You are on page 1of 4

Si Max at si Lacy Ang Aming Aso

Mga tauhan:
Nanay: Precious

Tatay: Jeclurd

Jeff: Nick

Zack: Josh Briant

Ben: Axl

Narrator: Rhiny

Narrator: Isang araw, dumating ang pinaka-importanteng araw ni Jeff, ang kanyang
kaarawan. Simple lamang ang nais nya sa kanyang kaarawan, ito ay magkaroon at
makatanggap ng dalawang aso para maging alaga.

Jeff: Wow! Kaarawan ko na sa araw na ito. Pero ano nga kaya ang aming handa?
Ano kaya ang surpresa nila nanay at tatay sa akin?

Narrator: Ngunit wala silang pera kaya’t walang handa ang kanyang nanay at tatay
at tila ordinaryong araw lamang ito sa pamilya.

Nanay: Anak, magandang kaarawan sa iyo. Pasensya ka na ha, dahil wala talaga
tayong handa sa araw na ito.

Tatay: Oo nga anak, hayaan mo babawi nalang kami kapag mayroon na tayong
pera.

Narrator: Malungkot si Jeff dahil sa sinabi ng kanyang nanay at tatay. Ngunit


sadyang mahal talaga si Jeff ng Panginoon. Binalita ng kanyang nanay at tatay na
darating ang kanyang bunsong kapatid na si Zack na pinag-aral ng kanilang Tita
galing Amerika at nabanggit na mayroon silang surpresa kay Jeff.

Zack: Magandang kaarawan sa iyo kuya Jeff! Bakit ba malungkot ka eh kaarawan


mo naman sa araw na ito?

Jeff: Salamat sa iyong maligayang bati sa aking kaawaran, nalulungkot lang ako
kasi wala tayong handa, eh kaarawan ko naman sana sa araw na ito.

Narrator: Napansin ni Zack na tila malungkot ang kanyang kuya. Kaya naisipan
itong i.surpresa ang kapatid. Kaya humingi siya ng tulong at ideya sa matalik na
kaibigan ni Jeff na si Ben. Pinuntahan ni Zack si Ben sa kanilang bahay.
Zack: Ben, alam kung alam mo ang lahat ng gusto ni kuya Jeff kaya ako humingi ng
pabor at ideya sayo kung ano ang gusto ni kuya sa kaarawan niya.

Ben: Oo nga, napansin ko nga sa paaralan na tila malungkot si Jeff. Ang sabi niya sa
akin ay gusto niyang magkaroon ng dalawang aso sa kanyang kaarawan. Iyon ang
pinaka gusto niya sa kanyang kaarawan.

Narrator: Napagkasunduan nina Ben at Zack na planuhin ng mabuti ang kanilang


surpresa para kay Jeff at sila ay nagplano kasama ang kanilang pamilya maliban kay
Jeff.

Zack: Bumili tayo ng dalawang aso sa may Pet Shop para kay kuya Jeff. At samahan
na natin ng cake. Maghanda din tayo ng mga pagkain para sa hapunan natin
mamaya.

Narrator: Sinamahan si Zack ni Ben at ng kanyang nanay at tatay na bumili ng mga


aso sa malapit na Pet Shop. At bumili rin sila ng mga kailangan para sa hapunan.
Walang kamalay-malay si Jeff sa plano ng kanyang kapatid at pamilya kasama si
Ben. Pagkatapos ng klase ni Jeff, umuwi siya galing eskwela ng kumatok siya sa
pinto……..

Zack: Magandang kaarawan Kuya!

Nanay at Tatay: Magandang kaarawan Jeff! Sabay- sabay sa pagbati

Ben: Magandang kaarawan Jeff!

Narrator: Nagulat at na surpresa si Jeff sa pagbati ng kanyang pamilya at kaibigan.


Tuwang-tuwa siya sa surpresa na inihanda para sa kanyang kaarawan.

Zack: Kuya malungkot ka pa ba? Sana nagustuhan mo ang aming handang


surpresa!

Ben: Oo nga kaibigan kung Jeff, lahat ng ito ay para sayong kaarawan.

Jeff: Naku! Hindi n’yo alam kung gaano ako kasaya sa lahat ng ito. Maraming
salamat sa inyong lahat.

Narrator: Sinindihan na ng nanay at tatay ang cake at sabay-sabay silang umawit.


( Happy Birthday song). Kinuha din ni Ben at Zack ang dalawang kahon na
naglalaman ng kanilang surpresang regalo para kay Jeff.

Jeff: Ang saya ko sa araw na ito. Ito na yata ang pinaka masayang araw sa buhay
ko!
Narrator: Tuwang-tuwa ang mag-anak at nang binuksan ni Jeff ang handang regalo
ay……

Jeff: Wow! Mga aso… paano n’yo nalaman na gustong-gusto kong magkaroon
nito?

Ben: Si Zack ang nagplano sa lahat ng ito Jeff.

Zack: Kuya para sa iyo ang lahat ng ito dahil mahal na mahal ka namin.

Nanay: Jeff maligaya ka ba iyong kaarawan?

Tatay: Nagustuhan mo ba ang surpresa at regalo namin sa iyo?

Jeff: Syempre na man po.. Masayang-masaya po ako sa mga surpresa ninyo sa


kaarawan ko. At papangalanan ko itong Max at Lacy. At aalagaan ko ito tulad ng
pag-aalaga nyo po sa amin.

Nanay: Kung ganoon ay hala sige. Kumain na tayo at para maubos natin ang mga
handa natin.

Narrator: Sama-samang kumain ang mag-anak at tuwang tuwa si Jeff sa mga aso.
Pinakain niya ito at pinainom. Napakasaya ni Jeff sa kanyang kaarawan.
Nagpapasalamat siya sa kanyang pamilya at kaibigan lalong-lalo na kay Zack na
siyang nag plano sa lahat. Araw-araw ay inilagaan ng mabuti sina Max at Lacy.
Pinaligoan, pinapakain at higit sa lahat ay naglalaro din sila kasama sina Ben at
Zack.

Narrator: Ayon sa mga pananaliksik, ang pag-aalaga ng aso ay nakakapagpababa


ng stress hormone na cortisol at ang pakikipaglaro sa inyong mga aso ay
nakakapagpataas ng lebel ng feel-good hormone na oxytocin. Ang mga tao din kasi
na may alagang hayop ay mas madalas tumawa ayon sa pag-aaral na naipublish sa
journal ng Society & Animals.

NARRATOR : Kaya ang aral na dapat nating tandaan ay dapat Alagaan natin ng
mabuti ang ating mga alaga dahil kailangan nila ito para sila ay lumaki ng mabuti at
masaya dahil sila din ay nagbibigay saya sa ating buhay.

At dito nagtatapos ang aming pagtatanghal. Maraming salamat po!

You might also like