You are on page 1of 788

Ramses in Niraseya (COMPLETED)

by megladiolus

Kwento ng isang dalagang lumaki sa normal na mundo ng mga tao. Tinangka syang
itakas ng kanyang mga magulang sa Niraseya upang mapalayo sa kamay ng mangkukulam
na si Bhufola. Lumaki si Ramses sa pangangala ng kanyang tiyahin na si Ileta.
Ngunit lumaki sya ng walang alam sa tunay nyang pagkatao at kung saan mundo sya
kabilang. Pilit man syang ilayo sa mundong kanyang pinagmulan, tadhana na ang
gumagawa ng paraan upang malaman nya ang katotohanang gumugulo sa kanya ng siya ay
bumalik sa kanilang probinsya. Makakabalik sya sa Niraseya sa kanyang nais na
malaman kung sino sya at ang kanyang mga magulang na si Bhufola lamang ang
nakakaalam, ngunit maraming balakid ang kanyang haharapin. Anong mahika ang kanyang
madidiskubre? Paano sya makikibagay sa mundong noon pa lamang nya nasilayan? Sinong
tutulong sa kanya? Sino si Bhufola at anong ginawa nya sa mga magulang ni Ramses?
Ito ang unang yugto ni RAMSES sa Niraseya. Copyright © 2014 megladiolus. All rights
reserved.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 1-4)

Please do not redistribute in any form without the consent ofthe author. Any name
and instances that are similar to any person, dead or alive, are purely
coincidental. This is made through the imagination of the author alone.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

KABANATA 1

"ANG PAGBABALIK"

"Maari mo nang ayusin ang mga gamit mo sa iyong silid sa itaas. Ako na ang bahala
dyan, Ramses."
Banggit ng matandang si Ileta, ang tiyahin ni Ramses. Inilalabas nila ang mga gamit
mula sa mga kahon upang mailagay na ng ayos sa loob ng bahay. Si Ramses ay inampon
ng kanyang tiyahin at lumaki sa Maynila. Doon

na sya nagkaisip at nag-aral. Ngunit dahil nasunog ang kanilang tinitirhan doon ay
napilitan silang bumalik sa kanilang bahay sa probinsya.

Tumayo si Ramses at kinuha ang malaking bagahe ng kanyang gamit. "Tiya, ang gusto
ko po sanang maging silid ay yung tanaw ang buong bayan. Ayos lang po ba iyon?"

Ngumiti panandali ang kanyang tiyahin at tumigil sa ginagawa. "Maraming silid sa


itaas, pero kung ang gusto mo ay tanaw ang bayan yung silid sa kanan ang maganda."
At nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit ang matanda.

Binitbit ni Ramses ang kanyang bagahe at umakyat sa itaas upang hanapin ang kanyang
silid. Natutuwa si Ramses na mas malaki ang kanilang bahay ngayon kaysa sa bahay
nila sa Maynila. Agad naman nyang nakita ang silid na sinasabi ng kanyang tiyahin.
Binuksan nya ang silid at natuwa sa kanyang nakita. Mayroon na doong isang malaking
kama. May malaking aparador na din na tila panahon pa ng kanyang lola. Nakita nya
din ang isang malaking bintana. Ibinaba nya ang kanyang bagahe sa higaan at agad
binuksan ang bintanang ito. Sumambulat sa kanya ang magandang tanawin. Ang bayan ay
tanaw na tanaw mula doon. Ang mga puno sa bundok ay kita rin mula sa kanyang silid.
Sariwa ang nalalanghap nyang hangin. Muli ay binalikan nya ang kanyang bagahe upang
iayos na ang kanyang mga gamit.

Nang malapit na syang matapos sa kanyang pagaayos ng gamit ay may biglang kumatok
sa kanyang silid at may pumasok

na isang magandang dalaga.

"Kamusta ka na Ramses?" Dire-diretso naman sa loob ng silid ang dalaga at umupo sa


tabi ni Ramses. "Ang laki ng pinagbago mo kaysa noong mga bata pa tayo ah. Mas
tumangkad at pumuti ka ngayon."

Nakatingin lamang si Ramses sa dalagang nagsasalita na tila kinikilala kung sino


sya. Ngunit kahit anong tingin nya ay hindi nya talaga maalala ang babaeng ito.
"Pasensya na ha. Hindi kasi kita matandaan."

Tumawa ng malakas ang kausap nyang babae. "Ano ka ba naman Ramses. Ako si Kim. Ako
yung batang nakitulog sa bahay nyo sa Maynila noong 5 years old pa lang tayo.
Kasama ko pa nga sila inay at itay noon."

Namula ang mukha at tila napahiya si Ramses sa narinig sapagkat hindi nya nakilala
ang kanyang kausap. "Kim? Ikaw na ba yan? Mas malaki ang pinagbago mo. Di ba mataba
ka at maitim?"

"Hoy noon yun. Sexy na ako ngayon. Eh ikaw, payat noon, payat pa din ngayon."
Pang-aasar ni Kim sa kaibigan.

"Nakakatawa, nakalimutan ko na taga-dito nga din pala kayo. Mabuti naman at


mayroon akong kakilala. Hindi ako mahihirapan at malulungkot." Agad niyakap ni
Ramses ang kaibigan sa sobrang katuwaang malaman

na hindi sya nawalan ng kaibigan kahit na umalis na sila ng Maynila.

"Tatapusin ko lang 'tong pag-aayos ng mga gamit ko. Pwede mo ba kong ipasyal? Para
maging pamilyar ako dito sa lugar natin."

"Ay naku walang problema. Hindi naman ganun kalaki tong bayan kaya makakauwi din
tayo agad bago gumabi." Kinuha ni Kim ang ilang gamit ni Ramses. "Tutulungan na
kita para mabilis tayong matapos."

Tumango lang si Ramses at ngumiti. Iniabot nya ang ilan nyang mga gamit sa
kaibigan at sabay silang nag-ayos ng kanyang silid.

Pagkatapos nilang mag-ayos ay agad na silang bumaba upang magpaalam sa tiyahin ni


Ramses. Naabutan nila itong nagliligpit na ng mga kahon. "Tiya, tapos na po akong
ayusin yung kwarto ko. At mukhang tapos na din po kayong maglabas ng mga gamit.
Magpapaalam sana po muna ako, gusto ko po sanang maglibot muna para maging pamilyar
ako dito sa lugar natin."

Patuloy pa din sa pagliligpit ang kanyang tiyahin. "Sige, pero itapon mo muna
'tong mga kahon doon sa kanto bago ka umalis. Alam naman ni Kim kung saan yun."

"Sige po." Agad pinagtulungan ng magkaibigang kunin ang mga kahon. Papalabas na
sila ng pinto ngunit may pahabol pa ang kanyang

tiyahin.

"Huwag kayong magpapagabi at magingat kayo. Lalo na ikaw Ramses."

"Huwag po kayong mag-alala tiya Ileta. Ako na pong bahala kay Ramses." Ngumiti si
Kim habang nakatingin sa seryosong mukha ng matanda.

Humingan ng malalim ang kanyang tiyahin na tila ayaw payagan si Ramses sa


paglabas. "Basta mag-ingat kayo. Hala sige na at baka gabihin kayo sa labas."

Dali-dali namang lumabas ng bahay ang magkaibigan dahil baka magbago pa ang isip
ng matanda.

Bago sila maglibot ay itinapon muna nila ang mga kahon sa kanto na unang inutos ng
tiyahin na si Ileta.

"Saan tayo unang pupunta, Kim?" pagtatanong ni Ramses habang nagpapagpag ng kamay
sa kanyag suot na bistida.

Hinigit ni Kim ang kaibigan patungo sa may hilaga. "Doon muna tayo sa may bukid.
Ipapakita ko sayo ang lupang sinasaka ni itay."

"Sige, gusto ko yan."

Naglakad ang dalawa papunta sa

bukid. Madaming bahay din silang nadaanan. Ngunit napasin ni Ramses na nakatingin
sa kanya ang mga bawat taong kanilang madaanan. Nagbubulungan pa ang mga ito.
Kumapit ng mahigpit si Ramses sa braso ni Kim at yumuko.

"Malapit na tayo Ramses."

Nakarating ang dalawa sa bukid at namahinga sa ilalim ng puno. Malakas ang hangin
kaya hindi alintana ang sikat ng araw. Tahimik na umupo si Ramses sa damuhan katabi
ng puno at nakatingin sa malayo.

"Napagod ka ba kaya hindi ka makapagsalita?" Umupo si Kim sa tabihan ng kaibigan.

Ngumiti lamang si Ramses ngunit hindi napawi ang pagtingin nya sa malayo. "Kim,
napansin ko yung mga tao dun sa dinaanan natin. Lahat sila nakatingin sa'kin.
Parang may pinaguusapan sila. Ewan ko kung paranoid lang ako⎼ pero nakita ko talaga
sila." Sumandal si Ramses sa puno.
"Naku, wag mong isipin yun. Nakakita lang sila ng laking Maynila kaya sila
nagkukumpulan. Kasi naman ang ganda mo sa suot mong iyan. Hindi sila sanay makakita
ng ganyang mga damit."

Gumaan naman ang pakiramdam ni Ramses sa narinig mula sa kaibigan. "Ah, ganun ba,"
saglit na ngumiti "hindi na kasi ako nakapagpalit.

Naexcite kasi akong mamasyal."

"Tara na, libot pa tayo?" pagyaya ni Kim sa kaibigang napasarap na ang upo sa
damuhan. Tumayo ang dalawa at muling naglibot. Nalibot nila ang buong lugar, ngunit
hindi na din masyadong nakita ni Ramses ang kanilang mga pinuntahan sapagkat inabot
na sila ng gabi sa daan. Dumiretso na sila sa bahay ni Ramses sa takot na baka
magalit ang tiyahin nitong si Ileta.

"Nakabalik na tayo. Salamat sa paglibot mo sa'kin Kim. Hindi ko man nakita ng ayos
at natandaan yung mga pinuntahan natin eh nag-enjoy naman ako."

Sumisilip si Kim sa loob ng bahay nila Ramses. "Naku wala yun. Basta kapag may
kailangan ka itext mo lang ako. Pumasok ka na sa loob, baka mapagalitan ka ni tiya
Ileta at baka hinahanap na din ako sa bahay."

Binuksan ni Ramses ang gate at pumasok na sa loob. "Bukas na lang ulit. Good
night." At tuluyan nang isinara ang kanilang gate.

KABANATA 2

"ANG MISTERYOSONG BINATA"


Inutusan si Ramses ng kanyang tiyahin sa palengke. "Iha, alam mo na naman ang
pagpunta sa palengke, di ba?"

Tumango naman si Ramses. "Naituro po sa akin ni Kim kahapon."

"Mabuti kung gayon. Hala sige kunin mo yung bayong doon sa mesa at andun na ang
listahan ng bibilhin mo kasama ang pera." Habang itinuturo ang mesa sa may sala.
"Ako'y maglilinis muna sa itaas. Bumalik ka agad ha." Umakyat sa itaas ang matanda
na may dala-dalang walis at dustpan.

Agad namang sumunod sa utos si Ramses at kinuha ang bayong sa mesa at lumabas na
ng bahay.

Nakita ni Ramses ang kaibigang si Kim na naglalakad habang nagtetext na tila


pupunta rin ng palengke. Kaya naman agad nya itong tinawag.

"Kim, papunta ka din bang palengke?"

Huminto sa paglalakad si Kim at lumingon sa kanyang likuran. "Uy Ramses, ikaw pala
yan. Papunta nga ako sa palengke, ikaw din ba?"

Tumakbo papalapit

kay Kim ang kaibigan nitong may dala-dala bayong. "Oo eh. Buti nakita kita.
Nautusan kasi ako ni tiya Ileta." Napansin ni Ramses na patuloy pa din sa pagtetext
ang kaibigan. "Text ka ng text habang naglalakad. Delikado yan ah, nasa gitna ka pa
mandin ng kalsada."

"Pasensya na po ha. Si inay naman yung nagtext may nakalimutan kasing ilagay sa
listahan. Hindi ko naman namalayang nasa gitna na ko ng kalsada." Hinigit ni Kim
ang kaibigan sa tabihan. "Hayan ha, hindi na delikado 'tong pwesto natin,"
pagbibirong sabi ni Kim.

Habang naglalakad ang dalawa ay napadaan sila sa isang sinaunang bahay. Isang bahay
na may napakalaking gate. May tatlong palapag ang bahay ngunit parang walang
nakatira sa sobrang tahimik. Walang kakulay-kulay ang buong kabahayan at
napaliligiran pa ito ng mga puno. Kung titingnan mo ang kabuuan ng bahay aakalain
mong isa itong haunted house.
"Alam mo ba ang kwento tungkol sa bahay na yan?" pabulong na tanong ni Kim habang
itinuturo ang sinaunang bahay.

"Bakit? Ano bang mayroon sa bahay na yan? Para namang ordinaryong sinaunang bahay
lang naman yan," lumingon si Ramses sa bahay na parang hindi interesado sa sinasabi
ng kaibigan.

"Hindi yan basta bahay lamang!" pabiglang sagot ni Kim na para bang may
nakakatakot syang sasabihin. Napatigil naman sa paglalakad si Ramses at seryosong
tiningnan ang bahay. Agad namang tinakpan ni Kim ng kanyang mga kamay ang mata ng
kaibigan.

"Huwag kang tumitig ng matagal dyan, may kung anong mahika ang bumabalot

sa buong kabahayan na yan. Baka mawala ka sa sarili." Inalis ni Ramses ang kamay ng
kaibigan mula sa pagkakatakip sa kanyang mata at agad itong tumingin sa kanya.
"Sino ka? Anong ginagawa ko sa labas ng aking bahay?"

Dahan-dahang lumayo si Kim sa kaibigan na bakas ang pagkatakot sa kanyang mukha.


Biglang tumawa ng malakas si Ramses dahil sa itsura ng kanyang kaibigan na takot na
takot. "Hahaha. Nakakatawa ang itsura mo Kim kung makikita mo lang."

Ang itsura ni Kim na pagkatakot ay napalitan ng pagkainis. Ngunit ipinagpatuloy pa


din nya ang nais nyang sabihin kay Ramses. "Hindi ako nagsisinungaling Ramses!
Kilala ang bahay na yan hindi lang dito sa ating lugar. Kung titingnan mo aakaliin
mong maliit lang ang labas ng bahay na yan, pero kasinlawak ng karagatan ang loob!"

Huminto sa pagtawa si Ramses at tila nakaramdam ng pagkakaba sa narinig kahit alam


nyang isang kwentong bayan lamang ang sinasabi ng kaibigan. Muli tumingin sya sa
bahay na parang tinatawag sya nito. Sa kanyang pagtitig ay may nakita syang
matandang babae sa loob. Ngunit hindi nya makita ng malinaw ang matanda kaya
lumapit sya sa gate ng bahay, at mula doon ay tinatanaw nya ang kabuuan ng loob.
Pero biglang nawala ang matandang babaeng kanyang nakita. "Anong alamat ba yung
sinasabi mo Kim? Isearch natin sa google. Malamang sinaunang kwento lang yun
panakot sa mga batang gala." At muling ipinagpatuloy ni Ramses ang pagtawa para
hindi lang mahalata ng kaibigan ang kanyang pagkatakot sa nakitang matanda.

"Wala ka na sa Maynila.

Walang goggle dito."


"Google, hindi goggle," patuloy ni Ramses.

"Google kung google. Hindi ka naman naniniwala eh ano pang ginagawa mo dyan? Halika
na at malayo pa ang palengke," sigaw ni Kim na nauna nang maglakad at iniwan si
Ramses sa harap ng sinaunang bahay. "Oo, mabuti pa nga!" agad namang sumunod si
Ramses sa kaibigan. Naglakad sya palayo ng bahay ngunit hindi pa rin nya inaalis
ang mga mata sa pagtitig dito. Nang dahil dito, hindi nya sinasadyang nabangga ang
isang binata at nabitawan nya ang kanyang dalang bayong.

"Naku kuya pasensya na po. Kasalanan ko, hindi kasi ko nakatingin sa nilalakaran.
Sorry" nakayukong sagot ng dalaga.

Biglang humangin ng malakas at mabilis ding nawala. Dinampot ng binata ang bayong
at inabot kay Ramses. Nakatitig itong maigi sa mata ng dalaga.Tila natigil sandali
ang oras sa pagtititigan ng dalawa. Nakatawag ng atensyon ng dalaga ang maamong
mukha ng binata. Makisig at mataas ang lalaking kanyang kaharap. Matipuno din ang
kanyang pangangatawan kahit nakatago ito sa isang pulang baluti. Maningning ang
kanyang mga mata na parang bumabati, ngunit tila nababalot ng kahiwagaan ang
kanyang pagkatao na bahagyang naramdaman ng dalaga. Agad namang kinuha ni Ramses
ang bayong mula sa kamay ng binata sa sobrang kaba. "Pasensya na po." At agad syang
tumakbo palapit sa kaibigan.

"Ramses, ang tagal mo naman," sigaw ni Kim na patuloy

pa din sa pagtetext habang naglalakad.

Nabigla ang binata sa paghigit ni Ramses sa kanyang bayong. Nakatingin sya sa


dalaga habang tumatakbo ito papalapit sa nag-iintay na kaibigan. "Oo,nandyan na
nga," hinihingal na sagot ni Ramses na akap akap ng mahigpit ang kanyang dalang
bayong.

Hanggang sa muling pagkikita, Ramses, mga katagang nasa isip ng binata at bigla
itong naglaho.

"Ano ba, bakit ba ang tagal-tagal mo? 'Di ba sinabi ko sa'yo na huwag kang titingin
sa bahay na yun?" naiinis na pagtatanong ni Kim.

Huminga si Ramses ng malalim at napalunok muna bago nagsalita. "Nakita mo ba yung


nabangga kong lalaki? Ang gwapo sana, kaya lang ang baduy ng suot. Parang galing sa
perya," bulong ni Ramses sa kaibigan at muli lumingon kung saan nya nakabangga ang
binata.
"Lalaki? Saan? Ayos ka lang ba? Mag-isa ka lang kaya sa harap ng bahay. Kung
binabalak mo akong takutin, pasesnya ka na. Hindi ako madaling matakot."

"Pero Kim hindi kita tinatakot. May nabangga talaga ako dun. Dinampot pa nga nya
tong bayong ko kasi nalaglag. Tapos hinigit ko sa kanya. Tapos tumakbo ako."
Papahina ng papahina ang boses ni Ramses habang nagkukwento.

Lumingon si Kim para tingnan ang binatang tinutukoy ng kaibigan. "O eh nasan? Ano
yun bula? Biglang nawala?"

Nakita ni Kim

na seryoso ang mukha ng kaibigan. "Naku ah, mukhang totoo yata yung kwento tungkol
sa bahay na yun." Pabirong sabi ni Kim habang tumatakbo palayo kay Ramses.

"Anong kwento? Nagiimbento ka lang ata eh. Teka Kim, hintayin mo 'ko...." Lumingon
muli ang dalaga ngunit wala na doon ang lalaking nakabunggo nya.

Nawala? Pero may nakabangga talaga ako, sabi ni Ramses sa sarili at biglang
nakaramdam ng pagkatakot. Agad naman nyang hinabol ang kaibigan papuntang palengke.

Habang ang lalaki ay nasa itaas ng puno at tinatanaw mula doon ang dalagang si
Ramses. At ilang saglit pa ay muli itong naglaho.

KABANATA 3

"KAHIWAGAAN NG BAHAY"
Nagluluto ng pananghalian sina Ramses at ang tiyahin niyang si Ileta. Hindi pa din
mawala sa isipan ng dalaga ang nangyari sa kanya kaninang umaga. Habang naggagayat
sya ng gulay ay nahiwa ito ng kutsilyo sa kaliwang hinlalaki. "Ouch," habang
pinipisil ang daliring nagdurugo.

Napansin ng kanyang tiyahin na sinisipsip ni Ramses ang kanyang daliri. "Anong


nangyari Ramses?" Agad kumuha ng pang unang lunas ang tiyahin niya sa kanilang
medicine cabinet.

"Ano ka ba

namang bata ka, ang tagal-tagal mo nang naggagayat ng gulay, halos dyan ka na
lumaki eh nahihiwa ka pa!" habang patuloy na binabalutan ng gasa ang sugat ng
pamangkin. "Hala sige, ikaw na ang maghalo noong ulam at ako na ang maggagayat
dito." Itinago ang mga ginamit at ipinagpatuloy ang paggagayat ng gulay.

Tumayo si Ramses at lumapit sa nilulutong ulam. Parang wala pa din sa sarili ang
dalaga. Nakatulala itong naghahalo ng ulam. Ngunit dahil hindi pa din mapakali ay
nagtanong na ito sa kanyang tiyahin.

"Tiya Ileta, alam nyo ba ang kwento tungkol sa sinaunang bahay sa kabilang kanto?
Yung nadadaanan papuntang palengke."

Panandaliang napahinto sa paggagayat ang kanyang tiyahin. "Yun bang makalampas sa


tindahan ni Aling Marta? Dahil kung yun nga ang tinutukoy mo, eh wala akong gaanong
masasabi tungkol dun. Ayos sa kwento eh may kung anong mahika ang bumabalot doon at
hindi ka basta-basta makakapasok doon dahil mga di pangkaraniwang tao lang ang
nakakapasok dun." Inabot sa pamangkin ang mga nagayat na gulay.

"Ano pong ibig nyong sabihing hindi pangkaraniwan? Sinu-sino lang ang mga
nakakapasok doon? Mga VIP?" tanong ni Ramses habang naglalagay ng gulay sa kanyang
niluluto.

"Ayon sa kwento ng matatanda nagkakaron dyan ng paligsahan kada ikadalawampung


taon. Kapag nanalo

ka sa paligsahan na iyon lahat ng kahilingan mo at katanungan ay mapapa-sa iyo."

Naguguluhan pa din sya sa mga sinasabi ng kanyang tiyahin. "Tiya hindi ko po


maintindihan. Anong paligsahan? Parang fiesta ba? Parang napakaluma naman nyang
sinasabi nyo. Magic? Karbibal bay yun? Anong panahon pa yun? Baka haunted house
lang talaga yung bahay."
Tumayo at lumapit sa pamangkin ang matandang si Ileta na puti na rin ang buhok at
bakas na din sa kanyang itsura ang kanyang edad na sisenta. "Ibang klaseng
paligsahan iyon Ramses. Nagsimula pa yun nung mga panahong wala pang yang tinatawag
mong facebook, cellphone, computer." Tumigil sya sandal at nagbuntong hininga.
"Hindi lahat may kakayahang makapasok sa bahay na iyon at kung mahina ka hindi ka
na makakalabas ng bahay kahit kailan." Patapos na pagpapaliwanag ng kanyang Tiya
Ileta.

Tila nakadama ng takot ang dala sa mga narinig. Ngunit hindi pa din ito tumigil sa
pagtatanong. Habang hinahango ang nilutong ulam patuloy pa din ang makulit na pag-
uusisa ni Ramses.

"Sobrang tagal na nga nun. Pero may mga nakalabas na po ba sa bahay na iyon?"

"Ayon sa sabi-sabi mayroon nang nakalabas doon-ngunit kadalasan ay taga ibang


lugar at galing pa sa kilalang pamilya na may nalalaman sa mahika ang nakakapasok
doon," patuloy na sagot ng tiyahin habang nagliligpit ng mesa.

"Eh dito po ba sa lugar natin, may mga nagtangka na po bang lumahok?"

Naghanda na muna ng mga pinggan ang tiyahin nya bago sumagot. "Mayroon na din
naman, maraming nagtangkang pumasok sa bahay ngunit apat lamang ang nakapasok."
Tumingin ito ng diretso sa pamangkin. "At isa lamang ang nakalabas ng buhay."

"Sino po ang nakalabas na iyon? Kilala nyo po ba tiya?" interesadong pagtatanong


ni Ramses. Bakas sa mga mata ni Ram na gusto nyang malaman ang sagot sa kanyang mga
tanong.

"Teka, bakit ba interesado ka sa bahay na iyon? Wala kang kakayahang makapasok


doon. Kaya balewala lang kung sasabihin ko sa'yo. Maigi pa at tawagin mo na ang
pinsan mo para makakain na tayo."

Ngunit hindi nagpapigil ang dalaga. Pinilit nya ang kanyang Tiya Ileta upang
sabihin kung sino ang kaisa-isang taong nakalabas ng ligtas sa bahay. "Tiya Ileta,
wala naman po akong planong pumasok sa bahay na iyon, bukod po kasi sa nakakatakot
na eh wala pa po akong kakayahang makapasok dun. Kaya sige na po tiya, sabihin nyo
na kung sino yung nag-iisang nakalabas sa bahay na iyon."
Tumingin sa bintana ang kanyang tiyahin na tila nagaalinlangang isiwalat ang
kanyang nalalaman. "Si Ka Idong, simula ng makalabas

sya doon magdadalawampung taon na ang nakalipas ay hindi na sya nagtangkang


makipag-usap sa kahit na sino. Ang sabi ng marami ay naninirahan sya sa gitna ng
bundok kung saan malayo sa lahat. Sya ang huling taga rito na lumahok sa paligsahan
sa bahay na iyon."

Hinawakan ng Tiya Ileta nya ang balikat ng dalaga at tiningnan sya ng diretso.
"Ramses anak, ipangako mong hindi ka lalapit sa bahay na iyon, para ito sa
ikabubuti mo."

Ngumiti lang ang dalaga. "Tatawagin ko na po si Iking para makakain na tayo," tugon
nya. Agad syang lumabas para tawagin ang pinsan na si Iking.

"Ito na ang pinag-aalala ko, unti-unti na syang tinatawag ng bahay," sambit ni


Ileta sa kanyang sarili habang tinatanaw si Ramses palabas ng bahay.

KABANATA 4

"ANG PAGSISIWALAT"

Katatapos lang na makapananghalian nila Ramses. Napagpasyahan nya munang


magpahangin sa labas habang natutulog ang kaniyang tiya Ileta. Umupo sya sa harap
ng kanilang bahay at nakatingin sa asul na kalangitan. Sa kanyang kanan ay nakita
nya ang mga batang naglalaro sa may kanto kabilang na ang kanyang pinsan na si
Iking. Masaya sya dahil nakahanap na din si Iking ng mga bagong kaibigan at masaya
na ito hindi tulad noong araw na aalis na sila ng Maynila na hindi mapatid ang pag-
iyak.

Ang aliwalas ng kapaligiran at ang malamig na simoy ng hangin ay nakakagaan sa


pakiramdam. Malayong-malayo sa kinagisnan nyang

ingay at polusyon sa Maynila. Hindi man gaano naabot ng teknolohiya ang kanilang
probinsya, masaya na din naman sya dahil kahit paano ay may signal ang cellphone sa
lugar na iyon.

Papasok na sana sa loob ng bahay si Ramses ng may nakita syang isang pulubing
babae sa kaliwang kantong pinaglalagyan ng mga basura. Tinitigan nya ang babae
ngunit hindi ito gumagalaw. Nakayuko lamang ito at nakaharap sa basurahan. Hindi na
lamang nya ito pinansin dahil naisip nya na baka isa lamang iyon sa kanilang
kapitbahay. Tumayo si Ramses mula sa kanyang kinauupuan at nagunat-unat ng buto.
Muli ay napatingin sya sa kanto ngunit wala na doon ang matandang babae. Lumakad
sya ng konti at tiningnan ang mga bahay malapit sa kanto ngunit wala doon ang
matanda. Lumingon din sya sa kanto kung saan naglalaro ang mga bata, ngunit wala
din doon ang matandang babae.

"Nawala, ang bilis naman nung maglakad," bulong ni Ramses sa sarili at sya ay
napakamot sa ulo.

Papasok na sa bahay si Ramses ng pagharap nya sa gate ng kanilang bahay ay


nakatayo doon ang matandang babaeng kanyang hinahanap. Sa sobrang gulat ay
napaatras sya ng dire-diretso at nawalan ng balanse kaya sya at napaupo sa lupa.
Umikot ang pulubing babae sa nakaupong si dalaga. Hindi alam ni Ramses ang gagawin,
takot na takot na sya sa itsura ng pulubi. Itim at sira-sira ang suot na damit ng
pulubi.

Puro putik din ito sa katawan. Puti at matigas ang mga buhok nito. Makapal ang
kilay at puro itim ang ngipin. Ngunit isa lang ang pinagtataka ni Ramses, hindi
mabaho ang pulubing naikot sa kanya.

Dahan-dahang natayo si Ramses ng biglang umupo ang matanda sa kanyang tabi at


inilapit ang mukha sa dalaga. Napaatras si Ramses hanggang mapasandal sya sa
kanilang gate.

"Wa...wag po ka...yong lumapit," nanginginig na sabi ni Ramses.

Tumawa ng pulubi na parang isang mangkukulam. "Pero matagal na akong nakalapit


sa'yo Ramses."

"Ano pong ibig nyong sabihin? Sino po kayo? Bakit alam nyo ang pangalan ko?" Pag-
uusisang tanong ni Ramses habang pinipilit pa ding ilayo ang kanyang mukha sa
matandang pulubi.
"Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina," sabay hawak sa mukha ng dalaga.

Mahaba ang kuko ng pulubi at puro dumi ang kamay nito. Agad namang inalis ni
Ramses ang kamay ng matanda.

"Anong alam nyo sa'king ina? Sino ka ba talaga?"

"Ako? Ako ang nag-iwan ng pilat sa iyong palad." At hinigit ng pulubi ang kanang
kamay ni Ramses at binuksan ang mga palad nito.

"Ikaw

nga," ang sabi ng pulubi at tumawa ito ng tumawa.

Biglang nagdugo ang pilat sa kamay ni Ramses, napasigaw sya sa sobrang sakit na
nanggagaling sa kanyang palad. Ang sigaw nya ay nagdulot ng malakas na hangin na
nagpagalaw sa mga puno't halaman. Napatigil sa pagtawa ang pulubi at tumingin sa
paligid. Agad namang hinigit ni Ramses ang kanyang kamay na nagdurugo mula sa
mahigpit na pagkakahawak ng matandang pulubi.

"Sino ka ba talaga? Anong kailangan mo sa'kin?"

Madahang tumayo ang matanda habang nakatingin ng diretso kay Ramses. "Hindi pa ito
ang oras, pero sinisigurado ko sa'yo Ramses, ikaw ang kusang lalapit sa'kin...sa
takdang panahon," at tumawa ng malakas ang babae habang nabalutan ng itim apoy ang
buo nitong katawan. Bago tuluyang maglaho ang kalahati ng katawan ng matanda ay
muli itong nagsalita. "Kilala ko ang iyong mga magulang."

"Sandali!" sigaw ni Ramses habang tumatayo mula sa kanyang kinauupuang lupa.


Tumingin sya sa kanto ng basura, sa puno sa kanyang likuran upang hanapin ang babae
ngunit tuluyan na itong naglaho. Nanginginig sa takot si Ramses at hindi
maintindihan kung sino ba talaga ang babaeng kanyang nakaharap.

Habang patuloy sa paghanap si Ramses sa matandang babae ay lumabas sa kanilang


bahay ang kanyang tiya Ileta. "Ramses, bakit ka ba

sigaw ng sigaw dyan? Alam mong natutulog ako sa itaas."

Lumapit si Ramses sa kanyang tiya Ileta para sabihin ang kung anong nangyari sa
kanya. "Tiya, may matandang pulubi pong kumausap sa'kin. Sabi nya kamukha ko daw
yung nanay ko." Muling lumabas si Ramses ng gate upang ituro sa kanyang tiyahin
kung saan sila nag-usap ng pulubi. "Dito po tiya, dyan po ako napaupo at kinausap
nung matandang babae. Kilala daw po nya yung mga magulang ko."

Lumabas ng gate si Ileta at tumingin sa magkabilang kanto ngunit wala naman syang
nakitang matandang babae kundi puro batang naglalaro. Tinawag nya si Iking upang
tanungin kung nakita nya ang babaeng sinasabi ng kanyang ate Ramses. Agad namang
lumapit si Iking sa kanyang nanay.

"Iking, may nakita ka bang matandang babae na kumausap sa ate Ramses mo?"

"Wala po inay, nakita ko lang pos yang nakaupo dyan sa lupa na parang may
kinakausap, pero wala naman po akong nakikitang tao. Sumigaw pa nga po sya eh,"
pagpapaliwanag ni Iking na nagtatago sa likod ng kanyang nanay Ileta.

"Anong walang kausap? May kausap ako Iking, meron." Ipinakita ni Ramses ang
kanyang kanang palad na nagdurugo. "Tiya ang sabi

nya sya daw ang may gawa ng pilat sa kamay ko. Bigla nga 'tong nagdugo nung
hinawakan nya eh. Tiya nagsasabi po ako ng totoo."

"Ikaw din ang may gawa nyan ate Ramses. Naupuan mo kasi yung kamay mo. Nababaliw
ka na," sabi ni Iking sabay takbo sa loob ng bahay.

"Pagpasensyahan mo na ang pinsan mo. Naniniwala naman akong may nakausap ka.
Pumasok na tayo sa loob at gamutin na natin ang palad mo." Inakay nya ang kanyang
pamangkin papasok ng kanilang bahay.

Natutulala naman si Ramses sa kanyang mga narinig. May mga katanungang pumasok sa
kanyang isipan. Madaming kababalaghang nangyayari sa kanya simula ng dumating sila
sa lugar na iyon. Habang pumapasok sa loob ng kanilang bahay ay hindi maiwasang
mapatitig sya sa kanyang tiya Ileta. Ngunit kahit isang sulyap ay hindi sya nito
tiningnan.

May hindi kaya sinasabi sa'kin si tiya Ileta? Ang tanong ni Ramses sa kanyang
isip.

Nilinis ng kanyang tiyahin ang kanyang dumugong pilat. Pinagpahinga na sya ng


kanyang tiya at iniwan sa kanyang silid upang matulog. Ngunit may pagdududa na sya
sa kanyang tiyahin at sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanya nitong mga
nakaraan.

Naririnig nya ang boses ng kanyang tiyahin mula sa kanyang silid kaya bumangon sya

para sumilip. Madahan at bahagya nyang binuksan ang kanyang pintuan upang makita
ang kanyang tiyahin. Nakita nyang tila pinapagalitan ng matanda ang anak nitong si
Iking. Hindi nya gaano marinig ang kanilang usapan.

Dali-dali syang bumalik at humiga sa kanyang kama ng makitang papunta si Iking at


ang ina nito sa kanyang silid. Lumapit si Iking sa kanya na may bahid pa ng luha sa
kanyang mga mata.

"Ate Ramses, sorry kanina. Nagtatanong kasi yung mga tao kung may lahi ba daw
tayong baliw. Hindi ko lang matanggap. Sorry talaga ate, sa'yo ko pa nabaling."

Ngumiti lang si Ramses at hinawakan ang pinsan. "Alam ko namang nabigla ka lang.
Kilala kita Iking, alam kong hindi mo intensyong sabihin yun."

"Hindi ka galit sa'kin ate?" biglang bumalik ang sigla sa mukha ng bata matapos
marinig ang sinabi ng kanyang ate Ramses.

Umiling lang si Ramses at niyakap ang pinsan.

"Nay, hindi galit sa'kin si ate. Yehey. Pwede na po ba akong maglaro ulit?"

Dali-daling lumabas ng silid si Iking upang maglaro ulit.

"Sige Ramses magpahinga ka na dyan," kinumutan ang pamangkin.

Hinawakan ni Ramses ang braso ng kanyang tiyahin. "Tiya, meron po ba kayong hindi
sinasabi sa'kin na dapat kong malaman?"

Umiwas ng tingin ang kanyang tiyahin at inayos ang mga unan sa kanyang higaan.
"Wala akong itinatago sa'yo Ramses. Lahat ng gingawa ko para sa kapakanan mo.
Itinuring ka naming tunay na anak ng tiyo Rodi mo at lahat iyon totoo." Tumalikod
ang matanda upang lumabas ng kanyang silid. "Magpahinga ka na dyan, gigisingin na
lamang kita mamaya para maghapunan." At tuluyan ng isinara ang pinto ng silid ni
Ramses.

Bumangon si Ramses at tumingin sa labas. "Alam kong may itinatago ka tiya Ileta,
gagawa ako ng paraan para malaman yun" bulong nito sa kanyang sarili.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 5)

KABANATA 5

"KA IDONG"

Napaidlip si Ramses at dahil hindi mawala sa isip nya ang babaeng kanyang nakausap
ay napanaginipan nya ito.

"Kilala ko ang magulang mo, hanapin mo ang sagot!" patuloy ang pagtawa ng matandang
babae.

"Tama na!" biglang nagising si Ramses na pawis na pawis ang hingal na hingal.
Mabilis ang tibok ng kanyang puso sa takot sa babaeng kanyang napanaginipan.
Napatingin sya sa kanyang cellphone. "Alas kwatro lang pala."

Biglang pumasok sa isip ni Ramses ang kaibigang si Kim. Agad naman nya itong
tinawagan. "Hello Kim, magpapasama sana ako sa'yo. Magkita tayo sa kanto ngayon
na."

Agad nagmadaling lumabas si Ramses ng kwarto at dahan-dahang bumaba ng hagdanan at


iniiwasang marinig ng kanyang tiyahing nagluluto sa kusina. Nakalabas sya ng bahay
ng walang nakakapansin at nagpunta sa tagpuan nila ng kaibigang si Kim.

"Saan ba tayo pupunta, Ramses?" tanong ni Kim na halos kinakaladkad na ni Ramses sa


pagmamadali.

"Kim, huwag ka na lang maingay. Kung tatahimik ka dyan malalaman mo kung saan tayo
pupunta!"

Sa sobrang bilis nila maglakad ay halos napalayo na sa kabayanan ang daang


tinatahak ng dalawa. Palubog na ang araw, ngunit patuloy

pa din ang paglalakad ng nila Ramses at Kim patungo sa masukal na gubat.

"Ramses, hindi ko na gusto 'to. Kung may plano kang maghiking, huwag ngayon!
Nakakatakot na dito ah!" Bahagyang tumigil sa paglalakad si Kim. "Ayoko na talaga,
babalik na 'ko!" Tumalikod at naglakad si Kim pabalik.

Ngunit hinabol sya ni Ramses at hinarangan ito. "Ano ka ba naman Kim, sa layo ng
nilakad natin ngayon ka pa ba susuko? Isa pa malapit na tayo, nararamdaman ko. Kaya
halika na, samahan mo na ko." Hinigit muli sa braso si Kim at muling naglakad.

"Kung sinasabi mo sa'kin yung plano mo eh baka hindi ako nagrereklamo ng ganito."
At patuloy ang paglakad ni Kim na tila nagdadabog sa bawat hakbang na kanyang
ginagawa.

Tumigil si Ramses at tumingin sa kaibigan. "Kim madaming hindi magandang nangyayari


sa'kin simula ng dumating ako dito sa lugar na 'to. Parang may itinatago si tiya
Ileta sa'kin at yun ang gusto kong malaman." Hinawakan ni Ramses ang mga kamay ng
kaibigan at tinitigan ito. "Kaya nakikiusap ako Kim, samahan mo ako. Hindi ko 'to
magagawa kung wala ka."

"Oo ako lang. Kasi maliligaw ka pabalik sa bayan kung mag-isa ka lang. Sige
sasamahan na kita. Pero mabilis lang ha, hindi ako nagpaalam kina inay at sigurado
ako ikaw din." Maluwag sa loob ang pagpayag ni Kim na samahan si Ramses. Nagpatuloy
sa paglalakad ang dalawa.

Malapit na sana silang sumuko nang matanaw ni Ramses ang isang kubo sa di kalayuan.
Nagtago sa halamanan ang magkaibigan habang nakatingin sa kubong iyon. "Nakikita mo
ba yung bahay na yun, Kim?"

masiglang bulong ni Ramses. Samantalang ang kaibigan nitong si Kim ay takot na


takot. "Ramses, kanino bang bahay iyan? Sino ba namang titira sa ganitong lugar,
napakalayo sa bayan. Nakakatakot, natatakot na ako. Mabuti pa umuwi na tayo." Sabay
tayo ni Kim ngunit hinigit sya muli ng kaibigan.
"Ano ka ba, nandito na tayo. Ang sabi ni tiya Ileta nasa gitna ng gubat ang bahay
ni Ka Idong. Malaki ang maitutulong nya sa mga katanungan ko tungkol sa sinaunang
bahay. Kung dyan nga sya nakatira, napakaswerte natin at nakita natin agad"

"Naku.... Naku anong masuwerte? Ayoko ngang pumasok dyan. At paano mo naman
nasabing bahay nga ni Ka Idong yan? Eh wala ngang nakakaalam kung saan sya
matatagpuan. Kung gusto mong magpakamatay eh ikaw na lang. May mga magulang at
kapatid pa ko na umaasa sa'kin no! At siguradong mag-aalala sila sa'kin 'pag hindi
pa tayo umuwi!" pagaatubiling sagot ni Kim.

Biglang nabalutan ng lungkot ang mukha ni Ramses sa mga narinig mula sa kaibigan.
Nahabag naman si Kim kaya minabuti nyang damayan ito. "Ramses-ah pasensya ka na.
Wala naman akong ibang ibig sabihin. Hindi ko intensyong masaktan ka."

Sumandal si Ramses sa mga halaman at tumingala sa mga ulap na mapupula ang kulay
dahil sa natatamaan ng sinag ng palubog na araw. "Sabi

ni Tiya Ileta 'pag daw nakapasok ka sa bahay na iyon at natapos mo ang pagsubok,
maaari kang humiling o magtanong ng kahit na ano....Gusto ko sana makapasok doon,
baka sakaling malaman ko kung sino at nasaan ang mga magulang ko. Si Ka Idong lang
ang tanging makakatulong sa'kin."

Tumayo na sya mula sa pagkakaupo at naglakad pabalik na halos papatak na ang luha.

"Saan ka pupunta, Ramses?" pagtatakang tanong ni Kim.

"Di ba kanina ka pa nagyayang umuwi? Alam ko natatakot ka na, pasensya ka na Kim


kung dinamay pa kita sa kahibangan kong ito, baka isipin mo nababaliw na ako,"
patuloy sa paglalakad palayo ang dalagang tila nawala ang pag-asa sa buhay. Hinabol
ni Kim ang kaibigan at pinigilan ang kaibigan "Nandito na tayo kaya bakit aatras ka
pa?"

Biglang lumiwanag ang muka ng kaibigan sa mga narinig. "Sigurado ka? Hindi ka na
ba natatakot?"

"Syempre natatakot pa din. Pero may magagawa pa ba ako? Alangan namang iwanan kita
dito mag-isa. Mamaya kung sinong killer pala ang nasa loob ng bahay na yan. Tsaka
isa pa nakakatakot bumalik sa bayan mag-isa, baka may mabangis na hayop pa kong
makasalubong," natatakot na sagot ni Kim.
Sa sobrang kagalakan, niyakap ni Ramses ang kaibigan. "Maraming salamat Kim.
Pumasok na tayo sa loob bago pa magbago ang isip mo."

Dahan-dahang naglakad ang dalawa papunta sa kubo. Sa labas pa lamang ng bahay ay


marami nang kakaibang gamit ang nakasabit. Maliit lamang ang kubo at nakakatakot
ang itsura nito. Parang bahay ng mangkukulam ang itsura.

"Tao po! Magandang gabi po," tawag ni Ramses habang papalapit sa pintuan ng kubo.
Nakakapit lamang sa kanyang braso ang kaibigan na si Kim. Kumatok ang dalaga ngunit
wala pa ding sumasagot, nang biglang bumukas ang pinto.

"Ramses, mukha namang walang tao. Bumalik na lang kaya tayo bukas." Takot na takot
na bulong ni Kim habang mas lalong humigpit ang kapit nito sa kaibigan.

"Bukas ang pinto, ibig sabihin may tao dito." Dahan-dahang itinulak ni Ramses ang
pintuan at sumisilip sa loob.

"Baka gawa lang ng hangin kaya bumukas ang pinto," takot na takot na si Kim na
pumasok sa bahay kasama ni Ramses.

"Kusa na tayong pinapasok sa loob ni Ka Idong, matanda na kasi sya kaya malamang
hindi na nya kayang tumayo," pabirong sabi ni Ramses.

Pumasok sila sa loob ng bahay. Medyo may kadiliman sa loob. Nag-ikot-ikot sila
habang patuloy ang pagtawag nila sa may ari ng kubo. Laking takot ng dalawang
dalaga ng makakita sila ng bungo ng tao.

"Ramses, umalis na tayo dito. Hindi na maganda ang pakiramdam ko," nanginginig na
sabi ni Kim.

"Mabuti pa nga Kim, mukhang hindi si Ka Idong ang nakatira dito," papaatras ang
dalawa ng biglang may lalaking nagsalita mula sa kanilang likuran.

"Sino kayo?! Anong ginagawa nyo sa pamamahay ko?"

Dahan-dahan humarap ang dalawa na hindi alam ang gagawin at sasabihin. "Magandang
gabi po. Pasensya na po kung pumasok kami ng bahay nyo ng walang pahintulot. May
hinahanap po kasi kaming tao. Nagbabakasakali po kami na dito po nakatira si Ka
Idong." Mahinang pagpapaliwanag ni Ramses na tila na gulat ng isang makisig at
magandang lalaki ang humarap sa kanila.

"Anong kailangan nyo sa kanya?"muling tanong ng binata.

"Kasi po itong kaibigan ko, marami pong katanungan tungkol sa sinaunang bahay at
kung paano makapasok doon." Pagpapaliwanag ni Kim na nananatiling mahigpit ang
pagkakakapit sa braso ng kaibigan.

"Nabalitaan ko po kasi na nakalabas sya ng ligtas mula sa bahay na iyon. Maaari


daw kasing humiling ng kahit ano kapag natapos mo ang paligsahan at nakalabas ka ng
ligtas, kung sasabihin nyo po kung nasaan si Ka Idong baka matulungan nya po ako."
Pagpupursiging sabi ni Ramses na pinipilit pa ding makita si Ka Idong.

Binuksan ng binata ang pintuan palabas ng kubo.

"Wala akong maitutulong sa'yo. Ang pagpasok sa bahay na iyon ay isang malaking
trahedya. Ibang mundo iyon na binubuo ng mga malalakas na nilalang. Hindi lahat ay
may kakayahang makapasok doon."

Tumingin ng diretso ang binata sa dalawang dalaga na parang nagbibigay ng


pahiwatig. "Piling nilalang lamang ang nakakapasok doon. Kaya kung ako sa inyo,
hindi na ako magtatangkang pumasok doon. Dahil kung hindi ka nabibilang at hindi ka
napili.....kamatayan lamang ang naghihintay sa'yo."

Tila binalutan ng takot ang dalawa habang lumalakad palabas ng bahay. Ngunit ang
sinabi ng binata ay hindi nakapagpatinag sa dalagang si Ramses. Hinarap nito ang
lalaki ng buo ang loob.

"Ang kahilingan, tunay ba ang kahilingan?"

"May kapalit ang bawat hilingin mo, enerhiya, buhay o dugo ng mga taong malalapit
sa'yo. Kung mahina ka, hindi ka nababagay sa mundong iyon."

Naiiyak na sa takot si Kim. "Ramses, umuwi na tayo. Hindi ko na gusto ang


nangyayari dito." Pagyaya nito sa kaibigan na halos mapunit na ang damit ni Ramses
sa pagkakahigpit ng hawak niya.

"Ano ka ba Kim, 'wag kang matakot. Hindi ako naniniwala sa lalaking ito. Si Ka
Idong ang hinahanap natin. Sya ang gusto kong tanungin

at hindi ikaw! Sino ka ba, ha?! Wala namang nabanggit sa akin si tiya Ileta na may
anak si Ka Idong ah." Pagtatakang tanong ni Ramses na di nagpapatinag sa sinasabi
ng binata.

Tila nagulat ang binata at natigilan ng marinig ang mga sinabi ni Ramses. "Tama
ka. Wala ngang anak o kahit kamag-anak ang hinahanap nyo. Dahil ako lang ang
nakatira sa bahay na ito. Kaya kung ako sa inyo ay aalis na ako." Pagtatabuyan ng
binata sa dalawang dalaga. Hinawakan nya ang dalawang dalaga at pinilit ilabas ng
bahay.

"Hindi mo kami kailangang kaladkarin palabas. Lalaki ka pa mandin, pero hindi ka


magalang sa mga babae!" pagrereklamo ni Ramses habang bumabalik sa loob ng kubo ang
kausap nilang binata. Inaawat ni Kim ang kaibigan sa mga sinasabi nito.

"Hindi tayo uuwi hanggat hindi natin nakikita ang bahay ni Ka Idong, Kim."
Desididong sabi ni Ramses habang nakatingin sa binatang nakatalikod.

"Seryoso ka Ramses? Madilim na oh, baka hinahanap na tayo sa bahay."

Hindi alam ni Kim ang gagawin dahil sa desididong maghanap ang kanyang kaibigan.
Habang nagtatalo ang dalawa, muling humarap sa kanila ang binatang nakatira sa
kubo.

"Ako ang hinahanap nyo. Ako si Ka Idong. Hindi ko alam kung paano nyo ako natunton,
pero nagtagumpay kayo."

Biglang natulala ang dalawa na parang hindi makapaniwala sa narinig. "Ikaw? Ikaw
si Ka Idong? Pero paanong-akala namin matanda na ang Ka Idong na hinahanap namin.
Eh parang magkasing edad lang tayo eh." gulat na gulat na tanong ni Ramses.

"Mahiwaga ang bahay na iyon. Lahat ng hindi nabibilang sa mundong iyon ay may
kanya-kanyang dahilan sa kanilang paglahok sa paligsahan. Akala ko katapusan ko
doon na matatapos ang buhay ko, ngunit nagkaron ako ng pagkakataong makalabas dahil
sa mga maharlikang mahikero. Ngunit pagbalik ko sa ating mundo, bumalik ako sa
kalahati ng edad ko. At hanggang ngayon, ganito pa din ako."

Muling tumalikod ang binata at pumasok na sa kanyang kubo. "Magiging alipin lang
ang mga ordinaryong tao dun." Sigaw ng binata habang isinasara ang pinto ng kanyang
bahay.

Agad namang tumakbo ang dalawa palayo sa bahay. Nakabalik sila ng bayan ng ligtas
ngunit hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Hingal na hingal na dumating sa bayan
ang magkaibigan kaya pinili muna nilang magpahinga. Sa di sinasadyang pagkakataon
ay sa harap ng sinaunang bahay sila napahinto.

"Ramses, aaminin ko sa'yo hindi ko din sigurado yung mga sinabi ko sa'yo tungkol
sa bahay na yan." Umuupo na sa kalsada si

Kim sa sobrang pagod. Napatitig si Ramses sa bahay at nag-isip sandali. "Tingin ko


alamat lang ang lahat ng iyon Kim, wala talagang hiwaga ang bahay na yan.
Pinaglalaruan lang tayo ng ating imahinasyon. Ginugulo lang ako ng kagustuhan kong
malaman ang tunay kong pagkatao."

Nagulat si Kim sa narinig mula sa kaibigan at tiningnan nya ito ng diretso.


"Sigurado ka? Parang kanina lang halos awayin mo si Ka Idong, o kung sino man yung
binata dun sa kubo tapos ngayon sumusuko ka na."

Lumapit si Ramses sa bahay. "Hindi ko naman sinabi na sumusuko na ako."

"Hay Ramses, di mo ba narinig yung sinabi ni Ka Idong? Mga piling nilalang lamang
ang makakapasok dyan. At nagiging alipin ang mga ordinaryong taong pumapasok dun.
Nakakatawa, panahon pa ata ng lolo ko yung mga ganun ah. Hahahahaha." Patuloy na
pagtawa ni Kim.

"Siguro nga hindi ako nagtataglay ng maharlikang mahikero, pero parang tinatawag
ako ng bahay na ito sa hindi ko alam na dahilan. Parang nanggaling na ako sa bahay
na ito."

Hinawakan ni Ramses ang gate ng bahay gamit ang kanyang kanang kamay. Napansin ni
Kim na may tumutulong dugo mula sa kamay ng kaibigan. "Naku Ramses, ang kamay mo
dumudugo!" Agad kinuha ni Kim ang kamay ng dalaga. "Mabuti pa ihahatid na kita sa
inyo ng mapatigil na ang pagdurugo nitong kamay mo."

Lumakad na papalayo ang magkaibigan. Ngunit nabahiran ng dugo ni Ramses ang gate
ng bahay. Biglang lumitaw ang misteryosong lalaking nakabangga ni Ramses sa tapat
din ng bahay na iyon. At kung may anong mahika syang ginawa upang mawala ang bahid
ng dugong naiwan sa gate.

"Ito na ang simula," bulong ng lalaki sa kanyang sarili.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 6)

KABANATA 6

"ANG PANGAKO"

Sa bahay ni Ramses nagdiretso ang dalawa. Dali-dali silang pumasok sa loob at


tinawag ang kanyang tiya Ileta.

"Ano ba ang nangyari sa'yo bata ka? Alam mo nang nagdugo na yang pilat mo kanina
eh hindi ka pa nadala. Kung saan-saan ka pa nagsusuot!" pag-aalalang sabi ng
kanyang Tiya Ileta habang nililinis at muling binabalutan ang nagdurugong kamay ni
Ramses.

"Saan mo ba nakuha yang pilat mo at parang napakalalim talaga?" Usisa ni Kim


habang pinapanood ang paglilinis sa sugat ng kaibigan.

Tumingin si Ramses sa kanyang tiya Ileta bago magsalita. "Hindi ko alam, baby pa
lang daw ako nandyan na yang pilat na yan. Pero ngayon lang yan dumugo sa buong
buhay ko."

"Oh, hayan at tumigil na ang pagdurugo. Ngayon sabihin nyo sa'kin kung saan kayo
nanggaling dalawa at inabot kayo ng dilim sa labas?"
Pagalit na tanong ng matanda habang nililigpit ang mga ginamit sa paggagamot sa
sugat ng pamangkin.

Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan na parang nangangambang sabihin ang totoo.


Lumapit si Ramses sa kanyang tiya at niyakap nya ito mula sa likod.

"Tiya Ileta, pasensya na po kung pinag-alala ko kayo. Pangako, hindi na po


mauulit."

Hinawakan ng matanda ang kamay ng pamangkin. "Ramses, hindi mo sinasagot ang


tanong ko. Saan ba kayo nanggaling? Kim, saan ba kayo nagpunta nitong kaibigan mo?"

Titig na titig ang Tiya Ileta nila sa mata ni Kim habang nagtatanong. Hindi na
nagawang magkaila ng dalaga sa takot nito sa matanda.

"Ah, tiya Ileta.....si Ramses po kasi-," sabay tingin sa kaibigan na parang


nagdadalawang isip, "nagpasama po para hanapin ang bahay ni Ka Idong." Napayuko na
lamang sya matapos sabihin ang totoo.

Sa pagkagulat at pagkabahala ay parang nag-init ang ulo ng tihayin at tumingin ng


matalim sa pamangkin. Sa takot na baka pagalitan sya ng kanyang tiyahin, agad
namang nagpaliwanag si Ramses.

"Tiya Ileta, nagbaka sakali lang naman po ako na mahahanap ko ang bahay ni Ka
Idong. Nagpunta po ako dun dahil gusto kong malaman

kung paano pumasok sa bahay. Kasi.... gusto ko pong-." Hindi pa man sya natatapos
magpaliwanag ay pinutol na agad ng tiyahin ang kanyang sinasabi. "Kapahamakan
lamang ang naghihintay sa'yo kapag ipinapatuloy mo yang kagustuhan mo! Wala kang
mapapala dun , bakit ba ayaw mong makinig sa'kin Ram. Tumitigas na ba ang ulo mo?"
Halos mapaiyak sa pag-aalala ang matanda.

Nagsalita ng malumanay si Ramses. "Nagbabakasakali lang po sana ako na mabigyang


kasagutan yung mga katanungan ko. Naramdaman ko din po kasi nya may itinatago kayo
sa'kin tungkol sa totoong nangyari sa mga tunay kong magulang."

Napaiyak nang tuluyan ang kanyang tiyahin dahil sa mga narinig. Hinawakan nya ang
kanyang pamangkin sa mga balikat nito at tumingin ito ng diretso. "Hindi pa ba
sapat ang pagpapalaking ginawa namin sa'yo, na kami na ang tumayong mga magulang
mo? Ano pa ba ang pagkukulang namin? Sabihin mo, Ramses."
Nahabag ang dalaga sa umiiyak na tiyahin. Niyakap nya ito ng mahigpit. "Wala po
kayong pagkukulang, nagpapasasalamat pa po ako ng sobra-sobra dahil napakabuti nyo
sa'kin at itinuring nyo akong parang tunay na anak. Sana po ay mapatawad nyo ako
tiya. Ayoko po ng pinag-aalala kayo at lalo nang ayokong umiiyak kayo."

Tumigil sa pag-iyak ang matanda na parang nagkaroon ng pag-asa. "Kung gusto mo


talagang huwag akong mag-alala, titigilan mo na ang

pagsasaliksik ng tungkol sa sinaunang bahay. Gusto kong ipangako mo yan, Ramses."


Tumango si Ramses at agad sumagot. "Opo, ipinapangako ko."

Tila naayos ang lahat noong gabing iyon. Nawala ang pag-aalala ng kanyang tiyahin
at napanatag na ito. Parang sumuko na din si Ramses sa hangaring makilala pa ang
mga tunay nyang mga magulang.

"Ah tiya, ihahatid ko lang po si Kim sa labas," pagpapaalam nito habang binubuksan
ang pintuan. Agad namang tumayo sa kinauupuan si Kim sa kanyang kinauupuan at
nahihiyang nagpaalam sa matandang si Ileta. "Tiya Ileta, tutuloy na po ako.
Pasensya na po."

Ngumiti lamang ang matanda at pumasok na sa loob ng kusina.

Habang inihahatid ni Ramses ang kaibigan palabas ay tahimik lamang sya. Agad naman
iyon napansin ng kaibigang si Kim. "Bakit parang tahimik ka? Tutuparin mo ba ang
pangako mo kay Tiya Ileta?" pag-aalalang nitong tanong.

Nagbuntong hininga lamang si Ramses habang binubuksan ang kanilang gate. "Oo,
ayoko na kasing pagaalalahanin si Tiya Ileta. Isa pa, masaya na ako na sila ang
pamilya ko. Titigilan ko na ang kahit anong may kinalaman sa bahay na iyan.
Magtitiwala na lang ako sa mga sinabi nya at sa mga sasabihin nya." Lumingon si
Ramses sa kanilang bahay at tiningnan kung may makakarinig sa kanila. Nang wala
siyang nakita ay nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Pero alam mo Kim, meron akong
pakiramdam na hindi maipaliwanag. Itong pilat sa kamay ko, ito ang sagot sa tunay
kong pagkatao. Kahit hindi ko naman hanapin ang kasagutan, alam ko... alam kong
kusa 'tong lalapit sa'kin. Pero sa ngayon, tutupad ako sa pangako ko kay tiya
Ileta."

"Mabuti naman kung ganun. Oh paano, uuwi na ako at baka nag-aalala na sila inay
sa'kin. Bukas na lang ulit," pagpapaalam ni Kim habang naglalakad papalayo sa bahay
ng kaibigan.
"Mag-iingat ka," nagkangiting sagot ni Ramses habang isinasara ang gate. Pumasok
na ito sa loob ng hindi nya namalayan na nakikinig at tinatanaw pala sila ng
kanyang tiyahin mula sa bintana.

Ilayo nyo po sa kapahamakan ang pamangkin ko, panalangin ng tiyahin. At isinara


ang bintana kasabay ng pagpatay ng ilaw.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 7)

KABANATA 7

"ANG PAGPILI"

Maaga pa lamang ay gising na ang mga tao sa bahay nila Ramses. Dahil sa mga
kalampagan ng mga kaldero at iba pang kagamitang pangkusina ay nagising si Ramses.
Agad itong bumangon at lumabas ng silid. Sinilip nya ang silid ng kanyang tiyahin,
ngunit wala na ito rito. Kaya minabuti nyang bumaba na para malaman kung anong
nangyayari sa kusina.

"Oh gising ka na pala. Pasensya na kung maaga kang nagising. Ang Tiyo Rodi mo kasi
tumawag, uuwi daw sya galing Maynila. Naayos na daw yung mga benepisyong makukuha
nya. Kaya heto, maaga kaming nagluluto ni Iking," pagbati ng kanyang tiya habang
nagluluto sa kusina.

Umupo sa mesa ang dalaga at tinikma ang mga pagkain doon. "Handa na ang almusal,
kumaen ka na dyan," pagpapatuloy ng matanda.

"Biglaan naman po ang pag-uwi ni Tiyo Rodi. Sana po ay ginising nyo din ako ng mas
maaga akong nakatulong. Magbibihis lang po ako

at tutulong na ako sa inyo ni Iking," masiglang sabi ni Ramses at agad namang nag-
ayos ng sarili at nagpalit ng damit upang tumulong sa kusina. Isang magandang ngiti
lamang ang isinagot ng matanda habang naggagayat ng gulay.
Matapos magbihis ay agad ng tumulong ang dalaga. Tinulungan nya si Iking sa
pagpapalit ng kurtina. Nagwalis din sya sa labas at loob ng bahay. Matapos doon ay
tumulong din sya sa kusina. Naggayat sya ng mga gulay, habang ang kanyang tiyahin
naman ang nagluluto.

"Naku, naubusan tayo ng asin. Nasaan na ba si Iking?" pagtatanong ng matanda


habang kumukuha ng pera sa kanyang wallet.

"Pinaglaro ko na po si Iking kasama noong ibang bata sa labas. Tapos na po kasi


naming linisin yung sala. Nakapagwalis na din po kami. Ako na lang po ang bibili,"
boluntaryong sagot ni Ramses habang naghuhugas ng kamay. Kinuha nya ang pambili ng
asin sa kanyang tiyahin. Agad naman syang lumabas upang pumunta sa tindahan ni
Aling Marta. Paglabas nya ng kanilang gate, nakita nya ang ilang kapitbahay na
nagtatakbuhan patungo sa direksyong kanyang dadaanan.

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalaga papunta sa tindahan. "Pabili nga po ng asin,"


pambungad ni Ram sa tindahan, nang mapatingin

sya sa sinaunang bahay sa di kalayuan. Madaming tao sa harap nito, at patuloy ang
pagdami sa pagdating pa ng mga ilang kapitbahay.

"Aling Marta, ano pong meron? Bakit sila nagtitipon-tipon sa harapan ng sinaunang
bahay?" tanong ni Ram habang inaabot ang bayad sa matanda.

"Ah, yun ba... nagsisimula na naman ang paligsahan ng pagpasok sa bahay. Dumating
mula sa ibang lugar ang mga kalahok. Mas mahirap daw ngayon. Kaya mas malalakas na
kalahok ang nagsisisali" pagpapaliwanag ng tindera.

Kinuha ng dalaga ang asin at dahan-dahang naglakad upang makiisyoso sa nangyayari.

"Marami pong salamat Aling Marta."

Sa pagtingin-tingin nya sa bahay ay nakita nya doon ang kaibigang si Kim. Agad nya
itong nilapitan. Nakipagsisikan sya sa mga taong nagnanais makapanood ng
mangyayari.

"Kim, anong ginagawa mo ditto? Ano bang meron?"


Hinigit ni Kim ang kaibigan upang magpunta sa unahan, ang pinakaharap ng bahay.
"Tingnan mo Ram, biglang nawawala ang mga kalahok kapag humaharap sila sa gate,"
pagtatakang sabi ni Kim. Hinila sya ni Ram palayo

sa bahay. "Naku 'wag kang masyadong lumapit dyan Kin at baka bigla ka ding mawala,"
pagaalalang sabi ni Ram.

Malakas na tawa lamang ang narinig ni Ram mula kay Kim. At lumapit ito sa harap ng
gate. "Kim! Anong ginagawa mo, umalis ka dyan!" takot na takot na sigaw ni Ram.

"Huwag kang mag-alala Ram, hindi ako mawawala dito, hindi ako mahihigop ng gate.
Mga piling nilalang lang ang nakakapasok ditto at hindi ang mga katulad natin.
Halika, subukan mo." Hinigit ang kaibigan at tinulak papunta sa harap ng gate.
"Sige lang, tumapat ka lang dyan. Huwag kang matakot, gayahin mo lang yung ginawa
ko."

"Sigurao ka ha?" tila nagaalinlangan pa din si Ram.

Ngunit dahil sa snabi ng kaibigan, tumapat si Ram sa gate. Panatag sya na walang
mangyayari sa kanya.

"Tama ka Kim, hindi nga tayo mahihigop nito. Tingnan mo oh. Hindi ako nawawala.
Mga ordinaryong tao nga tayo." Masayang sabi ni Ram sa kanyang kaibigan. Pahakbang
na paalis si Ram ng hindi nya maigalaw ang kanyang katawan.

"Ram, masyado ka ng matagal dyan. Hindi na nakakatuwa yan ha. Halika na dito,"
pagaalala ni Kim sa kaibigan na akala nya'y nagbibiro

sa kanya.

Napansin nyang hindi gumagalaw ang kaibigan kaya nilapitan nya agad ito. Pinilit
nyang higitin ang kaibigan. Hinawakan nya ito sa mga kamay ngunit hindi man lang
nakagawa ng kahit konting pagbabago sa kinatatayuanng kaibigan.

"Kim. Kim! Kim hindi ako makagalaw. Tulungan mo ako!" pinipilit ni Ram na gumalaw
habang sumisigaw. Bakas ang pagkatakot sa kanyang mukha.

"Ha? Ram saglit" nagdadalwang isip pa si Kim kung hihingi sya ng tulong sa mga
taong abalang nakatingin sa mga dumarating na kalahok.
"Mga kapitbahay! Tulungan nyo ako! Tulungan natin si Ram. Tulungan nating yung
kaibigan ko." Nilapitan ni Kim ang bawat taong kanyang makita upang hingan ng
tulong. Ngunit abala ang lahat at tila hindi sya naririnig ng mga ito kaya't
bumalik ito sa upang subukan muling higitin ang kaibigan mula sa pagkakatayo sa
harapan ng gate. Napansin ng mga tao ang buong lakas na paghigit ni Kim sa kanyang
kaibigan na nakatawag pansin sa ilang kapitbahay. Papalapit na ang mga ito upang
tulungan ang dalaga ng biglang may malakas na hanging nagtulak sa mga papalapit na
tao at nagtalsikan ang mga ito kabilang na si Kim. Lumitaw ang isang matandang
lalaki na may suot na puting baluti sa ibabaw ng gate. Isang matandang nakaputi at
may hawak na kakaibang

tungkod.

"Ginagambala nyo ang pagpasok ng kalahok na ito! Nagtatagal ang paligsahan dahil
sa kapangahasan nyo!" Ang lahat ay natahimik at napatingin sa matandang nagsalita.
Pinilit ni Ram na tumingin sa lalaking ito upang sabihing hindi sya kalahok.

"Lolo nagkakamali po kayo, hindi ako kasali sa paligsahang ito. Napagkatuwaan


lamang namin ng kaibigan kong gayahin ang mga kalahok na pumapasok sa gate ninyo."

Tila nagulat ang matanda at napatingin ito sa nagpupumiglas na si Ram. "Anong


sinabi mo bata? May mahika ang gate na ito, hindi ito pumipili ng mga ordinaryong
nilalang lamang. Maliban na lang kung may alam sa mahika. Pangahas ka kung tinangka
mong sirain ang mahikang inilagay ko sa kabuuan ng aking bahay."

Takot na takot na lumapit si Kim sa gate upang humingi ng tulong sa matanda.


"Tulungan nyo po ang kaibigan ko. Nagsasabi po sya ng totoo. Wala po talaga syang
intensyong sumali sa paligsahang ito. Wala po syang alam. Pinilit ko lang po syang
tumayo sa tapat ng gate na yan."

Tumalikod ang matanda at humarap sa bahay. "Wala sa aking kamay ang pagpapalaya sa
kanya, ito ang kanyang kapalaran."

Lumakas

muli ang hangin at biglang naglaho ang matandang lalaki.

Muling umingay sa paligid dahil sa mga bulungan ng mga tao. Hindi naman mapawi ang
iyak ng magkaibigan. Sinubukan muli ni Kim na tulungan ang kaibigan. "Ram, pasensya
ka na. Wag kang magalala hindi kita iiwan. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka
nakakaalis dyan."
Biglang sumulpot ang makisig na lalaking nakabangga ni Ram sa tapat ng bahay noong
nakaraan. Natigilan ang magkaibigan sa pagpupumilit makagalaw ni Ram. Laking gulat
ng dalaga ng makita nito ang mukha ng binata. "Ikaw?"

"Kilala mo sya Ram?"

Inalis ng binata ang kamay ni Kim sa pagkakakapit sa kaibigan. "Huwag mo syang


pigilan, lalo mo lang syang pinapahirapan. Hindi mo na sya maalis sa kinalalagyan
nya. Pinili sya ng liwanag at kahit sino pa sa inyo dito ngayon ay walang magagawa.
Kaya huwag mo na syang pakialaman."

Humarap kay Ram ang binata at bumulong ito. "Kung mgatitiwala ka lang sa akin,
matutulungan kita."

Ibinaling ni Ram ang kanyang mukha sa kaibigan na tila naguguluhan kung anong
gagawin. Dahil wala na syang ibang paraang alam para makawala, ang magtiwala sa
binata na lamang ang natitira nyang pag-asa. Muli syang humarap sa lalaki.

"Pumikit ka lang at pagaanin mo ang iyong katawan huwag mong pigilan ang iyong mga
kalamnan. Mabilis lang ang lahat. Huwag kang matakot."

Dumilat si Ram at tila nahirapan sa pinapagawa ng binata. "Imposible yang


pinapagawa mo! Bakit ba kita pagkakatiwalaan? Sino ka ba? Makaalis ako dito ng
walang tulong mo!"

May pagkainis na sa mukha ng binata dahil sa katigasan ng ulo ni Ram. "Kanina mo


pa pinipigilan ang katawan mo. Kapag ipinagpatuloy mo iyan madudurog ang buo mong
katawan. At yun ang ikamamatay mo!"

Lalong natakot si Ram sa narinig mula sa binata. "Kim, humingi ka ng tulong."

Hindi malaman ni Kim ang gagawin. Halos wala na syang marinig dahil sa
pagaalalala.

"Gawin mo lang ang sinabi ko. Hindi ka mapapahamak." Unti-unting naglalaho ang
binata na parang hinigop din ng mahiwagang gate. "Hihintayin kita sa loob." At
tuluyan ngang naglaho ang binata.
=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 8)

KABANATA 8

"ANG KAPALARAN"

"Naku ang tagal-tagal naman ng batang iyon. Saan na ba yun napunta?" pag-aalalang
bulong ng matandang si Ileta habang nakatanaw sa tindahan ni Aling Marta mula sa
kanilang gate. May dumaan na kapitbahay na pinag-uusapan ang babaeng nakapasok sa
bahay.

"Biruin mo, may makakapasok pa pala sa bahay nay un bukod kay Ka Idong," banggit
ng isang babae.

"Oo nga, pero nakakaawa naman yung babae. Napakabata pa nya. Tsaka parang hindi
taga-rito yung babaeng yun."

"Ganun ba? Baka naman talagang nagtataglay sya ng dugong mahireko ng hindi nya
alam kaya sya nakapasok dun."

"Naku, mapapahamak lang sya sa loob. Nakakaawa naman talaga," sagot ng isa pang
babae.

Sa pag-aalala ng tiyahin ni Ramses lumabas ito at hinanap ang pamangkin. Pupunta


sana sya sa tindahan ni Aling Marta upang magtanong nang makita nitong nakahadusay
si Kim sa kalsada at umiiyak. Agad nya itong nilapitan. Naawa sya sa itsura ng
dalaga. Nakaupo ito sa kalsada at nakayuko habang patuloy ang pagpatak ng kanyang
mga luha

sa lupa.
"Kin, anong ginagawa mo dyan? Bakit ka naiyak?" pagtatanong ni Ileta habang
inaalalayan si Ram sa pagtayo.

Napalingon naman si Kim sa tinig na narinig. Agad nitong niyakap ang matanda at
lalong humagulgol sa pag-iyak.

"Tiya... tiya.. si Ramses, si Ramses tiya," habang lalong humigpit ang


pagkakayakap nito sa matanda.

"Teka, teka Kim. Huminahon ka muna. Hindi kita maintindihan. Anong tungkol kay
Ramses?"

Tumigil sandali sa pag-iyak si Kim, inalis ang pagkakayakap sa matanda at tumingin


ito ng diretso sa kausap.

"Kasi─── kasi si Ramses po, kinuha po sya ng bahay," at muling umiyak ang dalaga.

"Teka, pa'nong mangyayari yun eh inutusan ko lang syang bumili sa tindahan ni


Aling Marta. Baka nagkakamali ka lang," mahinahong sabi ni Ileta na hindi
naniniwala sa sinasabi ni Kim na patuloy sa pag-iyak.

"Tiya nagsasabi po ako ng totoo, sinubukan namin ni Ramses na lumapit sa gate sa


pag-aakalang hindi kami mahihigop," tumigil saglit

ang dalaga at tumingin ng diretso sa matanda. "Pero biglang lumiwanag at bigla na


lang syang hindi makagalaw. Tapos, tapos may mga lumabas pang mga hindi namin
kilala mula sa bahay at sinabing kailangan ni Ramses pumasok sa bahay. At──bigla na
po syang nawala."

Natulala ang matanda at sandaling nag-isip. Naalala nya ang kapitbahay na dumaan
at nag-uusap tungkol sa babaeng nakapasok na bahay.

"Pero pano? Hindi sya lalapit sa bahay nay un basta-basta lang. Nangako sya sa'kin
Kim at alam mo yan!" naluluhang sabi ni Ileta.

"Opo alam ko kaya po humihingi ako ng tawad tiya. Hinamon ko po kasi syang lumapit
sa gate. Pe──pero hindi ko naman po alam na pwede pala syang makapasok dun," at
muling umiyak ng malakas ang dalaga.

"Ikaw? Bakit Kim? Bakit mo ginawa yun kahit alam mo namang pingbawalan ko na syang
lumapit sa bahay?! Ikaw pa na kaibigan nya ang nagpahamak sa kanya!"

Galit na galit ang matanda habang nakahawak sa mga balikat ni Kim.

"Hindi ko naman po alam, patawarin nyo na ko," hindi pa din mapawi ang pag-iyak ng
dalaga.

Umuwi ng bahay si Ileta na kasama

si Kim. Pagdating nya ay sumalubong si Iking sa may pintuan.

"Nay, san po ba kayo galing? Andito na po si tatay."

"O Ileta san ka nga ba galing? Naiwan mo yung niluluto mo kaya pinagpatuloy ko
na," pambungad na bati ni Rodi, ang asawa ni Ileta.

Ngunit tila hindi masaya ang mukha ni Ileta sa pagkakita sa asawa.

"Hinanap ko kasi si Ramse," pagpapaliwanag nito.

"Oo nga pala nasaan na ang batang iyon? May pasalubong ako para sa kanya."
Masayang tanong ng matandang lalaki habang tinatanaw si Ramses mula sa labas.

"Nasan ba sya? Bakit parang hindi nyo sya kasunod?

"Rodi, nasa loob na ng bahay si Ramses," napaluhang sabi ni Ileta.

Niyakap nya ang asawa. "Sinabi ko naman sa'yo na huwag na tayong bumalik dito.
Kapalaran na talaga ang gumagawa ng paraan."
"Pero paano nya nalaman ang tungkol sa bahay? Sinabi mo ba sa kanya?

Tumingin sa labas si Ileta at bahagyang tumigil sa pag-iyak.

"Nagtatanong sya sa'kin tungkol sa bahay, pero── pero wala akong sinabi na kahit
ano. Pinagbawalan ko pa nga syang lumapit dun at nangako naman sya.

"Masunuring bata si Ramses, gagawin nya kung anong ipinangako nya. Pero pano sya
nakalapit dun?"

Tumitig si Ileta kay Kim at mula sa labas ay hinawakan nya ito ng mahigpit sa
braso at hinila papalapit sa asawa. "Tanungin mo ang magaling na babaeng 'to.
Naturingang kaibigan ni Ramses, sya pa ng naging dahilan kung bakit lumapit si
Ramses sa bahay!" galit nag alit na pagpapaliwanag ng matandang babae.

Umiyak ng umiyak si Kim. Puro sallitang "Patawad" lamang ang lumalabas sa kanyang
bibig.

"Ileta, nasasaktan ang bata. Bitawan mo na sya," pagpigil ni Rodi sa pagkakahawak


ng mahigpit ni Ileta sa dalaga.

"Maupo muna tayo sa loob, 'wag kang matakot. Sabihin mo ang buong pangyayari para
maintindihan namin," inalalayan ni Rodi si Kim sa pagpasok sa bahay.

Bahagyang tumingin si Kim sa matandang si Ileta bago ito nagsalita. Inilahad nya
ang lahat-lahat ng nangyari kung paano nakalapit at

kinuha si Ramses ng bahay.

"Ganun pala. Wala na tayong magagawa kundi hintayin ang pagbabalik nya,"
mahinahong sabi ni Rodi matapos pakinggan ang kwento ni Kim.

"Pagbabalik? Hindi mo alam kung anong nagiintay kay Ramses sa loob Rodi. Kung ang
kapatid ko nga hindi na nagawang makalabas dun, pano pa si Ramses. Wala syang alam.
Kaya Rodi nakikiusap ako sa'yo tulungan natin si Ramses, gumawa tayo ng paraan,"
nagmamakaawang sabi ni Ileta.
"Wala na tayong magagawa Ileta. Ito ang kapalaran nya, pinili sya ng bahay dahil
may mga bagay na dapat syang tapusin. Mga bagay na hindi natapos ng kapatid mo."

"Iba si Ramses sa kapatid ko. Kaya nga ako nag-aalala para sa batang yun. Pinalaki
natin sya bilang isang normal na tao, at hindi bilang isang──."

"May kilala po akong makakatulong sa'tin. Pumunta po tayo kay Ka Idong."

Nagulat ang lahat sa sinabi nito. Lumapit sa kanya si Ileta at tumitig ito ng
matagal. "Anong sinabi mo? Anong alam mo tungkol kay Ka Idong?"

"Iha, hindi na namin alam kung san na nakatira si Ka Idong o kung andito pa din
sya sa baryo nakatira o hindi na. Wala na kaming balita sa kanya. Matagal na
panahon na din nung huli namin syang nakita. Yun eh yung mga panahong──"

At ipinagpatuloy ni Ileta ang sinasabi ng asawa. "Mga panahong kalalabas pa lang


nya sa bahay at dinala nya si Ramses sa'min."

Hindi naman maintindihan ni Kim ang mga pinagsasabi ng mag-asawa. "Alam ko po kung
san makikita ang bahay ni Ka Idong. Minsan na pong nagpasama si Ramses sa
pagbabasakaling makikita namin sya sa kagubatan.. At nahanap namin sya,"
pagpapaliwanag ng dalaga.

"Bakit naman pupuntahan ni Ramses ang bahay nay un?" Paguusisa ni Rodi.

"Gusto nya pong magpatulong sa pagpasok sa bahay, dahil gusto nyang malaman ang
tunay nyang mga tao at kung sino ang mga tunay nyang mga magulang. Pero nabigo
kami, pinagtabuyan lang naman kami ni Ka Idong at wala syang kahit anong sinabi
tungkol sa bahay," pagpapatuloy ni Kim.

"Tama Rodi, si Ka Idong ang makakatulong sa'tin. Puntahan natin sya," nabuhayan ng
loob ang matanda sa pag-asang si Ka Idong ay makakatulong sa kanila.

"Tayo na po. Bawat oras po ay mahalaga," at pinangunahan ni Kim ang pagpunta kay
Ka Idong.
Umalis silang tatlo at nagtungo sa gubat kung saan matatagpuan si Ka Idong.
Pinaiwan na si Iking sa bahay dahil nagbabakasali silang bumalik ng bahay si
Ramses.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 9)

KABANATA 9

"TEKAN AT MAHIKA"

"Maari mo nang imulat ang iyong mga mata."

Dahan-dahan namang imiulat ni Ramses ang kanyang mga mata. Agad syang nagulat sa
lalaking nagsalita.

"Sino ka? Nasaan na yung binatang kasama kong pumasok?"


"Ramses ako din yun."

Tinitigan ni Ramses ang mukha ng kausap.

"Ikaw? Pero bakit bigla humaba ang buhok mo? At tsaka ano yang suot-suot mo? San
ka makikipaglaban? Sinaunang baluti pa yan eh."

"Ganun talaga ang mga mahikerong tulad natin. Nag-iiba ang anyo natin sa mundo ng
mga tao. At kapag nandito na tayo sa Niraseya lumalabas ang tunay nating anyo."

"Natin? Pero normal na tao lang ako. Kayat hindi maari yang sinasabi mo."

"No era yo," at agad may lumabas na malaking salamin, "hayan, tingnan mo ang iyong
sarili."

Agad nagulat si Ramses ng makita ang kanyang suot-suot. At nagsalita lamang ng


kakaibang salita ang binata ay agad may lumabas na salamin.
"Bakit ganito ang damit ko? Paano 'to nangyari? Ano yung sinabi mo at biglang
nagkaron ng salamin dito?"

"Yan ang magpapatunay na isa ka talagang mahikera at dito taga dito ka sa


Niraseya. No era yo ang sinabi ko para mapalabas ang salamin na ito. Kayang-kaya mo
rin iyon, Ramses."

Hindi pa din maintindihan ni Ramses ang mga nangyayari. Hindi nya din alam kung
bakit sinasabi ng binatang iyon na isa syang tunay na mahikera at nabibilang sya sa
mundo ng Niraseya.

"Hindi, ikaw lang ang may kagagawan kung bakit ganito ang damit ko ngayon.
Ginamitan mo ako ng mahika."

Tumalikod sya at bahagyang naglakad palayo sa binata. Namangha sya sa kanyang


nakita. Ang mga kasama nya doon ay ang mga kalahok na may taglay na mahika. Tila
nagpapakitang gilas ang bawat isa sa kanila. May mga kakaiba syang naririnig na
salita na sinasabi ng mga ito at madaming bagay na ang lumalabas at nanngyayari.
May mga

biglang nagaanyong hayop. Ang iba naman ay nagbabago ng baluti at nagkakaroon ng


iba't-ibang armas. Marami ring nagsisiliparan na parang kasing gaan lamang ng
hangin ang kanilang mga katawan.

Muli nyang nilapitan ang binata ngunit nagalinlangan syang kausapin ito dahil tila
nagpapahinga ito. Tinabihan na lamang ni Ramses ang hindi maistorbong binata na
nakaupo sa lapag at nakasandal sa pader. Habang nakatingin sya sa mga kalahok ay
nagsalita na lamang sya kahit tila hindi nakikinig ang lalaking kanyang katabi.

"Hindi ko alam kung sino ka. Hindi ko alam kung sino sila. Hindi ko alam kung
bakit ako nandito o kung paanoako nakapasok dito. Wala naman akong mahika o agimat.
Hindi ako marunong makipaglaban. Mapapahamak lang akok dito." Napabuntong hininga
na lamang si Ramses at bahagyang napatingin sa binata at nagulat sya ng sumagot
ito.

"Pansinin mo ang mga kalahok tuwing binabanggit nila ang mga mahika nila."

Muling ibinaling ni Ramses ang kanyang tingin sa mga kalahok. Napansin nyang may
lumiliwanag sa may braso nila at tsaka lamang nangyayari ang mga gusto nilang
mangyari.

"Ano yun? Parang bracelet o kung anong hiyas."

"Lahat ng mga mahikero at may tekan. Kahit ikaw Ramses."

Agad naman tumingin si Ramses sa kanyang kamay. May parang bracelet nga doon na
kulay ginto ay may asul na bato sa gitna. Hindi nya agad ito napansin dahil akala
nya ay bahagi lamang ito ng kanyang suot na baluti.

"Wala naman itong kapangyarihan. Isa lamang itong ordinaryong bracelet. At isa pa,
wala akong suot na ganito nung pumasok ako dito kaya't mabuti pa ay hubarin ko na
lamang ito."

"Bakit hindi mo subukan. Mag-isip ka lamang ng gusto mong lumitaw dito. Basta
isipin mong mabuti at malinaw. Ang mga mahiwang salita ay lalabas sa batong
nakalagay sa iyong tekan."

Pinipilit tanggalin ni Ramses ang kanyang tekan.

"Bakit ako maniniwala sa'yo? Paano kung mapahamak lang ako?"

"Sa ilang sandal ay pipiliin na ang mga kalahok na mauunang magsisimula sa


paligsahan. Kung hindi mo alam gamitin ang iyong tekan ay kukunin yan ng kahit sino
sa mga halataw."

"Tama na! Wag ka nang magsalita! Hindi ko din naman naiintindihan ang mga sinasabi
mo eh."
Huminahon panandalian si Ramses at nag-isip.

"Sigurado ka bang hindi ako mapapahamak kapag ginamit ko 'tong bracelet na 'to?"

Tumango lamang ang lalaki. Tumayo ito at tumingin sa mga kalahok.

"Kapag nalaman mo na kung paano gamitin ang iyong tekan. Mas magiging malakas ka
pa sa lahat ng mga nandito ngayon."

Hindi talaga maintindihan ni Ramses ang mga sinasabi binata. Ngunit handa na syang
subukan kung totoong may kakayahan syang magpalabas ng kahit anong kanyang iniisip.

Pumikit pandalian si Ramses at inisip maige ang bagay na gusto nyang lumabas.
Ilang saglit pa ay muli na itong dumilat upang tumingin sa kanyang tekan. Nagulat
naman si Ramses ng may makita syang mga salitang lumabas sa asul na hiyas sa
kanyang tekan. Nagdalawang isip pa syang bigkasin ito ngunit gusto na nyang malaman
kung tama ba ang sinasabi ng binata.

Hindi naman makakasama sa'ken ang gustong lumabas kaya susubukan ko na. Bulong
nito sa kanyang sarili.
"Escogi esta ropa!" Biglang lumiwanag ang kanyang tekan at sya ay nasilaw. Nagulat
na lamang sya ng may

lumabas na isang lamesa na puno ng iba't ibang pagkain.

Namangha sya sa nakita.

Lumapit ang lalaki sa lamesang puno ng pagkain at tiningnan ang mga ito.

"Pagkain?"

Lumapit din si Ramses sa mga pagkain at tumikim ng ilang putaheng nakahain.

"Napakasarap! Kuhang-kuha ang mga luto ni Tiya Ileta. Gutom na kasi ako kaya
naisip kong mga pagkain ang lumabas. Isa pa ito ang unang pagkakataong gumamit ako
ng mahika. Mas mabuti na yung nagiingat."
"Ngunit sa ipinakita mo, mukhang sanay ka nang gamitin ang iyong tekan."

Biglang napahinto sa pagkain si Ramses. Naisip nyang magagamit nya ang kanyang
tekan upang makabalik sa mundo ng mga normal na tao. Bumalik sa isip ni Ramses kung
paano nya nakita ang binata sa labas ng bahay. Nagkaroon sya ng pag-asang makalabas
sa tulong na din ng binatang ito.

"Kung sino ka man, alamkong maiilabas mo ako sa lugar na ito. Natatandaan ko, ikaw
yung lalaking nakabangga ko. Ikaw

yung lalaking yun. Hindi ako nagkakamali. Kung ituturo mo sa'kin kung paano
makalabas dito, ibibigay ko sa'yo 'tong tekan ko."

Ngunit tila walang narinig ang binata. Tumigil pansamantala ang dalaga, napatungo
ito habang nakayakap sa kanyang mga tuhod at hindi nya napigilang mapaluha.

"Hindi ako ang makakatulong sa'yo." Mga katagang nanggaling sa binata. Nagulat si
Ramses at agad humarap sa binatang nakatayo.

"Hindi ikaw? Sino? Pero nakalabas ka na sa bahay, kaya alam kong may alam ka."

"Tulad ng narinig mo, wala akong magagawa para makalabas ka dito." Pagmamatigas na
sagot ng misteryosong binata. Tumingin ito sa mga mata ni Ramses na tila may
gustong ipahiwatig. Ang ningning ng kanyang mga mata na tila nagbababala.

Ito ang pangalawang pagtitigan ng dalawa. Ngunit sa pagkakataong ito mas natakot
si Ramses. Nakaramdam sya ng pagkalamig at paninindig ng balahibo. Kaya't minabuti
nyang iiwas ang kanyang mga mata at muling nagtanong sa binata.

"Paano ka napunta sa labas at nakabali dito ng ganun kabilis?" nanginginig ang


boses ng dalaga habang nagtatanong. Naglakad ang binata papalayo sa kanya.

"Saan ka pupunta? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!" Sa pagkakataong ito, para
bang nawala ang pagkatakot nya. Ang nais nya lamang ay malaman kung paano sya
makakabalik sa kanila.

Nararamdaman at naiintindihan ng binata ang gustong mangyari ni Ramses ngunit


magmamatigas sya. Huminto sya sa paglakad upang sagutin ang mga katanungan ni
Ramses.

"Hindi mo rin maiintindihan kahit sabihin ko pa sa'yo. Kaya mabuti pang huwag mo
nang alamin pa."

Hindi nagustuhan ni Ramses ang sinabi ng binata kaya tumayo ito at lumapit ito sa
kanya. Mula sa likuran ng lalaki ay nagsalita ito.
"Nakikiusap ako, para mo nang awa. Gusto ko ng umuwi. Natatakot ako dito. Isang
pagkakamali lang na nandito ako." Mahinahon syang nakiusap. Hindi na nya napigilang
umiyak. Malakas na iyak ang nalikha ni Ramses na nakatawag pansin sa ilang kalahok.
Naglingunan ang mga ito at tumingin sa kanya.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 10)

KABANATA 10

"Hangin"

Agad namang napansin ng binata ang mga mata ng mga kalahok na nakatingin kay
Ramses at tila may kung ano sa mga ngiti ng mga ito.

Nilapitan nya agad ang dalaga at niyakap ito. Nagulat ang dalaga ngunit hindi sya
makawala sa pagkakayakap ng binata.
"Anong ginagawa mo? Hindi ako makahinga," pagpupumiglas ni Ramses.

"Itigil mo yan. Itigil mo ang pagiyak," bulong ng binata.

"Anong─? Hindi kita maintindihan."

Tila nabawasan ang pagkalungkot ni Ramses dahil sa biglaang pagyakap sa kanya ng


binata.

"Tingnan mo ang mga kalahok na nandito. Nagambala sila ng pag-iyak mo. Walang
lugar dito ang mga duwag at mahihina kung ayaw mong mawala ng walang kalaban-
laban," pagpapaliwanag ng binata.

Napatingin si Ramses sa mga kalahok na malapit sa kanila. Parang nagbago ang


kaninang nagpapasikatan na ngayon ay parang nasa posisyon ng pagsugod.

"Anong dapat kong gawin?"


"Tatangalin ko ang pagkakayakap ko sa'yo. Sa sandaling mawala ang pagkakapit ko,
kailangang maging malakas ka. Huwag mong ipakitang natatakot ka. At dapat
maramdaman nila yun. Dahil kung hindi-"

Tila nagimbal si Ramses sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya. "Dahil kung hind-
ano?"

"Papatayin ka nila at hindi kita matutulungan."

Dahan-dahang inalis ng binata ang pagkakayakap nito sa dalaga. "Handa ka na?"


muling tanong nito.

Tumango si Ramses. Ang mukhang kanina ay nababalutan ng takot ngayon ay biglang


tumapang.

Pumikit saglit si Ramses, naalala nya ang mukha ng matandang pulubi na kumausap sa
kanya sa harap ng kanilang bahay. Biglang kumirot ang pilat sa kanyang palat at
napasigaw ito. Nabalutan sya ng malakas na hangin. Parang isang ipo-ipo umikot sa
kanyang paligid.
San nya natutunan ang ganyang pagpapalabas ng lakas? Bulong ng binata sa kanyang
sarili.

"Itigil mo yan kung ayaw mong mapahamak!" sigaw nito sa dalagang nababalutan ng
malakas na hangin.

Biglang napadilat si Ramses kasabay ng pagtigil ng hangin. Hingal na hingal ito.


Tumingin sya sa paligid nya at ang lahat ay tila namangha.

"Paano mo nagawa iyon? Akala ko ba'y wala kang alam na mahika?"

"Hindi ito ang unang beses kong nagawa yun." Umupo sya sa lapag dahil tila
nakaramdam sya ng pagkapagod.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nagawa ko na iyon nung nasa labas pa ko. Nung naramdaman kong kumirot ang pilat
ko bigla-bigla na lang hindi ko mapigilan ang sarili ko at kusang lumalabas ang
hangin."
"Ibig mong sabihin nakagamit ka ng mahika sa labas ng walang tekan?"

"Oo. Hindi ko maintindihan at hindi ko maipaliwanag. Pero parang nagkakaron na ako


ng dahilan para manatili dito sa Niraseya."

Lumapit ang binata sa kanya at tumabi it okay Ramses.

"Ngunit sa kalagayan mong yan, hindi ka pa maaring sumali sa paligsahan."

"Anong ibig mong sabihin? Kung hindi ako makakasali sa paligsahan, anong
mangyayari sa'kin?" pag-aalalang tanong ng dalaga.

"Huwag kang mag-alala. Pag nagbukas ang gate ng Niraseya dadalhin kita sa Silko."

"Ano naman ang Silko?"


Pakiramdam ni Ramses ay bagong panganak sya na napadpad sa bagong mundo dahil
maraming bagong salita syang naririnig.

"Ang silko ay paaralan para sa mga katulad mong hindi pa sanay sa mahika. Maraming
nagtuturo dun sa'yo. Marami ka ding makakasama doon galing sa iba't-ibang
kaharian."

"Pero paano ang paligsahan?"

"Ang paligsahan ay hindi pabilisan, kundi pagsunod ng tama sa sinasabi ng talaan.


At maraming pakikipaglaban, kaya kinakailangan mong magsanay."

"Hindi ko pa din maintindihan ang lahat. Pero handa ako sa kahit anong pagsasanay.
Handa na ako sa kahit anong nagiintay sa'kin."

Nagpapakita ng katatagan si Ramses kahit sa puso nya ay takot na takot ito. Gusto
nya pa ding makalabas sa lugar na iyon at bumalik sa kanilang bahay. Ngunit hindi
nya alam kung paano. At ang mga sinasabi ng binatang kausap nya na lamang ang
natitira nyang pag-asa.
Tinitingnan ni Ramses ang kanyang tekan at ang pilat nya sa kanyang kamay.

Sa isang dako naman sa hindi kalayuan ay may isang taong nakabalot ang buong
katawan ng isang itim na baluti ang nakatingin kay Ramses.

"Sige, maghanda ka para sa'ting paghaharap. Tingnan natin kung anong magiging
kapalaran mo," ang bulong ng misteryosong tao sa kanyang sarili habang tinatanaw
ang dalaga.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 11)

KABANATA 11

"Aragon"

"Alam mo kapag bumukas na ang malaking pintuan papunta sa kaharian ng Niraseya


dapat maging handa ka."
"Anong ibig mong sabihin? Akala ko ba ang malawak at mataas na silid na ito ay
Niraseya?" Pagtatakang tanong ni Ramses habang tumitingin sa paligid.

"Tama. Nasa Niraseya na nga tayo ngunit ito lamang ay isang daanan papasok sa
kaharian." Pagpapaliwanag ng binata.

"Di ba ang sabi mo magsasanay muna ako sa Silko upang maging handa?"

"Pero hangga't nandito ka sa Niraseya, dapat maging alisto ka dahil kung hindi─
maari kang atakin at paslangin ng kahit sino sa mga naririto ngayon." Sabi ng
binata habang itinuturo ang mga tao sa loob ng malawak na silid na kanilang
kinalalagyan.

Tinitigan ni Ramses ang bawat kalahok na naroroon. Naisip nya na sa taglay nilang
mahika ay kayang-kaya nilang pumaslang

ano mang oras.

"Huwag kang mag-alala, basta hindi nila nararamdamang natatakot o nanghihina ka ay


hindi ka nila susugurin."
Muli ay ibinaling ni Ramses ang tingin sa binatang kausap.

"Bakit ikaw? Isa ka rin sa kanila, hindi ba? Maari mo rin akong patayin."

Tumawa ang lalaki. Ito ang unang pagkakataong nakita ni Ramses na tumawa ito.
Napaisip sya na mukhang hindi naman mapanganib ang binatang kanyang kausap kaya't
gumaan naman ang kanyang pakiramdam. Nakatitig lang sya sa binata habang tumatawa
ito. Ngunit nagulat sya ng biglang tumigil ito sa pagtawa at naging seryoso ang
mukha. Tinitigan nito ang dalaga sa kanyang mga mata.

"Hindi nila ako katulad Ramses. Hindi ko kailangang pumaslang ng kahit na sino
para lang sa lakas o kung sa ano pa mang dahilan."

Hindi halos makagalaw si Ramses habang nakikinig sa mga sinasabi ng binata.

"Wala din akong alam sa mahika noon. Pero dito na ako natuto at nasanay ng mga
mahika at pakikipaglaban. Ilang taon akong nagtiis at nag-intay para sa isang
misyon." Pagpapatuloy nito.
"Sino ka ba talaga?" nanginginig si Ramses sa pagtatanong sa binata.

"Ako? Ako si Aragon."

Medyo matagal na din silang magkausap ni Ramses ngunit ngayon nya lamang sinabi
ang kanyang pangalan.

"Aragon, anong misyon ang sinasabi mo?"

"Lahat tayo dito ay may kanya-kanyang misyon. Kung magagawa mo iyon─" tumigil ito
at tumingin kay Ramses. "Mas maiintindihan mo kapag nasa kaharian na tayo."

"Sasamahan kita sa misyon mo. Wala naman akong alam sa lugar na ito kaya
tutulungan mo ako. Kung magtutulungan tayo, hindi ako mapapahamak at matutulungan
pa kita sa misyon mo." Nakangiting bigkas ni Ramses.

Nagulat ang binata. Agad itong umiwas ng tingin sa dalaga na parang balisa at
hindi mapakali.
"Hindi, hindi kita maaring isama."

"Pero bakit?" pagtatakang tanong ni Ramses.

Muling humarap sa kanya ang binata at mahinahong nagsalita.

"Sa lugar na ito dapat sarili mo lang ang pinagkakatiwalaan mo. Wala kang kakampi
kung ang iyong sarili lamang. Huwag na huwag kang aasa o hihingi ng tulong sa iba.
Dahil bawat isa dito ay mapanganib─ kahit ako."

Nais pa sanang magtanong ni Ramses ngunit bago pa sya makapagsalita ay pinutol na


ito ni Aragon.

"Kung gusto mong manatiling buhay dito at muling makalabas, sundin mo ang sinabi
ko. Sinisugarado ko sa'yo hindi ka mapapahamak.
Hindi nya alam kung bakit ganun ang kanyang mga narinig. Ngunit dahil nais nyang
makalabas ng bahay ay tinanggap nya lahat ng sinabi ni Aragon. Habang pinagmamasdan
nya ang mga kalahok sa kanilang paligid. Naisip nyang tama ang binata sa kanyang
sinasabi. Kahit sino sa mga kalahok na naandun ay nakakatakot pagkatiwalaan.

"Sige, tatandaan ko lahat ng sinabi mo. Hinding-hindi ako magtitiwala o aasa sa


kahit na sino." Buong loob na sinabi ni Ramses sa pagbigkas ng mga katagang ito.

Ang mga mata ni Aragon ay nagbago na naman. Ang ningning nito ay parang
nagpapakita ng kapanatagan dahil sa mga narinig mla kay Ramses. Parang nakahinga
sya ng maluwag at nawalan ng problema.

Ngunit hindi pa rin maintindihan ni Ramses ang mga nangyayari at wala pa din syang
alam sa mga sinasabi ni Aragon.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 12)

KABANATA 12

"Walang may sala"


Inabot na ng hapon sina Ileta, Rodi at Kim sa pagpunta sa gubat upang kausapin si
Ka Idong.

"Kim, sigurado ka bang tama itong dinadaanan natin? Kanina pa tayo naglalakad eh
wala pa tayong nakikitang bahay," hinihingal na tanong ni Rodi na tumigil saglit at
sumandal muna upang magpahinga.

"Palubog na ang araw, pero wala pa din ni bakas ni Ka Idong," dugtong ni Ileta.

Tumingin-tingin sa paligid si Kim na bakas pa rin ang pag-aalala at pagkatakot.

"Sigurado po ako Tiya Ileta, Tiyo Rodi. Ito po yung dinaanan namin ni Ramses.
Konting tiis pa po."

Hinigit ni Ileta ang asawang si Rodi mula sa pagkakasandal nito sa puno.

"Kailangan ni Ramses ang tulong natin! Nakuha mo pang magpahinga dyan. Sige Kim,
susundan ka namin, tumuloy na tayo."
Konting sandal pa ay natagpuan ng tatlo ang bahay ni Ka Idong. Agad nanakbo si Kim
upang makasiguradong ito nga ang bahay.

"Ito na nga po ang bahay ni Ka Idong," tuwang sabi ni Kim na medyo nabawasan ang
pagkakalungkot.

Nagmadali agad si Ileta upang makausap si Ka Idong. Malayo pa lamang ay sumisigaw


na ito.

"Ka Idong! Ka Idong!"

"Ileta, sandal. Magdahan-dahan ka naman. Hindi natin kabisado ang lugar na ito.
Baka kung anong lumabas dito," pagpipigil ni Rodi habang hinahabol ang asawa.

Patuloy ang pagkatok ni Ileta sa bahay at patuloy ang pagtawag nito sa taong
hinahanap. Panandalian syang huminto at nilibot ang munting kubo upang
magbakasakali na may iba pang daanan ang bahay ni Ka Idong.
Muli ay bumalik sya sa harap ng bahay. Humarap it okay Kim at tumitig na tila may
pagdududa.

"Sigurado ka ba na ito ang bahay ni Ka Idong? Itong pinagdalhan mo sa'min?" tanong


ni Ileta.

Nilapitan sya

ni Kim. "Sigurado po ako. Ito po talaga ang bahay nya. Hindi kop o alam bakit
walang nasagot. Pero dito po talaga yun." Paniniguradong sagot ni Kim.

Lumapit sya sa pinto. Hinaplos nya ito at yumuko. Inisip nyang sana magbukas ang
pinto tulad noong unang pagpunta nila dito ni Ramses.

Lumapit si Rodi, hinawakan nya sa balikat ang asawa.

"Mabuti pa bumalik na lang tayo. Mukhang wala dito si Ka Idong. Kim halika na at
baka hinahanap ka na din sa inyo."

Inalalayan nya ang asawa na tuloy pa din ang pag-iyak. Kasunod naman nila si Kim.
Ngunit tatlong hakbang pa lang ang kanilang nagagawa ay narinig nilang bumukas ang
pintuan.Lumingon agad si Kim sa pinto at agad tinawag ang mag-asawa.
"Tiya Ileta, ang pinto bumukas." Masiglang sigaw ng dalaga.

Nagkatinginan ang mag-asawa at agad lumapit kay Kim. "Rodi, nagbukas nga ang
pinto," masayang banggit ni Ileta.

Dahan-dahang binuksan ni Ileta ang pinto at pumasok sila sa bahay.

Madilim ang bahay ngunit dahil sa liwanag ng buwan ay tanaw ang maraming gamit na
nakabitin, may mga dahon, sanga at kung anu-ano pa ang makikita sa bahay na iyon.

Nagulat ang tatlo ng may biglang nagsalit sa loob ng bahay. "Anong kailanga nyo?"

Biglang nagliwanag ang bahay. Isang mataas at makisig na lalaki ang kanilang
nakita. Nakasuot ito ng isang puting balabal na halos balot na balot ang buong
katawan. Nakaupo sa sahig ang lalaki habang may hawak na mahabang tungkod.
"Ah, hinahanap po namin si Ka Idong," pautal-utal na sagot ni Ileta.

Lumapit si Kim sa lalaki. Tinitigan nya ito at tsaka bumalik sa tabi ng mag-asawa.

"Tiya Ileta, sya na po si Ka Idong," bulong nito sa matanda.

"Ano't─paanong?" pagtatakang tanong ni Ileta. Nagkatinginan lamang ang mag-asawa.

"Ka Idong, nagpunta kami dito para humingi ng tulong. Yung pamangkin ko po kasi,
nasa loob ng bahay," pagpapaliwanang

ni Rodi.

Tila nabigla si Ka Idong sa narinig. Ang mukha nitong nababalot ng dilim ay


biglang naaninag.

"Talagang tumuloy pa rin sya. Nabanggit nyo ba sa kanya ang nangyari sa nakaraan?"
patuloy na pagtatanong ni Ka Idong.
Naghawak ng mahigpit ang mag-asawa. "Hindi. Wala kaming binabanggit tungkol sa
bahay o sa pagkatao nya," pagpapaliwanag ni Rodi habang umiiling.

"Kung ganun, paano sya naging interesado sa bahay? Paanong napalapit sya dun?"
Paguusisang tanong nito.

Nilapitan ni Ileta ang kaibigan ni Ramses na si Kim. Hinawakan nya ito sa braso at
inilapit kay Ka Idong.

"Sya, itong kaibigan ni Ramses ang may kasalanan kung bakit nangyaring nakapasok
ang batang iyon sa bahay. Sige, sabihin mo. Ipaliwanag mo Kim kung anong ginawa
mo."

Ngunit luha at pag-iyak lamang ang nagawa ni Kim. Tila tinatanggap nya ang
kasalanang sinasabi ni Ileta.

"Tama na Ileta. Hindi ipapahamak ni Kim si Ramses. Pareho silang walang alam. Tayo
ang nagkulang, hindi natin sinabi kay Ramses ang

totoo." Pag-awat ni Rodi sa asawa.


Hindi napigilan ni Ileta ang umiyak. Naguguluhan na sya sa mga nangyayari at nag-
aalala sya sa kanilang pamangkin na itinuring na nilang sariling anak. Yumakap ito
sa asawang si Rodi. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Rodi."

Agad namang tumayo si Ka Idong. "Ito ang kapalaran ng bata. Sabihin nyo man o
hindi, babalik at babalik sya sa mundong pinanggalingan nya. Kaya walang dapat
sisihin sa mga nangyari. Nananalaytay sa dugo nya ang isang mahusay na mahikero at
magaling na mandirigma. At ito na ang araw ng pagbalik nya sa Niraseya."

Sinindihan ng matanda ang mga kandila sa kanyang bahay. Lalong lumiwanan ang
paligid. Maraming sandata ang nakasabit sa dingding. Samantala iba't-ibang
kasangkapan naman ang nasa mesa na tila ginagamit sa mahika.

"Hindi ko maintindihan, si Ramses taga saang lugar?" tanong ni Kim.

Tumango lamang ang mag-asawa at hindi na nagsalita.

"Ano na pong gagawin natin? Kailangan po ni Ramses ang tulong natin. Kailangan po
nyang makalabas ng bahay." Umiiyak

na sabi ni Kim habang pinapahid ang kanyang mga luha.


"Maari nating makausap ang bata. Ngunit ang mailabas ng Niraseya─?
Napakaimposible." Pagpapaliwanag ni Ka Idong habang lumalapit sa isang malaking
palayok.

"Anong tulong ang magagawa natin kung hindi rin naman sya makakabalik dito?" pag-
aalalang tanong ni Ileta.

"Bibigyan lamang natin sya ng mga babala tungkol sa Niraseya. At dapat mo nang
ipagtapat sa kanya ang totoo Ileta."

May inihandang kasangkapan si Ka Idong. Inilagay nya ito sa loob ng malaking


palayok. Hinalo nya ito gamit ang kanyang tungkod.

"May dala ba kayong kahit anong gamit na pagmamay-ari ng babaeng iyon?" tanong ni
Ka Idong habang patuloy ang paghalo sa palayok.

Nagkapkapan ang tatlo sa kani-kaniyang bulsa. Ngunit wala silang dalang kahit ano.

"Wala po kaming dalang kahit ano Ka Idong," pagtugon ni Ileta na patuloy pa din
ang pagkapkap sa kanyang kasuotan.
"Uuwi po ako para kumuha ng gamit ni Ramses," mungkahi ni Rodi.

Ngunit hindi ito nagustuhan ni Ka Idong. "Hindi! Matatagalan pa iyon. Masasayang


lamang ang oras natin. Oras na magbukas ang gate ng Niraseya ay hindi na natin sya
magagawang kausapin pa!"

Napatingin si Kim sa bracelet na ginawa ni Ramses para sa kanya. Hinawakan nya ito
at muli naalala ang kaibigan.

"Ito pong bracelet, pwede na po ba ito? Si Ramses po mismo ang gumawa nito, sya
rin po ang nagsuot sa'kin," hinubad ni Kim ag bracelet at iniabot kay Ka Idong.

Tiningnan ito ni Ka Idong at inilagay sa palayok.

"Magbabakasakali lamang tayo. Sana ay gumana ito dahil hindi naman talaga nya
pagmamay ari ang gamit na inilagay ko sa palayok. Kailangan ko ng kooperasyon nyo.
Kailangan nyong isipn ang batang iyon at maniwalang matatagpua natin sya."
Itinaas ng matanda ang dalawang kamay.

"Romla Vople Ap!"

Biglang humangin ng malakas. Lumiwanag ang palayok at may lumalabas na puting


usok.

Nagkapit kamay ang sina Ileta at ang dalawa nyang kasama. Isinasagawa na ni Ka
Idong ang salamangka. Pumikit sila at inisip na makikita nila si Ramses.

RAMSES. Pagtawag ni Kim sa kanyang isipan.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 13)

KABANATA 13

"Ang Katotohanan"
Biglang nagulantang si Ramses. Tila narinig nya ang boses ni Kim na parang
tinatawag sya.

"RAM!" Muli ay narinig nya ang kanyang pangalan na parang tinatawag ng kanyang tiya
Ileta.

Hindi mapakali ang dalaga. Paikot-ikot sya sa kanyang kinatatayuan at palingon-


lingon din sya sa paligid.

"Anong nangyayari? Bakit parang naririnig ko si Kim at si Tiya Ileta na tinatawag


ako." Pagbulong nya sa kanyang sarili.

Nilapitan sya ni Aragon dahil napansin nitong balisa ang dalaga.

"Ramses."

Nagulat sya sa pagtawag ni Aragon. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat.


Namumutla ito at kinakabahan.
"Ayos ka lang ba? Parang hindi ka mapakali," paguusisa ng binata.

"H─ha? A─yos lang ako. Medyo ninenerbyos lang. Pero ayos lang ako."

Hindi makatingin si Ramses sa mata ng binata dahil mahahalatang may bumabagabag sa


kanya.

"Mabuti pa ikukuha

kita ng traxan."

"Ano yun?"

"Lakas tubig yun dito sa Niraseya. Kukuha lang ako. Babalik din ako agad."

Pumunta sa isang sulok si Ramses habang nakuha ng traxan si Aragon.


"RAM, SUMAGOT KA!" Muling narinig ni Ramses ang tinig na parang nagmumula kay Kim,
tiya Ileta at tiyo Rodi nya.

"RAM, KUNG NARIRINIG MO KAMI SUMAGOT KA! KAUSAPIN MO KAMI!"

Kinakabahan, hindi mapakali at pinagpapawisan na si Ramses. Hindi nya alam kung


bakit nya naririnig ang mga tinig na iyon ngunit tumugon sya dito.

"Sino po kayo?"

"RAM, ANAK SI TIYA ILETA ITO. KASAMA KO ANG TIYO RODI MO AT SI KIM."

Napaluha naman sa tuwa si Ramses ng marinig ang tinig ng kanyang tiyahin. Hindi
sya nagkamali. Ang mga pamilyar na mga tinig na kanyang narinig ay mula sa mga
taong naiwan nya sa labas ng bahay.

"Tiya, paanong─ pa'no nyong nagagawang makipag-usap sa'kin?" Masayang pagtatanong


ni Ramses habang paikot-ikot pa rin ang paningin nya sa paligid.
"TINULUNGAN KAMI NI KA IDONG, ANAK," tugaon ng tinig ni Ileta.

"Salamat po. Maraming salamat po Ka Idong."

"WAG KANG MAGPASALAMAT. HANGGANG DITO LAMANG ANG MAGAGAWA NAMIN. KAILANGAN MONG
MAKIPAGTULUNGAN SABIHIN MO SA'KIN

KUNG NASAAN KA NGAYON!" Tanong ni Ka Idong.

"Nandito po sa isang malawak at malaking silid. Ito daw po yung harap ng gate ng
Niraseya. Ang isang malaking pintuan dito na mala-ginto ang kulay ata ang gate na
iyon. Madaming tao dito na iba-iba ang itsura. Gumagamit sila ng mahika."
Paglalarawan ni Ramses kay Ka Idong habang natingin sa paligid.

"MAG-IINGAT KA SA MGA TAONG NANDYAN. WAG KANG MAGTITIWALA SA KAHIT NA SINO,"


pagpapaalala ng tinig ni Ka Idong mula sa labas ng bahay.

"Naiintindihan ko po at alam ko din pong maari nila akong patayin oras na makita
nilang natatakot ako at nanghihina," pagtugon ni Ramses na para bang alam na alam
na nya ang gustong ibilin ng lalaking kausap.
"ISANG PALIGSAHAN ANG MAGSISIMULA AT KAILANGAN MONG MAGPAKATATAG PARA MATAPOS MO
IYON AT KUNG GUSTO MONG MAKALABAS NG BUHAY DYAN."

Nabalot ng pangamba ang mukha ni Ramses. Hindi nya nagustuhan ang huling binanggit
ni Ka Idong.

"Makalabas ng buhay? Ibig nyo pong sabihin maari ring─ hindi na ko makalabas dito
ng may buhay pa?" Tulalang tanong ng dalaga.

Pumatak muli ang kanyang mga luha dahil sa kanyang mga naisip na posibleng
mangyari.

"GANUN NA NGA. BASTA LAKASAN MO LANG ANG LOOB MO AT HUWAG KANG HIHINGI NG TULONG SA
IBA, DAHIL SENYALES IYON NA MAHINA KA AT HINDI KARAPAT-DAPAT PANG MAGPATULOY."

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Ramses. Nanginginig ang buo nyang katawan. Wala
syang maasahan kundi ang kanyang sarili lamang.

"Paano po kung ayoko nang magpatuloy?"


"HINDI KA NA MAKAKALABAS AT MAGIGING ALIPIN KA NG MGA HALATAW"

Parang napagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ni Ramses. Ang pag-asa nyang
makalabas ay hindi pala magiging madali. Wala syang magawa kundi sumunod sa daloy
ng palisahan, lakasan ang loob upang makapagpatuloy.

Pinahid nya ang kanyang mga luha. Tiningnan nya ang mga kalahok sa paligid.

"Paano po ako makikipagsalaparan sa mga nandito? Wala po akong kahit anong sandata
at hindi ko pa alam kung paano gumamit ng mahika mula sa tekan ko. Paano kung hindi
ako matuto sa Silko? Parang dito pa lang mapapaslang na agad ako."

"HUWAG KANG MAG-ALALA RAMSES. ITO ANG IYONG KAPALARAN. WALA KANG IBANG DAPAT GAWIN
KUNDI LAKASAN ANG IYONG LOOB AT MAGING BUSILAK ANG PUSO MO. MALALAMPASAN MO ANG
LAHAT. BAWIIN MO ANG DAPAT NA SA'YO. GAGABAYAN KA NG IYONG MGA MAGULANG. "

"Kapalaran? Magulang? Anong ibig nyong sabihin? Bakit nyo sinasabi sa'kin 'to?
Anong alam nyo sa kanila?"
Gulong-gulo ang isip ni Ramses. Mas pinagulo pa ng mga binatawang salita ni Ka
Idong.

"ANAK, PATAWARIN MO KAMI KUNG HINDI NAMIN NASABI NG MAS MAAGA. HINDI NAMIN ALAM NA
TATAWAGIN AT TATAWAGIN KA NG BAHAY. PATAWARIN MO KAMI ANAK."

Isang malungkot at nanginginig na tinig ng babae ang nagsalita. Tinig na alam


nyang nagmumula sa kanyang tiya Ileta.

Napahawak si Ramses sa kanyang ulo. Hindi niyo napigilang umiyak. Umupo ito ng
maayos at yumuko upang hindi mapansin ng mga kalahok sa paligid.

"Hindi ko maintindihan. Anong kinalaman ng mga magulang ko sa bahay? Sa Niraseya?


Paanong─ tiyo Rodi, tiya Ileta ano po bang totoo?"

Mahina lamang ang kanyang tinig. Ngunit bakas sa tono ng kanyang pananalita ang
galit ng naguguluhang isip.
"RAMSES ANAK, HINDI TALAGA NAMIN ALAM KUNG ANONG NANGYARI SA MGA MAGULANG MO. ANG
ALAM LANG NAMIN ANG IYONG AMA AY UMIBIG SA ISANG BABAE NA TAGA NIRASEYA. DUMATING
KA NA LANG SA'MIN NI KA IDONG."

Nalulungkot na pagpapaliwanag na tinig ng kanyang tiyo Rodi.

"Kung ganun, bakit hindi nyo agad sinabi sa'kin? Bakit pinaabot nyo pa sa ganito?"
patuloy na pag-uusisa ni Ramses.

Nakalma na ang tiya Ileta nya

kaya sya na ang nagpaliwanag.

"HINDI NAMIN INTENSYONG ITAGO SA'YO ANG KATOTOHANAN ANAK. PERO AYAW NAMING MAWALA
KA SA'MIN TULAD NG KAPATID KO. PINILIT KONG ILAYO KA SA BAHAY NA YUN. KAYA PINALAKI
KA NAMIN SA MAYNILA MALAYO SA KATOTOHANAN."

"WALA TAYONG PANAHON PARA SA PALIWANAGAN. IPINAGBABAWAL ANG PAGGAMIT NG MAHIKA SA


LABAS NG NIRASEYA. KAYA'T WALA TAYONG MAHABANG ORAS. ISA PA SA ILANG SAGLIT NA
LAMANG AY MAGBUBUKAS NA ANG GATE. KAPAG NANGYARI YUN, HINDI NA NATIN MAKAKAUSAP ANG
BATANG IYON MULA SA LOOB." Pagputol ni Ka Idong sa pagpapaliwanag ng matandang si
Ileta.

"Nasaan na ang mga magulang ko? Sabihin nyo Ka Idong."


"MALALAMAN MO DIN ANG KATOTOHANAN. NAKAUKIT SA IYONG PALAD ANG SAGOT SA'YONG MGA
KATANUNGAN."

Dahil sa mga narinig, nabuhayan ng loob si Ramses. Ang pangarap nyang malaman kung
nasan ang kanyang mga magulang ay nagkaroon ng pag-asa.

"Ang pilat sa kamay ko, anong kinalaman nito sa kapalaran ko? Sinong gumawa nito
sa'kin?"

"SI BHUFOLA."

"Sino si Bhuffola Ka Idong?" Paguusisang tanong ni Ramses.

"ANG BRUHANG SI BHUFOLA ANG PINAKAMASAMANG NILALANG NA NABUBUHAY SA NIRASEYA.


MALAKAS SYA AT MAKAPANGYARIHAN. MAG-INGAT KA DYAN RAMSES. INGATAN MO ANG IYONG
TEKAN. HUWAG NA HUWAG MO YANG TATANGGALIN KAHIT ANONG MANGYARI."

"Kung ito ang nakaguhit sa'king kapalaran mula ng ipanganak ako, tinatanggap ko ng
buong puso. Handa na kong harapin ang lahat."
Unti-unti syang tumayo mula sa kanyang kinauupuan.

"Hindi ko kayo sinisisi tiya Ileta. Ginawa nyo lang ang ibinilin ng mga magulang
ko. Makikipagsapalaran ako para sa kanila. At handang-handa na ako!"

Nagsusumiklab ang kanyang galit. Ang pagnanais nyang matagpuan ang kanyang mga
magulang at ang lakas ng loo bang nagbigay sa kanya ng lakas. May kung anong
liwanag ang lumabas sa kanyang tekan. Nagliwanag ang buong katawan nya. Naging
dahilan ito para makatawag ng pansin sa mga kalahok na nandun. Kahit si Aragon na
nasa di kalayuan ay agad lumapit sa dalaga. Nababalutan sya ng pulang liwanag. Di
nagtagal ay unti-unti din itong nawala. Ang liwanag sa kanyang tekan ay nagiwan ng
isang marka. Isang bilog na may hindi maintindihang letra sa loob nito.

"Ano pong nangyari Ka Idong?"

"IYAN ANG IYONG LAKAS. WALANG NAKAKAALAM NG IYONG KAYANG GAWIN KUNDI IKAW LAMANG.
TUKLASIN MO ITO NG BUONG LAKAS AT BUONG PUSO," pagtugon ni Ka Idong.

"Maaring hindi ko pa maintindihan ang lahat ngayon. Pero handa ko na itong


harapin." Habang tinitingan ang marka sa kanyang tekan ay bumugso ang pagnanais na
malaman ang lahat ng tungkol sa kanyang mga magulang.
=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 14)

KABANATA 14

"ANG HAMBRIA"

"Sinong kausap mo?" pag-uusisang tanong ni Aragon? Lumapit ito sa dalaga at


tiningnan ito.

Ngumiti si Ramses at tsaka sumagot. "Ang pamilya ko."

Lumingon si Aragon sa paligid.

"Nasa'n sila?"
"Wala sila dito. Hindi ko rin alam kung paano pero nakakausap nila ako at
naririnig ko sila," pagpapaliwanag ni Ramses.

Lumapit si Aragon at humarap kay Ramses. Tiningnan nya ito sa mata.

"Paano nila nagagawang kausapin ka mula sa labas? Mahika lang─ malakas na mahika
lang ang makakagawa noon," bulong nito sa dalaga.

Umiwas ng tingin si Ramses.

"Ewan. H─hindi ko din alam. Pero si Ka Idong lang ang gumagawa ng lahat ng 'to.
Kung ano man yun, hindi ko kayang ipaliwanag."

"Ka Idong? Sino sya? Paano nya nagagawang─?"

Biglang nanlaki ang mga mata ni Aragon.


"Hindi maari!" Agad nyang nilapitan si Ramses at hinawakan sa mga balikat.

"Ramses, sino sya? Anong alam mo? Kailangan mong sabihin sa'kin!"

Nabigla si Ramses sa ikinilos ni Aragon. Dahil sa pagkabigla ay hindi agad sya


nakasagot.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Aragon?"

"Pasensya na. Pero kailangan mong sabihin sa'kin paanong nagagawa ng Ka Idong na
yang makipag-usap sa'yo. Sino sya?" Mahinahong sagot ni Aragon habang inaalis ang
mga kamay sa pagkakakapit sa mga

balikat ni Ramses.

Nakatingin si Ramses sa binata habang hinahaplos ang kanyang mga balikat.


"Tulad ng sinabi ko Aragon, wala akong alam. Siguro dahil nanggaling na sya dito
sa Niraseya, kabisado na nya ang kanyang mga dapat gawin. Tsaka isa pa,
papaalalahanan lang nila ako. Wala silang ibang intension."

Bakas sa itsura ni Aragon ang pagkabalisa. Tila may gumugulo sa kanyang isip.
Habang tinitingnan sya ni Ramses ay napansin ng dalaga ang pagkabahala nito.

Magiging hadlang lamang sya sa gagawin ko. Ikakapahamak nya lang kapag nagpatuloy
pa 'to, pakikipag-usap ni Aragon sa sarili habang paikot-ikot sa kanilang
kinatatayuan.

Hinawakan sya ni Ramses sa braso na naging dahilan sa paghinto nito sa paglakad.


Tiningnan nya ang kamay na nakahawak sa kanyang braso at tumingin sa dalaga. Sa
pagkailang ng dalaga ay agad din nya itong binitawan.

"Ano bang problema? Kilala mo ba si Ka Idong?"

Umaliwalas ang mukha ng binata, ngunit parang may itinatago pa rin ang kanyang mga
mata.
"Ah─hindi. Iniisip ko lang ang pagbubukas ng gate at pagsisimula ng paligsahan.
Baka hindi na kita masamahan, kaya dapat huwag mong kalimutan ang mga paalala ko."

Nagbuntong hininga si Ramses. Yumuko ito at tsaka ngumiti. Ngiti ng kapanatagan.

"Oo naman. Salamat. Akala ko kung ano ng nangyayari sa'yo. Isa pa, nakakausap ko
sina Ka Idong, matutulungan nya ako sigurado," medyo naiilang na sabi ni Ramses.

Ngunit ang mukha ng binata ay nababalot pa rin ng misteryo na hindi mabasa ng


dalaga. Ang mga nito'y nag-aapoy ang kislap. Dahan-dahang tinanggal ni Aragon ang
pulang kapa na kanyang suot-suot. Lumapit ito kay Ramses at isinuot ito sa kanya.

"Aragon, para san 'to?" pag-uusisa ni Ramses.

"Ito ang magpoprotekta sa'yo sa mga mahika. Hindi ka tatablan ng kahit anong
klaseng mahika kapag suot mo 'to. Malaki ang magagawa nyan habang wala ako,"
pagpapaliwanag ng binata habang inaayos

ang kappa.

"Pero sa'yo 'to. Paano ka na? Alam mo hindi ko 'to matatanggap," nasa aktong
tatanggalin ni Ramses ang pagkakabuhol ng kapa ng bigla syang pinigilan ni Aragon.
Hinawakan nya ang kamay ng dalaga upang pigilin ito.
"Para sa'yo talaga yan Ramses."

Kinuha nya ang braso ng dalaga kung saan nakalagay ang kanyang tekan.

"Ang marka sa tekan mo at marka sa hambria ay iisa."

Tinitigan ni Ramses ang tekan. Naroon pa rin ang marking naiwan noong lumiwanag
ang kanyang katawan.

"Ano ang hambria?"

"Ang hambria ay ang kappa pamprotekta sa mahika. Para hindi talaban ng kahit anong
mahika. Masama, mabuti, di pangkaraniwan, mahina o malakas na mahika man yan,"
pagpapaliwanag ng binata.

Napanatag ang loob ni Ramses. Hindi na sya natatakot sa iba't-ibang kalahok na may
mahika.
"Meron ka pala nitong hambria, di mo agad sinabi. Eh di sanan hindi na ako umiyak-
iyak kanina doon sa likuran. Nakakahiya kaya yun."

Nakangiting sambit ng dalaga. Hinaplos nya ang hambria at tila tuwang-tuwa sya.

"Uy Aragon, salamat dito huh. Salamat talaga. Major major salamat."

"Huwag kang magpasalamat. Hindi ka nga maaapektuhan ng kahit anong mahika, pero
hindi ka rin makakalikha nito," dugtong ng binata.

Muli, naguluhan ang isip ni Ramses.

"Anong ibig mong sabihing─"

Hindi pa tapos magsalita ang dalaga ng may biglang malakas na tunog ng tambol ang
kanilang narinig. Dahil sa pagkagulat ay napalingon ito sa kanyang likuran. Ang
lahat ng kalahok ay nagsisilapitan sa harapan ng gate. Tumigil na sila sa
pagpapasiklaban at para bang naghahanda na ang mga ito.

"Anong ginagawa nila Ara─?"

Natigilan si Ramses dahil sa muli nyang pagharap sa binata ay wala na ito dun.

"Saan na nagpunta yun?" bulong nya sa kanyang sarili.

"Sila tiya Ileta nga pala. Bakit bigla silang nawala? Hindi ko na ulit sila
naririnig. Dahil ba dito sa kapang suot-suot ko?"

Lumapit na din si Ramses sa mga kalahok na nagkukumpulan sa harap ng malaking


gate.

"Magbubukas na ata ang daan papasok ng Niraseya."


Hindi maipaliwanag ni Ramses ang nararamdaman dahil sa bagong mundong kanyang
papasukin. Mundong kahit minsan ay hindi nya naisip tahakin. Baon nya ang mga bilin
ni Aragon pati na rin ni Ka Idong.

"Silko ang una kong pupuntahan. Kaya ko 'to. Hintayin nyo lang ako, inay, itay.
Malalaman ko din ang katotohanan," bulong nya sa kanyang sarili.

Dahan-dahang bumubukas ang malaking gate. Ang lahat ay nasisilaw sa liwanag na


nanggagaling sa labas. Ilang saglit lang ay nagbukas na ang daanan. Ang ilang mga
kalahok ay nagsimula nang magsipasukan sa loob. Habang si Ramses ay kinakabahan pa
din at hindi makaalis sa kanyang kinatatayuan.

A/N

Mga mahal kong mambabasa, pasensya na sa matagal at mabagal na progress ng story.


But next chapter nap o magstart ang real adventure ng ating bida. Mahanap nya kaya
agad ang silko? Magkaron kaya sya ng mga bagong kaibigan? Anong maabutan ni Ramses
sa loob ng Niraseya at paano nya haharapin ang bagong mundong naghihintay sa kanya?
Huwag po kayong magsasawang sumuporta sa Ramses in Niraseya. Don't forget to vote
and magcomment. Thanks. :)

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 15)

KABANATA 15

"ANG NIRASEYA"

Bumukas na ang malaking gate pero wala pa din masyadong makita si Ramses dahil sa
liwanag. Nasanay ata ang mata nya sa loob ng malaking silid.

Maya-maya pa ay may dalawang higante na syang nakita na nakatayo sa labas ng gate.


Hindi mapigilang mapahanga ng dalaga. Ngayon lang sya nakakita ng ganung kalaking
nilalang. Halos hanggang bewang lang sya nito.
Sa pagkamangha ni Ramses, hindi nya napansin na naglalabasan na ang mga kalahok.
Nakaramdam sya ng pagkatakot. Hindi nya alam kung anong naghihintay sa kanya sa
labas. Hindi nya alam kung paano haharapin ang bagong buhay sa mundo ng mahika.

Nakisunod naman sya sa mga kalahok na lumalabas. Ang ibang mga kalahok ay
naglalakad lamang. Ang iba naman ay lumilipad na parang ibon. Meron din namang
naging usok ang kalahati ng katawan. Pero si Ramses ay naglakad na parang isang
normal na tao sa kanilang mundo.

Namangha ang dalaga sa kanyang nakita. Halos katulad lang din ng kanilang mundo
ang Niraseya. Ang mga puno, lupa, tubig, maging ang buong kapaligiran ay magkatulad
na magkatulad. Maging ang paglubog ng araw ay katulad lang din sa mundong kanyang
pinanggalingan. Napangiti sya at medyo nabawasan ang kabang kanyang naramdaman.

Sa kanyang pagtingin sa paligid ay napatingala sya sa kalangitan. Ikinagulat nya


ang isang malaking bagay na parang planeta kasama ang isang maliit na buwan.
Iniisip nya kung yun ba ang

earth. Naisip nya ang kanyang pamilya na hindi din naman ganun nalalayo sa kanya
dahil kita mula sa Niraseya ang mundong pinanggalingan nya.
Ang mga kalahok ay kanya-kanya ng kwentuhan. May mga malalaking hayop din syang
nakita na sinasakyan ng mga ito. Sa patuloy nyang paglalakad ay nakakita sya ng
isang grupo ng mga kabataang kasing edad nya ang nagtitipon-tipon. Lumapit sya dun
upang magobserba.

Kakaiba ang kasuotan ng bawat nilalang na naandun. May mga kababaihang sobrang
igsi ng pambaba at labas na ang pusod. Natatawa si Ramses sa kanyang nakikita.

Tumayo sya sa pwesto ng mga kabataang mahikero at mandirigma. Patuloy ang


pagtingin nya sa paligid. Ang daming mga kakaibang hayop ang kanyang mga nakikita.
May isang babae pa dun na parang nasa ilalim ng karagatan sapagkat may mga
nakalutang na isda sa kanyang tabihan.

Habang nagmamasid si Ramses ay tumunog ulit ang isang malakas na tambol. Ang mga
kalahok na kasama nya sa loob ng silid ay unti-unting nawawala. Sila na lamang ng
mga mahikerong kasing edad nya ang natira.
Napakapit lang si Ramses sa kanyang tekan at napahaplos sa baluti ni Aragon.
Nakaramdam sya ng pagkalungkot sa mundong sarili nya lang ang kakilala nya.

Inay, itay, gabayan nyo po ang pakikipagsapalaran ko dito para sa inyo.


AUTHOR'S NOTE

Maigsi lang ba? Hihi kasi hindi ko maiilagay yung pictures nung mga lalabas na
characters kaya pinutol ko muna. Hihi.

Sino kaya ang unang magiging kaibigan ni Ramses? Mapagkakatiwalaan naman kaya ito?
Hmmmmm. Abangan ang susunod na kabanata sa bunay ni Ramses ngayong nasa Niraseya na
sya. :)

Pwede po kayong magiwan ng comments para sa suggestions o kahit ano pa man. Please
don't forget to vote. Subaybayan lang po ang Ramses in Niraseya until the end. :)

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 16)

KABANATA 16
"PAGSISIMULA"

Habang nagmamasid si Ramses sa paligid ay lumabas na isang matandang lalaki. Ang


lahat ng mga mahikerong kaedad nya ay nagsilapitan sa kanya.

"Maligayang pagdating sa mga baguhan. Ang inyong pagiging ganap na mahikero't


mandirigma ay dito magsisimula. Kaya pagbutihin nyo."

Nagbubulungan ang lahat na tila sabik na sa mga mangyayari. Humarap ang matanda sa
pintuan ng isang malaking palasyo.

"Maari na kayong pumasok ng Silko. Sumunod kayo sa'kin."

Biglang nawala ang matanda. Hindi nakita ni Ramses na bumukas ang pintuan ngunit
isa-isang nagsisipasukan ang mga baguhan sa loob.
Nang mapansin ng dalaga na nangongoti na ang mga kalahok sa labas ay
napagdesisyonan nya na ding pumasok. Nakipila sya sa mga nandun upang makapasok sa
loob.

Nang si Ramses na ang papasok sa loob ay bigla syang nakaramdam ng kaba.

"Huwag kang mag-alala.

Wala kang dapat ibang gawin kundi dumiretso," sabi ng isang babaeng nakapila din.

Ngumiti lamang si Ramses at nagbuntong hininga. Pumikit sya at naglakad ng mabilis


patungo sa loob ng pintuan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nauntog lamang si
Ramses at hindi nakapasok sa loob.

Ang lahat ng mga ibang baguhan na nakapila ay nagulat at nagbulung-bulungan.

"Ayos lang yan, ang kapatid ko ganyan din ang nangyari nung unang pagkakataon nya
dito sa Silko," muling sambit ng dalagang kasunod nya.

Tumabi muna si Ramses upang paunahin ang ibang baguhan na nasa pila.
"Bakit hindi ako makapasok?" Tanong ni Ramses.

"Hindi ko din alam." Sagot ng dalaga na nakatingin kay Ramses.

Hindi alam ni Ramses ang gagawin. Dahil kung hindi sya makakapasok sa Silko ay
wala na syang ibang mapupuntahan at hindi sya maaring lumahok sa paligsahan.

"Papayag ka ba sa gagawin ko? Para malaman lang natin kung anong dahilan at hindi
ka makapasok sa loob?" Masiglang tanong ng dalagang kausap ni Ramses.

"Ano bang gagawin mo? Natatakot kasi ako." Pag-aalalang sagot ni Ramses.

"Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita sasaktan." Tumayo ang dalaga sa harap ni
Ramses.

Nagliwanag
ang tekan ng dalaga at nabalutan ng isang pulang sinag ang buo nyang katawan na
parang apoy.

"Smir lew del mil edar!"

Biglang may bolang apoy na lumabas at papalapit ito kay Ramses.

Sa sobrang takot ay tinakluban nya ang kanyang buong katawan ng suot nyang
hambria.

"Alam ko na ang dahilan kung bakit hindi ka makapasok sa loob."

Dahan-dahang inalis ni Ramses ang pagkakatago sa suot nyang hambria at tumingin sa


dalagang nasa harapan nya.

"Ano bang ginawa mo? Papatayin mo ba ako?" Naiinis na tanong ni Ramses.


Tinanggal ng dalaga ang suot-suot na hambria ni Ramses at tiniklop ito ng maayos
tsaka inabot sa dalaga.

"Wala akong intensyong masama sa'yo. Isa pa, hindi nakakamatay ang bolang apoy na
iyon. Ang hambria na yan ang dahilan kung bakit hindi ka makapasok sa Silko."

"Pero mahalaga ang hambria na 'to. Ilalayo ako nito sa kapahamakan." Sabi ni Ramses
habang muling sinubukang isuot ang hambriang hawak-hawak nya.

"Oo nga. Pero hindi ka din naman nyang maliligtas. Pwede mo namang isuot yan ulit
kapag nakapasok ka na sa Silko. Pero kung hindi ka makakapasok sa loob, hindi ko na
masasabi ang siguridad mo dito sa labas."

Pumunta na ang dalaga sa tapat ng pintuan at higit-higit si Ramses.

"Kung gusto mo talagang makapasok, hindi mo isusuot yang hambria na yan."

Muling itiniklop ni Ramses ang hambria. Ngunit nagdadalawang isip pa din sya kung
yun nga ba ang paraan para makapasok sya sa Silko. Natatakot syang magtiwala dahil
yun ang bilin ni Aragon sa kanya.
"Handa ka na ba? Wala ka ng oras para mag-isip."

Huminga lang ng malalim si Ramses at tumingin sa kausap. Hindi naman mukhang


nakakatakot ang babae. Nakasuot ito ng maigsing damit na kulay pula at ang pang-
itaas naman nya ay tila isang makapal na damit ngunit medyo kita ang kanyang
dibdib. Ang buhok nito ay medyo mapula din ngunit nakaayos ito at nakatali gamit
ang balahibo ng hayop, tupa man o kung anong mabalahibong hayop ang pangtali nyang
iyon.

"Sige binibini, handa na ako."

"Mabuti kung ganun. Wala kang ibang gagawin kundi humakbang. Tayo na."

Tumango lamang si Ramses at pumikit habang humahakbang. Isa, dalawa, tatlo, apat,
lima. Limang hakbang pa lamang sya ng muling nagsalita ang dalagang kasama nya.

"Nandito na tayo. Pwede ka nang dumilat."

Nakita nya ang mga baguhan na nandun. Napakaganda


ng paligid na kanyang nadatnan. May isang malaking kastilyo sa kanilang harapan na
nababalutan ng iba't-ibang liwanag. Naisip ni Ramses na ganun ata talaga sa
Niraseya. Sa loob ng isang bahay ay isa pang lugar. Akala mo ay isang simple at
maliit na palasyo lamang ngunit sa loob ay parang isang bagong mundo na naman. Lalo
syang naengganyong matuto ng mahika.

"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong ng dalagang kasama nya.

"Ah, oo. Salamat sa'yo. Ako nga pala si Ramses."

Tila nagulat ang dalaga sa kanyang pangalan na narinig.

"Ikaw si Ramses?" Napalakas na sigaw ng kausap.

Agad namang kinuha ng dalaga ang kamay ni Ramses at tiningnan ang palad nito.

"Ang pilat na yan. Ikaw ang batang nakaharap na ni Bhufola. Ikaw nga si Ramses."
Muli ay hindi nya napigilan ang kanyang sarili sa pagsasabi ng pangalan ni Ramses.

Ang lahat ay napatingin sa kanila. Tila nahawi ang mga baguhan ng may lumapit na
isang babaeng nababalutan ang buong katawan ng hambria.

"Ano pang ginagawa nyo dyan? Pumila na kayo at papasok na tayo sa Teno."

Nakatingin lamang ang

babaeng iyon kay Ramses habang nagsasalita. Naramdaman ni Ramses na sumasakit ang
kanyang pilat sa palad. Hinigit ni Ramses ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ng
dalagang kasama nya.

"Mabuti pa pumila na tayo." Agad lumakad si Ramses at nakipila sa mga baguhan na


nandun.

Ang lahat ay nakatingin sa kanya na parang may mga bulung-bulungan at pangungutya


na bakas sa kanilang mga mukha.

Dali-dali namang sumunod ang dalagang kanyang kasama. Nagmadali ito upang maabutan
si Ramses.

"Ako nga pala si Ryona. Kinagagalak kong makilala ang katulad mo."
"Ako din."

Nakapila na ang dalawa ng biglang kinausap sila ng isang lalaking nasa kanilang
unahan.

"Ako nga pala si Perus. Ikaw si Ramses di ba? At ikaw si─"

"Ryona."

"Ryona. Kinalulugod ko kayong makilala, lalo na ikaw Ramses."

Ngumiti lamang si Ramses kahit hindi nya maintindihan ang mga sinasabi ng kanyang
mga kausap.

"Sino yung babaeng lumapit sa'tin kanina?" tanong nya kay Ryona.
"Sya si Madam Nema. Isa sya sa nagtuturo ng mahika. Magiging guro din natin sya."
Sagot ni Perus sa katanungan ni Ramses.

"Ah ganun ba? Anong unang ipapagawa

sa'tin dito? Ano ba yung teno? Pag-uusisang tanong ni Ramses.

"Ang Teno ang silid pamulungan. Dun tayo nagtitipon-tipon kapag kakain at kapag may
mahalagang anunsyo si Maestro Boro. Sya yung matandang lalaki kanina na bumati sa
mga baguhang tulad natin."

Kakaiba talaga ang mga pangalan at lugar sa loob ng Silko. Hindi sigurado si
Ramses kung matatandaan nya ba iyon lahat.

"Mukhang ang dami mo namang nalalaman Perus."

"Dapat marami kang alam kapag pumasok ka dito. Pinag-aralan ko yun binibi. Sana
ganun ka din."

"Napakayabang naman nito." Naiinis na sagot ni Ryona.


Nakapasok na sila sa Teno. Puro lamesa at upuan lamang ang nandun. Parang isang
malaking piging ang magaganap sa dami ng pagkain. Tumingala si Ramses at puro
makikinang na bituin lamang ang kanyang nakita. Parang abot kamay lang ang mga
bituing nakikita nya pati na din ang mga bulalakaw na dumadaan.

"Napakaganda ng mga bituin." Nakangiting sabi ni Ramses.

"Hindi mga tunay na bituin yan. Isa lamang mahika ang mga yan, ginawa iyan upang
mas mapaganda ang Teno." Pagpapaliwanag ni Perus.

"Ganun ba. Napakahusay mo naman. Madami kang nalalaman." Paghanga ni Ramses sa


binata.

Nakapila

sa gitna ang mga baguhan. May mga nakaupo sa unahan kabilang sina Maestro Boro at
Madam Nema. May isang malaking tatsulok ang nasa unahan ng mga baguhan.

"Nagagalak ako na madaming baguhan ngayong taon. At kinagagalak ko din na


nakarating na rin sa wakas si Ramses sa ating mundo," panimulang bati ni Maestro
Boro.
Nagulat si Ramses sa espesyal na pagbating iyon at pagbanggit ng kanyang pangalan.
Hindi nya inaasahan ang ganun kaya naman medyo nakaramdam sya ng pagkahiya.
Tumingin sya sa matanda at ngumiti lamang.

"Ngayon ay titingan natin kung saang grupo kayo makakabilang. Sa Rune o sa Arc. Ang
triyanggulong inyong nakikita ay ang Trikuna. Ito ang magdadala sa inyo sa grupong
inyong kabibilangan."

"Anong ibig nyang sabihin?" Bulong ni Ramses kay Ryona.

"Papasok tayo sa Trikuna para malaman kung sa Arc ba tayo o sa Rune. Ang sabi nila,
may bahid ng kadiliman ang mahika mo kapag sa Arc ka napunta." Pagpapaliwanag ng
dalagang si Ryona.

"Magsimula na tayo!" Sabi ng matanda at umupo na muli sa unahan.

Nakaramdam si Ramses ng matinding kaba. Hindi nya alam kung anong klaseng mahika
ang mayroon sya. Hindi nya alam kung may bahid ba iyon ng kasamaan.

Ilang kalahok na ang naitalaga sa kanilang grupo. Si Perus na ang sasalang sa


Trikuna.
"Hmmmm. Malawak ang kaalaman, madaming kayang gawin. Mahusay sa paggamit ng
mahika.Bagay ka sa Rune!" Pagaanalisa ng Trikuna.

Biglang nawala si Perus sa loob ng Trikuna at napunta sa upuan kung saan nakaupo
ang grupo ng Rune.

Si Ramses na ang papasok sa Trikuna at wala syang alam sa kung anong mangyayari sa
kanya. Tumingin si Ramses sa ibang mga nandun. Huli syang tumingin kay Maestro
Boro. Ngumiti lamang ang matanda.

AUTHOR'S NOTE

Saan kayang grupo mapupunta si Ramses? Sino kaya ang mga bago nyang kaibigan?
Kaibigan ba talaga sila o kaaway?
Hinabaan ko na po ang kabanatang ito. Dahil ito na yung simula ng tunay na
pakikipagsapalaran ni Ramses. :)

Gusto ko pong malaman ang inyong mga komento. At wag kalimutang magvote. Subaybayan
lamang ang mga mangyayari kay Ramses ngayong mag-aaral na sya ng mahika.

:)

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 17)

KABANATA 17

"KAMANGHA-MANGHA"

Dahan-dahang humakbang si Ramses papasok ng Trikuna. Isang malaking tatsulok ang


Trikuna na parang isang malaking kristal. Kapag nasa loob ka na ay may liwanag na
parang salamin ang magkukulong sa'yo sa Trikuna habang inaanalisa kung saang grupo
ka nabibilang. Ang boses na nagmumula sa Trikuna ay mahika na nagsasabi ng
kakayahan ng isang kalahok. Magliliwanag ang Trikuna kapag nakapili na sya ng
grupong kabibilangan ng kalahok na nasa loob at ang kalahok na ito ay biglang
mawawala at mapupunta sa kanyang mga magiging kagrupo.

Ang lahat ay nakatingin kay Ramses habang nasa loob na sya ng Trikuna. "Maraming
katanungan, puro katanungan. Pursigidong matuto. Matapang, mapapalakas ng Arc ang
iyong mahika. Pero hindi malakas na mahika ang iyong layunin. Ikaw ay nababagay sa─
Rune!" Biglang nagliwanag ang Trikuna at nawala si Ramses. Napunta sya sa tabihan
ni Perus na katulad nyang napunta sa grupo ng Rune.

Tumayo si Maestro Boro at pumalakpak, nagpalakpakan din naman ang lahat ng mga
katulad nilang baguhan at nakatingin kay

Ramses. Isang magandang ngiti naman ang ibinalik ni Ramses sa mga ito.

Si Ryona ay sa grupo din ng Rune napunta kasama ni Ramses. Masaya si Ramses dahil
meron na syang kaibigan sa lugar na iyon. Ang lahat ay naitalaga na sa kani-
kaniyang grupo. Biglang nabalutan ng katahimikan ang paligid. Tumayo si Maestro
Boro upang muling batiin ang mga baguhan sa Silko.

"Muli binabati ko kayong lahat. Kayo ang aming magiging bagong estudyante dito sa
Silko. Dapat maging handa kayo sa inyong mga gagawin araw-araw. Meron kayong
sampung araw para matuto, pagkatapos noon ay maari kayong lumahok sa paligsahan ng
mga mandirigma at mahikero sa Mirnoff. Ngunit kung mas nais nyo pang matuto ay
maari kayong manatili dito hanggang matutunan nyo na lahat." Pagpapaliwanag ng
matanda.

"Ako si Maestro Boro, ang namumuno dito sa Silko. Ang mga kasama ko dito sa unahan
ay ang inyong mga magiging tapagturo sa iba't-ibang larangan ng mahika at
pakikidigma. Kung mayroon kayong mga katanungan ay maari kayong lumapit sa kanila,"
pagpapatuloy nito.

"Balvor Ronoz Buevaz Ankon!" Sigaw ni Maestro Boro habang ikinakampay ang kanyang
mga kamay sa iba't-ibang direksyon.

Ilang saglit pa ay nagsigalawan ang mga bituing nakalutang sa may kisame ng Teno.
Umikot-ikot ito sa lahat ng tao doon. Manghang-mangha ang lahat dahil sa ganda ng
kanilang nakikita. Tila abot kamay na

nila ang mga makikinang na bagay na iyon na katulad ng isang bituin. Ilang saglit
pa ay naipon ang mga mumunting liwanag na ito sa buong lamesa ng dalawang grupo.

"Kyambro Veni!" muling sigaw ni Maestro Boro. Ang mga bituin ay isa-isang bumabalik
sa itaas habang naglalabasan ang mga masasarap na pagkain. Tuwang-tuwa ang mga bata
hindi lang dahil sa mahikang kanilang nasaksikhan kundi dahil na din sa masasarap
na pagkaing sumambulat sa kanilang harapan.

"Sa inyo ang gabing ito. Magsaya tayong lahat sa pagsisimula ng inyong araw bilang
mahikero at mahikera."

Pinagmasdan muna ni Ramses ang mga taong nasa kanyang paligid. Ang iba ay sabik na
sabik sa pagkain. May iba namang nag-aagawan pa sa mga pagkaing nakahain na doon.
Sa sobrang dami ng pagkain, hindi malaman ni Ramses ang kanyang unang titikman. Si
Ramses ay nakaupo sa may gitna ng kanilang grupo. Isang napakahabang hapag-kainan
ang kinauupuan ng bawat grupo at ang buong hapag kainan na iyon ay punong-puno ng
pagkain. Sa buong buhay nya ngayon lang sya nakakita ng ganoong karaming pagkain.
Sa kanyang pagtingin sa paligid ay napansin nyang nakatingin si Madam Nema sa
kanya. Nginitian lamang nya ito ngunit walang kahit anong reaksyon ang babae. Muli
ay naramdaman ni Ramses na sumakit ang kanyang pilat sa palad.

"Ramses, hindi ka ba kakain?" Pagtatanong ni Ryona. Naalis ang pagkakatingin ni


Ramses kay Madam Nema at nabaling kay Ryona. "Ayos ka lang ba? Parang namumutla ka
ah," pagpapatuloy

ng dalaga.

"Ayos lang ako, kumain ka lang dyan." Sagot ni Ramses habang nakuha ng malaking
hita ng manok.

Hindi nagtagal ay natapos na din ang mumunting piging na iyon. Muli ay pinahanay
sila upang dalhin sila sa kani-kanilang silid.

"Ako si Ginang Dutri ang maghahatid at magtuturo ng inyong silid at magsasabi ng


ilang mga lugar dito sa loob na bawal puntahan. Ang hindi sumunod ay mapaparusahan.
Nagkakaintindihan ba tayo?" pagpapaliwanag ni Ginang Dutri habang hawak-hawak ang
isang malaking bituing sa kanyang palad.

Ang mga mumunting bituin na iyon ang nagsisilbing liwanag sa buong Silko. Maging sa
labas ng kastilyong iyon ay may iba't-ibang kulay ng bituin na iyon na nagbibigay
kulay lalo sa sa hating-gabi.
"Kayo ay hindi pinapayagang pumasok o pumunta sa mga lugar na hindi nararapat sa
mga baguhan." Muling pagpapaalala ni Ginang Dutri.

"Paano po namin malalamang bawal kami sa lugar na iyon? Sa laki nitong Silko baka
maligaw kami." Paguusisang tanong ni Perus.

"Isang magandang katanungan iyan. May ibibigay ako sa inyon babasahin upang malaman
nyo ang mga patakaran dito sa Silko at kung anong mga ipinagbabawal na lugar."
Pagsagot ni Ginang Dutri habang itinataas ang kanyang kaliwang kamay kung saan
nandun ang kanyang tekan.

"Bukpat Ruge Aran!"

Ang lahat ng tekan ng mga baguhan ay nagliwanag at may lumabas na isang makapal na
aklat.

"Yan ang

librong inyong gagamitin habang kayo ay nandirito sa Silko. Kaya wala kayong
dahilan upang lumabag sa patakaran," muling pagpapaliwanag ng matanda.

"Ngunit napakakapal nitong aklat na ito. Kulang ata ang sampung araw para mabasa
'to," pagrereklamong tanong ni Ryona habang tinitingnan ang aklat na nasa kanyang
harapan.
"Hindi nyo kailangang basahin ang aklat na yan. Magtanong lang kayo at kusa ng
bubukas ang aklat sa pahinang magbibigay kasagutan sa inyong tanong. Ang kailangan
nyo lang gawin ay pakinggan ang sasabihin ng aklat."

"Pakinggan? Hindi basahin?" pagtatanong ng isang baguhan mula sa grupo ng Arc.

"Oo." Inilagay ng matanda ang kanyang kaliwang braso kung saan nandun ang kanyang
tekan sa kanyang harapan. "Bukpat," at lumabas ang aklat ng patakaran katulad ng
nasa harapan ng mga baguhan.

"Ano ang Teno?" pagtatanong ni Ginang Dutri sa aklat. Ang aklat ay nagsimulang
bumukas at naglilipat-lipat ng pahina. Ilang sandali lang ay huminto na ang aklat
at biglang may tinig silang narinig.

"Ang Teno ay silid-pulungan kung saan nagtitipon-tipon ang lahat ng nasa Silko
kapag kakain at may mahalagang anunsyo si Maestro Boro. Ito ay matatagpuan sa unang
palapag ng kastilyo. Ang lahat ay pinapayagang makapasok dito." Pagkatapos mawala
ng tinig ay bigla ding nagsara ang aklat na nasa harapan ni Ginang Dutri.

"Naiintindihan nyo na ba ngayon ang mga sinasabi ko? Ang bawat pintuan ng silid
dito ay may nakasulat na pangalan para hindi kayo mahirapang magtanong sa inyong
aklat," pagpapaliwanag

ng matanda. "Bukpat" at biglang nawala ang aklat sa harapan ng matanda.


Ang lahat ay namangha sa aklat na iyon. Dahil para sa katulad ni Ryona na ayaw
magbasa ay madaling mahanap ang kanilang gustong malaman. Ang iba ay sinubukan ding
magtanong sa aklat na iyon upang makita kung ano ang kayang gawin ng aklat. Dahil
doon ay nagkaron ng konting ingay na hindi nagustuhan ni Ginang Dutri.

"Itago na ang inyong mga aklat. Ihahatid ko na kayo sa inyong silid. Ang unang
silid na ating madadaanan ay para sa grupong Arc. Sumunod kayo." Naglakad muli si
Ginang Dutri patungo sa silid ng Arc. Ang daanan ay hindi ganun kalakihan. Ang
bawat posteng kanilang madadaanan ay may mga nakakabit na bituin. Ang bawat bituin
ay nagliliwanag habang dumadaan sila at namamatay din kapag nakalampas na ang bawat
isa sa kanila.

Hindi maalis ni Ramses ang pagkamangha sa kanyang mga nakikita at nararansan sa


lugar na iyon gayong hindi pa nagsisimula ang kanilang pag-aaral ng tunay na
mahika.

Tumigil si Ginang Dutri at humarap sa mga baguhan. "Ang pulang pintuan na ito ay
ang silid ng Arc. Sa kanang bahagi ang silid ng mga babae at sa kaliwa naman ang
silid ng mga lalaki. Nasa bawat silid nyo na ang inyong mga gamit kaya wala na
kayong dapat ipag-alala. Wala nang lalabas pagsapit ng alas dyes ng gabi. Nag-iikot
si Mang Zonro gabi-gabi upang tingnan kung sinong hindi sumusunod."

Pumila ng ayos ang grupo ng Arc. Humiwalay ng pila ang babae sa lalaki at isa-isa
nang nagsipasukan sa kani-kanilang silid. Pinagmamasdan lang ni Ramses ang mga
baguhan sa kanilang pagpasok.

Ngunit may isang dalagang matalim ang pagkakatingin sa kanya. Hindi nito inalis ang
tingin kay Ramses hangga't hindi ito nakakapasok sa loob.
"Pakibilis-bilisan ang pagpasok." Pagpapaalala ni Ginang Dutri.

Tila natulala si Ramses at hindi agad nakapagsalita. Kinulbit nya si Ryona upang
magtanong. "Ryona, sino ang babaeng yun? Yung parang asul ang suot na baluti?"
Mahinang tanong ni Ramses na parang kinakabahan.

Tumingin si Ryona sa babaeng tinutukoy ni Ramses. "Naku, yan si Rettie. Kilala ang
pamilya nya sa paggamit ng itim na mahika. Kung ako sa'yo hindi na ko
makikipagkaibigan sa kanya."

Hindi na nakatapos magpaliwanag si Ryona dahil nagpatuloy na sila sa paglakad


papunta sa kanilang silid. Hindi naman kalayuan ang kanilang silid mula sa silid ng
grupo ng Arc.

"Ang asul na silid na ito ang silid ng Rune. Ang sa kanan ay sa mga babae at sa
kaliwa ay sa mga lalaki. Magsipag bihis na kayo at magpahinga dahil mahaba ang
magiging unang araw nyo dito sa Silko." Umalis na si Ginang Dutri matapos
magpaliwanag.

Ang lahat ay nagsipasukan na sa silid. Naiwang nakatayo si Ramses sa may pintuan ng


silid ng mga babae at nakatingin lamang sa mga kasamang nagsisikuhanan ng kanilang
mga gamit.
Nilapitan naman sya ni Ryona. "Anong problema Ramses? Hindi ka ba magpapalit ng
damit?"

Nalungkot ang mukha ni Ramses sa kanyang narinig. "Ryona, wala naman akong gamit na
nadala galing sa mundo namin kaya't paano ako magkakaroon ng gamit dito?"

"Ramses!" Sigaw ng isang babaeng nagaayos ng gamit.

Agad namang napalingon si Ramses sa babaeng nagsalita. "Bakit?"

"Makikipagpalit ako sa'yo ng higaan. Dun ka na sa may tabihan ni Ryona. Ayos lang
ba?" Pagpapatuloy ng dalaga.

Agad namang tumango si Ramses at hindi naga muling nagsalita.

"Salamat. Inilipat ko na dun ang mga gamit mo, medyo may kabigatan yun ha."
Biglang nanlaki ang mga mata ni Ramses. Nagtaka sya kung paano syang nagkaroon ng
gamit dun dahil wala naman syang kahit anong dala mula sa kanilang mundo.

"Halika na mag-ayos na tayo ng gamit ng makatulog na tayo." Pagyaya ni Ryona sa


kanya at dumiretso na ito sa higaan nila ni Ramses.

Hindi maipaliwanag ni Ramses ang kanyang nararamdaman. Wala syang kahit anong ideya
kung ano ang laman ng bagahe na iyon. Pero sabik syang makita kung anong klaseng
gamit ang mayroon sya ngayong nasa ibang mundo na sya.

*RAMSES IN NIRASEYA*

Yun muna para sa kabanatang ito. Anong tingin nyo? Okay ba? O hindi okay sa inyo?
Gusto kong malaman ang inyong mga palagay. Please do vote and comment. And salamat
sa pagsubaybay sa Ramses in Niraseya. Kahit paano ay umuusad naman ang reads natin.
:)

*MelaBrio*
=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 18)

KABANATA 18

"UNANG ARAW"

Magkatabi ang higaan nila Ryona at Ramses. Ang lahat ay nag-aayos ng kani-kanilang
mga gamit. Agad hinanap ni Ramses ang mga gamit na sinasabi ng kanyang kasama.
Nakita nya itong nakalagay sa tabihan ng kanyang higaan. Isang maleta na kulay pula
at may kulay gintong diesnyo ang hawakan at tabihan nito. Nakaukit ang pangalan nya
sa hawakan ng maletang iyon. Napansin nyang may isang simbolo sa harapan ng maleta
na katulad ng simbolo sa kanyang tekan. Hindi nya alam ang ibig sabihin ng
simbolong iyon. Nagtaka din sya kung paano sya magkakaroon ng gamit gayong galing
sya sa kabilang mundo at unang pagkakataon palang nyang nakarating sa Niraseya.
Nagmamadali nyang binuksan ang maleta upang makita ang laman noon.

Isang itm na hambria ang kanyang nakta na may simbolo ng Silko na katulad din ng
mga nasa gamit ng mga kasama nya doon. Ang sapatos, damit at iba pang kasuotan na
laman ng kanyang maleta ay tila mga uniporme ng Silko. Nawalan ng gana si Ramses na
tingnan pa ang ibang laman ng maleta. Naisip nyang wala namag kakaiba sa mga nakita
nya dahil lahat naman ng mga baguhan ay ganun din ang gamit. Nagtataka lamang sya
kung sinong naghanda at nagdala ng maletang iyon para sa kanya.

"Ryona, sadya bang binibigyan ng gamit ang mga baguhan dito sa Silko?" pagtatanong
ni Ramses habang
inaayos ang mga damit sa kanyang maleta. Tumawa si Ryona sa narinig mula kay
Ramses. "Ano bang sinasabimo?"

Muling kinuha ni Ramses ang mga laman ng kanyang maleta at ipinakita kay Ryona.
"Tulad ng mga ito," habang hawak-hawak ang itim na hambria na may simbolo ng Silko.

"Ramses, ang aking ina ang naghanda ng mga gamit na dadalhin ko dito. Ganun din ang
iba pang baguhan," sabay turo sa mga kasama nila sa silid. "Kahit pare-pareho pa
tayo ng uniporme, hindi pa din yun nanggaling sa Silko. Tanging mga armas at ibang
gamit pangmahika lang ang binibigay nila," paliwanag ni Ryona.

"Pero kasi─" hindi natapos ni Ramses ang sasabihin dahil may biglang kumatok at
bumukas ang pintuan.

"Reve Nir, Maestro Boro!" bati ng lahat sa pumasok na matanda kasama si Madam Nema.

"Reve Nir. Mukhang marami na sa inyong nakapaghanda ng mga gamit," pagsasalita ni


Maestro Boro habang naikot sa loob ng silid. Tumigil sya sa harapan nila Ryona at
Ramses. "Ang mga gamit nyo ay sadyang inihanda para sa pananatili nyo dito sa
Silko." Tumingon sa kay Ramses at kumindat sa kanya.

Nagulat si Ramses sa nakita at nagtaka sya.


"Kami ay aalis na. Magpahinga kayong lahat dahil maagang magsisimula ang inyong
klase," pangwakas na sabi ni Maestro at lumabas na ng silid.

Ang mga baguhang nandun ay nagsihiga na at isa-isang namatay ang liwanag na nagmula
sa bituin. Maging si Ryona ay handa na sa pagtulog ng mapansin nyang nakaupo pa si
Ramses.

"Hindi ka pa ba matutulog, Ramses?" pagtatanong nito sa dalagang tila malalim ang


iniisip.

"Ha─matutulog na din. Reve Nir, Ryona," mahinang sabi ni Ramses.

Napatawa ng malakas si Ryona na hindi inaasahan ni Ramses at ikinagulat ng madami.

"Shhhh!" sabi ng mga baguhang nagsisimula ng matulog. Agad namang hininaan ni Ryona
ang pagtawa at tumingin kay Ramses. "Reve Nir ay pagbati Ramses." Umupo ito at
humarap sa kausap. "Parang magandang araw, magandang umaga, tanghali, hapon o
gabi."
Namula naman ang mukha ni Ramses sa pagkapahiya. "Ganun ba? Pasensya na, wala kasi
akong alam dito sa mundo nyo."

"Nandito nga tayo para matuto." Muling humiga si Ryona. "Kaya kung hindi ka pa
matutulog baka mahuli ka sa klase natin bukas," nagtalakbong na sya ng kumot.

Humiga na din si Ramses para matulog. Naalala nya ang pagkindat sa kanya ni Maestro
Boro. Iniisip nya kung sya ang nag-ayos ng mga gamit nya. Habag nag-iisip si Ramses
ay nakatulog na ito. Tumahimik ang paligid at namatay na din ang lahat ng liwanag.

Lumipas ang magdamag at muling sumikat ang araw. Maraming grupo ng ibon ang biglang
pumasok sa loob ng bawat silid ng mga baguhan kabilang na ang silid nila Ramses.
Ang mga ibon ay grupo-grupong pumunta sa bawat higaan ng mga nandoon at inangat ang
bawat kumot ng mga natutulog. Tiniklop ng mga ibon ang bawat kumot gamit ang
kanilang mga tuka. Ang lahat ay nagising at natuwa sa kanilang nakita.

Matapos magtiklop ng mga ibon ay dahan-dahan nilang inilapag ang mga kumot sa bawat
higaan at nagsilabasan na sa mga bintana ng silid.

Ilang sandal pa ay narinig na nila si Ginang Dutri na nagsasalita mula sa labas ng


pintuan. "Magsipaghanda na kayo. Pagkatapos nyong kumain ay magsisimula na ang
inyong klase. Luminya na kayo at magtungo na sa Teno."

Ang lahat ay nagsipagbihis na. Isinuot nila ang isang puti at mahabang kasuotan na
tila isang bistida. Ang kanilang sapatos ay pare-parehong itim na may diamante sa
dalawang tagiliran. Huli nilang isinuot ang itim na hambriia na may simbolo ng
Silko. Ang lahat ay nakapila na sa labas maliban kay Ramses. Iniisip nya kung
isusuot nya ang hambriang ibinigay ni Aragon o hindi.

"Ramses, mahuhuli na tayo!" sigaw ni Ryona mula sa labas ng silid. Itinago ni


Ramses ang hambriang bigay ni Aragon sa kanyang maleta at lumabas sya ng silid
upang pumila.

Ang lahat ay nag-umagahan sa Teno kabilang na si Maestro Boro at ang mga guro ng
Silko. Ang bawat isa doon ay bakas ang pagkasabik sa kanilang magiging unang klase.

Matapos ang umagahan ay nagtungo na ang mga baguhan sa kanilang unang klase.
Pumasok sila sa isang silid na puro armas ang nasa paligid. Malaki ang silid na
gawa sa bato. Maraming baluti na gawa sa bakal ang nandun. May mga espada, mga
pana, mga malalaking palakol at iba pang mga sandata ang nakasabit sa batong pader.

Lumabas ang isang lalaki sa kanilang harapan at ang lahat ay tumingin sa kanya.

"Reve Nir! Ako si Ginoong Yaku, ang inyong magiging guro sa paggamit ng sandata o
armas," pambungad nito sa mga baguhan.

May isang malaking bagay sa unahan nila na may taklon na itim na tela. Tinanggal ni
Ginoong Yaku ang telang ito. Isang batong mesa ang kanilang nakita na may nakalagay
na iba't-ibang sandata.
"Ito ang mga sandatang inyong gagamitin." Nagbulungan ang mga baguhan na may mga
ngiti sa kanilang mukha. Ngunit hindi kayo ang pipili ng sandata na inyong
gagamitin," pagpapatuloy nito. Nawala ang ingay sa paligid sa pagkagulat sa
kanilang narinig. "Ang sandata ang pipili sa inyo," dugtong ni Ginoong Yaku.

Nagtaas ng kamay si Rettie upang magtanong. "Paano pong sandata ang pipili sa'min?"

Dumampot ng espada si Ginoong Yaku. "Simple lang. Hindi lahat ng armas na ito ay
kaya nyong hawakan at buhatin. Kung mabubuhat nyo man ito ay may hindi magandang
mangyayari sa inyo habang hawak-hawak ang sandatang hindi pumili sa inyo," sagot
nito at muling ibinalik ang espada sa mesa. "Ngunit dahil kayo ay mga baguhan, wala
pa kayong kakayahang buhatin ang sandatang hindi para sa inyo. Kaya kung sa unang
hawak nyo palang sa sandata ay nabigatan na kayo─ maari na kayong pumili ng iba."

Ang lahat ay nasasabik malaman ang sandatang para sa kanila. Kaya hindi na ito
pinatagal pa ni Ginoong Yaku. Humarap sya sa mga baguhan. "Simulan natin sa grupo
ng Arc ang pagpili."

Pumila ang Arc upang hanapin ang sandatang para sa kanila. Habang si Ramses ay
nakakaramdam ng kaba dahil ngayon lamang sya makakahawal ng mga ganoong sandata.
Tinitigan nya ang mga sandata sa mesa at pinagmasdan ang mga ito. "Alin sa mga yan
ang para sa'kin?" bulong nito sa kanyang sarili.

Habang abala si Ramses sa pag-iisip ay tinitingnan naman sya ni Rettie na parang


may hindi magandang ibig sabihin. Pumaling lamang sa mesa ang kanyang tingin ng sya
na ang pipili ng sandata. Bago nya angatin ang espada ay tumingin muna sya kay
Ramses. Nagkatinginan silang dalawa, parang may namumuong alitan sa kanilang mga
tinginan.
"Sige, pagmasdan mo kung paano ko piliin ang pinakamalakas na sandata," bulong ni
Rettie sa kanyang sarili. Itinapat nya lang ang kanyang kamay sa espada ay kusa na
itong umangat. Agad hinawakan ni Rettie ang espada at ngumiti. Nagpalakpakan ang
lahat kabilang si Ginoong Yaku. Ngumiti si Rettie at muling tumingin kay Ramses.

*RAMSES IN NIRASEYA*

Sana po ay mag-iwan kayo ng comments and please don't forget to vote. Thank you so
much sa patuloy na pagbasa ng Ramses in Niraseya. Abangan po kung anong sandata ang
mapupunta kay Ramses at sino si Rettie.

Pwede nyo po akong ifan, para sa mga readers na hindi pa po fan. You can also check
my other stories. Thank you so so much. :)

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 19)

KABANATA 19
"PAANO NANGYARI?"

"Ngayon nakapili na ng kanya-kanyang sandata ang grupo ng Arc. Grupo naman ng Rune
ang susunod na pipili. Magsihanay na kayong lahat," utos ni Ginoong Yaku.

Ang mga nasa grupo ng Rune ay nagsihanay na upang pumili ng kanilang sandata. Unang
pumili si Perus ng sandata at ang isang malaking palakol ang kanyang nakuha.
Pinaikot-ikot nya ito sa kanyang mga kamay na parang isang magaan na bagay.
Nagpalakpakan ang lahat dahil sila ay napahanga sa ginawa ni Perus. Sumunod si
Ryona sa kanya. Una nyang hinawakan ang isa sa mga espadang nasa mesa ngunit hindi
nya ito naiiangat kaya lumipat sa ikalawang sandata. Ang isang berdeng palaso ang
nakuha ni Ryona at masayang-masaya sya dito dahil magaling sya sa paggamit nito.
Muli ang lahat ay nagpalapakan.

"Ang susunod na pipili ay─" napatigil si Ginoong Yaku at napatitig kay Ramses. "Ay
si Ramses."

Tumahimik ang lahat na lalong nagpakaba sa dalaga. Ang lahat ay nakatingin sa kanya
at inaabangan kung anong sandata ang kanyang makukuha. Hindi maiwasan ni Ramses na
mapansin ang kakaibang tingin ni Rettie habang hawak-hawak ang espadang pumili sa
kanya. Nagbuntong

hininga si Ramses. Tumitig sya sa mga sandata na nasa mesa. Ang unang sandata sa
kanyang harapan ay ang espada. Ngunit hindi nya agad ito dinampot. Ang karet na may
kadena ang kanyang unang hinawakan. Parang kung may anong bagay sa kamay ni Ramses
at biglang napapaangat ang sandatang ito. Mahina lamang ang palakpakan ng mga
baguhan. Nagtaka si Ramses kung bakit ganun lang ang palakpakan ng mga tao sa
paligid. Napatingin sya kay Rettie at nakita nya itong umiiling-iling lang at
nakangiti.

Ilang sandali pa ay natapos na ang pagpili ng sandata. Ang lahat ay natuwa sa


kanilang mga nakuha maliban kay Ramses.

"Ryona, hindi ako marunong gumamit ng sandata. Lalo na 'tong karet na ito.
Nakakatakot gamitin." Bulong ni Ramses sa kaibigan habang ipinapakita kay Ryona ang
hawak-hawak na sandata.

"Bakit kasi yan ang napunta sa'yo?" mahinang sagot ni Ryona na parang nalulungkot
sa napili ni Ramses.

Ang lahat ay humarap sa likuran upang ipakita ni Ginoong Yaku ang mahika ng bawat
sandatang nakuha ng mga baguhan. Habang abala ang lahat sa pakikinig ay hinigit ni
Ryona si Ramses pabalik sa mesa ng sandata.

"Anong ginagawa natin dito Ryona? Baka mahuli tayo ni Ginoong Yaku?" Pag-aalalang
tanong ni Ramses na medyo nanginginig pa.
"Susubukan nating palitan yang sandata mo, Ramses." Nagulat si Ramses sa narinig
mula sa kaibigan. Kinabahan sya bigla at hindi alam kung anong gagawin. "Ilapag mo
na yang karet at pumili ka na ng iba," utos ni Ryona.

"Pero di ba ang sabi ni Ginoong Yaku ang sandata ang pipili sa'yo?" Kinakabahang
sabi ni Ramses habang ibinababa sa mesa ang karet na kanyang hawak.

"Oo nga. Susubukan lang naman natin eh. Kung wala kang mabuhat sa mga yan, eh di
mananatili ang karet sa'yo." Pagpapaliwanag ni Ryona. "Bilisan mo na. Baka mapansin
ni Ginoong Yaku na wala tayo sa hanay."

Muli ay tinitigan ni Ramses ang mga sandatang nandun. Ayaw nya sanang pumili dahil
kahit alin naman dun ay hindi nya alam gamitin. Inuna nyang itapat ang kanyang
kanang kamay sa isang espada. Bago pa man nya mahawakan ang espada ay lumutang ito
sa hangin na ikinagulat ng magkaibigan. Sa sobrang takot ay ibinaba ni Ramses ang
kanyang kamay at kasabay noon ang pagbalik sa pwesto ng espada.

"Anong ibig sabihin nun Ryona?" Natatakot na tanong ni Ramses. Pawis na pawis sya
at nanlalamig. Sinubukang itapat ni Ryona ang kanyang kamay sa espadang iyon ngunit
wala namang nangyari. "Hindi ko alam Ramses. Pero baka kakahayan mo na talagang
mapasunod ang mga sandata. Subukan mo nga sa iba pang sandata."

Nilapitan ni Ramses ang isang palakol, isang malaking pakalakol na halos kasing
laki na din nya. Naisip nyang imposible nang lumutang sa hangin ang sandata dahil
sigurado syang may kabigatan ito. Bago nya itapat ang kanyang kamay sa palakol na
iyon ay tumingin muna sya kay Ryona. Tumango lamang ang dalaga na medyo bakas ang
pagkasabik sa maaring mangyari. Muli ay itinapat nya ang kanyang kamay

sa palakol. Ilang segundo ang lumipas ngunit hindi umangat ang palakol. Gumaan ang
pakiramdam ni Ramses at napangiti. Tumingin sya muli kay Ryona na hindi pa din
inaalis ang pagkakatapat ng kanyang kamay sa sandata. "Ryona, walang nangyari.
Nagkataon lang siguro." Masayang sabi ni Ramses.

"Anong ginagawa nyo?" Biglang may nagsalitang babae mula sa kanilang likuran. Sa
sobrang gulat ay medyo napalapit ang pagkakatapat ni Ramses sa malaking palakol.
Bigla itong lumutang sa hangin at umikot-ikot. Nakatawag pansin ito sa mga baguhan
na nandun kabilang na ang nagtuturong si Ginoong Yaku. Hindi alam ni Ramses ang
gagawin. Ang palakol ay tila papalapit sa kanya na parang sumusugod. Sa sobrang
takot ni Ramses ay iniharang nya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha upang
maiwasan ang pagtama ng palakol sa kanya.

Ang lahat ay natakot na matamaan si Ramses. Mabilis na lumipad si Ginoong Yaku


papalapit kay Ramses upang pigilan ang palakol ngunit nagulat sya sa kanyang
nakita. Ang hawakan ng palakol ay dahan-dahang lumapat sa kamay ni Ramses. Kahit
ang dalaga ay nagulat. Hinawakan ni Ramses ang palakol. Tumingin sya kay Ryona
ngunit nawala ito sa tabihan nya. Nakita nya na lang na nakahiga ang kaibigan sa
sahig at nawalan ng malay.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Galit na sigaw ni Ginoong Yaku. Inilapag ni
Ramses ang palakol sa mesa sa sobrang takot at muli ay dumampot ng sandata.

"Pasensya

na po Ginoong Yaku. Sinubukan ko lang naman pong palitan yung nakuha kong sandata
dahil hindi ko po alam ang paggamit nun." Nakayukong pagpapaliwanag ni Ramses at
agad nitong nilapitan ang nakahigang kaibigan. "Ryona, Ryona bumangon ka dyan."

"Sa shil grewa!" Tinig ng babaeng nagtanong sa kanila bago pa man lumutang ang
palakol. Biglang nagkamalay ang si Ryona. Dahan-dahan itong bumangon sa tulong ni
Ramses. Pabalik na sila sa kanilang hanay na pinagtitinginan ng lahat ng biglang
may humarang na babae.

"Isa ka pa manding baguhan pero kung anu-ano ng mga pagsuway ang ginagaw mo!"
Tiningnan ni Ramses ang babaeng nagsasalita. Nagulat sya na si Madam Nema pala ang
kanilang kaharap. "Dapat parusahan ang mga katulad mo."

"Nema, klase ko 'to kaya ako na ang bahala sa kanila." Pag-awat ni Ginoong Yaku.
Tila nainis si Madam Nema sa narinig. Nagpalit sya ng anyo bilang isang itim na
ibon at lumabas ng silid.

"Ramses, ilang sandata ang sinubukan mong hawakan?" Nakatitig ng diretso ang
kanilang guro sa kanya. Hindi agad nakasagot si Ramses sa sobrang takot. "Da─dalawa
lang po."

"At anu-ano yun?" Dahan-dahang naglakad si Ginoong Yaku papalapit sa kausap.

"Ako po ang pumilit sa kanyang palitan ang karet na sandata." Nanginginig na sabi
ni Ryona habang nakaharang sa kaibigan.

"Inuulit ko Ramses, anu-ano yung mga sandatang sinubukan mong hawakan?"


Naninikip ang dibdib ng dalaga sa sobrang takot na baka may mangyari sa kanyang
hindi maganda. "Esapada at palakol lang po."

Nakalapit si Ginoong Yaku sa dalaga at hinawakan ito sa kamay kung saan hawak-hawak
ni Ramses ang sandatang dinampot nya sa mesa. "Espada at palakol? Itong hawak mo,
hindi mo ba isasama?" Inangat nya ang kamay ni Ramses. Nagulat ang dalaga na ibang
sandata na ang hawak-hawak nya at hindi na ang karet na una nyang nakuha. Hindi
maipaliwanag ni Ramses kung paano nya nahahawakan ang mga sandatang nandun. Lalo na
ang hawak-hawak nyang sandata.

A/N

I'm very sorry kung madami pong typo errors. Let me know po kung saang part and
kung saan yung hindi malinaw. Para mapaliwanag ko po and maayos ko. Thanks sa mga
nagvote and comment. Sa mga hindi pa nagvovote and nagcocomment, hindi pa huli ang
lahat. Lalo na yung mga hindi pa ko pina-fan, naku hindi pa huli. Fan nyo na po
ako. Hihin. Thanks a lot. Supportahan ang Ramses in Niraseya until the end. :)

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 20)

KABANATA 20
"TENIVIS"

Sandatang parang malaking karet ang itsura ng hawak-hawak ni Ramses. Ang talim nito
ay paikot at matulis ang bawat dulo. Mahaba naman ang hawakan nito at payat na
parang buto ng tao na nakalagay sa may dulong bahagi ng patalim. Halos kasing taas
lang ni Ramses ang sandata kaya nagtataka ito kung paano nya iyon nabuhat.

"Isa syang mandaraya!" sigaw ni Rettie na papalapit kina Ramses sa unahan. "Bihasa
sa mahika ang babaeng yan kaya sya nakakapagpalit ng kahit anong sandata." Matalim
ang tingin ni Rettie sa dalaga.

Nanginginig si Ramses sa kanyang narinig. Natatakot sya sa kung anong maaring


mangyari sa kanya. "Hindi totoo yan. Wala akong alam sa mahika kaya't paano
mangyayari ang sinasabi mo?" pagpapaliwanag ni Ramses. Lumapit sya muli sa mesa at
inilapag ang sandatang hawak nya at muling dinampot ang unang sandatang kanyang
nakuha.

"Nakita nyo na? Ganun na lang kadali sa kanyang kuhanin ang sandatang iyon? Hindi
ba nakakapagtaka na tayong lahat ay nahihirapang magawa ang tulad nun." Pag-aakusa
ni Rettie. Ang lahat ay tila sumang-ayon sa pahayag ni Rettie. Umingay ang paligid
dahil sa usapan.

"Magsitigil kayo!" sigaw ni Ginoong Yaku. "Walang basehan ang akusasyon mo Rettie.
Posible

ang nagagawa ni Ramses─" tumigil sya sandal at tumingin sa dalaga. "Wala akong
karapatang akusahan si Ramses ng kahit ano. Ang mga nakakataas lamang ang may
karapatang magpataw ng parusa sa kanya. Yun eh kung mapapatunayang nandaraya sya."
Lumapit sya kay Ramses. "Ibalik mo ang sandatang iyan sa mesa."

"Pero bakit po? Wala po talaga akong alam sa mga sinasabi ni Rettie. Wala po akong
alam sa mahika. Ngayon lang po ako nakarating dito kaya imposible po lahat ng mga
sinasabi nyo." Itinago ni Ramses ang hawak na sandata sa kanyang likuran.

"Huwag kang mag-alala. May isang sandatang naghihintay sa guhong bahagi ng


Niraseya. Walang sinuman ang makakuha noon, kahit si Maestro Boro." Pagpapaliwanag
ni Ginoong Yaku. "Maari kayong magsanay gamit ang inyong mga sandata habang wala
ako," dugtong pa nito.

Ang lahat ay nagsanay gamit ang kanilang bagong sandata. Marami sa kanila ang
madaling natuto sa paggamit ng mga ito. Ngunit meron din namang tila hindi
makasundo ang sandatang nakuha nila. Ang ilang mga sandata ay nagsisilutangan kapag
nabitawan ng may hawak nito. Hindi nagsasanay si Rettie at nakatingin lamang kay
Ramses habang kinakausap ni Ginoong Yaku.

"Sumunod ka sa'kin Ramses." Utos ni Ginoong Yaku habang naglalakad palabas ng


silid. Naiwan sa loob ang mga baguhan. Tanging si Ramses lamang ang nakalabas
kasama ni Ginoong Yaku.

"Nakikiusap po ako, huwag po kayong maniwala kay Rettie. Wala po talaga akong
ginagawang masama." Naluluha na si Ramses ngunit tuloy pa din ang pagpapaliwanag
nya kay Ginoong Yaku.
Nakarating sila sa labas ng Silko. Humarang si Ramses sa daanan ni Ginoong Yaku.
"Para nyo na pong awa, huwag nyo po akong palabasin ng Silko. Pinapangako ko po
wala akong gagawing labag sa patakaran." Halos lumuhod na si Ramses sa pagmamakaawa
sa kanyang guro.

Hinipan ni Ginoong Yaku ang isang maliit na bagay na parang pito. Ilang saglit
lang ay humangin ng malakas at dumilim sa pwesto nila Ramses. Tumingala ang dalaga
at nagulat sya sa kanyang nakita. Isang malaking hayop na parang ibon ang lumilipad
pababa. Hinimas ni Ginoong Yaku sa ulo ang kakaibang hayop na 'to. "Sya si Napar.
Huwag kang matakot." Sumakay si Ginoong Yaku sa likod ni Napar. Iniabot nya ang
kamay sa dalagang naiwan sa lapag. Tiningnan ni Ramses ang kamay na inaabot ng
kanyang guro. Bakas sa kanyang mukha ang pagkatakot. Pagkatakot sa kung anong
pwedeng mangyari at pagkatakot magtiwala. "Hindi po ba labag ang paglabas ng Silko
ng walang pahintulot ni Maestro Boro?" Ngumiti lamang si Ginoong Yaku sa dalaga.
"Huwag kang matakot, alam ng lahat na ako ang kasama mo. Ako ang mapaparusahan
kapag may nangyari sa'yong masama. Kaya't sumakay ka na para makaalis na tayo."
Mataas na hayop si Napar. Mas mataas pa it okay Ginoong Yaku. Ngunit dahil mahusay
na mandirigma ang ginoo ay madali syang nakakasakay at nakakababa sa ibong ito ano
mang oras.

Humawak si Ramses sa kamay ng kanyang guro. Inangat lamang sya ni Ginoong Yaku
gamit ang kanang kamay at

inilagay sa kanyang likuran. "Kumapit ka ng mabuti, mabilis kumilos si Napar kaya't


maari kang malaglag." Namutla si Ramses sa narinig. Kumapit sya sa taling
kinakapitan din ni Ginoong Yaku. Ilang saglit pa ay dahan-dahan ng umaangat sa lupa
si Napar. "Sa Guho tayo." Biglang lumipad ng mabilis pataas si Napar. Sa sobrang
bilis ay napapikit ang dalaga dahil sa paghampas ng malakas na hangin. Mahigpit ang
pagkakakapit ni Ramses sa lubid. Naramdaman ni Ramses na nawala ang malakas na
bugso ng hangin kaya dahan-dahan syang dumilat. Nakita nyang papunta sa tuktok ng
isang batong bundok si Napar. Ngunit dahan-dahan lamang sya sa paglipad. Tumingin
si Ramses sa baba. Nakita nyang may mga berdeng halimaw ang nasa paanan ng bundok.
Sa sobrang gulat ay madahan syang nakabitiw sa lubid. "Mag-iingat ka Ramses. Hindi
ka pwedeng malaglag," sabi ni Ginoong Yaku, "bilisan mo Napar."
Lumipad muli ng mabilis si Napar paakyat sa bundok. "Ano po ang mga berdeng
halimaw na yun?" pagtatanong ni Ramses habang mahigpit ang kapit sa lubid.

"Sila ang mga halataw. Ang mga taong ginawang halimaw. Mga alipin sila dito sa
Niraseya.'' Pagpapaliwanag ng ginoo. Hindi makahinga si Ramses sa narinig. Naisip
nya kung bakit sya dinala dun ni Ginoong Yaku gayung alam nyang isa syang normal na

taong galing sa kabilang mundo. Tumingin si Ramses sa paligid na tila naghahanap ng


mapagtataguan. Pina-plano nyang tumakas kay Ginoong Yaku. "Nandito na tayo."
Natanaw na nila ang tuktok ng bundok. Unang bumaba si Ginoong Yaku at inalalayan
nya si Ramses. Tumingin si Ramses sa baba ng bundok at iniisip kung paano
matatakasan ang guro. Ngunit namangha sya sa kagandahan ng kanyang nakita. May mga
maliit na isla ang nakalutang na parang hagdanan at may tubig na dumadaloy dito na
parang mga talon. May iba't-ibang malalaking paru-paro ding lumilipad. Maraming mga
iba't-ibang kulay ng puno ang kanyang natatanaw. Tanaw din nya mula dun ang Silko.
Ang tubig sa tabing dagat ay bughaw na bughaw.

Habang namamangha si Ramses sa ganda ng Niraseya ay biglang may malaking hayop ang
lumipad sa kanyang harapan. Tila sinusugod sya nito. "Ramses, mag-iingat ka!" sigaw
ni Ginoong Yaku.

"Nasi Pir An!" at may palasong lumabas sa kamay ni Ginoong Yaku. Mabilis itong
lumapit kay Ramses. Ginamit nya ang palaso upang tamaan ang pakpak ng itim na ibon
na sumusugod sa dalaga. Walang ginagamit na pana si Ginoong Yaku ngunit bawat tira
nito ay parang kidlat na tumatama sa ibon. Ilang saglit lang ay naitaboy nya ang
itim na ibon na ito.
"Huwag kang lalayo sa'kin. Nangangain ng tao ang mga ibong iyon. Magmadali na
tayo, malapit na tayo

sa gitna ng guho." Naunang maglakad ang ginoo at sinundan lamang sya ni Ramses.

"Ano po bang ginagawa natin dito?" Mahinang tanong ni Ramses. "Nandito na tayo.
Tumakbo si Ginoong Yaku sa isang bato na kasing laki nya. Umikot sya sa batong ito.
"Rasi Tika Neta."

Nahati sa dalawa ang malaking bato. Ang kalahating parte ng bato ay lumubog sa
lupa. Isang berdeng espada ang nakita ni Ramses. "Ito ang sandatang tinutukoy ko.
Ito ang Tenivis. Isang tao ang nagtusok ng espadang ito dito. Ang pinakamalakas na
sandata sa lahat. Lumapit ka." Ilang hakbang palang ang nagagawa ni Ramses. "Ano
pong dapat kong gawin?"

"Huhugutin mo ang espada mula sa pagkakatusok nito. Tulad ng ibang sandata,


makukuha mo sya kung pipiliin ka nya. Subukan mo lang," sagot ni Ginoong Yaku.
Lumapit si Ramses sa espada. Habang inaabot ito ng kanyang kamay ay tumingin sya
sa gurong nakatingin lamang sa kanya. "Paano po kung hindi ko makuha ang espada?"

"Babalik ka sa una mong sandata." Humakbang ng isa palayo si Ginoong Yaku mula kay
Ramses. "Huwag

kang matakot."

Itinapat ni Ramses ang kanang kamay sa hawakan ng espada. Biglang dumilim ang
paligid. Tila isang malakas na ulan ang paparating. "Ginoong Yaku ano pong
nangyayari?"

"Bilisan mo ang pagkuha ng espada Ramses. Nararamdaman ng Niraseya na may


nagtatangkang kumuha ng Tenivis." Ilang sandali lang ay humangin ng malakas.
Tumalsik si Ramses at napalayo sa espada. "Tumayo ka Ramses."

Nakakaramdam ng takot si Ramses dahil sa biglaang pagbabago ng panahon. Muling


tumayo si Ramses at lumapit sa espada, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay
tumalsik syang muli. Napatalsik si Ramses sa tagiliran ng guho kung saan tanaw ang
baba. Nakita nyang maganda ang panahon sa baba at sa tuktok lang ng bundok masama
ang panahon. Tumingin sya kay Ginoong Yaku na hindi makagalaw dahil parang
nakakulong sya sa isang ipo-ipo. Bumangon sya at muling lumapit sa Tenivis. Humawak
sya sa kanyang Tekan. "Inay, itay gabayan nyo po ako." Isip ni Ramses. Lumiwanag
sandali ang kanyang tekan. Ilang saglit pa ay lumiwanag din ang bato ng espada.
Tila nag-uusap ang dalawang bagay dahil sa mga palitan ng liwanag. Kahit gaano
kalakas ang hangin ay hindi nagpapigil si Ramses. Dahan-dahan syang humahakbang
papalapit sa espada.

Isang malakas na tubig ang bumuhos sa tapat ni Ramses. Parang may kung anong bagay
ang nagkulong sa dalaga at hindi sya makaalis sa kanyang pwesto. Unti-unting
tumataas ang tubig sa pwesto ni Ramses hanggang lumubog ito. "Ramses!" sigaw ni
Ginoong Yaku na pinagmasdan lamang ang pagkalunod ng dalaga. "Kasalanan ko, dapat
hindi ko sya minadali."

A/N

Hinabaan ko na po ito. Napatagal ang pag-uupdate dahil busy po sa school. Sana po


ay magustuhan nyo. :)

Don't forget to vote and comment. Salamat po at sinusuportahan nyo ang story na
'to. Please check out my other stories. :)
Not yet a fan? What are you waiting for? Click the "Become a Fan" button. Super
thanks po. Hihi.

Ano kayang mangyayari kay Ramses? Malulunod na ba sya ng tuluyan? Abangan sa


susunod. :)

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 21)

KABANATA 21

"ANG MGA MAGULANG NI RAMSES"


Pinagmasdan lamang ni Ginoong Yaku ang nangyari sa dalaga. Wala man lang syang
nagawa upang iligtas si Ramses. Hindi pa nawawala ang tubig na pinagkakulungan ng
dalaga ngunit hindi ito malapitan ng ginoo. Tumalikod ito at hinawakan ang alaga.

"Tayo na. Haharapin ko na lamang ang parusang naghihintay sa'kin," malungkot na


sabi nito kay Napar. Kumalma ang kalangitan. Hindi pa man nakakasakay si Ginoong
Yaku sa alaga ay natigilan na ito. May isang kakaibang liwanag ang nagmumula sa
kanyang likuran. Agad nya itong tiningnan. Ang pinagkulungan ni Ramses ay tila
nahihiwa at nahahati ng mga liwanag.

"Anong nangyayari? Posible kayang−?" Hindi pa man natatapos ng ginoo ang kanyang
gustong sabihin ay tuluyang nabasag ang mala-kristal na tubig na pinagkulungan ni
Ramses. Nagliwanag ang paligid na kahit ang ginoo ay nasilaw kaya't naitakip nya
ang kanyang braso sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay bumalik na ang lahat sa
dati.

"Ginoong Yaku," boses ni Ramses ang nagsalita. Dahan-dahang inalis ng guro ang
pagkakatakip sa kanyang mga mata. Nakita nyang nakatayo ang dalaga sa kanyang
harapan. Sa sobrang tuwa ay nayakap nya si Ramses at hindi napigilang mapaluha.
"Akala ko napahamak ka na dahil sa kagagawan ko. Mabuti naman at ligtas ka."
Napatingin si Ginoong Yaku sa batong pinagtusukan ng Tenivis. "Nasaan na ang
espada?"

Lumapit sya sa guhong bato upang hanapin ang espada. "Ramses, anong nangya−"
paglingon ni Ginoong Yaku sa dalaga ay hawak-hawak na nya ang Tenivis at nakangiti
ito.

"Hindi ko po alam kung anong nangyari. Ang natatandaan ko lang po nagliwanag ng


sabay ang aking tekan ang ang bato nitong espada. Akala ko malulunod na ako. Pero
napansin kong nasa kamay ko na ang Tenivis," pagpapaliwanag ni Ramses habang pinag
mamasdan ang hawak-hawak na espada.

"Ganun pala ang nangyari. Mabuti pa ay bumalik na tayo sa Silko." Sumakay silang
dalawa sa alagang si Napar. Lumipad sila pabalik ng Silko. Bakas ang saya sa mukha
ni Ginoong Yaku. Tila nawala ang takot ni Ramses habang nalipad sila.

Mabilis din silang nakabalik ng Silko. Habang naglalakad sila pabalik sa silid ng
mga sandata ay huminto sa paglalakad si Ginoong Yaku. "Ramses, ikaw lang ang
makakatuklas ng tunay na lakas ng Tenivis. Kaya sana ingatan mo yan." Tumango lang
si Ramses at nagpatuloy sila sa pagpasok sa silid.
Nadatnan nila ang mga baguhan na mga nakaupo na at tila napagod na sa paggamit ng
kanilang mga sandata. "Magsihanay kayong lahat." Utos ni Ginoong Yaku na agad
namang sinunod ng mga nandoon. "Ngayong nakapili na kayo ng inyong mga sandata iyan
na ang inyong gagamitin sa pananatili nyo dito sa Silko. Sasanayin ko kayo upang
masanay kayo sa paggamit ng mga iyan."

Habang nagpapaliwanag ang kanilang guro ay umiikot naman ang tingin ni Rettie na
tila ay may hinahanap. Biglang nanlaki ang mga mata nito sa pagkagulat noong nakita
nya si Ramses na hawak-hawak ang Tenivis. Bakas ang pagkainis sa kanyang mukha.
Nagtaas sya ng kamay habang nagsasalita ang ginoo.

"May gusto ka bang itanong Rettie?" Lumapit si Rettie sa unahan at tumingin kay
Ramses. "Ano pong batayan nyo bakit si Ramses lang ang dinala nyo sa burol upang
kuhanin ang Tenivis?" Nanlilisik ang mga mata nito sa galit habang nagtatanong.

"Alam kong alam mo na ang kasagutan sa tanong mo Rettie. Maari ka nang bumalik sa
iyong pila." Nagdadabog na naglakad ang dalaga pabalik sa kanyang pwesto ngunit
hindi pa din nya inaalis ang masamang tingin kay Ramses. Nagpatuloy sa
pagpapaliwanag si Ginoong Yaku. Hindi na masyadong naintindihan ng dalaga ang mga
sinasabi ng guro dahil sa mga tingin ni Rettie.

"Ramses, ayos ka lang ba?" bulong ni Ryona. Hindi sumagot si Ramses at tumingin
lang sa likod kung saan nakapila si Rettie. "Si Rettie ba? Huwag mo na lang
pansinin yun, wala lang yung magawa sa buhay."
"Paano mo nakuha ang Tenivis?" sabad ni Perus.

"Hindi ko din alam, Perus. Pero hindi biro ang nangyari sa'kin. Akala ko talaga
katapusan ko na. Akala ko mamamatay na ang pag-asa kong makilala ang mga magulang
ko." Malungkot na paliwanag ni Ramses.

"Mga magulang?" tanong ng binata. Tumango

lamang si Ramses.

"Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanila. Kahit itsura man lang nila
makita ko." Nagbuntong hininga si Ramses, "Hindi naman ako nagmamadali. Hindi ko
naman sila pwedeng hanapin ng hindi nagsasanay. Ibang-iba kasi ang mundong ito sa
mundong kinalakhan ko," pagpapatuloy nito.

"Kayong tatlo? Anong pinagbubulungan nyo dyan?" Napansin ni Ginoong Yaku ang pag-
uusap ng tatlong magkakaibigan. Umayos ng pila ang tatlo at tumahimik. Tumingin
lamang sila sa nagsasalitang guro. "Mayroon kayong isang oras bago ang inyong
susunod na klase. Maari kayong magsanay o kaya maglibot dito sa Silko." Huminto ito
at tumingin kay Ramses. "Pero alam nyo ang mga pinagbabawal na silid. Gamitin ang
inyong aklat sa paglilibot." Bumaling ulit ang tingin nya sa mga baguhan. "Maari na
kayong umalis."

Masayang naglabasan ang bawat baguhan na tila sabik sa kanilang mga gagawin. Kanya-
kanya sila ng direksyong pinuntahan. Nagsipaglabasan ang kani-kanilang aklat upang
gamitin sa paglilibot.

"Ramses, may gustong ipahiwatig si Ginoong Yaku sa tingin na yun," sabi ni Perus
habang naglalakad sila palabas ng silid. Humarang sa kanilang daanan si Rettie.
"Hindi ko alam kung anong ginawa mo, pero tandaan mo, binabantayan ko ang bawat
ikikilos mo kaya mag-iingat ka." Tumalikod ito at sumunod sa kanyang mga kasama.

"Ano bang sinasabi nya?" naguguluhang tanong ni Ramses. Hinigit naman sya ni Perus.
Bigla silang lumiko sa bahagi ng kastilyo na hindi dinadaanan ng mga baguhan. "Ano

bang ginagawa mo Perus?" natatakot na tanong ni Ramses. "Alam mo bang bawal ang
ginagawa mo?"
"Shhhhhh. Wag kang maingay. Bawal lang 'to kung mahuhuli tayo. Tsaka akala ko ba
gusto mong makilala ang mga magulang mo?" Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang
makarating sila sa may pasilyo. Nakita nila ang ilang mga gurong naglalakad kaya
mabilis silang nagtago.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Ryona na sumama din sa dalawang kaibigan.

"Hahanapin natin yung silid kung saan maari kang magtanong at makikita mo ang mga
nangyari na." paliwanag ni Perus. Nagulat si Ramses sa narinig mula sa binata.

"May ganung lugar ba dito?" pag-uusisang tanong ni Ryona. "Mukhang malayo na 'tong
napuntahan natin ah." Dahan-dahang-tumingin ang dalaga sa paligid upang pagmasdan
ang itim na mga pader na nakapaligid sa kanila. "Mukhang wala ng daanan dito.
Bumalik na tayo." Sa paghakbang muli ni Ryona ay may tunog silang narinig.
Napalingon si Perus sa dalaga.

"Ryona, ano yun?" kinakabahang tanong ni Perus. Umiling lang si Ryona at hindi
inaangat ang mga paa.

"Parang may natapakan ata ako." Muli ay humakbang pa sya ng isa. "Ay wala naman
pala." Nakangiti nitong sabi. Nagbuntong-hininga sina Ramses at Perus. Ngunit ilang
sandali lang ay biglang bumukas ang sahig na kanilang tinutungtungan.

Sabay-sabay silang tatlong nahulog at hindi pa nila alam kung anong babagsakan
nila. Ang sigaw nilang tatlo ay sobrang lakas dahil sa pagkatakot. Madilim lang ang
paligid at wala silang makitang kahit ano maliban sa kanilang mga sari-sarili.
Tanging pagbasak lamang ang kanilang nararamdaman.

"Bakit hindi ka kasi nag-iingat, Ryona!" galit na sabi ni Perus habang nalalaglag.

"Hindi ko naman alam eh. Tsaka bakit mo kasi kami dinala dun." Naiiyak na sagot ni
Ryona.

Si Ramses ay biglang tumahimik na tila may napansin. "Perus, Ryona, tingnan nyo.
Hindi ganun kabilis ang bagsak natin." Bumaligtad si Ramses. Ang ulo nya ang nauna
sa pagbagsak habang nakatuwid ang kanyang buong katawan. "Para lang tayong
lumilipad. Subukan nyo."
Gumaya ang dalawa sa ginawa ni Ramses. Para lang silang lumilipad at pababa galing
sa himpapawid. Hindi nagtagal ay may nakita silang maliit na liwanag sa unahan na
lumalaki habang sila ay papalapit.

"Yun na ata ang labasan." Sabi ni Ramses. Biglang bumilis ang kanilang pagbagsak
habang papalapit sa liwanag. Sabay-sabay silang napapikit dahil sa liwanag na ito.

Naramdaman ni Ramses na nasa lapag na sya. Dumilat ito at tumingin sa paligid.


Dahan-dahan syang bumangon. Napansin nyang mag-isa lamang sya at wala sa kanyang
tabi ang kanyang mga kaibigan. Tumayo ito at tumingin sa paligid. Parang isang
ordinaryong silid lamang iyon. Isang silid na gawa sa bato at may mga bituing
nagbibigay liwanag. Naglakad-lakad sya habang tinatawag ng mahina

ang mga pangalan ng kanyang mga kaibigan. Tumingin sya sa kanan, kaliwa at maging
sa kanyang likuran. Nagulat sya ng mabangga sya sa isang salamin. Nakita nya sa
salamin sina Ryona at Perus na nakatayo. "Andyan lang pala kayo. Natakot ako eh."
Pero hindi gumagalaw o nagsasalita man lang ang mga ito. Lumingon ito sa kanyang
likuran ngunit wala naman dun ang mga kaibigan.

Nakaramdam sya ng pagkatakot. Biglang nagbago ang salamin. Naging maitim ito na
tila isang itim na apoy ang kanyang nakikita. Pumikit sya sa takot na kung anong
maaring lumabas sa salamin. Naisip nya ang mga magulang na gustong-gusto nyang
makita.
"Ramses, Ramses." Isang tinig ng babae na tumatawag sa kanya. Isang boses na
masayang tumatawa habang binabanggit ang kanyang pangalan. Hindi napigilan ni
Ramses na maluha dahil hindi nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Muli syang
dumilat at tumingin sa salamin. Isang babae't lalaki ang nasa salamin na may hawak-
hawak na sanggol.

"Bakit ba Ramses ang pinangalan mo sa kanya?" tanong ng lalaking nasa salamin sa


kanyang kausap na babae. Tumawa ang babae habang nakatingin sa sanggol na kanyang
hawak-hawak.

"Ramses ang pangalan ng pinakamakapangyarihan kong ninuno. Matapang at


makapangyarihan ang ibigsabihin ng kanyang pangalan," paliwanag ng babae.

Masaya ang dalawa na nag-uusap sa isang hardin. May isinuot na tekan ang babae sa
kamay ng sanggol. "Para sa'yo yan mahal kong anak. Ikaw ang mag-aalaga sa buong
Niraseya."
Hinaplos ni Ramses ang kanyang tekan at tiningnan ito. Magkaparehas ang tekan nung
sanggol sa suot-suot nyang tekan ngayon. "Ako− ako ang sanggol na iyon," bulong nya
sa kanyang sarili at napaiyak na sya.

Biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha ng mag-asawa sa salamin na nakikita ni


Ramses. Nakatingin sila sa isang direksyon. Bahagyang dumilim ang paligid sa loob
ng salamin.

"Anong kailangan mo dito? Nakapagdesisyon na si ama na ako ang magmamana ng


kapangyarihan nya." Galit na sabi ng babae sa salamin.

Hindi nakikita ni Ramses ang kinakausap babae sa salamin. "Hindi, hindi mo makukuha
ang anak ko. Mamamatay muna kami."

Isang asul na liwanag ang lumabas sa kamay ng babae na patungo sa isang direksyon.
Naglabas naman ng isang espada ang lalaking nandun. "Tumakas na kayo, pumunta kayo
sa kabilang mundo. Iligtas mo ang anak natin."
"Pero paano ka?" Umiiyak na tanong ng babae. "Susunod ako sa inyo." Mabilis tumakbo
ang babae dala-dala ang sanggol. Mabilis ang kanyang takbo na parang isang hangin.

Biglang nagbago ang nakita ni Ramses sa salamin. Magkasama na muli ang mag-asawa at
may isang umiikot na butas sa kanilang harapan. Duguan na ang lalaki at nanghihina
na ito. Inilapag ng babae ang dala-dalang sanggol at naglabas ng isang malakas na
mahika. "Hinding-hindi ka magtatagumpay Bhufola." Pero hindi nagustuhan ni Ramses
ang nakita.

"Inay!" sigaw nito habang hinahaplos ang salamin.

Nabasag ang tekan na suot ng babae at bumagsak ito sa lupa. Isang malakas na kidlat
pa ang kasunod na tumama dito. "Kahit a−nong g−ga−win mo, anak pa din namin si
Ramses. Hindi ka mag−tatagumpay." Gumagapang ang babae papalapit sa lalaking
nakahiga na din sa lupa. Inabot lamang ng babae ang kamay ng lalaking tila ay wala
ng buhay. "Mahal ko," at nawalan na din ng buhay ang babae. Ang katawan ng lalaki
ay nasa kanang bahagi na nakahiga samantalang ang babae naman ay nasa kaliwang
bahagi na nakadapa at ang kanilang magkahawak na kamay ang tanging nag-uugnay sa
kanila.
"Hindi!" sigaw ni Ramses habang hinahampas ang salamin. "Hindi pa kayo patay alam
ko. Bumangon kayo dyan." Natigilan si Ramses ng may makita syang mga paang
naglalakad papalapit sa sanggol. Mga paang nakaitim na bota. Ilang saglit pa ay
kamay na may itim na tekan naman ang kanyang sunod na nakita na tila pinipilit
tanggalin ang tekan sa kamay ng sanggol. Umiyak ang sanggol at biglang humangin ng
malakas. Napaatras ang mga paa na kanyang nakita. Biglang may isang kidlat ang
sumulpot, ilang saglit pa ay nagdurugo na ang kanang palad ng sanggol.

Iyak lang ng iyak si Ramses habang pinagmamasdan ang mga nasa salamin. Hanggang sa
ang sarili na lamang nya ang nakikita nya sa salamin. Ang lahat ng mga tao sa loob
ng salamin ay nawala na. Napaluhod sya habang nakaharap sa salamin. Sinusuntok nya
ang salamin sa sobrang galit. "Bakit sa ganung paraan pa? Wala na palang pag-asang
makita ko kayo. Bakit ang saklap ng kapalaran? Ako ang sanggol na yun. At sila−sila
ang aking mga magulang."

A/N
Medyo hinabaan ko ang chapter na 'to dahil baka matagalan ang next update ko. Super
busy kasi sa school. :)

Sana huwag kayong magsawang sumubaybay sa mga adventures ni Ramses lalo na ngayong
nalaman na nya ang katotohanan. So please please magvote and comment po kayo. :)

Kung hindi ko pa po kayo fan, please please please ifan nyo na ako para happy na.
Hihi.

Pwede nyo din pong icheck at basahin ang ibang stories ko and magiging masaya ako
kapag ginawa nyo yun.

Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa. Hindi ko po inaasahang madaming readers


ang nagugustuhan ang story na 'to. Super thanks. :)

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 22)

KABANATA 22

"ANG PAGLIPAD"
Pumatak ang luha ni Ramses sa sahig. Nakita sya nila Ryona at Perus na nakaupo sa
harap ng salamin.

"Ramses, anong nangyari?" pag-aalalang tanong ni Ryona. Nilapitan nila ang


kaibigan at tinulungang tumayo.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Perus. Hinigit ni Ramses ang dalawa sa harap ng
salamin.

"Nakita ko ang mga magulang ko. Dyan, dyan sa loob ng salamin. Nakita ko sila
Ryona." Pinunasan nya ang kanyang mga luha at tumingin kay Perus.

"Perus, anong klaseng salamin 'to. Sabihin mo sa'kin."

"Ang daming magagandang damit. Mga magagarang sasakyan sa harap ng aming bahay."
Sabi ni Ryona habang tulalang nakaharap sa salamin.

"Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Ramses.


"Ito ang mahiwagang salamin. Sa tingin ko, ipinapakita nito ang ninanais ng iyong
puso." Humawak si Perus sa salamin. "Ito ang salamin ng katotohanan. Mga nangyari
sa nakaraan ang maaring ipakita sa'yo ng salamin na ito."

Habang nakatingin silang tatlo sa salamin nakarinig sila ng mga yabag na tila
paparating. Napalingon sila sabay-sabay sa kanilang likuran.

"Kailangan na nating umalis." Sabi ni Perus na mabilis na naglakad. Sumunod naman


agad ang dalawang dalaga sa kanya.

Isang mahabang lagusan ang kanilang dinaanan pabalik sa itaas. Mabilis silang
nakalabas ng hindi nahihirapan.

"Makinig kayo, walang dapat makaalam kung saan tayo nanggaling. Kailangan nating
umarte ng normal pagbalik sa ating klase." Paliwanag ni Perus. Huminga sila ng
malalim bago pumasok sa silid ng kanilang klase.

Nandun na si Madam Rifi ng dumating sila. Lahat ay naglingunan ng pumasok ang


tatlo. Hindi naman nila ito pinansin at agad umupo.
"Ayoko sa klase ko ang nahuhuli. Pagbibigyan ko kayo ngayon, pero sa susunod
mapaparusahan na kayo. Maliwanag ba Ramses?"

pambungad ni Madam Rifi at matalim ang tingin nito sa dalaga.

Nagulat si Ramses sa pagbanggit ng kanyang pangalan. Ikinasiya naman ito ni Rettie


na nakaupo sa may unahan. "Opo." Mahinang sagot ng dalaga.

"Ako si Madam Rifi, ang magtuturo sa inyong lumipad gamit ang sapatos ng
mahikero't mahikera." Paliwanag ni Madam Rifi habang inaalis ang isang tela na
nakataklob sa mga sapatos sa kanilang harapan.

"Ngayon, maari na kayong pumili ng inyong sapatos. Siguraduhin nyong magkakasya


ang sapatos na iyon sa inyo."

Nagbulungan ang mga estudyante sa kanilang narinig. Sabik sila sa ituturo ni Madam
Rifi.

"Tahimik! Binigyan ko ba kayo ng karapatang magsalita?"

Tumahimik sa loob ng silid habang napili ang mga baguhan ng kanilang sapatos na
gagamitin. Hindi agad nakapili ang tatlong magkakaibigan dahil kabado pa din sila.
"Ang lahat ng nakapili na ay maari ng pumila sa labas. Doon tayo magsasanay."
Lumabas si Madam Rifi sa silid.

Nakapili na ang ibang baguhan ng kanilang sapatos at sumunod na kay Madam Rifi sa
labas.

"Pumili na tayo ng sapatos, Ramsaes," bulong ni Perus. Lumapit ang tatlo upang
pumili ng kanilang sapatos.

Halos iisa lamang ang itsura ng bawat sapatos. Nagkakaiba lamang ito sa kulay. May
mga sapatos na kulay berde na parang gawa sa dahon. Mayroon din namang pulang
sapatos na parang apoy ang kulay. May asul din naman na kulay na parang gawa sa
tubig. Hindi alam ni Ramses kung anong pipiliin nya.

"Ano pang hinihintay nyo dyan? Lumabas na kayo!" biglang nagsalita si Madam Rifi
mula sa kanilang likuran. Ang tatlo ay nagulat kabilang si Ramses. Nakapili na ng
tig-isang sapatos sila Perus at Ryona. Hindi alam ni Ramses kung anong sapatos ang
pipiliin. Itinapat lamang nya ang kanyang kanang kamay sa mesa at pumikit.
"Sapatos na nararapat sa'kin. Ikaw na ang lumapit." Ilang sandali lang ay may
lumipad na sapatos papalapit sa kamay ng dalaga. Dumilat ito ng maramdamang hawak
na nya ang sapatos.

Isang pulang sapatos ang kanyang hawak. Medyo makapal ang swelas nito na
napaliligiran ng makikinang na diamante. May

dalawang malaking hiyas sa tagiliran ng sapatos.

"Napakaganda naman nito." Kinuha ni Ramses ang sapatos at agad lumabas.

Nakapila na ang lahat sa labas ng sya ay dumating.

"Nandito na ang lahat. Ngayon, isuot nyo na ang inyong mga sapatos." Isinuot din
ni Madam Rifi ang sariling sapatos.

"Sabihin nyo sa inyong sapatos, Pu wa nik." Humakbang ng ilan si Madam Rifi mula
sa mga baguhan. "Panoorin nyo ako. Pu wa nik." May lumabas na puting pakpak mula sa
dalawang malaking diamante sa tagiliran ng sapatos ni Madam Rifi. Dahan-dahan syang
umangat sa lupa. Lumipad sya sa tulong ng sapatos. Kaya rin nyang maglakad sa
hangin na parang may tinutun-tungang lupa.
Ang lahat ay namangha at nagpalakpakan. Agad din naman syang bumalik sa baba upang
ituro ito sa kanyang mga estudyante.

"Ngayon, kayo naman ang gusto kong gumawa nito. Palabasin nyo ang pakpak ng inyong
mga sapatos." Umikot sya sa mga baguhan upang pagmasdan ang mga ito habang sinasabi
ang mahiwagang salita.

"Pu wa nik!" sabi ni Perus

at agad namang lumabas ang mala-batong pakpak ng kanyang mga sapatos.

"Ang galing mo Perus." Sabi ni Ramses habang pinagmamasdan ang mga pakpak ng
sapatos ni Perus.

Ang ilan sa mga estudyante ay napalabas na ang kanilang pakpak. Isang malaking
dahon ang nagsilbing pakpak ng sapatos ni Ryona.

"Ikaw Ramses, hindi mo ba kayang palabasin ang mga pakpak ng sapatos mo?" banggit
ni Rettie sa dalaga. Isang alon ng tubig ang lumabas na pakpak sa sapatos ni Rettie
na ipinang-iinggit nya kay Ramses.

Tumingin si Ramses sa kanyang sapatos. "Pu wa nik!" sabi ni Ramses. "Walang


nangyari?" bulong nito sa sarili.
"Sumuko ka na lang. Maiwan ka dyan sa baba at pagmasdan mo na lang ang aming
paglipad." Pangungutya ni Rettie habang lumalayo sa dalaga.

"Pu wa nik!" sigaw ni Ramses. Biglang nagliwanag ang dalawang hiyas sa tagiliran
ng sapatos ng dalaga. Nagliyab ang mga ito at lumabas ang malakas na apoy. Ilang
sandali pa ang apoy na ito ay naghugis pakpak habang nagliliyab ito.

"Paanong!" naiinis na tanong ni Rettie sa kanyang sarili. Masama ang tingin nito sa
dalaga na tila naiinggit.

"Ramses, hindi ka ba napapaso?" tanong ni Ryona sa kaibigan na natatakot lumapit


dito.

"Hindi. Malamig naman sa pakiramdam ng mga apoy na ito." Nakangiting sabi ni


Ramses sa kaibigan.

Pumalakpak naman si Madam Rifi. "Magaling mga baguhan. Ngayon handa na kayo sa
paglipad. Kung mapapansin nyo na ang bawat pakpak ng inyong sapatos ay depende sa
uri ng sapatos na inyong nakuha." Biglang lumiwanag ang tekan ng guro ay may
lumabas na isang mapa na may limang kaharian.
"Ang berdeng sapatos ay mula sa luntiang kaharian ng Likas." Lumiwanag ang berdeng
kaharian sa may kaliwang bahagi ng mapa.

"Dyan ako nagmula." Bulong ni Ryona sa kaibigan.

"Ang nasa ibabang bahagi naman ay ang kaharian ng Serto. Ang kaharian ng mga lupa
at bato. Iyan ang sapatos na tila matigas na bato ang mga pakpak." Lumiwanag ang
kaharian sa ibaba ng Likas.

"Kaharian namin ang Serto." Bulong ni Perus sa dalawang kaibigan.

"Ang asul na kaharian naman sa kanang bahagi sa ibaba ay ang kaharian ng Areva.
Ang mga sapatos na may pakpak na tubig o yelo ay dito nagmula." Nagliwanag ng asul
ang kahariang nasa babang bahagi sa kanan ng mapa.

Napatingin si Ramses sa sapatos ni Rettie na may pakpak na tubig. Naisip na nya na


nagmula sya sa kaharian ng Areva.
"Ang sumunod ay ang kaharian ng apoy. Ito ang kaharian ng Imero. Ang mga sapatos
na may pakpak na apoy ay dito nagmula." Tila nasusunog ang kahariang nasa mapa ni
Madam Rifi.

Ang lahat ay tumingin kay Ramses na parang may gustong sabihin ang kanilang mga
mata. Umiiling lamang si Ramses na napakainosente ang itsura.

"Dyan ka ba nagmula Ramses?" tanong ni Rettie.

"Hindi. Hindi ako dyan nanggaling. Isa lamang akong normal na tao. Walang─"
biglang naalala ni Ramses ang mga bilin ni Aragon. Bigla syang nakaramdam ng
pagkakaba. Tumingin sya sa paligid at ang

lahat ay naghihintay sa kanyang sasabihin. Maging ang kanilang guro na si Madam


Rifi.

"Walang kinatatakutan." At yumuko sya. Tila dismayado naman ang mga baguhan sa
narinig.

"Tahimik! Hindi pa ako tapos." Sigaw ni Madam Rifi.


"Ang kaharian sa gitna ang pinakamalakas na kaharian sa lahat. Kaya niyang gamitin
ang apat na elemento na nakapaligid sa kanya. At ito ang kaharian ng Dimotes."
Umikot ang kaharian na nasa mapa. Nag-iba-iba ito ng kulay na tulad ng apat na
kaharian sa paligid nito.

"Ito ang mga kaharian sa Niraseya. Sinasabi ko ito sa inyo upang malaman nyo ang
mga pinagmulan ng inyong mga sapatos." Nawala na ang mapang nagmula sa tekan ni
Madam Rifi.

"Ngayon, susubukan nyong lumipad. Pero binabalaan ko kayo, kung hindi nyo kasundo
ang inyong mga sapatos, hindi kayo makakalipad ng ayos." Tumalikod ito sa mga
baguhan at muling lumipad.

Si Perus ang unang nakalipad sa kanilang lahat. Sinundan naman sya ni Rettie na
nagpakitang gilas pa. Nagpaikot-ikot

ito sa himpapawid.

Ang ilang baguhan ay hindi makalipad. Ang ilan naman ay lumilipad ngunit sa iba't-
ibang direksyon naman sila napapadpad. Si Ryona ay dahan-dahan ding umaangat sa
lupa.

"Ramses, tingna mo nakakalipad na ako." Tuwang-tuwang sabi ni Ryona.


"Mag-iingat ka." Sigaw ni Ramses. Ilang sandali pa ay bumaligtad si Ryona sa
himpapawid. Ang kanyang mga paa ang nasa itaas at ang ulo nya ang nasa ibaba.
Pataas ng pataas si Ryona at hindi nya mapigilan ang sapatos.

Ang lahat ay walang magawa. Tanging ang guro lamang nila ang lumipad upang
tulungan ang dalaga.

"Ryona, kontrolin mo ang iyong sapatos. Iisa lang ang inyong pinagmulan." Sigaw ni
Madam Rifi habang lumilipad kasunod ni Ryona.

"Hindi po ako makapag-isip. Nahihilo na po ako." Nanginginig na sagot ni Ryona.

Nakatingala sila Ramses at pinagmamasdan lamang si Ryona at ang kanilang guro.

"Ano Ramses, hindi mo man lang bang susubukang lumipad para sagipin ang kaibigan
mo? Pwede naman kitang tulungan, magmakaawa

ka muna sa'kin." Tumawa ng malakas si Rettie.

Hindi nagustuhan ni Ramses ang kanyang narinig. Naisip nyang tulungan ang
kaibigan. "Wala akong nagawa para sa mga magulang ko. Pero sisiguraduhin kong may
magagawa ako para sa mga kaibigan ko." Sagot ni Ramses kay Rettie.
Nagliyab muli ang mga apoy sa sapatos ni Ramses. Lumikha ito ng isang malaking
pakpak na apoy.

"Nakikiusap ako, makiisa ka sa'kin at sundin mo ang gusto ko. Tulungan mo akong
iligtas ang kaibigan ko." Bulong ni Ramses sa sarili.

Unti-unting umangat sa lupa si Ramses. Hindi nagtagal ay nakalipad na din sya.


Parang kidlat ang bilis nya sa paglipad. Saglit lamang ay magkapantay na agad sila
ni Madam Rifi.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Ramses?" sigaw ni Madam Rifi.

"Tutulungan ko po ang kaibigan ko." Sagot ng dalaga.

Biglang tumigil sa paglipad ang mga pakpak ng sapatos ni Ryona. "Ramses!" sigaw
nito na tila alam na nya ang mangyayari

sa kanya.
Mabilis syang bumagsak mula sa itaas. Sabay lumipad si Ramses at Madam Rifi pababa
upang habulin at saluhin si Ryona. Ngunit masyadong mabilis ang pagbagsak nito.

"Bilisan mo pa. Mas mabilis pa." sabi ni Ramses sa sarili. Bahagyang nabawasan ang
apoy sa mga sapatos ni Ramses na nagpabilis sa kanyang pagbagsak. Nalampasan nya si
Madam Rifi at naabutan nya si Ryona.

Hinawakan nya ito sa bewang. "Kumapit ka lang sa'kin Ryona." Mabilis ang pagbagsak
nilang dalawa.

"Ryona, isipin mong iisa lamang kayo ng iyong sapatos. Susunod yan sa'yo.
Pakiramdaman mo lang. Kung hindi, dalawa tayong babagsak sa lupa." nag-aalalang
sabi ni Ramses.

Malapit na silang bumagsak sa lupa. "Ryona!" sigaw ng dalaga.

Muling lumabas ang mga pakpak ng sapatos ni Ryona. Mas malalapad na dahong pakpak
ang tumabad sa kanila. Dahan-dahan syang bumitaw kay Ramses at nakalipad ng maayos
pababa sa lupa.
Nakababa din naman si Ramses ng maayos kasabay ni Ryona. Nagpalakpakan naman ang
lahat dahil walang nasaktan. Maging si Madam Rifi ay masaya sa nangyari dahil
walang kailangang masawi sa kanyang klase.

Hindi nila alam na nanonood pala sa may itaas na bahagi ng Silko si Madam Nema.
Nakita nito ang mga nangyari at kung anong ginawa ni Ramses. "Tingnan natin kung
hanggang saan ang itatagal mo." Bulong nito sa sarili.

*************************************************

A/N

Kaway-kaway, finally after two weeks nakapag-update din. Sana po suportahan nyo pa
din si Ramses kahit natagalan ang paguupdate ko. :)

Maraming salamat po sa mga hindi bumibitaw at patuloy na tumututok sa story na 'to.


Maraming maraming salamat.

Wag pong kalimutang magcomment and vote. :)


*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 23)

KABANATA 23

"BAGONG KAIBIGAN"

Pinuri ng lahat si Ramses sa kanyang ginawang pagliligtas sa kaibigang si Ryona.


Hindi din naman alam ni Ramses kung paano nya nagagawa ang mga ganoong bagay gayung
hindi pa nya iyon nasusubukang gawin kahit minsan.

Habang nanananghalian ang lahat sa Teno ay napagbulungan na naman ng tatlong


magkakaibigan ang kanilang nakita sa mahiwagang salamin.

"Ano pa kaya ang mga pwede nating makita dito sa Silko?" bulong ni Ryona. "Pero
alam nyo, mas maganda kung maglibot na lang tayo habang tulog na ang lahat. Ano sa
tingin nyo?" Sumubo sya ng isang malaking tinapay habang nakatingin sa dalawang
kausap.
"Tingin ko hindi magandang ideya yang naisip mo Ryona. Masyadong mapanganib. Isa
pa⎼" bahagya itong tumigil at tumingin kay Madam Nema na nasa unahan. "Hindi natin
alam kung may mga nagbabantay sa mga ginagawa natin." At muli ibinaling nito ang
tingin sa kaibigan.

"Tama si Ramses. Pero tama din si Ryona. Kung mag-iingat lang tayo, hindi tayo
mahuhuli." Nakangiting sabi ni Perus

habang kumukuha ng madaming pagkain.

Hindi gusto ni Ramses ang pinaplano ng dalawang kaibigan. Alam nya na delikado
iyon at baka maging hadlang pa iyon sa layunin nya. Nagpatuloy sila sa pagkain
ngunit bakas pa din sa mukha ni Ramses ang pagkabalisa.

Matapos ang pananghalian ay nagsilabasan na ang lahat upang bumalik sa kani-


kanilang klase. Palabas na si Ramses ng Teno ng tawagin sya ni Maestro Boro.

"Ramses, maari ba kitang makausap?" Tinig ng matanda mula sa kanilang likuran.

Humarap ang tatlo sa matanda. Nagkatinginan lamang sila na tila kinakabahan.


Tumango lang si Ramses na nakatingin ng diretso sa maestro.

"Sumunod ka sa'kin sa aking silid-tanggapan." Lumabas ang matanda sa Teno.

Nag-aalala si Ramses at hindi mapakali. "Kinakabahan ako. Anong gagawin ko? Baka
nakita ta⎼"

"Shhhh. Wag kang kabahan, mas lalo kang mahahalata nyan. Walang nakakita sa'tin.
Lakad na." Mahinang sagot ni Perus.

Sumunod si Ramses kay Maestro Boro. Nilalamig sya at pinagpapawisan ng malamig.

"Pumasok ka at maupo." Utos ng matanda habang may kinukuhang libro.

Umupo si Ramses at tumingin sa paligid. Ang silid-tanggapan ni maestro ay


napapaligiran ng iba't-ibang mga aklat. Ang lamesa ng matanda pati na din ang ibang
upuan ay nasa gitna.
Napansin din nya ang apat na poste na nakapaligid sa silid. Isang poste na may
lumulutang na libro sa ibabaw. Ang mga librong ito ay lumiliwanag. May asul, pula,
itim at berdeng kulay ang mga librong ito.

Napatingin sya sa taas. Mula doon, nakita nya ang isang malaking gintong libro na
nakalutang. Namangha sya sa kanyang mga nakita. Mga ilaw na bituin din ang
nagbibigay liwanag sa silid na iyon.

"Nakita ko na din." Sabi ni Maestro Boro sa kanyang sarili.

Napalingon si Ramses sa kanya sa biglang pagsasalita nito. Lumapit ang matanda kay
Ramses na nakaupo sa upuang nasa gitna.

"Maestro, may nagawa po ba akong kasalanan kung bakit nyo ako pinatawag?"
Nanginginig na tanong ni Ramses na maghawak ang dalawang kamay.

Tumawa naman ang matanda mula sa narinig sa dalaga. "Huwag kang matakot, mayroon
lamang akong ibibigay sa'yo." Umupo ito sa tabi ni Ramses hawak-hawak ang isang
libro.
"Tingin ko, matutulungan ka ng librong ito sa iyong mga katanungan. Alam kong
marami kang gustong malaman. Magagamit mo ang librong ito." Iniaabot ng matanda ang
libro kay Ramses.

"Ngunit, bakit nyo po ako binibigyan ng libro? Ang lahat po ba ng baguhan ay


bibigyan nyo nyan?"

Umiling lang ang matanda at hindi pa din binibitawan ang libro.

"Kung gayon, hindi ko po yan matatanggap." Itinutulak ni Ramses ang libro palayo
sa kanya.

"Ito ay pag-aari mo Ramses. Mahabang panahon na yang nanatili dito sa Silko. Ito
na ang tamang oras para mapasaiyo ang librong ito." Kinuha ng matanda ang kamay ni
Ramses at inilagay ang libro sa mga palad nito.

"Pero⎼"

nag-aalinlangang sambit ng dalaga.

"Itago mo at ingatan ang librong iyan." Tumayo si Maestro Boro. "Maari ka ng


bumalik sa iyong klase."
Tumayo si Ramses at itinago ang libro sa loob ng kanyang uniporme. Nanakbo sya
papunta sa susunod nyang klase. Nasasabik syang ikwento sa kanyang mga kaibigan ang
mga sinabi ni Maestro Boro.

Pagdating sa harap ng silid ay tumigil sya sandali upang ayusin ang sarili.
Huminga sya ng malalim at tsaka itinulak ang pintuan.

Ang lahat ay naglingunan sa kanyang pagpasok sa silid. "Reve Nir, Madam Nema."
Bati ni Ramses sa pagkakakita sa madam na nasa unahan.

"Tingin ko maari na tayong magsimula dahil nandito na ang paimportanteng baguhan."


Mataray na banggit ng madam sa kanyang estudyante.

Nagtawanan ang lahat kasama na si Rettie. Nakatingin ito kay Ramses habang
naghahanap ng mauupuan.

Nakita nitong kumakaway si Ryona at itinuturo ang bakanteng upuan sa gitna nila
kay Perus. Agad naman syang nanakbo at umupo.
"Bakit ganun ang sinabi ni Madam Nema?" bulong ni Ramses kay Ryona.

"Hindi ko alam. Hayaan mo na lang." sagot ni Perus.

"Bakit ka ba ipinatawag ni Maestro Boro?" Mahinang tanong ni Ryona.

"May ibinigay sya sa'king libro. Sabi nya pag-aari ko daw iyon." Nakayukong sagot
ni Ramses.

"Kung magkukwentuhan lamang kayo sa klase ko, maari na kayong lumabas." Nagulat
ang tatlo sa paglapit ni Madam Nema sa kanila.

"Patawad po." Sagot ng tatlo habag nakayuko.

"O baka naman nagmamagaling ka na, ha Ramses? Kaya ba ayaw mo nang makinig sa
klase ko?" Nakatingin lang sya ng diretso sa kausap. Tila may mga nais ipahiwatig
ang kanyang mga mata. Papalapit ang mukha nito kay Ramses.
Bigla namang nanakit ang pilat ni Ramses sa kanyang kamay. "Aray!"

Tumawa lamang ang kanilag tagapagturo habang papalayo kay Ramses at pabalik sa
unahan.

"Ayos ka lang?" bulong ni Ryona.

"Oo. Kumirot lang ang pilat ko." Sagot ni Ramses na hindi pa din maalis ang
pagkakatingin kay Madam Nema.

"Ako ang magtuturo sa inyo kung paano gumamit ng mahika. Magsisimula tayo sa
pinakasimula, hanggang sa mga hindi nyo pa naririnig." Panimula ng tagapagturo.

"Gusto kong pumili kayo ng mga hayop dito sa unahan at dalhin nyo sa inyong
upuan." Inalis ni Madam Nema ang telang nakatakip sa mga hayop na nakakulong sa
kwadradong salamin.
Ang mga hayop na nandun ay daga, kuneho, pusa, ibon, biik, hunyango, paniki, ahas
at marami pang iba.

"Ngayon kumuha na kayo at isang hayop na gusto nyo. Kapag nakapili na kayo ay
hindi na kayo maaring magpalit pa." Umatras si Madam Nema at binigyan ng daan ang
mga baguhan upang makapili ng hayop na nais nila.

Nanguna sa pagpili si Rettie. Ang pusa ang kanyang pinili. Nakangiti sya habang
nadaan sa harapan nila Ramses.

"Sasabunutan ko na yang babaeng yan eh." Naiinis na sabi ni Ryona sa kaibigan.

"Hayaan mo na sya. Masaya sya sa ginagawa nya eh." Tumawa na lang si Ramses sa
kanyang nasabi.

Kuneho ang napili ni Ryona at paniki naman ang kay Perus. Bumalik ang dalawa sa
upuan dala-dala ang hayop na napili nila.

Habang nakatingin si Ramses sa mga hayop at nag-iisip sya ng pipiliin ay nakarinig


sya ng isang maliit na tinig.
"Nakita kita sa ilalim ng Silko."

Mabilis na lumingon si Ramses sa mga kasama. Ngunit ang lahat ay abala sa


maghaplos sa mga hayop na napili nila. Tumingin din sya sa kanyang mga kaibigan
ngunit abala din ang mga ito.

"Guni-guni lang." Bulong nya sa kanyang sarili.

Muli ay humarap sya sa mga hayop na nasa mesa. Habang inaabot nya ang ibon ay
bigla itong lumipad at ang hunyango ang kanyang nahawakan. Bibitawan sana nya ito
ng biglang nagsalita si Madam Nema.

"Ang nahawakan na ay hindi na maaring ibalik. Makakaupo ka na Ramses." Tumayo na


si Madam Nema upang takpan ang lagayan ng hayop dahil ang lahat ay nakapili na.

Bumalik si Ramses sa kanyang kinauupuan at inilapag ang hunyango sa lamesa.

"Nakita ko kayo ng mga kaibigan mo, Ramses."


Narinig muli ni Ramses ang tinig na hindi nya alam kung saan nanggaling.

"Ryona, narinig mo ba yun?" kinulbit nya ang kaibigan at mabulong na nagsalita.

"Ang alin?" Hinahaplos nito ang kunehong kanyang napili.

"Yun maliit na tinig. Sabi nya nakita daw nya tayo." Nag-aalalang paliwanag ni
Ramses.

Sinubukan ni Ryonang makinig, ngunit wala naman syang kakaibang narinig maliban sa
ingay ng mga hayop.

"Ramses, baka guni-guni mo lang yun." At muling nilaro ni Ryona ang kanyang
kuneho.
"Pero meron talaga akong narinig." Bulong nya sa kanyang sarili.

"Ikaw lang ang nakakarinig sa'kin."

Muli ay narinig nya ang tinig. Binalutan na ng takot ang dalaga. Sa pagkakataong
ito, kay Perus naman sya nagtanong.

"Perus, wala ka bang kakaibang tinig na naririnig? Sabi nya nakita daw nya tayong
tatlo. Pakinggan mo." Nakaharap sya kay Perus habang nagsasalita.

"Ramses, wala naman akong naririnig." Hinawakan ni Peru sang paniki ay tinitingnan
ang mga pakpak nito.

Nagtataka na si Ramses sa kanyang mga naririnig. Hindi nya alam kung sino yung
nagsasalita at saan nanggagaling ang kakaibang tinig na iyon.

"Tumahimik na ang lahat. Hawakan nyo na ang inyong mga hayop. Magsisimula na
tayo." Utos ni Madam Nema sa mga baguhan.

Ang lahat ay sumunod sa kanila kabilang si Ramses. Sinubukan nyang hawakan ang
hunyango sa kanyang harapan na may pag-aalinlangan.
"Ramses, hindi ka sumusunod sa sinasabi ko." Sigaw ni Madam Nema.

Sa sobrang gulat ni Ramses ay napahigpit ang hawak nito sa kanyang hunyango.

"Aray! Wag mong masyadong higpitan! Hindi ako makahinga!"

Muling narinig ni Ramses ang tinig at napatingin sya sa hunyango.

"Ikaw ang nagsasalita?" Medyo napalakas ang pagkakasabi ni Ramses. Ang lahat ng
mga baguhan ay napatingin sa kanya at sabay-sabay silang nagtawanan.

"Ramses, ayos ka lang ba?" Nahihiyang tanong ni RYona.

"Ha? Oo. Ayos lang ako." At madahan nyang hinawakan ang hunyango. Inilapit nya ang
kanyang mukha dito at saka muling nagsalita.

"Ikaw ba yung kanina pa nagsasalita?" tanong nya sa hunyango.

"Oo. Ako nga. Ang hina mo naman para hindi mapansin yun."

Napaatras si Ramses ng sumagot ang hunyango. "Nagsasalita ka nga." Sabi ni Ramses


sa sarili.

"Ngayon, hawakan nyo ang hayop gamit ang inyong kamay kung saan nakakabit ang
inyong tekan." Utos ni Madam Nema habang ipinapakita ang dapat gawin.

"Kailangan ng konsentrasyon bago banggitin ang mahika. Ang kakaibang kakayahan ng


hayop na napili nyo ay maari nyong magamit." Pagpapatuloy ni Madam Nema.

"Ngayon, sumunod kayo sa sasabihin ko. Delfi Nuter!" Ang hawak na agila ni Madam
Nema ay biglang lumiit. Kasing laki na lamang ito ng kanyang hinliliit.
Naglikha iyon ng ingay sa buong silid dahil namangha ang lahat.

"Tahimik. Ang matalas na paningin ng agila ay nasa akin panandalian." Tumingin ito
kay Nikriv, isa sa mga baguhan at may katabaan. Nakaupo ito sa pinadulong bahagi ng
silid.

"Kumain ka ng matamis na tinapay kanina, hindi ba Nikriv?" tanong ng madam sa


matabang baguhan.

Tumango lang ito at tumingin ng diretso sa unahan.

"May maliit na bahid ang natira sa iyong uniporme."

Agad tiningnan ng katabi ni Nikriv ang uniporme nito ngunit wala naman syang
nakita.

"Masyadong maliit ang bahid na iyon, at hindi maaring makita ng normal na mata.
Dahil nahiram ko panandalian ang mata ng agila, nakita ko iyon mula dito, kahit
gaano pa ito kaliit." Ilang sandali pa ay muling nagbalik sa orihinal sa laki ang
agilang hawak nya.
"Kayo naman ang sumubok." Umikot si Madam Nema upang observahan ang mga kalahok sa
pagsubok ng mahikang kanyang itinuro.

"Subukan mo na Ramses. Magagamit mo ang kakayahan ko."

"O sige. Humanda ka na." Hinawakan ni Ramses ang hunyango. "Delfi Nuter!" Lumiit
ang hunyango at hinawakan ito ni ng dalaga.

"Ryona, Ryona nagawa ko. Napaliit ko ang hunyango." Nakangiting sabi ni Ramses sa
kaibigan.

"Ramses, nasaan ka?" tanong ni Ryona.

Pagkaliit ng anyo ng hunyango ay kasabay ang pagkakawala ni Ramses sapagkat


nahiram na nito ang kakahayan ng hunyango.
"Hindi nila ako nakikita?" bulong ni Ramses.

"Hindi, iyan ang aking kakayahan." Sagot ng hunyangong hawak-hawak nya.

Ilang saglit lang ay bumalik na ang hunyango sa kanyang anyo at muli na din
nagbalik si Ramses sa paningin ng lahat.

A/N

Napahaba ata ang chapter na 'to. Dahil medyo matagal bago ako nakapagupdate kaya
hinabaan ko na. Anong tingin nyo sa bagong kaibigan ni Ramses? Kaibigan ba talaga
sya? Anong magiging papel ng kakayahang mawala sa paningin ang lahat? At saan ito
gagamitin ni Ramses?

Ano kaya ang laman ng libro na ibinigay ni Maestro Boro sa kanya? Abangan sa
susunod na Kabanata ni Ramses.

Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa sa Ramses in Niraseya.


*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 24)

KABANATA 24

"HINDI INAASAHANG KAPAHAMAKAN"

Unang Bahagi

Natapos ang pagsasanay nila ng mahika gamit ang mga hayop. Ipibalik din naman agad
ni Madam Nema ang mga hayop sa pinaglalagyan nito.

Parang ayaw pa ni Ramses na ibalik ang hunyangong kanyang nakuha ngunit nakatingin
sa kanya si Madam Nema. Habang inilalagay nya ang hunyango sa lagayan ay bumulong
ito.

"Gusto mo bang manatili sa kulungang yan?" bulong ni Ramses.

"Syempre ayoko, hindi sa bawat pagkakataon nakakalabas ako ng kulungan at


nakakapaglibot. Kaya pakiusap, ilabas mo na ako dito," pagmamakaawa ng hunyango.

"Ganun ba? Kung gayon, kinakailangan mong itago ang sarili mo para maalis kita
dyan." Mahinang sagot ni Ramses.

Dahan-dahan nyang binitawan ang hunyango. Ilang saglit pa ay nagpalit ito ng kulay
upang hindi makita ng mga nandoon lalo na ni Madam Nema.

Mabilis na gumapang ang hunyango sa loob ng manggas ni Ramses. Hindi napigilan ni


Ramses na mapatawa dahil nakikiliti

sya sa mga paa ng hunyango.

"Anong problema mo Ramses?" masungit na tanong ni Madam Nema.

"Wa - wala po. Nasasabik lang po ako sa mga susunod na mahikang ituturo nyo."
Pagpapaliwanag nya habang pinipigilan ang kanyang pagtawa. "Lalabas na po ako."
Pagpapaalam ni Ramses at nagmamadaling lumabas ng silid.

Agad naman syang sinundan nila Ryona at Perus palabas.


"Ramses, may problema ka ba? Kasi parang kanina ka pa wala sa sarili?" Pag-uusisa
ni Perus habang tinitingnan mabuti ang kaibigan.

Tumigil sandali si Ramses at humarap sa dalawang kaibigan. Ngumiti lamang sya na


parang may nais ipahiwatig.

Tila nakaisip naman ng ideya si Ryona kaya't hinigit nya ang kaibigan at nanakbo
sila.

"Ryona, san mo na naman balak pumunta?" tanong ni Perus habang sinusubukang sundan
ang dalawang kaibigan.

Biglang lumiko ang tatlo. Napasandal sila sa pader dahil narinig nilang may
paparating.

"Hindi ka pa rin ba nadala huh Ryona? Matapos ng mangyari sa'tin, ngayon gusto mo
na namang maulit? Paano kung hindi na tayo makabalik?" Mahinang tanong ni Ramses na
kinakabahan sa ginagawa nila.
"Huwag kang mag-alala Ramses, maglilibot lang ulit tayo. Maraming lihim ang
kastilyong 'to. Dapat natin yung malaman." Natutuwa si Ryona habang nakatingin kung
may dadaan nga sa may tigiliran.

Nang mapansin nilang tahimik na ang lahat, naisipan na nilang maglakad at libutin
ang kastilyo.

"San mo ba talaga balak magpunta, ha Ryona?" Parang naiinis na si Perus, pero


nasunod pa din sya sa kaibigan.

"Ayun." Nakakita si Ryona ng dalawang pintuan. Nanakbo sya papalit dito. Sinubukan
nyang buksan ang may kaliitang pintuan sa kanan.

"Ang malas natin, mukhang nakasarado ang mga pintuan dito." Muli ay sinubukan
nyang buksan. "Ayaw, talaga. Perus, subukan mo naman." Umatras si Ryona at lumapit
si Perus sa pintuan. Ngunit maging sya ay hindi mabuksan ang pinto.

"Mukhang mahika lamang ang nakakapagbukas ng mga pintuan dito. Katulad na lang ng
sa silid natin." Sagot ni Perus

matapos subukang buksan ang pintuan.


Madahan naman naglakad si Ramses sa tapat ng isa pang pintuan sa kaliwa. Medyo may
kalakihan ang pintuang iyon. Tiningnan nya ito mula itaas hanggang ibaba.
"Napakalaking pintua." Bulong nya sa kanyang sarili.

Hindi pa nya tapos tingnan ang kabuuan ng pintuan ng bigla itong bumukas ng
bahagya na ikinagulat naman ni Ramses. Napalingon ang dalawa nyang kaibigan sa
kanya at nagmadaling lumapit.

"Anong ginawa mo? Paano mong nabuksan ang pintuan?" Tanong ni Perus habang
nakatingin ng diretso kay Ramses.

"Wala akong ginawa. Maniwala kayo." Umiiling lang ang dalaga. "Kusang bumukas ang
pintong yan."

"Hindi na mahalaga kung paano nabuksan ang pintuan. Ang importante, makakapasok
tayo at makikita natin kung ano ang nasa loob nito." Itinulak ni Ryona ang pintuan
at dahan-dahang pumasok sa loob.

"Ryona, bumalik ka dito. Delikado yang ginagawa mo." Pagpupumigil ni Perus ngunit
wala na syang nagawa.

Nakarinig ang dalawa ng mga yabag na tila malapit lamang sa kanilang kinatatayuan.
Dahil sa ayaw nilang mahuli ay napilitan silang pumasok sa loob.

Bahagya lamang ang pagkasara ng silid kaya't mula sa loob ay kita nila si Madam
Nema at si Mang Zonro na naglalakad sa tapat ng silid na kanilang pinagtataguan.

Hindi mapigilan ni Ramses na mabahing na naging dahilan ng paghinto nila Madam


Nema sa harapan ng pintuan. Agad namang tinakpan ni Perus ng kanyang mga kamay ang
bibig ni Ramses upang pigilan ang muli nitong pagbahing.

Dahan-dahang naglakad si Madam Nema papalapit sa pintuan na ikinakaba naman nila


Perus at Ramses.

"May problema po ba Madam Nema?" Tanong ni Mang Zonro.

"Parang may kakaiba sa silid na 'to. Sole Ipar!" Itaas ni Madam Nema ang kanyang
kamay at nagliwanag ang kanyang tekan. Biglang nagsarado ang pintuan. "Umalis na
tayo." At iniwanan nilang nakasarado ang pintuan kung saan naiwan sa loob ang
tatlong magkakaibigan.

"Mukhang hahanap na tayo ng ibang daanan palabas."


Tinanggal ni Perus ang kanyang kamay mula sa pagkakatakip

sa bibig ni Ramses.

"Hanapin muna natin si Ryona." Mahinang sabi ni Ramses habang nagsimula ng


maglakad sa loob.

"Ryona! Ryona nasan ka?" sigaw ni Perus.

"Perus, hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na 'to." Bulong ni Ramses.


Napahawak sya sa braso ng kaibigan.

"Ganun din ang pakiramdam ko. Maging alerto ka." Nagpatuloy ang dalawa sa pagtawag
kay Ryona.

Maya-maya ay nakaramdam sila ng isang mabilis na nanakbo sa paligid.

"Perus, ano yun?" Nag-aalalang tanong ni Ramses.


Muli ay may mabilis na gumalaw sa itaas nila. Sabay silang napatingin sa itaas.

"Hindi ko alam. Pero kailangan na nating makalabas dito." Nakakaramdam na din ng


pagkatakot si Perus.

Habang nakatingin sila sa itaas, biglang may bagay na tumalon galing sa itaas na
iginagulat ni Ramses. Napasigaw sya ng malakas sa

sobrang takot. Maging si Perus ay nagulat din at napahawak sa kanyang armas.

Isang malakas na tawa lamang ang kanilang narinig. Nag mapatapat sa liwanag ay si
Ryona lang pala ang tumalon galing sa itaas na ikanatakot naman ng kanyang mga
kaibigan.

"Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo ha Ryona? Mamamatay ako sa ginawa mo eh."


Naiinis na sigaw ni Ramses sa kaibigan.

"Hindi ko namang inaasahang matatakot kayo. Maniwala kayo, wala akong intensyong
iba." Natatawang paliwanag ni Ryona. "Balak mo ba talaga kong gamitan ng sandata
mong yan, huh Perus?" Hindi maawat sa pagtawa ang dalaga na tila ikinainis naman ng
dalawa nyang kaibigan.
"Oo. Hindi ako magdadalawang isip kung hindi ka pa titigil dyan." Seryoso ang
mukha ni Perus. Agad din naman tumigil sa pagtawa si Ryona.

"Tama na nga yan. Kailangan na nating humanap ng labasan. Isinara ni Madam Nema
ang pintuan, kaya hindi na tayo makakalabas." Natingin si Ramses sa paligid na
parang naghahanap ng madadaanan.

"May nakita akong isang pintuan doon sa dulo. Siguro yun na ang labasan. Sumunod
na lang kayo." Nauna si Ryona sa

paglalakad na tila natatawa pa din sa nakitang reaksyon ng kanyang mga kaibigan.

Habang naglalakad silang tatlo, nakarinig sila ng kakaibang tunog. Parang tunong
ng isang hayop.

"Ryona, Perus, narinig nyo ba ang narinig ko." Nanginginig na tanong ni Ramses.

"Hindi ako sigurado. Pero nararamdaman ko sa tinatapakan natin na may iba pang
naglalakad bukod sa'tin." Paliwananag ni Perus.

"Siguro dahil medyo malamig at may kadiliman lang dito sa silid na 'to kaya kung
anu-ano ang nararamdaman natin. Magmadali na lamang tayo." Mabilis na nanakbo si
Ryona papunta sa pintuan na tila kasing gaan lamang sya ng dahon. Maliksi at
mabilis syang kumilos.

Malayo na din ang naging agwat nya mula sa kanyang mga kaibigan. "Ramses, Perus,
bilisan nyo. Malapit na tayo sa pintuan." Sigaw ni Ryona mula sa malayo.

Agad namang sumunod ang dalawa nyang kaibigan sa kanya. Habang tumatakbo ang
dalawa, lalong papalakas ang naririnig na tunog ni Ramses. Tumigil ito sa
paglalakad.

"May problema ba?" Napahinto din si Perus.

"Hindi ko alam, pero - pero hindi talaga maganda yung pakiramdam ko. Parang may
panganib na papalapit sa'tin." Nag-aalalang paliwanag ni Ramses na napahawak naman
sa kanyang tekan.

"Bakit ba ang tagal nyo? Mauuna na ba ako sa inyo?" Muling sigaw ni Ryona na
patalon-talon at pasirko-sirko sa kanyang kinatatayuan.

"Ryona, lumapit ka dito. Hindi dapat tayo naghihiwa-hiwalay." Sigaw din ni Perus
na tila may nakukutuban din sa paligid.
"Masyado ko ata talaga kayong natakot kanina. Kung anu-ano na tuloy ang naiisip
nyo dyan." Tumawa na naman ng malaks si Ryona.

"Pe - Perus! Ano yung mga yun." Itinuturo ni Ramses ang dalawang mata na lumabas
sa likuran ni Ryona.

"Hindi maganda ito. Ryona! Umalis ka na dyan!" Nagmadaling tumakbo si Perus


papalapit kay Ryona at agad hinawakan ang kanyang sandata.

Nagmadali namang lumingon si Ryona. Nakita nya ang isang malaking hayop sa kanyang
likuran. Tila isang mabangis na pusa na kasing laki ni Perus ang nakatayo sa
kanyang likuran. Mabilis syang nakalayo sa hayop na ito bago pa man sya nito
masakmal. Kinuha nya ang kanyang palaso at agad pinatamaan sa ulo ang malaking
hayop

na iyon. Ang hayop ay natumba bago pa lamang makalapit si Perus.

"Ryona, ayos ka lang ba?" sigaw ni Ramses na nananakbo din papalapit sa kaibigan.

Nilapitan ni Ryona ang hayop na iyon at kinuha ang pana na tumama dito.
"Anong klaseng hayop yan?" Tanong ni Perus.

Isang maitim at mabalahibong hayop ang tumambad sa kanilang harapan.

"Isang nakakatakot na hayon lamang iyan. Pero sa tingin ko hindi sya mabangis."
Paliwanang ni Ryona.

Nagulat si Ramses sa kanyang nakita. "Lumayo kayo sa kanya." Sigaw nito.

Napalingon ang dalawa sa kanya. Balot ng takot ang kanyang katawan.

"Ramses, huwag ka ng matakot. Pinatulog ko lang naman ang halimaw na 'to."


Natatawang sagot ni Ryona.

"Nagkakamali kayo." Nanginginig na sabi ng dalaga.


Tumayo ang dalawa mula sa pagkakaupo sa harapan ng nakahandusay na hayop at
tumingin ng diretso kay Ramses.

"Anong ibig mong sabihin?" seryosong tanong ni Perus.

"Bata pa ang hayop na yan. Anak lang yan ng hayop na nakakulong dito." Mahinang
sabi ni Ramses.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Ryona at tumingin sa paligid. Nagdikit-dikit ang


tatlo na magkakatalikuran. Kinuha na din si Ramses ang Tenivis na nakalagay sa
kanyang likuran.

Habang nakatayo ang tatlo ay may mabilis na anino ang paikot-ikot sa kanila.

"Mukhang ayan ang magulang ng batang hayop na ito." Bulong ni Ramses.

"Humanda kayo. Mapapalaban tayo." Itinaas na ni Perus ang kanyang malaking


palakol.

Ilang saglit pa ay may isang malakas na ungol ng hayop ang kanilang narinig at
biglang humangin ng malakas.

"Nasaan na ang hayop na yun?" Nanginginig ang boses ni Ryona at hinahanap kung
saan nya ititira ang palaso na kanyang hawak.

Papalapit ng papalapit ang ungol ng hayop ngunit hindi nila makita kung saan ito
manggagaling.

Ilang sandali pa ay may isang malagkit na bagay ang pumatak kay Ryona.

"Ahhhhhhhhh!" Sigaw nito habang pinupunasan ang malagkit na bagay na ito.

Agad napalingon ang dalawa sa kanya. "Bakit?" nag-aalalalang tanong ni Ramses.


Nakita nila ang isang berdeng malagkit na nasa katawan ni Ryona.

"Hindi ko gusto 'to." Bulong ni Perus.

Nagkatinginan ang tatlo. Sandaling nabalutan ng paligid ang silid. Tanging


mabibilis na pintig ng puso nila ang kanilang naririnig.

Napalunok silang tatlo at sabay-sabay silang tumingala.

"Sinasabi ko na." Gulat na gulat na sabi ni Perus.

Isang malaking hayop ang kanilang nakita. Sampung beses ang

laki kesa sa napatulog nilang hayop.

"Mukhang gutom na sya." Nangingig si Ramses sa pagkakahawak ng kanyang sandata.


Itinabi ni Perus ang sandatang hawak nya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Ryona.

"Walang laban ang sandata natin dyan. Baka nga hindi pa natin sya magawang
masugatan sa sobrang kapal ng balahibo nya." Nakatingala lang si Perus at nag-iisip
ng paraan.

"Anong gagawin natin?" Itinabi na din ni Ramses ang kanyang Tenivis.

Habang nag-uusap ang dalawa ay ginamitan ni RYona ng palaso ang halimaw at


tinamaan ito sa ulo.

"Anong ginawa mo!" Sigaw ni Perus.

"Sinubukan ko lang naman." Nanginginig na sabi ni Ryona.


"Sa ginawa mo lalo mo lang syang ginalit." Hinigit ni Perus si Ryona bago pa man
ito matapakan ng halimaw.

Nagalit ang halimaw at hinabol sina Perus at Ryona. Napalayo ang dalawa kay
Ramses.

"Anong gagawin ko." Nakatingin si Ramses sa dalawang kaibigang nananakbo at


umiiwas sa mga hakbang ng malaking halimaw.

"Ramses! Umisip ka ng paraan!" sigaw ni Perus.

Sumabit sa kuko ng halimaw ang hambria ni Perus kaya't napabagsak ito sa sahig.
Dahan-dahang papalapit sa kanya ang halimaw.

"Hindi mo ako kayang halimaw ka!" Sigaw ni Perus sa halimaw.

Umungol ng malakas ang halimaw at tinapakan si Perus.


"Peruuuuuuuuuuuuuuuussssss!!!!!!!" Sigaw ni Ryona na papasugod sa halimaw. Ngunit
bago pa sya lubusang makalapit ay inihampas lang sya ng halimaw gamit ang buntot
nito. Tumalsik si Ryona at humampas sa pader. Bumagsak din si Ryona sa sahig at
tila nawalan ng malay.

"Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!" sigaw ni Ramses habang nakita kung


anong nangyari sa kanyang mga kaibigan.

A/N

Putulin ko muna. Dahil sa request na bilisan ang update, heto na po ang kasunod.
Pipilitin ko pong magupdate everyday para sa mga regular readers. Maraming salamat
po at nagugustuhan nyo ang mga adventures and actions ni Ramses.

Ano kayang nangyari kay Ryona at Perus? At anong gagawin ni Ramses? Abangan yan sa
susunod na kabanata ng Ramses in Niraseya.

Don't forget to vote and comment po huh. And kung hindi ka pa fan, sana maging fan
na kita. And idededicate ko ang next chapter sa'yo. Hihi.
Maraming salamat..

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 25)

And as I promised, heto na po. This chapter is dedicated to EssaTerrado. Thanks po


sa pagfan at sa pagsuporta sa story na 'to.

Para sa mga gustong magpadedicate, just let me know. Don't be shy. Hihi.. ^_^

*********************************************

KABANATA 25

"HINDI INAASAHANG KAPAHAMAKAN"


Ikalawang Bahagi

Parang natulala si Ramses na nakita. Puno ng luha ang kanyang mga mata. Wala syang
nagawa para iligtas ang kanyang mga kaibigan.

Muli ay umungol ng malakas ang halimaw na naglikha ng malakas na hangin.

Nawawalan na sana ng pag-asa si Ramses ng makita nyang umaangat ang paa ng halimaw
kung saan nasa ilalim si Perus. Nakita nyang nagliliwanag ang tekan ni Perus.

"R - Ramses, wag kang matakot. Makakaisip ka ng paraan. Huminahon ka lang."


Nanghihinang sabi ni Perus.

Agad nagpunas ng mga luha si Ramses. Habang nagpupunas sya ng luha ay napansin
nyang nagkakamalay na ang maliit na halimaw na pinana

ni Ryona.
Tumakbo si Ramses papalapit dito. Tinapakan nya ang halimaw habang nanghihina pa
ito.

"Ikaw halimaw ka!" Sigaw ni Ramses sa halimaw.

Umungol ng mahina ang maliit na halimaw na nakatawag pansin sa malaking halimaw.


Napatingin ang halimaw na ito kay Ramses.

"Kung hindi mo papakawalan ang kaibigan ko - ." Kinuha nya ang Tenivis at
nakatarik sa may puso ng maliit na halimaw. " - papatayin ko ang anak mo."

Parang naintindihan ng malaking halimaw ang nais ipahiwatig ni Ramses at inalis na


ang pagkakatapak kay Perus. Dahan-dahang nakatayo si Perus ngunit parang nabalian
sya ng buto.

"Ramses, delikado yang ginagawa mo!" Hinihingal na sabi ni Perus habang hawak-
hawak ang kanyang balikat.

Mabagal na naglalakad ang malaking halimaw papalapit kay Ramses.


"Perus, tingnan mo kung ayos lang si RYona. Bilisan mo!" Sigaw ni Ramses na hindi
inaalis ang pagkakatutok ng Tenivis sa may puso ng maliit na halimaw.

Nilapitan naman agad ni Perus si Ryona. Pinulsuhan sya ito. "Buhay pa sya, Ramses."
Ginising nya ang dalaga.

Gumaan naman ang pakiramdam ni Ramses ng malamang ayos lamang ang kanyang mga
kaibigan.

"Ngayon, sarili ko na lang ang dapat kong iligtas. Pero paano?" bulong sya sa
sarili habang nakatingin sa halimaw na papalapit sa kanya.

"Nakalimutan mo atang nandito ako." Biglang nagsalita ang hunyango. "Magagamit mo


ang kakayahan ko para makaalis dito."

"Kung gagamitin ko ag kakayahan mo, sarili ko lang ang mawawala. Paano naman ang
mga kaibigan ko?"
Gumapang ang hunyango sa kanyang braso at biglang lumitaw sa kanyang paningin.

"Mahina na sila. Kung makakalabas ka dito, makakahingi ka ng tulong sa labas."


Udyok ng hunyango.

Tiningnan ni Ramses ang dalawang nanghihinang kaibigan at tiningnan ang malaking


hayop na unti-unting nalapit sa kanya.

"Hindi. Hindi ko iiwan ang mga kaibigan ko dito. Baka hindi ko na sila maabutang
buhay kung hihingi pa ako ng tulong sa labas." Paninindigan ni Ramses.

Tumawa naman ang hunyangong nasa kanyang balikat. "Pinahanga mo ako sa iyong
paninindigan. Maari kayong makalabas dito ng ligtas gamit ang kakayahan ko."
Paliwanag ng hunyango.

"Pero paano? Masyado silang malayo para mahawakan ka. At isa pa, masyado kang
maliit para hawakan ka naming tatlo. Hindi din kami makakatakbo ng ayos."
Nakatingin sya sa malaking halimaw na bumibilis ang lakad papalapit sa kanya.
Napansin din ni Ramses na unti-unti nang lumalakas ang maliit na halimaw na
kanyang tinatapakan.

"Simple lang ang sagot sa iyong katanungan. Kung ang mahikang iyong ginamit ay
pampaliit, baligtarin lamang para sa pagpapalaki." Muli ay tumawa ang hunyango.

"Baligtarin? Pero -" biglang natumba si Ramses dahil gumalaw na ang maliit na
halimaw. Sa pagkatumba nya ay nanakbo na ng mabilis ang malaking halimaw papalapit
sa kanya.

Nag-isip sya kung paano babaligtarin ang mahika. Dahan-dahan

syang bumaba sa maliit na halimaw at umatras papalayo dito. Lumapit ang malaking
halimaw sa kanyang anak at dinilaan nya ito na parang ginagamot ang kanyang sugat.
Tila nag-uusap ang dalawa sa ingay na kanilang ginagawa.

Sinamantala naman iyon ni Ramses para mag-isip. Napatingin ang malaking halimaw sa
kanya na parang susugurin sya. Hinawakan ni Ramses ng dalawang kamay ang kanyang
espada at itinutok sa halimaw.

Mabilis na sumugod ang halimaw sa kanya na alam nyang kapag naabutan sya nito ay
katapusan na nya.
"Ramses!" sigaw nila Ryona at Perus.

Napasandal na si Ramses sa pader at wala na syang iba pang pupuntahan.

"Hunyango, ngayon na!" sabi ni Ramses sa hunyango.

Agad namang bumaba sa sahig ang hunyango ng mabilis.

"Retun Ifled!" Tila nag-aalinlangan pa si Ramses sa kanyang isinigaw. Ngunit ilang


saglit pa ay lumaki ang hunyango sa kanyang tabi. "Ayos!"

Umakyat siya sa likuran ng hunyango at bigla silang nawala. Dire-diretso naman

ang malaking halimaw sa pader ng biglang nawala sila Ramses.

Tumingin agad ang halimaw kina Perus at Ryona na parang alam nyang sa kanila
papunta si Ramses.
"Humanda ka na Ryona, dito na yan susugod." Hinawakan muli ni Perus ang kanyang
sandata.

Tumayo silang dalawa na handang makipaglaban.

"Kaya natin 'to, di ba Pe - ?" paglingon ni Ryona ay nawala na din si Perus.

"Nasan na kayo?" Naiiyak na tanong ni Ryona. Nawalan na sya ng pag-asa ng biglang


may humigit sa kanya pataas. Sa sobrang takot ay napapikit ang sya.

"Ayos lang ang lahat, dumilat ka na." Mahinang sabi ni Ramses.

Pagdilat ni Ryona ay nakasakay sila sa malaking hunyango. "Paanong lumaki ang


hunyango na 'to?"

"Kung ang mahikang iyong ginamit ay pampaliit, baligtarin lamang para sa


pagpapalaki." Sabay tawa ng kaibigan.
"Ano daw?" muling tanong ni Ryona na nakatingin kay Perus.

"Hindi ko alam. Kailangan na muna nating makalabas dito bago pa tayo makita ng
halimaw na yan." Itinuturo ni Perus ang malaking pintuan palabas.

Naglakad ang hunyango papunta sa pintuan. Nakatingin lamang ang halimaw sa bumukas
na pintuan kahit wala syang nakikitang lumabas.

Lumapit ang halimaw sa kanyang anak at tumabi ito dito.

Samantala, nakalabas naman sila Ramses ng ligtas sa silid na iyon.

Paglabas nila nakita nila si Madam Nema at si Ginoong Yaku.

"Patay, huli tayo." Bulong ni Ryona.


"Shhhhh. Hindi pa din nila tayo nakikita. Mabuti pa magmadali tayo sa pag-alis
dito. Hunyango, dun tayo sa labas." Mahinang utos ni Ramses.

Sinalubong nila ang dalawang guro sa daanan ngunit nanatili silang hindi nakikita.
Pigil na pigil ang hininga nilang

tatlo upang hindi sila mapansin ng dalawang guro.

Muli ay tumigil si Madam Nema. "Parang may nakatingin sa atin." Tumingin it okay
Ramses na parang nakikita nya ang mga ito.

Nanlaki naman ang mata ni Ramses at kinabahan. "Huwag kang mag-alala, nararamdaman
ka lang nya, pero hindi ka nya nakikita." Sabi ng hunyangong kanyang sinasakyan.
Nakahinga naman ng ayos si Ramses sa narinig.

Pagkarating nila sa labas ay lumiit na muli ang hunyango at sabay-sabay silang


nahulog sa damuhan. Napasigaw sila habang bumabagsak. Narinig ito nila Ginoong Yaku
kaya't lumabas agad sila upang tingnan kung ano ang ingay na iyon.

Nang makita ni Ramses na papalapit ang kanilang mga guro ay agad nitong dinakma
ang hunyango at itinago sa loob ng kanyang uniporme.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Ginoong Yaku habang tinutulungang tumayo ang
tatlong magkakaibigan.

"Nagsasanay po kasi kami gamit ang sapatos at sandata kaya nagkasakitan po kami ng
kaunti para maging makatotohanan." Paliwanag

ni Perus.

"Kaninong ideya ang gawing totohanan ang pagsasanay?" Tanong ni Madam NEma na
masama ang tingin sa kanilang tatlo.

Sasagot na sana si Ryona ng biglang inako ito ni Ramses. "Ako po, ideya ko po iyon
para masubukan ang lakas namin." Tumingin si Ramses sa dalawang kaibigan.

"Ah - ikaw pala. Dapat kang maparusahan. Sumunod ka sa'kin." Naunang maglakad si
Madam Nema at sumunod si Ramses.

"Ramses." Mahinang sabi ni Ryona at hinawakan nya sa kamay si Ramses.

"Ayos lang ako." Inalis nya ang kamay ni Ryona. "Ginoong Yaku, pakiusap pakidala
po sa silid-gamutan ang mga kaibigan ko."
Tumango lang ang ginoo at inalalayan sina Perus at Ryona. "Marami pong salamat."
Dumiretso na si Ramses para sumunod kay Madam Nema.

***************************************************

A/N

Ano kayang parusa ang ibibigay kay Ramses? Abangan yan.

Nagustuhan nyo ba ang ginawang pagliligtas ni Ramses sa kanyang mga kaibigan?


Comment na.. Vote na din.. Hihi..

Maraming salamat po sa pagbabasa. Sana ay abangan nyo pa ang pakikipagsapalaran ni


Ramses at kung ano pa ang mga mangyayari sa kanya.

Hindi ka pa ba fan? Sana po maging fan na kita. Hihi. At idededicate ko sa'yo ang
next chapter. Maraming salamat. :)
*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 26)

Kabanata 26

"ANG PAGBALIK SA NAKARAAN"

Nagdiretso sina Madam Nema at Ramses sa silid tanggapan ni Maestro Boro. Nadatnan
nilang pinapakain ng matanda ang isang malaking apoy na ibon. Lumapit si Madam Nema
sa matanda upang isumbong ang ginawa ni Ramses.

"Reve Nir, Maestro Boro. Naparito ako upang bigyan ng karampatang parusa ang
kapangahasang ginawa ni Ramses," tumingin ito sa dalagang nasa kanyang likuran.
"Dalawa sa mga baguhan ngayon ay sugatan dahil sa mapanganib nyang ideya ng
pagsasanay."

Humarap si Maestro Boro sa nagsasalitang guro. Tumingin din sya kay Ramses na
nakatungo. "Anong gusto mong gawing kaparusahan sa kanya, Madam Nema?" Umupo ang
matanda sa kanyang upuan at nagbukas ng isang malaking aklat na tila talaan ng mga
pangalan ng mga taga Silko.

"Ang hindi pagpasok sa kanyang mga susunod na klase." Sagot ng guro. Tila hindi
nagustuhan ni Ramses ang narinig mula kay Madam Nema kaya't lumapit ito sa harapan
ni Maestro Boro.

"Ngunit sobra naman po ang kaparusahang gusto nyong ipataw sa'kin. Mahalaga po ang
mga matutunan ko dito sa Silko.

Sana po wag nyo naman pong ipagkait sa'kin iyon." Napataas ng konti ang tono ng
pagsasalita ni Ramses dahil na din sa bugso ng kanyang dadamdamin.

Tila nagulat si Madam Nema at napatingin ito ng masama sa dalaga. "Napakapangahas


mo talaga. Ang dapat sa'yo ay patalsikin dito sa Silko." Tumingin ito ng diretso sa
maestro. "Kung inyong mamarapatin, nais kong patalsikin ang baguhang ito sa ating
paaralan."

"Huminahon ka Nema. Sa tingin ko ay wala namang nilabag si Ramses para patawan ko


sya ng kaparusahan." Isinara nito ang malaking aklat na kanyang binabasa. "May
pahintulot ko ang pagsasanay na kanilang ginawa kanina." Tumingin ito kay Ramses na
parang may gustong sabihin.

Nagulat naman si Ramses sa sinabi ng maestro. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka
kung bakit sya pinagtatakpan ng matanda. Hindi nya alam ang sasabihin kaya't
minabuti nyang tumungo.
"Ngunit hindi kasama sa kanyang pagpapaalam ang pagsasakitan ng iba pang baguhan,
kaya't sa tingin ko'y nararapat din syang maparusahan," dugtong ng matanda.

Umaliwalas ang mukha ni Madam Nema ng marinig ang sinabi ni Maestro Boro. Masaya
sya at mapaparusahan si Ramses sa kanyang

nagawa. "Ano pong kaparusahan ang ipapataw nyo sa kanya, maestro?"

"Ang paglilinis nitong aking silid." Ngumiti ang matanda at muling tumingin sa
dalaga.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Madam Nema. Tila naiinis ito at hindi sang-ayon
sa desisyon ng matanda. Dahil wala syang magawa ay lumabas na ito ng silid na tila
nagdadabog pa.

Inintay ni Ramses makalabas si Madam Nema ng silid bago pa ito magsalita.

"Maraming salamat po Maestro. Hindi ko lang po maintindihan kung bakit─"

"May mga bagay na hindi na kailangan ng paliwanag. Sana ay hindi na maulit ang
pagpunta nyo sa mga ipinagbabawal na silid."

Bumilis ang tibok ng puso ni Ramses. Hindi nya alam kung paano nalaman ni Maestro
Boro ang ginawa nilang magkakaibigan. Hindi nya din alam ang isasagot dahil alam
nyang totoo naman lahat ng sinabi ng matanda.

"Humanga lamang ako sa ipinakita mong katapangan para sa iyong mga kaibigan.
Ngunit kung masyadong mapanganib ang mga

nangyari. Kaya't ayoko ng mauulit ang mga iyon." Tumalikod ito sa dalaga at muling
lumapit sa apoy na ibon.

"Patawad po, maestro." Mahinang sagot ng dalaga. Aminado syang malaki ang kanilang
kasalanan dahil sa kanilang nagawa kaya't handa syang tanggapin ang kahit anong
kaparusahang ipapataw sa kanya. "Sisimulan ko na pong linisin ang silid nyo."

Tumawa lang ang matanda sa narinig sa dalaga. "Bakit hindi mo na lang buksan ang
aklat na ibinigay ko sa'yo. Marami kang katanungan hindi ba? Nandyan ang mga gusto
mong malaman." Lumabas si Maestro Boro sa isang pintuan sa likod ng isang malaking
aklatan at naiwan si Ramses sa silid na iyon.

Umupo si Ramses sa upuang nasa may gitna ng silid at inilabas ang aklat na
ibinagay sa kanya ni Maestro. Tinanggal pa nya ang pagkakabalot dito. Tumingin muna
si Ramses sa paligid at napansin nyang nakatingin sa kanya ang malaking ibong apoy.
"Reve Nir munting ibon." Mahinang bati nito sa ibon. Ipinatong nya ang libro sa
mesang nasa kanyang harapan at umupo sya sa lapag.
Binuksan nya ang libro sa unang pahina nito ngunit nagulat sya sa kanyang nakita.
"Walang nakasulat? Paano nito masasagot

ang mga katanungan ko kung walang nakasulat?" Tiningnan nya pa ang ilang mga pahina
ng aklat ngunit ang lahat ng mga ito ay walang kahit anong sulat o larawan man
lang.

Tila nalungkot si Ramses sa nakita. Napasandal ito sa upuang nasa kanyang likuran
at nagbuntong hininga. "Hindi ko maintindihan si Maestro Boro." Tumingala sya at
maya-maya ay lumipad ang apoy na ibon sa paligid ng silid. Ang bawat daanan ng ibon
ay nagiiwan ng bahaghari. Natuwa si Ramses nakita at nakagaan ito sa kanyang
pakiramdam.

Tumigil sa pagikot ang ibon sa kanyang tapat at mabilis itong lumipad pababa
papunta sa kinauupuan ni Ramses. Dahil natakot si Ramses ay napaatras ito ng
bahagya upang iwasan ang pagbasak ng ibon. Nagulat sya na ang ibon ay dire-diretso
sa loob ng aklat na kanyang binuksan.

"Ang galing! Nawala yung ibon." Dahan-dahan syang gumapang papalapit sa librong
nasa mesa upang tingnan ito. Biglang mabilis na bumukas ang bawat pahina ng aklat
hanggang mapunta sa pinakaunang pahina.

"Anong nangyayari?" Namamanghang tanong ni Ramses sa sarili. Hinawakan ni Ramses


ang pahina ng aklat ng bigla syang hinigop nito.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!" Sigaw nya habang pumapasok sya sa libro. Tila
bumabagsak sya ng hindi nya alam kung

saan sya babagsak. Huminto ang kanyang pagbagsak at ang paligid ay nagbago.

"Nasaan ako?" Tiningnan nya ang paligid. "Parang nasa Silko pa din ako." Bulong
nya sa sarili. Nakita nya ang ibong apoy at sinundan nya ito. "Sandali!" Nanakbo
ito sa direksyong pinuntahan ng ibon.

Napunta sya sa silid-aklatan ni Maestro Boro. Nakita nya doon sina Maestro Boro at
iba pang guro na hindi nya kilala. Bata pa ang itsura ng maestro at hindi pa puti
ang buhok nito. Napalingon ang lahat sa pintuang kanyang pinasukan na ikinagulat
naman nya.

"Nandito ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay." Bati ni Maestro Boro na


nakatingin sa kanyang direksyon.

"Ipagpaumanhin nyo po maestro, hindi ko po sinasadyang─" hindi pa tapos magsalita


si Ramses ng biglang may nagsalita mula sa kanyang likuran.

"Napakatagal kasi ng aking mga anak. Pasensya na kayo kung napaghintay namin kayo.
Medyo may kalayuan din ang kaharian ng Dimotes mula dito." Sagot ng isang babae
kasama ang dalawang dalaga na nakaitim at nakapulang kasuotan na parang prinsesa.
"Reve Nir, Maestro Boro." Bati ng isang magandang dalaga na nakapula. Ang pino ng
kanyang kilos at maganda ang kanyang ngiti. Napansin ni Ramses na kamukha ito ng
kanyang ina.

"Bhufola, bumati ka din kay Maestro. Tularan mo ang iyong kapatid na si Ram."

Nakasimangot naman ang babaeng nakaitim at bumati din ito sa matanda. "Reve Nir,
maestro." Tumingin ito ng masama sa kapatid.

Natakot naman ang kapatid nya sa kanyang tingin kaya't nagtago ito sa likuran ng
kanyang ina.

"Magaganda ang iyong mga anak reyna Esmer." Bati ni Maestro Boro. Habang nag-uusap
sila ay napagtanto ni Ramses kung sino ang mga taong nasa kanyang harapan.

"Tiyahin ko si Bhufola? Pero paano nyang napaslang ang aking ina?" Lumapit sya sa
mga ito na pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata.

Tiningnan nya ang kanyang ina na tila napakabata pa ng mga panahong iyon. "Ina,
napakaganda mo." Ipinagpatuloy nya ang kanyang pag-ikot at napalapit sya sa reyna.
"Ikaw pala ang aking lola. Reyna Esmer." Muli ay nagpatuloy sya. Napatapat sya kay
Bhufola. Napatitig sya sa mukha

nito. Maamo naman ang kanyang itsura ngunit hindi nya alam kung bakit nagawa nyang
maging masama. Tititigan nya sana si Bhufola ng bigla itong tumingin sa kanya.

Ang talim ng mga tingin nito kay Ramses. Napaatras si Ramses at takot na takot sya
sa mga titig ni Bhufola. Biglang kumirot ang pilat nya sa palad.

"Anong nangyayari? Ang sakit - " biglang tumawa si Bhufola habang nakatingin kay
Ramses. Humangin ng malakas at naglaho ang paligid habang patuloy nya pa ding
naririnig ang pagtawa ni Bhufola.

Nagbago ang paligid. Wala na sya sa silid-tanggapan ni Maestro Boro. Muling nakita
ni Ramses ang apoy na ibon at agad nya itong sinundan. "Hintayin mo ako." Nanakbo
sya upang hindi mawala sa kanyang paningin ang ibong ito.

Pagliko nya sa isang pasilyo ay nakita nya sina Bhufola at Ram. Higit higit ni
Bhufola ang kanyang kapatid.
"Ikaw, masyado kang nagpapalakas sa ating ina. Kahit kailan gusto mo lahat ng
atensyon sa'yo!" Nanggigigil ito sa kapatid at mahigpit ang pagkakahawak nito sa
kausap.

"Pero natural na ako lamang ang aking ipinapakita." Mahinang sagot ni Ram.

"Wag mo kong lokohin. Ako ang nakakatanda sa'ting dalawa. Kung ipamamana ni ama ang
kanyang kapangyarihan at kaharian, yun ay walang iba kung hindi sa'kin. Kahit anong
gawin mo, hindi mo 'to maagaw sa'kin!" Galit si Bhufola sa kapatid. Hindi nya
pinapansin ang pag-iyak ng kausap.

"Hindi ko naman hangad ng kahit ano kapatid ko. Buo lang ang ating pamilya ay
masaya na ako." Umiiyak na sagot ni Ram.

Biglang dumating ang matandang si Nema habang nag-uusap ang dalawa.

"Bhufola?" bungad nito. Napatingin naman agad si Bhufola at bahagyang binitawan


ang kapatid.
"Madam Nema, Reve Nir. Nagagalak ako sa muli nating pagkikita." Nakangiti ito sa
kausap na papalapit.

"Ayos ba ang lahat? Bakit umiiyak ang iyong kapatid?" Usisa nito habang nakatingin
kay Ram.

"Umaarte lamang sya. Nais nya na daw bumalik sa kaharian. Hindi nya kasi alam ang
halaga ng pagkatuto sa mahika at pakikipaglaban para maging isang ganap na
prinsesa." Sagot nito kay Madam Nema.

Nakakaramdam ng galit si Ramses sa kanyang nakikita. Lumapit ito sa kanyang ina na


lumuluha. "Huwag ka nang umiyak. Busilak ang kalooban mo kaya wag kang malungkot."
Sabi nya sa kanyang ina.

Lumingon naman sa kanyang direksyon ang kanyang ina na tila narinig syang
nagsalita. Ngumiti ito kaya't ngumiti din sya.

"Sino ka?" tanong ng kanyang ina.

Sasagutin na sana nya ang kanyang ina ng biglang may isang tinig ng lalaking
sumagot mula sa kanyang likuran.
"Ako si Yvoc, isa sa mga baguhan dito. Ikaw anong pangalan mo?" Nilagpasan lamang
ni Ram si Ramses na nakatayo lamang sa kanyang harapan.

"Ako si Ram. Baguhan lang din ako dito." Masiglang sagot ni Ram. Tiningnan ni
Ramses ang mukha ni Yvoc, kamukha ito ng kanyang ama.

Naglakad ang dalawa papalayo kay Ramses at masaya silang nag-uusap. Tinatanaw
lamang sila ni Ramses na nakangiti at magaan ang pakiramdam.

"Ganoon pala nagkakilala ang aking mga magulang." Bulong nito sa kanyang sarili.
Habang nakatingin sya sa mga ito ay napansin nya ang ibon na lumabas ng bintana
kaya't sinundan nya ito. Ngunit paglabas nya ng bintana ay nasa may tuktok pala sya
ng kastilyo kaya't mabilis ang kanyang pagbagsak.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw nito. Pumikit sya habang nalalaglag at sobrang takot na


takot.

"Ramses!" narinig nya ang boses ni Ryona na tinatawag sya.


Dahan-dahan syang dumilat at nakita nya sa kanyang harapan ang aklat. Tumingin sya
sa paligid at nakabalik na nga sya sa silid tanggapan ni Maestro Boro. Nakasandal
sya sa upuan at nasa may kanyang likuran ang dalawang kaibigan.

"Ramses, ayos ka lang ba?" muling tanong ni Ryona.

Ngumiti si Ramses. "Ang galing!" Kinuha nya ang aklat at niyakap ito.

"Bakit kayo naparito? Okay na ba kayong dalawa?" masiglang tanong ni Ramses.

"Ipinapasundo ka ni Maestro Boro. Dahil hindi tayo nadalo sa klase kanina, sya ang
magtuturo sa ating tatlo. Kaya bilisan natin, baka magalit sya." Paliwanag ni
Perus.

Tumayo si Ramses at itinago ang aklat sa kanyang uniporme. Palabas na sila ng


silid ng maalala nya ang ibong apoy. Lumingon sya sa paligid ngunit wala ito sa
silid.

"Ramses, ano pang hinihintay mo?" sigaw ni Ryona.


"Wala. Nandyan na ako." Lumabas na silang tatlo sa silid at papunta na sa kanilang
klase kay Maestro Boro.

A/N

Happy New Year sa lahat. Sorry kung ngayon lang nakapagupdate. Nagbakasyon kasi
ako. And tinapos ko din ang FS ko. Pasenya na sa mga naghintay.

Sana ay patuloy nyo pa ding suportahan ang Ramses in Niraseya lalo na ngayong unti-
unti nang nalalaman ni Ramses ang nakaraan ng kanyang mga magulang at ng kanyang
pinagmulan.

Sana po ay wag kalimutang magvote and comment. Thanks a lot. :)

*MelaBrio*
=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 27)

Kabanata 27

"Masusing Imbistigasyon"

Habang naglalakad ang tatlo patungo kay Maestro Boro ay nakatingin mula sa
kanilang likuran ang isang bagong mukha sa Silko. Isang lalaking hindi pa nila
nakikilala.

"Bakit ka dun natutulog sa sahig Ramses? Nananaginip ka pa huh." Natatawan tanong


ni Ryona.

"Hindi ako nananaginip. Yung aklat na ibinigay ni Maestro Boro, nadadala nya ako
sa nakaraan. Sa mga nangyari sa mga magulang ko." Mahinang paliwanag ni Ramses.

Tumawa lang sina Perus at Ryona. "Epekto ata yan ng halimaw sa silid kanina."
Patuloy ang tawa ng dalawa.
"Sige lang, pagtawanan nyo ako. Pero nagsasabi ako ng totoo." Medyo naiinis na
sagot ni Ramses.

Tumigil ito sa paglalakad at napaisip. "Ryona, Perus, hindi kaya paparusahan tayo
ni Maestro Boro?"

Napatigil sa pagtawa ang dalawa at lumingon kay Ramses. "Bakit naman tayo
paparusahan?" Seryosong tanong ni Perus.

"Hindi ko alam kung paano. Pero alam nyang pumasok tayo sa silid ng halimaw."
Tumingin sya sa dalawang kaibigan na may takot at kaba sa kanyang mga mata.

Nagkatinginan naman sina Perus at Ryona sa kanilang narinig. "Mabuti pa huwag na


natin syang paghintayin," bulong ni Ryona.

Nakarating silang tatlo sa silid kung saan naghihintay si Maestro Boro.

"Reve Nir!" Bati ng tatlong magkakaibigan.


Nadatnan nilang may kausap na lalaki si Maestro Boro. Umupo sila sa kani-kanilang
upuan at naghanda sa mga sasabihin ng matanda.

"Nandito na pala kayo. Reve Nir! Tamang-tama lang ang inyong pagdating. May
ipapakilala ako sa inyo." Bungad ni Maestro Boro.

Isang lalaki ang kausap ng matanda. Nakatingin ito ng diretso kay Ramses na
nagpabalisa sa kanya.

"Kilala mo ba sya Ramses?" bulong ni Perus.

"Hindi. Pero parang nakita ko na sya." Mahinang sagot nito.

"Sya si Ginoong Domte. Dati na syang nagtuturo dito sa Silko ngunit nawala sya
dahil sa mga seryosong bagay." Ipinakilala nya ang lalaki sa kanyang tabihan.

Humarap naman ang lalaki at bumati. "Reve Nir mga baguhan. Reve Nir, Ramses."
Pinagpapawisan si Ramses ng hindi nya alam kung bakit. Napalunok ito at parang
hindi makagalaw. Ibinaling na lamang nya ang kanyang tingin sa ibang direksyon ng
silid.

"Sya muna ang magtuturo sa inyo sa mga hindi nyo natutunan kanina tungkol sa mga
gamot pangunang lunas at itututro nya sa inyo ang ilang mga nakalalasong sangkap na
dapat ninyong iwasan." Pagpapatuloy ni Maestro Boro.

"Ako na po ang bahala sa kanila, Maestro Boro." Nakatingin si Ginoong Domte sa


tatlo. Seryoso ang mukha nito na parang napakamisteryoso.

"Kung gayon ay iiwanan ko na kayo at ako ay madami pang gagawin." Tumingin sya
kina Ramses. "Magpakabait kayong tatlo." May laman ang ibig sabihin ni Maestro Boro
na alam ng magkakaibigan ang ibig sabin. Lumabas si Maestro Boro sa silid.

Medyo nakahinga naman ng maluwag ang tatlo dahil hindi sila napagalitan ng maestro.
Kumuha ng iba't-ibang likido si Ginoong Domte at inilagay sa mesa kung saan
nakaupo sina Ramses.

"Mayroon akong tatlong likido. Ang mga ito ang gagamitin natin para sa pang-unang
lunas na ating gagawin." Kinuha nya ang unang likido na kulay berde at umuusok.
"Ito ang pinatuyong dahon ng porsat. Kung ito ay lalagyan ng dagta ng eyin
makakalikha kayo ng malabnaw at umuusok na likidong tulad nito."

"Ano pong nagagawa ng likido na yan?" pag-uusisa ni Perus habang nakatingin sa


likidong hawak ng ginoo.

"Magandang katanungan. Ang likidong ito ay pumapawi ng kahit anong sakit na iyong
nararamdaman, maging sa loob man o sa labas ng katawan." Sumadok ng kaunti si
Ginoong Domte at inilagay sa isang bote ang patak ng berdeng likido.

Sumunod nyang kinuha ang pulang likido na bumubula-bula pa. "Ito ay ang dagta ng
apilo. Kapag ito ay hinaluan ng mainit na tubig na may asin ay bubula ito.
Nagpapakita lamang na epektibo na ang likidong ito para gamitin."

Nagsalin

sya ng kaunti sa boteng pinaglagyan nya ng berdeng likido. "Ito ang magkakalat ng
berdeng likido sa mga parte ng katawan nyo na masakit o kaya ay may diperensya."
Tumingin ito ng diretso sa tatlo. "Ngunit, ito rin ay maaring makasama sa kalusugan
kung mali ang paggamit at masosobrahan ka."

Nagkatinginan ang tatlo na balot ng pagkatakot. Hindi nila alam kung kaparusahan
na ba sa kanila ang klase na iyon. Masyadong tahimik ang silid at kahit maliit na
kaluskos ay kanilang naririnig.

"Ngayon, ang ikahuling kukumpleto sa ating unang panlunas. Ang asul na likido. Ang
sariwang bunga ng latus. Ang mga katas nito ay nagiging asul kapag piniga mula sa
bunga." Ipinakita nya sa tatlo ang asul na likido. Nagsalin sya ng kaunting patak
sa boteng pinaglagyan nya ng iba pang likido.

"Ngayon, hahaluin lamang natin ang tatlong sangkap na ito. Malalaman nyong
epektibo ang mga ito kung magbabago ang kulay nito." Hinalo ni Ginoong Domte ang
pinagsama-samang likido. Tahimik lamang na nakatingin ang tatlo habang naghahalo
sya.

"Para saan po ang asul na likido?" Tanong ni Ramses habang abalang nakatingin sa
hinahalong likido ng guro.

Nagpatuloy sa paghalo si Ginoong Domte habang sinasagot ang tanong ng dalaga. "Ang
asul na likido ay nagpapatagal ng bisa ng gamot. Kung mapaparami ang nilagay mo,
mas mahaba ang magiging epekto sa'yo ng gamot. Kaya dapat mag-ingat sa ilalagay na
asul na likido. Dahil maaring makasama ito sa'yo." Tumigil sya sa paghalo at umusok
ng malakas ang laman ng bote na parang isang sumabog na bulkan. Ang tatlo ay
nagulat at napasigaw. Natakot sila sa kanilang nakita.
"Maari nyo nang tingnan ang nagawa nating pang-unang lunas." Inilapit ni Ginoong
Domte ang bote kina Ramses upang makita ito ng malapitan.

"Ang galing! Parang tubig lang ang kinalabasan." Namangha si Ryona sa nakita. Tila
isang malinis na inuming tubig lamang ang nasa kanilang harapan.

"Paano po namin magagamit yan? Iinumin po ba yan?" Pagtatanong ni Perus habang


tinitingnan maigi ang likido.

Kumuha ng apat na maliliit na tinapay si Ginoong Domte. "Hindi iniinom ang


likidong ito dahil masyadong delikado kapag nasobrahan ka. Isang patak lamang ay
sapat na para mapawi ang inyong mga pinsala sa katawan." Pinatakan nya ang bawat
tinapay na nasa kanyang harapan at tsaka tinakpan ang bote.

"Maari nyo nang kainin ang tinapay na yan para mawala ang inyong mga sugat at
pananakit ng katawan." Kinuha nya ang isang tinapay at tsaka kinain. "Isang patunay
na hindi ito nakakamatay." Naubos na nya ang kanyang tinapay tsaka sumunod na
kumuha si Perus.

"Mauuna na ako." Kinain ni Perus ang tinapay. "Parang wala namang nagbabago
sa'kin." Tumayo sya at gumalaw-galaw. Nawala ang kirot na nanggagaling sa kanyang
nabaling buto. "Totoo nga, nawala yung kirot ng mga sugat at bali ko sa katawan."
Masiglang pahayag ni Perus.
Sumunod na kumuha si Ryona at kinain ang tinapay. Tumayo din sya at nagtatalon.
"Bumalik na ang bilis ko. Mabisa nga ang gamot na ito." Masayang sabi ni Ryona.

Masaya sina Perus at Ryona sa epekto ng likido sa kanila habang nakatingin lang si
Ramses sa kanila. Napansin ni Ginoong Domte na hindi pa kinakain ni Ramses ang
tinapay na para sa kanya.

"Hindi mo ba susubukan ang ginawa ko?" Malamig ang pagkakasabi ng ginoo. Kinabahan
si Ramses at hindi nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Tila wala syang
magawa sa mga tingin ng guro. Parang kusang gumagalaw ang kanyang kamay upang
abutin ang tinapay sa kanyang harapan.

Nagdadalawang isip si Ramses kung kakainin nya ang tinapay. Nang makita nyang
nakatingin sa kanya ang dalawang kaibigan ay wala na syang nagawa.

"Anong nararamdaman mo?" tanong ng guro.

"Gumaan po ang pakiramdam ko. Parang lahat ng mabibigat na nararamdaman ko eh


nawala." Masigla din si Ramses sa pagsasabi ng kanyang nararamdaman.
"Tatandaan nyo mga bata, lahat ng sobra ay nakakasama. At kapag nasobrahan ka ay
maaring makakitil ito ng buhay." Seryosong paliwanag ni Ginoong Domte.

Inabot nya ang bote ng likidong lunas kay Ramses. "Gusto ko munang itago mo ang
likidong ito habang hindi pa lubusang gumagaling ang iyong mga kaibigan. Ang
pagkawala ng kirot ay panandalian lamang dahil konting patak lamang ang inilagay ko
sa inyong mga tinapay."

Tinitigan ni Ramses ang kamay ng guro na hawak-hawak ang likido na parang


nagdadalawang isip.

"May tiwala ako sa'yo at simpleng likido lamang ito. Hindi ito mapanganib kung
gagamitin ng tama at hindi sosobra. Sige na, kunin mo na." Nakangiting paliwanag ni
Ginoong Domte.

Kinuha ni Ramses ang bote mula sa kamay ng guro. "Iingatan ko po ito." Sagot ng
dalaga.

Natapos ang kanilang klase ng may natutunan sila tungkol sa iba't-ibang klase ng
likido. Naiwan kay Ramses ang likidong panglunas na inihabilin sa kanya ni Ginoong
Domte.
"Ang galing ng likidong panglunas no? Maari yang magamit kung makikipaglaban ka at
nasugatan." Suhestyon ni Ryona habang naglalakad sila papunta sa Teno.

"Kung ano na namang kalokohang ang naiisip mo Ryona huh. Tandaan mo kung anong
nangyari sa'tin kanina." Pagpapaalala ni Perus.

Sa paglalakad nila ay nakasalubong nila si Ginang Dutris na may dala-dalang tray


ng pagkain.

"Reve Nir!" bati ng tatlong magkakaibigan.

"Reve Nir! Ramses, maari mo bang dalhin ang pagkain na ito kay Nikriv? Nandun sya
sa silid gamutan at nagpapahinga." Utos ng matanda habang inaabot kay Ramses ang
pagkain.

"Sige po, dadalhin ko na po sa kanya." Ipinatong nya sa lagayan ng pagkain ang


bote ng likidong dala-dala nya. "Mauna

na kayo sa loob Ryona, susunod na lang ako. Dadalhin ko muna 'to kay Nikriv."
Pumasok na sa loob sina Ryona at Perus kasabay si Ginang Dutris. Samantala
nagtungo naman si Ramses sa silid-gamutan kung saan nagpapahinga si Nikriv, ang may
katabaan na babae na kanilang kasama.

"Nikriv, ito na ang pagkain mo." Inilapag nya ang mga pagkain sa mesang nasa
tabihan ng kama ng dalaga.

Sinilip ni Nikriv ang mga pagkain. Isang hita ng baboy, tinapay, kanin, gulay at
prutas ang pagkaing dinala sa kanya. "Ano yan? Pinapatay nyo ba talaga ako? Nasan
ang matamisin?" Naiinis na tanong ni Nikriv.

"Ha? Kasi inabot lang sa'kin yan ni Ginang Dutris." Pagpapaliwanag ni Ramses.

"Sige na Ramses, ikuha mo naman ako ng matamisin kahit kaonti lang." Pakikiusap ni
Nikriv kay Ramses.

Nagbuntong hininga si Ramses at nag-isip sandali kung susundin si Nikriv.


"Tatanungin ko muna si Ginang Dutris kung maari kang kumain ng matamis. Babalik ako
agad." Lumabas ng silid si Ramses at nagmamadaling nagtungo sa Teno upang tanungin
si Ginang Dutris at kumuha na din ng matamisin.

Pumayag ang ginang na dalhan si Nikriv ng kaunting matamisin. Kaagad bumalik si


Ramses sa silid upang iaabot ang pagkain sa nagpapahingang kasama.
"Maari ka ng kumain. Babalik na ako sa Teno." Kinuha ni Ramses ang bote ng
likidong panglunas at lumabas na ng silid.

Nagsimula ng kumain si Nikriv na tila gutom na gutom.

Samantala bumalik naman si Ramses sa Teno upang kumain kasama ng kanyang mga
kaibigan. Masayang nagkakainan ang lahat ng biglang bumukas ang pintuan at
nagmamadaling pumasok ang manggagamot na si Macnis. Humahangos sya at dire-diretso
sa unahan papalapit kay Maestro Boro.

"Maestro, maestro! Si Nikriv po! May nangyaring masama sa kanya!" Ang lahat ng
guro ay nagulat sa narinig at agad napatayo.

"Anong nangyari kay Nikriv?" Pag-aalalang tanong ni Maestro Boro.

"Hindi ko po alam. Nanigas po sya at hindi ko alam kung paano." Naiiyak na


paliwanag ng manggagamot.
Agad tumayo si Maestro at bumaba upang sumama sa manggagamot. "Rifi, Yaku alalayan
nyo ang mga bata. Pupuntahan namin

si Nikriv." Nagmamadaling lumabas ang mga guro.

Biglang kinabahan si Ramses sa narinig mula sa manggagamot at napatingin sya sa


likidong nakapatong sa mesa.

"Mukha namang hindi ito nabawasan." Bulong nya sa kanyang sarili.

"Mga bata, magsibalik muna kayo sa inyong mga silid. May kaunting aayusin lamang
ang mga guro at tagapangasiwa. Walang lalabas ng silid hanggat walang inuutos."
Sigaw ni Ginoong Yaku habang ginagabayan sa paglabas ang mga baguhan.

Habang abala ang mga baguhan sa pagpila ay pumuslit si Ramses ng hindi nahahalata
ng dalawang guro. Agad naman itong napansin nila Ryona at Perus kaya't agad silang
sumunod.

"Ramses, saan ka ba pupunta?" Mahinang tanong ni Perus.

"Kinakabahan ako. Gusto kong makita si Nikriv." Sagot ni Ramses. Ngunit nakita
sila ni Madam Nema.
"At saan kayo pupuntang tatlo?" Masungit na tanong nito.

"Wala po. Babalik na po kami sa silid." Paliwanag ni Ryona at hinigit nya si


Ramses.

"Pero─" bulong ni Ramses.

Bumalik ang tatlo sa silid. Pinag-uusapan ng lahat ang tungkol kay Nikriv. Balisa
naman si Ramses sa hindi nya maipaliwanag na dahilan. Palakad-lakad sya sa silid at
hindi mapakali.

"Ramses, pwede bang maupo ka. Nahihilo ako sa kakalakad mo eh." Napansin ni Ryona
ang pagkabalisa ng kaibigan.

Kinuha ni Ramses ang bote ng likido at ipinakita kay Perus.

"Tingin mo ba nabawasan 'tong likido?" Tanong nya.


Tiningnan ni PErus ang likidong hawak ni Ramses. "Hindi ko alam. Bakit mo
naitanong?"

Naupo si Ramses sa higaan habang hawak-hawak ang bote. "Hindi ko alam, parang⎼
parang may hindi magandang mangyayari."

Lumapit sina Ryona at Perus sa dalaga at umupo ito sa kanyang tabihan. "Ramses,
may gumugulo ba sa isip mo?"

Ngunit bago pa man makapagsalita ang dalaga ay biglang pumasok sa silid si Madam
Rifi. "Ramses, sumunod ka sa'kin."

Nagulat ang tatlo sa narinig. "Pero bakit po?" Pag-uusisa ni Perus.

"Kayong lahat, may masusing imbestigasyong nagaganap sa Silko ngayon. Ang sino
mang lumabas ng walang pahintulot ay magiging pangunahing paghihinalaan at haharap
sa imbestigasyon." Pambungad nito. Humarap sya kay Ramses. "Ikaw, sumunod ka
sa'kin." Tumalikod ito at lumabas.
Nagkatinginan ang magkakaibigan sa narinig. "Wag na kayong lumabas para maiwasan
ang problema." Mahinang sabi ni Ramses sa dalawang kaibigan.

Habang papalabas ng silid sina Madam Rifi at Ramses ay nagbubulungan na ang ibang
mga baguhan sa loob ng silid ng Rune.

Mabilis ang tibok ng puso ni Ramses. Naiisip nya na isa sya sa mga pangunahing
pinaghihinalaan sa nangyari kay Nikriv. Ngunit hindi nya alam kung bakit kailangan
ng imbestigasyon dahil lang sa nangyari dito.

Nakarating sila sa silid-gamutan kung saan nandun sina Maestro Boro. Mga
nakatalikod sila sa pintuan at nakaharap kay Nikriv.

"Maestro, nandito na po sya." Pahayag ni Madam Rifi.

Sabay-sabay ang lahat na lumingon kay Ramses. Ang lahat ay nakatingin sa kanya na
parang may malalim na kahulugan. Nagsigilid ang mga ito upang bigyang daan si
Ramses papunta kay Nikriv upang makita ang nangyari dito.

Dahan-dahan syang naglakad papalapit kay Nikriv. Nanlaki ang kanyang mata sa
kanyang nakita. Hindi nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Agad syang
napatingin sa mga guro sa paligid na nakapalibot sa kanya at iniiling nya ang
kanyang ulo habang pumapatak ang kanyang mga luha.

*********************************************

A/N

Ooops. Hanggang dyan muna. Hihi. Salamat sa mga sumusuporta sa Ramses in Niraseya.
Maraming salamat at nagustuhan nyo ang story na 'to. Asahan nyong mas papagandahin
ko pa ang story at pipilitin kong makapag-update ng mas madalas. :)

Sana ay wag nyo pong kalimutang magvote and magcomment. And sana po maiFAN nyo din
po ako. Super maappreciate ko po. Thanks a lot.

Abangan: Anong nangyari kay Nikriv at bakit kailangan ng masusing imbestigasyon?


Bakit si Ramses ang unang ipinatawag. Abangan yan sa susunod na kabanata.

*MelaBrio*
=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 28)

KABANATA 28

"Ginoong Domte"

"Ano pong nangyari kay Nikriv?" umiiyak na tanong ni Ramses habang diretsong
nakatingin kay Maestro Boro.

Kulay asul ang itsura ni Nikriv at nanigas na ito. Dilat ang mga mata at
nakanganga pa sya.

"Hindi ba dapat ikaw ang aming tanungin tungkol dyan, Ramses?" tanong ni Madam
Rifi habang nakatitig sa kanya ng diretso.

"Po? Ano pong kinalaman ko sa nangyari kay Nikriv?" Tiningnan nya ang kasama sa
ganoong sitwasyon. "Wala po akong ginagawa sa kanya."
Lumapit si Madam Nema na may hawak-hawak na tinapay. "Ano 'to?"

Lumingon si Ramses at tiningnan ang hawak-hawak ng guro. "Yan po ang tinapay na


kakainin ni Nikriv⎼" tumingin ito sa mata ng guro, "wala po akong nilalagay dyan.
Kung ano lang po ang iniabot sa'kin ni Ginang Dutris, yun lang po ang ibinigay ko
kay Nikriv." Naiiyak na paliwanag ni Ramses.

"Ramses, nasuri namin

ang tinapay." Panimula ni Maestro Boro. "Hindi lang ang tinapay kundi ang lahat ng
pagkain na iyong dinala kay Nikriv." Tumungo panandalian ang maestro bago pa muling
nakapagsalita. "Ang lahakt ng iyon ay mayroon panglunas na likido." Lumingon sya
saglit kay Ginoong Domte at tsaka bumalik ng tingin sa dalaga. "At napag-alaman
namin na hawak mo ngayon ang panglunas na likido na ginawa nyo kanina sa klase
kanina."

Nagulat naman si Ramses sa mga narinig mula sa maestro at hindi sya agad
nakapagsalita. Pinahid nya ang kanyang mga luha at tsaka lumapit sa matanda.

"Pero hindi ko po ginagalaw ang likidong panglunas na inihabilin sa'kin ni Ginoong


Domte. Maniwala po kayo sa'kin." Muling pumatak ang mga luha ng dalaga habang ang
lahat ay nakatingin sa kanya na tila hindi naniniwala. "Hindi ko po kayang manakit
ng kapwa ko. Maniwala naman po kayo sa'kin."

Tila nakaisip si Ramses ng paraan para mapatunayang wala syang kasalanan. Tumakbo
sya papalabas ng silid-gamutan at bumalik sa kanilang silid upang kuhanin ang
likidong inihabilin sa kanya ng guro. Agad din naman syang bumalik sa silid-gamutan
upang ipakita ito kay Maestro Boro.

Pagdating nya doon ay may isang babaeng nakaitim na sumusuri kay Nikriv. Dahan-
dahan syang lumapit sa mga gurong nandun

upang ipakita ang kanyang dala-dala.

Nakita nya na parang dismayado ang itsura ni Maestro Boro at umiiling-iling pa


ito. "Papuntahin nyo na ang mga magulang ni Nikriv dito para kuhanin ang kanyang
katawan." Tumalikod ito at nakita si Ramses hawak-hawak ang likido.

"Maestro, heto po ang likido. Hindi po ito nabawasan kaya't mapapatunayan ko pong
hindi ko ito ginalaw." Dali-daling lumapit si Ramses sa maestro ng bigla syang
madapa. Ang bote ay bumagsak sa sahig at nabasag.

Hindi naman alam ni Ramses kung bakit sya nadapa. Nakadapa sya sa sahig ng lumapit
si Ginoong Domte para tulungan sya. "Ano ka ba namang bata ka. Bakit hindi ka kasi
nag-iingat." Tinulungan nyang tumayo ang dalaga.

"Ang likido - " kinuha nya ang mga basag na bote at tiningnan kung may naiwan pang
likido ngunit tinabig na agad ito ni Ginoong Domte. "Bakit po? Yun na lang ang pag-
asa kong mapatunayang wala akong kasalanan."
Nakatayo na si Ramses ng mapatingin ang ginoo sa natapong likido. Dumambot ito ng
isang bahagi ng bote na may naiwang likido. "Maestro Boro, maari nyo bang suriin
kung ano ito." Titig na titig ang ginoo sa hawak-hawak habang inaabot ito sa
maestro.

Lumapit ang matanda sa kanya at tiningnan ang hawak ni Ginoong Domte. Inamoy nya
ang likido at dinawdaw ang kanyang hinliliit at tsaka tinikiman ang likidong ito.
Tila nagulat ang ekspresyon ni Maestro Boro matapos tikman ang likido.

"Hindi maari - " napatingin agad sya sa mga gurong nakapaligid kay Nikriv. "Hindi
lamang ito basta panglunas na likido. May halo syang ibang sangkap."

Nagulat ang lahat sa narinig kabilang si Ramses. Hindi nya maipaliwanag ang
nararamdaman. Ang pagnanais nyang mapawalang sala ay mas lalo pa atang napasama.

Hindi nya alam ang gagawin. Ang itsura ng lahat ay balisa dahil sa natuklasan.
Inakbayan naman ni Ginoong Domte ang dalagang balisa.

"Hindi mo sinabing maalam ka palang gumamit ng itim na mahika," bulong nito sa


dalaga.
Napatingin naman ang dalaga sa kanya. "Hindi po. Wala po akong alam na kahit ano.
Maniwala po kayo sa'kin. Hindi ko po alam kung anong nangyayari."

Sinuri ng babaeng nakaitim ang likidong tinikman ni Maestro Boro. "May halong itim
na mahika ang likidong ito. Hindi

lang basta mahika. Ang dugo ng gumawa nito kay Nikriv ang inihalo sa likidong ito
na syang inilagay sa kanyang mga pagkain." Paliwanag ng babae sa maestro. Inilagay
nya ang ilang patak ng likido sa loob ng isang kakaibang bote at nanatili itong
nakalutang sa loob ng pinaglalagyan.

"Wala na bang paraan para magamot si Nikriv?" tanong ni Madam Nema na hindi
maiwasang tumingin ng masama sa kanya.

"Mayroon pang paraan." Tumigil panandalian ang babae at tsaka tumingin kay Madam
Nema. "Yun eh kung mamamatay ang nagmamay-ari ng dugong dumadaloy sa katawan ni
Nikriv."

Kinabahan si Ramses sa narinig. Alam nyang sya ang pinagbibintangan ng lahat


ngunit alam nya sa kanyang sarili na wala syang kasalanan.

"Hindi ko magagawang kumitil ng buhay para lang mailigtas ang isa pang buhay.
Kinakailangan ng isang masusing pag-aaral para masolusyonan ang problemang ito."
Tumingin sya kay Ramses. "Ngunit kinakailangan munang ikulong ang pangunahing may
sala sa nangyari."
"Hindi. Wala po akong kasalanan maestro. Wag nyo pong gawin sa'kin 'to." Dahan-
dahan syang umaatras

habang nakatingin ang lahat sa kanya.

Nilapitan sya ni Ginoong Yaku at hinawakan. "Ramses, sumama ka sa'kin." Lumabas


sila ng silid-gamutan at papunta sila sa silid kung saan pansamantalang ikukulong
si Ramses.

"Ginoong Yaku. Wala po talaga akong kasalanan. Tulungan nyo naman po ako." Umiiyak
na pahiwatig ng dalaga habang isinasara ng guro ang silid.

"Wag kang matakot Ramses. Kung wala ka talagang kasalanan makakalabas ka dito.
Patas si Maestro Boro at hindi nya gawaing magparusa sa mga taong walang kalaban-
laban." At isinara na nga ni Ginoong Yaku ang silid at naiwan sa loo bang dalaga.

Umiyak ng umiyak si Ramses at hindi nya alam ang gagawin. Naalala nya ang kanyang
pamilya na naiwanan nya sa kabilang mundo.

"Bakit kailangan ko 'tong maranasan? Bakit kailangan ko pang maghirap?" Kinakausap


nya ang sarili habang hinahaplos ang pintuang nagkukulong sa kanya sa silid na
iyon. "Gusto ko ng kasagutan." Dahan-dahang pumatak ang kanyang luha sa kanyang
kasuotan.

Nahulog sa sahig ang aklat na ibinigay sa kanya ni Maestro Boro. Kusa itong
bumukas at lumabas ang apoy na ibon mula

sa aklat. Lumipad ito paikot-ikot sa loob ng silid at pumasok muli sa loob ng


aklat. Hahawakan ni Ramses ang pahina kung saan pumasok ang ibon ng biglang nahigop
sya nito.

Bumabagsak ang pakiramdam ni Ramses habang madilim ang paligid. Hindi na naman sya
nakaramdam ng takot dahil hindi na iyon ang unang pagkakataong nangyari sa kanya
ang pagpasok sa aklat.

Dumating sa harap ng Teno kung saan ang lahat ay nagtitipon-tipon. Masaya ang
lahat habang kumakain kabilang ang kanyang mga magulang.

Doon nya nakita na kabilang sa grupo ng Rune ang kanyang mga magulang. Samantala
nasa grupo ng Arc naman ang kanyang tiyahin na si Bhufola.

"Tingnan mo ang iyong kapatid. Nakahanap na ata sya ng taong magpapasaya sa


kanya," bulong ng katabi ni Bhufola.
Lumapit si Ramses sa dalawang nag-uusap upang mas mapakinggan pa nya ito.

"Kinuha na nya lahat sa'kin. Pero sinisigurado ko na ang kapangyarihan ni ama ay


sa akin mapupunta dahil ako ang unang anak. Ako ang unang prinsesa!" sagot ni
Bhufola sa kanyang kausap.

Naglakad-lakad pa si Ramses upang tingnan ang paligid. Nagtataka sya kung bakit
dun sya dinala ng aklat. Habang nagsasaya ang lahat biglang may isang lalaking
natumba habang kumakain. Ang lahat ay nagkagulo dahil sa takot. Pinakalma ni
Maestro Boro ang mga bata at ipinahatid sa mga gurong nandun.

Agad lumapit si Ramses sa batang natumba. Laking gulat nya ng makita nyang kulay
asul ang lalaki at nanigas din ito tulad ng nangyari kay Nikriv.

Tumingin agad sa paligid si Ramses upang hanapin ang taong may gawa nito sa
lalaking natumba. Wala syang makita kundi mga batang nagmamadaling makalabas ng
Teno kasama ang mga guro. Tanging si Maestro Boro at ilang manggagamot ang
tumutulong sa lalaki.

Napatingin si Ramses sa unahan kung saan naupo ang mga maestro. May isang lalaki
syang nakitang mabilis na tumatakbo. Agad naman nya iyong sinundan. Mabilis ang
pagtakbo ng lalaki kaya't nagmamadali din sya. Nakita nyang pumasok ito sa isang
silid. Hindi masyadong nakasarado ang silid na iyon kaya't hindi sya nahirapang
pumasok.
Nakatalikod ang lalaki na may kinakausap sa likod ng isang itim na kurtina.

"Nagawa ko na ang ipinapagawa nyo. Hindi nila malalaman na ako ang may gawa nun kay
Lutiso." Sabi ng lalaki sa kanyang kausap.

"Siguraduhin mong walang makakaalam at hindi ako madadamay sa ginawa. Dahil kung
hindi, babawiin ko ang mahikang ibinigay ko sa'yo." Paliwanag ng babae sa likod ng
salamin.

Gustong makita ni Ramses ang mukha ng lalaking nandun dahil parang pamilyar ang
boses nito sa kanya.

"Walang mag-iisip na ako ang may gawa noon kaya't wala ka ng dapat ipag-alala. Isa
pa, bente kwatro oras lang na hindi magamot si Lutiso mamamatay na sya." At
nagtawanan silang dalawa na parang walang inaalalang kapahamakan.

Nagpunta si Ramses sa harapan ng lalaki upang makita ang itsura nito. Laking gulat
nya sa kanyang nakita at hindi inaasahan kung sino ang lalaki.
"Ginoong Domte?" bulong nya sa kanyang sarili.

Tumitil sa pagtawa ang lalaki at tila narinig ang pagbanggit sa kanyang pangalan.

"Anong problema?" Tanong ng babae sa likod ng kurtina.

"Parang may iba tayong kasama dito sa silid at tila nakikinig sa'tin." Sagot ni
Ginoong Domte at tumingin ito sa kanyang likuran. Nakita nyang bukas ang pintuan ng
silid. Nilapitan nya ito, sumilip sya sa labas bago nya isinara.

"Mukhang may nakapasok nga dito bago pa man tayo dumating," dugtong nito.

Kinakabahan si Ramses dahil baka nararamdaman sya ni Ginoong Domte dahil sa


mahikang kanyang ginagamit. Dahan-dahan syang umatras upang magtago sa isang
malaking lagayan ng libro. Ngunit bago pa man sya makapagtago ay tumingin na sa
kanya ang guro.

"Pangahas ka! Narinig mo ba ang aming pag-uusap?" Galit ito habang matalim ang
tingin sa kanya.
Umiiling si Ramses at kinakabahan. Hindi nya alam ang sasabihin. Mabilis na
lumapit sa kanya ang guro na parang gagamit ng mahika para saktan sya.

"Tumigil ka!" sigaw ng babae. "Magagamit natin sya para sa kasalanang ginawa mo."
Lumabas ang babae sa kanyang pinagtataguan. Nakaitim ito sa buong katawan ganun din
ang belong suot-suot nito na nagtatakip sa kanyang mukha. Papalapit ito kay Ramses.

"Isang pagkakamali ang marinig mo lahat ng pinag-usapan namin. Hindi ako


makakapayag na isang katulad mo ang sisira sa mga plano ko." Dahan-dahan syang
lumalapit sa dalaga.

Hindi alam ni Ramses ang gagawin. Iniisip nyang yun na ang kanyang katapusan.

"Kung lalabas ka dyan, maaring hindi kita paslangin at pahabain ko pa ang buhay mo
kahit ilang oras lang. Pero kapag ako ang lumapit sa'yo, sinisigurado kong magiging
abo ka na lang kapag hinawakan kita." Pagpapatuloy ng babae.

Hinawakan ni Ramses ang kanyang Tekan at humanda sa pakikipaglaban kung ano man
ang mangyari. Lalabas na sana sya at haharap sa babae ng biglang may nagsalita sa
kanyang likuran.
"Masasama kayo. Bakit nyo ginawa yun kay Lutiso? Mabait syang tao, pero anong
ginawa nyo?" Isang galit na boses ng babae ang kanyang narinig. Lumingon si Ramses
sa kanyang likuran at nakita nyang may isang babaeng nagtatago doon na tila isa din
sa mga estudyante ng Silko.

"Sinusubukan mo talaga ang pasensya ko. Lumabas ka dyan!" sigaw ng babaeng


nakaitim.

"May paparating, kailangan mo ng magtago." Bulong ni Ginoong Domte.

Lumingon ang babae sa pintuan at naramdaman nyang mayroon ngang paparating.


Hinawakan nya sandali ang babaeng nagtatago at may itim na usok ang lumalabas sa
kanyang kamay na bumabalot sa babae.

"Bilisan mo na, paparating na sila." Muling bulong ni Ginoong Domte na nag-


aalalang makita ang babaeng nakaitim ng mga paparating.

Biglang nawala ang babae at ang usok na itim ay pumasok sa bibig ng babaeng
nagtatago. Napalayo naman si Ramses dahil natakot sya sa nakita.
Dali-daling hinawakan ni Ginoong Domte ang estudyante na nagtatago na parang
inaaresto. Biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Maestro Boro kasama ang ilang
mga kawal ng Silko.

"Anong ginagawa mo Ginoong Domte?" bungad ng matanda.

"Nakita ko po ang babaeng ito na tumatakbo kanina habang nagkakagulo kaya't


sinundan ko po sya. Umamin po sya na sya ang dahilan ng nangyari kay Lutiso."
Nanginginig na sagot ni Ginoong Domte.

"Ganun ba?" Tumingin si Maestro Boro sa mga kawal. "Dakpin silang dalawa."

Nagulat si Ginoong Domte sa narinig. "Pero maestro, nagsasabi po ako ng totoo


kahit tingnan nyo pa ang dugo nya. Ipinagtapat nya po sa'kin ang lahat."
Nagpupumiglas ang guro habang hawak-hawak ng mga kawal.

"May nakakita sa'yo kanina bago pa lamang magtipon ang lahat sa Teno. Ikaw ang may
kagagawan ng lahat." Tumaas ang boses ng maestro sa kanyang kausap.
"Iharap nyo po sa'kin kung sino sya. Kung sinong nakakita sa'kin." Galit din si
Ginoong Domte.

Biglang sumulpot si Yvoc, ang tatay ni Ramses. "Sya ang nakakita sa'yo. Sige Yvoc,
sabihin mo kung anong nakita mo."

Nagdadalawang isip pa si Yvoc magsalita, pero ayaw din naman nyang magsinungaling.
"Ka - kasi po, nakita kong kausap nya si Lutiso sa kanina at - " tumingin muna ito
kay Maestro Boro at tsaka nagpatuloy. "Parang nagtatalo sila at parang may iniabot
po syang inumin. Kinuha naman poi yon ni Lutiso pumasok na sila sa Teno." Tumungo

ito at tumahimik. "Yun lang po."

"Huh! Yun lang? Dahil doon ako na agad ang may sala? Hindi ito makaturangan
maestro. Reputasyon ko ang nakasalalaay dito." Pinilit nyang makawala sa
pagkakahawak ng mga kawal. "Mas mapapatunayan kong hindi ako ang may sala. Suriin
nyo ang dugo ng babaeng ito."

Hindi na alam ni Maestro Boro kung sino paniniwalaan nya. Kung ang mahusay nyang
mag-aaral o ang isa sa kanyang mga tagapagturo na si Ginoong Domte.

"Mga kawal, hulihin silang tatlo at ikulong. Magkakaroon tayo ng imbestigasyon sa


nangyari." Tumalikod si Maestro at lumabas ng silid.
"Ama." Bulong ni Ramses habang tinitingnan ang pagdakip ng mga kawal sa kanyang
ama kasama ang babaeng pinagbibintangan at si Ginoong Domte.

Susundan sana ni Ramses kung saan dadalhin ang kanyang ama pero biglang dumilim
ang paligid at para na naman syang nahuhulog papunta sa bago nyang masasaksihan.

A/N

Ano kaya ang bagong masasaksihan ni Ramses? Paano makakatulong ang nakita nya sa
kanyang kasalukuyang problema? Abangan sa susunod na kabanata.

Don't forget to vote po and comment. And sana po wag kayong magsawang sumuporta sa
Ramses in Niraseya despite ng mabagal na updates. Sobrang daming school works lang
talaga. Pero sinisigurado ko pong gagandahan ko ang mga susunod na mangyayari.

Thanks a lot po. :)


*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 29)

This Chapter is dedicated to one of my regular readers. Yung palaging naghahanap ng


update kahit kakaupdate lang. Haha.. :) Vote ka ulit. :p

***************************************

Kabanata 29

"HUSTISYA"

Ibang eksena na naman ang napuntahan ni Ramses. Tila silid-hukom ang lugar na
iyon. Nakaupo sa unahan si Maestro Boro katabi ang mga guro at sa harapan naman
sina Ginoong Domte, Yvoc at ang estudyanteng babae na pinagbibintangang may sala sa
nangyari kay Lutiso.
Dumating ang isang babaeng nakaitim na tila isang manggagamot. Lumapit ito kay
Maestro Boro at may iniabot na maliit na bote at saka papel. "Ito po ang resulta ng
pananaliksik na ginawa namin. Ang dugo ng babaeng inyong pinaghihinalaan na si
Greena ay positibong dumadaloy sa katawan ni Lutiso. Mukhang pang-unang lunas
lamang ang nakita natin na dahilan ng kanyang pagkamatay, ngunit ang totoo ginamit
lang iyon upang lituhin ang mga manunuri." Yumuko ito at umalis na matapos ipahayag
ang nais sabihin.

Binasa ni Maestro Boro ang nakasulat sa papel. Gusto ding makita ni Ramses ang
nakasulat doon kaya't minabuti nyang

lumapit sa kanya. Bago pa man nya makita ang papel na iyon ay tumayo si Maestro
Boro.

"Greena, gusto kong marinig ang iyong pahayag. Hindi mo ba ipagtatanggol ang iyong
sarili?" pahayag ng matanda.

Bago pa man magsalita si Greena ay naiyak na sya. Bahagya syang tumingin kay
Ginoong Domte na masama ang tingin sa kanya. "Ang totoo po - " tumungo sya at tsaka
nagpatuloy. "Nakita ko po sa silid si Ginoong Domte na may kinakausap na babae.
Pinag-uusapan nila ang pagpaslang kay Lutiso."

Nagtaas ng boses ni Ginoong Domte bilang pag-aantala sa nagsasalitang estudyante.


"Walang basehan ang kanyang sinasabi. Gusto nya lang pagtakpan ang kanyang sarili.
Wala kayong nakitang ibang tao sa silid maliban sa'ming dalawa, hindi ba maestro?"
Tumingin ito ng matalim sa dalaga. "Kaya't paano nya mapapatunayan ang kanyang mga
sinasabi?"
Tumango si Maestro Boro sa narinig mula sa ginoo. "Tama. Ngunit nais ko munang
marinig ang lahat-lahat ng nais sabihin ni Greena." Lumapit sya sa dalaga at
ipinatong nya ang papel at bote sa harapan nito. "Maari mo bang ipaliwanag kung
paano naging ganito ang iyong dugo?"

"Yung babae po, hinawakan nya ako at - " biglang hindi makagalaw si Greena at
hindi makapagsalita.

"Greena, ituloy mo," sabi ni Maestro Boro habang nakatingin sa kausap.

Biglang nagbago ang kulay ni Greena. Bigla syang naging maputla at hindi
makagalaw. Mabilis namang nagsilapitan ang mga guro sa kanya pati na rin ang mga
manggagamot.

Nais makisingit ni Ramses sa nangyayari kaya't lumapit din sya para mas makita ang
nangyayari kay Greena. Laking gulat nya na unti-unting nanunuyot ang balat ng
dalaga na parang matanda at dahan-dahang natutuklap. Hindi sya basta-basta pwedeng
hawakan dahil para syang lupa na nagiging abo. Pinagmasdan nya agad si Ginoong
Domte na nakatingin sa itaas at nakangiti. Agad tiningnan ni Ramses ang direksyong
tinitingnan ng ginoo at nakita nya ang babaeng naka-itim.

Nilapitan nya ang kanyang ama na kasalukuyang tulala sa nakikitang nangyayari kay
Greena at bakas na bakas sa kanyang mukha ang pagkatakot.
"Ama, tingnan mo yung babae. Tingnan mo sila ama. Sila ang may kagagawan ng
nangyari kay Lutiso." Sinubukang hawakan ni Ramses ang kanyang ama ngunit hindi nya
ito nahawakan. Parang hangin lamang ang kanyang nakikita na hindi nya mahawakan at
maramdaman pero kanyang naririnig.

Habang pinipilit ni Ramses na kausapin ang ama ay bigla na namang nagbago ang
paligid. Nakita nya ang apoy na ibon at agad nya itong sinundan.

Hindi nya agad naabutan ang ibon kaya't tumigil sya sa paglakad at tumingin sa
paligid. "Anong gusto mong ipakita sa'kin dito? Wala namang ta - " Nakarinig sya ng
nagbubulungan kaya't pinakinggan nya itong mabuti at hinanap kung saan nanggagaling
ang naririnig.

Paglikong-pagliko nya nakita nya si Ginoong Domte kausap ang babaeng may taklob na
itim ang mukha.

"Muntik na akong mapahamak. Bakit kasi ang tagal umepekto ng mahikang itim mo sa
Greena na yun." Naiinis na bulong ni Ginoong Domte.

"Pasalamat ka at dumating ako at nagamitan ko pa sya ng mahika. Ipapahamak mo pa


ako sa mga kapalpakan mo," sagot ng babaeng nakaitim. "Ngunit tulad ng ipinangako
ko, ibabahagi ko na sa'yo ang itim na mahika. Baka magamit mo yan." Napatigil ang
babae at tumingin sa direksyon ni Ramses. Bigla syang naging usok at tsaka nawala.
"Sinong kinakausap mo dyan, Domte?" tanong ni Maestro Boro na biglang sumulpot sa
likuran nya.

Dahan-dahan namang lumingon ang ginoo sa kausap. "Nalulungkot lang po ako at


parang hindi ko kayang makitang ipinagluluksa natin ang dalawa sa ating mga
estudyante," paliwanag nito.

"Ganun ba? Sumama ka na sa'kin at may mahalaga akong anunsyo." Nagpatuloy sa


paglakad si Maestro Boro at sumunod na din si Ginoong Domte. Kasundo din nila si
Ramses na hindi pa din naiintindihan ang totoong nangyayari.

Nakarating sila sa labas kung saan ang lahat ng guro at mga estudyante ay umiiyak.
Nasa gitna ang dalawang kahon na may nakalagay na mga bulaklak sa ibabaw.

"Ang mga katawan ng batang ito ay uuwi na sa kanilang mga pamilya. Hindi man
makatarungan ang naging kabayaran sa pagkamatay ni Lutiso, ay hindi pa din
naipaglaban ni Greena ang kanyang sarili. Ikinalulungkot ko na kailangan pang may
mangyaring ganito sa Silko." Itinaas ni Maestro Boro ang kanyang kamay at lumabas
ang malalaking pakpak ng kahon. Dahan-dahan itong umaangat sa lupa. "Humayo na
kayo, Lutiso at Greena."

May mga puting ibon ang nagsidatingan. Pinalilibutan nila ang dalawang kahon kung
saan nakalagay ang mga katawan nila
Lutiso at Greena. Ilang sandali pa ay naghiwalay ng direksyon ang dalawang kahon
kasama ang kanya-kanyang ibon na parang tagapaghatid.

"Makakauwi na sila," pagpapatuloy ng matanda. Ibinaba na nya ang kanyang kamay at


nanahimik sandali.

Tumingin ito kay Ginoong Domte. "Ngayon, ang pagpapatapon sa gurong si Domte ang
aking ipahahayag."

Nagulat si Ginoong Domte sa narinig at dahan-dahan syang umaatras papalayo sa


lugar na iyon. "Anong ibig nyong sabihin?" Nanginginig na tanong nito.

Hindi na nya nagawang lumayo pa dahil nahawakan na sya ng mga kawal. Nilapitan sya
ni Maestro Boro at may inilagay sya sa tekan nito. "Kaparusahan yan sa
kapangahasang iyong ginawa. Hindi mo magagamit ang iyong tekan."

"Hindi ko po maintindihan maestro," nahahabag na sabi ni Ginoong Domte.

"Pinangahasan mong bigyan ng pang unang lunas si Lutiso ng hindi nasusuri ang
kanyang kalagayan?" tanong ni Maestro Boro.
Hindi agad nakasagot si Domte at tumingin sa mga taong naroroon. "Sya ang kusang
lumapit sa'kin. Humingi sya ng tulong

para malunasan ang kanyang nararamdaman dahil ayaw nyang makahadlang iyon sa
pagiging pinakamalakas sa Silko." Tumingin ito kay Maestro Boro. "Pero wala na
akong ibang ginawa."

"Dahil sa iyong pag-amin sa sariling kasalanan, mapapagaan ang kaparusahang


ipapataw ko sa'yo. Ipapatapon kita sa malayong lugar. Taon ang bibilangin para
makabalik ka dito at sa panahong iyon, napagbayaran mo na ang kasalanan mo."
Humarap siya sa mga nandoon.

Habang pinapanood ni Ramses ang mga nangyayari ay unti-unting lumalabo ang paligid
at hindi na din nya marinig ang sinasabi ni Maestro Boro. Muling lumitaw ang apoy
na ibon at unti-unti na syang bumabalik papalabas ng libro. Sa isang iglap pa nga
ay nakabalik na muli si Ramses at sumara na ang aklat. Itinago na ni Ramses ang
aklat sa kanyang kasuotan.

"Posibleng si Ginoong Domte din ang may kagagawan ng nangyari kay Nikriv?" bulong
nya sa kanyang sarili. Habang nag-iisip sya ay nagsalita sa kanyang likuran si
Ginoong Domte.

"Aminin mo na sa'kin ang katotohanan Ramses," bungad nito sa dalaga.

Nagulat si Ramses sa biglaang pagsulpot nito sa loob ng silid. Nakasandal sya sa


may pader at nakatingin ng diretso kay Ramses.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ni Ramses.

Ngumiti lang ito at umalis sa pagkakasandal at dahan-dahang nalapit sa dalaga.


"Mas mapapababa ang kaparusahan mo kapag inamin mo ang iyong nagawang kasalanan
Ramses."

Habang papalapit si Ginoong Domte sa kanya ay dahan-dahan naman syang umaatras.


"Katulad ban g kaparusahang ipinataw sa'yo?"

Napatigil sa paglakad si Ginoong Domte sa narinig. Tumingin sya ng diretso kay


Ramses na gulat na gulat at nababahala. "Anong ibig mong sabihin?"

"Katulad ng ginawa mong pagpaslang kay Lutiso?" Kinuha nya ang kanyang tenivis.
"Kung nagtagumpay ka noong isisi kay Greena ang mga kasalanan mo, ngayon hindi na."
Hinawakan nya ng dalawang kamay ang kanyang espada at itinutok ito kay Ginoong
Domte.

Tumawa lamang si Ginoong Domte. "Pinapahanga mo ako bata. Kami lamang ni madam ang
nakakaalam ng lahat, nagtataka ako kung paano mo nalaman ang mga bagay na yan."
Lumalapit sya ulit kay Ramses. Inaangat nya ang kanyang kanang kamay at
nagliliwanag ang kanyang tekan.

"Anong gagawin mo? Hahawakan mo ako at lalagyan mo ako ng itim na mahika para
tumugma ang dugo ko sa inilagay

mo kay Nikriv? At kasunod nun ang aking pagkamatay?" Nanginginig na ang boses ni
Ramses. Natatakot na sya ngunit hindi nya gaanong ipinapahalata. Alam nyang wala
syang laban kay Ginoong Domte ngunit hindi sya basta-basta susuko na lang.

"Wala kang mararamdamang sakit. Magkikita na din kayo ng mga magulang mo." May
itim na usok ang lumalabas sa kamay ng guro na lalong ikinatakot ni Ramses.

Bago pa man ito makalapit ng husto sa kanya ay sinubukan ni Ramses na atakihin ito
gamit ang kanyang Tenivis. Ngunit hindi man lang dumampi ang espada sa katawan ng
guro. Humarang ang itim na usok sa guro na nagsilbi nitong pananggalang laban sa
ginawang pag-atake ni Ramses.

Tumawa ng tumawa si Ginoong Domte dahil sa ginawa ni Ramses. "Masyado mo namang


pinabibilis ang iyong kamatayan bata."

Hindi makagalaw si Ramses kahit sinusubukan nyang lumayo sa guro. Hinawakan lamang
ni Ginoong Domte ang kanyang tenivis at kinuha ito. Ngunit ilang saglit pa ay
bumigat ang espada at tumalsik papalayo sa guro. "Mukhang totoong makapangyarihan
ang espadang iyan. Pero mas makapangyarihan ako." Hahawakan na sana nya si Ramses
ng biglang lumabas ang apoy na ibon at pinalibutan si Ramses. Napalayo naman si
Ginoong Domte sa dalaga at iniwasan din ang ibon.
Sa tulong ng ibon ay nakagalaw muli si Ramses. Tumingin sya agad sa kanyang tenivis
at nagpa-planong kuhanin ulit ito ngunit masyado itong malayo.

Nakita nyang sinusugod ng ibon si Ginoong Domte Humuni ang ibon ng napakalakas na
bahagyang nagpagalaw ng mga gamit na nasa loob ng silid. Tila hindi nagustuhan ni
Ginoong Domte ang huning nilikha ng ibon. Nagalit ito at naglabas ng itim na
mahika.

"Rud yat Dimer!" itinapat nya ang kanyang kamay sa ibon at may kung anong pwersa
ang nagpahinto sa paggalaw nito. Hindi makakilos ang apoy na ibon at dahan-dahang
namamatay ang apoy nito sa katawan.

Patuloy pa din ang paghuni ng ibon habang unti-unting binabawian ng buhay. Pumatak
ang luha sa mga mata ni Ramses habang pinapaslang ni Ginoong Domte ang walang
kalaban-laban na ibon.

"Huwag!" sigaw nito na nakakaramdam ng galit.

Tumingin si Ginoong Domte sa kanya at ngumiti lamang. Ilang sandali pa ay lumakas


ang pwersang lumabas sa kanyang palad at unti-unting nagiging abo ang katawan ng
ibon.
"Anong klase ka? Napakasama mo! Kahit walang kalaban-laban na ibon ay nagawa mong
paslangin!" Galit na ang tinig

ni Ramses pero sa kabila ng galit ay nagtatago ang takot na hindi nya kayang
talunin ang itim na mahika ni Ginoong Domte.

"Dahil ilang sandali na lang naman ang itatagal mo sa mundong ito, sasabihin ko na
sa'yo ang totoong nangyari." Naglakad-lakad si Ginoond Domte sa loob ng silid at
tiningnan ang mga gamit doon. Muli syang naglabas ng itim na usok sa kanyang kamay
at tsaka hinawakan ag isang kupitang nasa mesa. Lumipat ang itim na usok sa kupita
at unti-unti din naman itong nawala.

"Nakita kong ikaw ang pinagdala ni Ginang Dutri ang pagkain kay Nikriv kaya't
sinundan agad kita. Nung mga oras na kumukuha ka ng matamisin para sa kanya tsaka
ko ginawa ang plano. Nilagyan ko ng itim na mahika ang pagkain." Bahagya syang
sumandal sa pader na parang nababagot na sa pagkukwento.

"Alam kong paghihinalaan nila ang pang-unang lunas, kaya't ginawan ko na agad ng
paraan," pagpapatuloy pa nito.

Biglang naalala ni Ramses ang kanyang pagkadapa ng iaabot nya ang pang-unang lunas
kay Maestro Boro at tila napag-isipan nya ang nangyari. "Ikaw ang may kasalanan ng
pagkakabasag ng bote. Sinadya mong lahat iyon."
"Bilib ako sa'yo. Matalino ka din tulad ng iyong mga magulang. Kaya agad kitang
tinulungan sa pagtayo ay para mahaluan

ko na agad ng mahika ang pang-unang lunas." Muli ay bumalik sya sa kupitang


nilagyan nya ng itim na mahika.

"Isa na lang ang hindi ko nagagawa. Ang ilagay sa dugo mo ang lason para ikaw na
talaga ang masisi sa pagkamatay ni Nikriv. At para mapaslang na din kita."
Hinawakan nya ang kupita. "Huwag kang mag-alala, ganito lang ang mangyayari sa'yo."
Ipinakita nya kay Ramses na nababalutan ng kalawang ang kupita at unti-unting
nadudurog.

Natakot si Ramses at hinawakan nya ang kanyang tekan. "Hindi ka magtatagumpay sa


binabalak mo." Paninindigan pa din nya kahit sobra na ang takot na kanyang
nararamdaman.

Pagkadurog na pagkadurog ng kupita sa mga kamay ni Ginoong Domte ay mabilis nitong


nilalapitan si Ramses. Hindi alam ni Ramses ang gagawin dahil alam nyang sa oras na
mahawakan sya ng guro ay mababalutan na sya ng itim na mahika na maaring ikamatay
nya.

Anong gagawin ko? Sabi nya sa kanyang isip habang tinitingnan ang papalapit na
guro sa kanya na naglalabas na ng itim na usok sa kanyang mga kamay.

"Ito na ang iyong magiging katapusan!" tumawa ng tumawa si Ginoong Domte habang
papalapit ng papalapit sa dalaga.
Wala ng nagawa si Ramses kundi mapapikit habang nakahawak sa kanyang tekan.
"Iligtas nyo po ako."

A/N

Sobrang haba na nito huh.. Hihi.. Pasensya na kung matagal yung update kasi madami
lang talagang ginagawa. Lalo na ngayong malapit na naman ang submission ng FS 2.
Anyways, thanks pa din sa patuloy na bumabasa at sumusuporta kay Ramses. Maraming
salamat sa inyo.

Abangan, malalagyan kaya ng itim na mahika si Ramses? Magtagumpay kaya si Ginoong


Domte sa kanyang pinaplano? Tutok lang sa mga pakikipaglaban ni Ramses sa loob ng
Niraseya.

Pwede nyo din pong basahin ang new story ko na SUMPA kapag may free time kayo.
Thanks again.

*MelaBrio*
=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 30)

Kabanata 30

"MAPANLINLANG NA BULAKLAK"

"Ifed Reta Altria!" biglang hindi magalaw si Ginoong Domte bago pa man nya
mahawakn si Ramses. Tama lang ang pagdating ni Maestro Boro at napigilan nya ang
gagawin ng guro.

"Maestro, mabuti't dumating kayo sa oras. Ang batang ito ay may masamang plano sa
akin kaya uunahan ko na dapat sya," pagpapaliwanag ng guro.

Bakas sa mukha ni Ramses ang takot at hindi sya agad nakapagsalita. Nakatingin
lamang sya kay Maestro Boro habang pumapatak ang kanyang mga luha.

"Maestro, dapat parusahan ang babaeng yan," pagpupumilit pa din ni Ginoong Domte.
"Pakawalan nyo na ako pakiusap," pagpapatuloy nito.

Parang nainis si Maestro Boro sa narinig mula kay Ginoong Domte. "Ngik Rid Retaw!"
muling ginamitan ng matanda si Ginoong Domte ng mahika at unti-unting nagiging bato
ang katawan nito.
"Maestro, bakit?" nagtatakang tanong ng guro.

Lumapit si Maestro sa kanya at tiningnan ito. "Narinig ko ang mga sinabi mo dahil
sa ibon. At naramdaman ko din ang pagpaslang na ginawa mo sa kanya kaya nagmadali
akong nagpunta dito para kausapin ka. Pero mas matindi pa ang nalaman ko. Nais mo
pang paslangin ang batang ito." Galit na paliwanag ng matanda.

Gulat na gulat si Ginoong Domte sa narinig at wala syang magawa. "Hindi 'to
maaari. Mali ang inyong narinig. Hin - " tuluyan na nga syang naging bato bago pa
man nya matapos ang kanyang sasabihin. Ilang sandali lang ay nadurog na din ang
tumigas na katawan ng guro.

"Ligtas ka na Ramses," mahinahong sabi ni Maestro Boro.

Hindi naman napigilan ni Ramses ang sarili at napatakbo sya papalapit sa matanda
para yakapin ito. "Marami pong salamat," hindi mapawi ang pag-iyak ng dalaga dahil
nakaligtas sya sa kapahamakan mula sa kamay ni Ginoong Domte.

Pinahid ni Ramses ang kanyang maga luha at tsaka kinausap ang maestro. "Sa aklat
ko po nakita ang lahat. Pero hindi na po ata ako makakapasok sa aklat kasi - " at
muling pumatak ang kanyang mga luha, "kasi wala na po ang apoy na ibon. Patawad po,
hindi ko po sya naipagtanggol."

Ngumiti si Maestro Boro at nilapitan ang mga abo ng ibon. "Halika Ramses, lumapit
ka," utos ng matanda habang hinahawakan ang mga abo ng ibon.

Lumapit naman si Ramses at tumabi sa matanda. Tinitigan nya ang mga abo. Laking
gulat nya na nabubuo ang abo at nagiging korteng itlog ito. "Ano pong nangyayari
maestro? Bakit po nabubuo ang mga abo ng ibon?" pagtatakang tanong ni Ramses.

"Ang ibon na ito ay isang Ampaguia. May limitasyon lang ang kanilang buhay ngunit
bumabalik sila sa pagiging itlog at nagsisimula ang panibagong buhay sa oras na
mapisa na ito," paliwanag ng maestro.

Tuluyan na ngang naging malaking itlog ang mga abo ng ibon. Kinuha ito ni Maestro
Boro at tsaka sya tumayo. Tumayo na din naman si Ramses na hindi mapawi ang
pagtingin sa itlog na hawak-hawak ng matanda.

Inabot ni Maestro Boro ang itlog kay Ramses. "Simula ngayon, ikaw na ang mag-
aalaga sa itlog na ito hanggang mapisa sya."

Hindi alam ni Ramses ang gagawin mula sa narinig sa maestro. "Pero maestro, baka
hindi ko po sya maalagaan ng ayos. Baka mapahamak lang po sya sa'kin." Nalulungkot
na sagot ng dalaga na nagdadalawang isip kung tatanggapin nya ang itlog ng Ampaguia
na iyon.

Kinuha ni Maestro Boro ang kamay ni Ramses at inilagay sa kanyang palad ang itlog.
"Ipinagkakatiwala ko sa'yo ang itlog na ito. Isa pa, kailangan mo din 'to para mas
marami ka pang malaman sa nakaraan ng iyong mga magulang."

Hindi na din naman nakatanggi si Ramses sa maestro at kinuha na din nya ang itlog.
"Marami pong salamat. Iingatan ko po ito sa abot ng aking makakaya." Titnig na
titig si Ramses sa itlog na nasa kanyang palad at parang nasasabik sya sa muli
nilang pagkikita ng ibon.

Ilang sandali pa ay dumating si Madam Nema na humahangos. "Maestro, maayos na po


si Nikriv."

Nadatnan nyang nagtatawanan sina Maestro Boro at Ramses kaya't inulit nya ang
kanyang sinabi. "Ah, paumanhin maestro, ngunit maayos na po si Nikriv."

"Alam ko Nema. Nawala na ang may gawa ng mahika sa kanya kaya't gagaling na talaga
sya. Ramses, makakabalik ka na sa iyong silid," pahayag ni Maestro Boro.
Masama ang tingin ni Madam Nema kay Ramses dahil hindi nya alam kung anong
nangyari. Sumunod na lamang sya sa paglabas ng dalawa sa silid.

Magaan na ang pakiramdam ni Ramses ngayong naayos na ang kanyang mga problema.
Dumiretso naman

sya sa kanilang silid kung saan nag-aalala sina Perus at Ryona.

Pagpasok na pagpasok ni Ramses sa silid ay agad syang nilapitan ng dalawa.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Ryona.

"Naayos na ni Maestro ang lahat. Si Ginoong Domte ang may kagagawan ng itim na
mahika kay Nikriv," masayang paliwanag ni Ramses.

"Bakit parang masaya ka pa? Hindi ka ba natakot man lang?" tanong ni Perus.

"Natakot, pero naisip ko na wala naman akong kasalanan. Kaya wala dapat akong
ipagalala." Ipinatong ni Ramses ang itlog sa tabihan ng kanyang kama.
"Ang laking itlog naman nyan. Anong itlog yan?" tanong ni Ryona habang hinihipo
ang itlog.

"Sa kulay at laki nya, mukhang itlog yan ng Ampaguia. Tama ba ako Ramses?"
paliwanag ni Perus.

Ngumit si Ramses at tumango. Kahit kailan ay hanga sya sa katalinuhan ni Perus.


Nilagyan ni Ramses ng pambalabal ang

buong itlog para mainitan ito.

"Hindi mo na kailangang gawin yan Ramses. Kakaiba ang itlog na iyan. Hindi mo na
yan kailangang painitan. Kusa na yang mapipisa," paliwanag ni Perus.

"Eh yun naman pala Ramses. Mabuti pa lumabas muna tayo at maglibang-libang.
Tingnan naman natin yung hardin ng Silko," sabi ni Ryona.

"Mabuti pa nga siguro ng makalimot ako sa nangyari sa'kin kanina," tumayo si


Ramses at iniwanan ang itlog sa kanyang higaan.
Lumabas silang tatlo habang ikinukwento ni Ramses kung anong nangyari sa kanila ni
Ginoong Domte. Hindi din naman makapaniwala sina Perus at Ryona na makakagawa ng
ganun isang guro ng Silko.

Nakarating ang tatlo sa hardin ng Silko. Malaki at maraming bulaklak ang nasa
hardin. Ang mga bulaklak ay tila mga buhay na nagsisigalawan at lumilikha ng
magagandang tunog.

"Ang gaganda ng mga bulaklak dito. Maari kaya silang pitasin?" natutuwang tanong
ni Ryona.

"Mas mabuting wag na lang natin silang galawin Ryona," sagot ni Ramses.

Nilakad nila ang malaking hardin at nakakita sila ng iba't-ibang kulay ng mga puno
pati na din ng mga ibon at paru-paro. May mga halaman din na nakalutang sa hangin
na nagbibigay ng mabangong kapaligiran sa buong hardin ng Silko.

"Huwag na tayong lumayo masyado. Baka bigla tayong hanapin." Sabi ni Perus na
nahuhuli sa paglalakad.
"Natatakot ka ba sa mga halaman ha Perus?" pang-aasar ni Ryona na lumipad pa gamit
ang kanyang mahiwagang sapatos.

"Hindi ako natatakot sa mga halaman. Sa mga kapalpakan mo ako natatakot, Ryona.
Puro kasi kapahamakan ang nabibigay mo sa'min ni Ramses." Naiinis na sagot ni
Perus.

Natawa naman si Ramses sa narinig kay Perus pero hindi ito nagsalita.

Lumipad ng mataas si Ryona dahil nainis sya sa narinig mula kay Perus. Napansin
nya na may isang maitim na ulap sa kanilang tapat kaya't naisipan nya itong
lapitan.

"Ryona, saan ka pupunta? Masyado ka ng mataas." Sigaw ni Ramses na nag-aalala sa


gagawin ng kaibigan.

Habang papalapit si Ryona sa ulap ay napansin nyang unti-unting sumasara ang mga
bulaklak sa hardin at tumigil din ito sa paggalaw. Maging ang mga ibon ay
nagsipagtaguan din sa mga puno. Nakaramdam si Ramses at Perus ng panganib na
paparating.

"Ryona, bumalik ka na dito," sigaw ni Ramses habang tinitingnan kung gaano na sila
kalayo mula sa kastilyo ng Silko.
Narinig ni Ryona ang sigaw ni Ramses kaya't tumigil sya. Pababa na sana sya ng
biglang naglabas ng matatalim na kidlat ang ulap at tinamaan si Ryona.

Mabilis ang pagbagsak ni Ryona sa lupa kaya't mabilis na lumipad si Perus para
saluhin ang kaibigan.

"Ryona, Ryona gumising ka." Sabi nito habang buhat-buhat ang kaibigan.

Nakakita si Ramses ng maliit na kweba sa kanyang kanan. "Perus dun sa kweba,


bilis." Nauna na si Ramses sa pagpasok sa kweba at mabilis namang sumunod si Perus
habang iniilagan ang mga matatalim na

kidlat na nanggagaling sa ulap.

Mabilis na nakarating si Ramses sa loob at kasunod na din naman nya si Perus.


Akala nila ay ligtas na sila ng biglang pumasok ang kidlat sa loob na parang
galamay ng isang halimaw. Ibinaba ni Perus si Ryona.

"Gap Masirin Mirse!" gumamit na si Perus ng mahika upang makaiwas sa kildat na


iyonat isang malaking bato ang unti-unting humaharang sa daananan ng kweba. Ilang
sandali pa ay nakulong sila sa loob.
Sandaling dumilim ang paligid ngunit lumiwanag din dahil sa mga ilaw na bituin.

"Ayos ka lang ba Ramses?" pag-aalalang tanong ni Perus.

"Ayos lang naman ako. Si Ryona na lang ang intindihin natin," sagot ni Ramses.

Nilapitan nila si Ryona at tiningnan ang kalagayan nito. Ilang sandali ay


nagkamalay na din ang dalaga.

"Anong nangyari? Nasaan na tayo?" umupo si Ryona at tumingin sa paligid. "Nasa


loob na ba tayo ng Silko?"

Tumayo si Ramses at tumingin sa paligid. "Tama ka, Ryona. Kung isang normal na
kweba lamang ito, bakit may mga ilaw na bituin?" pagtatakang tanong ni Ramses.

"Kaya mo na bang maglakad Ryona? Maghahanap pa kasi tayo ng ibang daanan palabas,"
sabi ni Perus na inaalalayan si Ryonang tumayo.
"Medyo nanginginig pa ang mga tuhod ko pero kaya ko naman." Sagot nito.

Naglakad silang tatlo na nauuna si Ramses at akay-akay naman ni Perus si Ryona. Sa


paglalakad nila nakakita sila ng isang magandang halaman na may magandang bulaklak.

"Ma"y nabubuhay na ganitong kagandang halaman sa loob ng kweba?" bulong ni Ramses


habang nilalampasan lang ang halaman.

"Perus, Ryona, mag-iingat kayo. Hindi maganda ang kutob ko sa kwebang 'to." Nauuna
pa ding maglakad si Ramses ng marinig nyang sumigaw sina Ryona at Perus.

Lumingon agad sya at nakita nyang may nakapulupot na halaman sa kanilang mga paa
at dahan-dahan silang ibinibitin pataas.

Kinuha agad ni Ramses ang kanyang Tenivis upang putulin ang mga sangang ito.

Tumalon sya at hiniwa ang nakapulupot kina Perus at Ryona. Nakababa naman sila sa
lupa ng maayos. Inihanda na din nilang dalawa ang kani-kaniyang mga sandata.

Nakarinig sila ng mga dunog na parang may gumagapang papalapit sa kanila. Ang mga
sanga-sanga ng halaman ay papalapit sa kanila. Pinagpupuputol naman ni Ramses ang
mga ito bago pa man sya mapuluputan.

"Mukhang mabilis tumutubo ang mga sangang napuputol, mapapagod lang tayo nito,"
sabi ni Ramses na alerto sa paglapit ng sanga.

Pinupukpok ni Perus ng kanyang sandata ang mga papalapit sa kanya at ginagamitan


naman ni Ryona ng palaso ang mga paparating na sanga sa kanila.

"Hindi talaga sila nauubos," sabi ni Ryona na nag-aalala na din sa kanilang


sitwasyon.

"Mabuti pa humanap na tayo ng malalabasan," suhestyon ni Perus. Nauuna si Ryona


habang pinipigilan ang paglapit ng mga sangang makakasalubong nila. Samantalang
nahuhuli naman si Ramses habang pinagpupuputol

ang mga sangang sumusunod sa kanila.

Ngunit parang may isip ang mga sanga. Pinaluputan nito ang espada ni Ramses kaya't
hindi na ito maigalaw ng ayos. Ilang sandali pa ay napuluputan na din ang paa ni
Ramses at agad itong napahiga at kinakaladkad ng sanga papunta sa pinakaloob ng
kweba.
"Ryona, Perus, tumakbo na kayo," sigaw ni Ramses habang tangay-tangay ng halaman.

Mabilis naman na sumunod si Ryona at pinag-aasinta ang mga sangang humahawak sa


kaibigan. Ngunit dahil parang may mga isip nga ang mga ito ay sinasangga na ng
ibang sanga ang kanyang mga palaso at ibinabalik lang ito sa kanya. Dahil maliksi
si Ryona ay mabilis lang sa kanyang iwasan ang mga ito. Ngunit mabilis din ang mga
halaman. Sa pagtalon ni Ryona sabay pulupot naman ng mga sanga sa kanyang dalawang
kamay at paa, dahilan para hindi na sya makagalaw.

Isang grupo naman ng sanga ang sumugod kay Perus at tumalsik ang kanyang sandata.
Napaluputan din ng sanga ang kalahati ng katawan ni Perus kasama na ang kanyang mga
kamay kaya't hindi na din sya makagalaw.

Nagulat si Ramses ng makita ang isang malaking halaman na parang halimaw ang
itsura. Ang pulang bulaklak ang nagsisilbing

ulo ng halaman at ang mga sanga nito ay humahaba at kumakalat sa loob ng kweba.
Lahat ng mahuli nito ay kanyang kinakain.

"Ryona, Ryona gamitan mo ng palaso ang ulo ng halimaw!" sigaw ni Ramses.

"Pero hindi ako makagalaw!" sagot ni Ryona na pinipilit igalaw ang kanyang mga
kamay.
Nakita ni Ramses na nakapulupot kay Ryona ang mga sanga at unti-unti itong
humihigpit. Nakita din nyang kasunod na din si Perus na gapos-gapos ng mga sanga.

"Aba, may masasarap pala akong nahuli," sabi ng halimaw na halaman.

Nagulat naman silang tatlo ng marinig na nagsasalita ang halaman.

"Pakawalan mo na kami. Bibigyan ka na lang namin ng masarap na pagkain, pangako,"


sabi ni Ramses.

Tumawa ng malakas ang halimaw na halaman at hinigit silang tatlo papalapit sa


kanya.

"Kayong tatlo pa lang eh busog na ako. Bihira akong makakakain ng mga katulad nyo
kaya bakit pa ko hahahanap ng ibang pagkain." At muli ay tumawa ng tumawa ang
halimaw.

"Hindi kami masarap. Lalo na ako, puro buto lang ang makakain mo sa'kin," takot na
takot na sabi ni Ryona.
Nakita ni Perus na lumabas sa kabilang dulo ng halaman na buo ang isang malaking
paniki.

"Sinisipsip nya lang ang dugo ng mga biktima nya," paliwanag ni Perus na
nahihirapan sa pagkakagapos sa kanya ng sanga ng halaman.

"Tama ka bata. Ang mga dugo lang ng mga pagkain ko ang hinihigop ko para
mapanatili ang pagiging pula ng aking mga bulaklak," muli ay tumawa ng tumawa ang
halimaw. "Sino kaya ang uunahin ko sa inyong tatlo?" at muli ay tumawa ng tumawa
ang halimaw.

Nagmamasid si Ramses sa paligid at tinitingnan nya ang mga posible nilang daanan
para tumakas. Napansin ni Ramses na may isang uniporme ng mahikera ang nasa paanan
ng halaman kung saan nakalusot din ang iba't-iba nitong sanga.

"Bakit mo 'to ginagawa?" tanong ni Ramses.

"Dahil ito ang aking ikinabubuhay," sagot ng halimaw.


"Paano ka naging halimaw?" muling tanong ni Ramses.

Inilapit ng halimaw si Ramses sa kanyang mukha. "Anong ibig mong sabihin?"


pagtatakang tanong nito.

"Sa'yo ba ang unipormeng yan sa iyong paanan?" tumingin si Ramses sa umipormeng


nasa paanan ng halimaw.

Tumahimik saglit ang halimaw at tsaka tumawa. "Hindi. Uniporme yan ng unang
pagkain ko dito sa kweba." At inilayo na nya ulit si Ramses sa kanya.

"Ayo ko na ng maraming tanong, kakainin ko na ang isa sa inyo." Inunang isinubo ng


halimaw si Ryona. "Magpaalam ka na sa kanila bata."

"Ramses, Perus tulungan nyo ako." Dahan-dahang nilulunok ng halimaw si Ryona.

Walang nagawa si Ramses habang dahan-dahang nawawala si Ryona at unti-unting


nilulunok ng halimaw.
"Hindi!!!!!!!" galit na galit si Perus dahil sa kanyang nakikita. Unti-unting
naputol ang mga sangang nakapulupot sa kanya at mabilis syang tumalon papunta sa
bunganga ng halimaw. Nakapa ni Peru sang kamay ni Ryona at pinipilit nya itong
iangat.

"Ryona, Ryona kumapit ka lang" Hindi binitawan ni Perus ang kaibigan kahit may
bagong sanga ang pumalupot sa kanyang mga paa at inilalayo sya sa bibig ng halimaw.

"Hindi mo naman sinabing gusto mo nang sumabay sa kanya. Pwede naman kung iyon ang
gusto mo," sabi ng halimaw kaya't isinama na nya si Perus sa paglunok.

Hindi matagalan ni Ramses ang nakikita at hindi sya makapag-isip ng gagawin.


Naalala nya kasi ang kapahamakang nangyari sa kanila na hindi nila inaakalang
makakaligtas pa sila. At heto na naman sila ngayon sa panibagong sitwasyong walang
nakakaalam kung malalagpasan pa nila.

A/N

Mga pasaway ba sila o sadyang malapit lang sa disgrasya? Thanks for reading Ramses
in Niraseya. And hope palagi nyong samahan si Ramses sa mga adventures nya sa
Niraseya. Don't forget to vote and comment as well.

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 31)

KABANATA 31

"PAGIGING ISA"

Nakikita ni Ramses kung paano dahan-dahang nawawala at kinakain ng halimaw.

Tumingin sya sa paligid at napansin nyang kahit saan ay nakakalat ang galamay ng
halimaw kaya't wala talaga syang magagawa para pigilan ito.
"Kung kaya ko lang syang patigilin," bulong nito sa kanyang sarili.

Biglang naisip ni Ramses ang mahikang ginamit ni Maestro Boro kay Ginoong Domte.
Hindi nya alam kung gagana din ito kung sya ang gagamit. Wala pa syang masyadong
karanasan sa paggamit ng mahika. Lahat ay handa nyang gawin para matulungan ang
kanyang mga kaibigan.

"Perus! Perus naririnig nyo ba ako?" sigaw ni Ramses, "Kung makakaya nyong higitin
ang mga sarili nyo palabas, gawin nyo." Pagpapatuloy ni Ramses habang pinipilit
igalaw ang kamay nya kung saan nakalagay ang kanyang tekan.

Tumawa lang ng tumawa ang halimaw dahil sa sinabi ni Ramses at nagpatuloy sa


pagkain kina Ryona.

Hinawakan ni Ramses ang isang bahagi ng sanga ng halimaw at tsaka inisip mabuti ang
mahikang sinabi ni Maestro Boro.

"Tekan, tekan tulungan mo ako," sabi nya sa kanyang isip. Sandaling pumikit si
Ramses at pinilit alalahanin ang ginawa ni Maestro Boro sa gurong muntik ng
pumaslang sa kanya.
Ilang sandali pa ay muling dumilat si Ramses, nakita nyang nagliliwanag ang
kanyang tekan. Naramdaman nyang sya at ang kanyang tekan ay naging isa.

Sinubukan na nyang gamitin ang mahika sa halimaw. "Ifed Reta Altria!" sigaw nito
habang mahigpit ang magkakahawak sa isang bahagi ng halimaw.

"Mukhang hindi ka pa talaga sanay gumamit ng mahika bata. Di bale, hindi ka na


magkakaroon ng pagkakataong masanay. Dahil mamaya, ikaw na ang isusunod ko sa mga
kaibigan mo!" Tumawa ulit ng tumawa ang halimaw at mas lalong binilisan ang
paglunok kina Perus.

"Bakit hindi tumalab? Masyado bang mababa ang lebel ng mahika ko?" pagtatakang
tanong ni Ramses sa sarili. Wala syang magawa. Hindi sya makagamit ng mahika at
wala na syang ibang paraan para matulungan ang kanyang mga kaibigan.

"Ang

tenivis? Kung magiging isa din kami ng tenivis, susunod din sya sa'kin." Naisip ni
Ramses at nagkaroon pa ng konting pag-asa.

Naisip nya na ang tenivis ay kayang putulin ang mga sangang nakapulopot dito hindi
katulad nya na nasasaktan at hindi makagalaw.
"Tekan, tenivis pakiramdaman nyo naman ako. Kung para talaga kayo sa'kin,
tutulungan nyo ako!" muling pumikit si Ramses at tsaka inisip ang kanyang tenivis
at ang tekan.

"Tenivis! Tenivis pakinggan mo ako at makiisa ka sa'kin." Sambit ni Ramses sa


kanyang isip. Unti-unting lumilinaw ang itsura ng tenivis sa kanyang isip at
lumiwanag ito.

"Bakit kita tutulungan? Nakuha mo nga ako, pero ang tunay na lakas ko!" isang
tinig ang kanyang naririnig habang sya ay nakapikit.

Tila ang tenivis ang nagsasalita. May sariling mahika ang tenivis na sa tingin nya
ay hindi nya agad-agad makukuha.

"Anong dapat kong gawin? Sabihin mo!" muling sambit ni Ramses sa kanyang isip.

Sa isip lang ni Ramses sila nag-uusap. Masyadong malalim ang konsentrasyon ni


Ramses na halos malinaw na malinaw nyang nakikita ang lumiliwanag na tenivis sa
kanyang isipan.

"Dahil may kakaiba kang kakayahan, madali lang ang kailangan mong gawin para
mapabilib ako." Sagot ng tenivis.

"Kahit ano! Handa akong gawin mailigtas ko lang ang mga kaibigan ko!" desidido sya
na matulungan ang mga kaibigan kahit wala syang ideya sa kung anong ipapagawa ng
tenivis sa kanya.

"Simple lang. Sagutin mo lang ang katanungan ko. Kapag sumagot ka ng tama,
mapapasayo ang mahika ko ng walang alinlangan." Muling paliwanag ng tenivis.

"Handa na ako," mas tumindi ang konsentrasyon ni Ramses habang doble ang kabang
nararamdaman nya. Una, dahil baka maubusan na sya ng oras para mailigtas ang
kanyang mga kaibigan. At pangalawa, baka hindi sya makapasa sa pagsubok ng kanyang
tenivis.

"Kung papipiliin ka sa dalawa mong kaibigan kung sino ang iyong iiwanan sa
halimaw, sinong pipiliin mo? Si Ryona or si Perus? Bibilang lamang ako ng tatlo.
Kapag mali ang sagot mo, hindi kita matutulungan." Biglang nawala ang liwanag ng
tenivis at nagsimula na 'tong magbilang.

"Isa!" bilang ng tenivis.


Mas lalong nadagdagan ang tensyong nararamdaman ni Ramses. "Pipiliin para maiwan
sa halimaw? Imposible! Wala na ba talagang ibang paraan?" sambit nya sa kanyang
sarili.

"Dalawa!" muling bilang ng tenivis habang papalayo ng papalayo ang imahe nito sa
kanyang isipan.

"Tatlo!" huling bilang ng tenivis at tuluyan itong nawala. Nawala sya ng walang
isinagot si Ramses. Hindi sya nagbanggit ng pangalan ng kaibigan kung sino ang
pipiliin nyang maiwan sa halimaw.

Pumatak ang luha ni Ramses at dumilat ito. "Pasensya na mga kaibigan! Wala akong
kayang iwanan kahit sino sa inyo. Kung hindi ako natulungan ng tenivis, gagawa ako
ng sarili kong paraan."

Nagulat si Ramses ng makita nyang nagliwanag ang kanyang tenivis na nababalutan ng


mga sanga ng halimaw. Nagkaputul-putol ang mga sanga na nakabalot dito at
pinagpuputol din ang mga sangang nakapulupot kay Ramses.

Nakawala si Ramses sa mga sanga at nakatingin sa kanyang tenivis na nasa kanyang


harapan.
"Anong nangyayari? Hindi ako sumagot sa iyong katanungan dahil wala akong balak
iwanan na kahit sino sa aking mga kaibigan, kaya't bakit mo ako tinutulungan?"
nagtatakang tanong ni Ramses.

"Iyon ang dahilan kung bakit mo ako napahanga. Karapat-dapat ka sa'kin mahika."
Muling lumiwanag ang tenivis at inabot ito ni Ramses. Mas magaan na ito ngayon
kumpara noong una nya itong mahawakan.

"Pangahas kang bata ka. Hindi ka makakatakas!" sigaw ng halimaw at sinugod agad si
Ramses ng mga sanga nya galing sa lahat ng direksyon.

Mabilis namang pinaghihiwa ni Ramses ang mga papalapit na sanga. Maliksi na din
ang kilos ng dalaga kaya't mabilis din nyang naiiwasan ang mga sanga na pupulupot
sa kanya.

Ngunit sa pag-iwas ni Ramses ay nahampas sya ng malakas ng sanga sa kanyang


likuran at tumalsik ito sa may bukana ng kinalalagyan nila. Nadaganan nya ang iba
pang mga sanga kaya't mabilis syang tumayo upang hatiin ang mga ito.

Laking gulat ni Ramses na hindi gumalaw ang mga sangang natatapakan nya. Tanging
mga sangang nasa loob lamang ang sumusugod

sa kanya.
"Gumana kaya ang mahika?" bulong nya sa kanyang sarili. Upang malaman kung gumana
nga ang mahika, sinugod ni Ramses ang halimaw at pinaghihiwa ang lahat ng sangang
sumasalubong sa kanya.

Una syang pumunta sa kanang bahagi ng halimaw at hinuli nya ang sangang papalapit
sa kanya. Mahigpit nya itong hinawakan.

"Hindi mo yan mapipigilan ng ganyan lang bata!" tawang sabi ng halimaw.

"Ifed Reta Altria!" at binitawan ni Ramses ang sanga at mabilis umiwas sa mga
papalapit pa sa kanya. Nagpunta naman sya sa kabilang bahagi ng halimaw at gayun
din ang kanyang ginawa. Ginamitan nya ulit ng mahika at agad binatawan.

"Ano ba sa tingin ang ginagawa mo? Nagpapagod ka lang. Hindi nauubos ang - "
napatigil bigla sa pagsasalita ang halimaw. "Anong - anong nangyayari sa mga sanga
ko?" humarap ito kay Ramses. "Ginagamitan mo ako ng mahika!" galit na sabi ng
halimaw.

Ngunit hindi na nagsayang ng oras si Ramses. Mabilis nyang nilapitan ang mismong
ulo ng halimaw. Ang pinakamalaking sanga

nito ang sumalubong sa kanya at mabilis naman nya itong naiwasan.


"Hindi man makagalaw ang iba kong sanga, pero kayang-kaya pa din kitang tapusin."
Tuwang-tuwa na sabi ng halimaw.

Ngumiti lang si Ramses habang iniiwasan ang malaking sanga. "Mas malaki at mataba
ang sangang yan. Mas mabagal syang gumalaw kaysa sa iba. Mas mabilis kong nababasa
at naiiwasan ang mga pagsugod nyan."

Hihiwain na sana ni Ramses ang pinakamalaking sanga ng sanggahin nito ang tenivis
ni Ramses. Hindi man lang ito nagalusan kahit konti at tila isang armas din ito
para masangga ang kanyang espada.

Mabilis napaatras si Ramses at napatingin sa mga kaibigan. Konti na lang ay


mawawala na si Perus. "Kailangan kong magmadali." Bulong nya sa kanyang sarili.

Hinawakan nya ng mahigpit ang kanyang tenivis at lumiwanag ito. Tila


nagkakaintindihan na sila ng kanyang sandata. Muli ay sinugod na ni Ramses ang
malaking sanga at ang sanga naman ang umiiwas sa kanya.

Bawat tama ng kanyang tenivis sa malaking sanga ay bumabaon ito. Napapagod na si


Ramses sa ginagawa nyang pakikipaglaban.

Hindi sya sanay makipaglaban kaya't hindi ganun kalakas ang kanyang pangangatawan.
Ilang sandali lang ay nakaramdam na sya ng pagod at bumagal na din ang kanyang
kilos. Isang malakas na sugod ang ibinigay ng sanga na nagpatalsik sa kanyang
pagkakahawak sa tenivis. Agad natumba si Ramses at sinangga nya ng dalawang kamay
ang papasugod na sanga.
"Ifed Reta Altria! Ifed Reta Altria! Ifed Reta Altria!" lumiwanag din ang kanyang
tekan na tila nagbibigay lakas sa kanyang mga braso upang hindi sya tuluyang
matusok ng malaking sanga.

Naramdaman ni Ramses na nawala ang pwersa ng sanga kaya't dahan-dahan din nyang
tinatanggal ang isa nyang kamay.

"Huli ka na bata. Hindi man ako makagalaw, nasa loob na ng tyan ko ang iyong mga
kaibigan at hihigupin ko na ang kanilang mga dugo." Tumawa ng tumawa ang halimaw
habang nararamdaman nya ang dugo nila Ryona at Perus.

"Tenivis!" kusang lumapit ang tenivis sa kamay ni Ramses at mabilis na pinaghihiwa


ang malaking sanga na hindi na gumalaw. Mabilis lumapit si Ramses sa ulo ng halimaw
at itinapat ang kanyang kamay dito. "Ifed Reta Altria! Ifed Reta Altria!"

Ilang sandali pa ay hindi na din makagalaw ang halimaw. Kinapa ni Ramses ang tyan
ng halimaw kung nasaan ang kanyang

mga kaibigan.

"Anong gagawin mo bata?" nauutal na tanong ng halimaw.


Hiniwa ni Ramses ang tyan ng halimawa at dahan-dahang ibinuka ito. Unang lumabas
si Ryona na puro dugo ang katawan. Hinigit sya ni Ramses papalayo sa halimaw. Mas
nilakihan nya ang hiwang ginawa nya sa tyan ng halimaw upang silipin si Perus sa
loob. Nakita nyang gumagalaw pa si Perus kaya tinawag nya ito.

"Perus! Perus!" inabot nya ang kamay ni Perus at hinigit ito palabas. Masyadong
mabigat si Perus kaya't hindi madali kay Ramses ang paghigit dito. Tila naramdaman
ni Perus ginagawa ni Ramses kaya't nagpagaan na sya hanggang makalabas sa tyan ng
halimaw.

Biglang tumawa ng malakas ang halimaw habang nakatingin kay Ramses. "Nailabas mo
man ang mga kaibigan mo, hindi mo pa din ako mapapatay."

Nakita ni Ramses na unti-unti ng gumagalaw ang ilang mga sanga ng halimaw. Ang mga
sangang putol sa lupa ay dahan-dahang gumagalaw papalapit sa mga kaputol nito.

"Panandalian lang ang mahika mo para sa tulad ko. Sa kalagayan ng mga kaibigan mo,
hindi kayo agad makakalabas ng kweba."

At muli ay tumawa ng tumawa ang halimaw.

"Sinong may sabi sa'yong hihintayin ka pa namin bago kami lumabas?" Muling
itinapat ni Ramses ang kamay sa ulo ng halimaw.
"Kahit anong gawin mo, babalik at babalik ako sa dati!" sabi ng halimaw na parang
nakaramdam din ng takot dahil sa matatalim na tingin ni Ramses.

"Subukan natin, wala namang masama." Muling umilaw ang kanyang tekan. "Ngik Rid
Retaw!" Ginamitan muli ni Ramses ng mahika ang halimaw. Humarap sya sa kanang
bahagi ng halimaw at muling sinambit ang mahika. "Ngik Rid Retaw!" At ganun ang
ginawa nya sa kaliwa.

Ilang sandali pa ay unti-unting nagiging bato ang mga sanga ng halimaw. "A - anong
ginawa mo sa'king bata ka? Imposible! Baguhan ka lang!" Sinusubukang gumalaw ng
halimaw ngunit hindi na sya makakilos.

Inilagay na ni Ramses ang kanyang tenivis sa lagayan nito sa kanyang likuran at


nilapitan nya ang kanyang mga kaibigan.

"Ryona, Perus! Ayos lang ba kayo?" Iniupo nya si Ryona at nakita nyang namumutla
ito. Naisip nyang baka marami-rami

na ding dugo ang nawala sa kaibigan.

"Tekan, kailangan ko ng mahika para mapagaling sina Ryona at Perus." Pumikit si


Ramses at inisip mabuti ang gusto nyang mangyari sa kanyang mga kaibigan. Napansin
nyang lumiliwanag ang kanyang tekan. Dumilat sya upang tingnan ito. May nakita
syang mga salita na unti-unting nabubuo. Ilang sandali pa ay naging malinaw ito sa
kanya.

"Retuk Niran!" Ilang sandali lang ay nagkamalay na si Ryona. Una nyang nakita si
Ramses. Pagkakitang pagkakita nya sa kaibigan na puro sugat sa katawan ay agad
syang napaiyak.

"Ramses, patawad." At tuloy-tuloy na ang pag-iyak ni RYona.

"Ligtas ka na. Wag ka ng umiyak," mahinahong sabi ni Ramses. Si Perus naman ang
kanyang nilapitan upang pagalingin. "Retuk Niran!" at ilang sandali lang at
nakakilos na ng ayos ang kaibigan.

"Mga hunghang! Hindi kayo makakalabas dito ng buhay!" sigaw ng halimaw.

Sabay-sabay silang napatingin sa halimaw. Susugurin na sana ito ni Perus ngunit


pinigilan sya ni Ramses. "Hayaan mo na syang lasapin ang mga huling sandali ng
kanyang buhay." Sabi nya sa kaibigan.

"Mabuti pa ay humanap na tayo ng daan palabas," pagpapatuloy ni Ramses habang


nauunang maglakad palabas.
Unti-unti ng nagiging bato ang halimaw hanggang umabot na ito sa kanyang katawan.

"Hindi pa ako matatalo! May lakas pa ako! Mga batang paslit lang kayo!" sigaw ng
halimaw habang naglalakad ang tatlo palabas.

"Maabutan ko kayo! Hindi nyo a - " at biglang natahimik ang halimaw.

Lumingon sina Perus at Ramses dahil nagtaka sila sa biglang pagtahimik ng halimaw.
Nakita nila si Ryona hawak-hawak ang kanyang palaso. Tiningnan agad nila ang
halimaw at nakita nila ang pana sa noo nito.

Humarap si RYona sa dalawa na parag gulat na gulat. "Oh? Mamamatay na din naman
sya di ba? Tinulungan ko na. Ang ingay eh. Para makaganti din naman ako."
Nagpatuloy sya sa paglakad hanggang malagpasan ang dalawag kaibiga. "Tayo na. Baka
hinahanap na tayo sa kastilyo."

Nagkatinginan sila Perus at Ramses at ngumiti. Sumunod naman agad sila kay Ryona.
Hindi nila alam kung paano makakalabas ng kweba. Isang malaking palaisipan pa din
sa kanila kung bakit may kweba malapit sa kastilyo ng Silko.
A/N

Makalabas na kaya sila sa kweba? O baka may bagong kapahamakang naghihintay sa


kanila? Abangan yan sa susunod na kabanata ng Ramses in Niraseya.

Please don't forget to vote. Thanks sa mga readers at palaging nagaabang ng


updates. Thank you so much. ^_^

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 32)

Sobrang pasensya na po kung sobrang tagal bago nakapag-update. Paper works and
tapings po kasi ang reasons. Naging super busy lang. Anyways, enjoy reading and
thanks for the support. :)
KABANATA 32

"BANTA SA SILKO"

Nagpatuloy sa paglalakad ang tatlong magkakaibigan upang hanapin ang labasan.


Sinundan nila ang daan sa loob ng kweba na naiilawan ng mga bituin.

"Paano kung wala talagang ibang daanan dito kundi yung harapan? Tapos naharangan
pa ng bato," pag-aalalang tanong ni Ramses na bahagyang tumigil sa paglalakad.

Nilapitan naman sya ni Ryona. "Huwag kang mawalan ng pag-asa, Ramses. Naniniwala
akong may labasan ang kwebang ito." Tila nakaisip ng magandang ideya si Ryona.
"Hindi ko alam kung gagana 'to, pero susubukan ko na din." Hinawakan nya ang
kanyang tekan at sandali syang pumikit.

"Rebmah Sudni!" at biglang lumiwanag ang kanyang tekan. Pinagtaklob ni Ryona ang
kanyang mga palad.

Nakatingin lamang sa kanya ang dalawang kaibigan. Dahan-dahang binuksan ni Ryona


ang mga palad at may isang dahon ang nakalutang dito. Ngumiti ang dalaga habang
nakatingin sa dahon.
"Ngiknir Retan!" unti-unting lumutang at umangat ang dahon papaalis sa palad ni
Ryona.

"Para san yan, Ryona?" pag-uusisang tanong ni Perus.

"Naghahanap ito ng hangin. Isang uri ito ng dahon sa aming kaharian. Naisip ko
lang kung mahahanap nya ang pinanggagalingan ng hangin na pumapasok dito sa loob,
makikita natin kung maari itong maging daanan palabas." Hindi pa man tapos
magsalita si Ryona ay kusa ng gumalaw ang dahon. "Sundan natin!"

Mabilis namang sumunod ang tatlo sa dahong ginamitan ni Ryona ng mahika. Habang
papalayo ng papalayo ang kanilang tinatakbo ay pabilis ng pabilis ang lipad nito.

"Mukhang gumagana ang plano mo, Ryona!" tuwang-tuwang sabi ni Ramses.

Masaya silang tatlo dahil nagkaroon sila ng pag-asang makalabas ng kwebang iyon.
Hindi na din nila alam kung gaano na sila katagal sa loob at natatakot din silang
mapagalitan.
Habang nananakbo ang tatlo, natanaw ni Perus ang kanilang dinadaanan.

"Ryona, sigurado ka bang tama ang tinatahak na daanan ng dahon na iyan?"


pagtatakang tanong ni Perus.

"Oo. Sinusundan lang nito ang pinanggagalingan ng hanging pumapasok dito sa loob
ng kweba." Paliwanag ni Ryona.

Napatigil naman si Ramses ng makita na wala na silang dadaanan. "Ryona, wala na


tayong madadaanan. Mukhang ito na ang hangganan ng kwebang ito."

Sabay-sabay tumingin ang tatlo sa dahon. Nakita nilang nakatigil lamang ito at
hindi na gumagalaw.

"Mukhang mali ang dahon nay an! Wala namang daanan dito!" naiinis na sabi ni Perus
na tumalikod na sa dalawang kasama.
"Perus, saan ka pupunta?" tanong ni Ramses na parang naiipit sa pagitan ng
dalawang kaibigan.

Tila problemado na naman si Ryona. Gusto nyang makatulong ngunit hindi yata talaga
pumapabor ang tadhana sa kanya.

"Patawad," naiiyak na sabi ni Ryona. Umupo na lamang sya sa bato at tumungo. "Hindi
ko alam na hindi din pala epektibo ang mahika ng dahon na iyan." At hindi na nga
nya napigilang umiyak. Pakiramdam nya na talagang nasa kanya ang lahat ng sisi sa
mga nangyayari sa kanila. Lalapitan sya ni Ramses ng mapansin nitong lumipad
papaitaas ang dahon.

"Ryona, Perus. Parang alam ko na ang daanan palabas." Nakatingin si Ramses habang
pinagmamasdan nyang umaangat ang dahon. Nakita nyang may isang maliit na liwanag sa
itaas kung saan papunta ang dahong kanilang sinusundan.

"Ano bang sinasabi mo dyan, Ramses? Ito na ang hangganan ng kweba, hindi mo ba
nakikita?" papalapit si Perus sa kaibigan ng mapansin nitong nakatingin ang dalaga
sa itaas.

"Sa itaas!" sabi ni Ramses habang tumuturo sa itaas.


Napahinto naman si Ryona sa pagkakaiyak ng marinig ang sinabi ng kaibigan. Dahan-
dahan syang tumingala at nakita nya ang dahon na papaitaas papunta sa maliit na
liwanag na nakita ni Ramses.

"Atir Iram Detal!" sigaw ni Ryona habang papatayo sya mula sa kanyang kinauupuan.

Biglang lumaki ang dahon habang papaitaas ito.

"Anong ginawa mo, Ryona? Gulat na tanong ni Ramses.

Tumayo si Ryona na may ngiti sa kanyang mukha. "Pinalaki ko lang ang dahon para
mas makita natin ito habang papaitaas."

Ilang sandali lang ay nawala na ang dahon sa kanilang paningin ng marating nito
ang liwanag.
"Iyon na nga ang daan palabas," masayang sabi ni Ryona.

"Kung gayon, kinakailangan lang nating lumipad papaakyat sa daan na iyon,"


paliwanag ni Perus.

"Makakalipad tayo gamit ang sapatos." Sabi ni Ramses.

Parang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ryona ng marinig ang sinabi ni Ramses.

"Irolmar!" muling gumamit ng mahika si Ryona at dahan-dahang bumalik pababa ang


dahon na galing sa liwanag sa itaas.

"Atir Iram Detal!" at mas lumaki pa ang dahon na halos kasing laki na ng isang
karpet.

Sumampa dito si Ryona at umaangat sa lupa ang dahon.


"Anong gagawin mo?" pagtatakang tanong ni Ramses sa kaibigan.

"Natatakot akong gamitin ang aking sapatos. Di ba't napahamak ako nung nakaraan?
Hindi pa kasi ako ganun kabihasa sa paggamit nun. Kaya't dito na lamang ako
sasakay. Magkita na lamang tayo sa itaas." Sabi ni Ryona habang lumilipad papataas
ang malaking dahong kanyang sinasakyan.

Pinagmasdan lamang nila Ramses ang paglipad ni Ryona sakay ng malaking dahon
hanggang makalabas sa daanan.

"Hindi ko akalaing mauuna pang makalabas si Ryona sa atin. Akala ko'y magiging
pabigat sya." Sabi ni Perus habang naghahanda sa paglipad.

"Umalis na din tayo, Perus. Pu wa nik!" sabi ni Ramses at lumabas ang pakpak ng
kanyang sapatos. "Sumunod ka na lang Perus. Aktong palipad na si Ramses ng hindi
sya umalis sa kanyang pwesto.

"May problema ba?" tanong ni Perus.

"Hindi ko alam, pero hindi ako makalipad. Subukan mo nga." Nagtatakang tanong ni
Ramses.

"Pu wa nik!" lumabas na din ang pakpak ng sapatos ni Perus at papalipad na sya
ngunit hindi din sya nakalipad.

"Mukhang may problema nga. Hindi din ako makalipad." Pag-aalalang sabi ni Perus
habang tinitingnan ang kanyang sapatos.

"Kailangan lang siguro nating makiisa sa ating mga sapatos." Sandaling pumikit si
Ramses upang pakiramdaman ang kanyang sapatos at para maging isa sila nito.

"Kailangan naming makalabas dito. Lumipad ka na." Dumilat muli si Ramses at handa
na sa paglipad. Dahan-dahang umaangat ang sapatos sa lupa.

"Hayan na Perus. Makakalipad na ako!" masayang sigaw ni Ramses. Hindi pa man


nakakalipad ng mataas ang sapatos ay tumigil sa paggalaw ang mga pakpak nito at
bumagsak sa lupa si Ramses.

"Ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ni Perus sa dalaga.


"Anong problema? Bakit hindi tayo makalipad?" naiiyak na sabi ni Ramses.

Hindi nila alam ang dahilan kung bakit hindi sila makalipad. Ngunit nababahala din
sila dahil kung hindi sila makakalipad gamit ang sapatos, wala na din silang ibang
paraan para makalabas dun.

Sinubukan ni Perus na akyatin ang mga bato papalabas ng kweba ngunit masyado itong
madulas kaya't mabilis din syang nalalaglag.

"Wala na talaga tayong pag-asa. Maghanap na lang tayo ng iba pang madaanan,
Ramses." Naglakad si Perus pabalik ngunit naiwan lamang si Ramses na nakaupo sa
bato.

"Hindi ganun kadali ang sinasabi mo Perus." Mahina ang boses na at tila nawawalan
na ng pag-asa.

Hindi natiis ni Perus kaya't bumalik sya. Pagharap nya kay Ramses ay may nakita
syang isang malaking dahon na nakalutang.
"Ramses, yung dahon." Nagmadaling lumapit si Perus at tumingin sa itaas. May
nakita syang gumagalaw. "Parang si Ryona yung nasa itaas," dugtong nito.

Napatayo si Ramses ng makita ang dahon. "Makakalabas na tayo dito." Masayang sabi
ng dalaga at agad sumampa sa dahon.

Sumakay din naman si Perus. Mabagal ang kanilang pag-angat dahil may kabigatan
sila.

Hindi nagtagal ay natatanaw na nila si Ryona mula sa labasa na kumakaway. Inabot


ni Ryona ang kanyang kamay kay Ramses upang alalayan ito sa pagbaba.

Napayakap naman agad si Ramses kay Ryona at napaluha sa tuwa.

"Ramses, ayos ka lang ba?" habang hinahaplos ang likod ng kaibigan.

"Ayos lang ako. Masaya lang ako dahil nakalabas kami. Salamat Ryona. Salamat." At
tuluyan na nga syang napaiyak.
Nilapitan ni Perus ang dalawa at tumingin ng diretso kay Ryona.

Umalis naman sa pagkakayakap si Ramses at pinahid ang kanyang mga luha.

"Ryona, pasensya ka na kung pinagdudahan ko ang kakayahan mo. Maraming salamat."


Inabot ni Peru sang kanyang kamay sa kaibigan.

Nakipagkamay naman si Ryona sa kanya at napaluha din ito sa tuwa.

"Wala yun. Natakot lang din naman akong magkamali ulit at mailagay ko na naman ang
mga buhay nyo sa panganib." Paliwanag ni Ryona.

"Mabuti naman at naisipan mo kaming sunduin sa ibaba." Tanong ni Ramses.

"Ang tagal nyo kasi. Naisip ko na bihasa kayo sa paggamit ng sapatos, pero
natagalan kayo. Kaya naisipan kong ibaba ang dahon. Nagbakasali lang naman ako."
Paliwanag ni Ryona.
"Eh paano kung napaslang kami ng halimaw tapos halimaw ang sumakay sa dahon, anong
gagawin mo?" pagbibiro ni Perus.

"Eh di tatakbo ako!" Tumatawang sagot ni Ryona.

Habang nagbibiruan ang dalawa ay nagmamasid na si Ramses sa paligid.

"Hindi ba't parang nasa Silko na tayo?" tanong ni Ramses.

Tumingin ang dalawa sa paligid. Nakita nilang nasa loob na sila ng isang silid.
Isang silid na sobrang liwanag dahil sa malalaking bituing nandun sa loob.

"Isa itong silid. Ngunit bakit may daanan papuntang kweba?" nagtatakang tanong ni
Perus.
"Hindi ko din maintindihan." Lumapit si Ryona sa isang bilog na bagay. "Tingnan
nyo, kasukat ito ng daanan na yan. Parang pantakip."

Kinuha ni Perus ang bilog na bagay na ito at inilagay sa kanilang dinaanan.


Nagulat sila ng umikot ito na parang isinarang pintuan. Nagmukhang lamesa ang
daanan at hindi mo aakalaing isa itong daanan papunta sa kweba.

"Kaninong silid ito? At bakit may ganito dito?" nagtatakang tanong ni Ramses.

Nakarinig sila ng mga yabag na paparating. Nagtago ang tatlo. Nakita nila si Madam
Nema na may kausap. Pagpasok na pagpasok nila ng pintuan ay mabilis na lumabas ang
tatlo.

Napalingon si Madam Nema sa pintuan ngunit wala naman syang nakita.

"Isara mo ang pintuan. Baka may makarinig sa ating pag-uusapan." At nagpatuloy si


Madam Nema.

Nakalabas ang tatlo sa silid at mabilis na nanakbo papalayo. Hinanap nila ang daan
pabalik sa kanilang silid. Hindi sila makapagsalita dahil sa sobrang kaba.
Napansin ni Perus na madumi ang kanilang suot at sira-sira din.

"Sandali. Hindi tayo maaring bumalik ng ganito ang itsura." Tumigil silang tatlo at
napansin ang kanilang mga sarili.

"Iwum Utawil!" lumiwanag ang tekan ni Perus at tila may buhanging lumabas sa
kanyang kamay na bumalot sa mga kasuotan nilang magkakaibigan.

Ilang sandali pa ay nawala ang buhangin at bumalik na sa dating ayos ang kanilang
mga uniporme.

"Ang galing! Hindi na halatang nakipaglaban tayo sa halimaw!" tuwang-tuwang sabi


ni Ryona.

"Anong halimaw?" biglang nagsalita si Mang Zonro.

Nagulat silang tatlo ng magsalita ang matanda mula sa kanilang likuran.


Nagkatinginan lamang ang tatlo at hindi alam ang isasagot.

"Halimaw po? Ano pong halimaw?" tanong ni Ramses.

Hindi sumagot ang matanda at nakatingin lamang sa kanila ng diretso at seryoso.

"Ah. Tawag lang po namin yun sa isang masungit na guro dito. Parang halimaw po
kung magalit. Yun po ang ibig kong sabihin."

Pagpapalusot ni Ryona.

Napatingin sa kanya sina Perus at Ramses dahil hindi makapaniwala sa kanyang


sinabi.

"Bakit?" pagtatakang tanong ni Ryona.

"Wala pa din kayong karapatang magsalita ng ganyan sa inyong mga guro.


Palalampasin ko ang pangyayaring ito. Ngunit sa susunod na maulit pa ito,
isusumbong ko na kayo." Nagpatuloy sa paglalakad ang matanda.
Hindi makagalaw ang tatlo hangga't hindi nakakalayo si Mang Zonro.

Nakahinga naman silang tatlo pagkalayo ng matanda. Tumingin sila sa paligid.

"Ryona naman. Mapapahamak tayo sa sinabi mo." Natatawang sabi ni Ramses.

"Ano ka ba naman? Totoo naman ah." Tumatawang sagot ni Ryona.

Nakitawa na din si Perus. Naglakad na sila pabalik sa kanilang silid. Pagdating


nila doon ay naglalabasan ang mga estudyante.

"Ano kayang nangyayari?" tanong ni Perus. Nilapitan nito ang isang kagrupo at
tinanong kung anong nangyayari. Agad

naman syang bumalik sa dalawang kaibigan para sabihin ang kanyang nalaman.

"Ipinapatawag daw ang lahat sa Teno. Sumunod na tayo." Sabi ni Perus na nakipila
na sa mga baguhang papalabas.
Kinakabahan silang tatlo sa biglaang pagpapatawag na ito. Hindi nila alam kung may
nakakita sa kanila. Dahil kung merong nakakita sa kanila, maari silang matanggal sa
Silko.

Maingay ang lahat ng mga baguhan at madaming bulung-bulungan. Nasa kani-kaniyang


upuan na sila ng mapansin ni Ramses na nakatingan sa kanya si Rettie.

Kakaiba ang tingin nito sa kanya na parang may gustong sabihin. Mas lalong
nakaramdam ng pagkakaba si Ramses. Nabaling lamang ang kanyang tingin kay Maestro
Boro ng sawayin nya ang ingay.

"Tahimik. Biglaan ang aking pagpapatawag na ito. May isang banta ang nakarating sa
amin na susugod dito ang kampon ni Bhufola." Bahagyang tumigil ang matanda.

Gulat na gulat naman ang reaksyon ng lahat maging ng mga guro sa narinig mula kay
Maestro.

"Magsi-tahimik kayo." Tumayo ito mula sa kinauupuan. "Ipinagpasya naming itigil


muna ang pagsasanay at pansamantalang isara ang Silko para sa kaligtasan ng lahat
ng baguhan." Malungkot na sabi ni Maestro Boro.
Napansin ni Ramses na may isang tagapagsilbi ang lumapit kay Madam Nema at may
ibinulong dito. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at tila naiiyak.
Tumayo ito at lumapit kay Maestro Boro na tila nagpapaalam. Papaalis na ito ng
mapatingin ito kay Ramses. Nagmadaling lumabas ng Teno si Madam Nema kasama ang
tagapagsilbi.

"Hindi maganda ang nangyayari na 'to." Bulong ni Perus.

"Ihanda nyo na ang inyong mga gamit at ipapasundo na namin kayo sa inyong mga
magulang." Tumalikod si Maestro Boro ng biglang nagsalita si Rettie.

"Maestro, hindi yata patas na lahat kami ay magsasakripisyo ng pagsasanay dahil


lang sa banta ni Bhufola." Sigaw nito.

Tumahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Rettie.

"Rettie, ang desisyon ay nasa akin." Muling humarap ang matanda.


Tumayo si Rettie. "Ngunit may karapatan kaming

malaman ang dahilan." Pagmamatigas ng dalaga.

"Masyadong komplikado ang dahilan kaya't hindi maaring sabihin sa lahat."


Papatalikod pa lamang ang matanda ng magsalita muli si Rettie.

"Ako na lamang ang magsasabi ng dahilan sa lahat." Humarap sya sa lahat. "Isang
tao lang ang kailangan ni Bhufola. Magsasakripisyo ba tayo para lang sa isang tao?"

Nagbulungan ang lahat ng marinig ang sinabi ni Rettie.

"Tumigil ka bata!" pagpigil ni Maestro Boro.

Ngunit hindi nagpapigil ang dalaga. Nagpatuloy pa ito at hindi initindi ang sinabi
ng Maestro.

"Nasabi sa akin ng aking mga magulang ang balitang ito. At sa tingin ko, hindi
makatarungan kung ititigil ang ating pagsasanay ng dahil lang sa'yo - " tumingin
sya kay Ramses ng masam. " - Ramses!"
Nagulat ang lahat lalong-lalo na si Ramses.

"Tama na! Sa tingin ko nasabi mo na ang gusto mong sabihin. Makakabalik ka na sa


iyong kinauupuan." Galit na sabi ni Maestro Boro.

Ang lahat ay nakatingin kay Ramses. Gulat na gulat ang dalaga at bigla na lamang
pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Nanakbo papalabas ng Teno ang dalaga na hindi
alam ang gagawin. Susundan sana sya nila Perus at Ryona ng pigilan ito ng Maestro.

Tumingin si Ryona kay Rettie at nakangiti ito habang nakikipagkwentuhan sa kanyang


mga kagrupo.

"Napakasama nya talaga. Lagi na lang si Ramses ang nakikita nya!" galit na bulong
ni Ryona kay Perus.

"Kung hindi lang yan babae, malamang kanina ko pa yan sinuntok!" nanggigigil si
Perus kay Rettie. Sa sobrang panggigigil ay nabaluktot nya ang tinidor na kanyang
hawak-hawak.
"Magsibalik na kayo sa inyong mga silid at magsipaghanda." Malungkot na sabi ni
Maestro Boro.

Naiwan si Ryona at Perus at lumapit ito sa matanda.

"Maestro, totoo po ba? Totoo po ba ang sinabi ni Rettie?" nanginginig na tanong ni


Ryona.

Tumingin lamang si Maestro Boro sa kanila at hindi agad nakasagot.

A/N

Paano na yan? Ano nang mangyayari sa Silko? Kay Ramses? Abangan.

Please vote po. Thanks. :)


=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 33)

Kabanata 33

"ISANG MABIGAT NA DESISYON"

Nagbuntong hininga si Maestro at naglakad palabas. Sinundan lamang sya ng dalawa.


Nakarating sila sa itaas ng Silko kung saan tanaw ang buong kaharian.

"Sinubukan kong kumbinsihin si Bhufola na huwag ng kunin si Ramses. Ngunit


nagpumilit sya. Kaya't pinagbantaan nya ang buong Silko. Hindi ko naman basta-basta
pwedeng isuko ang batang iyon dahil alam kong kulang pa sya sa kasanayan. Pero alam
kong na sa kanya na ang kakayahan, hindi nya pa lamang ito nakikita." Nakatingin
lamang sa malayo ang matanda at pinagmamasdan ang Silko.

"Hindi ko gustong isara ang Silko. Ngunit hindi ko din naman kayang isugal ang
buhay ng mga mag-aaral dito. Haharapin ko si Bhufola." Pagpapatuloy ng matanda.

"Ngunit Maestro, nakakaawa naman po si Ramses. Masyado nyang didibdibin ang sinabi
ni Rettie." Naiiyak na sabi ni Ryona.
"Alam ko." Humarap sya sa dalawa. "Hanapin nyo si Ramses. Tulungan nyo sya.
Kailangan nya kayo ngayon." Nakita

nilang may luha sa mga mata si Maestro Boro.

Pagkaalis na pagkaalis ng dalawa ay muling pinagmasdan ng matanda ang kanyang


kaharian. Itinaas nya ang kanyang mga kamay.

"Rotu Neeraz!" Tila nagkakaroon ng harang ang buong kaharian. Isang mahikang
pamprotekta sa kahit anong paparating. Kahit munting ibon ay hindi na makalipad ng
mataas ng mapalibutan ng harang ang buong kaharian.

"Mas maigi na ang mag-ingat habang nandito pa ang mga bata." Bulong ng matanda sa
kanyang sarili.

Hindi naman nag-aksaya ng oras sina Ryona at Perus at agad silang umalis. Hinanap
nila si Ramses sa mga lugar na tingin nilang pupuntahan ng kaibigan.

"Mabuti pa maghiwalay tayo sa paghahanap. Magkita na lamang tayo sa silid." Sabi


ni Perus.
"Mabuti pa nga." Sagot ni Ryona.

Naghiwalay sa paghahanap ang dalawa habang abala ang lahat sa paghahanda ng


kanilang mga gamit.

Halos malibot na nila ang mga lugar na mapupuntahan ng kaibigan ngunit hindi pa din
nila ito nakita. Nakita ni Perus si Rettie kausap ang mga kaibigan nito. Hindi na
sana nya ito papansinin ng lumapit ang mga ito sa kanya.

"Nasaan na ang magaling mong kaibigan?" tanong ni Rettie.

"Hindi ko alam. At kung alam ko man, hindi ko sasabihin sa'yo." Pagmamatigas ni


Perus. Papaalis na sya ng bigla syang nagulat sa sinabi ni Rettie.

Hinigit nya si Perus papalayo sa kanyang mga kaibigan. "Nagsimula na si Bhufola sa


pagpaslang." Tumitingin sya sa paligid kung may nakakarinig sa kanila. "Yung
halimaw na halaman sa kweba, pinaslang sya."
Gulat na gulat si Perus sa kanyang narinig. "Halimaw sa kweba?" Nagpapanggap sya
na walang alam.

"Oo." Mas hininaan pa ni Rettie ang kanyang sinasabi. "Sabi ng aking mga magulang,
kapatid daw ni Madam Nema ang halimaw na iyon. Isang itim na mahika ang bumabalot
dito kaya sya naging halimaw." Bulong ng dalaga.

Nanlaki ang mga mata ni Perus sa gulat at pinagpawisan ito ng malamig. Hindi naman
sya nagpahalata sa kausap. "Wala

akong pakialam sa sinasabi mo. Hahanapin ko muna si Ramses." Iniwan na ni Perus si


Rettie at nagmadali itong naglakad.

"Sumuko na sya. Kung hindi, lahat tayo mamamatay. Pati ikaw!" sigaw ni Rettie sa
papalayong binata.

Nagkasalubong si Ryona at Perus. Napansin ni Ryona na namumutla si Perus at pawis


na pawis.

"Perus, anong nangyari? Bakit parang gulat na gulat ka?" pagtatakang tanong ni
Ryona.
Hinigit nya si Ryona sa isang sulok ng pasilyo. "Ryona, yung halimaw - "
hinihingal nyang sabi. " - yung nagtangkang pumaslang sa atin. Yung napaslang ni
Ramses." Tumingin muna sya sa kanyang likuran at tsaka nagpatuloy. "Kapatid sya ni
Madam Nema."

Napatakip si Ryona sa kanyang bibig ng marinig ang sinabi ni Perus. "Paano?"


natatakot na tanong ng dalaga.

"Itim na mahika daw ang dahilan. Hindi ko alam ang buong detalye dahil nagulat
ako." Paliwanag ni Perus.

"Alam na ba nila?" pag-aalalang tanong ng dalaga na naluluha na.

"Hindi. Wala silang alam. Ang alam nila, si Bhufola ang may kagagawan ng
pagpaslang." Pagpapatuloy ni Perus.

"Kailangan na natin talagang mahanap si Ramses." Nagmamadali silang maglakad ng


makasalubong nila ang kaibigan dala-dala ang kanyang mga gamit.

"Ramses, kanina ka pa namin hinahanap." Bungad ni Perus.


Hindi sumagot ang kaibigan at dire-diretso lamang sya sa paglakad.

"Ramses, saan ka pupunta? Huwag mong intindihin ang sinabi ni Rettie." Sabi ni
Ryona habang naglalakad at sinusundan ang kaibigan.

Nagulat silang dalawa ng humarap sa kanila ang kaibigan na pugtong-pugto ang


matang puro luha.

"Naiintindihan ko naman eh. Tanggap ko. Ako lang naman ang kailangan nya. Kaya ako
na ang lalapit sa kanya." Umiiyak na sabi ni Ramses.

"Ano bang sinasabi mo?" tanong ni Perus. "Si Maestro Boro na ang bahala."

"Hindi, Perus. Walang ibang gagawa ng paraan kundi ako. Hindi ko naipaglaban ang
mga magulang ko. Pero ngayon, makikipaglaban ako para sa lahat, para sa inyo."
Tumalikod sya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ramses sandali. Huwag ka namang ganyan. Hindi mo alam kung gaano kalakas si
Bhufola." Naiiyak na din si Ryona dahil sa mga nangyayari sa kaibigan.

"Kaya nga hindi ko ibubuwis ang buhay ng marami para lang sa kapakanan ko.
Pabayaan nyo na lang ako pwede?" sigaw ni Ramses habang umiiyak.

Walang nasabi ang dalawa at natigilan sila. Noon lang nila nakitang ganun si
Ramses at hindi nila alam ang gagawin. Pinagmamasdan lang nilang papalayo ang
kaibigan papunta sa silid tanggapan ni Maestro Boro.

Dala-dala na ni Ramses ang lahat ng kanyang mga gamit kabilang na ang itlog ng
Ampaguia at ang hambria na ibinigay ni Aragon. Hindi nya mapigilan ang sarili sa
pag-iyak habang naglalakad. Lahat ng makasalubong nya ay nagbubulungan kaya't
nakayuko na lamang sya habang patungo sa silid tanggapan ni Maestro Boro.

Pinahid nya ang kanyang mga luha at pinilit magpakatatag.

Nagbuntong hininga sya bago kumatok sa silid. "Kaya mo 'to Ramses."

Bago pa man sya kumatok ay nagsalita si Maestro Boro mula sa kanyang likuran.
"Anong kailangan mo Ramses?"
Yumuko panandalian si Ramses upang ayusin ang kanyang ekspresyon. Gusto nyang
ipakita na desidido sya sa kanyang sasabihin sa matanda.

Humarap sya kay Maestro Boro. "Nais ko po kayong makausap kung maari po."

Binuksan ng matanda ang pintuan. "Sa loob tayo mag-usap." Naunang pumasok ang
matanda at sumunod naman si Ramses.

"Maupo ka, Ramses." Sabi ni Maestro Boro habang naupo sa kanyang upuan.

"Hindi na po kailangan. Gusto ko lang pong sabihin - " ngunit biglang nagsalita
ang matanda.

"Mahal ko ang Silko. Ilang henerasyon na ang nagdaan ngunit hindi ito nagagawang
sirain ng kahit na sino." Binuksan ni Maestro ang isang malaking libro at lumabas
ang mga nangyari na sa Silko. "Ang mga kilala at malalakas na mandirigma at
mahikero ay dito nagmula. Kahit ang iyong mga magulang."
Habang inililipat ng matanda ang pahina ng libro ay nagbabago din ang mga
nangyayari. Pinagmamasdan lamang ito ni Ramses.

"Ang bawat mag-aaral dito ay mahalaga para sa'kin. Maging mabuti man o masama ang
kanyang mahika. Ang kapakanan ng isa ay kapakanan ng lahat." At patuloy sa paglipat
ng pahina ang matanda.

Pinipigilan ni Ramses ang sarili sa pag-iyak. Iniiwas na nya ang pagtingin sa mga
nakikita mula sa libro dahil mas nararamdaman nya ang pagiging pabigat sa Silko.

"Nandito po ako para magpaalam." Bungad ni Ramses.

Natigilan naman ang matanda at isinara ang libro. "Hindi masosolusyonan ng


pagtakas ang isang suliranin."

"Hindi po ako tatakas." Tumingin ito ng diretso sa matanda. "Alam ko pong darating
ang araw na maghaharap kami ni Bhufola." Saglit syang tumigil at tila may naalala.
"Nakatawid sya sa aming mundo para sa'kin at sinabi nyang darating ang araw na ako
ang kusang lalapit sa kanya. Tingin ko ito na po yung tamang oras." Buong-buo ang
loob ni Ramses habang nagsasalita na hindi alintana ang maaring mangyari sa kanya.

Nabigla
naman si Maestro Boro sa kanyang narinig. "Katulad ka talaga ng iyong mga magulang.
Pero bata ka pa at sa tingin ko hindi pa ito ang tamang oras."

"Hindi. Hindi ko na po kayang hintayin ang pagsugod ni - " ng biglang pumasok si


Ginang Dutris na humahangos.

"Maestro! - " at saglit syang natigilan ng makita si Ramses.

"Bakit Dutris?" tanong ng matanda.

Dumiretso ang ginang sa matanda at hindi na pinansin si Ramses. "Ang mga Nuter.
May mga Nuter pong sumusugod sa Silko."

Napatayo si Maestro at mabilis lumabas kasama si Ginang Dutris. Nabahala naman si


Ramses kaya't sumunod din ito sa dalawa habang papalabas ng silid-tanggapan.

Paglabas ni Ramses ang lahat ay nakatingin sa labas. Maging sya ay gulat na gulat
sa nakita. May mga itim na anino ang pinipilit makapasok sa harang na ginawa ni
Maestro Boro. Ang mga Nuter ay mga itim na aninong kampon ni Bhufola. Naglilikha
ito ng matinis na tunog na maaring makapagpatulog sa mga mahihinang nilalang.
Tumingin si Ramses sa mga tao sa kanyang paligid at napansin nyang ang lahat ay
may bakas ng pagkatakot. Ilang sandali pa ay nagsama-sama ang mga Nuter at
nakalikha ito ng isang malaking anino. Unti-unti itong naging isang mukha.

"Si Bhufola!" sabi ni Maestro Boro.

Agad namang napatingin sa itaas si Ramses. Ang nagsama-samang mga anino ay naging
mukha ni Bhufola.

Tumatawa ito ng malakas. "Simula pa lang yan ng supresa ko. Napansin ko namang
napaghandaan mo ang iyong mga bisita Maestro. Ibigay nyo ang kailangan ko, at lahat
kayo ay makakaligtas." Muli ay tumawa ng tumawa si Bhufola habang unti-unting
naglalaho ang anino.

Napatingin ang lahat kay Ramses ngunit hindi nya ito inintindi.

"Maestro, payagan nyo na po ako sa balak kong pagharap kay Bhufola."


Nagmamakaawang sabi ni Ramses.
Hindi ito inintindi ng matanda at dumiretso lang muli sa kanyang silid-tanggapan.
Sinundan naman sya ni Ramses.

"Maestro, gusto ko pong makatulong. Gusto ko pong iligtas ang Silko. Ako lang
naman po ang kailangan nya. Nakikiusap po ako." Pagpapatuloy ng dalaga.

"Hindi ko mapapayagan ang gusto mo. Makakaalis ka na." seryosong sagot ng matanda.

"Hindi!" Nagmatigas si Ramses. "Aalis ako at wala kayong magagawa!" Tumalikod na


ito ng napasigaw si Maestro Boro.

"Hangal ka! Tingin mo ba talagang hindi na nya guguluhin ang Silko kapag lumapit
ka sa kanya?" Humarap ito sa dalaga na tila may bahid ng pagkagalit. "Alam mo ba
kung bakit ka nya kailangan? Sa tingin ko hindi! Mas lalo mo lang pinapadali kay
Bhufola ang lahat. At hindi lang ang Silko ang malalagay sa panganib. Kundi ang
buong Niraseya!"

Nagulat si Ramses at natigilan. Hindi nya maintindihan ang sinasabi ng matanda.


Pero mas lalo syang kinabahan ng marinig nya na malalagay sa panganib ang Niraseya
ng dahil sa kanya. Dahan-dahan syang humarap sa matanda na nangingilid ang mga
luha.

"Ano pong ibig nyong sa - bihin?" nanginginig nyang tanong.


"Kapangyarihan mo lang ang kailangan nya para mapagharian ang buong Niraseya na
noon pa nya gustong gawin. Gusto nyang maging makapangyarihan, kaya nya nagawang
paslangin ang mga magulang mo." Pagpapatuloy ng matanda.

"Ang mga magulang ko?" Nag-isip sandali ang dalaga. "Sa loob ng mahabang panahon,
walang naglakas loob na harapin sya? Kahit kayo?" Lalong nakaramdam ng pagkagalit
si Ramses. "Pasensya na Maestro, pero hindi magbabago ang desisyon ko dahil lang sa
mga sinabi nyo. Kung walang pipigil kay Bhufola, lahat ng tao sa Niraseya ay hindi
makakawala sa takot na nararamdaman nila. Ang mga paslit na hindi na kayang magsaya
dahil nabubuhay sila sa takot. Hindi ko sya mapapatawad." Nanggigigil si Ramses at
buong-buo na ang loob nya sa kanyang gagawin.

Kitang-kita ni Maestro Boro na determinado ang dalaga sa kanyang mga sinabi at


napagtanto nyang hindi nito pakikinggan ang kahit anong sasabihin nya.

"Ramses." Papalapit ang matanda sa dalaga.

Kinakabahan naman si Ramses sa kung anong sasabihin ni Maestro Boro sa kanya.


Hindi nya alam kung anong gagawin ng matanda. Kung pipigilan ba sya o hahayaan.
Ngunit bakas sa mga binitawang salita ng matanda na hindi sya sang-ayon sa gagawin
nya.
"Maestro." Bulong ng dalaga habang nakatingin sa papalapit na matanda.

A/N

Ooops.. Ano kayang gagawin ni Maestro Boro kay Ramses? Hmmmmm. Makakalabas kaya sya
ng Silko? O hindi sya hahayaan ng matanda? Abangan sa susunod na kabanata.

Please don't forget to vote po after reading. Thank you so so much sa patuloy na
pagsama kay Ramses sa mga adventures and actions sa Niraseya. :)

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 34)

Kabanata 34

"ISA PARA SA LAHAT"


Huminto ang matanda sa harapan ni Ramses at tinitigan ito. Hindi alam ng dalaga
kung anong kanyang magiging reaksyon. Ipinatong ni Maestro Boro ang kanyang kamay
sa ulo ni Ramses at ngumiti ito.

"Katulad ka ng iyong ina, matigas ang ulo. Hindi magpapapigil sa gustong gawn."
Nakangiting sabi ng matanda.

Nagulat naman si Ramses sa sinabi nito. Nagtaka sya sa sinabi ng maestro. Tumingin
ang dalaga sa kausap. "Maestro, sana maintindihan nyo po ako."

Tumango ang matanda at inalis ang kamay sa pagkakahawak sa ulo ng dalaga. "Alam
kong ito ang nakatadhanang mangyari sa'yo. Ngunit hindi ko lang inaasahan na ganito
kaaga." Muli tumingin ang matanda ng seryoso sa dalaga at hinahawakan ito sa
kanyang balikat.

"Kailangan buo ang loob mo at desidido kang gawin ito. Kahit kaonting takot ay
walang puwang sa iyong puso. Dahil ang maliit na kahinaan ay malaking kasiraan at
pabor ito kay Bhufola." Paliwanag ng matanda.

Hindi agad nakasagot si Ramses. Pinakiramdaman nya ang kanyang sarili kung may
takot ba syang nararamdaman. Nag-isip

syang mabuti at tsaka sumagot sa maestro. "Handa po ako. Nararamdaman kong dadating
at dadating din ang araw na maghaharap kami ni Bhufola. Mas maganda pong ako na ang
lumapit sa kanya, kaysa sya ang lumapit sa'kin, madami pang mapapahamak." Sagot ng
dalaga.

Ibinaba ng matanda ang kanyang mga kamay. "Kung gayon, wala na akong magagawa. May
ilang bagay kang kakailanganin sa iyong pag-alis." Tumalikod ito at pabalik sa
kanyang lamesa. "May oras pa para magbago ang iyong isip habang hindi ka pa
nakakaalis," dugtong ng matanda.

"Hindi po. Hindi na po magbabago ang isip ko." Buo ang loob ni Ramses na hindi
makitaan ng kahit anong takot.

Isang itim na lagayan ang kanyang kinuha sa ilalim ng kanyang cabinet at ipinatong
nya sa kanyang mesa. Kinuha din nya ang isang malaking mapa sa aklatan at itinabi
nya sa lagayan na kanyang unang inilabas.

"Ito ang mapa ng Niraseya. Sa tulong nito, matutunton mo ang kinalalagyan ni


Bhufola. Nababalot ito ng mahika kaya't hindi ka mahihirapang gamitin ito." Umupo
sya saglit sa kanyang upuan. "Halika, lumapit ka Ramses."

Ibinaba ni Ramses ang ilang sa kanyang mga gamit at lumapit sa mesa ng matanda.
"Mahalaga ang laman nitong itim na lagayan na ito. Mahiwaga ang pulbos na ito.
Nakakagaling at nakakapagbalik ng lakas ang kaunting patak nito." Binuksan nya ang
lagayan at ipinakita sa dalaga. Isang putik abo ang laman ng lagayan.

"Maraming salamat Maestro. Makakatulong po ito sa'kin." Kinuha ang mapa at


lagayan. Inilagay nya ito sa loob ng kanyang bag. "Aalis na po ako." Umaatras ng
konti ang dalaga at yumuko sa maestro.

"Hindi ka maaring umalis ng suot-suot ang uniporme ng Silko. Hindi yan isang
baluti." Tumatawang sabi ni Maestro Boro.

"Ngunit wala po akong ibang gamit dito kundi ang mga ibinigay ninyo sa'kin." Sagot
ng dalaga na naguguluhan sa sinasabi ng maestro.

Tumayo ang maestro. "Bibigyan kita ng isang baluti na nararapat sa'yo," sabi ng
matanda.

"Kami din po, maestro!" sigaw nila Ryona at Perus na biglang sumulpot sa loob ng
silid-tanggapan.

"Nakita po naming nakabukas ang pintuan kaya't tumuloy na po kami." Bungad ni


Ryona.
Napalingon sina Ramses at Maestro Boro sa dumating. Nagulat sila ng makitang may
dala-dala ding mga gamit ang dalawa.

"Susunduin na ba kayo ng inyong mga magulang? Nandyan na ba sila?" tanong ni


Maestro Boro.

Nagkatinginan ang dalawa at lumapit sa harapan ng matanda.

"Nandito po kami para samahan si Ramses sa pagharap kay Bhufola." Sagot ni Perus.

Nanlaki ang mata ni Ramses sa narinig. Mabilis nyang nilapitan sina Ryona.
"Nahihibang na ba kayo? Hindi ako maglilibang o mamamasyal lang. Haharapin ko si
Bhufola. Mapanganib ang naisip nyong pagsama sa'kin." Nag-aalalang sabi ni Ramses.

"Pero hindi namin kayang makipaglaban ka mag-isa. Isa pa, ginagawa namin 'to para
sa aming kaharian," sagot ni Ryona.
"Maestro, huwag nyo pong hayaang sumama sila sa'kin." Hindi alam ni Ramses ang
gagawin. Naisip nyang maaring magbago pa ang isipan ng matanda sa pagpayag sa
kanyang harapin si Bhufola kung sasama ang kanyang mga kaibigan.

Ibinaba ni Peru sang kanyang gamit at lumuhod sa harapan ng maestro. "Sana po ay


hayaan nyo kaming sumama kay Ramses.

Inaasahan din kami ng kanya-kanya naming kaharian. At gagawin lang naming kung ano
ang tingin naming tama."

Gumaya na din naman si Ryona sa ginawa ni Perus. Lumuhod din ito sa harapan ng
matanda. "Magtiwala po kayo sa mga kakayahan namin. Hinasa kami ng aming pamilya
para sa ganitong pagkakataon."

Tumawa ang matanda sa kanyang nakita. "Magsitayo kayong dalawa. Hindi nyo na
kailangang gawin yan. Alam kong kayo ang prinsesa at prinsipe ng inyong mga
kaharian at inaasahang magtatanggol sa inyong nasasakupan kung kinakailangan."
Tumayo si Maestro Boro. "Pumapayag akong sumama kayo kay Ramses. Ngunit - "
panandalian itong tumigil at tumingin sa dalaga. "- mahihirapan kayong kumbinsihin
sya," dugtong nito.

Hinawakan ni Ryona si Ramses sa kanyang mga braso. "Ramses, kailangan mo kaming


isama. Ako, may kasanayan ako sa paligid. Maari kong maramdaman ang ipinapahiwatig
ng mga puno at halaman sa ating mga daraanan." Tumingin sya ng diretso sa kaibigan.
Bakas sa kanyang mga mata ang determinasyong sumama kay Ramses.
Tinanggal ni Ramses ang kamay ni Ryona at hinawakan ito. "Ryona, malapit ka sa
kapahamakan. Baka kung ano lang ang

mangyari sa'yo sa ating paglalakbay."

Nalungkot si Ryona mula sa narinig sa kaibigan. "Hindi mo ba ako


pinagkakatiwalaan? Alam kong ilang beses kong nailagay ang inyong buhay sa
panganib, ngunit hayaan mo akong patunayan sa'yo na kaya ko din kayong
ipagtanggol." Mahinang sabi nito.

Lumapit na din si Perus kay Ramses. "Kung isasama mo ako, maari kitang
maipagtanggol sa mga makakasagupa natin. Malakas ako at may karanasan sa
pakikipaglaban. Hindi ka mabibigong makasama ako." Paliwanag ni Perus.

Hindi alam ni Ramses ang kanyang isasagot. Ayaw nyang magkamali ng desisyon na
magiging dahilan ng kapahamakan ng kanyang mga kaibigan. Nagbuntong hininga sya at
tsaka tumingin kay Maestro Boro.

Tumango ang matanda na parang nagpapakita ng suporta sa kung anumang magiging


desisyon ng dalaga. Nagdadalawang isip si Ramses sa isasagot sa kanyang mga
kaibigan. Muli ay tiningnan nya ang dalawa na parang naghihintay ng kanyang sagot.

"Sigurado ba kayo sa desisyon nyo? Hindi natin alam kung anong maaring mangyari
sa'tin sa ating paglalakbay. Kaya't kung hindi kayo handa, hindi kayo maaring
sumama sa'kin." Nalulungkot na paliwanag ni Ramses.

Ngumiti sina Ryona


at Perus. "Handa kami!" sabay na sabi ng dalawa.

"Ramses, magagamit natin ang kakayahan ng bawat isa sa ating paglalakbay.


Magtiwala ka lang." paliwanag ni Perus.

"Sana hindi ako magkamali ng desisyon at sana hindi nyo pagsisihan ang desisyon na
gagawin ko." Humarap ito sa matanda. "Maestro, maari ko po ba silang isama? Kayo po
ang nakakaalam ng lahat kaya ang pasya nyo ang susundin ko." Yumuko si Ramses
matapos magsalita.

"Kung gayon, kayong tatlo ay maglalakbay patungo kay Bhufola." Nakangiting sabi ni
Maestro Boro.

Sa sobrang tuwa ay napayakap si Ryona kay Ramses at gayundin si Perus.

"Salamat Ramses. Salamat Maestro Boro." Tuwang-tuwang sabi ni Ryona.

Nasaksihan ng matanda kung gaano pinapahalagahan ng tatlo ang kanilang


pakikipagkaibigan. Kitang-kita nya na handa sa kahit anumang pagsubok ang tatlo.
Batid nya kung anong maaring mangyari sa kanila. Ngunit sa kakaibang lakas ng loob,
determinansyon at pagtititwala sa isa't-isa ay may posibilidad na magtagumpay sila
sa kanilang gagawin.

"Tama na muna ang pagsasaya. Hindi pa ligtas ang Silko sa banta ni Bhufola."
Naglakad ito palabas ng silid-tanggapan. "Sumunod kayo sa'kin, kailangan nyo ng mga
baluti." Pagpapatuloy ng matanda.

Sumunod naman agad ang tatlo na bakas ang pagkasabik sa kanilang mga baluti.
Paglabas na paglabas ng silid ay nakita nyang nandun si Rettie na parang narinig
ang kanilang mga usapan.

"Mga hangal ang katulad nyo. Salamat na lang sa pagpapakabayani." Tumatawang sabi
ni Rettie na tila nangungutya pa.

Hindi na lamang sya pinansin ni Ramses. Tiningnan na lamang ni Ryona ng masama si


Rettie at hindi na din nya ito pinatulan.

Mas lalo namang nainis si Rettie dahil walang pumansin sa kanya kaya't nagmadali
syang umalis.

"Naasar ata sya." Natatawang sabi ni Perus.


Isang lihim na silid ang kanilang pinuntahan. Tanging si Maestro Boro lamang ang
nakakapagbukas ng silid na ito. Ang

tila isang ordinaryong pader ng palasyo ay isa palang pintuang nabubuksan lamang sa
pamamagitan ng mahika ni Maestro Boro.

Naunang pumasok ang matanda. Mabilis namang sumunod ang magkakaibigan na tila
kinakabahan. Namangha ang tatlo ng makita ang loob ng silid. Iba't-ibang baluti ang
lumantad sa kanila. May mga sandata din at mga kakaibang sapatos. Ang buong paligid
ay nababalutan ng ginto. Ang ilang bagay sa loob ay tila may sariling mga isip na
gumagalaw kung kailan nila gustuhin.

"Maari kayong pumili ng baluting nais nyo. Ngunit ang baluti ay nakadepende sa
kung anong mahika mayroon kayo." Binuksan ng matanda ang isang salamin na may
nakatagong mga baluti.

Lumapit ang tatlo ang kanya-kanya ng pumili ng kanilang baluti. Mabilis nakapili
si Ryona. Isang berdeng baluti ang kanyang isinuot. May gintong patusok sa may leeg
ang pang-itaas at may matigas na tila bakal ang nakalagay sa kanyang dibdib. Tila
isang malaking dahon naman ang kanyang pambaba na parang maigsing bistida at
inilagay ang berdeng hambria na kasama ng baluti. Nagtatalon si Ryona at umikot-
ikot sa ere.

"Magaan sa pakiramdam ang baluting ito. Pakiramdam ko'y matagal ko na itong pag-
aari." Natutuwang sabi ni Ryona

na tuwang-tuwa sa baluting kanyang napili. Isinabit na nya sa kanyang likuran ang


kanyang pana at palaso.
"Matibay ang baluting iyong napili, RYona. Iyang baluting yan nababagay sa katulad
mong nagmula sa kaharian ng Likas." Tumingin sya kay Perus. "Ikaw naman ang
pumili."

Isang tila mabigat na bakal ang napili ni Perus. Isinuot nya ang baluting ito na
halos natatakluban ang kanyang buong katawan. Sinubukan nyang gumalaw ng mabilis
habang pinapaikot ang kanyang sandata. Namangha sina Ramses at Ryona ng makitang
maliksi pa ding kumilos ang kanilag kaibigan.

"Hindi ba mabigat ang baluti mong iyan?" tanong ni Ryona habang pinagmamasdan si
Perus.

"Magaan sa pakiramdam. Parang wala akong suot na baluti." Masayang sagot ni Perus.

Habang nag-uusap ang dalawa ay kinuha na ni Ramses ang baluting kanyang napili.
Halos hindi nagkakalayo ang istilo ng baluti ni Ryona ang baluting kanyang napili.
Ang kaibahan lamang ay halos balot na balot ang katawan ni Ramses. May isang
malaking pananggalang sa kanyang mga balikat at tila isang manipis na pantaloon

ang kanyang pambaba hindi tulad ng kay Ryona. Kulay apoy at ginto ang baluting
napili ni Ramses.

Tumingin ng diretso ang matanda sa dalaga na tila namamangha. "Bagay na bagay


sa'yo ang baluting iyan." Nakangiting sabi ni Maestro.
Habang nagsasaya ang tatlo dahil sa kanilang mga baluti biglang nilang narinig ang
boses ni Madam Nema na tinatawag ang matanda. Mabilis namang lumabas sina Maestro
Boro. Bumungad sa kanila si Madam Nema kasama si Rettie.

"Maestro, totoo bang hinayaan nyong umalis ang mga batang ito upang harapin si
Bhufola?" galit na tanong nito.

"Nema, kung ano mang napagdesisyonan ko ay walang sino man ang makakapigil." Sagot
ni Maestro Boro.

Mas lalong nagulat sina Rettie at Madam Nema ng makitang nakasuot na ng kani-
kanilang mga baluti sina Ramses at ang dalawa pa nyang kaibigan.

"Hindi ito maari. Ilalagay nyo ang buhay ng mga bata sa panganib. Isa pa, batid
nating wala pang masyadong karanasan si Ramses sa mahika o kahit sa pakikipaglaba."
Masama ang tingin nito kay Ramses.

Habang nakikipagtalo si Madam Nema ay nakaramdam sila ng pagyanig. Ilang sandali


pa ay narinig nilang nagsisigawan ang mga estudyante. Nagmadali namang sumilip sa
labas sina Maestro Boro.
"Hindi maari!" Gulat na gulat ang matanda sa nakita. "Ipatawag ang lahat ng
mahikero't mahikera! Lalaban tayo!" sigaw ni Maestro Boro.

A/N

Hmmmmm. Ano kayang nangyayari? Naku abangan po ang susunod na chapter. Please don't
forget to vote huh. Konti na lang 10,000 reads na tayo and dahil yan sa inyo.
Thanks a lot.

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 35)

Kabanata 35

"REME"
Mabilis na lumipad palabas si Maestro Boro upang kalabanin ang mga Nuter na
nakapasok na sa loob ng Silko. Agad din naman sumunod si Madam Nema sa kanya upang
makipaglaban.

Sinisira na ng mga Nuter ang paligid ng Silko at pinapasabog ang lahat ng kanilang
makita.

Sinilip nila Ramses ang nangyayari sa labas at nakita nilang nakikipaglaban ang
lahat ng mga guro at iba pang mahikero't mahikera. Madali din naman nilang natatalo
ang mga Nuter dahil hindi naman ito ganun kalalakas.

"Kung umaalis ka na dito, eh di sana tahimik ngayon ang Silko!" naiinis na sabi ni
Rettie kay Ramses. "Tingnan mo sila, nakikiapaglaban para lang sa'yo."

"Sumosobra ka na - " pasugod na si Ryona pero pinigilan lang sya ni Ramses.

"Hindi sya ang dapat nating kalabanin." Tumalon si Ramses palabas upang tumulong
kina Maestro Boro. "Pu wa nik!" Bumukas ang pakpak ng sapatos ni Ramses at dahan-
dahang lumapag sa ibaba

upang kalabanin ang mga Nuter.


Sumunod naman agad sina Ryona at Perus sa kaibigan.

Lahat ng makita ni Ramses na Nuter at ginagamitan nya ng kanyang Tenivis. Mabilis


na syang kumilos di tulad ng dati. Mataas na din ang kanyang talon. Naninibago sya
sa kanyang mga nagagawa. Naisip nya na dahil iyon sa baluti na ipinasuot ni Maestro
Boro.

Ganun din naman sina Perus at Ryona na naging mas maliksi pa sa pakikipaglaban sa
mga Nuter.

"Anong ginagawa nyo?" pag-aalalang tanong ni Maestro Boro ng makitang


nakikipaglaban ang tatlong magkakaibigan. Mabilis kumilos si Maestro Boro kahit sya
ay may katandaan na. Ni isang Nuter ay hindi na makalapit sa kanya dahil aura pa
lang nya ay napapaslang na ang mga Nuter.

Lumipad sa ere si Ramses at inespada ang Nuter sa kanyang daanan. Bumaba sya sa
may likuran ni Maestro Boro at magkatalikuran silang nakikipaglaban sa mga Nuter.

"Pasensya na po kayo sa gulong dinala ko sa Silko. Gagawin ko po ang lahat para


mailayo kayo sa kapahamakan." Buo

ang loob ni Ramses sa pagbibitiw ng mga salitang ito.


Sabay nakipaglaban sina Maestro Boro at Ramses. Kahit ang hangin laman na
nanggagaling sa espada ng dalaga ay nakakapaslang na ng Nuter.

Hindi nagtagal ay naubos na din ang mga Nuter sa paligid. Nagsigawan ang mga
mahikero't mahikera sa tuwa dahil napigil nila ang pagsira sa silko.

Nakatayo sina Ramses, Ryona at Perus sa gitna ng Silko at napapaligiran sila ng


mga mahireko't mahikera. Naglalabasan din ang ibang mga estudyante mula sa loob ng
kaharian.

Napatingin si Ramses sa itaas kung saan nakatingin si Rettie. Nginitian nya ito
ngunit bakas sa mukha ni Rettie ang pagkainis kaya't umalis sya.

Nilapitan ni Ramses si Maestro Boro. "Maestro, hindi na po kami mag-aaksaya ng


oras. Aalis na din po kami kaagad." Tumingin sya sa dalawang kaibigan. Tumango
lamang ang mga ito na tila senyales na pati sila ay handa na sa pag-alis.

"Alam kong handa na kayo." Lumingon sya sa mga guro. "Ginoong Yaku, samahan mo
sila sa burol."

Lumapit si Ginoong Yaku sa tatlo. "Sumama kayo sa'kin."


"Pero maestro - akala ko po'y pinapayagan nyo na kami?" Pag-aalalang tanong ni
Ramses. Hindi naman umimik ang matanda.

Sumipol si Ginoong Yaku gamit ang isang maliit na instrument at ilang sandali lang
ay dumating na si Napar, ang kanyang alagang ibon. Bumaba ito sa gitna kung saan
sila nakapwesto.

"Si Ginoong Yaku na ang bahala sa inyo. Alam na nya ang gagawin." Umatras sandali
si Maestro Boro upang bigyang daan sa pagakyat sa ibon ang tatlo.

"Ihanda nyo ang inyong puso at tapang. Hindi madali ang inyong gagawin." Paalala
ni Ginoong Yaku habang sumasakay sa ibon.

Inabot nya ang kanyang kamay kay Ramses at inalalayan itong makaakyat sa ibon.

"Kamusta Napar!" masayang bati ni Ramses habang hinahaplos ang ibon.

Lumikha naman ng matinis na tunog ang ibon na tila sumagot sa bati ng dalaga.
"Natatandaan ka pa ni Napar, Ramses." Nakangiting sabi ni Ginoong Yaku.

Sumunod na sumakay si Ryona na tinulungan ni Perus at tsaka sya umakyat.

"Mag-iingat kayo mga bata. Isa itong pagsubok na dapat nyong palampasin para
masiguro kong karapat-dapat kayong umalis ng Silko." Paalala ni Maestro Boro.

Nakaramdam ng kaba si Ramses sa narinig. Pinagmasdan nya ang paligid ng Silko at


ang mga taong nakapaligid dito.

"Ina, ama gabayan nyo po kami," bulong nya sa kanyang sarili.

"Tayo na Napar!" Lumipad na si Napar at nilisan na nila ang Silko.

Tanaw na tanaw ng tatlo ang kagandahan ng Silko. Habang lumalayo sila nakikita
nila ang ganda ng Niraseya na hindi pa nila nakikita noon.
"Ramses, ang ganda ng tanawin sa ibaba, tingnan mo!" masayang sabi ni Ryona habang
itinuturo ang mga tanawin sa ibaba.

"Nakita ko na yan dati, Ryona. Nung kinuha ko ang tenivis mula sa guho." Malungkot
na sabi ni Ramses. Nakatingin

lamang sya sa unahan at inaabangan kung saan sila pupunta.

"Ginoong Yaku, saan po ba tayo pupunta?" mahina ang tinig ni Ramses at


nagaalinlangan pa sa pagtatanong.

"Sa likuran ng guho kung saan mo kinuha ang tenivis." Maigsi lamang ang sagot ng
guro at parang mas pinasasabik ang kausap.

"Ngunit ano po ang gagawin natin dun? Hindi po ba mapanganib doon at maraming mga
kakaibang hayop?" natatakot na tanong ni Ramses. Nag-alala sya para sa kanyang
dalawang kaibigan. Ayaw nyang mapahamak ang mga ito dahil sumama pa sila sa kanya.

Hindi na sumagot si Ginoong Yaku. Hindi mapalagay si Ramses at naguguluhan ang


kanyang isip.
"Ryona, Perus," lumingon sya sa dalawa, "maari pang magbago ang isip nyo. Ayokong
malagay kayo sa panganib." Ramdam ni Ramses na hindi madali ang kanilang gagawin
dahil nabanggit ni Maestro Boro na isa itong pagsubok.

"Ano bang sinasabi mo dyan Ramses? Ayos lang kami at handa kami sa kahit ano." Sa
pananalita ni Perus ay bakas ang

isang buong loob at handa sa pakikipagsapalaran.

Hindi na din naman nakipagtalo si Ramses sa dalawa at humarap na lang ulit sya sa
kanilang dinadaanan. Ilang sandali pa ay natanaw na nya ang guho kung saan nakuha
nya ang tenivis.

"Mag-iingat kayo, Ryon, Perus. Maraming mga kakaibang hayop tayong makakasalubong.
Maari nila tayong kainin kaya maging alerto kayo." Babala ni Ramses habang
tumitingin sa paligid.

Lumipad pa papaitaas si Napar at nilampasan nila ang guho. Nakakita sila ng mga
malalaking paru-paro at iba pang hayop na lumilipad. Ang bawat hayop na papasugod
sa kanila ay madaling naiiwasan ni Napar sapagkat kinokontrol sya ni Ginoong Yaku.

"Paano nyo po napapasunod si Napar na hindi nyo na kailangang magsalita?" tanong


ni Ramses.
"Malalaman nyo din mamaya." Nakangiting sagot ni Ginoong Yaku. "Nandito na tayo."
Bumaba na si Napar sa isang talampas. Isa-isa naman silang bumaba kay Napar at
tinitingnan ang kapaligiran.

"Nakapaganda ng paligid." Manghang-manghang sambit ni Ryona. Nakatawag pansin sa


kanya ang mga kakaibang halaman

sa may kagubatan. Papalapit na sya sa mga ito ngunit pinigilan sya ni Ginoong Yaku.

"Ryona, wag kang lalayo. Mapanlinlang ang lahat ng iyong nakikita. Hindi yan basta
ordinaryong halaman lamang. Dapat alam nyo ang tunay sa hindi. Isa yan sa mga
katangiang dapat nyong taglayin para makapaglakbay." Paliwanag ng guro habang
hinahaplos si Napar.

Dumampot si Perus ng isang bato. "Hindi ordinaryong bato ang mga ito. Isa itong
dumi ng hayop - ng isang malaking hayop na tumigas dahil sa matinding lamig dito sa
itaas." Tumingin sya sa ibaba ng bangin.

"Magaling Perus, magagamit mo ang iyong talino sa inyong paglalakbay." Papuri ni


Ginoong Yaku. "Maghintay lang tayo, padating na sila."

Nagkatinginan ang tatlo sa narinig.


"Sila? Sinong sila?" pag-uusisang tanong ni Ryona.

Maya-maya ay nakaramdam sila ng kakaibang ihip ng hangin. Nagliparan ang ibang


ibon at yumayanig ang batong kanilang tinutungtungan.

"Sa ibaba!" sigaw ni Perus na biglang napaatras. "Atras! Atras!"

Pagkasigaw na pagkasigaw ni Perus ay isa-isang lumitaw ang malalaking ibon na


katulad ni Napar. Tila naguunahan ang mga itong makarating sa itaas. Iba't-iba
kulay ang mga ibon na ito ngunit may isa doon na pinakamalaki sa lahat at tila sya
ang namumuno sa grupo ng mga ibon na ito.

Lumipad paikot ang mga ibon sa itaas at isa-isang bumaba sa tagiliran ng talampas.

Tulala lang sila Ramses sa nakita. Silang tatlo ay nakahawak sa kanilang mga armas
na tila ay makikipaglaban.

"Huminahon kayong tatlo. Itago nyo ang inyong mga armas." Utos ng guro.
Agad naman itinago ng tatlo ang kanilang mga armas. Tumayo sila sa likuran ni
Ginoong Yaku na parang nakakaramdam ng pagkatakot.

Lumikha ng matinis na tunog si Napar at sumagot naman ang mga ibong kauri nito.
Parang nag-uusap-usap sila at nagkakaintindihan.

"Sila ang ibong pinanggalingan ni Napar. Ang mga ibong iyan ay tinatawag na Reme.
Isa sa pinakamalalaking ibon dito sa Niraseya. Malakas sila kumpara sa ibang uri ng
ibon. At sila din ang ibon na ginagamit ng bawat mahikero't mahikera ng Silko."
Paliwanag ni Ginoong Yaku.

"Ano pong ibig nyong sabihing ginagamit ng bawat mahikero't mahikera ng Silko?"
tanong ni Ryona na nakakapit sa braso ni Ramses.

"Pipili kayo ng isa sa kanila na maghahatid sa inyo sa una nyong destinasyon."


Sagot ng guro.

"Pipili? Paano?" paguusisa ni Ramses.


"Simple lang. Sasakay kayo sa likod ng ibong inyong napili. Kung maramdaman nyang
busilak ang inyong puso at buo ang inyong loob, madali nyong makokontrol ang ibon
na iyon." Tiningnan nya isa-isa ang tatlong baguhan. "Ngunit - maari kayong
mapahamak kung hindi kayo magustuhan ng ibong inyong napili. Nakita nyo naman kung
gaano ito kataas mula isa ibaba." Pagpapatuloy nito.

"Bakit pa po namin kinakailangang gumamit ng Reme sa paglipad, may mga pakpak


naman po ang aming mga sapatos. Nakakalikha din po ako ng dahong lumilipad." Sa mga
sinabi ni Ryona, halatang ayaw nyang subukang sumakay sa likod ng kahit anong Reme.

"Mukhang hindi mo naiintindihan Ryona. Maliit ang pakpak ng inyong mga sapatos.
Kung mapagod kayo at liliit din ang mga pakpak nito. Isa pa, hindi ganun kabilis
ang lipad ng iyong sapatos. Hindi ito ginagamit sa malayong paglalakbay. Ang dahong
iyo namang sinasabi ay walang kasiguraduhan. Tulad na lang ngayon, sa maraming
direksyon nanggagaling ang hangin, malakas at tila nagpupumiglas. Saan kaya kayo
mapapadpad nyan kung sakaling dun kayo sasakay?" Isang aral na rin ang mahabang
kasagutan ni Ginoong Yaku. Alam na nila ngayong kung bakit nila kailangang pumili
ng Reme.

Pinagmasdan ng tatlo ang lahat ng Reme na nandun at tiningnan kung alin sa mga ito
ang possible nilang mapili.

"Ramses, Ryona, Perus, ito ang inyong unang pagsubok." Itinuro ang mga ibon.

Habang isa-isa silang tinatawag ang kanilang mga pangalan ay bakas sa kanilang
mukha ang pagkagulat at pagkakaba.
"At ang unang pipili ay si - " tiningnan nya isa-isa sina Ramses, Ryona at Perus.

A/N

Sorry kung matagal ang update. Finals na po kasi kaya madaming paper works but
please sana po suportahan nyo pa din ang adventures ni Ramses.

Sino kaya ang unang mauuna? May mahuhulog kaya sa bangin? Abangan. Please don't
forget to vote. And sana ifollow nyo din po ako. Thanks a lot.

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 36)

Kabanata 36

"Yrelle: Simula ng pagkakaibigan!"


" - Perus!" itinuro ni Ginoong Yaku si Perus. "Perus, lumapit ka dito." Utos ng
guro.

"Kaya mo yan Perus," bulong ni Ryona.

Dahan-dahang lumalapit si Perus sa guro habang pinagmamasdan ang mga Reme.

"Pumili ka ng isang Reme na nais mo at sakyan mo sya. Tandaan mo, dapat maramdaman
nyang busilak ang iyong puso at matapang ka para mapasunod mo sya. Kailangan nyong
maging isa," pagpapaliwanag ni Ginoong Yaku.

Napalunok si Perus sa narinig. Inihahanda nya ang sarili at inaalis ang takot na
kanyang nararamdaman.

"Handa ka na ba?" tanong ng guro.


"Opo!" buong-buo ang pagsagot ni Perus.

"Kung gayon, mamili ka na ng Reme," pagpapatuloy ni Ginoong Yaku.

Isa-isang tiningnan ni Perus ang mga Reme na nandun at pinakiramdaman kung ano ba
yung nababagay sa kanya. Isang Reme sa sulok ang nakatawag ng kanyang pansin. Ito
ay kakulay ng lupa at ang katawan ay parang isang bato.

"Pu wa nik!" lumipad si Perus papunta sa likod ng ibon upang sakyan ito.

Sa sobrang kaba ay naghawak ng kamay sina Ramses at Ryona.

Pagkasakay na pagkasakay ni Perus sa ibon ay agad itong nagwala. Lumipad ito ng


mataas.
"Perus mag-iingat ka!" sigaw ni Ramses habang pinagmamasdan ang patuloy na pagtaas
ng ibon kasama si Perus.

Mahigpit ang pagkakakapit ni Perus sa Remeng kanyang napili. Hindi sya nagpakita
ng takot. Hindi nya din ginagamitan ng mahika ang Reme upang patigilin ito.
Hinahayaan nya lang gawin ng Reme ang nais nyang gawin.

Ngunit naramdaman ata ito ng Reme kaya't nagpaikot-ikot ito papaitaas. Hindi na
matanaw ni Perus ang mga kasama sa ibaba ng biglang tumigil sa paglipad ang Reme.
Bigla itong rumagasa pababa ng hindi iginagalaw ang mga pakpak.

"Anong

ginagawa mo? Nagpapatiwakal ka ba?" nag-aalalang tanong ni Perus sa Reme.

Isang matinis na tunog lamang ang isinagot ng Reme sa kanya.

"Tumigil ka! Kung kamatayan mo ang kapalit sa pagsubok ko, hindi na ako pipili."
Dahan-dahang bumitaw si Perus sa ibon. Mabilis ang kanilang pagbaba at masyado pa
silang mataas ang kanilang kinalalagyan. Alam nyang hindi pa kakayanin ng pakpak ng
kanyang sapatos ang ganung kataas at kalakas na hangin, ngunit hindi nya gustong
magbuwis buhay ang Reme na kanyang napili.
Mas binilisan ng Reme ang pagbaba at umikot-ikot pa ito. Lumikha sya ng isang
malakas na ingay na nagpalakas lalo ng hangin.

"Hindi mo ako mapipigilan!" Dahan-dahang tumayo si Perus at humiwalay sa Reme.


Dahil sa sobrang lakas ng hanging nalikha ng ibon napalayo agad si Perus.

"Pu wa nik!" bumukas ang mga pakpak ng kanyang sapatos ngunit hindi ito sapat para
mapatigil ang kanyang pagbagsak.

"Anong ginagawa ni Perus?" Natatakot na tanong ni Ryona. Kitang-kita nila sa ibaba


ang malayong agwat ni Perus sa

Reme kaya't natatakot sila para sa kaibigan.

Hindi alam ni Perus ang gagawin para bumagal ang kanyang pagbagsak. Pinipilit
nyang pagaanin ang kanyang sarili at sumunod sa hangin ngunit hindi pa din nito
pinadali ang lahat.

"Mas gusto mong mapahamak para hindi ko kitilin ang sarili kong buhay?" isang
malaking tinig ang kanyang narinig.

Napansin nyang nakatingin sa kanya ang Remeng kanyang napili. Naramdaman nyang ito
ang nagsalita at kumakausap sa kanya. Dahil sa sobrang lakas ng hangin ay hindi sya
makapagsalita.

Hindi ko ninais may masaktan para lamang sa kapakanan ng iba. Sabi ni Perus sa
kanyang isip.

Tila narinig at naintindihan naman ito ng ibon kaya't sumagot ito. "Kung gayon,
maghanda ka ng harapin ang kamatayan." Ibinuka na ng ibon ang kanyang mga pakpak at
mas pinabilis pa ang kanyang paglipad pababa.

Ngumiti naman si Perus ng makita ang ginawa ng ibon. Hindi na ito magpapatiwakal
kaya't gumaan ang kanyang pakiramdam.

"Perus mag-iingat ka! Malapit ka ng bumagsak!" sigaw ni Ryona.

"Ginoong Yaku! Tulungan nyo si Perus!" naiiyak na sabi ni Ramses.

Mas pinalaki ni Perus ang mga pakpak ng kanyang sapatos upang mapabagal ang
kanyang pagbagsak at makalipad na din ng maayos. Nagiging matagumpay na sana ang
lahat ng may isang malaking hayop ang bumangga sa kanya dahilan para mawalan sya ng
malay.
Nawala ang mga pakpak ng sapatos ni Perus at mabilis ang pagragasa nito paibaba.
Hindi inaasahan nila Ramses ang ganitong pangyayari.

"Ginoong Yaku!" sigaw ni Ramses.

Nakita nilang paikot-ikot ang malaking hayop na bumangga kay Perus at alam nilang
lahat sila ay nasa panganib.

"Delikado ang kalagayan ni Perus. Pero magiging delikado din ang buhay natin kung
gagawa tayo ng kakaibang kilos," sagot ni Ginoong Yaku.

Papalipad na din sana si Ramses ngunit pinigilan sya ng guro. "Huwag kang kikilos
kung ayaw mong sugurin at paslangin

ng halimaw na iyan," pagbabanta ni Ginoong Yaku.

"Ngunit paano po si Perus?" nag-aalalang tanong ni Ramses.

"Kapalaran na lang ang makakapagsabi," mahinang sagot ng guro.


"Perus!" sigaw ni Ryona. Nakita nila ang walang malay na katawan ng kaibigan na
pabagsak na sa kanilang harapan. Lahat sila ay napapikit dahil ayaw nilang makita
kung paano madurog ang katawan ni Perus sa paghampas sa batuhan.

Biglang may malakas na hangin na parang dumaan sa kanila. Dahan-dahan silang


dumilat upang tingnan ang katawan ni Perus.

Laking gulat nila ng wala silang katawan na nakita.

"Nasan si Perus?" bulong ni Ryona.

"Sa itaas!" itinuturo ni Ramses ang ibon.

Nasa likod ng ibon ang walang malay ni Perus.

"Naramdaman ng Reme ang katapangan ni Perus kaya't iniligtas sya nito."


Nakangiting paliwanag ni Ginoong Yaku.
"Bata, gumising ka na dyan kung gusto mo pang mabuhay!" muling sabi ng Reme kay
Perus.

Unti-unti namang nagkamalay si Perus. Nagising sya sa likod ng ibon.

"Iniligtas mo ako?" pagtatakang tanong ni Perus.

"Nakita ko ang sarili ko sa'yo kaya't napagdesisyonan kong tulungan ka," paliwanag
ng ibon.

Tuwang-tuwa si Perus at nayakap nya ang ibon. "Maraming salamat Yrelle!"

"Yrelle?" tanong ng ibon.

"Oo, Yrelle ang pangalang ibibigay ko sa'yo." Nakangiting sagot ni Perus.


"Kung gayon, turuan na natin ng leksyon ang hayop na bumangga sa'yo!" lumipad
paitaas ang ibon.

"Sige Yrelle! Patulugin natin ang hayop na iyan!" sigaw ni Perus habang hawak-
hawak ang kanyang sandata.

Mabilis na pinaikutan ng ibon ang hayop na ito na tila naglikha ng ipo-ipo. Habang
umiikot ang ibon ay hinahampas ni Perus ang hayop gamit ang kanyang sandata.

Biglang tigil sa pag-ikot si Yrelle ng makitang napatulog na nila ang malaking


hayop na ito. Mabilis naman na bumagsak ang hayop dahil nawalan ito ng malay.

"Ang galing ng ipinakita mo Yrelle!" pagbati ni Perus habang hinihimas ang ibon.

"Mahusay ka din naman Perus!" sagot ng ibon habang bumababa papalapit kina Ramses.

Paglapag nila ay agad bumaba si Perus. Pinalakpakan naman sya ni Ginoong Yaku.
"Magaling Perus, pinahanga mo ako sa iyong ginawa. Napakahusay." Pagbati ng guro.

"Maraming salamat po Ginoong Yaku. Ipinakikilala ko nga po pala si Yrelle, ang


aking Reme." Itinuturo ni Perus ang kanyang Reme.

Lumikha ng malakas na tunog ang ibon na tila isang senyales ng pagbati.

"Ang ganda naman ng pangalan ng Reme mo," pagpuri ni Ryona. "Ako si Ryona, Yrelle."

Ibinaba ng Reme ang kanyang ulo at pumikit ito.

"Mukhang napagod ang Reme mo Perus. Ako nga pala si Ramses." Pagpapakilala ni
Ramses.

Dumilat ang Reme at muli ay lumikha ng malakas na tunog.


"Manang-mana sa'yo yang Reme mo Perus," pagtatampong sabi ni Ryona.

Nagtawanan naman silang lahat dahil sa hindi pagpansin ni Yrelle kay Ryona.

"Tama na yan. Maswerte si Perus at naramdaman ng Reme nya ang kanyang katapangan
ang pagkabusilak ng loob. Hindi lahat ng Reme ay yun lang ang basehan. Ihanda nyo
ang inyong sarili." Tumingin si Ginoong Yaku sa dalawang dalaga.

"Ryona, Ramses, handa na ba kayo?" tanong nito.

Nagkatinginan naman ang dalawa bago nakasagot. "Opo Ginoong Yaku," sabay na sagot
ng dalawa.

"Kung gayon, ang susunod na pipili ay si - "


A/N

Sorry sa super late update. Finals po kasi and super daming paperworks. Sana
suportahan nyo pa din ang Ramses in Niraseya kahit medyo matagal ang update. But
don't worry, 2 weeks na lang and bakasyon na kaya makakapagupdate na ako ng ayos.

Anyways, don't forget to vote po. And sana maifollow nyo din po ako. Thanks for
reading this story and please don't forget to vote. Thanks a lot. :)

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 37)

Kabanata 37

"Ang tunay na katapangan!"

" - Ryona!" pagpapatuloy ni Ginoong Yaku.


Nakaramdam naman ng kaba si Ryona ng banggitin ni Ginoong Yaku ang kanyang
pangalan.Tumingin sya kay Ramses na parang nagpapahiwatig ng pagkatakot.

"Pumili ka na ng Reme, Ryona," sabi ng guro habang itinuturo ang mga Reme na nasa
kanilang harapan.

Dahan-dahang humahakbang si Ryona papalapit sa mga Reme at pinagmamasdan ito isa-


isa. Sa itsura pa lang at laki ng mga ito ay natatakot na syang lumapit.

"Huwag kang matakot, Ryona." Pagpapaalala ni Ginoong Yaku.

Lumapit si Ryona sa isang mapulang Reme ng nakangiti na tila nakikipagkilala.

"Kamusta, ako nga pala si Ryona," sabay ngiti.

Tiningnan sya ng Reme at lumipad ito papalayo sa kanya. Parang nakaramdam naman ng
pagkahiya si Ryona sa ginawa ng Reme.

"Bakit po sya umalis?" nahihiyang tanong ni Ryona kay Ginoong Yaku.

"Hindi nya siguro gusto ang ginawa mong pagpapakilala." Sagot ng guro.

Hindi nagustuhan ni Ryona ang sinabi ng guro. Biglang nawala ang kanyang
pagkatakot. Isang hamon sa kanya ang mapasunod ang Reme na iyon. Inihanda ni Ryona
ang sarili at hinanap ang ibong ito sa paligid. Nakita nya ito sa itaas na bahagi
ng batuhan.

"Humanda ka sa'king Reme ka!" bulong ni Ryona sa sarili. Agad namang syang kumilos
ng mabilis at nipalitan ang ibon. Maliksi syang kumilos na parang sumasabay ng ihip
ng hangin. Dahil kaya nyang pagaanin ang sarili, halos hindi mapansin ang kanyang
mabilis na kilos. Hindi man lang namalayan ng Reme ang pagsakay ni Ryona sa kanyang
likuran.

"Hindi ko gusto ang iniasal mo kanina Reme!" sabi ni Ryona sa ibon habang
nakasakay sa likuran nito.

Tila nagulat ang Reme ng magsalita si Ryona mula sa kanyang likuran. Gumawa ito ng
isang matinis na tunog na halos magpayanig sa mga batong kanyang tinatapakan.
Lumipad ito papaitas at paliko-liko na parang pinipilit ilaglag si Ryona.

"Hindi mo ako madaling maihuhulog Reme." Dumapa lang si Ryona sa likuran ng ibon
at isinabay ang katawan sa paglipad

nito.

Ngunit malakas ang Reme. May kung anong balahibo ito na biglang nagtigasan na
parang bato. Ang likurang bahagi ng katawan nya kung saan nakadapa si Ryona ay
naging matalim na unti-unting sumusugat sa nakakapit na katawan ng dalaga.

Naalarma naman si Ginoong Yaku sa kanyang nakita. "Hindi maari, malakas at


matalino ang Reme na yan. Kung hindi makakagawa ng paraan si Ryona ay maari syang
mapaslang nito," pag-aalalang paliwanag ng guro.

"Ryona mag-iingat ka!" sigaw ni Ramses na nag-aalala at natatakot na din sa


kalagayan ng kaibigan.

Naramdaman ni Ryona na unti-unting nasusugatan ang kanyang mga binti. Dahan-dahan


nya itong ginagalaw ng biglang umikot-ikot ang Reme. Lumipad ito ng patihaya at
dahil sa hindi ito inaasahan ni Ryona muntik na syang makabitaw sa ibon. Tanging
mga kamay na lang nya ang nakakapit sa likod ng Reme. Tumingin sya sa ibaba at
nakita nya kung gaano kataas ang kanilang kinalalagyan.
"Hindi mo ako basta-basta mapapasuko Reme," sabi ni Ryona na parang nangungutya sa
kausap na ibon.

Muli'y lumikha ng matinis na tunog ang ibon na parang hindi nagustuhan ang sinabi
ni Ryona. Ilang sandali pa ay unti-unting tumutulo

ang dugo sa kamay ng dalaga. Ang balahibong kanyang hinahawakan ay naging isang
matalim na bagay dahilan para magsugat ang kanyang mga kamay.

Hindi pa din bumitaw si Ryona at mas ipinakita nya na hindi sya basta-basta
sumusuko. Mabilis nagpaikot-ikot ang Reme at habang bumubulusok papaibaba. Dahil sa
sobrang bilis at sa hapdi ng mga sugat ni Ryona sa kamay ay napabitaw sya dito.

"Pu wa nik!" at lumabas ang mga pakpak ng sapatos ni Ryona. Ngunit masyado syang
mataas at hindi nya napaghandaan ang mabilis nyang pagbulusok sa lupa. "Hindi ako
natatakot!" dahan-dahang lumapad ang pakpak ng sapatos ni Ryona at unti-unting
bumagal ang kanyang pagbaba.

Ilang sandali pa ay nakalapag sa lupa si Ryona. Sa kanyang harapan ay lumapag na


din ang Reme.

"Mapapasunod mo ako kung magagawa mo akong talunin." Ang sabi ng Reme.


Kinuha ni Ryona ang kanyang palaso. "Sige, tinatanggap ko ang gusto mong
mangyari."

"Ryona - " bulong ni Ramses sa sarili na bakas ang pag-aalala.

Sinugod ni Ryona ang Reme. Nagpasirko-sirko

sya sa hangin, mabilis ang kanyang kilos at maliksi ang kanyang bawat pagtalon.
Ngunit hindi nya inaasahan na ang mabilis nyang pagkilos ay katulad lang din ng
Reme.

"Imposible. Ganyan sya kalaki pero mabilis syang kumilos." Bulong ni Ryona sa
sarili habang pinag-iisipan kung paano tatalunin ang ibon.

Ginamitan nya ng kanyang palaso ang lumilipad na Reme. Tinamaan nya ito habang
lumilipad sa himpapawid.

"Ayos!" masayang sabi ni Ryona.

Bumaon ang pana sa katawan ng Reme ngunit tila hindi ito nakaapekto sa ibon.
Napatigil ito sa paglipad at muling humuni. Ilang sandali pa ay natanggal ang pana
sa kanyang katawan at unti-unting nawala ang sugat na sanhi ng pana.

Dahil sa nakita ni Ryona pinaulanan nya ng pana ang ibon habang nasa himpapawid.
Ngunit masyadong mabilis kumilos ang Reme, halos lahat ng pana ay kanyang
naiiwasan.

"Ganyan lang ba ang kaya mo? Hindi na dapat binubuhay ang mga katulad mong
nagpapanggap na malakas," ang tinig ng Reme ay parang naiinis sa ipinapakita ni
Ryona. Mula sa himpapawid ay sinugod nito ang dalaga na nakatayo sa ibaba.

Mabilis din ang kilos ni Ryona at dahil mas maliit sya sa Reme, hindi sya agad nito
naabutan.

"Maliksi ka nga, ngunit hanggang ganyan lamang ang iyong magagawa. Mapapagod ka
lamang." Nagbago ang pakpak ng ibon at naging matitigas at matatalim na bagay.

Tumingin ng diretso ang ibon kay Ryona. Mukhang nabasa ng dalaga ang nais
iparating ng ibon kaya't dahan-dahan syang napapaatras.

Ipinagaspas ng ibon ang kanyang pakpak. Isang mabilis na paghawi ng kanyang pakpak
ay lumikha ng malakas na hanging tumama kay Ryona.
"Ayan lang ba ang kaya mong gawin?" pagyayabang ni Ryona.

"Ryona, ang mukha mo!" sigaw ni Perus.

Mabilis namang kinapa ni Ryona ang kanyang mukha. Napansin nyang may hiwa ito.
Tiningnan nya ang kamay na ipinanghawak sa kanyang mukha at nakita nyang may bahid
ito ng dugo.

Hindi pa man nakakapagsalita si Ryona ay muling ipinagaspas ng ibon ang kanyang


mga pakpak at sa pagkakataong ito ay

mas malakas. Tinamaan si Ryona at tumalsik dahil sa lakas ng pwersa ng hangin.

Pakiramdam ni Ryona na parang may isang malaking bagay ang inihampas sa kanya na
halos makalas ang kanyang mga buto. Hindi agad sya nakabangon.

"Hindi ako susuko." Pinilit nyang bumangon. Ipinangtuon nya ang kanyang palaso
upang makatayo. Inihanda nya ang kanyang palaso at muling pinaulanan ang ibon.
Naiiwasan ng ibon ang mga palaso. Nakikipagsabayan din naman ang Reme sa
pakikipaglaban sa dalaga. Medyo nakikita na ni Ryona ang bawat hanging
pinapakawalan ng Reme kaya't naiiwasan nya ang mga ito.

Tila lalong nag-init ang ulo ng Reme. Ipinagaspas nya ang kanyang mga pakpak at
lumikha ng mga malalakas na hanging tumatama sa lahat ng direksyon. Ang ibang mga
Reme ay nagsilayuan sa kanila dahil sa lakas ng pwersang nililikha ng ibon.

Nakikita ni Ryona na napuputol ang mga puno at nagsisibagsakan ang mga bato. Ang
ilang Remeng papalayo ay natamaan din ng hanging ito.

"Anong ginagawa mo? Nasisiraan ka na ba? Sinisira mo ang inyong tirahan!"


nagagalit si Ryona sa kanyang nakikita.

Tinitingnan nya ang paligid habang unti-unting tinatangay at sinisira ng malakas na


hangin. "Tumigil ka na!!!!!!!!!!!" sumigaw sya ng malakas at kinuha ang kanyang
palaso. Nanakbo sya papalapit sa ibon na hindi alintana ang mga tumatama sa kanyang
hangin.

Bawat tumatama sa kanya ay nagdudulot ng sugat. Nahiwa ang kanyang mga braso at
binti ngunit pa din sya tumigil.

"Hindi sapat na dahilan ang pagpaslang mo sa'kin para sirain ang mga nananahimik
na puno. Masyado kang makasarili. Hindi ko gustong maging kaibigan ang tulad
mo!!!!" umilaw ang tekan ng dalaga gayundin ang bato sa kanyang palaso. Hindi
gumamit ng pana si Ryona sa pagtira sa Reme ngunit tila tinamaan nito ang malaking
ibon.

"Anong nangyari?" Nagulat na tanong ni Ramses.

"Nagkaisa ang kanyang tekan at palaso kaya't gumawa ito ng isang panang hangin na
tumama sa Reme. Nakakabilib, dahil lang sa nasirang kapaligiran ay nabuhay ang
natatagong lakas ni Ryona," paliwanag ni Ginoong Yaku.

Pinaulanan ni Ryona ang ibon ng kanyang panang hangin. Hindi nila nakikita ang mga
panang hangin na pinapakawalan ni

Ryona ngunit nakikita nila ang mga sugat na nagagawa nito sa Reme na unti-unting
nagpapaatras dito. Tumatalab sa matigas na katawan ng ibon ang mga panang
pinapakawalan ni Ryona.

Lumipad papaitaas ang Reme at mula dun ay muli nyang ipinagaspas ang kanyang mga
pakpak. Napaatras naman si Ryona sa pag-iwas. Nanakbo sya papalapit sa gubat upang
maiwasan ang pagsugod ng Reme.

Hindi pa man sya nakakapasok sa gubat ay napatigil ito sa pagtakbo at natigilan.

"Ryona sa likuran mo!" sigaw ni Perus.


Bago pa man makaiwas si Ryona ay tinamaan na sya ng malakas na hangin dahilan para
muli syang tumalsik. Ngunit pinilit nyang tumayo ng mabilis. Hindi na din sya
gumagawa ng pagsugod.

"Tama na. Tumigil ka na!" nanghihinang sabi ni Ryona.

"Anong problema? Akala ko ba'y hindi ka susuko? Bakit tila nagbago ang iyong
kilos?" pangungutya ng ibon kay Ryona. "Ano ang iyong dahilan bata?"

"Wala ka ng pakialam dun! Hind na kita lalabanan, itigil mo na yang ginagawa mo!"

Pinipilit ni Ryonang makatayo ng ayos. Itinutukod na lamang nya ang kanyang palaso
para makatayo.

"Anong nangyayari kay Ryona? Parang - parang nag-aalala sya." Tanong ni Ramses.

"Hindi mo malilinlang ang katulad ko bata. Gusto mong itigil ko ang pagsugod sa'yo
at kapag nagkaron ka ng pagkakataon ay susugurin mo ako para paslangin?" Pumorpa
ulit ang ibon na papasugod sa dalaga.
Tumayo ng diretso si Ryona at inihagis ang kanyang palaso sa harapan ng ibon.
"Hindi na ako lalaban, pakiusap tumigil ka na. Tama na." Mahinahong sabi ng dalaga.

"Hindi maari - " sabi ni Ginoong Yaku habang pinagmamasdan si Ryona.

Tila lalong nagalit ang Reme sa ginawang pagsuko ni Ryona. "Isa kang duwag! Galit
ako sa mga katulad mo!"

Lumipad ang ibon papaitaas habang umiikot-ikot. Mabilis itong bumulusok papaibaba
habang ipinapagaspas ang kanyang mga pakpak.

Alam ni Ryonang mas malakas ang pwersa ng hanging ito ngayon. Bakas sa kanyang
mukha ang pangamba kaya't mabilis syang

tumakbo papasok sa kagubatan. Sinundan naman sya ng Reme at lahat ng madaanan nito
ay nasisira.

"Bakit hindi ka umiiwas? Anong nangyayari sa'yo? Tanggap mo na ba ang iyong


kasawian?" tanong ng Reme habang sinusundan si Ryona.
"Ginoong Yaku, tulungan natin si Ryona." Sabi ni Perus.

"Ang laban na ito ay hindi para sa lakas. May mga bagay na pinapahalagahan si
Ryona at gusto nya itong protektahan," paliwanag ng guro.

"Pero sa ginagawa nya maari syang mamatay!" mabilis na sumakay si Perus kay Yrelle
upang puntahan ang kaibigan.

"Perus huwag!" sigaw ng guro habang tinititigan nya ito.

Isang malakas na tunog naman ang kanilang narinig.

"Ryona!!" sabay na sabi nila Ramses at Perus.

Isang malakas na hangin ang pinakawalan ng Reme habang tumatakbo si Ryona. Hindi
man lang gumawa ng kahit anong pag-iwas ang dalaga. Tumalsik ito at bumagsak ng
nakadapa.

Lumipad sila Perus at Ramses sakay ni Yrelle upang tingnan ang nangyayari sa
kanila sa itaas na bahagi ng guho.
Nakita nilang nakahandusay si Ryona sa lupa. Nakadapa ito na medyo nakabaluktot
ang katawan.

"Ito na ang iyong katapusan!" sigaw ng Reme habang papalapit sa dalaga ng bigla
syang natigilan. "Anong - "

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 38)

Kabanata 38

"Busilak na kalooban"

Dahan-dahang ibinukas ni Ryona ang kanyang mga kamay at pinipilit ikilos ang
kanyang katawan.

"Tu - tumakas na ka - yo, dali." Nanghihinang sabi ni Ryona.


Nagulat ang lahat ng makita ang dalawang maliit na hayop ang yakap-yakap ni Ryona.
Ang mga hayop na pinrotektahan nya mula sa pagsugod na ginawa ng Reme.

"Ibubuwis mo ang iyong buhay para sa nilalang na yan?" mahinang sabi ng Reme
habang nakatingin sa nanghihinang dalaga.

Agad namang bumaba sina Ramses at nilapitan ang dalaga. Tinulungan nila itong
itayo.

"Ryona, ayos ka lang ba?" tanong ni Perus.

"I - ilayo nyo ang mga musmos na nilalang na ito." Pinipilit nyang tumayo.

"Ryona, saan ka pupunta? Ang dami mo ng sugat at mahina ka na!" pag-aalalang sabi
ni Ramses habang pinagmamasdan ang kaibigang naglalakad papalapit sa Reme.

"Ngayong ligtas na ang mga paslit na iyon, maari na tayong maglaban." Itinaas ni
Ryona ang kanyang kanang kamay at umilaw ang kanyang tekan. Lumiwanag din ang bato
ng kanyang palaso at lumipad ito papunta sa kanyang kamay.

"Hindi ko mapapatawad ang ginawa mong pagpaslang sa mga magulang ng mga musmos na
hayop na iyon!" galit na galit na sabi ng dalaga.

Lumingon sila Ramses sa kinalalagyan ng mga musmos na hayop at nakita nila ang
nakahandusay na katawan ng mga magulang ng mga ito.

"Dalhin nyo sila sa ligtas na lugar Ramses." Utos ni Ryona. Sa sobrang galit ng
dalaga ay hindi nito batid ang mga sugat sa kanyang katawan. Tila mas lalo pa syang
lumalakas dahil sa kanyang bugso ng damdamin.

"Ang mga puno at halaman, ang mga tirahan ng mga inosenteng hayop, pati na rin ang
iyong mga kauri ay hindi mo man lang inintindi. Wala kang puso! Ikaw ang dapat kong
paslangin!" Ramdam ng lahat ang galit ni Ryona. Maging ang Reme na kanyang kaharap
ay nakaramdam ng takot sa nakikita mula sa dalaga.

"Mas lumalakas pa sya, kamangha-mangha." Sabi ng Reme sa kanyang sarili.

Pinaulanan ni Ryona ang Reme ng kanyang mga panang hangin at sa pagkakataong ito
ay mas malakas ang tama nito sa ibon. Kitang-kita ang bawat sugat na nililikha nito
sa Reme.
"Pagbibigyan kita bata!" Nakipagsabayan din ang ibon sa ginagawang pagsugod ni
Ryona.

Dahil sa kagustuhan ni Ryonang parusahan ang Reme ay mabilis syang nakakaiwas sa


mga pagsugod nito. Mas nakikita na nya ang bawat hanging pinapakawalan ng ibon.

Mabilis na inikutan ni Ryona ang Reme. Sa iba't-ibang direksyon nanggagaling ang


panang hangin na tumatama sa ibon. Hindi na din nagawa pang makaiwas ng Reme. Wala
syang nagawa kundi tanggapin ang mga pagsugod ni Ryona. Ilang sandali pa ay napunta
na naman si Ryona sa likuran ng ibon.

Nakatarak sa ulo nito ang panang hangin ng dalaga. "Sige, subukan mong kumilos ng
hindi maganda, hindi ako magdadalawang isip paslangin ka!"

"Gawin mo na ang gusto mong gawin!" Pumikit ang Reme at isinara na nya ang kanyang
mga pakpak.

Tumalon pababa si Ryona at itinabi ang kanyang palaso.


"Bakit hindi mo pa ako tinapos?" tanong ng Reme.

"Dahil kapag ginawa mo iyon ay magiging magkatulad na tayo. Hindi ako papaslang
dahil lang gusto ko. Lahat ng nilalang ay binibigyan ng pagkakataong magbago."
Tumingin ito ng diretso sa ibon. "At sana isa ka na sa mga iyon." Tumalikod sya at
lumapit sa kinatatayuan ng mga kasama.

Pinagmasdan lamang ng Reme ang papalayong si Ryona. Nakangiti at masigla na ulit


sya kahit na puro sugat sya sa katawan. "Kamangha-mangha, hanggat may katulad nyang
nabubuhay, magiging panatag kaming mga nilalang na nabubuhay dito sa Niraseya."
Sabi ng Reme sa kanyang sarili. Hindi alintana ng ibon ang luhang pumatak mula sa
kanyang mga mata. Muli ay lumikha sya ng isang malakas na tunog na nakatawag pansin
kina Ramses.

"Ano pong nangyayari Ginoong Yaku?" tanong ni Ramses.

"Tila may natutunan ang Reme na yan sa ipinakita ni Ryona." Nakangiting sabi ng
guro.

"Sana nga ay may natutunan

sya sa'kin. Sana alam nya kung paano magpahalaga sa mga nabubuhay sa Niraseya,"
malungkot na sabi ni Ryona.
Nagulat sina Ramses sa sunod na ginawa ng Reme. Paulit-ulit nyang binangga ang
sarili sa malaking bato.

"Anong ginagawa nya?" pagtatakang tanong ni Perus.

Agad lumingon si Ryona upang tingnan ang sinasabi ng mga kasama. Nakita nyang
paulit-ulit na binabangga ng Reme ang kanyang ulo sa malaking bato. Nakita nilang
nahihirapan na ito. Hindi pa nakuntento ang ibon at lumipad ito ng mataas. Tumigil
ito sa paglipad at mabilis na rumagasa ang pagbagsak.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Ryona na nababahala sa nakita.

Malakas ang bagsak ng katawan ng Reme sa lupa. Lumikha ito ng malaking hukay dahil
sa lakas ng kanyang pagbagsak. Nilapitan ni Ryona ang nakahandusay na katawan ng
ibon.

"Bakit mo ginagawa yan sa sarili mo?" galit na tanong ng dalaga.

Pinilit tumayo ng Reme at muling lumipad. Mahina na ito dahil na din sa mga sugat
nya sa katawan na sanhi ng pagsugod na ginawa ni Ryona.
Mabagal na ang paglipad ng Reme at halata ang panghihina nito. Hindi pa man sya
nakakalipad ng mataas ay bigla na itong rumagasa paibaba.

"Rebmah Sudni!" lumabas ang dahon mula sa kamay ni Ryona. "Atir Iram Detal!
Ngiknir Retan!" Lumaki ang dahon at lumutang ito. "Sambutin mo ang Remeng iyan!"
sigaw ng dalaga.

Nasalo ng malaking dahon ang bumabagsak na ibon ngunit dahil masyado itong mabigat
hindi napigilan ang patuloy na pagbagsak nito sa lupa. Nabawasan lamang ang pagbaba
nito dahil sa pagsalo na ginawa ng dahon.

"Hindi kaya!" bulong ni Ryona sa sarili. "Pu wa nik!" bumukas ang mga pakpak ng
kanyang sapatos.

"Ryona anong gagawin mo?" nag-aalalang tanong ni Perus.

Pumwesto ang dalaga sa ilalim ng dahon at pinipilit pigilan ang pagbagsak ng ibon.
Ngunit dahil maliit lamang sya at masyadong mabigat ang ibon ay wala pa din syang
nagawa.
"Reme! Reme! Gumising ka! Akala ko ba malakas ka? Bakit tinatapos mo ang iyong
buhay!" nakatingin sa ibaba si Ryona

at nakikita nyang malapit na silang bumagsak.

"Ryona umalis ka na dyan. Madadaganan ka nya kapag hindi ka pa umalis!" sigaw ng


kanyang guro.

"Yrelle, tulungan natin si Ryona!" sumakay si Perus sa kanyang Reme at tinulungan


si Ryona sa pagpigil sa pabagsak na ibon.

"Salamat Perus!" nakangiting sabi ng dalaga.

Dahan-dahang tumitigil ang pagbagsak ng Reme na nakapatong sa malaking dahon ni


Ryona ng biglang nawalan ng malay ang dalaga.

"Kailangan na lang nating - " bago pa man matapos si Perus sa pagsasalita ng


mapansing nawawala sa kanyang tabihan ang kaibigan. "Ryona!" sigaw nito habang
nakikita ang kaibigang bumubulusok pababa.
"Ginoong Yaku!" sigaw ni Ramses.

Mabilis namang sumakay si Ginoong Yaku kay Napar. Nasalo nila ang bumabagsak na
katawan ni Ryona at naagapan ang paghampas nito sa lupa.

Nailapag din ng ayos ang walang malay na Reme katabi ng katawan ni Ryona.

"Gumawa po tayo ng paraan, Ginoong Yaku. Tulungan nyo po si Ryona." Pagmamakaawa ni


Ramses sa guro habang nakaluhod sa tabihan ng kaibigan at pinagmamasdan ang walang
malay nitong katawan.

Bago pa man kumilos ang guro ay napansin nitong nagkamalay na ang Reme. Pagdilat
ng Reme ay nakita nya ang nakahandusay na katawan ni Ryona. Namumutla, puro sugat
at walang malay.

Dahan-dahang bumangon ang ibon.

"Isang nilalang na may busilak na kalooban. Hinahangaan kita." Binuhat nya si


Ryona.

"San mo dadalhin ang kaibigan namin?" tanong ni Perus na handa na sa


pakikipaglaban.

"Huwag kayong mag-alala. Wala akong gagawing masama sa kanya. Dadalhin ko lamang
sya sa mahiwagang talon. Ibabalik ko din sya sa inyo." Lumipad ang ibon papunta sa
itaas na bahagi ng bundok. Nawala ang dalawa ng marating ang maulap na bahagi ng
tuktok ng bundok.

"Susundan ko po sila." Sumakay si Perus kay Yrelle. "Sundan natin sya."

Ngunit hindi kumilos ang Reme ni Perus.

"Anong problema Yrelle? Bakit hindi ka sumusunod sa'kin?" pagtatakang tanong ng


binata.

"Pasensya ka na. Hindi natin sila maaring sundan." Umupo lamang si Yrelle.
"Ngunit bakit? Baka kung anong mangyari sa kaibigan ko?" pag-aalalang tanong ni
Perus.

"Hindi natin maaring gambalain ang pagpapagaling na kanilang gagawin sa mahiwagang


talon. Hintayin na lamang natin ang kanilang pagbabalik at sana ay magtagumpay
sila." Pagpapatuloy ng Reme ni Perus.

Nag-aalala silang tatlo kung saan dadalhin ng ibon ang sugatan at walang malay na
katawan ni Ryona ngunit wala silang ibang magagawa kundi ang maghintay at
magtiwala.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 39)

Kabanata 39

Nakarating ang Reme sa talon dala-dala si Ryona. Inilapag nya ito sa may malaking
bato. Kumuha sya ng tubig sa talon gamit ang kanyang mga kamay.

Nang malinis na ang buong katawan ni Ryona ay pumitas sya ng isang kakaibang bunga
at hinati nya ito. Isang malapot at putting likido ang laman ng bunga na ito.
Ipinahid nya ito sa mga sugat ng dalaga. Naubos nya ang isang bunga ngunit hindi pa
din nya nalalagyan ang lahat ng sugat ni Ryona sa katawan kaya't pumitas muli sya
ng bunga.
Matapos sa kanyang ginagawa ay pinainom nya si Ryona ng tubig mula sa rumaragasang
tubig sa talon. Inilagay nya ito sa isang dahon at unti-unting pinainom sa dalaga.

Ilang sandali pa ay nawawala na ang mga sugat ni Ryona sa katawan at may


nagliliparang maliliit na insekto sa kanyang buong katawan.

"Huwag nyo syang kunin. Ang isang katulad nya ay may busilak na kalooban. Hindi
dapat masayang ang kanyang buhay." Sabi ng Reme sa mga lumilipad na insekto sa
katawan ng dalaga.

Ilang sandali ay nakaramdam na

ng panghihina ang Reme at ito ay natumba. Ang mga insekto na lumilipad sa palibot
ng katawan ni Ryona ay nagsilipatan sa katawan ng ibon. Unti-unti na din namang
nagkamalay si Ryona. Dahan-dahan syang bumangon at laking gulat nya ng mawala ang
mga sugat nya sa kanyang katawan.

"Paano nangyari yun?" sabi nya habang tinitingnan ang kanyang mga braso.

Napansin naman nya ang malaking Reme na nakahandusay sa di kalayuan. Mabilis syang
bumangon at nilapitan ito.
"Reme, Reme ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ng dalaga.

Dumilat ang Reme at nakitang maayos na ulit ang kalagayan ni Ryona.

"Masaya akong makita kang malakas binibini. Handa na akong lisanin ang mundong
ito." Muling napapikit ang Reme.

"Anong sinasabi mo? Hindi ka mawawala, maglalakbay pa tayo hindi ba?" Lumapit sya
sa mukha ng ibon at tinitigan ito. "Dumilat ka. Hindi pwedeng matapos dito ang
lahat. Di ba dapat magsisimula pa lang tayo? Bakit sumusuko ka na agad?" Naiyak na
si Ryona habang pinagmamasdan ang nanghihinang Reme.

"Ikinalulungkot kong sabihin binibini, ngunit hindi ako karapat-dapat para sa'yo.
Mas maraming Reme ang mas malakas kesa sa'kin." Pinipilit pa din ng ibon na
magsalita kahit nahihirapan na itong huminga.

"Hindi totoo yan. Hindi ko kailangan ng malakas. Ang kailangan ko yung katulad mo.
Nag-iisa ka lang kaya wag kang susuko." Niyakap nito ang malaking ulo ng ibon.
Nakita nyang papadami ng papadami ang mga lumiliwanag na insektong lumilipad sa
paligid ng Reme.
"Bakit dumadami ang mga insektong yan?" tanong nya.

"Inihahanda na nila ang aking katawan. Kukunin na nila ako sa ilang sandali
binibini." Paliwanag ng ibon.

"Hindi. Wala silang kukunin dahil hindi ka mawawala." Galit na sabi ng dalaga.
Tumalon sya papunta sa likuran ng ibon at binugaw ang mga nagliliparang insekto.
"Umalis kayo. Layuan nyo ang katawan nya. Hindi sya mamamatay kaya umalis na kayo."
Binubugaw nya ang lahat ng insekto sa buong katawan ng Reme. Bumalik sya sa harapan
ng ulo nito at muli itong kinausap.

"Reme, gumising ka. Idilat mo ang mga mata mo. Sabihin mo sa'kin kung paano mo ako
napagaling." Tanong ni Ryona.

"Ang mga katulad kong nilalang ay hindi basta-basta napapagaling ng tubig sa


mahiwagang talon o kahit ang bunga ng pagpapagaling. Ang kapalaran ko ay nasa
diwata ng kalikasan." Paliwanag ng ibon kay Reme.

"Hindi. Huwag kang susuko. Susubukan ko. Hintayin mo lang." Tumayo si Ryona at
kumuha ng tubig sa talon. Nagpalabas sya ng malaking dahon at ginamit nya ito upang
makakuha ng tubig na ibinuhos nya sa katawan ng Reme.
Pumitas din sya ng bunga ngunit madami na syang napipitas hindi pa sya
nakakakalahati sa isang sugat pa lang ng Reme. Kumuha sya ng tubig sa rumaragasang
talon at pinilit ipainom sa nakahandusay na ibon.

"Hindi ako titigil. Hindi ako susuko." Bulong ni Ryona habang pabalik-balik sya sa
pagkuha ng tubig sa talon.

Ilang sandali pa ay nahawi ang tubig sa talon at may lumabas na isang magandang
babae. Nakakulay berde ito na nakalutang sa hangin. Mahaba ang kanyang mga buhok at
may tila mga sangang nakalagay sa kanyang mga braso.

"Hindi sapat ang mga iyan upang ibalik ang buhay ng Reme na iyan. Mas inuna nyang
sagipin ang buhay mo kaysa sa sarili

nyang buhay." Bungad nit okay Ryona.

Ngunit hindi ito pinansin ng dalaga. Patuloy pa din ang pagkuha nya ng tubig para
sa Reme.

Lumapit ang babaeng nakaberde sa nakahandusay na Reme at pinagmasdan ito.


Napansin ni Ryona na nagaalisan na ang mga insekto sa katawan ng ibon.

"Bakit sila umaalis? Magaling na ba ang Reme?" Nagmadali syang lumapit sa mukha ng
ibon at kinausap ito.

"Magaling ka na ba? Idilat mo ang mga mata mo." Hawak-hawak nya sa mukha ang ibon
ng biglang may pumatak na luha sa mga mata ng malaking Reme na ito habang
kinakausap nya.

"Ano pong nangyayari? Sabihin nyo po?" nag-aalalang tanong ni Ryona sa babaeng
nakatingin sa kanya.

"Ikinalulungkot kong sabihin, ngunit ang Reme na ito ay kasama na ng iba pang
Reme. Wala na sya." Paliwanag ng babae.

"Hindi!!!!! Ano pong magagawa ko para mabuhay sya ulit? Sabihin nyo!" Umiiyak na
sabi ng dalaga.

"Wala na tayong magagawa. Ikinalulungkot ko." Malungkot din ang mukha ng babaeng
kausap ni Ryona. Kahit sya ay naiiyak sa pagkahabag sa dalaga.
"Ang gusto ko lang naman matutunan nya paano magpahalaga ng buhay. Pero hindi nya
napahalagahan ang sarili nyang buhay. Bakit ganun? Wala na ba talaga akong
magagawa?" Umiyak ng malakas si Ryona. Ang mga halaman at puno ay nagsigalawan na
parang nakikidalamhati sa dalaga.

Nagulat ang babae sa kanyang nakita. "Nakikiisa ang kalikasan sa kanya. Anong
klase syang nilalang?" bulong ng babae.

Tumayo si Ryona at pinahid ang kanyang mga luha. Lumapit ito sa harapan ng babae
at lumuhod. "Maraming salamat po sa mahiwaga nyong talon. Alam ko pong kayo ang
reyna ng bundok na ito. Lubos po akong nagpapasalamat." Napaiyak muli ang dalaga.
"Ihahabilin ko na po ang kaibigan ko sa inyo. Kayo na pong bahala sa kanya mahal na
reyna." Pumatak ang luha ni Ryona sa luha at hindi nya ito mapigilan.

Nagulat ang babae ng banggitin ni Ryona na sya ang reyna ng bundok na iyon.
"Pinahanga mo ako sa kakayahan mong pakiramdaman ang kapaligiran. May pagmamahal ka
sa kalikasan at alam kong busilak ang iyong kalooban. May isang bagay lang akong
gustong gawin bago ka umalis."

"Kayo pong bahala." Tumayo si Ryona at pinagmasdan lang ang gagawin ng reyna ng
bundok.
Lumapit ito sa patay na katawan ng Reme at may kung anong mahika ang ginamit nya
dito. Itanaas lamang nya ang kanyang kamay at may liwanag na tumama sa ibon. Unti-
unting gumagaling ang mga sugat nito at lumilinis din ang kanyang katawan.

"Salamat po sa pagbabalik ng tunay nyang kaanyuan kahit sa huling sandali."


Nilapitan nya ang ibon at niyakap ito. "Ipagtatanggol ko ang lahat ng nilalang
hanggat nabubuhay ako kaya sana matahimik ka na kung san ka man naroroon." Muling
pumatak ang mga luha ng dalaga at dumiretso ito sa patay na katawan ng ibon.

"Rebmah Sudni!" lumabas ang isang dahon. "Atir Iram Detal!" Lumaki ang dahon at
sumakay si Ryona dito. "Paalam kaibigan. Hanggang sa muling pagkikita. Ngiknir
Retan! Ibaba mo ako sa mga kaibigan ko." Utos nya sa dahon at umutang na ito.
"Paalam reyna." Malungkot na sabi ni Ryona.

Bumaba na ang dahon pabalik sa mga kasama ni Ryona na naghihintay sa kanya sa


ibaba. Pinagmamasdan lamang ng reyna ang unti-unting pag-alis ng dalaga. Namangha
sya sa ipinakita nito. Ni hindi man lang pumasok sa kanyang isip na kumuha ng
maraming tubig sa talon at ipagbili ito ng mahal sa bayan. Bihirang nilalang lang

kasi ang nakakarating sa lugar na iyon dahil na din sa mga mababangis na hayop.
Ngunit si Ryona, ang Reme lamang ang tanging naisip nya.

Buo ang loob ni Ryona ng nilisan nya ang tuktok ng bundok. Ilang sandali pa ay
nakita na nya ang mga kaibigan. Tumalon na ito mula sa sinasakyan.

"Si Ryona!" masayang sigaw ni Ramses. Agad naman nyang niyakap ang kaibigan ng
makita nya itong malakas at buhay.
"Maligayang pagbabalik, Ryona." Bati ni Ginoong Yaku.

"Nag-alala kami ng husto sa'yo." Sabi ni Perus.

Bakas sa mga mukha nila na masaya sila sa pagbabalik ni Ryona. Ngunit hindi pa din
naalis ang pagkalungkot sa mukha ng dalaga.

"Ryona?" tumingin si Ramses sa itaas upang tingnan kung may kasunod ito ngunit ang
dahong nakalutang lamang ang kanyang nakita. "Nasaan na ang Reme na nagdala sa'yo
sa itaas?"

Umiling si Ryona at napaiyak muli sya. "Wala na sya. Kasama na nya ang mga diwata
sa gubat. Iniligtas nya ako, pero

hindi nya nailigtas ang kanyang sarili."

Niyakap sya ni Ramses ng mahigpit habang umiiyak ito. "Kung san man sya nandun
ngayon, siguradong ayaw nyang malungkot ka." Pagpapalubag-loob ni Ramses sa
kaibigan.
Ilang sandali lang ay gumawa ng ingay ang Reme ni Perus. Nagsigayahan naman ang
iba pang Reme na nandun sa lugar na iyon.

"Anong nangyayari?" tanong ni Perus.

"Naramdaman siguro nila ang pagkawala ng isa nilang kasama." Paliwanag ni Ginoong
Yaku.

Pinahid ni Ryona ang kanyang luha at umupo sa isang sulok ng bato.

"Ryona!" tawag ni Perus. "Tingnan mo."

Hindi pinansin ni Ryona ang sinabi ng kaibigan. Yumuko lang ito at nanahimik sa
isang tabi.

"Totoo ba 'to?" tanong ni Ramses.


"Wala na atang dahilan pa para magmukmok ka dyan Ryona." Nakangiting sabi ni
Ginoong Yaku.

"Hayaan nyo po munang ipagluksa ko ang aking kaibigan." Sagot ni Ryona.

Humangin ng malakas sa paligid pero hindi pa din ito pinansin ni Ryona.

"Ryona!" tawag ng tatlo sa kanya.

"Hindi ata tamang ipagluksa mo ang nilalang na buhay pa." sabi ng Reme.

Nagulat si Ryona sa narinig at pamilyar ang boses ng Reme na iyon.

Dahan-dahan nyang iniiangat ang kanyang ulo at tumingin kina Ramses. Nakita nyang
nakangiti ang mga ito. Hinanap nya agad kung sino ang Reme na nagsalita. Laking
gulat nya na pagtingala nya ay nakita nya ang Remeng iniwan nyang patay sa tuktok
ng bundok.
"Reme, ikaw ba yan o multo mo lamang iyan?" gulat na gulat na tanong ni Ryona.

Gumawa ng isang malakas na ingay ang Reme. "Ako talaga ito. Salamat sa'yo
binibini. Dahil sa kabutihang ipinakita mo, ibinalik ako ng reyna sa aking
katawan." Paliwanag ng ibon.

Mabilis naman na kumilos si Ryona at niyakap ang Reme na kanyang kausap. "Masaya
akong makita ka ulit, Ayer!"

"Ayer? Magandang pangalang yan, binibini." Masayang sabi ng Reme.

"Tawagin mo na lang akong Ryona." Masayang sagot ng dalaga.

Isang bagong pagkakaibigan ang nagsimula sa pagitan nila Ryona at Ayer. Bakas sa
mga mukha ng bawat isa na masaya sila na malampasan ang pagsubok na ito maliban sa
isa.
Nakaramdam na ng pagkakaba si Ramses ngayong sya na ang susunod na pipili ng
kanyang Reme. Hindi tulad nila Perus at Ryona, wala syang kakayahang maramdaman ang
kalikasan at hindi malakas ang kanyang pangangatawan. Hindi nya alam kung paano ang
gagawin nya kung mapatapat sya sa isang Reme na kahit sino ay hindi kayang
pasunorin.

"Masaya ako para sa inyo, Ryona at Perus. Maganda ang inyong ipinakita." Tumingin
si Ginoong Yaku kay Ramses. "Handa ka ba?" tanong nito.

Biglang nanlamig ang buong katawan ng dalaga at tila hindi sya makakilos.

"Maari ka ng pumili, Ramses." Seryosong sabi ng guro.

Magkahawak ang dalawang kamay ni Ramses habang tinitingnan ang iba pang Reme sa
paligid.

"Kaya mo 'to Ramses. Kalmado ka lang." bulong nya sa kanyang sarili.

A/N
Ano namang klaseng Reme ang mapapatapat sa ating bida? Mahirapan kaya sya o
madalian? Abangan kung sino at paano haharapin ni Ramses ang Reme na laan para sa
kanya.

Please don't forget to vote. And kung gusto nyo ang story ko na 'to, ifollow nyo na
ako. Thank you very much.

Wag kayong magsasawa lalo na ngayong regular na ang paguupdate ko. :) Enjoy!

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 40)

Kabanata 40

"Masamang nilalang"
Sumilip si Ramses sa may bangin at nakita nyang may mga Reme pang nakasabit sa
tagiliran nito. Naisip nyang lapitan ito isa-isa.

"Pu wa nik!" bumukas ang pakpak ng kanyang sapatos. Papalipad pa lang si Ramses
pababa sa mga Reme ng biglang may isang ibon ang mabilis na lumilipad papaitaas.
Dahil sa lakas ng hangin at pwersa ng ibon ay nawalan ng balanse si Ramses. Dire-
diretso ang kanyang pagbagsak at hindi nya ito napigilan.

"Ramses, ayos ka lang ba?" tanong nila Perus at Ryona mula sa itaas.

Bumagsak si Ramses sa tila pulang lupa. "Oo, ayos lang ako. Hindi naman ako
nasaktan." Tumayo si Ramses at tiningnan kung gaano kataas ang kanyang
kinalaglagan.

Hindi pa man sya nakakaisip ng paraan para makabalik ay biglang gumalaw ang
kanyang tinutuntungan. Yumanig ang paligid at napaupo ang dalaga.

"A - anong nangyayari?" bulong nya sa kanyang sarili.

"Pangahas ka para istorbohin ang aking pagpapahinga!" boses ng isang malaki at


galit na hayop.
Tumingin si Ramses sa paligid upang hanapin ang hayop na ito. Laking gulat nya ng
biglang bumukas ang mga pakpak ng inakala nyang pulang lupa.

"H - hindi." Nanginginig na sabi ni Ramses sa sarili.

Nagulat sya ng makitang ang pinakamalaking Reme pala ang kanyang nabagsakan. Hindi
na nya ito napansin sa sobrang laki nito.

Lumingon ang Reme sa kanya na tila nag-aapoy ang kanyang mga mata.

"At talagang pinili mo pang magpahinga sa likuran ko pangahas ka!" galit na galit
ang ibon.

"Pu wa nik!" dahan-dahang lumipad si Ramses. "Patawad po kung nagising ko kayo.


Hindi ko naman po sinasadya. Nawalan lang po ako ng balanse kaya't nahulog ako dito
sa inyong likuran." Lumipad pa ng mas mataas si Ramses. "Sige po, babalik na po ako
sa itaas para maipagpatuloy nyo na inyong pagpapahinga."
Lumipad si Ramses pabalik sa itaas ng marinig nyang tumatawa ang Remeng kanyang
binagsakan.

"Kung gayon, ako pala ang nagligtas ng iyong buhay. Dapat siguro'y magpasalamat ka
sa'kin." Tumawa ng malakas ang Reme habang ibinubukas ang kanyang mga pakpak.

Bumalik si Ramses at pumunta sa harapan ng Reme. Nakalutang sya sa mismong mukha


nito. "Maraming salamat po. Dahil sa inyong kalakihan, nailigtas nyo ang aking
buhay." Tumungo ang dalaga at umalis na.

"Teka, tinanggap ko na ba ang paghingi mo ng tawad?" tila nangungutya ang ibon sa


pakikipag-usap kay Ramses.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" nagulat na tanong ng dalaga.

"Gusto ko munang makipaglaro sa'yo. Kung mabubuhay ka, isa ka talagang mapalad na
nilalang. Kung mamamatay ka naman, napatagal mo pa ng konti ang iyong kamatayan."
Sabi ng pinakamalaking Reme habang tumatawa ng malakas.
Nakaramdam ng pagkatakot si Ramses at hindi alam ang gagawin kaya't minabuti nyang
lumipad ng mabilis pabalik sa kinaroroonan ng kanyang mga kasama.

Ngunit hindi ito nagustuhan ng Reme. Tumigil ito sa pagtawa at tumingin ng masama
sa dalagang papatakas.

"Sa lahat ng ayoko ay yung mga duwag!!" Mabilis na lumipad ang Reme papalapit kay
Ramses.

Mas binilisan ng dalaga ang paglipad ng makitang kasunod na nya ang malaking Reme.

"Para mo ng awa, wala akong laban sa isang katulad mo." Sabi nito sa ibong
nakasunod sa kanya.

"Maglaro tayo! Maglaro tayo ng habulan! Hahahahaha!" tila isang masamang halimaw
ang Reme na humahabol kay Ramses.

Pakiramdam ng dalaga'y isa syang pagkaing hinahabol ng gustong pumaslang sa kanya.


Dahil sa sobrang bilis ng ibon ay naabutan nya si Ramses.
"Mukhang mabagal ang iyong paglipad. Hayaan mong tulungan kitang makarating sa
itaas ng mabilis." Tumigil ang Reme sa likod ni Ramses at hinampas nya ng malakas
ang dalaga gamit ang kanyang kaliwang pakpak.

Tinamaan si Ramses. Sa sobrang lakas ng pagtama ay mabilis ang kanyang pag-angat


papaitaas hanggang sa lumampas pa sa

kinatatayuan nila Ryona.

Hindi pa man tumitigila sa pag-angat ng katawan ng dalaga ay sinalubong ito ng


malaking Reme at hinampas na naman ng kanyang kaliwang pakpak. Walang nagawa ang
maliit na katawan ni Ramses. Bumulusok sya paibaba at humampas ang katawan sa lupa.

"Ramses!" nanggigigil na sigaw ni Ryona. Papalapit na sya sa dalaga ng pinigilan


sya ni Perus. "Pero bakit?"

"Isa itong pagsubok - pagsubok na kailangan nating malampasan." Malungkot na


paliwanag ni Perus.

"Pagsubok? Mamamatay si Ramses sa halimaw na yan. Tingnan mo nga kung ganu sya
kalaki. Kalahati lang ang ating mga Reme kumpara sa kanya." Humarap ito sa guro.
"Pakiusap Ginoong Yaku, tulungan natin si Ramses. Ipagpaliban na muna natin ang
pagpili nya ng Reme." Pumatak ang luha sa mga mata ng dalaga.
Tiningnan ni Ginoong Yaku ang kalagayan ni Ramses. "Mabuti pa nga. Magsatabi muna
kayo at tutulungan ko ang inyong kaibigan." Papalapit pa lamang ang guro sa dalaga
ng bigla itong nagsalita.

Pinilit ni Ramses na makatayo at humarap sa kanyang guro. "Hayaan nyo ako, Ginoong
Yaku. Ako na po ang aayos ng gulo

na ito." Muli ay lumipad si Ramses papalapit sa Reme na nasa himpapawid.

"Ginoong Yaku! Ano pang hinihintay nyo!" nag-aalalang sabi ni Ryona.

"May kakaiba sa mga mata ni Ramses. Ipaubaya na muna natin sa kanya ang gusto
nyang gawin. Magtiwala lang tayo, tulad ng pagtitiwala nya sa inyong dalawa."
Mahinahong paliwanag ng kanilang guro.

Muling tumigil si Ramses sa harapan ng Reme. "Siguro naman sapat na ang ginawa mo
sa'kin. Nakita mo naman buhay pa ako." Nagbago ang boses ng dalaga at tila naging
matapang na ito. Mula sa natatakot at nagmamakaawa na nilalang ay naging mapanindak
ang tono ng kanyang pananalita.

Tinawanan lang naman sya ng malakas ng Reme matapos marinig ang lahat ng kanyang
sinabi.
"Alipin na kita ngayon! Utang mo sa'kin ang iyong buhay! Kung matatalo mo ako,
baka mabaligtad pa ang sitwasyon natin ngayon! Hahahahaha!!" hindi mapawi ang
pagtawa ng Reme. "Nagsisimula pa lang ako."

Ibinuka ng Reme ang kanyang mga bibig at naglabas ng isang malakas na apoy.
Nakutuban naman ito agad ni Ramses kaya't

nakaiwas sya.

"Magaling ka at naiwasan mo ang pagsugod ko na iyon. Pero ang mga susunod kong
gagawin ay hindi mo na maiiwasan." Tila sabik na sabik ang Reme sa gagawin nyang
pagpapahirap sa dalaga.

Unti-unti namang nakakaramdam ng galit si Ramses sa ipinapakita ng Reme na kanyang


kaharap. Hindi nya alam kung kaya nyang talunin ang Reme na ito dahil ito pa lang
ang unang pagkakataon na makikipaglaban sya sa isang napakalaking nilalang pa na
tulad ng Reme na ito. Ang pinuno ng buong lahi ng Reme na nanonood lamang sa
kanilang dalawa.

"Panoorin mo ang aking gagawin. Handa ka ba?" tumatawang sabi ng Reme. Muli nitong
ibinuka ang bibig na tila magpapakawala ulit ng isang malaking bolang apoy.

"Anong gagawin ko?" bulong ni Ramses sa sarili. Napatingin si Ramses sa mga kasama
na nasa ibaba na nanonood sa kanya.
Ilang sandali pa ay pinakawalan ng Reme ang isang malaking apoy ngunit naiwasan
ito ni Ramses.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ni Ramses ng bigla nyang naisip ang
direksyon ng babaksakan ng bolang apoy na pinakawalan ng Reme.

"Umalis na kayo ngayon dyan!!!!" sigaw ni Ramses kasabay ng isang malakas na


pagsabog. "Hi - hindi!!!!" galit na galit si Ramses habang malakas lamang ang tawa
ng Reme sa kanyang harapan.

A/N

Ano kayang nangyari kina Ryona? Matatalo ba ni Ramses ang pinuno ng mga Reme? Sino
kaya ang magtatagumpay sa laban na ito? Abangan sa susunod na kabanata ng Ramses in
Niraseya.

Gusto nyo ba ang story ni Ramses, ishare na 'to sa iba para mabasa din nila at wag
kalimutang bumoto ha. Maraming salamat. :)
*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 41)

Dahil po sa mahabang bakasyon at summer job hunting I wasn't able to update this
story on time. Hope you understand. :) Sana kahit paano bumilis pa din yung dagdag
ng reads and votes. Sana ishare nyo din 'to sa iba para mabasa nila.

Thank you.
Kabanata 41

"Espesyal na kakayahan"

"Ramses, ayos lang kami!" sigaw ni Perus mula sa ibaba. Nakaiwas sila bago pa man
bumagsak ang bolang apoy na pinakawalan ng Reme.

"Panimula pa lamang ang ginawa ko. Magiging masaya ang ating paglalaro."
Tumatawang sabi ng Reme.

"Mukhang sa lahat ng Reme dito ay ikaw ang pinakamasama." Sabi ni Ramses. Seryoso
ang mukha nito at parang nanggigigil sa galit.

"Masama? Nasaan?" lumingon ang Reme sa kanyang likuran. "Baka malakas ang ibig
mong sabihin

at hindi masama." Ibinuka nito ang naglalakihan nyang mga pakpak. "Ako ang pinuno
ng mga Reme. Ako ang pinakamalakas." Tumatawang sabi ng Reme.
"Tinatawag mong malakas ang sarili mo? Mga inonsente lang naman ang mga kayang
mong tapusin. Hindi ba?" sabi ni Ramses na titig na titig sa ibon.

"Kung gayon, ikaw na lang ang aking tatapusin bago ang iyong mga kaibigan.
Iniligtas ko naman ang iyong buhay, hindi ba?" Pumwesto ang ibon na parang pasugod
kay Ramses.

"Hindi ako papayag na saktan mo ang mga kaibigan ko." Itinaas ni Ramses ang dalawa
nyang kamay at inilagay sa kanyang harapan na parang isang pansalag.

"Anong ginagawa mo? Akala mo ba'y makakaligtas ka sa ganyang posisyon?" lumipad


ang Reme papalapit kay Ramses.

Ngunit sa laki ng ibon na ito ay maabutan at matatamaan sya kahit anong pag-iwas
ang kanyang gawin.

Binangga ng Reme si Ramses gamit ang kanyang ulo. Tumalsik naman paibaba ang
dalaga ngunit mabilis nya din napigilan ang sarili sa pagragasa pababa.

"Oh ano? Wala pa akong ginagawa sa'yo, malayo na agad ang narating mo." Pangungutya
ng Reme.
"Kung pisikal na lakas lang ang pag-uusapan talagang wala akong laban sa'yo,"
sagot ni Ramses sa kausap na ibon.

"Ibig sabihin ba ng iyong mga sinasabi na tinatanggap mo na ba ang iyong


kamatayan?" pagtatanong ng ibon.

"Hindi naman ako basta-basta susuko ng hindi lumalaban." Nag-isip si Ramses ng


paraan kung paano nya matatalo ang ibong ito. Alam nyang sa laki nito ay wala
talaga syang kapana-panalo. Hindi na din naman nya kayang kausapin ito ng maayos
dahil mukhang wala itong pinapakinggan na kahit ano.

Habang natingin si Ramses sa paligid, napansin nya ang iba't-ibang klase ng hayop.
May mga gumagapang sa puno. Merong mga lumilipad sa hangin at mayroon din namang
lumalangoy at nagtatalunan sa ilog.

"Naghahanda ka na ba ng iyong mga huling salita?" pangungutyang tanong ng ibon.


"Kung hindi ka gagalaw dyan ay ako na lang ulit ang susugod sa'yo." Muling ibinuka
ng ibon ang kanyang malalaking mga pakpak. Ipinagaspas nya ito ng malakas hanggang
magkaroon ng isang napakalakas

na hangin.

Sinasalag ni Ramses ang hanging tumatama sa kanya ng kanyang mga kamay. Hindi na
din sya nakatiis at nakaramdam na sya ng sobrang pagkainis. Sumigaw si Ramses ng
sobrang lakas ng hindi nya namalayan.

Isang malakas na hangin ang biglang umikot sa kanya. Isang hangin na mas malakas
sa ginawa ng Reme. Ang ibon ay parang itinutulak papalayo ng hanging nakapalibot
kay Ramses.

Huminto ng pagsigaw si Ramses at unti-unting naglalaho ang hanging nakapalibot sa


kanya.

"Mas lalo akong ginagahan sa ipinapakita mo. Hindi ko akalaing kaya mo akong
mapaalis sa aking pwesto." Manghang-manghang sabi ng Reme.

Maging si Ramses ay nagulat sa lakas ng hangin na lumabas ngunit hindi iyon ang
unang pagkakataong natawag nya ang hangin na iyon.

Hindi pa man nakakagawa ng kahit anong kilos si Ramses ay sumugod na sa kanya ang
malaking ibon. Hinampas sya ng naglalakihang mga pakpak ng Reme at tumalsik sya
paibaba. Bumagsak ang dalaga sa tuktok ng isang puno at dahan-dahang nalaglag sa
lupa.

"Parang tinapik lang naman kita, ang layo na agad ng narating mo? Hindi ka na ata
tatagal nyang sa labanan natin." Patuloy sa pangunguta ang Reme ang paikot-ikot ang
lipad sa itaas.

Nasaktan si Ramses sa kanyang pagbasak at nagkaroon na din sya ng ilang gasgas


dahil sa pagsabit nya sa mga sanga ng puno. Papatayo pa lamang sya ng sumugod muli
ang Reme.

"Ramses mag-iingat ka!" sigaw ni Ryona mula sa kabilang parte ng bundok.

Ginamit ng ibon ang kanyang ulo upang hampasin ang papatayong katawan ni Ramses
kaya't tumalsik muli ito at humampas sa malaking bato.

Napahiga ang dalaga sa lupa at napatingin sa itaas. Nakita nya ang magandang ulap
at mga ibong dumaraan.

"Magpaalam ka na sa mundong ibabaw." Lumapit ang ibon kay Ramses at itinaas ang
isang paa nito. Hindi agad nakagalaw ang dalaga dahil sa natamo nya at matatapakan
sya ng malaking paa ng ibon.

Naisip nyang katapusan na nya kapag sumayad ang paa ng Reme sa kanyang katawan.
"Ifed Reta Altria" nanghihinang sabi ni Ramses bago pa man sumayad ang paa ng ibon
sa mahina nyang katawan.

"Hindi!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" napaluhod si Ryona ng makitang tinapakan ng Reme ang


walang laban nyang kaibigan. "Wala na sya! Wala na sya at wala tayong ginawa!
Nanood lang tayo!" umiyak sya sa galit.

Hindi din naman napigilan ni Perus makaramdam ng galit. Gusto nyang paslangin ang
ibon na ito gamit ang sarili nyang mga kamay. "Wala man lang ba kayong gagawin?"
galit na sabi ng binata.

Nakita nila Ryona at Perus ang galit sa mga mata ng kanilang guro. Humawak ito sa
kanyang sandata at sumakay sa kanyang Reme. Nagkatinginan naman ang dalawang
magkaibigan. Sumakay na din sila sa kanilang Reme upang puntahan si Ramses at
kalabanin ang malaking ibon na tumapak dito.

Hindi pa man sila nakakalapit ay nakita nilang gumagapang si Ramses galing sa


ilalim ng paanan ng Reme.

"Ramses! Ayos ka lang ba?" tanong ni Ryona.


"Intayin mo kami dyan. Tutulungan ka namin." Sabi ni Perus. Lumipad ang kanilang
mga Reme papalapit sa kaibigan.

"Dyan lang kayo!" Dahan-dahang tumayo si Ramses. "Huwag kayong makialam!" galit na
sigaw ng dalaga. Bakas pa din ang panghihina ni Ramses sa kanyang pananalita.

"Nahihibang ka nab a talaga?" naiinis na sabi ni Ryona. Hindi sila nagpaawat na


lumapit sa kaibigan.

"Huwag nyong piliting gamitan ko pa kayo ng dahas!" kinuha ni Ramses ang kanyang
tenivis at nakahanda ito sa isang pagsugod.

Nagulat naman sila sa gagawin ng kaibigan at nakaramdam sila ng pagkagalit.

"Bumalik na tayo." Sabi ni Ginoong Yaku.

"Pero Ginoo - " pagtatakang tanong ni Perus.


"Sumunod na lang kayo." Malungkot na utos ng guro.

Tila nakaramdam naman ng pagkdismaya sina Ryona at Perus sa desisyon ng kanilang


guro. Bumalik sila at hinayaan lang nila si Ramses.

"Sana maintindihan nyo," bulong ng dalaga sa kanyang sarili. Humarap sya sa


kanyang kalaban na kanina pa hindi gumagalaw.

"Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa'kin. Pero isa lang ang masasabi ko, tama
ang ginawa mong pagpigil sa iyong mga kaibigan. Dahil kapag tinulungan ka nila,
lahat kayo ay tatapusin ko!" pautal-utal na sabi ng Reme.

"Hindi yan mangyayari!" tumalon si Ramses sa likuran ng Reme. "Dapat sa mga pakpak
mo ay putulan!" Tinusok nya ng kanyang sandata ang isang bahagi ng pakpak ng ibon.
Tumalon sya pababa para tuluyang maputol ang isa sa mga balahibo nito.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" tumatawang tanong ng Reme.


Ilang sandali pa ay kusang gumalaw ang laman na pinagkakabitan ng mga balahibo
pabalik sa mga pakpak nito.

"A - anong nangyayari?" pagtatakang tanong ng dalaga.

Nabuo at muling nagdikit ang pakpak nito. Hindi naman nagustuhan ni Ramses ang
nangayari kaya't pinutol nya muli ang mga ito. Sa pagkakataong ito dalawang pakpak
na ang kanyang pinutulan.

Ngunit nabigo pa rin sya sa kanyang ginawa. Muling gumalaw at nagdikit ang mga ito
sa bumalik sa dati na parang walang nangyari.

"Huwag ka ng magsayang ng pagod. Isa yan sa mga kakayahan ko. Napakaganda hindi
ba? Ngayon, paano mo na ako mapapaslang nyan?" tumatawang tanong ng Reme.

Napahawak si Ramses ng mahigpit sa kanyang tenivis at mas nakaramdam ng kaba sa


kung paano nya mapapaslang ang kanyang kalaban.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 42)

Kabanata 42
"Mahusay na pakikipaglaban"

Habang pinagmamasdan ni Ramses ang ibon ay nakita nyang nakagalaw na ito. Mabilis
syang napaatras. "Pa - paanong nakagalaw ka?"

Tumingin ang dalaga sa kanyang paligid. Madaming iba't ibang klaseng hayop ang
kanyang nakita.

"Saan ka natingin?" tanong ng Reme habang iginagalaw ang kanyang mga pakpak.

"Dahil sa ginawa mong paghiwa sa akin nagkaroon ako ng pakiramdam at ang bagong
kabit kong mga pakpak and hindi na sakop ng mahikang ginamit mo sa'kin." Tila
nagbago ang boses ng Reme. Parang mas naging masama pa ito na lalong nagpangamba sa
dalaga.
Napansin ni Ramses ang isang hayop na bigla-biglang nawawala at sumusulpot din.
Habang pinagmamasdan nya ito ay hindi nya namalayang nakagalaw na pala ang Reme sa
kanyang harapan.

Muli gumawa ito ng bolang apoy at pinatamaan ang dalaga ngunit nasalag naman ito
ni Ramses gamit ang kanyang tenivis.

Hindi naman tumigil ang Reme at gumawa sya ng mas malaking bolang apoy. Mabilis na
tumakbo si Ramses para umiwas at nahawakan nya ang hayop na kanina pa nya
pinagmamasdan.

"Delfi Nuter!" at biglang nawala si Ramses.

"Anong mahika ang iyong ginamit para magtago? Akala mo ba ay hindi kita
mahahanap?" tumingin ang Reme sa kanyang paligid para hanapin si Ramses.

"Hindi nya nga ako nakikita." Bulong ni Ramses sa sarili habang nakatayo sa
harapan ng Reme. "Pagkakataon ko na."

Sumugod si Ramses gamit ang kanyang espada. Sinugatan nya sa iba't ibang parte ng
katawan ang ibon habang mabilis na umiiwas sa mga pagkilos nito. Sa dami ng sugat
nito sa katawan ay hindi nya agad mapagaling ang sarili.
"Magaling. Hindi pala nya kayang magpagaling agad." Natuwang bulong ni Ramses.

Mas binilisan nya ang kanyang kilos. Tumalon sya sa likuran ng ibon at sinaksan
ang leeg nito ngunit naramdaman ng Reme ang kanyang kilos kaya't nakaiwas agad ito.

"Nagtatago sa kakayahan ng isang hayop. Magaling na pamamaraan!" sabi ng Reme.


"Ngunit hindi nyan mapipigilan ang gagawin ko."

Umikot ang Reme, pabilis ng pabilis. Naglabas din sya ng mga bolang apoy na sumama
sa kanyang pag-ikot. Nakalikha sya ng isang apoy na ipo-ipo bilang isang
pananggalang.

"Ngayon, paano mo na ako malalapitan?" sabi ng Reme.

Sinubukan pa din ni Ramses na lumapit sa ibon ngunit bigo syang gawin ito.
Napapaso at nasusugatan sya kapag napapadikit sa apoy na ipo-ipo na ito.
"Napatigil ata ang pagsugod na ginagawa mo?" nang-aasar na sabi ng Reme. Bigla
nyang iginalaw ang isa nyang pakpak palabas ng apoy na ipo-ipo at biglang may
lumabas na isang matalim na bagay na kulay apoy at tumama ito sa isang malaking
bato sa tabihan ni Ramses.

Laking gulat ni Ramses ng makitang nahati ang bato at biglang nag-apoy.

"Galingan mo sa pag-iwas bata at sabihin mo na din yan sa mga nilalang dito sa


paligid." Tumatawang sabi ng Reme. Muli nyang ginawa ang pagpapagalaw ng kanyang
mga pakpak papalabas

ng bolang apoy. Sunod-sunod ang paglabas ng matatalim na bagay at tumama ito sa


iba't ibang direksyon ng paligid.

"Itigil mo yan!" sabi ng dalaga. Sa pagsasalita nya ay nalantad ang kanyang sarili
at nakita sya ng ibon.

"Nandyan ka lang pala." Pinaulanan ng Reme si Ramses ng mga patalim na halos wala
ng gagalawan ang dalaga.

Mabilis nakaiwas si Ramses. Sa pag-iwas nya ay muling bumalik ang kakayahan ng


hayop na kanyang ginamit.
"Naitatago ang sarili sa oras ng panganib." Bulong ni Ginoong Yaku habang
pinapanood si Ramses.

Hindi na din nagustuhan ni Ramses ang ginagawa nyang pagtatago sa Reme dahil
nasisira na din ang tirahan ng mga hayop. "Delfi Nuter!" pinakawalan na nya ang
hayop at bumalik na sya sa kanyang sarili. Nakita na din sya ng lahat na mas lalong
nagpasabik sa Reme.

"Hindi matatapos ang laban na 'to kung magtatago lang ako." Hinawakan ni Ramses
ang kanyang tenivis ng mahigpit. Buo ang kanyang loob makipaglaban kahit hindi pa
nya ito nagagawa kahit minsan.

"Hahahahahaha! Mas masaya

ito. Hindi mo ako malalapitan pero masasaktan kita." Sunod-sunod na pinaulanan ng


Reme si Ramses ng mga patalim sa pamamagitan ng paggalaw ng mga pakpak nito palabas
ng apoy na ipo-ipo.

Ngunit nagulat ang lahat sa pagsalag sa mga ito ni Ramses gamit ang kanyang
tenivis. Ibinabalik na sa apoy na ipo-ipo ang pinapakawalang patalim ng ibon.

"Anong ginagawa mo? Hindi ako tatamaan nyan dahil may pananggalang ako." Mas
binilisan ng R.eme ang pagpapakawala ng mga patalim ngunit lahat ito ay nasangga ng
dalaga. Papalapit ng papalapit si Ramses sa ibon habang sinasalag ang mga patalim.
Habang papalapit ng papalapit si Ramses ay mas lumalakas ang pagbalik ng mga
patalim sa bolang ipo-ipo na nakapaligid sa ibon.

Hindi napansin ng Reme na ang kanyang pananggalang ay unti-unting nagkakalamat na


parang isang babasaging salamin sa bawat pagsangga ni Ramses sa kanyang mga
patalim.

Nakalapit si Ramses sa bolang ipo-ipo kung saan ay nagkalamat na ito. Itinusok nya
sa lamat na ito ang kanyang tenivis at tsaka hiniwa ito pababa.

"Hindi!" sigaw ng ibon.

Tumigil sa pag-ikot ang bolang ipo-ipo at unti-unti itong nawala.

Hindi na nagsayang ng oras si Ramses at sinugod na nya ang Reme. Ngunit pakpak pa
lamang ng ibon ay sapat ng pananggalang sa tenivis ng dalaga.
Nagalit ata ang ibon dahil sunod-sunod nyang pinaghahampas si Ramses ng kanyang
mga pakpak at pinatamaan pa nya ito ng bolang apoy.

Nagkaroon ng malaking sugat si Ramses sa kanyang braso kaya't hindi na nya


mahawakan ang tenivis ng ayos. Ngunit nagawa pa ng ibong sanggahin ang espada ng
dalaga, dahilan para tumalsik ito sa malayo.

Mabilis na tinapakan ng ibon ang buong katawan ni Ramses. Nakalabas lamang ang ulo
nito.

"Ngayon ito na talaga ang iyong magiging katapusan!" naglabas ng malaking bolang
apoy ang ibon at patatamaan nya ang ulo ni Ramses.

Alam ni Ramses na katapusan na nya kapag nangyari iyon pero hindi sya natatakot.

"Hindi ka ba magmamaakawa sa'kin?" tanong ng Reme.

"Hindi kahit kelan!" pagmamatigas ni

Ramses.
Hindi nagustuhan ng Reme ang kanyang sagot kaya tinapakan nya ito ng matindi na
halos mabali na ang buong buto ni Ramses.

"Ahhhhhhhhhhh!!" hindi napigilan ng dalagang dumaing sa sobrang sakit. Ngunit


kahit gaano ito kasakit, hindi pa din sya nagmamakaawa sa ibon.

"Mamamatay ka ng nagmamatigas! Isusunod ko na lang ang iyong mga kaibigan!"


nakangiting sabi ng Reme.

"Huwag sila! A - ako lang ang may utang sa'yo!" galit na sabi ni Ramses.

Dahil sabik sa pagpaslang ang Reme ay handa na nyang pakawalan ang bolang apoy sa
ulo ng dalaga.

"Paalam!" sabi ng Reme ng biglang may tumama sa kanyang likuran na tumagos


hanggang sa kanyang dibdib.

Nawala ang bolang apoy panandalian at nagulat sya sa butas sa kanyang katawan.
Sinilip ng Reme ang butas na ito at nakita nya si Ryona na hawak-hawak ang kanyang
palaso.

"Nagpapakabayani! Sige, uunahin na kita!" tinanggal ng Reme ang pagkakatapak kay


Ramses at papalapit it okay Ryona habang unti-unting naghihilom ang butas sa
kanyang katawan.

"R - Ryo - na! Tumakbo ka na!" pinipilit ni Ramses na tumayo. Nakita nyang
pinaulanan ng Reme ng bolang apoy ang kanyang mga kasama.

"Hindi! Itigil mo yan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" napasigaw ang dalaga ng malakas


at umilaw ang kanyang tekan. Kasabay nito ang pag-ilaw ng kanyang tenivis na kusang
lumapit sa kanya. "Hindi kita mapapatawad!"

Tila may kung anong awra ang bumalot kay Ramses at nakatayo ito ng ayos. Mabilis
syang nakakilos papalapit sa Reme. "Humanda ka!"

A/N

Abangan kung anong mangyayari kay Ramses at sa mga kaibigan nya. Mapapabalik ba
sila ng Silko dahil hindi nila natalo ang Reme na ito. O isang himala ang
mangyayari at mababaligtad ang sitwasyon. Abangan yan sa pagpapatuloy ng action
adventure ni Ramses. Please share this story para mabasa din ng iba. Thank you.

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 43)

This Chapter is dedicated to Shunyeee!

Sorry kung matagal ang update. Nagkasakit kasi ako. Actually di pa din ako ganun
kagaling as of this moment. But anyways, sana magustuhan nyo ang chapter na 'to and
don't forget to vote.

Happy Reading! :)

******************************************

Kabanata 43
"Kalaban o Kakampi?"

Mas bumilis ang kilos ni Ramses at mabilis syang nakalapit sa Reme. Hiniwa nya ang
kaliwang pakpak ng Reme at agad syang tumalon sa harapan nito upang salagin ang
lahat ng bolang apoy na pinakakawalan nito pabalik sa ibon mismo.

Nasasalag ni Ramses ang lahat ng bolang apoy at isa-isa itong tumatama sa ibon.
Dahil dito unti-unting napapaatras ang Reme at hindi na din makagalaw ng ayos dahil
sa pinsala sa kanyang pakpak.

Napatigil sa pag-atake ang ibon at natumba ito sa lupa. Madali namang nilapitan ni
Ramses ang kanyang mga kasamahan. Hindi masyadong naapektuhan ang mga ito dahil
nakagawa agad sila ng pangharang upang hindi matamaan ng bolang apoy ng Reme.

"Ayos lang ba kayong lahat?" pag-aalalang tanong ni Ramses.

"Ayos lang naman kami. Matibay ang pananggalang na ito kaya hindi kami masyadong
naapektuhan." Paliwanag ni Perus.

"Hindi - " sabi ni Ginoong Yaku habang nakatingin sa harang. " - kung nagtagal pa
ang pagsugod ng Reme na yun, masisira din ang harang na ito." Itinuto nya ang ilang
lamat sa pananggalang.

"Huwag na huwag kayong gagawa ng kahit anong ikapapahamak nyo." Sabi ni Ramses.

"Pero hindi namin matiis. Hindi namin kayang makita kang nahihirapan." Sagot ni
Ryona.

"Intindihin nyo ako. Iba ang Reme na yan. May kasamaang nananalaytay sa mga dugo
nya." Paliwanag ni Ramses.

Hindi pa man sila nakakapag-usap ng matagal ay muling gumalaw ang Reme.

"Buhay pa din sya - " gulat na gulat na sabi ni Ryona.


Inihanda ni Ramses ang kanyang tenivis na parang handang umatake kahit anong oras
na sumugod ang ibon.

Napansin nilang unti-unting nagdidikit ang mga pakpak ng Reme sa kanyang katawan
at naghihilom ang mga sugat nito.

"Hindi maari 'to. Balewala ang mga pisikal na pag-atake. Kaya nyang pagalingin ang
kanyang mga sugat." Pag-aalalang sabi ni Ramses. "Mabuti pang humanap kayo ng
ligtas na lugar na mapagtataguan."

"Hindi! Hindi ka namin iiwanan!" sabi ni Perus na inihahanda ang sarili sa


pakikipaglaban.

"Gusto mo bang lahat tayo mamatay? Paano na ang Niraseya kung lahat tayo
mapapaslang ng Reme na yan?" galit ang mga mata ni Ramses habang nakatingin sa mga
kasama. "Kahit sino sa'tin ay hindi sya kayang talunin. Pero hindi ibig sabihin nun
lahat tayo ay dapat mapaslang." Tumalikod sya at naglakad papalapit sa Reme.

"Hindi nyo na kailangang magtago! Dahil kahit saan kayo magpunta ay papaslangin ko
kayo!" sabi ng Reme na unti-unting tumatayo.

"Hindi kita papayagang gawin yun Reme!" sagot ni Ramses.


"Sino ka para mag-utos sa'kin?" Nakatayo na ang Reme.

Madaling tumalon si Ramses papalapit sa mukha ng ibon at itinutok ang kanyang


tenivis.

Tila nagulat ang Reme sa kanyang nakita. Natulala ito habang pinagmamasdan ang
mukha ni Ramses.

"Sino ka ba talaga? Bakit kamukha mo ang isang kakilala?" tanong ng Reme.

"Hindi mo ko malilinlang. Bibigyan kita ng pagkakataong umalis kung hahayaan mo


ang mga kasama ko!" pambabanta ni Ramses sa Reme.

Tumawa lang ang Reme ng malakas na naglabas ng malakas na hangin.

"Hangal ka!" nagpakawala sya ng malaking bolang apoy ngunit mabilis itong naiwasan
ni Ramses. "Uunahin ko na ang iyong mga kaibigan!"
Lumipad ang Reme papalapit kina Perus. Hindi naman tumakbo ang mga ito at
nakipaglaban din sa ibon. Ngunit masyadong mabilis at magaling ang Remeng ito at sa
ilang atake at pagsugod lang ay napatumba na nya ang mga ito. Maging si Ginoong
Yaku ay wala ding nagawa.

"Tumigil ka na!!!" muling humangin ng malakas na parang may isang ipo-ipo ang nabuo
sa paligid ni Ramses. Kahit sya ay hindi alam kung anong nangyayari sa kanya. Ang
hangin na ito ay unti-unting pumasok sa loob ng hiyas na nakalagay sa kanyang
tenivis.

Sinugod nya ang Reme at ginamit nya ang kanyang tenivis. Laking gulat nya na sa
isang pag-atake lamang ay ilang tama at hiwa ng kanyang tenivis ang tumama sa ibon.
Bawat kilos nya ay tila may isang daang hangin na kasing talas ng kanyang espada
ang tumatama sa Reme.

Dahil sa sobrang galit ni Ramses sa ginawa ng ibon sa kanyang mga kaibigan ay


hinati nya ito sa gitna. At dahil sa kakayahan ng kanyang tenivis ay nahati sa
maraming bahagi ang ibong ito.

"Hindi!!!" sigaw ng ibon ng biglang nagkalasan ang kanyang katawan.


"Para yan sa mga kaibigan ko." Bulong ni Ramses habang inilalagay ang kanyang
espada sa likuran nya.

Agad nyang nilapitan ang mga kaibigan upang tingnan ang kalagayan ng mga ito.

"Ayos lang kami Ramses. Hindi naman ganun kalakas yung pag-atake nya sa'min. Parang
hindi naman nya talaga intensyong tapusin kami." Paliwanag ni Ginoong Yaku habang
tinutulungang tumayo sina Ryona.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" naguguluhang tanong ni Ramses.

"Hindi ko din maintindihan, Ramses. Pero mag-iingat ka pa din. Hindi natin alam
kung ano ba talaga ang kakayahan ng Reme na iyan." Sagot ng guro.

"Pero napatay na po sya ni Ramses, hindi ba?" tanong ni Ryona.

Yumuko si Ramses at hindi agad nakasagot sa pag-aakala nyang kaya nyang patayin
ang Reme.
"Hindi pa nawawala ang awra ng Reme kaya't hindi pa sya tuluyang napaslang. Ngunit
aabutin ng ilang sandali bago pa sya bumalik sa tunay nyang anyo. Magagamit natin
ang oras na iyon para makaalis." Paliwanag ni Ginoong Yaku habang sumasakay kay
Napar.

"Mauna na po kayo. Sinimulan ko po ito kaya't tatapusin ko din. Wala naman syang
intensyong paslangin kayo. Ako - ako lang ang gusto nya." Tumingin si Ramses sa mga
kasama. " Kaya ibibigay ko ang lahat. Kung susuko ako sa Remeng ito, hindi ako
karapat-dapat humarap kay Bhufola!" Tumayo si Ramses sa harapan ng

nabubuong katawan ng ibon.

Mabilis bumalik ang dating katawan ng Reme at tila walang kahit anong pinsala
syang tinamo. Ang lakas nya ay tulad pa din ng isang malakas na ibon na hindi
dumaan sa pakikipaglaban.

"Malakas ka. Malakas kaysa sa inaasahan ko. Ngayon magseseryoso na ako!" biglang
nag-apoy ang buong katawan ng Reme.

Napaatras si Ramses sa kanyang nakita. Buong katawan nya ay nababalutan ng pulang


apoy.

Tumatawa ng tumatawa ang Reme habang ipinapagaspas ang kanyang mga pakpak. Bawat
pagaspas ng pakpak nito ay tila mga sibat na may apoy at hinahabol nito si Ramses.
Mabilis namang umiwas si Ramses hanggang mapadpad sya sa may bangin.

"Wala ka na palang ibang gagalawan? Ano na ngayong gagawin mo?" Lumapit ang ibon
sa kanya. "Paalam! Hindi na kita bibigyan ng pagkakataong mabuhay pa bata!" Umikot
ang Reme papataas na parang isang apoy na ipo-ipo. Tumigil ito sandali at tsaka
sinugod ang dalagang nakatayo sa may gilid ng bangin.

Sa mga sandaling iyon ay alam na ni Ramses ang mangyayari sa kanya. Tiningnan nya
ang kanyang mga kaibigan at iniharang ang kanyang tenivis sa paparating na ibong
apoy. Naisip nya na iyon na din ang kanyang katapusan at tinatanggap na nya yun.

Nang papalapit na ang ibon sa kanya ay napapikit na lamang ito hanggang maramdaman
ang pagtama ng apoy sa kanyang espada. Ang pwersa na ito ay nagpatalsik sa kanya
dahilan para mahulog sya sa bangin.

Habang nakapikit ay pinakikiramdaman nya kung nasusunog na ang kanyang balat at


kung babagsak na sya sa ikailaliman ng bangin. Ngunit nagtaka sya ng maramdaman ang
pagaspas ng hangin sa kanyang balat.

Dahan-dahan syang dumilat. Nakita nyang nakasakay sya sa isang napalaking Reme.
Isang Reme na may asul at pula sa kanyang mga pakpak. Napakaganda ng kanyang kulay.
Bumaba ang Reme sa harapan ng Remeng apoy. Nagmadali namang bumaba si Ramses mula
sa likuran ng ibong nagligtas sa kanya.

"Sa - salamat." Mahinang sabi ni Ramses.

"Itigil mo na yang ginagawa mo. Masyado mo ng pinagkakatuwaan ang batang ito."


Sabin g Remeng nagligtas kay Ramses.

"Kapatid ko! Nakikialam ka na naman! Gawin mo na lang ang iyong tungkulin. Gamitin
mo na lang ang lakas na ibigay sa'yo ng ating ama! Hayaan mo na ako!" sagot ng
Remeng nag-aapoy.

"Magkapatid sila?" bulong ni Ramses.

"Masyado ka ng nagiging masama!" sagot ng Reme. Ipinagaspas nito ang kanyang


pakpak at tila may isang tubig na lumabas dito na nagpatigil sa apoy na bumabalot
sa ibong kanyang kausap.
"Huwag kang makialam. Hindi dahil ikaw ang namumuno sa'min ay susundin na kita.
Hindi mo ako mapipigilan at alam mo ding wala kang magagawa dahil hindi mo ako
maaring paslangin." Muling umikot ang Reme papaitaas. "Kaya panoorin mo kung gaano
ako kalakas! Mas malakas ako sa'yo kapatid ko!!" Parang may bahid ng galit sa boses
ng Remeng ito habang lumilipad sya papaitaas.

"Alam ko ang patakaran sa ating lahi. Hindi maaring pumaslang ng kauri ang
namumuno at alam kong wala akong

magagawa. Pero sya meron!" itinuro nito si Ramses. Nagulat sya ng makita ang
dalaga. "Ram?" tanong ng ibon.

"Ramses ang pangalan ko. At Ram ang aking ina." Sagot nito sa kausap na ibon.

Napangiti ang Remeng kausap nya na parang natuwa sa kanyang sinabi.

Umatake na mula sa itaas ang ibon habang nag-uusap sila ni Ramses. Humarang ang
Reme upang hindi matamaan si Ramses.

"A - anong ginagawa mo?" tanong ni Ramses.


"Hindi kami maaring maglaban. Labag sa tungkulin ko bilang pinuno ang labanan ang
aking kapatid." Sabi ng Reme.

"Pinuno? Hindi ba't sya na ang pinuno ng mga Reme?" tanong ni Ramses.

"Yun ang ninais nya. Pero hindi sya pinagkatiwalaan n gaming ama. At dahil ako ang
pinuno at nakababata nyang kapatid, hindi ko sya maaring labanan. Pero ikaw - maari
mo syang matalo." Sagot ng Reme habang sinasangga ang mga tira ng ibon mula sa
itaas.

"Pero - pero hindi ko sya kayang talunin!" sabi ni Ramses.

"Gamitin mo ang kakayahan ko. Gamitin mo ang lahat ng alam ko." Nakatingin ang ibon
kay Ramses.

Naintindihan na ni Ramses ang nais sabihin ng Reme kaya't hinawakan nya ito.
"Delfi Nuter!" Lumiwanag ang paligid at dahan-dahang nawala ang ibon.

"Anong nangyari?" tanong ni Ramses sa sarili.


"Gamitin mo na ang lakas ko!" boses ng Remeng kausap nya kanina.

"Sige!" tumingin si Ramses sa itaas at nakita nya ang ibong nagpapakawala ng


matatalim na hangin.

Iwinagayway lang ni Ramses ang kanyang kamay na parang isang pakpak ng ibon at may
kung anong tumama sa Reme sa itaas na nagpatigil sa pag-atake nito.

Lumipad si Ramses ng mabilis na hindi ginagamit ang kanyang sapatos papalapit sa


Reme sa itaas.

"Nagkataon lang ang iyong ginawa bata. Tingnan natin kung matatamaan mo pa ako."
Pinaikutan nya si Ramses ng mabilis at tsaka sya nagpapakawala ng matatalim na
hangin.

Ngunit dahil nagagamit ng dalaga ang kakayahan ng isa pang Reme ay nakikita nya
ang bawat kilos ng ibon at ang mga pag-atake nito. Dahil dito lahat ng pag-atake ay
naiiwasan nya.
Sumuntok si Ramses sa kanyang harapan. Tinamaan ang Reme at napatigil ito sa pag-
ikot.

"Ang galing!" manghang-manghang sabi ni Ramses.

Binugahan ng Reme si Ramses ng bolang apoy pero sinalag lang ito ni Ramses. Bawat
pagtama sa kanya ay sinasangga nya lang gamit ang kanyang mga kamay.

"Hindi maari!" gumawa ng malaking bolang apoy ang Reme at pinatamaan nya si
Ramses.

Laking gulat ng lahat ng saluhin ni Ramses ang apoy at ginawa itong yelo tsaka
ibinato pabalik sa Reme.

Si Ramses naman ang sumugod sa kanya. Bawat kumpas ng kanyang kamay ay


naglalabasan ang mga matitigas na bagay na parang mga yelo at tumusok ito sa
katawan ng Reme.

Ang sugat na nagagawa ng mga yelong ito ay hindi mapahilom ng ibon. Lumipad sya ng
mabilis habang pinauulanan ang Reme
ng mga yelong ito na unti-unting bumabaon sa katawan ng ibon.

Ilang sandali pa ay nalaglag na sa ibaba ang ibon dahil sa dami ng natamong sugat.
Bumaba din si Ramses at pumwesto sa ulo ng ibon.

Napansin ni Ramses ang isang kumikinang na hiyas sa noo ng Reme.

"Ano yun?" tanong nya sa kayang sarili.

"Dyan nagmumula ang lakas ng bawat Reme. At kami-kami lang din ang nakakakita
nito." Sagot ng Reme nasa nasa katawan ni Ramses.

Pinipilit ng nakahandusay na Reme na tanggalin ang mga nakatusok sa kanyang


katawan. Kaya't tinutukan na sya ni Ramses sa noo gamit ang kanyang espada.

"Alam mo na siguro kung anong mangyayari sa'yo kung tatanggalin ko ang hiyas na
'to mula sa noo mo." Sabi ni Ramses sa ibon.
"Magaling ka bata. Pero hindi dito nagtatapos ang lahat. Magkikita pa tayo kapatid
ko!" lumipad paalis ang Reme na hinang-hina.

Pinagmasdan ni Ramses ang ibon habang papalayo.

"Delfi Nuter!" bumalik na ang Reme sa kanyang tunay na anyo.

"Maraming salamat sa'yo. Napakalakas mo. Salamat at pinagamit mo ang kakayahan mo


sa mahinang tulad ko." Yumuko si Ramses.

Tumawa ang Reme sa kanyang narinig. "Katulad ka talaga ng iyong ina."

"Kilala mo ang aking ina?" pag-uusisa ni Ramses.

"Oo. Ako ang kanyang Reme. Hindi ko inaasahang ikaw ang aking susunod na
tagapagpasunod." Masiglang sagot ng Reme.
Nagulat at natuwa si Ramses sa narinig mula sa kanyang kausap. "Tagapagpasunod?
Ibig mo bang sabihin - ikaw na ang magiging Reme ko?"

Lumapit ang Reme nila Perus at Ryona sa ibong kausap ni Ramses at tila nagbibigay
pugay ang mga ito.

"Ramses, anong ginagawa nila?" bulong ni Ryona sa kaibigan.

"Hindi ko din alam. Siguro nagbibigay pugay dahil pinuno ng mga Reme ang kaharap
natin ngayon." Pabirong sagot ng dalaga.

Nagulat naman sina Perus at Ryona sa sinabi ng kaibigan.

"Ano bang pangalan ng Reme mo?" tanong ni Perus.

"Oo nga no. Ano nga kaya?" panandaliang nag-isip si Ramses. "Alam ko na. Simula
ngayon tatawagin ko syang Laverus."
Nagulat naman ang Reme sa kanyang narinig at tila natuwa sa narinig. "Buhay na
buhay sa'yo ang iyong ina. Walang dudang anak ka nya talaga." Sagot ng Reme kay
Ramses.

"Pati ang pagbibigay ng pangalan sa'kin, iisa pa ang inyong naisip." Sabi ng Reme
sa kanyang isipan. "Pero sana wag mo namang sapitin ang nangyari sa kanya."
Pagpapatuloy nito habang nakatingin sa dalagang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga
kaibigan.

Sabay-sabay silang umalis sa bundok na iyon sakay ng kani-kanilang Reme at pabalik


sa Silko upang magpaalam ng pormal kay Maestro Boro.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 44)

Hello. Sana ispread or share natin 'tong story para mabasa pa ng iba.. :) Sorry to
keep you waiting. Anyways, enjoy reading and don't forget to vote. You can hit that
follow button as well. Thank you.

Kabanata 44
"Paalam Silko, Hanggang sa muli"

Hindi pa din makapaniwala sina Ramses na nakakuha na sila ng sarili nilang Reme.
Pinagmamasdan nila ang ganda ng tanawin mula sa itaas.

Naisip ni Ramses ang ganda ng mundong pinanggalingan nya kumpara sa mundong


kinalakihan nya. Pinagmamasdan din nya ang mga kaibigan na nauuna sa kanya. Hindi
sya makapaniwala na nakikipaglaban sya para sa mga taong ngayong pa lang nya
nakasama.

Ilang sandali lang ay nakabalik na sila sa Silko. Ang mga tao dun ay nagsilabasan
ng makita silang paparating.

"Handa na ba kayo?" tanong ni Ginoong Yaku.

Tumango lang ang tatlo at tumingin sa isa't-isa.

"Kung gayon ay bumaba na tayo," naunang lumapag ang guro at kasunod sila Perus at
Ryona.
Nagpalakpakan naman ang lahat habang bumababa ang mga ito.

Dali-daling lumabas si Rettie para makita ang mga dumating. Agad syang pumunta sa
may gitna kung saan naghihintay sina Maestro Boro. Tuminin sya sa paligid na tila
may hinahanap.

"Nasaan na si Ramses?" tanong ni Maestro Boro kay Ginoong Yaku.

Tumingin ang guro kina Perus at Ryona na papalapit sa matanda na tila nag-uusap
ang kanilang mga mata.

"Malamang hindi sya nabuhay," bulong ni Rettie.

Agad naman syang sinaway ni Madam Nema sa pamamagitan ng isang masamang pagtitig.

"Wag po kayong mag-alala. Nahihiya pa po ata syang bumaba." Nakangiting sabi ni


Perus.
Tumingin lahat sa itaas ang mga tao kabilang na si Maestro Boro. Tanging ang
malaking Reme lamang ang nakikita nila. Sa sobrang laki nito ay hindi nila makita
kung may nakasakay dito o wala.

"Iyan ang Reme ni - " gulat na sabi ni Madam Nema.

"Ni Ram." Pagpapatuloy ni Maestro Boro.

Napansin ni Ramses na ang lahat ay nakatingin na sa kanya.

"Gawin na natin 'to Laverus." Sabi ni Ramses sa kanyang Reme.

Umikot muna ng isang mabilis ang Reme at mabilis na rumagasa pababa. Ang lahat ay
nag-alala na baka manugod ang ibong ito ng mapansin nila na nakasakay dito si
Ramses.
"Imposible!" naiinis na sabi ni Rettie.

Tumigil agad si Laverus ng malapit na sa lupa at dahan-dahan itong lumapag.


Tumalon naman si Ramses pababa dahil masyadong mataas ang kanyang pinagkaupuan.

Dumiretso agad sya kay Maestro Boro ng hindi lumilingon sa kahit na sino.

"Dumaan lang po kami para magpaalam, maestro." Nakayukong bungad ni Ramses.

Hinawakan ng matanda si Ramses sa ulo at tumawa ito. "Katulad ka din talaga ng


iyong ina. May mga katangian kang hindi

nakikita ng iba." Tumigil ito ng bahagya. "Subalit - mas nagpapalakas pa si Bhufola


sa mga oras na ito. Hindi nyo sya basta-basta matatalo kaya dapat mag-ingat kayo."
Seryosong sabi ni Maestro Boro.

"Huwag po kayong mag-alala. Hindi po ako pababayaan ng mga magulang ko. Hindi ko
hahayaang makuha ni Bhufola ang gusto nya. Buo na po ang loob ko," nakatingin ng
diretso si Ramses sa matanda.

Naramdaman ni Maestro Boron a buo ang loob ni Ramses. Tiningnan nya rin ang mga
kasama nito. "Mukhang hindi pa kayo makaalis agad sa kalagayan nyo. Ipagpabukas nyo
na kaya ang pag-alis?" pagpapatuloy nito.
"Huwag po kayong mag-alala Maestro. Mapapagaling ko sila agad at babalik ang
kanilang lakas." Sabi ni Madam Rifi.

Nilapitan nya muna si Perus. Inikutan nya ito at tila may mga salitang
binabanggit. Dinadaanan ng mga kamay nya ang bawat sugat ng binata. Ilang sandali
pa ay dahan-dahang naghihilom ang mga sugat nito.

"Itaas mo ang iyong mga kamay," utos ni Madam Rifi kay Perus.

Sinunod naman ito ni Perus. Tila may mainit na hangin ang lumalabas sa mga kamay ng
guro at nagpapagaling sa mga sugat ng binata.

"Tapos na. Sinong susunod?" Tumingin si Madam Rifi kay Ryona at Ramses.

"Si - si Ramses po muna." Sabi ni Ryona. Lumapit sya kay Perus at tiningnan ang
mga sugat nito. "Nawala nga. Anong naramdaman mo habang ginagamot ang mga sugat
mo?" tanong nya sa kaibigan.
"Ang sakit - sobrang sakit," tumatawang sagot ni Perus.

Natawa naman si Ramses sa itsura ng kaibigan.

"Itaas mo na ang iyong mga kamay at huwag ka ng tumawa-tawa pa dyan," utos ni


Madam Rifi sa dalagang nalilibang pa sa pagtawa. "Parang hindi ka man lang nasaktan
sa mga sugat mong iyan at nakuha mo pang tumawa." Sermon ng matanda.

Tumigil naman sa pagtawa si Ramses at sumunod na lang s autos ng guro.

"Medyo seryoso ang sugat mo kumpara kay Perus." Tumingin ang guro sa malaking
Reme.

"Hindi po sya ang may kagagawan

nyan kung yun ang iniisip nyo." Pagtatanggol ni Ramses kay Laverus.

"Pero sigurado akong ganyan din kalaki ang may kagagawan nyan sa'yo." Pinagpatuloy
ng matanda ang paggamot sa mga sugat ng dalaga.
Ang ilang sugat ni Ramses ay naghilom na agad maliban sa kanyang balikat.

"Masyadong malalim ang sugat na ito. Hindi sya basta-basta gagaling lang sa mahika
ko." Sabi ng matanda.

"Magiging problema ba yan sa kanya?" tanong ni Ginoong Yaku sa guro.

"Kung hindi naman sya makikipaglaban, hindi yan magiging sagabal. Kailangan lang
yang ipahinga. Nagamitan ko na naman ng mahika kaya maghihilom din yan." Muling
gumamit ng mahika si Madam Rifi upang balutan ang sugat ng dalaga.

"Marami pong salamat," tumungo si Ramses sa pagpapasalamat sa gumamot sa kanya.

"Ramses - " tumingin si Ryona kay Madam Rifi sandali. " - masakit ba?"

Ngumiti si Ramses. "Hindi, pinagkakatuwaan ka lang ni Perus." Paliwanag ni Ramses


ng mapatingin sya kay Rettie na

masama ang tingin sa kanya.


"Hindi pa natuluyan." Bulong ni Rettie sa sarili.

Huling ginamot ni Madam Rifi ang dalagang si Ryona.

"Wala ka naman pa lang pinsala. Anong kinatatakot mo?" panenermon ni Madam Rifi.

Tiningnan ni Ryona ang buo nyang katawan at tsaka nag-isip. "Ah - oo nga po.
Dinala nga pala ako ni Ayer sa mahiwagang talon." Masayang-masayang sagot ni Ryona.

"Maswerte ka sa Reme mo," sabi ng matanda bago bumalik sa tabi ni Maestro Boro.

"Ramses, Perus, lumapit kayo sa'kin." Inihanda ni Maestro Boro ang kanyang kamay
na tila may gagawing mahika.

Lumapit naman ng sabay ang magkaibigan at pumwesto sa harap ng matanda.


"Iwum Utawil!" ikinampay ng matanda ang mga kamay nya sa buong katawan nila Ramses
at Perus.

Nagkaron ng usok na bumalot sa katawan ng dalawa. Pagkababa ng matanda ng kanyang


mga kamay ay unti-unting lumitaw ang malinis, buo

at mas magandang baluti ng dalawa.

"Marami pong salamat." Tuwang-tuwang sabi nila Ramses at Perus.

"Ramses, ingatan mo ang lahat ng iyong dala. Lahat yan ay magagamit nyo sa
pagtunton kay Bhufola." Muli nyang ikinampay ang kanyang kamay kay Ramses na tila
nagbabasbas ito.

"Iingatan ko po ang mga ito," sagot ng dalaga.

"Perus at Ryona," lumapit na din si Ryona sa matanda. "Mas alam nyo ang pasikut-
sukot dito sa Niraseya kaya't umaasa akong hindi nyo pababayaan si Ramses." Muli ay
binasbasan nya ang dalawa.

Parang nagkaroon ng bagong lakas ang tatlong magkakaibigan. Isang awra na tila
bumabalot sa katawan nila. Mas gumaan ang pakiramdam nila at tila mas nadagdagan pa
ang kanilang lakas.

"Magtungo muna kayo sa Mirnoff at hanapin nyo si Oney. Malalaman nyo sa kanya ang
ilang bagay na magdadala sa inyo kay Bhufola. Ngunit - " tumigil saglit ang
matanda. " - mag-iingat kayo sa mga halataw. Hindi nyo gugustuhing makipagpalit ng
katayuan sa kanila. Tandaan nyo, hindi sa lahat ng oras ay kailangan nyong maging
mapagbigay. Hindi lahat ay dapat nyong tulungan dahil iyon ang magdadala sa inyo sa
kapahamakan." Pagpapaliwanag ng matanda.

"Tatandaan po namin ang mga sinabi nyo. Makakaasa po kayong susundin namin yun."
Sagot ni Ramses.

"Aalis na po kami." Sabi ni Perus.

Naglakad ang tatlo papalapit sa kani-kanilang mga Reme. Sumakay ang bawat isa
habang tinitingnan ang maraming taong nakatingin sa kanila.

"Umaasa silang lahat sa'min," bulong ni Ramses sa sarili. "Hindi dapat ako
matakot." Sumakay na sya kay Laverus.

"Mag-iingat kayo Ramses!" sigaw ng isang estudyante ng Silko.


"Perus, hihintayin ko ang pagbabalik mo!" sigaw ng isang babae na tila may
pagtingin sa binata.

Kumaway silang tatlo sa lahat na buo ang loob. Isa-isa ng lumipad ang kani-
kaniyang mga Reme patungo sa kanilang unang destinasyon - ang Mirnoff.

"Gabayan nyo po ang mga batang iyon," bulong ni Maestro Boro sa sarili.

=================

Ramses in Niraseya (kabanata 45)

Hello my fellow readers. I'm so sorry kung sobra-sobrang natagalan ang paguupdate
ko. Naging busy lang talaga. Dinalaw kasi namin si ENRIQUE GIL sa taping ng MMK
last Friday ang Wednesday. And nagbirthday po ako kaya sobrang nawalan na akong
time.

Please watch MMK this coming Saturday. Thank you. :)

Anyways, sorry to keep you waiting. Heto na po ang update. Enjoy reading. Again,
sorry. :)
Kabanata 45

"Halataw"

Iniwan na nila Ramses ang Silko upang hanapin at harapin si Bhufola at pigilan ito
sa gusto nyang mangyari. Habang nasa himpapawid sila ay hindi naiwasan ni Ramses na
malungkot. Naalala nya ang pamilyang naiwan sa kabilang mundo. Alam nyang nag-
aalala ang mga ito sa kanya.

Habang nakatulala si Ramses at nag-iisip ay napansin naman sya ni Ryona. Kaya't


inutusan nya ang kanyang Reme na sabayan si Ramses.

"Bakit ang tahimik mo? May problema ka ba?" tanong ni Ryona sa kaibigan.

"Wala naman. Wag mo na lang intindihin. Iniisip ko lang kasi kung anong mga
mangyayari simula ngayon." Sagot ng dalaga. Hindi pa nya nababanggit sa mga
kaibigan na mula sya sa ibang mundo. Hindi nya kasi alam kung anong magiging
reaksyon ng mga ito.
"Malapit na tayo sa Mirnoff!" sigaw ni Perus na nasa kanila lamang unahan at
itinuturo ang isang kastilyo malapit sa burol.

"Mirnoff?" bulong ni Ramses sa sarili. "Parang narinig ko na ang lugar na yan."


Pagpapatuloy nito habang nag-iisip.

"Mabuti pa dun tayo bumaba sa gilid ng burol. Dun sa may kweba para may mataguan
ang mga Reme natin." Pagmungkahi ni Ryona.

Bumaba ang tatlo sa gilid ng burol at pumasok sila sa loob ng kweba.

"Ayos lang bang iwanan natin sila dito?" tanong ni Ramses habang bumababa mula sa
likod ng kanyang Reme.

"Hindi naman natin sila pwedeng isama. Sa laki nila baka matakot ang mga tao. Baka
kung ano pang gawin nila sa kanila." Paliwanag ni Perus. "Isa pa naiintindinhan
naman yan ng mga Reme natin. Babalik din naman tayo kapag nahanap na natin si
Oney." Pagpapatuloy ng dalaga.
"Paano, dito muna kayo ha. Babalik din kami kapag naayos na ang lahat. Mag-iingat
kayo dito." Pagpapaalam ni Ryona sa kanilang mga Reme.

Tiningnan ni Ramses ang Reme na parang nag-aalala. Umupo lang ang Reme at ipinikit
ang mga mata nito para lang mawala ang pag-aalala ni Ramses.

Lumabas silang tatlo sa kweba upang magtungo sa bayan. Ginamit ni Ramses ang mapa
na ibinigay ni Maestro Boro. Pagbukas ng mapa ay nagliwanag ito at ipinakita ang
buong lupang nasasakupan ng Mirnoff.

"Tayo ang pulang liwanag at mukhang kailangan nating daanan ang gubat na yan para
makarating tayo sa bayan." Sabi ni Ramses na bahagyang napatingin sa loob ng gubat.

"Mabuti pa magmadali tayo bago pa magdilim." Nauna si Perus sa paglalakad.

Itinago ni Ramses ang mapa at sumunod sa kaibigan. Habang naglalakad sila ay kung
anu-anong tunog ng hayop ang kanilang naririnig.

"Ryona, pakiramdaman mo ang paligid. Humingi ka ng tulong sa mga puno't halaman."


Utos ni Perus.
Pumikit sandali si Ryona at bigla syang nagulat.

"Anong problema?" pag-aalalang tanong ni Ramses na agad lumapit sa kaibigan.

"Takot ang mga halaman. Hindi ko alam bakit sila natatakot pero binibigyan nila
tayo ng babala." Nag-aalalang sabi ni Ryona habang hinahaplos ang mga halaman.

"Siguro dapat na tayong magmadali," naglakad na si Ramses habang tumitingin sa


kanilang likuran.

Habang nagmamadali sila sa paglakad ay may naririnig silang mga kaluskos kung
saan-saan. Inihanda naman nila ang kanilang mga sarili kung sakaling merong
mangyaring hindi maganda.

Nagulat sila ng biglang may dumambang malaking hayop na parang mabangis na pusa
kay Ryona. Natumba sya sa lupa habang pinipigilan ang bibig ng hayop na ito na
makagat sya.
Nagmadali naman agad si Perus para tulungan ang kaibigan. Hinigit nya ang buntot
ng hayop at naibalibag nya ito papunta sa kabilang direksyon.

"Ryona, ayos ka lang ba?" tanong ni Ramses habang tinutulungang tumayo ang
kaibigan.

"Ayos lang ako," sagot ni Ryona.

Sinuntok ng malakas ni Perus ang hayop na ito. Nanakbo lang ang hayop papalayo sa
kanila na parang takot na takot.

"Ayos lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan?" tanong ni Perus sa dalawang kaibigan.

"Ayos lang kami." Sagot ni Ryona.

Napatingin si Ramses sa isang malaking puno at pinagmasdan nya ito. Tila may
nakita sya at lumapit pa sya sa ibang puno.
"Parang alam ko na kung bakit tayo sinugod ng hayop na yun." Tumigil sandali si
Ramses at itinuro ang marka na nasa puno. "Mukhang teritoryo na nya 'tong
dinadaanan natin. Baka may pinoprotektahan lang sya kaya nya nagawang sumugod,"
paliwanang ng dalaga.

"Kung gayon dapat mag-ingat na tayo at maging mapagmasid sa susunod." Sagot ni


Perus na nauna na ulit sa paglakad.

Hindi pa man sila nakakalayo ng biglang nakakasalubong sila ng isang grupo ng


malalaking ibon. Sa sobrang dami ng mga

ito ay napayuko na lamang sila.

"Hindi maganda yung pakiramdam ko. Siguro dapat maghanap tayo ng ibang daaanan."
Tumayo si Ramses at tumingin sa ibang direksyon ng gubat. "Ryona, tanungin mo kaya
ang mga halaman."

Wala pa mang nagagawa si Ryona ng biglang may nagtatakbuhang halamang tao papunta
sa direksyon nila.

"Takbo-takbo, mga Halataw!" sigaw ni Perus.


Nagmadaling tumakbo ang tatlo pero naabutan pa din sila ng mga halataw. Hindi na
din sila nakalayo kaya't minabuti na nilang labanan ang mga ito.

Si Ryona ang pumigil sa papalapit pa lang na mga halataw. Ginagamitan nya ito ng
panang hangin kaya bago pa man ito mapalapit sa kanila ay sugatan na ito.

Sinalubong naman ni Perus ang mga halataw at ginamitan nya ito ng kanyang
sandatang palakol. Pinaikot nya ito hanggang tamaan ang lahat ng kanyang
masasalubong at mga papalapit sa kanya.

Hindi alam ni Ramses ang gagawin. Pinagmamasdan nya ang mga kaibigan nyang
nakikipaglaban sa mga kakaibang taong halaman

na sumusugod sa kanila. Inihanda na din nya ang kanyang tenivis at sumugod sa mga
makikita nyang halataw.

Mabilis kumilos si Ramses at naiiwasan nya ang bawat pagsugod sa kanya. Lahat
naman ng natatamaan ng kanyang sandata ay tumutumba. Pero nagulat sya sa nakita
nya. Parang marami pang paparating papunta sa kanilang direksyon.

"Bakit parang hindi sila nauubos?" tanong ni Ramses habang patuloy ang
pakikipaglaban.
"Hindi ko din alam. Dapat makaalis na tayo agad dito. Kung hindi, baka matangay
nila tayo." Sagot ni Perus habang nililinis ang kanilang dadaanan. "Sumunod kayo."

Sumunod agad si Ramses habang pinaulanan ni Ryona ang mga halataw na kasunod nila.

Mabilis na nanakbo ang tatlo sa hindi alam na direksyon ng gubat.

"Ano ng gagawin natin?" nag-aalalang tanong ni Ramses.

Ngunit hindi sila nakatakas. Tila teritoryo ng mga halataw ang lugar na kanilang
napasukan. May mga nakasalubong ulit sila at napalagiran sila ng mga ito.

Napaatras ang tatlo at nagtalikuran habang naikot at nakatingin sa mga halataw na


handa sa kahit anong pagsugod.

"Ano ng gagawin natin?" bulong ni Ryona.


"Dun ka na sa mga papalapit. Ako na dito sa nasa paligid." Tumigil sandali si
Perus na tila pinag-isipan ang gagawin ni Ramses. "Ramses, sugurin mo na lang lahat
ng makikita mo."

Tumalon si Ryona papunta sa itaas ng puno. Mula doon at pinaulanan nya ng panang
hangin ang mga papalapit na halataw. Lahat ng matamaan ay bumabagsak na kaagad
kaya't hindi na sila nakakalapit kina Perus.

Bawat kilos naman ni Perus ay bagsak ang bawat halataw. Natutulala si Ramses dahil
hindi nya alam ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Yung makipaglaban sa sobrang dami
katulad ng nakikita nya ngayon. Dahil sa sobrang takot, hindi makagalaw si Ramses.
Pinagmamasdan lang nya sina Perus at Ryona.

"Ramses sa likuran mo!" sigaw ni Ryona. Mabuti na lang at tinamaan nya agad ang
halataw na pasugod sa kaibigan.

"Ramses, ayos ka lang ba?" tanong ni Perus. "Huwag kang matakot. Tamaan mo lang
ang papalapit sa'yo." Muling

nakipaglaban si Perus.

Nakikita ni Ramses na unti-unti na ding napapagod ang kanyang mga kaibigan.


Tinatamaan na din ng mga halataw ang mga ito. Kumikilos lang sya kapag may
papalapit sa kanya pero hindi sya umaalis sa kinatatayuan nya.
"Ano bang nangyayari sa'kin? Ano 'tong mga nakikita ko? Anong gagawin ko?" tanong
ni Ramses sa kanyang sarili.

Biglang nalaglag si Ryona mula sa itaas ng puno ng tinamaad sya ng isang malaking
baton a tinira ng mga halataw.

Pinagmamasdan lang ni Ramses ang kaibigan at hindi nya ito magawang lapitan.

Dahil napansin ni Perus na nawawala sa sarili si Ramses sya na muna ang tumulong
kay Ryona.

"Ayos ka lang ba?" Nilapitan nya ito at mabilis na itinayo. "Mukhang natataranta
si Ramses. Delikado 'to para sa kanya kung hindi nya maipagtatanggol ang kanyang
sarili."

Muling tumayo ang dalawa at nakipaglaban. Sa paningin ni Ramses dahan-dahang


bumabagal ang kilos ng nasa kanyang paligid.

Hindi nya alam kung anong nangyayari. Parang wala na din syang marinig.
"A - anong nangyayari sa'kin?" tila nakaramdam ng pagkahilo ang dalaga. Nakita
nyang nagsasalita ang mga kaibigan nya pero hindi nya ito marinig.

Nakita din nya na isa-isa ng natutumba sina Perus at Ryona dahil na din sa pagod
sa pakikipaglaban sa hindi nauubos na halataw.

"Ramses!" sigaw ni Perus habang tinuturo ang kanyang likuran.

Bago pa man makalingon si Ramses ay tinamaan na sya ng isang malakas na paghataw


ng palakol ng halataw na galing sa kanyang likuran. Sa sobrang lakas ng paghataw ay
tumalsik ito at humampas ang kanyang katawan sa malaking puno at bumagsak sa lupa.

Medyo nahihilo pa sya ng makita nya ang mga kaibigan na unti-unti na ding natatalo
ng mga halataw pero pinipilit pa din ng mga itong lapitan sya. Papatayo na si
Ramses ng makita nyang may isang halataw na papasugod sa kanya. Ngunit dahil hindi
pa sya makakilos ng ayos alam nyang tatamaan sya ng tira nito.

Tatamaan na sana sya ng palakol ng halataw ng sinalag ito ng isang lalaki.


Hinawakan ng lalaki ang palakol at nabali

ito sa isang iglap lang. Bawat suntok na pinapakawalan ng lalaki at nahahati o


nabubutas ang mga halataw.
Pinagmamasdan lang ni Ramses ang lalaki habang inililigtas nito ang mga kaibigan
nya. Nakatalikod lamang ang lalaki habang nakikipaglaban. Pinilit nyang tumayo
upang lapitan ang mga kaibigang nakahandusay na sa lupa.

"R - Ryona, Perus, a - ayos lang ba kayo?" tanong ni Ramses habang hawak-hawak ang
kanyang balikat.

"Tumakas ka na Ra - Ramses. Hanapin mo na si Oney!" nanghihinang sabi ni Perus.

"Hindi ko kayo iiwanan dito." Sagot ni Ramses habang sinusubukang itayo si Ryona.

Inalis ni Ryona ang kamay ni Ramses. "Tama si Perus, iwanan mo na kami. Hanapin mo
na si Oney!" sigaw ni Ryona.

Tila narinig ng lalaki ang sinabi ni Ryona kaya't napatigil ito sa pakikipaglaban.

Biglang nakaramdam ng pagkakaba si Ramses. Hinawakan nya ng mahigpit ang kanyang


tenivis. Pinilit din namang tumayo nila Perus at Ryona.
"Ako ng bahala dito." Sabi ni Ramses.

Mabilis na tumakbo ang lalaki papunta sa direksyon nila Ramses. Sa sobrang bilis
ay hindi na sila nakaiwas. Tumalon ito at biglang napunta sa kanilang likuran.
Paglingon ng tatlo ay biglang tumumba ang isang malaking halataw. Ito pala ang
sinugod ng binatang bigla na lang sumulpot.

"Bilisan natin, umalis na tayo dito." Sabi ni Ramses habang inaalalayan ang
dalawang kaibigan.

"Ikaw na ba talaga yan, Ramses?" tanong ng lalaki.

Napatigil naman si Ramses ng marinig ang kanyang pangalan.

"Kilala mo ba sya?" tanong ni Ryona.

Dahan-dahang humarap si Ramses sa lalaki at laking gulat nya ng makita nya ito.
"Ikaw?"
Ngumiti ang lalaki kay Ramses. "Ako nga. Mabuti naman at naalala mo pa din ako.
Kamusta?" Kumaway ito sa dalaga.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 46)

Kabanata 46

"Matinding Karamdaman"

"Sino sya?" tanong ni Perus.

"Sya si - si Aragon." Tila nakahinga ng maluwag si Ramses ng makita ang taong una
nyang nakilala sa pagpasok ng Niraseya. "Salamat sa pagtulong mo sa'min ng mga
kaibigan ko." Pagpapatuloy ni Ramses.
"Kahit naman sino tutulungan ko. Ano bang ginagawa nyo sa lugar na 'to ng ganitong
oras. Masyado ng delikado dito." Lumapit sya sa tatlong nakatayo sa kanyang
harapan.

"Hinahanap kasi namin si - " bago pa man makatapos si Ramses ay pinigilan na sya
ni Perus.

"Hindi namin sya kilala. Wag mong ipagkatiwala ang paglalakbay natin sa kanya."
Matalim ang tingin ni Perus sa binatang tumulong sa kanila. Salamat sa pagtulong
mo. Mauuna na kami." Tumalikod sya sa kausap. "Ryona, Ramses, tayo na."

Hindi alam ni Ramses ang gagawin dahil naiipit sya sa dalawa. Sinubukan nyang
kausapin si Perus. Hinarang nya ito para

kausapin.

"Sige, hindi natin sasabihin kung anong pakay natin dito sa Mirnoff, pero
makakatulong sya sa'tin. Paano kung may sumugod ulit sa'tin." Hinawakan nito ang
kaibigan. "Magtiwala ka, kilala ko ang taong yan." Nakatitig ito sa kaibigan.

Tumingin si Perus kay Ryona. Tumango lamang ang dalaga. Humarap sya kay Aragon at
tiningnan nya ito. "Papayag ako sa gusto mo Ramses, pero kapag napahamak tayo,
kahit isang beses lang. Hihiwalay na tayo agad sa kanya."
Ngumiti si Ramses. "Salamat." Nilapitan nya agad si Aragon na nakatayo sa kanilang
likuran.

"Hayaan mo na. Mukhang magkakilala naman talaga silang dalawa," bulong ni Ryona
kay Perus.

"Hindi ko alam. Pero hindi maganda yung pakiramdam ko." Muling ipinagpatuloy ni
Perus ang kanyang paglalakad.

"Pagpasensyahan mo na nga pala si Perus." Sabi ni Ramses sa kaibigan. "Ano nga


palang ginagawa mo dito sa gubat?" tanong niya.

"Ha - napahiwalay kasi ako sa mga nagpapaligsahan at nakita ko kayo mula sa itaas
ng puno." Paliwanag ni Aragon

na parang hindi sigurado sa kanyang sinasabi.

"Ah ganun ba. Isa ka din sa mga kalahok di ba?" pagpapatuloy ni Ramses.

"Hindi. Ibig kong sabihin, hindi na ako nagtuloy sa ngayon. Hinihintay ko kasi ang
pagbabalik mo." Sagot ni Aragon.
Nabalutan naman ng kalungkutan ang mukha ni Ramses sa narinig.

"Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda?" tanong ni Perus.

"Hindi na kasi ako makakasali sa paligsahan. Nalaman ko na din kasi ang tungkol sa
aking mga magulang - at may ibang misyon na ako ngayon. Siguro ito talaga yung
nakatadhana sa'kin. Ang harapin si Bhufola." Malungkot na paliwanag ni Ramses
habang nakatungo ito.

"Bhufola?" bulong ni Aragon.

"Kilala mo sya?" napatingin ito kay Aragon habang naglalakad sila.

"Sino bang hindi nakakakilala sa kanya dito sa Niraseya? Kinakatakutan nga sya ng
lahat. Pero ikaw, haharapin mo pa

sya?" paliwanag ni Aragon.

Hindi na nakasagot si Ramses. Tahimik na lang sya naglakad na parang malalim ang
iniisip.
"Alam na ba ng mga kaibigan mo na galing sa ibang mundo?" mahinang tanong ni
Aragon.

Napatigil naman si Ramses sa paglalakad at napatingin agad sa binata. Hindi sya


mapakali at nag-aalalang narinig sya ng mga kaibigan.

"Wag kang maingay. Wala pa akong nababanggit sa kanila. Natatakot pa kasi akong
malaman nila. Hindi ko kasi alam kung matatanggap pa nila ako o hindi na. Naalala
ko kasi yung sinabi mo dati na wag ako basta-basta magtitiwala. Pero - pero sa
tingin ko dapat nilang malaman. Pero wag muna ngayon." Mahigpit ang pagkakahawak ni
Ramses sa kanyang mga kamay na nagpapakita ng sobrang pagkabalisa.

"Huwag kang mag-alala." Hinawakan ni Aragon ang dalaga sa balikat. "Wala naman
akong sasabihin."

Napalingon si Ryona at nakitang hawak-hawak nito si Ramses. Mabilis syang kumilos


at tinira nya ng pana ang binata. Ngunit dahil malakas

ang pakiramdam nya, napigilan nya ang pagtama ng pana sa kanyang balikat at sinalo
lamang ito.

"Mukhang palaging handa ang iyong mga kaibigan, Ramses." Nakatitig na sabi ni
Aragon sa dalaga.
Nilapitan ni Ramses sina Ryona. "Wala kayong dapat ipag-alala. Wag masyadong
magpadalos-dalos ha." Ngumiti ang dalaga. "Ipagpatuloy na natin ang paglalakad."
Nanguna sya sa paglakad para hindi mapansin ng kahit na sino ang kanyang
pagkabalisa.

Hindi pa man sila nakakalayo ay nakaramdam ng pagkahilo si Ramses. Nilalamig sya


at parang nanghihina.

"Sa tingin ko kailangan nating magmadali kasi gumagabi na din - " biglang natumba
si Ramses sa lupa.

Nagulat ang tatlo. Mabilis namang lumapit si Aragon at binuhat ang dalaga.

Tinutukan ni Ryona ang binata ng pana sa leeg habang nakahanda din ang sandata ni
Perus oras na kumilos ng masama si Aragon.

"Bitawan mo ang kaibigan namin." Utos ni Perus.


"Anong klase kayong kaibigan? Hahayaan nyo sya sa ganitong kalagayan dahil lang
pinag-iisipan nyo ako ng masama?" Sinubukan nyang tumayo buhat-buhat ang walang
malay na si Ramses.

"Binabalaan ka namin!" sigaw ni Ryona.

Biglang nanginig ang buong katawan ni Ramses at parang tumitirik ang mga mata
nito.

"Kailangan na natin syang mabigyan ng paunang lunas! Kung papaslangin nyo ako, isa
lang ang nasisigurado ko. Dalawa kami ng kaibigan nyo ang mawawala." Tumayo si
Aragon at nagmadali papunta sa kabilang direksyon.

Wala ng nagawa sina Perus at Ryona. Sinundan na lamang nila ang binata dahil nag-
aalala na din sila sa kalagayan ng kanilang kaibigan.

Mabilis kumilos si Aragon ngunit kaya pa rin syang sabayan ng dalawa.

"Saan mo balak dalhin si Ramses?" tanong ni Perus habang sinusundan si Aragon.


"Sa kubo ni Tata Domi. Sya lang ang pinakamalapit dito sa'tin ngayon." Mas
nagmadali si Aragon dahil sa hindi gumagandang

kalagayan ni Ramses.

"Siguraduhin mo lang na magiging maayos ang kalagayan ni Ramses. Kung hindi,


mapipilitan kaming labanan ka kahit iniligtas mo pa ang aming buhay." Paninindigan
ni Perus na hindi inaalis ang tingin sa tumatakbong binata.

Ilang sandali lang ang narating na nila ang kubo ni Tata Domi. Mabilis pumasok si
Aragon sa loob at inihiga si Ramses sa kahoy na sahig ng bahay. Lumabas ang isang
matanda at lumapit sa kanila.

"Aragon, sino ang dalagang iyan?" tanong ni Tata Domi.

"Isang kaibigan po. Bigla na lang syang natumba sa gitna ng kagubatan at hindi
namin alam ang gagawin." Nag-aalalang paliwanag ng binata.

"Sandali lamang at kukuha ako ng mga halamang gamot." Umalis sandali ang matanda.
Tila dumadaing si Ramses na hindi nila maipaliwanag. Naawa sila sa itsura ng
kaibigan na halos kulay asul na ang mga daliri nito at namumutla na ang mga labi.

Nilapitan sya ni Ryona at hinawakan ito sa kamay.

"Ramses, konting tiis na lang. Huwag kang susuko." Nagulat ito sa lamig ng kamay ng
kaibigan na parang naninigas na din. "Nasaan na ba yung manggagamot? Hindi na
maganda ang kalagayan ni Ramses. Perus gamitan na natin sya ng mahika!" Naluluhang
sabi ni Ryona.

"Tumigil kayo!" sigaw ng matanda. "Hindi lahat ng sakit ay kayang mapagaling ng


mahika. Hindi kayo dapat umaasa sa mahikang iyan. Bawat mahikang ginagamit nyo, may
nabubuong masamang mahika na nagpapalakas sa kadilima!" seryoso ang matanda sa
kanyang pagsasalita. Hindi agad nakakilos si Ryona sa takot sa matanda.

"Tumabi muna kayo." Umupo ang matanda sa tabihan ni Ramses. Isang basang tela ang
inilagay nito sa ulo ng dalaga. Nagdurog sya ng ilang dahon at ipinaamoy ito kay
Ramses. Kumuha din sya ng kaunting likido sa isang bote at ipinatak ito sa bibig ng
dalaga tsaka isinara ang bibig nito para makasiguradong nalunok ni Ramses ang
likido.

Iniligpit na ng matanda ang kanyang mga ginamit.


"Kamusta na po ang kalagayan ng kaibigan namin?" tanong ni Ryona.

"Gaano na ba sya katagal dito sa Niraseya?" tanong ng matanda.

Tila nagulat at naguluhan naman sina Perus at Ryona sa tanong ng matanda.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ni Perus.

"Sa nakikita ko, masyadong nabigla ang kanyang isip at katawan. Kung hindi sya
magiging maayos, kinakailangan nya munang bumalik sa pinanggalingan nya para dun
magpagaling," pagpapatuloy ng matanda.

"Pe - pero patungo na nga po kami sa pinanggalingan nya." Hindi maintindihan ni


Ryona ang sinasabi ng matanda.
Nabahala naman si Aragon sa mga binibitawang salita ni Tata Domi. Kahit hindi nya
sinabi dito na galing sa kabilang mundo si Ramses, nalaman pa din nya.

"Tata Domi, magkakamalay po ba sya?" iniba na lang ni Aragon ang usapan upang
hindi na mabigyang pansin ang sinabi ng matanda. Nais ng binata na mismong si
Ramses na ang magsabi sa kanyang mga kaibigan.

"Maghintay lang tayo sa epekto ng gamot. Kung baba ang kanyang lagnat, magigising
na din sya maya-maya." Tumayo ang matanda.

"Lagnat? Ano po ang lagnat?" pag-uusisa ni Perus. "Isa po ba itong malalang


sakit?"

"Tawag sa sakit sa lugar na kanyang pinagmulan," sagot ng matanda. Tumingin ito sa


dalawa at napansin nitong walang naiintindihan ang mga ito sa kanyang mga sinasabi.
Napansin din nyang balisa si Aragon. Dahil matalino ang si Tata Domi, naintindihan
nya sa kilos ni Aragon na hindi nya dapat banggitin ang tungkol sa pinanggalingan
ni Ramses.

"Ipaghahanda ko na muna kayo ng makakain at mukhang malayo pa ang inyong


pinanggalingan. Ikukuha ko na din kayo ng gamot para sa inyong mga sugat." Muling
umalis ang matanda at naiwan sila habang hinihintay ang pagising ni Ramses.
"Anong alam mo sa sinasabi ng matanda na yun?" tanong ni Perus kay Aragon.

"Hintayin nyo na lang ang pagising ng kaibigan nyo." Tumayo si Aragon at lumabas.

"Sa tingin mo ba hindi dito sa Niraseya lumaki si Ramses?" tanong ni Ryona.

"Posible yun. Hindi pa natin alam ang tunay na kwento ni Ramses. Hindi pa natin
napapatunayan kung totoo ang salin-saling kwento ng ating mga magulang tungkol sa
kanila." Sumandal si Perus sa may ding-ding ng pader at tumitig sa natutulog na
katawan ng kaibigan.

Habang hinihintay nilang magising si Ramses ay kumain na

muna sila. Nilagyan din nila Perus at Ryona ng halamang gamot ang kanilang mga
sugat na tinamo mula sa mga halataw.

Lumalalim na din ang gabi ngunit hindi pa din nagigising si Ramses. Pinalitan ni
Tata Domi ang telang nasa ulo ng dalaga. Nilagyan na din nya ito ng isang malaking
dahon sa noo at tiyan upang matanggal ang init sa kanyang katawan. Pinainom nya
ulit ito ng likidong gamot upang bumaba na ang kanyang temperatura.
"Mapapababa ng lunas na ginawa ko ang kanyang temperatura ngunit hindi pa sya
lubusang magiging magaling. Kailangan nya munang bumalik." Hinawakan ng matanda sa
balikat si Aragon. "Magpahinga na muna kayo. Malalim na din ang gabi. Bukas na
lamang kayo magdesisyon habang hinihintay ang kanyang paggising."

Pumasok na ang matanda sa kanyang silid at iniwan na sila doon. Humiga naman sa
kabilang sulok si Aragon upang makapagpahinga.

"Ryona, ikaw na muna ang matulog. Magpalitan tayo sa pagbabantay kay Ramses."
Naisip ni Perus na may masamang gagawin si Aragon sa kanyang kaibigan kaya't
babantayan nila ito hanggang sa magliwanag.

"Sige. Gisingin mo na lang ako kapag oras ko na para magbantay." Humiga si Ryona
sa mahabang upuan habang nakaupo lamang sa may pintuan si Perus.

Hindi din namalayan ng binata na makakatulog din sya dahil sa pagod. Nagising na
lamang ng matamaan ng sikat ng araw ang kanyang mukha. Napabalikwas sya at agad
hinanap ng kanyang mata ang kaibigan. Laking gulat nya ng makitang wala na sa
higaan si Ramses. Agad nyang kinuha ang kanyang sandata at ginising si Ryona.

"Ryona, si Ramses nawawala!" Hinanap ni Perus si Aragon ngunit wala na ito sa


kanyang kinatulugan.
Bumangon ang dalawa at hinanap agad ang kaibigan. Tiningnan nila ang buong kubo
hanggang sa likod bahay ngunit wala silang nakita na kahit na sino.

"Hindi. Hindi!" napasuntok si Perus sa pintuan ng kubo. Sa lakas ng kanyang suntok


ay natanggal ang pintuan.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 47)

Kabanata 47

"Hanggang sa muli, Niraseya"

"Perus, ayos ka lang?" boses ni Ramses ang kanilang narinig.

Napalingon agad si Ryona at nakita ang kaibigan na nakatayo sa harapang pintuan.

Nilapitan nila agad si Ramses. "Ano ka ba naman? Saan ka ba nagpunta? Nag-alala


kami sa'yo." Niyakap ni Ryona ang kaibigan. Nakita nyang nasa likuran lang nito si
Aragon.
Hinigit ni Perus ang kaibigan. "Ano sa tingin mo ang gagawin mo?"

"Teka teka, nagpasama lang ako kay Aragon na kumuha ng tubig at prutas. Uhaw na
uhaw kasi at gutom na gutom na ako. Hindi ko na kayo ginising dahil alam kong pagod
din kayo." Paliwanag ng dalaga.

"Kunin mo na ang mga gamit mo at aalis na agad tayo. Itutuloy natin ang
paglalakbay." Kinuha ni Perus ang kanyang mga gamit. Gayundin si Ryona.

"Ano pang hinihintay mo?" tumataas na ang tono ng boses ni Perus. Mas umigting ang
inis nya kay Aragon.

"Hindi kayo maaring magpatuloy sa paglalakbay!" humarang si Aragon sa kanilang


daanan.

"Huwag mo akong piliting labanan ka Aragon!" hinawakan ni Perus ang kanyang


palakol.
"Kung yan ang gusto mong gawin, pagbibigyan kita!" inilibas na din ni Aragon ang
kanyang espada.

Tila magsisimula na ang kanilang laban ng pumagitna si Ramses sa kanila.

"Tumigil kayo! Perus, may kailangan akong sabihin sa inyo." Hinawakan nya ang
palakol ni Perus at ibinaba nya ito.

"Kinakampihan mo ang lalaking yan kaysa sa'min, Ramses?" galit na tanong ng


binata.

"Hindi ko sya kinakampihan. Wala akong kinakampihan! Kung gusto mong ituloy ang
paglalakbay natin, sige! Aalis na tayo ngayon din!" kinuha nya ang kanyang gamit sa
loob at agad ding lumabas ng bahay. "Tayo na!"

"Ramses, wag mong pilitin ang sarili mo. Maari mo yang ikamatay," sinubukan nyang
pigilan ang dalaga.

Hindi pa man nakakalayo ang tatlo ay muling natumba ang dalaga. Agad syang
nilapitan ni Perus at binuhat ito. Nagdurugo na ang kanyang ilong.
"Ramses, ayos ka lang ba?" tanong ng kaibigan.

"A - ayos lang ako. Huwag kayong mag-alala." Nanghihinang sagot ni Ramses.

Nakita ng matanda na buhat-buhat ni Perus kaibigan.

"Saan mo dadalhin ang batang yan? Mas makakasama yan sa kanya! Ibalik nyo sya sa
loob ng aking kubo. Madali!" nagmadaling kumuha ng panggamot si Tata Domi.

Nagmadali namang ipinasok ni Perus si Ramses at ibinaba ito sa kahoy na sahig.

"Ano ba kayo, wag kayong mag-alala. Ayos lang ako." Nanghihinang sabi ni Ramses.
Pinipilit nya pa ding ngumiti kahit hindi maganda ang kanyang pakiramdam.

Nilapatan na sya ni Tata Domi ng lunas upang tumigil ang pagdurugo ng kanyang
ilong. Pinainom na din sya ng likidong

gamot at muling nilagyan ng basang tela sa noo.


"Ramses, sa tingin ko kailangan mo ng sabihin sa iyong mga kaibigan ang lahat."
Tumingin si Aragon kay Ramses at seryoso sya sa kanyang sinabi.

"A - anong dapat mong sabihin Ramses?" naguguluhang tanong ni Perus. Lumapit
silang dalawa sa tabihan ng kaibigan at umupo ang mga ito.

Umupo din naman si Ramses pero sinubukan syang pigilan ni Tata Domi.

"Ayos lang po ako." Humarap sya sa dalawang kaibigan.

Huminga muna sya ng malalim. "Ryona, Perus. Alam kong alam nyo na ang tungkol sa
aking ina at kay Bhufola. Akala ng marami isang alamat lang ang kwentong yun. Ako
ang batang hindi napaslang ni Bhufola."

"Pero hindi naman sya ang nagpalaki sa'yo, hindi ba?" tanong ni Ryona.
Ngumiti si Ramses. "Hindi, dahil mabubuting tao ang nagpalaki sa'kin."

"Mabuti naman. Nasabi ni Tata Domi na kailangan mo daw munang bumalik sa


pinanggalingan mo. Saang parte ba iyon

ng Niraseya? Ipagpaliban muna natin ang paglalakbay para ihatid ka. Nag-aalala na
din kasi kami sa kalagayan mo." Pagpapatuloy ni Ryona na nag-aalala na talaga sa
kaibigan.

Tiningnan ni Ramses ang dalawang kaibigan at naging seryoso na ito. "Hindi ako
lumaki sa Niraseya."

Tila nagulat ang dalawa sa kanilang narinig.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Perus.

"Galing ako sa kabilang mundo. Sa mundong hindi nasasakupan ng Niraseya. Noong una
hindi ko din alam kung bakit ako napunta dito. Pero nung nalaman ko na ang lahat,
naintindihan ko na." Tumigil sya sandali. "Kaya nga takot na takot ako. Wala akong
kakilala dito. Wala akong alam sa mahika. Hindi ako sanay sa pakikipaglaban. Isang
simpleng buhay lang mayroon ako sa mundo namin kasama si Tiya Ileta, si Iking at si
Tiyo Rodi." Hindi na napigilang pumatak ng mga luha ni Ramses habang inaalala ang
mga mahal nya sa buhay sa kabilang mundo.
"Kaya pala kakaiba ang iyong mga kilos at tila marami kang hindi alam.
Naiintindihan ko na." Sabi ni Perus na naliwanagan sa kanyang mga narinig.

"Gustong-gusto ko ng bumalik sa mundo namin pero hindi ko alam kung paano.

Kaya lang naisip ko din na may dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Yun ay ang
makilala kayo, at mailigtas ang Niraseya. Ibalik ang sigla at saya sa lahat. Para
matahimik na din ang aking mga magulang." Pagpapatuloy ni Ramses.

Hindi pa man sya natatapos magsalita ay napahiga na naman sya.

"Tata Domi, ano po bang nangyayari sa'kin?" tanong ni Ramses.

"Nabigla ang iyong katawan sa pagpasok mo sa Niraseya. Kung hindi ka agad


makakabalik sa inyong mundo, tuluyang mag-iiba ang sistema ng iyong katawan. Maari
mo iyong ikamatay." Yumuko ang matanda at hindi makatingin ng diretso sa dalaga.

"Meron po bang paraan kung paano sya makakabalik sa kanilang mundo?" nag-aalalang
tanong ni Ryona.

"Sa kalagayan nyang iyan, hindi sya maaring makagamit ng mahika dahil kakainin
lamang sya nito. Kung mayroon lang na marunong tumawid sa dito papunta sa kabila,
maari syang makabalik." Paliwanag ni Tata Domi.

"Ako." Lumapit si Aragon.

Napatingin

naman sina Perus at Ryona sa kanya na tila hindi sang-ayon sa kanyang sinabi.

"Ikaw? At sa tingin mo hahayaan namin syang umalis ng kasama ka?" pagmamatigas ni


Perus.

Hinawakan ni Ramses ang kaibigan sa braso. "Perus, dun kami nagkakilala ni Aragon
sa aming mundo. Kaya't magtiwala ka na makakabalik ako." Ngumiti lang si Ramses.

"Kung para sa kaligtasan mo, hindi na kami sasalungat." Pumayag na si Ryona sa


pagbabalik ni Ramses sa kanilang mundo kasama ni Aragon.

"Gusto muna naming malaman ang katotohan bago ka bumalik kung saan ka man
nanggaling." Mahinahong sabi ni Perus.
Natigilan naman sandali si Ramses at bahagyang napatingin kay Aragon. Tumango lang
si Aragon at iniayos ang mga prutas na kanyang dala-dala.

Hindi agad nakapagsalita si Ramses na bakas ang pangangamba sa kanyang mukha.


Umupo sya sa tabihan ni Perus na tila nag-iisip kung paano sisimulan ang kanyang
sasabihin.

"Hindi ka naman namin pag-iisipan ng masama. Kilala ka namin Ramses, pero mas
makikilala ka pa namin kung sasabihin

mo kung saan ka talaga nagmula." Kalmadong sabi ni Ryona na nakatingin lamang sa


kaibigan.

"Ngunit nasabi ko na ang lahat." Pagpupumilit ng dalaga.

"Ulitin mo ang iyong kwento ng mas malinaw para mapatunayan naming hindi ka lamang
gumagawa ng istorya." Pagmamatigas ni Perus.

Nagbuntong hininga si Ramses na tila nagdesisyon nang muling magkwento sa kanyang


mga kaibigan. "Sige, kung yan ang gusto mo."
Tumingin sya kay Perus at sumunod naman kay Ryona. "Noong una nagtatanong ako kung
bakit ako napunta sa mundong 'to. Nagtataka ako dahil hindi naman ako mandirigma at
wala akong dugong mahikera." Tumigil bahagya si Ramses.

"Isang ordinaryong tao lamang ako sa aming mundo kasama ng pamilyang nagpalaki
sa'kin. Masaya kami at walang problema. Hanggang isang araw napadpad kami sa
probinsya kung saan malapit sa isang sinaunang bahay." Muli ay napatingin si Ramses
kay Aragon.

"Anong sinaunang bahay?" pag-uusisa ni Perus.

"Ang

pintuan papunta Niraseya." Sagot ni Ramses. Uminom muna sya ng tubig at tsaka
nagpatuloy sa pagkukwento.

"Bago pa man ako makapasok sa bahay ay nakita ko na si Aragon. Sya din ang
tumulong sa'kin upang makapasok ng ayos dito sa Niraseya. At noong nasa Silko na
nga ako, nalaman ko ang mga totoong nangyari kung bakit napadpad ako sa kabilang
mundo." Malungkot ang mukha ni Ramses. Hindi nya kasi alam kung maniniwala ba ang
kanyang mga kaibigan sa kanyang mga sinabi.

"Kung gannun, sa kabilang mundo ka pala babalik?" tanong ni Ryona.


Tumango lamang si Ramses na tila mahirap sa kanyang sagutin ang tanong ng
kaibigan.

"Hindi pa kami nakakarating sa mundong sinasabi mo kaya't walang kasiguraduhang


masasamahan ka namin." Sabi ni Perus.

"Naiintindihan ko. Babalik din naman ako agad. Gusto ko lang din kasing kamustahin
sina Tiya Ileta. Siguradong nag-aalala na din sila sa'kin." Nabuhayan ng loob si
Ramses ng mabanggit ang kanyang pamilya.

"Ryona, Perus maraming salamat at tanggap nyo pa din ako kahit hindi ako katulad
nyong maharlika." Naluluhang

sabi ni Ramses.

"Maharlika ka din Ramses. Mas mataas ka pa nga sa'min kapag naibalik na sa ayos
ang lahat." Sagot ni Ryona. Lumapit sya sa kaibigan at niyakap ito.

Habang yakap-yakap si Ramses ng kaibigan ay nawalan muli ito ng malay.

"Ramses!" sabi ni Ryona habang hawak-hawak ang kaibigan. "Nawalan na naman sya ng
malay!"

Inihiga sya ni Aragon. Kitang-kita nila ang panghihina ni Ramses. Maitim na ang
ilalim ng mga mata nito at namumuti na ang mga labi. Nangingig na din sya na tila
na nilalamig.

"Anong nangyayari dito?" tanong ng dumating na matanda. Nakita nyang nakahiga si


Ramses na nanghihina na. "Magsitabi kayong lahat!" Nilapitan nya ang dalaga.

Bakas sa mukha nila Perus at Ryona ang pag-aalala. Wala naman silang magawa para
sa kaibigan.

"Kailangan nyo ng bumalik bago matapos ang araw na 'to." Sabi ni Tata Domi.
Tumingin sya kina Perus at Ryona

na tila humihingi ng permiso.

"Ihahatid na namin kayo." Sabi ni Perus. "Pumapayag na kaming bumalik si Ramses sa


kanila."

"Hindi na tayo dapat nag-aakasaya ng panahon." Sabi ni Aragon habang binubuhat si


Ramses. "May isang lihim na daanan para mabilis tayong makarating sa pintuan
pabalik sa kabilang mundo." Naunang maglakad si Aragon dala-dala si Ramses.
Agad namang sumunod si Perus sa kanya.

"Mauna na po kami Tata Domi. Marami pong salamat sa inyo." Sumunod naman agad si
Ryona sa kanyang mga kasama.

Sa di kalayuan ay may isang kweba. Dun pumasok si Aragon. Mabilis naman syang
sinundan nila Perus dahil wala pa din silang tiwala sa binata. Natatakot din sila
na baka isa lamang itong patibong upang makuha si Ramses ng mga kampon ni Bhufola.

"Siguraduhin mong tama ang daang tinatahak natin, dahil kung hindi - hindi mo
magugustuhan ang gagawin ko sa'yo." Pagbabanta ni Perus sa binata.

Malapit na sila sa liwanag ng makita nilang may mga itim na lumilipad papalapit sa
kanila.

"Mga

Nuter!" sigaw ni Ryona. Ginamitan nya ang mga ito ng kanyang mga pana upang hindi
magambala ang kanilang paglalakad.
Umuna naman sa paglalakad si Perus upang siguraduhing hindi masasaktan ang
kaibigang walang malay.

Nakarating sila sa pintuan papalabas ng Niraseya. Inilapag muna saglit ni Aragon


si Ramses upang buksan ang pintuan.

Itinapat lamang ni Aragon ang kanyang kamay sa pintuan at agad nagkaron ng isang
bilog na unti-unting lumalaki.

Bubuhatin na muli ni Aragon ang dalaga ng biglang nagdatingan ang mga Nuter at mas
marami na ito ngayon.

"Hindi na kami makakasama sa inyo. Dalhin mo na sya sa kanila. Kami na ang


bahalang makipaglaban sa mga Nuter na ito!" sabi ni Perus. Sinugod nya ang mga
Nuter na papalapit sa kanila.

Ginamitan na din naman ni Ryona ang mga mahiwagang pana ang mga ito upang mapuksa
na bago pa man makalapit sa kanila.
"Sige na Aragon! Umalis na kayo! Hihintayin na lamang namin ang inyong
pagbabalik!" Sumugod na din si Ryona

kasama ni Perus.

Nakita ni Aragon kung gaano nila protektahan si Ramses. Kaya't hindi na sya nag-
aksaya pa ng oras. Binuhat nya si Ramses at sumuot sa bukas na lagusan.

Patuloy sa pakikipaglaban sina Perus. Habang papalabas sa ng Niraseya sina Aragon


ay nakita nyang unti-unting natatalo sina Ryona ngunit wala na syang magawa dahil
pabalik na sila sa mundo ni Ramses.

Hindi nagtagal ay bigla silang sumulpot sa labas ng gate. Unti-unti din namang
nagkamalay si Ramses.

"Si Ramses? Ramses!" sigaw ni Aling Marta ng makita si Aragon na buhat-buhat si


Ramses.

"Saan ko po ba sya dadalhin? Meron po syang karamdaman." Tanong ni Aragon habang


papalapit sa matanda.

Binitawan ni Aling Marta ang hawak-hawak na walis-tingting. "Ay doon mo sya dalhin
sa kanila. Halika't sasamahan kita. Sumunod ka sa'kin." Nagmadaling maglakad si
Aling Marta. Sinundan naman agad sya ni Aragon.

Habang naglalakad ay nagkamalay na si Ramses.

"Aragon."

Bulong nito na bakas pa din ang panghihina.

"Ramses, nakabalik ka na." Nakangiting sabi ni Aragon. Ibinaba nya si Ramses


ngunit inaalalayan pa din nya ito.

Napatingin ang dalaga sa paligid at nakita nyang wala na nga sya sa Niraseya.

"Ileta! Ileta nandito na ang iyong pamangkin!" sigaw ni Aling Marta.

Napatingin si Ramses sa sumisigaw na matanda at nakita nya ang kanilang bahay.


Bumilis ang tibok ng kanyang puso ng makita ang tiyahin na papalabas ng bahay.
"Ano bang sinisigaw mo dyan Marta. Sino bang nagbalik?" tanong ni Ileta sa matanda
na hindi pa napapansin ang pagbabalik ng kanyang pamangkin.

Pumatak ang mga luha ni Ramses ng makita ang kanyang tiyahin. Napatakbo sya
papalapit dito.

"Ramses?" tulala ang matanda ng makita ang pamangkin na papalapit sa kanya.

"Tiya Ileta!" niyakap ng dalaga ang kanyang tiyahin ng mahigpit na mahigpit.


Bumuhos ang mga luha sa pagitan nila. Napawi ang lahat ng pag-aalala ng matanda ng
makita si Ramses.

"Nandito ka na ba talaga? Ikaw na ba talaga yan Ramses?" umiiyak na tanong ni


Ileta.

"Opo. Ako nga ito tiya Ileta. Ako po ito." Patuloy ang pag-iyak ni Ramses.

"Salamat at nagbalik ka ng ligtas. Dininig ng Diyos ang aking mga panalangin."


Umiiyak sa galak ang matanda sa pagbabalik ng kanyang pamangkin.
Napahinto si Ramses sandali. Pinahid nya ang luha ng kanyang tiyahin. "Tama na po
ang pag-iyak."

"Bakit parang may sakit ka?" Hinipo ang dalaga. "Mataas ang lagnat mo ah. Pumasok
na muna tayo sa loob." Sa sobrang abala ng lahat nakalimutan na nila si Aragon sa
labas. Mas pinili naman ni Aragon ang manatili sa labas ng bahay upang bantayan na
din si Ramses.

Kadarating pa lamang nila ng biglang humangin ng malakas at agad din namang


nawala.

"Hindi maganda ang kutob ko," bulong ni Aragon sa kanyang sarili.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 48)

KABANATA 48

"Pagkikita-kitang muli"
Nakita ni Aragon na nagtatakbuhan ang mga tao sa direksyon kung nasaan ang
sinaunang bahay. Dahil hindi maganda ang kutob ng binata ay minabuti nyang silipin
ang pinagkakaguluhan ng mga tao.

"Sobra naman ang mga batang 'yun. Paano natin sila matutulungan kung ganyan sila
karahas?" sabi ng isang babae sa kanyang katabi.

Hindi maintindihan ni Aragon ang sinasabi ng mga taosa paligid kaya't nagmadali
sya sa paglapit sa pinagkakaguluhan ng lahat. Tumatabi naman ang mga tao sa kanyang
daraanan at nappapatingin sa kanya. Papalapit na sya sa kinatatayuan ng
pinagkakaguluhan ng lahat ng biglang napansandal sa kanya ang isang lalaking tila
inihagis mula sa di kalayuan.

"Ayos lang ho ba kayo?" pag-aalalang tanong ni Aragon habang tinutulungang tumayo


ang lalaki.

Itinuro ng lalaki ang direksyon malapit sa harap ng sinaunang bahay. Tila


naaninagan nya si Perus na nakikipaglaban sa mga tao. Nagmadali sya upang lapitan
ang binata.
Aktong papasugod na si Perus ng makita nya si Aragon.

"Ikaw?" tila nabuhayan ang mga mata ni Perus ng makita ang binata.

"Paano kayo nakarating dito? Nasaan si - " itinuro ni Perus si Ryona na nakahiga
at walang malay.

"Anong nangyari sa kanya?" dali-dali nilang nilapitan si Ryona. Binuhat naman sya
si Aragon.

Papasugod na sana ulit si Perus sa mga tao ng awatin sya ni Aragon.

"Hindi sila mga kaaway. Wala silang mahika at mga hindi marunong makipaglaban."
Buhat-buhat na nya si Ryona. "Sumunod ka sa'kin."

Alerto pa din si Perus dahil gusto nyong pangalagaan ang kaibigan nya.
"Anong lugar ba 'to? Bakit ganyan ang itsura nila?" naguguluhang tanong ni Perus.

"Ito ang mundo ni Ramses." Pumasok sila sa gate nila Ramses. "At dito sya
nakatira."

"Sa maliit na tirahan na yan?" parang hindi makapaniwala si Perus sa nakita.

Pumasok sila sa loob at inilapag ni Aragon ang dalaga sa upuang nasa ibaba.

"Anong nangyari sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Ileta.

Wala syang malay at nakita nila ang sugat nito sa may tyan.

Agad naman syang nilinisan ng mag-asawa at pinainom ng gamot. Nilalagnat din sya
tulad ni Ramses.
"Tiya - " tawag ni Ramses habang bumababa ng hagdanan. Nagulat sya ng makita sila
Perus sa ibaba. "Bakit nandito kayo?" hinanap ng mga mata nya si Ryona. Nakita
nyang nakahiga ang kaibigan.

"Anong nangyari sa kanya?" Hinawakan ang kamay ng kaibigan. "Ayos lang ba sya?"
naiiyak nyang tanong.

"Maayos na sya. Wala na dapat kayong ipag-alala." Paliwanag ni Rodi.

Nakahinga ng maluwag si Ramses at umupo sa tabi ni Perus. "Anong nangyari


pagkaalis namin?"

Yumuko si Perus sandali.

"Ang daming Nuter. Hindi namin alam pero sobrang dami nila. Hindi namin mabilang.
Dumilim ang paligid. Puro Nuter na ang paligid at may pagsugod kung saan-saang
direksyon na hindi na namin makita. Hanggang sa tinamaan si Ryona. Alam ko - alam
ko pinrotektahan nya ako. Hinarang nya ang pagsugod na para sa'kin." Pinipigilan ni
Perus ang umiyak. "Papawala na ang lagusan papunta sa mundo nyo ng bigla akong
itinulak ni Ryona. Pero nakutuban ko ang gagawin nya kaya nahawakan ko agad sya. At
pagmulat ko, nasa labas na kami ng isang malaking bahay at pinaliligiran ng mga
kakaibang tao. Mukha silang mahihina pero iba ang tingin nila sa'min. At nakita
kong wala ng malay si Ryona. Lumalapit ang mga tao pero pilit ko silang inilalayo."
Hinaplos naman ni Ramses ang likuran ni Perus. "Ligtas na kayo kaya wala na kayong
dapat ipag-alala." Sabi ni Ramses.

"Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo Ramses?" tanong ni Aragon.

"Magaan na ang pakiramdam ko. Nakainom na kasi ako ng gamot. Pero ang inaalala ko
ay si Ryona. Kelan kaya sya magigising?" nag-aalalang tanong ni Ramses.

Umalis muna sina Ileta at iniwanan ang magkakaibigan upang makapagusap sila kahit
madami silang gustong itanong sa kanilang

pamangkin.

"Gamitan na lang natin ng mahika si Ryona para gumaling na sya at para makabalik
na tayo agad sa Niraseya." Pero nagulat si Perus ng tingnan nya ang kanyang kamay.
"Nasaan ang tekan ko?" tiningnan nya ang kamay ni Ryona, sumunod si Aragon at
panghuli si Ramses. "Kayo din?" gulat na gulat nyang tanong. "Anong nangyayari?"

"Hindi talaga lumalabas ang tekan sa mundong ito. Ang mahika dito ay base lang sa
mga mahiwagang salita." Paliwanag ko. "Nagulat din ako nung pumasok ako sa
Niraseya. Hindi ko alam kung para saan yung nasa kamay ko. Nagpapasalamat nga ako
kay Aragon at hindi nya ako pinabayaan." Ngumiti ito sa binata.
"Ramses!" sigaw ni Kim mula sa labas. "Ahhhhhhhhhh! Nandito ka na nga!" lumapit
sya agad sa kaibigan at niyakap ito.

"Kim!" masayang sabi ni Ramses. Nakatingin lang sina Aragon at Perus sa kanilang
dalawa.

"Kamusta ka na? Kakauwi ko lang galing Maynila. Pagdating ko sa bahay bungad agad
ni nanay na bumalik ka na nga daw." Naluluhang sabi ni Kim.

"Hindi din naman ako magtatagal Kim. Meron akong misyong dapat tapusin." Malungkot
na paliwanag ni Ramses.

"Anong ibig mong sabihin?" biglang sumulpot si Ileta ng marinig ang sinabi ng
pamangkin.

Tumayo si Ramses at inakbayan ang tiyahin. "Tiya, bumalik ako dito para
magpagaling. Pero hindi ibig sabihin nun hindi na ako aalis."

Nagdabog ang kanyang tiyahin at biglang umiyak. "Ilang gabi kaming hindi makatulog
sa pag-aalala sa'yo. Hindi mo alam kung gano kami kasaya nung bumalik ka. Para
akong nabunutan ng tinik dito." Sabay hampas sa dibdib nya.
"Tiya, hindi na po natin kelangang pagtalunan pa 'to. Ang mga magulang ko, alam
nyo naman di ba? Pero nagbago na ang lahat. Maraming inosenteng tao sa Niraseya ang
umaasa sa'kin, sa'min." tumingin sya sa mga kaibigan nya. "Hihintayin lang po
naming gumaling si Ryona. Babalik din po kami."

Lalong umiyak ang kanyang tiyahin na halos hindi na makapagsalita.

"Alam ko pong nag-aalala kayo sa'kin. Pero tiya, kung hahayaan ko na lang si
Bhufola na maghasik ng dilim sa Niraseya, hindi malayong mangyari na mundo naman
natin ang sisirain nya. Tiya, ako po ang

kailangan nya at hindi po ako papayag na mapahamak kayo ng dahil sa'kin. Hindi ko
mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa inyong hindi maganda. Kaya ako na
po ang kusang lalapit kay Bhufola." Pinahid nya ang luha ng kanyang tiya Ileta.

"Pero paano kung ikaw ang mapahamak? Paano kung ikaw ang mapatay nya?" nanginginig
ng matanda.

"Kelangan nyo pong maniwala sa'kin. Sa'min ng mga kaibigan ko. Tiya madami akong
natutunan sa Niraseya. Yung pakikipaglaban, yung mga mahika." Iniupo nya ang
kanyang tiyahin at nagsimulang magkwento.

Ikinwento ni Ramses ang mga nangyari sa kanya simula ng dumating sya sa Niraseya.
Napapatawa ang mga kaibigan nya at ang dalawang matanda sa kanyang mga kwento. Pati
sina PErus ay nagkwento na din.

Iba-iba ang ekspresyon sa mga mukha nila. Biglang matatakot na malulungkot na


matutuwa. Unti-unting naiintindihan ng pamilya ni Ramses kung anong mga pinagdaanan
nya at mga pagdadaanan pa nya.

"Basta palagi kang mag-iingat." Niyakap ng matanda si Ramses.

Biglang umubo si Ryona na ikinagulat ng lahat. Dahan-dahan syang dumilat. Una nyang
nakita si Perus, sumunod si Aragon at si Kim. "Nasaan ako?" dahan-dahan syang
bumangon. "Aray ang sakit!" napahawak sya sa tyan nya.

"Huwag ka kasi munang bumangon!" sabi ni Ramses. Lumapit agad sya sa kaibigan at
inihiga ito.

"Ramses! Ramses ikaw ba talaga yan?" naiiyak na tanong ni Ryona.

"Oo, ako nga 'to." Bigla syang niyakap ng kaibigan na tila takot na takot pa din
sa nangyari.
Habang nagkakamustahan ng pakiramdam ang mga nasa loob ng bahay bigla silang
nagulat sa nakatayong matandang babae sa kanilang pintuan at bigla itong nagsalita.

"Maari ba akong makahingi ng inumin." Lahat sila ay napantingin sa matanda. Puti


ang kulay ng kanyang buhok sa tila tumigas na. Nakaitim din sya na punit-punit at
mahahaba at itim ang mga kuko. May malaki din syang ilong na parang sa mangkukulam
at may hawak na isang tungkod.

Inabutan naman sya ng tubig ni Ileta. Nakatingin lamang ang matanda kay Ileta
habang umiinom ng tubig. Ilang sandali

pa ay natumba ang tiyahin ni Ramses at nabasag ang hawak nitong baso.

Napatingin agad sila sa matanda. Mabilis itong umaatras palabas habang tumatawa.
Agad nila itong sinundan. Ang matanda ay naging Nuter at may mga kasama pa ito.
Umiikot ang mga ito sa harapan ng bahay nila Ramses habang nagsisitawanan.

"Anong gagawin natin? Wala tayong mahika." Bulong ni Perus.

"Ramses, si tiya Ileta!" sigaw ni Kim habang hawak-hawak ang matanda. Hindi alam
ni Ramses ang gagawin.
Papasugod na sa kanila ang mga Nuter ng biglang may isang nakakasilaw na liwanag
silang nakita sa may gate. Isang liwanag na unti-unting tumunaw at nagpawala sa mga
papasugod na Nuter.

Nawala ang liwanag at nawala din ang mga Nuter.

"Hindi kayo nag-iingat. Hinayaan nyong bukas ang lagusan sa pagitan ng dalawang
mundo. Inilalagay nyo sa kapahamakan ang mga tao dito!" sabi ng isang lalaki.

"Ka - Ka Idong." Bulong ni Ramses.

Dire-diretso lang si Ka Idong papalapit kay Ileta. Hinawakan nya ang noo ng matanda
at biglang tinusok ang tiyan nito. Ilang sandali lang ay napaubo si Ileta at isang
itim na usok ang lumabas sa kanyang bibig.

"Ayos na sya." Sabi ni Ka Idong sabay tayo.


"Ramses sino sya?" tanong ni Perus.

"Sya ang nagdala sa'kin dito sa mundong 'to mula sa Niraseya." Paliwanag ni
Ramses.

"Galing na din sya sa Niraseya?" tanong ni Perus.

Tumango lang si Ramses. Pumasok silang tatlo sa loob ganun din si Ka Idong.

"Hindi kayo maaring magtagal dito. Kapag natuklasan ng mga kampon ni Bhufola ang
tungkol sa malayang lagusan, hindi sila magdadalawang isip na pumunta dito at
gawing mga Nuter ang lahat ng tao." Paliwanag ni Ka Idong.

"Anong ibig nyong sabihin?" tanong ni Ryona.

"Yung usok na tinanggal ko kay Ileta ay lason na magpapabago sa isang tao upang
mawala sya sa kanyang sarili at maging isang Nuter." Tumingin sya kay Ramses.
"Hindi kayo maaring maabutan ng kadiliman

dito. Kung hindi - " tiningnan nya ang pamilya ni Ramses. " - maraming tao ang
mapapahamak at wala kayong magagawa. Hindi gagana ang mahika nyo dito. Mas lalo nyo
lang silang palalakasin."
"Pero hindi pa magaling si Ryona, paano kami makakaalis?" tanong ni Ramses sa
matanda.

Nilapitan ni Ka Idong si Ryona. Hinawakan nya ang tiyan nito at tsaka pumikit. May
kung anong bulong syang sinasabi na sya lang ang nakakarinig.

"Aray! Ang inet!" sigaw ni Ryona.

Papasugod na si Perus pero pinigilan sya ni Aragon.

Sumigaw pa ng malakas si Ryona na lalong nagpabahala kay Perus. "Itigil mo yan!


Ramses tulungan mo sya!" nagwawala na si Perus pero hindi sya binibitawan ni
Aragon.

Ilang sandali pa ay napaupo si Ka Idong. Pawis na pawis at parang hinang-hina.


"Kailangan ko ng tubig." Umupo sya sa tabi ni Ryona.
Mabilis namang nilapitan ni Perus ang kaibigan. "Ayos ka lang ba?"

Parang gulat na gulat si Ryona. Hinawakan nya ang kanyang tyan. Tinanggal nya ang
bendang nakabalot dito at lahat sila ay nagulat ng makitang wala na ang sugat ng
dalaga.

"Masyadong malalim ang sugat mo kaya maraming lakas ko ang naubos sa pagpapagaling
sa'yo." Uminom sya ng tubig.

"Ka Idong, baka naman pwedeng hindi na bumalik si Ramses sa Niraseya?" tanong ni
Ileta.

"Hindi." Parang kinakapos sya ng hininga. "Sya ang kailangan ni Bhufola. Sya ang
kailangan ng Niraseya. Sya ang kailangan nating lahat para makaligtas." Paliwanag
nya sa matanda.

Niyakap ni Ileta ang kanyang pamangkin at patuloy pa din sya sa pag-iyak.

"Magpahinga na muna kayong lahat ngayon para may lakas kayo sa pagbalik nyo sa
Niraseya." Sabi ni Rodi.
Kumain sila ng tahimik. Tila balot ng lungkot ang buong bahay dahil na rin sa
mabilis na pagtakbo ng oras at aalis na naman si Ramses.

Tulog na halos lahat sa kanilang bahay. Magkakasama sa kwarto sina Ramses, Ryona,
tiyahing si Ileta at Kim. Naisip nyang

matulog kasama nila dahil masyado din syang nangulila sa pagkawala ng kaibigan.

Nasa kabilang kwarto naman sina Ka Rodi, Perus, Iking at Aragon. Nasa ibaba naman
si Ka Idong. Isang magdamag na katahimikan ang lumipas.

Nakaupo si Ka Idong sa ibaba ng bigla syang napadilat. Tila balisa sya kaya't
mabilis syang umakyat sa itaas at hinanap si Ramses.

Itinapat nya ang kanyang kamay sa ulo ni Ramses at bumulong ulit ng mga kakaibang
salita na halos sya lang ang nakakarinig. Lumiwanag ang pagitan ng kanyang kamay at
noo ni Ramses.

"Ang i-net," bulong ni Ramses na pawis na pawis.


Ilang sandali lang ay natapos din si Ka Idong. "Gawin mo ang tama Ramses.
Matatapos na din ang paghihirap ko." Bulong ng matanda.

Napadilat naman si Ramses at nakita si Ka Idong.

"Gumising na kayo. Kailangan na nating umalis." Lumbas ng silid si Ka Idong at


ginising ang mga lalaki sa kabila.

Habang naglalagay ng mga iba't-ibang gamot si Ileta sa isang maliit na bag ay


umiiyak ito. "May mga nakasulat na dyan kung para saan ang mga gamot na yan.
Dinamihan ko na din para pwede kang mamahagi sa iba." Sabi ng matanda habang
pinapawi ang luha sa kanyang mga mata.

"Tiya - "niyakap nya ang tiyahin. "Babalik naman po ako kaya wag na po kayong mag-
alala ha." Hinalikan nya sa ulo ang tiyahin. Tumayo sya at kinuha ang bag ng mga
gamot.

Lahat sila ay nasa ibaba na. Maliban kay Ka Idong.


"Nasaan na ba sya? Akala ko ba kailangan nating magmadali?" tanong ni Perus.

Maya-maya pa ay lumabas si Ka Idong. Pawis na pawis na parang nakipaglaban. May


dala-dala syang isang bote na may dilaw na uso sa loob na paikot-ikot lamang.
Iniabot nya ito kay Ramses.

"Ano po ito?" tanong ng dalaga habang tinitingnan ang bote.

"Para sa'yo yan. Matatanggal nyang ang itim na lason para maiwasan ang pagbabago
ng anyo upang maging Nuter." Paliwanag ng matanda at tumalikod. "Nagawa ko na ang
ilang taon kong pinaghintay. NGayon

ihahatid ko na kayo." Sabi ng matanda.

Papaalis na silang lahat kasama sina Ileta. "Hindi kayoo maaring sumama." Sabi ni
Ka Idong.

"Pero bakit?" tanong ni Iking.

"Dahil may mga naghihintay sa daraanan namin. Mapapahamak lang kayo kung sasama pa
kayo sa'min." Nagpatuloy sa paglalakad si Ka Idong.
Niyakap naman ni Ramses isa-isa ang kanyang pamilya kabilang si Kim. "Mag-iingat
po kayo palagi ha. Mahal na mahal ko po kayong lahat." Umiiyak na sabi ni Ramses.

"Ramses halika na!" sigaw ni Ryona mula sa labas ng gate.

"Mag-iingat ka dun anak ha? Ingatan mo ang sarili mo." Umiiyak na sabi ni Ileta.

Tumalikod naman si Ramses dahil baka hindi pa sya makaalis dahil sa lungkot.
Pinahid nya ang kanyang mga luha at lumapit na sa mga kaibigan.

Kumaway ang mga kaibigan nya sa pamilya ni Ramses. "Marami pong salamat sa inyo!"
sigaw ng mga ito.

Ngayon sabay-sabay silang naglakad papunta sa sinaunang bahay. Habang papalapit


sila ng papalapit ay lumalakas ang hangin.

"Humanda kayo." Babala ni Ka Idong.


Naglakad sila ng alerto. Pagpasok nila ang bahay tulad ng inaasahan ni Ka Idong ay
nagsulputan ang mga Nuter.

Lumiwanag ang dala-dala nyang tungkod at nahahawi ang mga Nuter. "Ako na ang
bahala dito. Tumuloy na kayo." Sabi ni Ka Idong.

Agad namang sumunod sina Ramses ngunit may pagdadalawang isip sa kanyang mga mata.

Lahat ng Nuter sa daraanan nila ay tinatamaan ni Ka Idong ng liwanag mula sa


kanyang tungkod.

"Bakit may mahika sya dito sa mundo nila?" tanong ni Perus.

"Yan lang ang ginagawa nya buong buhay nya. Ang gumawa ng mahika ng walang tekan."
Sagot ni Ramses.
"Ayun na yung lagusan. Ganun pa din sya kaliit tulad nung iniwan natin kahapon."
Sigaw ni Ryona habang nakaturo sa

lagusan.

Kitang-kita nila na dun lumalabas ang mga Nuter na sumusugod sa kanila.

"Bilisan nyo!" sigaw ni Ka Idong na parang hirap na hirap na.

Sabay-sabay sinugod ng mga Nuter si Ka Idong at biglang nawala ang liwanag.

Babalik sana si Ramses para tulungan ang lalaki pero pinigilan sya ni Aragon.

"Kelangan na nating magmadali." Pinauna nya si Ramses sa paglalakad.

Nakapasok na sina Perus at Ryona. Bigla ulit nagliwanag at nakita nya si Ka Idong
na nakahiga at isa-isang pumapasok sa katawan nya ang mga NUter.
"Anong nangyayari?" naguguluhang tanong ni Ramses.

"U - m - ma - l - lis na k - kayo!" nahihirapang sabi ni Ka Idong.

Parang kung may ano sa katawan nya na kusang hinihigop ang mga Nuter na
paparating.

"Ang lason. Nalalason sya!" sigaw ni Ramses. Patakbo na sya ng bigla syang binuhat
ni Aragon papasok sa lagusan.

"Hindi! Hindi! Bakit natin sya iiwan? Tinulungan nya tayo!" Tiningnan nya si
Ryona. "Tinulungan ka nya! Bakit natin sya iiwan?"

Pero huli na ang lahat. Nasa loob na sila ng lagusan pabalik. Isang liwanag ang
lumabas sa katawan ni Ka Idong at unti-unting naglalaho ang kanyang katawan.
Kasabay nun ang pagsara ng lagusan.

"Hindi!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Ramses na walang


magawa.

A/N

Sorry guys for super duper late update. Sobrang naging busy lang talaga. But don't
worry I will try my very best to update atleast once a week. Thank you sa lahat ng
matiyagang naghihintay. :)

Sana mabasa nyo din po yung iba kong stories: SUMPA and PERFECT HATERS. Maraming
salamat po.

*MelaBrio*

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 49)

A/N

Dahil alam kong naghihintay kayo ng susunod na mangyayari kaya naman nag-update ako
kaagad. Sana ishare natin yung Ramses in Niraseya sa iba para mabasa din nila. Para
madaming bumasa. :) At sana wag na wag nyong kalimutang bumoto. Gusto ko din na
magcomment kayo para alam ko kung nagustuhan nyo. Mas ginaganahan ako kapag alam ko
yung mga palagay nyo. :)

Hindi ko na papatagalin pa. Happy reading.

***********************************

KABANATA 49

"SI ONEY"
"Pwede pa natin syang matulungan!" inilabas ni Ramses ang ibinigay ni Ka Idong na
bote na may laman na usok. "Ito, mapapagaling sya nito - " napatigil si Ramses na
parang may naisip.

"Tama ang naiisip mo. Ngayon naiintindihan mo na kung bakit kita hindi pinigilan?"
sabi ni Aragon na bahagyang tumalikod sa dalaga.

"Pero - bakit?" naguguluhang tanong ni Ramses.

"Matagal na panahon na syang nabuhay. Kahit gusto nyang wakasan ang buhay nya hindi
nya magawa dahil sa isang sumpa. Ang sumpa ng pagkaimortal." Tumingin si Aragon sa
itaas. Nakatingin laman sila Perus at Ryona sa kanya habang nagpapaliwanag.

"Paanong matagal na panahon? Hindi ba't kasabay lamang nya ang mga magulang ko
dito sa Niraseya? Nakita kong sya ang nagligtas sa akin mula kay Bhufola," pumatak
muli ang mga luha ni Ramses ngunit agad naman nya itong pinahid.

"Hindi." Diretsong sagot ni Aragon. Humarap sya kay Ramses at tiningnan ito sa
mata.

Gulat na gulat naman si Ramses sa isinagot ni Aragon. "A - anong ibig mong
sabihin?"

"Imortal na sya kahit bago pa lamang isilang ang iyong mga magulang. Isa sya sa
mga nanalo sa paligsahan sa Niraseya," huminto sandali si Aragon na tila
nagdadalawang isip sa kanyang sasabihin.

Biglang naalala ni Ramses ang tungkol sa paligsahan na minsang nagtulak sa kanyang


pumasok sa sinaunang bahay. Naisip nya dati na kung mananalo sya sa paligsahan ay
makakahiling syang makita ang kanyang mga magulang. Ngunit dahil sa hindi
inaasahang pagbabago ng mga pangyayari, nasagot ang tanong nya habang sya

ay nasa Silko. Nakilala na nya ang kanyang mga magulang at nalaman nya ang kanyang
buong pagkatao. Naisantabi ni Ramses ang pagsali sa paligsahan dahil nagkaroon sya
ng ibang misyon. Mas malaki higit pa sa pagkapanalo sa paligsahan na iyon.

"Hindi ba't maaari kang humiling kapag nanalo ka sa paligsahan na iyon?" pag-
uusisang tanong ni Ramses.

Tumalikod si Aragon at naglakad. "Mabuti pa bumalik na tayo sa Mirnoff."

"Pero hindi mo pa sinasagot ang mga katanungan ko Aragon!" sigaw ni Ramses na


hindi pa din umaalis mula sa kanyang kinatatayuan.
Tumigil si Aragon at tumingin ng diretso sa dalaga. Tila nag-aapoy ang kanyang mga
mata na may nais ipahiwatig na hindi naman maintindihan ni Ramses. "Masasagot ang
lahat ng katanungan mo sa Mirnoff kaya sumunod ka na lang!" muli ay tumalikod sya
at nagpatuloy sa paglalakad.

Sumenyas naman si Ryona sa kaibigan na sumunod na lang sila kay Aragon. Alam nila
ni Perus na masyadong nagulat si Ramses sa nangyari kay Ka Idong kaya't hindi na
din sila nakisabad sa usapan nilang dalawa ni Aragon.

Muli silang dumaan

sa kwebang dinaanan nila galing sa Mirnoff. Nag-iisip pa din si Ramses habang


naglalakad sila at nahuhuli pa din sya.

"Tama! Ang Mirnoff ay ang lugar kung saan ginagawa ang paligsahan." Biglang
nagkaroon ng ngiti sa kanyang mga labi. "Hintayin nyo ako!" sigaw ni Ramses habang
itinataas ang kanyang kamay.

Huminto sandali si Ryona at nakita ang tumatakbong kaibigan. Laking gulat naman ni
Ryona ng biglang natumba si Ramses. "Ramses!" sigaw nito na agad lumapit sa
papatayong kaibigan.

"Anong nangyari?" nagmadali din naman sina Perus at Aragon na tulungan si Ramses.
Isinandal muna nila ang dalaga sa isang bato. Pinagpapawisan si Ramses at hindi
nila alam ang gagawin.

"Hindi pa din ba mabuti ang pakiramdam mo?" malungkot na tanong ni Ryona.

Tumango si Ramses at ngumiti. "Pero mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon kesa
nung nakaraan. At isa pa may mga dala na akong gamot. Mabisa ito at hindi na
kailangan pa ng mahika." Masiglang paliwanag ni Ramses. Kumuha sya ng isang gamot
at isinubo ito kasabay ng paginom ng tubig.

Pinagmamasdan lamang sya ng mga

kaibigan at bakas sa mga mata nila ang pag-aalala kay Ramses. Ilang sandali pa ay
tumayo si Ramses at nag-inat-inat ng katawan.

"Tayo na sa Mirnoff!" nauna syang maglakad na tila hindi makapaghintay na


makarating sa pupuntahan.

"R - Ramses, si - sigurado ka bang ayos ka lang?" nangangambang tanong Ni Ryona.


Kinakabahan sya sa mga ikinikilos ng kaibigan. Alam nyang hindi madaling sumuko si
Ramses lalo na't para sa ibang tao ang ipinaglalaban nya.
"Pasanin na lang kaya kita. Baka kasi mapagod ka nyan kung maglalakad ka hanggang
Mirnoff." Dali-daling nilapitan ni Perus ang kaibigan pero nagulat sya sa reaksyon
ng mukha nito. Nakangiti. Isang magandang ngiti. Ngiti na punong-puno ng pag-asa.

"Huwag nyo akong alalahanin. Kaya ko naman talaga. Totoo." Tiningnan nya isa-isa
ang mga kaibigan.

Nilapitan ni Ryona ang kaibigan at kinapitan ito sa kanyang braso. "Ikaw talaga!
Napakatigas ng ulo mo kahit kailan." Nagtawanan silang dalawa. Maya-maya pa ay
sumingit si Perus sa gitna nilang dalawa.

"Ano ka ba huwag ka ngang makisali dyan!" Inis na sabi ni Ryona sa binata.

Pinaghiwalay ni Peru sang magkadikit na dalaga at pumagitna ito. Inakbayan nya ang
dalawa. "Kaibigan ko din naman si Ramses kaya huwag mo syang solohin!" nakangiting
sabi ni Perus.

"Ah basta! Mga babae kami kaya dapat huwag kang makikisali sa usapan namin!"
pagpapatuloy ni Ryona.

Naglakad silang tatlo habang nagtatawanan. Pinagmasdan lang ni Aragon ang


magkakaibigan. Kitang-kita nya ang saya sa mga mukha nila. Para bang hindi sila
kayang talunin ng kahit na sino kapag magkakasama sila. Lumalakas ang bawat isa sa
kanila dahil sa kanilang mga kaibigan. Nasaksihan lahat ni Aragon kung paano
pahalagahan nila Ryona at Perus si Ramses. Napangiti na lang si Aragon at
nagpatuloy na din ito sa paglalakad.

Nakarating sila sa isang napakaling kaharian - ang Mirnoff. Kulay berde at puti
ang tangi mong makikita sa paligid. Berde ang kulay ng bubong, mga bintana at
pintuan ng kaharian samantalang puti naman ang kulay ng mga pader nito. Tila isang
malaking puno na tinayuan ng malaking palasyo ang itsura ng Mirnoff.

"Nandito na tayo." Sabi ni Aragon at nilapitan ang tatlong magkakaibigan.

Dumiretso naman ang apat sa loob ng kaharian kasama ang mga kawal nito. Inihatid
sila kay Oney na kasalukuyang nakaupo sa kanyang trono at naghihintay sa kanila.

Namangha sila sa kanilang nakita. Mga iba't ibang ibon ang nagliliparan sa loob ng
kaharian. Nakita nila na may bubong ang kaharian kaya't nagtataka sila kung paanong
nakikita ang mga ulap mula sa loob. May mga magagandang dilag na tila engkantada
ang lumilipad at namimitas ng mga bunga mula sa puno. Maliliit sila at mabibilis
kumilos. Tila isang tubig naman ang sahig na kanilang nilalakaran. Kitang-kita doon
ang kanilang mga repleksyon.

Napakaaliwalas ng loob ng palasyo. Ang mga larawang nakasabit sa mga pader ay tila
isang palabas sa telebisyon na napapanood lang ni Ramses sa kanilang mundo.
"Ano ang mga yan?" mahinang tanong ni Ramses.

"Iyan ang larawan ng nakaraan." Sagot ni Oney.

Tila nagulat naman si Ramses sa narinig at napatingin sa unahan. Hindi nya


napansin na nakarating na pala sila sa unahann. Nakita nyang nakaupo ang isang
matandang lalaki. Halos magkamukha din sila ni Maestro Boro. Mahaba din ang kanyang
buhok ngunit parang abo ang kulay nito. Kulay kahoy naman ang kanyang suot at may
hawak

na isang tungkod na parang sanga ng punong kahoy. Napansin din ni Ramses ang trono
nito na parang isang halaman. Gumagalaw ang mga paa nito na tila ugat ng isang
puno. May palamuting dahon din sa ulo ang matanda na nakapaikot sa ulo nito.

"Maligayang pagdating sa Mirnoff!" bati ng matanda. Pumalakpak ito at sa isang


iglap biglang may umikot sa apat na mga maliliit na putting nilalang. Tila mga
engkantada na lumilipad. Katulad din sila nung mga namimitas ng bunga ngunit puti
lamang ang kulay nila kumpara sa mga iyon.

Patuloy sa pag-ikot ang mga ito. Biglang nagkaroon ng mga bulaklak sa paligido na
tila isinasaboy sa kanila. Napangiti sina Ryona at Ramses sa ganda ng kanilang
nakita. Nagtatawanan din ang mga maliliit na lumilipad na iyon na parang masaya sa
kanilang ginagawa.

Ilang sandali pa ay muling nag-alisan ang mga ito. Lumipad ito papalayo sa
kanilang apat.
"Ang ganda. Ano kaya ang mga iyon? Hindi ko alam na may ganoong klaseng nilalang
sa Niraseya." Manghang tanong ni Ryona na patuloy pa rin ang pagtingin sa paligid.

"Hindi mo alam ang tawag sa mga nilalag na iyon?" gulat na tanong ni Perus habang
napapakamot sa kanyang ulo.

Kibit balikat lang si Ryona.

"Sila ang mga Kitna. Mga maliliit na nilalang na iba't-iba ang kulay depende sa
trabahong iniatas sa kanila. Maraming Kitna noon sa Niraseya ayon sa mga ninuno ko.
Ngunit sinimulan silang hulihin ng mga tao dito upang gawing alipin. At dahil dun
hindi na muli sila nakihalubilo sa kahit na sino." Tiningnan ni Perus ang mga
Kitna. Masaya ang mga ito. Umaawit pa sila habang ginagawa ang mga kanya-kanyang
gawain.

"Malaya silang gawin ang kahit ano sa lugar na ito. Hindi sila inaalipin."
Pagpapatuloy ng binata.

Nakikinig silang lahat kay Perus ng biglang pumalakpak ang matanda sa kanilang
unahan. "Magaling bata. Marami kang alam."
"Marami pong salamat." Tumungo si Perus sa matanda.

"Ipagpaumanhin nyo, kayo po ba si Oney?" pangahas na tanong ni Ramses.

Nagulat ang matanda sa tanong ni Ramses at hindi ito agad sumagot.

"Ipinadala po kami dito ni Maestro Boro. Matutulungan nyo daw po kami para matunton
si Bhufola. Nakikiusap po ako sa inyo, sana po ay matulungan nyo kami." Tumingin si
Ramses ng diretso sa matanda at tsaka sya lumuhod.

"Tumayo ka." Utos ng matanda na agad namang sinunod ng dalaga. "Alam kong may
darating dito na estudyante ni Boro. Ngunit hindi ko akalaing hindi nyo pa alam
kung saan matutunton si Bhufola gayong - " ng biglang nagsalita si Aragon.

"Gusto ko silang matulungan pero hindi ko din alam kung saan mahahanap si Bhufola
kaya't sana ay matulungan nyo sya." Tumingin si Aragon kay Oney. Isang tingin na
may ipinapahiwatig.
Nangungusap ang mga mata ni Oney at ni Aragon. Bakas sa mukha ni Oney ang
pagkabigla na may halong pagkatuso.

Tiningnan ni Perus si Aragon at nakita nya ang mukha nito na parang balisa. Na
tila may gustong sabihin na hindi nya magawa.

" - kung ganon pala kailangan nyo nga talaga ang aking tulong." Ngumiti ang
matanda na tila may hindi magandang naisip. Tumayo sya at bumaba sa kanyang trono.
"Sumunod kayo sa'kin."

Nagtinginan sina Ryona at Ramses. Ang mga mata nila ay nangungusap na nagsasabing
hindi maganda ang kanilang kutob sa mangyayari. Wala din naman silang nagawa kundi
ang sumunod sa matanda.

Muli ay tiningnan ni Perus si Aragon. Kahit kelan ay hindi pa din nya nagagawang
pagkatiwalaan ng buo. Napansin ni Aragon ang matalim na tingin ni Perus at agad
syang umiwas dito. Sumunod sya kina Ramses at ganun din si Perus.

Pumasok sila sa isang malaking silid. Ang silid na iyon ay kulay puno. Ang mga
upuan sa loob ay tila mga sanga ng puno na tila gumagalaw at namimili ng uupo sa
kanila.

"Maupo kayo." Utos ni Oney habang umuupo din sya sa isang malaking upuan na para
lang sa kanya.

"Marami pong salamat at sasabihin nyo na kung saan makikita si Bhufola." Tuwang-
tuwang sabi ni Ramses.

Tumawa ang matanda at tumingin kay Aragon. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ba
nabanggit ni Boro ang mga patakaran ko pagdating sa pagbibigay ng impormasyon?"
Hinawi ni Oney ang kanyang buhok.

"A - ano pong patakaran? Wala po kaming alam tungkol dyan." Naguguluhang tanong ni
Ryona.

"Kung gayon, hayaan nyong ipaliwanag ko sa inyo." Ngumiti ang matanda na tila
nasasabik.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 50)

Kabanata 50

"ANG PALIGSAHAN"
Nakaramdam naman ng pagkakaba ang magkakaibigan. Hindi nila alam kung kaibigan ba
o kaaway si Oney. Alam nilang hindi naman sila ipapahamak ni Maestro Boro. At alam
nilang wala na silang ibang maaasahan kundi ang bawat isa at ang kanilang mga
sarili.

Iwinagayway ni Oney ang kanyang kaliwang kamay at lumapit ang isang malaking
larawan na nakasabit sa pader.

Ibinaba na ni Oney ang kanyang kamay ng nasa harapan na nila ang malaking larawan.
Ilang sandali pa ay gumalaw ang mga bagay sa loob nito na tila nagsasalaysay ng mga
nangyari.

"Matagal na panahon na ng magsimula ang isang paligsahan dito sa Niraseya.


Maraming sakim sa kapangyarihan kaya't ninanais nilang manalo dito. Ngunit marami
rin ang kulang sa kaalaman." Panimula ng matanda.

Nakatingin sila sa larawan ng biglang naglabasan ang mga taong naglalaban-laban.


Isang brutal na labanan ang kanilang nasaksihan. Marami ang naiwang nakahandusay sa
lupa habang unti-unting nawawala sa larawan ang mga nagwagi. Ilang sandali pa ay
nagbago ng anyo ang mga naiwang nakahiga sa lupa. Naging sanga ang mga kamay

nila at ugat ang mga paa. Bakas sa mukha ng mga taong iyon ang sakit sa pagbabago
ng kanilang anyo. Tumubo ang mga dahon sa kanilang ulo at naging kahoy ang buo
nilang katawan.
"Paghihirap. Isang matinding paghihirap." Bulong ni Ryona na tumutulo na ang mga
luha. Galing sa kahariang Likas si Ryona kaya naman malapit sya sa mga halaman.
Masama man o mabuti ang halaman ay madali nyang malaman. May kakayahan ang mga
tulad nyang makausap ang mga halaman sa kahit saan.

"Sila ang mga halataw." Biglang nagsalita si Oney. "Ang mga halataw ay mga
mahihinang nilalang na nagnanais ng matinding kapangyarihan o lakas. Sila ang mga
nabigo at wala silang ninanais kundi - "

" - ang makawala sa sumpang yan. Ang makahanap ng papalit sa pwesto nila."
Ipinagpatuloy ni Ryona ang sasabihin ni Oney bago pa man ito makatapos.

"Mahusay bata. Batid kong galing ka sa kaharian ng Likas." Tiningnan nyang mabuti
si Ryona na tila interesado dito.

"Sino? Sino ang nagsumpa sa mga halataw? Hindi nila ninais ang maging isang
tagapagsilbi." Nakatulalang tanong ni

Ryona habang tinitingnan ang mga halataw.

"Walang lugar sa mundo ng Niraseya ang mga ganid ngunit mahihinang nilalang. Yan
ang sinabi ni Bhufola. Kung kasali ka sa paligsahan at natalo ka, malaki ang
posibilidad na maging isa kang halataw. Pero - " bahagyang ngumiti si Oney. " -
kung sa labas ka ng Mirnoff matatalo sa kamay ng mga kampon ni Bhufola, magiging
isa ka sa mga alipin nya - tulad na lang ng mga Nuter." Pagtatapos nito.
"Ano ba ang gusto mong mangyari?" mausisang tanong ni Perus.

"Ang lumaban kayo sa mga piling halataw dito sa kaharian ko. Kapag nanalo kayo,
ibibigay ko ang impormasyon na gusto nyo. Matutunton nyo si Bhufola. Pero kapag
natalo kayo, ang mga halataw ay babalik sa tunay nilang anyo at kayo ang papalit sa
pwesto nila." Bahagyang tumawa si Oney.

Bumalik sa orihinal na anyo ang litrato at nawala ang mga gumagalaw na bagay sa
loob nito.

"Kung gayon - maari na ba nating simulan ang paligsahan?" nakangiting tanong ni


Oney na tila nasasabik sa paglalaban na magaganap.

"At paano kung hindi kami pumayag sa gusto mo?" tanong ni Ramses na matalim ang
tingin sa matanda.

"Oh - ang prinsesa mukhang natatakot maging isang halamang tao." Naging seryoso
ang mukha ni Oney na tila hindi gusto ang tingin sa kanya ni Ramses. "Kung hindi
kayo susunod sa gusto ko maari na kayong umalis at hanapin nyo si Bhufola. Yun ay
kung makikita nyo sya." Tumawa ng malakas ang matanda na tila isang tagumpay ang
kanyang nakamit.
"Lalaban tayo." Mahinang sabi ni Perus sa mga kasama.

Humarap sila sa isa't-isa para mag-usap-usap sa kung ano ang dapat nilang gawin.

"Hindi natin alam kung anong nasa isip nya. Paano kung kalaban natin sya? Paano
kung kakampi pala sya ni Bhufola?" nag-aalalang tanong ni Ramses.

"Pero sinabi sa'tin ni Maestro Boro na sya ang makakapagturo sa'tin sa


pinagtataguan ni Bhufola. Hindi naman tayo ipapahamak ng maestro natin."
Naguguluhang sagot ni Ryona.

"Yun ba talaga? Bakit hindi nya nabanggit ang tungkol sa paligsahan? Alam nyang
dadaan tayo sa ganitong pagsubok na maari nating ikapahamak pero hindi man lang nya
tayo binalaan. Hindi man lang nya tayo sinabihan para nakapaghanda tayo." Galit na
sabi ni Perus na hindi alam kung sinong papaniwalaan.

"Alam nyang mangyayari ito." Natigilan ang lahat ng marinig ang sinabi ni Ramses.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Perus.

"Inihanda nya tayo. Alam nyang darating tayo sa ganitong sitwasyon. Ayaw nyang
paghandaan natin ang pakikipaglaban sa mga halataw dahil sa isang malalim na
dahilan." Hinawakan ni Ramses ang kanyang ulo. "Natatandaan nyo ba yung mga huli
nyang sinabi bago tayo umalis? Ti - tingin ko may kinalaman yun dito." Tumingin sya
kay Perus. "Isipin mong mabuti. Alam kong matalino ka at kaya mong mapagdugtong-
dugtong ang mga bagay-bagay."

Napaisip din si Perus sa sinabi ng dalaga. Panandaliang nabalot ng katahimikan ang


paligid.

"Lalaban ba kayo o aalis na tayo?" biglang sumingit sa usapan si Aragon at binasag


ang katahimikan.

"Lalaban tayo." Buo ang loob na sagot ni Ryona. "Hindi tayo binigyan ng pamimilian
ni Maestro Boro na kung hindi tayo magtagumpay sa paghanap kay Oney ay may iba pa
tayong taong malalapitan." Pansamantala syang tumigil at isa-isang tiningnan ang
mga kasama. "Isa lang ang ibig sabihin nito. Wala tayong ibang magagawa

kundi ang lumaban. Isa lang ito sa mga pagsubok ni Maestro Boro. TUlad ng sinabi ni
Ramses, alam nyang mangyayari 'to pero hindi nya sinabi dahil isa itong pagsubok.
Pagsubok na tanging mga sarili lang natin ang makakasagot." Tumalikod ang dalaga at
humarap kay Oney.

"Lalaban kami - basta ipangako mo na tutupad ka sa pinagkasunduan." Napayuom ang


mga kamay ni Ryona na tila sabik na sa labanang magaganap.
"Kahit kailan ay hindi pa ako nagbibitaw ng salita na hindi ko tinutupad." Tumayo
ang matanda at ang umupan nito at naging isang palamuti na lamang sa pader. "Kung
gayon magsisimula na ba tayo?"

"Tama si Ryona, lalaban tayo." Humarap na din si Perus sa matanda. Sumunod din
naman si Ramses at Aragon.

"Sumunod kayo sa'kin." Nakangiti ang matanda at naglakad papunta sa isang liwanag.
Tumapat sya doon habang pinagmamasdan lamang sya ng apat. "Lumapit kayo. Huwag
kayong mag-alala. Isa lamang itong daanan. Hindi ito mapanganib."

Nagtinginan muna sina Ramses at Ryona na nagdadalawang isip lumapit sa matanda.

"Ako muna ang mauuna." Sabi ni Aragon at agad tumapat sa liwanag katabi ni Oney.
Nagiintay sya na may mangyari sa kanya ngunit wala namang pagbabago. "Ligtas dito.
Wala kayong dapat ipag-alala."

Lumapit ang tatlo at tumapat din sila sa liwanag. Ikinampay ni Oney ang kanyang
kamay at napansin nila Ramses na unti-unti silang tumataas. Para silang hinihigop
ng liwanag papaitaas.
"Nandito na tayo." Umalis sa liwanag si Oney. Sinundan naman sya ng apat.

Isang malawak na lupa ang nasa kanilang harapan. May mga batong upuan sa paligid
nito. May isang malaking pintuan sa tapat ng liwanag na kanilang pinanggalingan. Sa
may tagiliran ay isang malaking upuan kung saan umupo si Oney.

Itinaas ng matanda ang kanyang tungkod. Kasabay ng pagliwanag nito ang dahang-
dahang pagbukas ng malagintong bubong ng lugar na iyon. Bumungad sa kanila ang asul
na kalangitan at mga ibong nagliliparan. Ang makapal na mga pader naman na
nagsisilbing harang sa lugar na iyon ay unti-unting lumubog. Tanging mga poste na
lamang ang natirang nakatayo sa lugar na iyon. Biglang umihip ang malakas na hangin
na halos matangay sila.

"Hindi maganda 'to." Bulong ni Aragon.

"Dito gaganapin ang inyong laban." Ibinaba ni One yang kanyang tungkod at may
lumapit na isang Kitna. Tila may ibinulong dito ang matanda at agad umalis ang
Kitna.

Tila dumadagundong ang paligid na parang magigiba ito. Pinagmasdan agad nila ang
mukha ni Oney ngunit walang bakas ng pagkabalisa dito.
Biglang bumukas ang malaking pintuan sa kanilang tapat. Masyado itong malayo sa
kanila kaya hindi nila gaanong makita kung sino ang paparating.

"Hindi!" gulat na gulat na sabi ni Ryona.

Isang grupo ng mga halataw ang pumapasok sa loob. Dalawang hanay ito at nakatali
ang mga kamay na sanga sa isang tila kuryente na dugtong-dugtong. Nagsipalakad ang
unang linya patungo sa kanan at ang isang linya naman ay sa kaliwa. Madami sila at
tahimik lang na naglalakad. May mga kasama din silang kawal na mga nagbabantay sa
kanila. Pinunan nila ang mga upuan bato sa lugar na iyon.

"Papanuorin ba nila tayo?" tanong ni Ramses.

"Parang ganun na nga." Mahinang sagot ni Perus.

Napuno ang paligid ng mga tahimik na mga halataw. Nakatingin

lamang ang mga ito sa ibaba.

"Hindi ba talaga sila nagsasalita?" tanong muli ni Ramses.


"Nagsasalita sila. Pero maingat sila sa mga bibitiwang salita dahi maari nila
iyong ikamatay." Sagot ni Ryona habang itinuturo ang nakagapos na lubid na
malakuryente sa mga kamay na sanga ng mga halataw.

"Ngayon - handa na ba kayong makilala ang inyong mga makakalaban?" tanong ni Oney.
Kitang-kita sa mga mata nya na hindi na sya makapaghintay sa magaganap na labanan.

"Handa na kami!" buong tapang na sagot ni Aragon.

"Hindi ko akalaing sa'yo pa yan manggagaling." Nangungusap ang mga mata ni Oney at
Aragon na tila silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

"Ipapaliwanag ko sa inyo ang mga patakaran kaya't makinig kayong mabuti." Pahayag
ni Oney. Biglang umangat ang kinatatayuan nila ganun na din ang mga pwestong
inuupuan ng mga halataw. Naiwan sa gitna ang isang parihabang lupa. Napaligiran ng
isang itim na puwang ang paligid ng lupa. Itinapat ni Perus ang kanyang

kamay sa puwang na ito.

"Isang malalim na bangin. Dumadaloy ang hangin mula sa ibaba." Pahayag ni Perus.
Nagulat sila sa pagtawa ni Oney at napatingin sila dito. "Naghihintay sa ilalim
nyan ang iba pang mga halataw na nagtatrabaho para sa kaharian na ito. Ang sino
mang malaglag dyan ay sigurado na ang pagkatalo. Isipin nyo na lang ang mga uhaw na
uhaw sa bagong buhay ang mga halataw na naghihintay sa inyo dyan sa ibaba. Kahit
ako ay hindi madaling makakaligtas sa kanila." Paliwanag ng matanda.

Ilang sandali pa ay nagkaroon ng isang makitid na daanan mula sa kinatatayuan nila


Ramses papunta sa parihabang lupa sa gitna. Ganun din naman ang nangyari sa
kabilang parte na katapat nila. Nagkaroon din ng makitid na daanan. Doon sila
dadaan papunta sa gitna.

"Ang labanan ay isa laban sa isa. Ang sino mang mawalan ng malay, sumuko at
matakot ay talo na agad." Muling kininampay ni Oney ang kanyang kamay at may
lumabas na isang malaking kulungan na parang isang salamin. "Dyan ilalagay kung
sino man ang mga matatalo." Nakalutang lang sa itaas ang malaking kulungan na ito
ng biglang nabalutan ito ng kuryenta na dumadaloy sa buong bahagi ng kulungan.

"Paano kung makapaslang kami o kami ang mapaslang?" tanong ni Perus.

"Huwag kang mag-alala. Walang mapapaslang dito." Seryosong sagot ni Oney. Tila may
ibinubulong sya na tanging sarili lamang nya ang nakakarinig.

"Simulan na!" Sigaw ng matanda.


May isang malaking bagay silang nakita na lumalabas sa kabilang pintuan. Tumigil
ito sa tapat ng daanan. Nakabalot ito sa isang itim na tela.

"Sya ang inyong unang makakalaban. Isa sya sa pinakamalakas na halataw. Huwag nyo
syang mamaliitin. Hindi nyo alam ang kaya nyang gawin. Ngayon pumili na kayo kung
sino ang unang lalaban sa kanila." Paliwanag ni Oney.

"Kahit sabay-sabay na silang lumaban ayos lang sa'kin." Sabi ng halataw na ito at
tinanggal ang nakabalot na tela sa kanya.

"Totoo ba 'to? Lalabanan ba talaga natin ang isang tulad nya?" tulalang sabi ni
Ramses na gulat na gulat sa nakita. Hindi sya makagalaw at nag-iisip kung tama ba
talaga ang desisyon nilang makipaglaban.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 51)

Kabanata 51

"Unang Laban"
Sobrang laki ng katawan ng halataw. Ang mga sanga nito ay kasing laki ng katawan
ng ibang halataw. Mula sa malayo ay malaki na ito kaya't nangangamba ang
magkakaibigan kung gaano pa ito kalaki sa malapitan. Gumagalaw ang mga ugat nito na
nagsisilbing mga paa nya. Naglakad na papuntang gitna ang halataw na ito. Halos
yumanig sa buong silid sa paglakad nya.

Bawat pagtapak ng halataw sa makipot na daanan papunta sa gitna at kumakapit ang


mga ugat nito na parang paniki. Paraan para hindi sya mahulog sa ibaba kahit
masyado syang malaki para sa daanan.

"Sino ang la- laban sa kanya?" mahinang tanong ni Ryona. "Sabik sya sa mga
ganitong laban. Wala syang pakialam kung makapaslang sya. Handa syang lumaban ng
buong lakas." Paliwanag nito habang nababasa ang isipan at damdamin ng halataw sa
gitna.

Nakarating ang halataw sa gitna at tumawa ito. Humampas ang isa sa kanyang mga
ugat sa lupa na parang isang latigo. "Pumunta na kayo dito sa gitna sabay-sabay."
Muling tumawa ang halataw.

"Magtigil ka Polto!"sigaw ni Oney mula sa kanyang

kinuupuan. "Ang paligsahan na ito ay isa laban sa isa. Alam mo na ang magiging
kaparusahan kapag hindi mo ito sinunod!" pagpapatuloy ng matanda.
Tila nagbago ang ekspresyon ni Polto, ang unang halataw na lalaban kina Ramses.
"Kung gayon, lumapit na ang unang lalaban. Sabik na kong gamitin ng buong-buo ang
aking lakas." Malakas na sabi ng halataw. Ang isang sanga nito na nagsisilbing
kamay nya ay biglang naging isag sandata, isang espada.

"Sinong mauunang lumaban sa inyo?" tanong ni Oney na nakatingin sa pwesto nila


Ramses.

Hindi agad nakasagot ang magkakaibigan. Hindi nila alam kung paano pipiliin ang
unang lalaban. Pero dahil nag-aalala si Perus sa mga kaibigan sya na lang ang
nagdesisyon na unang lalaban.

"Hindi ko alam ang kakayahan ng halataw na yan. Gusto kong pag-aralan nyo ang
kilos nya para kung sakaling matalo ako, alam nyo na ang gagawin." Tumalikod si
Perus sa mga kasama at naglakad na papunta sa gitna. Habang naglalakad sya sa
makitid na daanan ay tinititigan nya lang si Polto.

"Mag-iingat ka Perus! Hindi sya basta-basta magpapatalo!" sigaw ni Ryona na bakas


ang pagkatakot sa kung anong pwedeng

mangyari sa kanyang kaibigan.

"Ikaw ba ang pinakamalakas sa kanila?" tanong ng halataw na naghihintay kay Perus.


"Sinasabi mo bang ikaw ang pinakamalakas sa inyong lahat?" pagbabalik na tanong ni
Perus ng marating nya ang gitna tatlong metro sa harapan ni Polto.

Tumawa si Polto ng malakas na parang sabik na sabik na magsimula ang laban. Hindi
alam ni Perus kung anong ibigsabihin ng pagtawa ng halataw.

Tinitigan ni Perus ang halataw sa kanyang harapan. Sa posisyon at pagkakatayo nito


halatang sanay sya sa pakikipaglaban. Hindi nya lang maisip kung bakit naging isang
halataw ang katulad nya.

"Humanda kayong dalawa. Ang sino mang sumuko, mawalan ng malay, matakot at mahulog
sa ilalim ay talo." Panimula ni Oney.

"Paano kung mapaslang kami ng mga halataw?" sigaw ni Ramses mula sa malayo.

"Hindi yan mangyayari. Hindi kayo papaslangin ng halataw. Kailangan nya ang mga
katawan nyo para makipagpalit. Kung wala silang kapalit na buhay, hindi sila
makakawala." Paliwanag ni Oney.

"At paano kung sila naman ang mapaslang namin?" serysong tanong ni Perus na hindi
pa din inaalis ang pagkakatingin kay Polto.
"Matapang ka bata. Iniisip mo bang mapapaslang mo ako?" tumatawang sabi ni Polto.

"Kung mapapaslang nyo ang halataw na inyong makakalaban -" tumigil saglit si Oney
at tiningnan ang mga halataw sa paligid. " - makikita nyo ang dati nilang itsura
bago pa man sila maging isang halataw. Makakawala sila sa sumpa ng pagiging
halamang tao pero kapalit nun ay ang kanilang buhay." Nagdadalawang isip si Oney
kung itutuloy nya pa ang sasabihin ng biglang nagsalita si Perus.

"Simulan na ang labanan kung ganun." Kinuha ni Perus ang sandata nyang palakol at
pinaikot-ikot ito sa dalawa nyang kamay. Inihakbang nya ang kanang paa at medyo
itinaas ang isang kamay. Isang posisyon na nagsasabing handa na syang makipaglaban.

Ngumiti si Oney na nagpapakita ng pagkasabik sa mangyayaring labanan. "Kung ganun,


simulan na ang laban!" Itinaas ni Oney ang kanyang tungkod at bahagya itong
lumiwanag. Senyales ng pagsisimula ng labanan.

Unang sumugod si Perus papalapit kay Polto. Agad nyang pinutol ang kanang kamay
nito gamit ang kanyang palakol. Sinundan nya ito ng pagsipa ng malakas na
ikinatumba naman ng halataw. Tumalon ng mataas si Perus at akmang papalakulin si
Polto ng bigla itong napaluputan ng ugat ng halataw sa paa dahilan para bumagsak
sya ng malakas sa lupa.

"Magaling ang ipinakita mo bata." Tumayo ang halataw gamit ang isang kamay.
Pinutol ni Peru sang ugat na nakapalupot sa kanyang paa. "Hindi ako basta-basta
magpapatalo sa'yo!" muling sumugod si Perus. Mabilis syang tumatakbo pasugod sa
harapan ni Polto. Inihanda na ni Polto ang kanyang isang kamay sa pagsangga mula sa
atake ng binata ng bigla itong nawala.

Ikinagulat ni Polto ang biglang pagkawala ng tumatakbong si Perus sa kanyang


harapan. Tumingin sya sa paligid nya para hanapin ang binata ng marinig nya ang
isang kilos mula sa kanyang likuran. Ngunit bago pa man sya makakilos ay naputol na
ni Peru sang mga sanga sa kanyang ulo at nalaglaglag ito sa lupa.

Hahampasin na ni Polto ang binata ng natitira nyang kamay na espada ng makaiwas si


Perus. Tumalon sya papalayo sa halataw.

"Mukhang kayang-kaya pala ni Peru sang halataw na yan." Masayang sabi ni Ramses.

"May hindi tama dito." Bulong ni Ryona na tila binabasa ang plano ni Polto.

"Anong ibig mong sabihin?" tumingin si Ramses kay Ryona pero bago pa man ito
makapagsalita napansin nyang napatakip ito sa kanyang bibig.
Lumingon agad si Ramses sa nakikipaglaban na kaibigan. Nakita nya ang kaibigang si
Perus na nakahiga sa lupa at may dugo sa mukha.

Nahampas si Perus ng ugat ni Polto na naging kasing talim ng isang espada.

"Magaling at mabilis ka para sa edad mo. Halatang dumaan ka sa isang pagsasanay."


Sabi ni Polto. "Pero hindi mo ba alam na balewala lang ang mga pagatake mo sa'kin?"

"Anong ibig mong sabihin?" gulat na gulat na tanong ni Perus habang tumatayo.

Ngumiti ng bahagya si Polto. Gumalaw ang putol na kamay nito at ilang sandali pa
ay muli itong tumubo.

Nanlaki ang

mga mata ni Perus sa nakita. Hindi man lang napinsala ang halataw sa mga pag-
ataking ginawa nya.

"Mas maganda yan. Hindi agad matatapos ang labanan natin." Ngumisi si Perus at
muling hinawakan ang kanyang sandata. "Ipagpatuloy na natin." Muling sumugod si
Perus habang pinapaikot ang kanyang palakol sa kanyang tagiliran papunta sa kanyang
harapan.
Isang tila panangga ang nabubuo sa bawat paggalaw ng sandata ng binata. Hindi
naman kumikilos ang halataw at parang iniintay nya ang pagtama ng atake ni Perus sa
kanya.

Ngunit dahil sa lakas ng pwersa ng tila pangga na nasa harapan ni Perus hindi na
nya kailangang makalapit pa kay Polto. Ang panggang ito ay nagtulak ng malakas kay
Polto dahilan para mapunta sya sa tagiliran ng lupa malapit sa bangin.

"Gusto mo akong malaglag para matapos na ang laban?" naiinis na tanong ng halataw.
Pinigilan nya ang pagatake ni Perus gamit ang bago nyang tubong kamay at sa isang
iglap ay nahawakan nya ang umiikot na kamay ni Perus hawak ang kanyang palakol.
"Mahina kang bata ka! Sumuko ka na para hindi mo na maranasan ang gagawin ko
sa'yo!" Itinaas nya ang kamay ni Perus at inihagis ito sa malayo.

Bumagsak si Perus padapa at tumalsik naman

sa malayo ang kanyang sandata. Tumusok ito sa lupa malayo sa kanya.

Naglakad papalapit si Polto sa nakadapang si Perus. "Hindi ka na ba gagalaw dyan?


Dudurugin ko ang lahat ng buto mo kapag nakalapit ako sa'yo!" tumatawang sabi ng
halataw habang binabago ang anyo ng kanyang mga kamay. Ginawa nyang isang malaking
palakol ang kaliwa nyang kamay habang ibinalik nya sa dati ang kamay nyang ginawa
nyang espada.

Hindi naman gaano nasaktan si Perus pero hindi sya agad bumangon. Parang iniintay
nya talagang makalapit si Polto sa kanya. Hinanap ng mga mata nya ang sandata nyang
tumalsik sa malayo. Niyuom nya ang kanyang kamay kung saan nakalagay ang kanyang
tekan na tila haghahandang gumamit ng mahika.

"Katapusan mo na!" iniangat ni Polto ang kamay na palakol para hampasin si Perus
ng biglang tumihaya si Perus.

"Perus huwag!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Ryona.

"Ropus Ling Re!" itinapat nya ang kanyang tekan sa mukha ng halataw at lumiwanag
sa buong paligid. Mabilis na umikot habang nakahiga si Perus papalapit sa kanyang
sandata. Mabilis nya itong hinawakan at tumayo sya para hugutin ito.

"Hindi! Kumagat si Perus sa bitag nya!" nangangambang sabi ni Ryona.

"Anong ibig mong sabihin?"Naguguluhang tanong ni Ramses.

"Hindi maari! Inantay nya talagang gumamit ng mahika si Perus!" gulat na gulat na
sabi ni Aragon habang nakatingin kay Polto.
Gulat na gulat din si Ramses sa nakita. "Anong nangyayari? A - ano ang mga yan?"
nanginginig na tanong ni Ramses.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 52)

A/N

First and foremost thank you guys for the support. Love y'all! Sorry kung masyadong
natagal ang pagupdate ko. So ginawa kong mahaba ang chapter na 'to at hindi
cliffhanger para hindi kayo mabitin.

PLease keep on voting at magcomment din kayo. Yung mga gusto nyong mangyari or
itanong. Mas gaganahan akong magupdate madalas kapag mababasa ko yung insights nyo
about the story. :) And sana tumaas ang rank ng Ramses in Niraseya. Dati kasi nasa
number 10 'to pero ngayon sobrang layo na. So sana vote lang ng vote at comment
lang ng comment. Ishare nyo din sa fb or twitter para dumami yung reads.

Thank you so much. You guys rock!

*MelaBrio*

*****************************************************************

Kabanata 52

"Kapalit ng Pagkatalo"
Tila tumalbog ang mahika ni Perus sa mga nakakalat na bahagi ng katawan ni Polto.
Ilang sandali pa ay naggalawan ang mga ito. Unti-unting tinubuan ng mga ugat na
nagsilbing mga paa nito. Nagkaroon din ang mga ito ng mga sanga na nagsilbing mga
kamay. Sumulpot din ang ulo nito na may mukha.

Ilang sandali pa ay mabilis itong kumilos na halos hindi makita ni Perus ang mga
galaw nito. Tumatawa din ang mga

ito na may maliliit na boses.

"Nagulat ka ba sa aking mga anak?" tumawa ng malakas si Polto. "Ang totoo hindi ko
naman talaga sila mga anak pero anong itatawag ko sa kanila?" ipinagpatuloy ng
halataw ang pagtawa kasabay ang mga anak nya.

"Hindi ka pa nanalo kaya huwag ka muna magsaya!" mabilis kumilos si Perus


papasugod kay Polto hawak ang kanyang sandata. Itinaas nya ang sandata at diretsong
itinama sa ulo ng halataw.

Kitang-kita ni Perus ang pagkahati ng katawan ni Polto sa dalawa na nagbigay sa


kanya ng isang magandang ngiti. Pero yun ang inaakala nya. Napansin nyang isang
ilusyon lang ang kanyang tinamaan.
"Perus sa likod mo!" sigaw ni Ramses mula sa kanyang kinatatayuan.

Bago pa man makakilos si Perus ay tinamaan na sya ng isang maliit na halataw na


sumugod mula sa kanyang likuran. Bumagsak si Perus sa lupa na nakadapa.

"Hindi maari - paanong - paanong naging ganyang kalakas ang isang maliit na
nilalang." Bulong ni Perus sa

sarili habang pinipilit tumayo.

"Huwag mo naman akong patawanin bata. Isang pagsugod lamang yan galing sa aking
anak pero tila nasaktan ka na agad. Gusto kong ibigay mo ang lahat ng makakaya mo
para mabigyan ako ng magandang laban." Muli ay tumawa ang halataw.

Sumabay din sa pagtawa ang mga maliliit na halataw na nasa harapan ni Perus habang
tumatayo sya. Tiningnan ni Perus ng diretso si Polto. Isang tingin na
nakapagparamdam ng takot sa halataw.

"Ginagalit mo talaga ako bata!" sigaw ni Polto. "Mga anak paslangin ang batang
iyan!" itinaas ng halataw ang kanyang kamay at itinuro si Perus.

Pinalibutan ng mga maliliit na halataw ang nakatayong si Perus. Mahigpit na


hinawakan ni Perus ang kanyang sandata habang tinitingnan ang mga halataw na
pumapalibot sa kanya.
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Bilang ni Perus sa kanyang isip
sa mga halataw na patuloy ang pagikot sa kanya.

Ilang sandali ay tumigil ang mga halataw at nagsitawanan ang mga ito. Sa isang
iglap ay biglang kumilos ang mga

ito na hindi makita ng mga mata ni Perus.

"Hindi!" naiinis na sabi ni Perus sa sarili.

Isa-isang sumugod ang mga halataw. Unang pagsugod ay naiwasan ni Perus. Ganun din
ang pangalawa. Nataaman nya ang mga halataw sa isa-isa nitong pagsugod sa binata.

"Magaling bata. Nagsisimula na kong ganahan sa pinapakita mo."sabi ni Polto habang


pinapanuod ang mga anak nyang makipaglaban kay Perus. "Mga anak ngayon na!"

Muling umikot ang mga halataw papalayo kay Perus habang patuloy na umiikot. Sa
isang kisap mata ay sabay-sabay sumugod ang mga ito sa nakatayong binata. Sa
sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi agad nakaiwas si Perus.
Tinamaan nya ng pagsugod ng mga halataw sa likuran at sa harapan. Kung saan-saan
nanggagaling ang mga halataw. Tinatamaan sya sa ulo, braso, tyan, binti at mga
balikat pero hindi sya makaganti at hindi sya makaiwas dahilan para mapaluhod sya
sa lupa.

Nagsimula na ding pumatak ang dugo ng binata sa lupa. Nabitawan ni Perus ang
sandata at itinuon ang dalawang kamay

sa lupa upang mapigilan ang pagbagsak nya.

Tinitiis ni Perus ang mga atake ng mga halataw na tila tuwag-tuwang makita syang
nahihirapan.

"Hindi patas ito." Naiiyak na sabi ni Ramses. Itinakip nya ang mga kamay sa
kanyang mukha dahil hindi nya matagalan ang nangyayari sa kaibigan.

Anong nangyayari sa'kin? Ganito na lang ba ako kahina? Bakit wala akong magawa?
Sambit ni Perus sa kanyang isipan. Niyuom nya ang mga kamay sa sobrang inis dahil
wala syang magawa.

Napatingin sya sa unahan kung saan nakatayo si Polto. Napansin nyang gumagalaw ang
mga sanga nito na tila umiikot. Nakita nyang isang mabilis na paggalaw ng isang
sanga nito at kasunod nun ang pagatake ng isang halataw sa kanya. Natamaan sya sa
kanyang likuran.
Muling gumalaw ng mabilis ang tatlong sanga ni Polto at kasunod nito ang pag-atake
sa kanya ng tatlong halataw.

"Mukhang naiintindihan ko na." Nakangiting sabi ni Perus at tinitigan nya si


Polto.

"Magaling

Perus." Sambit ni Ryona habang pinanunuod ang laban.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ramses at muling ibinalik ang panunuod sa
pakikipaglaban ng kaibigan.

Dinampot ni Peru sang kanyang sandata at tumayo. Naglakad sya papalapit kay Polto
na tila ikinagulat naman ng halataw.

"Anong ginagawa mo? Sa tingin mo matatalo mo ako gayong wala ka ngang magawa sa
mga anak ko." Tumawa sandali si Polto na parang kinakabahan sa kung anong gagawin
ni Perus.
Hindi na nagdalawang-isip si Polto, muli nyang inutusan ang mga anak nyang sugurin
si Perus. Ngunit bago pa man tamaan si Perus ay nagawa na nitong putulin ang ilan
sa mga sanga ni Polto.

Gulat na gulat ang halataw sa ginawa ng binata. Patuloy lang sa pag-ikot ang mga
anak ni Polto. Hindi na nag-aksaya ng oras si Perus at sinugod nya si Polto.

Hindi inaasahan ni Polto ang mga pagsugod na ito kaya't mabilis syang umiwas.
Tumalon ng mataas ang halataw at hinampas ng ugat si Perus. Pero mabilis din ang
binata at nahawakan nya ang ugat ni Polto. Hinigit nya ito pababa dahilan para
mahatak ang halataw pabagsak sa lupa. Pinutol din ni Perus ang ugat matapos

bumulagta ng halataw sa lupa.

Inihagis ni Perus ang putol na ugat sa kanyang likuran. Isa-isa nyang sinugod ang
mga maliliit na halataw na walang tigil sa pagkilos. Bawat maliliit na halataw ay
nagbagsakan sa lupa sa pagatake ni Perus.

Sa isang iglap tila nabaligtad ang laban. Si Polto at ang mga anak nito ay pare-
parehong nakahandusay sa lupa.

"Alam kong hindi yan ang tunay mong lakas. Wag ka nang magpahinga dyan dahil alam
kong hindi ka naapektuhan ng pagsugod na ginawa ko sa'yo." Sabi ni Perus habang
pinapaikot ang kanyang sandata sa kanyang kamay at iniikot nya din ito sa kanyang
harapan papunta sa likuran na tila isang magaang bagay lamang.
Nakalapit si Perus sa nakahandusay na halataw. Itinaas nya ang sandata at di
nagsayang ng oras upang atakihin si Polto sa ulo. Ngunit napatigil ito ilang
sentimetro ang layo ng sandata nya sa mukha ng halataw. Tumatawa ito sa hindi nya
malamang dahilan.

"Tinatawag mong mandirigma ang sarili mo? Atakihin ang walang kalaban-laban na
katulad ko. Sa posisyong hindi ko kayang ipagtanggol ang aking sarili." Sabi ni
Polto na nakatingin sa sandata ni Perus na halos kumitil sa kanyang buhay.

Napahigpit

ang hawak ni Perus sa kanyang sandata na tila naapektuhan sa sinabi ni Polto.

"O bakit hindi ka makapagsalita? Tama ba ako?" ngumiti ang halataw habang tumingin
ng diretso kay Perus. Hinawakan nya ang sandatang nakaharap sa mukha nya. "Ituloy
mo bata. Paslangin mo ang tulad kong hindi maipagtanggol ang sarili."

Nanggigil si Perus sa mga sinabi ng halataw. Ang intension nitong galitin ang
binata ay epektibo. Itinaas ni Perus ang sandata papalayo kay Polto.

"Alam kong lalaban ka sa pag-atake ko. Hindi ko inaasahang ganito ang maririnig ko
mula sa'yo. Akala ko malakas ka!" dismayadong sabi ni Perus. Iniabot nya ang kamay
sa nakahigang halataw upang tulungan itong tumayo.
"Wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo sa huli." Sagot ni Polto. Inabot nya
ang kamay ni Perus upang makatayo. Ngunit hindi inaasahan ni Perus ang gagawin ng
halataw.

Pumulupot ang sanga nito sa kanyang braso papunta sa kanyang katawan dahilan para
hindi makagalaw si Perus.

"Napakatuso mo!" galit na sabi ni Perus. Hindi sya makagalaw.

Tumayo

si Polto habang walang tigil ang pagpulupot ng mga sanga nya kay Perus. Pumulupot
din ang ugat nya sa sandata ni Perus at inalis ito sa pagkakahawak sa kamay ng
binata.

"Anong magagawa mo kung wala kang sandata?" tanong ni Polto. Walang isang sandali
at inihagis nya sa malayo ang sandata ni Perus.

"Kaya kong lumaban kahit wala akong sandata!" galit na sigaw ni Perus kahit
nahihirapan syang huminga dahil sa patuloy na pagpulupot sa kanya ng mga sanga ni
Polto.
"Yan ang gusto ko. Palaban kahit malapit na ang pagkatalo." Tumawa ng malakas si
Polto. "Alam mong hindi tumatalab sa'kin ang mahika."

Itinaas ni Polto ang katawan ni Perus gamit ang kanyang mga sanga. Nang nasa itaas
na ito ay bigla nya itong hinigit pababa. Humampas ang katawan ni Perus sa lupa.
Ilang dugo ang lumabas sa kanyang bibig.

"Sabihin mong sumusuko ka na at pakakawalan kita." Nakangiting sabi ni Polto


habang dahan-dahan ulit itinataas si Perus.

"Hindi! Hindi ako susuko ng walang laban!" paninindigan ni Perus. Hindi nagustuhan
ni Polto ang sinabi ng binata

kaya't hinigit nya ulit ito pababa. Malakas ang pagbagsak ni Perus sa lupa.
Napasigaw si Perus dahil sa sakit ng pagbagsak nya.

"Mukhang hindi ka madaling sumuko dahil lang sa sakit ng katawan." Itinaas muli ni
Polto ang katawan ni Perus. Sa pagkakataong ito binalutan nya pa ng mas maraming
sanga ang buong katawan ng binata. Itinira lamang nya ang ulo nito.

"Kung gagawin mo ulit sa'kin ang ginawa mo kanina, hindi ba parang pinrotektahan
mo na din ako dahil sa mga sangang ito." Sabi ni Perus na hindi mabasa ang gagawin
ni Polto.
Tumawa ang halataw. "Hindi mo talaga naiintindihan. Hindi kita mapapasuko dahil
lang sa sakit ng katawan kaya't tatanggalan kita ng hangin. Oras na balutan ko ng
sanga ang iyong mukha wala ka nang makikita. Hindi ka na makakahinga. Wala na akong
pakialam kung mapaslang kita. Kung kapalit naman ng pagiging halataw ko habang
buhay ay ang pagpaslang sa'yo at sa mga - " tumingin ang halataw sa pwesto nila
Ramses. " - magagandang dilag na iyong kasama. Kung ikaw walang nagawa sa'kin ano
pa kaya ang mga katulad nila." Tumatawang sabi ni Polto.

"Nakatingin sya sa'tin." Natatakot na sabi ni Ramses.

Humarang

si Aragon sa harapan nila Ramses at Ryona at tumingin ito ng diretso sa halataw.


"Hindi ako papayag na magalaw nya kayo." Mahinang sabi ni Aragon na tila
nangungusap ang mga mata habang nakatingin kay Polto.

"Mukhang may tatapusin pa ako bago ko paghiwa-hiwalayin ang mga katawan ng mga
kaibigan mo." Tumawa ng malakas si Polto na tila nanalo na sya sa paligsahan. "Mga
anak alam nyo na ang gagawin!"

Nakaramdam ng matinding galit si Perus ng marinig ang sinabi ni Polto. "Huwag na


huwag mong sasaktan ang mga kaibigan ko!!!!" sigaw ni Perus na kumakawala sa mga
sangang nakapalupot sa kanya.

"Anong magagawa mo bata? Mauuna ka pang mawala sa kanila. Dapat maging masaya ka
pa dahil hindi mo na makikita ang mga paghihirap nila!" patuloy ang pagtawa ni
Polto. Iginalaw na nya ang mga sanga na tila hudyat sa mga anak nya sa pag-ataki
kina Ramses.

"Humanda ka!" sabi ni Ryona habang hawak ang kanyang palaso.

"Pe - pero bakit nya tayo susugurin? Di ba isa laban sa isa ang paligsahan na
ito?" naguguluhang sabi ni Ramses.

"Sa

tingin ko hindi na yan mahalaga ngayon." Sabi ni Aragon. Kinuha nya ang espada sa
kanyang tagiliran at itinutok ito sa paparating na mga halataw.

Hindi naman nagdalawang isip si Ramses at kinuha din nya ang kanyang tenivis mula
sa kanyang likuran.

Malayo pa lamang ay ginamitan na ni Ryona ang halataw ng kanyang panang hangin.


Asintado ang dalaga kaya naman natamaan nya ang halataw. Ngunit ikinagulat nila ang
nangyari. Nahati lamang ang maliit na halataw sa dalawa dahilan para madagdagan
ito.

"Hindi maari. Hindi sila pwedeng gamitan ng mahika. Mas lalo lang silang
dumadami." Naiinis na sabi ni Ryona.
"Mukhang palaban din ang mga kaibigan mo. Anong magagawa nila? Hindi sila malakas
tulad ng tunay na mandirigma. Walang epekto ang mahika sa'kin." Muli ay tumawa si
Polto. "Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo." Unti-unting bumalot ang sanga sa buong
ulo ni Perus. Unti-unting dumidilim ang nakikita ng binata.

Hindi. Hindi. Naiinis na sabi ni Perus sa sarili. Anong - anong nangyayari? Bakit

parang? Pagtatakang tanong ni Perus.

"Perus! Perus!" sigaw ni Ryona. "Perus huwag kang susuko." Patuloy ang pagsigaw ni
Ryona habang nilalabanan ang mga halataw.

"Ryona - " tumingin si Ramses sa kaibigan.

Tumango lang si Ryona bilang pagsagot kay Ramses. "Sana lang nakita agad ni
Perus."

"PErus!" tinawag din ni Ramses ang kaibigan. Patuloy pa din sila sa pakikipaglaban
sa maliliit na halataw. Dahil mas maliit sila at magaan mabilis silang kumilos.
Naririnig ko sila. Tinatawag nila ako pero hindi na ako makahinga. Nanghihina na
si Perus at hindi nya alam ang gagawin.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw ni Ramses na ikinagulat nila Aragon at Ryona.

Tila bumalik sa pag-iisip si Perus ng marinig ang sigaw ni Ramses. Hindi! Hindi
ako dito pwedeng matapos. Hindi ganitong kadali! Nakaramdam si Perus ng sobrang
galit. Unti-unting lumiwanag

ang kanyang tekan. Hindi nagtagal ay nabalutan sya ng liwanag dahilan para
matanggal ang mga sanga na nakabalot sa kanya. Sumabog ito at kumalat sa paligid.
Naputol din ang mga sangang nakakonekta sa kanya kaya't mabilis syang nakababa.

Umikot sya ng mabilis para makuha ang sandata nya at humarap sa mga kaibigan para
tulungan ito pero nagulat sya sa nakita.

"Mabuti naman at nalampasan mo." Nakangiting sabi ni Ryona habang nakatapak ang
isang paa sa nakahigang halataw.

Tumingin din si Perus kay Ramses, ang kaibigan nyang narinig nyang sumigaw. Nakita
nyang basa ito ng berdeng kulay. Napansin nyang puro berde din ang nakabalot sa
tenivis nito.
"Akala ko - akala ko napahamak na kayo dahil sa sigaw ni - " tiningnan nya muli si
Ramses na tila may pagtatanong sa mga mata nya.

"Ano? Eh natalsikan ako ng mga mababahong dugo ng mga halataw. Anong gusto mong
isigaw ko? Dapat nga magpasalamat ka sa'kin dahil sa pagsigaw ko." Inilagay ni
Ramses ang kanang kamay sa kanyang bewang habang iniikot sa kaliwang kamay ang
kanyang tenivis bago ilagay sa kanyang likuran.

Ngumiti

si Perus dahil nakita nyang ligtas ang mga kaibigan nya.

"Masyado pang maaga para magsaya bata." Muling nagsalita si Polto. Humarap si
Perus sa kanya at nakita nyang nagiging halataw ang mga sangang sumabog at nalaglag
sa lupa. Mas marami ito ngayon kesa noong una.

"Mas magandang laban ito." Nakangiting sabi ni Perus. Muli nyang inikot ang
sandata habang naglalakad papalapit kay Polto.

"Sila muna ang haharapin mo bago ako!" kumilos ang mga maliliit na halataw
papasugod kay Perus. Tinatamaan ang binata pero hindi nya ito iniinda.
Habang papalapit ng papalapit sya kay Polto ay mas mabilis syang kumikilos.

"A - anong - " pagtatakang sabi ng halataw.

Sinugod ni Perus ang nakatayong halataw at hinampas gamit ang kanyang sandata.
Tinamaan si Polto at tumalsik ito. Bumagsak sya sa lupa. Tumigil din naman sa
pagsugod ang mga maliliit na halataw.

"Tingin mo ba hindi ako nag-iisip habang nakikipaglaban?" hinawakan ni Perus ang


ulo ni Polto at inihagis ito

pataas. Mabilis namang tumalon ang binata at isang iglap ay nasa itaas na sya ni
Polto. "Katulad nito." Muling ginamit ni Perus ang sandata sa halataw. Hinampas nya
ito ng malakas. Mabilis ang pagragasa ni Polto paibaba ng tamaan sya ng sandata ni
Perus. Ngunit mabilis kumilos si Perus, bago pa man sumayad sa lupa ang halataw ay
nasa ibaba na sya para muling gamitan ng sandata si Polto.

Bumwelo si Perus. Inihakbang nya ang kaliwang paa sa likod at bahagyang


ibinaluktot ang tuhod. Kumuha sya ng isang bwelo para mas malakas ang pagtama ng
sandata nya kay Polto.

"Para 'to sa mga kaibigan kong idinamay mo!" mula sa likuran nya ay agad na
iginalaw ang sandata papunta sa harapan. Hindi man lang sumayad ang sandata kay
Polto pero ang pwersa nito na tila maraming bato ay isa-isang tumama sa halataw
kasabay ng isang hangin na nagtulak dito papaitaas.
Habang pababa ang katawan ng halataw ay napansin ni Perus ang tila isang pagsabog.
Kumalas ang mga kahoy at mga sanga ni Polto at nabalutan ito ng makapal na usok.

Alerto si Perus sa kung ano man ang kasunod na gagawin ni Polto.

Narinig

nya ang pagbagsak sa lupa kasabay ang pagkawala ng usok na nakabalot sa halataw.
Nagulat si Perus sa nakita.

Nilapitan nya ito at tinitigan. "Paanong?" tanong nya.

"Maraming salamat bata - " sabi ng isang lalaking malaki ang katawan. May balot na
bakal ang katawan nito. Itim ang mga buhok nito ganun din ang makapal na balbas.
May katandaan na din ang lalaking nasa harapan ni Perus. Pero sa mga marka sa
katawan nito kitang-kita ang dami ng laban na kanyang pinagdaanan.

"Ikaw si Polto?" gulat na gulat na tanong ni Perus.


Tumango lang ang lalaki. Umubo ito at may lumabas na pulang dugo. Ginamit nya ang
kamay para pahirin ang dugo sa kanyang labi. Ngumiti si Polto. Isang mapayapang
ngiti. "Nakabalik na nga ako. Nagbalik na ako." Nanghihinang sabi ng lalaki.

"Ibig sabihin - ibig sabihin - " bakas sa mga mata ni Perus ang pagkalungkot.
Yumuko ito at hindi tumingin sa nakahandusay na lalaki.

"Huwag kang malungkot. Pinalaya mo ako sa sumpang nagkulong sa'kin sa mahabang -


mahabang panahon." Sa pagsasalita

ni Polto ay halatang nahihirapan na syang huminga. "Paano - paano mo nalaman?"

Tumingin si Perus sa mata ng matanda. "Bumagal ang kilos mo nung dumami ka. Hindi
din ganun kalakas ang mga pag-atake mo. Naisip kong nahahati ang lakas mo sa mga
maliliit na halataw. Pero ang isang maliit na halataw ay masyadong malakas para sa
isang normal na tao." Malungkot na paliwanag ni Perus.

"At hindi ka normal katulad ng mga kaibigan mo." Nakangiting sagot ni Polto.
"Paumanhin kung tinakot kitang idadamay ko ang mga kaibigan mo. Kung hindi ko
ginawa yun maaring buhay pa ako ngayon." Masaya ang bawat salitang lumalabas sa
bibig ng dating halataw na ngayon ay bumalik na sa pagiging isang normal na tao.

Ilang sandali pa at tumigil na sa pagsasalita si Polto. Kitang-kita ni Perus ang


ngiti sa mga labi nito kahit sa huling sandali ng buhay nya. Hahawakan sana sya ni
Perus ng bigla itong lumutang at unti-unting naging abo. Tinangay ng hangin ang mga
abo ni Polto.
Isang mapayapang pagkapanalo. Nakapaslang si Perus pero magaan ang pakiramdam nya
dahil sa napakawalan nya sa isang sumpa ang isang nilalang na tulad ni Polto.

Habang tulalang nag-iisip si Perus ay narinig nya ang pagpalakpak. Napatingin sila
kay Oney. "Magaling bata. Pinahanga mo ako sa ginawa mo." Tumayo ang matanda at
itinaas ang kanyag tungkod. "At ang nagwagi sa unang laban ay si Perus!" Lumiwanag
ang tungkod ni Oney. Lumabas ang isang tila papel na ginto at dahan-dahan itong
tumapat kay Perus at bumagsak sa mga kamay nya.

"Makakatulong yan para sa misyon nyo." Nakangiting sabi ni Oney.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 53)

Kabanata 53

"Pagkabaligtad ng laban"
Bumalik naman si Perus sa kanilang pwesto kasama ang mga kaibigan. Nakangiti ito ng
biglang bumagsak sa lupa.

"Perus!!" sabay na sigaw ni Ryona at Ramses.

Ngumiti ang binata. "Ayos lang ako. Naubos lang ang lakas ko kanina sa laban. Kung
hindi pa yun natapos baka hindi ko na kayanin pang lumaban." Humiga sya at tumingin
sa itaas. "Ang sakit ng katawan ko. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganitong
pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam makipaglaban lalo na't nanalo ka." Bakas sa
mukha ni Perus ang kasiyahan.

Bahagya naman syang hinampas ni Ramses na umupo sa tabihan nya. "Hay naku, halos
atakihin kami sa puso kanina tapos parang natutuwa ka pa sa nangyari sa'yo. Anong
klaseng nilalang ka!" pagbibiro ng dalaga.

Nagtawanan silang tatlo. Umupo din si Ryona sa kabilang bahagi ni Perus. "Kung
nakita mo lang yung pagsigaw ni Ramses dahil sa nagtalsikan sa kanya - " naputol
ang sasabihin nya dahil sa kakatawa. " - iisipin mo nalaglag sya kung saan."
Patuloy ang pagtawa ng dalawa.

"Sige pagtawanan nyo ako. Buti nga sumigaw ako eh. Kung hindi ako sumigaw eh di
wala na tayong Perus ngayon!" kinuha ni Ramses ang isang maliit na tela sa loob ng
kanyang munting lagayan.
"O napatahimik kayo?" napansin ni Ramses na tumigil sa pagtawa ang dalawa at
nakatingin sa kanya. "Napagod na kayong pagtawanan ako?" hindi nya mabasa ang
iniisip nung dalawa na titig na titig sa kanya.

"Ramses - " nanghihinang sabi ni Perus.

"Ano?" naiinis na tanong ng dalaga.

" - pwedeng maglinis ka? Ang dumi-dumi mo eh at - " pinipigilan nyang tumawa. " -
hindi kagandahan yung naamoy namin." At muli ay tumawa na naman sila ni Ryona.

Hindi napigilan ni Ramses na makisama na sa tawanan ng mga kaibigan. "Kasalanan mo


'to kaya magdusa ka. Kung hindi ka nagpahuli dun sa halataw na yun hindi 'to
mangyayari sa'kin!" patuloy pa din ang pagtawa nilang tatlo habang binubudburan ni
Ramses ng mahiwagang alikabok na pabaon ni Maestro Boro sa kanila ang buong katawan
ni Perus para gumaling ang mga sugat nito.

Nakatitig lang si Aragon sa kanya na kung may anong kalungkutan ang nasa mga mata
nya. Tinitigan nya lang si Ramses habang tumatawa ito.

Napansin naman ni Ramses na nakatingin sa kanya si Aragon kaya't nginitian nya ito.
Umiwas naman ng ngiti sa Aragon at naglakad papunta sa gilid ng tulay.

"Wag muna kayong magsaya. Hindi pa tayo nananalo." Seryosong sabi ng binata.

Napatahimik naman ang tatlo. Tinulungan nila Ryona at Ramses na makatayo si Perus.
Nawala na ang mga sugat nito. Itinago naman ng binata ang papel na nakuha nya kay
Oney sa kanyang lagayan.

"Ako na muna ang susunod na lalaban." Nagbanat-banat ng buto si Aragon.

"Hindi namin kelangan ang tulong mo. Kaya naming manalo kahit tumayo ka lang dito."
Pagsabing-pagkasabi ni Perus ng mga katagang yun ay tiningnan sya ng masama ng
dalawang dalaga.

"ANo? Siguro nga tinulungan nya tayo sa mundo ni Ramses. Pero hindi ibig sabihin
nun may tiwala na ako sa kanya!" tumalikod ito at umupo sa may sulok.

"Pero hindi mo naman sya kelangan pagsalitaan ng ganyan. Tinulungan nya pa din si
Ramses - at ako." Nakalagay ang dalawang kamay ni Ryona sa kanyang bewang habang
kinakausap si Perus. Hindi pinapakinggan ni Perus sinasabi ni Ryona.
"Bahala ka sa buhay mo!" tumalikod si Ryona sa binata.

"Basta wag nyo akong sisisihin kung may mangyari sa'tin dahil sa kanya!" sagot ni
Perus habang nakatingin sa malayo.

"Tama na yan!" pananaway ni Ramses. Napansin nya ang kakaibang ngisi ni Oney habang
nagtatalo-talo ang mga kaibigan nya. "Hindi ito ang oras para magtalo-talo tayo.
Mukhang may natutuwa sa pag-aaway nyo ngayon. Kung mag-aaway tayo ng hindi pa tapos
ang laban maari tayong matalo." Paliwanag ni Ramses. Umiwas naman ng tingin si Oney
ng nakita nyang nakatingin sa kanya ang dalaga.

"Kung gayon ilalabas ko na ang susunod nyong makakalaban." Pag-iiba ni Oney upang
makaiwas sa mainit na tingin ni Ramses. Itinaas nya ang kanyang tungkod. "Ilabas na
ang susunod!"

Ilang sandal pa ay lumabas ang isang napakalaking halataw na nakakadena ang buong
katawan. Mas malaki ito kesa sa nakalaban ni Perus. May kaitiman ang pagkakulay ng
kahoy nito kesa sa

ibang halataw. Nakarating sa gitna ang halataw at sa isang iglap bumukas ang paka
ng kadena at nalalaglag ito sa lupa.

Iginalaw ng halataw ang kanyang katawan. Huminga ito ng malalim. "Ang sarap sa
pakiramdam ng gumagalaw." Ngumiti ito. "Sino ang lalaban sa'kin?" Isa-isa nyang
tiningnan ang mga makakalaban. Una itong tumingin kay Perus. "Mahina si Polto kaya
natalo sya ng isang bubuwit na tulad mo." Pahayag nito.

Sumunod syang tumingin kay Ryona. "Babae!" parang dismayadong sabi nito. Bumaling
ang tingin nito kay Ramses. "Isa na namang babae." Parang nawawalan na sya ng gana
ng mapatingin ito sa sandata ni Ramses. "Yan ang tenivis - ibig sabihin - " hindi
nya tinapos ang sinasabi at ngumiti na lang ito.

Habang nakangiti nya napansin nya si Aragon. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ng
halataw ng makita ang binta. Nagbigay lang ng kakaibang ngisi si Aragon.

Binasag ni Oney ang namumuong paghahamon sa pagitan ng mga maglalaban. "Sino ang
susunod na lalaban kay Balte?" tumingin ito sa bahagi nila Ramses.

"Ako na dito Ramses!" Inunat ni Ryona ang dalawang kamay papunta sa kanyang
harapan. Inikot-ikot nya ang ulo kasabay ang mga braso na tila naghahanda sa laban.
Papalakad na sya sa tulay ng bigla syang pigilan ni Aragon.

"Ipaubaya nyo na muna sa'kin 'to." Mahinang sabi ng binata at naglakad papunta na
sa gitna.

Tumingin lang si Ryona kay Ramses at binigyan lang sya nito ng

isang pagsang-ayon.
"Bahala kayo!" galit na bulong ni Perus.

Magkaharap na sa gitna sina Aragon at Balte. "Kung gayon simulan na ang laban!"
sigaw ni Oney. Umupo sya ng maayos sa kanyang trono.

"Susuko ka na ba?" panimula ni Aragon. "Sabihin mo na ngayon bago pa kita


pahirapan." Kakaiba ang ngisi ng binata na tila masyadong kumpyansa sa sarili.

"Ikaw ang papasukuin ko." Nagsimulang kumilos si Balte. Sumigaw ito na tila
naglalabas ng lakas. Unti-unting yumayanig yung lupa habang lumalaki ang bahagi ng
katawan nya.

"Tsss!" naiinis na sabi ni Aragon ng bigla itong sumulpot sa harapan ni Balte at


sinuntok ito sa katawan. Isang suntok na nagpabaliktad sa halataw.

Napangiti naman sina Ramses at Ryona. Umupo sila sa harapan ni Perus na parang
nanunuod lang ng isang palabas.
"Pa - paanong nakalapit ka kaagad sa'kin." Sabi ni Balte na dahan-dahang tumatayo.

"Huwag mo nga akong artihan na parang nasaktan ka sa mahinang suntok na yun! Hayaan
mo naman akong gamitin ang sandata ko sa'yo." Nagmamayabang si Aragon at walang
bakas ng pagaalinlangan sa mukha nya.

"Manahimik ka mayabang na bata!" galit na sabi ng halataw at hindi nagdalawang-isip


na sumugod sa nakatayong si Aragon.

Sinuntok nya si Aragon sa mukha na sinundan sa katawan. Napatakip naman si Ramses


sa bibig nya na nabahala sa pagsugod na ginagawa ni Balte.

"Huh! Mayabang!" bulong ni Perus.

"Ano? Bakit hindi ka makagalaw?

Masyado bang masasakit ang mga suntok ko at hindi mo na nakuhang umiwas?" sabi ng
halataw na patuloy sa pagsuntok sa nakatayong si Aragon. "Katapusan mo na!" Bumwelo
sya para sa isang malakas na pag-atake.

Ikinagulat ng halataw ang pagsangga ni Aragon sa pagsugod ni nya gamit lang ang
kamay nito.

"A - anong - hindi!" gulat na gulat na sabi ni Balte.

"Ako naman!" hinawakan ni Aragon ng mahigpit ang kamay ni Balte na halos mabali
ito.

Pinitik nya sa ulo ang halataw at agad naman itong tumalsik ngunit bago pa sya
lumapag sa lupa ay nasuntok na sya ni Aragon paitaas. Habang tumatalsik ang katawan
ni Balte pataas ay mabilis na tumalon si Aragon at hinawakan ang ulo ng halataw at
mabilis itong hinigit pababa habang tumama ang ulo nito sa lupa.

"Hindi ko inaasahang ganito lang kadali ang makakalaban ko. Mas mahina ka pa sa
pinakamahina!" Inangat ni Aragon ang ulo ni Balte at hinakan ito ng isang kamay
lamang.

"A - anong gagawin?" nanginginig na tanong ng halataw.

"EH di papasukuin ka. Isipin mo na lang na kapalit ng pagsuko mo eh ang kaligtasan


mo!" Tumigil si Aragon sa bingin ng lupa at inangat ang halataw. Napatingin ang
halataw sa ibaba na tila kinakabahan. Nakaangat sya sa lupa at ano mang oras na
bitawan sya ni Aragon ay mahuhulog sya.
"Bakit hindi kaya ikaw ang sumuko!" Ngumiti ang halataw na tila may laman ang mga
katagang binitiwan.

"Parang sinabi mong tapusin na lang kita." Ngumiti lang

din si Aragon sa kanya.

"Ang galing naman ni Aragon. Hindi man lang nya kinailangang gumamit ng sandata."
Tuwang-tuwang sabi ni Ramses na nakatingin kina Aragon.

"Tapusin mo na ang laban!" sigaw ni Ryona bilang pagsuporta sa kasama.

Tumingin si Aragon sa mga kasama at ngumiti. "Mukhang naiinip na ang mga kasama ko.
Pagbibigyan ko na sila." Unti-unting lumuluwag ang pagkapit ng binata sa ulo ng
halataw.

"Sandali!" humawak si Balte sa braso ni Aragon. Nagsalita ito na tila silang dalawa
lang ang nakarinig.
Biglang nagbago ang nakangiting mukha ni Aragon. Nanlaki ang mga mata nito na tila
nabahala. Nanginginig ang kamao nito sa isang tabi habang ang isa ay nakahawak sa
ulo ni Balte.

Ngumiti ang halataw habang nakatingin kay Aragon. Ilang sandali pa ay inihagis nya
si Balte sa pabalik sa labanan at bumagsak ito sa lupa.

Nanatiling nakatayo si Aragon na nakayuom ang dalawang kamay. Bakas sa itsura nya
ang sobrang galit.

"M - matagal mo na ba silang kilala?" nanghihinang tanong ni Balte.

Napatayo naman si Ramses. "Bakit biglang nagbago si Aragon? Anong nangyari?"


naguguluhang tanong ng dalaga habang nakatingin kay Aragon.

"Bakit hindi mo pa ako tapusin?" tila nang-aasar ang halataw habang pinipilit
nitong tumayo.

Yumuko si Aragon sandali. Tumingin ito sa mga kasama nya. Dahan-dahan

syang lumapit sa nakahandusay na halataw. Iniluhod nito ang isang tuhod at yumuko
para bumulong kay Balte.

Ngumiti ang halataw at tumayo si Aragon. "Sumusuko na ako!" payahag nito na


ikinagulat ng lahat lalong-lalo na nila Ramses.

"Anong sinabi mo?" pag-uulit ni Oney.

"Sumusuko na ako! Ayokong lumaban sa isang katulad nya." Naglakad pabalik si Aragon
papalapit sa mga kasama.

"Anong nangyari? Ba - bakit sya sumuko? Hindi ko maintindihan." Naguguluhang tanong


ni Ryona.

Tumayo si Perus. "Sinabi ko naman sa inyo wag nyo syang pagkatiwalaan. Sinayang nya
lang ang ginawa kong panalo!" Naiinis na pahayag ng binata.

Habang naguguluhan ang lahat narinig nilang tumatawa si Balte. "Sumuko ka? Ibig
sabihin - ibig sabihin mag-aangkin ko ang katawan mo. Magpapalit tayo!" tuwang-
tuwang sabi ng halataw.
"H - hindi 'to totoo. Hindi maari." Nangingilid na ang mga luha ni Ramses.

Tumigil sandali si Aragon, muli ay humarap ito sa halataw. "Paano tayo magpapalit
kung wala na akong katawang paglilipatan?"

"Anong ibig mong sabihin? Wag ka nang mamili pa. Ikaw ang gumawa ng pinsala na 'to
sa katawan ko. Masasanay ka din." Nakangiting sabi ni Balte. "Maari nyo na kaming
pagpalitin Oney! Sabik na ako sa bago at malakas kong katawan!" Tumayo ng diretso
ang halataw.

Ngumisi lang si Aragon at tumalikod ito. "Mayroon na tayong tig isang puntos."

"Sige, magpaalam ka na muna sa mga kaibigan mo." Pagmamayabang ni Balte.

"Hindi naman ako aalis kaya hindi ko kailangang magpaalam." Kalmadong sagot ni
Aragon.

Nakabalik si Aragon sa tabihan ng mga kasama at umupo lang ito sa kabilang sulok.
Sumandal ito at pumikit.
"Aragon - " hindi alam ni Ramses kung saan magsisimula. " - mawawala ka na ba?"
nauutal na tanong ni nito.

"Hindi." Maigsing sagot ni Aragon.

"P - pero - " hindi na nagsalita si Ramses dahil parang nagpapahinga si Aragon.

"Simulan na ang pagpapalit! Nasasabik na a - " biglang napatigil si Balte ng unti-


unting nagiging bato ang kanyang katawan. "A - anong nangyayari?" tiningnan nya ang
kanyang mga paa at nakitang mabilis itong nagiging bato papaakyat sa kanyang
katawan.

"Ito na ba ang pagpapalit?" tumatawang sabi ni Balte. "P - pero bakit hindi ka pa
nagbabago? A - ano 'to?" mabilis naging bato ang buong katawan ni Balte at sa isang
iglap ay nabasag ito at nagkalat sa lupa.

"Maswerte sya hindi nya naramdaman iyon kanina." Bulong ni Aragon na nananatili pa
ding nakapikit.
"Oney, ano na pong mangyayari?" tanong ni Ryona.

Sandaling nag-isip si Oney. "Dahil sumuko si Aragon sa hindi malamang dahilan ang
puntos ay mapupunta sa mga halataw. Ngunit dahil wala na si Balte ay hindi magagawa
ang pagpapalit katawan sapagkat walang paglilipatan ni Aragon." TUmigil ito at
tumingin sa nakapikit na si Aragon. "Sa ngayon may tig-isang puntos kayo at
kailangang magpatuloy."

Nakahinga naman ng maluwag si Ramses ng malamang walang pagpapalit na magaganap.

Lumapit sandal si Ramses sa kasama at umupo sa tabihan nito. "Aragon - anong


nangyari? Bakit parang biglang nagbago yung reaksyon mo kanina?" paguusisa ng
dalaga.

Napadilat si Aragon at napatingin kay Ramses. "Wala lang yun. Wag mo ng


intindihin." Muling pumikit si Aragon.

"Pero paano mo nalamang hindi kayo magkakapalit ni Balte?" nakisali si Ryona sa


usapan.

"Dahil sa mahikang binigkas ko sa kanya. Hindi naman inaasahan na ganun ang


mangyayari. Hindi na din masamang binigyan ko sya ng pag-asang makawala sa pagiging
halataw kahit sa maigsing oras lang." Hindi na muli nagsalita s Aragon at tila
pinili na lamang matulog kesa sagutin ang mga katanungan ng mga kasama.

Masama naman ang tingin ni Perus sa natutulog na si Aragon. "Hindi mo kami


malilinlang." Galit na bulong nito.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanta 54)

Kabanata 54

"Hindi inaasahang pagpapaalam - Paglabas ng natatagong lakas"

"Tama na ang usapan!" sigaw ng halataw na ngayon ay nakatayo na sa gitna.

Napatingin naman silang lahat sa isang maliit na halataw. Kakaiba sya sa ibang
halataw na unang nakipaglaban. Ang mga dahon nito ay tila mga damo na mahahaba ang
hibla na nagsilbi nyang buhok. Ang lambot ng galaw nito na parang isang normal na
buhok ng isang babae.
Habang pinagmamasdan ang halataw hindi napigilan ni Ryona ang mapangiti. Mabilis
syang tumalon papunta sa gitna na parang isang magaang bagay. Sa isang iglap pa ay
nasa gitna na si Ryona.

"Ryona laban kay Arha simulan na!" sigaw ni Oney habang nakataas ang kanyang
tungko.

Humaba bigla ang mala-damong buhok ng halataw at tumayo ito habang umaalon-alon.

Hindi naman nagpakita ng pagkatakot si Ryona. Kinuha nya ang palaso. Mabilis syang
nagpaikot-ikot at nagpasirko-sirko sa paligid ni Arha habang pinapaulanan ito ng
panang hangin. Hindi makita ng halataw kung nasaan si Ryona dahil sa bilis nitong
kumilos. Kung saan-saan nanggagaling ang mga panang tumatama sa halataw.

Ngunit tila nakita ni Ryona ang ginawa ng halataw at agad syang napatigil. Hindi
man lang nakaalis sa kinatatayuan nya ang halataw at nabalutan lang ang katawan
nito ng mala-damo nyang

buhok. Sinubukan ni Ryona na muling gamitin ang kanyang palaso ngunit hindi ito
tumalab sa halataw.

"Magandang laban 'to." Ngumiti ang dalaga na parang nasasabik sa isang magandang
laban.
Nang mapansin ni Arha na tumigil sa pagsugod si Ryona ay inalis nya ang proteksyon
sa kanyang katawan.

"Mabilis ka, napahanga mo ako dun." Ang boses ng halataw ay matinis na parang isang
babae. Nagsimula itong maglakad papalapit kay Ryona. Sa isang iglap ay nawala ang
halataw sa harapan ng dalaga. Bago pa man sya makakilos ay tinamaan na sya ng isang
malakas na suntok galing sa halataw na mula sa kanyang likuran. Ngunit hindi naman
masyadong nasaktan si Ryona dahil bahagya syang napalayo bago pa man tuluyang
tumama ang suntok sa kanyang likuran.

Hindi naman nagsayang ng oras ang halataw at nagpaikot-ikot ito sa paligid. Tila
ikinatuwa lamang ni Ryona ang kanyang nakikita. Tumayo ito at sinabayan ang halataw
sa pagkilos ng mabilis. Nagpalitan sila ng pisikal na lakas.

"Hindi ko sila makita." Bulong ni Ramses na hinahanap ng mata kung nasaan ang
naglalaban. Lumapit it okay Perus at nakita nyang malikot ang mga mata ng kaibigan
na parang may sinusundan.

"Nakikita mo ba sila Perus? Anong nangyayari?" kinakabahang tanong ni Ramses.

"Halos patas lang ang lakas nila at halos magkasing bilis lang sila kumilos. Hindi
ko masabi kung sinong lamang sa kanila." Hindi naalis ang tingin ng binata sa
dalawang naglalaban.
Ilang sandali pa ay napatigil si Ryona gayundin si Arha. Nagtinginan sila na parang

naghihintay sa pagsugod ng bawat isa.

"Hindi maganda 'to. Mukhang nakakaramdam ng pagod si Ryona." Sabi ni Perus sa


kaibigang si Ramses.

"Ryona, kaya mo yan." Bulong ni Ramses na magkahawak ang dalawa nyang kamay.

Ilang saglit pa ay nagsimula na namang maglaban sina Ryona at Arha ngunit sa


pagkakataong ito ay bumagal ang pagkilos ni Ryona. Halos parang latigo ang pagtama
ng mala-damong buhok ng halataw.

Pinipilit ni Ryona na iwasan ang mga pagsugod ni Arha, ngunit kapag nakaiwas sya sa
isa ay tatamaan naman sya ng kasunod.

"Bumabagal ka ata. Masyado bang mabigat ang mga pagsugod ko? Nararamdaman mo ba?"
tila nangungutya ang halataw sa pagsasalita habang patuloy ang pagsugod kay Ryona.

Muling kinuha ni Ryona ang palaso at ginamitan ulit si Arha ng panang hanging. Tila
nahati naman ang pag-ataki ng halataw at pagpoprotekta sa sarili.
Mas binilasan at dinamihan ni Ryona ang pagpapakawala ng mga pana. Pero tila mas
lalong nasabik ang halataw sa kanyag ginawa.

Gamit ang kanyang mala-damong buhok isa-isang sinalo ni Arha ang mga papalapit na
hanging pana sa kanya at binali ito. Mas mabilis kasabay ng pagpapakawala ni Ryona.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi ka pa nadala?" tumatawang tanong ng


halataw.

Napahawak ng mahigpit si Ryona sa kanyang palaso. Isang tanda ng pagkagalit. Hindi


sya

makapag-isip ng gagawin kaya't iniwasan nya muna ang muling pag-ataki ni Arha.

"Habang buhay ka na lang bang iiwas ha? Kung hindi ka susugod sisimulan ko na ang
dapat kong gawin." Nagbago ang boses ng halataw. Bakas mo ang pagkagalit sa boses
nito.

Hindi nagustuhan ni Arha ang pag-iwas na ginagawa ni Ryona. "Hindi mo talaga


sineseryoso ang laban na 'to ha!" ilang sandali pa ay nahagip ng buhok nito ang
binti ni Ryona dahilan para agad itong bumagsak sa lupa.
Muli sanang gagamitin ni Ryona ang kanyang palaso ng paluputan ito ng buhok ni
Arha. Nabitawan ni Ryona ang palaso at hinagis naman ito ng halataw sa kabilang
direksyon.

Pinilit ni Ryonang gumalaw. Hinawakan nya ang nakapulupot na mala-damong buhok ng


halataw at sinubukang alisin ito. Dahil hindi nya magawang alisin ang
pagkakapulupot ay pumutol na lamang sya ng kapirasong buhok mula sa halataw.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Tingin mo ba ang mapipinsala mo ako dahil lang
sa pagputol ng aking buhok?" tumawa ang halataw na tila nagwagi na sya sa laban.

"Hindi. Dahil masamang damo ang isang katulad mo." Ngumisi si Ryona. "Ure so blo ga
ata!" ilang sandali pa ang dumiretso ang naputol na buhok ng halataw at tila naging
isa itong matigas na sanda. "Hiyaaaaaaaa!" gamit ang buhok ng halataw na ginawang
sandata ni Ryona ay pinutol nya ang nakapulupot na buhok sa kanyang binti.

"Isang mahika pala. Magaling ka. Gusto

ko ang kakayahan mong iyan. Mas lalo akong nasasabik na maging sa'kin ang katawan
mo." Muling nagsikilos ang mga buhok ni Arha.

Sumugod ito lahat kay Ryona ngunit pinagpuputol lamang ito ng dalaga gamit ang
kanyang bagong sandata. Mabilis ang pagkilos ng dalaga papalapit sa nakatayong
halataw. Ilang dipa na lang ang layo nito kay Arha ng ihagis nya ang hawak nyang
sandata na mabilis namang tumusok sa dibdib ng halataw.
Tila nagulat si Arha sa naramdaman at napatigil sa pagkilos. Hindi naman nagaksaya
ng panahon si Ryona at kinuha agad ang palaso. Tumingin ito ng diretso sa
nakatayong halataw at inasinta ito.

"Huwag - p - para mo ng awa!" nahihirapang magsalita na sabi ng ni Arha habang


dahan-dahang hinuhugot ang tumusok na buhok sa kanyang dibdib.

"Wala akong dahilan para maawa sa'yo." Unti-unting lumabas ang isang panang hangin
sa palaso ni Ryona. "Maliban na lang kung susuko ka."

"Yan ang akala mo!!!!" sigaw ni Arha na biglang humaba ang mga buhok nito at naging
tila baging ang mga hibla.

Sa sobrang pagkabigla ni Ryona ay napakawalan nya ang kanyang panang hangin na


tumama sa isa sa mga baging ni Arha. Ngunit ang hindi nya inaasahan ay ang mga
paparating na baging sa kanya. Susubukan nya sanang umiwas ngunit napapaligiran sya
nito. Sa isang iglap ay tinamaan si Ryona sa braso at mga binti. Tumagos ito sa
kanyang laman.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!" hindi maikakaila ang masakit na pagtama ng mga baging ni Arha


sa kanya.
Dalawang baging ang nakatusok sa magkabilang braso ni Ryona. Tatlo

sa kanang binti nya at dalawa sa kabila. Halos maluha-luha si Ryona sa sakit na


nararamdaman nya at hindi nya alam ang gagawin.

"RYona! Ryona!" hindi maiwasan ni Ramses na mag-alala. Hinawakan nya ng mahigpit si


Perus. "Patigilin na natin si RYona. Baka mapahamak sya." Naiiyak na sabi ng
dalaga.

Tumungo lang si Perus na nakayuom ang mga kamao nito. "Hindi pwede. Oras na sumuko
si Ryona at buhay pa sya - wala tayong magagawa dahil kelangan makipagpalit ng
halataw na yan sa kanya."

Gulat na gulat si Ramses sa isinagot ng kaibigan. "Pero - anong dapat nating


gawin?" Napaupo si Ramses na nakatakip ang dalawa nitong kamay sa mukha.

"Magtiwala lang tayo kay Ryona. Marami na din syang napagdaanang pagsasanay. Hindi
sya basta-basta susuko.

Dahan-dahang itinaas ni Arha ang katawan ni Ryona na nakabaon pa din ang mga baging
dito. Mas lalong bakas ang kirot sa mukha ni Ryona dahilan para hindi ito panuorin
ni Ramses.
"Sabihin mong sumusuko ka na at pakakawalan kita habang hindi pa nauubos ang dugo
mo sa katawan!" ngumiti ang halataw habang nakaangat si Ryona. "Sabihin mo
na!!!!!!" galit na sigaw nito.

"Hi - hindi kahit ma - matay pa ako." Nanghihinang sabi ni Ryona at bahagya itong
ngumiti. "Mas gu - gustu - hin ko pang mamatay k - kesa mapun-ta sa... sa'yo ang ka
- katawan ko."

Hindi nagustuhan ng halataw ang narinig mula kay Ryona kaya't sinaktan nya muli ang
dalaga. Ang isang baging nya ay mabilis na tumusok sa tyan ni Ryona. Sa lakas ng
pagtama ay may lumabas na dugo sa bibig ng dalaga.

Mas itinaas pa ni Arha ang pagkakaangat kay Ryona at dinala ito sa may bangin.
"Hindi ka pa rin ba susuko? Hindi man kita mapakinabangan mas marami namang
naghihintay sa'yo sa iba-iba. Sa tingin mo ba hahayaan pa kitang mabuhay?"
nakangiti ang halataw at hindi kumukurap sa pagkakatingin sa dalaga.

"Patayin mo na lang ako." Bahagyang tumingin si Ryona sa pwesto ng mga kaibigan.


"Patawad, hindi na ako makakasama sa paglalakbay. Iligtas nyo ang Niraseya." Sambit
ng dalaga sa kanyang isipan.

Mas lalong nanggalaiti ang halataw sa pagmamatigas ni Ryona. Isa-isa nyang


tinanggal ang mga baging nyang nakabaon sa katawan ng dalaga. Bawat pagtanggal nito
ay hindi maiwasan ni Ryona ang sumigaw.
"Ang sigaw mo ay tila musika sa aking pandinig. Napakasarap pakinggan. Wag kang
mag-alala ako ng bahala sa mga kaibigan mo." Tinanggal ni Arha ang natitirang
baging na nakatusok sa tiyan ni Ryona.

Tila isang mabagal na pangyayari ang lahat. Dahan-dahang bumabagsak ang katawan ni
Ryona paibaba.

"Ryona!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" papasugod na sana si Ramses sa halataw pero


pinigilan lang sya ni Perus. "Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!!!!! Si Ryona!! Si
Ryona!!!!!!!!!!!!!!!!!" sa hindi inaasahang pagkakataon biglang nag-apoy ang
katawan ni Ramses.

Napalayo si Perus sa kaibigan. Ikinagulat naman ni Aragon ang nakita kaya't mabilis
syang napatayo. Nanlilisik ang mga mata ni Ramses. Tila hindi nag-iba ang katauhan
ni Ramses. Nagwawala sya sa sobrang galit at kumakawala ang ilang apoy na
nanggagaling sa katawan nya.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanta 55)

Kabanata 55

"Pagtatapos ng paligsahan"
"Hindi kita mapapatawad!!!!!!!!!!!!!!!!" papatalon na si Ramses papalapit kay Arha
ng bigla syang suntukin ni Aragon sa tiyan at sinalo ito. Nawala ang apoy nito sa
katawan ng mawalan ito ng malay.

"Paanong - paano mo sya nahawakan?" naguguluhang tanong ni Perus pero hindi sya
pinansin ng binata kaya't tinutukan nya ito ng sandata sa ulo. "Sasabihin mo ba o
hindi?"

Inilapag ni Aragon ang dalaga sa isang sulok. "Gusto mo ba talagang matalo? Hindi
mo ba napapansin na yan ang gustong mangyari ni Oney? Ang sirain ang pasensya ng
bawat isa sa'tin. Oras na magkagulo tayo wala na tayong pag-asang manalo." Hindi pa
din gumagalaw si Aragon.

Tiningnan ni Perus ang matanda at nakita nitong nakangiti ito na tila nasisiyahan
sa kanyang nakikita. Mas lalong nagalit si Perus dahil hindi nya alam kung
maniniwala kay Aragon.

"Pinigilan ko lang si Ramses sa pwede nyang gawin. Kung nasimulan nyang paslangin
ang halataw na yan, hindi din malayong mangyaring mapaslang nya tayong lahat. Hindi
nya pa kontrolado ang sarili at hindi ito mabuti sa kanya. Mabibigla ang katawan
nya at pag nagkataon - " humarap ito kay Perus at ibinaba ang sandata ito, " -
kakainin sya ng sarili nyang apoy."

Nawala ang ngiti sa mukha ni Oney ng makita na nawala ang iringan sa pagitan ng
dalawang binata. Tumayo sya sa kinauupuan upang sabihin kung sinong nanalo ng
biglang napatigil si Arha

sa paglalakad at napakapit sa kanyang dibdib.

Tumingin sya kay Oney na may pagkabahala. "Imposible." Bulong nito.

Ilang sandali pa ay may tumubong kakaibang halaman sa katawan ni Arha. Lumabas ang
ilang sanga nito sa kanyang sugat. Hindi pa ito ang huli. Unti-unting nahahati ang
mga laman ng halataw sa paglabas ng mga halamang mabilis ang pagtubo.

"Pa - paano? Ke - kelan nya 'to nailagay?" biglang nahati ang ulo ni Arha sa
paglabas ng isang kakaibang halaman. Tila may buhay ito at mabilis ang pagkilos
hanggang sa humandusay ang katawan ng halataw sa lupa.

Ngumiti ito habang nakatingin sa kakaibang halaman. Ilang sandali pa ay bumalik ito
sa dating anyo. Isang babaeng nakasuot ng isang pandigma. Unti-unti syang natuyo
dahil sa paghigop ng halaman sa kanyang dugo. At ilang sandali pa ay kinain ng
halaman ang nakandusay na si Arha. Hindi nagtagal ay namatay din ang halaman sa
pagkawala ng halataw.
"Ang buhay ng halaman ay nakadepende sa napagtaniman sa kanya. Magaling Ryona, sana
nakita mo kung gaano ka kagaling." Bulong ni Perus sa sarili.

Natahimik ang paligid. Hindi nila alam kung paano ang magiging puntos sa laban
gayung parehong nawala ang manlalaro. Magdedesisyon na sana si Oney ng bigla nilang
nakita si Ryona na nakahiga sa isang malaking dahon. Ang dahon na ginagamit nyang
sakyan. Dahan-dahan itong lumulutang at lumapag sa lupa kung saan sila naglaban.

Tumalon si Perus at agad nilapitan ang kaibigan. "Ryona!" iniangat

nya ang ulo nito at pinakiramdaman kung humihinga pa sya. "Pinakaba mo kami dun!
Ikaw talaga!" pabirong sabi ni Perus. Tumingin sya kay Oney. "Alam mo na kung
sinong nanalo kaya sabihin mo na."

"At ang nanalo ay si Ryona." Pahayag ni Oney.

Nakatingin ang matanda sa magkaibigan. "Pinapahanga nyo ako - pero hanggang


kailan." Tanong ni Oney sa kanyang isipan.

Binuhat ni Perus ang kaibigan at dinala sa tabihan ni Ramses. Nagising naman si


Ramses at nakita ang sugatang kaibigan sa kanyang tabihan. Bumalikwas sya at agad
kinuha ang mahiwagang alikabok at isinaboy ito sa katawan ng kaibigan. Ilang
sandali pa ay unti-unting naghilom ang mga sugat ni Ryona.
Niyakap ni Ramses ang kaibigan.

"Ramses?" bulong ni Ryona. Dahan-dahan nyang binuksan ang mga mata at humiwalay sa
pagkakayakap ng kaibigan. Umupo sya at tiningnan ang mga kasama. "Buhay pa ako?"

Tumango si Ramses na may ngiti sa kanyang mukha kahit na tumutulo ang mga luha
nito. Napatingin si Ryona sa patay na halaman sa lupang labanan. "Akala ko hindi na
sya lalabas."

"Pero kailan mo naitanim ang binhi?" tanong ni Ramses habang itinatago ang alikabok
na gamot.

"Dun sa sandatang ginawa ko. Nagbakasali lang akong matatamaan sya. Ang totoo sa
lahat ng panang hangin ay may binhi. Hindi nga lang tumalab sa kanya. Maswerte ako
buhay pa ako." At tumawa ng bahagya si Ryona.

Hindi naman napigilan ni Perus

na batukan ang kaibigan. "Nakuha mo pang tumawa dyan! Hindi mo ba alam na muntik ng
mawala sa sarili s Ramses. Nag-apoy ang buo nyang katawan. Nakakatakot kaya."
Pahayag ng binata.
Natahimik si Ramses at inalala ang nangyari pero hindi nya ito masyadong matandaan.

"Ramses?" tanong ni Ryona. "Ayos ka lang ba?"

"Oo. Ayos lang ako. Mabuti pa ibalik mo na sa dati yang baluti mo." Tumayo si
Ramses at umiwas ng tingin sa mga kasama.

"Iwum Utawil!" sambit ni Perus at ilang sandali pa ay bumalik na sa dati ang baluti
ni Ryona.

May dalawang puntos na sila Ramses at sisiguraduhin nyang hindi nya sasayangin ang
mga sakripisyo ng mga kaibigan. Buong-buo ang loob ni Ramses makipaglaban kaya't
hindi na sya nagdalawang isip na pumunta sa gitna at hintayin ang makakalaban.

Hindi maipaliwanag ni Ramses ang nararamdaman. Mainit at tila kung may ano sa
kanyang loob na gustong kumawala.

"Anong nangyayari sa'kin?" tanong nya sa kanyang isipan. Pumikit ang dalaga at
inisip kung anong nararamdaman nya. "Mainit. Parang sumisingaw ang isang bulkan sa
loob ng katawan ko. Parang matutunaw ako. Pero anong dapat kong gawin? Ang sakit -
ang sakit-sakit. Bakit kailangan ngayon ko pa 'to maramdaman?" huminga ng malalim
si Ramses. Hindi nya napansin na unti-unti syang umaangat sa lupa.

"A - anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Ryona na ngayon ay bumalik na sa dati na


parang hindi nakipaglaban.

"Hindi. Lumalabas ang lahat ng awra nya. Mauubusan

sya ng lakas kung hahayaan nya ito." Pag-aalalang sabi ni Perus.

Biglang pumasok sa isip ni Ramses ang mga nangyari sa kanya simula ng dumating sya
sa Niraseya. Ang pagkamatay ng mga magulang nya at ang pagsasakripisyo ni Ka Idong.
Ang mga nangyari sa mga kaibigan nya at higit sa lahat ang misyon nyang iligtas ang
Niraseya sa kamay ni Bhufola.

"Hindi ako susuko. Maraming umaasa sa'kin. Pero masakit. Ano ba 'tong nararamdaman
ko. Hindi pwede! Hindi!!!!!!!!" hindi napansin ng dalagang bigla syang nagliyab.
Tila kinain ng apoy si Ramses ng mawala sya sa paningin ng mga kaibigan. Tanging
malaking apoy lamang ang nakita nila.

Hindi alam nila Perus at Ryona kung anong gagawin. Ngayon lang nila nakita si
Ramses ng ganun at hindi nya alam kung anong nangyayari dito.

Tiningnan nila si Oney ngunit kalmado lang itong nakatingin kay Ramses.
Inisip lang ni Ramses ang mga gusto nyang gawin. "Kung mamamatay man ako gusto kong
mamatay ng lumalaban tulad ng aking mga magulang. Hindi ako basta-basta susuko!"
ilang sandali pa ay lumapat ang mga paa ni Ramses sa lupa. Dahan-dahang nawala ang
apoy at naiwan ang umuusok na katawan ng dalaga.

Hindi sya nasunog kahit na binalutan sya ng isang malaki at pulang apoy. Sa
sandaling idinilat ni Ramses ang mga mata nawala ang usok na lumalabas sa katawan
nito. Hindi nya maipaliwanag ang pakiramdam pero tilas mas gumaan ang nararamdaman
nya.

"Sino ng lalaban Oney?" tanong ni Ramses. Tila nag-aapoy ang mga mata nito na
parang sabik na sabik kumitil ng buhay.

Lumabas na din ang makakalaban ni Ramses. Isang mataas ngunit payat na halataw.
Tila nagulat ang halataw ng makita si Ramses.

"Bago ko simulan ang inyong laban ibibigay ko muna ang isa papel na makakatulong sa
inyong misyon." Itinaas ni Oney ang kanyang tungkod, umilaw ito at lumabas ang
isang papel. Nakalutan ito papalapit kay Ryona kaya't sinalo naman ito ng dalaga.

Nagkatinginan si Perus at Ryona tsaka ngumiti. Tumingin ang dalawa kay Ramses.
Itinaas ni Ryona ang hawak na papel na ipinapakita sa kaibigan habang nakangiti
ito.
"Kung gayon, simulan na ang laban. Ramses laban kay Irya! Simulan na!"

Sandaling natapos ni Oney ang sasabihin ay hindi agad nagaksaya ng oras si Ramses.
Mabilis nyang kinuha ang tenivis. Tumalon ito at umikot sa hangin at lumapag sa
harapan ng halataw. Sa sobrang bilis nyang kumilos ay hindi nakapaghanda si Irya.
Nakatutok sa leeg ng halataw ang tenivis ni Ramses.

Tiningnan lang ng halataw ang mga mata ni Ramses. Nabasa nya dito na wala itong
awang papaslang kahit anong mangyari. Ang mga mata palang ni Ramses ay sapat na
para makaramdam ng takot ang kahit na sinong kalaban.

Itinaas ni Ramses ang sandata upang hatiin ang halataw ng bigla itong lumuhod.

"Sumusuko na ako. Hindi ko kayang saktan ang kamahalan." Nakayuko ang halataw sa
harapan ni Ramses.

Ngumisi si Ramses na hindi naman nya ginagawa dati. Itinapat nya sa leeg ng halataw
ang kanyang sandata. "Kung gayon, hahayaan mong kitilin ko ang iyong buhay?"
malamig na tanong ni

Ramses.
"Ikalulugod ko po." Malungkot lang ang boses ni Irya na tila handa na sa gagawin ng
dalaga.

"Isa kang tapat na nilalang." Itinaas ni Ramses ang sandata habang nakangiti.
Desidido syang paslangin ang halataw sa harapan nya. Hindi na sya nag-aksaya ng
oras na tapusin ang halataw ng biglang tamaan ng panang hangin ang kanyang tenivis
dahilan para lumihis ito. TUmingin ng diretso si Ramses sa kaibigang si Ryona.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" galit na tanong ni Ramses.

"Ramses, sumuko na sya. Hindi mo na yan kailangang gawin pa!!" paliwanag ni Ryona
na hindi pa din ibinababa ang sandata.

"Kailan ka pa nakialam sa laban namin? Gagawin ko ang gusto ko!" muling itinaas ni
Ramses ang tenivis upang ituloy ang pagputol sa ulo ng halataw sa kanyang harapan.

"Wag mo kaming subukan Ramses." Nakahanda na din sa Perus hawak ang kanyang
sandata. Nasa aktong ihahagis na nya ito sa kaibigan sa oras na gumalaw ito.
Nakahanda na din naman si Ryona na pakawalan ang panang nasa kanyang palaso.
Tumingin si Ramses kay Oney at nakita nyang nakatayo ito na tila nag-aabang ng
susunod na mangyayari. Napahawak ang dalaga sa kanyang ulo at hindi alam kung anong
pumasok sa isip nya at nagawa nya ang mga bagay na iyon. Tila umiikot ang kanyang
paningin. Nakikita nya ang mukha ng mga kaibigan na galit at kinukutya sya.

"Nasa dugo mo ang pagiging masama. Ikaw ang matagal ng hinihintay ng kadiliman!"
sigaw ni Ryona na may galit sa mukha.

"Hindi mo talaga ililigtas ang Niraseya.

Ikaw ang sisira dito." Buong-buo at galit na galit ang boses ni Perus.

"Ikaw ang pumatay sa'kin." Galit ang mukha ni Ka Idong.

Nakikita nya ang kanyang Tiya Ileta na malungkot na nakatingin sa kanya kasama si
Iking at Tiyo Rodi nya. "hindi ikaw ang anak na pinalaki namin!" umiyak ang mga ito
at biglang nagbago ang mukha. Naging galit ang mga ito at tumalikod papalayo kay
Ramses.

"Tiya Ileta, wag po kayong umalis!" pakiramdam ni Ramses ay tumatakbo sya para
sundan ang pamilya na mabilis kinain ng apoy. "Hindi!!!!!!!"
Napaupo si Ramses at hindi alam ang gagawin. Hindi nya alam kung anong nangyayari
sa paligid nya at biglang nagalit ang lahat sa kanya.

"Iyan ang tunay na ikaw. Wag mong pigilan." Isang boses ang kanyang narinig.

"Anong sinasabi mo? Hindi ako 'to. Hindi nila magagawa sa'kin 'to." Umiiyak si
Ramses.

"Pero yan talaga ang tunay mong pagkatao. Nananalaytay sa katawan mo ang dugo ng
kadiliman." Tumawa ang boses na kumakausap sa kanya.

Tumayo si Ramses upang hanapin ang boses pero madilim ang paligid. Hindi nya alam
kung nasaang lugar na sya. "Sino ka! Sino ka?!" tanong nito habang inihahampas ang
sandata sa kanyang paligid bilang pagprotekta sa kung sino mang makakalapit sa
kanya.

"Hindi mo matatakasan ang kapalaran mo!" biglang sumulpot ang isang babaeng
nakabalot ng itim na hambria.

Hindi nagsayang ng oras si Ramses at sinugod ito. Mabilis

nakaiwas ang nasa harapan nya ngunit tinamaan ito sa balikat.


"Ramses! Ramses!" muli isang pamilyar na boses ang narinig nya. Laking gulat nya ng
makita nyang nakatayo si Aragon sa harapan nya at may sugat ito sa balikat.

"Aragon? Sinong may gawa nyan?" napansin ni Ramses na may dugo ang kanyang tenivis
kaya't nabitawan nya ito. "Hindi ko alam kung anong nangyari?" Umaatras sya habang
nakatingin kay Aragon. Nagulat sya ng makitang nakahiga ang halataw na si Irya na
may tama ng pana ni Ryona. Nakadilat ang mga mata nito at bumalik na ito sa tunay
na anyo. Nakaitim syang hambria at sya ang babaeng nakita ni Ramses kani-kanina
lamang.

"Sya! Sya yun!" napaatras si Ramses na tila nawawala sa sarili.

"Walang duda, nakapasok sya sa isip ni Ramses." Hinigit ni Ryona ang pana sa ulo
nito at nakuha ang itim na bato mula sa noo nito. "Isang itim na mahika." Ipinakita
nya ito kay Perus.

Humarap sila kay Ramses na nanginginig pa din sa takot sa mga nangyari.

"Naghinala na kami ni Ryona ng hindi mo kami naririnig at nakatayo ka lang dyan


hanggang sa nagsisigaw ka na." Tinapakan ni Ryona ang itim na bato at naging abo
bigla s Irya.
"Hindi ba kayo galit sa'kin?" nagaalangang tanong ni Ramses.

"Kung yun ang nakita mo, hindi yun totoo. Yun lang ang gustong ipakita sa'yo ng
halataw na yan. Wag kang mag-alala, lahat ng nakita mo ay hindi mangyayari at hindi
nangyari." Ngumiti si Ryona at tumalikod papunta sa harapan ni Oney.

"Aragon patawad ha," sabi ng dalaga. Hinawakan sya ni Aragon sa ulo at ngumiti ito.
"Wala 'to. Hindi naman ako mamamatay dahil dito." Dinampot ni Aragon ang tenivis ni
Ramses at iniabot ito sa kanya.

Sumunod silang tatlo kay Ryona. Ang lupang labanan ay umangat kapantay ni Oney.

"Binabati ko kayo. Isang magandang laban ang inyong ipinakita. Pumasa kayo sa aking
pagsubok." Nakangiti si Oney.

"Pagsubok?" sabay-sabay na tanong nila Ryona, Perus at Ramses.

"Oo. Kailangan nyong dumaan sa pagsubok upang maihanda kayo sa mga pwede nyong
pagdaanan. Hindi lahat ng makakaharap nyo ay puro labanan. Marami dyan ang
nagpapanggap na mahina at ang iba pa ay susubukan kayong pasunurin. Kung hindi kayo
magiging alisto hindi nyo matatapos ang inyong misyon." Paliwanag ni Oney.
Masaya silang marinig na nakapasa sila sa pagsubok na 'to at makakapagpatuloy sila
sa paglalakbay. Ibinigay ni Oney ang huling papel kay Ramses na makakatulong sa
kanilang paglalakbay.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 56)

Kabanata 56

"Itim na mahika"

Ilang sandali pa ay nabalutan ang paligid ng isang makapal na usok. Umikot ang usok
kasabay ng malakas na hangin.

"Anong nangyayari?" tanong ni Ramses habang nakatakip ang kamay sa kanyang mukha na
tila sinasangga ang hanging tumatama sa kanyang mukha.

"Hindi ko din alam," pagsagot ni Ryona na hawak-hawak ang kanyang palaso na kahit
anumang oras ay handang makipaglaban.
Matapos ang ilang minuto unti-unting nawala ang makapal na usok ganun din ang
hangin. Bumungad sila sa labas ng Mirnoff kung saan nakatayo silang apat kasama si
Oney.

Ngumiti ang matanda sa kanila. Payapa ang kanyang mga ngiti, ibang-iba sa nakita
nila nung nakikipaglaban sila sa mga halataw.

"Maari nyo ng tingnan ang papel na ibinigay ko sa inyo." Utos ni Oney.

Nagkatinginan ang tatlo habang hawak ang mga papel na ibinigay ni Oney. Tanging si
Aragon lamang ang walang hawak na papel sapagkat hindi naman sya nanalo.

Sabay-sabay binuksan nila Ramses, Ryona at Perus ang papel at tiningnan ito.

"Ano 'to?" naguguluhang tanong ni Perus habang nakatingin sa hawak na papel na tila
isang mapa ngunit hindi naman nya alam kung saan papunta. "Parang may mali."
Dugtong pa nito.
Naguguluhan din sila Ramses at Ryona sa kanilang nakikita at hindi maintindihan
kung paano makakatulong ang papel na iyon sa paglalakbay nila.

"Ilapag nyo ang papel."

Biglang nagsalita si Aragon mula sa kanilang likuran. Napatingin ang tatlo sa


binata na tila nagtataka sa gusto nitong ipagawa. "Sumunod na lang kayo. Magtiwala
kayo sa'kin."

Tumango si Ramses kay Ryona kaya't inilapag ng dalawa ang kanilang mga papel sa
lupa. "Perus magtiwala ka kay Aragon." Pahiwatig ni Ramses na nakatingin lang sa
kaibigan.

Bakas sa mukha ni Perus na hindi sya naniniwala sa sinasabi ni Aragon at kung totoo
man ang mga sinasabi nito ay alam nyang may hindi magandang mangyayari. Tiningnan
nya ang dalawang kaibigan na naghihintay sa kanya sa paglalapag ng papel kasama ng
iba pa. Sumunod din naman si Perus kahit nagdadalawang isip sya.

Magkakatabi ang tatlong papel nila at naghihintay sila ng mangyayari pero wala
namang ipinagbago ang mga ito. Tumingin si Perus kay Aragon na may pagkayamot.

"Itapat nyo ang inyong mga kamay kung saan nakalagay ang iyong mga tekan sa mga
papel na yan." Muling utos ni Aragon.
Tumayo si Perus at humarap sa binata. "Ano ba sa tingin mo ang pinagsasabi mo?
Tingin mo ba alam mo na ang lahat?" naiinis na tanong ni Perus.

"Sinusubukan ko lang tumulong habang nandito pa ako." Malungkot na pahayag ni


Aragon.

Nagulat naman si Ramses sa narinig mula sa kaibigan. "Anong ibig mong sabihing
habang nandito ka pa? Aalis ka ba?"

Tumango si Aragon. "Hindi ako makakasama sa

paglalakbay nyo pero pangako Ramses, kapag kailangan mo ako darating ako." Ngumiti
ang binata sa kaibigan. "Pero sa oras na 'to gawin nyo muna ang sinasabi ko." Sabi
nya habang nakatingin kay Oney.

Napansin ni Perus ang tinginan nila Oney at Aragon. Hindi nya mawari ang kahulugan
ng mga tingin na ito. Hinigit ni Ramses ang kamay ni Perus upang piliting gawin ang
sinabi ni Aragon.

"Sige na Perus, maraming oras na tayong nasayang. Wala namang masama kung susubukan
natin. Isa pa nandito pa si Oney, kung may masamang intensyon si Aragon malalaman
agad yun ni Oney." Hinawakan nya ng mahigpit ang kaibigan. "Magtiwala tayo."
Tumango si Perus dahil sa pakiusap ng kaibigan. Halos isang buong araw silang
nakipaglaban sa mga halataw. Papalubog na rin ang araw ng makalabas sila ng Mirnoff
kaya't ayaw na ni Ramses na masayang pa ang kanilang oras.

Umupo silang tatlo sa harap ng bawat papel na ibinigay sa kanila ni Oney at


itinapat ang kanilang kamay kung nasaan ang kanilang tekan.

Ilang sandali pa ay gumalaw ang mga papel. Umikot ang mga ito na tila may
itinatamang posisyon. Napangiti naman sina Ramses at Ryona habang pinagmamasdan ang
nangyayari sa mga papel na iyon na hindi nagtagal ay nagdikit-dikit at nabuo.

"Isa na namang mapa?" tanong ni Ryona.

"Oo. Pero ang mapang iyan ay iba sa mapang dala-dala nyo. Ang mapa na iyan ay may
kakayahayang makita ang mga natatagong

lugar sa Niraseya. Makikita nyo kung nasaang teritoryo na kayo kung titingnan nyo
ang mapa na iyan. Lalabas din sa mapa na iyan kung sinong namumuno sa teritoryo na
iyon." Mahabang paliwanag ni Aragon at tumalikod ito sa mga kausap. "Hanggang sa
muli."

"At paano ka naman nakakasigurado na magkikita pa tayo?" pagtatanong ni Perus.


"Alam kong hindi ito ang huli nating pagkikita." Naglakad si Aragon sa kabilang
direksyon at hindi na sya pinigilan nila Ramses.

"Pabayaan mo na sya. Pasalamat na lang tayo at maraming naitulong sa'tin si


Aragon." Masayang pahayag ni Ryona. "Mabuti pa ay tingnan natin itong mapa ng
makapagpatuloy na tayo." Tumayo si Ryona at kinuha ang mapa.

"Kailangan nating bumalik ng kweba para sa ating mga reme." Pahayag ni Ramses.
Lalapitan sana nila si Oney upang pasalamatan ito ng bigla itong mawala. Hindi nila
alam kung saan ito nagpunta pero hindi na sila nagaksaya ng oras. Agad silang
naglakad pabalik sa kweba.

"Tingnan nyo madali!" sigaw ni Ryona. "Ito yung lugar kung saan tayo niligtas ni
Aragon. Nasa teritoryo pala tayo ng mga mababangis na hayon na iyon. Makakaiwas na
tayo ngayon." Masayang sabi ni Ryona.

Tahimik lang si Perus habang naglalakad sila na tila may malalim na iniisip.
Napansin naman ito ni Ramses kaya't agad nya itong tinanong. Sinabayan nya itong
maglakad.

"May problema ka ba?" tumingin ang dalaga sa kaibigan na hindi mapawi ang pagtingin
sa malayo. "Perus?"
"Ha? Wala naman. Madami lang akong ipinagtataka sa kaibigan mong

si Aragon." Hindi naman nagkaila ang binata sa pagsasabi ng totoo kay Ramses.

"Anong ibig mong sabihin?" hindi alam ni Ramses kung kanino sya kakampi kung
sakaling mag-away ang dalawa kaya ayaw nyang lumala pa ang hidwaan sa pagitan nila.

"Yung bigla nyang pagsulpot. Yung pagpapatalo nya dun sa halataw." Tumigil sya sa
paglalakad. "Nakita natin kung gaano kalakas si Aragon pero bakit sya sumuko kung
papatayin din naman nya yung halataw na yun?"

Hindi alam ni Ramses ang sasabihin dahil kahit sya ay napaisip sa sinabi ng
kaibigan.

"Hinding-hindi ako magtitiwala sa kanya kung ako sa'yo Ramses. Iba ang pakiramdam
ko sa kanya." Muli ay nagpatuloy si Perus sa paglalakad.

Hindi nagtagal ay narating nila ang kweba. Nagmadali silang pumasok sa loob para
makita ang kanilang reme na matagal din nilang iniwan doon. Hindi naman sila
nabigo. Nandun pa din ang mga reme at natutulog ang mga ito.
"Yrelle!" sigaw ni Perus habang papalapit sa kanyang reme. Sinakyan nya ito at
tumalon para makasakay sa likuran nito. Nagising ang reme at tila nakahanda itong
lumaban ng makita nya si Perus.

"Maligayang pagbabalik Perus!" bakas sa boses ng reme ang pagsabik na makita ang
amo na si Perus. Naglaro ang dalawa at nagkwentuhan sa mga nangyari. Napangiti
naman sina Ramses at Ryona.

Hindi nagtagal ay nilapitan din ni Ryona ang kanyang reme. Binuhat ng ulo ni Ayer
ang dalaga at inilagay ito sa kanyang likuran. Masayang-masaya sila sa muli nilang
pagkikita.

Habang nagsasaya ang dalawa ay napansin ni Ramses na wala si Laverus. Naglakad sya
sa may loob ng kweba nagbabakasakaling makita ang nagpapahingang reme.

"Nasaan ka Laverus?" tanong ng dalaga sa kanyang sarili.

Tila napansin nila Perus at Ryona ang pagkabalisa ni Ramses. Napansin din nilang
wala si Laverus. Bumaba si Ryona sa kanyang reme at nilapitan si Ramses.

"Bakit wala sya dito? May nangyari ba?" pag-aalalang tanong ng dalaga.
"Yrelle, nasaan ang reme ni Ramses?" pagtatanong ni Perus sa kanyang reme habang
bumababa ito mula sa likuran ni Yrelle.

"Umalis sya para tingnan ang kanyang mga nasasakupan. Gumuho daw ang tinitirhan ng
ibang reme kaya't nagmadali syang umalis para tulungan ang mga kasama." Paliwanag
ng reme ni Perus.

Lumapit si Perus sa dalawang kaibigan at sinabi ang nangyari kay Laverus. Tila
nabunutan naman ng tinik si Ramses ng marinig ang sinabi ni Perus. Gumawa sila ng
apoy at kumain ng ilang prutas na kinuha ng kanilang mga reme.

"Sa tingin ko kailangan na naming magpaalam sa inyo." Panimula ni Ryona. "Sa


pupuntahan namin ay mapanganib. Marami kaming makakahalubilo na hindi mga
ordinaryong nilalang. Ayaw naming maging mainit kayo sa mga mata nila gayong kilala
kayo sa pinakamalaking nilalayang dito sa Niraseya." Sumandal si Ryona sa kanyang
reme. Hinaplos nman ng reme nya ang ulo nito sa ulo ng dalaga.

"Naiintindihan namin ang mabuti nyong hangarin. Darating naman kami kung
kinakailangan nyo ng tulong." Pahayag ng kanyang reme.

"Bukas ay magsisimula na kaming maglakbay papunta sa kinaroroonan ni Bhufola."


Umupo si Perus sa tabihan ni Ramses. "Wag kang malungkot kahit wala si Laverus.
Naibilin na namin sa mga reme namin na magpaalam para sa'yo."
Bahagyang ngumiti si Ramses. "Salamat Perus pero hindi naman yung pagpapaalam yung
kinababahala ko eh. Kundi yung kalagayan ng nasasakupan nya. Gusto ko syang
tulungan." Malungkot ang boses ni Ramses at hindi pa din mapawi ang pag-iisip sa
kanyang reme.

"Alam mo kung tutulungan mo sya mas maraming oras ang masasayang. Paano kung mas
marami pang mangailangan ng tulong? Ipagpapaliban pa natin yun para lang sa
kapakanan ng ilan?" Alam ni Perus ang nararamdaman ni Ramses pero nais nyang
ipaintindi dito ang kahalagahan ng paglalakbay at misyon na gagawin nila.

Lumipas ang magdamag. Payapa at tahimik ang naging pahinga ng magkakaibigan.


Panibagong araw na naman ang kanilang sisimulan. Unang nagising si Ramses. Bumangon
sya at lumabas ng kweba upang silayan ang sikat ng araw at damahin ang malamig na
simoy ng hangin.

Nakatingin sya sa silangan kung saan kasalukuyang sumisikat ang araw. Napapangiti
sya sa nakikita at nakakaramdam sya ng kapayapaan.

"Sana palaging ganito." Mahina

nyang sabi sa sarili. Iniisip nya ang kanyang pamilya sa kanilang mundo. Bigla na
naman syang nakaramdam ng takot ng maalala ang mga galit ng mukha ng pamilya at mga
kaibigan sa kanya. "Hindi naman ako masama - alam ko hindi." Ipinagpatuloy nya ang
pagtingin sa araw. Umupo sya sa isang malaking bato. Itinaas nya ang mga kamay at
tumingala. "Woooooooo!" masaya nyang sigaw.

Habang nakatingala sya ay nakakita sya ng mga ibon na nagliliparan. Marami ito at
tila mga balisa ang mga ito. Napatayo agad si Ramses at napatingin sa direksyong
pinanggagalingan ng mga ibon. Napaatras sya at hindi alam kung anong magiging
reaksyon sa nakikita. Natatakpan ng itim ang kalangitan at kumikidlat pa. Ang ilang
mga ibon ay tinatamaan ng kidlat. Malayo pa ang itim na ito sa kinatatayuan ni
Ramses.

Nagmadali syang pumasok sa loob upang gisingin ang mga kaibigan at ipakita sa
kanila ang kanyang nakita.

"Ryona! Perus! Gumising kayo! Tingnan nyo yung nasa labas!" Nagising naman agad ang
mga kasama. Kinuha nito ang kanilang mga sandata at isinabit sa katawan bago sila
lumabas. Maging sila ay nagulat sa nakita.

"Nagsisimula na si Bhufola." Pahayag ni Perus. "Hindi magtatagal masasakop na nya


ang Niraseya." Pagpapatuloy nito.

Ginamit ni Ryona ang kanyang palaso at sinubukang humuli ng isang ibon na


nagmamadaling lumipad sa himpapawid. Agad tinamaan ang ibon at bumagsak ito sa
kanilang harapan.

Dinampot ni Ryona ang ibon at tiningnan ito. "Hindi

maari!" sabi nya at agad lumapit sa mga kaibigan. "Ang mga ibon na ito ay tumatakas
sa kapwa nila ibon." Iniabot ang ibon kay Perus at kinuha naman ito ng binata.
"Kung pagmamasdan nyo ang mata ng ibon na iyan nagiiba ang kulay. May kung anong
mahika ang pumasok sa katawan nya. Maaring nakain o nalanghap na nakakapagpabago sa
isip nya. Hindi magtatagal mag-iiba ang galaw nila at susugurin ang mga hindi nila
kauri." Pagpapatuloy ng dalaga.

Siniyasat naman ni Perus ang ibon ngunit ilang sandali pa ay nangisay ang ibon.
Akala nila ay patay na ito dahil sa tumigil ito sa paghinga. "Nakakaawang
nilalang." Ilalapag na sana ni Perus ang ibon ng bigla itong bumangon at sinugod
sya. Naging mabangis ang ibon at tila naging malakas. Naging pula ang mga mata nito
at naging itim ang pakpak. Lahat ng makita nya ay sinusugod nya ngunit dahil maliit
lamang ito ay agad din itong napigilan sa pagataki kay Perus.

"Ano ng gagawin natin?" tanong ni Ramses. Napansin nyang nakatingin sila Perus at
Ryona sa kanyang likuran na tila gulat na gulat. "May problema ba?"

"Masaya akong makita ayos ka lang kamahalan." Laking tuwa ni Ramses ng marinig ang
boses ng kanyang reme. Agad syang lumingon sa kanyang likuran at nakita ang
nakatayong reme.

"Laverus!!" sa sobrang tuwa ay niyakap nya ang malaking reme. "Akala ko hindi na
tayo magkikita! Kamusta ka na?" Napahiwalay sya sa reme ng maisip nito ang mga
nasasakupan ni Laverus.

"Kamusta ang mga kasama mo?"

"Gumuho ang mga talampas at ilang bundok na pinagtataguan namin. Dahil sa itim na
mahika na yan nagiging mabangis ang mga nilalang dito sa Niraseya. Maging ang mga
puno at halaman ay nagkakamatay o kaya naman ay nananakit ng ibang nilalang."
Paliwanag ni Laverus.

"Hindi maari. Bakit biglaan naman ang lahat?" naguguluhang tanong ni Ramses.

"Malamang nalaman na ni Bhufola na wala ka na sa Silko at ito ang paraan nya para
mahanap ka." Pahayag ni Perus.

Ilang sandali pa ay lumabas na din ang mga reme nila Ryona at Perus. Tila bumati
ito sa pinunong si Laverus. Habang nag-uusap sila ay biglang natumba si Laverus na
ikinagulat ng lahat.

Agad itong nilapitan ni Ramses at nakitang may sugat ito sa binti. "Laverus anong
nangyari sa'yo?" pag-aalalang tanong ni Ramses. "Mukhang malalim ang sugat mo. Wag
kang mag-alala papagalingin kita." Inilabas nya ang mahiwagang alikabok at agad na
ibinudbod sa sugat ni Laverus ngunit dahil masyadong malaki at malalim ang sugat
nito ay dinagdagan nya ang kanyang nilagay.

Dahil mabisa ang alikabok ay unti-unting naghilom ang sugat ng reme mula sa loob ng
kanyang katawan. "Ano ba talagang nangyari?" pagtatanong ni Ryona.

"Laverus, anong nangyari sa nasasakupan mo?" malungkot na tanong ni Ramses.


Nakakaramdam sya ng takot nab aka hindi maganda ang marinig nya mula sa reme.
"Naapektuhan ang ilan sa

kanila ng itim na mahika. Wala akong nagawa kundi iligtas ang mga hindi pa
nasasalanta. Pero mas lumakas sila. Nag-iiba sila ng anyo at mas lumalakas kesa sa
tunay nilang katauhan. Nilabanan ko silang lahat at inilikas ang ilan. Kaunti na
lang ang natira at pakalat-kalat ang iba." Hindi naiwasan na pumatak ng mga luha ni
Ramses sa narinig sa reme.

"Ryona nasaan ang mapa?" pinahid nya ang luha at agad lumapit sa kaibigan.
Tiningnan nila ang mapa.

"Ang susunod nating daraanan ay sa direksyong - " lahat sila ay natigilan ng


makitang daraan sila sa lugar kung saan naapektuhan na ng itim na mahika. " - alam
nyang parating na tayo." Pagpapatuloy ni Ryona.

"Kung yun lang ang tanging paraan wala tayong magagawa." Pahayag ni Perus.

"Ako lang ang kailangan nya. Ako na lang ang pupunta." Tumalikod si Ramses sa mga
kasama habang tinitingnan ang direksyon kung saan may mga pulang kidlat ang
lumalabas sa mga itim na ulap.

"Hindi! Nasisiraan ka na ba? Prinsesa at prinsipe kami ng mga kaharian namin! Kung
may lalaban dito hindi lang ikaw yun! Para 'to sa kapakanan ng mga kaharian namin.
Hindi kami mag-iintay lang ng walang ginagawa!" galit na sabi ni Ryona.

"Kung mayroon maiiwan dito hindi kami yun." Naiinis na pahayag ni Perus habang
inaayos ang kanyang sandata. "Inihanda kami para sa mga ganitong pagkakataon. Paano
mo tatalunin si Bhufola kung hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo?"

Nagulat si Perus at Ryona ng humarap si Ramses na puro luha ang mga mata. "Ayoko ng
may magsakripisyo para lang sa'kin. Tama na si Ka Idong. Hindi na yun masusundan
pa!"

"Tingin mo ba kung aalis ka mag-isa matitigil na ang pagkamatay ng mga tao sa


paligid mo?" lumapit si Ryona sa kaibigan na halos puno ng galit. Hindi nya alam
kung anong nangyayari kay Ramses pero handa nya itong gisingin sa katotohanang
hindi nya kayag mag-isa lamang. "Ramses, marami ka pang hindi alam sa Niraseya."

Napayuko si Ramses sandali at biglang niyakap ang kaibigan. "Natatakot lang kayong
madamay sa lahat ng 'to. Pero gagawin ko ang lahat mailigtas lang ang lahat.
Pangako yan."

Ngumiti si Perus at Ryona sa narinig mula sa mga kaibigan. Hindi nagtagal ay


nagpaalam na ang mga reme sa kanila upang bumalik sa kanilang bagong tinataguan at
ipagtanggol ang mga natitira nilang lahi.
Nagdala ng ilang prutas ang magkakaibigan bago pa man nila tahakin ang landas kung
saan lahat ay mababangis

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 57)

Kabanata 57

"Sa Kailaliman"

Habang papalapit ng papalapit sina Ramses kay Bhufola ay padilim naman ng padilim
ang paligid na kanilang dinadaanan.

"Mukhang wala na tayong ibang ligtas na daraanan. Kailangan na lang natin maging
maingat." Sabi ni Perus habang tinitingnan ang kanilang mapa.

"Sa tingin malapit na tayo. Tingnan nyo 'to dali." Tawag ni Ryona sa dalawa habang
pinagmamasdan ang lupa.

Halos naghati na ang kulay ng lupa na tila nasa magkaibang mundo na sila nakatapak.
Wala ng damo sa kabilang lupa. Tanging tuyot na putik at mga batuhan ang
matatapakan. Ang mga puno ay wala ng mga dahon at kulay itim na ang mga ito. Maging
ang kalangitan ay naghahalong pula at itim kahit na maaga pa lamang.
"Unti-unti ng namamatay ang Niraseya. Dapat mapigilan na 'to bago pa man umabot sa
mga kaharian." Tila nanghina si Ramses ng makita ang paligid. Gusto nyang sisihin
ang sarili dahil sa mga nangyayari ngunit inisip na lang nya ang sakripisyo ng mga
magulang mailayo lamang sya kay Bhufola.

"Pwede natin baybayin ang dagat sa may kanluran para hindi tayo maligaw." Pahayag
ni Perus habang itinuturo ang kanilang dadaanan.

Sumunod lang ang dalawang dalaga sa kanilang kaibigan.

"Maging alisto kayo. Tandaan nyo, mapanganib na kahit ang pinakamaamong nilalang
dito sa Niraseya." Pagbababala ng binata.

Hinawakan nila ang kanilang mga sandata

at tinalasan ang kanilang mga pakiramdam. Ilang sandali pa ay napatigil si Ryona sa


paglalakad.

"Anong problema?" tanong ni Ramses na humigtpit ang pagkakahawak sa kanyang


tenivis.
"May paparating. Marami sila." Umikot ang tingin ni Ryona sa paligid. "Sa taas!"
sigaw nito habang pinapaulanan ng panang hangin ang mga panicking sumusugod sa
kanila.

"Bakit gumagala ang mga paniki ng ganitong kaaga?" tanong ni Ramses habang
nakikipaglaban sa mga paniki.

"Epekto yan ng itim na mahika." Paliwanag ni Perus.

Mabilis lang nilang natatamaan ang mga paniki na sumusugod sa kanila. Ngunit
napasin ni Perus na hindi nauubos ang mga 'to.

Napatingin sa itaas si Ramses at nakita nya ang isang maitim na kalangitan. "Hindi
maari!" natatakot nyang sabi ng makita na mga paniki pala ang dahilan ng pagkadilim
ng kalangitan.

Dahil sa sobrang gulat ng mga kaibigan sa pagsigaw nya ay napatigil ang mga ito sa
pakikipaglaban at nasamantala iyon ng mga paniki na sugurin sila. Halos nabalutan
ng itim na mga paniki ang buong katawan ng magkaibigan.
Hindi naman maaring gamitin ni Ramses ang kanyag tenivis sapagkat alam nyang
delikado ito para sa kanyang mga kaibigan.

"Gagamit ako ng mahika!" pahayag nito. Naisip nyang gumamit ng isang mahika na
makakatulong sa kanya na paalisin ang mga paniki na sumusugod sa kanila. "Pero
paano?"

Hindi alam ng dalaga ang gagawin. Hindi nya alam

kung anong mahika ang dapat nyang gamitin.

"Ano ba ang dapat kong gamitin?" tanong ni Ramses sa sarili. Ipinikit nya ang mga
mata at pinakiramdaman ang paligid. Halos nararamdaman nya ang mga gumagalaw na
paniki kahit hindi sya nakadilat.

Ilang sandali pa ay nakaramdam na naman si Ramses ng mainit sa katawan. Halos


napapaso sya at hindi nya alam kung bakit.

"Aray! Masakit! Anong nangyayari sa'kin?" habang tumatagal ay lalong umiinit ang
pakiramdam ng dalaga at hindi nagtagal ay napasigaw ito sa sobrang sakit.

"AHHHHHHHHH!!!!!" napadilat sya ng hindi inaasahan. Napatingin sya sa mga paniki na


isa-isang naglalaglagan sa lupa at nasusunog ang mga ito. "A - anong nangyayari?"
mahinang bulong ni Ramses.

Napatingin sya sa mga kaibigan na nakikipaglaban pa din sa mga paniki kahit


nababalutan na sila ng mga ito. Kahit hindi maganda ang pakiramdam ni Ramses ay
hinawakan nya ang kanyang sandata at sinugod ang mga paniki. Laking gulat nya ng
masunog ang mga ito kahit mahagingan lang ng kanyang espada.

Mas lalong tumitindi ang nararamdaman ni Ramses. Parang nahihiwa ang buo nyang
katawan pero hindi nya ito pinansin. Hinawakan nya isa-isa ang mga paniking
nakabalot sa kanyang mga kaibigan at nasunog ang mga ito. Ang ibang paniki sa itaas
ay nagpaikot-ikot na lang at hindi na makalapit sa kanila.

"A - ayos lang ba kayo?" nanghihinang tanong ni Ramses habang nakatingin sa


dalawang kaibigan. GUlat na gulat sina Perus at Ryona sa kanilag nakita. Si Ramses
ay nababalutan na naman

ng apoy. Isang naglalagablab na apoy.

"Ramses, itigil mo yan! Kakainin nyan ang katawan mo kung hindi mo yan
malalabanan!" pag-aalalang pahayag ni Perus. Hindi agad naintindihan ni Ramses ang
sinasabi ng kaibigan. Ngunit ng aktong hahawakan ni Ramses si Ryona ay umatras ang
kaibigan. Napansin nyang nag-aapoy ang kanyang kamay kaya't napatingin sya sa
kanyang buong katawan.

"A - anong nangyayari sa'kin?" halos mawalan na ng boses si Ramses sa pagtatanong.


"Ang sakit! Para akong hinihiwa!" Naglakad si Ramses palapit sa isang puno at
sinuntok ito. Sa isang iglap lang ay naging abo ang punong kanyang sinuntok.
"Ang sakit! Ang sakit! Ahhhhhhhhh!!!!!!" sa sigaw ni Ramses na iyon ay mas lalong
lumakas ang apoy sa kanyang katawan ngunit bigla din itong nawala kasabay ng
pagbagsak ng dalaga sa lupa.

Mabilis syang nilapitan ng mga kaibigan para tingan kung mabuti lang ang kalagayan
nito.

Hinawakan ni Perus si Ramses ngunit bahagya itong napabitaw. "Sobrang init nya."
Iniangat nya ang ulo ng kaibigan. "Ramses, Ramses ayos ka lang ba?" tanong nito.

Hindi mapakali si Ryona kaya't pabalik-balik sya ng lakad habang nag-iisip.


Nakaramdam sya ng malamig na simoy ng hangin kaya't tumingin-tingin sya sa paligid.

"Perus buhatin mo si Ramses. Dalhin natin sya sa tabing dagat. Malapit na dito,
nararamdaman ko." Pahayag ng dalaga.

Agad namang binuhat ni Peru sang kaibigan at sinundan si Ryona. Ilang

sandali pa ay nakarating sila sa tabing dagat. Malinis at malinaw pa rin ang tubig
kaya't naisip nila na ligtas pa ito para sa kanila. Ibinaba ni Perus si Ramses sa
tubig hanggang mabasa ito. Nang maramdaman ni Perus na kumilos ang kaibigan ay
inialis na nya ito sa tubig. Inilapag nya ito sa lupa at inalis ang mga gamit nito.
"Nawala na ang init ng katawan nya. Mukhang hindi nya pa rin kayang gamitin kung
anong mahika mayroon sya." Naiiyak na sabi ni Ryona habang tinitingnan ang
namumulang katawan ng kaibigan. "Perus, hindi ba may ibig sabihin ang pulang apoy?
Hindi kaya - "

"Hindi. Mabuti si Ramses at alam mo yan." Umupo silang dalawa sa tabihan ng


kaibigan. Kumain sila ng ilang prutas habang iniintay magising si Ramses.

Nakikita ni Bhufola ang mga kilos nila Ramses gamit ang isang mahiwagang tubig. Sa
tulong ng kanyang mahika, nakikita nya kung nasaan na si Ramses at ang mga kaibigan
nito. Nagmamasid sya at sabik na naghihintay sa pagdating ng kanyang pamangkin lalo
na't pinalawak nya ang itim na mahika na unti-unting pumapatay sa ilang nilalang sa
Niraseya.

"Ikaw nga ang kailangan ko Ramses." Bulong ni Bhufola sa sarili habang tinitingnan
ang repleksyon nila Perus at Ryona na nakain ng prutas samantala nakahiga naman si
Ramses at tila wala pang malay. "Mas masaya kung mahihirapan muna sila."
Pagpapatuloy nito at hindi mapatid ang pagtawa na tila nagwagi na sya sa isang
labang hindi pa nagsisimula.

Makalipas

ang ilang sandali ay nagising na si Ramses at nakahawak ito sa kanyang ulo.


Inabutan naman sya ni Perus ng prutas. Pinagmamasdan ni Ramses ang katawan nya at
hinahanap kung may sugat ito ngunit wala naman syang nakitang kahit ano.
"Kamusta naman ang pakiramdam mo?" pag-aalalang tanong ni Ryona.

"Ayos lang. Mas maayos na kesa kaninang nasusunog ako." Mahinang sabi ng dalaga
habang kinakain ang prutas na ibinigay sa kanya.

"Kapangyarihan mo yun kaya wag kang matakot. Hindi ka masusunog. Kaya mo namang
kontrolin ang pagdaloy ng apoy sa katawan mo. Pero wag mong biglain ang katawan mo.
Tingin ko masyadong mahina pa yung katawan mo para sa apoy na yan. Kaya lang kung
hindi mo agad yan mapipigilan, maaring kainin nyang ang iyong katawan at ang lakas
mo ay mapupunta lang kay Bhufola." Mahabang paliwanag ni Perus.

Habang nag-uusap ang tatlo ay hindi nila namalayan na may mga itim na unggoy na
palang tumitingin sa mga gamit nila. Ngunit huli na ng makita ni Ryona na kinukuha
ng mga unggoy na iyon ang kanilang mga gamit.

"Yung mga gamit natin!" sigaw ni Ryona at sinubukang habulin ang mga unggoy pero
bigo silang mahabol ang mga 'to. Pumasok sila sa kagubatan kung saan tumakbo ang
mga unggoy. Nagsimula silang makarinig ng mga kakaibang tunog ng mga hayop na tila
ay susugurin sila ano mang oras.

"Mabuti pa balikan muna natin si Ramses," suhestyon ni Perus. Pabalik na sila ng


makita nilang nakikipaglaban si Ramses sa mga itim na tila ay mga anino.
Nagmadaling

tumakbo ang dalawa papalapit sa kaibigan. Pinaulanan agad ni Ryona ng mga pana ang
papalapit kay Ramses at hinahampas naman ni Perus ang mga makakasalubong nya. Ilang
sagalit lang ay nakarating na sila sa tabihan ni Ramses. Magkakatabi na silang
tatlo at pinaligiran ng mga itim na tila anino ng tao ang mga nasa harapan nila.

Papasugod na sana silang tatlo ng bigla silang hagisan ng isang itim na lambat.
Hindi sila makagalaw sa sobrang bigat ng lambat na ito at unti-unti silang
nanghihina.

"Anong kailangan nyo?" nanghihinang tanong ni Ryona habang pinipilit itaas ang
kanyang palaso ngunit hindi nya magawa.

Hinang-hina na silang tatlo pero wala silang magawa. Hindi nila alam kung anong
gagawin sa kanila ng mga aninong nasa harapan nila ngayon. Nararamdaman nila na
iyon na ang kanilang katapusan pero hindi pa rin sila sumusuko.

Nakahanda na ang mga espada ng mga anino para tusukin ang tatlo sa ilalim ng lambat
ng biglang tamaan isa-isa ang mga anino ng tila matitigas na halamang dagat.
Mabilis ang pagtama ng mga ito galing sa tubig. Ang bawat pagtama nito sa mga anino
ay nagiiwan ng malaking butas na tila kumakalat sa buong katawan ng anino at unti-
unting naglalaho ang mga 'to.

Nawalan ng malay ang magkakaibigan. Nagising na lamang sila sa isang hindi pamilyar
na lugar. Unang bumangon si Perus na nakahawak sa kanyang ulo. Agad hinanap ng mga
mata nya ang kanyang sandata na nakita naman nyang nakapatong sa isang mesa na tila
ay malaking kabibe.

"Anong nangyari?" nanghihinang tanong ni Ryona na dahan-dahang umuupo. Tiningnan


nya ang paligid.

May mga tila perlas ang bawat gamit na nasa loob. "Nasaan na tayo?"

Ilang sandali pa ay bumangon na din si Ramses at lumapit sa mga kaibigan. Kinuha


nila ang kanilang mga sandata ng biglang pumasok ang ilang mga kawal na kulay asul
ang mga baluti at may dala ang ilan na tila malalaking tinidor. Ang mga baluti nito
ay tila kaliskis ng isda.

"Gising na pala kayo." Pahayag ng isang binatang lalaki na may malaking kwintas na
perlas sa kanyang leeg. Nakita din nila na may asul itong tekan at ang mga paa nito
ay nakasuot din ng lumilipad na sapatos. Alam nilang isa din sya sa mga may
kakayahan sa mahika.

"Kailangan na naming umalis." Lumingon si Perus sa dalawang kaibigan upang tingnan


kung nakaayos na ba ang mga ito at muli ay tumingin sa binatang nasa kanilang
harapan. "Maraming salamat sa tulong. Ryona, Ramses tayo na."

Sumunod naman ang dalawa sa kaibigan at nagpasalamat din sa lalaking kumausap sa


kanila.
"Pabayaan nyo lang sila." Utos ng lalaki sa kanyang mga kawal.

Nagmadali sila Perus na lumabas sa silid ng hindi alam kung saan ang tamang
labasan. Napansin din nila na isang kaharian ang kanilang napasukan ngunit hindi
sila sigurado kung anong kaharian iyon dahil nababalot ito ngayon sa isang mahika.
Tila isang mahika na pamprotekta sa itim na mahika ni Bhufola.

"Ayun ang daan!" sigaw ni Perus kaya't nagmadali silang tumakbo sa malaking pintuan
ngunit laking gulat nila sa nakita.

"Paanong - ?" manghang tanong ni

Ryona ng makita na puro tubig ang nasa labas ng tila isang harang sa kaharian.
Maraming isda ang lumalangoy sa labas ng pintuan. "Nasa ilalim tayo ng karagatan."
Pagpapatuloy nito.

Tumingin silang tatlo sa itaas ngunit hindi nila matanaw ang ibabaw nito kaya't
alam nilang nasa kailaliman sila ng karagatan.

"Hindi tayo makakaalis basta-basta. Kailangan nating bumalik." Pahayag ni Ramses.


"Nakakainis!" tumalikod si Perus at muling pumasok sa loob. Nakasalubong nila ang
binatang kausap nila kanina sa kanilang silid.

"Sino ka? Nasaa kami? Pwede bang palabasin nyo na kami dito. Marami pa kaming dapat
gawin!" naiinis na sabi ni Perus.

"Huwag muna kayong magmadali. Bakit hindi muna kayo kumain. Alam kong wala kayong
lakas dahil nangyari sa inyo kanina." Papalapit ang lalaki kay Ramses pero humarang
si Perus.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Perus habang hawak-hawak ang kanyang sandata.

"Huwag kang mag-alala, wala akong balak makipaglaban sa inyo." Paliwanag ng lalaki
habang nakatingin kay Ramses. "Kakaiba ang tekan mo binibini. Katulad ng sa isang
nilalang na ni minsan ay hindi ko nakita ngunit naikwento naman sa'kin ng aming mga
magulang."

Hindi sumagot sila Ramses dahil hindi nya alam kung ano ang gustong ipahiwatig ng
binata.

"Sya nga pala ako si Leman, ang prinsipe ng Areva." Naglakad ang binata

papasok sa hapag kainan at sumunod naman ang magkakaibigan. "Sige, maupo kayo.
Huwag kayong mahiyang kumain. Ipinahanda ko ang mga iyan para lamang sa inyo."
Malumanay magsalita ang binata. Maamo ang kanyang mga mukha. Matangos ang ilong,
asul ang mga mata at may kaputian. Umupo s Leman sa gitnang upuan. Magkakatabi
namang umupo sina Ramses, Ryona at Perus.

"Paano kami nakarating dito?" tanong ni Ramses. Nailang ang dalaga ng makitang
nakatitig sa kanya si Leman kaya't umiwas na lang ito ng tingin.

Ngumiti si Leman bago sumagot. "Nakita ng mga kawal ko sa ibabaw ang mga aninong
umaataki sa isang dalaga kaya't nagpasya silang lumabas ng tubig upang tumulong
ngunit nakita daw nila na tatlo na ang mabibihag kaya't nakipaglaban na din sila.
Nawalan daw kayo ng malay kaya't dinala kayo dito sa aking kaharian dahil alam
nilang mapanganib sa labas. Nakita nyo na naman siguro ang ibig kong sabihin."
Uminom lang ng tubig si Leman.

"Maraming salamat sa tulong ng mga kawal mo." Sambit ni Ryona. "Maari ba kaming
kumain? Natangay kasi ang mga gamit namin kasama ang mga pagkain at mapa."
Pagpapaalam nya habang nakatingin sa mga kakaibang pagkain sa kanilang harapan.

"Sige lang. Para sa inyo talaga yang mga pagkain na yan." Muli ay ngumiti ang
binata.

"Maraming salamat." Naunang kumain si Ryona at hindi na sya napigilan ng mga


kaibigan. "Tikman nyo dali. Ang sarap." Masayang sabi nito.
Kulay berde ang ilang pagkain na tila mga halamang dagat na niluto sa iba't-ibang
paraan. May mga bulaklak

din doon na tila masarap sa panlasa.

Inabutan ni Ryona si Perus ng isang pagkain. "Tikman mo. Napakasarap." Ngumiti ang
dalaga at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Masarap nga." Nahihiyang sabi ni Perus. Hindi nya namalayan na kumakain na din sya
ng marami tulad ni Ryona. Pinagmamasdan lamang sila ni Ramses at hindi alam kung
kakain din sya.

"Hindi mo ba sasabayan ang mga kaibigan mo?" tanong ni Leman kay Ramses.

Nag-aalinlangan si Ramses kung kakain din sya o hindi. Ngunit napansin nyang hindi
naman siguro masamang kumain dahil nakain na din ang mga kaibigan nya. Kumuha lang
sya ng isang maliit na prutas dagat sa mesa.

"Iyan lang ba ang kakainin mo?" muling tanong ni Leman na hindi pa din naaalis ang
pagkakatingin sa dalaga. Inabutan nya ng pagkain si Ramses at inilagay sa plato
nito. "Subukan mo yan. Masarap at kakaiba ang pagkain na yan. Gagaan ang pakiramdam
mo at mawawala lahat ng sakit ng iyong katawan."
Kakain na sana si Ramses ng mapansin nyang hindi sila sinasabayan ni Leman. "Hindi
ka ba kakain kasabay namin?" tanong ng dalaga.

"Ah - hindi. May oras ang aking pagkain kasabay ng aking pamilya." Ngumiti lang si
Leman at muling uminom ng tubig.

Tinikman ni Ramses ang pagkain habang nakatingin sa dalawang kaibigan na kumakain


ng kumakain at tila nagkakasiyahan. Ilang sandali pa ay nawala si Leman at naiwan
silang tatlo sa hapag

kainan.

"Ryona, Perus nasaan na si Leman?" tanong ni Ramses sa dalawang kaibigan na tuloy


pa rin sa pagkain. Tumingin si Ramses sa paligid ngunit wala syang matanaw na kahit
na sino. "Nasaan ang mga tao?"

"Grabe busog na busog na ko. Naubos ko na lahat ng pagkain dito." Tumatawang sabi
ni Ryona.

"Ako nga rin eh. Pero parang gusto ko pang kumain. Kakaiba mga pagkain nila dito."
Tumatawang sabi ni Perus.
Napansin ni Ramses na ubos na ang mga pagkain sa mesa maging ang nasa plato nya.
Maya-maya ay lumapit ang ilang mga babaeng nakaasul sa kanilang tatlo. Kinuha ang
kanilang mga sandata at ibinigay naman agad nila Ryona at Perus ang mga gamit nila.

"Bibigyan po namin kayo ng isang masahe na makakapagpawala ng mga karamdaman.


Sumunod po kayo." Nakangiting sabi ng isang babae.

"Gusto ko yan! Di ba Perus?" nakangiting sabi ni Ryona na tumayo at nakahawak sa


kamay ng babaeng lumapit sa kanila.

Tumayo din si Perus at sumunod kay Ryona. Lahat ng sinasabi ng mga babae ay
sinusunod ng dalawa.

"Kayo po, ang mga gamit nyo?" tanong ng isang babae kay Ramses.

Hindi alam ni Ramses ngunit iniabot nya ang tenivis sa babae at sumunod din sya
dito. Pumasok sila sa isang silid kung saan malaki ang higaan. Nakita nyang
nakahiga na dun sina Ryona at Perus at minamasahe ng mga nakaasul na babae habang
ang iba ay inaabutan pa sila ng pagkain.

"Ryona! Perus! Hindi ba may gagawin pa tayo?" tanong ni Ramses sa dalawang


kaibigan.
"Ha? Gagawin? Anong gagawin natin?" nag-isip sandali si Ryona sa itinanong ng
kaibigan. "Wala naman tayong gagawin eh."

"Ano nga bang gagawin natin?" bulong ni Ramses sa sarili. Pakiramdam nya ay may
importante silang gagawin ngunit hindi nya alam kung ano yun.

"Halika na po dito binibini." Tawag sa kanya ng babaeng kumuha ng kanyang tenivis.


Pinagmasdan nya ang mga nasa silid. Tila napakapayapa ng lahat. Masaya sina Ryona
at Perus sa ginagawa sa kanila habang kumakain ng kumakain. Si Ramses ay sumusunod
lang sa sinasabi sa kanya ngunit hindi nya alam kung bakit nya ito sinusunod.

"Sandali lang. Kakausapin ko lang ang mga kaibigan ko." Nagtinginan ang mga babaeng
nakaasul sa tabihan ni Ramses. Hindi pa man sila pumapayag ay tumayo si Ramses para
lapitan ang dalawang kaibigan.

"Ryona, Perus." Bulong nito sa dalawa. "Hindi ko gusto yung nangyayari dito. Parang
masyadong payapa ang lahat. Dapat umalis na tayo."

Tumawa si Ryona ng malakas. "Bakit tayo aalis? Ang sarap ng buhay dito. Di ba
Perus?" tumawa rin si Perus at hindi pinansin si Ramses.
"Pe - pero - " naramdaman ni Ramses na hinawakan sya ng dalawang babae ng mahigpit.

"Binibini kailangan nyo pong kumain. Wala na kayong lakas." Mas humigpit ang kapit
ng mga ito kay Ramses. "Sige na, pakainin nyo na sya." Utos nito sa mga babaeng may
hawak na pagkain.

"Ayoko!! Hindi ako kakain!!" isinara ni Ramses ang bibig at inilalayo ang bibig sa
ipapakin sa kanya ngunit wala syang magawa. Malakas ang mga ito at natatakot sya sa
kung anong pwedeng mangyari sa kanila. Dahil sa pagkakataong iyon, wala syang ideya
sa pagbabago ng paligid at ng mga nilalang sa kanilang harapan.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 58)

Kabanata 58

"Leman"
"Bakit ba parang ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kasiyahan sa buong buhay
ko? Teka, ano bang naging buhay ko?" tumigil sandali sa pagtawa si Ramses at
tumingin sa dalawang kaibigan. "Alam nyo ba kung anong naging buhay ko?"

Nagtawanan sila Perus at Ryona habang patuloy pa din sa pagkain ng inihahanda ng


mga babaeng nakapaligid sa kanila. "Ito ang buhay natin. Ang sarap ng buhay dito.
Kung mamamatay nga ako ngayon ayos kasi masyado na kong nabuhay sa ganitong
kasiyahan." Pahayag ni Ryona na patuloy pa rin ang pagtawa.

Hindi maintindihan ni Ramses kung anong nangyayari kaya't nakitawa na lang sya sa
dalawang kaibigan at kumain din ng kinakain ng mga ito. Ilang sandali pa ay hindi
mapakali ang dalaga at tiningnan ang paligid.

"Ryona, Perus bakit ganun? Parang mababaliw na ata ako. Ang saya-saya ko pero yung
pakiramdam ko parang ang lungkot. Ano kayang problema ko?" tumatawang tanong ni
Ramses.

Hinagisan ni Perus ng pagkain ang kaibigan na ikinagulat nito. "Wag kang masyadong
mag-isip. Hindi bagay sa'yo. Baka mapagod ka lang." Muling tumawa ang binata at
dumapa para magpamasahe sa mga babaeng nandun.

Hindi napansin ni Ramses na sa pagtawa nya ay kasabay ang pagpatak ng kanyang mga
luha. "Ano kayang nangyayari sa'kin. Ang saya-saya ko pero parang nasasaktan ako.
Sino kayang makakasagot

sa mga tanong ko." At muli syang tumawa. Sa wala nilang humpay na pagtawa ay unti-
unti silang nanghihina ng hindi nila napapansin.
Maya-maya ay may pumasok na isang malaking lalaki sa loob ng silid. "Nagustuhan nyo
ba ang buhay dito sa aming kaharian?" tanong nito sa tatlo.

"Oo. Gustong-gusto namin." Tumatawang sagot ni Ryona ng bahagya syang napatigil.


"Teka, anong lugar nga ba 'to? Hindi ko kasi maalala eh. Tsaka sino ka ba?"
pagtatakang tanong ng dalaga.

"Sino ka nga? Nandito ka ba para sirain ang masaya naming buhay." Tumayo si Perus
at nilapitan ang lalaking kakapasok lamang sa silid.

"Huminahon kayo. Nandito lang ako para sabihin sa inyo na wala akong balak sirain
ang maganda at masaya nyong buhay. Ang nais ko lang sana ay tumupad kayo sa inyong
mga pangako." Natahimik ang tatlo sa narinig ng lalaki at napantingin sila dito.

"Ano bang pangako namin?" tanong ni Perus.

"Na uunahing paslangin ang hindi naging masaya sa kanyang buhay." Seryosong sabi ng
lalaki.
Muling tumawa sina Ryona at Perus. "Sigurado akong hindi ako ang mapapaslang. Ang
saya-saya ko kaya sa buhay ko ngayon." Muling kumuha si Ryona ng prustas sa may
mesa at kinain ito. "Napakasarap talaga ng pagkain na 'to. Parang natatanggal nya
lahat ng nararamdaman ko sa katawan."

"Hoy wag mo kong ubusan!" sigaw ni Perus na mabilis na nakipag-agawan ng pagkain sa


kaibigang si Ryona.

Napangiti ang lalaki habang pinagmamasdan ang dalawa sa

pag-aagawan sa pagkain. Nawala ang kanyang ngiti ng makita nya si Ramses na tulala
at walang humpay ang pagtulo ng mga luha nito. Nilapitan ng lalaki si Ramses at
sinubukang abutan ito ng pagkain.

"Hindi ka ba masaya sa buhay mo ngayon? Tingnan mo ang mga kaibigan mo sobrang saya
nila." Tila hindi narinig ni Ramses ang sinabi ng lalaki at hindi napatid ang
pagtulo ng mga luha nito.

"Ang totoo gusto kong tumawa pero iniisip ko wala namang dahilan para tumawa ako.
Parang may isang importanteng bagay akong gawin pero hindi ko alam kung ano yun.
Nasasaktan ako ng hindi ko alam. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko." Tumingin si
Ramses sa lalaking katabi. "Ikaw, bakit hindi ka tumatawa. Sa tingin ko hindi ka
rin masaya. Bakit hindi mo subukang kumain?" Iniabot ni Ramses ang pagkain sa
lalaki. Napaatras ng lalaki at tinanggihan ang iniaabot na pagkain ng dalaga.

"Hi - hindi naman ako gutom at isa pa marami na akong kasiyahan kaya hindi mo lang
napapansin." Lumapit ang lalaki sa isa sa mga babaeng nagbibigay ng pagkain sa
silid. "Kunin mo na ang dalawang iyon." Bulong nito.
Napatingin naman si Ramses sa mga sandata nila na nasa may tabihan lamang ng mesa.
Iniisip nya kung anong gagawin sa mga iyon. Hindi sya makapag-isip ng ayos.

Ilang sandali pa ay lumapit si RYona sa kaibigan na tuwang-tuwa. "Ramses alam mo ba


ang sabi sa'kin ilalabas daw nila ako ngayon para bigyan ng surpresa dahil sa
pagiging masiyahin ko." Hinawakan nya ang

dalawang kamay ni Ramses. "Hindi na ako makapaghintay. ANo kayang surpresa yun."
Napatigil si Ryona ng makitang umiiyak ang kaibigan. "Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba
masaya dito? Tingnan mo walang problema, walang kahit ano. Ang simple lang ng lahat
ng bagay." Nakangiti nitong sabi.

"Hindi ka ba nagtataka? Tingnan mo ang paligid, sobranng simple ng lahat pero


sobrang napapasaya nito ang mga tulad natin. Parang may mali. Nararamdaman ko may
mali. Di ba dapat kayo ang makaramdam nun dahil dito kayo sa Niraseya lumaki?"
paliwanag ni Ramses. Tila hindi naman nagustuhan ni Ryona ang narinig sa kaibigan.

"ANo bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. Alam mo kung hindi ka masaya sana
wag ka ng mandamay ng mga masasayang taong tulad namin!" tumalikod ito at lumapit
kay Perus. Sandali syang tumingin kay Ramses at agad din naman nyang binawi ang
tingin.

"Oras na para umalis." Sabi ng lalaki bago tuluyang lumabas ng silid. Nilapitan ng
mga babae si Ryona at Perus at hinawakan ang mga ito sa braso. Hindi naman nanlaban
ang dalawa at masaya pa silang sumama.
"Ramses, paalam. Dahil puro puot ang puso mo maiiwan ka dito mag-isa! Hindi ka
magiging masaya!" sigaw ni Ryona habang tumatawa.

Pinagsarhan ng pintuan si Ramses ngunit hindi man lang sya gumawa ng paraan para
makasunod sa mga kaibigan. Tumayo sya at tiningnan ang buong silid. Tanging mga
pagkain na lamang ang naiwan doon.

"Mag-isa ka lang!

Wala kang kakampi!" isang boses ang narinig nya sa loob ng silid. Hindi naman ito
pinansin ni Ramses at umupo na lang sya sa may mesa at tiningnan ang mga pagkain na
naandun.

"Kahit kailan hindi ka sasaya!" muli na naman syang nakarinig ng boses. Ilang
sandali pa ay naramdaman nyang kung ano sa kanyang likuran. Mabilis kumilos si
Ramses at tumalon sya sa kabilang bahagi ng lamesa. Pagtingin nya sa kanyang
likuran ay wala namang kahit anong nandun.

"Mahina ka kaya umalis ka na dito!" maraming paulit-ulit na tinig na naririnig si


Ramses at hindi nya alam kung saan iyon nanggagaling. Pilit nyang tinakpan ang
tenga ngunit naririnig pa din nya ang mga boses nito.

Agad nyang nilapitan ang kanyang espada at kinuha ito. Hinawakan nya ito na tila ay
handang makipaglaban kahit anong oras. "Ku - kung sino ka man dyan lumabas ka at
magharap tayo!!" matapang na hamon ng dalaga.
"Kumain ka na lang para sumaya ka! Mawawala lahat ng takot ang pangamba mo!" isang
boses ng lalaki ang kanyang narinig.

"Hindi! Ayokong kumain. Sinubukan ko na pero hindi ako naging masaya!" Paikot-ikot
lang si Ramses sa kanyang kinatatayuan at pilit hinahanap kung saan nanggagaling
ang boses na kanyang naririnig.

Bawat maramdaman nyang pagkilos ay sinusugod nya. Ang akala nyang tao sa likuran
nya ay agad nyang sinaksak ng kanyang espada. Laking gulat nya na isa lamang
kurtina ang kanyang nasaksak.

Nakakita sya muli ng isa pang mabilis ang kilos sa loob ng silid kaya't sininundan
nya iyon. Lahat ng makita at maramdaman nyang gumagalaw ay sinusugod nya kahit
walang kasiguraduhan kung ano yun.

"Tama na! Tama na!" nalilito na si Ramses sa kung ano ba ang tunay sa mga nakikita
nya. Sa pag-ikot nya sa silid ay napatapat sya sa isang salamin at nakita ang
kanyang sarili. Tinutukan nya ng espada ang salamin at gayundin ang repleksyon na
kanyang nakita.

"Mahina ka! Sarili mo lang hindi mo pa kayang kalabanin!" sabi ng repleksyon ni


Ramses sa salamin. Binigyan nya ang dalaga ng isang nakakatakot na ngiti.
"Hindi ikaw ako! Wala kang alam!" sa sobrang pagkabigla ni Ramses at hinati nya sa
dalawa ang salamin at pinagsusuntok ito habang mabasag lahat ng salamin.

"Hindi. Walang kahit ano dito sa silid. Wala akong naririnig. Wala akong nakikita."
Sabi ni Ramses sa sarili habang kinukumbinsi ang sarili na guni-guni lang ang
lahat.

"May naririnig ka at nakikita." Isang boses ng lalaki ang nagsalita na tila alam
ang lahat ng ginagawa ni Ramses.

"Magpakita ka! Lumabas ka!" hinawakan ni Ramses ng mahigpit ang kanyang tenivis at
nakiramdam sa paligid.

"Isuko mo na sa'kin ang tekan mo!" muli ay narinig nyang nagsalita ang boses na
iyon. Hinati nya sa dalawa ang mesa na puno ng pagkain sa pagbabakasakaling nasa
ilalim nun ang boses

na kanyang naririnig. Ngunit walang kahit na ano sa ilalim.

Pakiramdam ni Ramses na masisisraan na sya ng sarili. Hindi nya alam kung anong
gagawin kaya't binitawan nya ang tenivis at lumapit sa mga nakakalat na pagkain sa
sahig. "Kung heto lang ang paraan para hindi ko marinig ang mga boses na iyon,
gagawin ko."

Kumain si Ramses ng kumain hanggang sa maging kakaiba ang pakiramdam nya. Hindi nya
mapigilang tumawa habang kumakain kahit parang sasabog na ang kanyang tyan.
"Alam ko na. May mahika 'tong pagkain na 'to. Bakit kaya kumain pa ako?" tumatawang
sabi ng dalaga kahit wala naman syag kausap. "Epekto nito na makalimutan ang lahat?
Pero wala naman akong dapat kalimutan." Tumatawa pa din sya habang kumakain na tila
isang baliw.

"Kung gayon bakit hindi mo na lang kitilin ang sarili mong buhay? Putulin mo ang
kamay mo at tanggalin ang iyong tekan." Napatigil sa pagtawa si Ramses. Iniikot nya
ang kanyang mga mata upang maghanap ng matulis na bagay. Tanging ang tenivis nya
lamang ang kanyang nakita kaya't tumayo sya para damputin ito.

Hindi nya alam kung bakit nya susundin ang utos ng naririnig nyang boses ngunit
hindi nya mapigilan ang sarili. "May misyon akong dapat tapusin. Ang pagkitil ko ba
sa sarili kong buhay ay parte ng misyon ko?" tanong ni Ramses sa boses na hindi nya
alam kung saan nanggagaling.

"Oo. Ang pagkitil sa sarili mong buhay ang tanging paraan upang matupad mo ang
iyong misyon." Sagot ng boses sa kanya.

Iniikot nya sa huling sandali ang mata upang

hanapin kung saan nanggagaling ang boses na naririnig ngunit bigo syang makita ito.
"Sige, gagawin ko na!" tumatawa nitong sabi. May katagalan din syang nakatitig sa
kanyang tekan. Inilagay nya ang talim ng kanyag tenivs sa kanyang braso. Nang
sumayad ang talim nito sa kanyang balat ay agad umagos ang dugo. "Alam kong mali
'to pero bakit wala akong magawa!" bulong nya sa sarili.

Buo na ang loob nya na putulin ang kanyang kamay ng bigla nyang maramdaman ang
isang malakas na pwersa sa kanyang likuran. Dahil doon ay nabitawan nya ang kanyang
tenivis. Ilang sandali pa ay isang tubig ang bumagsak sa kanyang katawan. Sa
sobrang lakas ng tubig na bumubuhos sa kanyang katawan ay napahiga sya habang
tinatakpan ang kanyang mukha. Dahil sa lakas ng pwersa ng tubig ay hindi nya
maiwasang makalunok nito.

"Hindi ako makahinga." Sambit nya sa kanyang sarili.

Idinilat nya ang kanyang mata habang pumapatak ang tubig sa kanyang mukha at may
nakita syang nakatayo sa kanyang harapan.

"Batle Pora Erayogi!" isang boses ng babae ang kanyang narinig. Kasabay ng
pagsalita nito ay ang pagkawala ng tubig na bumubuhos sa kanya.

Napapikit si Ramses at nanatiling nakahiga sa sahig. Naramdaman nya ang kakaibang


lamig sa katawan. Umiikot ang pakiramdam nya na parang magkakasakit sya. Ilang
sandali pa ay napadilat sya at mabilis na napaupo ng maramdaman nyang may lalabas
sa kanyang bibig. Lumabas ang mga kinain nya kasabay nito ang sunod-sunod nyang
pag-ubo dahil sa mga nalunok nyang tubig.
"Hindi na masama sa baguhang

katulad mo." Narinig nyang sabi ng isang boses ng babae. Agad syang lumingon sa
kanyang likuran at nagulat sya sa nakita.

"Rettie? Anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat na tanong ni Ramses.

Nilalaro-laro ni Rettie ang tubig sa kanyang kamay na tila ay namuo at lumutang sa


hangin. "Hindi ba ako dapat ang magtanong sa iyo nyan? ANong ginagawa mo sa
kaharian namin? Akala ko ba pupuntahan mo si Bhufola?"

Biglang naalala ni Ramses na nasa Areva sila. Mabilis syang tumayo at kinuha ang
kanyang tenivis at inilagay ito sa lagayan sa kanyang likuran.

"Maraming salamat sa pagliligtas mo Rettie." Ngumiti si Ramses sa dalaga.

"Pwede ba sinisira mo ang kaharian namin. Tingnan mo nga ang ginawa mo sa silid na
'to!" itinuro ni Rettie ang silid at nagulat si Ramses sa nakita. Lahat ng gamit
doon ay sira-sira na. Maging ang ilang bahagi ng pader ay may hiwa ng tila matalim
na bagay.
"Alam mo hindi ko kasi alam kung anong nangyari. Ang natatandaan ko lang ay
papaalis na kami nila Ryona at Perus ng makita naming nasa ilalim kami ng dagat
tapos inimbitahan kami ni Leman na kumain at hindi ko na maalala ang iba. Ang sakit
ng ulo ko." Nakahawak si Ramses sa kanyang ulo habang nagpapaliwanag.

Nabitawan ni Rettie ang tubig na nilalaro at bumagsak ito sa sahig bilang isang
normal na tubig. "Si Leman? Sya ang nakausap nyo?" pagtatakang tanong ni Rettie.

Tumango

si Ramses sa kausap kahit hindi nya maintindihan ang reaksyon ng mukha nito.
"Kilala mo ba si Leman?" tanong ng dalaga.

"Hindi ako makapaniwalang nilagay nya ang kaharian sa panganib!" galit na sabi ni
Rettie at lumabas ito ng silid.

"Sandali lang Rettie. Kelangan kong mahanap sila Perus at Ryona." Sinundan nya si
Rettie na mabilis naglalakad.

"Alam ko kung nasaan sila!" tumakbo ng mabilis si Rettie at tumigil sa isang


malaking asul na pintuan. May mga malalaking perlas ang nakapaligid sa pintuan at
may mga gumagalaw pang halamang dagat. Itinapat lang ni Rettie ang kanyang tekan sa
malaking perlas at bigla itong bumukas.
Bumungad sa kanila si Leman na nakaupo sa isang trono at nasa harapan nya ang isang
malaking asul na perlas. Nakita rin ni Ramses ang mga kaibigan na tuwang-tuwa
habang pinapaluputan ng isang buhay na halamang dagat.

"Rettie! Anong ginagawa mo dito!" napatayo si Leman ng makita ang dalaga na


nakapamewang at agad lumapit sa kanya. Nakita ng binata na kasama nito si Ramses.
"Bakit mo sinira ang kasiyahan ko!"

"Wala ka talagang magawang matino Leman! Alam mo bang muntik mo ng ipahamak ang
kaharian natin! Ipapaalam ko 'to sa mahal na hari!" tumalikod sya at kinuha ang
kanyang espada at lumapit kina Perus at Ryona na kasalukuyang wala sa sarili.

"Ginawa ko 'to dahil alam kong ito ang dapat Rettie! Kung ibibigay natin kay
Bhufola ang kelangan nya pwedeng maligtas ang kaharian natin!" galit na sigaw ni
Leman.

Humarap muli si Rettie at tiningnan si Leman ng masama. "Sa tingin mo ba ganun


kabuting tao si Bhufola na kapag ibinigay mo ang gusto nya lulubayan ka na nya?
Leman mag-isip ka nga. Buong Niraseya ang gusto nyang sakupin. Tingin mo hindi sya
magkakainteres sa ilalim ng tubig? Tingin mo ba sapat na sa kanya ang pagharian ang
lupa?" umiling si Rettie at muling humarap kina Ryona. Pinagputol-putol nya ang
halamang dagat na nakapulupot dito.

Itinaas nya ang kamay na may tekan at itinapat sa dalawa. "Batle Pora Erayogi!"
Ilang sandali pa ay lumabas ang isang tubig na tila ay may buhay. Umikot muna ito
bago tuluyang bumalot kina Perus at Ryona. Ang tubig ay tila may isip na kusang
pumasok sa bibig ng dalawa. Tila nalulunod na ang dalawa kaya't itinigil na ni
Rettie ang ginawa. "Batle Pora Erayogi!" at nawala ang tubig.

Agad namang tumakbo si Ramses sa dalawang kaibigan at tinulungan itong tumayo.


"Ryona, Perus ayos lang ba kayo?"

Tumayo silang dalawa at nagulat ng makita si Rettie sa kanilang harapan. "Rettie?


Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ryona.

Sumenyas si Rettie sa mga tauhan nito na kunin ang mga sandata nila Ryona at agad
naman syang sinunod.

"Nandito tayo sa kaharian nila. At sya ang tumulong sa'tin." Paliwanag ni Ramses.

"Tumulong sa'tin?" naguguluhang tanong ni Ryona. "Ano bang nangyari sa'tin?"

Tumawa lang si Rettie at tsaka lumapit sa mesang puno ng pagkain. "Sa susunod kasi
wag kayong kakain ng pagkaing hindi nyo naman alam. Napaglaruan tuloy kayo ni
Leman. Wala syang puso kaya pasalamat kayo at nakita ko kayo." Nakangiting sabi ni
Rettie.
"Mahal kong kapatid hindi naman ata tamang magsabi ka ng mga bagay na hindi totoo."
Bumaba si Leman sa kanyang trono at lumapit kay Rettie.

"Magkapatid kayo?" sabay-sabay na tanong nila Perus, Ryona at Ramses.

"Sa kasamaang palad."sagot ni Rettie. "Ang pagkaing ito ay kakaibga. Kaya ka nitong
mawala sa sarili. Kung sakaling malabanan mo naman ang epekto nito dun papasok si
Leman. Marrinig mo ang walang kwenta nyang boses." Itinapat nya ang espada sa leeg
ng kapatid. "Ang pagkakamali nya ay ang hayaang magtagal dito si Ramses kahit alam
nyang alam na ni Bhufola ang lahat ng kilos nyo." Seryosong sabi nito.

Hindi pa man sila tapos mag-usap ng biglang yumanig ang paligid. Lahat sila ay
nagulat. Nakarinig sila ng mga sigawan mula sa labas.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko!" galit na sabi ni Rettie na naunang lumabas ng
silid. Sumunod naman silang lahat at sa daan nila palabas ay nakasalubong nila ang
mga tauhan nila Rettie na dala-dala ang mga sandata nila Perus at Ryona.

"Leman sabihan mo si ama sa nangyayari. Mga kawal sa posisyon nyo!" sigaw ni Rettie
habang hawak-hawak ang kanyang sandata. Hindi alam nila Perus ang gagawin dahil
hindi pa nila naranasang makipaglaban sa ilalim ng tubig. Alam nilang hindi sila
makakahinga ng matagal oras na mapunta sila sa labas.
=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 59)

Kabanata 59

"Sa kabilang dako"

Naiwang nakatayo ang tatlo habang pinagmamasdan sina Rettie at ang mga kawal nito
na nakikipaglaban sa labas ng kaharian kung saan puro tubig. Mga Nuter ang sumugod
at nilalaban ng mga taga Areva.

"Anong gagawin natin? Hindi naman pwedeng tumunganga na lang tayo dito!" Niyuom ni
Ramses ang kanyang mga palad dahil wala syang magawa. "Alam kong sinundan lang ako
ng mga nuter kaya nila sinusugod ang kaharian nila Rettie." Tiningnan nya ang
dalawang kaibigan.

"Ramses hindi ko gusto ang tingin na yan." Pangangambang sabi ni Ryona. "Hindi nila
tayo katulad. Hindi tayo taga dito sa kaharian nila kaya imposible yang iniisip
mo."

Napatungo si Ramses dahil alam nya sa sarili na wala talaga syang magagawa pero
gusto nyang tumulong dahil iniisip nya na sya ang may kasalanan ng nangyayari
ngayon.
"Tama si Ryona Ramses." Hinawakan ni Perus ang kaibigan sa balikat. "Pero hindi
lang tayo tatayo dito at manonood. Alam kong may paraan para makalaban tayo."

Sa sinabi ni Perus lumiwanag ang mukha ni Ramses. Umalis silang tatlo at tumulong
sa paglilikas ng mga tao sa labas ng Areva at dalhin sa ligtas na pwesto sa ibaba
ng kaharian.

Ngunit dahil sa sobrang dami ng mga nuter ang ilan sa kanila ay nakapasok na sa
loob ng kaharian at ito ang pagkakataon para makipaglaban sila Ramses. Hindi sila
nagdalawang isip na gamitin ang kanilang

mga sandata sa lahat ng nuter na makita nila.

Ginagamit ni Ryona ang kanyang palaso sa mga nuter na makakasalubong nila upang
bigyang daan ang mga taong inilalayo nila sa kapahamakan.

Sa sandali na makapasok ang lahat sa isang malaking silid sa ilalim ay nabalutan


ito ng tubig at hindi nakapasok sila Ramses dahil nag-aalala sila na maari silang
malunod. Nang sumara ang pintuan ng silid ay hinarap nila ang mga paparating na
nuter.

Mabilis nakaiwas si Ramses sa pagsugod ng nuter. Tila isang mabagal na pagkilos ang
kanyang nakikita kaya't naiiwasan nya ito kaagad. Kahit nakapikit ang kanyang mga
mata ay nararamdaman nya kung saan nanggagaling ang mga atake sa kanya. Hindi nya
alam kung kailan nya pa iyon natutunan pero alam nyang malaking bahagi noon ang
pagsubok sa kanila ni Oney.
Ang mabilis na si Ryona naman ay paikot-ikot sa iba't ibang direksyon upang sugurin
ang mga nuter sa malayo gamit ang kanyang palaso. Dahil sa mabilis syang kumilos ay
tila isang laro lang ang lahat sa kanya. Hindi man lang sya nakaramdam ng
pagkapagod.

Samantala, si Perus naman gamit ang kanyang sandata ay nakakapagpatumba ng higit sa


limang nuter ng sabay-sabay na kanya ding ikinagulat. Alam nyang nadagdagan ang
lakas nya ngunit hindi nya alam kung kailan pa iyon nagsimula.

Oras na mawala ang mga nuter sa kanilang harapan ay muli silang lumabas
nagbabakasakaling makakita pa ng ibang tao na ililigtas at pumuksa pa ng ibang
nuter. Sa pagmamadali nila hindi

nila inaasahan ang isang kakaibang nuter na bigla na lamang sumulpot sa kanilang
harapan. Mabilis nakalayo si Ryona at Perus dahil nasa gilid lamang sila pero si
Ramses ay masyadong nagulat kaya't wala syang nagawa. Hindi nya inaasahan ang
ginawa ng nuter. Dinaanan sya ng nuter na ito at tila isang malakas na pwersa ang
tumulak sa kanya paangat kung saan-saang direksyon patungo ang nuter na ito.

"Hindi ko akalaing may ganyang nuter!" tinitingnan ni Perus ang kaibigan habang
dala-dala ng nuter na ito. Hawak nya ang sandata at handa syang ibato ito sa kahit
anong oras ngunit natatakot syang matamaan ang kaibigan. "Ryona, subukan mong
patamaan ang nuter!" utos ni Perus.

Ngunit sa sandaling marinig iyong ng nuter ay mas mabilis pa syang kumilos at sa


hindi inaasahan ng lahat dinala nito si Ramses sa labas ng kaharian kung saan
naghihintay ang malawak na karagatan.
"Ramses!!!" sabay na sigaw ni RYona at Perus habang pinagmamasdan ang paglayo ng
kaibigan.

Natanaw ni Ramses ang dalawang kaibigan habang papalayo sya ng papalayo. Nakikita
nya din ang mga kawal ng Avera na nakikipaglaban. Hindi sya makagalaw at
nararamdaman nyang unti-unti syang nawawalan ng hangin dahil sa mahigpit na
magkakahawak ng nuter sa kanya at dahil nasa kailaliman na sya ng dagat.

Nararamdaman ni Ramses na hindi na nya kaya ng maramdaman nyang bumitaw ang nuter
sa kanya at lumuwag ang pakiramdam nya ngunit wala na din syang hangin. Naaninag
nya ang isang tao na

kumalaban sa nuter at agad lumapit sa kanya.

"Kaya mo pa?!" narinig nyang sabi ng tao sa harapan nya.

Sinubukan ni Ramses magsalita ngunit tanging mga bula ng tubig lamang ang lumabas
sa kanyang bibig. "Paano sya nakapagsalita?" naguguluhang tanong ni Ramses sa
sarili.

"Kainin mo 'to." May isinubo ang taong ito kay Ramses na agad naman nyang nalunok.
Ilang sandali lang ay gumanda ang pakiramdam ni Ramses at naidilat nya ng ayos ang
mga mata nya. Nakita nyang ang taong nagligtas sa kanya ay si Leman.
Magpapasalamat sana ang dalaga ng makita nyang may isang malaking nuter ang
papasugod sa likuran ni Leman kaya't mabilis nyang kinuha ang kanyang tenivis at sa
isang iglap ay nasa likuran na sya ng binata at inatake ang nuter.

"Napahanga mo ako sa bilis mong kumilos bilang isang baguhan sa ilalim ng tubig."
Humarap si Ramses sa binata at nakita itong nakatingin sa kanya na may ngiti sa mga
labi.

"Salamat. Hindi ko alam kung ano yung pinalunok mo sa'kin pero nakatulong sya."
Paliwanag ng dalaga.

"Magliligawan na lang ba kayo dyan o tutulungan nyo ko dito?" sigaw ni Rettie


habang nakatingin sa dalawa.

Tila napahiya naman ang mukha ni Ramses sa narinig sa dalaga dahil noon lamang sya
napagbintangan sa ng ganoon sa buong buhay nya.

"Wag mong intindihin ang kapatid

ko. Hindi lang yan sanay na mabait ako sa ibang babae." Ngumiti ang binata at
lumapit kay Ramses at kinuha ang kamay nito. "Ibigay mo sa mga kaibigan mo.
Makakatulong yan." Umalis ito matapos maibigay sa dalaga ang mga binhi na ipinakain
sa kanya kanina.
Pinagmasdan ni Ramses ang papalayong si Leman habang nakikipagbiruan pa sa kapatid
na si Rettie.

Hindi nagsayang ng oras si Ramses at bumalik sya sa pwesto kung saan naiwang
nakatayo ang dalawang kaibigan. Hindi nya alam kung anong klaseng binhi ang
ibinigay sa kanya ngunit alam nyang yun ang dahilan kung bakit nakakahinga sya sa
ilalim ng tubig at kumikilos na tila isang normal na taong taga Areva.

Ilang mga nuter din ang humaharang sa kanya ngunit nalalabanan naman nya agad ito
gamit ang kanyang sandata. Isang hiwa lamang sa mga nuter ay agad silang nawawala.
Natanaw ni Ramses ang dalawang kaibigan na nakikipaglaban sa mga nuter kaya't agad
syang nagmadali. Nakatapak sya muli sa loob at tinulungan ang dalawang kaibigan sa
pakikipaglaban. Nang maubos ang nuter sa kanilang harapan ay hindi na sya nagsayang
ng oras. Iniabot nya agad ang binhi sa dalawa.

"Lunukin nyo yan. Makakatulong yan para makahinga tayo at makagalaw sa tubig."
Paliwanag ni Ramses.

"Pero kanino galing 'to." Nagaalinlangang tanong ni Ryona.

"Kay Leman, pero wag kayong matakot. Hindi yan makakasama sa'tin. Maniwala kayo.
Nasubukan ko na at wala pa namang masamang nangyayari sa'kin." Paliwanag ni Ramses
ngunit tila

hindi naniniwala ang dalawa. Natakot na sila sa kahit anong ibibigay ni Leman sa
kanila matapos ng lahat ng nangyari.
Nabasa ni Ramses ang gustong sabihin ng mga tingin ng kanyang mga kaibigan. "Sige.
Tingnan nyo ko." Tumayo si Ramses sa may pasilyo at tumalon palabas ng kaharian.
Nagpasirko-sirko ito habang hawak ang kanyang sandata. Sinugod din nya ang ilang
mga nuter sa paligid bago muling bumalik sa dalawang kaibigan na nakatitig sa
kanya. "Sige na, lunukin nyo na yan. Kailangan na nating makaalis dito. Kailangan
nating mapasunod palabas ang mga nuter."

Nagkatinginan sina Perus at Ryona. "Nakakapagsalita sya habang nasa tubig?" sabay
nilang sabi. Sa pagkakataong iyon sabay nilang nilunok ang binhing ibinigay ng
kaibigan at lumabas din ng Areva.

Ilang sandali pa ay sumugod sa kanilang tatlo ang maraming nuter na nanggagaling sa


maraming direksyon. Gamit ang palaso ni Ryona ay tinatamaan nya ang mga nuter sa
kanilang dinaraanan papaitas, papalayo sa kaharian.

Napatingin si Rettie at Leman sa direksyong pinupuntahan ng mga nuter at nakita


nilang sina Ramses ang sinusundan nito.

Ilang sandali lang ay narating na nila ang itaas at naramdaman na nila ang malamig
na hangin. Nasa pangpang sila ng maabutan ng mga nuter. Nilabanan nila ang mga ito
at hindi nila akalain na mauubos din ang mga nuter na sumugod sa kanila.
Nagkatinginan ang tatlo na tila hindi makapaniwala na nawala ang mga nuter na
sumusugod sa kanila.

"Mukhang pinalabas lang talaga nila kayo. Inaasahan kayo ni Bhufola

at ayaw nya ng kahit anong balakid para hindi ka makarating Ramses." Nagulat ang
tatlo ng marinig ang isang boses ng babae. Napatingin sila sa kanilang likuran at
nakita nila si Rettie kasama si Leman. Ngumiti si Leman kay Ramses. Nahiya naman
ang dalaga kaya umiwas ito ng tingin.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ryona kay Rettie.

"Tulad ng lagi kong sinasabi sa magaling kong kapatid. Hindi nya pwedeng kunin si
Ramses at kusang ibigay kay Bhufola. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Bhufola na
pupuntahan nyo sya maliban na lang kung naglabas si Ramses ng kakaibang lakas na
nagpatakot sa kanya. Maaring hindi na sya makapaghintay na makita ka para sa lakas
na meron ka na maaring magpalakas sa kanya o makapaslang sa kanya." Mahabang
paliwanag ni Rettie.

"Lakas? Baka yung biglang pagaapoy ng buong katawan mo Ramses." Sabi ni Perus na
tumingin sa kaibigan. "Tingin ko kailangan mong kontrolin ang apoy na yun.
Natatandaan ko sabi ni Aragon na ikakapahamak mo kung hindi mo mapapasunod ang
sarili mong kapangyarihan." Mahabang paliwanag ng binata.

"Teka, apoy? Aragon?" naguguluhang tanong ni Leman habang nakatingin kay Ramses.
Tumingin naman si Ramses sa nagtatanong na binata. "Oo, hindi ko alam pero bigla na
lang akong nakaramdam ng sobrang inet na parang matutunaw ang buo kong katawan
hanggang sa makita kong nagaapoy na pala ako. Mabuti na lang natulungan din kami ni
Aragon." Paliwanag ng dalaga na mabilis

ding umiwas ng tingin kay Leman at nalipat kay Rettie.

"Aragon? Nakilala nyo na si Aragon?" bakas sa mukha ni Rettie ang pagkagulat sa


narinig sa kausap.

"Matagal ko na syang kilala." Nagdalawang isip si Ramses na banggitin na nakilala


nya si Aragon sa labas ng Niraseya dahil ayaw na nyang humaba pa ang kanilang
usapan.

"Kung ganun pala wala ng dapat pag-usapan. Nakilala nyo na si Aragon kaya wag na
kayong magtaka sa mga mangyayari." Napatigil silang tatlo sa narinig mula kay
Rettie.

"Anong ibig mong sabihin?" sabay-sabay na tanong nila.

"Si Aragon?" hindi mabasa ni Rettie kung anong ibigsabihin ng tanong ng tatlong
magkakaibigan.
"Alam mo Rettie kung matagal ng kilala ni Ramses si Aragon hayaan mo na sila."
Ngumiti si Leman at muling tumingin kay Ramses.

Napapansin ni Rettie ang mga pagtingin ng kapatid kay Ramses at tila hindi nya ito
nagugustuhan.

"At sana hindi mo na ulitin ang pag-iisip na gawing bihag si Ramses kung ayaw mong
mawalan ng kaharian!" tila may pagkainis sa boses ni Rettie.

Ngumiti lang si Leman. Kinuha nya ang ilang mga binhi sa maliit na bulsa ng kanyang
baluti at lumapit it okay Ramses. "Makakatulong ito sa inyo. Hindi ko alam kung
kelan nyo 'to kakailanganin pero alam ko magagamit nyo 'to." Iniabot nya sa palad
ng dalaga ang mga binhi na hindi iniiwanan ng tingin ang mga mata ng dalaga.

"S - Salamat Leman." Nahihiyang sabi ni

Ramses. "Alam kong magagamit namin ito." Tumingin si Ramses sa mga kaibgan at
ngumiti. Bakas sa mukha nya ang pagkabalisa.

"Mag-iingat ka. Sana maisipan mong dumalaw sa aming kaharian kapag natapos na ang
lahat. Wag kang mag-alala sa kapatid ko, naiinggit lang yan sa atensyon na
ibinibigay ko sa ibang dalaga." Ngumiti si Leman na mas nagpapula sa mukha ni
Ramses. Hindi nya alam kung anong sasabihin dahil wala syang alam pagdating sa mga
ganitong bagay.
"Hoy Leman hinding-hindi ako maiinggit sa kahit na sinong babae. Prinsesa ako ng
Areva kaya wala akong kinaiinggitan!" Itinutok ni Rettie ang kanyang espada sa
likuran ng ulo ng kapatid.

"Sa tingin ko tama na yan. Dapat na siguro kayong bumalik sa kaharian nyo at
tingnan ang mga tao dun kung ligtas ba sila." Pinutol ni Perus ang nangyayaring
asaran sa pagitan nila Rettie at Leman. Alam nyang naiilang ang kaibigan na
halatang-halata naman sa mukha nito kaya naisipan nyang tulungan sya.

"Magandang ideya yan." Sagot ni Leman. Lumayo sya kay Ramses at tumabi sa kanyang
kapatid habang ibinababa ang kamay nito na may hawak na espada.

"Maraming salamat Rettie sa lahat. Wag kang mag-alala makakabayad din ako sa'yo."
Seryosong sabi ni Ramses na nakatingin kay Rettie.

"Alam mo mailigtas mo lang ang Niraseya masaya na ako. Pero kung hindi mo yun
magagawa sinasabi ko sa'yo kakampi ako kay Bhufola para tapusin ka." Hindi alam ni
Ramses kung nagsasabi ba ng totoo si Rettie o hindi. Isang blanking reaksyon lamang
ang makikita mo sa kanyang mga mukha.

"Wag mo namang takutin si Ramses mahal kong kapatid." Hahawakan na sana ni Leman
ang kapatid pero mabilis itong tumalon papuntang tubig na parang isang magaan na
bagay. Nakatungtong lamang sya sa ibabaw ng tubig at hindi sya lumulubog.
"Hanggang sa muling pagkikita." Ngumiti lang si Rettie at lumubog na sa tubig.

"Ganyan talaga maglambing ang kapatid ko. Mag-iingat kayo lalo na ikaw Ramses." Sa
huling pagkakataong ay ngumiti si Leman kay Ramses bago sumunod sa kapatid pabalik
sa tubig.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 60)

Kabanata 60

"Pag-asa o Pagdurusa"

"Paano naman natin malalaman kung saan tayo pupunta kung wala tayong kahit ano na
makakapagsabi ng direksyong dapat nating tahakin?" pambungad ni Ramses habang
naglalakad sila.
Ilang oras matapos nilang umalis sa dalampasigan ay hindi na nila alam ang tamang
daan papunta kay Bhufola. Naglakad lang sila ng naglakad at iniwasan ang mga
dadaanan na naapektuhan na ng itim na mahika.

"Hindi ko na din mapakinabangan ang mga puno't halaman dahil apektado na sila ng
itim na mahika. Halos sila-sila ay nagpapatayin na din." Tumigil bahagya si Ryona.
Bakas ang pagkalungkot sa kanyang mukha ng maisip ang mga nangyayari sa mga puno't
halaman.

Hinawakan sya ni Perus sa balikat. "Mas lalo nating kailangang magmadali bago pa
makarating ang itim na mahika sa ating mga kaharian." Handa na silang tatlo na
magpatuloy sa paglalakad ng biglang may mga itim na ugat ang nagsulputan sa lupa at
pumulupot sa kanilang mga paa.

Mabilis nilang pinutol ng kanilang mga sandata ang mga ugat na ito at tumakbo ng
mabilis. Kahit gaano man ang liksi nilang kumilos ay ganun din ang ginagawa ng mga
ugat.

Nakakita sila ng isang malaking bato at tumalon sila papunta dun ngunit naabutan pa
rin sila ng mga ugat. Sa di inaasahang pangyayari ay nalaglag si Ramses sa bato at
bumagsak sa lupa. Hindi agad sya

nakakilos.

"Ramses ayos ka lang ba?" sigaw ni Ryona muna sa itaas ng bato.


Pagmulat ng mata ng dalaga ay nakita nya ang dalawang kaibigan na nakikipaglaban sa
mga ugat na tila hindi nauubos habang sya ay hindi sinusugod ng mga ito.

Napansin din nya ang isang maliit na liwanag sa di kalayuan. Tila isa itong Kitna
(maliliit na tila diwata na may iba't-ibang kulay) ng kagubatan. Napansin nya din
na hindi ito sinusugod ng mga ugat.

"Ryona, Perus!! Wag kayong gumalaw. Mga gumagalaw lang ang sinusugod ng mga ugat!!"
sigaw ng dalaga mula sa ibaba.

Napatingin sa kanya ang dalawang kaibigan at napansing hindi nga sya sinusugod ng
mga ugat kaya't tumigil sa pakikipaglaban ang dalawa. Hindi sila kumilos at ganun
din ang mga ugat ngunit hindi umalis ang mga ugat sa kanilang paligid.

"Ano nang gagawin natin ngayon? Hindi din naman sila naalis." Pag-aalalang tanong
ni Ryona.

"Nakakita ako ng Kitna dun sa may puno. Sundan natin sya. Isang mabilis na pagkilos
lang." dahan-dahang tumayo si Ramses at itinuro ang Kitna na kanilang nakita.
Tila naramdaman ng kitna na sya ang pinag-uusapan ng magkakaibigan kaya't mabilis
syang lumipad.

"Wag kang gumalaw!!" sigaw ni Ramses. Sinugod ng mga ugat ang nalipad na kitna
kaya't napilitan na ding kumilos ang magkakaibigan.

Mabilis kumilos ang Kitna na ito at naiiwasan ang bawat pagsugod ng mga itim na
ugat.

"Kitna tumigil ka!!" sigaw ni Ryona. Sa paghabol nila sa kitna at pag-iwas

sa mga ugat bigla silang nahulog sa isang malaking butas sa lupa.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!" sabay-sabay nilang sigaw. Hindi nila alam kung anong


babagsakan nila at kung iyon na ba ang katapusan ng kanilang buhay.

"Rebmah Sudni! Ngiknir Retan! Atir Iram Detal!" lumabas ang isang dahon at lumaki
ito. Sumakay silang tatlo at dahan-dahan itong lumapag sa ibaba.

"Salamat Ryona." Sabi ni Ramses habang bumababa mula sa malaking dahon na ginawa ni
Ryona.
"Mukhang hindi tayo sinundan ng ugat dito sa ilalim." Sabi ni Perus. Tiningnan nila
ang paligid. Puro bato ang kanilang nakikita. "Parang nasa loob tayo ng isang
kweba. Isang malaking kweba." Pagpapatuloy ng binata.

"Mabuti pa maghanap na tayo ng daanan papalabas dito. Hindi maganda ang pakiramdam
ko sa lugar na 'to." Sinimulan na ni Ryonang maglakad pero tila naiwan pa din si
Ramses at tinitingan ang butas na kanilag binagsakan.

"Ramses, ano pang hinihintay mo?" sigaw ni Perus. Nakita nyang nakatingin sa taas
ang kaibigan.

"Saan napunta ang kitna na hinahabol natin? Nakaligtas kaya sya? Imposible din
naman kasing malaglag sya dito dahil nakakalipad sya. Pero sana kasama na lang
natin syang nalaglag kesa napahamak sya sa itaas." Malungkot na sabi ng dalaga.

"Wala na tayong magagawa sa kapalaran ng kitna na yon. Binalaan natin sya pero
hindi sya nakinig. Mabuti pa umalis na tayo dahil hindi pa natin alam kung anong
lugar itong nadaanan natin."

Pagpapaliwanag ni Ryona.

Isang malaking kweba ang kanilang binagsakan. Tinahak nila ang nag-iisang daanan
kahit hindi nila alam kung saan sila nito dadalhin.
Napatigil si Perus na tila may naisip. Tumingin sya sa dalawang kaibigan. "Hindi ba
kayo nagtataka? Nasa ilalim tayo ng lupa pero hindi ganun kadilim dito. Wala namang
kahit anong ilaw sa paligid pero nakikita pa rin natin ang daanan. Isa lang ang
ibig sabihin nito, nasa mahiwagang lugar tayo. At kung anong lugar yun, hindi
maganda ang kutob ko kaya't kailangan nating mag-ingat."

Nakaramdam ng takot ang dalawang dalaga sa sinabi ng kaibigan nila kaya't naging
alisto sila sa paligid. Naglakad pa rin sila ng naglakad hanggang maisipan nilang
magpahinga sandali.

"Paano kung wala na palang labasan sa lugar na 'to? Paano kung isang paikot na
kweba lang 'to at babalik lang tayo kung saan tayo nagsimula?" sa tono ng
pagsasalita ni Ryona ay tila nawawalan na sya ng pag-asa.

Ilang sandali pa lang sila nakakapagpahinga ng bigla silang nakaramdam ng pagyanig


ng paligid.

"Lumilindol." Sambit ni Ramses. Tumagal ng ilang segundo ang pagyanig at agad ding
nawala.

"Anong ibig sabihin ng paglindol na yun?" bigla silang nakarinig ng isang malakas
na ingay mula sa kweba.
Agad silang napatayo sa narinig. "Dun nanggaling ang tunog!" sinundan nila si
Perus. Nakakita sila ng isang liwanag. "Mukhang may tao dun." Nabuhayan sila ng
loob ng makita ang liwanag kung saan nanggaling ang isang malakas na tunog.

Papalapit sila ng papalapit sa liwanag ng mas lalo nilang nakita kung gaano kalaki
at kalaki ang kweba dahil sa liwanag na iyon.

"Wala namang kahit anong nandito ah." Mahinang sabi ni Ryona habang hinahabol ang
kanyang hininga.

"Nasaan na ang pagkain ko!!!!!" isang malaking boses ang kanilang narinig kaya't
mabilis silang tumingin sa paligid.

"Sa - sa itaas!" gulat na gulat na sabi ni Ramses habang nakatingin sa itaas.

Sabay-sabay silang tumingin sa itaas at nakita ang isang malaking nilalang na may
tatlong mata. Isang higante. Napatingin sila sa paligid at nakita nila kung gaano
kalaki ang mga gamit sa kwebang iyon.
Tumigil sa pagsasalita ang higante. "Nakakaamoy ako ng mga pagkain! Hanapin nyo ang
pagkain!!" mabilis na nagtago ang tatlo ng marinig ang sinabi ng higante.

"Anong gagawin natin?" bulong ni Ryona. Nagtago sila sa likuran ng paanan ng


malaking upuan.

Dahan-dahang sumilip si Ramses sa pwesto ng higante at nakita nya dun ang kitna na
nakita nila sa labas.

"Mukhang sinadya nya tayong dalhin dito." Mahinang sabi ng dalaga. Umupo sya sa
tabihan ng mga kaibigan. "Ang kitna na iyon ay kasama ng higanteng yan. Tingin ko
nagpahabol lang talaga sya."

"Ibig sabihin ba nito makakain tayo ng higanteng yan?" natatakot na sabi ni Ryona.

"Hindi. Syempre hindi. Pero sa laki nyang mukhang kahit anong bilis

natin kumilos balewala lang kung matatamaan tayo ng malalaking bagay na ibabato
nya." Paliwanag ni Perus habang nag-iisip ng paraan kung paano makakaalis sa lugar
na yun.
"Mga pagkain nga!" nagulat silang tatlo nang makita ang malaking mukha ng higante
na nakasilip sa kanila. Halos kasing laki lang nila ang isang mata ng higante na
iyun.

Mabilis naman napatayo ang tatlo at sa sobrang taranta ay nagamitan ni Ryona ng


pana ang tatlong mata ng higante na ikinagulat ng higante kaya't nagwala ito.
Inihagis nya ang mga gamit na kanyang mahawakan. Dahil sa pag-iwas sa mga
nagliliparang gamit ay napadpad ang tatlo sa loob ng tirahan ng higanteng ito.

"Mga pangahas na pagkain!! Hindi ko na kayo lulutuin!! Kakainin ko na kayo ng


buhay!!!" natanggal ng higante ang tatlong pana sa kanyang mga mata at agad hinanap
ang tatlo na kasalukuyang nagtatago sa ilalim ng malaking plato sa mesa.

"Nasaan na ang mga pagkain!! Hanapin nyo!!! Hanapin nyo!!!!" naramdaman ng tatlo na
nasa malapit lang ang boses ng higante kaya't kinabahan sila. "Ito na lang muna ang
kakainin ko sa ngayon pero gusto kong kainin ang nanakit sa mga mata ko!!!"

Hindi alam ng tatlo kung paano makakaalis sa pinagtataguan nila ng biglang angatin
ng higante ang platong pinagtataguan nila.

"Aha! Nandyan lang pala kayo!!" mabilis na tumakbo ang tatlo ngunit mabilis din
silang nahuli ng higante gamit ang isang salaan. Ikinulong nya ang tatlo sa bakal
na salaan at wala nang nagawa ang mga ito.
"Pakawalan mo

kami!! Hindi kami pagkain!!! Hindi kami masarap!! Hindi ka mabubusog sa'min!!!"
sigaw ni Ryona. Inilapit ng higante ang kanyang mukha sa nakakulong na tatlo.

"Ayos na mga pagkain 'to. Nagsasalita. Gawin ko na lang kaya kayong pagkain?"
tumawa ng malakas ang higante at nagtalsikan ang malalaki nitong laway sa tatlo.

"Ahhhhhhhhhhh!!!! Nakakadiri ka!!!!" sigaw ni Ryona habang pinupunasan ang likidong


galing sa bibig ng higanteng halimaw.

"Iiihaw ko na lang kayong tatlo para mas malasa. Maghahanda lang ako ng apoy."
Tumayo ang higante at nagsimulang magpaapoy sa di kalayuan.

Natahimik ang tatlo at nanatiling nakaupo. Sinubukan nilang sirain ang malaking
salaan ngunit wala silang magawa. Tila isa lamang silang maliit na insekto na
ikinulong na walang kalaban-laban.

Ilang sandali pa ay nakita nila ang kitna na hinahabol nila sa itaas. Lumapit ito
sa kanila at tumingin kay Ramses. Hindi sya pinansin ni Ramses at tumingin lang ito
sa malayo.
Tila nabalutan naman ng lungkot ang mukha ng kitna ng hindi sya tingnan ng dalaga.

Maya-maya ay nakita nilang binubuhat ng kitna ang salaang nagsisilbi nilang


kulungan.

"Anong ginagawa mo?!!" tanong ni Perus sa kitna. "Sa liit mong yan hindi mo
mabubuhat yan mag-isa!"

"Tutulungan ko kayo!" sambit ng kitna.

"Tutulungan?

Tutulungang makain ng halimaw na yan? Di ba ikaw nga ang dahilan kung bakit nandito
kami ngayon!!" galit na sabi ni Ryona.

Umiling ang kitna na tila naiiyak. Nakatingin sya kay Ramses ngunit hindi sya nito
pinapansin. "Hindi ko talaga intensyong mapunta kayo dito. Hindi ko alam na ganun
sya kabait para intindihin ang kalagayan ko habang hinahabol ng mga ugat na yun na
kahit sarili nya hindi nya alam kung nasaang lugar sya." Pumatak ang luha ng kitna
at tila naging diamante ito na bumagsak sa mesa.

Isang maliit na diamante ang kanilang nakita at dinampot ito ni Perus. "Paano 'to
nangyayari?"
"Marami pa akong mga kasama na nakakagawa nyan at bihag sya ng halimaw na yan. Kung
hindi ko sya dadalhan ng pagkain pumapaslang sya ng mga kauri ko. Kaya lang nitong
nakaraan ang hirap ng pagkain nya dahil sa itim na mahika kaya't nahihirapan akong
ipagtanggol ang mga kauri ko." Biglag napatingin si Ramses sa nagsasalitang kitna.

"Paano naman kami maniniwala sa'yo? Ano yan palabas mo na naman?" tila may bakas
nang pagkainis sa boses ng dalaga.

"Hindi. Nagsasabi ako ng totoo." Itinuro ng kitna ang malaking ilaw sa itaas. "Mga
kasama ko ang nakakulong sa malaking bagay nay un at sila ang nagsisilbing ilaw sa
buong paligid na 'to. Ginagamit din nya ang mga luha namin bilang pambenta sa ibang
sakim na nilalang dito sa Niraseya ngunit humina ang kita nya ng mabalutan ng itim
na mahika ang paligid ng kanyang nasasakupan."

Tinitigan nilang tatlo ang maliwanag at

malaking bagay sa itaas hanggang sa maaninag nila ang mga nanggagalawang nilalang.

"Nagsasabi nga sya ng totoo." Sabi ni Perus.

"O alipin, salamat sa pagbabantay sa aking mga pagkain." Sabay-sabay silang


napatingin sa halimaw.
Umiling ang kitna at humarang sa kulungan ng tatlo.

"Anong ginagawa mo? Pagtatanggol mo ang tatlong yan kesa sa mga kauri mo? O sige,
mamili ka. Yang mga yan o ang mga kauri mo ang kakainin ko?" pananakot ng higante.

Nakita nila Perus na may nalaglag na diamante sa harapan ng kitna at alam nilang
napaluha na naman ito.

"Hindi mo na kami kelangang ipagtanggol kitna. Kami na ang bahala sa sarili namin."
Sabi ni Ramses. Napatingin ang kitna sa kanya at bahagyang napangiti. Nakita din ng
kitna na ito ang galit sa mga mata ng dalaga.

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo." Hinampas ng higante ang kitnang


nakaharang sa kulungan dahilan para tumalsik ito sa di kalayuan.

"Hindi ka na naawa sa kitna na yun!!!!" galit na sigaw ni Ramses.


"Wag kang mag-alala bata, hindi din ako maaawa sa inyo kaya't wag ka nang mainggit
dyan." Sambit ng halimaw na kumukuha ng tali.

"Ryona." Sabi ni Ramses sa kaibigan at tumingin ito sa kulungan ng mga kitna.


Tumango naman si Ryona bilang pagsang-ayon sa gusto ng kaibigan. "Perus." Tumingin
si Ramses kay Perus sumunod sa higante. Tumango din si Perus.

"Ako na ang bahala sa iba pa. Guguluhin ko sya sa abot ng aking makakaya." Itinago
ni Ramses ang kanyang tenivis sa kanyang likuran.

Sa sandaling inangat ng higante ang kanilang kulungan, mabilis kumilos sina Perus
at Ryona at naiwang nakatayo si Ramses.

Mabilis syang hinawakan ng halimaw. "Ikaw na lang muna ang lulutuin ko. Mahuhuli ko
din naman ang mga kaibigan mo mamaya."

Napansin ni Ramses na napatingin sa ibaba ang halimaw kaya't napatingin din sya.
Nakita nya ang kitna na higit-higit ang damit ng higante.

"Umalis ka na dyan kitna. Wala ka na din namang magagawa!! Alam ko na kung bakit mo
kami dinala dito kaya umalis ka na dyan!!!" galit na sigaw ni Ramses. Gulat na
gulat naman ang kitna sa narinig sa dalaga kaya't napaluha syang muli at lumipad
papalayo sa kanila ng higante.

"Salamat matapat kong kitna sa pagdadala ng masarap na pagkain." Tumatawang sabi ng


higante habang itinatali si Ramses sa isang kahoy. "Inihaw na bata ang aking
pagkain ngayon."

Nakita nila Ryona at Perus na ilalagay na sa apoy si Ramses kaya't natigilan sila.
Tiningnan lang sila ni Ramses at hindi na nila ginawang pigilan ang halimaw.

"Hindi tayo maaring mabigo kahit mawala si Ramses." Sabi ni Perus.

"Ano? Hindi pwede!! Hindi sya pwedeng mawala Perus!!" naiiyak na sabi ni Ryona.

"Wala na tayong magagawa. Dapat na tayong magpatuloy!"

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!" nagulat sila sa sigaw ni Ramses na ngayon ay nakasalang na


sa apoy na inihandan ng halimaw.
=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 61)

Kabanata 61

"Tunay na lakas"

Ramdam na ramdam ni Ramses ang apoy na bumabalot sa katawan nya at wala syang
magawa. Nakikita nya ang mga kaibigan na papalapit sa kulungan ng mga nakabitin na
kitna. Hindi naman nagakasaya ng oras ang higante at agad nitong hinabol sina Perus
at Ryona.

"Sa tingin nyo hahayaan ko kayong gawin yan mga pangahas na pagkain!!" kumuha ng
malaking kutsilyo ang higante at inihagis ito sa magkaibigan.

"Wag kang titigil Ryona. Hindi pwedeng masayang lang ang paghihirap ni Ramses!"
hindi pa din tumitigil sa pag-akyat si Perus upang marating ang kulungan ng
higante.
Hindi naman mapigilan ni Ryona ang mapaluha dahil sa alam nyang nakasalang sa apoy
ang kanyang kaibigan. "Hindi masasayang ang paghihirap mo Ramses." Tumalon
pabaligtad si Ryona at humarap sa halimaw. "Perus, bilisan mong umakyat. Pipigilan
ko ang halimaw na 'to." Nagpaulan ng maraming palaso si Ryona gamit ang hanging
pana. Dahil sa sobrang laki ng halimaw ay tumatama sa kanya ang bawat pana na
pakawalan ng dalawa.

"Ikaw pala ang dapat kong unahing kainin! Sa ginagawa mo para mo lang tinatanggal
ang mga sakit sa katawan ko." Tumatawang sabi ng higante habang sinasalag ng mga
kamay nya ang bawat pana na sumasalubong sa kanya.

Mabilis tumingin si Ryona sa itaas at nakita nyang nandun na si Perus. "Magaling


Perus!" papaharap na sana sya ulit sa higante ng bigla ito hindi makagalaw ng
dakmain sya ng malaking

kamay ng halimaw.

"Napakalambot mo naman pala. Pisilin lang kita ng kaunti madudurog ka na." tumawa
ng tumawa ang halimaw. Napatingin si Perus sa kaibigan habang binubuksan ang
kulungan ng mga kitna.

Nanginginig sa galit si Perus pero wala syang magawa. Pinilit nyang buksan ang
kulungan at nang magawa nya iyon ay nagmadali syang tumalon sa may balikat ng
halimaw ngunit muntik na syang malaglag. Mabilis nakakapit si Perus at nakaakyat ng
ayos sa balikat ng halimaw. "Ryona! Ryona!" nanakbo si Perus sa braso ng higante
papunta sa kamay nito na may hawak kay Ryona.

"Mukhang gusto nyo ng magpakamatay ng sabay! Sige! Pagbibigyan ko kayo!!" hinuhuli


ng isang kamay ng higante ang tumatakbong si Perus ngunit mabilis din kumilos ang
binata. Sa sandaling marating nya ang kamay ng halimaw ay hinampas nya ito gamit
ang kanyang sandata. "Anong magagawa ng munti mong sandata sa isang katulad ko
bubuwit?" itinaas ng halimaw ang kanyang kamay at mabilis na dumulas si Perus
pababa. "Nakakatuwa talagang pagmasdan ang mga maliliit na nilalang na tulad nyo."
Naglikot pa lalo ang halimaw dahilan upang makabitaw si Perus at malalaglag. Alam
nya sa sarili nya na oras na marating nya ang sahig ay katapusan na nya. Nakatingin
sya sa itaas at nakita nya ang mga kitna na kinakalas ang malaking kulungan.
Napangiti na lang sya dahil nakalabas ang mga kitna sa kulungan nito.

Nagulat si Perus ng bumagsak sya agad at nakita nya ang palad ng higante.
"Papalambutin ko muna kayo!" inihagis ng higante si Perus pataas at tsaka muling
sinalo habang hawak-hawak

pa rin nya si Ryona sa kabilang kamay. "Kamusta na kaya ang niluluto ko - " nagulat
ang halimaw ng mabagsakan sya ng malaking bakal na kulungan sa ulo. Panandalian
syang nahilo bago tumingin sa itaas. Galit na galit ito ng makitang nakawala na ang
mga bihag nyang mga kitna. Sa sobrang galit nito ay sinalo nya si Perus at sabay
nyang pinisil ang dalawang magkaibigan. "Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo? Akala
nyo ba maliligtas kayong lahat? Walang makakalabas ng buhay dito!!!!!" nagwala ang
higante at isa-isang pinaghahampas ng kamao nya ang mga makikitang kitna.

"Wa - wala kang awa! Sino na lang ang maghahanap ng pa - pagkain mo kapag napaslang
mo silang lahat? Nababalutan na ng - ng itim na mahika ang buong paligid at - at
wala ka ng makikitang pagkain! Hindi magtatagal - pa - pati ikaw ay makakain na din
ng itim na mahika!!!" nahihirapang sabi ni Ryona.

Inilapit ng halimaw sa kanyang mukha ang nahihirapang magsalita na si Ryona at


sumigaw ito ng malakas na halos magpabingi sa dalaga. "Bubusugin ko na ang sarili
ko bago ako kainin ng itim na mahika! At sisiguraduhin kong kayo ang magpapabusog
sa'kin!" Kumuha ng tali ang higante at itinali nya ang dalawang magkaibigan. Hindi
makagalaw ang mga ito. "May mahika ang lubid na yan kaya't hindi kayo agad
makakawala." Sambit ng higante. Isinabit nya sila Perus at Ryona sa isang sulok
kung saan ang ilalim ang mga matutulis na bagay. Isang maling pagkilos lang ay
maari silang bumagsak

dun na magiging sanhi ng kanilang pagkamatay.


"Katapusan na ba 'to ng lahat? Mali ba talagang subukang talunin si Bhufola? Mali
ba umasa tayong si Ramses ang makakapagligtas sa Niraseya?" nanghihinang tanong ni
Ryona.

"Hindi. Walang mali at walang may kasalanan sa mga nangyayari sa'tin ngayon. Wag
kang panghinaan ng loob. Buhay ka pa at buhay pa ko. Madami na tayong nalampasan at
alam kong malapit na tayo. Malapit na natin 'tong matapos." Pagpapalumanay ni PErus
sa nag-aalalang kaibigan.

"Oo malapit na nga tayo pero wala na sya. Wala na si Ramses. Ang inaakala ng lahat
ng magliligtas sa'tin. Wala na sya. Marami ng nagsakripisyo ng buhay at marami pang
susunod." Sa tono ng pagsasalita ni Ryona ay nawawalan na sya ng pag-asa.

"Hindi ako susuko. Hangga't humihinga ako ipagtatanggol ko ang lahat. Hindi ko
hahayaang makarating ang itim na mahika sa'ming kaharian." Pinipilit ni Perus na
kumalas sa lubid na nakapulupot sa kanila pero wala syang magawa. Nakita nya ang
higante na isa-isa ulit hinuhuli ang mga kitna.

"Lalo nyo lang akong ginugutom." Inilapag muna ng higante ang mga nahuli nyang
kitna sa isang kulungan at tiningnan si Ramses. "Mukhang malapit na 'tong maluto."
Inikot nya ang kahoy kung saan nakatali ang dalaga. Tumingin sya kina Perus na
galit na galit ang mga mata. "Hindi kayo maliligtas ng pagkakaibigan. Kung sana
lang umalis na kayo nung nahuli ko sya eh di sana hindi

na kayo madadamay pa." Kumuha ng sandok ang higante at lumapit ito kina Perus.
"Lilibangin ko muna ang sarili ko habang iniintay kong maluto ang kaibigan nyo."
Kumuha sya ng ilang pulbos at ibinudbod ito sa dalawang magkaibigan. "Mga pampalasa
at pampalambot." Nakangiting sabi ng higante.
"Anong gagawin mo sa'min?" galit na tanong ni Perus na nagpupumiglas sa lubid.

"Paglalaruan!" tumatawang sabi ng higante.

Napansin ni Perus na nililigtas ng ibang kitna ang mga kasama nitong muling nabihag
kaya't kahit paano ay gumaan ang pakiramdam nito ng bigla silang hampasin ng
malakas ng halimaw gamit ang sandok. Pakiramdam ni Perus ay nabali ang buong buto
nya sa katawan.

"Napalakas ata. Hindi magiging maganda ang paghilaway ng buto nyo sa inyong laman.
Dapat ata ay dahan-dahan lang." Tila nangungutya pa ang tinig ng higante.

"R - Ryona - Ryona a - ayos ka lang ba?" nanghihinang tanong ng binata. Nakita
nitong mumulat ang kaibigan ngunit hindi sya makapagsalita ng maayos. "Wag - wag
kang susuko - " hindi pa man nawawala ang sakit ng katawan ni Perus ay muli na
naman silang hinampas ng sandok ng halimaw kasabay nito ang pagtawa nya ng malakas
na halos magpayanig sa ilang gamit sa loob ng kweba. Ang ilang mga bagay na
nakasabit sa pader ay naglaglagan kabilang na ang tila gasoline at tumapon ito sa
apoy kung saan nakasalang si Ramses.

"Ahhhhh!" takot na takot na sigaw ng mga kitna pero hindi ito pinansin ng higante.
Nakita ng higante ang ilang dugo na lumalabas mula sa bibig ni Perus. "Mukhang

nahihirapan ka na bata. Wag kang mag-alala, tatapusin ko na ang paghihirap nyo!


Isang malakas na hampas na lang hanggang kumalas ang buto nyo sa inyong mga laman."
Mukhang takam na takam ang higante sa dalawang nakasabit. Muli nya itong binudburan
ng pulbos at muling naghanda para sa kanyang paghampas sa mga ito.

Nawalan na ng pag-asa si Perus dahil alam nya na isang malakas na hampas pa sa


kanila ay bibigay na ang kanilang katawan. Galit ang nararamdaman nya sa kanyang
puso dahil hindi nya inaakalang doon lang matatapos ang lahat at wala man lang
syang nagawa para sa mga kaibigan nya at para sa sarili nya. Pumikit na lamang sya
upang hindi nya makita ang paparating na atake ng higante.

"Tama yan bata! Magpaalam ka na sa mundo!" tumatawang sigaw ng higante at itinaas


na nya ang hawak na bagay ng bigla itong nag-apoy at naging abo sa isang iglap. "A
- anong nangyari?" tiningan nya ang dalawang nakatali ngunit wala namang ginagawa
ang mga ito.

Ilang sandali pa ay nag-apoy ulit ang matutulis na bagay sa ilalim nila Perus at
naging abo din agad. Maya-maya ay nakarinig pa sya ng sunod-sunod na pagsabog
ngunit hindi naman ganun kalakasan. Tumingin sya sa kanyang likuran at nagulat sya
sa kanyang nakita. "Hi - hindi maari. Pa - paanong?" gulat na gulat ang higante sa
kanyang nakita. Nagmadali nyang pinutol ang lubid nila Perus at hinawakan ang mga
ito. "Wag kang kikilos kundi papatayin ko ang mga kaibigan mo!!" takot na takot na
sabi ng higante habang nakatingin sa dalagang ngayon ay nababalutan ang buong
katawan ng

apoy at walang kahit anong pinsalang natatamo.

Ngumiti lang si Ramses sa narinig mula sa halimaw. Halos namumula ang kanyang mga
mata habang ang buong katawan nya ay nag-aapoy. Naglakad sya papalapit sa higante
na tila buong-buo ang loob.
Lahat ng mahawakan ng higante ay inihahagis nya sa dalagang papalapit sa kanya
ngunit bago pa man ito makaabot kay Ramses ay sinusunog nya nya ito. Itinatapat
lamang nya ang kanyang kamay sa bagay at may kumakawala ng apoy dito na dumidiretso
sa bagay na ito.

"Hi - hindi mo mahahawakan ang kahit ano dahil nagiging abo agad ang mga 'to!"
nanginginig na sabi ng halimaw.

Napangiti lamang muli si Ramses at hinawakan ang malaking baso sa kanyang harapan.
"Tulad ba nito? Kayang kong kontrolin ang apoy. Ako ang mamimili ng masusunog at
hindi masusunog. Kahit ako nagulat din. Hindi ko akalaing may ganito pala akong
lakas." Tila ibang Ramses na ang nagsasalita. Buo ang loob at walang takot.

Mabilis namang napadilat si Perus ng marinig ang boses ng kaibigan. Laking gulat
nya ng makita ang dalaga na nakatayo sa gilid ng baso gamit ang isang paa.
Nagliliyab ang buo nitong katawan at nilalaro pa ang tila bolang apoy na
pinapalabas nya sa kanyang dalawang kamay at agad ding nawawala.

"Ngayon, papakawalan mo ba ang mga kaibigan ko o ikaw ang iluluto ko?" inilagay ni
Ramses ang kanyang kanang kamay sa tapat ng kanyang mukha at ibinukas nya ang
kanyang palad paitaas.

Ilang sandali pa ay may tila isang bolang apoy ang unti-unting lumalabas dito.
"Kung sunugin ko kaya muna ang munti mong tirahan. Mas masaya yun." Biglang nagbago
ang ekspresyon sa mukha ng halimaw. Nabakas dito ang takot dahil alam nyang hindi
nagbibiro ang dalagang kasa kanyang harapan.
"Ramses wag kang magpadala sa kapangyarihan mo. Kontrolin mo ang sarili mo!!!"
sigaw ni Perus na nag-aalala sa kaibigan. Alam nya kung anong nangyari sa dalaga
nung nakaraang maglabas ito ng apoy sa katawan kaya't hindi sya mapakali.

"Wag kang mag-alala Perus, ipaghihiganti ko kayo!!" tumalon si Ramses mula sa


kinatatayuan at tumigil sa harap ng kulungan ng mga kitnang nahuli ng higante.
Kahit ang mga kitna at lumayo ng matapatan sila ng dalaga. "Wag kayong matakot.
Hindi ko kayo sasaktan!" binuksan ni Ramses ang kulungan upang makalabas ang mga
kitna. Hindi nasunog ang kulungan kahit hinawakan pa iyon ng nag-aapoy nyang kamay.

Papalayo na ang mga kitna ng biglang tamaan ng matulis na bagay ang isang kitna na
huling lumipad at bumagsak ito sa harapan ni Ramses. Agad itong hinawakan ni Ramses
at nakita nyang naputol ang pakpak nito at nahiwa sa may tyan. Ngumiti lang ang
kitna sa kanya at lumuha. Pumatak ang dyamante pababa hanggang mapapikit ang kitna.
Nawala din ang linawag nito. Nagsimula na ding magpatakan ang ilang dyamante sa
paligid. Tumingin si Ramses sa itaas at nakita nyang lumuluha ang ilang mga kita.
Ibinaba nya ang munting kitna. "Magpahinga ka na munting kaibigan." Tumayo si
Ramses at humarap sa

higante.

"Hindi ko akalaing matatamaan ko sya. Wag ka nang magalit. Aksindente lang ang
lahat." May lakas pa ng loob magbiro ang higanteng ito habang nakatingin sa dalaga.
Ilang sandali pa ay mas lalong nagliyab ang apoy sa katawan ni Ramses. Kulay pula
na halos ang kanyang balat at halos puti na lamang ng mata nya ang nakikita. Ang
mga buhok nito ay gumagalaw na din pataas kasabay ng paggalaw ng apoy sa kanyang
katawan.

Dahan-dahan namang kumukuha ng sandata ang higante sa kanyang tabihan upang gamitin
ito kay Ramses. "Mga kitna lumabas na kayo ngayon na!!!!!" sigaw ng dalaga.
Tumingin sya sa isang kitna sa kanyang tabihan. "Ikaw, alam kong ikaw yan. Sabihan
mo ang mga kasama mong lumabas na." Tila nagulat ang kitna hindi dahil sa itsura ni
Ramses kundi dahil natandaan pa din sya ng dalaga kahit na magkakakulay at
magkakatulad lamang ang itsura nila ng kapwa nyang kitna sa loob ng kwebang iyon.

"Hindi yan maari!" muling nagbato ang halimaw ng matalim na sandata ngunit
sinalubong lamang ito ng bolang apoy ni Ramses. Ilang segundo lang ang tinagal ng
sandata bago ito naging abo.

"Wala kang awa! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa mga kaibigan ko at sa


pagpaslang mo sa walang muwang na kitnang iyon!!" mabilis na tumakbo si Ramses
papalapit sa higante at pinapaulanan nya ng bolang apoy ang mga bagay na aabutin ng
higante at gagamitin laban sa kanya. Sa bawat pagkilos ng higante ay hawak pa din
nya ang mga kaibigan ni Ramses.

"Ryona.

Ryona gumising ka!" pinipilit ni Perus na gisingin ang kaibigan. Dahan-dahang


iminulat ni Ryona ang kanyang mata at nakita nyang gumagalaw ang paligid.

"Na - nahihilo ako. Ba - bakit lumilindol?" nanghihinang tanong nito.

"Hindi lumilindol. Mabilis lang ang kilos ng higanteng may hawak sa'tin." Pinipilit
pa din ni Perus na kumawala sa lubid na nakatali sa kanila. "Tingin ko matatanggal
natin 'tong lubid basta magtulong lang tayo."
"Si - si Ramses ba yun?" nanlaki ang mata ni Ryona ng makita ang nag-aapoy na
kaibigan na tila nakikipaglaro lamang sa higante. Bawat pagsugod nito sa halimaw ay
nakangiti lamang sya na tila hindi nahihirapan o napapagod lamang. "A - anong
nangyayari sa kanya? Bakit - bakit parang lumalaban sya ng walang awa?"

"Hindi. Tingin ko pinaghihiganti nya lang ang lahat at nagkataon lang na ang
higanteng ito ang nasa harapan nya." Pinilit kumilos ni Perus upang lumuwag ang
lubid na nakapulupot sa kanila.

Nagtulong ang dalawa upang tuluyang makawala sa pagkakatali na unti-unting


natatanggal dahil na din sa pagkilos ng higante.

"Iiwas ka na lang ba sa lahat ng pagsugod ko?" tila naghahamon ang higante sa


kanyang pananalita. Napatigil naman si Ramses sa pagkilos at tila nagbanat pa ng
mga buto.

"Sige, bibigyan kita ng pagkakataong sumugod. Gawin mo ang gusto mo sa'kin hindi
ako gagalaw!" masyadong kumpyansang sabi ng dalaga.

"Ramses nahihibang ka

na ba? Isang pagkakamali mo lang tapos tayong lahat!" nag-aalalang sigaw ni Perus.
Tiningnan lamang sya ng kaibigan at wala itong sinabi.
Napansin ni Ryona na kumuha ng isang kalderong bakal ang halimaw at lumapit ito kay
Ramses. "Hindi ka gagalaw ang sabi mo!" at bigla nya itong itinaklob sa dalagang
nakatayo. "Ang apoy namamatay kapag walang hangin!" tumatawang sabi ng higante.
"Ano pang magagawa mo kung wala ka ng apoy!!!" halos gumalaw muli ang mga gamit sa
loob ng kweba dahil sa pagtawa ng higante.

May lumalabas ding usok sa ilalim na nagmumula sa loob kung saan nakakulong si
Ramses. Hindi naman nagaksaya ng oras ang dalawa sa pagtatanggal ng lubid at
naghahanda ng pagtakas sa oras na makatyempo sila.

"Ako pa rin ang magwawagi! Dahil pinakawalan nyo ang mga alipin mo kayo na ang
gagawin kong mga alipin!!" handa nang tanggalin ng higante ang kalderong bakal
kaya't hinawakan nya ito ngunit nagulat sya at napasigaw. Unti-unting nagbago ang
hugis ng bakal na kaldero na nabubutas ang paligid nito. Sinubukan din namang
tanggalin ng halimaw ang kanyang kamay ngunit nakadikit na ito sa natutunaw na
bakal. Sa sobrang pagkataranta ay nabitawan nya ang dalawa nyang bihag.

"Ngayon na!!" dahil napaghandaan ng dalawa ang gagawin maganda ang pagbagsak nila
sa mesa na malapit sa kinatatayuan ni Ramses.

Mabilis na nilapitan ni Ramses ang dalawang kaibigan. "Ayos lang ba kayong dalawa?"
napaatras naman ang mga ito ng makita ang kaibigan. "Wag kayong mag-alala.
Kontrolado ko ang apoy na 'to. Tingnan nyo." Hinawakan ni Ramses

si Perus pero hindi ito nasunog o hindi man lang nag-apoy. Ngumiti ang tatlo at
tinulungan nyang tumayo ang mga kaibigan. "Mabuti pa lumabas na tayo dito ngayon."
"Mabuti pa nga." Inalalayan ni Perus si Ryona dahil sa nanghihina pa ito. Kahit
masakit pa ang kanyang katawan ay hindi na nya ito ininda dahil gusto na nilang
makalabas ng buhay sa lugar na iyon.

Nakita ni Ramses na abala pa din sa pagtatanggal ng kanyang kamay sa natunaw na


bakal ang higante ay nilapitan nya ito. "Wag ka na ulit mananakit ng mga maliliit
na nilalang. Hahayaan kitang mabuhay pero oras na umulit ka hinding-hindi kita
mapapatawad!" tumalikod si Ramses at sumunod sa mga kaibigan ng mapansin nitong
nakaturo ang dalawa sa kanyang likuran.

Mabilis nakaiwas si Ramses sa pagsugod na ginawa ng halimaw ngunit nadaplisan sya


ng patalim ng bagay na hawak ng higante. Nang makapa ng dalaga ang dugo sa kanyang
pisngi ay nagngitngit sya sa galit.

"Ahhhhhhhhhhhh!! Hindi ka mapakiusapan!!!" sa sobrang lakas ng sigaw ng dalaga ay


nagliyab pa sya lalo. May ilang mga apoy ang tumatalsik sa kung saan-saan kaya't
minabuti nila Perus na lumabas na sa lungga ng higante. Ang bawat tamaan ng apoy ay
agad nasusunog at nagiging abo.

"Hindi mo ko mapipigilan!!!" isang matinding pagsugod ang ginawa ng higante.


Tumalon sya at plano nyang daganan si Ramses, isang planong pagsisisihan nya habang
buhay. Sa sobrang lakas

ng pagliyab ng apoy sa buong katawan ni Ramses nabutas ang katawan ng halimaw at


lumusot lamang si Ramses sa kabilang bahagi ng katawan nito. Tila kinain ng apoy
ang higante dahil sa bilis ng pagkalat nito sa kanyang katawan.

"Hindi! Hindi ito maari! Sino ka!! Sino ka!!" sigaw ng higante habang naglalakad si
Ramses palabas. Nawala na din ang apoy sa katawan nito at bigla itong napaluhod
ngunit nasalo naman kaagad sya ni Perus.

Tiningnan nila ang higante na unti-unting naging abo sa isang iglap. Nakaupo silang
tatlo at nakasandal sa batuhan na hinang-hina.

"Dapat ka na ba naming katakutan ngayon?" tanong ni Ryona sa kaibigan. "Kakaiba ang


lakas mo."

"Ano ba kayo, ako pa din 'to. Masyado lang akong nagalit kanina kaya siguro lumabas
yung ganung lakas ko." Nakuha pa nilang magtawanang tatlo sa kabila ng pinsala nila
sa kanilang katawan.

"Paano yan wala ang mahiwagang alikabok ni Maestro Boro, paano tayo magpapagaling
nito?" pag-aalalang tanong ni Perus. Pinilit nyang mag-isip ng paraan ngunit wala
syang maisip.

Ilang sandali pa ay napalibutan sila ng liwanagat napansin nilang umiikot ang mga
kitna sa kanila. Ang bawat ikutan at daanan ng mga ito at gumagaling at nawawala
ang mga sugat nila.

Di nagtagal ay bumalik na sa dati ang kanilang itsura, nawala ang mga sugat at
bahid ng dugo sa buo nilang katawan. Halos bumalik na din ang kanilang lakas.
"Maraming

salamat sa inyo." Masayang sabi ni Ramses. Umiling ang kitna sa kanya sabay patak
ng isang dyamante. Agad naman itong nasalo ng dalaga.

"Kami ang dapat magpasalamat sa inyo. Iniligtas nyo kami sa panahong wala na kaming
pag-asa. Alam naming kayo ang pag-asa ng Niraseya. Bawiin nyo sa kadiliman ang
pagmamay ari ng mga nialalang dito." Humanay ang mga kitna at sabay sabay silang
tumungo biglang tanda ng pasasalamat. "Makakabalik na kami sa aming kaharian.
Salamat sa inyo." Nag-abot ng ilang pirasong dyamante ang mga kitna sa tatlo. "Alam
naming magagamit nyo yan sa tamang oras. Hindi kayo masama tulad ng iba kaya't
makikita nyo ang tunay na mahika ng mga dyamanteng iyan."

Hindi pa man nakakapagpaalam ang mga kitna ng may isang kitna ang bumulong na
ikinalungkot ng lahat.

"Anong problema?" pag-aalalang tanong ni Ryona.

"Wala na daw ang aming kaharian. Inabot na daw ito ng kadiliman kaya't ang mga
nandun ay hindi na namin kauri. Ang iba naman ay nakatakas ngunit hindi namin alam
kung saan sila hahanapin." Malungkot na paliwanag ng kitna.
Tumayo si Ryona at muling pumasok sa lungga ng higante. "Eh di gumawa tayo ng
panibagong kaharian kung saan pansamantala kayong titigil hangga't hindi pa namin
nasosolusyonan ang problema ng Niraseya." Iwinagayway ni Ryona ang kanyang kamay at
tila may ilang mga binhi ang lumabas dito at pumatak sa abo ng higante. Ilang
sandali pa ay mabilis na tumubo ang mga binhi. Ang iba ay naging mga bulaklak, ang
iba naman ay naging mga puno, ang iba naman ay mga halamag gumagapang at bumalot sa
paligid ng kwebang iyon. Nagbunga na din ang ilang puno. Napangiti ang mga kitna sa
kanilang nakita at mabilis silang pumasok sa loob.

"Hindi ito tulad ng kaharian nyo at ito lang ang magagawa ko sa ngayon pero dito
ligtas kayo." Umikot paitaas ang mga kitna at ilang sandali pa ay kumutitap ang mga
halaman. Naging masigla ang buong paligid. Lumabas si Ryona at lumapit sa mga
kaibigan.

"Ang galing ng ginawa mo!" nakangiting bati ni Ramses. "Pero paano kung matunton
din sila dito ng mga kampon ni Bhufola?"

"Ako na ang gagawa ng paraan." Tumapat si Perus sa malaking daanan. "Gap Masirin
Mirse!" Unti-unting nagkaroon ng batong pangharang sa malaking daanang iyon.
"Nagiwan ako ng isang maliit na daanan na tanging mga kitna lamang ang makakadaan.
Ligtas na sila dyan sa ngayon."

Bakas sa mga kitna ang sigla dahil sa bagong pag-asang dumating sa kanila. Lalo din
namang nabuhayan ng loob ang tatlo na ipagpatuloy ang laban para sa mga nabubuhay
sa Niraseya. Ang laban papalapit kay Bhufola.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 62)

Kabanata 62
"Ang Mahiwagang Kagubatan"

Naghahanap pa rin sina Ramses ng daanan para makalabas sa kweba ng biglang lumitaw
ang kitna na kanilang tinulungan.

"Ituturo ko sa inyo ang isang daanan na hindi pa nasasakop ng itim na mahika ni


Bhufola - subalit mapanganib doon kesa sa mga ugat na humabol sa'tin sa itaas."
Malungkot nyang sabi.

"Handa kami sa kahit ano ang importante makarating agad kami sa kaharian ni Bhufola
bago pa kainin ng itim na mahika ang buong Niraseya." Paliwanag ni Ramses. Bakas sa
kanyang mukha ang galit kapag naiisip ang itsura ng ilang lugar sa Niraseya dahil
sa mahika ng kanyang tiyahin.

"Isang mabilis na daanan na din ang gubat na iyon patungo sa kaharian ng kadiliman.
Sa dulo ng gubat ay ang kaharian na ni Bhufola. Kung malalampasan nyo ang panganib
at mahika ng gubat ligtas kayong makakarating sa tamang lugar." Lumipad ang kitna.
"sumunod kayo sa'kin." Sinundan ng tatlo ang kitna na tila may hinahanap.

Ilang sandali pa at sumuot ito sa maliit na butas na isang tao lamang ang kasya.
"Isa-isa kayong pumasok. Ito ang daanan papunta sa mahiwagang gubat." Muling
pumasok sa loob ang kitna.
"Mauna ka na." sabi ni Perus kay Ryona. "Panain mo ang haharang sa daraanan natin.
Ako na sa hulihan." Hindi na din naman nakipagtalo ang dalawa. Naunang pumasok sa
butas si Ryona,

kasunod si Ramses at panghuli si Perus. Halos gumapang lang sila dahil sa sobrang
liit ng daanan.

"Konting tiis lang at makakarating na rin tayo sa labas." Sabi ng kitna na syang
nagbibigay liwanag sa kanila sa loob ng butas na iyon. "Ayun ang liwanag." Mabilis
lumipad ang kitna kaya't gumapang din ng mabilis ang magkakaibigan. Hindi nagtagal
ay nakalabas na sila sa kweba.

Isang mausok na gubat ang bumungad sa kanila. "Ito ang mahiwagang gubat. Nababalot
ng makapal na usok pero nawawal rin naman yan. Mahiwaga ang gubat na ito na parang
may sariling pag-iisip. Mag-iingat kayo at sana makarating kayo ng ligtas sa
kaharian ni Bhufola." Alam nilang takot ang nararamdaman ng kitna. Takot na baka
mabigo silang makalabas ng buhay sa mahiwagang gubat at hindi nila mailigtas ang
Niraseya.

"Wag kang mag-alala kitna. Ibabalik namin ang kaharian nyo. Malalampasan namin ang
gubat na yan." Matapang na sabi ni Ramses upang pawiin ang takot na nararamdaman ng
kitna. "Bumalik ka na sa mga kasama mo. Kami ng bahal dito. Maraming salamat."
Pagpapatuloy ng dalaga.

"Mag-iingat kayo. Hanggang sa muli." Bumalik na sa loob ang kitna at naiwan ang
tatlo.
"Talasan na lang natin ang pakiramdam sa paligid." Sabi ni Perus at nauna na syang
maglakad.

"Wala halos akong makita. Bakit parang nababalutan pa rin 'to ng itim na mahika.
Halos itim din ang mga halaman dito." Tinitingnan ni Ramses ang kanilang
dinaraanan.

"Bumubulong sila. Nag-uusap ang mga puno at halaman pero hindi ko sila
maintindihan. Mukhang kakaiba ang mahika ng gubat na 'to. Kelangan nating magdoble
ingat." Pahayag ni Ryona. Nakahanda ang kanilang mga sandata kung sakaling may
umatake sa kanilang kahit ano.

"Kelangan natin ng liwanag." Dumampot si Perus ng isang sanga at nilagyan nya ng


tela ang dulo nito. "Sindihan mo Ramses." Ngumiti lamang ang dalaga at tumuro sa
hawak ni Perus ng bigla itong nag-apoy. "Sapat na 'to para makita natin ang
dadaanan natin." Nauuna si Perus habang nasa gitna si Ramses at nahuhuli si Ryona.

Hindi pa man sila nakakapasok sa pinakaloob ng kagubatan ng maramdaman ni Ryona na


may humihigit sa kanya pailalim. "Ramses, Perus - " napatingin agad ang dalawa.
Inilawan ni Perus ang dalaga at nakita nyang tila may isang ga-hita na sawa ang
pumupulopot sa mga binti ni Ryona. "Hindi ako makagalaw."

"Abutin mo ang kamay ko!" sabi ni Ramses habang si Perus naman at ginagamitan ng
sandata ang sawa.
"Walang nangyayari. Parang humihigpit lang ang kapit nya sa mga binti ko. Ang
sakit! Tulungan nyo ko!" Inikot ni Ramses ang mga mata at nakita ang malaking sanga
sa itaas ni Ryona. Mabilis tumalon ang dalaga at nakarating agad sa sanga na iyon.
Bumaligtad sya at isinabit ang dalawa nyang mga binti tsaka iniabot ang dalawang
kamay sa kaibigan.

"Ryona kumapit ka sa'kin." Tumingala si RYona at nakita ang kaibigang iniaabot ang
kanyang mga kamay. Inilagay ni Ryona ang sandata sa kanyang likuran at tsaka inabot
ang kamay ng

kaibigan habang si Perus naman ay sinusubukang ipasok ang sandata nya sa katawan ng
sawa kapalit ng umaangat na katawan ni Ryona.

"Umaangat ako. Sige lang Ramses, higitin mo lang ako." Sigaw ni Ryona habang
nararamdaman nyang kumakawala ang sawa sa kanyang mga binti. Nang makaangat si
Ryona at tumalon ito sa may tapat ng punong inakyat ni Ramses.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Perus sa kaibigan. Tumango si Ryona at tiningnan ang
sawa na kanina'y umatake sa kanya pero laking gulat nya sa nakita.

"Perus, tingnan mo!" sigaw nito habang nakaturo sa kaninang sawa. Nagulat si Perus
ng makitang isang malapad na kahoy lamang ang nasa kanyang harapan. Hinigit nya ang
kanyang sandata na ikinabali ng kahoy.

"Pa - paanong nangyari yun?" taking-takang tanong ng binata.


"Ahhhhhhhhhhhh!!" sabay na napatingala ang dalawa ng makita si Ramses na
nakabaligtad at hawak-hawak ng sanga ang kanyang mga binti. Unti-unting tumataas si
Ramses sa tuktok ng puno dahil sa pagpapasa-pasa ng mga sanga sa dalaga.

"Gumagalaw ang puno?" gulat na bulong ni Ryona. Sinubukan nyang umakyat sa puno
ngunit tuwing kakapit sya sa sanga ay tumutuwid ito pababa at dumudulas sya. Ilang
beses nyang sinubukan pero bumabagsak lang sya sa lupa. "Perus si Ramses!"

"Oo! Alam ko!" tumingin si Perus sa itaas. "Ramses sunugin mo! Sasaluhin ka namin
pababa!" sigaw ni Perus.

"Hindi sya nasusunog! Hindi nagana ang mahika

ko sa kanya!!!" halos boses na lamang ni Ramses ang naririnig nila at alam nilang
nasa taas na ito.

"Anong gagawin natin?" kumuha ng dahon si Ryona. "Atir Iram Detal!" sinubukan nyang
palakihin ang dahon ngunit naging isa lamang itong uod kaya't agad syang nabitawan
ng dalaga. "Hindi nga gumagana ang mahika dito. Iyon siguro ang dahilan kung bakit
hindi ito naapektuhan ng itim na mahika ni Bhufola."

"Ahhhhhhhhhhh!!! Nalalaglag ako!!!" napatingala ulit ang dalawa ng marinig ang


sinabi ni Ramses. Nakita nilang rumaragasa pababa ang dalaga. Hindi nila alam ang
gagawin kundi saluhin ito.
Malapit na sa lupa si Ramses ng bigla itong saluhin ng sanga ng puno. "Buhay ako!
Buhay ako!" tuwang-tuwang sabi ng dalaga habang nakabaligtad pa rin sya.

"Oo pero hawak ka pa rin ng puno." Malungkot na sabi ni Ryona. Sinusubukan ni


Ramses na abutin ang paa na hawak-hawak ngayon ng sanga ng bigla sya nitong
inihagis.

"PErus! Ryona!!" nasalo ng kabilang puno si Ramses. Pinilit syang hinabol ng


dalawang kaibigan ngunit dahil sa kapal ng usok hindi nila nakita kung saang parte
na sya ng gubat napadpad.

"Ahhhhhhhhhh!! Tama na! Nahihilo na ko!" hindi na nakikita ni Ramses ang paligid
gayundin ang kanyang mga kaibigan. Parang nakakarinig sya ng mga boses na
nagtatawanan na umaalingawngaw sa buong kagubatan. Pakiramdam ni Ramses ay masusuka
na sya sa hilo. Unti-unti ng pumipikit ang kanyang mga mata ng maramdaman nyang
tumigil ang kanyang paggalaw at may narinig syang isang malakas na tunog.

Naramdaman nyang may humawak sa kanya at tila tumalon ito pababa dahil narinig nya
ang pagtapak nito sa lupa. "Ramses! Ramses ayos ka lang ba?" isang pamilyar na
boses ang kanyang narinig kaya't agad syang napadilat.

"A - Aragon?" nabuhayan ng loob ang dalaga ng makita ang binata. "Sa - salamat."
Sinubukang bumaba ni Ramses mula sa pagkakabuhat ni Aragon.

"Kaya mo ba?" nag-aalalang tanong ng binata. Pagkatapak ng mga paa ni Ramses sa


lupa bigla nitong nawalan ng balanse ngunit nasalo naman kaagad sya ni Aragon.
"Maupo ka muna kung hindi mo pa kaya." Ngayon lang nakita ni Ramses ng malapitan
ang mukha ng binata simula ng maging magkakilala sila. Nailang naman ang dalaga
kaya't agad itong lumayo at umupo agad sa lupa na nakahawak sa kanyang ulo.

"Ang mga kaibi - gan ko. H - hana - pin natin si - sila." Medyo nahihirapan pa
syang magsalita dahil sa pagkahilo. Umupo din sa tabihan nya ang binata.

"Hindi ganun kadaling mahanap sila pero mararamdaman ko naman kung may ibang
nilalang na nasa panganib tulad ng sa'yo." Hindi pa agad makapag-isip ng ayos si
Ramses dahil sa nangyari sa kanya at sa mga kakaibang nilalang sa mahiwagang
kagubatan.

"Paano mo nalamang nandito kami? Dumarating ka sa tuwing nasa panganib kami."


Naguguluhang tanong ni Ramses.

"Hindi. Hindi ko alam na nandito kayo. Madalas lang

akong magsanay sa lugar na 'to at dito din ako madalas magtago. Ito lang kasi ang
tanging lugar na hindi masasakop ni Bhufola. Pamilyar na ako sa gubat na 'to kaya't
nararamdaman ko kung may ibang nilalang na nakapasok lalo na kung nasa panganib
sila." Paliwanag ng binata.
"Pero paano mo ako nailigtas? Hindi gumagana ang mahika dito." Unti-unti ng
bumabalik sa dati ang lakas ni Ramses.

"Tulad ng sinabi ko sanay at pamilyar na ako dito sa gubat. Maraming pagsasanay na


ang nagawa ko dito." Tumayo ang binata. "Mabuti pa simulan na nating hanapin ang
mga kaibigan mo bago pa may mangyaring masama sa kanila." Iniabot nya ang kamay sa
dalaga upang alalayan itong tumayo. Hindi naman umangal si Ramses at inabot na din
nya ang kamay ng binata upang makatayo.

"Paano ba kayo napadpad dito? Hindi nyo ba alam na masyadong mapanganib dito para
sa mga tulad nyong hindi sanay?" hindi agad nakasagot si Ramses. Pakiramdam nya'y
unti-unting nauubos ang oras nila at ngayon ay nagkahiwa-hiwalay pa silang
magkakaibigan.

"Kelangan naming makarating agad kay Bhufola. May isang kitna ang nagsabi sa'min na
ito ang isang mabilis na daanan papunta sa kaharian ng kadiliman - pero sinabi nya
din na sobrang mapanganib dito." Nalungkot ang dalaga na halos mapaluha na sya.
"Hindi ko inaasahang ganitong klaseng panganib pala ang ibig nyang sabihin. Akala
ko labanan lang o mahika ulit pero mas matindi pa

pala sa mga yun. Wala kaming laban sa mga hindi namin makita lalo na't kakaiba sila
habang hindi kami makagamit ng mahika laban sa kanila." Hinawakan ni Aragon sa
balikat ang dalaga at ngumiti ito.

"Matapang ka. Marami ka nang nalampasan at hindi ka basta sumusuko. Konti na lang
Ramses, konti na lang." Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ng dalaga sa sinabi ni
Aragon.
Nagpatuloy sila sa paghahanap sa mga kaibigan at unti-unti ring nawawala ang
makapal na usok sa kanilang dinaraanan.

"Nawawala ang usok kapag pagabi na. Madilim dito kapag gabi at hindi mo rin
makikita ang kahit ano maliban na lang kung kabilugan ng buwan. Tanging liwanag ng
buwan lang ang nagsisilbin liwanag sa kagubatan na 'to. Pero - mas lumalakas ang
mga nilalang dito kapag bilog ang buwan." Alam ng dalaga na hindi naman sya
tinatakot ni Aragon pero alam din nyang nagsasabi ito ng totoo.

"Paano ko makikita ang mga kaibigan ko kung ganito 'tong gubat na 'to. Paano kung
naligaw na sila? Kung nakain ng kung anong hayop?" Tumigil sa paglalakad si Ramses
at sumandal sa isang bato. "Sana ligtas lang sila."

"Wag kang gagalaw." Babala ni Aragon sa kalmadong paraan.

"Ba - bakit?" tanong ng dalaga. Kinuha ni Aragon ang kanyang espada. Tinuro nya ang
nasa itaas ni Ramses. Dahan-dahang tumingala ang dalaga at nakita ang isang
malaking gagamba. Kasing laki ng ulo nya ang gagambang ito. "Isang gagamba?"

"Hindi lang yan basta gagamba. Makamandag

yan kaya't wag kang gagalaw." Natakot ang dalaga sa sinabi ni Aragon kaya't hindi
nga ito gumalaw. Ilang sandali lang ay naramdaman nyang nakatungtong na sa ulo nya
ang gagamba kaya't kinabahan sya.
"A - anong gagawin ko?" bulong nito kay Aragon. Sumenyas ang binata na wag syang
magsalita. Dahan-dahang lumapit ang binata kay Ramses. Plano nitong tusukin ng
espada ang gagamba ng bigla nitong gapangan ang dalaga. Hindi halos makahinga ng
ayos si Ramses lalo na't nasa katawan nya ang isang malaking gagamba na maaring
kumitil sa buhay nya anumang oras.

Sa hindi inaasahang pagkakataon mababahing pa si Ramses dahil na din sa makapal na


buhok ng gagamba. "A - a - achu!!" biglang tumaas ang unahang paa ng gagamba at
napatingin kay Ramses.

Papasugod na ang gagamba sa ulo ni Ramses kaya't napapikit na ito ng bigla itong
dakmain ng isang malaking ibon. Napaupo sa lupa ang dalaga ng makitang wala na ang
gagamba sa kanyang harapan.

"Akala ko - akala ko katapusan ko na." nanginginig na sabi ni Ramses. Ramdam nya pa


rin ang bigat ng gagambang gumapang sa kanya. "At ano yung ibon na yun? Buti hindi
ako nadala kasama nung gagamba."

"Malinaw ang mata ng ibon na yun sa gabi. Naghahanap sila ng pagkain kapag wala ng
usok." Tumingin si Aragon sa loob ng isang patay na puno. "Sa tingin ko magpalipas
na muna tayo ng gabi dito. Delikadong magpagala-gala sa labas."

"Paano ang mga kaibigan ko? Paano kung ngayon nila ako hanapin dahil wala ng mga
usok? Hindi ako pwedeng tumigil." Nakakaramdam ng galit si Ramses kapag naiisip na
maaring may mangyaring masama sa mga kaibigan nya. Lumapit sa kanya si Aragon at
tiningnan ito.

"Ligtas ang mga kaibigan mo. Wala akong nararamdamang nilalang na nasa panganib."
Magsasalita pa lang sana si Ramses ngunit nagsalita ulit ang binata. "Wag kang mag-
alala. Hindi ako matutulog ng malalim. Babantayan kita - pati na rin ang mga
kaibigan mo." Gumaan na ang pakiramdam ni Ramses ng marinig ang sinabi ni Aragon.
Tumayo sya at pumasok na sa punong sinasabi ng binata.

Nasa loob na bahagi si Ramses habang nasa may bukana naman si Aragon. "Sigurado ka
bang walang mapapahamak ngayong gabi?" nag-aalalang tanong ni Ramses habang umuupo
ito.

"Sigurado ako. Kaya't magpahinga ka na dyan. Kakailanganin mo ng maraming lakas


bukas kaya't magpahinga ka na." Nakatingin lang sa labas si Aragon. Nakasandal sya
sa puno habang hawak-hawak ang kanyang espada.

Nagtiwala naman si Ramses sa binata dahil ilang beses na din naman nya itong
nakasama at kahit isang beses ay hindi naman sya nito pinabayaan.

=================
Ramses in Niraseya (Kabanata 63)

Kabanata 63

"Kaibigan o kaaway"

Nakaramdam si Ramses na parang may humawak sa kanyang buhok kaya't mabilis itong
kumilos at kinuha ang kanyang tenivis at naitutok agad sa kung anong nasa harapan
nya.

"A - ako lang 'to Ramses." Tila napahiya naman si Ramses sa kanyang nagawa kaya't
inalis nya agad ang tenivis na nakatutok sa leeg ni Aragon. "Pasensya ka na kung
natakot kita pero kanina pa kasi kita ginigising. May naramdaman kasi ako kanina na
mga nilalang na nasa panganib pero bigla din namang nawala."

Napatayo agad si Ramses ng maalala ang mga kaibigan. "Kelangan na nating


magmadaling umalis bago pa may masamang mangyari sa mga kaibigan ko." Naglakad ang
dalaga palabas ngunit tinawag sya sandali ni Aragon.

"Ramses!" sabay hagis ng isang prutas. "Kumain ka muna para hindi ka maubusan ng
lakas habang naglalakad tayo."

Tiningnan ni Ramses ang prutas na nasa kanyang kamay. Nagdadalawang isip syang
kainin iyon dahil baka kapahamakan lang ang mangyari sa kanya.
"Walang lason yan. Ligtas yan kainin." Kumagat si Aragon ng prutas na tulad ng
ibinigay nya kay Ramses. Dahil sa nakita ng dalaga nawala naman ang pag-aalinlangan
nito.

Nagpatuloy sila sa paghahanap kina Perus at Ryona. Makapal pa rin ang usok sa
paligid at halos wala pa ring makita si Ramses. Pinagmamasdan nya lang si Aragon at
napansin nyang tila kabisado na nya

ang kagubatan.

"Matagal ka na sa gubat na 'to? Bakit dito mo napiling magsanay? Dito din ba


nakatira ang mga magulang mo?" pag-uusisa ng dalaga.

"Tulad ng sinabi ko sa'yo ito ang lugar sa Niraseya na hindi masasakop ng kahit na
sino dahil mahiwaga ang gubat na 'to. Dito lang ako nagsasanay pero hindi dito
nakatira ang pamilya ko. Masyado 'tong delikado sa mga walang kasanayan."
Nagmadaling maglakad si Aragon at hindi tumingin sa dalaga.

"Hindi ko alam kung paano natin mahahanap ang mga kaibigan ko ng ganito lang ang
ginagawa natin. Wala akong maramdamang kahit ano! Masyado na akong natatakot.'
Tumigil sa paglalakad si Ramses. "Ryona!!!!! Perus!!!!!!!" sigaw nito ng malakas at
ilang segundo lang ay may mga ibong nagdaanan sa kanila. Sa sobrang gulat ng dalaga
ay napaupo ito sa lupa at naapatras hanggang mapasandal sa puno.
"Ramses anong ginawa mo?" tanong ng binata ngunit hindi makita ng dalaga kung saan
nanggagaling ang boses ni Aragon dahil sa kapal ng usok. Nawala sa paningin ng
dalaga ang kaibigan dahil na din sa gulat sa nagliparan na ibon.

"A - Aragon?" dahan-dahang tumayo si Ramses ng may matuunan syang malambot na


bagay. "Ano yun?" hindi ito pinansin ng dalaga ng may matapakan ulit syang katulad
nito. Ilang sandali pa ay unti-unting nawala ang usok sa kinatatayuan nya. Nakita
nyang isang uri ng halaman ang humigop ng usok.

Papalapit ang dalaga sa halaman na ito ng matapakan nya ulit ang isa pang halaman
sa kanyang harapan at nalaman nya na iyon pala ang natapakan nya noong una palang.
Nakita nyang bumuka

ang halaman matapos nya itong matapakan at nasaksihan nya ang paghigop nito sa usok
na nasa paligid. Nang makahigop na ito ng usok ay naging bilugan ang kanyang
itsura.

"Aragon! Sa tingin ko nahanap ko na ang makakatulong para makita natin ang daan
kahit umaga!" sigaw ni Ramses habang nakatingin pa din sa halaman. Nakita nyang ang
daming ganung uri ng halaman sa kanyang harapan. Nakaramdam sya ng pag-asa sa
natuklasan. Plano nyang pumitas ng isang halaman kaya't hinawakan nya ito.

"Ramses huwag mong galawin yan!!!!!" ngunit huli na si Aragon sa pagbababala.


Nahawakan na ng dalaga ang halaman ng bigla itong bumuga ng itim na usok. Ang mga
usok na nahigop nito ay muli nitong inilabas ngunit kulay itim na. "Takpan mo ang
ilong mo!!"

Nahirapang huminga si Ramses sa dami ng itim na usok na kanyang nalanghap. Mabilis


naman syang nilapitan ni Aragon at inilayo ang dalaga mula sa halamang naglalabas
ng itim na usok.

"A - Aragon u - umi - i - kot ang pa - ni - ngin ko." Halos hindi na makapaglakad
si Ramses dahil sa nahihilo sya at halos mamanhid na ang kanyang katawan. Muntik na
syang bumagsak sa lupa mabuti na lang at nasalo sya ng binata.

"Ramses! Ramses naririnig mo ba ko?!" unti-unting pumipikit ang mga mata ng dalaga.
Tanging boses at mukha lang ni Aragon ang huli nyang nakita bago sya mawalan ng
malay.

"Hindi maganda 'to. Nalanghap nya agad ang lason." Binuhat ni Aragon ang dalaga at
mabilis itong dinala sa ilog. Inilublob nya ang buong katawan ng dalaga sa malamig
na tubig ng ilog. "Tatagan

mo. Wag kang bibitaw." Bulong ng binata habang dahan-dahang binibitawan ang katawan
ng dalaga sa tubig.

Kinuha ng binata ang kanyang espada at hiniwaan ang braso ni Ramses. Hindi naman
ito ganun kalalim. Sapat lang para umagos ang kanyang dugo. Itinabi na muli ng
binata ang kanyang sandata at pinagmasdan ang dalagang nasa ilalim pa rin ng tubig.
"Wala ng ibang paraan!"

Lumubog din si Aragon sa tubig. Hinawakan nya ang mukha ng dalaga. Nagdadalawang
isip sya sa gagawin ngunit alam nyang yun lang ang paraan upang matanggal ang lason
sa katawan ng dalaga.
"Patawarin mo ko." Pumikit si Aragon at idinampi nya ang kanyang labi sa labi ng
dalaga. Sinubukan nyang higupin ang lason mula sa bibig nito. Halos maubusan na ng
hangin ang binata bago ito umahon. Lumabas sa kanyang bibig ang ilang itim na usok
kaya't bumalik sya sa tubig. Pinagmasdan nya si Ramses ngunit nakapikit pa rin ito.
Nilapitan nya ulit ang dalaga at napansin nyang unti-unting lumalabas ang itim na
usok sa bibig nito at naanod kasabay ng tubig sa ilog.

"Konti pa. Konti na lang!" muling ginagawa hinalikan ng binata ang dalaga upang
tanggalin ang lason kay Ramses at muli nya itong iniluwa sa tubig. Mas mabilis na
ang labas ng laso sa bibig ng dalaga ngayon at nakahinga na ng maluwag si Aragon
ngunit kung hindi agad makakalabas ang lason sa dalaga ay maari nya itong ikamatay.
Kailangang pasukin agad ng tubig ang katawan ng dalaga.

Ang dahilan kung bakit ito hindi nalulunod ay dahil sa lason na nasa kanyang
katawan.

"Lumaban ka Ramses!" hinawakan ni Aragon ang dalaga sa leeg na tila sinasakal ito.
Kalahati na lang ng katawan nya ang nakalubog sa tubig habang nasa ilalim pa rin si
Ramses. Ilang sandali lang ay bumula na ang bibig ng dalaga pati na rin ang ilong
nito. Dumilat na rin si Ramses at dahan-dahang binitawan ng binata ang leeg ng
dalaga ng bigla itong tamaan ng pana sa kanyang balikat.

Napalingon si Aragon sa direksyon ng pana at nakita nya si RYona na nakatayo na


nakahanda sa susunod na pagpapakawala ng pana ngunit nasalo agad ito ni Aragon.
Hindi pa man nakakakilos ang binata ng suntukin sya ni Perus na hindi nya
naramdaman na nasa harapan na nya. Tumumba si Aragon sa tubig at mabilis na hinigit
ni Perus ang kaibigan sa tubig.

"Tama ang kutob ko sa'yo. Hindi ka mapagkakatiwalaan!!!" inihiga ni Peru sang


kaibigan sa lupa ng biglang mapabangon si Ramses at sumuka sya ng sumuka ng tubig
na kulay itim. May lumabas din na itim na usok sa sugat na ginawa ni Aragon sa
kanya.
Tila biglang naghingalo si Ramses at hindi alam ng dalawa ang gagawin. "Anong
ginawa mo sa kanya!!!" galit na galit na sigaw ni Perus. Papasugod na sana sya kay
Aragon ng makita nilang may itim na usok ang lumabas sa bibig ni Ramses at isang
malalim na buntong hininga ang ginawa ng dalaga bago muling makahinga ng ayos.

"Ramses ayos ka lang ba? Wag kang mag-alala nailigtas ka na namin." Nalulungkot na
sabi ni RYona.

Hindi naman napigilan ni Perus ang kanyang galit at sinugod nya

si Aragon. Tinanggal muna ng binata ang nakatusok na pana sa kanyang tagiliran at


tsaka nakipaglaban kay Perus.

Dahan-dahan namang tumayo si Ramses at nakita ang dalawang kaibigan na naglalaban.


"A - anong ginagawa nila?" nanghihinang tanong ng dalaga.

"Nadatnan namin si Aragon na sinasakal ka sa ilalim ng tubig kaya't ganyan na


lamang ang galit ni Perus." Paliwanag ni Ryona.

Naalala ni Ramses kung anong nangyari sa kanya. Hindi nya alam kung paano sya
nakarating sa ilalim ng ilog ngunit naririnig nya si Aragon na kinakausap sya.
"Hindi! Mali kayo! Hindi na ko pinapatay. Sinusubukan nya kong iligtas dahil sa
lason na nalanghap ko!!!" nagulat naman si Ryona sa narinig mula sa kaibigan.
"Pigilan mo sila!"

"Pe - pero hindi ko kaya. Galit nag alit si Perus." Natatakot na pahayag ng
kaibigan. Pinagmasdan ng dalawang dalaga ang labanan ng dalawang binata. Bakas sa
mga mata ni Perus na galit sya samantala parang nasisiyahan naman si Aragon.

Walang nagpapalamang sa bawat pagsugod ngunit nakahanap ng kahinaan si Perus.


Hinampas nya ng malakas ang sugat ni Aragon gamit ang kanyang sandata kaya't
napatigil ang binata sa pagsugod. Sa huling atake ni Perus at nasalag agad ni
Aragon dahilan para tumalsik ang sandata ng binata. Ngunit dahil sa tindin ng tama
ni Aragon sa balikat ay napaluhod ito. "Hindi magtatagumpay ang masasamang tulad
mo!!" dinampot ni Perus ang kanyang sandata at tumayo naman kaagad si Aragon.

"Wala kang alam." Ngumiti pa si Aragon bago pahiran ang dugo sa kanyang bibig.
Walang balak

ang kahit isa sa kanila ang sumuko. Papasugod na muli sila sa isa't isa ng biglang
may dumaan na pana sa kanilang harapan at tumama ito sa puno. Mabilis naman silang
napatigil at nakita si Ramses na nakatayo hawak ang sandata ni Ryona.

Napangiti naman si Aragon na parang nakapagpaasar kay Perus. "Ramses ano ba sa


tingin mo ang ginagawa mo? Muntik ka nang patayin ng taong 'to. Kitang-kita namin!"
galit na sigaw ni Perus.

Ibinalik ni Ramses ang palaso ni Ryona sa kanya bago lumapit sa dalawang binata.
"Inililigtas nya lang ako sa lason Perus. Yung usok na lumabas sa'kin yun yung
lason galing sa halaman na nahawakan ko. Kung hindi nya ginawa yung nakita nyo
malamang patay na talaga ako ngayon."
Napatingin si Perus kay Aragon ng may pagdududa. "Alam mo Ramses hindi mo naman
kelangang ipagtanggol ang lalaking 'to. Nakita namin ang nakita namin."

"Perus nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Hindi nya nga ako gustong patayin.
Nililigtas nya lang ako!!" lumapit si Ramses kay Aragon at inalalayan ito. Iniupo
nya ang binata sa may puno at tiningnan ang sugat nito. "Pasensya ka na sa mga
kaibigan ko. Alam kong kapakanan lang nila ang iniisip ko."

"Wala yun. Naiintindihan ko naman sila. Kahit sino namang makakita sa ginagawa ko
sa'yo kanina iisipin talagang gusto kitang patayin." Malumanay na sagot ng binata.
Kumuha sya ng kapirasong tela mula sa kanyang suot at iniabot ito sa dalaga.
"Talian mo na lang. Mawawala din yan."

Sinunod naman ni Ramses ang utos ng binata. Masama pa rin ang tingin ni Perus

kay Aragon.

"Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking yan. Hindi sya mapagkakatiwalaan. Tingnan
mo na lang kung paano nya paikutin si Ramses. Dapat natin syang balaan," bulong ni
Perus kay RYona.

"Mukhang nagsasabi naman ng totoo si Ramses. Tingnan mo nga silang dalawa.


Kumportable sila sa isa't isa. Kung pinagkakatiwalaan sya ni Ramses dapat ganun din
ang gawin natin." Sagot ni Ryona.

"Hindi ako. Paninindigan ko kung anong tingin ko sa kanya. Hindi na yun magbabago."
Buo ang desisyon ni Perus na huwag magtiwala kay Aragon.

Lumapit si Ramses sa dalawang kaibigan. "Ayos lang ba kayo?" pambungad ng dalaga.


Tumango si Ryona pero wala namang reaksyon si Perus. Umupo si Ramses sa tabi ng
binata. "Salamat sa pag-aalala pero maniwala kayo sa'kin niligtas ako ni Aragon.
Ilang beses nya akong niligtas kahapon. Kung gusto nya akong patayin sana kagabi pa
nung natutulog ako at hindi ko kayang lumaban. Sa tingin nyo ba hahayaan ko na lang
na dalhin nya ako at lunurin sa tubig ng ganun kadali?" nagtinginan sila Perus at
RYona pero hindi pa rin sila nagsasalita. "Maniwala kayo sa'kin, hindi ko sya
pinagtatanggol. Ako pa rin ang kaibigan nyo. Nagpatulong pa nga ako sa kanyang
hanapin kayo."

"Pero hindi ka ba nagtataka na bigla-bigla na lang syang sumusulpot sa tuwing nasa


panganib ka?" tanong ni Perus. "Wag kang masyadong magtiwala Ramses. Tandaan mo may
misyon tayo

at kung pipigilan tayo ng taong yan hindi ako makakapayag. Makikisama kami sa kanya
dahil gusto mo at dahil kaibigan ka namin pero hindi ibig sabihin nun gusto na
namin sya dahil hinding-hindi yun mangyayari." Paliwanag ni Perus.

"Salamat." Sa sobrang tuwa ay niyakap ni Ramses si Perus at nakiyakap na rin si


Ryona. "Salamat sa inyong dalawa."

"Tigilan nyo nga ako. Mga babae talaga masyadong emosyonal!" naiinis na sabi ni
Perus.
"Tumigil ka nga dyan Perus. Kaya ka naman nagkakaganyan kasi hindi na lang ikaw ang
kaibigang lalaki ni Ramses. May kaagaw ka na!" tumatawang sabi ni Ryona.

"Hoy hindi yan totoo!!!" lumayo si PErus sa dalawang kaibigan.

"Kayo pa din naman ang mga natatangi kong kaibigan kaya wala kayong dapat ipag-
alala." Nakangiting sabi ni Ramses. Nagsasaya silang tatlo ng biglang lumapit si
Aragon.

"Ayoko sanang basagin ang kasiyahan nyo pero kelangan na nating umalis. Mapanganib
magtagal sa tabi ng ilong kapag papahapon na." nakatingin sa kanya ang tatlo at
tumango naman si Ramses. Iniabot nya ang kamay sa dalaga upang alalayan itong
tumayo at inabot naman ito ni Ramses.

"Si Aragon ang magiging gabay natin palabas sa gubat na 'to. Kabisado nya ang gubat
kaya magtiwala tayo sa kanya." Pahayag ni Ramses habang nagsisimula na silang
maglakad.

"Huh! Lahat naman kabisado nya at yun ang nakakapagtaka!" naunag maglakad si Perus
at hindi na tiningnan ang reaksyon ng mga kasama.
"Huwag kang masyadong lumayo delikado."

Babala ni Aragon kay Perus na nauuna sa kanila.

Hindi naman sya pinansin ng binata. Nauna pa rin ito sa paglalakad. Nakakarinig
sila ng huni ng iba't ibang hayop ngunit hindi nila alam kung saang parte ng gubat
ito nanggagaling. Naramdaman nilang may mga kumikilos sa paligid.

"Mag-iingat kayo. Walang lalayo." Mahinang sabi ni Aragon. Magkakatalikod silang


tatlo at natingin sa paligid habang nasa di kalayuan naman si Perus.

Ilang sandali ay muli silang nakaramdam ng gumagalaw sa mga halaman. "Sa taas!" at
tinira ni Ryona ng palaso ang nakita nyang gumagalaw.

"Anong ginawa mo? Delikado masyado ang manakit na lang basta-basta ng hindi mo
nakikita kung anong meron sa paligid." Nararamdaman ni Aragon na hindi maganda ang
nangyayari sa paligid ng bigla silang makaramdam ng pagyanig.

"Ahhhhhh!!" halos nagulat sila sa pagsigaw ni Perus.


"Perus! Perus nasan ka?!!!" sigaw ni Ryona habang tumatakbo papunta sa direksyon ng
sigaw ng kaibigan. "Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!" narinig ni Ramses ang sigaw ni RYona.

"Anong nangyayari?" natatakot na tanong ni Ramses kay Aragon.

"Wag kang lalayo. Maging alisto ka." Dahan-dahan silang naglakad papunta sa
direksyon kung saan nila narinig ang sigaw ng dalawa. Laking gulat nila ng makita
ang isang malaking hayop na halos may mga puno at halaman na sa katawan.

"Rawwwwwwwwwwwwwwrrrrr!!" sa lakas ng sigaw

ng halimaw ay halos tumalsik na sila Ramses at Aragon.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Ramses habang tinitingnan ang buong katawan ng
halimaw. "Ayun sila!!" nakita nya si Ryona na nakabitin sa isang puno at may
nakapulupot na baging sa mga binti nito na tila may buhay samantala si Perus naman
ay parang nakalubog sa putik sa katawan ng malaking hayop. "Paano natin sila
maiiligtas?" naiiyak na tanong ni Ramses ng bigla silang sugurin ng hayop na ito.
Tumakbo sila ni Aragon sa magkabilang direksyon.

"Magtago ka Ramses!!" mabilis na sinugod ng halimaw si Aragon at tumalsik ito.


Nagtago sa likuran ng malaking bato si Ramses at hindi alam ang gagawin. Mabilis na
umakyat si Aragon si likuran ng hayop. Kumapit sya sa punong malapit kay Perus at
iniabot nya ang kamay dito. "Kumapit ka!" sabi nito sa binata.
"Wag kang magpakitang gilas." Galit pa rin si Perus kahit nasa ganung sitwasyon na
sya.

"Hindi ito ang tamang oras para magalit! Oras na lumubog ka sa putik na yan
katapusan mo na. Babagsak ka sa loob ng katawan ng halimaw na yan at hindi ka na
makakalabas pa!!!" pinipilit pa ring abutin ni Aragon si Perus ng biglang nagwala
ang hayop dahilan para mas lalong lumubog si Perus. Mabilis namang nahawakan ni
Aragon ang sandata ng binata at dahan-dahan nya itong iniaangat. "Kumapit ka sa
sandata at dahan-dahang kang umakyat. Bilisan mo kung ayaw mong dalawa tayong
bumagsak dyan!!!!"

Nakita nya si RYona na nahihirapan na sa pwesto nito at ganun din naman si Ramses
sa di kalayuan kaya't sinunod na nya ang sinabi ni Aragon kahit labag ito sa loob
nya. Iniaangat nya ang sarili upang makaahon sa putik na unti-unting humihigit sa
kanya pailalim.

Nakita ni Ramses ang ginagawa nila Aragon at Perus at ramdam din nya na konting
pagkakamali lang ay mapapahamak ang kanyang mga kaibigan kaya't nagpakita sya sa
halimaw.

"Rawwwwwwwwwwwwwwwwrr!!!" tila handa sa isang pagsugod ang halimaw na nakaharap kay


Ramses. Nakita ng dalaga na nakaahon na si Perus.

"Tulungan nyo si Ryona!!!!" sigaw ni Ramses sa dalawang binata habang dahan-dahang


naatras dahil papalapit ng papalapit sa kanya ang hayop.
"Rawwwwwwwwwrrrr!!!!" biglang nanakbo ang halimaw papalapit kay Ramses habang
pinuputol ni Perus ang mga baging na nakapulupot kay Ryona.

"Ramses!!!!!!!!!" sigaw ni Ryona. Tumigil ang hayop at hindi na rin nila nakitang
nakatayo si Ramses. Nawala ito sa paningin nila.

"Hindi!! Hindi!!! Dapat kasi sinigurado mo munang ligtas si Ramses bago mo kami
tinulungan!!" galit na sabi ni PErus kay Aragon habang nagmamadali silang bumaba sa
katawan ng halimaw.

"Ramses! Hindi pwede! Hindi!!" naiiyak na sigaw ni Ryona habang nagmamadali silang
makita ang kaibigan.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 64)

Kabanata 64

"Ang Puso ng Kagubatan"


Bumaba sila mula sa likuran ng malaking hayop at dali-daling nagpunta sa harapan
nito. Hawak nila ang kani-kanilang sandata, nakahanda sa isang pagsugod para sa
kaibigan nila.

"Ramses!" nakita ni Ryona na naupo ang kaibigan sa lup. "Ayun sya!" Nagulat silang
lahat sa nakita.

"Dyan lang kayo." Mahinang sabi ni Ramses. Nakatingin lang sya ng diretso sa
halimaw at ganun din naman ang halimaw sa kanya.

"Raaaaaaaaawr!!!" isang malakas na ingay ang ginawa ng halimaw ngunit hindi natinag
si Ramses. Nakaupo pa rin sya sa harapan ng halimaw. Inamoy-amoy ng halimaw ang
dalaga at ilang sandali pa at dinilaan nito ang buong mukha nya.

"Tama na yan. Tigilan mo na." tumatawang sabi ni Ramses sa halimaw na tila


naglalambing sa kanya. Hinaplos ng dalaga ang mukha ng halimaw. "Pasensya na kung
nagambala namin kayo. Wala kaming intensyong kahit ano."

"Raaaaaawr!!!" isang malakas na huni ang ginawa ng halimaw na umalingawngaw sa


buong kagubatan. Nakarinig naman sila Ramses ng iba pang maliliit na huni. Nakita
nilang may maliliit na kauri ang halimaw sa di kalayuan. Tila mga anak nya ito na
gusto nyang protektahan. Naglakad papaalis ang halimaw.
"Mag-iingat kayo palagi!" sigaw ng dalaga habang pinupunasan ang likidong galing sa
dila ng malaking hayop.

"Ramses ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni

Aragon.

"Ayos lang ako. Hindi naman talaga masama yung hayop na yun. Natakot lang sya na
guguluhin natin ang lungga nya." Nakangiting paliwanag ni Ramses.

"Paano mo naman nalaman yan?" tanong ni Ryona.

"Naramdaman ko lang. Hindi nya kasi ako sinusugod. Inaabangan nya yung kilos na
gagawin ko at hindi rin naman sya nakilos kung wala akong ginagawa. Nakita ko rin
na parang kalaban ang tingin nya sa inyo ni Perus. Pero sa totoo lang nagbakasakali
lang akong tama yung kutob ko, kasi kung mali ako, patay na ako ngayon."
Nakangiting sabi ni Ramses.

"Nakukuha mo pang tumawa? Muntik ka na kayang mapahamak! Kahit kelan talaga


nakukuha mo pang ngumiti kahit hindi na maganda ang nangyayari sa paligid mo!" tila
may pagkainis sa boses ni Perus ngunit masaya din naman sya at hindi napahamak ang
mga kaibigan nya. "Mabuti pa magpatuloy na tayo." Tumingin sya kay Aragon.
"Salamat. Pero hindi ko utang na loob ang ginawa mo!" Nilampasan nya ang binata at
naunang maglakad.

"Perus? Kaya tayo sinugod ng halimaw dahil sa pangunguna mo! Hayaan mo kayang si
Aragon ang mauna!" sigaw ni Ryona. Tiningan sya ni Perus na parang nawalan sya ng
kakampi. Tumigil sya sa paglalakad habang tinatanggal ang ilang putik sa kanyang
katawan.

"Nanghihina na ko. Gusto kong kumain. Pero paano ko naman malalaman kung anong
pagkain ang meron dito? Hindi ko nga alam kung anong mga puno yung nabubuhay dito."
Sabi ni Ryona sa

kaibigan.

"Aragon, may mahahanap ka ba na ligtas na prutas dito sa gubat. Sa tingin ko kasi


hindi pwedeng magpatuloy tayo ng nanghihina ang lahat. Alam kong hindi madali ang
gagawin ni Bhufola sa'tin, at hindi tayo makakalaban kung lahat tayo nanghihina."
Tanong ni Ramses sa binata ng makarinig sya ng tila maliliit na tinig.

"Meron akong alam na lugar, ngunit kelangan nating magmadali. At isa pa kelangan
nyo ding mag-ingat kasi mapanlinlang ang may-ari ng teritoryo na yun." Sagot ni
Aragon. "Sumunod na lang kayo sa'kin pero mag-iingat kayo. Wag nyong pansinin kung
anong maririnig nyo o makikita kung gusto nyong makaligtas sa halusinasyon."
Naunang maglakad si Aragon at sumunod naman ang tatlo. Hindi masyadong naintindihan
ni Ramses ang sinabi ni Aragon dahil abala sya sa pakikinig sa maliliit na tinig na
kanyang naririnig.

"Mahina lang yan. Hindi yan ang totoong prinsesa!" napatigil si Ramses at
pinakinggan kung saan nanggagaling ang tinig.
"May problema ba?" tanong ni Perus sa kaibigan.

"Wala naman. Parang may naririnig lang akong mga tinig sa paligid." Tumahimik si
Perus upang pakinggan kung ano ang sinasabi ng kaibigan.

"Pero wala naman akong naririnig. Pabayaan mo na lang. Tulad ng sinabi ni Aragon
wag kang magpapadala sa mga maririnig mo." Hinawakan nya sa likuran ang kaibigan at
itinulak ito papauna sa kanya upang mawala na ang atensyon

nito sa naririnig.

"Maghanda kayo. Malapi na tayo. Nakikita nyo ba ang maliit na kwebang iyon? Sa loob
nun may isang tahimik na lugar, may kakilala ako sa loob pero hindi sila madaling
magtiwala kaya wag nyo silang bibigyan ng dahilan para pagdudahan kayo." Sabi ni
Aragon habang itinuturo ang isang kweba na nahaharangan ng halamang puro tinik.

"Paano kami nakakasigurong hindi yan isang patibong. Hindi ako papasok dyan.
Maghihintay na lang ako dito sa labas." Umupo si Perus sa harapan ng kweba at
sumandal sa puno.

"Hindi maganda ang posisyon mo dyan. Kung ayaw mong sumama bahala ka." Tumingin si
Aragon kay Ramses at tumango lang ang dalaga.
Hindi pa man nakakalayo si Aragon at Ramses ng biglang bagsakan ng mga tila itim na
bubuyog si Perus. Inatake sya ng mga ito gayundin si Ryona. Kahit saan sila
magpunta ay sinusundan sila ng mga insect.

"Pumasok kayo sa kweba, hindi yan susunod dun!!" ngunit nagdududa pa rin si Perus
sa sinabi ni Aragon.

"Perus! Ryona!!! Sige na!!" Tumingin si Ryona kay Perus at nanakbo ito papalapit sa
kweba. Biglang nahawi ang mga halamang may tinik kaya't ligtas na nakapasok si
Perus at Ryona. Umiwas naman ang mga insekto at hindi na sinundan ang dalawa.
Pumasok din naman sa loob sina Aragon at Ramses. Madilim sa loob at tila gumagalaw
ang mga halaman sa bawat hakbang na kanilang ginagawa.

Nakikita nila ang dulo ng kweba na puro matitinik na halaman lang. "Sabi ko na nga
ba isa itong patibong!" sigaw ni Perus ng biglang bumukas ang halaman at bumungad
ang isang tila

mala paraisong lugar.

Berde ang paligid at walang usok. Masyadong maganda ang paligid at payapa. "Ito ang
puso ng kagubatan." Sabi ni Aragon. May isang maliit na nilalang ang lumapit sa
kanya.
"Maligayang pagbabalik, ngunit sino ang iyong mga kasama?" tanong ng maliit na
nilalang na may mahabang buhok. Para syang duwende ng kagubatan na mala-ermitanyo
ang anyo.

"Sila ang mga kaibiga ng prinsesa. Naghahanap lamang kami ng pwede nilang makain
bago magtungo sa Dimotes." Sagot ng binata. Tiningnan ng maliit na nilalang sina
Ramses na may pagdududa.

"Prinsesa daw! Prinsesa daw!" muli na namang nagambala si Ramses ng marinig ang
maliliit na tinig. Naglakad sya habang natingin sa paligid.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!!" sigaw nung kausap ni Aragon.

"Aha! Kayo pala yung naririnig ko!!" nakatingin si Ramses sa dalawang putting
nilalang na nakatago sa likuran ng malaking bulalak.

"Nakikita ba nya tayo?"

"Hindi! Basta wag kang gumalaw."


"Ano bang sinasabi nyong hindi ko kayo nakikita? Nandyan kayo sa likuran ng
bulaklak." Napaatras si Ramses ng biglang lumipad ang nilalang na kinakausap nya.
Tumingin sya sa direksyon kung saan nagpunta ang mga nilalang ito ng makita nyang
marami pang katulad nito sa loob. "Ang dami nyo pala dito."

Manghang-manghang sabi ni Ramses.

"Sinong kinakausap mo?" tanong ni Aragon sa kaibigan.

Tumingin si Ramses sa mga kasama. "Sila." Sabay turo sa mga nilalang sa may puno.
"At sila." Sabay turo sa mga halaman. "Hindi nyo ba sila nakikita?"

Nagtinginan lang ang tatlo dahil wala naman silang nakikitang kahit ano.

"Bata, sabihin mo sa'kin, ano ang nakikita mo?" tanong ng maliit na mala-duwendeng
nilalang.

"Isa pong maliit na nilalang na kulay puti. Maganda po ang kanilang anyo ngunit
iisa lamang ang kanilang itsura. Nasa likuran po sila ng bawat nilalang na
nabubuhay dito. Parang sila ang nagbibigay buhay sa mga bulalak o mga puno."
Nakangiti si Ramses habang pinagmamasdan ang paligid.
"Sumunod kayo sa'kin." Sabi ng maliit na nilalang. Sumunod naman sila dito. "Ako
nga pala si Turda. At sa tingin ko ikaw ang prinsesang sinasabi ni Aragon."

Napatingin si Aragon kay Turda na tila gulat na gulat. "Paano mo namang nasabing
sya ang prinsesa gayung di ko pa naman pinapakilala sa'yo kung sino sya sa aking
mga kasama?" pagtatakang tanong ni Aragon.

"Simple lang. Nakikita nya ang mga nilalang dito. Kaya nga tinanong ko sya kung
anong klaseng nilalang ang nakita nya sapagkat dun malalaman kung anong klaseng tao
ang nakapasok dito." Tila hindi pa rin nakikinig si Ramses sa sinasabi ni Turda.

"Talaga? Masarap yan? Pero hindi ko yan matatanggap pasensya na. Kelangan may
permiso ng inyong pinuno pero maraming salamat."

Kumaway lang si Ramses sa mga nilalang na nakikita nya.

"Maari ka bang sumama sa'kin?" tanong ni Turda kay Ramses.

"Pero bakit po?" nag-aalinlangang tanong ng dalaga.

"Gusto lang kitang ipakilala sa pinuno. Makakatulong din sya sa pag gising at
pagkontrol sa natatago mong lakas." Alam ni Ramses na hindi sya basta maniwala, at
loob ng kagubatan ay si Aragon lamang ang tanging taong kanyang pinagkakatiwalaan.

"Hindi po ba nabibigla kayo. Haharap sya sa pinuno? Bakit? Samantalang ang tagal-
tagal ko na dito ni minsan hindi ko pa sya nakita." Napatingin si Turda sa kanya na
parang may pagdududa.

"Alam mo na ang sagot sa tanong na yan Aragon." Tumalikod si Turda at humarap ito
kay Ramses. "Sasama ka ba mahal na prinsesa."

"Hindi tama 'to!" humarang si Aragon at hinawakan si Ramses. "Aalis na tayo."

"Natatakot ka ba?" Napatigil si Aragon sa sinabi ni Turda.

"Natatakot? Ako?" tumawa ang binata na parang pinapakitang wala syang dapat
ikatakot.

"Oo. Na magiging malakas ang dalagang iyan, walang kapantay, walang katulad." Iba
ang ngiti sa mukha ni Turda. Isang ngiting hindi malaman ng magkakaibigan kung
dapat pagkatiwalaan o hindi.
"Natatakot ka nga ba Aragon? May itinatago ka ba sa'min?" tanong ni Perus.

"Wag kang makialam dito!! Wala kang alam!!" itinulak ni Aragon si Perus. Papasugod

na si Perus sa binata ng humarang si Ramses sa gitna.

"Tama na!!! Ako na lang ang magdedesisyon!! Wag na kayong magtalo!!!" tumigil naman
ang dalawa. Naguguluhan si Ramses sa kung anong desisyon ang kanyang gagawin.
Tumingin si Ramses kay Turda. "Sigurado po bang lalakas ako at makokontrol ko ang
kapangyarihan na meron ako?"

Tumango si Turda. "Tulad ng sinabi ko, makakatulong ang pinuno, sa'yo lang. Ngunit
kelangan mong magtiwala - buong tiwala at walang pagdududa."

Tumingin si Ramses kay Aragon pero bakas sa mukha nito na ayaw nyang payagan si
Ramses. Pero sa loob ng dalaga gusto nyang subukan sapagkat isa itong paraan para
magkaron sila ng pag-asang matalo si Bhufola. "Handa na po ako. Pero pwede po bang
pakainin nyo muna kami? Kasi po gutom na talaga ako pati mga kasama ko."

Biglang napatawa si Turda sa sinabi ni Ramses. "Akala ko'y magyayaya ka na agad sa


pinuno para sa kapangyarihan. Pero nakuha mo pang isipin ang mga kaibigan mo pati
ang iyong gutom. Isa kang mabuting nilalang. At sige, maari kayong pumitas ng
prutas na gusto nyo. Ngunit ang mga kaya nyo lang kainin, kapag pinitas nyo ay
siguraduhin nyong hindi nyo sasayangin. Dahil ang masasayang na prutas ay magiging
itim na usok." Paliwanag ni Turda.
"Naku, mukhang wala namang masasayang sa'min dahil marami na po kaming gutom." Sabi
ni Perus na hindi na makapaghintay pumitas ng prutas.

"Mayroon ding talon

sa banda roon. Maari kang magbalaw upang mawala ang putik sa iyong kasuotan."
Itinuro ni Turda ang isang talon na mayroon pang bahaghari.

"Marami pong salamat." Sagot ng binata. Nagtungo ang tatlo sa talon at sumunod lang
si Aragon. Sa kanilang apat mukhang sya lang ang hindi nasisiyahan sa nangyari.

Pumitas sila ng iba't-ibang prutas. Nakipaglaro pa si Ramses sa mga nilalang na


kanyang nakikita. Hindi naman sya masamaha ng mga kaibigan dahil tanging sya lang
ang nakakakita sa mga ito.

Nagbanlaw sa tubig si Perus samantalang nakuha ng inumin sa kawayan si Ryona.


Nakaupo lang sa may batuhan si Aragon habang tinitingnan ang mga kasama.

"Tila balisa ka Aragon? May gumugulo ba sa isip mo?" tanong ni Ramses.


"Ha? Hindi naman. May inaalala lang ako, pero wag kang mag-alala hindi naman iyon
ganun kaimportante." Tumingin sya sa dalaga. "Sigurado ka ba na gusto mong pumunta
sa pinuno?"

Tumango si Ramses. "Isang paraan na rin yun para matalo ko si Bhufola. Para
mailigtas ko ang mga taong nasa ilalim ng kanyang kaharian at kapangyarihan. Gusto
ko silang tulungan. Isa pa, ito talaga ang mundo ko kaya dapat ko 'tong
protektahan." Nakangiting sabi ni Ramses ng mapatingin sya sa isang nilalang na
nakatingin sa kanya. Nakita nya itong may takot sa kanyang mukha at umiiling-iling
pa. "Anong problema?" tanong nya sa nilalang. Halos tila nagwawala ang mga putting
nilalang na ito at naghahanap ng kanya-kanyang matataguan.

"Anong nangyayari?" tumayo si

Ramses at nilapitan isa-isa ang mga nilalang ngunit ni isa sa mga ito ay walang
gustong sumagot sa kanya. "Sabihin mo, anong problema?" tanong nya sa isang
nilalang na naiwang nakatayo sa may malaking halaman. Tila nangingilid ang mga luha
nito at parang takot na takot. Nakatingin lamang ito sa likuran nya. " A - anong -
"

"Ramses, handa ka na ba?" napalingon si Ramses sa kanyang likuran at nakita nyang


nakatayo dun si Turda.

"Opo kaya lang po - " humarap ulit si Ramses ngunit wala na dun ang nilalang na
kausap nya. "Ano pong nangyayari?" tanong ng dalaga kay Turda. "Bakit parang naging
balisa ang mga nilalang na yun?"
"Balisa?" pagtatakang tanong ni Turda.

"Opo. Bigla na lang silang nagmadaling magtago at hindi nila ako kinakausap."
Tumingin si Turda sa paligid.

"Hindi ko rin alam, dahil hindi ko naman sila nakikita." Nagulat si Ramses sa
narinig dahil ang pag-aakala nya ay nakikita nya ang mga nilalang na kanya ring
nakikita. "Mabuti pa ay magtungo na agad tayo sa pinuno dahil meron akong hindi
magandang nararamdaman."

"Sasama kami." Sabi ni Aragon.

"Hindi! Ang prinsesa lamang ang pinapahintulutan na makaharap sa pinuno." Sagot ni


Turda. Sumunod lang naman si Ramses sa maliit na nilalang ngunit tumingin muna ito
sa dalawang kaibigang sina Perus at Ryona.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko." Sabi ng dalaga.

"Kung gayon wag ka nang tumuloy!" sagot ni Ryona.


"Hindi. Hindi sa pinuno, kundi

sa mangyayari dito sa loob. Habang wala ako protektahan nyo ang dapat protektahan.
Babalik ako kapag nagising na ang natutulog kong kapangyarihan." Paliwanag ni
Ramses. Agad namang umahon sa tubig si Perus at inubos naman ni Ryona ang huling
prutas na kanyang kinain.

"Makakaasa ka. Hihintayin namin ang pagbabalik mo, at mag-iingat ka." Pagpapaalam
ni Perus. Tumango lang si Ramses at sumunod na kay Turda.

Habang naglalakad sila ay hindi na sya nakakita ng kahit ano pang puting nilalang
at hindi nya alam kung bakit. Ang alam nya lang ay may hindi normal na nangyayari.
"Turda, hindi po ako mapakali. Pero parang may hindi magandang mangyayari."

"May gustong humadlang sa paggising ng iyong kapangyarihan at hindi ko alam kung


nasaan sya pero sinisigurado kong hindi magiging madali ang lahat. Kailangan mong
magtiwala at ihanda ang iyong sarili." Tumigil si TUrda at tumingin sa dalaga.
"Ramses, ikaw ang pag-asa ng lahat. Pero mag-iingat ka, dahil hindi lahat ng
inaakala mong tunay ay totoo. Hindi lahat ng nakikita ng mata mo ay tunay at hindi
imahinasyon lamang. Matutuo kang makiramdam, matuto kang magtiwala at totoo." Hindi
maintindihan ni Ramses kung ano ba ang gustong ipahiwatig ni Turda pero isa lang
ang alam nya, isa iyong babala na dapat ay maging alerto sya.

Nakarating sila sa isang sobrang laking puno. Hindi nya matanaw ang tuktok ng puno
na ito sa sobrang laki. "Nandito ang pinuno sa loob. Maari ka nang pumasok." Tinuro
ni Turda ang maliit na tila pintuan sa katawan ng puno.
"Hindi mo ba ako sasamahan?" tanong ng dalaga.

"Hindi ako maaring pumasok dyan sa loob." Sagot ni Turda.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Ramses.

"Kahit gustuhin kong pumasok sa loob ay hindi maari. May mahika ang pintuang yan at
ang mga nilalang na napili lamang ang makakapasok. Kaya't dyan natin malalaman kung
ikaw ba ay nararapat harapin ng pinuno. Kelangan mo lang magtiwala." Umupo si Turda
sa tabihan ng puno. "Maghihintay ako sa pagbabalik mo."

Nakita ni Ramses na pumikit si Turda na tila nagpapahinga sa tabihan ng puno. Wala


na din naman syang nagawa kaya't lumapit na sya sa harapan ng puno. Nakita nyang
tila may isang mahikang nakabalot sa pintuan ng puno. Dahan-dahan nyang hinawakan
ang mahikang ito ng tumagos ang kamay nya sa loob.

"Ikaw nga!" nagulat si Ramses ng makita nya si Turda sa kanyang likuran at wala na
ito sa kinauupuan nya. Itinulak nya si Ramses papasok sa loob ng puno.

"Anong ginagawa mo?" sinubukan ni Ramses na tuluyang hindi makapasok sa loob.


Nakahawak sya sa bukana ng puno.

"Hindi ka na makakaatras pa." pinukpok ni Turda ang nakahawakna kamay ng dalaga


dahilan para makabitaw ito.

"Hindi!!!!!" tila isang lagusan ang pinasukan ni Ramses. Hinihigop sya ng lagusan
papaitaas at hindi nya alam kung saan sya papunta. Madalim ang paligid at hindi nya
alam kung ano ang mga nadadaaan nya, basta ang pakiramdam nya ay umaangat sya nang
mabilis, kasing bilis ng sikat ng araw.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 65)

Kabanata 65

"Bagong lakas. Bagong Pag-asa"

"Anong ginawa mo kay Ramses?!!" sigaw ni Perus habang papalapit kay Turda.

"Wala akong ginawa sa kanya." Nakangiti si Turda na mukhang kahina-hinala.


"Nakita naming itinulak mo sya ng pilitan papasok sa punong yan!!!" sigaw ni Ryona.
Lumapit sya sa puno at sinubukang pumasok pero tumalsik lang sya. "Ramses!
Ramses!!"

"Hindi makakapasok ang tulad nyo sa punong iyan." Kalmadong sabi ni Turda.

"Sinasabi ko na nga ba hindi na dapat sya tumuloy una palang!!!" sabi ni Aragon na
tila nanginginig sa galit.

Susugurin na sana ni Perus si Turda ng biglang humangin ng malakas. Isang itim na


usok ang umikot at nagpalanta sa ibang mga halaman doon. Lahat ng matapatan na
nilalang ng usok ay nagiging mabangis.

"Anong nangyayari?" gulat na gulat na tanong ni Turda. Ilang sandali lang ay


sinugod sila ng mga nilalang na nadaanan ng itim na usok.

Nakipaglaban sila sa mga nilalang na sumusugod sa kanila ngunit natatakot silang


tapusin ang mga ito dahil sila pa rin ay ang mga mabubuting nilalang na nadatnan
nila roon.
"Umamin kayo, sino ang nag-aksaya ng kahit anong bunga dito sa loob?!!" galit na
tanong ni Turda habang nakikipaglaban sa mga naging mabangis na nilalang.

"Imposible

yang sinasabi mo Turda. Wala sa'min ang gumawa nyan. Baka may ibang nakapasok dito
ng hindi mo namamalayan." Sagot ni Aragon habang patuloy sa pag-iwas sa mga
nilalang na sumusugod.

Hindi na din naman nag-aksaya ng oras si Turda. Umikot sya nang pabilis ng pabilis
hanggang magkaroon ng tila isang putting ipo-ipo sa kanyang paligid. Hinigop nito
ang mga itim na usok hanggang tuluyan itong mawala. Naipon sa kamay ni Turda ang
prutas na pinanggalingan ng itim na usok. Bago pa nya siyasatin ang prutas ay
binago muna nya ang anyo ng mga nilalang na nadaanan ng itim na usok. Hindi ito
madali para kay Turda dahil maraming lakas ang nawawala sa kanya. Kapag naubos ang
lakas nya ay hindi nya maipagtatanggol ang mga nasasakupan sa oras na makapasok
sila roon.

"Gamutin nyo ang mga sugatan!" utos ni Turda sa mga ibang kasama sa loob. Hawak pa
rin nya ang prutas ngunit binalutan nya ito ng proteksyon upang hindi na muling
kumalat ang itim na usok. Humarap sya kina Perus. "Ito ang sinayang na prutas. Buo
pa ito, ibig sabihin sinadyang itapon para makalikha ng itim na usok." Tiningnan
nya ang tatlo isa-isa. "Ang tanong na lang ngayon, sino sa inyong tatlo ang gumawa
nito."

"Makinig ka Turda, hindi namin magagawa yan. Alam ko baguhan lang ang dalawang 'to
pero hindi naman nila gagawin ang ibinilin mo." Tumingin si Aragon kay Perus at
Ryona. "Tama naman ako hindi ba?" tumango si Ryona na halatang natatakot.
"Kung gayon mayroong ibang nilalang ang nakapasok dito." Tumingin si Turda sa
kanyang nasasakupan at ilang sandali

lang ay nabalutan ito ng isang puting usok na tila ay pananggalang mula sa kahit
anong nagnanais pumasok. "Nakakaramdam ako ng mga hindi magagandang paparating.
Humanda kayo." Hindi pa man sya tapos magsalita ay biglang yumanig sa loob na
kanilang kinatatayuan. Kasunod nito ang matinis na alingawngaw. "Nandito na sila."
Sinundan nila Perus si Turda papunta sa daanan at nakita nila ang mga itim na usok
na hugis halimaw ang pilit binabangga ang ginawang harang ni Turda. "Pinipilit
nilang makapasok."

"Anong dapat nating gawin?" tanong ni Perus. Tiningnan nya ang mga nilalang sa
paligid at nakita nyang natatakot ang mga ito. "Hindi ba sila makakapasok?" pag-
aalala nyang tanong.

"Hindi ko pa alam dahil ngayon lang nangyari ito sa tinagal-tagal ko dito. Maaaring
natunugan nilang nandito ang prinsesa. Kailangan lang nating intayin ang kanyang
pagbabalik." Nakatayo lang si Turda at pinapanood ang mga itim na halimaw na
nagpupumilit sirain ang harang.

"At paano kung makapasok sila ng hindi pa bumabalik si Ramses?" tanong ni Ryona.
Hinawakan na nya ang kanyang sandata at alerto sya na kahit anong oras na may
makapasok ay hindi sya magdadalawang isip na tapusin ito.

"Wala tayong magagawa kundi ang lumaban. Ito ang puso ng kagubatan. Kung masasakop
ito ng kadiliman hindi ko na alam kung anong mangyayari. Baka sa unang pagkakataon
ay magpakita ang pinuno." Halata sa itsura ni Turda ang pagkabahala. Lahat sila ay
nakahanda sa kahit anong mangyari.
Samantala, si Ramses ay nakarating sa tuktok ng puno. Dahan-dahang lumiliwanag

ang paligid at bumubungad ang isang malawak na tila trono ng isang hari. May mga
lumilipad din na liwanag at pumapalibot din na maliliit na liwanag sa kanya. "May
tao ba dito?" tawag ng dalaga. Tumingin sya sa paligid at nakita nyang tila isang
malaking salamin na bintana ang nakapaligid sa kinatatayuan nya kaya sumilip sya
rito. Nagulat sya sa nakita. Mula sa bintanang iyon ay tanaw ang buong kagubatan.
Kitang-kita din mula doon ang puso ng kagubatan. "Oh hindi! Nasa panganib sila."
Nababahalang sabi ni Ramses.

"Maari mo naman silang tulungan." Sabi ng isang tinig na galing din sa kinaroroonan
ng dalaga. Lumingon sya sa paligid at nakakita sya ng isang malaking liyon. Halos
mas malaki pa sa kanya ang hayop na ito.

"Sino po kayo?" napagtanto ni Ramses na sya ang pinuno ng kagubatan sapagkat


nakaupo ito sa pinakamalaking trono at napapaligiran ito ng maliliwanag na bagay.
May tila bakal na baluti pa ito sa kanyang katawan na tila isang mandirigma.
"Ipagpatawad nyo po ang kapangahasan kong makipag-usap sa inyo." Paghingi ng
paumanhin ng dalaga.

"Wag mo na yung intindihin mahal na prinsesa. Naparito ka upang ipagising ang


natutulog mong kapangyarihan." Bumaba sa trono ang pinuno at lumapit ito kay
Ramses. "Sabihin mo sa'kin, ano ang gagawin mo kapag nagising ang iyong natutulog
na lakas at nakontrol mo na ito?"

"Ililigtas ko po ang Niraseya kasama na ang mga naninirahan dito laban sa kasamaan
ni Bhufola. Alam kong hindi ito ang mundong kinalakhan ko pero maraming nilalang
dito ang umaasa sa'kin

at hindi ko sila bibiguin sa abot ng aking makakaya." Sa pagsagot ni Ramses sinabi


nya lamang ang nasa puso nya. Hindi na sya nagsayang ng oras dahil iyon naman
talaga ang nais nya kaya sya naparito. "Hindi ko na po hihintayin na masakop nya
ang buong Niraseya bago ko sya harapin. Hangga't may kaya akong masagip gagawin ko.
Kaya nakikiusap po ako sa inyo pinuno, gusto ko pong gisingin nyo ang lakas na
meron ako. Ang lakas na hindi umaasa sa aking tekan." Tila nagulat naman ang pinuno
sa sinabi ng dalaga.

"Alam mo bang nakaasa lang sa kanilang tekan ang mga nasa Niraseya? Oo may taglay
silang kani-kaniyang kapangyarihan pero ang tekan ang nagbibigay buhay sa mga ito."
Inikutan ng pinuno ang nakatayong dalaga. "Pero nararamdaman ko sa'yo na mas higit
ka pang malakas kesa sa iyong inaasahan. Ngunit ang lakas mo ay masyadong delikado
kapag hindi mo nagamit at nakontrol ng tama. Maari kang maging masama at maaring
ikaw pa ang maging dahilan ng pagkasira ng buong Niraseya."

"Pero hindi po yan mangyayari. Lilisanin ko ang Niraseya oras na bumalik na dito
ang katahimikan." Sagot ni Ramses.

"Hindi mo ba alam na ang pagpunta mo dito ay hindi isang pagkakataon lamang? Dito
ka nabibilang at ito ang iyong mundo. Kailangan ka ng mga taong iyong nasasakupan."
Tumigil sa pag-ikot ang pinuno. "Gusto kong pumikit ka. Magtiwala ka lang sa'kin at
magagawa ko ang gusto mo."

Sumunod naman si Ramses sa gusto ng pinuno. Ipinikit nya ang kanyang mga mata. Ang
mga maliliit na liwanag na nakapalibot sa dalaga ay bumilis ng ikot at isa-isa
silang pumasok sa katawan

ni Ramses. "AHhhhhhhhhhhhhhhhh!!" sigaw ng dalaga. "Ang init!! Ang sakit!!!!! Anong


ginagawa mo sa'kin?!!!"

"Kailangan mo ng konsentrasyon. Labanan mo ang sakit. Labanan mo ang lahat ng


nararamdaman mo dahil kung hindi ikaw ang kakainin ng sarili mong lakas." Utos ng
pinuno. Ang ilang liwanag na nakapalibot sa pinuno ay umikot na rin sa dalaga at
pumasok ito sa kanyang katawan.

"Hindi ko na ata 'to matatagalan. Bakit - bakit ganito." Napaluhod si Ramses at


halos mawalan na sya ng lakas.

"Sabihin mo prinsesa, itutuloy pa ba natin ito o hindi na?" tanongng pinuno bago
pakawalan ang huling grupo ng liwanag na papasok sa katawan ni Ramses.

"I - ipag - papatu - loy ko po." Hirap na hirap na sagot ng dalaga.

Kahit nagdadalawang isip ang pinuno ay ginawa nya pa rin ang gusto ng dalaga.
"Isang masakit at mahirap ang huling bahagi. Kailangan mo lang tatagan ang lahat at
makakalabas ka dito ng buhay."

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" halos kainin ng apoy ang buong katawan ni Ramses. Ang


ilang bahagi ng katawan nya ay nagkakaroon ng sugat at lumalabas ang ilang mga
liwanag. "Ang hapdi. Ang sakit. Ang sakit!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" biglang
pumasok sa isip ni Ramses ang kanyang buhay kasama ang kanyang Tiya Ileta. Kung
paano sya nila pinalaki. Pati na rin ang pagpasok nya sa Niraseya dahil gusto nyang
makita ang kanyang mga magulang. Ang pagkakakilala nya kina Perus at Ryona. Ang
kanilang mga pinagdaanan. Ang pagkakaroon nya ng tenivis. Ang pakikipaglaban nila.
Ang mga pagsugod ni

Bhufola. Nakita nya ang magiging itsura ng Niraseya kapag nasakop ito ng kanyang
masamang tiyahin. Nakita nya ang mga kaibigan nya at mga mahal sa buhay na mahal na
mahal nya ay mga duguan at wala ng buhay. Nakita nya rin na kung hindi nya kayang
pigilan si Bhufola sa nais nito ay makakalabas pa sya ng Niraseya at madadamay pa
ang mga tao sa mundong kanyang pinanggalingan. "Hi - hindi!! Hindi!!! Hindi
maari!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" pumatak ang mga luha ng dalaga kasabay ng isang
liwanag na nanggaling sa kanyang katawan. Mas lalong lumakas ang apoy na bumabalot
sa kanya at naglalagablab ito. Dumilat si Ramses na nanlilisik ang mga mata.

"Hindi maari. Kinain sya ng kanyang sarili kapangyarihan ng dahil sa takot."


Nangangamba ang pinuno sa nakita. Hindi sya nagdadalwang isip na tapusin si Ramses
bago pa man nito sirain ang Niraseya. "Hindi ka magtatagumpay." Sinugod nya ang
dalaga ngunit mabilis lang nakaiwas si Ramses. "Bata gumising ka. Wag kang
magpadala sa takot mo!!!" sigaw ng pinuno sa dalaga.

Naglalabas ng bolang apoy si Ramses at ibinabato nya ito sa pinuno. Samantala ang
isipan ni Ramses ay nakikipaglaban pa rin sa kalungkutan at pagsisisi dahil sa
nakitang mga bangkay ng mga taong mahal nya. "Kaya ko 'tong pigilan. Pipigilan ko
'to!! Hindi ako papayag sa gusto mo Bhufola. Hindi!!!!"

Biglang natumba ang katawan ni Ramses at nawala ang apoy nito sa katawan. Nilapitan
sya ng pinuno at pinagmasdan. Laking gulat nya ng dumilat ang dalaga at tumingin sa
kanya. "Ikaw na

ba yan?"

Ngumiti ang dalaga. Isang ngiti na hindi maintindihan ng pinuno kung kumpirmasyon
ba ito ng pagsagot ng dalaga o patunay na nakuha na ng kasamaan ang kanyang
pagkatao. Upang makasigurado ay sinugod ng pinuno ang nakahigang katawan ng dalaga
ng isang matinding pagsugod na kahit na sino ay hindi mabubuhay kapag hindi
nakaiwas. Ngunit sa hindi nya inaasahang pangyayari biglang nawala ang dalaga sa
oras na tumama ang kanyang katawan sa hinihigaan nito.

"Wala po ako dyan." Nagulat ang pinuno ng magsalita ang dalaga na nakatayo sa
kanyang likuran. Napangiti naman ang pinuno at sinubukan ang lakas ng dalaga.
Nagbato sya ng ilang sandata sa dalaga at mabilis itong nawala. Hindi naman
nagpatalo ang pinuno. Mas binilisan nya pa na halos lahat ng sandata at papunta na
sa dalaga at wala na syang ibang lugar na tatakbuhan. Ngunit bago pa man tumama kay
Ramses ang mga sandatang ito ay tumigil ito sa kanyang harapan na nakalutang sa
hangin. "Hindi ko po inaasahan ang ganitong lakas." Itinapat ng dalaga ang kanyang
kamay sa mga sandata at ilang sandali lang ay naging abo ang mga sandatang ito.

"Kamangha-mangha ang iyong lakas. Kailangan mo lang magingat dahil ang lakas mo ang
sisira sa'yo." Pagbababala ng pinuno. Habang naguusap sila ay nakarinig sila ng
isang malakas na pagsabog. Mabillis silang sumilip sa bintana at nakita nilang
nawasak ang harang na ginawa ni Turda. "Kailangan nila ako." Sabi ng pinuno.

Hinawakan ni Ramses ang pinuno. "Ako

na po muna ang bahala. Kung hindi ko kayanin tsaka kayo tumulong. Hindi kayo dapat
makita ng mga masasamang halimaw na yan." Paliwanag ng dalaga.

"Salamat. Dito ang daan pabalik - " bago pa man ituro ng pinuno ang daan ay nawala
na ang dalaga. Muli syang sumilip sa bintana at nakita nya doon si Ramses na
sinusugod ang mga halimaw na usok. Napangiti ang pinuno. "Isang busilak na
kalooban. Sana ay gabayan ka ng iyong mga magulang." Bulong nya sa kanyang sarili.

"Si Ramses!!" sigaw ni Perus at Ryona na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga


halimaw.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Aragon sa dalaga.


"Oo." Papasugod ang malaking halimaw na usok sa kanila ng biglang iniharang ni
Ramses ang kanyang palad at hindi makalapit ang halimaw. "Hyaaaaaaaaaaaaahhh!" tila
sumabog ang halimaw at gulat na gulat si Aragon sa nakita. "Turda! Ilayo mo na ang
mga ibang nilalang. Perus samahan mo sila! Maiiwan kami dito para pigilan silang
makapasok!!" utos ng dalaga. Tila tulala pa ang mga kasama nya sa mga nangyayari sa
kanya. "Kumilos na kayo!!!!" kinuha nya ang kanyang tenivis. "Hyaaaah!!!" lahat ng
tamaan nya ay nawawala agad.

Sumunod naman agad sila Perus at Turda sa sinabi ng dalaga. Ngunit habang tumatakas
sila ay may isang malaking halimaw ang nakalusot kina Aragon at Ryona at papasugod
ito ngayon kina Perus. "Perus!!!!" napatingin agad si Ramses sa grupo nila Perus.
Ang itim na halimaw na ito ay kayang tapusin ang buong grupong kasama ni Perus at
Turda. "Hindi na tayo aabot!" sabi ni Ryona.

Laking gulat nilang lahat ng nasa harapan na ng halimaw na iyon si Ramses bago pa
man nito malapitan sila Perus. "Hindi ka magtatagumpay!" halos kayang-kayang
tapakan si Ramses ng halimaw na ito ngunit dahil masyadong mabilis ang dalaga ay
nakakaiwas agad sya. Ilang sandali lang ay nawala si Ramses.

"HINDI!!!!!" sigaw ni Perus na galit na galit sumugod sa higanteng halimaw. Ngunit


bago pa man nya ito masugod ay biglang napatigil ang halimaw sa paggalaw. Ilang
liwanag ang dahang-dahang lumabas sa kanyang katawan.

"Raaaaaaaaaaaaaawr!!" hindi na nakagalaw ang halimaw at tila sumabog ito at


nagkaroon ng isang nakakasilaw na liwanag na halos lahat sa paligid ay hindi
makatingin ng diretso.
Nawala ang liwanag ay nakita nila si Ramses na nakaluhod at nakatusok ang tenivis
sa lupa. Nawala din ang ilang mga itim na usok na sumusugod sa kanila. Nabalutan ng
katahimikan ang paligid at ang lahat ay nakatingin sa dalaga. Iniintay nila itong
magsalita. "AYos lang ba ang lahat?" tanong ng dalaga habang tumatayo. Tumingin ito
sa mga kasama ng nakangiti. Nagpalakpakan naman ang mga nilalang na nandun sa loob
at mga nagsipagsigawan sa tuwa. Maging si Turda ay napangiti at napapapalakpak
dahil sa nangyari.

"Paano mo nagawa yun? Mas magaling ka na sa'min ngayon ah." Sabi ni Perus sa
kaibigan habang papalapit sya rito.

"Kahit ako hindi ko din maipaliwanag." Sagot ng dalaga.

"Kung gayon tingin ko handa na nating harapin si Bhufola." Sabi ni Aragon. Lahat
sila ay naging seryoso. Bakas sa kanila ang takot sa kanilang haharapin. Dahil ito
na ang huling destinasyon nila, ang harapin at kalabanin si Bhufola. Kahit alam
nilang handa na silang lahat, hindi pa rin nila alam kung anong naghihintay sa
kanila. Isang kapahamakan ba o bagong pag-asa.

"Pipigilan ko sya hangga't makakaya ko. Ililigtas ko ang Niraseya. Pinapangako ko


yan sa lahat!" itinaas ni Ramses ang kanyang tenivis. Isang liwanag ang lumabas
dito patungo sa itaas at tila sumabog ito at nagbigay liwanag sa buong Niraseya.
"Sana makita yan ng lahat. Ang pag-asang iniintay nila. Sana wag silang mawalan ng
pag-asa. Para sa kanila ang laban na 'to. Isang laban na lang. Isa na lang, kaya
sana magpakatatag silang lahat." Buo ang loob ng dalaga sa kanyang gagawin. Kahit
na may kaba syang nararamdaman tanggap na nya sa kanyang sarili na ito ang kanyang
kapalaran. Ito ang naghihintay sa kanya.
=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 66)

Kabanata 66

"Ang nalalapit na pagwawakas"

"Sigurado ka bang dito ang tamang daan papunta sa Dimotes?" tanong ni Perus kay
Aragon. "Dahil kung hindi ka sigurado mabuting wag ka ng magmarunong."

"Pwede ka nang magpaiwan kung gusto mo." Sagot ni Aragon habang patuloy na
tinatabas ang mga talahib sa kanilang dinadaanan. Papatulan sana siya ni Perus pero
humarang sa gitna nila si Ramses.

"Tama na! Tumigil na nga kayong dalawa. Nandito tayo para labanan si Bhufola at
hindi para labanan ang isa't-isa." Sabi ng dalaga.

"Dito tayo dadaan para mabilis makapasok sa Dimotes." Napatingin silang lahat sa
sinasabi ni Aragon at nakita nila ang isang malaking ilog. "May maliit na daanan sa
ilalim ng tubig at maari tayong lumusot dun upang makarating sa loob."
"Paano mo naman nalaman na may daanan dyan? Nanggaling ka na ba dito dati?" sa tono
ng pagsasalita ni Perus halata ang pagdududa nya kay Aragon.

Hindi agad nakasagot si Aragon at bahagya muna syang tumingin kay Ramses. "Oo. Dyan
ko idinaan ang pamilya ko nung subukan silang gawing alipin ni Bhufola. Ako ang
gumawa ng daan na yan kaya alam ko."

"At paano naman tayo makakaliban sa kabila kung ganyan kalakas ang agos ng tubig?"
hinawakan ni Ramses ang tubig. "Ligtas naman ang tubig na ito. Wala akong
nararamdamang panganib."

"Kung gagamit tayo ng masasakyan papunta sa kabila, alam kong makikita tayo ng
tapagbantay na nasa itaas." Itinuro ni Perus ang isang halimaw na tumitingin sa
paligid mula sa itaas ng kastilyo.

"Yung ibinigay sa'tin ni Rettie. Makakahinga tayo sa tubig at makakapagsalita kapag


nilunok natin yun." Kinuha ni Ramses ang ibinigay ni Rettie sa kanila at iniabot
ito sa mga kasama nya. "Sandaling oras lang naman natin kailangang manatili sa
ilalim kaya pwede natin siguro 'tong hatiin." Hinati nya ang binhi tsaka isinubo.
"Wag kang mag-aalala Aragon. Ligtas yan, nasubukan ko na." Naunang tumalon si
Ramses sa tubig at sinundan ni Ryona.

"Magpapaiwan ka na lang ba dyan?" pang-aasar na tanong ni Perus bago sya tuluyang


tumalon sa tubig. Hindi naman nagpahuli si Aragon, sumunod sya sa mga kasama.
Lumangoy sila pailalim papunta sa kabilang dako ng ilog at may nakita silang isang
tila kweba. "Dyan tayo papasok." Sabi ni Aragon na gulat na gulat at nakapagsalita
sya sa ilalim ng tubig.

"Wag na tayong magsayang ng oras. Kailangan nating makapasok bago pa maramdaman ni


Bhufola ang ating pagdating." Naunang lumangoy papasok sa lagusan si Ramses at
sumunod naman ang kanyang mga kaibigan sa kanya.

Umahon sila sa tubig ng marating nila ang ilalim na bahagi ng palasyo. "Nandito na
tayo, ang problema na lang paano natin mahahanap si Bhufola?" tanong ni Ryona.

"Mukhang hindi na natin sya kailangang hanapin." Napatingin silang lahat sa


direksyon kung saan nakatingin si Ramses at nakita nila ang isang uwak na
nakatingin sa kanila.

Papatamaan sana ni Ryona ng kanyang palaso ang uwak pero nakalipad agad ito papasok
sa loob ng palasyo. "Dapat mag-ingat tayo dahil kahit anong oras maari tayong
mahuli ni Bhufola." Sabi ni Aragon. Umakyat sya sa itaas at sinundan lang sya nila
Ramses habang tumitingin sa paligid kung may sumusunod sa kanila.

Sa paglalakad nila nagulat sila ng may biglang bumagsak na isang lambat sa daraanan
nila. Mabilis naman silang nakaiwas. "Alam na nya." Sabi ni Aragon. Tumingin sya sa
mga kasama. "Kailangan nating mag-ingat."
Mabilis silang umalis sa ilalim. Papalabas na sila sa pintuan ng biglang may
nagsulputang mga itim na nilalang. Sinugod sila ng mga 'to. "Sige na Ramses,
lumabas na kayo at harapin nyo si Bhufola. Ako na ang bahala dito."

"Pero Aragon - " nag-aalinlangan si Ramses na iwanan ang kaibigan.

"Mauubos ang oras natin dito pati ang lakas ng bawat isa sa'tin at yun ang gusto
nyang mangyari para wala na tayong lakas kapag hinarap natin sya. Kung ako lang ang
makikipaglaban ako lang ang mauubusan ng lakas." Nilabanan ni Aragon ang mga itim
na bagay na sumusugod. "Sige na! Umalis na kayo!!"

Hinigit ni Peru sang kaibigan palabas ng silid at isinara nila ang pintuan.
Iniwanan nilang nakikipaglaban si Aragon. "Hindi! Hindi natin sya pwedeng
pabayaan!!" Sinubukan ulit ni

Ramses na buksan ang pintuan kung nasaan si Aragon ngunit pinigilan sya ni Perus.

"Tama si Aragon Ramses. Kung mababalewala lang ang lahat ng paghihirap natin ng
dahil lang sa isang tao sana hindi na tayo nagpunta dito. Minsan kailangan talaga
nating magsakripisyo ng ilang mga tao para sa kapakanan ng nakakarami." Naglakad si
Perus. "Kaya mabuti pa hanapin na natin si Bhufola." Wala nang nagawa ang dalaga at
sinundan nila si Perus kahit ni Ramses na darating sya sa pagkakataong kailangan
nyang isuko ang mga kaibigan nya para sa kapakanan ng Niraseya.
Dahil hindi nila alam kung saan hahanapin si Bhufola ay napadpad sila sa isang
malaking silid. Tila ang payapa sa loob. Puro gawa sa salamin ang mga gamit na
nandun at namangha sila. "Mukhang nasa maling silid tayo." Sabi ni Ryona sabay
hawak sa isang pluta.

Pagkahawak na pagkahawak ng dalaga sa pluta ay biglang may lumipad isang matulis na


bagay na gawa rin sa salamin. Nakaiwas naman agad si Ryona kaya't hindi sya
tinamaan, bagkus tumama sa isang baso ang bagay na iyon. "Mag-iingat ka kasi!!"
sigaw ni Perus kay Ryona ng biglang may mga bubog na bumagsak kay Perus, bubog ng
salaming tinamaan ni Ryona ng palaso.

"Mukhang hindi titigil ang mga bagay na yan hangga't nandito tayo. Mabuti pang
lumabas na tayo." Sabi ni Ramses habang papalapit sa pintuan. Ngunit bago sila
makalabas ay sunud-sunod ang palasong salamin ang papunta sa kanila. Mabuti na
lamang at natatamaan ni Ryona ng kanyang hanging-pana ng mga ito bago pa man sila
tamaan.

"Sige na Ramses at Perus. Lumabas

na kayo at pipigilan ko ang mga 'to." Tumigil si Ryona sa paglakad at humarap sa


mga panang nanggagaling sa iba't-ibang direksyon. "Ano pang hinihintay nyo? Alis
na!!"

"Hindi ako papayag na maiwan ka dito Ryona!!" naiiyak na sabi ni Ramses. "Kung
kinakailangan kong lumaban lalaban ako!!"

"Inuubos lang ni Bhufola ang mga lakas natin kaya kung lalaban ka na agad madali ka
nyang matatalo!!" sigaw ni Ryona na patuloy pa rin ang pagpigil sa mga lumilipad na
pana.
"Ramses tama si Ryona, mabuti pa hanapin na nating si Bhufola. Alam kong malapit na
natin syang makita. Magtiwala tayo kay Ryona, kaya nya 'to." Hinigit ni Perus ang
kaibigan papalabas ng silid kahit ayaw nyang iwanan si Ryona.

"HINDI!!!" sigaw ni Ramses ng magsara ang pintuan ng silid kung nasaan ang kanyang
kaibigan. "Hindi! Iniisa-isa nya kayo!!"

"Kaya nga magpakatatag ka Ramses. Alam naming kaya mong lumaban kahit wala kami
basta wag ka lang magpapadala sa galit mo. Lagi mong isipin kung bakit ka nandito -
para sa Niraseya - para sa kaharian mo. Dahil kung uunahin mo ang galit wala ka na
ring ipinagkaiba kay Bhufola." Paliwanag ni Perus na sinusubukang kumbinsihin ang
kaibigan.

"Maghintay ka Bhufola. Hindi ako natatakot sa'yo!!" muli ay nakakita sila ng isang
uwak at lumipad ito papalayo. "Mukhang binabantayan nya talaga tayo." Naunang
maglakad si Ramses.

Sinundan nya ang tuwid na daan patungo sa kabilang dulo.

Napansin ni Perus na balisa ang kaibigan. Halata sa kilos ni Ramses ang galit,
pagkatakot at pangangamba na inaalala ni Perus na maaaring maging dahilan para
hindi makalaban ng ayos si Ramses. Nilapitan nya ang kaibigan at hinawakan nya sa
kamay. "Hangga't kasama mo ko hindi kita iiwanan. Lalaban ako para sa'yo dahil alam
kong ikaw ang pag-asa ng buong Niraseya. Kaya wag kang matakot o mag-alala.
Patawarin mo lahat ng taong nagkasala sa'yo, para kahit anong gawin mo, malinis ang
intensyon mo sa paglaban." Paliwanag ni Perus sa kaibigan habang naglalakad.
Narating nila ang dulong bahagi ng pasilyo at mayroon na namang isang malaking
pintuan. "Hindi ko alam kung anong nasa likod ng pintuan na yan pero isa lang ang
masasabi ko - magpatuloy ka Ramses. Wag mong sayangin ang mga sakripisyo ng mga tao
sa paligid mo."

"Hindi! Hindi kayo mapapahamak. Hindi ko hahayaang mapunta lang sa wala lahat ng
paghihirap nyo!" sabay nilang itinulak ang malaking pintuan upang makita kung anong
nasa loob nun. Maraming iba pang pintuan sa loob ng silid na yun. Tila isa syang
lugar labanan dahil sa mga sandata na nandun. May mga sira rin sa pader at sahig na
bakas ng mga labanan.

Hinawakan nila ang kanilang mga sandata at maingat silang pumasok sa loob. Handa sa
kahit anong pagsugod na mangyayari. "Paano natin malalaman kung aling pintuan ang
daanan palabas?"

tanong ni Ramses.

"Walang ibang paraan kundi ang buksan sila isa-isa." Sagot ni Perus. Inuna nilang
buksan ang pintuang nasa kaliwa. Isang malakas na hangin lamang ang bumungad sa
kanila ng buksan nila ang pintuan. "Mukhang daanan rin 'to pabalik sa ibaba." Sabi
ni Perus kaya naman isinunod nila ang pangalawang pintuan. Pagkabukas ng binata ng
pintuan ay lumalagablab na apoy ang lumabas. Mabuti na lang at nasa likod sila ng
pintuan. Mabilis din namang nilang isinara ang pintuan.

"Mukhang delikado ang bawat pintuan. Dapat tayong mag-ingat." Babala ni Perus.

"Hindi naman ako masusunog ng apoy." Nakangiting sabi ni Ramses sa kaibigan.


"Pero ako nasusunog baka nakakalimutan mo." Sagot ni Perus. Tila panandaliang
nawala ang pangangamba sa kanilang dalawa hanggang makarating sila sa pangatlong
pintuan. "Hindi ko alam kung anong nasa likod ng pintuan 'to pero makakabuting
tumabi tayo." Nanatili sila sa likuran ng pintuan. Binuksan ni Perus ang pintuan ng
may nagsilabasang mga maliliit na itim na bagay. Nagpaikot-ikot ito sa silid at
tsaka sinugod sila Ramses.

"Ano ang mga 'to?" tanong ng dalaga. "Hindi sila matamaan ng tenivis dahil sa sobra
nilang liit."

Tinutusok sila ng mga itim na nilalang na 'to ng maisipang gamitin ni Ramses ang
kanyang kapangyarihan. Tiningnan nya ang mga ito at bigla silang nag-apoy isa-isa.

"Paano mong nagagawa gumamit ng mahika ng hindi ginagamit ang iyong tekan?"

tanong ni Perus na kasalukuyang nagpapagpag ng mga abo ng nasunog na itim na


nilalang na iyon.

"Hindi ko din alam. Ito ata ang kapangyarihan na ginising ng pinuno sa katawan ko."
Tiningnan ni Ramses ang kanyang tekan. "Mabubuhay pa rin ba ko kahit wala na ang
tekan na 'to sa katawan ko?"

"Hindi ko alam. Walang nilalang sa Niraseya ang walang tekan. Ang batong nasa loob
ng tekan mo ang syang nagbibigay lakas sa'yo. Ngunit sa nakikita ko hindi mo na sya
nagagamit. Pero hindi ko pa rin masasabing ligtas ang walang tekan." Naglakad muli
si Perus papunta sa ikaapat na pintuan. Dalawang pintuan na lang ang hindi pa
nabubuksan at yun ay ang ikaapat at ikalimang pintuan.

Pagkabukas ni Perus ng pintuan ay nakahanda na sila sa kung anong lalabas mula sa


loob ngunit nakalipas na ang ilang minuto walang lumabas mula rito. "Mukhang wala
naman kahit ano dyan sa loob." Sabi ni Ramses ng bigla silang nakaramdam ng malakas
na pagyanig. "Anong nangyayari?"

Ang pagyanig ay palakas ng palakas at may nakita silang anino galing sa loob ng
silid na kanilang binuksan. "Maghanda ka Ramses."

Umatras silang dalawa at nakaabang na sa kung anong nilalang ang lalabas sa loob.
Sa isang iglad isang malaking halimaw na may walong paa. Itim ang kulay at mayroon
mahabang sungay at halos hindi mabilang na mata. Mabilis itong tumalon at bumagsak
sa harapan nila Ramses. Mabilis itong kumilos at hinampas nya ng kanyang buntot ang
dalawang magkaibigan. Bahagya silang natamaan ng buntot.

Tumitig si Ramses sa halimaw

at sa isang iglap lang ay nasa ulo na sya nito. Pinutol nya ang sungay nitong
halimaw na ito tsaka nya pinasabugan ng apoy ang mga mata nito. Hindi makakita ang
halimaw kaya't naglilikot ito. Muli sa isang iglap ay nasa harapan na si Ramses ng
halimaw na tila dahan-dahan ang pagbaba tsaka nya sinaksak ng kanyang tenivis ang
puso nito. Mabilis namang bumagsak ang halimaw.

"Ramses!" lumapit si Perus sa dalaga. "Hindi ka na dapat nagpagod. Dapat ipinaubaya


mo na yan sa'kin." Ngumiti lang ang dalaga at inilagay nya ang kanyang tenivis sa
lagayan nito.
"Mabuti pa lumabas na tayo dito." Papalapit na sila sa huling pintuan ng magkaroon
ng isa pang pagyanig. Mas malakas at mas mahaba ngayon kaysa sa nauna. "Saan
nanggaling yun?" tanong ng dalaga.

Nagulat sila sa nakita. Isang halimaw muli ang lumabas sa ikaapat na pintuan ngunit
triple ang laki nito kaysa sa unang halimaw na kanilang napatay. Lumapit ang
halimaw sa isa pang halimaw na nakahiga.

"Dahan-dahan lang. Lumabas na tayo." Bulong ni Perus sa kaibigan na dahan-dahang


naglalakad papalapit sa pintuan ngunit biglang tumingin sa kanila ang halimaw na
tila galit na galit.

Sumigaw ang halimaw na ito na nagpayanig sa paligid. Mabilis na tumakbo ang halimaw
papalapit sa kanila ngunit nakaiwas silang dalawa.

"Ako na ang bahala Perus." Sabi ni Ramses ngunit pinigilan sya ng kaibigan.

"Ako na ang bahala dito. Hindi mo kailangang magubos ng lakas. Lilinlangin ko ang
halimaw tsaka lumabas ng pintuan." Hinawakan

ni Perus ang kanyang sandata.


"Pero hindi ako papayag na pati ikaw." Halos lahat ng mga kasama nya ay nagpaiwan
na para lang maituloy ni Ramses ang kanyang misyon.

"Wala na tayong oras Ramses. Kung lalaban ka kasama ko mapapagod ka lang at


masasayang lang oras. Tandaan mo bawat segundo mahalaga dahil ang itim na mahika sa
labas ay kinakain ang Niraseya sa bawat oras na nasasayang." Paliwanag ni Perus.
Naisip ng dalaga na tama ang kanyang kaibigan kaya't tumayo ito.

Mabilis nanakbo si Perus papalapit sa halimaw at tsaka nya ibinato ang kanyang
sandata. Tinamaan sa ulo ang halimaw tsaka umikot ang sandata ni Perus at bumalik
sa kanyang kamay. "Halimaw ako ang labanan mo!!" tumingin si Perus sa dalaga, isang
senyales na maari na syang lumabas. Hindi naman inaksaya ni Ramses ang oras at
mabilis syang lumabas ng pintuan. Halos maiyak ang dalaga dahil sa mga nagyayari na
wala syang magawa para matulungan ang mga kaibigan nya. Ang alam nya lang ngayon ay
dapat nyang harapin si Bhufola.

May nakita syang isang hagdanan pataas kaya't hindi na sya nagaksaya ng oras para
umakyat dun. Hawak nya ang kanyang tenivis at handang makipaglaban sa kahit anong
makakasalubong nya. Ngunit hanggang makarating sya sa itaas ay wala syang nakitang
mga sagabal sa daan.

Natingin sya sa paligid at nakita nya ang larawan ng kanyang ina sa unahan. Mayroon
ding isang malaking upuan sa gitna at mga maliliit na upuan sa tabihan. Tila upuan
ng hari at ng pamilya nito. Dahan-dahan syang naglakad sa unahan ng may biglang
nagsalita.
"Maligayang pagdating mahal kong pamangkin. Sa wakas at nakarating ka rin sa ating
kaharian." Napatingin ang dalaga sa itaas at nakita nya ang isang babaeng nakaitim
na dahan-dahang bumababa papunta sa trono sa unahan.

Alam nya sa sarili nya na sya si Bhufola. Pero hindi nya alam kung anong gagawin
nya at paano nya ito lalabanan. Nakita nya ang tekan nitong kulay itim. Meron syang
kwintas na may iba't-ibang bato ngunit kulang ng isang malaking bato sa gitna nito.
Hindi nya alam kung anong kapangyarihan mayroon ang kanyang tiyahin. Isa lang ang
sigurado. Lalaban sya hanggang sa kanyang huling hininga.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 67)

Kabanata 67

"Tunay na katauhan"

"Bakit nag-iisa ka ata?" sa isang iglap napunta sa likuran ni Ramses si Bhufola.


Bago pa man makalayo si Ramses ay nahawakan sya sa leeg ng kanyang tiyahin.
"Susugod ka sa'kin ng ganyan lang ang kaya mo?"

Dahil sa bagong lakas na taglay ni Ramses mabilis syang nakawala sa pagkakasakal ni


Bhufola at kahit ang tiyahin nya ay nagulat sa kanyang ginawa. "Pwede ka pang
sumuko Bhufola habang may oras pa." Pagbabanta ni Ramses.
Tumawa ng malakas si Bhufola na parang isang mangkukulam. "Sa tingin mo matatalo mo
ako sa pagiwas lang?" tinanggal ng kanyang tiyahin ag suot nitong itim na hambria
at mukhang handa na syang makipaglaban. "Ako ang pinakamakapangyarihan dito sa
Niraseya at hindi ikaw ang nilalang na makakapagpasuko sa'kin." Mabilis nyang
sinugod ang pamangkin ngunit nakaiwas agad ito. "Gusto mong maglaro? Sige -
pagbibigyan kita." Humaba ang mga kuko ni Bhufola na tila naging matutulis na
sandata. Sa paggalaw ng mga kamay nya ay tumatalsik ang matutulis nyang kuko.
Bumaon ito sa pader at nagpapadurog sa kahit anong gamit na mataaman nito. "Simulan
na ang paglalaro."

Mabilis kumilos si Bhufola at walang awang sinugod si Ramses. Ngunit dahil mabilis
ding kumilos ang dalaga hindi sya matamaan ng tiyahin. "Pang batang laro lang ba
ang kaya mo?" Sinabayan

ni Ramses ang pagsugod ng matanda at ginamit nya ang kanyang tenivis upang salagin
ang mga paparating na matutulis na kuko ng tiyahin. Sa isang iglap ay nasa harapan
na sya ni Bhufola at itinutok nya sa leeg ng matanda ang kanyang tenivis. "Madali
akong kausap Bhufola. Bawiin mo ang itim na mahika sa Niraseya at bubuhayin kita."

Idiniin pa ni Bhufola ang kanyang leeg sa tenivis ni Ramses tsaka ito tumawa. "Sige
lang mahal kong pamangkin. Patayin mo ako ngayon. Pero sinisigurado ko sa'yo na
kasama kong mamamatay ang Niraseya. At ikaw? Kamumuhian ka ng mga tao dito dahil
binigo mo sila." Tumawa ng tumawa an gang matanda at nagdalawang isip si Ramses na
tapusin ito.

"Napakatuso mo!!" ibinaba ng dalaga ang sandata. "Sabihin mo na kung anong gusto mo
para alisin ang itim na mahika sa Niraseya?"

Tumingin ng diretso ang matanda sa pamangkin. "Alam mo kung anong gusto ko." Bigla
nitong sinakal si Ramses gamit ang malakas na pwersa kaya't dire-diretso sila sa
pagsandal sa pader. "Wag mo kong sinusubukan." Biglang nagapoy ang kamay ng matanda
at nabalutan din ng apoy si Ramses. "Makukuha ko rin ang gusto ko kapag abo ka na.
Wag kang mag-alala hindi ko sasaktan ang mga tao sa Niraseya kung susunod sila sa
gusto ko." Inihagis nya si Ramses sa malayo habang nagliliyab ito.

"Isin sav Niradce!" mas lalong lumakas ang apoy na bumalot sa dalaga habang
pinipilit nitong tumayo. "Ibigay mo ang gusto ko at bubuhayin pa kita."

Ngumiti

si Ramses at tsaka tumayo. "Mukhang minamaliit mo ata ang kakayahan ko." Pumikit
ang dalaga. "Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!" umikot ang apoy sa katawan ni Ramses na tila may
namumuong ipo-ipo habang mas lalong nagliyab ang apoy. Dahan-dahan nyang itinaas
ang mga kamay nya tsaka nya iginalaw papunta sa kanan at may lumabas na apoy
kasabay nito na tumama sa pader. Tila isang malakas na armas ang tumama sa pader.
Nagmarka ito at nasunog. Dumilat ang dalaga na nagliliyab ang mata. "Gusto mo kong
sunugin? Bakit hindi tayo magsabay?" itinapat nya ang dalawang kamay sa matanda.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!" isang malakas na apoy ang papatama sa matanda ngunit nasangga
nya agad ito ng itim na mahika. "Yan lang ba ang kaya mo?" tila nagiiba ang
pagkatao ni Ramses habang patuloy nyang ginagamit ang kanyang mahika. Naglakad sya
papalapit sa matanda. Tila nahihirapang pigilin ni Bhufola ang kapangyarihan ng
pamangkin. "Anong problema? Bakit ka nagtatago sa mahina mong mahika? Hindi ka pa
handang mamatay?" mas nagliyab ang apoy sa katawan ni Ramses. "Dapat inihanda mo na
ang sarili mo. Pero wala namang pinagkaiba dahil matatapos ka na rin naman." Mas
nilakasan ni Ramses ang apoy na unti-unting tumatagos sa pangharang na mahika ni
Bhufola.

"Baka nakakalimutan mo kung mamamatay ako maiiwan ang itim na mahika sa Niraseya at
wala kang magagawa!" nanghihinang sabi ng matanda.

"Wala akong pakialam. Hindi ito ang mundo ko. Nandito ako para ipaghiganti ang mga
magulang ko!" kitang-kita sa mga mata ni Ramses ang galit at naramdaman ni
Bhufolang hindi ito nagbibiro.
"Maawa ka.

Pwede pa nating 'tong pagusapan." Napapaatras ang matanda at humihina na rin ang
kanyang mahika.

"Maawa? Nakita mo ba kung anong paano namatay ang mga magulang ko - ang sarili mong
kapatid! Kung paano nagsakripisyo si Ka Idong para lang masagip ang mundong 'to
laban sa kasamaan mo? Kulang pa ang buhay mo kapalit ng mga napinsala at namatay
dahil sa'yo!" Pumikit si Ramses at mas pinalakas ang kapangyarihan. "Paalam
Bhufola." Ibubuhos na nya ang lakas nya ng may biglang tumama sa kanyang isang pana
at natuon ang konsentrasyon nya doon. Isang pagkakataon para magamit ni Bhufola ang
kanyang lakas.

"Rof La Iodu!" lumakas ang itim na mahika at itinulak palayo si Ramses. Humampas
ang kanyang katawan sa pader at bumagsak ito sa sahig.

"Tingin mo mapipinsala ako ng ganun lang kadali?" tumayo sya at hinugot ang panang
nakabaon sa kanyang balikat. "Masyado mo talagang minamaliit ang kapangyarihan
ko!!" ginawa nyang abo ang panang nahugot nya. "Hindi na ako maawa!!"

Tumawa lang si Bhufola at hindi man lang nakaramdam ng takot. "Mukhang tama ang
anak ko. Mas malakas ka na nga kaysa nung una kang dumating dito sa Niraseya.
Mabuti na lang at napaghandaan ko ang ganitong sitwasyon." Inalis ni Bhufola ang
pananggalang na mahika.
"Anak? May anak ka?" Tila isang masamang nilalang na si Ramses at tumawa na lang
ito. "Kung sinusubukan mo akong linlangin pwes hindi yan tatalab sa'kin!" muli ay
pinalakas ng

dalaga ang kanyang mahika.

Naglakad si Bhufola patungo sa kanyang trono. "Hindi ko hahayaang maging madali ang
lahat." Tumingin ito sa dalaga bago pumalakpak. "Ipasok mo na sila mahal kong
anak."

Biglang bumukas ang malaking pintuan at nagulat si Ramses sa nakita. Nakatali si


Ryona at Perus ng tila isang mahikang kadena. "RYONA! PERUS!" biglang nawala si
Ramses at sumulpot agad sa harapan ng dalawang kaibigan ng tutukan ng espada ang
leeg ni Ryona at hindi nya inaasahan sa nakita nya kung kaninong espada iyon.
"Aragon?" Tumingin sya sa kaibigan at pabalik kay Aragon. "Alam mo kung gaano ako
kalakas. Kaya kitang pugutan ng ulo sa isang iglap lang."

"At kaya ko ring hatiin ang katawan ng mga kaibigan mo sa isang iglap lang mahal
kong pamangkin." Papasugod si Ramses kay Bhufola ng marinig nya ang sigaw ng mga
kaibigan. Nakita nyang humihigpit ang kadenang nakapulupot sa kanila kaya't
napatigil sya.

"Naparumi mong makipaglaban. Alam mong matatalo ka sa'kin kaya gumagamit ka pa ng


ibang tao!" galit na galit na sabi ni Ramses.

"Wala akong ibang paraan. Pinapatagal mo ang lahat. Kung ibibigay mo lang ang gusto
ko hindi na sila masasaktan." Sumenyas ang matanda na ipasok sa loob ang kanilang
mga bihag.
Tinitingnan ni Ramses si Aragon habang sumusunod sa sinasabi ng ina nya. "Wala kang
kwenta! Itinuring ka naming kaibigan pero niloko mo kami!"

"Dalhin nyo yan

sa unahan." Utos ni Aragon sa mga aliping may hawak kina Perus at Ryona. "Kasalanan
ko ban a pagkatiwalaan nyo ako?" dahan-dahan syang lumapit kay Ramses. "Ginagawa mo
ang lahat para sa mga magulang mo, ginagawa ko lang din 'to para sa mahal na
reyna."

"Ahhhhhhhh!!" naitulak nya ng mahika si Aragon at tumalsik ito ngunit napigil din
nya agad. "Hindi kita mapapatawad!"

Narinig nya muli ang sigaw ng mga kaibigan nya kaya't napatigil sya sa pagsugod.

"Akala ko ba hindi mo ako mapapatawad?" tumatawang sabi ni Aragon. "Sobrang tagal


ng pinaghintay ko para lang madala kita sa mahal na reyna."

"Napakasama nyong dalawa!!" yumanig ang paligid. Mas hinigpitan ni Bhufola ang
mahikang kadena kina Perus at Ryona.
"Mas pinapadali mo ang pagkitil sa buhay ng mga kaibigan mo. Ititigil mo yan o
wawakasan ko ang buhay nila bago mo pa masira ang kaharian." Tiningnan ni Ramses
ang mga nahihirapang kaibigan at nahihirapan syang magdesisyon. "Kawawang mga
nilalang. Ipinagpalit kayo ng inyong kaibigan para sa paghihiganti." Itinaas ni
Bhufola ang dalawa gamit ang kanyang mahika.

"Sandali!!" sigaw ni Ramses. Nawala ang pagyanig at nawala rin ang apoy na
nakabalot sa kanyang katawan. "Ibaba mo na sila." Mahinahon nyang sabi.

"Ra - Ramses, a - anong gina - gawa mo?" nanghihinang tanong ni Perus. "Wa - wag mo
kam - kaming intin - di hin." Pagpapatuloy nya.

Tumakbo sya agad sa kaibigan at hinawakan

ang mga ito. "Ayos lang ba kayo?" umiiyak na tanong nito. "Kasalanan ko 'to, hindi
dapat kayo nadadamay."

"Hi - hindi yan totoo." Tila nahihirapang huminga si Ryona. "La - laban kami pa -
para sa aming mga kaharian."

"At - at hindi ka naman namin sisisihin kung - kung mas pinili mo ang Niraseya kesa
sa'min dahil isa kang tunay na kaibigan - hindi tulad ng isa dyan." Tumingin si
Perus kay Aragon ng puno ng galit ang kanyang mga mata.
Hindi sya pinansin ni Aragon at naglakad ito patungo sa harapan ni Bhufola tsaka
lumuhod. "Nagawa ko na po ang pinapagawa nyo mahal kong inang reyna."

Tumayo si Bhufola at sinampal si Aragon. "Inabot ka ng ganitong katagal para sa


misyong 'to? Kulang pa yan sa mga ibinigay ko sa'yo para maging isa kang ganap na
prinsipe. Ginawa ko ang lahat pero lumalabas pa rin ang dugong alipin mo!!!" muling
umupo ang matanda sa trono. "Pero magaling ang iyong ginawa. Ngayon alam mo na ang
dapat gawin."

"Opo inang reyna." Nakakaramdam ng galit si Aragon kaya't sinunod na nya agad ang
ipinapagawa sa kanya ng kanyang ina. Mabilis syang lumapit kay Ramses at iginapos
ito ng itim na mahika.

"Bakit mo 'to ginagawa Aragon? Mabuti kang tao alam ko yun. Nakita ko ang kabutihan
sa'yo! Bakit ka sumusunod sa nanay mong halos tapusin ang buong nilalang sa
Niraseya!!" sinusubukan ni Ramses na kumbinsihing bumaligtad si Aragon ngunit hindi
ito sumagot. Tila wala syang narinig sa dalaga. "Sabihin mo nga sa'kin anong
ginagawa mo sa mundo ko?"

"Wag ka ng

marami pang tanong dyan!" iniupo ni Aragon ang dalaga at itinali rin ang mga kamay
at paa nito. "Ibibigay mo ba ng kusa ang tekan mo o kukunin ko yan ng may dahas?"
"Alam mong mamamatay ako kapag nawala ang tekan ko at alam kong yan ang gusto mong
gawin - ang tapusin ang buhay ko. Sige lang." tumingin si Ramses sa ibang
direksyon. Hindi mapakali si Aragon kaya't lumapit ito sa kanyang ina.

"Mahal na reyna, kukumbinsihin ko pong isuko nya ang kanyang kapangyarihan ng kusa
upang mas malakas ito at hindi mabahiran ng itim na mahika. Ngunit dapat bigyan nyo
muna ako ng maigsing panahon." Pagpapaalam ni Aragon.

"Sige. Ipagkakatiwala ko yan sa'yo. Aalis muna ako at nabawasan ang aking lakas
dahil sa babaeng yan. Katulad sya ng kanyang ina! Hanggang sa huli pinapahirapan pa
rin ako!" tumayo sya sa kanyang trono at biglag nawala.

"Hinding-hindi ko isusuko ang tanging bagay na ipinagkatiwala sa'kin ng aking mga


magulang Aragon!" pagmamatigas ng dalaga.

Sinuntok ni Aragon ang isang mesa sa loob ng silid at nadurog ito. "Hindi mo
naiintindihan!!! Kung ibibigay mo ang batong nasa tekan mo hindi ka nya sasaktan!"

"Pero sasaktan nya ang mga nasa Niraseya. Ibigay ko man sa kanya o hindi wala pa
ring magbabago!" sagot ni Ramses. "Alam mo naman lahat ng mga plano kong gawin
hindi ba? Alam mo ang sagot ko sa mga gusto mo. Hindi ko na kailangan yang
sagutin."
"Hindi mo ba naiintindihan? Kung magmamatigas ka mapipilitan akong saktan ka para
makuha ang gusto ni Bhufola!" nakaharap si Aragon sa dalaga nang bigla syang
tinitigan ng seryoso nito.

"Sa tingin mo ba hindi mo ako nasasaktan ngayon? Aragon sa ginawa mong pagta-
traydor sa'min para mo na ring sinabing wala ng pag-asa ang Niraseya! Sinaktan mo
na ko pati na rin ang mga taong nagtiwala sa'yo! Kaya tapusin mo na ko kung yan ang
magpapasaya sa'yo!" pumikit lang ang dalaga at inihanda ang sarili sa kahit anong
gagawin ni Aragon.

"Binigyan kita ng pagkakataon pero pinilit mo kong gumamit ng dahas!" itinapat ni


Aragon ang kanyang kamay sa tekan ni Ramses. Pumikit sya ng may biglang lumabas na
mahika sa kamay nito papunta sa tekan.

"AHhhhhhhhhhhhhhhhhh!!" sigaw ng dalaga ng maramdaman ang sakit ng pagtatanggal ng


kanyang tekan. Tila isang parte ng katawan nya ang humihiwalay sa kanyang laman.
"Aragon!" tumitig sya sa binata ngunit hindi man lang sya tiningnan nito.
Ipinagpatuloy nya lang ang ginagawa kahit alam nyang nasasaktan na ang taong
itinuring na rin nyang kaibigan.

=================

Ramses in Niraseya (Kabanata 68)

Kabanata 68

"Ang Katapusan - ni Bhufola o ng Niraseya?"


"Uh -ahhhhhhhhhhh!!" paulit-ulit na sigaw ni Ramses. Ang init ng pakiramdam nya na
parang naghihiwa-hiwalay ang lahat ng parte ng kanyang katawan. "Tapusin mo na lang
ako! Tapusin mo na lang ako Aragon kesa pahirapan mo ako ng ganito!"

Nagdadalawang isip si Aragon kung ipagpapatuloy nya ang ginagawa sa kaibigan pero
alam nyang kung hindi nya yun gagawin ay mas mapapahamak ang mga ito at pati na rin
sya.

"Aragon! Aragon si Ramses yan. Mas una mo syang nakilala at nakasama kaysa sa'min.
Paano mo yan nagagawa sa kanya?" sigaw ni Ryona.

"Tumahimik ka!!" nagbato ng mahika si Aragon papunta kina Ryona at tinamaan sila
nito dahilan upang mawalan sila ng malay.

"Tama na!! Ako na lang Aragon! Wag mo na silang idamay pa!!" pinipilit ni Ramses na
magsalita ng ayos kahit sobrang hirap na ng kanyang nararamdaman. "Uh - ahhhhhhhh!"
nanginginig ang buo nyang katawan at pinagpapawisan na sya ng matindi.

Ilang sandali lang ay nakuha na ni Aragon ang bato sa loob ng tekan ni Ramses at
nawalan rin ng malay ang dalaga. Tinanggal nya ang mahika na nakatali kay Ramses at
inihiga ito sa tabihan ng mga kaibigan. "Patawarin mo ako." Hinawakan nya sa mukha
ang dalaga tsaka hinalikan sa noo.
"Mukhang nagtagumpay ka tulad ng iyong ipinangako." Sumulpot muli si Bhufola sa
kanyang trono. "Muntik na akong makialam dahil mukhang nagdadalawang isip ka na sa
iyong ginagawa

kanina."

"Hindi ko po kayo magagawang biguin." Lumapit si Aragon at lumuhod sa harapan ng


trono ng kanyang ina. "Nandito na ang matagal nyo nang hinahanap. Maari nyo na
silang pakawalan."

"Hindi. Ibigay mo muna sa'kin ang bato." Inilahad ng matanda ang palad. "Mas gusto
kong masigurado ang iyong katapatan."

"Hindi pa ba sapat ang ginawa ko para pagkatiwalaan nyo ako?" tanong ng binata.

"Napatunayan mo na lahat mahal kong anak - pero dugong alipin ka pa rin kaya't
hindi ko masasabi kung kailan mo ako susundin at kailan hindi." Mas lalong
nakaramdam ng galit si Aragon ngunit wala syang magawa. Iniabot nya ang bato kay
Bhufola. "Oh, sa nakikita ko gumamit ka pa ng malakas na mahika para lang mailabas
ang batong ito sa kanyang tekan." Tiningnan nya ng masama si Aragon. "Pinili mo pa
rin syang mabuhay?"

"Ang bato lang ang sinabi nyong kailangan nyo. Yun lang ang iniutos nyo sa'kin."
Sagot ng binata tsaka sya tumayo.
"Tama ka. Ito lang ang mahala sa akin ngayon." Lumapit si Bhufola sa isang malaking
bolang itim hawak-hawak ang batong galing sa tekan ni Ramses. "Reter ethe deage
reve deca monistras stugro!" yumanig ang paligid at biglang nagliwanag ang bolang
itim. " Neeb moalety thiw ot yorterdu!" Lumiwanag din ang tekan ng matanda. Ilang
sandali pa ay lumutang ang batong kanyang hawak. "Yaw og taw yex dahev!" dahan-
dahang

dumikit ang batong ito sa bakanteng pwesto sa kwintas ni Bhufola at ng tuluyan


itong dumikit sa kanyang lagayan ay nawala ang pagyanig. "Nararamdaman ko na ang
lakas. Ang bago kong lakas!" tumatawang sabi ng matanda.

Nagising naman si Ramses at tiningnan nya agad ang mga kaibigan. "Ryona, Perus."
Mahina nyang tawag sa dalawa. Napansin nyang nagkalamat ang kadenang nakabalot dito
kaya't madali nya itong natanggal sa pamamagitan ng pagsunog ng mahika.

"Ramses?" mahinang sagot ni Ryona. "Bu - buhay ka?" napatingin silang lahat sa
tekan ng dalaga at nakita nilang hindi nawala ang kanyang tekan kundi ang kakaibang
batong nasa loob lamang nun ang nawala.

"Hindi ka nya tinapos?" tanong ni Perus.

"Buhay pa ako ngayon kaya sa tingin ko hindi pa." napatingin lahat sila ng makitang
nababalutan ng malakas na itim na mahika si Bhufola. "Huli na tayo. Wala na tayong
magagawa."
"Nakuha mo na ang gusto mo! Ngayon tanggalin mo na ang itim na mahika sa puso ko!"
narinig nilang sigaw ni Aragon. Tumingin naman si Bhufola sa kanya. "Ipinangako
mong papalayain mo ako sa ginawa mong sumpa kung gagawin ko ang gusto mo!"

"At bakit ko naman gagawin agad yan?" napatingin bigla si Bhufola sa tatlo at
nakita nyang gising na ang mga ito. "Mukhang uunahin ko muna ang mga bubuwit na
'to." Mabilis na lumapit ang matanda sa magkakaibigan. Hindi pa man nya nahahawakan
ang mga ito ay kusa na silang tumalsik. "Hindi ko akalain ganito na ako kalakas."
Tumingin sya kay Ramses at nakita nyang dahan-dahan

itong tumatayo. "Sabi ng mahal kong kapatid hinihintay ka na raw nya sa kabilang
buhay." Naglabas ng itim na espada si Bhufola na gawa lamang sa kanyang itim na
kapangyarihan. "Pagpasensyahan mo na ang mahina kong anak at hindi ka nya natapos
agad. Ako na lang ang gagawa para sa kanya."

"Ano pa bang kailangan mo? Na sa'yo na ang hiyas at malakas ka na! Pabayaan mo na
silang makaalis!" sigaw ni Aragon ng batuhan sya ng matanda ng isang malakas na
mahika na nakapagpatalsik dito.

"Wala kang kasing sama Bhufola. Pati sarili mong anak nakukuha mong saktan."
Pinipilit ni Ramses na tumayo para labanan ang tiyahin.

"Anak?" tumawa ng malakas si Aragon. "Inampon ko lang ang mahinang yan para gamitin
laban sa'yo. Inaruga ko at pinalakas pero kahit anong gawin ko hindi pa rin sya
sapat para maging isang dugong bughaw."

"Wala kang kasing sama! Ginawa nya ang lahat para sundin ka tapos ganyan lang ang
gagawin mo!" mahina pa rin si Ramses pero hindi nawala ang kapangyarihan nya kahit
na kinuha na kay Bhufola na ang hiyas sa loob ng kanyang tekan.

"Uhh ipinagtatanggol mo na sya dahil lang hindi ka nya tinapos? Pwes ako ang
tatapos ng sya dapat ang gumawa!" mabilis sumugod si Bhufola sa dalaga at itinusok
ang espadang hawak nya ngunit mabilis itong nasangga ni Ramses gamit ang kanyang
apoy. "Mukhang may lakas ka pang natitira. Hindi bale, uubusin ko yan!"

Hinawakan nya ng kabilang kamay ang dalaga at

inihagis ito sa malayo. Hindi alam ni Aragon kung anong gagawin nya. Umalis sya
sandali at iniwanan nya sa silid sina Ramses na kasalukuyang pinaglalaruan ni
Bhufola. "Matapos nyang traydorin si Ramses tatakas na lang sya. Napakawalang
kwenta!" galit na sabi ni Aragon.

"Ano pa bang kailangan mo? Na sa'yo na ang hiyas na yan, pakawalan mo na kami!"
nanghihinang sabi ni Ramses.

"At para ano? Para magpalakas kayo at talunin ako? Hindi na. Kung kaya ko na kayong
tapusin ngayon - gagawin ko na!" pumikit si Bhufola. "Ta clue gintinko ti blesipo!"
Umikot ang itim na mahika sa paligid ni Bhufola. Nabasag ang mga gamit sa loob ng
silid at naglaglagan ang mga larawan sa pader. Nagsimula ring mabasag at magbukas
ang mga bintana. Ang ibang lakas ni Bhufola ay dumadaan sa bintana palabas. Bigla
syang dumilat. "Paalam!" Ibinuhos nya ang lahat ng lakas nya papunta kay Ramses ng
biglang humarang s Aragon kaya't sa kanya tumama ang malakas na kapangyarihan ng
matanda.

"Aragon!!!" sigaw ni Ramses. Mabilis natumba si Aragon kaya't nilapitan sya ng


dalaga. "Aragon - bakit mo ginawa yun?"
"Patawarin mo ako." Nahihirapang sabi ng binata. "Ginawa ko lang yun para sa
kaligtasan mo at para sa sumpang ibinigay nya sa'kin."

"Shh wag ka ng magsalita. Papagalingin kita!" pumikit si Ramses at hinawakan si


Aragon. May mainit na mahikang dumaloy sa kanya papunta sa binata ngunit bago pa
sya matapos ay hinawakan sya ni Aragon.

"Ang kwintas - sirain nyo ang - kwintas - " hindi na natapos ni Aragon ang kanyang
sasabihin.

"Hindi!! Hindi!!!!!" yumanig ang paligid at nadurog ang ilang poste sa silid.
Tumayo si Ramses at bigla syang nagliyab. Galit na galit sya sa nangyari sa
kaibigan. "Hindi kita mapapatawad Bhufola!!!!" nagbato sya ng bolang apoy sa
matanda. Apoy na may halong lason na kapag tumama sa kanya at unti-unti itong
kakalat sa kanyang katawan. Ngunit dahil malakas na si Bhufola ngayon hindi agad
ito tumatalab sa kanya bagkus ay sinabayan nya pa ang pagsugod ni Ramses.

"Kinitil nya ang sarili nyang buhay. Mabuti na yung sya ang gumawa nun, papatayin
ko rin naman sya napaaga lang." nakangiting sabi ng matanda. Pinapalibutan pa rin
sya ng itim na mahika. "Alam mong walang laban ang lakas mo laban sa'kin." Sa isang
kumpay ng kanyang kamay lumabas ang isang malakas na kapangyarihan at tumama ito
kay Ramses. Tumawa ng tumawa si Bhufola habang naglalakad papunta sa may pintuan
palabas sa balkonahe. "Panoorin mo kung paano ko sakupin ang Niraseya."

Lumabas si Bhufola. Itinaas nya ang kanyang dalawang kamay. Tumama ang mahika sa
langit at naging madilim na tila gabi na. Kumikidlat din ng malakas at ang lahat ng
matamaan sa baba ay nagiging Nuter.
"Ramses! Ramses ayos ka lang ba?" nilapitan ni Ryona at Perus ang nakahigang
kaibigan. Pagmulat ng mata ng dalaga nakita nyang tila bumalik ang lakas ng dalawa
nyang kaibigan.

"Ayos lang ako." Dahan-dahan syang umupo. "Paanong - "

"Ibinalik ni Aragon ang mga sandata namin at ginamitan nya kami ng mahika. Sabi nya
wag ka daw naming pababayaan." Pumatak ang mga luha ni Ramses ng marinig ang sinabi
ni Ryona.

"Biktima lang sya ni Bhufola." Napatingin si Ramses sa nakahigang katawan ni


Aragon. "Sisiguraduhin kong hindi masasayang ang sakripisyo nya." Tumingin sya sa
dalawang kaibigan. "Ang sabi ni Aragon kailangan daw nating wasakin ang kwintas ni
Bhufola pero kung ganyan sya kalakas hindi tayo makakalapit."

"Dapat na natin syang mapigilan! Sinasakop na nya ang Niraseya." Tumayo si Ramses
at lumapit kay Bhufola. Binato nya ito ng kanyang bolang apoy.

"Sinisira mo ang pagsasaya ko!" humarap sa kanya ang matanda. "Mukhang nagmamadali
ka nang mamatay at ayaw mo nang makita kung paano ko sakupin at gawing alipin ang
mga taong mahahalaga sa'yo!" humangin ng malakas at pumasok ang malakas na hangin
sa loob ng silid na tila itinutulak palayo si Ramses papasok sa loob. Lumutang si
Bhufola habang patuloy sa pagpapalakas. "Wala nang makakapigil sa'kin ngayon - " ng
bigla syang huminto sa pagsasalita. Nakita nyang may tumamang pana sa kanyang
kwintas - sa hiyas na galing sa tekan ni Ramses. "Ginagalit mo talaga ako bata!!"
Nakita nyang si Ramses ang may hawak ng palaso si Ramses at may panibago na namang
paparating na tatama sa kanya ngunit nahawakan nya ito bago pa man dumikit sa
kanyang kamay. "Hindi ako mapapabagsak ng ganyang lang!" tinanggal

nya ang pana sa kanyang kwintas. Nagkaroon ito ng lamat ngunit hindi pa rin ito
nasisira. "Sisiguraduhin kong mamamatay kayong lahat ngayon!!"

Pinag-isa ni Ramses, Perus at Ryona ang kanilang mga lakas upang magkaroon ng isang
malakas na panang tatagos at wawasak sa kwintas ni Bhufola. Paulit-ulit nila itong
pinapataamaan hanggang sa muntik na itong mabasag. "Sumusobra na kayo!!" isang
malakas na itim na mahika ang pinakawalan ni Bhufola at tumama ito kina Ramses.
Tumalsik sina Perus at Ryona na tila wala ng mga buhay. "Nagbago na ang isip ko.
Hindi na pala kita tatapusin. Mas gugustuhin kong makita mo kung paano ko paslangin
lahat ng mga taong mamahalaga sa'yo. At kapag natapos ako dito sa Niraseya,
isusunod ko naman ang mundo nyo. Gusto ko kasing makita sina - " tila nag-isip
sandali si Bhufola, " - ah Ileta, Rodi at Iking at lahat ng nakatira sa mundo nyo.
AKo ang kikilalanin nilang pinakamakapangyarihan sa lahat!"

"Wag mong idadamay ang pamilya ko!" tumayo si Ramses at pumikit. Nagliyab sya
sandali ngunit bigla ring nawala na parang hinigop ng kanyang katawan. Tumaas ang
kanyang buhok at umuusok ang buong katawan nya na parang pinapakawalan nya ang
lahat ng kanyang lakas. Ilang sandali pa ay lumutang ang dalaga. Sinubukan syang
batuhan ng mahika ni Bhufola ngunit hindi man lang ito dumampi sa katawan ng
dalaga.

"Anong ginagawa mo?" dahan-dahang umatras ang matanda at ipinagpatuloy ang


paghahasik ng lagim sa Niraseya.

Biglang dumilat si Ramses kasabay ng dahan-dahan nyang

paglapat sa sahig. Itinaas nya ang palaso ni Ryona. Inipon nya ang kanyang lahat at
ilang sandali pa ay nagpakawala sya ng pana - isang panang gawa sa kanyang
kapangyarihan. Hindi ito tumatama kay Bhufola dahil sa itim na mahikang nakabalot
dito. Ngunit dahil paulit-ulit itong ginagawa ni Ramses unti-unting nagkakalamat
ang mahika ng kanyang tiyahin. Bawat pakawala ng pana ay humakbang papalapit ang
dalaga sa matanda.

"Hindi yan tatalab!!" isang tila itim na lubid ang pumulupot sa palasong hawak ni
Ramses at hinigit nya 'to dahilan para tumalsik ito sa malayo. Hindi tumigil si
Ramses sa pagbato ng kapangyarihan kay Bhufola. Ngayon ay bolang puti ang kanyang
pinapatama sa panangga ng matanda. "Naguubos ka lang ng lakas. Wala na ang hiyas
sa'yo! Na sa'kin na ang - " biglang nabasag ang hiyas at isa-isa itong nalaglag sa
sahig. Nabawasan ang pagaalab ng itim na mahika ni Bhufola.

"Yan ang pinagkaiba natin Bhufola, malakas pa rin ako kahit wala na ang hiyas na
yan!" hindi nagpatinag sa pagsugod ang dalaga.

"Hindi ako papayag!!" ibinuhos ni Bhufola ang buo nyang lakas. Halos lahat ng lahat
ng mahika ay hinihigop nya. "Kukunin ko ang lakas ng lahat ng nandito!!!!" unti-
unting napatigil si Ramses sa pagsugod dahil nakikita nyang hinihigop ng matanda
ang kanyang lakas. Tiningnan nya rin ang kanyang mga kaibigan at nakita nyang
kumakawala rin ang mga kapangyarihan nila.

"Itigil mo yan!!!!!!" sigaw ni Ramses ngunit hindi mapigilan si Bhufola.

"AKo lang ang pinakamalakas sa Niraseya. Matagal akong naghintay at hindi ako
mabibigo!!"

binuksan ni Bhufola ang kanyang kapangyarihan upang makapasok ang mga hinihigop
nyang kapangyarihan. "Kung hindi ko maangkin ang Niraseya sa paraang pinlano ko -
aangkinin ko na lang lahat ang lakas ng lahat ng nandito sa paraang gusto ko.
Gagawa na lang ako ng mga tagasunod - o kaya kukunin ko na lang lahat ng tao sa
kabilang mundo at ililipat ko sila dito." Pumikit sya at pinapakiramdaman nya ang
pagpasok ng iba't-ibang lakas sa kanyang katawan. "Wala nang makakatalo sa'kin - "
napadilat sya ng maramdaman nyang may bagay na tumama sa kanyang puso. Nakita nyang
hawak ni Ramses ang kanyang mahiwagang tenivis na tila nababalutan ng mahika na
nakatarak sa kanyang puso.

"Dahil binuksan mo ang kapangyarihan mo para sa lahat humina ang pakiramdam mo.
Hindi mo naramdaman ang kapangyarihan kong papalapit sa'yo dahil sa dami ng
kapangyarihang nahihigop mo." Mas idiniin ni Ramses ang kanyang tenivis hanggang
bumaon ito sa likuran ni Bhufola.

Huminto ang paghigop ni Bhufola ng kapangyarihan at tumulo ang dugo nito sa kanyang
labi. "Hindi ako mapapatay ng simpleng saksak lang Ramses - alam mo yan." Ngumiti
pa ang matanda.

"Alam ko yan. Kaya nga ginamitan ko ng mahika ang aking tenivis. Isang lasong
papatay sa puso mo at lalason sa dugo mo." Hinigit ni Ramses ang kanyang tenivis
mula sa dibdib ng matanda.

Nahirapang huminga si Bhufola. Paatras sya ng paatras at tila kung saan-saang


direksyon na sya kumikilos.

"Hi - hindi. Ma - malakas ako." Nakita ni Bhufola

na unti-unting natutuyot ang kanyang balat. "A - anong nangyayari?" tumingin sya ng
masama kay Ramses. "Pagbabayaran mo 'to ng - " nawalan ng balanse si Bhufola at
nahulog mula sa kinatatayuan nya ngunit bago pa man sya bumagsak sa lupa ay naging
abo na ang kanyang katawan at tinangay na ito ng hangin sa iba't ibang bahagi ng
Niraseya.

Napaluhod si Ramses sa sobrang takot ngunit nanatiling nakataas ang kanyang sandata
sakaling bumalik si Bhufola. Ngunit sa kanyang paghihintay unti-unting nawala ang
itim na kalangitan at bumungad ang asul na langit at maliwanag na paligid. "Na -
nagawa ko." Bulong nya sa kanyang sarili.

Nakita din nyang nagising na ang dalawa nyang kaibigan kaya't nilapitan nya agad
ang mga 'to. "Kumusta ang pakiramdam nyo?" tanong ng dalaga sa mga kaibigan.

"Parang - parang wala na akong lakas. Parang naubos ang lahat ng lakas sa katawan
ko." Sagot ni Ryona. Agad nyang hinanap ang kanyang palaso. Itinaas nya ang kanyang
kamay at kusang lumapit ang palaso sa mga kamay nito.

"Salamat sa sandata mo Ryona." Pagpapasalamat ng dalaga habang tinutulungan nyang


tumayo ang kaibigan.

"Maliwanag na sa labas!" masiglang sabi ni Perus. Tumango si Ramses at hindi


napigilang umiyak. "Nagawa ko. Nagtagumpay ako. Dahil 'to kay pinuno. Kung hindi
nya ginising ang natatago kong lakas hindi ko matatalo si Bhufola. At dahil din sa
inyo kaya nailabas

ko ang lahat-lahat ng lakas ko." Inalalayan nya sa pagtayo ang mga kaibigan at
lumabas sila upang tingnan ang kapaligiran.
Nakita nilang unti-unti nang bumabalik sa berde ang kulay ng dati ay itim na mga
puno. Nagliliparan na rin muli ang mga ibon sa kalangitan. Niyakap ni Ramses ang
dalawang kaibigan ng may marinig silang ingay galing sa loob ng silid kaya't
mabilis silang bumalik. Nakita nilang gumagalaw si Aragon at gulat na gulat sila.
Mabilis nila itong nilapitan.

"Aragon!" sigaw ni Ramses. Iniupo nya ito at tiningnan. "Aragon buhay ka!"

Dumilat si Aragon at nakita nya ang mukha ni Ramses. "Nawala na - nawala na ang
sumpa nya sa'kin. Buhay na ako ulit." Nakangiting sabi ng binata. "Ang ibig sabihin
ba nito nanalo ka?"

Tumango si Ramses at muli syang napaluha. "Masyado syang naging ganid sa


kapangyarihan kaya hindi nya namalayan ang paglapit ko." Paliwanag ng dalaga.

"Kung gayon, ikaw na ang reyna." Pinilit tumayo ni Aragon at lumuhod sya sa harapan
ng dalaga. "Ipataw nyo na po ang nararapat na parusa sa'kin. Tatanggapin ko kahit
kamatayan."

Hinawakan ni Ramses sa balikat si Aragon. "Tumayo ka nga dyan. Ano bang sinasabi
mo? Iniligtas mo ako kay Bhufola kahit alam mong delikado. Isa pa pinagaling mo ang
mga kaibigan ko, may nagawa ka man sa'min napatawad na kita dahil alam ko na yung
dahilan. Masamang nilalang si Bhufola at gagawin nya ang gusto nya. Biktima ka lang
Aragon." Tumayo si Aragon at hindi napigilang mapaluha.
"Salamat. Maraming salamat Ramses. Sobrang patawad sa nagawa ko. Yun lang yung
paraan para pagkatiwalaan ako ni Bhufola - para mapaslang ko sya dahil sa ginawa
nyang pagpatay sa pamilya ko. Alam kong hindi ko sya mapapatay at nalaman ko na ang
katulad mo ang kayang kumitil sa buhay nya kaya pumayag ako sa gusto nyang dalhin
ka sa kanya para sa hiyas na gusto nya. Pero tuso sya - dahil sa gusto nyang
makasigurado ginamitan nya ako ng mahika. Isang mahika na maaring dumurog sa puso
ko kahit kailan nya gustuhin." Hinawakan nya ang kamay ng dalaga. "Habang buhay ko
'tong tatanawin na utang na loob."

"Tama na yan!" pagsabad ni Perus. "Mabuti pa ibalita natin kay Maestro Boro ang
nangyari."

"Mukhang hindi na kailangan." Napatingin sila sa direksyon kung saan nakatingin si


Ryona at nakita nila sa himpapawid sina Maestro Boro kasama ang ilang guro papunta
sa kaharian ng Domte.

Mapayapa na muli ang Niraseya. Nagtagumpay si Ramses sa misyon nyang malaman kung
sino ang mga tunay nyang magulang, ang mapaghigantihan si Bhufola at mailigtas ang
Niraseya. Mas lumakas pa sya kaysa dati at mas lalo nyang pinapalakas ang kung
anong kapangyarihang meron sya.

Hindi nya tinanggap ang pagiging reyna ng Domte at dahil si Aragon ang kinilala ng
lahat na anak ni Bhufola, sya muna ang tumayong hari ng Domte. Bumalik naman sa
kanilang mundo si Ramses upang makasama nya ang kanyang pamilyang matagal ng
nahiwalay sa kanya.
Isang matagumpay na pakikipagsapalaran ang kanyang nalampasan laban sa maitim na
plano ni Bhufola. Naprotektahan nya lahat ng taong mahalaga sa kanya pati ang
dalawang mundong tinitirhan ng lahat ng taong malapit sa kanya at kahit anong oras
handa syang tumulong kung kinakailangan basta para sa mga taong mahal nya hindi sya
natatakot makipaglaban.

A/N

Ito yung first story ko sa wattpad. Matagal ko na 'tong nasulat sa notebook and
after 2 years natapos ko din. Ang real plan ko talaga dapat sa story na 'to is
maraming books na iba-iba but same characters but since di ko sure kung successful
yung story or not magstop muna ako dito. Sa lahat ng sumuporta all the way up to
the last chapter super duper thank you. Sorry kung napatagal ko yung ending. Para
'to sa inyong lahat. :)

<3 megladiolus

You might also like