You are on page 1of 2

 

YELLOW TEAM
 
YHEEN(Narrator):
Sa isang maliit na pamayanan nakatira ang magkakaibigan na sina Mary Rose, Crisia at Kim.
Isang araw ang ay nakita ng mga magkakaibigan ang isang bat ana umiiyak sa kalsada.
 
CRISIA:
Hi. Anong pangalan mo? Bakit ka umiiyak dyan?

Bata:
Ako si Shane, bago lang ako dito sa lugar na ito. May batang lalaki kasi kanina na nagnakaw ng
pitaka ko. Nandun lahat ng pera ko.

MARY ROSE:
Naku! Marami talagang magnanakaw sa lugar na ito, kaya sa susunod mag-iingat ka na.

SHANE:
Ganun ba? Maraming Salamat ha. Ano nga pala ang pangalan niyo?

KIM:
Ako si Kim, siya naman si Mary Rose at Crisia. May mga kaibigan ka na ba dito?

SHANE:
Wala pa nga eh.

KIM:
Sumama ka nalang sa ami. Simula ngayon kami na ang bago mong mga kaibigan.

YHEEN(Narrator):
Habang naglalakad ang mga magkakaibigan papunta sa parke, may narinig silang tunog ng trak
ng bumbero, dali dali silang tumakbo papunta sa mga maraming tao at dun nila nakita na
nasusunog ang bahay nila Kim.

CRISIA:
Kim! (pasigaw) nasusunog ang bahay niyo!

KIM:
(Habang umiiyak) Tulungan niyo kami!!!
YHEEN(Narrator):
Makalipas ang halos isang oras, ay naapula na rin ang apoy ngunit walang naisalba ni isang
gamit ang pamilya ni Kim.

MARY ROSE:
Huwag kang mag-alala Kim, tutulong kami nila Crisia at Shane para makaipon kayo ng pambili
niyo ng mga pagkain o damit.

CRISIA:
Oo, hahanap ako ng mga damit ko na kakasya sayo para may masuot ka kapag may pasok tayo.

SHANE:
Ako rin, Kim. May mga naipon naman na ako dun, ibibigay ko na sayo para pandagdag sa mga
kailangan niyo.

KIM:
Maraming Salamat sa inyo. Tunay nga kayong mga kaibigan.

CRISIA:
Sa hirap at ginhawa. Tayo ang magtutulungan!

YHEEN(Narrator):
At dyan nagtatapos ang maikling dula-dulaan tungkol sa pagtulong sa kapwa.

You might also like