You are on page 1of 2

Si Batman ay isang kathang-isip na karakter na ginawa ni Bob Kane.

Isa si
Batman sa mga kilalang characters ng DC Comics. Ang kanyang sikretong
pangalan ay si Bruce Wayne,isang mayaman at playboy na tao. Kung iyong
titingan may pagkakahawig si Batman kay Superman dahil binase ito kay
Superman.

Sa taong 1989 ay pinalabas sa mga sinihan ang Batman (1989), si Michael


Keaton ang gumanap ng role na batman at Jack Nicholson bilang Joker. Dahil sa
tagumpay ng Batman (1989) ay gumawa sila ng bagong sequel na pinagalanan
na Batman Returns pinalabas ito sa taong 1992. Ang Batman Forever ay ang
pagatlong sequel ng Batman (1989) ngunit hindi na bumalik si Keaton bilang
Batman imbis ay pinalitan na ito ni Val Kilmer. Sa pang-apat na sequel ay hindi
naging matagumpay ngunit ang video game nito ay naging pinakamagandang
video game ng Batman Franshice.

Dahil sa Batman (1989) at Batman Returns ay naging inspiration ito ng


Batman The Animated Series. Ang Batman The Animated Series ay naging
matagumpay ng animated TV show at ito'y nagkaroon pa ng mga gantimpala.
Noong 1996 ay gumawa ulit si Bruce Timm ng bagong proyekto at ito ang
Superman The Animated Series dahil sa "STAS" ay binalik nila ulit ang batman at
ginawan ng bagong Title na The New Batman Adventures(TNBA or Batman
Gotham Knights). Ang Batman Begins ay lumabas sa sinehan noong 2005 na
pinagbibidahan ni Christian Bale bilang Batman, ang kasunod nito ay ipinalabas
noong Hulyo 2008 na pinamagatang The Dark Knight.
Si Superman ay isang superhero o bayaning may kakaibang lakas na higit
sa isang pangkaraniwang tao mula sa DC Comics ng Estados Unidos. Ibinibilang
siya sa isa sa pinakakilalang bayaning pang-komiks sa lahat ng panahon.[1] at
isang Amerikanong simbolo ng kultura. Nilikha ng Amerikanong manunulat na si
Jerry Siegel at ng taga-Kanadang mangguguhit na si Joe Shuster noong 1932, at
ipinagbili sa Detective Comics, Inc. noong 1938. Una siyang lumitaw sa Action
Comics #1 (Hunyo 1938) at sumunod na lumabas sa iba't ibang mga seryeng
pangradyo, mga programang pantelebisyon, mga pelikula, mga kartun sa mga
pahayagan, at mga larong pang-kompyuter.

You might also like