You are on page 1of 4

DOONGAN ILAYA NATIONAL HIGH SCHOOL

Brgy. Doongan Ilaya, Catanauan, Quezon


PANGALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT sa
PAGBABASA AT PAGSULAT SA IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGOL SA PANANALIKSIK
PANGALAN: __________________ MARKA:
ANTAS AT SEKSYON: __________________ PETSA:
I. PANUTO: Basahing mabuti ang pangungusap at ilagyan ng tsek sa tapat ng TITIK ng wastong sagot. Ang bawat sagot ay may
kaukulang puntos na (3) para sa tamang sagot, (2) para sa sagot na may maraming ideya, (1) para sa sagot na may isang ideya
lamang at (0) kung mali ang ideya.

1. Ano ang isinasaad ng layunin sa isang pananaliksik?

A. Isinasaad sa layunin ang mga resulta ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos
maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa.
B. Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin. A B C D
C. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo sa pananaliksik 3 1 0 2
at tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa
paksa.
D. Ang layunin ay nagsasaad kung ano ang dapat gawin, paano ito gagawin, makakatotohanan o
maisasagawa at gumagamit ng tiyak na pandiwa.

2. Paaano ginagamit ang pananaliksik sa pangakademikong gawain?

A. Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na


magiging kapaki-pakinabang sa mga tao. A B C D
B. Isang halimbawa ang bagong lumabas na datos na malaki ang tsansang maging malilimutin 3 1 0 2
ang isang tao batay sa dalas ng kaniyang paggamit ng smartPhone at Internet.
C. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Lee Hadlington, may direktang kaugnayan ang pagbababad sa Internet
at paggamit ng smartphone sa unti-unting paghina ng isip at memorya ng isang tao.
D. Ang pananaliksik ay ginagamit upang magpasikat.

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi gamit ng pananaliksik?


A. Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng bagong interpretasyon ang lumang impormasyon.
B. Ang pananaliksik ay ginagamit upang kumita ng pera. A B C D
C. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu. 3 1 0 2
D. Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa at katotohanan ng isang
datos o ideya. Maaaring kompirmahin ng bagong pag-aaral ang isang umiiral na katotohanan.

4. Sa pagpili ng metodo isinasaalang-alang natin ang mga sumusunod:

A. Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang A B C D


pamamaraan ng pananaliksik gaya ng talatanungan, interbyu, atbp. 3 1 0 2
B. Kailangang Iaging nasa isip ng mananaliksik kung masasagot ng instrumento ang mga
suliranin ng pananaliksik, akma ang disenyo ng pag-aaral, tama ang napiling sampling
method at sapat ang tagasagot.
C. Ang pagpili ay nagiging mahirap para sa mananaliksik dahil maraming basahin.
D. Maaaring kwalitatibo o kuwantitatibo.

5. Ang prinsipyo ng etika ng pananaliksik ay ang

A. Boluntaryong pagtisipasyon ng mga kalahok at hindi pinilit na kung saan ang kanilang mga identity ay dapat
nakatago at confidential .
B. Paglalagay ng APA citation o American Psychological Association. A B C D
C. Pagsasabi sa respondent ng paksa ng pananaliksik at pagbalik sa kanila upang ipaalam sa kanila ang 3 1 0 2
resulta ng isinagawang pananaliksik at mailapat ang kaukulang solusyon sa mga problemang kinakaharap.
D. Ang pangongopya ng gawa ng ibang gawa at paglalagay ng pangalan niya para akuin ang nasabing akda
o ideya.

6. Sa abstrak ng isang pananaliksik dito ay dapat makita ang mga sumusunod.

A. Ang pangalan ng mga taong kumopya sa pananaliksik. A B C D


B. Ang layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik upang ang pananaliksik ay maging matagumpay. 3 1 0 2
C. Binubuo ng 250 mga salita.
D. Ang teoritikal na balangkas at konseptuwal na balangkas.
7. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang masuri ang estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikaanim
na baitang bilang basehan ng interbensyon at epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino. Ano
ang baryabol sa nabanggit na pananaliksik?
A B C D
A. Estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang bilang basehan ng interbensyon. 3 1 0 2
B. Epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino
C. Ang baryabol sa nabanggit na paksa ay ang epektibong pagtuturo na masusukat sa pamamagitan ng
paggamit ng checkilist o talatanungan at ang epektibong pagtuturo ay mapapatunayan sa mga pagsusulit
na isinasagawa kada kwarter.
D. Pagkakamit ng layunin.

8. Ang paaralan ay nararapat na magsagawa ng Learning Action Cell (LAC) session para sa guro na ang paksa ay
tungkol sa estilo ng pagkatuto, lalo na sa kinestetik at awditori upang makapagbigay ng angkop na pamamaraan na
gagamitin sa pagtuturo upang mapataas ang marka at malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral ngayong 21st A B C D
century. Ano ang pinapahayag ng pangungusap na ito. 3 1 0 2
A. Magsagawa ng Learning Action Cell o LAC session para sa mga guro bilang isang intebensyon bilang
angkop na pamamaraan na gagamitin sa pagtuturo upang mapataas ang marka at malinang ang kakayahan
ng mga mag-aaral ngayong 21st century.
B. Ituring na ang LAC ay isa sa mga asignatura sa pagtuturo.
C. Bigyang-kahulugan ang LAC.
D. Subukang gamitin ang interbensyon mula sa suhestiyon ng mananaliksik parang patunayang epektibo ito.

9. Sa paanong paraan nagkakaiba ang balangkas teoritikal at balangkas konseptuwal?


A. Mga plano na gagawin sa pananaliksik.
B. Ang INPUT-PROCESS-OUTPUT o IPO na kung nakalagay ang suliraning nais bigyang-kalutasan, mga A B C D
prosesong gagawin upang masagot ang mga katanungan o layunin ng pananaliksik at ang kalalabasan ng 3 1 0 2
pananaliksik.
C. Ang balangkas teoritikal ay ginawa para subukin ang ideya samantalang ang balangkas konseptuwal ay
ginagamit para paunlarin ang ideya.
D. Ang teorya ay ideyang napatunayan at ang konsepto ay pinag-aaralan para mapatunayan.

10. Ikaw ay nabigyan ng gawain ng guro na sumulat ng isang balangkas konseptuwal. Ano ang
magiging laman ng iyong awtput?
A B C D
A. Ang paksa, solusyon sa paksa at ang tiyak na mga gawain o aktibidades para 3 1 0 2
masolusyonan ang problema.
B. Mga konseptong nakapaloob sa pananaliksik.
C. Mga baryabol na pinag-aaralan at kung paano ito gagamitin sa pananaliksik.
D. Ang ideya na dapat tama ang haypotesis.

11. Ayon sa UNESCO (2020) 87% o 1.5 bilyon na mag-aaral ang naapektuhan nang dahil sa 2019 N
Corona Virus sa buong mundo at 28 milyon naman ang naapektuhan sa Pilipinas. Mula sa mga datos na
nakasaad dito, ang 87% o 1.5 bilyon ay A B C D
3 1 0 2
A. Mag-aaral sa buong daigidig
B. Kumakatawan sa porsiyento at bahagi ng 100%.
C. Porsiyento ng mga tagasagot na nakalap ng mananaliksik na apektado ng COVID19 batay sa ulat
ng UNESCO (2020) na resulta ng sarbey.
D. Walang kinalaman sa pinag-aaralan.

12. Ang tekstuwal, grapikal at tabular ay?

A. Uri ng datos empirical na ang ibig sabihin ay mga impormasyong nakalap mula sa A B C D
kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, 3 1 0 2
pakikipanayam, at/o ekperimentasyon, atbp.).
B. Pamamaraan kung paano ipresenta ang mga datos.
C. Binubuo ng mga salita, numero at graph.
D. Naglalarawan ng mga respondent.

13. Ito ay maaaring gamitin kung may dalawa o higit pang datos na magkahiwalay at
ipinaghahambing.
A B C D
A. Line Graph 3 1 0 2
B. Bar Graph
C. Pie Chart
D. Tables
14. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taon-
taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo, ito ay isang
A B C D
A. Datos empirikal 3 1 0 2
B. Konseptuwal na balangkas
C. Teoritikal na balangkas
D. Wala sa pamilian

15. Sa paglalarawan sa datos, maaaring gumamit ng biswal na representasyon katulad ng line


graph, pie graph, at bar graph. Ang pangungusap ay isang A B C D
A. Konseptuwal na balangkas 3 1 0 2
B. Teoritikal na balangkas
C. Wala sa pamilian
D. Datos empirikal

16. Ang line graph ay nababagay gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o
numero sa haba ng panahon.
A B C D
A. Tama ang pangungusap. 3 1 0 2
B. Maaaring gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o numero sa haba ng
panahon.
C. Ang line graph ay nagpapakita ng baryabol na pinag-aaralan at ang mga nakalap na
datos na sasagot sa mga impormasyong nais makuha ng mananaliksik.
D. Ang pangungusap ay hindi akma.

17. Isang bilog na nahahati sa iba’t ibang bahagi upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng bilang
ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong pag-aaral.A. Mga mahuhusay at tanyag na
propesor ang pumipili ng mga mananalo. A B C D
3 1 0 2
A. Pie graph
B. Bar graph
C. Line graph
D. Wala sa pamiian
A B C D
18. Paglalarawan sa datos gamit ang istatistikal na talahanayan 3 1 0 2
A. Pie graph B. Line graph C. Tabular D. Tekstuwal

19. Paglalarawan sa datos sa paraang patalata


A. Pie graph B. Line graph C. Tabular D. Tekstuwal A B C D
3 1 0 2
20. Saan higit na madaling matuto sa matematika batay sa wikang ginagamit? Ito ay isang
halimbawa ng pananaliksik na ginamitan ng anong disenyo ng pag-aaral?

A. eksperimental B. korelasyonal C. hambing-sanhi D. sarbey

21. Kaugnayan ng kinalakhang paligid sa pagiging goal- oriented ng isang tao. Ito ay isang A B C D
halimbawa ng pananaliksik na 3 1 0 2
A. eksperimental B. korelasyonal C. hambing-sanhi D. sarbey

22. Kwaliteytib ang isang pananaliksik kapag

A. ginagamit sa pagkalap ng datos ng mga karanasan ng tao sa kanilang ginagalawang lipunan A B C D


na hindi maaaring isalin sa numurikong pamamamaraan upang makita ang magkakaibang 3 1 0 2
reyalidad ng paksa o isyu na pinag-aaralan.
B. Gumagamit ng paglalarawan
C. Naghahanap ng pagkakatulad sa mga sagot ng mga respondent
D. tinatawag na participant ang tagasagot at kaunti lamang ang respondent ng pananaliksik.

23. Ito ay ginagamit sa pagkalap ng numeriko o istatistikal na datos upang makabuo ng


pangkalahatang pananaw na kumakatawan sa paksa o isyu na pinag-aaralan.
A B C D
A. Kwantiteytib 3 1 0 2
B. Kwaliteytib
C. Deskriptibo
D. Wala sa pamilian
24. Ang mga gawain sa ibaba ay nakapaloob sa proseso ng pagdidisenyo ng
pananaliksik maliban sa isa.
A. Pagtukoy sa populasyon ng pananaliksik o materyales na pagmumulan A B C D
ng datos 3 1 0 2
B. Pagkuha ng datos mula sa mga kalahok ng pananaliksik
C. Pamimili ng disenyo at pamamaraan ng pananaliksik
D. Pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik

25. Ang pinagsanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon ay makikita sa


bahaging ito ng pananaliksik gaya ng mga aklat, journal, pahayagan,
magasin, o website. A B C D
A. Datos C. Pagpili ng paksa 3 1 0 2
B. Konseptong Papel D. Talaan ng Sanggunian/Bibliyograpiya

26. Sa isinagawang pananaliksik ni Princess pinili niyang respondente ng pananaliksik ay mula


sa Baitang 12 ng pangkat Automotive at pangkat EPAS sa Senior High School in Progressive.
Kinabibilangan ito ng 50 mag-aaral, 30 lalake at 20 babae, na bumubuo sa kabuoan. Saang A B C D
bahagi ilalagay ni Joana ang ginawa niyang ito. 3 1 0 2
A. Kaligiran ng Pag-aaral C. Metodolohiya at Pamamaraan
B. Kaugnay na Literatura D. Paglalahad ng Datos at Interpretasyon

27. Sa ginamit na sanggunian ay hindi nabanggit ang may-akda o anonymous


ang nakalagay sa title page. Paano ito ilalagay sa gagawing bibliograpiya?
A. Ang pangalan ng nagparehistro sa pamagat ng aklat ang isinusulat sa A B C D
bibliograpiya 3 1 0 2
B. Ang pangalan na lamang ng publikasyon ang isinusulat sa bibliograpiya
C. Ang pamagat na lamang ng unang akda na makikita sa nilalaman
D. Ang pamagat na lamang ng aklat ang isinusulat sa bibliograpiya, taon
ng pagkalimbag, lugar na pinaglimbagan at palimbagan
A B C D
28. Hindi kinilala ni G. Maglaya ang isinalin na akda ni G. Lumbera, anong 3 1 0 2
tawag sa kaniyang ginawa?
A. Plagiarism B. Layunin C. Metodo D. Gamit

29. Mahalaga rito ang husay sa pagbuo ng mga kasunod at kaugnay na tanong A B C D
(follow-up question). 3 1 0 2
A. Sarbey C. Pakikipanayam
B. Obserbasyon D. Dokumentaryong pagsusuri

30. Pagmamasid sa kilos, pag-uugali, at interaksiyon ng mga kalahok sa isang


likas na kapaligiran. A B C D
A. Dokumentaryong pagsusuri C. Obserbasyon 3 1 0 2
B. Pakikipanayam D. Sarbey

30. Alin sa sumusunod na pahayag ang wasto?

A. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng


publikasyon ang isulat sa loob ng parenthesis.
B. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, pangalan at taon ng A B C D
publikasyon pa rin ang isulat sa loob ng parenthesis. 3 1 0 2
C. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng
publikasyon ang isulat sa hulihan ng pahayag.
D. Kung ‘di nabanggit ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng
publikasyon ang isulat sa loob ng parenthesis.

Inihanda ni:

EMMA D. BENTONIO
Teacher II

Sinuri ni:

JESSIE A. BONILLO
Punong Guro I

You might also like