You are on page 1of 5

PANUNULUYAN 2019

NARRATOR: (Instrumental)
Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na magkaroon ng
sensus sa lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang sensus na ito
ay ginawa noong si Cirenio ang gobernadora ng Siria. Kaya’t umuwi ang mga
tao sa sarili nilang bayan upang magpatala.
Mula nsa Nazaret, isang lungsod sa Galilea, si Jose ay pumunta sa
Judea, sa Betlehem na bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya’y
mula sa angkan ni David. Kasama rin niyang umuwi upang magpatala si Maria
na kanyang magiging asawa, na noon ay nagdadalang tao. Habang sila ay nasa
Betlehem, sumapit ang oras ng panganganak ni Maria ngunit ni isa ay wala
silang natuluyan sapagkat ni isa ay walang nagpatuloy sa kanilang
panunuluyan.

Lights OFF !

UNANG BAHAY
Scene 1

*Magkasama na si Jose at si Maria sa ginta ng altar iikot sila sa


buong simbahan
Sa gitna din sila matatapos.

San Jose:
Mahal na ginoong, kung pahihintulutan ninyo sana ay maaari ba kaming
tumuloy ng aking asawa sa inyong tahanan?

May Bahay LALAKI 1:


Mawalang galang na, taga saan ba kayo at gabing- gabi na para sa
inyong layon.

San Jose:
Taga Nazaret po kami ng aking asawa, at nandito kami dahil kami ay
nagpatala sa naatas kay Cesar.
Sta Maria:
Ginoo, baka naman po maaari mo kaming patuluyin sa inyong tahanan
sapgkat ilang oras na rin kaming naglalakad ng aking asawa at baka sa daan
pa ako abutan ng aking panganganak. Nawa'y buksan mo ang iyong puso at
tahanan para sa amin.

May Bahay LALAKI 1:


Kung mayroon manlang kahit kaunting espasyo sa aming tahanan ay baka
mapatuloy ko pa kayo. Halos pumutok na nga lang ang aking bahay sa
kapunuan.

San Jose:
Paalam po aming maginoo. Paano na tayo nito sintang Maria?

Sta Maria:
Mahal kong Jose, ang D’yos ay hindi nakalilimot.

IKALAWANG BAHAY
(Instrumental)
San Jose:
Sinta, tingnan mo at mukhang bukas pa ang ilaw sa kabilang tahanan.
Halika’t subukan nating tumawag.
Tao po! Magandang gabi po!

May Bahay 2 BABAE:


Kung sino man ho kayo ay pagpasensyahan niyo’t darating ngayon ang mga
bisita ko kaya’t kailangan kong mag- ayos ng aming tahanan.

Sta Maria:
Ginang, alang-alang na lamang po sa sanggol na nasa sinapupukan ko,
baka naman ho kami ay maaari niyong patuluyin sa tahanan ninyo?

San Jose:
Kahit saang parte po ng bahay ninyo ay nanaisin naming tuluyan.
May bahay BABAE 2:
Uulitin ko ha, mayroon akong mga importanteng panauhin na darating
kaya hindi ko kayo mapapatuloy sa aking tahanan. O siya, kailangan ko pa
silang estimahin kaya diyan na muna kayo. Paalam na.

San Jose:
Ang hirap nga naman nga naman ng ganitong buhay aking sinta. Sadyang
mapaglaro talaga ang tadhana. Halina’t maglakad- lakad pa tayo at baka
sakaling may makita pa tayong bahay na maaaring tuluyan.

Sta Maria:
Aking mahal na Jose, mahirap man at nakakapagod itong ating
pinagdadaanan, dapat ay magpatuloy tayo sa paghahanap dahil Diyos ang
lilingap sa mga taong nagsusumikap.

IKATLONG BAHAY
(Instrumental)
San Jose:
Tignan mo ang kaygandang bahay aking sinta, san nama’y ang mabuting
puso ay nandyan. Tao po! Kung sino man ho kayong maawain na maybahay nais
po sana naming manuluyan.

May Bahay lalaki 3:


Kung sino man kayong tao o hayop kayo ay gabing- gabi para manggulo
kayo.

San Jose:
Amang pakiusap, ang aking sinta ay may sanggol sa kanyang sinapupunan
nawa’y maari kaming makituloy sa inyong tahanan sapagkat baka abutan siya
ng kanyang panganganak sa daan.

Sta Maria:
Para lamang po sa sanggol, hindi na sa hirap naming mag-asawa, nawa’y
patuluyin ninyo kami sa inyong tahanan.
May Bahay lalaki 3:
Natutulog na lahat ng tao dito sa aking tahanan habang kayo ay nandito
para manggulo? Wala akong panahon sa mga tulad niyong patay gutom!
San Jose:
Kung hindi niyo man po nais na kami’y patuluyim, sana’y huwag niyo
naman kaming laitin sapagkat kami man ay dukha at pulubi, mayroon din
kaming puso’t damdamin.
Sta Maria:
Jose, maglakad- lakad pa tayo’t huwag mawalan ng pag- asa dahil Diyos
ang saksi at lagging nandyan.

San Jose at Sta Maria:


Panginoong hari ng kalangitan, marami man kaming hindi nauunawaan ay
mananatili ang tiwala namin sa Iyo. Nawa’y iyong gawin ang pag- ibig sa
Iyonganak.

*Pupunta na sila sa sabsaban


Narrator:
(Instrumental)

Dahil ni isa ay walang nagpatuloy kina Maria t Jose, sa lugar ay mayrron


silang nakitang sabsaban at doon isinilang ni Maria angkanyang panganay, na
isang lalaki(tatanggalin na ung unan sa tiyan ni maria at hawak na nia nino
hesus). Binalot niya sa lampin ang sanggol at inihiga sa isang
sabsanan(*play a music of crying baby) sapagkat wala nang lugar para sa
kanila sa bahay- panuluyan.

*Kakantahin ang Alelluia habang magsasayaw ang anghel


*Kakantahin ang Oyayi.

Narrator: Magaklak! Magsaya manunubos isinilang na!!

THE END.

You might also like