You are on page 1of 2

Kapag naghihintay ang mga bata sa kanilang ama ay laging may halong takot.

Paminsan-minsan ang ama


ay may inuuwing malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ito ay para lamang sa
kanya pero napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa at hindi nagbibigay.

Ito'y inihahati-hati ng ina sa mga anak sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta
ang lahat at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Ang mga bata

Anim lahat ang mga bata.

Ang pinakamatanda ay isang lalaki 12 anyos

Isang babae 11 anyos, kahit na payat ito ay matatapang parin at kapag wala ang ina ay sila nalang ang
maghahati sa lahat ng bagay para meron din ang mga maliliit.

Dalawang lalaki ang kambal, 9 anyos

Isang maliit na babae, 8 anyos

Isang 2 anyos na maliit pa lamang.

Lahat ng mga bata ay maiingay naghahangad na mabigyang parte sa pinag-aagawan. Sa paulit-ulit na


ginagawa ito ng ama ay nag uwi ito ng dalawang supot na puno ng pansit guisado at kanila itong
pinagsaluhan. Isa o dalawang beses lang ito naulit at hindi na naulit ang pag uwi ng ama ng pansit
guisado at mapalad pa ang mga bata kong ang ama ay hindi lasing at hindi nagugulpi ang kanilang ina.

Kapag uuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog at tiyak na walang pagkain ang mga bata ay
nagsisiksikan dahilan ng takot na makagawa ng ingay na makainis sa ama at umakit sa malaking kamay
nito at dumapo sa kanilang mukha.madalas na masapok ang kanilang ina kaya nahihiya itong lumabas ng
bahay para maglaba.

May isang batang sakitin at palahalinghing na parang kuting na nagngangalang mui mui alam nila na ang
halinghing na iyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbyos ng ama at itoy sisigaw kapag di pa
huminto itoy lalapit at hahampasin ng buong lakas

Noong gabing umuwi ang ama at masama ang timpla dahil siya'y nasisante sa trabaho sa lagarian at
hindi ito mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata at biglang bumagsak ang kamao ng ama sa
nakangusong bata na tumalsik sa kabila ng kwarto na kung saan nanatiling walang kagalaw-galaw at
nahimasmasan ito ng ina si mui mui dahil sa malamig na tubig

Pagkamatay ng Anak

Pagkaraan ng 2 araw ay namatay c mui mui at ang ina lamang ang umiiyak habang handang ilibing sa
sementeryo ng nayon mayroong isang kilometro sa tabi ng gulod ang ama naman ay buong araw na
nagmumukmok. May isang babae na umiikot upang mangolekta ng abuloy at pilit na inilagay sa palad ng
ama na nagsimulang humagolgol papuntang bayan ang ama at tiyak ng mga anak na uuwi na naman
itong lasing.

Ang Pagsisisi
Pagkalipas ng isang oras ay bumalik ang ama na may dalang malaking supot namay mas maliit sa loob at
nilagay ito sa mesa at pumasok ang ama sa kwarto di nagtagal lumabas ito kinuha nito ang malaking
supot at lumabas ng bahay sinundan ito ng mga bata at napunta ang ama sa tabing gulod lumuhod ito
at kinuha ang laman ng supot at kanya itong inilapag sa puntod madilim na ang langit at malapit na
itong umulan pero patuloy parin ang ama sa pagdarasal at pag-iyak.

You might also like