You are on page 1of 3

Ang Plorera ni Lola

Araw ng Sabado, maagang nagising ang walong taong gulang na batang si Gwen. Masaya siya sa araw na ito
spagkat alam niyang kaarawan ng kanyang Lola. Nais niyang sorpresahin ito.

Pagkatapos niyang maglipit ng higaan ay agad na siyang naghilamos at pumunta sa kusina upang kumain. Matapos
niyang kumain ay pumunta na siya sa hardin upang pumitas ng mga bulaklak. Naisip niyang ilagay ito sa plorera at
ibibigay niya sa abuela bilang sorpresa. Kinuha niya ang pinaka magandang plorera ng kanyang lola. Pupunuin niya
ito ng mga magagandang bulaklak.

Tuwang tuwa si Gwen sapagkat nakita niyang mayayabong ang mga bulaklak sa hardin.

“Wow! Tiyak mapupuno ko ang plorerang ito. Matutuwa si Lola,” masayang wika ni Gwen.

Malapit ang kalooban niya sa kanyang Lola sapagkat ito ang gumagabay sa kaniya habang siya ay lumalaki. Ang
lola niya ang nagtuturo sa kanya ng mga kagandahang asal na siya naming sinusunod ni Gwen at ginagamit sa pang
araw-araw, sa bahay man o sa paaralan. Kaya naman labis siyang kinagigiliwan ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

Matapos mapuno ni Gwen ng mga bulaklak ang plorera ay agad niya itong nilagyan ng tubig na tamang tama
lamang sa mga halaman upang hindi ito agad malanta. Natutunan niya ito sa kanyang Lolo sapagkat lagi siya nitong
isinasama sa hardin sa tuwing nagtatanim ito ng mga halaman. Kaya naman sa batang edad ay kaya na niyang
magtanim at alagaan ang mga halaman.

Ibinigay agad ni Gwen sa kanyang Lola ang mga bulaklak sabay bati, “Maligayang kaarawan po, Lola! “

Tila nasorpresa ang kanyang abuela. Kitang kita ang kasiyahan sa mukha nito nang tanggapin ang mga bulaklak.

“Napakagaganda ng mga bulaklak! Maraming salamat, apo,” tuwang-tuwa na wika nito at hinagkan ang bata sa noo.

Ipinatong ng Lola ni Gwen ang mga bulaklak sa plorera sa ibabaw ng lamesa sa kanilang sala upang maging
dekorasyon ito doon.

“Maligo at magbihis ka na, apo. Tayo ay magsisimba at mamamasyal ngayong araw bilang pagdiriwang ng aking
kaarawan,” dagdag pa ng Lola.

“Yehey! Sige po, Lola. Bibilisan ko po,” nasisiyahang tugon ni Gwen.

Pagkatapos magsigayak nina Gwen, kanyang Nanay at Tatay, at kanyang Lolo at Lola, ay agad na silang lumakad.

Sa simbahan ay taimtim na nanalangin si Gwen sa mabuting kalusugan ng kanyang Lolo at Lola. Hindi rin niya
nakalimutang ipagdasal ang kanyang Nanay at Tatay.

Pagkatapos magsimba ay namasyal sila sa parke. Doon ay nakakita sila ng iba’t-ibang uri ng halaman at makukulay
na mga bulaklak. Naroon din sa parke ay isang fish pond na siyang kinatuwaan ni Gwen spagkat maraming malalaki
at maliliit na isda rito na may iba’t ibang kulay.

Nang mapagod sa pamamasyal ay nananghalian sila ng sabay-sabay sa isang restawran. Pagkatapos kumain ay agad
na silang umuwi.

Pagdating sa bahay ay pabagsak na naupo si gwen sa upuan sa sala. Dala ng kanyang pagod ay ipinatong niya ang
kanyang paa sa lamesita. Ngunit hindi niya napansin ang plorera. Nasagi niya ito at agad na nahulog at nabasag.
Laking gulat ni gwen sa malakas na tunog ng pagkabasag nito. Dahil sa takot sa kanyang mga magulang na
magalitan siya ay agad niyang winalis ang nabasag na plorera. Dali-dali din niyang pinunasan ang nabasang sahig at
kinuha ang mga bulaklak. Ikinubli niya ang mga bulaklak sa kanyang silid.

Nang gabing iyon ay may takot sa puso at isip ni Gwen. Nag-aalala siya na baka bukas paggising nila ay hanapin ng
kanyang lola ang mga bulaklak at plorera. Ano na lang ang sasabihin niya? Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya
sapagkat alam niyang magagalit ang knayang lola kapag nalaman nitong nabasag ang pinaka maganda nitong
plorera. Tiyak, palo din ang aabutin niya sa kanyang Tatay. Nakatulugan ni Gwen ang pag-iisip.

Kinaumagahan paglabas ni Gwen sa knayang silid upang mag-almusal ay napansin niyang pumunta sa sala ang
kanyang lola at muling bumalik sa kusina. Tila may hinahanap ito. Kumabog ang dibdib ng bata sapagkat alam
niyang hinahanap nito ang plorera at mga bulaklak. Samantala, ipinagpatuloy niya ang kanyang pagkain at pilit
nagkunwaring hindi napapansin ang abuela.

“Gwen, apo, napansin mo ba ang mga bulaklak sa plorwerang ibinigay mo sa aking kahapon?” hindi nakatiis na
tanong nito.

“Ha? Ah… eh.. hindi po. Wala po akong napansin,” nauutal na tugon ni Gwen sapagkat hindi ito komportable sa
hindi pagsasabi ng totoo. Habang kumakain ay binabagabag siya ng kanyang konsyensya.

Nakita niyang pabalik-balik sa sala at kusina ang kanyang Lola. Pilit hinahanap ang plorera at mga bulaklak. Nakita
ni Gwen ni pumunta na din ito sa hardin upang maghanap. Pabalik-balik ito sa sala, sa kusina, sa hardin na tila ba
hindi napapagod. Sa makailang ulit nitong pabalik-balik ay napagod din ito. Dumungaw ito sa bintana at tumingin sa
malayo natila malungkot ang mga mata.

Dahil sa pagmamahal ni Gwen sa kanyang lola ay hindi niya natiis ang kanyang mga nakikita. Napapagod na ito sa
paghahanap at malungkot pa ito. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa kanyang Lola at biglang yumakap ditto.
Nagulat naman ang knayang lola sa ginawa ng apo.

“Lola, patawad po! Alam ko po! Alam ko po kung nasaan ang mga bulaklak at plorera,” umiiyak na wika ng bata.

“Ha? Nasaan? Akala ko’y hindi moa lam kung nasaan ito. Nalungkot ako sapagkat nawawala ang munting sorpresa
mo sa akin,” tugon ng kanyang Lola.

“Nabasag ko po ito kahapon,” lakas loob na sagot ni Gwen. “Dahil po sa pagod sa pamamasyal natin kahapon ay
naupo ako sa upuan at ninais kong itaas ang aking mga paa sa lamesita upang ipahinga ito, subalit natabig ko ang
plorera at nabasag ito,” umiiyak pa din na wika nito.

Hinihintay ni Gwen na pagalitan siya ng kanyang Lola subalit nagtaka siya nang marinig niyang mahinang tumawa
ito. Humiwalay si Gwen sa pagkakayakap niya sa kanyang Lola at nagtatakang nagtanong,

“Bakit po tila masaya kayo sa aking ipinagtapat? Hindi po ba dapat ay pagalitan ninyo ako dahil may kasalanan
ako?”

Napangiti ang Lola sabay wika, “Apo, sa lakas ng pagkakabasag ng plorera, sa tingin mo ba ay hindi ko to nadinig?
Malabo ang aking mata ngunit malaks ang aking pandinig.”

“Kung gayon, bakit po hindi ninyo ako pinagalitan?” ani Gwen.

Tumugon ang lola na may ngiti sa mga labi,


“Sapagkat hinihintay kong ikaw mismo ang umamin sa iyong kasalanan at tanggapin ang iyong pagkakamali.
Ngayong ikaw ay nagtapat at humingi ng paumanhin ay sapat na sa akin. Alam kong hindi nasayang ang mbubuting
asal na itinuturo ko sa iyo.”

You might also like