibang kaklase kahit wala siyang kaalaman sa paggamit ng MS
Powerpoint Presentation
D. Sasabihin ko na ako ang marunong pero ang kaibigan ko ang gagawa nito.
_______10. May proyekto kayo sa paggawa ng isang paper folding. Hindi ipinaliwanag ng
inyong guro kung paano ito gawin. Ano ang maaari ninyong gawin upang magawa ito?
A. Walang gagawin para magawa ito dahil proyekto lang naman iyon.
B. Maghihintay na ipaliwanag ito ng guro.
C. Maghahanap sa internet kung papaano gawin ang paper folding.
D. Magpapagawa na lamang sa iba.
_______11. May programa sa inyong Barangay tungkol sa wastong pagtatapon at paghihiwalay
ng basura. Ano ang dapat mong gawin bilang isang miyembro ng pamayanan?
A. Huwag makialam sa programa.
B. Tawanan ang mga sumusunod sa programa.
C. Hayaan na lang ang magulang na ang makilahok.
D. Tutulong sa paghihiwalay sa basura sa aming tahanan.
_______12. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?
A. Upang matugunan ang pansariling pangangailangan.
B. Upang maipakita ang hangarin mo na maging magulo.
C. Upang magampanan ang isang gawain nang may pag-aawayan.
D. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa kabutihang panlahat.
_______13. Nagkataon may lumabas sa iyong wall sa Facebook na may mga larawan na
malalaswang katawan ng menor de edad.Ano ang iyong gagawin?
A. Pananatilihin panonoorin ang mga litrato.
B. Isa-save kaagad ang mga litrato at itatago para hindi malaman ng mga magulang.
C. Hihingi ng tulong na ireport ang nagpapakalat ng malalaswang larawan.
D. Magyaya pa ng iba para makita ng marami.
_______14. Nagtatapon ng balat ng saging ang iyong kapatid sa labas ng inyong bahay. Ano
ang iyong gagawin?
A. Hihikayatin ko pa rin siya na gawin iyon.
B. Babaliwalain na parang walang nakita.
C. Hahayaan na lamang siya.
D. Pagsasabihan ko siya ng mahinanahon na masama ang pagtapon ng balat ng
saging dahil maaaring ikadulot ng aksidente sa makakaapak nito.
_______15. May nakita kang karatula na bawal tumawid. Ano ang iyong gagawin?
A. Babaliwalain at tatawid pa rin kahit bawal.
B. Magpapanggap na walang nabasa.
C. Susunod sa nakasulat at tatawid sa tamang tawiran upang maging ligtas.
D. Magkukunwaring walang napansin.
_______16. Mahilig magbasa si Neslo ng mga babasahing espiritismo kaya madalas siya ay
nagiging matatakutin. Dapat ba siyang tularan?
A. Hindi ko po alam.
B. Opo dahil maganda ang mga mapupulot doon.
C. Hindi po kasi nakakaapekto na ito sa kanyang pag-iisip.
D. Opo kasi walang ibang libangan.
_______17. Ang desisyon na dapat gawin ay para sa kabutihang___________
A. Pang-isahan
B. Para sa mga lider
C. Para sa hindi miyembro ng pangkat
D. Panlahat
________18. Kapag may sakuna, sunog, aksidente, o naganap na krimen tulad ng nakawan,Ano
ang iyong gagawin?
A. Maging kalma at humingi agad ng tulong o tumawag sa mga numero na pwedeng
hingan ng tulong, gaya ng ambulansya, bombero, pulis at iba pa.
B. Mataranta at magsisigaw na lamang
C. Magsasaya na parang walang nangyari.
D. Isasawalang bahala na lamang
_________19. Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyektong humuhikayat sa lahat na
magtanim ng mga gulay sa kanilang likod-bahay. Bilang miyembro ng isang organisasyong
pangkabataan sa inyong pamayanan, paano ka makakatulong sa proyektong ito?
A. Balewalain ang proyekto dahil may iba ka pang gustong gawin.
B. Imungkahi sa SK na magkaroon ng paligsahan para sa pinakamaraming bilang ng
maitatanim na mga halaman ng gulay sa bawat barabggay.
C. Hayaan ang mga magulang na makiisa sa proyekto
D. Ikaw mismo ang magsisimulang manira ng tanim.
_________20. Sa daan pauwi, napansin mo na marumi at maraming kalat ang kanal na malapit
sa iyong paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Magkunwaring walang nakita
B. Hihingi ng mungkahi sa mga magulang kung ano ang maaaring maitulong sa
pagpapanumbalik ng gamda ng sapa.
C. Magkikibit-bakikat na lamang dahil wla ka naming magagawa
D. Hayaan lamang ang mga basura
_________21. Nakasakay ka sa dyip papuntang paaralan. Napansin mo na nagbubuga ito ng
makapal at maitim na usok. Ano ang gagawin mo?
A. Balewalain ang nakikita mo dahil sanay ka na sa ganitong usok araw-araw.
B. Sabihan mo na lang ang tatay mo na ihatid at sunduin ka sa paaralan.
C. Sabihan ang drayber ng dyip na nakauubo ang usok ng kaniyang dyip.
D. Magsumbong ka sa makikitang pulis.
_________22. Nagbakasyon ka sa probinsya. Isang araw, narinig mo ang lolo mo na inuutusan
ang isa niyang tauhan na magkaingin sa kaniyang bukid o pagtabas at pagsunog ng mataaas
na damo. Ipinagbabawal tio dahil may masamang epekto sa tao at sa kapaligiran. Ano ang
gagawin mo?
A. Ipapaliwanag mo sa lolo mo na ipinagbabawal ito at sasabihan din ang masamang
epekto nito sa tao at sa kapaligiran.
B. Magagalit ka sa lolo mo.
C. Isusumbong mo ang lolo mo sa mga awtoridad
D. Pagsasabihan mo ang mga manggagawa sa bukid na itigil ito.
_________23. Ano ang dapat taglayin ng bawat isa upang mapanatili ang kalinisan ng
kapaligiran?
A. katapangan
B. katalinuhan
C. disiplina
D. palakaibigan
_________24. Nakita mo ang iyong kaklase na nagtapon ng balat ng kendi sa parke kahit may
nakasulat sa karatula na “BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO”. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipahuhuli ko siya sa pulis
B. Ipagsasabi ko ang kaniyang ginawa
C. Magkunwaring di siya kakilala
D. Sabihan siya na bawal ang magtapon ng basura baka siya ay maparusahan at di
tama ang kanyang ginawa.
_________25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nabibilang sa mga pamamaraan upang
makamit ang kapayapaan?
A. Paggalang sa opinyon ng iba
B. paggalang sa ideya ng iba
C. pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan.
D. Paninira sa kapwa
_________26. Hindi naging maganda sa pandinig ni Mara ang mga naging opinyon ng mga
kasamahan tungkol sa gagawing pagtatanghal sa kanilang paaralan. Bilang lider ng samahan,
ano ang nararapat niyang gawin?
A. Ipagsawalang kibo ang mga narinig
B. Pakinggan at Igalang ang anumang naging opinyon ng iba
C. Aalis sa samahan at sasali na lamang sa iba.
D. Magagalit at sasabihin siya ang dapat masunod
________27. Nais ni Dona makiisa sa programa ng kanilang barangay. Ano ang mainam niyang
gawin?
A. Magpatala at ipaalam sa punong-barangay ang kanyang nais na paglahok
B. Ipost sa Facebook at itag ang mga kaibigan na siya ay lalahok sa programa
C. Manguna sa gaganapin na programa sa barangay
D. Lahat ng nabanggit
________28. Sinabihan ka ng iyong kaibigan na ikaw ay napakadaldal at maingay sa loob ng
klase. Ano ang magiging reaksyon mo?
A. Sasaktan ang kaibigan
B. Igagalang ang kanyang opinyon
C. aawayin ito
D. Di na kakausapin kahit kailan
________29. Nagalit ka sa sinabi ng iyong kapitbahay dahil para sa iyo ang mga pinagsasabi
niya sa inyong kalapit barangay ay di totoo at gawa-gawa lamang. Ano ang gagawin mo?
A. Sisiraan din siya sa ibang tao
B. Lalapit kay Tulfo para siya ay makulong
C. Kakausapin ang kapitbahay ng may paggalang sa kanyang opinyon ngunit
sasabihin na di totoo ang kanyang sinasabi sa iba.
D. Hahayaan na lang siya tutal di mo siya kaibigan
________30. Napapansin mo na palaging aktibo si Maria sa mga kaganapan sa inyong
komunidad. Lahat ng programa at proyekto ng inyong opisyales ay kinabibilangan niya. Anong
klaseng mamamayan si Marie?
A. Tamad at walang pagpapahalaga sa bayan
B. Masipag at dapat tularan ng lahat
C. Pabida at gusto laging kasali sa eksena
D. Pakielamera sa lahat ng bagay
________31. Sinisiguro palagi ng mga Kapulisan sa aming bayan ang kaayusan at kapayapaan
tuwing may mga pagdiriwang na ginaganap sa aming bayan. Ginagawa ng mga Kapulisan ito
upang matiyak ang _______ sa aming lugar.
A. Kagandahan C. Kalinisan
B. Kapayapaan D. Kalusugan
_______ 32. Ikinakampanya ng Health Worker sa aming barangay ang malawakan at tamang
pagpapabakuna sa mga sanggol at mga maliliit na bata upang mapanatili ang maganda at
maayos nilang __________.
A. Kagandahan C. Kalinisan
B. Kapayapaan D. Kalusugan
________ 33. Pagpuputol sa mga puno sa kabundukan ay magdudulot ng hindi maganda sa
ating _______. Kaya naman hindi nag-atubiling isinumbong ni Lucas ang mga illegal loggers na
nagpuputol ng puno sa kalapit bundok sa kanilang barangay.
A. Kagandahan C. Kapaligiran
B. Kapayapaan D. Kalusugan
_________ 34. Ang pagsunod sa mga ______ at alituntunin ng ating pamahalaan ay
mapakahalaga upang maiwasan natin ang anumang panganib at sakuna.
A. Batas C. Gawain
B. Utos D. Payo
_________35. Malaking tulong ang programang Earth Hour upang mapangalagaan natin ang
______.
A. Kalikasan C. Kaligtasan
b. Kalusugan D. Kalinisan
_________36. Paano maipapakita ni Ben ang pagmamahal niya sa kalikasan. Anong gawain
ang dapat niyang isagawa?
A. Pagsusunog ng mga plastic sa kanilang bakuran.
B. Paggamit ng mga nakalalasong kemikal
C. Pagsali sa mga gang
D. Pagsali sa mga Clean-Up Drive na isanasagawa ng kanilang samahan.
_________37. Paano mabibigyan ni Maria ang kanyang bagong silang na sanggol ng malusog
at malakas na pangangatawan. Ano ang dapat niyang ibigay sa anak nito?
A. Mga pagkaing sagana sa vetsin at preservatives
B. Mga pagkaing matitigas
C. Gatas mula sa baka
D. Gatas na galing sa kanya.
_________38. Ano ang kinakailangan upang matagumpay na maipatupad ang mga
proyektong pampamayanan?
A. Pagsasawalang bahala
B. Pakikiisa at suporta
C. Pakikiisa kung kakilala lamang ang tagapagpatupad
D. Pagiging pasaway
_________39. Alin sa mga sumusunod ang magandang dulot ng paggamit ng technology at
multimedia tool sa pamayanan?
A. Mas mabilis, madali at malawakan ang anunsyo sa mga programa o importanteng
impormasyon sa pamayanan.
B. Magagamit upang makapagpakalat ng mga fake news
C. Magagamit upang makapanakit ng ibang tao
D. Magagamit upang magpakalat ng tsismis sa pamayanan
_________40. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan sa paggamit ng technology at
multimedia tool maliban sa isa.
A. Piliin lamang ang mga impormasyong maaaring isapubliko.
B. Iwasan itong gamitin upang makapanakit ng ibang tao.
C. Huwag gumamit ng mga salitang may masama o hindi kaaya-ayang kahulugan.
D. Pag-angkin sa gawa ng ibang tao.

II. Panuto: Isulat ang Tama sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagkakaisa
at Mali naman kung hindi.

________ 41. Pinunit ni Nestor ang poster tungkol sa Earthquake Drill na isasagawa pa lamang sa
kanilang barangay.
________ 42. Napagkasunduan ng magkaibigang Bert at Janry na umuwi na lamang at huwag
ng makilahok sa programa dahil ito ay ukol sa droga at wala naman silang maitutulong dito.
________ 43. Ang isang grupo ay nagkasundo upang ihalal ang mamumuno sa kanilang lugar;
isang taong may hangaring mapaunlad ang kanilang lugar.
________ 44. Sa paaralan, naatasan ang isang mag-aaral na mamuno sa isang grupo, ang mga
miyembro ay nag-usap-usap at bumuo ng isang plano para sa gagawin nilang proyekto.
________ 45. Sa tahanan, ang mga magulang at mga anak ay nagpapasiyang magbakasyon
sa probinsiya, sila ay magkakasamang nagdesisyon na puntahan at bisitahin ang kanilang lolo
at lola.

III. Panuto: Iguhit ang puso ( ♥) sa patlang kung nagsasaad ng pakikiisa sa mga gawaing

nakatutulong sa bansa at daigdig, at tatsulok (▲) naman kung hindi.

________ 46. Sumusunod ako sa mga alituntunin at batas na ipinapatupad sa aming barangay
at sa bansa.
________47. Bilang mag-aaral, ako ay mag-aaral nang mabuti upang pagdating ng araw ay
ako naman ang isa sa tutulong sa aking bayan upang maging maunlad sa pamamagitan ng
paggamit ng aking mga kaalaman.
________48. Hindi ko pagtutuunan ng pansin ang pagtulong ng ating bansa dahil hindi ko ito
kaya.
________49. Patuloy na ginagampanan ng mga kapulisan ang kanilang tungkulin sa pagsugpo
ng mga ipinagbabawal na gamot.
________50. Ang mga nars at doktor sa buong mundo ay walang kapaguran sa kanilang
paglillingkod upang magamot ang mga may karamdaman lalong lalo na ang mga nadapuan
at nahawa ng sakit.

You might also like