You are on page 1of 16

NG

1. Kapag sinasagot ang tanong na ANO.

Ano ang kinain ni Ben?


Kumain si Ben ng pansit na malamig.

Ano ang nais mo sa iyong kaarawan?


Nais ko sana ng isang mamahaling sapatos.
NG
2. Kapag PAGMAMAY-ARI (possession)

Mahilig siyang kumain ng talbos ng kamote.

Nakakabingi ang tahol ng aso ng kapitbahay.

Kabarkada ko ang apo ng lolo ng tita ng


kaklase ko.
NG
3. Kapag sinasagot ang tanong na KAILAN.

Kailan umuwi si Ben?

Umuwi ng umaga(morning) si Ben.

Umuwi ng tanghali si Ben.


NG
4. Kapag tungkol sa ORAS at Petsa.

Gumigising ako tuwing ikapito ng umaga (7am).

Sa ikalima ng Disyembre ang kaarawan ko.

Darating ako bukas ng umaga.


NG
5. Kapag UBOD NG, PUNO NG, SAKSAKAN NG
(hitsura)

Ubod ng ganda ang bulaklak na ito.

Puno ng kasamaan si Celina.


NANG
1. Kapag sinasagot ang tanong na PAANO?

Paano tumakbo si Ben?


Tumakbo si Ben nang matulin.
Tumakbo si Ben nang nakapikit.
Tumakbo si Ben nang walang tsinelas.
NANG
2. Kapag UMUULIT ang KILOS.

Takbo nang takbo si Ben kahapon kaya siya ubo


nang ubo ngayon.

Si Ben ay kumain nang kumain ng tsokolate kaya


sya nagtae.
NANG
3. Kapag sinasagot ang tanong na GAANO.

Gaano kalaki ang itinaba ni Ben? Tumaba si Ben


nang bahagya.

Gaano siya katagal nakulong? Nakulong siya nang


isang taon.

Gaano kalayo ang nilakad niya? Naglakad siya nang


isang kilometro.
NANG
4. Ibang salita sa NOONG (when)

Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng


magulang mo.

Wala na raw pagkain nang dumating ako sa


handaan.
NANG
5. Ibang salita sa PARA at UPANG.

Maligo kang maigi nang bumango-bango ka naman.

Halina’t tumaya sa lotto nang yumaman tayo.


NANG
6. Para mas masarap bigkasin ang NA.

Puwede NA pumasok.
Puwede nang pumasok.

Maaari ka NA pumasok.
Maaari ka nang pumasok.
NANG
7. Kapag katabi ng salitang MAAGA (early)

Uuwi ako nang maaga bukas.


Dumating ka nang maaga bukas.
Pumasok ka nang maaga para mabigay ko sayo ang
takdang-aralin natin.
1. Ang tiwala (ng, nang) tao ay mahirap makuha kaya
ingatan mo ito.
2. Bumili si Rex (ng,nang) apat na tinapay para sa anak
niya.
3. Naglabas ang nanay (ng,nang) walong baso (ng,nang)
tubig para sa mga bata.
4. Takbo (nang,ng) takbo ang bata sa parke sa sobrang
kaligayang naramdaman niya.
5. Madalas nauubusan ng pera si Demetrio sapagkat siya
ay yung tipong bigay (nang,ng) bigay sa ibang tao.
1. Nag-aral (nang,ng) tahimik ang magkapatid.
2. Umalis ka (nang,ng) maaga upang iyong
maabutan ang tatay mo sa bahay.
3. Bumili (nang,ng) magandang damit si tatay para
ibigay kay nanay.
4. Binigay (ng,nang) guro ang mga libro sa mga
mag-aaral.
5. Hayaan mo (ng,nang) kunin niya yung mga
gamit niya.

You might also like