You are on page 1of 2

Pangalan: Venice Lois S.

Sebastian Petsa:  Oktubre 24, 2022


Kurso, Taon at Kurso: BPEA – 2A Gawain Modyul 1  
Tama o Mali. Isulat mo ang salitang TAMA kung ang ipinapahayag ay nagsasaad ng katotohanan
at MALI naman kung hindi. Sa bawat maling pahayag isulat ang tamang sagot.
MALI 1. Ang Saligang Batas 1987, Artikulo 14 Sek. 6 at 7 ay nagsasaad ng pagtatanggal
ng Filipino at Panitikan sa Kolehiyo.
TAMA 2. Ang CHED Memorandum Order 20 Series of 2013 ay isang mandato sa lahat ng
paaralan na pagyabungin at pagyamanin ang Filipino bilang umiirial na wika sa Pilipinas.
TAMA 3. Ang Araling Pilipino ay tinatawag din Pilipinolohiya na nagmula sa pag-aaral ng
Kulturang Pilipino, Lipunang Pilipino at pagka-Pilipino.
TAMA 4. Ang Araling Pilipino ay isang malalim at makabuluhang pag-aaral sa wika,
kultura, kasarian, at midya.
TAMA 5. Si Dr. Bienvenido Lumbera ay tinaguriang Pambansang Alagad ng Sining para sa
Literatura.
TAMA 6. Tao ang lumilikha ng kultura na nakabuhol sa kaniyang identidad.
TAMA 7. Ang isang ideolohiya ay laging umiiral sa isang patakaran ng pamahalaan, at ang
pagsasagawa nito, o mga kasanayan.
TAMA 8. Kalipunan ng mga prinsipyo, sistema ng paniniwala, tradisyon, kamalayan, o
kaisipan ang ideolohiya na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito.
TAMA 9. Ang wika, panitikan at kultura ay hindi lamang instrumento kundi buhay na
praktika at teorya ng pagbabagong panlipunan
TAMA 10. Tatlo ang tunguhin ng kultura; ito ay ang makasanayan, mabigyan ng mataas
na pagkilala, at dapat na pagyamanin pa.
Analisis: Ngayong natapos mo na ang unang aralin sa modyul na ito ay nais namin na bumuo ka
ng sarili mong Memes batay sa mga isyung panlipunan na kinakaharap ng bansa. Laging
tatandaan na huwag maliitin ng katangian, kultura, kalagayan at paniniwala ng iba.

Aplikasyon: Bahagi ng pagkatuto sa modyul na ito ang pag-alam sa iyong natutuhan, kaya nais
namin na sagutin mo ang mga sumusunod na tanong sa ibaba batay sa pagkaunawa mo sa
aralin.
1. Magtala ng mga sitwasyong o pangyayari na nagpapamalas ng gahum sa iyong paligid.
2. Isalaysay ito at ipaliwanag kung anong uri ng gahum ang namamayani.
3. Magbigay din ng mga suhestyon upang mabago ito o ano ang kontra gahum para rito.

1. Ang sitwasyon o pangyayari na nagpapamalas ng gahum sa aking paligid ay ang wikang


ingles. Madaming tao ay mayroon pa ding maling pag-iisip na kung hindi ka marunong
magsalita ng wikang ingles ay hindi ka kwalipikado sa kahit na anong bagay.
2. Kulturang Kolonyal o Imperyalista ang uri ng gahum sa binigay kong pangyayari
sapangkat ito ay dulot at impluwensya ng mga mananakop sa ating bansa.
3. Sa aking palagay mababago ito kung hindi kinakwalipika ang pagsasalita ng ingles sa
paghahanap ng trabaho. Nagkakaroon ng diskriminasyon kung ang isang tao ay walang
sapat na kaalaman sa pagsasalita ng ingles.

You might also like