You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAOPA Region
DIVISION OF OEINEAL MINDOO
BAGSOK ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATIONS
Third Periodical Test in ESP 5
2023-2024

ITEM PLACEMENT
EASY AVERAGE DIFFICULT
COMPETENCY CODE Evaluate / No. of Items
Remember / Understand/ Apply/ Analyze / Create /
Synthesiz
Knowledge Comprehension Application Analysis Evaluation
e
1. Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na EsP5PPP 1-5 5
kaugaliang Pilipino – IIIa – 23
1.1. nakikisama sa kapwa Pilipino
1.2. tumutulong/lumalahok sa bayanihan at
palusong
1.3. magiliw na pagtanggap ng mga panauhin
2. Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa EsP5PPP 8,10 6,7,9 5
pagbuo ng mga sayaw, awit at sining gamit ang – IIIb –
anumang multimedia o teknolohiya 24
3. Napananatili ang pagkamabuting mamamayang EsP5PPP 11,13,1 12,14 5
Pilipino sa pamamagitan ng pakikilahok – IIIb – 5
25
4.Nakasusunod ng may masusi at matalinong EsP5PPP 16,20 17,18,1 5
pagpapasiya para sa kaligtasan. – IIIc – 26 9
Hal: 4.1. paalala para sa mga panoorin at
babasahin
4.2. pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-
iingat sa sunog at paalaala kung may kalamidad
5. Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa EsP5PPP 24,25 21,22, 5
ng pagiging responsableng tagapangalaga ng – IIId – 23
kapaligiran 27
5.1. pagiging mapanagutan
5.2. pagmamalasakit sa kapaligiran sa
pamamagitan ng pakikiisa sa mga programang
pangkapaligiran
6. Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman EsP5PPP 26,27,30 28,29 5
ang pangangailangan – IIIe– 28
6.1. pagiging vigilant sa mga illegal na gawaing
nakasisira sa kapaligiran
7. Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga EsP5PPP 31-35 5
programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa – IIIf – 29
pagpapanatili ng kapayapaan
7.1. paggalang sa karapatang pantao
7.2. paggalang sa opinyon ng iba
7.3. paggalang sa ideya ng iba
8. Nakalalahok sa pangangampanya sa EsP5PPP 36-40 5
pagpapatupad ng mga batas para sa kabutihan ng – IIIg – 30
lahat
8.1. pangkalinisan
8.2. pangkaligtasan
8.3. pangkalusugan
8.4. pangkapayapaan
8.5. pangkalikasan

TOTAL NUMBER OF ITEMS 10 15 2 5 3 5 40


DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO
District of Socorro
THIRD PERIODICAL TEST IN ESP 5
2023-2024

Pangalan:____________________________________Baitang: ________________Score:_____
Panuto: Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing nakasulat sa ibaba?

1. Ipinagmamalaki ang mga kaugalian at tradisyong Pilipino.


A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam
2. Ikinalulungkot kapag tumutulong lang ang mga tao sa kapitbahay kung binabayaran sila o binibigyan ng
pabuya.
A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam
3. Nagmamano sa mga magulang at ibang nakatatanda bilang paggalang.
A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam
4. Naniniwala na nagtuturo lang ng katamaran at pagiging palaasa sa iba ang madalas na pagtulong sa tao.
A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam
5. Malugod na tinatanggap ang mga kamag-anak at kakilala kapag dumadalaw sila.
A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam
6. Sa panahon ng pandemya kung saan tayo ay naka lockdown, paano mo malilinang ang iyong kakayahan
sa pagguhit?
A. Maglalaro ng mobile legend maghapon.
B. Magfafacebook upang makachat ang aking mga kaibigan.
C. Magdodownload ng mga disenyo na maaring gamitin at gayahin sa iyong pagguhit.
D. Kukuha ng mga ibat-ibang disenyo sa youtube o google at sabihin sa nakatatandang
kapatid na siya na lamang ang magguhit para sa iyo.
7. Noong mga panahong hindi pa ngkaroon ng Pandemya, tuwing Sabado ay nagkakaroon kayo ng
pagsasanay ng iyong mga kagrupo sa sayaw sa Plaza. Ngunit dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng
Covid-19 hindi pinapayagang lumabas ang mga kabataang tulad mo. Ano ang gagawin mo upang higit mo
pa ring malinang ang iyong kakayahan sa pagsayaw?
A. Magkulong na lang sa bahay habang nakaQuarantine
B. Magsasanay sumayaw kasabay ng mga grupo mo sa pamamagitan ng Zoom App.
C. Pipiliting lumabas at gagawa pa rin ng paraan upang magkita-kita kayo ng iyong grupo
upang magsanay sa pagsayaw.
D. Sasabihan ko ang aking mga kagrupo sa sayaw na magkita-kita parin kami sa Plaza tuwing
Sabado kahit may Covid-19.
8. Si Rhea ay pumupunta sa kanyang guro sa musika upang magsanay kumanta para sa isang paligsahan.
Ngunit dahil sa Pandemyang kumakalat ngayon, nahinto ang kanyang pagsasanay. Sa paanong paraan siya
maaaring magpatuloy sa pagsasanay?
A. Kumakanta na lamang sa panaginip.
B. Makikinig at manonood sa mga paligsahan sa pag-awit at isipin na isa siya sa mga kalahok.
C. Kakanta pa rin sa mga pagdiriwang tulad ng kaarawan upang malinang ang kakayahan kahit
na may Pandemya.
D. Makikinig at manonood sa mga musika at kanta at sasabayan sa pag-awit upang higit na
malinang ang kanyang talento.
9. Napakahusay mong gumuhit. Nakiusap ang iyong guro na gumuhit ka ng isang larawan ng ospital at
mga pasyente ng Covid-19 para sa inyong aralin tungkol dito. Ano ang gagawin mo?
A. Magkukunwaring nakalimutan na ang pagguhit.
B. Guguhit ng larawan at ipapadala ito sa pamamagitan ng iyong facebook account.
C. Sasabihan na lamang ang guro na siya na lang ang gumuhit dahil ikaw ay tinatamad.
D. Huwag na lamang magbubukas ng cellphone o facebook upang hindi ka makausap muli ng
iyong guro.
10. Maaari ka pa rin bang sumali sa isang paligsahan sa pag-awit kahit ngayong panahon ng pandemya? Sa
papaanong paraan?
A. Opo, Pupunta sa istasyon ng telebisyon at magtatanong kung mayroon silang paligsahan sa
pag-awit.
B. Opo, Uutusan ang mga magulang na maghanap sa youtube o google tungkol sa paligsahan
sa pag-awit.
C. Opo, Hahanap sa facebook o google ng mga ipinopost o ipinapaskil na paligsahan sa pag-
awit gamit ang multimedia o iba pang teknolohiya.
D. Hindi po, Hahayaan ko na lamang na may taong makadiskubre ng aking talento dahil may
Pandemya ngayon.
3|P a g e
11. Magkakaroon ng Bayanihan Tulong Para sa Barangay sa inyong lugar. Nais mo sanang tumulong ngunit
dahil sa pandemyang Covid-19 ay hindi pinapayagan ang mga batang tulad mo na manatili sa labas ng
inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magdadabog at magmumukmok na lamang sa loob ng inyong tahanan.
B. Pipilitin ang mga magulang upang isama kang lumabas dahil maganda naman ang iyong
nais.
C. Hahayaan na lamang ang mga taong gustong tumulong sapagkat wala kang magagawa
dahil sa iyong murang edad.
D. Kakausapin ang mga magulang na sila na lamang ang tumulong para sa iyo at isasama mo
na lamang sa iyong panalangin ang lahat ng mga taong nangangailagan sa panahong ito
na maging maayos sila.
12. Dahil sa Bayanihan Act na ipinapatupad ng ating pamahalaan para sa mga taong higit na
nangangailangan ng tulong lalo na sa panahon ng COVID-19, ay maraming Pilipino ang natulungan ng
programang ito. Sa pangalawang pagkakataon na pamimigay ng ayuda ay dalawang beses na nakasama
ang iyong mga magulang na nabigyan nito. Alam mo na ito ay hindi nararapat kahit na kailangan na
kailangan ninyo ng pera. Sapagkat maraming pamilya ang umaasang makakuha din. Ano ang sasabihin mo
sa iyong mga magulang?
A. Walang pakialam sa mga pangyayari sa inyong tahanan at lugar.
B. Hahayaan na lamang sila sapagkat wala ka rin namang magagawa.
C. Kukunin ang nakuhang ayuda sa mga magulang at ikaw mismo ang magbabalik nito sa
barangay.
D. Kakausapin ng maayos ang mga magulang at sasabihin na mali ito at ipapaalala na
marami ding pamilya ang nangangailangan ng tulong ngayon.
13. Magkakaroon ng tagisan ng galing sa pag-awit online sa inyong siyudad. Ngunit ang magiging premyo
ay mapupunta sa mga Foundation o Samahan na tumutulong sa mga mamamayang higit na naapektuhan
ng Pandemyang Covid-19. Ano ang gagawin mo?
A. Lalahok sa nasabing kumpetisyon at gagawin ang iyong makakaya para manalo, upang
makatulong sa mga taong nangangailangan.
B. Gagawin mo man ang lahat ng iyong makakaya ay wala din naman palang saysay ito
sapagkat hindi mapupunta sa iyo ang premyo.
C. Huwag na lamang sasali sapagkat wala ka naman palang mapapala kahit na ikaw man ay
manalo sa nasabing kumpetisyon.
D. Ipapaubaya na lamang sa iba upang hindi ka na maabala pa.
14. Bilang bata,paano ka makatutulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa panahon ng Pandemya?
A. Magkukulong at matutulog na lamang buong maghapon sa loob ng tahanan.
B. Mananatili sa loob ng aming bahay at ipagdasal na matapos na ang Pandemyang ito.
C. Uutusan ang mga magulang na sila na lamang ang tumulong dahil isa ka lamang bata na
walang magagawa.
D. Tutulong akong magre-pack ng mga relief goods na ipamamahagi sa mga taong
nawalan ng trabaho at hanap buhay.
15. Hindi sagabal ang Covid-19 upang magawa mong sumali pa rin sa mga paligsahan upang makatulong
sa iyong pamilya. Paano mo ito gagawin?
A. Magtutungo sa mga tanggapan upang makasali pa rin sa mga paligsahang nagaganap.
B. Uutusan ang mga magulang na sila na lamang ang maglista na iyong pangalan.
C. Wala na lamang gagawin upang hindi ka mahawaan ng sakit.
D. Maghahanap ng paraan sa google kung paano makilahok.
16.Alin sa mga sumusunod ang HINDI ligtas sa sunog.
A. Naglalaro ng posporo si Miguel.
B. Nagsasagawa ng fire drill ang pamilya Santos para magkaroon ng sapat na kahandaan.
C. Sa tuwing may naaamoy na usok si Aling Nena sa bahay ay naging alerto ito sa
paghahanap.
D. Tinuruan ni Mang Tonio ang kanyang mga anak na dumaan sa likod ng pintuan kung
sakaling magkaroon ng sunog sa kanilang lugar.
17. Nakita mong may sunog sa lugar ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Lumisan sa lugar na may sunog.
B. Magbantay sa tabi baka masunog rin ang bahay ninyo.
C. Makipagkuwentuhan sa kapitbahay at alamin kung paano nagkasunog.
D. Tulungan na maghakot ng mga gamit ang mga kapitbahay na nasunugan.
18.Ang inyong lugar ay palaging dinadaanan ng bagyo. Ubos na ang pananim at nakararanas na ng gutom
ang mga naninirahan dito. Ano ang maitutulong mo sa kanila?
A. Hindi mo sila papansinin kasi marami naman kayong pambili ng pagkain.
B. Ibibigay mo sa kanila ang lahat ng pagkain at pera mo.
C. Tatawanan mo sila dahil sila ay nagugutom na.
D. Tutulungan mo sila at magdarasal na sana ay matapos na ang dumating na paghihirap
na ito.

4|P a g e
19.Nagkaroon ng malaking pagbaha sa inyong barangay dahil sa mga baradong kanal sa inyong kalye. Ano
ang nararapat mong gawin?
A. Hindi ako makikialam sa mga suliranin ng mga matatanda.
B. Imumungkahi ko sa aming kapitan ng barangay na nagkaroon ng proyektong
pangkalikasan na kasali ang mga bata at matatanda.
C. Sasabihan ko ang mga nakatatanda na linisin ang mga kanal.
D. Wala akong gagawin.
20.Alin sa mga sumusunod ang ligtas habang bumabaha.
A. Masayang naglalaro sa ulan sina Miggy at Ele kahit pa mataas na ang tubig nito.
B. Naglalakad at naglalangoy sina Ana at Bob sa umaagos na tubig para marating nila ang
kanilang bahay.
C. Hindi na lumalabas ng bahay si Kardo kung wala naman siyang kailangan.
D. Kahit baha na sa kapaligiran nila Nena ay hindi parin niya pinatay ang main switch ng
kuryente sa takot na baka siya ma kuryenti.
21. Nakita mong itinapon ni Lina ang kanyang basura sa harap ng silid-aralan. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipagsawalang bahala ang nasaksihan.
B. Kausapin si Lina na ilagay sa tamang basurahan ang itinapon.
C. Sabihin sa mag-aaral ang ginawa ni Lina upang mapag-usapan siya.
D. Hindi ako makikialam
22. Napanood mo sa telebisyon ang tamang pagtatapon ng basura. Ito ay ang paghihiwalay ng uri ng
basura. May basurang nabubulok, di-nabubulok at maaari pang gamitin. Bilang isang mamamayan, paano
ka makikiisa sa programang ito?
A. Sundin ang tamang proseso sa paghihiwa-hiwalayin ang mga basurang itatapon.
B. Ipagpatuloy kung ano ang nakasanayang gawi sa pagtatapon ng basura.
C. Huwag pansinin kung anuman ang napanood.
D. Matutulog ako.
23. Anong katangian ang ipinakikita ng isang batang tumutulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa
kapaligiran?
A. Pagkamalikhain B. Pagkamatipid
C. Pagmamalasakit D. Eresponsableng mamamayan
24. Magkakaroon ng “Clean Up Drive” sa inyong lugar. Napagkasunduan ng mga opisyales na magtulungan
ang lahat. Bawat tahanan ay may itinalagang representante na tutulong sa paglilinis. Sa paanong paraan
mo maipakikita ang iyong suporta?
A. Kusang-loob na makiisa sa programa ng barangay.
B. Sabihin sa mga opisyales na wala kang oras na tumulong.
C. Balewalain kung ano man ang ipinatutupad ng inyong barangay.
D. Maglalaro nalang ako.
25. May grupo na nagpuputol ng punong-kahoy sa inyong lugar. Alam mong sa maaari itong maging sanhi
ng pagguho ng lupa. Sa ganon, malalagay sa panganib ang buhay ng mga residente. Paano mo ito
maipararating sa kinauukulan?
A. Pabayaan na lamang sila sa kanilang ginagawa.
B. Alamin kung sino ang maaring lapitan at ipaabot ang pangyayari.
C. Hikayatin ang iyong mga magulang na lumipat ng tirahan.
D. Di ako iimik.
26. Ito ay ang batas na nagbabawal sa paggamit ng cyanide o nakalalasong kemikal sa pangingisda.
A. R.A 6969 B.R.A 9003 C. R.A 9275 D. R.A 7185
27. Ang paraang ito ay isang uri ng deforestation na kung saan ay nagkakaroon ng malawakang pagputol
ng puno at pagsunog nito upang gamitin sa mga agrikultural o komersiyal na pangangailangan.
A. charcoal making B. Kaingin System
C. Illegal Logging D. Tree planting
28. Kung ang mga konstruksyon ay malimit na kukuha ng maraming bato at buhangin sa mga kabundukan,
ano ang masamang dulot nito?
A. Pagbaha B. Pagbaha at paglindol
C.Pagguho ng lupa D. Paglindol
29. Ang mga kabundukan ay dapat pangalagaan, alin sa sumusunod ang dapat nating gawin?
A. mangaso B. Magtanim ng mga puno
C. magkaingin D. Pumutol ng mga kahoy
30. Ang ___________ o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay isang batas na nangangasiwa
sa pagbubukod ng mga basurang nabubulok, di nabubulok, at mga bagay na puwede pang gamiting muli.
A.R.A 3009 B.R.A 9030 C.R.A 9003 D. R.A 2007

5|P a g e
Piliin sa kahon ang titik na nagpapahayag ng karapatan ng bata na ipinahihiwatig ng mga
larawan.

31. A. Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga


B. Maisilang at magkaroon ng pangalan.
C. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
D. Mabigyan ng sapat na edukasyon.

32. A. Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga


B. Maisilang at magkaroon ng pangalan.
C. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
D. Mabigyan ng sapat na edukasyon.

33. A. Maisilang at magkaroon ng pangalan.


B. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
C. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
D. Manirahan sa tahanang payapa at tahimik na lugar.

34. A. Maisilang at magkaroon ng pangalan.


B. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
C. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
D. Manirahan sa tahanang payapa at tahimik na lugar.

35. A. Maisilang at magkaroon ng pangalan.


B. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
C. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
D. Manirahan sa tahanang payapa at tahimik na lugar.
36. Ano ang gagawin mo sa kampanya ng gobyerno laban sa polusyon?
A. Huwag pansinin.
B. Isipin para sa mga manggagawa ng pamahalaan lamang ito.
C. Pakinggan,pag-aralan at makilahok sa kampanya.
D. Hindi makikilahok.

6|P a g e
37. Bakit nagkakaroon ng kampanya ang gobyerno?
A. Upang humingi ng donasyon.
B. Upang lumaki ang perang ipon.
C. Upang mabago ang kalagayan ng mga tao.
D. Upang magkaroon ng programang makakatulong sa bansa.
38. Sino ang dapat makisali sa kampanya ng gobyerno?
A. Ang mga nagplano at nagpapatupad nito.
B. Ang matataas na opisyal ng gobyerno.
C. Ang mamamayang Pilipino.
D. Ang manggagawa ng pamahalaan.
39. Anong programa ang hindi patungkol sa kalinisan?
A. Piso Para sa Pasig
B. Save Mother Earth
C. Pagtataas ng Sahod ng mga Manggagawa
D. Tapat Ko, Linis Ko
40. Piliin ang hindi nagpakikita ang pakikiisa sa programa ng pamahalaan?
A. Ibahagi sa mga kakilala.
B. Hikayatin ang iba na makiisa..
C. Magboluntaryo at lumahok.
D. Isiping para lamang sa mga lider ng pamahalaan ang programa.

7|P a g e
ANSWER KEY FOR ESP 5

No. Answer No. Answer

1 B 26 A

2 A 27 B

3 B 28 C

4 C 29 B

5 B 30 C

6 C 31 B

7 B 32 A

8 D 33 D

9 B 34 C

10 C 35 B

11 D 36 C

12 D 37 D

13 A 38 C

14 B 39 C

15 D 40 D

16 A 41 D

17 D 42 A
18 D 43 D
19 B 44 C
20 C 45 B
21 B 46 D
22 A 47 A
23 C 48 D

24 A 49 B

25 B 50 D

8|P a g e

You might also like