You are on page 1of 3

Ang Regalo ng Liwanag

(Parabula / Parable)

May isang mag-asawang may anak na batang lalaki. Kasamang naninirahan ng


pamilyang ito ang ama ng Tatay. Noong una, maligayang nakakatulong ng mag-asawa sa
paghahanapbuhay ang ama at masayang nakakasama ng bata ang kanyang Lolo sa
paglalaro. Ngunit dumating ang sandaling tuluyan nang inagaw ng katandaan at madalas na
pagkakaroon ng karamdaman ang lakas ng matandang lalaki. At dahil dito, hindi na ito
napakinabangan sa bahay.

Sa tuwing kumakain sa hapag-kainan, parating nakakabasag ng pinggan ang


matandang lalaki nang dahil sa panginginig ng kamay. Sa buwisit ng mag-asawa sa matanda
ay ginawan na lang nila ito ng pinggan na gawa sa kahoy, na animo isang aso.Ang pinggan
nga naman na gawa sa kahoy ay hindi na mababasag nito. Naging saksi ang batang anak ng
mag-asawa sa ginawa nila sa matanda.

Isang araw, nagtungo sa silong ang bata at kumuha ng magandang uri ng kahoy.
Nang makita siya ng kanyang ama ay kaagad nilapitan at tinanong. Ano ang ginagawa mo?
Tumingin ang bata sa kanyang ama at sinabing, Gumagawa po ako ng pinggan na gawa sa
kahoy. Upang sa inyong pagtanda ni Nanay ay mapagkalooban ko rin kayo ng ganitong
kainan. Biglang natauhan ang ama sa narinig. Dali-dali niyang kinausap ang kanyang asawa.
At magmula noon, nagbago na ang pakikitungo nila sa matanda.

Mensahe: Kung ano ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa iba.

GWYNETH GLENN L. PATOSA


GRADE 10-CURIE

You might also like