You are on page 1of 10

Philippine Christian University

Sampalok 1, Dasmariñas City, Cavite 4114


SENIOR HIGH SCHOOL
S.Y. 2021-2022

MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


(GRADE 11)
KWARTER 4 – IKA- 2 LINGGO (ABRIL 11-13, 2022)

ARALIN 1: MUNGKAHING BALANGKAS NG PINAL NA PAPEL

PANGKALAHATANG IDEYA

Sa Kabanatang ito inaasahang mauunawaan ang pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa


kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit, at paggamit ng wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo
at kultural sa lipunang Pilipino.

LAYUNIN

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik.


2. Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik ukol sa napapanahong paksa.

Bago tayo magsimula, narito ang paunang pagtataya na iyong sasagutan upang masukat ang
iyong nalalaman sa bagong aralin na ating tatalakayin.

ALAMIN NATIN

Panuto : Basahin ng mabuti ang katanungan. Piliin at bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Bahagi ng pananaliksik na naglalayong ipakita ang benepisyo o halaga ng pananaliksik na


ginawa.
a. Pinagdausan ng Pananaliksik c. Lokal na Literatura
b. Pagsasaad ng Suliranin d. Saklaw at Limitasyo

2. Bahagi ng pananaliksik na nakabase sa mga balangkas na palagay.


a. Rekomendasyon c. Metodolohiya
b. Konklusyon d. Introduksyon

3. Pamamaraan ng pagkalap ng mga datos o impormasyon sa pananaliksik.


a. Introduksyon c. Metodolohiya
b. Result d. Diskusyon

Disclaimer: This module is adapted and modified from the source materials listed in the references list. This is
an exclusive property of Philippine Christian University-Dasmariñas SHS and is provided only to enrolled
students for their academic use. This module is provided for free by the school through softcopy and/or
printed media. Reproduction of this module without official permission is prohibited.
4. Lipon ng mga pananaliksik na nailathala sa labas ng bansa.
a. Banyagang Literatura c. Banyang Pag-aaral
b. Lokal na Pag-aaral d. Lokal na Literatura

5. Nagsasaad ng bilang ng lahat ng tao na kabilang sa grupo na nais pag-aralan.


a. Populasyon c. Disenyo
b. Pinagdausan d. Katuturan
SUBUKIN NATIN

Para sa Pagbubukas ng ating bagong aralin, Gawin ang sumusunod na gawain upang magkaroon
kayo ng ideya sa tatalakayin.

Panuto : Hanapin at guhitan ang mga sumusunod na salita sa “Word Search”.

1. Sintesis
2. Introduksyon
3. Kota
A C Y O L S N M I B K A R
4. Sampleng
B G U A S U M N P L Y T E
5. Konklusyon
N H I R U V O L Q R S E K
6. Rekomendasyon
K L I T L W P K O I T O O
7. Literatura
O P S S I N T E S I S R M
8. Teoritikal
L I T E R A T U R A V I E
9. Teyorya
S M D S A M P L E N G T N
10. Suliranin
T B L A N X X L S A W I D
V T D A I Y C H T K Q K A
W E T D N Z D K U O F A S
X O Z X L Q V F D D P L Y
K O N K L U S Y O N A B O
y I N T R O D U K S Y O N

Disclaimer: This module is adapted and modified from the source materials listed in the references list. This is
an exclusive property of Philippine Christian University-Dasmariñas SHS and is provided only to enrolled
students for their academic use. This module is provided for free by the school through softcopy and/or
printed media. Reproduction of this module without official permission is prohibited.
PAGYAMANIN NATIN

Ang Pinal na sulatin ay naglalaman ng mga sumusunod na bahagi base sa minumungkahing


balangkas. Halina’t isa-isahin natin ang bawat bahagi ng Pananaliksik.

I. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


Ang kabanatang ito ang nagsasaad ng kadahilanan, importansya, at nasasakop ng pag-
aaral. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik sapagkat ito ang magiging basehan ng
lahat ng gagawin patungkol sa paksa o isyu nap ag-aaralan.

Ang kabanatang ito ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi :

a. Introduksyon at Kaligiran ng Pag-aaral


Ang bahaging ito ay naglalayong ipaalam sa mga babasa ang saysay at kasaysayan
ng iyonh pananaliksik
b. Teoritikal na Balangkas
Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang mga teorya na sumusuporta sa iyong
pananaliksik.
c. Konseptuwal na Balangkas
Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang proseso ng pananaliksik mula sa mga
batayan ng suliraning nais tugunan, ang proseso ng pagkalap, pagsusuri, at
pagpapakahulugan ng mga datos, hanggang sa ninanais na kahinatnan ng
pananaliksik.
d. Pagsasaad ng Suliranin
Ang bahaging ito ay naglalayong ipakita ang pangunahing suliranin at mga
napapailalim na suliranin sa paksa o isyung nais tugunan.
e. Palagay
Ang bahaging ito ay nagsasaad ng pang-unang pananaw ng mananaliksik sa
kahihinatnan ng pag-aaral.
f. Pinagdausan ng Pagsasalik
Sa bahaging ito ay naglalayong ipakita ang lugar ng pananaliksik at ang
kadahilanan sa pagpili sa naturang lugar
g. Kahalagahan ng Pag-aaral

Disclaimer: This module is adapted and modified from the source materials listed in the references list. This is
an exclusive property of Philippine Christian University-Dasmariñas SHS and is provided only to enrolled
students for their academic use. This module is provided for free by the school through softcopy and/or
printed media. Reproduction of this module without official permission is prohibited.
Sa bahaging ito ay naglalayong ipakita ang benepisyo o kahalagahan ng
pananaliksik
h. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Sa bahaging ito ay naglalayong ipakita ang nasasakop at hangganan ng pag-aaral
sa basehang oras, lugar, nagbabagong batayan, at pamamaraan.
i. Katuturan ng mga katawagan
Ang bahaging ito ay nagsasaad ng mga operasyunal at teknikal na kahulugan ng mga
terminolohiyang ginamit sa paggawa ng pamanahong papel.

II. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Ang Kabanatang ito ay nagsasaad ng mga basehang literature at pag-aaral sa
ginagawang pagsasaliksik.
Ito ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi :
a. Lokal na Literatura
Ang bahaging ito ang binubuo ng tipon ng mga artikulo, dyornal, balita sa
pahayagan, nalathalang estatistiko, at iba pang lathalaing naipahayag sa loob ng
ating bansa.
b. Banyagang Literatura

Ang bahaging ito ang binubuo ng tipon ng mga artikulo, dyornal, balita sa
pahayagan, nalathalang estatistiko, at iba pang lathalaing naipahayag sa labas ng
ating bansa.

c. Banyagang Pag-aaral
Ang bahaging ito ay binubuo ng kumpaylaysyon ng mga pananaliksik na nilathala
sa labas ng bansa.
d. Lokal na Pag-aaral

Ang bahaging ito ay binubuo ng kumpaylaysyon ng mga pananaliksik na nilathala


sa loob ng bansa.

e. Sintesis

Disclaimer: This module is adapted and modified from the source materials listed in the references list. This is
an exclusive property of Philippine Christian University-Dasmariñas SHS and is provided only to enrolled
students for their academic use. This module is provided for free by the school through softcopy and/or
printed media. Reproduction of this module without official permission is prohibited.
Ang bahaging ito ay naglalayong pangatuwiran ang naiambag ng bawat
literature at pag-aaral sa itong pananaliksik.

III. PAMAMARAAN NG PAG-AARAL

Ang Kabanatang ito ay nagsasaad ng disenyo, proseso at pamamaran ng mananaliksik upang


makuha ang kasagutan sa itinakdang suliranin.

Ang Kabanatang ito ay binubuo ng sumusunod na bahagi :

a. Disenyo ng Pananaliksik
Ang bahaging ito ay nagsasaad ng pangkalahatang pamamaraan at disenyo ng
pananaliksik.
b. Populasyon at mga manunugon
Ang bahaging ito ay nagsasaad ng katangian ng mga manunugon at pagtiyak na
kinakatawan nila ang buong populasyon ng sector o grupo na pakay ng paksa o isyu
na pinag-aaralan.

PAMAMARAAN SA PAGTUKOY NG GRUPO

1. Simpleng random na Pagtukoy ng Kinatawan


Ang pamamaraang ito ay ginagamit upang alisin ang pansariling pagtukoy ng
mananaliksik sa kinatawan.
2. Estratipikadong Random na Pagtukoy ng kinatawan
Ang istrata ay mga grupong napapaloob sa isang populasyon na nagtataglay ng
magkakaparehong katangian.
3. Kota o Porsyentuhang pagtukoy ng Kinatawan
Ang hindi Pantay-pantay na kinatawan ng bawat istrata ay karaniwang nilalapatan
ng kota o porsyento.
4. Kumbensyenteng Pagtukoy ng Kinatawan
Ang mga kinatawan ay pipiliin sa pamamagitan ng kung sino ang maaaring
tumugon sa oras ng paghahanap ng kinatawan.
5. Purposibong Pagtukoy ng Kinatawan

Disclaimer: This module is adapted and modified from the source materials listed in the references list. This is
an exclusive property of Philippine Christian University-Dasmariñas SHS and is provided only to enrolled
students for their academic use. This module is provided for free by the school through softcopy and/or
printed media. Reproduction of this module without official permission is prohibited.
Ang Pagkalap ng kinatawan ay nakabase sa malalim na kaalaman at pagkakilala ng
mananaliksik sa populasyon upang bigyan siya ng laying derektang tukuyin ang mga
kinatawan.

c. Instrumento
Ang bahaging ito ay tumutukoy sa kaangkupan at pagkamaaasahan ng
mga gagamiting talatanungan, gabayna katanungan sa panayam o talakayan
at iba pang dokumentng kailangan upang kumalap ng datos.
d. Paraan ng Pagkalap ng Datos
Ang bahaging ito ay naglalahad ng proseso sa pagkalap ng datos mula sa
pagpapadala ng sulat sa mga kinauukulang tao o ahensya, pagsamsam ng mga
instrument, at pagbalangkas ng pamanahong papel.
e. Paglalapat ng Istatistiks sa mga datos
Ang bahaging ito ay nagsasaad ng mga istatistikong pamamaraan na
nagamit sa pananaliksik.
IV. PAGPAPAKITA, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN SA RESULTA
Ang kabanatang ito ay naglalayong isiwalat ang mga nakuhang resulta mula sa
pagsasaliksik. Ito ay binubuo ng sumusunod na bahagi :
a. Pagpapakita ng resulta
b. Pagsusuri ng resulta
c. Pagpapakahulugan ng Resulta
V. PAGLALAHAT NG MGA TUKLAS, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
Ang kabanatang ito ay nagsasaad ng kaganapan at halaga ng pananaliksik. Ito ay
binubuo ng sumusunod na bahagi.
a. Konklusyon
Ang bahaging ito ay nagsasaad ng napag-alaman sa pananaliksik.
b. Rekomendasyon
Ang bahaging ito ay nagsasaad ng kahalagahan ng iyong pananaliksik.

Disclaimer: This module is adapted and modified from the source materials listed in the references list. This is
an exclusive property of Philippine Christian University-Dasmariñas SHS and is provided only to enrolled
students for their academic use. This module is provided for free by the school through softcopy and/or
printed media. Reproduction of this module without official permission is prohibited.
TUKLASIN
HANAP SALITA

May mga salita ba mula sa iyong binasa na bago sa iyong paningin at kinakailangan mong ihanap
ng kasingkahulugan habang ikaw ay bumabasa. Isulat ang mga salitang ito sa unang hanay ng
talahanayan at sa Pangalawang hanay naman ang Kahulugan nito. Kung walang nakitang salita na bago
sa iyong paningin, maari ka nang magpatuloy sa susunod na gawain.

SALITA KAHULUGAN

GAWAIN #2
Pangalan : ________________________________________ Iskor : ___/20
Strand/Seksyon : __________________________________

ISAGAWA AT LINANGIN:

Panuto: Mula sa natapos na aralin, ikaw ay inaasahang gumawa ng isang sanaysanay patungkol sa
napapanahong paksa. Ang isinulat na sanaysay ay tatayahin gamit ang pamantayan na nasa loob ng
kahon.

Disclaimer: This module is adapted and modified from the source materials listed in the references list. This is
an exclusive property of Philippine Christian University-Dasmariñas SHS and is provided only to enrolled
students for their academic use. This module is provided for free by the school through softcopy and/or
printed media. Reproduction of this module without official permission is prohibited.
Disclaimer: This module is adapted and modified from the source materials listed in the references list. This is
an exclusive property of Philippine Christian University-Dasmariñas SHS and is provided only to enrolled
students for their academic use. This module is provided for free by the school through softcopy and/or
printed media. Reproduction of this module without official permission is prohibited.
TAYAHIN

Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na pahayag. (I punto, 1 bilang)

_________1. Pang-unang pananaw ng mananaliksik sa kalalabasan ng pag-aaral na ginagawa.


_________2. Sa bahaging ito makikita ang mga teorya na pinagbasehan sa pagbibigay ng
kahulugan sa mga nakalap na datos sa pananaliksik.
_________3. Makikita sa bahaging ito ang sakop at hangganan ng pag-aaral sa basehang oras,
lugar at pamamaraan.
_________4. Makikita sa bahaging ito ang lugar at dahilan sa pagpili sa naturang lugar.
_________5. Sa bahaging ito, inilalahad ang isyu na pinagmulan ng suliranin na ninanais na
malapatan ng kasagutan.
_________6. Inilalahad sa bahaging ito ang mga operasyonal at teknikal na kahulugan ng mga
terminolohiyang ginamit sa ginawang pananaliksik.
________7. Sa kabanatang ito isinasaad ang mga literatura at pananaliksik sa isinasagawang
pag-aaral.
________8. Paraan ng pagtukoy ng kinatawan na pipili ang mananaliksik sa pamamagitan ng
kung sino lang ang maaring tumugon sa oras ng paghahanap ng respondente.
________9. Paraan ng pagkalap ng kinatawan na may laya na direktang tukuyin ng
mananaliksik ang kinatawan.
________10. Ginagamit sa pagtukoy ng kinatawan upang maiwasan ang pansariling pasya sa
pagpili ng mananaliksik sa mga respondente.

SANGGUNIAN :

Dayag, A.M., M.G.G. del Rosarion (2017) Pinagyamang Pluma- Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t
ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City : Phoenix Publishing House.
Gime, A.V. et al. (2016) Sikhay: Komunikasyon at Pananaliksik. Quezon City: st. Bernadette
Publishing House Corp. Pp. 187-193

Inihanda nina: Binigyang pansin ni: Pinagtibay ni:

Mirasol D. Rodriguez, LPT Lynette D. Rivera LPT Mario S. Mecate, Ph.D.


Filipino 11 Coordinator AVP, Basic Education Unit/Principal
Marsica I. Melo, LPT

Lynette D. Rivera, LPT

Leo M. Petalvo, LPT


Disclaimer: This module is adapted and modified from the source materials listed in the references list. This is
an exclusive property of Philippine Christian University-Dasmariñas SHS and is provided only to enrolled
students for their academic use. This module is provided for free by the school through softcopy and/or
printed media. Reproduction of this module without official permission is prohibited.
Maureen D. Burazon Ma. Christina S. Yamut,LPT

Sienna Rose G. Austria John Lawrence A. Lopez

Arlita N. Tibayan Grace P. Basa, LPT

Rommel M. Vidallon, LPT

Subject Teacher/s

Disclaimer: This module is adapted and modified from the source materials listed in the references list. This is
an exclusive property of Philippine Christian University-Dasmariñas SHS and is provided only to enrolled
students for their academic use. This module is provided for free by the school through softcopy and/or
printed media. Reproduction of this module without official permission is prohibited.

You might also like