You are on page 1of 2

PHINMA Araullo University

COLLEGE OF EDUCATION AND LIBERAL ARTS


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Maharlika Highway, Brgy. Bitas, Cabanatuan City, Nueva Ecija, 3100
63.044.464.3300 L115/L117
IKALAWANG MAHABANG PAGSUSULIT SA COR 004
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PANGALAN: ______________________________________________
(SURNAME,FIRST NAME, MI)
SEKSYON: ____________________________________________
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag, paglalarawan o katanungan sa bawat bilang.
Ang anumang pagbura ay nangangahulugang mali na, matutong manindigan sa unang sagot.
I. MAY PAMIMILIAN. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sa bahaging ito makikita ang pakay o ibig na matamo sa pananaliksik ng napiling paksa.
a. Rasyunale ng Pag-aaral c. Kahalagahan ng Pananaliksik
b. Suliranin ng Pag-aaral d. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
2. Ang bahaging ito ay tumatalakay sa delimitasyon ng pag-aaral na kung saan ipinaliliwanag ang problema ng pananaliksik,
ang lugar na pinagganapan, ang mga nakilahok at ang instrumentong ginamit sa pananaliksik.
a. Rasyunale ng Pag-aaral c. Kahalagahan ng Pananaliksik
b. Suliranin ng Pag-aaral d. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
3. Sa bahaging ito makikita ang pagtalakay ng kabuluhan at halaga ng nasabing paksa.
a. Rasyunale ng Pag-aaral c. Kahalagahan ng Pananaliksik
b. Suliranin ng Pag-aaral d. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
4. Ito ay paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita na kung saan hango sa diksyunaryo ang nilalaman.
a. Teoretikal c. Operasyunal
b. Konseptwal d. Konotasyon
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pahayag tungkol sa Kahalagahan ng Pananaliksik?
A. Ang bahaging ito ay naglalahad ng kung sino ang maaaring makinabang sa pananaliksik at kung papaano sila
makikinabang dito.
B. Kinakailangan na isa-isahin ang mga tao at kung ano ang magiging pakinabang nito sa pananaliksik.
a. Ang pahayag A ay tama samantalang ang B ay mali.
b. Ang pahayag B ay tama samantalang ang A ay mali.
c. Ang dalawang pahayag ay tama.
d. Ang dalawang pahayag ay mali.
6. Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng kung sino ang maaaring makinabang sa pananaliksik at kung paano
sila makikinabang dito.
a. Suliranin ng Pag-aaral c. Batayang Konseptwal
b. Kahalagahan ng Pananaliksik d. Batayang Teoretikal
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa paradim ng Batayang Konseptwal?
a. Input c. Awtput
b. Proseso d. Variable
8. Anong bahagi ng pananaliksik ang naglalahad ng mga kadahilanan kung bakit kinakailangang humanap pa ng mga
panibagong datos ang mananaliksik na susuriin, ipaliliwanag at lalagumin?
a. Batayang Konseptwal c. Batayang Teoretikal
b. Suliranin ng Pag-aaral d. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
9. Ang uring ito ng Suliranin ng Pag-aaral ay naglalahad nang malawakan ang pananaliksik.
a. Pangunahing Suliranin c. Ganap na Suliranin
b. Tiyak na Suliranin d. Di-ganap na Suliranin
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kahulugan ng PANANALIKSIK?
a. Saklaw nito ang pangongolekta ng mga datos.
b. Ito ay sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa.
c. Nangangailangan ito ng pagsusuri sa mga impormasyon upang mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol
sa isang paksa o isyu.
d. Ito ay binubuo ng pagtatalo ng dalawang koponan o pangkat na nagbibigay-katwiran sa isang proposisyon o
paksang napagkasunduan nilang pagtalunan.
II. TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi.
____________11. Malaya kang makakakuha ng impormasyon para sa kaugnay na literatura.
____________12. Sa kabanata 1 matatagpuan ang kaugnay na literatura at kaugnay na pag aaral.
____________13. Ang kabanata 2 ay kinapapalooban ng mga talaan ng nilalaman sa isang pananaliksik.
____________14. Maaaring manggaling sa kahit anong taon ang kaugnay na literatura sa isang pananaliksik.
PHINMA Araullo University
COLLEGE OF EDUCATION AND LIBERAL ARTS
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Maharlika Highway, Brgy. Bitas, Cabanatuan City, Nueva Ecija, 3100
63.044.464.3300 L115/L117
____________15. Ang kaugnay na literatura ay may kinalaman sa mga hinangong mga hinangong sanggunian o reference
na may kaugnayan sa mga aklat, disertasyon, tesis, dokumento, artikulo at iba pang sanggunian.
____________16. Ang kaugnay na pag aaral ay may kinalaman sa ibang mga tesis o pananaliksik na may kaugnayan
saiyong ginagawang pananaliksik.
____________17. Kapag hindi napatunayan ang koneksyon ng iyong kaugnay na literatura sa pananaliksik na iyong
ginagawa ay hindi mo na ito maaaring gamitin.
____________18. Ang kaugnay na pag-aaral ay palaging mayroong koneksyon sa iyong kasalukuyang sinasagawang
pananaliksik.
____________19. Isa lamang ang kinakailangang kaugnay na literatura at pananaliksik na gagamitin sa iyong sariling
pananaliksik.
____________20. Dapat ang kaugnay na literatura ay mahaba upang maipaliwanag ang lahat ng dapat ipaliwanag.
III. PAGKILALA. Tukuyin ang pahayag sa bawat bilang.
____________________21. Ang bahaging ito ay naglalahad ng kung sino ang maaaring makinabang sa pananaliksik at
kung papaano sila makikinabang dito.
____________________22. Tumatalakay sa mga ideya o konsepto ng mananaliksik ayon sa kanyang isinagawang pag-
aaral.
____________________23. Ang bahaging ito ay tumatalakay sa delimitasyon ng pag-aaral na kung saan ipinaliliwanag
ang problema ng pananaliksik, ang lugar na pinagganapan, ang mga nakilahok at ang instrumentong ginamit sa
pananaliksik.
____________________24. Ang pinanggalingan ng palagay o kaisipan at ang kadahilanan kung bakit napili ang paksa ay
natatalakay sa bahaging ito. Bahagi din ng diskusyon ang pagtalakay ng kabuluhan at halaga ng nasabing paksa.
____________________25. Mailahad na KONSEPTWAL kung saan ito ay base sa konsepto o ideya na kadalasang
makikita ang kahulugan sa diksyunaryo o di kaya naman ay OPERASYONAL na kung saan ang konsepto o ideya ay base
sa kung papaano ito nagamit sa isinasagawang pag-aaral o pananaliksik.
____________________26. Naglalahad ng mga kadahilanan kung bakit kinakailangang humanap pa ng mga panibagong
datos ang mananaliksik na kanya namang susuriin, ipaliliwanag at lalagumin.
____________________27. Mga hinangong sanggunian o reference na may kaugnayan sa mga aklat, disertasyon, tesis,
dokumento, artikulo at iba pang sanggunian
____________________28. Ito ay kinapapalooban ng mga ideyang hinango sa mga tesis at disertasyon na may kaugnayan
sa iyong pananaliksik
____________________29. Binubuo ito ng dalawang uri: PANGUNAHING SULIRANIN na kung saan inilalahad nang
malawakan ang pananaliksik; at TIYAK NA SULIRANIN na kung saan itinuturing na bahagi ng pangunahing suliranin at
ipinahahayag nito ang mga tiyak o tuwirang pakay sa pananaliksik na nasusukat, nakakamit, naoobserbahan at tinaguriang
makatotohanan.
____________________30. Nilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon. Sa bahaging ito, maaaring interview o pakikipanayam, pasasagawa ng sarbey at pagpapasagot ng survey
questions sa mga respondente

You might also like