You are on page 1of 2

"Ang Ama "

ni Mauro R. Avena

Kapag naghihintay ang mga Bata sa kanilang ama ay laging may halong takot. Paminsan-
minsan Ang ama ay may inuuwing maling supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at
gulay. Ito ay para lamang sa kanya pero napakarami into upang maubos niya nang mag-isa at
Hindi nagbibigay. Ito'y inihahati -hati ng Ina sa mga anak sa mga pinakamatanda at malakas
na Bata lamang mapupunta ang lahat at ni katiting ay Walang maiiwan sa maliliit. Anim lahat
ang mga Bata. Lahat ng mga Bata ay maiingay naghahangad na mabigyang parte sa pinag-
aagawan. Sa paulit-ulit na ginagawa ito ng ama ay nag uwi ito ng dalawang supot na puno ng
pansit guisado at kanila itong pinagsaluhan. Isa o dalawang beses lang ito naulit at hindi n
naulit ang pag uwi ng ama ng pansit guisado at mapalad pa ang mga bata kong ang ama ay
hindi lasing at hindi nagugulpi ang kanilang Ina. Kapag uuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-
dabug at tiyak na walang pagkain ang mga bata ay nagsisiksikan dahilan ng takot na
makagawa ng ingay na makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito at dumapo sa
kanilang Ina kaya nahihiya itong lumabas ng Bahay para maglaba. May Isang batang sakitin at
palahalinghing na parang kuting na nangangalang Mui-Mui alam nila na ang halinghing na
iyon ay parang kudkuran na nag papangilo sa nerbyos ng ama at ito'y sisigaw kapag di pa
huminto ito'y lalapit at hahampasin ng Busong lakas. Noong gabing umuwi ang ama at
masama ang timpla dahil siya'y nasisante sa trabaho sa lagarian at hindi ito mapatahan Ng
dalawang pinakamatandang bata at biglang bumagsak ang kamao ng ama sa nakangusong
bata na tumalsik sa kabila ng kwarto na kung saan nanatiling walang kagalaw-galaw at
nahimasmasan ito ng Ina si mui mui dahil sa malamig na tubig. Pagkaraan ng dalawang Araw
ay namatay si mui mui at ang ina lamang ang umiiyak habang handang ilibing sa sementeryo
ng Ngayon mayroong Isang kilometro sa tabi ng gulod ang ama naman ay buong araw na
nagmumukmok . May Isang babae na umiikot upang mangolekta ng abuloy at pilit na inilagay
sa PALAD ng ama na nagsimulang humagolgol papuntang bayan ang ama at tiyak ng mga
anak na uuwi na naman itong lasing. Pagkalipas ng isang oras ay bumalik ang ama na may
dalang malaking supot na may mas maliit sa loob at nilagay ito sa mesa at pumasok ang ama
sa kwarto di nag tagal lumabas ito kinuha nito ang malaking supot at lumabas ng Bahay
sinundan ito ng mga bata at napunta ang ama sa tabing gulod lumuhod ito ay kinuha ang
Kaman ng supot at kanya itong inilapag sa puntod madilim na ang langit at malapit na itong
umulan pero patuloy parin ang ama sa pagdarasal at pag-iyak.

You might also like