You are on page 1of 2

Ang Masayang Kaarawan ni Jeff!

ni Doris M. Salac
Maagang nagising Si Jeff dahil kaarawan niya.
"Ang aga yata nagising Jeff ang tanong ng
kanyang nanay". Yehey! Opo nanay. Kaarawan
ko po kasi ngayon. Nagmadaling lumabas sa
kwarto. Paglabas pa lang sa kwarto nalanghap na
niya ang masarap na amoy ng pritong manok na
niluluto ni nanay.

“Jeff maligo ka na maya-maya parating na


iyong mga bisita”, utos ng kanyang nanay.
Mabilisang naligo si Jeff at pagkatapos sinuot niya
ang bagong damit na regalo ng kanyang tatay.
Pumunta siya sa sala para hintayin ang kanyang
mga bisita. Nagulat siya ng makita ang mga iba't
ibang kulay ng mga lobo, banderitas at nakaayos
ang mesa na may cake, iba't ibang pagkain at
litson. Tuwang-tuwa siya sa mga nakita niya.

Makalipas ang ilang oras dumating na ang


kanyang mga kaklase, kamag-anak, at mga
kaibigan. Dumalo din ang kanyang mga pinsan
Sina Jay, Sheryl, at Christine. Masayang -masaya
si Jeff at nagsimula na ang kanyang bertday
party. Kinantahan siya ng "maligayang bati" at
hinipan niya ang mga kandila at binigyan siya ng
mga regalo. May nagbigay ng bola, tren,
sapatos,damit , bag at iba pa. Pagkatapos naglaro
na sila.

You might also like