You are on page 1of 28

Hiling

By El Nunal
Www.xtorya.tk
Prologue
"Malapit na ba tayo?" tanong ni Rick sa kaklaseng Rhue.
"Konti na na lang, alam ko dito lang yun eh" ang sagot ni Rhue sa kaklase, dadalawin kasi nila ang
kanilang advisor na si Miss Faith Baltzar, ilang araw na din kasi itong hinde pumapasok. May mga
dumalaw na ding estudyante sa guro lalo na ang klase na hawak nang dalaga subalit hinde kasi
nakasama ang dalawa dahil si Rhue ay umatend sa kanilang meeting sa Tennis Club at si Rick
naman ay kinailangang umuwi nang maaga.
~ Meeoww~
Huni nang isang pusa na sumalubong sa kanilang dalawa sa daan. Malambing ito at tila malapit ito
sa tao, dahil panay ang ikot at kaskas nang ulo nito sa binti ni Rhue .
"Ang cute cute naman nang pusa na to!" ang masayang sabi ni Rhue, umupo ito at hinimas himas
ang ulo nang pusa. Sunod ay lumapit naman ito kay Rick at naglambing din ito sa binata
"Parang pamilyar yang pusang yan" ang sabi ni Rick sa kaibigan habang pinagmamasdan ang
pusang ito
"Miing! Minng ming ming ming ming!" ang tawag nang isang babae at dali daling lumapit ang pusang
ito sa babaeng iyon.
"Mam Faith!" ang masayang bati nang dalawa sa babaeng iyon, nagulat din si Faith dahil di niya
inaasahan na makikita niya ang dalawang estudyanteng hawak niya sa kanyang klase.
"Oh, bat nandito kayo?" ang masayang tanong ni Faith sa dalawa
"Kasi po mam, gusto ka din po naming dalawin, pasensya na po mam at di kami nakasabay sa mga
kaklase naming nung pumunta sila sa inyo" ang sabi ni Rhue sa teacher
"Oo nga po mam, sorry po, ok na po ba kayo?" ang sabi naman ni Rick
"Kayo talagang mga bata kayo, oo naman, napakasweet nyo naman, salamat din at nakita nyo tong
pusa ko" ang sabi ni Faith sa dalawa
"Sabi na eh, kaya parang pamilyar yang pusa na yan, nakita ko kasi yan doon sa isang picture nyo
mam dati na pinakita nyo sa amin one time sa class natin" ang sabi ni Rick
"Kumain na ba kayong dalawa? Tara at nagluto ako" ang aya nang guro sa dalawang estudyante
niya at masaya naman silang sumunod sa guro
"Wow mam, bahay nyo to?" ang bati ni Rhue dito dahil malaki ang compound na papasukan nila sa
likod nang gate na iyon
"Ah, hinde ko naman bahay to, pero, dito na din ako nakatira, Boy's dormitory kasi to, at ako ang
nangangahala sa mga tenant dito"
"Mam alis na po muna kami, ayos na po ba kayo?" ang bati nang isa sa mga naninirahan sa
dormitoryo na iyon
"Oo naman, uuwi ka ba ngayon sa inyo?" ang tanong nang dalaga dahil napansin nito na may mga
dala itong bag
"Opo mam, pero babalik din po ako next week, tska mam, pasensya na ha kung kalahati lang
naibigay ko na renta this month, pagbalik ko po babayaran ko na yung kulang" ang nahihiyang sabi
nito sa dalaga
"Ano ka ba? Ok lang noh, naintindihan ko naman ang sitwasyon mo, di naman kita minamadali eh,
pwede ko naman na abunohan muna yung kulang pero be sure na pagbalik mo babayarin mo ko
ha?" ang sab ni Faith sa binata
"Opo mam, don't worry, salamat po talaga" ang sabi nang binata sa kanya at nagpaalam na ito sa
dalaga at sa pusang kapit nito
"Ang bait ni mam noh?" ang bulong ni Rhue sa kaklase
Kaya nga eh" ang bulong din ni Rick sa kaklase
"Ano naman pinagtsitsismisan nyong dalawa diyan?" ang pabirong bati ni Faith sa dalawa at tanging
tawa lang ang naisagot nang dalawa.
Pinapasok nang guro ang dalawa sa kwarto na tinutuluyan niya sa compound na iyon.
"Sandali ha, ipaghahanda ko lang kayo nang makakain"
"Mam, wag na po, dapat nga po hinde kayo nagkikilos kasi may sakit kayo diba?"
"Naku, kung hinde ako kikilos, baka magkasakit lang ulet ako, namiss ko na ngang pumasok eh,
sige na, kausapin nyo na lang muna ang pusa ko" ang sabi nang guro at binaba nito ang pusa
dahan dahan sa sahig
"Mam tulungan ko na po kayo" ang sabi ni Rhue sa guro at dahil sa pamimilit nito ay hinayaan na
lang nang dalaga na tulungan siya nang estudyante niyang iyon.
Samantala, si Rick naman ay tahimik lang na nakaupo sa sofa at mayamaya pa ay nilapitan siya
nang pusang iyon nang guro.
"Mam ano ba pangalan nang pusa nyo?"
Ang tanong ni Rick nang pasigaw dahil nasa kusina ang dalawa
"Wala!" ang sigaw din nang guro
Natawa lang si Rick dahil kakaiba ang pangalan na binigay niya sa pusang iyon. Nakaramdam nang
bahagyang pagkaantok si Rick dahil puyat siya kahapon dahil sa pagtulong sa paglilipat nang mga
gamit nila sa nilipatan nilang apartment. Habang naghihikab si Rick ay biglang lumapit sa kanya ang
pusang iyon at umupo malapit sa kanya
"Ang saya mo siguro at kasama mo ang isang magandang babae katulad ni Miss Faith ano?"
Ang sabi ni Rick sa pusa, tumingin lang ito at sumagot
"Meow" natawa si Rick dahil parang naintindihan siya nang pusang iyon at inisip niya na Oo naman
ang kahulugan nang paghuni nang pusang iyon.
"Ang ganda naman nang mata nang pusang to" ang sabi ni Rick sa sarili habang pinagmamasdan
ang mga mata nito, at tila ba mas lalong inaantok ang binanta sa pagtitig sa mata nang pusang iyon,
at ilang sandali pa ay tila unti unti nang bumibigat ang mga mata niya
Www.xtorya.tk
"Hoy, ikaw" isang boses ang biglang narinig ni Rick, isang boses na di niya alam kung saan galing
dahil wala naman siyang ibang kasama doon kung hinde ang pusang ito, napaisip siya habang pilit
na nilalabanan ang antok at muli ay narinig niya ang boses na iyon
"Pakinggan mo ang sasabihin ko" ang wika nito sa kanya, at di ba niya alam kung tama ba ang
hinala niya na ang pusang iyon ang kumakausap sa kanya
"Ikaw ba ang nagsasalita?" ang tila ba nanghihinang sabi ni Rick sa pusang iyon
"Tulungan mo ako"
"Tulungan?"
"Tulungan mo ko na sabihin sa kanya ang tungkol sa " at tuluyan nang nandilim ang paningin ni
Rick.
Itutuloy........ :-)
Hiling
By El Nunal
Www.xtorya.tk
Chapter 2
Kinabukasan, maaga siyang pumasok sa eskwelahan dahil bukod sa kailangan niyang magcheck
nang attendance nang mga kaklase niya dahil siya din ang Class President sa room niya, maaga din
kasing pumapasok ang kanyang crush na si Zoren dahil maagang nagprapractice ang mga
kasamahan niya sa gym nang school.
"Good morning Faith!" ang bati nila Sarah at Yumi sa dalaga
"Good morning din!" ang bati din ni Faith sa dalawa na nakasabay niya sa daan papasok nang
kanilang eskwelahan
"Faith, kung di ako nagkakamali, diba, yun yung binata kahapon?" ang sabi ni Yumi habang tinuturo
ang isang tao na nakatayo sa may gilid nang gate nang kanilang eskwelahan
"Oo nga Faith, si Marcus yun ah?" ang sabi din ni Sarah at dali dali nitong nilapitan ang binata
"Ano naman kaya ang ginagawa nang binatang yan dito?" ang sabi ni Faith habang kakamot kamot
sa ulo na halatang naiinis at agad ding nilapitan ang kinakatayuan nang binata
"Good mor- " ang bati sana ni Marcus kay Faith nang bigla siyang kaltukan nang dalaga
"Ano naman ang ginagawa mo dito?!" ang naiinis na sabi ni Faith sa binatawww.xtorya.tk
"Masyado ka naman bayolente Faith, ano ka ba?" ang saway ni Sarah sa kaibigan
"Yumi, Sarah, tara na, pasok na tayo" ang sabi ni Faith at iniwasan na lamang nito makipagusap sa
binata
"Faith sandali, may inaabot si Marcus" ang sabi ni Yumi sa kaibigang naglalakad na papasok nang
gate, lumingon si Faith at nakita niya ang panyong iniwan niya kahapon kay Marcus, napansin niya
na malinis na ito, napabuntong hininga si Faith at muling bumalik sa kinakatayuan nang binata
"Alam mo, di mo na naman kailangan ibalik sa akin ang panyo na to eh, binigay ko na to sa iyo so
ibig sabihin di mo na kailangang ibalik sa akin ito, inaabangan mo ba ako dito kanina pa para lang
ibigay ang panyo na to?" ang naiinis na tanong ni Faith sa binata
"Sorry, wag ka na mainis Faith, gusto ko lang naman na ibalik yan sa iyo kasi, napansin ko na may
nakaburda pang pangalan diyan, kaya naman iniisip ko na mahalaga sa iyo yan"
Tinignan ni Sarah at ni Yumi ang panyo at napansin nga nila na ito ang isa sa mga iniingatan na
panyo ni Faith. Www.xtorya.tk
'Alam mo Marcus, pasensya ka na ha, kasi, kung may gusto ka kay Faith, habang maaga tigilan mo
na siya kasi meron na siyang nagugustuhan na iba" ang sabi bigla ni Sarah sa binata
"Oo nga naman Marcus, kaya naman kung ako sa iyo, tigilan mo na si Faith"
Tahimik lang na nakatingin si Faith sa tatlo at natawa si Faith nang biglang sabihin ni Marcus ang
salitang tila ba inaasahan na niyang sasabihin nito
"Sorry, di ko naman kasi talaga balak na manggulo" ang malungkot na sabi nang binata
"Sarah, Yumi, mauna na kayo, kakausapin ko lang siya" ang sabi ni Faith at nauna nang pumasok
ang dalawa
"Marcus, siguro naman alam mo na naman yun kahapon pa di ba?" ang sabi ni Faith a binata.
"Sorry, kung naiinis ka na sa akin ha? Kasi, tulad nga nang sinabi ko sa iyo kahapon, gusto ko lang
magpasalamat sa iyo, at gusto kong tuparin ang isang kahilingan na gusto mo, kahit ano"
"Marcus, alam mo, hinde na ako bata para maniwala sa wish wish na yan, at napakacheesy nang
pick line na yan kung yan man ang ginagawa mo, pero kung gusto mong malaman ang hiling ko,
sige, ang hiling ko, sana di ka na mangulet sa akin kasi nakakainis na eh" ang sabi ni
Faithwww.xtorya.tk
"Yun ba talaga ang hiling mo? Kung yun ang gusto mo, sige, aalis na ako at hinde ako magpapakita
sa iyo kahit kalian" ang malungkot na sabi nang binata
"Masyado ata akong naging marahas ah" ang biglang naisip ni Faith
"Kalimutan mo na ang sinabi ko Marcus, umuwi ka na lang ok? Pasensya na" ang sabi ni Faith at
nagmadali na itong pumasok nang kanilang eskwelahan, habang tahimik lang na nakatingin si
Marcus sa dalaga.
"Faith, alam mo, kung tutuusin, ang cute ni Marcus noh?" ang sabi ni Sarah sa kaibigan habang
kumakain sila sa canteen
"Oo nga Faith, saan mo ba nakilala yung binatilyo na yun?" ang tanong naman ni Yumi
"Tinanong ko na siya kahapon, sabi niya sa ospital daw, kinausap ko daw siya tapos ayun, nagpunta
na siya dito para magpasalamat sa akin"
"Ang sweet naman pala nang lalake na yun" ang pangaasar na bati ni Sarah sa kaibigan
"Oo nga naman, tapos hinintay ka pa, mukhang kanina pa ata medaling araw yun doon eh" ang
gatong naman ni Yumi
"Naku, di ko naman sinabi na hintayin niya ako eh, isa pa, kayo din naman din ang nagsabi sa kanya
nang totoo eh di ba? Atleast alam na niya na mayroon akong nagugustuhan, alam ko naman na
alam na niya kahapon pa na si Zoren ang gusto ko, pero ewan ko kung martir lang ba yung bata nay
un" ang natatawang sabi ni Faith.
Subalit nagulat si Faith nang makita niya pa din ang binatang iyon na naghihintay sa labas nang
gate nang araw na iyon, hinde niya alam kung nakita ba nila Yumi at Sarah ang binatilyong iyon
dahil late na siya nakauwi dahil madami pa siyang inasikasong mga future events na magaganap sa
darating na sports festival at Junior & Senior Prom.
"Marcus? Wag mong sabihing kanina ka pa nandito?" ang tanong ni Faith sa binata na may halong
pagaalala
"Sorry, ha? Nainis na naman ba kita?" ang tanong ni Marcus, bigla siyang binatukan ni Faith at
pinagalitan ang binata www.xtorya.tk
"Alam mo, para kang sira! Ano ba tumatakbo sa isip mo at hinihintay mo ako na para kang tangang
nakatayo lang diyan?"
"S-sorry, kasi, gusto lang talaga kitang makita at makausap eh" ang paliwanag ni Marcus
"Alam mo di ko alam kung maiinis ba ako sa iyo o matutuwa, ang kulet mo din eh noh?" ang sabi ni
Faith sa binata
"Kumain ka na ba?" ang tanong ni Faith sa binata, umiling ang binata at inaya ni Faith ang dalaga
na kumain ito sa malapit na lugawan.
"Ano ba kasi talaga ang ginawa ko sa iyo at ganyan ka sa akin?" ang tanong ni Faith dahil gusto na
niyang tigilan siya nang binatilyon iyon
"Di ba nga nasabi ko na sa iyo, may sinabi ka sa akin na nagbago nang buhay nang takbi nang
buhay ko"
"Pero di naman siguro dapat na ganito ang pasasalamat mo sa akin noh? Bakit ka ba kasi talaga
nandito?"
"Para nga tuparin ko ang isang hiling na gusto mo, kahit ano, ibibigay ko"
"Nakakatuwa naman kayong dalawang magkasintahan" ang sabi nang tindero nang lugaw na
kinakainan nila
"Naku po manong, di ko po siya boyfriend, kakilala lang po"
"Tamo, pati si Manong iniisip na boyfriend kita, ikaw kasi eh"
"Sorry" ang malungkot na sabi ni Marcus at muli na naman niyang binatukan ang binatilyo
"Ubusin mo na yang kinakain mo at mayamaya ay uuwi na din ako, ikaw din, pwede ba umuwi ka
na, hinde ka ba hinahanap sa inyo?"
Ang tanong ni Faith sa binata, umiling lang ito at pinagpatuloy ang pagkain. Matapos nilang kumain
ay nagsimula na silang maglakad
"Marcus, uulitin ko, ok na ako sa personal mong pagpunta sa dito at personal na pagpapasalamat sa
akin, kaya naman wag mo na akong hihintayin pa o kukulitin o kakausapin simula bukas maliwanag
ba?"
"Hinde ko pwedeng gawin yun"
Biglang inipit ni Faith ang ulo nang binata sa pagitan nang kanyang braso at pinagkakaltukan ang
ulo nang binata
"Aray Faith aray" ang sabi ni Marcus habang patuloy na kinakaltukan nito ang binata, maya maya pa
ay binitawan na din niya ang binata
"Ayan, ewan ko na lang kung hinde pa maalog ang utak mo, di ko kasi alam kung may laman ba yan
o kung ano eh, sige na uuwi na ako"
"Faith, wala ka bang gustong hilingin?" ang muling tanong nang binatang iyon sa kanya at
napakamot sa ulo si Faith sa inis at napansin ang isang vending machine na malapit sa isang
tindahan . www.xtorya.tk
"Alam ko na, ang wish ko, may makita akong libreng soft drink sa vending machine na yun"
"A-ano?"
Matapos ay medaling nagpunta ang dalaga at nagulat siya nang makita niyang mayroong nalaglag
na softdrinks mula sa loob nang vending machine na iyon
"Aba, meron ngang libre? Ayos ah, mukhang totoo nga sinasabi nitong mokong na to ah" ang sabi ni
Faith sa sarili. Tumingin siya sa binatang iyon at maya maya pa ay may lumabas sa tindahan
"Iha, naku sa pamangkin ko yang softdrinks na yan" ang sabi nito kay Faith at nakita nga ni Faith
ang isang bata na nasa likod nang lalakeng iyon. Inabot ni Faith ang softdrinks na iyon sa bata at
bumila na din nang dalawang soft drinks, pagkatapos ay muli siyang lumapit sa binatiyong iyon at
muli niyang binatukan ang binata
"Walang hiya ka, akala ko talaga nagatotoo yung hiniling ko! Tigilan mo na nga yang hiling hiling na
yan!" ang naiinis na sabi ni Faith sa binata dahil pakiramdam niya ay napahiya siya kanina sa
pagaakalang natupad nga ang pabirong hiling nito sa binata
"Sorry, hinde ko ginawa yung hiling mo kasi naisip ko na sayang naman hiling na to kung sa
ganyang bagay lang mapupunta"
Binatukan muli ni Faith ang binatilyo matapos ay napailing ito at natawa
"Puros ka kalokohan, siya nga pala, salamat sa paglilinis nang panyo ko ha?"
"W-walang ano man" ang nahihiyang sabi nito sa dalaga, napansin ni Faith na biglang namula ang
mukha, natawa bigla si Faith at nang makita ni Marcus na parang babatukan siya nang dalaga ay
napapikit na siya subalit laking gulat niya nang hinimas nito ang ulo nang binata
"Napakainosente mo, alam mo yun?" ang sabi ni Faith sa binata matapo ay pinitik nito ang noo nang
binata
"Ilang taon ka na ba?" ang tanong ni Faith sa binata www.xtorya.tk
"Kinse anyos na ako Faith, bakit?"
"Bata ka pa nga talaga, pero sabagay halata naman sa itsura mo" ang sabi ni Faith dito
"Maggagabi na, Marcus uuwi na ako ha? Ikaw umuwi ka na din, at wag ka nang babalik bukas sa
school ha?"
"Pero di mo pa sinasabi sa akin kung anong hiling mo" ang sabi ni Marcus
"Hay naku Marcus, alam mo for a moment muntikan mo na akong mapaniwala diyan sa kalokohan
mo, ikaw talaga, bata ka panga talaga, sige na umuwi ka na"
Ang sabi ni Faith at iniwanan na niya ang binata, nang medyo nakakalayo na siya dito ay nilingon
niya ito at napansin niya na tila ba malungkot ito habang naglalakad.
"Ano ba kasing problema nang batang yun" tanong ni Faith sa sarili, hinde niya alam kung bakit ba
parang nakunsensya siya nang nakita niya ang malungkot na paglalakad nang binatang iyon.
"Marcus!" ang sigaw ni Faith, agad namang lumingon ang binata
"Kita tayo bukas ha!" ang sigaw ni Faith at kumaway ito sa binata. Napansin niya na ngumite ang
binata at kumaway din ito at matapos ay pinagpatuloy na niya ang paglalakad pauwi sa kanilang
bahay
"Ano ba tong sinasabi ko?" ang natatawang sabi ni Faith sa sarili.
Itutuloy....
Hiling
By El Nunal
Www.xtorya.tk
Chapter 3
Araw araw nang inaabangan ni Marcus ang dalaga at araw araw din naman siyang pinapaalis ni
Faith, pero tila ba parang makulit na langaw si Marcus na kahit anong bugaw nang dalaga ay balik
nang balik ang binatilyong iyon. Medyo naiinis na din si Faith sa kakulitan nang binatilyong iyon dahil
napapagusapan na din sa kanilang eskwelahan na boyfriend niya ang binatilyong iyon. Pero sa
kabilang banda, medyo nagiging masaya siya dahil nakakausap na din niya nang maayos si Zoren
dahil kinokoordinate nito ang nalalapit na sports event sa binata.
"Bute naman at nakakausap mo nang hinde ka kinakabahan yung crush mo Faith" papuri ni Yumi sa
kaibigan
"Oo nga Faith, so ano na ba? Nasabi mo na din ba sa kanya yung nararamdaman mo sa kanya?"
tanong ni Sarah sa kanya
"Ano ka ba? Hinde naman ganun kadaling sabihin yun noh? Isa pa, kumukuha pa ako nang tiyempo
eh"
Ang sabi ni Faith sa magkaibigan, nakita ni Faith kahit sa malayo pa lang ang balikat ni Marcus ay
kilala a niya ito, napakamot siya nang ulo at napabuntong hininga, it's been a while na din kasi nang
sumulpot ang binatilyong iyon sa buhay niya. Www.xtorya.tk
"Sarah, Yumi, mauna ka na muna kayo, kakausapin ko lang si Marcus, siguro, panahon na din para
ako na ang magsabi sa kanya nang harapan, siguro naman sa tagal na din nang araw na kinukulit
niya ako, makukuha na niya na hinde ko siya gusto"
Nagkatinginan lang ang magkaibigan at nauna na silang umalis
"Hi Faith!" ang masayang bati nang binata sa kanya
"Marcus, I want to talk to you, Marcus, may gusto na akong tao, and gusto ko ipaunawa sa iyo na
hinde kita pwedeng magustuhan dahil may mahal na akong iba, kaya naman please Marcus, tigilan
mo na ako, kasi, alam mo na mahihirapan ka din na tangapin yun kung makikita mo ako na may
kasamang ibang lalake di ba? And isa pa, bata ka pa, ahead ako sa iyo nang tatlong taon, and after
this school year, magcocolege na ako at lilipat na sa malayong lugar para magaral doon, ikaw
naman, malayo pa ang tatahakin mo para lang abutan ako, pero kahit na abutan mo ako, hinde pa
din naman kasi mangyayare na "
"Ok lang yung Faith, ang mahalaga masaya ka at masaya din ako na makita kang masaya. Alam mo
kasi Fait "
Natigilan si Marcus sa pagsasalita dahil bigla siyang sinampal ni Faith.Www.xtorya.tk
"Shut up, tama na Marcus, please, dun make this hard for me, leave me alone ok"
Ang pakiusap ni Faith sa binata at matapos ay iniwanan niya na ang binatilyo. Tahimik lang na
nakatingin si Marcus habang pinagmamasdan niya ang dalagang unti unting lumalayo habang
hinihimas ang pisnging sinampal ni Faith.
"Nagalit na ata siya sa akin, paano na to" ang malungkot na sabi ni Marcus sa sarili.
"Yumi, Sarah, tama ba ang ginawa ko?" ang tanong ni Faith sa kaibigan kinagabigan, nagkita kita
kasi silang tatlo upang gumawa nang school project sa bahay ni Faith.
"Faith, wala kang ginawang mali, atleast, ikaw na din mismo ang nagsabi sa kanya na hinde ka
interesado sa kanya hinde ba? And besides, mas ok na din yun atleast di pa malalim ang baon nang
pako sa kahoy kaya madali lang na mahuhugot yun" ang sabi ni Yumi sa binata
"Ang lalim naman masyado nyan Yumi" sabi ni Sarah sa kaibigan at nagkatawanan silang
magkakaibigan
"Pero Faith alam mo, hanga din ako sa Marcus na yun huh, ilang buwan din siyang nanliligaw noh?"
sabi ni Sarah
"Alam mo di naman kasi siya nanliligaw noh, isa pa, kahit naman na manligaw siya, di ko pa din
naman siya sasagutin"
"Pero aminin mo diba cute niya?" ang sabi ni Sarah
"Hay naku Sarah, umiiral na naman yang pagiging malantod mo ha!" ang sabi ni Yumi dito
"Ano ka ba, di naman sa ganun kaya lang di ba, isipin mo, kung magiging babae nga siya maganda
siya eh" ang sabi ni Sarah
"Pero alam nyo, hinde ko alam kung bakit ba parang ang sama sama ko sa pakiramdam ko"
Ang biglang sabi ni Faith
"Faith, ganyan talaga pag may nababasted kang tao, parang hinde ka naman sanay mambasted,
kung tutuusin ata, lahat nang lalake sa school natin eh nanligaw na sa iyo diba?" ang sabi ni Sarah
"Pero iba kasi si Marcus, di ko nga alam kung ako lang ba yung nagfeeling na may gusto siya sa
akin, kasi, never naman niya minention sa akin na may gusto siya sa akin, na naaakit siya sa akin,
na maganda ako, yung mga ganun?"
"Bata pa nga kasi diba? " sabi ni Yumi sa kaibigan
"But fifteen isn't that young anymore di ba? Besides, may mga mas bata pa ngang manliligaw si
Faith, ikaw at ako di ba?" ang natatawang sabi ni Sarah
"Pero enough of Marcus na nga tayo, so since you deal with Marcus already, siguro naman,
panahon na para si Zoren naman ang gawan mo nang hakbang di ba?"
Ang sabi ni Yumi kay Faith www.xtorya.tk
"I really dun know guys, basta, if nakakuha ako nang tiyempo,sasabihin ko na sa kanya ang
nararamdaman ko"
At nagpatuloy na sila sa paggawa nang project at matapos nito ay nagpaalam na si Yumi at si Sarah
sa mama ni Faith at matapos nito ay umuwi na ang magkaibigan.
Kinabukasan, napansin ni Faith na madilim ang umagang iyon, tinignan niya ang orasan niya at
nakita niya na magaaalasais na nang umaga.
"Anak, umuulan sa labas ha, magdala ka nang payong" ang paalala nang ina ni Faith sa kanya.
"Naku naman, ngayon pa naman umulan, maghahanda pa naman kami para sa Sport Fest sa
susunod na araw" ang sabi ni Faith sa sarili, at habang nagkakape siya ay bigla na lamang niya
naalala si Marcus
"What the!. Bakit naman bigla sumagi sa isip ko ang batang yun" ang sabi ni Faith sa sarili. Tinapik
tapik niya ang kanyang mukha at nagpatuloy na lamang sa pagaalmusal.
"May kalakasan nga ang ulan ah, naku, bute na lang at may kalakihan ang payong na pinadala ni
Mama, nakapasok na kaya sina Yumi at Sarah?" ang mga bagay na pumapasok sa isip ni Faith
habang naglalakad siya papasok nang eskwelahan niya. Natigilan siya sa paglalakad nang makita
niya, sa gitna nang ulan, ay nandoon ang binatilyong si Marcus, nakatayo kung saan siya laging
naghihintay sa dalaga. Napakamot na lang sa ulo si Faith at lumapit sa binata, samantalang hinde
naman napansin ni Marcus na nandoon na pala si Faith dahil nakayuko ito at tila ba may iniisip,
napatingala lang siya nang maramdaman niyang nawala ang patak nang ulan, at natuwa siya nang
makita niya si Faith. Www.xtorya.tk
"Gusto mo bang magkasakit?!" ang naiinis na sabi ni Faith sa binata
"S-sorry, kasi gusto lang kitang makita at makausap ulet" ang masayang sabi nito kay Faith. Di
maintindihan ng dalaga kung bakit ba ganun siya itrato nang binatilyong iyon, at kahit sa kabila nang
masasakit na salitang binitawan niya sa binatang iyon ay nagagawa pa din nitong ngumite sa
harapan niya. Napabuntong hininga ang dalaga at hinawakan ang kamay ni Marcus
"Sumama ka sa akin, basang basa ang damit mo oh, magpalit ka nang damit sa locker room nang
gym nang mga lalake pagkatapos ay hintayin mong tumila ang ulan tapos sabihin mo, may dinala ka
lang sa akin para hinde sila maghinala sa iyo ok?"
Ang sabi nito sa binata, at tumango lang binata, subalit pagdating nila sa entrance nang gym ay
nakasara ito, marahil ay nalat ang tagabukas nito dahil nga sa malakas na pagbuhos nang ulan,
kaya naman naisipan na lamang ni Faith dalhin ang binatilyong iyon sa nirerenovate na classroom
na gagamitin nila bilang office para sa Studen Council nang eskwelahan na iyon. Mabuti na lang at
siya ang may kapit nang susi sa kwarto na iyon kaya walang problema niyang nagamit ito.
"Ikaw, para ka talagang bata, napakapasaway mo at alagaain! Dagdag ka pa sa inaasikaso ko sa
eskwelahan na to eh" ang pagalit ni Faith sa binatilyo habang pinupunasan nito ang ulo nang
binatilyo. Www.xtorya.tk
"S-sorry, di ko sinasadya Faith"
"Sorry na naman? Alam mo, ang pagsasabi nang sorry sa isang tao, dapat sincere at hinde mo na
inuulit ulit ang ginagawa mo kaya ka nakakapagsorry sa isang tao"
"Sorry, kung nagagalit ka sa akin, kasi naman gusto ko lang na "
"Marcus, hinde naman ako galit, naiinis lang ako sa iyo kasi napakamartir mo, alam mo yun? I
mean, di ka ba nasaktan kahapon sa mga sinabi ko?"
"Anong sinabi? Nasaktan ako kahapon oo, kasi sinampal mo ko, pero hinde ko din alam kung bakit
ka ba biglang parang nagalit sa akin kaya kahapon ko pa iniisip kung bakit ka ba nagalit sa akin.
Iniisip ko tuloy kung inaway ka ba nung lalakeng crush mo na sinasabi mo sa akin, dahil ba sa akin
kaya kayo nagaway?"
Binatukan ni Faith ang binatilyong iyon at muling pinagpatuloy ang pagpupunas nang ulo nang
binatilyong iyon
"Hinde kami nagaway, ang iniisip ko lang kasi, baka maging usap usapan na tayong dalawa eh may
relasyon, kasi naman araw araw kang nagaabang sa akin, araw araw din naman kitang pinapaalis,
kaya naman sinabi ko na sa iyo kahapon na tigilan mo na ako, pasensya ka na kung sinampal kita,
kasi naiinis ako sa katangahan mo para sa akin, ganun mo ba ako kagusto para maging ganyan
ka?"
"Teka, anong gusto? Anong relasyon?" ang tanong ni Marcus at bakas sa mukha nito ang pagtataka
"I mean shota, boyfriend girlfriend ganun!" ang natatawang sabi ni Faith
"Sorry, di ko kasi naintindihan talaga kahapon yung mga sinabi mo, pero ngayon nalinawan na ako
at siguro, oo may gusto ako sa iyo, gusto kong magpasalamat sa iyo kaya nga ako pumunta dito
diba? Pero yung relasyon na shota, boyfriend girlfriend, hinde ko naman binabalak yun sa iyo, kasi
alam ko naman na may gusto ka nang ibang tao eh. Nakikita kitang masaya, kaya masaya na din
ako, wag kang magalala Faith kasi hinde naman ako nandito para manggulo sa pakikipag relasyon
mo sa taong gusto mo, ang gusto ko lang makita ka din na masaya, iniisip ko lang din na mapasaya
ka din sana kaya naman, hanggat di mo sinasabi ang gusto mo, ang hiling mo, maghihintay lang ako
sa iyo"
Natigilan si Faith sa paliwanag nang binatilyon iyon, natawa siya bigla at matapos ay bigla na naman
niyang binatukan ang binatilyo www.xtorya.tk
"So I'm the one who is thinking such things all along. Hay so ako nga talaga ang masama sa
eksenang to" ang sabi niya kay Marcus, at bakas sa mukha ni Marcus ang pagtataka
"Alam mo, hinde ko alam kung nagpapangap ka lang ba, or sadyang inborn ka nang tanga or just
really plain innocent, anyway, bakit hinde mo na lang kasi pinatigil ang ulan kung may kakayahan ka
na tuparin ang isang hiling? Sana hiniling mo na tumigil na lang ang ulan kanina?" ang pabirong sabi
nito sa binata habang hinahanap niya ang P.E uniform na iniwan niya noong isang lingo.
"Kasi, di ko naman pwedeng sayangin ang hiling na to sa ganung dahilan lang, isa pa, para talaga
sayo ang hiling na to" ang sagot nang binata. Natatawa si Faith dahil birong tanong lang naman ang
pagtatanong niyang iyon sa binatilyo at seryosong seryoso naman itong sinasagot nang binata na
para bang totoo ang sinasabi nito. Naiisip tuloy ni Faith na may problema si Marcus, isang sakit na
iniisip niya ay maaring kabilang si Marcus sa tinatawag na Special Child, pero sa itsura naman ni
Marcus at kung paano ito makipagusap sa kanya ay parang hinde naman siya ganun, iniisip din niya
na sadyang isip bata lang talaga si Marcus dahil sa pinagsasabi nito sa kanya. Mayamaya pa ay
nagring na ang bell nang eskwelahan, hudyat nang pagsisimula nang klase
"Marcus maiwan na kita ha? Pagkatapos mong magpalit nang damit, ilagay mo yang bas among
damit sa plastic, lalabahan ko na lang yan at ibabalik sa iyo bukas, tapos isara mo na lang tong
kwarto at itong susi iwanan mo na lang sa makikita mong guard sa may guard post na malapit sa
gate ok? Pasensya ka na din sa akin, mamaya hintayin mo ko paguwi ko ha? Ok? Itretreat kita" ang
sabi ni Faith at nagmadali nang umalis ang dalaga patungo sa kanilang klase. Www.xtorya.tk
Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan nang tumigil ang pagulan at sinunod niya ang utos ni Faith
na agad magtungo sa guard upang ibigay ang susing iniwan sa kanya nito. Natuwa si Marcus dahil
mukhang napagaan niya ang kalooban nang dalaga, at sinabi pa nito na hintayin niya ang dalaga.
Itutuloy......

Hiling
By El Nunal
Www xtorya.tk
Chapter 4
Masayang naghihintay si Marcus sa dating lugar kung saan niya madalas abangan ang dalaga, at
habang naghihintay siya ay nakita siya ni Zoren na nakatayo doon at nilapitan siya nang binatang
iyon
"Kaibigan ka ni Faith di ba?" tanong nito kay Marcus
"Oo, bakit?" ang magiliw na tanong ni Marcus sa binatang iyon
"Alam mo kasi, may ipapakiusap lang sana ako sa iyo" ang sabi nito kay Marcus.
Makalipas ang isang oras ay lumabas na din si Faith, isang linggo na lang kasi at magsisimula na
ang Sports Fest at ilang lingo lang din matapos nito ay magsisimula na ang inaabangan nang lahat
na Senior & Junior Prom. Nagmamadali si Faith dahil iniisip niya na kawawa naman si Marcus dahil
bukod sa nabasa na nga ito nang ulan kanina, matagal pa itong naghintay sa kanya, at natuwa siya
nang makita niya na ang binatilyo subalit nagtaka siya kung bakit tila hinde ito masaya katulad nang
mga nagdaang araw.Www.xtorya.tk
"Huy! Tulala ka diyan?" ang panggugulat ni Faith pero tila di tinablan ang binatilyong iyon
"F-faith sorry, hinde kita napansin" ang matamlay na sabi nito sa dalaga, nagtaka si Faith at
nanibago bigla kay Marcus
"Sandali nga, anong nangyare sa iyo? Wag mong sabihing nagkasakit ka nga?! Teka nga"
at bigla siyang nagalala para sa binatilyo at agad na hinawakan ang noo nito upang malaman kung
may lagnat ba ito o wala
"Hinde ka naman mainit, uhm, teka, may nangyare ba sa iyo at para kang pinagbagsakan nang
langit at lupa sa itsura mo ngayon? Nainlove ka na ba sa isa mga estudyanteng dumadaan dito?"
ang pabirong tanong nang dalagang iyon kay Marcus
Tumango ito na siya naman di inasahang isasagot nang binatilyo.
"Di nga?! Seryoso ka ba?!" ang masayang sabi ni Faith, laking luwad din kasi sa kanya kung may
ibang taong ookupa sa makulet na binatilyong ito. Pero nagtaka ito kung bakit naman ito
malungkot. Www.xtorya.tk
"Bakit ka naman malungkot?" ang tanong muli ni Faith na tila ba nangaasar pa
"Kasi... yung taong gusto ko, may gusto na din pala siyang iba, pero di niya alam na yung taong
gusto niya mayroon na ding mahal na iba" ang malungkot na kwento ni Marcus kay Faith. Hinde
alam ni Faith kung ano sasabihin niya sa binatilyong iyon kaya naman naisipan nitong ayain ang
binatilyo sa parke.
"Manong dalawang ice cream nga" ang sabi ni Faith sa tindero nang surbetes habang si Marcus
naman ay tahimik lang na nakaupo at habang nakatulala at malungkot na malungkot ang itsura nito,
isang bagay na sadyang bumabagabag kay Faith habang pinagmamasdan niya ito
"Marcus oh" ang alok ni Faith sa Marcus habang iniaabot ang ice cream dito. Kinuha ni Marcus ito
subalit hinde naman niya ito kinakain
"Alam mo Marcus, hinde ko yan binile para matunaw lang sa kamay mo, kaininin mo na yan, isa pa,
gaganda ang pakiramdam mo kapag kinain mo yan, yan ang ginagawa ko kapag malungkot ako eh,
subukan mo din baka sakaling makatulong sa iyo" ang sabi ni Faith sa binatilyong
iyon.Www.xtorya.tk
"Sorry, hinde ko alam kung makakatulong nga ito sa akin Faith" ang malungkot na sabi ni Marcus sa
dalaga, napabuntong hininga si Faith na may halong pagkainis sa binatilyong iyon at sabay sabing
"Marcus, diba, ikaw na din ang nagsabi na yung taong gusto mo, eh di naman pala gusto nang
taong gusto niya? Ibig sabihin noon, pagkakataon mo na para umeksena sa buhay niya at malay
mo, pagnapagaan mo ang loob niya eh mapaibig mo siya hinde ba?" ang sabi ni Faith sa binatilyo
"Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko gagawin mo yun?!" ang may kataasang tonong sagot ni
Marcus sa dalaga, nagulat si Faith at tila ba ngayon niya lang nakita ang binatilyong makaramdam
nang inis. Hinde siya sanay na sinisigawan siya pero hinde niya malaman kung bakit ba, sa tono, sa
kilos at sa pinapahiwatig nang binatilyong iyon ay lubos itong nagaalala, hinde niya alam kung para
kanino ba, hinde naman kasi sumagi sa isip niya na siya ang pinagaalalahanan nang binatilyong
iyon, pero hinde siya mapakale at may kakaiba siyang nararamdaman, sa mga kwento at reaksyon
ni Marcus. Maya maya pa ay napansin ni Faith na tila ba may halong gulat, pangamba at takot ang
biga niyang nabakas sa mukha ng binatilyo habang may tinitignan ito sa bandang likuran
niya.Www.xtorya.tk
"Huy, ano ka ba? Wag ka ngang ganyan Marcus, para kang nakakita nang ", at natigilan sa
pagsasalita si Faith, at dahan dahan siyang napatayo sa kinakaupuan niya nang makita niya sa di
kalayuan si Zoren habang may kasama itong paglalakad sa parkeng iyon at kitang kita niya kung
paano nilapat ni Zoren ang labi nito sa kasamang babae na mula sa ibang eskwelahan. Samantala,
si Marcus naman ay di na napigilan pang maiyak habang naalala kung ano ang nangyare kanina
bago pa niya makita si Faith
"Ano yun?" ang sabi ni Marcus sa binata
"Alam mo kasi, hinde ko alam kung paano sasabihin kay Faith to eh, hinde naman ako manhid para
hinde ko maramdaman na may gusto siya sa akin kaya lang " at habang kinakausap ni Zoren si
Marcus ay may isang babaeng tumawag sa kanya matapos nito ay nagulat si Marcus nang halikan
nang babaeng iyon ang lalakeng gustong gusto ni Faith.
"As you see, may girlfriend na ako, kaya naman kung pwede, ikaw na lang ang magsabi sa kanya,
pero hanggat maari, gumawa ka nang kwento at dahan dahan mong ipaalam sa kanya ang sinabi ko
sa iyo, mabait naman siya at maganda pero hinde ko siya mahal"
"Bhe, bakit ba kailangan mo pang magpaliwanag sa mga taong yun?" ang reklamo nang babaeng
iyon
"Bhe, pasensya na, hinde ko kasi kayang manakit nang iba eh, alam mo naman yun di ba?"
"Ikaw talaga, kaya mo ko nakuhang loko ka eh" ang malambing na sabi ng girlfriend ni Zoren
"So, ikaw na bahala sa kanya ha?" ang sabi nito Kay Marcus.
Www.xtorya.tk
Dahan dahang nabitawan ni Faith ang kinakain niyang ice cream habang pakiramdam niya ay
dahan dahang winawasak ang kanyang kaluluwa at ang puso niya ay sinasaksak nang kutsilyo.
Bigla niyang napansin si Marcus na tila ba siya pa ang lubos na apektado, hinde katulad niya na tila
ba hinde tumutulo ang luha, kabaligtaran ito kay Marcus dahil halos parang bukas na gripo at tuloy
tuloy ang pagiyak nang binatilyo, at bigla niyang naalala ang mga sinasabi nang binatilyong iyon sa
kanya
"M-marmarcus, ang ibig sabihin ba na ang, na ang kinu..kinukwento mo sa akin, ay -" ang nauutal
utal na tanong nito sa binatilyo. Nakita ni Marcus ang biglang pagbabago nang emotion sa mukha ni
Faith, ang kalungkutan at pighati, ang bagay na kinakatakutan niya na mangyare. Bigla na lang
naglakad palayo si Faith at dali dali naman siyang hinabol nang binatilyong iyon
"F-faith hintayin mo ko! S-ssandali Faith!" ang pakiusap ni Marcus habang mabilis na lumalakad si
Faith palayo sa lugar na iyon, dahil pilit niyang pinipigilan ang sarili na maluha, hinde talaga niya
inaasahan na siya pala ang sinasabi ni Marcus, na taong mahal may mahal subalit hinde siya mahal
at may mahal nang iba, at sa tuwing naalala niya ang sinabi niya sa binatilyong iyon, lalo siyang
nakakaramdam nang inis sa sarili. Tumigil sa paglalakad si Faith habang si Marcus naman ay
hinahabol ang kanyang paghinga dahil malayo layo na din ang nalakad nila. Www.xtorya.tk
"F-faith o-ok ka lang ba?" ang pagaalalang tanong nang binatilyong iyon sa dalaga.
"Marcus, pwede bang kahit ngayong araw lang wag mo kong guluhin, pwede bang iwanan mo muna
akong magisa? Kailangan ko lang na makapagisip, kailangan ko lang na tanggapin sa sarili ko at
alisin ang isang kahibangang pinaniniwalaan ko noon pa, so please, pwede bang iwanan mo muna
ako?"
"Gusto mo bang mapaibig sa io si Zoren?" isang seryosong tanong ni Marcus, sa tono nito, ramdam
ni Faith na hinde ito nagbibiro.
"Kung yan ang hiling mo, pwede kong gawin yun, sabihin mo lang kung ito ba ang kahilingan mo"
Sa isip ni Faith, gusto niya, gustong gusto niya talagang hilingin na ang pagmamahal, atensyon at
panahon nang lalakeng pinapangarap niya ay matuon sa kanya,kahit siguro kahit sino ay nanaisin
ang ganung bagay, subalit, kahit na nasa ganung sitwasyon siya, nasa katinuan pa din naman siya,
napabuntong hininga siya, isang malalim na buntong hininga, matapos ay nilapitan niya ang
binatilyo at kinaltukan ito
"Hinde matatawag na pagmamahal yun kung gagawin ko yun, hinde pagmamahal ito kung
minamanipula mo lang ang tao para magustuhan ka, sa tingin mo ba magiging masaya ako kung
alam ko sa sarili ko na hinde naman talaga ako gusto nang taong mahal ko pero naging sa akin siya
dahil sa mayroong pumilit sa kanya?" ang sabi ni Faith sa binata
"Uuwi na lang muna ako Marcus, hinde maganda pakiramdam ko, sana maintindihan mo"
Mahinahon na sabi ni Faith sa binatilyo, at umalis na ito pagkatapos
Itutuloy......
Hiling
By El Nunal
Www.xtorya.tk
Chapter 5
"Bakit kaya hinde pumasok si Faith ngayon, nagtataka na ako bakit sa assembly pa lang wala na
siya, hinde siya nawawala doon dahil isa siya sa falicitator doon" ang sabi ni Sarah kay Yumi
"Kaya nga eh, hinde din niya ugali na umabsent kahit na may sakit na nga siya pumapasok pa din
siya di ba? Natawagan mo na ba siya sa kanila kanina nung nagpunta ka sa faculty room kanina?"
ang tanong ni Yumi sa kaibigan
"Oo, sabi nga nang Mama niya, masama daw ang pakiramdam ni Faith at halos maghapon na nga
daw di lumalabas nang kwarto niya, ano kayang nangyare?" ang kwento nit okay Yumi, at habang
naglalakad sila palabas nang eskwelahan ay nakita nila si Marcus na nakatayo sa lugar kung saan
niya madalas hintayin si Faith, agad naisipan nang dalawa na kausapin ang binatilyo.
"I see, so ganun pala ang nangyare" ang sabi ni Yumi habang nasa kainan sila, inaya kasi nila ang
binatilyo na sumalo sa kanila sa pagkain sa isang malapit na cafeteria sa kanilang eskwelahan.
"Sabi na eh, hinde nga ako nagkamali nang dinig sa mga kasamahan ng Zoren nay un na may
girlfriend na ito, iniisip ko kasi baka namisheard ko lang yung sinabi nila, it turns out na tama pala"
ang malungkot na sabi ni Sarah
"Magiging ok kaya si Faith nito?" ang tanong ni Yumi sa tatlo, si Marcus ay tahimik lang na nakikinig,
hinde man ito magsalita, base sa tono nang pananalita nang binatilyo kaninag kinukwento niya ang
nangyare kay Faith, ramadam nila Yumi at Sarah na nagaalala din ang binatilyo.
"By the way, Marcus, salamat sa pagsabi sa amin, at pagsama kay Faith kahapon, kung nagkataon,
hinde natin masasabi kung ano ang ginawa ni Faith" ang sabi ni Sarah sa kanya, ngumite lang ito at
matapos ay nagulat ang dalawa nang biglang sabihin nito sa kanila na
"Pwede ba nating puntahan si Faith sa bahay nila?"
Nagkatinginan ang dalawa at nagkasundo na sumangayon sa hinihiling ni Marcus sa kanila.
Www.xtorya.tk
"Anak, anak, gising ka ba?" ang tawag nang ina ni Faith sa labas nang pinto ni Faith habang ang
dalaga naman ay nakahiga lamang at nakatulala at tila ba hinde pinapansin ang kanyang mama,
alam niya kasi na kapag nagsalita siya ay kukulitin na naman siya nito na lumabas at kumain, subalit
nang banggitin nito na
"May bisita ka, Marcus daw pangalan" at nang sandaling marinig niya ang salitang Marcus ay agad
siyang napabangon at binuksan ang pintuan nang kanyang kwarto
"Nasaan po siya?" ang tanong ni Faith sa mama niya, at hinde pa man nasasabi ng mama niya kung
nasaan ito ay nakita na niya na nasa salas na ito nang kanilang bahay. Dali daling lumapit si Faith
sa binata samantalang si Marcus naman ay biglang napangite nang makita niya ang dalaga subalit
bago pa man siya makapagsalita ay kinaltukan na siya nang dalaga
"Ang kulit kulit mo talaga! Di ba sabi ko sa iyo, wag mo muna ako kulitin?" ang naiinis na sabi ni
Faith dito, subalit napansin niya na di nagsasalita ang binatilyo at namumula ang mukha, nawala sa
isip ni Faith na ang tanging suot lang niya nang sandaling iyon ay sando at panty, bigla ding
sumulpot si Sarah at Yumi at nagulat din na nagpakita si Faith sa binatilyo na ganun lamang ang
suot, sa sobrang hiya ni Faith ay agad na siyang pumasok nang kwarto at nagkatawanan sina Yumi,
si Sarah at ang mama ni Faith. Www.xtorya.tk
"Dito na kayo maghapunan, mukhang alam ko na ang problema nang anak ko ah" ang sabi nang
mama ni Faith. Lumabas din si Faith upang kausapin ang mga bisita niya, matapos nilang kumain,
ay nagpaalam na ang tatlo sa dalaga
"Pakisabi kay Mam na papasok na ako bukas ha? Pasensya na talaga kamo, kung kelan kailangan
ako tska ako nawala"
Ang sabi ni Faith kay Yumi na siyang nagsubstitute sa pwesto niya kanina bilang representante
nang classroom nila sa School Assembly meeting.
"Wala yun, babalik ka na naman bukas eh" ang sabi ni Sarah sa kaibigan at niyakap ni Faith ito.
"Mauna na kami ni Sarah ha" ang sabi ni Yumi sa kabigan at nang yakapin na ni Sarah ang kaibigan
ay nagmadali na silang umalis para maiwan si Marcus at si Faith na magisa.
"Ikaw ano pa ginagawa mo dito?" ang pagtataray ni Faith sa binatilyo
"Ano, kasi... Faith, gusto. gusto ko sanang humingi nang sorry"
At matapos banggitin ni Marcus ang salitang iyon ay bigla na naman siyang kinaltukan nang dalaga
"Kasi pakiramdam ko may kinalaman din ako sa nangyare sa iyo, kaya gusto kong magsorry sa iyo"
"Puro ka na lang sorry, isa pa ano naman ba ang kinalaman mo para magsorr- " biglang natigilan si
Faith naalala na kahit papaano ay may kinalaman nga siya sa nangyare.
"Pero masaya na ako at nakita kita ngayong araw na nakangite" ang sabi pa nito sa dalaga,
napailing lang si Faith at pinitik ang noo nang binata.Www.xtorya.tk
"Sige na, umuwi ka na, kita na lang tayo sa school bukas" ang sabi nito sa binata at nagpaalam na si
Marcus sa dalaga.
Pagkaalis nang binatilyo ay nakaramdam pa din nang lungkot si Faith, pero sa pagkakataong yun,
hinde niya alam kung bakit ba ibang lungkot naman ang naramdaman niya. Nagkibit balikat na
lamang siya at pumasok na nang kanilang bahay.
Kinaumagahan ay pumasok si Faith at isang bagay ang pinagtakahan niya, wala si Marcus sa lugar
kung saan siya nito laging hinihintay, napakibit balikat na lang siya at nagsimulang maglakad na
papasok nang eskwela. Napansin nang iba niyang kaklase kabilang si Sarah at Yumi na matamlay
siya at tila ba masama pa din ang pakiramdam, napansin ni Yumi na hinde ito makapagconcentrate
nang maayos sa klase at tila ba wala siyang naintindihan sa mga tinuro sa kanila nang guro nang
araw na iyon, at halos nagulat ang lahat nang si Faith ang lowest sa quiz nila, kung hinde kasi
perfect ay dalawa hanggang tatlo lamang ang pagkakamaling nagagawi ni Faith,bukod pa doon,
hinde din ugali ni Faith na tumungo sa klase, kitang kita nang dalawang kaibigan niya ang epekto
nang pagiging broken hearted nang kaibigan. Natapos na ang klase at habang naghahanda na sila
pauwi, kinausap ni Yumi at Sarah ang tila aligaga pa din na kaibigan
"Ok ka lang ba? Faith, kung gusto mo, samahan kita sa school clinic?" ang aya ni Yumi sa
kaibigan. Www.xtorya.tk
"Ok lang ako, siguro sadyang wala lang talaga ako sa wisyo ngayong araw to, medyo kulang din
kasi ako sa tulog kagabi" ang sabi ni Faith dito habang nagliligpit siya nang kanyang gamit
"Are you sure na kaya mo Faith? If you want,ipagpapaalam na muna kita kay Mam mamaya since
pupunta ako sa faculty room, I will tell her na ako na lang muna ang magiging in charge sa
gaganapin na sports event, para naman makapagpahinga ka" ang sabi naman ni Sarah sa kaibigan
"Im fine guys, siguro kulang lang ako sa tulog, that's why I'm acting like this, don't worry, kaya ko
naman, I just need a little rest, that's all. By the way, Mauna na ako ha, Sarah, kayo na muna ang
bahala sa pagdodoble check sa mga items na kailangan natin this coming Sports Fest, paki double
check na din yung mga kailangang Icheck para din a tayo magkaproblema on that day" ang sabi ni
Faith sa kaibigan
"Don't worry, ako nang bahala, sige na umuwi ka na at magpahinga, sorry kung di ka naming
masasamahan umuwi at alam mo naman na meron pa kaming meeting mga club leaders" ang sabi
ni Yumi sa kabigan.
"Don't worry, siya mauuna na ako" ang sabi ni Faith at tahimik lang siyang naglalakad, medyo ayaw
pa niyang umuwi nang sandaling iyon kaya naman naisipan na lamang niyang dumaan muli sa
parke at doon magpalipas nang oras. Hinde din niya nakita si Marcus nang hapon na iyon, iniisip ni
Faith na siguro, hinde na ito pinayagan na lumabas nang kanilang bahay dahil nga halos buong
araw ata ay nasa labas ito, at sa tuwing iisipin niya na nandoon lang si Marcus na mukhang tangang
naghihintay sa kanya ay di niya maiwasan na mapangite.
"Faith" isang pamilyar na boses ang kanyang narinig, at di nga siya nagkamali nang hinala nang
makita niya si Marcus
"Oh, nandito ka lang pala? Kanina ka pa ba nandito? Bakit wala ka sa school kanina?" ang tanong ni
Faith sa binatilyo.
"Faith, alam mo ba kung anong suot ko?" ang tanong nang binatilyo sa kanya
"Ha?" ang nagtatakang tanong ni Faith, halos wala naman nabago sa suot ni Marcus, napaisip tuloy
siya kung naliligo ba ang binatilyong ito o sadyang iisa lang talaga ang disenyo nang damit na
sinusuot niya.Www.xtorya.tk
"Ito yung ngiteng hinahatid mo sa akin" sabay ngite ni Marcus. Natawa si bigla si Faith at nagulat
siya nang muli itong magsalita
"Faith, pwede bang humiram nang halik? Pangako ibabalik ko din" at lalong natawa si Faith, tumayo
ito kanyang kinauupuan at biglang kinaltukan ang binatilyo
"Ano bang ka kornihan yang sinasabi mo? Malamang si Yumi at Sarah ang nagturo sa iyo nang
kakornihang pick up lines na yan noh?" ang sabi ni Faith, napansin niya na may kinuha din itong
isang panyo at inaabot sa kanya
"Ano naman gagawin ko diyan? May panyo akong sarili at isa pa hinde ako umiiyak"
"Pwede mo siyang gawing pansinga o kaya naman pampahid sa pwet mo pagkatapos mong dumi"
ang sabi ni Marcus at bigla na naman siyang kinaltukan nang dalaga
"Nangaasar ka ba o ano? Alam mo, kung may sasabihin ka naman sa akin, yung mula naman sa
puso, nakakapanibago ka eh, hinde ka naman ganyan eh, yung totoo, may sasabihin ka ba?"
Ang seryosong sabi ni Faith sa binata, kita ni Faith kung paano biglang namula ang mukha nang
binatilyo, ilang sandali pa ay nagsalita na din ito
"Sorry, kung masyado na akong makulit at hinde ka iniiwan, gusto lang kasi kita makita araw araw"
"Sorry na naman? Well oo.. tama ka, halos ata araw araw eh inaasar mo ko, pero di ka ba
nagsasawa? Lagi mo na akong nakikita eh, lagi din naman kitang sinasaktan, bakit hinde ka
lumalayo sa akin?" ang natatawang tanong ni Faith sa binatilyo
"Kasi gusto kita, gusto ko yung ngite mo, yung buhok mo, yung mata mo" ang sagot naman ni
Marcus
"Ano ba yan, yun lang ba ang dahilan kung bakit mo ko nagustuhan?" ang natatawang sabi ni Faith
sa binata
"Ano pa ba?hmmm kasi gustong gusto ko din ang amoy nang pabango mo sa tuwing malapit ako sa
iyo, lalo na sa tuwing babatukan mo ako, or iipitin ang ulo ko habang kinakaltukan mo ko, yun yung
nagustuhan ko pa" ang masayang sabi ni Marcus at matapos niyang magsalita ay bigla na naman
siyang kinaltukan nang dalaga
"Masochista ka ba?" ang natatawang sabi ni Faith,nagpatuloy ang walang kwentang usapan nila, at
sa bawat minutong lumipas na kausap niya si Marcus ay tila ba unting unti nang gumagaan ang loob
niya at nawawala na ang lungkot na nararamdaman niya, napansin na niya na medyo madilim na
kaya naman nagpaalam na ito sa binatilyo. Www.xtorya.tk
"Marcus, uwi na ako ha, salamat ha?"
"Ha? Salamat saan?' ang tanong ni Marcus
"Basta, sige na, bukas kita na lang tayo" at iniwan na ni Faith ang binatilyo, aalis na din sana si
Marcus nang marinig niyang tinatawag siya ni Faith
"Marcus, halika sandali" ang tawag ni Faith sa binatilyo at agad naman itong nagtungo sa dalaga at
nagulat si Marcus nang bigla siyang halikan ni Faith sa pisnge
"Ingat ka sa paguwi" ang sabi ni Faith at nagmadali itong tumakbo, Tahimik lang na nakatingin si
Marcus habang hinihimas ang kanyang pisnge, ngumite siya at masayang naglakad na paalis nang
parke.
Itutuloy......

Hiling
By El Nunal
Www.xtorya.tk
Chapter 6

Kinabukasan, pumasok si Faith nang maaga at naabutan niya ang binatilyong iyon na nakatayo ,
napangite na lang siya nang makita ito at nang lapitan niya ito ay kinaltukan niya ito bigla
"Aray Faith bakit? May nagawa na naman ba ako?" ang tanong ni Marcus, natawa lang si Faith
matapos ay piningot nito ang tenga nang binatilyo
"Wag ka nang maghintay dito maghapon, pumunta ka na lang dito mamayang ala singko, ok?
Kawawa ka naman at maghapon kang nakatayo dito sa labas"
"P-pero"
"Walang pero pero, hayaan mo, kung sakaling mahuli ka man sa pagbalik dito, ako naman ang
maghihintay sa iyo ok?" ang sabi ni Faith sa binatilyo, matapos ay pumasok na ito sa loob nang
school nila.
"Grabe noh, napakabusy talaga nang week na to" ang sabi ni Yumi at Sarah kay Faith. Kakatapos
lang kasi nilang magasikaso nang mga dapat nilang ihanda sa sportsfest gaganapin na bukas.
"Tara, let's celebrate Faith!" ang sabi ni Sarah sa kaibigan
"Oo nga Faith, sabi nila may bagong bukas daw na bilihan nang mga damit, gusto mong sumama?"
Habang naglalakad sila ay napansin na ni Faith na nakatayo sa sulok si Marcus
"Sorry guys, maybe next time, may pupuntahan pa kasi kami ni Marcus eh" ang paalam ni Faith sa
dalawang kaibigan, nagulat naman sila dahil sa sinabi nang dalaga.
"Mas bagay silang dalawa noh" sabi ni Sarah sa kaibigan habang pinagmamasdan si Faith at si
Marcus na masayang naguusap"
"Oo nga eh, bute na lang at sumulpot yang lalake na yan, somehow madaling makakarecover si
Faith" ang sabi din ni Yumi sa kaibigan.
"Siya nga pala Marcus eto oh" ang sabi ni Faith sa binata habang may iniabot itong isang maliit na
papel, isang ticket para makapasok ang outsider sa kanilang eskwelahan
"Bukas pwede kang pumasok sa loob nang school kasi mayroon kaming Sports Fest, pero iingatan
mo yan ha? Pagpunta mo bukas, ipakita mo lang to sa mga officer nang Student Council na
magbabantay sa entrance nang school"
Tumango lang ang binata at tinago ang papel na ito sa kanyang bulsa.Www.xtorya.tk
"Kaya lang, baka hinde tayo magkita hanggang sa matapos ang Sports Fest na yun kasi incharge
ako halos sa lahat nang mga gaganapin na event at mayroon ding meeting ang Student Council
bukas, pasensya na ha, kasi kung pwede lang sana si Yumi o si Sarah kaso kasali sila sa cheering
squad bukas"
"Ok lang, maghihintay na lang ako sa labas nang school mo" ang sabi nang binata at bigla siyang
binatukan nang dalaga
"Ano ka ba? Pumasok ka! Di ba naikwento mo sa akin minsan na gusto mong makita ang loob nang
school namin? Isa pa" biglang naputol sandali ang pagsasalita ni Faith at tila namula bigla ang
mukha nito sabay sabing
"G-gusto din kitang makita kahit papaano, kahit na busy ako, may pagkakataon naman ako na
makita ka habang nasa labas ako at nagoorganize at nagmamanage sa events eh"
Sa narinig nang binatilyo, napangite ito at tila namula din ang mukha dahil sa mga sinabi nang
dalaga.
"Sorry Faith ha kung nainis ka na naman" ang sabi ni Marcus at muli ay kinaltukan na naman niya
ang binatilyo
"Mukha ka talagang sorry, ikaw talaga, halika nga dito" at matapos pinaglalamutak ni Faith ang
mukha nang binatilyo habang naglalakad sila. Nang sandaling iyon, masaya si Faith, nawala na ang
kirot sa puso niya at nakalimutan na niya si Zoren at ang tanging iniisip na laman niya noon ay si
Marcus. Www.drixxx.tk
Kinabukasan, habang papasok si Yumi at si Sarah sa eskwelahan ay napansin nilang nakatayo ulit
si Marcus sa may labas nang gate, nilapitan nila ito at kinausap
"Oh Marcus bakit nandyan ka lang? Bakit hinde ka pumasok? Pwde naman pumasok ang outsider
sa school naming ngayon , di ba nasabi sau ni Faith kahapon?" ang tanong ni Yumi sa binatilyo
"May binigay ba sa iyo na ticket si Faith?" ang tanong ni Sarah sa binatilyo, pero tila ba hinde ito
makasagot at napansin nila na tila ba problemado ito at malungkot
"May nangyare ba Marcus? Nagaway kayo ni Faith?" ang tanong ni Yumi sa binata
"H-hinde, hinde naman sa ganun, pero baka awayin niya nga ako mamaya" ang malungkot na sabi
nito sa dalaga
"Huh? Bakit naman?" ang tanong ni Sarah
"K-kasi nawala yung papel na binigay niya sa akin kahapon, hinde ko alam kung saan nahulog o
nawala at di ako papasukin pag wala sa akin yung papel na iyon" ang malungkot na sabi ni Marcus
Nagkatinginan si Yumi at si Sarah at biglang natawa. Pinisil bigla ni Sarah ang pisnge nang
binatilyong iyon . Www.xtorya.tk
"Alam mo, mukhang alam ko na kung paano naging interesado si Faith sa iyo, ang cute cute mong
lalaki ka" ang sabi ni Sarah at habang kinakausap nila ang binatilyong iyon ay may isang babaeng
lumapit sa kanila na nakasuot nang pangcheering uniform na kagaya nang suot nila Yumi at Sarah.
"Yumi, may problema tayo!” ang nagaalalang sabi nito sa kanila
“Bakit? Anong nangyare?” ang tanong agad ni Yumi sa babaeng iyon
“Hinde makakapunta si Ashley ngayon, may nangyare daw kasi sa bahay nila na emergency”
“Naku po, paano yan, siya pa naman ang dapat nasa taas nang pyramid formation dahil siya ang
pinakamaliit at magaan sa atin” ang nagaalalang sabi ni Yumi samantalang si Sarah naman ay
tahimik na nakikinig at tumingin sa nooy nanahimik na si Marcus, at pinagmasdan niyang mabuti
ang binata, napakababy face nito at kung iisipin, mukha nga siyang babae at bigla siyang nakaisip
nang ideya.www.xtorya.tk
“May kakilala akong pwedeng pumalit kay Ashley” ang biglang sabi ni Sarah
“Mauna ka na Bea at susunod na lang kami ni Sarah maya maya” ang sabing muli ni Sarah at agad
namang umalis ang babaeng iyon pabalik nang campus, habang si Yumi naman ay tila ba napaisip
kung sino ang sinasabing kakilala ni Sarah
“Sarah, sino naman ang ipapalit mo kay Ashley? Sigurado ka ba na halos kasing katawan lang siya
ni Ashley?” ang tanong ni Sarah sa kaibigan
“Dala mo ba ang make up kit mo?” ang tanong ni Sarah dito
“Huh? Oo, nasa locker room natin bakit?” binulong ni Sarah ang plano niya dito
“Teka, bakit hinde na lang natin – “ agad na naputol ang pagsasalita ni Yumi nang biglang inilapat ni
Sarah ang hintuturo niya sa labi nito
“Shh.. trust me, it will be fine, besides, di ka din ba interesado sa gagawin natin” ang
pangungumbinsing sabi ni Sarah. Www.xtorya.tk
“Ikaw talaga, sige na nga!” ang natatawang sabi Yumi, nilapitan nila si Marcus at ngumite
“May naisip na kaming paraan para makapasok ka Marcus” ang sabi nang dalawang iyon sa
binatilyo na siya namang kinatuwa nang binata.
Itutuloy....
Previous chapters -------->> Xtorya II
Hiling
By El Nunal
Www.xtorya.tk
Chapter 7
“Hi miss beautiful!” ang sigaw nang ibang estudyante sa isang babaeng naglalakad sa hallway,
maging ang ibang senior students ay di maiwasang mapalingon sa babaeng iyon, babaeng di nila
alam ay lalake pala. Nakayuko lang na naglalakad si Marcus at hiyang hiya sa kanyang itsura at
nagblublush siya na nagpapadagdag sa pagiging cute nang istura niya matapos siyang bihisan nang
dalawa nang damit pang cheer leader at ayusan ang binatilyo.
“Grabe Yumi di ko inakalang ang ganda pala ni Marcus kapag nakamake up at wig, somehow naiinis
ako dahil nasapawan niya ata tayo sa pagdating sa ganda ah” ang sabi ni Sarah sa kaibigan
“Oo nga eh… kahit ako medyo naimbyerna sa beauty niya ha” ang sabi ni Yumi.
“Guys! Kanina pa kayo hinahanap ni Sir Rode at magsisimula ang laban sa basket ball” ang sabi
nang isa sa mga players nang basket ball player na kasali sa laro, bigla nitong nakita si Marcus at
dahil sa angking gandang nakita nito sa nagbihis babae na binatilyo ay di nito naiwasang batiin ito
“M-miss, ang cute mo naman, ako nga pala si James” ang pakilala nang binata kay Marcus
“Hoy James! Umiral na naman yang pagiging play boy mo ha! Isusumbong kita kay Bea!” ang sabi ni
Yumi sa binatilyo
“Wag naman, nakikipagkilala lang naman ako eh” ang paliwanag nito sa dalaga at habang naguusap
pa ang dalawa ay hinila na ni Sarah si Marcus palayo.
“M-magchecheer tayo? Di ko alam ang gagawin ko Sarah” ang kabadong sabi ni Marcus sa dalaga
habang naglalakad sila patungo sa basket ball court kung saan gaganapin ang laban. Www.xtorya.tk
“Wag kang magalala, gayahin mo lang kami, tapos, sumabay ka lang sa mga galaw naming, hinde
naman ganun kakumplikado ang gagawin mo eh, isa pa, kung may gagawin ka man, yun eh aakyat
ka lang sa amin papatong at pagnasa taas ka na, ilaladlad mo lang yung kakapitan mong banner na
may pangalan nang school at team namin” ang paliwanag ni Sarah.
“Sa sinasabi mo palang Sarah, kinakabahan na ako” ang sabi ni Marcus habang namumula pa din
ang mga pisngi at di maiwasan ni Sarah na magandahan talaga sa binatilyong ito. Habang
naglalakad sila, nasalubong bigla nila ang dalagang si Ashley at nagulat si Sarah nang makita niya
ito
“Oh! Buti naman at nakarating ka, ano bang nangyare?” ang tanong ni Sarah sa dalaga
“Sorry, kasi sinugod naming ni kuya ang asawa niya kasi manganganak na, nung nadala na naming
sa hospital, sinabihan na ako ni kuya na kaya na niya ang sitwasyon sa hospital kaya naman
dumiretso na ako, isa pa, ayaw ko naman masayang ang lahat nang practice natin sa wala noh” ang
sabi nito kay Sarah, at napansin niya din ang kasama ni Sarah at dahil di pa niya nakikita ang
babaeng iyon pero nakasuot na ito nang cheering uniform na kagaya sa kanila, agad na tinanong ni
Ashley kung sino iyon
“Sarah, ang ganda nang kasama mo ah, ang cute cute pa, pero, parang di ata natin nakakasama
yan sa practice natin, sino siya?”
“Ah, siya ba, ano ah… kaibigan siya ni Faith, si Mar…ria… tama si Maria” ang sabi ni Sarah na
tatawa tawa pa. Www.xtorya.tk
“Kaibigan siya ni Faith at nung malaman niya na baka hinde ka makapunta, tinawagan niya agad si
Maria, pero dahil nandito ka na, pwede nang hinde siya sumali sa cheering natin” ang palusot ni
Sarah sa kasama at naniwala naman ito.
“Marc.. Maria.. gusto mo bang sumama sa amin?” ang tanong ni Saraha sa binatilyo.
“Oh buti at nandito ka na Ashley” ang sabi ni Yumi nang abutan nito ang dalawa na kausap ang
dalaga.
“Sorry kung late ako ha”
“Tara na Asheley punta na tayo sa court, Yumi ikaw na muna bahala kay Maria ha?” ang sabi ni
Sarah at hinatak na ni Sarah si Ashley palayo.
“Maria?” ang natatawang sabi ni Yumi
“Marcus, diretsuhin mo lang tong hallway, at bago ka makarating sa may kanto, makikita mo yung
Studen Council Room, nandoon pa si Faith, diba sabi mo gusto mo siyang makita, puntahan mo na
lang siya doon, mauna na kami ha, good luck” ang paalam ni Yumi at nagmadali na din itong
magtungo sa basket ball court habang si Marcus naman ay kabado at nahihiyang naglalakad
patungo sa lugar kung nasaan si Faith. Nang malapit na siya ay tumayo lang siya sa gilid nang pinto
at pinapakinggan ang pagsasalita ni Faith sa loob nang classroom. Medyo nahihiya at naiilang siya
dahil sa may tuwing dumadaan na mga lalakeng estudyante ay halos mabali na ang leeg nang mga
ito sa kakatingin sa kanya.
“Yes? May I help you dear?” tanong nang isang teacher na lumabas mula sa pintuan nang kwarto
na iyon.
“A-ano po.. kasi…” ang nahihiyang sabi ni Marcus sa gurong iyon
“Ang cute mo naman iha, by the way, since I think you’re one of the cheer leaders, I believe you
have a matter to discuss with Faith right?” ang sabi nito, pipigilan sana ni Marcus ang guro pero
hinde na siya nakapagsalita nang bigla na lang din lumabas nang kwartong iyon si Faith.
“Wow, ang cute mo naman” ang bati ni Faith kay Marcus, lalong nahiya si Marcus at di
makapagsalita
“I think she wanted to tell something” ang sabi nang guro kay Faith
“Ano bang gusto mong sabihin sa akin miss?” ang tanong ni Faith kay Marcus. Dahan dahang
iniangat ni Marcus ang ulo at sinabing
“G-gusto kitang makasama… to stay by your side and make you happy” ang sabi ni Marcus nang
buong puso, nawala sa isip niya na may ibang taong nakaharap doon . Www.xtorya.tk
“Ah… ano… Ms. President, mayroon ba kayong relasyong dalawa nang babaeng ito?”
Nang narinig iyon ni Marcus ay dali dali siyang tumakbo palayo sa kwarto na iyon at natwa lang ang
guro at si Faith sa nangyare.
Hinintay ni Marcus si Yumi at si Sarah sa locker room nila at dahil sa nakabihis pambabae naman
siya ay hinde siya sinisita nang mga dumadaang guard at teacher sa may pintuan hanggang sa
makalipas ang halos isang oras ay dumating din si Yumi at si Sarah.
Tawa nang tawa ang dalawa habang kinukwento ni Marcus ang nangyare sa kanya.
“Marcus, oo nga pala, pinapasabi sa amin kanina ni Faith na kapag nakita ka daw namin, sabihin
naming sa iyo na baka hinde siya makauwi nang maaga at gabihin siya, tapos kailangan pa pala
niyang samahan ang kanyang mama mamaya sa clinic kasi tumaas daw ang blood pressure nang
mama niya”
Ang sabi ni Yum sa binata
“Ganun ba, ok lang… masaya naman ako at nakita ko siya kanina at narinig kung paano siya sa
loob nang eskwelahan na ito kumilos, kaya lang, nakilala niya kaya ako kanina?” ang sabi ni Marcus
sa dalawa
“Baka hinde, grabe ka Marcus, ang ganda mo palang babae kung naging babae ka, naku mas
maganda ka pa nga ata kay Faith eh” ang pabirong sabi ni Sarah sa binata at habang nagbibihis na
si Marcus ay may isang maliit na pouch bag na nalaglag mula sa suot niyang jacket at bigla niyang
naalala ang isang bagay na muntikan niya nang malimutan
“Oo nga pala… ang rason… kung bakit ako nandito” ang sabi ni Marcus sa sarili habang
pinagmamasdan ang hawak na munting pouch bag.
“Marcus, tapos ka na bang magbihis?” ang tanong ni Sarah sa binatilyo, agad nang sinuot ni Marcus
ang jacket niya at muling sinilid doon ang pouch bag. Napansin nang dalawa na mula sa masayang
mukha ay tila ba biglang nalungkot si Marcus
“Oh, may nangyare ba?” ang tanong ni Yumi dito
“W-wala naman… medyo may naalala lang kasi ako” ang sabi ni Marcus
“Ah, alam ko na, since wala na naman tayong gagawin dito Yumi, bakit hinde natin ihatid si Marcus
sa bahay niya? Gusto kong makita kung anong itsura nang bahay nyo, ok lang ba Marcus?” ang
tanong ni Sarah sa binata
“Ok lang naman” ang sabi ni Marcus sa dalaga at nang makapagbihis na din nang uniporme ang
dalawa ay sinamahan na nila si Marcus pauwi, subalit halos isang oras at kalahati na silang
naglalakad pero hinde pa din nila nararating ang bahay ni Marcus
“Marcus, sigurado ka ba na dito ka nakatira? Ang layo huh! Grabe pala ang ginagawa mo tapos
araw araw kang nagpupunta halos sa school naming?” ang sabi ni Yumi sa binatilyo
“Oo nga Marcus, di kaya nagkamali ka lang nang nilikuan o dinaanan?” sabi din ni Yumi dito
“H-hinde sa ganun, sigurado akong dito ako nakatira sa lugar na ito… kaya lang…. hinde ko alam
kung bakit… di ko matandaan kung saan ang address nang bahay ko” ang sabi ni Marcus sa
dalawa. Naalala nila Yumi at Sarah na minsan na ngang nasabi ni Faith sa kanila na parang may
problema si Marcus sa pagiisip pero hinde siya baliw o may sira ulo, bagkus ay para siyang Special
Child pero hinde ito kasing lala katulad sa kaso nang ibang mayroon nito, kaya nga naiintindihan nila
kung bakit ba parang bata minsan si Marcus at napakainosente nang dating nito sa kanila.
Nagtanong tanong ang magkaibigan kung saan ba may nakatirang De Silva sa lugar na iyon
hanggang sa ituro na sila sa isang bahay.
“Eto ba ang bahay mo Marcus?Dito ka ba nakatira?” ang tanong ni Sarah sa binata
“Oo, dito nga ako nakatira” ang sabi naman ni Marcus
“Bute na lang pala at sinamahan ka talaga naming, kung nagkataon eh baka kung saan ka na
napunta” ang sabi naman ni Yumi. Nagdoorbel si Yumi at agad namang may nagbukas nang gate
sa kanila
“Magandang gabi po” ang bati nang dalawang sa isang babaeng nakasuot nang purong itim na
damit, maganda ito at mukhang bata
“Kaya pala ganyan ang mukha ni Marcus kasi maganda din pala ang mama niya noh?” ang bulung
ni Sarah kay yumi”
“Magandang gabi din, sino kayo?” ang tanong nang babaeng ito sa kanila
“Kami po ang kaibigan ni Marcus” ang sagot ni Yumi at Sarah
“Wala na dito si Marcus” ang malungkot na sabi nang babaeng iyon.
“P-po? Ano pong ibig nyong sabihin? Kasama po naming siya, pasensya na kung - ” ang tanong ni
Sarah sa babaeng iyon
“Wag nga kayong magbiro nang ganyan! Kung wala kayong kailangan umalis na kayo!” ang galit na
sigaw nang babaeng iyon sa kanila at bigla nitong sinara ang gate nang pakalabog.
Naguluhan ang dalawa sa sinasabi nang babaeng iyon, sumangayon naman ito na kilala niya si
Marcus subalit pinagtatakhan nila ay bakit hinde nito kinakausap si Marcus na kasama naman nila at
tinignan pa nga siya nang babaeng iyon, samantalang si Marcus naman ay tila ba muling may
naalala, lalo pa nang makita niya ang mukha nang babaeng iyon, dahan dahan siyang napaatras at
tumakbo palayo.
“Marcus sandali!” ang sigaw nang dalawang babaeng iyon habang hinahabol ang binatilyo.
Naabutan nila si Marcus na tahimik na nakaupo habang nakayuko sa isang sulok sa may play
ground na malapit sa lugar na iyon.
Www.xtorya.tk
Samantala, may mga bagay at alaalang bumabalik kay Marcus, mga bagay na hinde niya alam kung
bakit bigla na lamang niya naalala, at bakit ba niya ito nakalimutan sa isang banda.
“A-ayaw ko… ayaw ko… bakit kailangan ngayon pa… ayaw ko” ang naiiyak na sabi ni Marcus sa
sarili.
Nagkatinginan ang dalawa at kinausap ang binatilyo.
“Marcus, di naming tatanungin kung anong nangyare at kung ano rason, pero tatandaan mo sana na
kahit ano man ang mangyare, kaibigan mo na kami”
Ang sabi ni Yumi sa binata habang hinihimas ang ulo.
“Wag kang magalala, hinde naming sasabihin ito kay Faith.. pangako” ang sabi naman ni Sarah at
niyakap nila ang binata. Ramdam naman nila na hinde sila niloloko nang binatilyo, hinde lang nila
talaga alam kung ano ang nangyare at di nila tinangkang alamin pa at dinamayan na lamang ang
binatilyo sa pagdadalamhati.
Kinabukasan, pauwi na si Faith mula sa klase nang makita niya si Marcus na tahimik na nakatulala
“Huy!” ang sabi ni Faith nang bigla niyang gulatin ang binatang iyon at bigla naman napaatras si
Marcus
“Anong iniisip mo Maria?” ang natatawang sabi ni Faith at biglang nahiya at namula si Marcus
“S-sorry kung nagpanggap ako na babae kahapon para makapasok sa school nyo” ang nahihiyang
sabin I Marcus habang si Faith naman ay tawa nang tawa habang naglalakad sila papunta nang
parke.
“Paano mo nga pala ako nakilala?” ang tanong ni Marcus sa dalaga
“Araw araw tayong nagkikita, paanong hinde ko matatandaan yang mga mata mong yan at yang
boses mo na parang pambabae, pero infairness, ang cute mo kahapon, bakit mo ba ginawa yun?”
“Kasi… nawala ko yung papel na binigay mo sa akin kahapon eh”www.xtorya.tk
“Sana humingi ka na lang kina Yumi at Sarah, teka, nakuuu mukhang alam ko na ang nangyare,
pinagtripan ka siguro nang dalawang yun” ang natatawang sabi ni Faith.
“Ang dami mo palang ginagawa noh?” ang sabi ni Marcus kay Faith. Nagsimula namang ikwento ni
Faith ang halos araw araw na ginagawa niya sa school, mga events na binabalak niya para sa
darating na prom night, kung ano ba ang tema, kung formal or semi formal, at kung ano ano pa at
masaya na nakikinig si Marcus, tila ba sinusulit niya na ang bawat minuto at oras na kasama niya si
Faith, hanggang sa dumating na ang oras na pinakaayaw niya, ang paguwi ni Faith.
“Marcus, uwi n ako ha, magiingat ka sa paguwi mo” ang bilin ni Faith sa binatilyo
“Faith…” ang tawag ni Marcus nang patalikod na ang dalaga
“Bakit? Ano yun?” ang tanong ni Faith, inaabangan niyang magsalita ang binatilyo, nabwisit na
natawa si Faith biglang sabihin ni Marcus na
“Ikaw din”
Matapos ay bigla niya itong binatukan
“Ikaw talaga, sige na uuwi na ako, kita na lang tayo bukas” ang paalam ni Faith sa binatilyo.
“Mahal … mahal na kita” ang mahinang sabi ni Marcus habang pinagmamasdan lang ang dalaga,
hinde niya masabi ito dahil alam niya, na hinde niya ito dapat sabihin, o dapat pang maramdaman,
dahil alam na niya ang rason kung ano ang kailangan niyang gawin, at hinde kasama dito ang ibigin
si Faith.
Itutuloy......
Hiling
By El Nunal
Www.xtorya.tk
Chapter 8
Isang linggo ang lumipas matapos ang Sports Event, madalas pa din na nagkikita si Marcus at si
Faith, masaya silang nagkwekwentuhan subalit medyo nababawasan na nga ang oras ni Faith sa
binatilyo dahil sa pagaasikaso sa nalalapit na Senior – Junior Prom. Wala naman ding naging kaso
iyon sa binatilyo at nanatiling masayahin ito sa harapan ni Faith, subalit di maintindihan ni Faith kung
bakit ba parang may nagiba sa mga ngiting iyon nang binata, inisip na lamang niya na maaring
masyado lang siyang nagiisip at binaliwala na lang ang napapansin niyang ito sa binatilyo.
“Sa wakas! Last event of the year at pinakahihintay sigurado nang lahat!” ang masayang sabi ni
Sarah kay Faith
“Naku, for sure madami na namang nagaya na maisayaw kayo bukas noh?” ang sabi ni Faith sa
dalawa habang naglalakad sila palabas nang campus.
“Naku, si Yumi ang madami pero di ko alam kung bakit ba ayaw niyang pumayag sa nagaalok sa
kanya”
“Eh sa ayaw ko eh, isa pa, kasali na nga ako sa Miss Prom night pageant nay an dahil sa inyong
dalawa tapos may hahalo pang makukulit! Naku!” ang reklamo ni Yumi sa magkaibigan at natawa
lang sila
“Eh ikaw ba Faith, may isasayaw ka na ba?” ang tanong ni Sarah sa kaibigan.
“Siguro” ang nakangiteng sabi nito sa magkaibigan, nakita niya na si Marcus na nakatayo sa may
gilid nang gate at nagpaalam na siya sa magkaibigan at nilapitan na agad ang binatilyo.
“Pwede ba outsider sa JS Night natin?” ang tanong ni Sarah kay Yumi
“Oo naman, kaya nga isasama ko ang boyfrie – “ at natigilan ang dalaga sa pagsasalita at
napatingin kay Sarah
“Napakadaya nyo! Si Faith may Marcus ikaw may kasama! Nakakainis naman!” ang reklamo ni
Sarah sa kaibigan
“Eh kasi naman bakit di mo na sagutin yung nanliligaw sa iyo nang may kasama ka din sa JS?!” ang
pabirong sabi ni Yumi sa kaibigan at patuloy na nagkulitan ang dalawa, samantalang si Faith naman
ay kinakabahan na tanungin si Marcus para maging date niya sa JS Prom, habang naglalakad sila
patungo sa parke, napansin ni Marcus na para bang may gustong sabihin ang dalaga sa kanya.
“May problema ka ba Faith?” ang tanong nito sa dalaga
“Bukas ba, pwede kang magpagabi? Hinde ka ba papagalitan sa inyo?” ang tanong ni Faith sa
binata. Www.xtorya.tk
“Oo naman, bakit?” ang tanong ni Marcus
“P-pwede bang… pwede bang maging kadate kita sa JS Prom naming bukas?” ang tanong ni Faith
sa binata habang namumula ito dahil sa hiya.
“Sige ba” ang sabi ni Marcus, napansin ni Faith na tila ba, may kakaiba talaga sa mga ngite ni
Marcus, tila ba may pinagdadaanan ito at pilit lamang na ngumingite para hinde siya magalala, isang
bagay na nakita ni Faith bilang isang nakakatuwang bagay sa binatilyo, at kaya na niyang aminin sa
sarili na nahulog na nang tuluyan ang puso niya kay Marcus.
“Bukas, magkita tayo ha? Hihintayin kita sa gate bukas nang gabi, wag ka nang pupunta sa school
ko nang umaga kasi wala kaming pasok bukas ok?”paalaala ni Faith dito. Hinawakan ni Faith ang
kamay nang binata habang naglalakad sila at siya din naman paghigpit nang hawak ni Marcus sa
kamay ni Faith at kapwa na sila naghiwalay nang daanan nang dumating na sila sa eskinita kung na
daanan patungo sa bahay ni Faith.
Habang pinagmamasdan ni Marcus ang dalaga na unti unting lumalayo sa kanya at masayang
naglalakad pauwi, ay bigla namang tumulo ang kanyang luha, dahil bukas, ang huling araw na
makikita niya si Faith, hinde tumitigil ang agos nang luha nang binatilyo habang malinaw na malinaw
na niyang naalala ang mga nangyare, at dahil alam niya, na hinde talaga siya si Marcus De
Silva.www xtorya tk
Tahimik na nakatulala ang labing tatlong taong gulang na si Marcus habang nakaupo sa isang wheel
chair at kasama niya ang isang pusang tahimik lamang na natutulog nang payapa sa kanyang binti.
Bakas sa mukha nang binatang ito ang labis na kalungkutan, nadiagnosed kasi siya na mayroon
siyang cancer at nataningan na nang doctor ang kanyang buhay, at halos araw araw ay nakikita niya
ang kanyang ina na umiiyak, isang bagay na hinde niya matanggap sa sarili dahil ang nangako siya
noong malakas pa siya na tutulungan ang ina sa buhay, magaaral nang mabuti, at maghahanap
nang magandang trabaho subalit lahat nang pangarap niya sa ina ay gumuho dahil sa sakit niyang
iyon. Nais na niyang mamatay upang hinde na magdusa pa ang kanyang ina. Www.xtorya.tk
“Alam mo, kung wala sana ako dito, sana hinde naghihirap si Inang, sana, hinde nahihirapan
ngayon, siguro, kung mamatay na ako ngayon, mas magiging ok pa si Inang, magiging mas ok pa
siguro siya kung mawala na lang ako sa mundong ito” ang sabi nito sa alagang pusa, maya maya pa
ay may isang babaeng lumapit kay Marcus, at kinausap ito, pinagmasdan nang pusang iyon ang
babae at nagsimulang lambingin ang babaeng iyon.
“Ang cute naman nang alaga mo” ang sabi ng dalagang iyon sa kanya.
“Gusto mo bang sa iyo na lang siya? Mukhang gusto ka naman niya eh” ang sabi ni Marcus sa
dalaga
“Di naman ako mahilig sa pusa eh” ang sabi nito sa binata, natahimik siya nang makita niyang
umiiyak ang binata
“Kasi… gusto ko nang mamatay… atleast kahit papaano… alam ko na may magaalaga sa kaibigan
kong yan” ang sabi ni Marcus sa dalaga
“Wag ka ngang umiyak diyan, at isa pa, tigilan mo nga yang kakasabi mo nang gusto mo nang
mamatay, ano ka ba?”
“Wala na akong natitirang pagasa… dahil the more akong umasa… the more I cling on this hope
that these guys keeps saying to me… the more na nasasaktan lang ang inang, at di ko na kaya
pang makita pang magkaganun siya”
“Wag kang mawalan nang pagasa” hinawakan nito ang kamay nang binatilyo at ngumite
“ Alam mo… mabait kang anak, mabait kang lalake, kita ko sa mata mo na talagang kaya lang gusto
mo nang mawala sa mundo kasi… nakikita mong nahihirapan ang mama mo imbes na sabihin mong
nahihirapan ka na sa sakit mo… pero tatandaan mo… hope is a good thing… maybe the best of
things, and no good things ever dies”
Ang mga salitang ito ang tumatak sa isipan nang binatang iyon, pinagmasdan nang mabuti ni
Marcus ang magandang mukha nang dalaga at tinanong sa kanya. Www xtorya.tk
“Anong pangalan mo miss?”
“Faith, Faith Baltazar”
at nang araw na iyon ay tila ba nabuhayan na siya nang loob,sinimulan na niyang tulungan ang sarili
para makarecover, lumampas siya sa palugit na buwan nang mga doctor sa kanya, dahil dito ay
nakita niya ang inang naging masaya, ang kanyang ina na hinde nawawalan nag pagasa na
gagaling siya, subalit talagang may sa traydor ang sakit na ito, dahil bigla na lamang ulet nanghina
nang sobra si Marcus, hinde na talaga kinaya nang gamot at chemo ang sakit ni Marcus. Ilang araw
bago siya mamatay, ay kinausap niya ang kanyang kaibigang pusa
“Alam mo… hanggang ngayon… gusto ko pa ding pasalamatan ang babaeng yun, ikaw din ba gusto
mo siyang makita?” ang tanong nito sa kanyang pusa.
“Meow!” ang sagot nito sa kanya. Kahit na nanghihina nang sobra, pinilit ni Marcus na itali isabit sa
leeg nang pusang iyon ang isang pouch bag na itim at na may lamang isang singsing, singsing na
binili niya sana para sa ina sa naipon niya sa kanyang baon.
“Sana, makita ka niya at maibigay mo sana sa kanya ang singsing na yan… bilang pasasalamat…
alam kong maibibigay mo sa kanya yan, hinde ako mawawalan nang pagasa, tulad nang sinabi niya
sa akin”
Isang lingo ang lumipas ay namatay din ang Binatilyo, isang bagay na nakita mismo nang pusang
iyon na noo’y tahimik lamang na nakadungaw sa may bintana nang hospital na iyon. Dahil sa
sobrang pagkalungkot, hinde na naalala pa nang ina ni Marcus ang pusang iyon at naiwan ito sa
ospital, at dahil inaakala nang ibang staff nang hospital na iyon na pusakal lang ito, tinaboy nila ito
palayo sa ospital. Naging pagala gala ang pusang ito sa loob nang 2 taon, habang nagbabahay
bahay ito upang hanapin ang dalagang iyon, subalit di inaasahan nang pusang ito na may darating
sa kanyang kapahamakan. Habang naglalakad ang pusang iyon, may nakakita sa pouch bag na
nakatali sa leeg nito at pinaginteresan na makuha ito, tumakbo nang tumakbo ang pusang iyon
palayo subalit patuloy pa din siyang hinahabol nang mga taong iyon hanggang sa makarating ito sa
isang malapit na ilog, agad na nagmadaling umakyat nang puno ang pusang iyon subalit gamit ang
isang tirador, pinatamaan ito nang isa sa mga humahabol dito at nang tamaan ang pusang ito, agad
itong nahulog sa ilog at dahil sa lakas nang tama nito sa ulo, hinde nakakilos nang maayos ang
pusang iyon at tuluyang bumagsak sa ilog, at unti unti itong nawawalan nang malay at bago pa man
ito bawian nang buhay, nagbalik ang alaala na sinasabi nang kanyang dating amo, ang kanyang
kaibigan na si Marcus, at ang mga salitang binitawan ni Faith sa kanyang amo,dahil sa busilak na
hangarin nang pusang ito, mayroong isang nilalang na nakadinig sa kanyang tugon, ang espiritu
nang ilog na iyon, marahan nitong ginabayan ang katawan nang naghihingalong pusa sa isang
pampang, nabasan ito ang ninanais nang nilalang na iyon, at gamit ang kanyang kapangyarihan,
kasama na din ang tulong nang iba pang mga bagay na may buhay sa paligid nang ilog na ito ay
isang himala ang nangyare, ang kaluluwa nang pusang iyon na mayroong iisang hangarin ay nailipat
singsing na daladala nito, at ang layunin nitong ibigay ang pabor na huling hiling nang kanyang
yumaong kaibigan ang siyang nagbigay sa katawang tao sa pusang iyon. Www.xtorya.tk
“Dahil sa iyong mabuti at busilak na hangarin, niligtas kita at binigyan nang katawang tao, upang
magawa mo nang maayos ang iyong ninanais, subalit bilang lamang ang araw na mananatili ka sa
mundong ito, sa ika anim na bagong buwan, babawiin nang nang ilog na ito ang iyong katawang
hiram, sana ay maging malaking tulong ito sa iyo, at ang singsing na iyong ibibigay sa kanya, ay
kayang tuparin ang ano mang hiling subalit, ito dapat ay magmumula sa kaibuturan nang kanyang
puso at walang halong bahid nang ano mang kamunduhan o mapaninsalang kagustuhan”
Pinagmasdan ni Marcus ang kalangitan at nakita na niya ang kabilugan nang buwan, hudyat na
magsisimula na ang bagong buwan, ang ikaanim na bagong buwan.
Itutuloy......
Hiling
By El Nunal
Www.xtorya.tk
Chapter 9
“Wow! You look so damn beautiful Faith! “ ang bati nang dalawa niyang kaibigan nang magkita kita
na sila kanilang campus.
“Kayo din naman ang gaganda nyo sa suot nyong gown eh, so nasaan na yung mga kasama nyo?”
Ang tanong ni Faith sa dalawa
“Boyfriend ko papunta na daw” ang sabi ni Yumi
“Boyfriend?! Kelan pa?!” ang gulat at masayang tanong ni Faith sa kaibigan
“Recently lang, makulit din kasi, mabait naman kaya sinagot ko na”
“Eh ikaw Sarah?” ang tanong ni Faith
“Ayun, pinsan ko, pinapabantayan kasi ako ni Papa at baka daw kasi kung saan mapunta tong JS
na to kasi dito din daw niya nadale si Mommy” ang natatawang kwento ni Sarah
“Eh ikaw? Nasaan date mo?” ang sabay na tanong ni Yumi at Sarah
“Aabangan ko pa sa may gate, nauna na kasi ako dito alam mo naman na kailangan ko pa ding
idouble check lahat for this day”
“Faith, kelan mo ba balak sagutin si Marcus?” ang tanong ni Yumi sa kaibigan
“To..today” ang nahihiyang sagot ni Faith at tila ba parang mga batang kinilig si Yumi at Sarah
“Pero… kukuha na muna ako nang tiyempo para sabihin sa kanya yun” dugtong pa ni Faith
“Ayan ka naman sa tiyempo tiyempo mo eh” ang natatawang sabi ni Yumi.Www.xtorya.tk
“Bahala ka, ikaw din, baka mamaya, kakahintay mo nang tiyempo, mawala na naman sa iyo ang
lalakeng gusto mo” ang sabi ni Sarah, bigla siyang binatukan ni Yumi at narealize nga ni Sarah na
may mali sa sinabi niya
“Sorry friend, im just kidding lang naman”
“Alam ko yun, ano ka ba and besides, this time, ako na mismo ang magsasabi sa kanya”
Tumayo si Faith sa kinauupuan niya at nagpaalam sa dalawa niyang kaibigan
“Sige na maiwan ko na muna kayo at baka nandoon na siya” ang sabi ni Faith sa dalawang
kaibigan”
Medyo matagal tagal ding naghintay ang dalaga kay Marcus bago ito nakarating. Panay nga ang
linga at sipat ni Faith sa mga dumarating sa kanilang school, subalit nagtataka siya kung bakit wala
pa din si Marcus, naalala niya bigla na wala pa ito sa mga panahon na talagang nagtitiis si Marcus
para lang hintayin siya at kulitin sa hiling na sinasabi niya, napangite siya at nakaisip na kung paano
niya masasabi ang kanyang nararamdaman kay Marcus.
“S-sorry Faith, pasensya na kung nalate ako nang dating” ang sabi ni Marcus sa binata
“Wala yun, ano ka ba, all this time na mukha kang timang na naghihintay sa akin noon, isipin mo na
lang na bawi na tayo” ang birong sabi ni Faith at sabay na silang pumasok nang campus.
Masaya ang gabi na iyon para sa mga Senior at Junior students, naisayaw nila ang mga taong gusto
nilang isayaw, mga magkakaklaseng magkakasamang sumali sa palarong nandoon, nag simula na
din ang pageant na inorganiza nila Faith at Sarah at nanalo naman si Yumi dito. Matapos ay
dumating na din ang pinakaabangan nang mga lovers sa eskwelahan na iyon, na nang magpatugtog
na nang love song ang DJ na nandoon at isa isang nagsitayuan ang mga ito at kanya kanyang
partner na kasama. Www.xtorya.tk
“Marcus, tara, sayaw tayo” ang aya ni Faith at hinawakan nito ang kamay nang binatilyo at dahan
dahan silang sumabay sa saliw nang musiko. Matapos nilang magsayaw ay oras na para
magsiuwian ang mga estudyante, naisipan ni Faith na ayain si Marcus sa parke kung saan sila
madalas tumambay tuwing uwian niya, gusto din niya kasi na masolo si Marcus at makausap ito in
private.
“Faith… thank you sa lahat” ang biglang sabi ni Marcus habang naglalakad sila
“Para saan? Dapat nga ako ang nagpapasalamat sa iyo eh” ang sabi ni Faith at umupo silang
dalawa sa isang bakanteng bench doon
“Faith… kung may hihilingin ka… anong hiling yun?” ang tanong muli nang binata. Napangite si
Faith dahil ito na ang inaantay niyang pagkakataon.
“Ayan ka naman sa hiling hiling mo ha, sige ang hiling ko sana – “
“Sandali, may kukunin lang ako, isuot mo muna ito bago sabihin ang hiling mo” ang sabi ni Marcus
at kinuha niya ang maliit na pouch sa suot niyang jacket, napansin ni Faith ang pouch bag na iyon at
napansin niya ang magandang pagkakaburda nang disenyo, halatang hand knitted ito, samanta si
Marcus naman ay dahan dahang binubuksan ang pouch bag na iyon, kailangan kasi niyang ibigay
ang sing sing na iyon at ipasuot sa dalaga bago nito sabihin ang hiling subalit pagtingin niya dito ay
wala na ang singsing doon.
“Bakit nawala… paano to… paano matutupad ang hiling mo kung wala yun, dapat isusuot mo yung
sing sing tapos tska ka hihiling, tapos doon na matutupad ang hihilingin, pero bakit nawawala siya”
ang nagaalalang sabi ni Marcus.
“Baka naman kasi natupad na ang hiling ko, kaya siguro nawala yung ibibigay mo sa akin” ang sabi
nang dalaga, hinawakan niya ang kamay ni Marcus at buong puso nitong sinabing
“Ang hiling ko… Gusto kitang makasama…for you to stay by my side and make me happy, at
mukhang kahit hinde ko pa ata hinihiling yun, tinupad mo na, I guess, you really can make wish
come true after all”
Nagulat si Marcus sa sinabi ni Faith kasunod nito ay naramdaman niya ang paglapat nang labi nang
dalaga sa kanyang labi. Www.xtorya.tk
“I just copied what you just said back there, and I find it really touching and – “
Biglang natigilan si Faith sa pagsasalita nang makita niyang umiiyak si Marcus
“Huy, ok ka lang?” ang tanong ni Faith sa binatilyo
“Salamat… Salamat talaga Faith…. Maraming maraming salamat…” ang sabi ni Marcus habang
umiiyak
“Ano ka ba Marcus, wag kang umiyak,” ang saway ni Faith sa binata pero hinde niya magawang
mainis dito dahil iniisip niya na tears of joy ito, sadyang napakainosente talaga ni Marcus para
umiyak dahil dito, isang bagay na sadyang nakapagpataba lalo nang puso ni Faith para sa binatilyo
“Ano ka ba? Bakit ka ba umiiyak?” ang tanong ni Faith habang nakangite, pakiramdam niya kasi,
alam na niya ang sagot sa tanong niya, iba lang talaga ang dating kapag mula mismo sa bibig ni
Marcus ito manggagaling
“Salamat… maraming salamat talaga, salamat at minahal mo ko, di kita makakalimutan…
pangako… tutuparin ko ang pangako ko sa iyo… salamat talaga”, ang sabi ni Marcus sa dalaga
habang humihikbi hikbi ito
“Sandali nga, naku naman tong lalake na to, kukuha lang ako nang inumin ha, diyan ka lang” ang
sabi ni Faith sa binata. Bumili siya nang softdrinks sa nakita niyang malapit na vending machine at
agad na bumalik kung nasaan si Marcus subalit nagulat siya nang makita niyang wala na doon si
Marcus.
“Teka, nasaan na yung lalake nay un?” ang nagaalalang sabi ni Faith sa sarili, nilibot niya ang
parkeng iyon subalit hinde niya makita si Marcus, nagtanong tanong din siya sa ibang estudyanteng
nandoon, subalit hinde din nila nakita ang dinidiscribe niyang si Marcus, hanggang sa makarating
siya isang ilog kung saan nagaalay nang kandila ang mga tagaroon tuwing bagong buwan, naging
paniniwala na din kasi sa kanilang lugar na iyon na isang araw bago ang Fiesta sa baryo nila,
kailangan nilang magalay nang mga kandila at pasasalamat sa magandang ani, tubig at pagkaing
naibibigay sa kanila nang ilog na iyon, isang matandang paniniwala na nagpasalin salin na sa mga
taong naroroon, subalit iilan na lamang ang gumagawa nito at ngayon nga lang din nakita ni Faith
ang ginagawang iyon nang mga matatanda at iilang kabataan sa kanilang lugar, at sa mga taong
nandoon, nakita niya si Marcus. Dalidali niyang sinundan ang binata, hinde naman iya magawang
sumigaw dahil taimtim ang lahat sa pagdarasal, kaya naman nagmamadali na lamang siyang
maglakad patungo kay Marcus, hinde niya ba alam kung bakit siya nakaramdam nang takot, takot
na mawala si Marcus, dahil sa pagmamadali niya, di niya maiwasang matumba
“Marcus, please wait… saan ka ba pupunta” ang naiiyak nang sabi ni Faith
Nakita niyang humarap si Marcus sa kanya at ngumite, matapos ay may sinabi ito na tumatak nang
labis sa puso niya nang araw na iyon, hinde man narinig ni Faith iyon, nabasa niya sa galaw nang
labi ni Marcus na sinasabing
“S..O..R..R..Y ..M …A… R…A…M…I..N…G…S…A…L…A…M..A..T….
M…A..H..A..L..N..A….M..A..H..A..L..K…I..T..A”
At kasabay nang pagtatapos nang dasal , kitang kita ni Faith kung paano naglaho sa ilalim nang
liwanag na bagong buwan si Marcus.
.............................
“Hello? Oh Yumi?”
“Welcome back! Akala namin hinde ka na babalik dito eh”
Ang sabi ni Yumi na kausap ni Faith sa telepono, halos sampung taon din ang lumipas nang umalis
si Faith sa bayan nilang iyon, mahabang panahon para kalimutan ang nangyare nang araw na iyon,
tinuon ni Faith ang kalungkutan at pangungulila dahil sa taong iyon sa pagaaral, at di naman siya
nabigo’t nakapgtapos nang pagaaral sa college sa kursong pagteteacher at matapos nito ay
pansamantala muna siyang nanatili sa Maynila upang magturo, hanggang sa matanggap niya ang
isang liham mula sa kanya mama na nasa Amerika na nang sandaling iyon na ang lolo niya ay
pumanaw na at sa kanya na pinamana ang dormitoryong hawak nito.
“Pwede ba yun? Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang lugar na to eh, isa pa, iniwan din kasi
sa akin ni lolo tong dormitory na minamanage niya, sabi niya sa mama ko eh alagaan ko daw at
gamitin ko daw ganda ko para manghatak nang mga borders” ang natatawang kwento ni Faith sa
kaibigan
“Eh balita ba sa love life mo?” tanong ni Yumi sa kaibigan
“Naku, wala na akong panahon diyan, alam mo naman pag teacher ka madami kang gagawin
madaming lesson plans, madaming mga students na kailangan bigyan nang grades, by the way,
teacher na din ako sa Alma Matter natin” www.xtorya.tk
“Really?! That’s great, hoy! Baka mapagiwanan ka nang panahon at baka amagin na yang bahay
bata mo!” ang pangaasar na sabi ni Yumi sa kaibigan
“Di ka pa din talaga nagbabago Yumi, o siya, mamaya na lang ha, nandito na ako sa dorm, call you
later ok? “ at binaba na ni Faith ang tawag, pinagmasdan niya ang building na iyon at hinde naman
pala ito napabayaan nang lolo niya pagdating sa maintenance, at habang nakatingin siya sa dorm
ay may bigla siyang nakitang umupo sa harapan niya, isang pusa
“Meow!” ang bati nito sa kanya
“ikaw ba ang tagapagpabantay nang Dorm ni lolo ha?” Ang bati nito sa pusa, kinuha niya ito at
pinagmasdan, at nang matitigan niya ito sa mata, hinde niya alam kung bakit naalala niya ang taong
iyon, napangite siya at napailing
“Ano ba tong iniisip ko, alam mo, hinde ako mahilig sa pusa, pero dahil nauna kang natira dito, no
choice na ako kung hinde alagaan ka”
At hinalikan ni Faith ang pusang iyon sa ulo nito..

Hiling
By El Nunal
Www.xtorya.tk
Chapter 10
“Rick? Rick? Huy! Rick!” isang boses ang narinig ni Rick, nakatulog na pala siya, at nagkaroon nang
isang kakaibang panaginip, subalit nakita niya ang pusang iyon na nakatitig pa din sa kanya, at tila
ba bago siya magising nang tuluyan ay narinig pa niya ang sinabi nito
“Pakisabi sa kanya… Sorry…. Sorry sa lahat, sana mapatawad niya ako” matapos ay lumapit ang
pusang iyon sa kanya at ikiniskis ang ulo nito sa kanyang binti
“Alam mo Rick, napansin ko lang na grabe ata ang lambing sa iyo nang pusang yan” ang sabi ni Ms.
Faith sa estudyante niya,
“Mam, paano pong hinde magiging lapitin nang pusa yan eh amoy isda” ang pangaasar ni Rhue.
“Well it’s getting late now, mabuti pa ihatid ko na kayo sa labas” ang sabi nang guro sa kanila.
Kinabukasan, natapos na ang klase nila Rick, at nagpaalam na sila kanilang guro.
“Ok ka lang ba Rick?” tanong ni Rhue sa kaibigan nang uwian na sila, kagabi at buong maghapon
kasing balisa si Rick
“Wala to Rhue, may iniisip lang kasi ako, panaginip ko simula pa kagabi?”
“Baka puro kalibugan na naman yang panaginip mo, bawas bawas din kasi kakapanuod nang
scandals” ang pangaasar ni Rhue sa kaibigan
“Teka, diba tagarito ka?” ang tanong ni Rick sa kaibigan
“Malamang adik lang? Ano bang natira mo at para kang timang ngayong araw na to? Are you
drugs? Are you high?” ang sabi ni Rhue na inaasar ang kaibigan pero tila ba nagtataka na ito kung
bakit nagkakaganun ang kaibigan.
“Anong date ngayon? Tanong ni Rick”
“Uhm… teka 27 nang November, diba nga bukas wala tayo pasok kasi 28 JS prom natin”
“Teka, bukas ba nang madaling araw, may ginagawa ba kayo sa ilog dito?” ang tanong ni
Rick. Www.xtorya.tk
“Ahh yung Hiling sa Diling Ilog, oo ginagawa ni Mama at Papa yun, pati nang mga tito at tiya ko,
pasasalamat daw yun sa mga blessing na naibibigay nang ilog na nandito sa bayan natin, teka, bakit
mo naman naitanong”
“W-wala naman, natatawa lang ako bigla tuloy na ewan… siya, mauna na ako” ang paalam ni Rick
sa kaibigan
“Wirdo talaga nung mokong na yun ngayong araw” ang sabi ni Rhue at naisipan na din na umuwi.
Kinabukasan, lahat nang mga estudyante ay excited dahil ngayong gabi, maisasayaw nila ang mga
crush nila sa sayawan at ang mga magsweetheart ay may time na naman para maging intimate sa
isa’t isa, subalit kung anong excite at saya ang nararamdaman nang mga tao doon, tila ba
pumapasok pa din sa isip ni Rick ang napanaginipan niya noong isang araw
“Hoy! Bakit tulala ka?!” ang tanong bigla ni Rhue sa kaibigan
“Akala ko aayain mong magsayaw si Lady eh kanina pa yun nagpapainit nang bangko oh” sabi ni
Rhue habang tinuturo ang kaklase nilang si Lady
“Wala ako sa mood bigla eh, di ko alam, parang may dapat akong gawin ngayon araw na to pero
wala akong ideya kung ano eh” sabi ni Rick sa kaibigan
“Rhue, tara sayaw tayo” ang aya nang mvp player nang kanilang school na si Jhayvee, agad naman
na pumayag ang dalaga at iniwanan na lang muna ang kaibigan.
“You seems to be bothered Rick, nangyare sa iyo?” tanong nang Miss Juinor Prom of the Night na si
Mikhaela . Www.xtorya.tk
“Yeah, medyo may iniisip lang ako, anyway congratulations ha” ang sabi ni Rick sa kababata
“Thank you, what seems to be the problem ba? Di ako sanay na tahimik at sulking ang isang Rick
Ramualdez” ang sabi ni Mikaela
“MikMik, ewan ko ba, it might sound crazy pero, for some reason, that dream is like a message that I
should relay to someone, di ko alam”
“Miss and Mister Jr and Sr. Prom King and Queen of the Night, kindly get on the stage please” ang
tawag nang MC na nasa stage.
“Well I’ll be going now, why not do what you think you should do by the way, I know that you’re never
wrong when you’re having a hunch about something” ang sabi ni Mikaela at napaisip nga si Rick na
hinde siya nagkakamali sa mga kutob niya, hinde pa siya binigo nito kahit minsan,kaya naman
naisipan niyang hanapin ang kanilang guro na si Ms. Faith
“Oh, di nyo ba alam na hinde pumunta si Ms. Faith?” ang sabi ni Mrs. Ynah na nasa faculty room
nang nang sandaling iyon
“She just called earlier this morning na baka bukas pa siya pumasok kasi nga may sakit siya hinde
ba?”
Ang sabi nito sa binata, at naisip ni Rick na hinde siguro masama ang pakiramdam ni Ms. Faith kung
hinde ayaw lang niyang magpunta dahil nga sa isang alaalang gusto niyang kalimutan. Uwian na
noon at naglalakad na pauwi si Rick nang bigla niyang makita ang pusa ni Ms. Baltazar at agad
itong lumapit sa kanya, mayamaya pa ay nakita na niya si Ms Faith na nanakbo at hingal na
hingal. Www.xtorya.tk
“Salamat at nahuli mo ang pusa ko na yan, nanakbo kasi bigla palabas nang bahay, pasaway na
pusa “
Ang natatawang sabi ni Ms. Baltazar at iniabot ni Rick ang pusa sa guro
“Mam, pwede magtanong? Bakit kayo nakakatakbo kung masama pakiramdam nyo?” ang tanong ni
Rick sa guro
“Wag kang maingay na nakita mo ko ano ka ba? Ang dami kasing trabaho today sa faculty so I need
to make an excuse, ayaw ko kasi talaga na magaasikaso ako sa mga JS JS nay an, and besides,
mukhang magkakasakit nga ako dahil sa pusa na to, pinagod ako nang pusa nato” ang sabi ni Faith
habang nilalapirot ang mukha nang pusang iyon
“You better get home as well Mr. Rick, halika at sumabay ka na sa akin di ba dito din ang daan mo
pauwi? Ang utos nang guro at agad naman sumunod si Rick, nakita ni Rick na nakatingin sa kanya
ang pusa at maya maya pa ay bigla itong tumalon palayo kay sa guro
“Naku naman talagang pusa to pasaway aba” ang sabi ni Ms. Faith at madali nitong hinabol ang
pusang iyon subalit bigla siyang natigilan sa paglalakad sandali nang makita niyang nas may
bandang ilog na pala sila
“Mam, minsan ba may nagsabi na sa inyo na tutuparin niya ang hiling nyo? Ang tanong bigla ni Rick
sa guro. Natigilan si Faith at agad na tumingin sa estudyante, at kita sa mukha nang guro ang
pagkalungkot
“Actually, meron…”
“Mam, tara, baba tayo, hanapin ang pusa mo” ang sabi ni Rick at nauna na itong bumaba sa hagdan
patungo sa mga taong mga nagpapaanod nang kandila na nakapatong sa isang manipis na kahoy
na hugis bangka.
“Mam, anong pangalan nang pusa nyo?” ang tanong ni Rick habang naglakad at hinahap ang
pusang iyon nang guro
“Wala, hinde ko kasi siya mapangalanan, isa pa, hinde ko naman kasi talaga pusa yan, bigla na lang
din sumulpot yung pusa nay un nung dumating ako dati dito”
“Mam, sa tingin ko… may pangalan ang pusang yan… at mukhang alam nyo din kung anong
pangalan niya”
“A-ano?” ang nagtatakang tanong ng gurong iyon sa estudyante.
“Mam, may nagsabi na din ba sa inyo... na gusto ka niyang makasama… to stay by your side and
make you happy”
Nagulat si Faith sa sinabi nang estudyante
“Mr. Rick. Where are you getting this? Paanong – “
“Meow!” narinig bigla ni Faith ang pusang iyon, at hinde niya alam kung namalik mata ba siya o dahil
sadyang bumalik ang alala nang nakaraan dahil, nang maliwanagan nang sinag nang buwan ang
kinakatayuan nang pusang iyon, ay nakita niya bigla si Marcus at dahan dahang niyang nilapitan ito
subalit nang ilang hakbang na lamang siya ay nawala ang liwanag nang buwan at nakita niya ang
pusang ito na malambing na imiikot ikot sa kanyang paa.
“Mam kagabi kasi, I had a dream… or I would rather say a message, from someone special from
you past, sa tingin ko… gusto niya na maging masaya na kayo, gusto niya siguro na makalaya na
kayo sa seldang kayo mismo ang gumawa, siguro mam, kaya niya sinabi sa akin ang lahat lahat…
dahil sa tingin niya, nabigo siya sa pagtupad nang hiling na hiningi nyo sa kanya pero sa huli,
naiwan at nasaktan lang niya kayo, at gusto niyang sabihin na Sorry… sana ay mapatawad mo siya”
Tahimik lang na nakatyo si Faith habang pinagmamasdang ang pusa, at ilang sandali pa ay tumulo
na ang luha niya, mga luhang kay tagal niya tinago, kinimkim, sinarili, dahil hinde niya magawang
kalimutan ang binatang minahal niya sampung taon na ang nakakaraan, at sinara niya na ang puso
at alam niya sa sarili niya na may mga pagkakataon na siyang pinalampas na magkaroon nang
makakasama sa buhay dahil sa takot na baka iwanan din siya ng mga taong iyon at ayaw na niyang
danasin ang sakit na naramdaman niya noon, subalit, hinde niya alam, na all this time, kasama na
pala niya ang tao… but in this case… ang nilalang na minahal niya noon at tinupad naman nito ang
sinabi niya na nasa tabi niya ito palage simula nang dumating siya, naalala pa niya na naikwkwento
nga nang mama niya na may pusa siyang tinataboy noon sa kanilang bahay nang umalis siya
pamaynila, marahil, noon pa man ay gusto na ng pusang ito na makita siya at
makasama. Www.xtorya.tk
Niyakap niya ang pusang iyon at natawa sa sarili dahil sa naisip, na umibig pala siya sa isang pusa.
Nagpaalam na si Rick sa guro na may maluwag na damdamin at magaang pakiramdam matapos
niyang masabi ang mga gustong ipasabi ni Marcus sa kanya samantalang si Ms. Faith naman ay
tahimik na naglakad pauwi habang buhat ang pusang iyon
“Marcus… salamat sa lahat… sana, masaya ka na at natupad mo na ang gusto mo… sabi na at
may kakaiba sa iyo unang araw pa lang na makita eh, di ko alam kung naiintindihan mo ako pero,
promise, dina ako malulungkot, ikaw talaga, hayaan mo di ko na ikukulong ang sarili ko at di na ako
matatakot na buksan ulet ang sarili na magmahal ulet, I guess after all this time, you really still cared
so much for me”
Ang sabi ni Faith sa pusang iyon habang natatawa sa sarili at habang naglalakad siya papunta nang
parke upang tumambay . Www.xtorya.tk
“Meow” ang sabi nang pusang ito, tumalon ito at bumaba sa binti ni Faith habang nakaupo sila sa
bangko, hinayaan lang ni Faith na umalis ang pusang iyon at ilang sandali pa ay may dala dala na
itong pouch bag na maliit, nagulat siya dahil kaparehas ito nang pouch bag na nakita niya noon na
hawak ni Marcus, hinde siya maaring magkamali sa disensyo nang pouch na iyon
“Naku, saan kaya nagpunta ang pusa na iyon, sa lahat naman nag kukunin niya bakit yun pa” ang
sabi nang isang lalaki habang nililibot ang paningin at nakita niya ang pusang iyon at si Faith, at
hawak nito ang pouch na na hinahanap niya
“Miss, salamat at nakuha mo ang pouch na yan, pinahirapan akong nang pusang yan ah”
Ang sabi nang lalakeng ito, hinde naman makakibo si Faith habang pinagmamasdan nang mabuti
ang pouch bag na iyon, agad niyang tinanong ang lalakeng ito
“S-saan mo nakuha ang pouch na to?”
“Oh, that, momento ko yan from my friend who died long time ago, actually, it also have a ring inside
nga daw sabi ni Tita, she kept it dahil may paglalaanan daw ang anak niya nang singsing na iyon,
dalawang pouch daw yan before na she hand knitted , but the other bag daw went missing, hinde
niya alam kung saan napunta, but wala naman daw laman ang pouch na yun”
Nagbalik sa alaala niya ang reklamong iyon ni Marcus, napailing siya at napangite.
“Actually, I am looking for that person nga, I was informed na dito daw nakatira si Faith Baltazar, I
am trying to look for her address but when I reached her house, wala naman sumasagot, sabi sa
akin, umalis na daw yung dating tenant nang bahay na iyon, so I guess I got the wrong info, I was
just resting here sa park na ito and preparing my stuffs to leave when that cat suddenly appeared
and grabbed that pouch, natuwa sigro itsura, well anyway, salamat, nice talking to you by the way
miss?”
“Faith, Faith Baltazar” ang pakilala ni Faith sa binatilyo
“For real?! Wait wait… so you’re the girl, from this letter?” ang di makapaniwalang tanong nang
binatang iyon
“Dapat pala na pasalamatan ko ang pusa na yun sa pagtulong sa akin, who would have thought na
makikita ko din ang girl that I’ve been looking for”
Hinanap ni Faith ang pusang ito nang mapansin niyang nawala ito sa upuan, at nang malingon siya
sa isang parte nang pakeng iyon, ay nakita niyang muli si Marcus, nakangiti at kumakaway, ngumite
din si Faith at kumaway, nakuha na niya ang gustong iparating nito, pinakawalan na niya ang sarili
sa pagkakakulong sa hawlang siya din mismo ang may gawa, marahil, ang totoong hiling niya, na
tinupad ni Marcus, ang isang hiling na minsan niyang sinabi sa pusang iyon
“Sana mingming, makamove on na ako, at may makilalang tutupad sa hiniling ko noon”
“By the way is Ben, Ben Javier” at nakipagkamay ang dalaga dito.
“So, tell me, why sudden interest in finding me” ang tanong nang dalaga sa binata
“Well, it will be a silly long story so bakit hinde tayo magpunta sa isang kainan and let’s continue our
conversation there”
“Sure, but you’re treat ok?” ang natatawang sabi ni Faith sa binata.
at sabay na silang naglakad habang masayang naguusap patungo sa lugar kung saan inaya ni Faith
ang binata.
Wakas

You might also like