You are on page 1of 14

FANGIRL

Ni Herlyn Alegre

MGA TAUHAN:

BARBARA
40, housewife,nakasuot ng classy na bestida at may dalang mamahaling hand
bag,sopistikada ang dating

JESSICA
40, divorcee, balikbayan mula sa America, nurse sa isang pribadong ospital, nakasuot ng
makulay na shorts at tank top na pang bahay

ANGELINE
40, single, manager sa isang call center,nakasuot ng plain na polo at itim na slacks

TAGPUAN:
Nagaganap ang dula sa sala ng high-end one-bedroom condominium unit ni JESSICA. May
malaking chandelier na nakabitin sa sala. May malaking puting sofa sa gitna ng sala na puno ng
malalaking throw pillows na halos wala nang maupuan. May glass na center table kung saan
may nakapatong na malalaking scented candles. Natatakpan ng isang mamahaling Turkish
carpet ang malawak na sahig. May matataas na book shelves sa likod ng sofa na puno ng mga
koleksyon ng libro at figurines. Malinis ang sala, walang kalat.

BUBUKAS ANG ILAW. MAKIKITANG NAG-IIMIS NG MGA GAMIT SI JESSICA,


PINUPUNASAN NIYA ANG MGA FIGURINES NA NAKAHANAY SA BOOKSHELF.
MAY KAKATOK SA PINTO AT BUBUKSAN NIYA ITO. MAKIKITA SI BARBARA SA
PINTO. BEBESO ITO KAY JESSICA AT TULOY NA PAPASOK SA CONDO.

JESSICA: Sigurado ka na ba sa balita mo?

BARBARA: Oo naman mas sigurado pa sa dating ng regla mo.

JESSICA: Walang hiya ka, di pa ko menopause.

So, kelan daw?

BARBARA: Sa September.

JESSICA: Ang lapit na pala. Ilang lugar ang iikutan sa September?

BARBARA: Pito.

JESSICA: Pito? Kaya pa ba nila yon?

1
BARBARA: Sobra ka.

JESSICA: Aba, sikwenta na sila.

BARBARA: Wala pa naman!

JESSICA: Nirarayuma na yung mga yun. Mapagkakatiwalaan ba yang mga source mo?

BARBARA: Ako pa daw ang pagdudahan.

JESSICA: Oo nga pala, ikaw na ang stalker.

JESSICA: Pasok ka Anj.

BARBARA: Hi, Angeline.

ANGELINE: Hello, Barbara.


Kala ko tayo lang.

JESSICA: Sorry, di ko nasabi.

ANGELINE: Di mo talaga sinabi.

JESSICA: Actually, si Barbs ang unang tumawag sa ‘kin tungkol sa balita.

ANGELINE: So confirmed na nga?

BARBARA: Isa ka pa eh.

ANGELINE: Naninigurado lang. Ang tagal nang hinintay natin! Dalawampung mahahabang taon ng
pangungulila! Kaya siguradyhin nyong hindi fake newws yan!

JESSICA: Pangungulila ba kamo?

Oh, ayan, baka makatulong pampainit ng mga gabi mo.


Nahalukay ko yan sa luma naming bahay sa may Bulacan nung bumalik ako sa Pinas.
At since divorce at independent na uli ako, pwede ko nang ilagay sa bahay ko kahit
anong gusto ko!

BARBARA: Dinala mo lahat?

JESSICA: Siyempre.

ANGELINE: Ibig sabihin, dinala mo rin sila.

BARBARA: Sila?

2
JESSICA: Ah, Sila!

ANGELINE: Pagkatapos nang dalampung taon...

ANGELINE, JESSICA, BARBARA:


Magre-reunion na uli ang APE4!

ANGELINE: Tinago mo pala ‘tong mga ‘to

BARBARA: Ako pa ba. Kalahati ng kabataan natin kasama sila.

ANGELINE: Tingnan mo nga naman si Qin Qan Zu. Pagka kinis-kinis, pagkaputi-puti, kilikili palang
langit na.

BARBARA: Dito parin ako kay Noh Pah King, dahil hindi ka na paparada pa sa piling ng iba.

JESSICA: Ewan ko sa inyo basta ako dito kay Mei Guo Luuo na laging nagpapa Guo Luo sa isip
kow! Pakurot nga sa Biceps.

BARBARA: Nag-ipon ka pa ng sandamakmak na tansan ng softdrinks para lang mapanalunan mo to.

JESSICA: Di ko na mabilang ilang softdrinks nainom ko.

ANGELINE: At kung ilang basurahan sa canteen ang hinalukay natin para lang diyan sa kapricho mo.

JESSICA: Kapricho ka diyan. collector’s item to no. Tsaka wag kang magmalinis, hiniram mo kaya
sila para sa debut mo. Kasi sabi mo, si Qin Qan Zu ang pang 18th rose mo.

BARBARA: Kala mo naman makakapagsayaw sa cotillon.


ANGELINE: Natatandaan nyo nabili pa tayo ng songhits dato, tapos yung mga posters sa centerfold
gagamitin nating pambalot ng notebook.

BARBARA: Songhits talaga? Hindi na alam ng millenials yan.

ANGELINE: Noon pa man hoarder ka na. Lahat ng merchandise nila binibili mo. Mula keychain
hanggan limited edition na can opener. Tapos lahat ng dingding mo sa kwarto, may
poster mula sa kisame hanggang sahig.

BARBARA: Daig mo pa nakawall-paper. Buti di ka binabangungot noon? Pagpikit at pagmulat mo,


mukha ni Mei Guo Luo agad. Ang angas ng mukha nun, parang almusal lagi ang away.

JESSICA: Kayo kaya ang inggit na inggit noon. Ayaw kasi nila tita palagyan ng poster mga kwarto
nyo. Kaya yung postcard ni Qin Qan Zu nasa loob lang ng cabinet mo, sumisinghot ng
naptalina.

ANGELINE: So, moving on, ano nang game plan natin? May pasok pa ko ng alas-onse ha.

3
BARBARA: Ganito, magsisimula magbenta ng tickets ngayon alas-siyete. Pero malaki ang chances
na maso-sold out agad.

JESSICA: Dalawampung taon na, baka wala na silang fans. Tayo na lang.

BARBARA: Ay, wag mo i-underestimate ang powers ng mga fellow fangirls. Once a fangirl always a
fangirl.

ANGELINE: Ang sabi nila, once na naranasan mo yung ecstasy ng pagiging fangirl, nakatanim na
siya sa sistema mo. Nagbabago lang ang fandom mo, for example from boybands
nagiging superheroes, from reality show contestants to your kids soccer coach.

BARBARA: In fairnes, medyo hot nga coach ng anak ko.

ANGELINE: But it’s in you when something or someone catches your interest, your fangirl insticts
are activated right away. Kaya for sure maglalabasan ang mga fangirls sa lungga.

JESSICA: Pano yan, eh sa bagal ng internet at sa dami ng sabik na fangirls baka mabilis pa
magbook pag may piso fair.

BARBARA: Kaya nga dapat tutukkan. Ganito kasi ang rules nitong Chinese website, kapag
nakapagreserve ka ng tickets kailangan mo mabayaran agad within the alloted time,
kapag hindi na-confirm yung payment mo, mag eexpire ang session so mafoforfeit yung
reservation mo at babalik sa system yung ticket mo and you have to re—do the process
all over again.

ANGELINE: Maswerte ka kung may ticket pa sa susunod na umulit ka.

JESSICA: Ang effort naman niyan, dati sa ticket office lang sa mall tayo nagpapa reserve. Ganiyan
na ba talaga reservation ngayon?

BARBARA: Apparently yes. I heard sa Japan, they have a lottery system. Kailangan mo mag register
online or magpadala ng postcard before the deadline kung gusto mong mag apply para
makakuha ng tickets. Kung napili ka sa lottery makakakuha ka ng tickets pero dahil
lottery siya, hindi ka makakapili ng pwesto mo swertihan kung dun ka sa sobrang lapit o
sa sorang layo. Pag medyo minamalas ka, edi nganga. At, pwede ka lang sumali sa
lottery pag member ka ng fan club. At pwede ka lang maging member ng fanclub pag
may address ka sa Japan. Ang effort di ba.

ANGELINE: Oh, well wala naman tayo sa Japan.


Pero in our context, wala rin naman tayong choice. Kailangan natin karirin yang website
na yan.

JESSICA: Ikaw na bahala dyan Barbs.

4
BARBARA: Teka, kailangan pa magregister. Ano ba magandang username?

ADLIB USERNAMES

BARBARA: Oh, eto na, yung VIP Section –P20,000, Lower box A -P15,000, Lower box B- P10,000,
Upper box -P5,000, General Admission – P3,500

JESSICA: Sige na, go-ibook mo na yung VIP!

BARBARA: Okay sige eto na.

ANGELINE: Sandali! P20,000 ang mahal naman niyan.

BARBARA: Ngayon lang mag rereunion ang APE4, baka di na to mauli!

ANGELINE: Pwede bang general admission nalang?

JESSICA: Anj, Reunion concert Gen Ad lang? Anong klaseng fangirl ka?

ANGELINE: Ay may panghuhusga na.P20,000 pang grocery ko na yan sa bahay.

JESSICA: Si Barbs nga may tatlong chikiting, pero go lang.

ANGELINE: Si Barbs may Matt na sumusuporta sa mga chikiting, ako wala. Ako sumusuporta sa
pamilya ko.

BARBARA: Ang kuripot!

ANGELINE: Hindi ako kuripot. Siyempre gusto ko manuod ng reunion concert pero sa presyong yan
kahit ibenta ko dalawang kidneys ko kulang pa rin!

JESSICA: Sa VIP section makikita mo sila nang malapit. Kahit buhok sa kilikili masisipat mo.
Atsaka kapag naghagis sila ng twalya o t-shjity pwede mong masalo. At take note, may
pawis yon!

ANGELINE: Jess, Ang hirap naman. Wag mo naman akong ilagay sa alanganin.

JESSICA: Pag nasa Gen Ad ka, ganito lang sila kaliit. Edi sana nanuod ka na lang ng concert nila
a VHS. Close-up pa.

BARBARA: Wala nang VHS

ANGELINE: Eh yung upper box na lang.

BARBARA: Kapag nasa Upper Box, Angeline nasa gilid ka ng stage, manunuod ka ng pa-side view,
hindi maganda ang perspective may blind spots. May mamimiss ka na mga kaway or

5
mga improvised dance moves na hindi nila lagi ginagawa. How can you even afford to
miss those rare moments.

JESSICA: Bilis na, time is running.

JESSICA: O sige, pahihiramin nalang kita.

BARBS: Jess! Sigurado ka?

ANGELINE: Narinig mo, Wag ka umangal.

JESSICA: Don’t worry ako na bahala.

BARBARA: Okay eto na, 3 tickets VIP section. Ang closest available ayon sa system ay Aisle 2,
Row K, Seat 23, 24, 25

JESSICA: Row K?

BARBARA: Tapos seat 25?

ANGELINE: Anong problema?

JESSICA: Kapag malaki yung ulo ng nasa harap mo, o kaya ay kulot o naka spray net, kalahating
katawan lang ng boys ang makikita mo, matatakpan sila ni ate girl for sure.

ANGELINE: Pero yan lang ang available sabi ng system. Pumili kayo, yung nakikita nyo sila nang
kalahati lang o yung sa labas tayo ng venue manunuod?

BARBARA: Reserve ko na to. Sabihan ko na lang si ate girl na magsuklay.

BARBARA: Okay Reserved! Eto checking out na, kailangan ng credit card for payment.

JESSICA: Eto gamitin mo card ko.

BARBARA: Ikaw na maglagay dito.

ANGELINE: Ang tagal ha.

JESSICA: Sandali naman!

ANGELINE: Barbara, ikaw nga.

BARBARA: Inuutusan mo ko?

ANGELINE: Please. Baka kasi bukas pa makapagbayad tong si Jessica.

JESSICA: ENTER!

6
BARBARA: Naglo-load pa. Hintayin lang natin yung confirmation.

ANGELINE: Bakit tatlo lang yung standee!

BARBARA: Tatlo lang naman talaga sila.

ANGELINE: Nasaan si Mai Bei Bei?

JESSICA: Wala siya niyan kasi nakaalis na siya sa banda niyan.

Pero, Meron ako nito!

BARBARA: Ay tinago pa rin? Hindi maka-let go?

ANGELINE: Sino kaya satin ang hindi maka-let go?

JESSICA: Move on na Barbs,

ANGELINE: Ang bitter mo. Alam mo, hindi maganda ang nagtatanim ng sama ng loob.

BARBARA: Hindi ako bitter

JESSICA: Dalawampung taon na. Ang tagal mo mag-heal

BARBARA: Siyempre as a fangirl binigay mo yung loyalty mo, yung kabataan mo tapos bigla siyang
aalis sa banda dahil lang gusto niyang magsimula ng solo career sa Amerika?

Ako lang ba, di niyo ba nafeel yung ganon?

JESSICA: Una siyempre, galit din ako di ko akalain na magagawa niya yun sa tin. Pero narealize
ko kung fangirl talaga ko. Dapat kung saan siya masaya masaya rin ako.

BARBARA: So siya lang ang masaya, pano naman tayo? Di na niya inisip yung mararamdaman ng
fangirls. Parang selfish nun.

ANGELINE: Ayan kaya ka madalas napapaaway sa ibang fangirls taklesa ka.

BARBARA: Hindi ako taklesa, nagsasabi lang ako ng totoo. At hindi ako nang aaway. Ako ang
inaaway.

JESSICA: Ano bang gusto mong gawin ni Mai Bei Bei para mapatawad mo siya?

BARBARA: Mag-sorry siya. Yun lang. Mahirap ba yun?

ANGELINE: Baka mas malaki pa ang chances na maulit ang reunion concert pag senior citizen na
sila, kesa makarinig ka ng sorry kay Mai Bei Bei.

7
BARBARA: Anong nangyare? “cannot confirm payment” daw.
Jess na max out mo na naman credit limit mo no!

JESSICA: Umorder kasi ako ng 25th Anniversary DVD BOX Set ng Ghost Fighter. Blue-ray daw,
whatever that means.

BARBARA: For sure di lang yun ang binili mo.

JESSICA: Teka may iba pa kong card.

ANGELINE: Bilisan mo, the session will expire in 30 seconds.

JESSICA: Eto try mo.

BARBARA: Ang dami naman.

JESSICA: Para sigurado.

BARBARA: Nag-time out! Sabi, ÿour session has timed out. Please try again”

ANGELINE: Sana meron pa!

BARBARA: Yellow Gate, Aisle 2, Row B, Seat 4!

JESSICA: I-Reserve mo na yan!

BARBARA: Pero isa lang!

JESSICA: Mabuti nang may isa. At row B siya, Barbs, row B!


Bumili nalang tayo ng 2 sa iba.

ANGELINE: Anong iba?

JESSICA: Ang fangirl na nagigipit sa reseller kumakapit.

BARBARA: Hindi! Hindi tayo bibili dun. Kaya kumikita ang mga scalper na yun dahil may bumibili.

ANGELINE: Anong masama kung gusto nila kumita?

BARBARA: THIS IS FANDOM! Hindi mo dapat iniisahan ang kapwa fangirls mo.

ANGELINE: Business is business.

BARBARA: Ah! Kaya pala, kahit sino nirerecruit mo sa pyramiding business mo.

8
JESSICA: Girls, Focus! Ang Matinding issue ngayon ay ang Aisle 2, row B, Seat 4 na ticket!
Mamaya na kayo magdiskursyo ng iba.

ANGELINE: I-reserve mo na yan para matapos na ang usapan!

BARBARA: O sige, ginusto niyo to ha. I reserve ko na.

Hintayin lang natin yung confirmation.

So, Kanino, na mapupunta tong ticket?

Dapat siguro sa akin kasi ako naman ang book. Atsaka, ako naman ang pinaka hardcore
na fangirl dito kahit dati pa di ba.

ANGELINE: Define hardcore.

BARBARA: Ano ba naman yung pati pangalan ng mga anak ko malapit sa APE4

ANGELINE: Hardcore na yun?

BARBARA: Umaapila ka? Kala ko wala kang pambayad?

ANGELINE: (Kay Jessica) Sabi mo pahihiramin mo ko!

JESSICA: Nagbago na isip ko!

ANGELINE: Diba Friends tayo

JESSICA: Sige na pahihiramin kita para wala ka masabi. Basta kumuha ka ng sarili mong ticket

ANGELINE: Ayan may ticket na di ba?

BARBARA: Waiting for confirmation pa.

ANGELINE: Pero akin na yan di ba?

BARBARA: Hindi, akin yan.

ANGELINE: Nanuod na kayong dalawa ng farewell concert nila bago sila naghiatus diba! Ako hindi
pa hindi pa ever!

BARBARA: Anong klaseng fangirl ka nga naman if you haven’t met them in real life. Forever kang
second class citizen sa fandom.

ANGELINE: Sobra ka makajudge.

9
BARBARA: Siyempre pag fangirl ka, isa yun sa major responsibilities mo sa banda at sa sarili mo.
Kailangan suportahan mo sila all the way! Ano yun, nag fafangirl ka kakatingin lang sa
picture nila sa magazine.

JESSICA: Happy naman ako sa titigan lang yung pictures nila.

BARBARA: Hindi pwedeng nagkakasya na kayo dun? As fangirls may mga pangangailangan tayo,
like “skinship” Don’t you think that’s the ultimate fulfillment of our fangirl experience?
Yung makikita mo sila in real life. Yung mahihinga mo yung parehong hangin na
hinihinga nila, at kung maswerte ka, mahahawakan mo siya!

ANGELINE: Kaya nga matindi na ang pangangailangan ko sa skinshop na yan. Dalawampung taon ng
pangungulila kaya give me a chance to experience it.

BARBARA: Hindi lang ikaw ang nangungulila.

ANGELINE: Teka, sino ba dito sa kwartong to ang walking encyclopedia pagdating sa APE4?

Ask me ang question about the albums, songs, music videos, concert tours, personal
details, anong height nila, ilang pounds sila nung pinanganak, anong pangalan ng
childhood pet nila, isama mo na rin kung anong flavor ng ice cream nila gustong
maging.

BARBARA: Kelan ni-release ang APE4 Life and love limited Edition B single?

ANGELINE: June 1994. Sold out 200,000 copies in the first week, made a debut at number 3 sa
Chinese hit charts.

JESSICA: Anong pangalan ng body guard ni Qin Qan Zu?

ANGELINE: On which day of the week ang tinatanong mo?

BARBARA: Ilan ba ang alam mo?

ANGELINE: Si Terrence Hsiu ang head security, except on Thursday and Sunday pagnaka-day off
siya. Si Xiao Long Pai and except pag may overseas tours kasi per his contract with the
company, he cannot travel overseas per personal reasons.

JESSICA: Anong favorite food ni Mei Guo Luo?

ANGELINE: Siu Mai!

JESSICA: Steamed o fried?

ANGELINE: Of course, steamed! Alam mong hindi siya kumakain ng greasy food para ma-maintain
ang abs!

10
JESSICA: Nakakailang sit-ups si Mai Bei Bei a day?

ANGELINE: 500 sa umaga, 500 sa gabi! Pag may concert. May extrang 300 sa dressing room, three
hours before the show.

BARBARA: Anong size ng paa ni Noh Pah Kinh?

ANGELINE: 10 sa sneakers, 10 1/2 sa leather shoes! Kasi hugis luya ang paa niya kaya naiipit yung
buto kapag nag-eexpand yung paa niya after 3 songs.

JESSICA: Mahirap tong kalaban.

BARBARA: Hindi ako papatalo, I think ako pa rin ang number one fan, dahil ako ang stalker and
that’s in your own words not mine. Nakikipag-penpall pa ako sa mga fans sa ibang
bansa, nag ti-trade kami ng mga band photos at postcards. Nakukuha ko lahat ng
information kahit during the time na hindi pa uso ang internet.

JESSICA: Tama ka naman, Barbs.

BARBARA: Tama talaga ko.

JESSICA: And I respect your dedication as a fangirl. Pero Tingin ko, I deserve the tickets. Ako ang
ultimate colector, lahat ng merchandise meron ako.

So in terms of sales and profits mas marami akong di hamak na naitulong sa banda kesa
sa inyo. So yang mga pinambayad nila ng high rise condo nila sa Taipei, katas yan ng
pagmamahal ko.

In addition to that, credit card ko ang ginamit at nandito kayo sa bahay ko, if things turn
sour pwedeng di na kayo makalabas dito.

In Addition to that credit card ko ang ginamit at nandito kayo sa bahay ko, if things turn
sour pwedeng di na kayo makalabas dito.

BARBARA: Ibibigay ko sayo yung APE4 LIMITED EDITION Acoustic version ng APE4 Eternity
You and Me Single released in 1996.

BARBARA: Only 2,000 copies, IN THE WORLD, were released and I was lucky to get one from one
of my Taiwanese penpals. Pero ibibigay ko yun sayo kung ibibigay mo sa akin tong
ticket na to.

ANGELINE: Pwede mo ako maging alipin ng isang buwan. Aayusin ko lahst ng merchandise mo sa
cabinet mo para nakikita mo sila araw araw.

BARBARA: Pano kung bigay ko sayo ung limiteed edition

11
BARBARA: Si Noh Pah King nalang ang kulang mo and fortunately meron ako, at willing akong
ibigay sa’yo. Ang ganda siguro nilang tignan nang magkakahilera sa estante.

JESSICA: Oo na, sige na! Sayo na ang ticket.


Sorry Anj. Action figure yun eh.

ANGELINE: Mas pinipili mo yun kesa makita sila ng live.

JESSICA: Napanuod ko na naman sila noon, atsaka yung moment mo sa concert, short and
fleeting. Pero pag merchandis, they last forever.

BARBARA: Sorry, angeline. I guess I won this round.

ANGELINE: Hindi pa dumadating ang confirmation, wag kang manigurado.

BARBARA: Darating na din yun, matagal lang mag-load ang site.

ANGELINE: Hindi pa tapos ang laban.

BARBARA: Wala ka ngang maibigay ang loser kaya ng offer mo.

ANGELINE: Hindi lang naman mechandise ang labanan dito. Marami pa akong pwede i-offer, kala
mo.

Ang hirap kasi sa fandom para makasabay ka kailangan gumastos! Kayo naman ni
Jess wala naman kayong problema sa pera kahit noon pa. Yung pagpapalitan niyo ng
merchandise para lang pagpapalitan ng T-shirt sa bangketa.

BARBARA: Pinag-iipunan ko rin naman ung mga pinambili ko nun.

ANGELINE: Eh sa laki ng baon mo nung high school, barya lang sayo yun. Ako nagbebenta pa ko ng
ginanchilyong bracelet sa klase para makaipon ng pambili ng keychain.
JESSICA: Magaganda yung mga designs ng bracelet mo nun.

ANGELINE: Na parang kalahati ng benta ko araw-araw kayo lang din naman ang bumibili. Tapos
yung last concert nila bago mag hiatus

BARBARA: APE 4 live in eternity 1989!

ANGELINE: Hindi ako nakasama kasi nga may trabaho ako nun, di ako maka absent kasi no work no
pay ako.

JESSICA: The best yun yung dahan-dahan silang umaangat sa ere na parang lumilipad nung last
song. Tapos may mga firewoks na sumasabog sa gilid ng stage.

12
BARBARA: At ang daming fan service nun. Laging hinahawi ni Mei Guo Luo yung bangs ni Qin
Qan Zu. Tapos may part na habang nagsasalita si Noh Pah King, bigla siyang niyakap sa
bewan ni Mei Guo Luo. Makikita mo ang tight ng bonding nila as a group.

JESSICA: Ang hilig sa bromance.

ANGELINE: Ayan na naman kayo, may sarili na naman kayong topic. Tama na, nang-iinhit pa.

BARBARA: Nagkukuwento lang naman kami, kung naiingit ka hindi na namin kasalaman yun.

ANGELINE: Alam mo na ngang hindi ko yun napanuod, kuwento ka pa ng kuwento. Wala ka bang
sensitivity.

BARBARA: Kaya nga namin kinukuwento, para alam mo.

ANGELINE: Hindi siya nakakatulong, lalo lang ako naiingit.

BARBARA: Manuod ka kasi ng concert para may ma-contribute ka naman sa kwentuhan.

ANGELINE: Pano ko makakanuod ayaw mo ngang bitawan yang ticket. Bakit ba hindi mo siya
maibigay sa’kin di ba magkaibigan tayo?

BARBARA: Ang dami ko nang binigay sayo bilang kaibigan tapos lolokohin mo lang ako.

ANGELINE: Hindi kita niloko.

BARBARA: Pero pinilit mo kong sumali diyan sa pyramiding business mo kahit alam mo naman na
scam!

ANGELINE: HINDI SIYA SCAM!

BARBARA: Anong nangyare sa lahat ng perang kinolekta mo sa’kin? Kahit singkong butas walang
nakabalik.

ANGELINE: Yun lang ba ang hinihintay mo? Bukas na bukas ibabalik ko lahat ng perang sinusumbat
mo saking kinuha ko.

BARBARA: You also took away my trust. Akala ko magkaibigan tayo, tapos talo-talo pala tayo.

ANGELINE: Wala akong tinatalo kahit sino, naghahanap-buhay lang ako. Pandagdag sa panggastos
sa bahay.

JESSICA: Tama na yan! Pwede bang mag focus na tayo. Nadidisctract kasi tayo ng mga drama
niyo. Ang tanda-tanda na natin ganito parin tayo! 20 Years wala parin maturity!
WALA PARIN TICKET!

ANGELINE: Walang dumating na confirmation?

13
BARBARA: Oh no, nag hang yata!

JESSICA: Ang haba kasi ng mga drama niyo eh.

ANGELINE: I-refresh mo!

BARBARA: Baka mawala, Rob B, seat 4

ANGELINE: Barbara, gusto ko talagang manuod. Anong pwede kong gawin para ibigay mo yung
ticket?

BARBARA: Mag sorry ka,


Yun lang naman hinihintay ko, Kausapin mo ko ng maayos.

JESSICA: Sorry daw Anj

ANGELINE: Sorry Barbs.

BARBARA: APOLOGY ACCEPTED!

JESSICA: GUYS UNG TICKETS!

JESSICA: Okay go, ayon sa last verdict kay Anj ang ticket. Agree tayong lahat?

Gamitin ko tong ibang Card.

BARBARA: Okay “Processing your order” Confirmation in 5,4,3, 2, 1!

WAKAS

14

You might also like