You are on page 1of 4

Unibersidad ng La Consolacion

Lungsod ng Malolos, Bulacan

Barasoain Campus

“Alamat kung bakit dalawa ang Puso”

Ipinasa ni: Marie, Jhasmine Balagtas Ipinasa kay: Jessie Cruz

Seksyon: 11 GAS 4B

Petsa: January 19 2018


May isang lalake na biniyayaan ni bathala ng dalawang puso para sa sangkatauhan, may isa
siyang inibig na may ganito ding kondisyon. Layunin nila na palaganapin ang pag-ibig nang
dalawang beses sa pamamagitan ng kanilang inspirasyon para sa mas tunay na pagmamahalan
ng bawat isa.

Minsan may isang naligaw na kampon ng kasamaan na walang puso. Tangi lamang niyang
sandalan ay ang mga pintig ng kasamaan sa kanyang dibdib, nabubuhay lamang siya sa bawat
krimen na kanyang ginagawa at sa mga ninanakaw na kaluluwa… sa madaling salita tila isa
lamang siyang anino. Sa kanyang paglalakbay, nakita niya ang asawa ng lalake malapit sa ilog…
unang sulyap pa lamang ay napaibig na siya nito. Hindi niya alam ang gagawin, hindi niya alam
kung saan nanggagaling ang kanyang emosyon.

Dahil sa labis na kagustuhan na mapasakanya ang babae, naisip niya na ang tanging paraan
lamang para siya ay magkatawang tao ay ang magkaroon ng puso, tanging paraan ay ang
makahanap ng busilak na puso at hindi kaluluwang kukumpleto lamang sa kanyang anyo.

Habang nasa kalagitnaan ng pagtulog ang lalake, gumawa ng paraan ang anino, ninakaw niya
mula sa dibdib ng lalake ang isang puso nito at ibinaon sa kanyang dibdib. Agad-agad nagkaroon
ng katawan at naging magkawangis ang dalawa bit-bit din nang nagnakaw ang mga ala-ala at
pag-ibig ng babae.

Nagulat ang lalake sa kanyang paggising, natulala ito dahil para siyang nakaharap sa salamin,
walang salitang lumalabas sa kanyang bibig sa gulat at maya-maya pa ay dumating sa tahanan
mula sa pagkuha ng tubig ang babae, nadatnan niya ang dalawang imahe ng kanyang asawa.
Tulala at hindi makapaniwala sa kanyang nakita ang babae, tumakbo ito palabas… lumayo…
takot na takot!

Hanggang sa…

Hindi napansin nito ang bangin mula sa makalabas ng kanilang bahay, nahulog ang babae sa
kawalan…
Nag-alala ang dalawang lalaki at agad hinanap ang babae, natagpuan nila ito na wala ng buhay…
Wala naring pintig ang dalawa nitong puso Nag-usap ang dalawang lalake, kung sino ang dapat
manatili.

Nauna ang nagnakaw ng puso, “ Ako dapat ang matira sa ating dalawa!, dahil minahal ko na siya
nung una ko pa lang siyang nakita… higit pa sa walang hanggan…”

Sumagot ang Tunay na asawa, “ Ako’y gayun din ang nararamdaman nung simula pa,at bakit
mo naman nasabi ‘yan sa sobrang ikli ng panahon, hindi ba’t ninakaw mo lang ‘yang puso ko…

Ngunit ang katotohanan ay wala akong kapangyarihan para ilipat ang nag-iisa kong puso para sa
kanya”

Tumahimik ang nagnakaw ng puso…

Nagsalita muli ang tunay na asawa… “ alam kong ikaw lang ang makakagawa nito, baunin mo na
lamang ang ala-ala ng pagmamahal ko sa kanya, ayos na din ako’t nakasama ko siya… ikaw na
lang ang magpatuloy ng landas ng pagmamahal ko sa kanya”

Tumulo ang luha ng lalake… Pumikit ito at handa nang mawalan nang buhay para sa kanyang
pinakamamahal anumang oras.

Biglang lumiwanag ang mukha ng nagnakaw ng puso, kasabay nito ang nasa isip na , kung hindi
sana niya ninakaw ang puso ng lalaki ay maaaring walang mawawala, walang masasaktan.

Ilang sandali pa habang yakap-yakap ng lalaki ang kanyang asawa… Nagsalita muli ang lalaki.

“Paalam na mahal ko…”

Agad kinuha ng nagnakaw ng puso ang puso ng lalake at pinalitan ang dalawang walang buhay
na puso ng babae, agad binawian ng buhay ang lalaki, humandusay habang patuloy pa rin ang
pagluha ng mga mata nito, ngunit sa huling pagkakataon ay mata na lamang ang may buhay sa
kanya, nawala na ang lahat.
Nagkamalay na ang babae, agad niyakap at hinalikan ang nagnakaw ng puso, hindi na napansin
ang nakahandusay na siyang tunay niyang asawa, yumakap na din ang anino ngunit walang sigla
at ligayang puminta sa kanyang mukha, sa unang pagkakataon… tumulo na rin ang kanyang mga
luha.

Simula noon napagdesisyunan na lamang ni Bathala na gawing iisa na lang ang puso para sa
lahat, para hindi na maulit ang labis na paghahangad at mas binigyang diin Niya ang paggamit
ng isipan sa paghahanap ng tunay na pagmamahal…

You might also like