You are on page 1of 3

FILIPINO(9) SCRIPT

Juan Tamad: Ang Pinagmulan


Jhona – Dama
Kassandra - Diwata Klara
Nichole – Lakandula
Marichu – Isabel
Jynes - Sister/ Luisa
Luke– Juano
Seth- Lakandula
Jericho – Pari
Kung ano ang nakasulat, ganoon narin ang takbo ng kwento. Ngunit hanggang doon
na lamang ba? Sa hapong ito, itatanghal natin ang isang kwento ng pinagmulan, ang
PINAGMULAN NI JUAN TAMAD. Sa kanyang masipag na ina, tama, masipag. Ang ina ni Juan
Tamad, ay si Isabel Sipag. Bago ang lahat, bago ang pagkasilang ni Juan, Sa isang malayang
bayan, sa ilalim ng makulimlim na kaulapan, matatagpuan ang isang ordinaryong binatilyo
na papasok sa gubat.
EKSENA 1 (a forest) Juano has flowers going into the forest.
Juano: Mahal koooo! Mahal na nakagagalang na diwata! (Sarkasim maasim)
Klara: Itigil mo iyan Juano, tilay isang walang hanggang nawalay ka saakin.
Juano: Nais ko lamang ng isang pabor. Isang gintong singsing.
Klara: Gintong singsing? Hmmm, sige, alam mo namang hindi kita matitiis. (Wishishishis,
boom chakalak) Heto na mahal ko, (gives a lot of jewelries)
Juano: ANG NINAIS KO LAMANG AY ISANG MUNTING GINTONG SINGSING, BAKIT GANITO
ANG IYONG IBINIGAY (Klara is ) akoy patawarin mo mahal, akoy pagod lamang.
Klara: Ang iyong ginto ay nasa ilalim. Hanapin mo lamang. CURTAINS CLOSES Oh
kaygandang araw, hindi mainit, hindi malamig, ahhhh, at tapos narin ang aking mga
gawain. (Stretches back) (Luke enters the stage)
Juano: Magandang umaga sa iyo Isabel, giliw ko.
Isabel: Magandang araw rin sayo manliligaw, san punta mo
Juano: Wala, liwaliw lamang. Ikaw?
Isabel: Kakatapos ko lang maglaba, maghugas, mangsampay, mandilig, magluto, mag linis,
mag- Juano: Oh teka lang, alam na ng lahat kung gaano ka kasipag, may ibibigay lang ako
sayo (pulls out a ring and slides into her finger)
. Isabel: Ngunit..
Juano: Itoy simbolo lamang ng aking pagmamahal. Teka lang, maaari mo na bang sagutin
ang aking tanong nung araw?
Isabel: Sagutin? Anong ibig mong sabihin? (Pakipot)
Juano: Kung, kung ano na tayo?
Isabel: Pag-iisipan ko, mauuna na ako. May sampayin pa pala ako. (Turn around) (Tinawag
ni Juan) Juan!, Oo, tayo na!
EKSENA 2: FOREST
Narrate: At ganoon nga, sila'y nagsama sa isang bubong. Lumipas pa ang panahon ngunit
masyadong mapagkait ang tadhana. Nalaman nilang walang kakayahan si Isabel na lumikha
ng anak. Ngunit....
Isabel: Ako'y nagmamakaawa sa iyo Diwata, ako'y bigyan mo ng anak, oh diwata ng
kagandahan at katuturan, dinggin mo ang aking saklolo. Nagmamakaawa ako. Dinggin mo
ako. Klara: O Isabel, ang iyong pagtitiis ay wawakasan ko na, sa pagdilat ng iyong mata
bukas, ikaw ay mabibiyayaan ng anak mo at ng iyong kabiyak. Narrate: Totoo ngang
nabuntis si Isabel. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, hindi alam ng diwata na ang
kanyang minamahal na Juano rin pala ang kabiyak ni Isabel.
EKSENA 3: (kagubatan)
Klara: Bakit bay hindi na siya bumabalik sa akin? Tila'y nakalimutan na niya ako. (Claps
her hands) Dama, magpunta ka sa bayan, ang aking iniibig na si Juano ay iyong hanapin.
Dama: Masusunod po (yumuyuko)
EKSENA 4: BAHAY
Luisa: Kasalan na lamang ang kulang kapatid ko at makukumpleto kana. Tama na nga ang
kakalinis, buntis ka na.
Isabel: Napag-usapan na namin iyan ni Don Juano, isang sertipikasyon na lamang ang
dapat asikasuhin upang magpakasal.
CURTAINS CLOSES
Dama is in disguise to find information about Juano.
Isabel: Magandang umaga, ginang, nais ko sanang kumuha ng sertipikasyon ng kasal
Dama: Opo, pangalan mo po, at ng kabiyak mo?
Isabel: Isabel Romano, at Juano Cuevas
Dama: Juano? Tapos na po. (Takes of her disguise)
CURTAINS CLOSES EKSENA 5:
Dama: Ako'y may hatid na masamang balita aking Diwata. Si Juano ay ikakasal na.
Klara: Ikakasal? Kanino?
Dama: Sa buntis na si Isabel!
Klara: (shattered, expressionless, shocked, speechless, horrified, stunned) Ang babaeng
aking biniyayaan ng supling? Isang kawalanghiyaan! Isang pagdurugo! AGHHHHHH!
EKSENA 6:
Pari: at tinatanggap mo ba si Don Juano bilang asawa mo, ngayon, bukas, magpakailanman,
hindi magbabago?
Isabel: Op-
Klara: HINDIIIIII! (Slaps Juano)
Juano: Klaraa? Anong ginagawa mo rito?
Klara: LUMABAS KAYONG LAHAAAAT!, maliban sa inyong dalawa.
Isabel: Diwata, anong ibig sabihin nito? Anong nangyayari?
Klara: (slaps Isabel) Manahimik ka! Minahal kita ng tunay Juano, pinaniwalaan kita, umalis
ka nang walang paalam. Winasak mo ang kalawakan ng puso ko! (Points at Juan's chest and
drums chest)
Isabel: Minahal? Paumanhin ngunit siyay isang tao at ikaw ay isang Diwata. Iyon ay
ipinagbabawal
Klara: (slaps Isabel) Manahimik ka, ahhhh, (loks at her hand) ang munting gintong singsing
(stares at luke) ang regalo ko ay binigay mo sa iba, at ikaw! pagkatapos kong ibigay sayo
ang anak mo!
Isabel: At ako'y lubos na nagpapasalamat sa iyo Diwata. Ngunit hindi ko alam na kayo pala
ay unang nag-ibigan, kung nalaman ko lamang ay lumayo na lamang ako sa inyo at hindi ko
na ipinilit pa ang sarili ko sakanya. Alam mong hindi ako ganoong klaseng tao Diwata!
Ngunit tao lamang kami at nagkakamali, ang hiling ko lamang ay making kayo sa
amin.Nagsusumamo ako. Juano: Hindi na kita minahal noon Klara! Ikay isang Diwata at ako
ay isang ordinaryo lamang. Kahihiyan iyon para sa mga lahi mo, totoong minahal kit- Klara:
Minahal? Ginamit mo lang ako para pagkuhanan ng mga alahas tama ba? Pare-pareho
talaga kayong mga tao, kayo ay sumpa sa mundo! Hinding hindi kita mapapatawad! At ikaw
Isabel SIPAG, isinusumpa kong ang iyong anak ay magkakaroon ng ugaling kabaligtaran ng
sa iyo, ngayon at magpasawalang hanggan. Biyayang ibinigay ko, isusumpa ko! WALANG
KAPANGYARIHAN SA MUNDO ANG MAGBABAGO NITO!
(Juano stabs Klara, Klara falls down, like a leaf falling at its last breath) Narrator: Sa
pagkawala ng Diwata, nawala ang pag-asang masasalba at mababawi pa ang sumpa. Si
Juano na pumatay ng isang diwata ay tinugis ngunit nagpakamatay. Mag-isang pinalaki ni
Isabel ang kanyang Juan. Si Juan Tamad.

You might also like