You are on page 1of 2

Roulyn May Marzon G10 St.

Mary

ARPAN 10

RADYO ISKRIP

May isang babaeng nangangalan steff, si steff ang nag iisang babae sa kanilang pamilya. Simple lamang
ang pamumuhay na meron sila, si steff din ang inaasahan sa lahat lalo na sa pag aaral ng kanyang
dalawang kapatid sapagkat maliit lang ang kita ng kanyang ina sa kanilang maliit na tindahan.

Bata palang si steff nabibighani na siya sa kapwa niya babae. Hindi rin gusto ni steff ang mga binibili ng
kanyang ina sa kanya katulad ng mga damit pang babae at gamit pang babae. Mas pinipili pa niyang mag
suot ng malaking damit. Bata palang si steff natutuklasan na ng kanyang ina na mayroong kakaiba sa
kanyang kilos kaya niya kasing gawin ang mga kilos ng mga lalaki. Imbes na mga babae ang kasama ni
steff ang mga lalaki ang kasama nito kaya madalas rin napapasali si steff sa mga rambol sa kanilang
baryo.

Makalipas ang ilang taon si steff ay naka pagtapos na ng pag aaral at nakapag hanap na ng trabaho. Sa
katunayan si steff ay nag tatrabaho sa isang kompanya. Walang nagbago sa kanya, kahit siya ay lumaki
na nagtataka ang mga magulang niya kung bakit hindi pa siya nagkaka jowa, ngunit hindi lang alam ng
lahat na babae rin pala ang kinakasama nito.

Madalas napag uusapan nila magpamilya kung keylan mag aasawa itong si steff sapagkat sabik na ang
kanyang inay at itay na makakita ng apo dahil habang tumatagal tumatanda na din ang mga ito.

Sa ngayon si steff ay may kasintahan na at limang taon na sila, ang kanilang relasyon ay palihim lamang
sapagkat totul ang kanilang pamilya sa kanilang pag-iibigan.

Isang araw habang naglalakad si steff kasama ang kasintahan nito, nakasulobong niya sa daan ang
kanyang ina hindi maipaliwanag ang reaksyon ni steff ng makita ang ina agad sinalubong ng tanong si
steff galing sa kanyang ina.

Steff siya ba ang kasintahan mo? Sabi ng kanyang ina.

Nay? Anong kasintahan?

Wag kana magsinungaling steff sinabi na sa akin lahat ni aling rose.

Si aling rose ang ang ina ng kasintahan ni steff na higit tutol sa pagsasamahan ng dalawa.

Nay mag papaliwanag po ako. Wika ni steff na halatang kinakabahan sa nais mangyari.

Agad umuwi si steff at kanyang ina. Pagkarating nila sa kanilang bahay duon nila pinag usapan ang lahat
lahat.

Steff bakit mo nagawa sa amin to? Paano nalang yung pangarap namin na magkaroon ng apo?

Nay, tay sakanya lang po talaga ako masaya wala napong makapagbabago non.

Hindi maari steff simula ngayon kelangan mo ng hiwalayan siya.

Ngunit nay, tay ganon pagpigil ni steff sa kanyang mga magulang


Simula noon nagmokmuk nalang si steff sa kaniyang kwarto, hindi ito lumalabas at palagi nalang ito
umiiyak. Hindi na rin ito pumapasok sa kanyang trabaho ni hindi nga ito lumalabas sa kwarto.

Labis ang pag aalala ng kanyang mga magulang ng sinapit ng anak, hindi na rin nila ito nakakausap ng
matino, napag usapan nalang nila suportahan ito kong saan siya masaya. At hindi na rin tutol sa pag-
iibigan ng kasintahan nito. Simula noon nagkabalikan na si steff at ang kanyang kasintahan at suportado
na rin sila ng kanilang mga pamilya.

You might also like