You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region _____________
DIVISION OF ________________
____________________ ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATIONS
Third Periodical Test in ESP 6
2022-2023

ITEM PLACEMENT
EASY AVERAGE DIFFICULT
COMPETENCY CODE Evaluate / No. of Items
Remember / Understand/ Apply/ Analyze / Create /
Synthesiz
Knowledge Comprehension Application Analysis Evaluation
e
1. Napahahalagahan ang magaling at EsP6PPP- 1-5 6-10,32 33-35 31 15
matagumpay na mga Pilipino sa IIIc-d–35
pamamagitan ng:
6.1 pagmomodelo ng kanilang
pagtatagumpay;
6.2 kuwento ng kanilang pagsasakripisyo
at pagbibigay ng sarili para sa bayan;
6.3 pagtulad sa mga mabubuting
katangian na naging susi sa
pagtatagumpay ng mga Pilipino
2. Nakagagamit nang may pagpapahalaga at EsP6PPP- 18 13-16,20 17 11,12,1 10
pananagutan sa kabuhayan at IIIe–36 9
pinagkukunang-yaman.
3. Nakapagpapakita ng tapat na pagsunod sa EsP6PPP- 21-25 5
mga batas pambansa at pandaigdigan IIIf–37
tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran.
4. Naipagmamalaki ang anumang natapos na EsP6PPP- 26,29,30 27 28 5
gawain na nakasusunod sa pamantayan at IIIg–38
kalidad
5. Naipakikita ang pagiging malikhain sa EsP6PPP- 46-50 36-40 10
IIIh–39
paggawa ng anumang proyekto na
makatutulong at magsisilbing inspirasyon
tungo sa pagsulong at pag-unlad ng bansa
6. Naisasakilos ang pagtupad sa mga batas EsP6PPP- 41,42 43-45 5
pambansa at pandaigdigan: IIIh-i–40
11.1 pagtupad sa mga batas para sa
kaligtasan sa daan; pangkalusugan;
pangkapaligiran; pag-abuso sa paggamit
ng ipinagbabawal na gamot;
11.2 lumalahok sa mga kampanya at
programa para sa pagpapatupad ng batas
tulad ng pagbabawal sa paninigarilyo,
pananakit sa hayop, at iba pa;
11.3 tumutulong sa makakayanang paraan
ng pagpapanatili ng kapayapaan
TOTAL NUMBER OF ITEMS 13 22 2 8 2 3 50
DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF _________
District of _____________
THIRD PERIODICAL TEST IN ESP 6
2022-2023

Pangalan:____________________________________Baitang: ________________Score:_____
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga tanong at
isulat ang titik ng tamang sagot sa papel.

1. Sino ang kauna-unahang taga-Timog Silangang Asya na tumanggap ng International Children Peace
Prize Award noong 2012?
A. Kesz Valdez B. Sarah Geronimo
C. Andrea Brillantes D. Mitch Lastimoso
2. Sino ang itinanghal bilang kauna-unahang Pilipinang nagkamit ng Laurence Olivier Award dahil sa
kanyang kahusayan sa pag-awit?
A. Lea Salonga B. Sarah Geronimo
C. Regine Velasquez D. Sharon Cuneta
3. Sino ang nagkamit ng 8 Division World Champion sa larangan ng boksing?
A. Johnriel Casimero B. Manny Paquiao
C. Nonito Donaire D. Onyok Velasquez
4. Sino ang kauna-unahang babaeng naging pangulo ng Pilipinas?
A. Gloria Macapagal Arroyo B. Corazon Aquino
C. Imelda Marcos D. Melchora Aquino
5. Sino ang Pilipinong kinilala sa larangan ng billiards?
A. Warren Kiamco B. Efren Bata Reyes
C. Mark Pingris D. Jimmy Alapag

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba. Tukuyin ang mga magagandang katangian na
ipinapakita sa bawat teksto. Isulat sa sagutang papael ang titik ng iyong sagot.

6. Araw- araw ang pag-eensayo ni Hidilyn Diaz sa weight lifting upang makamit ang gintong medalya sa
Asian Games noong 2018.
A. Masipag B. Matulungin C. Matiyaga D. Masunurin
7. Mula sa kanyang kabataan, tumutulong na si Ronald Callao sa kanyang mga magulang sa
pagnenegosyo. Namulat siya sa pagnenegosyo sa karinderya ng kanyang ina. Naitatag niya ang
negosyong Food cart na Kanin Boy na ngayon ay may 25 sangay na.
A. Masipag B. Matulungin C. Matiyaga D. Masunurin
8. Maagang pumasok sa paaralang pampubliko si Librada. Nagpakita siya ng kasipagan sa pag-aaral.
Pinagsumikapan niyang pag-aralan ang matematika, heyograpiya, wikang Espanyol, maging ang wikang
Ingles. Noong 1889, ipinasa niya ang pagsusulit sa pagiging guro ng elementarya. Noong 1907, itinatag
nila ng kanyang kaibigan na sina Carmen De Luna at Fernando Salas ang Centro Escolar de Señoritas na
kilalang pioneer sa makabagong edukasyon para sa mga kababaihan. Kilala na ang paaralang ito
ngayon bilang Centro Esscolar University.
A. Magalang B. Matalino C. Responsible D. Mapagmahal
9. Patuloy ang pag-eensayo ni Manny Pacquiao sa pagboboksing kahit na siya ay isa nang senador.
Maliban sa paglilingkod sa bayan gusto niya ring magbigay ng karangalan sa ating bansa sa larangan ng
boksing.
A. Makabayan B. Matapang C. Matulungin D. Masunurin
10.Mahirap ang buhay na kinalakihan ni Kesz kaya’t kahit bata pa ay namuhay na siya sa pamamagitan
ng pangangalakal ng basura.
A. Makabayan B. Magalang C. Masipag D.Mapagbigay
11. Sa mga bundok, dapat tayong ______________.
A. magtapon ng basura kahit saan
B. magtanim ng mga puno at halaman

3|P a g e
C. manghuli ng mga nanganganib na hayop
D. magtatag ng maliit na kompanya ng logging
12. Upang maiwasan ang red tide, dapat ____________.
A. linisin ang mga barko
B. linising mabuti ang isda bago iluto
C. panatilihin ang kalinisan ng katubigan
D. isulong ang pagtatayo ng mga beach resort
13. Maraming kompanya ng construction ang kumukuha ng maraming bato at buhangin mula sa mga
bundok. Ang mga masasamang epekto nito ay __________.
A. pagguho ng lupa C. pagyaman ng bansa
B. pagbaha at lindol D. pagkatuyo ng mga bukal
14. Upang mas maraming mahuli at kitain ang mga mangingisda dapat nating pagsikapang mabuti na
__________.
A. bigyan sila ng ibang trabaho
B. tulungan silang mangisda buong araw
C. sabihan sila kung paano mangisda gamit ang dinamita
D. tumulong sa pangangalaga ng karagatan upang dumami ang mga isda
15. Iminungkahi ng nanay mo na bumili ng corals para sa inyong aquarium. Narinig niya na mayroong
tindahan sa palengke na nagbebenta ng corals sa mababang halaga. Ngunit nalaman mo sa klase na
hindi dapat kinukuha sa dagat ang corals dahil dito tumitira ang kawan ng mga isda. Dapat sabihin mo
sa nanay mo na _________.
A. siya nalang ang bumili
B. hindi dapat kunin sa dagat ang corals
C. binalaan ka ng iyong guro tungkol sa maling gamit ng corals
D. dapat siyang bumili ng marami upang ibenta sa iba sa mas mataas na halaga
16. Ang katagang “Bawal ang Pagtotroso” ay nangangahulugang ___________.
A. hindi pwedeng manggatong dito C. magtanim ng punongkahoy
B. i-preserba ang malaking kahoy D. magkaingin dito
17. Ano ang naidudulot ng maitim na usok sa ating kapaligiran?
A. Kaginhawaan B. Kalinisan
C. Mikrobyo D. Polusyon
18. Ang pagtatapon ng basura kahit saan ay _____________.
A. nakapagpabango ng hangin B. masama sa kapaligiran
C. mainam sa katawan D. magiging fertilizer
19. Alin dito ang tamang pagtapon ng basura? Itapon ito sa _____________.
A. kahit saan C. gilid ng kalsada
B. basurahan D. tapat ng kapitbahay
20. Mayroong proyekto ang inyong kapitan sa inyong barangay tungkol sa “Clean and Green” at
gagawin ito sa araw na Sabado. Magtatanim at maglilinis sila ng buong barangay. Ano kaya ang pwede
mong maiambag?
A. Uutusan ang mga batang maliit na magwalis sa kalsada.
B. Hikayatin ang mga batang tulad ko na sasali.
C. Sasabihin sa mga bata na pabayaan sila.
D. Tutulong ng kaunti at aalis.
21. Ang RA 9147 ay tungkol sa ___________.
A. pagkakaroon ng regulasyon sa pangongolekta at pangangalakal ng maiilap na hayop.
B. tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng basura
C. konserbasyon at pagbibigay ng proteksyon sa maiilap na hayop
D. pagdedeklara ng national park
22. Ang Philippine Clean Air Act ay tungkol sa __________.
A. pagpapanatili ng ecological diversity
B. pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan
C. pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity ng bansa
D. pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging nilalanghap ng mga mamamayan at
pagbabawal sa mga gawaing nagpapadumi sa hangin

4|P a g e
23. Batas Pambansa 7638 at ang Pagtatatag ng Department of Energy (DOE) ay naglalayong
__________.
A. ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin
B. pagpapanatili sa natural at biological physical diversities
C. mapanatili at masuportahan ang buhay at pag-unlad ng tao
D. isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga plano at programa ng pamahalaan sa
eksplorasyon, pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya.
24. RA 7586 (National Integrated Protected Areas System Act of 1992) ay tungkol sa ____.
A. pagtatag ng DOE (Department of Energy)
B. batas na bilang pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan
C. paglalaan ng pondo sa pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity
D. pagkilala sa pangangailangang mapanatili ang balanse ng ekolohiya at kalikasan
25. RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) ay naglalayon para sa __________.
A. pagsasakatuparan ng mga plano at programa ng pamahalaan sa eksplorasyon,
pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya
B. pagpapaplano ng mga pangmatagalang pamamaraan upang epektibong mawaksi ang
mga sanhi ng maduming hangin
C. tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng mga solid waste
D. pagpapanatili ng malinis na hangin
26. Ano ang mainam na paggamitan ng mga pira-pirasong tela na maaaring pagkakitaan?
A. pampunas ng alikabok C. pansala sa paggamit ng graba
B. paggawa ng damit D. pantakip sa mga muwebles
27. Anong etiko sa paggawa ang katangian na hindi manggagaya kahit sa iyong paligid ay usong uso
ito? Dapat maging __________.
A. iba ka B. una ka C. orihinal D. pinakamabuti ka
28. Alin ang nagpapatunay na “Kung may tiyaga, may nilaga.”?
A. Nagpabaya sa kanyang pag-aaral si Tally.
B. Palaging naglalaro ng online games si Maria.
C. Lakwatsero si Estoy kaya’t hindi nakatapos ng pag-aaral.
D. Nagsusumikap sa kanyang pag-aaral si Max kung kaya’t nakahanap siya ng disenteng
trabaho.
29. Ano ang ibig sabihin ng etiko sa paggawa?
A. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain
B. Pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto sa paggawa ng gawain
C. Pagsunod sa tamang pamantayan sa paghahatid ng produkto o serbisyo
D. Pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid
30. Maraming kabataan ang nag-iistambay sa mga tindahan kung gabi at namamansin ng mga taong
dumaan. Ano ang masasabi mo rito?
A. Okey ang ganitong gawain kung naglilibang lamang sila
B. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na tularan ang ganitong gawain.
C. Hindi tama ang kanilang ginagawa at nararapat na bigyan sila ng nararapat na
aksiyon.
D. Hikayatin sila na sumali sa mga programang pangkabuhayan na pinanguluhan ng
barangay.
31. Paano ka makatutulong nang hindi para sa iyong sarili lamang?
A. Gawin ito ng mabilisan
B. Gumawa kahit hindi inuutusan
C. Mag-utos pa ng iba para may kasama sa paggawa
D. Hintayin ang kapangkat para mabuo ang proyekto
32. Nagpupulong ang mga mag-aaral ni Gng. Montes tungkol sa darating na Christmas Party ng
kanilang seksyon. Bilang pangulo ikaw ang nautusan na mamuno nito. Paano mo ito gagawin?
A. Pagsalitain sila sabay-sabay
B. Pakinggan lang ang mga kaibigan
C. Ikaw na lang ang magdesisyon para matapos agad
D. Kunin ang kanilang mga ideya at pagbutuhan sa klase

5|P a g e
33. Siya ay nag-aral ng Fine Arts sa UP. Naging kilala sa larangan ng paggawa ng kasuotan ng mga
modelo.
A. Brilliante Mendoza C. Lydia De Vega
B. Danica Magpantay D. Michael Cinco
34. Siya ay isang tanyag na Pilipinong direktor ng Indie film sa Plipinas.
A. Brilliante Mendoza C. Michael Cinco
B. Cathy Molina D. Patricia Evangelista
35. Kauna-unahang Pilipina na nagwagi sa Ford’s Supermodel of the World International noong 2011.
A. Danica Magpantay C. Maureen Wroblewitz
B. Janine Tugonon D. Patricia Evangelista
36. Ang paghahanap ng mga luma subalit magagandang kagamitan para sa anumang bagay na
gagawin ay pagpapamalas ng pagiging _____________.
A. malikhain B. masinop C. masipag D. matatag
37. Ito ay nangangahulugan ng kakayahang bumuo ng mga bagay na hindi pa naiisip ng iba o paunlarin
ang mga bagay na naimbento na.
A. pagkamakabago B. pagkamalikhain
C. pagkamasinop D. pagka-orihinal
38. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang malikhaing tao?
A. Orihinal
B. Mayaman sa ideya
C. Paggaya sa isang sikat na proyekto
D. Madaling makibagay at iangkop ang sarili
39. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting naidudulot ng pagiging malikhain?
A. Nakapagpapadali ng gawain
B. Nagagamit ang trabaho ng iba
C. Nakakagawa ng panibagong imbensyon
D. Naiaangat ang kalagayang ekonomikal ng isang tao
40. Ang matapat at mabuting paggawa ay isang mabisang paraan upang makuha ang tiwala ng mga
kasamahan sa gawain.
A. katapatan sa paggawa C. positibong pananaw
B. pagiging mapamaraan D. tiwala ng kapuwa
41. May isang computer shop na hindi kalayuan sa inyong paaralan. Madalas itong puntahan ng mga
mag-aaral dahil mura ang halaga ng paglalaro. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi makialam
B. Ipagbigay-alam sa gurong tagapayo
C. Sabihin sa iyong mga kaibigan na iwasang pumunta roon
D. Sabihin sa iyong mga magulang upang maipabatid nila sa kinauukulan
42. May nag-aalok sa iyo ng trabaho sa isang pabrika ng paputok na may suweldong mahigit pa sa baon
mo. Sinabi niyang maaari kang umalis ng bahay niyo at magkunwaring pumapasok sa paaralan at
tumuloy sa pabrika. Ano ang gagawin mo?
A. Magsabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao
B. Sabihin agad sa iyong guro o mga magulang
C. Magpapasama ka sa iyong kaibigang pumunta sa pabrika
D. Sabihan ang iyong mga kamag-aral na nangangailangan ng pera na sabay kayong
pupunta sa pabrika
43. May isang di kilalang tao ang lumapit sa iyo. Isinasama ka niya sa isang lugar at sinabing
magkakaroon ka ng lahat ng mga laruan at tsokolate na nais mo. Pero hindi mo dapat sabihin kahit
kanino, lalo na sa iyong mga magulang at guro. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko sasabihin kahit kanino
B. Sumang-ayon at sumama sa tao
C. Humingi ng pera bago sumama sa tao
D. Ipaalam agad sa iyong guro o magulang
44. Batas Pambansa 7638 ang Pagtatag ng Department of Energy (DOE) ay naglalayong _____.
A. ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin
B. pagpapanatili sa natural at biological physical diversities
C. mapanatili at masuportahan ang buhay at pag-unlad ng tao
6|P a g e
D. isaayos, subaybayan at isakatuparan ang mga plano at programa ng pamahalaan sa
eksplorasyon, pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya.
45. Sa paanong paraan mo maipakita ang pagtupad sa mga batas para sa kaligtasan sa kalsada?
A. Si Oscar ay tumatakbo habang tumatawid.
B. Si Roy sumasabay sa mga taong tumatawid.
C. Si Anghel gumagamit ng “Sky Walk” sa pagtawid sa kalsada.
D. Si Pedro nakikipagpatintero sa mga sasakyan habang tumatawid.
46. Produktibo ang isang tao kung marunong siyang mag-isip ng paraan kung papaano magiging
kapakipakinabang ang bawat makita sa kanyang kapaligiran. Alin sa mga sumusunod ang kanyang
katangiang tinataglay?
A. galante B. maaasahan C. mabait D. malikhain
47. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng gawaing makatutulong sa pag-unlad ng
bansa?
A. Si Onyok na nililinis ang harap ng bahay at sinusunog ang mga basura.
B. Si Awra na gumagamit ng net na may maliliit na butas sa panghuhuli ng isda.
C. Si Ryza na gumagamit ng chemical fertilizer sa mga pananim upang dumami ang kita.
D. Si Cardo na ginagamit ang mga patapong bagay tulad ng bote ng mineral water bilang
taniman ng halaman.
48. Si Angela ay dumalo sa kaarawan ng kanyang kaklase. Nakita niya na maraming balat ng Zest-O
mula sa idinaos na okasyon. Ano ang maaari niyang gawin sa balat ng Zest-O upang maging kapaki-
pakinabang ito?
A. Gagawin niyang bag. C. Itatapon niya sa basurahan.
B. Ibibigay niya sa basurero. D. Hahayaan niya lamang na nakakalat.
49. Si Nena ay nagbebenta ng isda. Sa pagbabalot, ginagamit niya ang plastik. Alin sa mga sumusunod
ang dapat sabihin sa kanya?
A. “Isusumbong kita kay kapitan, Nena.”
B. “Huwag kang gagamit ng plastik, Nena.”
C. “Wala kang pagmamahal sa kapaligiran, Nena.”
D. “Nena, mas mainam na hikayatin ang mga mamimili na magdala ng eco bag.”
50. Ang paglilikha ng panibagong kagamitan mula sa patapong bagay ay nagpapakita ng pagiging
_________.
A. maagap B. malikhain C. masipag D. masunurin

7|P a g e
ANSWER KEY FOR AP 6

No. Answer No. Answer

1 A 26 D

2 A 27 D

3 B 28 A

4 B 29 D

5 B 30 C

6 C 31 D

7 A 32 D

8 B 33 A

9 A 34 A

10 C 35 C

11 B 36 A

12 A 37 B

13 A 38 C

14 B 39 C

15 D 40 D

16 B 41 D

17 D 42 B
18 D 43 D
19 C 44 D
20 B 45 C
21 C 46 D
22 D 47 D
23 D 48 A

24 D 49 D

25 C 50 B

8|P a g e

You might also like