You are on page 1of 7

-Unang Tagpo, sa bahay ng Pamilya Memije-

Sa bahay, nagkaroon ng tipon-tipon at malaking paghahanda dahil ito ay ang


araw ng kaarawan ng bunsong anak ni Kate, si Alphonse. Sinisigurado ng
Pamilya Memije na ang pagdiriwang na ito ay magiging maayos at engrande
dahil ito ang araw kung kailan magiging binata na si Alphonse.

Kate: Xyrinne, maaari mo ba akong tulungan sa pag-aayos ng mga lobo?

Xyrinne: Sige po ma, pero dahil halos lahat tayo dito ay nag-aayos ng mga
dekorasyon, sino ang susundo kay Alphonse? Pwede siyang umuwi mag-isa,
pero delikado na ngayon. Maaari pa syang mapahamak kapag wala syang
kasamang umuwi! Kaarawan niya pa naman.

Kate: Huwag kang mag-alala Xyrinne. Napag-usapan namin ng kuya mo na siya


ang susundo kay Alphonse.

Xyrinne: Sige po ma.

Ash: Bilisan na natin ang pag-aayos, malapit na ang dismissal ni Alphonse. Aalis
na rin si Ian maya-maya. Konti nalang naman ang mga natitirang lugar na
kailangan ng dekorasyon.

Kate, Xyrinne: Sige.

At tinuloy nila ang paghahanda ng mga pagkain, pag-aayos ng dekorasyon, at


ang paglinis ng mga kalat.

Paalis na si Ian at tapos na ang klase ni Alphonse. Hinihintay na ngayon ni


Alphonse ang kanyang kuya. Tuwang-tuwa si Alphonse dahil kaarawan niya
ngayon at binati siya ng kaniyang mga kaklase at guro.

-Ikalawang Tagpo, sa Paaralan-


Alphonse: Sa wakas! Tapos na rin ang klase. Marami-rami rin ang mga tinalakay
ngayon, pero marami akong natutunan. Nasaan na kaya si kuya? Alam ko siya
ang magsusundo sa akin ngayon, sinabi niya sa akin kahapon.

-Makalipas ang ilang minuto-

Security Guard: Nandito na ang Kuya mo Alphonse.

Ian: Halina Alphonse, pasyal muna tayo.

Alphonse: Sige po kuya!

-Habang sila ay namamasyal..-

Ian: Kamusta naman ang iyong araw Alphonse? Marami ka bang natutunan?

Alphonse: Marami po kuya! Binati din po ako ng mga kaklase ko.

Ian: Wow! Mabuti naman kung ganoon, Nagpasalamat ka ba?

Alphonse: Syempre naman po kuya!

Ian: O siya nga pala, Ito ang aking regalo sa iyo. Happy Birthday Bunso!

Alphonse: WOW! Salamat po kuya! Mamaya ko nalang po ito bubuksan pag-uwi.

Ian: Sige. Umuwi na tayo, tinatawag na tayo ni Nanay.

Alphonse: Sige po kuya.

At ang magkapatid ay naglakad pauwi. Mas lalong naging masaya si Alphonse


dahil siya ay binigyan ng regalo na galing rin sa kaniyang Kuya.

-Ikatlong Tagpo, Sa bahay-

Alphonse: Nandito na tayo kuya!


At sa pagbukas ni Alphonse ng pinto, may narinig siyang sigaw.

Lahat: HAPPY BIRTHDAY ALPHONSE!

Nagulat si Alphonse. Hindi niya inaasahan na may handa para sa kanya. Sa sandaling
oras, siya ay nakatayo lamang, at makalipas ang ilang segundo siya ay naging
masaya at tuwang-tuwa sa inihandang sorpresa sa kaniya.

Alphonse: *Gulat* MARAMING SALAMAT PO!

Lahat: Walang anuman Alphonse!

Kate: Pumasok ka na Alphonse, mayroon kaming mga regalo para sa iyo.

Alphonse: Talaga po nay? Maraming salamat po!

-Pagpasok sa bahay-

Alphonse: WOW! Ang dami ng dekorasyon! Mga paborito kong kulay ay kulay rin ng
mga lobo!

Xyrinne: Buti nagustuhan mo ito bunso *Sabay ngiti*

Alphonse: Syempre naman po Ate! Alam ko na naglaan kayo ng maraming oras sa


paggawa at paglagay ng mga dekorasyon na ito!

Kate: Upo ka na dito Alphonse, pwede ka nang kumain kung gusto mo.

Alphonse: Sige po nay!

Makalipas ang ilang oras, ang tito at ang mga pinsan ni Alphonse ay pumunta sa
kanilang bahay.

Joseph: -katok- Tao po?

Alphonse: Sino kaya iyon?

-Binuksan ang pinto-


Joseph, Angela, At Jeshua: Happy birthday, Alphonse!

Alphonse: Wow! Maraming salamat po!

Joseph: Ito nga pala ang regalo namin sayo, Alphonse. Sana magustuhan mo ito.

Alphonse: Salamat po, Tito!

Jeshua, Angela: Laro na tayo Alphonse!

Alphonse: Sige!

-Ikaapat na tagpo, sa labas ng bahay-

Alphonse: Ano ang gusto ninyong laruin?

Angela: Kung ano ang gusto mong laruin. Kaarawan mo naman ngayon eh.

Alphonse: Sige! Maglaro tayo ng patintero.

At sila ay naglaro ng iba’t ibang laro. Makalipas ang ilang oras may narinig na tawag
si Angela.

Joseff: Angela, maaari mo ba akong tulungan sa pagligpit ng ating mga kalat?

Angela: Pa, hindi pwede. Naglalaro kami ni Alphonse.

Alphonse: Bakit hindi mo tutulungan yung tatay mo?

Angela: Kasi naglalaro pa tayo.

Alphonse: Hindi iyan tama, dapat palagi tayong sumunod sa ating magulang.

Angela: Sige. Tatay tutulong na po ako diyan!

Joseff: Sige anak, salamat.

Jeshua: Ako rin tay! Tutulong din po ako.


Joseff: Wow. Salamat mga anak.

Jeshua, Angela: Walang anuman tay.

-Makalipas ang ilang minuto ng paglilinis-

Joseff: Ayan. Nalinis na natin ang ating mga kalat. Maraming salamat Kate sa pag-
iinbita sa amin! At Happy Birthday din Alphonse.

Kate: Walang anuman Joseff. Ito, iuwi mo na itong natirang bahagi ng pagkain.

Alphonse: Salamat po Tito!

Joseff: Ano mga anak, nag-enjoy ba kayo sa kaarawan ni Alphonse?

Jeshua, Angela: Opo tay!

Angela: Mayroon din po akong natutunan kay Alphonse tay.

Joseff: Ano ang iyong natutunan?

Angela: Ang aking natutunan sa araw na ito ay dapat palagi tayong maging masunurin
sa ating magulang at sa ibang kapwa.

Kate: Tama iyon Angela! Dapat palagi tayong maging masunurin. Hindi lamang sa
ating mga magulang kundi na rin sa ating ibang kapwa.

Joseff: O sige, uuwi na kami Kate at Ash. Maraming salamat ulit.

Kate, Ash: Walang anuman.

Alphonse: Salamat uli tito sa pagbibigay mo ng regalo sa akin! See you next time po!

Joseff, Jeshua, Angela: Walang Anuman Alphonse! See you next time din!

At ang pamilya ni Joseff ay umuwi na. Si Alphonse ay nanatiling masaya hanggang sa


matapos ang araw gayon na rin ang kaniyang pamilya. Masaya si Alphonse dahil hindi
lamang siya naka pagdiriwang ng kanyang kaarawan ng engrande, nakaturo din siya
ng mabuting asal sa kanyang pinsan.

The end.

Ang dula-dulaan na ito ay nagpapakita ng pagiging masunurin sa kapwa, pamilya, at


magulang. Maraming salamat po sa panonood.

CREDITS:

SCRIPT WRITER- KATE NATALIE C. ENRIQUEZ, ANGEL GRACE C. BASCO, ANGELA


MAE G. CRUZ, XYRINNE V. MANGAHAS

ORIGINAL PLOT - ANGEL GRACE C. BASCO, XYRINNE V. MANGAHAS

LEAD ACTING DIRECTOR - KATE NATALIE C. ENRIQUEZ

CO-DIRECTOR(S) - ANGEL GRACE C. BASCO, XYRINNE V MANGAHAS.

PRINTING - JOSEFF MIGUEL O. ABUDE

ACTORS/ACTRESSES:
KATE NATALIE C. ENRIQUEZ
XYRINNE V. MANGAHAS
ASHRIEL SEAN S. MEMIJE
ALPHONSE ELRIC V. SANTOS
IAN RANIELLE B. DE LEON
ANGEL GRACE C. BASCO
JOSEFF MIGUEL O. ABUDE
ANGELA MAE G. CRUZ
JESHUA KARL B. MARANOC

You might also like