You are on page 1of 7

Ang

DUPLO
“HANGGAT HINDI PA HUMAHARAP SA DAMBANA ANG ISANG
DALAGA AY MAY KARAPATAN PANG LUMIGAW ANG IBANG
BINATA SA KANYA”
Pag-iisang dibdib lamang ang makapagtatali sa lalaki at babae. Habang
ang isang dalaga ay hindi pa nakikiisang palad maaari pa siyang ligawan
ng ibang binata. Bagaman kung minsan ay hindi ka nais nais na makitang
ang isang dalaga ay nagpapaligaw sa iba habang siya ay may nobyo sa
pakiwari ko ay katanggap tanggap naman kung bubuksan niya ang pinto
para sa ibang binata lalo pa kung hindi naman siya siguradong ang
kanyang nobyo ang siyang mapapang-asawa niya.
“HANGGAT HINDI PA HUMAHARAP SA DAMBANA ANG ISANG
DALAGA AY MAY KARAPATAN PANG LUMIGAW ANG IBANG
BINATA SA KANYA”
Hanggat hindi pa siya naikakasal kung may pagpipilian kailangan niyang
timbangin ang kanyang kalooban kung sino ba sa dalawa ang
karapatdapat. Para sa akin ang masama ay yaong namamangka sa
dalawang ilog. Naglalarawan din ito ng kaisipang mayroong kalayaan ang
isang dalaga na tanggapin ang mga manliligaw hanggang sa sila ay
magpasyang magpakasal. Ito ay nagbibigay diin sa ideya ng malayang
pagsusuri at pagpili bago ang isang seryosong pangako o obligasyon sa
pamamagitan ng paglalakbay sa dambana.
“ANG PILIT NA PAG-IBIG AY MAPAIT AT MAPAKLA”
Naipahayag sa duplo na;
“Ang bubot na bunga'y mapakla di tulad ng hinog matamis , masarap
Ngunit sinasabing kung tunay na tubo ang katamisan daw ay hanggang dulo"

Wala ng mas mapait pa sa pilit na pag-ibig. Ang lahat ng tao ay malayang magmahal,
karapatan ng bawat isa na piliin at makasama ang mga taong laman ng kanilang nga
puso. Ngunit sa ibang pagkakataon may mga pagkakataong ang pag-ibig ay pilit. Ang
kanilang mga puso'y nakapiit at sunud-sunuran. Mapait ang yaong kapalaran pagkat
kailan man ay hindi nila madarama ang tunay na kasiyahan. Sila yaong mga
pinaglaruan ng tadhana, na hindi makawala sa kinasasadlakang dusa, sa walang
humpay na responsibilidad at obligasyon at madalas ay kabayaran sa utang na loob.
MATATALINHAGANG SALITA
Ang sinabi ng belyaka: "Hindi mahalaga lahat ng makinang at ang
kagandahang paimbabaw lamang pabalat ng budhing dapat

1 kasuklaman."

Ipinapakita nito na ang totoong halaga ay hindi nasusukat ng mga


materyal na bagay o pisikal na anyo. Binibigyang diin ang
kahalagahan ng budhi o kalooban ng isang tao, at hindi ang mga
bagay na pansamantala at pabalat lamang. Ito ay isang paalala na ang
tunay na halaga ay nanggagaling sa kalooban at hindi lamang sa labas
na kaanyuan.
MATATALINHAGANG SALITA
"O mahal na diyosang kaagaw ng buwan singganda ni Benus angking
karilagan, Ako'y paru-paro na nananawagan, Sa bunton ng ulap isilay

2
ang mukha nang makamit lunas pusong lumuluha "

Ang mga dalaga ay hindi dapat sinasaktan sila ay salamin ng


kagandahan at kabutihan kung kayat nararapat na sila ay mahalin ,
alagaan at bilang isang binatang nanunuyo nararapat na sila ay
maging tapat .
Minsan sa buhay natin ang pangalawang pag-ibig ang lunas sa
pusong winasak ng nagdaang pag -ibig .
MATATALINHAGANG SALITA
Ako ma’y malaya, ikinalulungkot ko diko malunasan
sugat ng puso mo.”

3 Ipinapahiwatig nito na may kalayaan man ang isang


dalaga ay hindi ibig sabihin na maaari na niyang bigyang
pansin o sagutin ang sino mang binata na manliligaw
sakanya.

You might also like