You are on page 1of 21

Filipino 1: Aralin 1

Ika-anim na Linggo I Ika-apat Markahan


Mayo 23 - 27, 2022
Resulta sa Pag-aaral:

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


❖ Natutukoy ang salitang-kilos o pandiwa sa pangungusap
❖ Naisasagawa ang mga pandiwa.

E.V. Raflores,( 2019). BINHI: Wika at Pagbasa 1, JO-ES Publishing


House, Inc., Valenzuela, Philippines pahina 213 - 217
2
Panimula/Values integration
Marami kang ginagawa sa bawat araw. Mula
sa paggising hanggang sa pagtulog ay may galaw o
kilos kang ginagawa. Sa araw na ito ay tatalakatin
natin ang salitang-kilos o pandiwa.
Ang utos ng magulang ay dapat na sundin ng
may paggalang. Gawin kung ano ang sinasabi ng
magulang dahil ito ay makabubuti sa iyo. Maging
huwaran sa anumang ginagawa.
3
Katawan ng aralin/talakayan

Salitang Kilos
o
Pandiwa
4
Basahin
1. Namitas ng gulay ang tatay.
2. Nagluto ng adobo si nanay.
3. Si Amara ay naglalaro sa labas.
4. Namingwit ng isda si Bino.
5. Si Gino ay tumakbo sa kalsada.
5
Sagutin mo

1. Ano ang ginawa ng tatay?


2. Ano ang ginawa ni nanay?
3. Ano ang ginagawa ni Amara sa labas?
4. Ano ang ginawa ni Bino?
5. Ano ang ginawa ni Gino sa kalsada?
6
Salitang - kilos
➢ mga salitang nagpapakita ng kilos o
galaw

Pandiwa

➢ Isa pang tawag sa salitang-kilos


Halimbawa:

umaawit
kumakanta

Ang bata ay umaawit ng nakangiti.

Si Ben ay kumakanta ng masaya.


8
Halimbawa:

naliligo

Ang mga bata ay naliligo.

9
Halimbawa:

nagsepilyo

Si Atara ay nagsepilyo ng ngipin kagabi.

10
Halimbawa:

sumasayaw

Ang mga bata ay sumasayaw sa entablado.

11
Halimbawa:

kumakain

Si Warren ay kumakain ng gulay.

12
Halimbawa:

nagpipinta

Si Shane ay masayang nagpipinta.

13
Maglaro Tayo

Kilos ko, Hulaan mo!


Ang isang bata ay gagawa
. ng isang kilos at huhulaan
ng iba ang ginagawa niya.

14
Pagsasanay

Sagutan ang aklat. BINHI 1 pahina 215

Pagsasanay 9
Bilugan ang salitang-kilos sa bawat
pangkat.

15
Pagsasanay

Sagutan ang aklat. BINHI 1 pahina 215-216

Pagsasanay 10
Piliin at lagyan ng ang salitang-
kilos na ipinakikita sa larawan.

16
Pagbubuod

Ang salitang-kilos ay mga salitang


nagpapakita ng kilos o galaw. Pandiwa
ang isa pang tawag sa salitang – kilos.
Halimbawa ng salitang kilos ang umawit,
sumayaw, kumain, nagpipinta, at naliligo.

17
Paglalapat

Sagutan ang aklat. BINHI 1 pahina 216-217

Pagsasanay 11
Kahunan ang salitang-kilos na ginamit
sa pangungusap.

18
Takdang aralin

Performance Task

Mag-isip ng 5 salitang – kilos


I-video ang pagsasagawa ng salitang kilos.

19
Batayang akda
E.V. Raflores,( 2019).
BINHI: Wika at Pagbasa 1,
JO-ES Publishing House, Inc.,
Valenzuela, Philippines

20
Maraming
salamat!

21

You might also like