You are on page 1of 1

NARRATOR: Nag-iisang anak nina Mang Kanor at Aling Pacita si Jose kung kaya’t ginagawa nila ang lahat

para dito. Nakatira ang maliit na pamilya sa isang baryo sa probinsya ng Santo Tomas. Simula noong
ipinanganak si Jose ay doon na sila tumira. Kahit hindi man marangya ang pamumuhay nila, masasabing
komportable ang buhay na ibinibigay nina Mang Kanor at Aling Pacita kay Jose. Kaya lang, habang lumalaki
ay tumitigas ang ulo ng kanilang anak.

MANG KANOR(tatay): Wala pa si Jose? Anong oras na!

NARRATOR: Dali-dali na bumihis ang mag-asawa at naglakat patungong baryo. Wala na kasing masasakyan na
dyip pag sumapit na ang alas diyes ng gabi. Sinundo nila si Jose sa isang tyangge.
JOSE: Nagku-kwentuhan lang naman po kami ng mga barkada ko. Wala namang masama doon, uuwi ako kung
hindi man mamaya, e, bukas pag may dyip na.

NARRATOR: Walang nagawa ang mag-asawa. Hinintay nila si Jose malapit sa tyangge na tinatambayan ng
grupo niya hanggang magpasya ang magbabarkada na umuwi.
Padabog pa si Jose noong dumating na sila sa bahay nila habang ang ama’t ina niya ay pagod kakalakad.
Nagpatuloy ang ganung ugali ni Jose.

ALING MIRIAM(nanay): Anak, umuwi ka kaagad pagkatapos ng klase mo. Miss ka na naming kasabay
kumain ng hapunan anak.

JOSE: (padabog na sumagot) susubukan ko ho makauwi ng maaga!


NARRATOR: Mag-aalas onse na ng gabi nang dumating si Jose sa kanila. Malayo pa lang ay tanaw na niya ang
mga ka-baryo nila na nagsisitakbuhan papunta sa kanilang bahay na may bitbit na balde.

MANG TONYO(kapitbahay): Jose ang bahay niyo nasusunog!

JOSHUA (kapitbahay): Kanina ka pa hinihintay ng nanay at tatay mo.

NARRATOR: Natulala si Jose. Naalala niya ang bilin ng mga magulang niya na umuwi ng maaga at nami-miss
na nilang maghapunan kasama siya. Pumatak ang luha niya ng hindi niya namamalayan. Madaling-araw na ng
naapula ang apoy. Halos kusina na lang nina Jose ang natira. Hindi na rin makilala ang katawan ng mga
magulang niya. Natagpuan ang mga ito sa kanilang hapag-kainan.

JOSE: Tay, Nay patawad! (habang humahagulgol sa iyak)

NARRATOR: Dyan, nagtatapos ang maikling kwento sa pagkasunog ng bahay nila Jose.

You might also like