You are on page 1of 2

PANUNULUYAN

Mga tauhan:

- Maria
- Jose
- Tao 1 (lalaki)
- Tao 2 (babae)
- Teeanager na lalaki
- Batang babae
- 10 little angels or more

SCENE 1

Aawit ng “Payapang Daigdig” mas maganda kung live kakantahin ng Koro ang aawitin ay ang verse 1,
chorus. Mayroong soloista at back-up singers. Habang sila ay umaawit, nakapatay ang mga ilaw. Si
Mariang nagdadalang-tao at sa San Jose ay lumalakad mula sa likod ng simbahan nang marahan. Si
Maria at San Jose ay maaaring magtanong-tanong sa mga taong madadaanan kung may matutuluyan
ba sa kanila, ngunit magpapatuloy rin sa paglakad. Pagkatapos ng verse 1 at chorus, itutuloy ang
pagtugtog ng instrumental. Habang instrumental, babasahin ang intro… Hihinto sina Maria at Jose sa
may gawing harapan na nakaharap sa mga tao.

Tagapagsalaysay: (Babasahin ng marahan ayon sa saliw ng instrumental) Mahigit dalawang libong taon
na ang nakalilipas noong sumilang ang Mesiyas sa mundo. Noong panahong iyon, nahirapan sina Jose
at Maria na makahanap ng matutuluyan sapagkat ang lahat ng mga tahanan ay puno na ng mga tao.
Ang tanging natuluyan nila ay ang payak na sabsaban. ANG SABSABAN NG MGA HAYOP, at dito
minarapat na sumilang ang HARI ng mga hari, ang HARI ng sangkatauhan. Ngunit sa panahon natin
ngayon, sino nga ba ang may kakayahang magpatuloy kay JESUS?

Itutuloy ang pag-awit ng “Payapang Daigdig”. Sina Maria at Jose ay lalakad sa gawi ng tabernakulo
hanggang sa matapos ang awitin.

SCENE 2

Mas maganda ay mayroong pintong makakatukan. Ngunit kung wala ay kausapin na lang agad nina
Maria at Jose ang may-ari ng bahay. Tahimik lamang sina Maria at Jose.

Tao 1 (Lalaki): (Pagalit ang kanyang tono) Ano yun? Makikituloy kayo dahil mangangak ang asawa mo?
Nako. Hindi pwede. Hindi ako tumatanggap ng mga bisita ngayon. Kaya lumayas na lang kayo rito. Kayo
man ang matulad sa kin, magkakaganito rin kayo. Ilang taon akong nagtiyaga sa kumpanya namin.
Maaga akong pumapasok. Lahat ng iniuutos ng boss ko ginagawa ko. Kapag may okasyon nireregaluhan
ko sila. Pero ano, mas pinili nilang ipromote yung kalaban ko sa pwesto. (Nagagalit at naiiyak na) Saan pa
ba ako nagkulang? Ipinagdasal ko naman sa Diyos eh. Hindi ko matanggap ang nangyari. Mas magaling
ako sa pinili nila. Mas nagsikap ako sa kanya. Pero bakit siya at hindi ako. Ito lang naman ang inaasam

1
asam ko sa buhay eh. Pero bakit nagkaganito? (saglit na katahimikan) Hindi, hindi, (habang umiiling)
hindi ko kayo kayang patuluyin dito. Wala kayong puwang sa bahay ko.

Mauupo na lang sa isang gilid ang lalaki na tila nagmumuni-muni. Lalakad na lamang muli sina Jose at
Maria papunta naman sa gawi ng binyagan. Habang sila ay lumalakad, mainam na may instrumental
muli ng “Payapang Daigdig” habang ang choir ay naghuhumming hanggang sa makarating sila sa may
binyagan. Kakatok muli si Jose sa pinto.

Tao 2 (Babae): (May hawak na cellphone) Ano ba yan? Sino ba kasi yang kumakatok? Istorbo eh.
Nagfafacebook ako eh. Nakakainis talaga yang mga istorbo eh, sayang wifi ko. Oh ano po yun? (Sesenyas
lang si Jose na tila makikituloy) Makikituloy po kayo? Ay nako. Anong klase po yan? Bakit di ninyo
pinagplanuhan yang panganganak nya? Dapat po sa ospital kayo. Tsaka di ko naman po kayo kilala. Bakit
ko kayo patutuluyin. Huh? Ang demanding niyo naman. Sana man lang pinag-isipan ninyong mabuti yang
pagbubuntis na yan. Para kayong mga magulang ko eh, walang pakialam sa mga anak nila. Ayun, ang
tatay ko OFW sa Dubai, ilang taon nang hindi umuuwi. Maliit lang naman ang padala. Pano kasi may
kabit sya. Eh di may kahati pa kami sa sustento nya. Grabe talaga. Pero ano pa nga ba. Yung nanay ko
naman, walang ibang ginawa kung hindi magsugal. Masaya diba? Tapos patutuluyin ko kayo? Hindi.
Wala kayong puwang sa bahay namin. Masyado nang magulo ang buhay ko para patuluyin kayo at
problemahin ko pa kayo. Pwede ba. Umalis na lang kayo. Istorbo kayo eh.

Lilisan na lang muli si Maria at Jose. Tutugtog muli ang instrumental ng “Payapang Daigdig”. Sila ay
lalakad papunta sa gitna ng santwaryo. Duon ay magkapatid na pulubi, isang lalaki, at isang babae,
marumi ang suot at Teen ager ang lalaki, mas bata ang babae. Nakangiting sasalubong ang mga bata.
Senyas lang muli ang maibibigay ni Jose at Maria.

Dalawang bata: Merry Christmas po!

Lalaki: Magandang gabi po sa inyo… (Sesenyas si Jose) Ahh. Makikituloy po kayo? Eh, nakakahiya po sa
inyo. Magulo po ang bahay namin. Nandito pa po ang mga aso at pusa namin. Si nanay naman po ay
maysakit. Nakakahiya po talaga pero nasa sa inyo po kung mapagtitiyagaan po ninyo ang munti naming
tahanan. Lagi po kasing sinasabi ni tatay nung nabubuhay pa siya na lagi po kaming maging matulungin
at bago po siya mamatay, yun po ang inihabilin niya sa aming kayamanan, ang kabutihan ng puso. Salat
po kami sa pera, sa mga gamit. Pero mayroon naman po kaming kabutihan ng puso at pananampalataya
sa Diyos at sapat na yaman na po sa amin iyon. Hindi raw po hadalang ang kahirapan upang maging
matulungin. (Magtitinginan si Maria at Jose at aakbayan ni Jose si Maria at tila natutuwa at ituturo ang
papasok sa tahanan.) Ayos lang po sa inyo dito sa amin? (tatango si Jose at Maria) Sige po tara po.

(Unti-unti nang tutugtog ang “Pasko Na by Bukas palad” maganda rin kung kakantahin ng choir)
Lalabas ang mga batang mga anghel papuntang santwaryo kahit mga sampu lamang, at sasayaw sa
saliw ng “Pasko na”. Maganda ring sumama rito ang dalawang naunang tauhan. Mananatili muna si
Jose, Maria at ang dalawang bata sa gitna habang sumasayaw ang mga batang anghel. Pagkayari ng
unang chorus, papasok sila sa sacristy. Pagkatapos ng awiting ito. Tutugtog ang chorus ng “Munting
Sanggol”. Lalabas naman sa kabila ng sacristy sina Jose, Maria at dalawang bata tangan tangan ang
Niño Jesus. (Dalawang chorus lang ang kailangang awitin) Sila ay papunta sa harapang gawi ng
santwaryo. Magpapatuloy sa pagsayaw ang mga anghel at sa bandang dulo ay may tableau na
maganda ay hawak ni Jose at Maria nang nakataas ang Nino Jesus. Pagkatapos ay iaalay ng dalawang
bata sa Belen ang Niño, kasama ang dalawang naunang tauhan.

You might also like