You are on page 1of 1102

That Twisted Love Story

by pilosopotasya
If you ever thought that you already have that perfect love story you've
always dreamed of, think again. Everything in this world is not what it
seems to be. Everything's twisted, including your story.

=================
That Twisted Love Story

"Kahit buhay mo ang kapalit?"


"Kahit buhay ko pa."
"Para sa kanya lang?"
"Para lang sa kanya."

~ ~ ~
3rd POV. Less comedy, more on drama, real life and tragedy. Seryoso ito
pero hindi nakakaiyak. Seryoso lang. Mind twisting story. You might give
up in the middle. Read between the lines.
***WILL EDIT AND REVISE THIS SOON TO MAKE IT MORE READER FRIENDLY.
READING THIS WILL MAKE YOU CRAZY. READ AT YOUR OWN RISK***
~ ~ ~
Wattpad pilosopotasyaFormer "Love's Limit"Created: November 7,
2011Stopped: April 27, 2012
Now entitled "That Twisted Love Story"Revised: June 12, 2013Finished:
June 12, 2014

=================
1 // Sight at First
"We sometimes encounter people, even perfect strangers, who begin to
interest us at first sight, somehow suddenly, all at once, before a word
has been spoken." Fyodor Dostoyevsky

~ ~ ~

Ano bang pakiramdam na ma-in love?

Ito ang pambungad na tanong ni Ces.

Madalas siyang kiligin sa mga binabasa niyang love story dahil ramdam
niya ang pagmamahal sa mga librong nabasa na niya pero lagi siyang
nagtatanong: ano ba talaga ang pakiramdam kapag ikaw mismo ang na-in
love, yung totoong love na talaga? Masaya? Nakakatuwa ba? Masarap ba sa
pakiramdam? Anong pakiramdam? Yan ang mga tanong ni Ces.

She's a romantic. Naniniwala siya sa tinatawag na "pagmamahal."


Naniniwala siya na may taong nakalaan para sa kanya. Isang lalaki na
handa siyang ibigin ng tunay. Isang lalaki na mas hihigit pa sa mga
lalaking nababasa niya sa kwento. Ganito nga siguro ang epekto sa kanya
ng mga binabasang love stories: napupuno siya ng mga paniniwalang
madaling abutin pero sobrang hirap hanapin. She's a romantic. . . a
hopeless one.

Wala, nakakaumay, huwag mo nang i-try, sagot sa kanya ng katrabaho sa


cake shop at isa sa mga kakaunting kaibigan niya na
nagngangalang Marciella. Which is prohibited itawag kaya naman mas prefer
ng kaibigan na tawaging Marky. Astigin.

Nakakaumay pero lagi kang may boyfriend?

Umirap si Marciella o Marky nang natatawa pagkatapos makuha ang bag nito
sa kanyang locker. Masarap lang mag-boyfriend kasi libre ang lahat, pero
nakakaumay na kapag nagtatagalbabae na nanlilibre.

No boyfriend since birthhindi inaakala ng iba na si Ces ay isang babae


na virgin sa lahat: virgin sa holding hands, sa akbay, sa hawak sa bewang
at kiss sa cheeks. Tulad ng mga clich protagonist, si Ces ay magandang
babae kapag inayusan pero dahil sa tamad ito at walang time, lagi lang
naka-ponytail ang buhok niyang kapag inilugay ay hanggang bewang na ang
haba. Hindi na rin kasi siya nagulat dahil hindi siya palaayos. . .
ngayon pa naman, mas titingnan ng mga lalaki ang nag-aayos kaysa sa
hindi.

Maswerte na nga rin siya dahil kahit papaano, napapansin siya ng mga
tricycle driver, mga katabi ng truck driver o kung sino pang obvious na
walang magawa sa buhay. Well, it's a small step. Atlease hindi siya 'nonexistent' talaga.

Ganun?

Oo at kung gusto mong i-try, simulan mo nang ayusin ang sarili mo, aba
naman, Ces. Lumapit sa kanya ang kaibigang si Marky at hinawakan ang eye
glasses niya. Pati glasses mo, halos ilang months nang may tape. Palitan
mo na. Ayusin mo kasi ang sarili mo.

Kung si Ces ay simple lang, kabaligtaran naman nito si Marky. Si Marky ay


isang babae na hindi lumalabas ng bahay nang walang make-up sa mukha.
Hindi siya madalas mag-jeans dahil kung hindi ito naka-skirt, naka-short
shorts itoflaunt your assets daw kasi dahil kahit morena si Marky at

maganda ang katawan nito. Siya rin ang tipo ng babae na hindi nawawalan
ng boyfriendever.

Wala akong time, sabi ni Ces.

O, e di huwag kang mag-love life. Wala ka palang time, e, pang-aasar ni


Marky sabay tawa.

Ngumiti lang si Ces; wala rin kasi siyang sense of humor. Hindi niya
nage-gets ang sarcasm sa sinasabi ni Marky. Pero kahit ganito si Ces
isang seryosong tao na walang sense of humor---natutuwa pa rin si Marky
sa kanya.

Masarap kasing utuin.

Lumabas na silang dalawa sa locker habang dala-dala ang kani-kanilang


bag. Nagpaalam na rin sila sa kanilang manager dahil tapos na ang
kanilang shift sa cake shop para sa araw na yon. Pero habang naglalakad
papuntang sakayan, naisipan ni Marky na tumambay muna sa ice cream
parlor.

Magkaiba man ang ugali nilang dalawa, nagkakasundo pa rin sila sa ice
cream.

Ano pong flavor? tanong ng nagbabantay.

Bubble gum! sabay nilang sigaw na ikinagulantang naman ng nagbabantay.


May usapan kasi sina Ces at Marky na kung sino ang unang magsasabi ng

flavor ay ililibre ng nahuling magsabi pero ngayon, tie sila kaya kanyakanyang bayad ang nangyari.

Naupo sila sa nakalaan na upuan para sa customers doon sa ice cream


parlor matapos nilang bayaran ang ice cream.

Kamusta naman sa new school mo? Mukhang naging busy ka, a? pagtatanong
ni Marky. In fairness, na-miss ko ang pagiging seryoso mo.

Aminin mo na lang na nami-miss mo ako, nakangiting sabi ni Ces. Pero


busy, sobraat ibang-iba siya sa school ko dati.

Pang-mayayaman kasi dun, di ba?

At pang mga maaarte, dugtong ni Ces.

* * *

Naaalala niya ang unang pagkakataon na tumapak siya sa napaka lawak na


ground ng bago niyang paaralan. Isang paaralan na pinagsama-sama ang apat
na nagsisilakihang building para sa mga mag-aaral nito. Transfer student
siya in the middle of July, napakapapansin lang. Sobrang late na niya for
late enrollees pero tinanggap pa rin siya ng school dahil maganda ang
grades niya at scholar siya.

Nakatingin ang halos lahat ng tao na nasa ground sa kanya noon. May
napansin pa siyang isang babae na naka-micro-mini skirt at tinitigan siya
mula ulo hanggang paa sabay tawa. Napatingin naman siya sa hitsura niya.

Sa pagkakaalam niya, maayos naman ang shirt, jeans at chucks na bili niya
sa Divisoria pero bakit siya pinagtawanan?

Pinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa na-realize na lang niya,


mukhang katawa-tawa nga ang hitsura niya ngayon. Nalula siya sa mga
babaeng nagsisitangkaran pero naka-heels pa rin na hindi bababa ng three
inches ang height ng mga takong. Napansin din niyang nagpapanipisan at
nagpapakulangan ng tela ang mga babaeng nandoon.

Teka, estudyante pa ba ang mga 'yun?

* * *

Pagpasok ko sa classroom, disaster, patuloy na pagkukuwento ni Ces.

* * *

Pagpasok ni Ces sa classroom gamit ang nag-iisang pinto na nasa unahan,


napatigil ang mga kaklase niya at napatingin sa kanya. Pero hindi pa
umabot sa one second ang pagtigil na yun dahil mukhang hindi yata
papatinag ang mga iyon sa mga pinag-uusapan nila.

Have you tried pink gloss on your lips?

Ang hot nung nakatabi ko sa pila kaninabakat ang abs sa fitted shirt
niya!

Dude, gandang chicks. Ang laki.

A, yung auto ko? Wala, pinamigay ko na. Di ba nagasgasan yun? Bumili


na lang daw kami ng bago, sabi ni dad.

Umupo si Ces sa pinakaunahan malapit sa pintuan. Nagtataka siya dahil


walang nakaupo sa unahan. Lahat ng kaklase niya ay nasa may likuran at
nagdadaldalan. Pagpasok ng Prof. na siguro ay nasa mid 30s, walang
pumansin dito.

Siyempre, lalong nagtaka si Ces.

Nagkatitigan sila ng Propesor at nagkangitian. Kitang kita sa ekspresyon


ng Propesor na natutuwa itong makita si Ces. . . sa kadahilanan ay hindi
rin alam ng dalaga.

Bago ka? tanong ng Prof. Tawagin mo na lang akong Miss A. Ikaw?

Ces na lang po.

Tumango ang Prof. sa sinabi niya pero hindi pa rin tumitigil sa


pagdadaldalan ang mga kaklase niya. Ang akala niya ay ganito lang talaga
sa first day pero the next day, and the next day hanggang sa one week na
ang nakaraan, wala pa rin, hindi pa rin pinapansin ng mga kaklase niya
ang Prof.

Miss. Tinaas ni Ces ang kanyang kamay habang nagle-lecture si Miss A


nang wala namang nakikinig kundi siya. Tinawag siya ni Miss A. Bakit po,
hindi niyo sila pinapatahimik?

Ngumiti naman si Miss A sa tanong niya. Wala akong karapatang


magreklamo; pinapasweldo lang nila ako.

* * *

Huwat? Grabe naman 'yang school mo, puno ng mga matapobre! Napatigil
sandali si Marky sa sinabi. Wow, matapobre. Big word! natatawa niyang
sabi.

Sumimangot si Ces habang naaalala niya ang mukha ni Miss A sa tuwing


nagsasalita ito sa harap na wala namang nakikinig. Nakikita niya na ang
ngiti nito ay pilit, na para bang nahihirapan na.

Gusto man niyang tanungin si Miss A tungkol dito, hindi niya magawa.
Actually, wala talaga siyang magawa dahil wala naman siyang karapatan.
She's not your type of heroine na maglalakas-loob para tumayo at sumigaw
sa klase na huwag nilang bastusin ang professor sa harap. Hindi siya
'yung tipo ng babae na kayang magmatapang na kahit laking-hirap lang siya
ay ipapamukha niya sa mga mayayaman niyang mga kaklase na wala silang
kuwenta.

She can't do that. Mahirap naayaw niya ng spotlight.

Sobra, Marky. Kung hindi lang ako scholar doon. . .

Masaya ka naman ba sa school mo?

Sa pagtatanong ni Marky, napangiti na lamang si Ces sa naalala. Kaya nga


pala niya tinanong kay Marky kung anong feeling na ma-in love dahil may
isang bagay na nangyari sa kanya noong Friday, lunch time sa canteen.

May nakilala ako, pangunang kuwento ni Ces. Napangiti naman si Marky sa


narinig dahil ito ang unang pagkakataon na magkuwento si Ces tungkol sa
isang tao na nakilala nito. Medyo. . .medyo anti-social kasi itong si
Ces. Lalaki, dagdag pa nito.

Ohmaygahd, lalaki! Lalong natuwa si Marky dahil hindi pala simpleng tao
lang ang nakilala ni Ces, kundi isang lalaki! Kuwento!

* * *

Ikinuwento ni Ces ang paglalakad niya sa cafeteria noong lunch time para
kainin ang lunch na inihanda niya kaninang umaga. Hindi man friendly si
Ces sa mga kaklase at kasing age niya, may kung ano yata siyang
kapangyarihan para maging close ang mga mas nakakatanda sa kanya.

Kahit ilang weeks pa lang siya sa school niya ngayon, naging close na
niya si Manang Pola, ang head chef ng cafeteria na nagbabantay paminsanminsan sa cafe. Pinayagan kasi siya ni Manang Pola na ipainit ang lunch
niya dahil kakaiba raw ito sa ibang estudyante; hindi raw kasi nahihiya
si Ces na magbaon.

Laging ganito ang pangyayari hanggang sa nangyari ang isang bungguan na


nagpabago ng buhay niya.

Tabi, tabi! sigaw ng isang boses ng lalaki pero bago pa makalingon si


Ces sa pinanggalingan ng boses ay agad siyang nakaramdam na parang may
tumulak sa kanya nang sobrang lakas. Tumalsik rin ang lalaking bumunggo
sa kanya dahil apparently, nakasakay sa skateboard ang lalaking 'yun.
Nakakapagtaka lang na pupwedeng pumasok ang estudyanteng nag iiskateboard
sa school premises.

Ah! Sa sobrang lakas ng pagkakatulak sa kanya ay nasubsob siya't


natamaan ang isang babae. Hindi lang ito basta babae dahil nakaheels ang
babaeng ito na may four-and-a-half inches. May hawak din na tray ng
pagkainna natapon sa katawan ni Ces. Which is apparently ay nakasubsob
sa sahig.

Hindi pa ito natapos. Dahil nga natulak niya ang babae ay natapakan pa
siya ng babae sa kamay niyaheels first.

A-aray. Napapikit siya sa sobrang sakit.

Gusto niyang sumigaw nang sobrang lakas dahil sa sobrang sakit ng


pagkakatapak sa kanya, idagdag pa na mainit ang pagkaing bumuhos sa halos
buo nitong katawan. Pero hindi niya ito magawa-gawa. Ayaw niyang makakuha
ng atensiyon ng ibang taona hindi rin naman niya naiwasan dahil ngayon
pa lang ay center of attention na siya.

Hala, Ces! Okay ka lang ba? pasigaw na sabi ni Manang Pola pero hindi
siya matulungan dahil maraming estudyante ang nakapila at kailangan
nitong i-serve ang mga 'yun.

Ayaw na niyang iangat ang kanyang ulo sa sobrang kahihiyan. Good work,
Ces. Wala ka pang one month dito, kahihiyan na agad? Lamunin mo na ako
ngayon, sahig, please!

Halos makatulog na siya dahil sa face-flat niyang posisyon pero nagulat


na lang siya nang maramdaman niyang may nagpupunas ng kanyang ulo.
Napadilat siya at napatingin sa nagpupunas sa kanya.

Nakarinig siya ng mga set of gasps sa paligid pero ang pinakanarinig niya
ay ang boses ng lalaking tumutulong sa kanya.

You all right?

Inalalayan siya ng lalaki habang siya, tulalatulala dahil ang nasa harap
niya ay hindi isang tao kundi isang diyos: diyos ng kaguwapuhan! Sobrang
guwapo ng nilalang na ito na hindi na yata nararapat na tawagin pa siyang
tao!

Nakatayo na siya pero pinupunasan pa rin siya ng lalaki. A-ang guwapo


niya, sobra.

Hindi maiwasan ni Ces na mapatulala sa nakikita niya. Akala nga niya ay


nananaginip siya at nakatulog kanina sa sahig pero hindi, totoo ito,
totoo talaga!

Be careful next time, okay? Iniabot ng lalaki ang panyo niya sa


kanya. Use this, para mapunasan mo ang sarili mo.

Hindi makapagsalita si Ces. It was the first time na may kumausap sa


kanya nang hindi siya ginagago, first time na may lalaking kumausap at
tumulong sa kanya at first time na guwapo ang kumakausap sa kanya.

S-salamat, nauutal na sabi ni Ces.

What's your name? Bago ka rito?

Tumango si Ces. C-Ces.

Nice name. Parang princess. Nag-init ang mga pisngi ni Ces nang marinig
niya ang sinabi ng lalaki. Lalo siyang nag-init nang makita niyang
ngumiti itolalong gumuwapo. Parang isang prinsipe!

Ako nga pala si Lyle. Lyle Yuzon."

Akala niya ay tapos na ang lahat pero nagulat na lang siya nang makita
niya ang kamay ng binata na parang naghihintay na makipag-shake hands sa
kanya. Natatakot man, nanginginig ang mga kamay na iniabot niya ang kamay
nito at nakaramdam siya ng parang kuryente.

Ang lambot ng kamay niya.

Noong mga panahong 'yun, hindi man niya alam ang pakiramdam ng magmahal
sa totoong buhay pero nababasa niya sa mga love stories na nagkalat sa
Internet, alam niya sa sarili niya. . .

Na-love at first sight siya.

~ ~ ~
Author's Note:Sabi ko sa sarili ko, pipigilan ko na ang sarili ko mag
author's note. . . hindi ko kaya. Please kill me now.
Maninibago kayo dito, 3rd pov kasi at seryoso, medyo marami ding binago
sa original story. Sana mapanindigan ko ang seryosong atmosphere na 'to
na hindi ako nabobored! Hahahaha yay :D
Dedicated to jpuripuri kasi kahit nung first post ko ng Love's Limit nung
2011, nandun na siya hanggang sa pinost ko ulit ng 2012 at ngayong 2013
na, hinihintay pa rin niya ito. Sana hindi kita madisappoint sa mga
susunod na chapters, salamat sa suporta :">

=================
2 // Fairy Tales Exist
"Every man's life is a fairy tale, written by God's fingers." Hans
Christian Andersen

~ ~ ~

Lyle Yuzon? tanong ni Marky. The Lyle Yuzon?

Nagtaka naman si Ces sa ni-react ng kaibigan niya. Bakit, anong mayron?


Kinabahan siya dahil pakiramdam niya, ex yata ni Marky si Lyle kaya
ganito ang naging reaksyon nito.

Aaminin niyang nagka-crush siya instantly kay Lyle noong Friday, kahit pa
two days ago lang ito. Sino ba naman kasing hindi magkaka-crush kay
Lyle? Ang perpekto na kasi niya!

Bakit, anong mayron kay Lyle? Ces was hoping na sana ay hindi 'yun ex
ni Marky.

May respeto kasi si Ces sa kaibigan niya. Ipinangako niya sa kanyang


sarili na hindi siya magkakagusto sa mga naging karelasyon ng mga
kaibigan niya dahil importante sa kanya ang friendship.And now she's
wishing na sana talaga, hindi ex ni Marky si Lyle.

Hindi mo siya kilala?

Ha?

Nagtataka na ngayon si Ces. Ano ba talagang mayron kay Lyle? Bakit


kailangang lagyan ng the bago ang pangalan niya? May something special
ba rito sa lalaking 'to (puwera sa perkpekto na ito)?

Seriously, Ces, kailangan mo nang mag-Internet.

Hinila ni Marky si Ces palabas ng ice cream parlor. Sumakay sila ng jeep
at wala pang isang oras, nakarating na sila sa apartment nina Marky. Agad
silang pumasok doon. Si Ces naman ay nagtataka sa inaasta ng kaibigan.

Maupo ka d'yan. Papakilala ko sa'yo si Lyle.

Kinabahan si Ces nang umalis si Marky at naiwan siya sa sala. Ipapakilala


niya si Lyle sa kanya? Paanongmagkakilala sina Marky at Lyle? Yung
totoo, magkaanu-ano ba kasi sila?

Gulong-gulo si Ces nang bumalik ulit si Marky na hawak-hawak ang laptop


nito.

Ces, meet Lyle. Umupo si Marky sa tabi ni Ces at iniharap ang laptop sa
kanilang dalawa. The Lyle Yuzon, the Casanova Prince.

Casanova? As in, playboy? nagtatakang tanong ni Ces.

Yes.

Mula sa laptop, nakita ni Ces ang isang website na may URL na


http://THELyleYuzon.com na obviously ay isang website na nakalaan para
sa binata. Marami ang followers ng website na halos halos umabot na sa
milyon. Isang personal website na pinapakita ang mga nangyari sa buhay ni
Lyle na pupwedeng si Lyle mismo ang naghahandle o iba pang tao.

Artista ba siya? nagtatakang tanong ni Ces. Nadismaya ang dalaga


sandali. Kung artista man si Lyle, mahirap na abutin ang binata. Not that
she's dreaming pero. . . naabot niya ito last Friday. Kahit ang panyo
nito ay nasa kanya rin. Thinking that she felt Lyle's hand last time made
her silently giggle.

Tinatanggihan niya. Private person daw kasi siya. Natawa si Marky sa


sinabi niya. Pfft! Private person pero may website siyang parang
paparazzi niya. Ewan ko lang.

Tiningnan lang ni Ces si MarkysIyempre, sanay na si Marky kay Ces na


hindi gets ang sense of humor niya. Naisip tuloy niya na next time, hindi
na talaga siya magdyo-joke kapag kasama si Ces dahil nawawalan ng epekto
ang pagiging katawa-tawa niya.

A, buti naman. Patingin? Kinuha ni Ces ang laptop at tiningnan ang


website ni Lyle. Iniwan siya ni Marky at kinausap na lang ng kaibigan ang
boyfriend nito sa phone.

Nagbasa lang si Ces doon at nagtingin-tingin ng pictures. Nagugulat nga


siya dahil sa bawat refresh niya, nadadagdagan ang followers ng website o
'yung parang mga nagsu-subscribe. May facts at questionaires tungkol kay
Lyle. May mga videos din ng binata doon na kumakanta, sumasayaw, umaarte,
naglalaro ng basketball at kahit simpleng pagngiti lang nito.

Napangiti naman si Ces nang makita niya ang isang picture ni Lyle na
nakangiti at nakatingin straight sa screen na para bang nakatingin ito sa
kanya. Pagka-refresh niya ng site, nagulat na lang siya nang may bagong
post sa website na may title na:

Lyle's New Girl, model of Victorias Secret

May picture pa ito ni Lyle na nakaakbay sa isang babae na naka-underwear


at may mga pakpak habang itoy nakahalik sa pisngi ng binata.

Nakaramdam naman ng kaunting sakit si Ces sa nakita. Napansin naman niya


na wala pang ilang minuto, marami na ang nag-comment sa post na 'yun na
parang sinasabi na bagay daw sila, parehas na maganda at guwapo.

Nanliit naman si Ces at napatitig sa picture ni Lyle na kasama 'yung


model.

Oo nga, ang ganda niya. Napabuntong-hininga siya. Bagay nga sila.

Pagka-refresh naman ni Ces sa page ng post, may isang comment siya na


nakita na nagpangiti rito.

Sana ako na lang girl mo, Lyle!

<3

Ako rin, Lyle. Sana ako na lang.

Ano ba tong naiisip niya. Hindi ito tama. Pinatay na niya ang laptop ni
Marky at napansin na pagabi na pala.

Wow, kamusta naman ang pag-stalk? Inabot ka na ng gabi.

Mula sa kitchen ay lumabas ang kaibigan niya na nakapambahay na. Hindi na


napansin ni Ces ang kaibigan dahil sa pagtutok sa website. Hindi rin niya
napansin na napatagal na siya sa pag iistalk sa lalaking nagngangalang
Lyle.

Adik na ba siya sa lalaking ito? Ganito ba ang pakiramdam ng magka-crush?

* * *

Hindi na niya namalayan, para na siyang adik na inii-stalk si Lyle sa


website nito. Dalawang buwan na ang nakakaraan simula noong insidenteng
nahawakan niya ang kamay ng binata. Kahit matagal na ang nakalipas,
holding on pa rin si Ces na sana makikilala siya ni Lyle. Naging lucky
charm niya ang panyong pinahiram sa kanya ng binata. Gabi-gabi niya itong
yakap na iniisip niyang si Lyle mismo ang kayakap niya.

Naaadik siya kay Lyleito ang tamang term. Lagi na siyang nagpupunta ng
computer shop para hindi siya mahuli sa balita patungkol sa lalaking
kinababaliwan niya. Isa siyang fan girl without the screaming ang yelling
part, more on the stalking part lang siya.

Nalaman din kasi niya na may fans club si Lyle dahil nga sikat ito sa
labas at loob ng school nila. Totoo naman kasi, hindi lang siya ang
mahuhumaling kay Lyle; mabait na nga, sobrang guwapo pa ang binata.

Choosy pa ba siya?

Hinihintay ni Ces palagi si Lyle sa cafeteria tuwing lunch. Ito na lang


siguro ang way niya para makita si Lyle in personnakaupo si Lyle sa may
pinakadulong part kasama ang iba pang sikat na tao pero unknown kay Ces.

Tanging si Lyle lang ang nakikita nito, si Lyle lang ang naririnig, si
Lyle lang ang hinahanap.

Lyle, Lyle. . . Lyle.

* * *

Yung totoo, Ces: obsessed ka na ba d'yan sa lalaking 'yan? Napakunot


ang noo ni Ces sa sinabi ni Marky. Ngiting ngiti si Ces ngayon dahil
nakita niyang break na si Lyle at 'yung model ng underwear.

Bakit, anong mayron kay Ces? nagtatakang tanong ni Erich na isa sa


kaibigan niya. Well, hindi niya kaibigan si Erich; si Marky ang kaibigan
nito pero nakakasama na rin niya ito kaya puwede na ring masabi na
magkaibigan sila. Friendly din kasi si Erich kaya nagkakausap sila
palagi.

Adik sa isang lalaki, sagot ni Marky.

Really? Si Ces, naadik sa isang lalaki? namamanghang tanong ni Erich na


para bang hindi kapani-paniwala ang narinig. Wait, hindi ba 'yan
fictional character?

Nope. Totoo siya, ka-schoolmate niya.

Really?! Nanlaki ang mga mata ni Erich at hinawakan ang kamay ni Ces sa
sobrang saya. I'm so proud of you, Ces! Yehey!

Napangiti si Ces. Siguro kasi ang healthy ng pagkaka-crush niya kay Lyle
naging inspired siya. Inspirasyon niya si Lyle para pumasok araw-araw sa
school kahit na buryong-buryo na siya sa mga kaklase niya. Sobrang
inspired at natutuwa siya kasi dahil doon, parang nagkakaroon siya ng
dahilan para mabuhay pa nang matagal.

Tuwing gabi, nagdadasal siya na sana mapansin siya ulit ni Lyle. Hindi
siya pumapalya: every night, bago matulog, lagi siyang nagdadasal
hanggang sa isang araw, sa may locker area, kahit hindi maganda ang
nakita niyanapansin siya ng Lyle niya.

* * *

Mga seven o clock na ng gabi nang bumalik si Ces sa locker area para
kunin ang librong kailangan niyang aralin para bukas. Wala nang masyadong
tao sa building dahil kanina pang five-thirty ang last class kaya
nagsialisan na ang mga estudyanteng hindi naman nag-aaral talaga.

Paglapit niya sa may area, nakarinig siya ng parang isang. . . ungol?

Ah, Lyle. . . Ah. . . Kinabahan si Ces sa hindi niya malamang


kadahilanan. Imagination ba niya 'yun? Siya ba 'yung umuungol sa
imagination niya? Aahh. . . Ah. . .

Hindi, hindi siya 'yun!

Pagtingin niya sa may mga lockers, nagulat siya kanyang nakita. Nadikit
ang kanyang mga paa. Hindi siya makakilos. Doon, sa sulok na walang

masyadong ilaw, ay mga anino ng isang babae at isang lalaki na


naghahalikanat naghahawakan sa kung saan mang parte ng mga katawan
nila.

A live show.

Hindi siya makaalis; natigilan siya sa nakikita niya. Tama ba? Tama ba
ang nakikita niya? Si Lyle niya ba 'yun at isang babaeng unknown na
naghahalikan?

Gusto niyang tumakbo papunta roon at paglayuin silang dalawa pero hindi
talaga siya makagalaw. Nanigas siya sa kinatatayuan niya habang nanonood
siya sa ginagawa ng dalawafront seat, VIP, at free.

Teka, narinig niyang bulong ni Lyle sa babaeng kahalikan nito na naging


dahilan para kilabutan si Ces dahil ang guwapo ng pagkakabulong ni Lyle.
Tumigil ang dalawa. Gusto na sanang tumakbo ni Ces pero lalo siyang
natigilan nang napansin niyang lumingon si Lyle sa kinatatayuan niya.

Nagsimula na siyang kabahan.

Papalapit sa kanya nang papalapit si Lyle hanggang sa magkaharap na


silang dalawa. Mula sa ilaw na nanggagaling sa labas, pansin niya ang
kaguwapuhang taglay ng binata kahit pa gulo-gulo ang buhok nito. Ngumiti
ito sa kanya na siyang nagpalaglag sa puso niya.

Nakita mo ba? Hindi makapagsalita si Ces. Nagpipigil siya ng hininga


kaya napatango na lang siya. Kita rin ang faint lipstick marks na nakuha
ni Lyle sa pakikipaghalikan sa babae kanina. Okay lang ba na secret lang
natin 'to? Don't tell anyone?

Tumango ulit si Ces.

Tahimik na nga siya, napipipi pa siya lalo.

Thank you, Princess. Nagulat siya dahil ngumiti ulit si Lyle sa kanya
at nilagpasan na siya. Princess daw ako? Hindi makapaniwala si Ces sa
narinig.

Tinawag siyang princess ng Lyle niya, so ang ibig sabihin, si Lyle ang
prince niya? Ganun ba 'yun? Teka, nasa fairytale na ba siya?

Hindi niya mapigilan. Napangiti na naman siyaat kinilig.

~ ~ ~
Author's Note:Salamat sa mga nagbasa lalo na sa mga nagcomment.
Binibigyan niyo ako ng inspirasyon :">
Dedicated to ate Lily. . . sabi ko nga, ito ang edited version ng Love's
Limit. Ewan ko ba, napapangiti kasi talaga ako na hanggang ngayon sa
puntong 'to, nasa "reading list" pa rin ni ate Lily ang Love's Limit.
Wala lang, nakakatuwa lang na napasama ang LL doon so kung mababasa mo
man ito ate Lily, ito na 'yung edited. Not sure kung magustuhan mo pa to
tulad ng sa dati pero ayun nga.
Multimedia part: Print screen ng "Library" ni ate Lily sa puntong 'to. :)

=================

3 // Clich-st of Clichs
"It is a cliche that most cliches are true, but then like most cliches,
that cliche is untrue." Stephen Fry

~ ~ ~

Ang clich.

Ito ang naiisip ni Ces sa tuwing naaalala niyang nagkagusto siya kay Lyle
niya. Ang clich, masyadong gasgasgamit na gamit na. Ang isang simpleng
babae, magkakagusto sa isang lalaki na hindi mo masasabihan ng simple
at masakit sa part ni Ces 'yun dahil langit ka, lupa ako ang peg ng
kuwento niya.

For the nth time, bumuntong-hininga siya.

Pang-fourty eight mo nang buntong-hininga 'yan, nakangising sabi ni


Marky kay Ces habang inaayos ang mga display nilang cake sa stand.

It's been four months since then. Matagal? Sobra.

Natapos na ang preliminary at midterm exams nila at nakuha na rin ni Ces


ang result. Hindi na siya nagulat na siya lang ang nakakuha ng maganda at
mataas na grade sa klase nila. Hindi naman kasi talaga nag-aaral ang mga
kaklase niya.

Malapit na rin silang magbakasyon. Magpa-finals na next week pero hindi


na ulit siya napansin ni Lyle. Kilala pa rin kaya siya nito? Alam pa rin
ba ng binata ang existence ng isang Ces?

Bakit ka ba nagbubuntong-hininga d'yan? Tumigil sa pag-aayos si Marky


at hinarap si Ces na nakatayo lang sa harap ng cash register.

Wala silang customers ngayon. Hindi sila masyadong dinadayo dahil wala
namang special events na nangyayari. Ganito katumal ang cake shop. Kapag
Valentines at Christmas lang madalas busy pero kung ordinary day, paisaisa lang. Minsan nga, tumitingin lang 'yung mga tao, hindi naman
bumibili.

May bago na naman kasi ulit si Lyle ko. . .

Natawa si Marky sa sinabi ni Ces. So ano, inaangkin mo na si Lyle


ngayon?

Sumimangot si Ces na siyang nagpa-amuse rito kay Marky. Hindi naman kasi
palasimangot itong si Ces. Kung hindi poker face ay faint smile lang ang
makikita sa mukha ng dalaga at nakakatuwang malaman na napapasimangot si
Ces dahil lang sa may bago na naman ang Lyle niya.

Sabi ko naman kasi sa'yo, Casanova Prince 'yun, e, pagpapaalala ni


Marky kay Ces.

Pero kasi, sa four months na nakaraan, apat na babae rin 'yung naging
girlfriend niya.

One month rule. Akala ko ba, stalker ka ni Lyle mo? tanong ni Marky na
ine-emphasize pa ang word na mo. Nagtaka naman si Ces dito. Naka-post
ang one month rule niya sa ibang blogs na nagki-'critic' sa kanya. One
girl, one month, patuloy nito.

One month, one girl?

Paulit-ulit lang? Motto 'yan ng The Lyle Yuzon mo, Ces, pagpapaliwanag
ni Marky. Magre-react pa sana ulit si Ces pero biglang dumating ang
manager nila kaya naman napilitan silang magtrabaho sa cake shop.

Hindi nawala sa isip ni Ces ang sinabi ni Marky na one month, one girl
ang motto ng Lyle niya. Alam naman niyang malayo na magkausap ulit sila
ni Lyle pero kasi, parang na-disappoint siya? Na sana, sanahindi na lang
naging playboy si Lyle.

Gusto niyang alamin kung anong dahilan ni Lyle para maging isang
playboy. Alam niyang wala siyang karapatan. Sino ba siya kay Lyle? Isa
siyang nobodyhindi, para nga siyang hangin e: hindi na nakikitawait,
hindi rin pala siya nararamdaman ni Lyle so, ano siya?

Non-existent specie sa mundo ni Lyle.

And again, napabuntong-hininga ulit siya.

* * *

Let's give a round of applause to Ms. Pauline Flores for having the
highest mark in our final examination! pag-a-announce ni Miss A na
master of ceremony ngayon sa semestral ender program nila. Nagpalakpakan
ang lahat ng estudyante kahit na bored na bored silang lahat sa
nangyayari.

Kinakabahang umakyat ng stage si Ces at tinanggap ang certificate, to her


surprisenot. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na grade sa buong college
nila. Hindi naman matalino si Ces; nagkataon lang na hindi nag-aaral ang
iba kaya nagmumukha siyang matalino.

Pagkababa niya ng stage, biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang
makita niya si Lyle kasama ang grupo nito. Nakatingin ito sa kanya at
pumapalakpak pa rin, nakangiti pa.

Hindi siya makatingin nang maayos kaya yumuko na lang siya at dumiretso
sa upuan niya. Bakit nga ba siya kinakabahan? Siguro kasi nakita niyang
nakangiti si Lyleat nakatingin sa kanya? Hindi man para sa kanya 'yun ay
ayos lang. At least nakangiti ito at pumapalakpak.

Pagkaupo niya sa kanyang upuan ay unti-unti siyang napangiti. . . At


least ngayon, alam na niya: nakikita siya ni Lyle. Masaya nga siguro
maging matalino, kasi umaakyat sa stage at nakikita ng lahatpero para sa
kanya, kay Ces, masaya na siya dahil nakita siya ni Lyle, na alam niya na
alam ni Lyle na kahit papaano, may Ces palang nabubuhay sa mundo.

And to end our semester, let's all welcome our favorite bandMyuSick!

Nagulat si Ces sa biglang reaksyon ng mga tao. Napatingin siya sa paligid


dahil ang daming tumitiling mga babae at mga binabae. Pagtingin niya sa
parte kung saan nakaupo si Lyle, straight face lang ito.

I got your pictureI'm coming with youDear Maria, count me inThere's a


story at the bottom of this bottleAnd I'm the pen

Lalong lumakas ang sigawan ng mga babae sa loob; dumami rin ang
nagpalakpakan. Pagtingin ni Ces sa stage, wala naman ang vocalist doon
pero nakatambay lang ang drummer.

From the backstage, dumating ang iba pang nasa banda. Ang lead guitarist
ay nagsimulang gumawa ng mahika gamit ang instrumento niya kasama ang
drummer na may sariling mundo sa pagpalo ng stick.

Ang astig nila, yun ang naisip agad ni Ces.

It was the first time for her to see a live band playing. Dumating na rin
ang vocalist at lalong nagsigawan ang mga tao. Naging wild ang lahat,
nakikisabay sa ingay na ginagawa ng mga musical instruments na
pinapatugtog ng banda.

When the lights go offI wanna watch the way youTake the stage by
stormThe way you wrap those boys around your finger

Ngayon lang niya napagtantong hindi lang pala sports ang nakakabighani sa
mga fan girls. Mayron din nga pa lang mahihilig sa mga banda. Napansin
ni Ces na tahimik lang si Lyle at mukhang nakakaramdam siya ng
discomfort.

Magaling sa magaling ang banda. Kinabibilangan ng apat na lalaki na hindi


kilala ni Ces. Ni hindi nga niya alam kung bakit maraming sumisigaw para
sa mga ito. Okay, sige. . . guwapo ang apat na ito pero kung tatanungin
si Ces, walang makakatalo sa kanyang Lyle.

Go on and play the leader'Cause you know it's what you're good atThe
low road for the fast trackMake every second last

OMAYGAHD, MARRY ME, LYRIC!

Kya, Melo! Ang guwapo-guwapo mong mag-guitar!

Pitch, ako na lang paluin mo, huwag na 'yung drums!

Buntis ako, Note, ikaw ama!

Everyones shoutingmasayang masaya sila. Ito yata ang first time na


nakita ni Ces na halos nagkakaisa ang mga ka-schoolmate niya. Maging ang
mga lalaki nga ay nag-e-enjoy rin puwera na lamang sa isasi Lyle

Cause I got your pictureI'm coming with youDear Maria, count me


inThere's a story at the bottom of this bottle

Napatitig siya nang tumayo ito at naglakad palabas ng activity area.


Napansin din niya na ang mga kaibigan ni Lyle ay nagtataka. Sa hindi
malamang kadahilanan, napatayo rin siya at unti-unting. . . sinundan si
Lyle.

Napansin niyang tumigil ang binata pagkalabas ng school at nagsindi ng


sigarilyo. Napasimangot siya sa nakita. Ayaw niya kasi ang amoy nito pati

na ang epekto nito sa katawan. Ayaw niya ng sigarilyo as is pero bakit


ngayon na nakikita niya si Lyle na naninigarilyo, ang sarap tingnan?

Hindi siya malapit kay Lyle pero hindi rin naman siya ganoon kalayo.
Tinititigan lang niya si Lylekung paano ito nagsindi, hinithit ang stick
ng sigarilyo at kung paano nito ibinuga ang usok. It was so. . . hot.

Ang sarap tingnan, ang sarap pagmasdan at ang sarap. . . lumapit.

It was almost a minute nang ma-realize niya, bakit nga ba niya sinundan
si Lyle? Agad-agad siyang naglakad pabalik sa activity area nang bigla na
lang. . .

Huy.

Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang marinig niya ang boses ng lalaking
'yun. It was so manly, ang sarap pakinggan na para bang kinikiliti ang
pandinig niyapero hindi naman para sa kanya 'yun, e.

Huy, pansinin mo ako.

Napapikit si Ces. . . Bakit parang palapit nang palapit ang boses ni


Lyle? Nananaginip ba siya nang gising? Hindi niya tuloy alam kung
panaginip ba to o hindi pero halos mahimatay na siya nang makaamoy siya
ng amoy ng sigarilyo at bigla na lang, may humawak sa balikat niya.

Teka. Napatigil na si Ces sa paglalakad at paglingon niya, pakiramdam


niya ay nananaginip siya. Right in front of her ay ang lalaking inii-

stalk niya for the past six months. Nakangiti ito sa kanya, ang perpekto
ng mukhaparang aparisyon. Puwede mo ba akong samahan dito?

Sobrang gasgas na pero kung ganito naman ang mangyayari sa isang clich
story?

Masaya na si Ces dito.

~ ~ ~
Author's Note:When you expect, you'll get disappointed so. . . don't
expect! Maraming thank you sa mga nagbabasa at lalo na sa mga
nagkocomment. Masaya akong kahit papaano ay may nagbabasa ng TTLS :">
Dedicated to Roma. . . nakakatuwa na nakasama ang Love's Limit sa reading
list niya na kinoconsist ng mga sikat na story--anong panama ng LL d'yan
o TTLS?! Hahahaha thank you sa paghihintay, sana ay hindi kita
madisappoint. :)

=================
4 // A Lucky Day
"Real love finds you once, if you're lucky." Ellen Hopkins

~ ~ ~

Oy, Ces. Open ko ang account mo, ha? Pahingi ng buhay sa Candy Crush!

Tumingin lang si Ces kay Marky. Hindi pa siya nakakatango ay binuksan na


ni Marky ang Facebook account ng kaibigan na ginawa lamang for the sake

of liking lots of fan pages of Lyle, the Lyle Yuzon. Wala naman kasing
Internet connection si Ces pero for the sake na maging IN siya sa latest
update ng kanyang beloved Lyle, gumawa pa siya ng Facebook para rito.

Masayang naglalaro si Marky ng Candy Crush habang nakaupo sa sofa.


Katapat ni Marky ay nakaupo si Ces, nakatitig sa TV na nakabukas pero
hindi naman niya naiintindihan ang pinapanood.

Napabuntong-hininga ulit siya.

Semestral break na nila. Two weeks ago, nagkaroon siya ng almost-kilig


scene kasama ang Lyle niya. . .well, almost.

* * *

Puwede mo ba akong samahan dito?

Natigilan siya sa paghinga nang panandalian. They were a less than a


meter apart. Hawak ulit ni Lyle ang balat niyaor ang damit niya, kahit
ano pa 'yun. Basta, hawak siya ni Lyle and it was electrifying.
Nakakakilig. Nakakakaba. Nakakaewan!

Kitang-kita ng dalaga ang mga mata ni Lyle. Sobrang sharp. . . lalakinglalaki. Ang mga pilikmata ng binata ay maikli ngunit naeemphasize ang mga
mata nito sa hindi malamang kadahilanan. Napangiti si Ces nang mapansin
ang katangusan ng ilong ng binata. Isama pa ang mga labi nito na hindi
man ganoon ka pinkish dahil nga siguro sa epekto ng sigarilyo, ang manly
pa rin ng dating.

Napatitig naman nang kaunti si Ces sa may chin ni Lyle. Doon, nakita niya
ang dalawang nunal na magkatabi sa may left side ng nasabing parte. Hindi
masyadong kita ang nunal na ito sa mga pictures sa website pero ang cute
pala ng nunal ng binata sa personal.

Isama pa ang medyo malaki-laking nunal ni Lyle sa may collarbone na


kitang-kita dahil sa maputi nitong balat. Ang hot lang tingnan sa damit
nitong polo shirt na nakabukas ang dalawang butones sa taas.

Napalunok si Ces ng naipong laway sa kanyang bibig. A-ano?

Ngumiti si Lyle and it stopped Ces heartbeat for a while. Ang guwapo
niya, ito ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ni Ces. Ang guwapo ng Lyle
niya. Ang perpekto ng hitsura. Ang guwapo rin ng amoy-sigarilyo niyang
aura.

Tambay lang, sa labas. Ano?

Hindi mapakali ang puso ni Ces. Nagwawala ito matapos tumigil sa


pagtibok. Totoo na ba 'to? Seryoso na ba 'to? Hindi lang ba 'to isa sa
mga panaginip niya na si Lyle ang prince at siya ang princess? Ano ba
talaga?

A Magsasalita na sana siya pero bigla na lang may sumigaw sa likod


niya.

Lyle! Saan ka ba nagpunta? Nalungkot si Ces nang inialis ni Lyle ang


hawak sa kanya. Paglingon niya sa may likod, napansin niyang papunta sa
kinatatayuan nila ang dalawang kaibigan ni Lyle. Napatingin ang dalawa
kay Ces hanggang sa tinuon nila ang pansin sa kaibigan.

Hindi naman kasi katingin-tingin-worthy si Ces. She's a typical person


nagbe-blend in sa crowd pero dahil walang crowd sa labas ng activity area
nila, nagbe-blend in siya sa background, unfocus. Isama mo pa ang nakatape niyang salamin dahil naupuan ng customer, ang shirt at jeans niyang
parang pang-lalaki pati na rin ang chucks niyang medyo madumi na.

Sino bang titingin sa kanya, di ba?

Wala, tambay, yosi. Boring sa loob, e, pag-e-explain ni Lyle. Tiningnan


ni Ces si Lyle pero hindi na ito sa kanya nakatingin. Nawala na ang
senaryo nilang dalawanaging unknown ulit siya.

Saklap.

* * *

Hindi siya mapakali at parang gusto niyang sirain 'yung TV na nasa harap
niya kung hindi lang siya nasa bahay nina Marky. Naiinis siyasobra.
Matapos ng ilang months niyang paghihintay for a Lyle-and-her moment,
sisirain lang ito ng dalawang kaibigan ni Lyle. Hindi nga niya alam e,
baka nakalimutan na ulit siya ni Lyle.

Ito siya ngayon, nakaupo sa sofa at nagbubuntong-hininga na naman. . .


Naging hobby na yata niya ang pagbuntong-hininga mula nang ma-realize
niyang wala na talagang pag-asa na magkaroon sila ng moment ni Lyle. . .
ng Lyle niya.

Pero siyempre, malikot ang tadhana at tulad ng buhay ng ibang tao, ginulo
rin ni tadhana ang buhay ni Ces.

* * *

It was a Wednesday morningrush hour sa lahat lalo na't pasukan na naman.


Seven ng umaga, dagsa talaga ang mga kotse sa bawat sulok ng kalsada at
maraming tao ang nag-aabang ng mga masasakyantulad ni Ces. Isa lamang
siyang normal na estudyante, namamasahe.

Nahirapan
para lang
makasakay
sa ticket

siyang sumakay dahil hindi siya 'yung tipong makikipagpatayan


makasakay ng jeep kaya naman almost eight oclock na nang
siya papuntang MRT. Then MRT came. Napakahaba ng pila papunta
counter; nakakaloko.

Pagkarating niya sa pinakahintayan ng tren, napakahaba rin ng pila. Hindi


na natapus-tapos ang pila noong umagang 'yun. Nakailang tren pa bago siya
mapunta sa unahan, tulakan sa lahat ng partekahit sa parte ng mga babae
lang.

Nang dumating na ang next train, ihahakbang pa lang ni Ces ang kanyang
paa para makapasok, nagtulakan na ang mga kababaihan. Ang daming sigawan,
nakakabingi. Hindi malaman ni Ces ang gagawin. Nakapasok siya ng tren
nang buhaythank God.

MAY LALABAS!

ANO BA, huwag mo akong apakan!

May lalabas nga sabi, e!

Padaan po! Padaan!

Buwisit!

Halu-halong boses, iba-ibang intensity ng sigaw. Mga nagbabangayang mga


babae, nagtutulakan at nag-iirapan. Hindi na masyadong nagulat si Ces
ditoit was a very typical scene, mga Pilipinoedukado at edukada,
pumapatay para lang makasakay.

Nang mapansin niyang malapit na ang estasyon na bababaan niya, medyo


umusog siya papunta sa pintuanmedyo lang, mga one inch dahil nga sa dami
ng tao. Pagkabukas ng pintuan, sinugod ni Ces ang pintuan pero sino nga
ba siya laban sa mga babae na sabik na sabik pumasok ng tren?

Teka po, excuse me! sigaw ni Ces pero mukhang hindi siya pinapakinggan
ng mga babae. Sugod pa rin sa pagpasok, naiipit na siya. Hindi siya
makaaray dahil nga ayaw niya ng atensiyon. Teka po, excuse me!

TING TING TING.

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang mapansin niyang nag-a-alarm na ang
pintuan at pasara na ito.

Teka! Lalabas pa po ako!

Pero ano nga ba ang sigaw niya sa mga taong sugod sa pagpasok na walang
pakialam sa iba kahit na makasakit na sila, makapasok lang ng tren? Wala.
Wala siyang panama. Nanlumo na lang siya. . . Hindi siya nakalabas at
nagsimula nANg umandar ang tren.

Lumagpas siya.

Dapat tinulak mo lahat para makalabas ka. Nilingon ni Ces ang


nagsalitang matanda na nasa tabi niya. Pansin niyang puti ang lahat ng
strand ng buhok nito at medyo maliit. Mukhang uugod-ugod na pero nakatayo
pa rin at may hawak pang bag na malaki. Alam mo naman ang mga tao rito,
kahit babae, parang hindi nag-aral.

Ngumiwi si Ces.

Walang mangyayari pag nagpapakabait ka rito. Wala na kasing mabait


makapasok lang ng tren.

Gusto niya sanang paupuin ang matanda pero hindi niya magawa dahil hindi
naman siya ang nakaupo sa upuan. Napatingin siya sa mga babaeng nakaupo
malapit sa kanya: ang ilan ay natutulog at ang ilan ay nagme-make up.

Mga tao talaga ngayon.

Napabuntong-hininga na lamang si Ces habang nakatingin sa bintana at


nanlulumo ang hitsura. Lumabas siya the next stationmahirap pero
nakipagsapalaran siya. Nakailang aray pa siya dahil sa mga bag ng babae
na humahampas sa buo niyang katawan.

Mabuti na lang at tinulungan siya ng matanda. Sumigaw ito para padaanin


si Ces at buti naman, medyo natauhan nang kaunti ang ilang babae.

Wildsobrang wild sa loob ng tren lalo na't rush hour.

Naglakad lang si Ces pagkababa ng estasyon. Ito ay dahil walang sasakyan


papunta sa school nila; shuttle o kotse lang. Mga mayayaman kasi, so
hindi puwede ang jeep, bus o kahit pedicab man lang. Allergic ata ang mga
estudyante sa mumurahin at cheap.

Hindi na lang ininda ni Ces ang sakit ng katawan niya sa nangyari kanina
at naglakad na lang hanggang sa may napansin siyang kotse na para bang
sinasabayan ang paglalakad niya. Itim na kotse ito, medyo maliit at
mukhang pam-pick-up. . . ng babae.

Bakit ba ang malas-malas ko ngayon?

Hindi na lang pinansin ni Ces ang kotse hanggang sa nakarinig na lang


siya ng ubod nang lakas na music na nanggagaling doon. Binilisan niya ang
lakad niya dahil nakaramdam siya ng takot. Hindi na niya nilingon ang
kotse pero sinusundan pa rin siya nito.

Hey, need some ride?

Nag-freak out na si Ces. Hindi niya nilingon ang lalaking nagsalita dahil
natatakot na siya. Ito na yata 'yung mga nababasa niya sa libro na
aakalain ng mga lalaki na 'yung mga babaeng naglalakad sa kalsada ay mga

pick-up girls na puwede nilang paglaruan. Ito 'yung mga tinatawag nilang
DOM o Dirty Old Man na wala nang magawa sa buhay dahil iniwan na sila ng
mga asawa nila dahil wala silang kuwentang mga asawa.

Please, huwag ka nang lumapit, please. . .

Kinakabahan siya hanggang sa nagsalita ulit ang lalaki na nagpatigil sa


kanya sa paglalakad.

Hey, Princess. Sa dalawang salita, napatibok nang napakabilis nito ang


puso ni Cesin a good way. Paglingon ni Ces sa kotse, nakasilip ang mukha
ng binata at nakangiti mula sa bukas na bintana

Ang lakas ng music sa kotse pero mas malakas ang kabog ng dibdib ni Ces.

Si Lyle. . . nakatingin sa kanya, o sa kanya nga ba? Nagpalinga-linga si


Ces, tumingin sa likod niya para alamin kung may iba pang babae dahil
hindi siya makapaniwala. Hindi siya makasigurado hanggang sa ang binata
na ang sumigurado para sa kanya.

Ikaw nga, 'wag ka nang tumingin kung saan. Papunta kang school? Hop in!

S-seryoso?

Mukha bang hindi?

Nanginginig na binuksan ni Ces ang pintuan sa likod pero pinigilan siya


ng lalaki at kusang nagbukas ang pintuan sa tabi ng driver's seat.
Napatitig sandali si Ces sa pintuan pero pumasok rin siya sa loob.

Nakaupo siya sa tabi ng driver's seat, sa tabi ni Lyle.

Don't sit at the back. Nagmumukha akong driver. Dito ka sa tabi ko para
mukha tayong lovers, litanya ng binata na nagpatalon ng puso ni Ces.
Hindi siya makatingin kay Lyle nang maayos kaya nakatingin lang siya sa
harap nang magsimulang umandar ang kotse.

Seatbelt. Nagtaka si Ces sa sinabi ng binata pero bago pa siya makareact, lumapit si Lyle sa kanya para siya na mismo ang magsuot ng
seatbelt sa dalaga.

Ang lapit nila...amoy lalaking-lalaki si Lylepinaghalong pabango ng


lalaki at amoy sigarilyo. Ang guwapo ng amoy, pati ang kotse ng binata ay
amoy lalaking-lalaki. Nakaka-high. Nakakaadik.

S-salamat.

Nagsimula nang mag-drive si Lyle. Naiilang si Ces dahil palingon-lingon


ito sa kanya at ngumingiti. Nakakahiya, sobrang nahihiya siya peroito na
ang kapalit ng naudlot na senaryo nila ni Lyle noon.

Totoo ba 'to? Sinampal ni Ces ang sarili nang tatlong beses sa kanang
pisngi nang mahina. Totoo nga, totoo nga 'to!

Narinig naman niya ang tawa ni Lyleit was so fresh, napaka-manly, ang
sarap i-record. What are you doing? Bakit mo sinasaktan sarili mo?

Napangiti si Ces nang tipid pero ang totoo, gusto na niyang magtatatalon
sa tuwa dahil for a moment, nagkakaroon sila ng small conversation ni
Lyle na lumagpas na ng five minutes. Achievement!

W-Wala. . . Inaalam lang niya kung naghihimala na naman ang utak niya
at gumagawa ng mga pantasya.

A, bakit ka nga pala naglalakad? Wala kang sundo? Kotse?

Nagkakaroon sila ng usapanwith topic at si Lyle ang nag-i-initiate!

Na...nagko-commute lang kasi ako, ano, wala kaming kotse, mahinang sabi
ni Ces. Hindi pa rin siya makatingin kay Lyle.

Bakit? Nasira?

W-Wala kaming pera. Scholar lang kasi ako sa school. Nagulat naman siya
nang bigla siyang hinawakan ni Lyle sa kanyang mukha. Itinapat ito sa
mukha ng binata para magka-eye-to-eye silang dalawa.

Bakit ka nakayuko? Pangit ba ako sa paningin mo? Hindi! Ang guwapo mo


kaya!

Napatitig siya kay Lyle na patingin-tingin sa kanya habang nagmamaneho.


Ang guwapo ng hitsura nito. . . ang angas ng aura habang nagda-drive. Ang
lakas makahatak. Sobra-sobra na ang pogi points ni Lyle para kay Ces.
Nakakalunod. Hindi rin siya mapakali dahil sa paghawak ng binata sa
kanyang mukha.

Hindi na niya huhugasan ang mukha niya, promise.

N-nakakahiya lang.

Bakit naman? Huminga nang malalim si Ces at naglakas-loob para kausapin


si Lyle. Almost fifteen minutes na silang magkasama. Dapat na siyang magparty dahil pagkatapak niya sa labas ng kotse na ito, mawawala na ang
lahat ng ito.

Uhm, sikat ka kasi tapos ako wala lang?

Natawa si Lyle sa sinabi ng dalaga. You're funny. I like you.

Nanlaki ang mga mata ni Ces sa sinabi. Teka, nabibingi na ba siya? Tama
ba ang narinig niya? I like you daw? Si Lyle ba talaga 'tong nagda-drive
na 'to o baka nagbabalat-kayo lang?!

H-ha? Napatingin si Ces sa labas ng bintana at napansin niyang ilang


metro na lang ay makakapasok na sila ng school. A-ano, dito na lang ako.
. . salamat.

Hindi ka sasabay sa akin papasok?

Ano, nakakahiya. . . parang wala akong karapatan para makita ng mga tao
na kasama ka sa kotse. And again, natawa si Lyle sa sinabi ng dalaga.
Prangka kasi ni Ces sa lahat. Straight to the point. Kakaiba. And it made
Lyle interested.

Nakakatuwa ka talaga. Inihinto ni Lyle ang kotse. Sige, salamat din sa


company.

Ngumiti si Ces at muling nagpasalamat kay Lyle habang ang puso niya ay
hindi pa rin mapakali. Binuksan na ni Ces ang pintuan kahit na
nalulungkot siya dahil nga pagkalabas niya nito ay hindi na naman sila
magkakilala.

Maghihintay na naman siya ng ilang buwan para pansinin siya ni Lyle.


Pasalamat na lang siya at hindi hinihingi ng binata ang panyo na
pinahiram sa kanya noon. Baka nga wala nang pakialam ang lalaki dahil
ginamit na ni Ces. Sino ba naman kasing gagamit ng panyo na ginamit na ni
Ces, di ba?

Malungkot siyang lumabas ng kotse at pagkasara ng pintuan nito, gusto na


niyang mag-collapse. Naiinis siya. . . naiinis siya dahil wala na naman,
ilang months na naman ang hihintayin niya.

Nagsimula na siyang maglakad kahit sa totoo n'yan ay wala na siyang


ganang pumasok sa first day of class. Nakakawalang gana pala 'yung
maramdaman mong hindi ka na naman papansinin ng taong gusto mo?

But then, bago pa siya makalayo...

"Hey, wait!"

Napalingon si Ces sa tumawag sa kanya. Nakalabas na rin pala si Lyle sa


kotse nito. Lumapit ang binata sa kanya at ang sumunod na sinabi ni Lyle
ang nagpalundag nang tuluyan sa puso ni Cess a galak

"Wanna hang out? Maybe. . . later?"

Kung ito ba naman ang kapalit ng pagiging malas niya ngayong first day,
okay lang maging malas siya for the whole semester basta ba. . .
makakasama niya si Lyle.

Syet, ang suwerte niya.

~ ~ ~
Author's Note:Saan galing ang 400 reads sa chapter 4? Pwede pakisabi sa
akin? Hahahaha salamat sa mga nagbabasa, sa mga SILENT readers d'yan pero
wala pa rin ang humpay ng pasasalamat ko sa mga loud readers na
nagkocomment. Thank you! :">
Dedicated to ate Tin. . . napaaga ang dedication ko sa kanya. Gusto niya
kasi makilala pa ng husto si Lyle, gusto niya maimagine kaya ayan ate
Tin, binigyan ko na ng kaunting physical characteristics hahaha sa
susunod na lang 'yung iba pati salamat sa patuloy na pagbabasa. Pasensya
na rin kung minsan ang tagal ko magreply :( :)

=================

5 // Indirect Kiss
"One day you will kiss a man you can't breathe without, and find that
breath is of little consequence." Karen Marie Moning

~ ~ ~

Maybe. . . later?

Define the word. . . later.

Ang later ay puwedeng i-Tagalog as mamaya na ang ibig sabihin ay


paglipas ng ilang minuto o oras pero di ba, ang later. . . oras lang ang
pagitan? Hindi naman kasi sinabing bukas o sa isang linggo o isang buwan
o taon.

Later e, mamayapero ano ba ang ibig sabihin ng isang Lyle Yuzon sa


salitang later?

Bakit inabot ng isang buong semester and on-going ang later niya?

* * *

And once again, napabuntong-hininga ulit si Ces. Ito ay dahil ang last
update sa website ni Lyle ay noong nakaraan before mag-semestral break na
break na raw ang binata sa girlfriend nitong car racer. It's been two
months since their semestral breakagain. Walang pinagbago. Siya pa rin
ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa college nila.

Ang pinagkaiba lang, wala siyang balita kay Lyle. Simula noong nakasabay
niya si Lyle sa kotse ay halos tatlong beses lang niya nakita ang binata
sa buong five months ng semester. Nung una, sa cafeteria na
pinapalibutan ng mga alipores nito, ang pangalawa ay 'yung picture ni
Lyle kasama ang car racer nitong girlfriend at pangatlo, mukha ni Lyle sa
pamaypay ng isang babaeng nakasalubong niya.

Kahit ang website ng binata, walang masyadong balita dito. Nakakapagtaka


dahil para bang naging pribado bigla ang buhay ni Lyle na siyang
kinadismaya naman ni Ces.

Actually, hindi na rin siya umaasa.

Sino nga ba kasi siya para umasa para sa isang Lyle Yuzon? Does she even
exist in his world? Sigurado ba siyang siya lang ang tinatawag ni Lyle ng
Princess at kung maka-react siya ay para bang nasasaktan sa tuwing may
ibang girlfriend si Lyle?

Shes merely a fan girl, after all. . . so bakit parang naghahangad siya
ng mas mataas?

Oy, ano, Ces, alis na kami, ha? Pag-angat ng ulo ni Ces, nakita niya si
Marky na ka-holding hands ang bagong boyfriend nito na kung hindi siya
nagkakamali ay Fitz ang pangalan. Ngumiti lang si Ces sa dalawa. Bago pa
makaalis ng cake shop, narinig ni Ces ang isang kumento ng new boyfriend
ni Marky.

Pipi ba 'yung kaibigan mo? Bakit hindi nagsasalita?

Napangiwi siya sa narinig na para bang hindi niya alam kung anong dapat
na reaction sa sinabi ni Fitz. Pero ito siya, walang ni-react at
nagpatuloy lang sa pagwawalis ng shop.

Ilang minuto ang nakaraan, bumukas naman ang pintuan. Magsasaya na sana
siya sa pag-aakalang dumating na ang kanyang kapalit sa shift. Pero si
Matthew lang pala ang dumating, ang boy bestfriend ni Marky. Nginitian
niya ito

Hi, Ces. Tagal nating hindi nagkita, a? Si Marcia? Napangiti agad-agad


si Ces sa narinig.

Of all people, si Matt lang talaga ang naglalakas ng loob para tawaging
Marcia si Marky. Marciella kasi ang totoong pangalan ni Markysobrang
baduykaya mas prefer ni Marky na tawagin siyang Marky. Astigin.

Siguro kung nandito 'yun, nakailang batok na ang naabot mo pero wala
siya, e. Kasama niya ang boyfriend niya. Nakita naman ni Ces ang
paglungkot ng mukha ng binata. Umupo ito sa isa sa mga upuan at pinipilit
na ngumiti.

O, sino? Si Rico?

Hindi, si Fitz.

Fitz?

Hindi mo kilala? Mula sa malungkot na itsura ni Matt na pinipilit


maging masaya, medyo lumukot ang noo nito na para bang hindi nagugustuhan
ang naririnig.

Hindi niya naikuwento sa akin. . .

Napa-oh na lamang si Ces at natahimik. Pinagpatuloy na lang niya ang


pagwawalis at paglilinis dahil wala naman silang customer. Alam niya
naman kasi kung kailan siya magsasalita at kung kailan siya tatahimik at
sa ngayon, kailangan na lang muna niyang tumahimik.

Si Matthew ay ang best friend ni Marky. At kung sinuswerte nga naman, si


Matthew ay biktima ng isang gasgas na plot. . . ang mainlove sa sariling
best friend.

Alam ni Ces ang lihim ni Matt ngunit hindi niya sinasabi kay Marky.
Naniniwala siyang kakayanin ni Matt sabihin ito kay Marky. . . kung hindi
mauunahan ng ibang lalaki. Ang torpe kasi ni Matt; hindi niya kayang
sabihin kay Marky ang nararamdaman kaya dinadaan na lang niya ang lahat
sa pagiging mag-bestfriend nila.

Ito naman kasing si Marky, hindi rin marunong makiramdam. Siguro dahil
bestfriend lang talaga ang turing niya kay Matt. Pinagtataka rin kasi ni
Ces kung bakit nagpapamanhiran at nagpapatorpehan ang dalawasiguro nga
ay ganyan talaga kapag may label kayong bestfriends.

Pero teka, kay Ces kasi ang love story na 'to.

* * *

The next semester, mayroon siyang isang subject na kinaiinisanPE. She


hated classes like PE. Sinusumpa niya 'yun. Hindi niya alam o maalala ang
nangyari noon pero mayroong pumapasok sa utak niya patungkol sa isang
bola na lumilipad at tinamaan siya sa mukhasapul na sapul na akala mo e
naka-target sa mukha nito ang bola.

Hindi man niya maalala ang naramdamang sakit, naaalala naman niya ang
kahihiyan. Ayaw talaga niya ng bola, lalo na kung lumilipad, at kung
hindi ba naman isa't kalahating malas si Ces, first class niya every week
ang PEthree hours.

Wasak.

At dahil nga hindi siya close sa mga kaklase niya, medyo mahirap magadjust kahit one year na siya sa school niya. Sa gym, marami silang
nagpi-PE classdancing, volleyball at basketball. Gusto man mag-aral ni
Ces, ayaw naman niya ng ganitong physical classes; nakakasakit ng katawan
at natatakot siyang matamaan ng bola. . . na naman. Masaya siya na ang PE
nila ay dancing. Hindi siya masaya dahil ang kasabayan nila sa gym ay mga
nagba-volleyball at basketball.

Kung hindi nakaka-attract ng lalaki si Ces, medyo attractive siya para sa


mga lumilipad na bola.

Ang Research class niya for that semester ang hindi niya ine-expect. Bago
pa siya makapasok, nakakarinig na siya ng mga bulungan ng mga babae at
mga ingay na nanggagaling sa loob ng classroom. Pagkapasok ni Ces ay
nagtaka ito dahil may pinagkakaguluhan sa may bandang likod ang mga tao.
Hindi niya alam kung ano o sino man yun. Wala rin naman siyang pakialam.
When the professor finally came, her classmates went back to their
respective places, and then she saw. . .Lyle.

K-Kaklase ko siya?! As if on cue, bumilis ang tibok ng puso ni Ceshindi


mapakali. Napatitig siya sa harap. Hindi na niya maintindihan ang
sinasabi ng Prof. nila dahil sobrang kinakabahan na siya at parang nawala
na yata siya sa ulirat.

Ang bilis rin ng phasing ng paghinga niya na para bang may humahabol sa
kanya. Nasa likod si Lyle ng classroom habang siya ay nasa may harapan.
Malaki ang tyansa na nakikita siya ngayon ni Lyle, na tumitingin ito sa
likod. Napalunok nang ilang beses si Ces.

So for the research, you can group yourselves by twos or threes but I
want it to be with a team, not by yourself, okay? You are now dismissed.

Nagulat na lang si Ces dahil hindi niya namalayan na tapos na pala ang
klase pero ang mas ikinagulat niya ay ang sumunod na
nangyari. Nagmamadali siyang ayusin ang mga gamit niya. Gusto na niya
kasing lumabas upang maiwasan ang lalaking nagpapatibok ng puso niya.
Pero bago pa man siya makalabas, nakarinig siya ng isang bulong na
malakas rin naman na pinagtataka niya dahil binulong pa.

Lalapitan niya 'yung nerd na 'yun?!

Paglingon ni Ces para tingnan kung sino ang bumulong, nagulat at


napaatras siya nang kaunti dahil ang tumambad sa kanya ay si Lylesmiling
at her.

Hi.

Sa isang hi lang ni Lyle kay Ces, parang nawala nang panandalian ang
dalaga sa totoong mundo. She mentally slapped herself. Ano na naman ba

itong pantasya niya? Okay na siya na kaklase niya si Lyle h, pero bakit
ini-imagine pa niyang kinakausap siya ni Lyle?

Princess? Naramdaman niyang hinawakan siya ni Lyle. . . and then it hit


her: this was real. Totoo ito! Totoo na ito! Kamusta? Long time. . . no
talk.

And then Ces heard some girly gasps.

Tara, lunch?

Hindi na namalayan ni Ces, kasabay na niyang maglakad si Lyle. She was


freaking inside; gusto niyang magtatatalon. Gusto niyang sumigaw. Gusto
niyang magpaparty. Kinikilig siya, sobra pa sa sobra! Bakit? Dahil noong
naglalakad sila, pinapauna lang nito si Lyle dahil nakakahiya na kasama
siya ng binata. Tinitigan na lamang niya ang likod nito. Napagtanto
niyang maganda pala ang hubog ng katawan ni Lyle. Siguro isa rin itong
MVP ng basketball team ng school nila.

Pero nang na-realize ni Lyle na nasa likod si Ces, tumigil sa paglalakad


ang binata at nakisabay sa paglalakad ni Ces.

Totoo ba to? Please, kung totoo to, sana hindi na matapos. Ces was like
daydreaming pero ang pinagkaiba, mas maganda yata ito sa pagde-daydream
niya.

Pagpasok nilang dalawa sa cafeteria, lahat ng mga mata ay napatingin sa


kanila. Ang ilang babae ay kinilig, ang ilang lalaki ay napangisi pero
ang karamihannakatitig kay Ces, looking at herstaringglaring. . .
pinapakita na para bang hindi yata siya nababagay na kasabay maglakad si
Lyle.

Napayuko si Ces dahil dito hanggang sa makarating sila sa popular table.


Umupo si Lyle sa pinakadulo. Nakatayo lang si Ces, nakatitig sa mga upuan
na para bang nakalaan lamang para sa mga sikat na nilalang na nabubuhay
at nag-aaral sa school nila. Pagtingin naman niya kay Lyle, nakangiti ito
sa kanya.

Kinabahan siya lalo.

Sit beside me. Tara," pag-aya ni Lyle.

Nanginginig ang mga tuhod na lumapit si Ces. Umupo ang dalaga sa upuan na
katabi ni Lyle. Nagulat ang dalaga nang hawakan ni Lyle ang upuan niya at
inuusog papalapit sa sarili.

A-ano, teka"

Hindi na mapakali ang puso niya, hindi na niya alam ang gagawin.
Napapansin niyang nakatingin ang karamihan ng tao sa kanila pero parang
walang pakialam si Lyle rito. Tumitig ang binata kay Ces, as if
memorizing every bit of her, na kinailang naman ni Ces. Lumayo ito nang
bahagya.

Lapit ka, para makita ko ang mga mata mo. . . Maganda pa naman.

Boom!

Her heart exploded into million pieces. Hindi na niya kakayanin ang
lahat; masyado nang overwhelming ang nararamdaman niya na para bang hindi
na talaga kapani-paniwala ang lahat. Ito na ba 'yung hang-out later ni
Lyle?

Ang tagal nga ng 'later' niya pero bakit naman ganito ang kilig na
nararamdaman niya? Sobra pa yata to sa sobra; hindi na niya ma-contain!

Dude! Whos thechicksino siya? Nawala ang ngiti ng binatang lumapit


kay Lyle at umupo sa tabi nito. Napatitig ang binata kay Ces at parang
nahiya siya lalo dahil sa way ng pagtingin ng lalaking ito sa kanya.

She's my princess. Back offakin siya. Napatingin si Ces kay Lyle at


nakita lang niyang nakangiti ito sa kanya. Nagtaas lang ng kamay ang
kaibigan ni Lyle in a shes all yours, dude. Hindi ko siya type way.

Ilang minuto ang nakalipas, ang tatlong tao sa popular table ay dumami
na nang dumami. For the first time, nakita ni Ces nang malapitan ang mga
popular people sa school nila. Ngayon lang din siya napalibutan ng
halos lagpas sa lima na tao.

Nandiyan sina Elissa, Marla, Cheka, Kervin, Shaun, Pao at kung sinu-sino
pang iba na hindi na rin maalala ni Ces dahil sa dami. Hindi rin siya
maka-relate sa pinaguusapan nila dahil kung hindi cheerleading ang pinag
uusapan for girls, basketball naman ang sa lalaki at ni isa rito, walang
alam si Ces.

* * *

Pero bakit ngayon, after a week, ay nakaupo siya kasama ang mga sikat na
nilalang sa VIP area at nanonood ng basketball? Simple langdahil sa
sinabi ni Lyle.

Ipapanalo ko 'to para sa'yo.

Sa one week na 'yun, hindi siya makapaniwala na naaalala na siya ni Lyle.


Sa one week na nakalipas, hindi siya mapakali tuwing gabi dahil hindi
siya makapaniwala na nakakasama niya tuwing lunch time si Lyle everyday.
Sa one week na 'yun, hindi siya makapaniwala na siya na isang simpleng
nilalang ay nakakasama si Lylekasama ang mga sikat na tao sa school
nila.

Pero anong pinagkaiba niya sa kanila? Una, hindi siya


matangkad. Pangalawa, hindi siya naka-heels. Pangatlo, hindi siya nakamake-up. Pang-apat, hindi siya naka-palda o shorts na maiksi na kulang sa
tela. Panglima, hindi siya maka-relate sa basketball. . .The list can go
on and on and on dahil seriously, ibang-iba si Ces sa mga 'popular girls'
sa grupong ito.

Siya nga lang ang nagsusuot ng eye glasses.

Number 18 shootswait for it. . . wait for ihe scores!

Engk!

Woooh! Everyone became wild dahil apparently, na-shoot ni Lyle ang


winning score nila laban sa ibang school. Nagsaya ang lahat kasama na si
Ces. Kunwari ay naintindihan niyabasta ang alam niya, nanalo sila dahil
kay Lyle niya, tapos!

Napainom siya sa inumin niya nang lumapit ang mga kaibigan ni Lyle sa
binata sa court para i-congratulate ang kanilang pambato. Naiwan si Ces
sa VIP area dahil walang natirang iba at para na rin bantayan ang mga
gamit ng mga kaibigan ni Lyle.

Nagsasaya ang lahat pati ang mga fans ni Lyle inside and outside the
school hanggang sa lumapit ang binata sa harap ni Ces. Ngumiti si Lyle
dito kaya napangiti rin si Ces sa binata.

Nanalo kami. Lucky charm kita. That made Ces blush like hell pero may
isa pang bagay na pinag-init lalo ang mukha niya. Painom, ha?

Kinuha ni Lyle ang bote ng tubig mula sa pagkakahawak ni Ces. Nagulat ang
dalaga nang ininuman ni Lyle ang bote. Nag-slow-mo si Lyle sa paningin ni
Cesevery gulp the guy made, titig na titig si Ces lalo na sa labi nito
na nakadampi sa bote. . . Napalunok naman si Ces sa nakikita.

Aahh! Sarap ng malamig na tubig. Thanks!

Oy, Lyle. Tara rito! Agad umalis si Lyle at pumunta sa coach nila.
Hindi pa rin mapakali si Ces, looking at her bottle. Her heart raced,
kumakawala sa kanyang dibdib.

Ang boteng ito ay inuniman niya. . . at ininuman din ni Lyle. The fact na
parehas na dumampi ang labi nila sa boteng ito, kinakamatay na ng
pagkatao ni Ces sa kilig.

O, girl. Bakit ka nakatulala d'yan? Napailing lang si Ces sa tanong ni


Cheka na kakabalik lang kasama ang iba pang babae sa VIP area at untiunti, napangiti siya sa na-realize niya.

It was their first. . . indirect kiss.

~ ~ ~
Author's Note:Tinatamad na ako gumawa ng author's note pero gumawa ako
ngayon kasi gusto ko ipakita sa taong dededicate-an ko na para sa kanya
itong chapter na 'to. Hi queenreinney! Sa'yo nakadedicate to, bakit?
Dahil sa comment mo last chapter, 'yung sinabi mong "cliche" ito. (Not
sure kung good sign or not yun hahaha) Medyo oo, ginagawa ko siyang
cliche as possible. . . pero yung sinabi mong "PERO HINDI EH, sa title pa
lang at si Rayne na author... parang hindi match ang Cliche story dito."
natawa ako! As in, hahaha syet sorry pero cliche to! (joke lang) I'm
trying my best. . . pero hindi ko mapapromise na itong story eh hindi
cliche but then, thank you for believing me. Naks :D
PS: Sa ibang nagbabasa at nagkocomment, maraming thank you! :)

=================
6 // Change of Taste
"Happiness is like a butterfly which, when pursued, is always beyond our
grasp, but, if you will sit down quietly, may alight upon you."
Nathaniel Hawthorne

~ ~ ~

Hi Princess ;)

For several years, ngayon na lang naexcite ng sobra si Ces para hawakan
ang sariling cellphone. Sa totoo n'yan, wala naman talagang kuwenta ang
cellphone niya. Ginagamit lang niya ito para pang-alam, text para sa
school announcements lang at minsanang pagtawag ni Marky. Minsan lang
dahil sabi nga ni Marky, "Try mo kayang mag-reply sa text?"

Until she read that message.

Agad-agad siyang kinabahan. Princess. Isa lang ang tumatawag sa kanya ng


endearment na 'yun at alam 'yun ng puso niya. Nagmadali siyang nagpaload. Ngkamali pa siya ng number dahil hindi naman niya saulo ang number
niya. Nasayang tuloy ang sixty pesos. Ang suwerte ng nasendan ng load.

Pero hindi siya nagpatinag: nagpaload pa rin siya pero mukhang hindi na
yata kailangan 'yun dahil bago pa siya makapag-text. . . tumatawag na ang
prinsipe niya.

Hi. Sa isang salita lang na nagko-consist ng dalawang letra, napatalon


ang puso ni Ces sa sobrang galak at tuwa...isama pa ang kilig. Bakit
hindi ka nagre-reply? Busy ka ba?

Ang guwapo-guwapo ng boses! Pero kung tutuusin, mas guwapo ang boses ni
Lyle sa persona. Pero puwede na rin sa phone; ang cool lang. Hindi ito
mataas pero hindi rin ito sobrang baba. Perkpektong boses.

A, uhm, hindi.Abot hanggang tainga ang ngiti ni Ces habang kausap si


Lyle at naglalakad na pauwi galing sa paload-an. Natutuwa siya dahil
hindi na niya kailangang magpigil pa nang sobra sa kilig. Saktuhan lang.
. . Puwede siyang ngumiti pero bawal sumigaw. P-pero, saan mo nakuha
ang number ko?

Sa registration office, okay lang ba? Kung hindi, ibabalik

H-hindi! Napatakip ng bibig si Ces dahil sa pasigaw niyang sagot.


Malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya. What if mahalata ni Lyle na may
gusto siya sa binata? Lagot siya.

Hmm?

Kahit ganyan lang ang sinabi niya, ang guwapo pa rin ng boses niya.

Ano, okay na rin 'yun. . . para may contact tayo para sa


assignments. Tumawa si Cesthe awkward way na sa sobrang uneasy ay
parang binigkas na niya ang tatlong ha-ha-ha.

Puwede rin para magkakilala pa tayo. Sa sinabi ni Lyle, hindi na


mapakali si Ces, lalo na ang puso niya. Sobrang nagwawala na.

* * *
Lyle Yuzons Change of Taste?

Ces! Ano to?! Hindi na napigilan ni Marky ang mapasigaw nang makita
niya ang balita sa website ni Lyle Yuzonthe Lyle Yuzon. Lumapit si Ces
kay Marky

Nakataas ang kilay ni Marky, waiting for her friend's answer.

Y-yung ano? Bumibigat ang bawat paghinga ni Ces dahil nakikita niya
ang mukha ni Marky na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.

Ito! Marahas na pinakita ni Marky kay Ces ang screen ng laptop at


nakalantad doon ang napakalaking title na Lyle Yuzons Change of Taste
with a picture of Lyle and a girl, not too sweet but they were close
enough na para bang kaunting kembot na lang ay magkakapalitan na sila ng
mukha. Bakit may picture kayo ni Lyle?!

Huminga nang malalim si Ces. H-hindi ko alam. . .

Napakamot ng noo si Marky dahil sa kaibigan. Marky loves Ces as if she's


a precious gem to take care of. Actually, parang kapatid na rin ang
turing niya rito at ayaw niyang may mangyaring masama kay Ces dahil lang
sa Lyle na 'yun.

Kahit pa kasi sabihin nating mabait at guwapo si Lyle. . . wala pa ring


tiwala rito si Marky, which was quite unusual dahil para kay Marky, ang
mga lalaki ay isang obra-maestra ng Panginoon.

Alam kong sobrang crush mo si Lyle pero. . . mahirap 'yan, mahinahon na


sabi ni Marky. Once na pumasok ka sa buhay ng isang Lyle Yuzon, there's
no turning back. Kayo ba?

Umiling nang marahas si Ces. H-hindi! Hindi ko rin kasi alam. . .Bigla
na lang siyang bumait sa akin, bigla na lang niya akong
nakita, pagpapaliwanag niya.

Ha?

Ikinuwento ni Ces ang buong pangyayari kay Marky simula sa research class
nila hanggang sa basketball na hindi maintindihan ni Ces. Tumango-tango
lang si Marky sa naririnig pero base sa hitsura niya, hindi siya natutuwa
sa naririnig.

Basta ha, mag-isip ka nang mabuti bago ka kumilos.

Bago pa maka-react si Ces, napangiti na lang siya nang maramdaman niyang


nagba-vibrate ang cellphone niya. Nope, not an alarm. Isang tawag, at ang
nakalagay sa screen ng cellphone niya?

Lyle ko Calling. . .

* * *

Paano nga ba makakaisip nang mabuti ang isang dalaga kung laging nasa
tabi ni Lyle, hindi ba? Paanong hindi mawawala sa sarili kung sobrang
lapit ng dalawa sa isa't isa na kaunting tulak na lang ay magkakahalikan
tulad ngayon, sa Research class nila.

Magkatabi sina Lyle at Ces sa likod, sa dulosa may bintana. Para silang
isolated sa iba dahil walang nakaupo sa mga upuan na nakapaligid sa
kanila; para bang may sarili silang mundo.

Hindi masyadong makahinga si Ces nang mabuti dahil ang lapit ni Lyle sa
kanyatitig na titig. What if one day, may nagsabi sa'yong I like you,
anong gagawin mo?

A-ano? Kumakarera na naman ang tibok ng puso ni Ces. Sobrang bilis.

Ngumiti si Lyle nang pagkaguwapo-guwapo. Isang ngiti na medyo mapanloko


na bagay na bagay sa image nito. Nagulat na lang si Ces nang hawakan ni
Lyle ang kamay niya. Napatitig si Ces sa kanilang mga kamay. Pinipisilpisil ito ng binata at para bang hindi na siya makahinga sa ginagawa ng
Lyle niya.

First time na may humawak ng kamay niya. . . at si Lyle pa ang humawak


nito.

Paglingon niya sa mukha ng katabi, napaatras siya nang kaunti dahil


sobrang lapit na talaga ng mukha ni Lyle. Napangiti lalo si Lyle sa
reaksiyon ng dalaga, natutuwa. Sumandal si Lyle sa balikat ni Ces.
Nakikiliti man ang dalaga dahil sa buhok nito pero hindi niya 'yun ininda
dahil. . . napapangiti siya.

Ang saya sa pakiramdam.

Ganoon lang sila for some minutes, tahimik. Nakasandal si Lyle sa balikat
ni Ces habang pinaglalaruan naman nito ang kamay ng dalaga. Pinipindotpindot ito, hinihimas-himas at parang. . . para bang kaunti na lang ay
magkacross na ang fingers nila together.

All of a sudden, nagsalita si Lyle. Nakita mo ba 'yung sa website ko?

Y-yung ano? pagmamaang-maangan ni Ces as if hindi niya alam 'yun at


hindi siya nagpupunta roon everyday para lang malaman ang balita sa
Lyle niya, na para bang hindi na niya nabasa at nakita ang lahat ng
pictures, information, trivia at pati comments simula umpisa.

Picture natin, sa home page? Hindi makatingin si Ces kay Lyle dahil
unfortunatelyo fortunately, nakasandal pa rin ang binata sa balikat nito
at nakatingin kay Ces so para bang kaunting kibot na lang ni Ces ay
magdadampi na ang mga labi nila sa isa't isa.

A-ano. . . uhm... Hindi makapag-react si Ces dahil sa totoo lang, medyo


nawawala na naman siya sa sarili niya sa puwesto nilang dalawa. Sobrang
lapit nila sa isa't isa at nanng mapansin niya ang kamay niya, naka-lock
na ito sa mga daliri ng binatanot moving.

Magka-holding hands kami! Nagpi-freak out na si Ces. Hindi niya malaman


ang dapat i-react. Hindi siya mapakali. Nilalamig na rin ang mga kamay
niya at nahihiya siya dahil hawak-hawak 'yun ng prinsipe niya.

Pero habang tinititigan niya ang mga kamay nila, parang bang. . . they
fit perfectly.

Hey, are you listening to me? Nabalik sa totoong mundo si Ces nang
magsalita ulit si Lyle. Hindi na nakasandal si Lyle sa kanya pero ang
lapit pa rin ng binata rito na kung puwede lang ay magtabi na rin sila sa
iisang upuan at gumamit ng iisang table.

A-ano ulit 'yun?

Ang sabi ko

Kring!

Next week, I want the name of your group. Make it professional and three
proposed titles, understand? You may go.

Nagkagulo na ang mga kaklase nila na hindi sila pinapansin kahit


maglampungan sila sa likod. Nakalabas na ang karamihan pati na ang
professor nila nang magsalita si Lyle.

Shit, 'yung research. . . Napatingin sa ibang parte si Lyle pero hawak


pa rin nito ang kamay ng dalaga. Uhm, Princess, won't you mind kung tayo
ang partners?

Partner?! Humugot ng malalim na paghinga si Ces. Tumango siya nang


marahas at napangiti pa na para bang excited. . .at na-realize niyang ang
OA yata niya.

Thanks! Ang cute. Then he kissed heron her cheek. Let's have lunch.
My treat.

Mula pagkatayo nila hanggang sa paglalakad, nakahawak lang si Ces sa


pisngi niyang hinalikan ni Lyle na para bang nag-iinit ito, na para bang
may apoy na dumadaloy sa may pisngi niya matapos itong halikan ng binata.

Nakarating sila ng cafeteria. . . magkahawak pa rin ang mga kamay, walang


bumibitaw.

Marami-rami ang nakatingin sa kanilaparticularly kay Ces nang masama.


Most of them were girls with heels na hindi bumababa sa three-and-a-half
inches ang taas. Sanay naman na kasi si Ces sa tinginan na 'yun pero ang
hindi siya sanay, 'yung magkahawak sila ng kamay ni Lyle, crossed
fingersna para bang ayaw siyang pakawalan ng binata.

Kahit pa masasama ang tingin sa kanya ng ilan, hindi pa rin niya


maiwasang kiligin. Sino bang hindi kikiligin sa pangyayaring 'to?!

Kahit na mahaba ang pila, dumiretso lang si Lyle sa may counter para magorder. Nagkangitian naman sina manang Pola at Ces dahil matagal-tagal na
rin silang hindi nagkakakuwentuhan simula nang mapasama na si Ces sa
grupo ni Lyle.

Pagkadating nila sa table, nandoon na ang iba pang kaibigan ng binata.

Oooh, what's with the hands? pagbati ni Elissa sa dalawa. Ngumiti ito
ng mala-anghel. Kung hindi lang ito naka short shorts at naka fitted
sando ay iisipin ni Ces na sa kumbento ito papunta sa sobrang mala-anghel
na mukha.

Magkahawak. Ngayon ka lang nakakita ng magkahawak-kamay? sagot ni


Lyle. Umirap si Elissa sabay ng tawanan ng grupo. Nakangising umupo si
Lyle. Sumunod si Ces sa tabi ng binata.

Hindi pa rin gets ni Ces kung bakit magkakasama ang mga ito kahit na
pakiramdam niya ay nagpaplastikan lang sila. Maybe because populars need

to be with the other populars? Pero bakit siya nandito? Hindi naman siya
popular.

You know, Ces, you have beautiful eyes. Bakit mo suot-suot 'yang glasses
mo na may tape? pagtatanong ni Marla.

Si Marla ang pinaka manipis na magdamit sa mga babae sa grupo. Ngayong


araw ay nakatube dress ito. Hindi lang ito basta-basta tube dress dahil
sa sorang nipis ng tela ay kitang kita na rin ang panloob nitong suot. It
complements her sexy body pero pinapayagan pala ang ganitong suot sa
school?

Malabo kasi 'yung, ano, mga mata ko. Napa-oh si Marla doon.

Tell you what, bibigyan kita ng contacts para hindi ka na magsuot ng


glasses, nakangiting sabi ni Marla.

A-ano?

Ngumiti si Marla kay Ces na nahihiya at nag-iinit ang mga pisngi. Ayaw
ko naman kasi makita ng fans ko na may kasama ako na may salamin sa mata.
It's so not me. Ang cheap.

Napangiwi si Ces sa narinig. Ang akala pa naman niya ay nagpapakabait na


sa kanya ang mga tao rito pero hindi pala: ayaw lang nilang masira ang
image nila na may kasamang nerd. Hindi na lang umimik si Ces pero hindi
rin siya makagalaw masyado dahil hawak pa rin ni Lyle ang kamay niya.

Uhm, Lyleano. . . Nagkatinginan sila kaya naman ay lumakas na naman


ang kabog ng dibdib ng dalaga.

Bakit, Princess? Napangiti sa sarili si Ces nang marinig na naman niya


ang boses ni Lyle na tinatawag siyang princess. Hindi na talaga yata
siya magsasawa sa endearment ni Lyle sa kanyaisang prinsesa,
nakakakilig. Nakatingin lang si Lyle sa kanya na nagtataka pero nakangiti
pa rin.

Kakain kasi ako, tapos 'yung, ano. . .

Oh! Napansin niyang lalong ngumiti si Lyle. Lumapit naman ang binata sa
kanya at bumulong, I'll miss your hand.

Ramdam ni Ces ang mainit na hininga ni Lyle sa kanyang leeg na


nagpakilabot sa buo niyang katawan. Tumaas ang kaunting balahibo niya
lalo na nang naramdaman ni Ces ang pagdampi ng labi ni Lyle sa leeg niya
pero sobrang light lang.

Get a room, guys! Lumayo si Lyle kay Ces habang nagtawanan ang mga nasa
table. Nakaramdam ng kahihiyan si Ces pero kahit na nakakahiya,
nakakakilig pa rin.

Pakiramdam niya, isa siyang prinsesa na kasama ang prinsipeng matagal na


niyang hinahangad. Dreams do come true when you wait.

Ces was daydreaming habang kumakain hanggang sa naputol ito nang bigla
siyang nakarinig ng isang sigaw ng babae.

OHMAYGAHD, ANDYAN NA SILA!

Napatingin si Ces sa babaeng 'yun at napansin na lang niya na may


paparating na grupo ng mga lalaki at ilang camera men, nag-aayos
ng lightings at kung anu-ano pa. Pumasok ang grupo na parang
pinagkakaguluhan at narinig na lang niya ang mga ilang sigawan ng mga
babae.

Ooh, MyuSicks here, pag-a-announce ni Pao, ang korean looking guy sa


grupo, na katabi ni Lyle.

I know. Hindi ako bulag. Napatingin si Ces kay Lyle. He was eyeing the
group ng guys na naglalakad kasunod ng mga camera. Sa mga T-shirt ng
cameramen ay ang logo ng MTV Asia Nakikita ni Ces na para bang may
something sa tingin ni Lyle na 'yun, something close to hate, perhaps?

"Were now here in the cafeteria of MyuSicks school in the Philippines."


May host rin pala ang nandito. Medyo pinagkakaguluhan ng ilang babaeng
ang MyuSick pero hindi maka-relate si Ces kahit na pakiramdam niya,
pamilyar sila sa kanya.

Uhm, puwedeng magtanong: sino sila? tanong ni Ces.

MyuSick, rising band in Asia.

Banda na dito nag-aaral.

Kinaiinisan ni Lyle 'yung vocalist!

Shut up, Pao! Natawa lang si Pao sa reaksiyon ni Lyle. Nagulat na lang
si Ces nang hawakan siya ng binata at itinayo.

Hey, saan kayo pupunta?

We're getting a room. Hindi ka kasama.

Buti naman. Hindi ako mahilig sa threesome, pare. Nanlaki ang mga mata
ni Ces sa narinig. Mabilis na naglakad si Lyle at medyo nahihila na siya
nang marahas ng binata. Nagkasalubong sina Lyle at ang grupo ng MyuSick,
but only two were eyeing each other: si Lyle at ang vocalist ng banda.
Nagtitigan silang dalawa na para bang may kaunting kuryente ang naproduce sa titigang iyon

There were a lot of giggles ng ilang babae dahil nagtabi raw ang dalawang
hottest guys sa school. Hindi naman 'yun mawari ni Ces dahil kahit
pagbali-baliktarin man ang mundo, pinaka-hot pa rin ay si Lyle.

Nakalabas na sila ng cafeteria at medyo malayu-layo na roon. Hinihingal


na rin si Ces. We're not getting a room. Na-bad trip lang ako.

Tumango na lang si Ces. Nakatayo sila sa school garden at magkahawakkamay. Umupo ang binata sa isang bench pero nakatayo pa rin si Ces,
siguro dahil nahihiya siya? Pero magkahawak pa rin sila ng mga kamay,
hindi pa rin kumakawala.

Bakit ka nakatayo? Sit. Nag-aalinlangan pa si Ces kung uupo siya o


hindi pero nang paupo na siya sa tabi ni Lyle, bigla siyang hinila ng
binata kaya naman ay napaupo siya sa lap nito.

T-teka Naramdaman na lang niya na hindi na hawak ni Lyle ang kamay


niya pero unti-unti, gumapang ang dalawang kamay nito sa tiyan niya at
niyakap siya.

Butterflies.

Ang daming paruparo ang nagliparan sa tiyan niya na akala niya ay


nakakain yata siya ng mga caterpillar noong lunch. Hindi siya masyadong
makahinga lalo na nang isinubsob ni Lyle ang ulo sa dibdib niya. Ramdam
niya ang paghinga ng binata. Ang init ng paghinga nito at nahihiya siya
dahil ang lakas ng kabog ng dibdib niyabaka mahalata ni Lyle na may
gusto siya rito.

Which was not really shocking dahil sino bang hindi magkakagusto kay
Lyle, hindi ba?

If I told you I like you, will you be mine?

Napatulala si Ces sa narinig. Napatingin siya kay Lyle: he was staring at


her, titig na titig na para bang ayaw kumawala. Humigpit ang yakap ni
Lyle sa dalaga at pakiramdam ni Ces, mahuhulog na yata siya sa pagkakaupo
sa lap ni Lyle sa sobrang kaba.

A-ano? Pakiulit nga. Nag-i-imagine na naman yata ako.

I like you.

~ ~ ~
Author's Note:Yung totoo? Bakit kayo kinikilig last chapter? Kasi wala
akong naramdamang kilig eh, kaya bakit?! Hahahaha pero salamat dahil
natutuwa kayo kahit ibang approach itong kwento na 'to kumpara sa iba
kong gawa na puro kalokohan.
Dedicated kay Rach. . .kase, kinikilig siya! Ewan ko lang kung dahil kay
Lyle o dahil kay *toooot* hahahahahahaha! Dedicated din sa kanya kasi
ngayon lang 'yan nagcomment, kinikilig daw pero. . . hahahahaha joke lang
hi Rach salamat sa pagbabasa nito yay! :D

=================
7 // SDTC
"The meeting of two personalities is like the contact of two chemical
substances: if there is any reaction, both are transformed." C.G. Jung

~ ~ ~

I really like how innocent you are. Nakaka-turn on.

Napapangiti si Ces sa tuwing naalala niya ang sinabi sa kanya ni Lyle.


Siguro, ito ang magandang epekto ng pagiging introvert at kakaunti lang
ang kaibigan niya: inusente siya, pero inusente from what?

Kinilig siya lalo nang maalala niya noong nasa library sila ni Lylehindi
man obvious, matalino rin si Lyle, hindi lang pinapakita. Ang akala nga
ni Ces, siya lang ang mag-iisip ng group name at topic nila para sa
research pero ang nangyari, siya na lang ang nagsulat ng mga ideas ng
binata.

Casanova? So what? Kung mabait, gentleman at matalino ito, aanhin mo ang


katagang playboy?

Masayang-masaya si Ces. Lagi na siyang nakangiti kahit wala namang dapat


ikangiti. Lalo na ngayon na nakatitig lang sa kanya si Marky dahil wala
silang customer sa cake shop ngayon.

Pansin ko, lagi kang nakangiti. Anong mayron? takang tanong ni Marky.

Gusto sanang itago ni Ces ang ngiti niya pero hindi pa rin niya magawa
dahil nga, kinikilig siya.

Wala naman. Masaya lang ako.

Kumunot ang noo ni Marky at tinitigang mabuti si Ces. Masaya siyang


masaya si Ces pero ang unusual kasi ng ngiti nito. Parang. . .
nakakatakot na dahil sa sobrang saya. Nag-ayos na lang si Ces ng mga
paninda nila habang si Marky, inoobserbahan pa rin si Ces.

Sabay na napatingin sina Ces at Marky sa ibaba ng counter nang magvibrate ang cellphone ni Ces. Napakunot ang noo ni Marky pero si Ces,
lalong ngumiti. Without looking at the screen, sinagot niya agad ang
phone niya.

Lyl But she was cut off dahil imbis na lalaki ang marinig niyang
boses, galing ito sa babae. Nawala ang ngiti niya nang marinig niya ang
sinabi ng babae sa kabilang linya. Nagkatitigan sila ni Marky. Kitang-

kita ang pagtataka sa mukha ni Marky pero kitan- kita rin ang pagkawala
ng saya na bumabalot kay Ces.

Ang kapal ng mukha mong lumapit kay Lyle.

Bago pa siya makapagsalita, binabaan na siya agad ng call. Tiningnan niya


kung sino ang tumawag pero number lang ito at nang tinawagan niya, out of
reach na ang number.

Nanigas ang buo niyang katawan. Hindi niya alam kung ano ang dapat ireact. Ang buong saya at sigla niya ay halos na-drain sa isang tawag
langsa isang pangungusap lang.

Ang kapal daw ng mukha niya.

* * *

Hindi natapos ang mystery caller ni Ces. Kikiligin sana siya kung lalaki
ito at nagtatapat sa kanya tulad sa mga stories na nabasa niya pero
hindi, dahil ang tumatawag sa kanya ay mga babaeiba't ibang babae, in
fact. . . At iisa lang ang pinaparating nila.

Hindi siya bagay kay Lyle.

Wala siyang ibang pinagsabihan nito kahit na nadi-distract siya ng mga


tawag at text ng iba't ibang numero. Walang araw na hindi pumapalya ang
mga mystery girls na 'yun, na para bang wala silang ibang ginawa kung
hindi magalit kay Ces.

Pinipilit naman niyang hindi pansinin ang lahat. Pinapakita niya na okay
lang siya kahit every once in a while, mayroong tatawag sa kanya. Nang
tinigil niya ang pagsagot sa mga tumatawag, tinatadtad naman siya sa
text. Nang palitan niya ang number niya, hindi pa rin siya tinigilan.

Sa tuwing magbubukas siya ng Facebook, lagi siyang nakakatanggap ng


messages from different fake and troll accounts so she decided to
deactivate it pero ang hindi niya mapigilan? Ang hate letters na nakukuha
niya sa locker niya.

Hindi na niya alam ang gagawin. Wala siyang ibang masabihan ng mga ito.
Natatakot siyang sabihin kay Marky dahil baka magwala ang kaibigan. . .
Hindi rin naman niya masabi kay Lyle dahil baka lumayo ang binata sa
kanya. Hindi niya kakayanin 'yun.

Kinuha na ni Ces ang last letter sa locker niya pero bago pa man niya
malagay ang lahat sa kanyang bag, nagulat siya sa biglang pagdating ni
Lyle sa kanyang tabi.

Hey.

Agad-agad tinago ni Ces ang mga sulat pero hindi ito nakaligtas sa
paningin ni Lyle.

Ano 'yan? Kita ang pagtataka sa mukha ni Lyle. Pinilit ngumiti ni Ces
kahit pa kitang-kita sa mga mata niya na nahihirapan na siya.

W-Wala. Para sa mga activities lang ng scholar, pagdadahilan ng dalaga.


Kahit nagtataka, tumango na lamang si Lyle dahil wala rin naman siyang
magagawa kung ayaw sabihin 'yun ni Ces.

Ganun? Pero you know what? Mula sa pagtatakang mukha, ngumiti nang
nakakaloko si Lyle.

Ano? ngiting-ngiti na tanong ni Ces.

Ang ganda ng mga mata mo lalo na ngayon. Hinawakan ni Lyle ang pisngi
ni Ces at tinitigan ang mga mata ng dalaga. In an instant, nawala ang
lungkot at hirap na nararamdaman ni Ces at napalitan ng kiligsumasabog
sa kilig.

Inalis na niya ang eyeglasses niya. Tulad ng sabi ni Marla last time,
binigyan niya ng contact lenses si Ces. Pinapili pa nga siya kung gusto
ba niya ng blue contacts or green, or something like pink pero ang sabi
na lang niya ay transparent na lang.

Mag-o-almost one month na rin ang pag-stay niya sa puder ng mga popular
icon sa kanilang school. Sa katunayan, may nakita na rin siyang fans club
ng prinCESa club consisting of maybe five, or siguro seven na sila sa
Facebook. Masarap sa feeling ang makilala pero masakit rin naman ang
pagsabihan ka ng hindi ka bagay sa taong gustong-gusto mo.

* * *

May gusto ka bang sabihin sa akin?

Napatingin si Ces kay Marky. Ngayon lang ulit kasi ito nagsalita mula
nang nagsimula sila sa kanilang shift sa cake shop ngayong araw.Mukhang
hinintay yata ni Marky na mawalan muna ng tao bago sila mag-usap.
Napansin ni Ces na seryoso ang mukha ng kaibigan kaya naman kinabahan
siya.

Anong mayron? pagsisimulang tanong ni Marky.

Anong anong mayron?

Bakit ka naka-contact lens? Hindi namalayan ni Ces na nagpipigil pala


siya ng paghinga. Iniiwas rin niya ang tingin kay Marky. Kailan ka pa
natutong mag-make-up?

Pumikit nang mariin si Ces bago huminga nang malalim. Kumuha siya ng
lakas ng loob dahil parang nanghihina na naman yata siya. Hinarap niya si
Marky with a smile sabay sabing, Tina-try ko lang 'yung suggestion mo
dati na mag-ayos na ako.

Tinaasan ng kilay ni Marky ang kaibigan na para bang sinasabi niya ang
not good enough. Pinipilit pa rin ni Ces ang ngumiti pero kinakabahan
siya sa sasabihin ng kaharap. Sabi ni Lyle?

Pagkabanggit ni Marky sa pangalan ni Lyle, napaiwas ng tingin si Ces.


Hindi siya makapagsalita. Hindi siya nag-ayos dahil sabi ni Lyle; nagaayos siya dahil gusto niyadahil gusto niyang magandahan sa kanya si
Lyle, hindi magsawa ang binata sa kanya, at kung nandyan naman ang
libreng tulong, bakit siya tatanggi?

H-Hin

Huwag mo akong pinaglololoko, Ces. May website si Lyle.

Nanigas ang buong katawan ni Ces sa narinig. Oo nga pala, may website nga
pala si Lylehindi niya naalala. Actually, bakit niya aalahanin ang
website kung ang totoong Lyle ay nakakasama niya.

Marky

Hindi pa natutuloy ni Ces ang sasabihin niya, pinigilan siya ulit ni


Marky. Nakakatanggap ka ng mga hate messages, di ba?

Nanlaki ang mga mata ni Ces at napatingin nang diretso sa


kaibigan. Paanong. . .

Hindi ako tanga, okay?! At alam mo namang sikat 'yang si Lyle. Maraming
die-hard fans 'yan at siguradong gagawa ng kahit anong kalokohan 'yung
mga die-hard fans niya! Naging close lang kayo ni Lyle, nagkaganyan ka
na!

Marky! Hindi ko naman Nag-init bigla ang ulo ni Ces sa narinig na para
bang pagkakamali niya na maging close siya kay Lyle.

I know, gusto mo siya. You're obsessed with him pero, Ces, ibang-iba ka
na!

Tumingin si Ces kay Marky na hinihintay ang sagot niya. Hindi naman kasi
madalas magalit si Ces dahil most of the time, tahimik lang siya pero
ngayon, hindi na siya mapakali. Naaasar na siya.

Ano bang masama kung obsessed ako sa kanya? Hindi ba ikaw pa ang
nagpakilala sa kanya sa akin nang lubos? Ano bang gusto mong mangyari?!

Nagkatitigan ang dalawang magkaibiganthis was a first. First time nilang


magsigawan, at nasa loob pa sila ng cake shop. It's a good thing na
walang customer at silang dalawa lang ang nandoon pero it's a bad thing
dahil. . . hindi naman sila nagsisigawan. Ngayon lang.

Pero ano ba, Ces. Alam mo naman ang one-month rule niya, di
ba?! Lumayo si Ces kay Marky, lumabas siya sa may parte ng counter at
umupo sa upuan sa may pintuan papasok ng CR.

What if nagbago na siya para sa akin?

Pagkasabi ni Ces noon, hindi mapigilang matawa ni Marky sarcastically.


It's as if it was the funniest thing he ever heard na para bang hindi
kapani-paniwala. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang matawa o maawa
sa iniisip ni Ces.

Ces was indeed. . . a hopeless romantic.

Youve got to be Naputol ang sasabihin ni Marky nang biglang tumayo si


Ces.

Good evening, sir. Napatingin siya sa may pintuan at nakita niyang may
pumasok na customer. For a moment, nawala ang tensyon sa dalawa para
asikasuhin ang mga customers na dumating. Marky was busy with the
customers nang mag-ring na naman ang phone ni Ces.

From across the room, tiningnan ni Marky ang kaibigan nang tumingin ito
sa screen at nalungkot ang mukhao tila ba natakot. Napabuntong-hininga
na lamang si Marky sa nakita. Marahil ay isa na naman 'yung hater ni
Ces.

Alam ni Marky na puwedeng mangyari ito kay Ces pero hindi niya aakalain
na mangyayari talaga ito. Hindi niya minamaliit ang kaibigan, actually.
Kahit siya ay nagagandahan sa kaibigan pero hindi niya inaakala na si
Lyle, the Lyle Yuzon ay mapapansin ang kaibigan niya. . .nang ganito.

Its as if like magic. . . Pero what if mag-iba nga si Lyle para kay Ces?
What if the casanova prince will fall for the nerd? Ang gasgas ng
pangyayari pero. . . posible.

* **

mH@mAhTaYy CqKa NuAh. , . hNd3h CqKa bAg@y kAy LyLe CqKo! ! ! ,,!,,

For the nth time, nakatanggap na naman siya ng text message from
anonymous numbers. at tumatawag sa new number niya.

Nakakasakit ang lahat ng sinasabi sa kanya ng mga haters niya pero buti
na lang, natawa siya sa isang ito.

Well, at least kahit hate text ang laman, nakakatawa naman ang pagkajejemon. Nabawasan tuloy ang kaba na nararamdaman niya ngayong nasa
backstage siya. Ito kasi ang first gig niya, actually. Hindi naman siya
professional singer, kumakanta lang siyaat dahil kailangan niya ng pera,
kailangan niyang kumayod.

Bago pa siya makaakyat sa stage, biglang nag-ring ang phone niya at


pagkasagot niya noon, napangiti na lamang siya. Ang kaninang kaba ay
ngayon binalot na ng kilig at lakas ng loob.

Hey, Princess. Kaya mo 'yan. Good luck.

Isang tawag lang galing kay Lyle, nabubuo na ang araw niya. Pag-akyat
niya ng stage, nakatitig lang ang mga tao sa kanya. Nag-usap muna sila ng
banda bago siya naupo sa gitna. Huminga siya nang malalim at inalala ang
boses ni Lyle.

Nakaka-inspire lalo.

Nagsimula na siyang kumanta. . . Hindi na muna niya pinapansin ang mga


tao hanggang sa mapunta na siya sa bridge ng kanta at napansin na lang
niya, sinasabayan na siya ng mga tao sa bar.

Braced myself for the goodbye,cause that's all I've ever known.Then
you took me by surprise,you said I'll never leave you alone.

Napapangiti si Ces habang kumakanta. Ang sarap sa pakiramdam na hindi ka


nila babatuhin ng kung anu-ano habang kumakanta ka pero sinasabayan ka pa
nila na para bang napi-feel ng audience mo ang kinakanta mo.

You said I remember how we felt sitting by the waterAnd every time I
look at you, it's like the first timeI fell in love with a careless man's
careful daughterShe is the best thing that's ever been mine

Pagkatapos niyang kumanta, ang saya ng pakiramdam niyanagpalakpakan ang


mga tao hanggang sa pagbaba niya. Kinongratyuleyt din siya ng banda na
nakasama niya sa pagtugtog. Nag-aayos na si Ces ng sarili niya para
makauwi.

Napatitig siya sa half-body mirror sa dressing room. Hanggang ngayon,


hindi pa rin siya sanay na walang salamin sa mata at hindi naman niya
magawang suotin ulit dahil sinira nina Marla ang salamin nito. Nakcontacts na siya ngayon; 'yun kasi ang IN.

Napapansin din niya, unti-unti na ring nagkukulang sa tela ang damit niya
with matching unti-unting tumataas na takong ng heels.

Shes a new Ces. . . in just a few days.

Pagkalabas niya ng dressing room, may napansin siyang dalawang babae na


parang naghihintay pero dahil hindi naman niya kilala ang dalawang 'yun,
hindi na lang niya pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at
nilagpasan ang dalawang babae hanggang naramdaman na lang niyang
hinawakan siya at hinatak.

Teka nga!

A-aray! Muntikan nang ma-out-of-balance si Ces dahil nga nakasuot siya


ng skirt at heels. Napatingin siya sa babaeng humatak sa kanya na ang
sama ng tingin.

Ikaw si Ces, di ba?

Napatitig si Ces sa dalawang babae, hinahalungkat sa utak niya kung sino


ang dalawang babaeng 'yun pero wala, hindi talaga niya kilala kung sino
ang dalawa.

S-Sino ba kayo? Tinanggal ni Ces ang kamay ng babae nang marahan pero
nagulat siya dahil bigla siyang itinulak ng babae. Tumama ang likod niya
sa matigas na pader. A, a-ano ba? Sino ba

Ang kapal ng mukha mo para akitin si Lyle. Ang pangit-pangit mo


naman! Tinakpan ng isa ang bibig niya para hindi siya makasigaw at
nararamdaman na lang niya na nahihirapan na siyang huminga dahil
sinasakal siya ng kaninang humatak sa kanya. Kung ayaw mong masaktan pa,
lumayo ka na sa kanya!

Kitang-kita ni Ces ang galit sa mga mata ng dalaga pero hindi talaga ito
pamilyar sa kanya. Sino ba ang mga babaeng 'to? Hindi naman yata niya kaschoolmate ito. . . Isa ba 'to sa mga ex ni Lyle? Pero bakit parang hindi
siya pamilyar? Halos lahat ng ex ni Lyle ay naka-post ang picture sa
website nito pero. . . sino sila?

Ces?

Napatingin silang tatlo sa pinanggalingan ng boses mula sa labas.

K, tara na. Baka makita nila tayo! Nagpa-panic na sabi ng nagtatakip ng


bibig ni Ces. Nagkatitigan naman sina Ces at K. Masama ang tingin ni K
parang kikitil.

Magpakamatay ka na! Pangit! Nagulat na lang si Ces dahil bigla siyang


inuntog ng dalaga sa pader at itinulak pababa, full forcena siyang
dahilan para bumagsak si Ces. Nanlalabo ang mga mata ng dalaga dahil sa
malakas na tulak sa kanya ng dalaga. Nakita niyang tumakbo sa kabilang
side ang dalawang sumugod sa kanya.

Ces! Anong nangyari sa'yo?! Agad na dumating at inalalayan ni Marky


ang kaibigan pero imbis na umiyak si Ces dahil sa sakit na nararamdaman
niya physicallysa likod, sa leeg at sa buong katawan, napangiti siya.

It's been a few days simula nang huli nilang pansinan ni Marky.

Dumating k-ka, Marky. . . sa first gig ko. Sumimangot si Marky sa


narinig. Siguro ay nati-teary-eyed na rin dahil kahit pala na-bad trip si
Marky kay Ces, binibigyan pa rin ng importansya ng dalaga ang friendship
nila. Salamat.

Tae ka, Ces. Sino ba ang may gawa sa'yo nito?!

But it was too late for Ces to answer. . . Everything went black:
nahimatay siyasa pagod, sa stress at sa sakit ng katawan.

* * *

These research titles are good, Mr. Yuzon and Ms. Flores. I'm glad that
you two are in my class, very impressed na sabi ng kanilang research
Prof. Inakbayan naman ni Lyle si Ces at inilapit ito sa kanya.

Well, sir, I have the best partner. Right, Princess? Napangiti na


lamang si Ces sa sinabi ni Lyle ddahil kahit dalawang linggo na ang
nakararaan simula nang nagkausap sila, kinikilig pa rin siya.

Kahit na ang daming. . . galit.

Napag-alaman rin ni Ces na si K ay ang acting president ng fans club ni


Lyle outside the school. Ni-research ni Ces ang tungkol dito at nalaman
niya ring si K ay ay adik na adik kay Lyle to the point na nag-i-imagine
ito na kilala siya ni Lyle at siya ang original girlfriend.

Ang weird isipin na may mga ganitong klaseng babae na obsessed na


obsessed kay Lyle but then, mas lalong weird isipin dahil ang isang Ces
lang ang makakasama ni Lyle.

Magkahawak na naman sila ng kamay habang nakaupo sa popular table sa


cafeteria. Nakasandal si Lyle sa balikat niya habang tila hinahalikhalikan ang leeg nito, dahilan para hindi siya mapakali at makaramdam ng
kaunting kilabot.

You're so hot, pabulong na sabi ni Lyle. I really want you.

Napatigil si Ces sa narinig niya. Ito ang pinakaunang beses na sinabihan


siya ng isang lalaki ng mga katagang 'yan. Ito rin ang pinakaunang beses
na sinabi ni Lyle sa kanya 'yan. Ang akala niya noon, baka isa lamang
siya sa mga babae ni Lyle pero ngayon. . .

Pakiramdam niya, sila nasila na forever.

Paglingon ni Ces kay Lyle, nagulat na lang siya nang maramdaman na lang
niya ang paglapat ng mga labi ng binata sa kanyang mga labi. Sumabog ang
puso niya nang panandalian. Nakaka-overwhelm ang lahatits her first
kiss.

Siguro nga ay hindi magandang idea na ang first kiss ay nangyari


habang nasa cafeteria kayo at maraming nakakakita. Siguro nga ay ang
dream kiss ni Ces ay in a romantic place with candle-light dinner pero
aanhin mo ang dream kiss kung ang dream guy mo ang humalik sa'yo?

Napapapikit si Ces while her heart was pounding fast. Akala niya ay
matatapos na itong halik na ito pero nagulat na lang siya nang maramdaman
niyang hinawakan ni Lyle ang kanyang ulo at diniin pa lalo sa mga labi ng
binata. Naramdaman niya ang dila ng binata na dumampi sa mga labi niya;
halos mawalan siya ng hininga sa ginawa ng binata.

Then he started kissing her passionately, sa cafeteria. . . pero hindi


siya maka-react. Nanigas siya. Hindi niya alam ang magiging reaksiyon
niya.

OMG, porn! Napaatras si Ces kaya nasubsob nang kaunti si Lyle sa may
balikat nito at naramdaman naman niyang hinalikan pa muna ni Lyle ang
balikat niya bago ito umupo nang maayos.

Being in a relationship doesn't mean you can have sex in the cafe, alam
niyo ba 'yun? natatawang sabi ni Kervin habang papaupo sa tabi ni Lyle.

Inggit ka lang dahil wala kang kahalikan, dude, pang-aasar ni Lyle.

Ako pa ang nawalan? Marami akong girlfriend. Gusto mo, gawa pa kami
ng sex scandal, e, natatawang sabi ni Kervin habang nag-asaran na ang
mga tao.

Nakaakbay si Lyle kay Ces habang kausap ang iba nitong kaibigan.
Nakaramdam ng hiya ang dalaga. Nakatahimik. Kahit pa sabihin nating ilang
weeks na niyang nakakasama ang mga 'to, hindi pa rin siya maka-fit-in.

Thank God, Ces. Your eyeshadow matches your face na! natutuwang bati ni
Elissa. Pinagkaguluhan naman siya ng mga babaesila ang naging guru
niya on making herself, as what they say, gorgeous. Those girls were
perfectionists when it comes to make-up and fashion. Kahit pa sabihin
nating maaarte sila na kulang na lang ay maghubad sila for new fashion,
may pakinabang din naman sila.

Well, for Ces siyempre but then, was Ces happy about this sudden change?
Puwede na. . . para kay Lyle.

We'll have a party on Kengs. Sama ka, Ces, ha? Hindi ka puwedeng mawala
roon lalo na't ikaw na ang bagong girlfriend ni Lyle. Napangiti lang si
Ces.

Party? Party ba kamo? Is this party like a simple and normal party o
party na. . . iniisip niyang party tulad ng sa mga stories na nababasa
niya? Napalunok siya ng laway at that thought. Parang kinabahan siya
nang panandalian. It's like pressuring her.

Pero. . . wala akong damit para sa parties, mahinang bulong ni Ces.

Nagulat naman siya dahil for the nth time, sumandal si Lyle sa kanyang
balikat at bumulong sa may leeg niya, Don't worry, akong bahala sa
damit mo, then planted a kiss on her neck.

Napatingin siya sa paligid, napatingin siya sa mga kasama niya,


napatingin siya sa cellphone niya na punong-puno ng hate messages at ang
panghuli, napatingin siya sa lalaking kanina pa siya nilalandi.

Everything's new na para bang sobrang bilis ng lahat ng pangyayari. Hindi


siya makapaniwala na it's been almost two weeks since he started dating
her. Hindi siya makapaniwala na natututo na siyang mag-make-up at medyo
inaalikabukan na ang chucks niya dahil lagi na niyang suot ang heels na
ibinigay sa kanya ng mga 'friends' niya. Hindi siya makapaniwala na ang
eyeglasses niya ay sinira para lang magsuot siya ng contact lens, at lalo
na ang pagtatrabaho nang dalawang beses isang araw para hindi mawalan ng
pera at para makabili ng mga damit na kulang sa tela para isuot sa
school.

She changed.

Hindi siya makapaniwala na right at this moment, kasama niya si Lyle. . .


ang Lyle niya and those were some of the perks of him dating her. Pero
kung hindi pa obvious, yes, folks, she's dating the casanova. .
. already.

~ ~ ~

Author's Note:Hahahaha ano daw? She's Dating the Casanova? Hahaha okay
sorry korni ko pero kahit na ganun, masyado akong natutuwa dahil sa mga
comments last chapter, parang watdahek guys, saan kayo galing bakit
andami niyo ata?! Salamat po sa pagbabasa, pagvovote at pagkocomment!
Anyway, this chapter is dedicated to HumiGad. Bakit siya? Bakit sa kanya
eh hiatus siya dito sa wattpad? Simple lang, sa kanyang story kasi ang
pinaka unang 3rd POV na nabasa ko na galing dito sa wattpad. . . at
sobrang hanga ako sa way niya ng pagsusulat lalo na ng 3rd POV, ang
galing lang. . . nakakahatak ng emosyon. Kudos yay! :D

=================
8 //

Crazy Little Thing

"If I had a flower for every time I thought of you...I could walk through
my garden forever." Alfred Tennyson

~ ~ ~

Pagkalabas niya ng taxi, napatitig si Ces sa bar na binabaan niya.


Nakakasilaw ang mga neon lights nito na nag-i-i-spell out ng Kengs
Night Out. Rinig na rinig sa kinatatayuan niya ang malakas na tugtog sa
loob ng bar.

Ang haba rin ng pila ng mga teenagers na tsine-check ng bouncer kung nasa
tamang edad na ba o nagkukunwari. Napatingin siya sa paligid. Madilim
pero at the same, maliwanag dahil sa ilaw na binibigay ng neon lights ng
mga bars na nakapalibot.

Pinipilit naman niyang ibaba nang kaunti ang mini dress niyang kulay itim
dahil pakiramdam niya ay nahuhubaran siya sa mga titig ng mga lalaking
nakapila at nakatambay sa labas ng mga bar.

Hi, sexy. Kumindat ang lalaking napadaan sa harap niya. Napansin ni Ces
ang titig ng binata sa kanyang hinaharap.

Napangiwi si Ces. Looking at her clothes, she mentally punched herself.


Dapat pala ay nag-shirt at jeans na lang siya or something less
revealing.

Ito kasi ang ibinigay ng katulong ni Lyle. Ito raw ang ipinabibigay ni
Lyle para sa kanya at pinasabing sobrang sasaya si Lyle kung ito ang
isusuot niya. Sinuot naman niya para mapasaya si Lyle pero. . .
nakakailang.

Tumingin siya sa cellphone niya. Ang sabi sa oras doon, mag-aalas dose na
raw pero hanggang ngayon, wala pa ring nagte-text sa kanya. Siguro kasi
ang usapan ay alas dose at medyo napaaga siya?

Tumayo lang siya sa may gilid, malayo sa mga tao pero hindi naman sa
madilim dahil natatakot din siya. Nagtse-check lang siya ng phone every
now and then nang biglang may lumabas sa pintuan na babae. Inaalalayan
naman siya ng isang lalaki. Walang sabi-sabi ay nagsuka ang nauna sa tabi
ng bouncer.

Hinay-hinay lang! pasigaw na paalala ng lalaki. Napansin din ni Ces na


may hawak na alak ang babae nang ilagok niya ang natitirang laman ng
bote. Uy, ano ba?

Ayoko na! Ang sakit, e!

Pinagtitinginan ng mga nakapaligid ang dalawang 'yun na halos magsigawan.


Nalaman din niyang brokenhearted ang babae at best friend nito ang
lalaki. Niloko raw kasi ang babaeng ito, pinagpalit sa iba ng ex niya.

Hindi naman talaga


magagawa niya kung
sabay sabing Sana
mag-best friend. .

niya dapat inaalaman ang buhay ng iba pero anong


sinisigaw ng babae na hinayupak at peste ang ex niya
ikaw na lang ang binoyfriend ko! at naghalikan ang
. sa labas, sa gitnahabang nanonood ang karamihan.

Napahinga siya nang malalim at pinagtuunan ng pansin ang cellphone niya


hanggang sa muntikan na niyang mabitawan ito sa naramdamang paghawak sa
kanya at bumulong ng. . .

Hold-up 'to.

Nanigas ang buong katawan ni Ces. Hndi siya makagalaw at parang hindi
yata niya kakayaning tumingin sa likod niya kung saan nakalapit sa kanya
ang lalaking nangho-hold-up sa kanya. Napakariin ng pagkakahawak niya sa
lanyang cellphone.

Akin na ang puso mo. . . pabulong na sabi ng lalaki at bago pa


makalingon sa likod si Ces, dahil kinuha mo na ang akin.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces.

Natakot ba kita? Kitang-kita ang pilyong ngiti ni Lyle kay Ces at wala
namang ibang magawa si Ces kung hindi halikan ulit ang boyfriend sa labi.
Ang sarap. Boyfriend. Ngumiti lang si Ces. Hindi niya mapigilanganito na
lang kasi talaga ang epekto sa kanya ni Lyle: nakakaloko.

Hinawakan siya ni Lyle sa balikat at pinagmasdan mula ulo hanggang paa.


Ngumiti naman lalo si Lyle pero sumimangot ito. Bagay sa'yo 'yung damit
pero. . . kumunot pa ang noo nito, parang ang ikli naman yata sa'yo?

Nakatitig lang si Ces kay Lyle dahil sa narinig niya. Totoo ba 'to? Teka
nananaginip ba siya? Ang buong akala niya ay ginusto ni Lyle ang maikli
at revealing na damit na 'to.

Gusto mo bang magpalit ng hindi masyadong sexy? Jacket? Ang gentleman


ni Lyle.

H-ha? Hindi na. . . okay lang ako.

Sige, bastat huwag kang lalayo sa akin.

* * *

LETS PARTY!

Nagkakagulo ang mga tao sa loob ng bar. Pagpasok pa lang nina Ces at Lyle
sa loob, unang napansin ni Cesang sakit sa mata ng paligid. Siguro dahil
sa mga blinking lights sa madilim na paligid pero malakas din ang
impact ang mga taong nagsasayawan, nag-iinuman at mga naghahalikan na
para bang walang bukas.

Pagpasok nila ay maraming bumati kay Lyle na para bang lagi silang
nandoon kaya magkakakilala na silang lahat. Dumiretso sila sa may

pinakadulo na may malaking lamesa at paikot na sofa. Nandoon ang mga


populars sa school nila having a lot of fun.

Inom! yaya ni Shaun na may hawak na bote ng alak. Wow, Ces, you look
hot!

O, Shaun, ayusin mo 'yang mga mata mo. She's my girlfriend!

Napangiti lang si Ces hanggang sa naupo na sila sa bakanteng space sa


sofa. Nagmasid lang si Ces habang nakikita niyang nagtatawanan at nagiinuman ang mga sikat na taong kasama niya. Ang ilan ay nagsitayo at
nakisayaw sa dance floor at ang ilan naman ay nagsabi, were getting a
room daw.

* * *

Every Saturday, may nights out ang barkada. Nakakasabay naman nang
kaunti si Ces pero hindi kasi talaga siya umiinom. Thank Lyle dahil hindi
siya pinapabayaan ng nito. Sa tuwing nasa bar sila, hindi siya iniiwan ni
Lyle kahit na mag-CR siya at sinasamahan siya ng boyfriend kahit sa labas
lang.

Patuloy pa rin ang mga hate messages na nakukuha niya pero kumpara naman
sa saya na nararamdaman niya sa piling ni Lyle, hindi na niya iniinda
'yun. Kahit si Marky ay wala na ring magawa at nag-give up na kay Cesshe
really was living her dream.

Nakakasabay na rin siya sa mga trip ng mga popular guys sa school. Kahit
papaano ay nagkakaroon na rin siya ng interest sa basketball kahit minsan
ay nabo-bored siya rito. Nakakasabay na siya sa pagpunta ng comfort room
para lang mag-retouch ng make-up. Nakikiuso na rin siya sa mga fashion na
pakulangan ng tela.

Actually, nagpi-fit in na talaga siya sa mundo ni Lyle. . . which was


actually scary dahil ang bilis ng oras.

* * *

Ces, mag-iisang buwan na.

Tahimik lang si Ces na nakaupo sa isang upuan sa cake shop. Kahit pa


sabihin nating matapang si Marky, kahit siya ay natatakot para sa
kaibigan. Alam niyang malaki ang tyansa na hindi kayanin ni Ces itong
puwedeng mangyari pero wala na rin naman siyang magawa.

Malapit nang mag-isang buwan sina Ces at Lyle. Sa sobrang bilis, hindi na
namalayan ni Ces na baka nga malapit na ang deadline nila. Pinipilit
niyang kalimutan 'yun pero may mga pagkakataong nagpapaalala sa kanya ng
one-month rule at isa na rito ang isang babaeng kinausap siya isang gabi.

Hi.

Medyo nagulat pa nang kaunti si Ces sa narinig niyang boses ng babae.


Napansin na niya itong babaeng ito na nakatambay sa may shop nila pero
kanina pa 'yun at nagtaka naman siyang nandito pa rin ito kahit halos
tatlong oras na ang nakaraan. Tapos na shift mo?

Marahang tumango si Ces, iniisip kung tama bang kausapin niya ang babaeng
ito sa madilim na parte ng labas.

Ako nga pala si AnneYumiko Anne Nakahara. Puwede ba kitang makausap?

Hindi rin alam ni Ces kung bakit siya sumama sa babaeng nagngangalang
Anne. Napansin rin niyang mukha itong Korean o Japanese siguro dahil sa
apelyido nitong Nakahara. Tahimik lang sila hanggang makarating sila sa
isang coffee shop na open 24 hours. Inilibre pa siya ng babaeng kasama
niya.

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nakikita mo ba 'to? Hinawi ng


dalagang katapat ni Ces ang mahabang buhok nito pataas para ipakita ang
leeg nito. Naningkit si Ces nang panandalian para i-focus ang mga mata sa
pinapakita ng dalaga.

T-Teka, ano Nanlalaki ang mga mata ni Ces sa nakita at napansin.


Ibinaba ng dalaga ang kanyang buhok pero kitang-kita pa rin ang bakas na
ngayon ay pansin na pansin na ni Ces.

Ito ang ginawa sa akin ni Lyle. Ex niya ako. Lyle dating the Japanese
Doll ang title ng news naming dalawa sa website niya.

Kaya pala. Ito agad ang naisip ni Ces dahil pamilyar sa kanya ang babae
ngunit hindi niya lang maalala kung saan niya nakita ang mukha nitopero
kumpara sa picture, parang na-stress ang Japanese Doll ngayon. Parang
nagkaroon ng mali. . . Parang ang daming nangyari.

Ginawa niya sa'yo 'yan? nanlalamig na tanong ni Ces. Kanina pa niya


ipinupunas ang mga kamay niya sa kanyang palda dahil kanina pa ito
pinagpapawisan sa hindi niya malamang kadahilanan; hindi naman siya
pasmado.

Not literally but emotionally, yes. . . Nakatitig lang si Ces sa leeg


ng katapat niya. May bakas ito ng parang mga sugat at ilang pasa na para
bang...para bang kakagaling lang nito sa isang pagbibigti.

Tumayo si Anne at ngumiti kay Ces pero unti-unting nawala ang ngiting
iyon sa mukha nito. Mag-ingat ka, habang maaga pa.

Iniwan siya ni Anne na mag-isang nakaupo habang hawak-hawak ang coffee na


inilibre sa kanya ni Anne. Hindi nawala sa utak ni Ces ang nangyari, ang
bakas sa leeg, ang mga mata ni Anne. Natatakot siyamalapit na ang one
month at natatakot siyang iwan siya ni Lyle.

Napansin na lang niya, nanginginig ang baso ng kape na hawak-hawak niya


kasabay ng pamumuo ng malalamig na pawis sa kanyang katawan.

* * *

Para makaiwas sa puwedeng away na mangyari na maaring maging sanhi ng


isang break-up, lumayo siya kay Lyle. . .Hindi siya tumabi kay Lyle
noong Research class nila at siya na lang ang gumawa ng introduction
without consulting him. Nagawa niya successfully ang pag-iwas kay Lyle
for a week hanggang dumating ang Thursday, sa library, mag-isa lang si
Ces na nagbabasa ng notes.

Hi. You're Ces, right? Napatingala si Ces para tingnan ang nagsalita at
sa pagkakaalam niya, hindi niya kilala ang lalaking ito. Patrick nga
pala. Umupo si Patrick sa tabing upuan ni Ces. Bakit mag-isa ka lang
dito?

Napakunot nang kaunti ang noo ni Ces. Uhm, nag-aaral?

Tumango-tango lang ito at nanahimik. Ipinagpatuloy naman ni Ces ang


kanyang pag-aaral, pero nagsalita ulit ang binata. Naaasar na siya sa
totoo lang pero hindi niya magawang sabihin 'yun dahil hindi siya ganoong
klaseng tao, although hindi rin naman siya madalas mainis. Ngayon lang.

At sino ka para kausapin ang girlfriend ko?

Right at that moment, pagkarinig na pagkarinig ni Ces ng boses na


nagpapatibok ng puso niya nang sobrang bilis, nanlaki ang mga mata niya
at hindi siya makatingin sa nagsalita. Nagtila isang statwa siya na hindi
makagalaw. Nagpipigil rin siya ng paghinga.

Woah. Sorry, Lyle, sorry. Akala ko break na kayo! Napapikit si Ces.


Nasa likod lang niya si Lyle. Narinig niyang umalis na si Patrick pero
ramdam na ramdam niyang nasa likod pa rin niya ang one week na niyang
tinatakasan.

Naramdaman niyang hinawakan siya nito sa balikat at kasing tigas ng


lamesang pinagpapatungan ng mga gamit niya ang boses nitong
nagsalita. Mag-usap tayo sa labas.

* * *

Lumabas sila. Nauuna si Lyle at sumusunod lamang si Ces. Habang patagal


nang patagal ang paglalakad nila, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib
niya. Hindi kaya galit si Lyle? Paano kung ito ang maging dahilan para
mag-break sila? What if itong pag-iwas niya ang magtulak kay Lyle para
hiwalayan siya nito?

Pasok. Sumunod naman si Ces at pumasok sa loob ng kotse ng binata.


Hinintay lang niya ang pagpasok ni Lyle sa kabilang side. Sarado ang mga
pintuan, hindi umaandar ang kotse at sobrang tahimik. Tanging ang mabigat
na paghinga ni Lyle lamang ang naririnig sa loob, at ang bilis ng tibok
ng puso ng dalaga. Tumatagaktak din ang pawis niya kahit pa binuksan ni
Lyle ang air-con.

Lumalayo ka ba sa akin?

Napapikit si Ces at humugot ng lakas ng loob sa kaibuturan ng lungs niya


at ngumiti nang hindi tumitingin sa mata ni Lyle.

Bakit naman ako lalay

Huwag mo akong ginagago!

Nagulat si Ces sa sigaw ni Lyle. Marahas siyang hinawakan ng binata at


hinarap. Medyo nayugyog pa siya. Ayaw man niya pero tiningnan niya ang
mukha ni Lylengayon na lang niya ulit nakita ang mukha nito nang
malapitan at napansin niyang para bang wala itong masyadong tulog dahil
kitang-kita ang eyebags nito. Bakit ka ba lumalayo sa akin?!

Lyle Naputol ang sasabihin niya dahil nagulat na lang siya nang bigla
siyang yakapin ng binatasobrang higpit. Halos hindi na siya makahinga
hindi dahil sa higpit ng yakap ng binata sa kanya kundi dahil para bang
sasabog siya sa nararamdaman. Totoo ba 'to? Lyle, totoo ba talaga 'to?

Please, don't ignore me. . . Nahihirapan ako.

Napanganga lang nang kaunti si Ces sa naririnig. Simula kasi nang naging
sila ni Lyle, puro kalandian at loko-lokong ways lang ang nakikita ni Ces
sa nobyo pero ngayon, ibang iba siyaparang. . . seryoso?

Nilayo ni Lyle ang sarili mula sa pagkakayakap kay Ces at tinitigan ang
dalaga sa mga mata. Napansin naman ni Ces na namumula ang mga mata ng
katapat.

Promise me, Princess. Huwag mo akong iiwan. Napatitig lang si Ces.


Hindi siya makapagsalita na para bang hindi pa nagsi-sink in sa kokote
niya ang lahat ng nangyayari. So this was the effect of her ignoring him?

Ganito na pala ang epekto ni Ces sa isang Lyle, the Lyle Yuzon, ang Lyle
niya.

P-promise. . .

Thank you. Nakita niyang ngumiti si Lyle sabay ng pabulong na sinabi


nito. Unti-unti namang inilapit ni Lyle ang kanyang ulo kay Ces at nang
magdampi ang mga labi nila sa isa't isa, she felt something, something so
weird yet felt so wonderful.

A crazy little thing called love, perhaps?

~ ~ ~
Author's Note:Masyado akong natutuwa sa mga nababasa kong comments tapos
napapangiti ako dahil wala pang isang araw eh 20+ agad ang comments which

is new to me dahil kapag "NEW" story ang ginagawa ko, hindi napapansin
agad. . . kaya, wow, thank you guys. Nakakagulat kayo. Thanks. :">
Dedicated naman ito kay Jhing, bakit sa kanya eh hindi naman niya to
binabasa? Kasi gusto ko 'yung pagkakasulat niya sa DAMA, ang light kahit
3rd POV at ngayon ko lang sasabihin to, alam mo ba Jhing, medyo naluha
ako doon sa part na parang pinaparamdam mo na kahit maganda si Dama,
inaagaw pa rin sa kanya ang lahat tapos wala siyang atensyon na nakukuha
pati feel niya walang nagmamahal sa kanya kaya ang bitchy niya. Kaya
siguro humanga ako sa pag 3rd pov mo kasi naparamdam mo sa aming mga
readers 'yung gusto mo parating. Tagos pa sa akin oh, wala lang so ayun,
ang galing mo lang ahihihihi.

=================
9 // Her Own Nightmare
"They've promised that dreams can come true - but forgot to mention that
nightmares are dreams, too." Oscar Wilde

~ ~ ~

Break na tayo.

Naramdaman ni Ces na halos maubos ang dugo sa katawan niya nang marinig
ang mga salitang iniiwasan niyang marinig. Napaupo siya nang wala sa oras
nang manghina ang mga tuhod.

A-ano?

Hindi ka ba nakikinig? Kitang-kita ni Ces ang pagkairita at kasamaan sa


mukha ni Lyle.

Teka! Nagsusumamo man, hinakawan niya si Lyle sa binti bago pa malakad


palayo ito, na para bang isang asong iiwan ng kanyang amo. Huwag naman
ganito, Lyle please, huwag ganitomahal na mahal kita!

Napangiti si Lyle sa narinig kaya naman imbis na lumayo ay umupo ito para
maabot si Ces na nakaupo sa sahig. Nanlambot ang buong katawan ni Ces
nang hawakan ni Lyle ang kanyang pisngi at ipahid ang hinlalaki para
alisin ang mga luha rito.

I love you, nakangiting sabi ni Lyle at wala pang ilang segundo,


napangiti ulit si Ces hanggang sa. . . Naniwala ka naman?! Don't be
stupid! Bago pa maka-react si Ces ay Itinulak siya ni Lyle at tumayo.
Nakangisi itong nakatingin sa kanya. Napansin na lang niyang tumatawa ang
mga popular people at nagsisigawan ng Tanga! Bobo! Feeling! Eww!

Ang boring mo, ito ang huling binanggit ni Lyle bago ito naglakad
palayo, ang mga salitang parang kutsilyo kung tumusok sa pagkatao niya.
Dahil sa boring siya, nakipag-break sa kanya ang prinsipe niya.

Huwag, Lyle. . . Dumaloy muli ang mga luha sa kanyang mga pisngi.
Pinipilit makatayo ni Ces ngunit pinipigilan siya nina Marla na itinuring
niyang kaibigan. Tinutulak siya, sinasabunutan at pinagsasasampal-sampal
na para bang isa siyang hayop. Bitiwan niyo ako! Lyle! Huwag kang
umalis, Lyle!

Kahit ano pang lakas ng sigaw niya ay hindi pa rin lumilingon ang binata.
Hindi siya pinapakinggan. Lyle, huwag! Huwag! HUWAAAAGG!

* * *

Napadilat si Ces at pinagmasdan ang madilim na paligid ng papag na


hinihigaan. Ang bigat ng buong katawan ng dalaga na para bang may
dumadagan sa kanya. Tagaktak din ang pawis niya sa buong katawan kahit
tutok na tutok ang electric fan sa kanya. Hindi rin nakaligtas ang mga
mata niyang hindi mapigilan ang paglabas ng luha.

Isang panaginip. . . hindi, isa itong bangungot. . . na naman.

Sa tuwing natutulog si Ces ay napapanaginipan niya si Lyle na


nakikipaghiwalay sa kanya. Laging ganoon ang pangyayari and it was so
scarynakakatakot dahil habang palapit nang palapit ang monthsary nila ni
Lyle, para bang pa-realistic nang pa-realistic ang bangungot niyaparang
totoo. Parang. . . mangyayari.

Umiwas si Ces sa pagtulog dahil natatakot siyang makita ulit ang


senaryong 'yun; hindi niya kakayanin. Hindi rin naman niya kinakaya ang
puyat at pagod kaya apektado rin ang ibang aspeto ng buhay niya.

* * *

Anong nangyari, Ms. Flores? Bakit bagsak ka sa quiz natin? Ito ang
tanong ng professor niya sa Filipino. Paborito siya ng guro niyang 'yun
dahil siya lang ang nakikinig dito at matataas ang grado nito sa mga
activities at quizzes pero dahil sobrang pagod ang utak ng dalaga, hindi
na siya makapag-aral nang matiwasay.

W-wala po, nakayukong sabi ni Ces. Nagsalita pa ang guro niya pero
hindi na rin niya naintindihan ang mga sinasabi nito dahil sa totoo lang,
wala na siyang naiintindihan sa lahat.

* * *

Aray!

Ces! Napasigaw sa pag-alala si Marky nang makita niyang nabuhos ni Ces


ang mainit na kape sa pantalon ng customer nila.

S-sorry po! Kitang-kita kay Ces ang pagkataranta nang ma-realize niyang
natapunan niya ng napakainit na kape ang customer nila. It was the first
time for her para magkamali nang ganoon. Nag-panic siya kaya naman ay
nabunggo niya ang isang stante na muntikan nng makabasag sa glass window
ng shop kung hindi ito nasalo ng customer.

Ces! Anong nangyayari sa'yo?! Agad na inalalayan ni Marky ang


kaibigan. Maupo ka nga muna d'yan! Tulad ng sinabi ni Marky ay umupo si
Ces. Nakakaramdam siya ng hilo dahil sa kulang na tulog nitong mga
nakaraang araw. Wait lang sa yelo, sir. Teka!

Nakatitig lang si Ces kay Marky na natataranta na rin sa pag-aasikaso sa


napaso nilang customer. Ramdam naman ni Ces ang panginginig ng kanyang
mga kamay dahil kitang-kita ang pagyanig ng baso na hawak-hawak niya.

Kahit sa pisikal na mga gawain, hindi na rin kinakaya ng katawan niya.

***
Huwag mo akong iwan, Lyle!

And for the nth time, napanaginipan na naman niya ang senaryong 'yun.
Paulit-ulit, parang sirang plaka na unti-unting sumisira sa utak at
katawan ni Ces. Napapikat siya nANg ma-realize niyang. . . monthsary na
nila.

Tinignan ni Ces ang kanyang cellphone para makita kung anong oras na
pero nagwala ang puso niya nang makita ang pangalan ni Lyle na sinasabing
may new message galing rito.

Lets talk later, okay?

Talk? Anong talk? Hindi na mawala sa utak ni Ces ang nabasa. Anong
klaseng talk? Anong klaseng pag-uusap? Friendly talk ba ito? Getting to
know each other talk o. . . that talk, ang iniiwasan ni Ces na usap.

Hindi mapakali ang dalaga. Buong araw siyang nasa cake shop ngayon dahil
Sunday; marami ang bumibili. Hindi rin siya mabawasan ng kaba dahil tawag
nang tawag si Lyle. Naaasar na nga si Marky dahil todo vibrate ang
cellphone ni Ces.

Kung ayaw mo siyang kausap, puwede pakipatay na 'yung phone? Nakakairita


na 'yung vibratio Naputol ang sasabihin ni Marky nang magbukas ang
pintuan ng cake shop at may isang babaeng nagtingin ng mga cake. Good
afternoon, ma'am. Ano pong gusto niyo?

Napatingin naman si Ces sa cellphone niya na kung tao lang ito at


nakakapagsalita, malamang ay minura na siya dahil pagod na pagod na ito.
Minu-minuto ba namang mag-vibrate, sinong hindi mapapagod?

Tumigil sandali ang vibration ng kanyang cellphone kaya naman kinuha niya
ito para tingnan: maraming missed calls na sinadya niyang i-miss
sagutin at ilang messages na sinasabing pick-up the phone or hey, talk
to me at are you mad? na may kasamang sad face :(.

Naglakas ng loob si Ces para mag-reply at humingi ng tawad dahil sobrang


busy lang siya sa cake shop. Well, totoo naman na busy siyaat nasa cake
shop siya. . . hindi lang siya sobrang busy para hindi mapansin ang mga
tawag at text ni Lyle.

Hindi naman na nag-reply o tumawag si Lyle kay Ces. Nakahinga nang maayos
si Ces rito pero natatakot rin siya na baka nagsawa na ang lalaki kaya
kahit wala nang break-up, maghanap na ito ng iba.

Wala siyang masabihan ng pangyayari o problema niya dahil natatakot


siyang magalit si Marky kay Lylewala naman siyang ibang close kung hindi
si Marky at kung si Erich naman ang kakausapin niya, mas pipiliin niyang
wala na lang kausapin. No thanks na lang.

Dumating na ang gabi. May isang lalaking naka-suit na itim na parang


businessman ang dating ang pumasok sa cake shop. Nakakapagtaka rin dahil
naka-shades ito kahit gabi na.

Yes, sir? nakangiting bati ni Ces ngunit kitang -ita sa mga mata nito
ang pagod mentally, physically at emotionally.

Ill buy all the cakes here in this shop, dahan-dahang sinabi ng
lalaki.

Sige po, wait laANO PO? Nanlaki nang kaunti ang mga mata ni Ces sa
narinig. Dumating naman si Marky na kakagaling lang sa CR. Bibilhin
ninyo po lahat?

Bibilhin lahat? pagtataka ni Marky.

Yes, I'll buy all of it and you're Princess, right? Nagkatinginan sina
Marky at Ces na para bang nagtaka, natakot at nahiwagahan sila sa
lalaking ito. Dahil nabili ko na ang lahat ng cake, siguradong may oras
ka na.

Pero. . . aabot sa sampung libo ang lahat ng ca Napatigil si Marky sa


pagpapaliwanag nang maglabas ng pera ang lalaki, madami-daming papel na
kulay asul na may tatlong tao each.

I'll buy it all, please, and miss Princes

Ces po. Twagin niyo akong Ces. Hindi mapakali si Ces dahil gusto niyang
tumatawag sa kanya ng princess ay ang prinsipe niya. . . lang. Saka,
sino po ba kay

Napatigil sina Ces at Marky nang tumunog ang chimes ng kanilang pintuan
at tumambad ang isang lalaki na matangkad, guwapoat nagpapatibok ng puso
ni Ces. SiSiL-Lyle, rinig na bulong ni Marky.

Yumuko ang lalaking naka-suit kay Lyle. Master, nabili ko na po


ang lahat ng cake. Ang tagal po Nakita nina Marky ang pagtungo ni Lyle
para tumigil sa pagpapaliwanag ang businessman-kuno.

Hi, Princess. Lumapit si Lyle kay Ces. Nagkatinginan ang dalawang


magkaibigan na babae sa isa't isa, may kaba na nararamdaman pero hindi

mapaliwanag na ngiti ang makikita sa labi ng mga ito. Hinawakan ng binata


ang kamay ni Ces. Lets talk?

* * *

Nakasakay si Ces habang katabi si Lyle sa likod ng limousine na


minamaneho ni Mr. Businessman-kuno na bumili ng mga cakes. Speaking of
cake, ang lahat ng cake na binili ni Lyle ay ipadadala sa mga charity
foundation para sa mga bataplus pogi points.

Hinawakan ni Lyle ang kamay ni Ces na naging dahilan ng pagtalon ng puso


ng dalaga. Naramdaman niyang lumapit si Lyle sa kanyang tainga at
bumulong ng, Happy monthsary.

Nangilabot ang buong katawan ni Ces sa narinig. It was so sweetsobrang


nakakaakit pero hindi rin naman mawala sa kanya ang takot na baka
patibong lang ito at baka iwan siya ni Lyle pagkatapos ng gabing ito.

S-saan ba tayo pupunta? Nakapiring din ang mga mata ni Ces kaya
kinakabahan siya sa kung ano ang masasaksihan niya pagkatanggal ng piring
na 'to.

Basta. Trust me.

Tumigil na sila sa paglalakad. Inalalayan siya ni Lyle, magkahawak ang


mga kamay at halos magkayakap na dahil para bang ayaw siyang pakawalan ng
binata. Are you ready? Tumango lang si Ces at pagkatanggal ng piring sa
kanyang mga mata, everything droppedpati ang puso niya, sobrang nalaglag
na.

L-Lyle. . .

Happy monthsary, Princess. Hinalikan siya ni Lyle sa mga labi at halos


mangatog na ang buo niyang katawan sa kilig na nararamdaman.

Clich man o sobrang gasgas, ang nasa harapan niya ngayon ay isang lamesa
na may dalawang upuan, some romantic candles at the center of the table,
isang romantic ambiance na mayroon pang tumutugtog ng harp sa hindi
kalayuan. Nagulat pa siya nang bigyan siya ng bouquet of flowers ng
binata. Kinikilabutan siyano, hindi sa takot. Kinikilabutan siya dahil
totoong nangyayari ito at hindi isang panaginip o pantasya.

A-akala ko. . . Akala ko. Napatakip ng bibig si Ces sa dami ng


nararamdaman niyagulat, saya, takot, pagtatakahalu-halong nararamdaman
dahil hindi talaga siya makapaniwala.

Akala mo ano?

Akala ko... Napatingin si Ces kay Lyle. Kita ang pagtataka sa mukha ng
binata. Akala ko makikipag-break ka sa akin.

Ha? Nanlaki ang mga mata ng binata na parang nagulat ito sa pinagsasabi
ni Ces, na para bang imposibleng mangyari ang sinasabi ng dalaga. Anong
pinagsasasabi mo? Saan mo napulot 'yan?

Magkatinginan silang dalawa, nakatayo habang may tugtog na sobrang sarap


sa pakiramdam na feeling ni Ces ay sobrang in love siya. K-kasi, 'yung
sa one month, one girltapos ang boring ko pang tao, hindi ako maganda,
wala akong maipagmamalaki, hindi ko alam, masyado kang mataas para sa
akin tapos 'yung mga fans mhmm!

Walang sabi-sabing
tulad ng kanina na
binata. Hindi niya
dahil sa ginawa ng

hinalikan ni Lyle si Ces nang buo sa mga labi. Hindi


dampi, naramdaman ni Ces na gumalaw ang mga labi ng
alam ang gagawinnanlalaki ang mga mata niya sa gulat
boyfriend.

Hinawakan ni Lyle si Ces sa mukha at para bang gina-guide ito para


sumunod sa kanya upang gumalaw rin. Hinayaan naman 'yun ni Ces at
napapikit nang maramdaman niyang dumampi ang dila ng binata sa kanyang
dila.

Napasinghap siya sa naramdaman. Parang kinuryente ang buo niyang katawan


nang magtama ang mga dila nila pero hindi rin naman 'yun nagtagal dahil
humiwalay rin si Lylepero hindi ganoon kalayo ang pagitan ng mga mukha
nila.

Kita naman ang ngiti sa mga labi ng binata. Youre so silly thinking of
those things. Ang cute mo.

* * *

Has Lyle changed his motto from One month, one girl to forever nerdy?

Hindi natin maipagkakaila na ang pagkakaroon ng ating Lyle ng isang


girlfriend na nerd ay nambulabog sa buong Lycitizen. Maraming natuwa
dahil nag-feeling na ang mga feelingera na may chance na rin sila kay
baby Lyle dahil nga pumatol ito sa hindi naman ka-pretty-han at kabog to
the highest level. Pero chorva kayo. Anong say niyo kay ate na biglang
blossom ang kagandahan sa kalagitnaan? Nagparetoke lang?! Pero girls and

gays, natatandaan niyo ba ang pustahan natin na hindi magtatagal si nerd


na maging girlfriend si Lyle natin? Pero ano itech? Ano itech na
nababalitaan konglagpas na sila ng one month?!
HUWAT?!

Ang chaka-chikadora ng Lycitizen ng Pilipinas,LyLabsQitah

Dito na yata nagsisimula ang pagbabago ni Casanova Prince para kay Nobody
Girl. She was happy. . . very happy. Nagsitaasan lalo ang grades ng
dalaga sa sobrang pagkainspired. Mahal siya ng lalaking mahal siya.
That's all that matters.

Hanggang sa isang araw, habang itina-type ni Ces ang na-formulate nila ng


boyfriend niya para sa kanilang research, biglang nag-vibrate ang kanyang
cellphone Masaya at madaling kinuha ni Ces ang cellphone sa kanang higaan
pero pagkabukas niya ng message, para bang nanlumo ang buong pagkatao
niya.

A-ano to, Lyle?

~ ~ ~
Author's Note:Masaya akong binabasa niyo ang TTLS ng buong puso. Masaya
ako kasi kahit na less dialogue at more on narration ito eh binabasa niyo
pa rin at hindi nag iiskip, thank you. :)
Dedicated to Kaycee o tots ko. Bakit sa kanya eh hindi naman niya to
binabasa at busy forever siya? Kasi hindi pa ata ako nakakapag dedicate
sa kanya ng kahit anong story o chapter pero sobrang idol ko siya
forever. Siya kasi 'yung author na sobrang light at talino ng mga
stories, sobrang nakakaaliw. idol ko siya forever guys so ayun, dedicated
sa kanya 'to kahit parang wala namang kwenta tong chapter hahahaha! But
anyway, tots. . . thank you sa paniniwala sa akin lalo na sa mga book

covers, salamat sa mga tulong at sa mga stories na nilaan mo para sa


akin. :">

=================
10 // High-Pressure Situation
"Nobody dies a virgin... Life fucks us all." Kurt Cobain

~ ~ ~

Dalawang salita.

Dalawang salita sa text: no emoticons, no periods o kahit na anong


jejemon design. Mukhang seryoso dahil walang hahaha, seryosong aura
pero ang dalawang salitang 'yun ang nagpabilog sa mga mata ni Ces sa
sobrang gulatteka, gulat? Gulat ba ang tamang description para sa
nararamdaman ni Ces?

Hindi ba ito dapat dismaya? O lungkot? Galit? Pero. . . nangingibabaw ang


gulat.

Titig na titig siya sa screen ng cellphone niya, nakikipaglaban sa sarili


kung magre-reply ba siya kay Lyle o hahayaan na lang o itanong kung ano
ang tineks ng binata pero hindi niya magalaw ang kanyang mga daliri.
Nakahawak lang siya sa cellphone niya, medyo nanginginig ang mga kamay at
binasa ulit ang text message na galing kay Lyle.

Palamas naman

Ang lakas ng tibok ng puso niya habang paulit-ulit na binabasa ang


dalawang salitang iyon. Totoo ba ito? Ito ang paulit-ulit na tanong ni
Ces sa sarili hanggang sa muntikan na niyang mabitawan ang phone nang
mag-vibrate ulit ito para sa panibagong message.

It was from Lyle. . . again, at ang sabi rito?

Reply naman.

Reply naman? Hindi pa rin tumitigil ang karerang nagaganap sa puso niya.
. . Reply? Anong irereply niya sa text na 'yun? Bago pa siya
makapagpindot ng kung ano man, nag-text ulit si Lyle.

Matagal na kitang gusto ikama, masarap ka ba

sd1_8 ,,ad.d1

Biglang nawala sa isip ni Ces ang mga dapat at kailangan gawin. Halos
mawalan siya ng hininga sa lakas ng kabog ng dibdib. Napahawak siya sa
kanyang bibig at huminga nang malalim. Trying to make her heartbeat a
little bit normal.

Pero paano ba magiging normal ang sarili niya kung si Lyle Yuzon, the
Lyle Yuzon, boyfriend niyaay nag-text nang ganyan at bigla na lang
nakita niya sa screen. . .

Lyle Ko Calling...

Napatitig ulit si Cess a screen ng kanyang cellphone. Sasagutin ko


ba? Pakiramdam ni Ces, nagwawala na ang mga internal organs niya sa loob
ng katawan niya pero ilang segundo lang ang nakaraan, nawala na 'yung
call. Doon lang niya na-realize na nagpipil pala siya ng hininga

Anong text 'yun. . . Lyle? Baliw na nga siguro si Ces kung kakausapin
niya ang kanyang cellphone na naka-open pa rin sa last message ni Lyle
pero muntikan na naman niya ito mabato nang mag-ring ulit ito.

Si Lyle, tumatawag ulit.

Ces gathered all her strength to answer the call, syiempresobrang


kinakabahan siya dahil sa text na na-receive niya.

shit ka talaga! Boses ni Lyle? Napakunot ang noo ni Ces. Siya ba ang
sinasabihan ng shit ni Lyle? Nakarinig ng tawa si Ces sa kabilang linya.
Narinig din niya ang malakas na musika, mga tawanan at mga
sigawan. Hello? Princess? Sorry, ang kulit kasi ng kasama ko, e.

Napahinga nang maluwag si Ces. Ibang tao nga ang sinabihan ni Lyle ng
shit, hindi siyapero 'yung text. . . U-uhm, hi?

Hindi alam ng kahit na sino kung gaano kagrabe ang nararamdamang kaba
ngayon ni Ces. She's near to exploding any moment lalo na't naririnig
niya ang napakaguwapong boses ni Lyle.

Hindi ako 'yung nag-text, sorry! Pinagtripan ako nung waiter, e. Sorry,
Princess! It's not me, I promise! Hindi namalayan ni Ces na napangiti na
lang siya. Rinig na rinig sa boses ni Lyle ang paghingi ng pasensiya.

Maniwala ka d'yan?! Isang lalaking boses sa kabilang linya, kasama ni


Lyle. Siya nag-text n'yan! Sabay tawanan.

Manahimik ka. Huwag mo akong dinadamay sa ka-shit-an mo, rinig ni Ces


na sabi ni Lyle sa kausap. Hello, Princess? Again, I'm sorry about this.
I really am.

Okay lang. Good night, Lyle. I love you, at ibinaba na niya ang phone
agad bago pa marinig ang sasabihin ng boyfriend pero nakangiti pa rin
dahil ramdam niya ang respetong ibinibigay sa kanya ng kasintahan.

Pero weird nga ba si Ces kung natatakot siyang masabihan siya ng i love
you ni Lyle? Ang gulo ba talaga niya kung mahal niya si Lyle pero kahit
papaano ay nagdududa pa rin siya? Dahil ba ito sa mga nightmares na
nakuha niya before sila mag-one month na baka kapag sinabi ni Lyle ang "I
love you" e may kasunod na "Naniwala ka naman?!"

Kinakain siya ng takot niya at kahit sa sarili niya, naguguluhan rin siya
sa mga dapat niyang maramdaman. Mahal niya si Lyle, sobra pero parang
hindi pa talaga sila magkakilala ng binata: walang pag-uusap na
nangyayariwalang getting-to-know-each-other stage.

Pero kahit na ganito ka-weird si Ces, obsess pa rin siya sa boyfriend


niya. . .sobra.

* * *

Kahit coffee, hindi talaga? nakataas-kilay na tanong ni Marky habang


inaayos ang make-up kahit na pauwi naman na sila.

Lagi kaming nagba-bar kasama 'yung mga friends niya, pagkukuwento ni


Ces habang inaayos ang false eyelashes niya. Hiniram naman niya ang
maskara kay Marky at in-apply 'yun sa lashes.

So, parang group date? Walang date na kayo lang?

Wala. Hindi naman siya nagyayaya. Napasimangot si Ces sa sinabi. Kahit


kasi umabot na sila ng isang buwan, wala pa talaga silang masasabing
official date na silang dalawa lang habang nag-uusap tungkol sa mga
sarili nila.
Wala siyang idea kung sino si Lyle pUwera na lang sa mga naka-post
online, at siguradong ang alam lang ni Lyle sa kanya ay pangalan niya
siguro?

Alam mo, Ces, tumigil sa pag-aayos ng hitsura si Marky at hinawakan sa


balikat ang kaibigan na kakatapos lang ayusin ang lashes niya, hindi na
uso ngayon ang paghihintay. Ikaw na ang sumunggab.

Tiningnan naman ni Ces si Marky nang nagtataka. Napailing naman si Marky.


Walakahit may boyfriend na, nag-aayos na at medyo nag-iiba na si Cesisa
pa rin ang hindi nawawala sa kanya.

Ang pagka-slow.

Ikaw magyayang mag-date, simpleng sabi ni Marky.

Ako? Hindi ba dapat

Fine, hintayin mong mamuti ang mga mata mo sa pagyayaya niyang makipagdate. Pagkatapos iayos ni Marky ang make-up kit, nagpunta na ito sa
locker area. Sinundan naman siya ni Ces.

Pero Marky, kapag ako ang nagyaya, hindi ba parang ang desperada ko?

Medyo naiinis na nang kaunti si Marky sa inaakto ng kaibigan. Isinara


niya ang pintuan ng locker niya pagkalagay ng mga gamit at tiningnan si
Ces nang nanliliit pa ang mga mata. Alam mo, Ces. . . Tinaas lang ni
Ces ang dalawang kilay niya, hinihintay ang sasabihin ng kaibigan. Ewan
ko sa'yo, pagbibiro ni Marky habang naiisip ang pagkainusente ni Ces.

Parang may kung anong bumagsak sa ulo ni Ces na matigas pagkasabi ni


Marky ng mga salitang 'yun. Nilagpasan na siya ng kaibigan at paalis na
sana nang pigilan siya ni Ces.

Teka, Marky naman, e.

Magde-date pa kami ni Fitz. Bye na.

Napasimangot si Ces nang iwan siya ni Marky at sumama sa boyfriend nito


na kanina pa naghihintay sa kanila para matapos mag-ayos. Napabuntonghininga naman si Ces, nagpaalam sa manager nila at umalis na rin.

Kukunin pa lang niya ang cellphone niya, nag-vibrate na ito. Napangiti


naman siya sa nabasa.

Hi Princess, good evening. Eat your dinner, don't skip meals orayt? Don't
reply if you're too busy. :-*

Lyle never failed to text her everyday mula umaga hanggang hapon at gabi.
Minsan nga, magkasama na sila buong araw sa school, magkahiwalay lang
sila dahil may klase sila nang mga tatlong oras, magte-text agad ang
boyfriend niya ng Mamimiss kita, I hope you're here with me :-(

Ang cute ni Lyle. Sobra.

* * *

Masayang nagkakatuwaan ang popular group sa kanilang puwesto sa cafeteria


nang ayain nina Marla si Ces para mag-CR. Sumama naman siya. Pagkapasok
nila ng CR, nagsialisan ang mga babaeng nandoon na para bang off-limits
na ang iba pag dumating na ang popular girls.

And then, the talk started.

Have you girls tasted the chocolate flavor? Bagong flavor 'yun, di
ba? biglang tanong ni Marla sa mga babae. Karamihan sa kanila ay
nagsusuklay, nagme-make-up at nakatingin sa salamin admiring their faces
dahil magaganda sila.

Uhm, no. . . I'm not a fan of chocolate e, pero I like the orange
flavor, pagsagot ni Elisse habang nag-a-apply ng blush-on sa pisngi
niyang mukha nang sinampal sa pagka-pink.

Na-try namin ni Kervin 'yun, simpleng sagot ni Cheka.

What?! Kayo ni Kervin? Napansin ni Ces na hindi na siya nakaka-relate


sa pinag-uusapan ng mga babae. Nakaramdam naman siya ng pangangailangang
umihi kaya pumasok muna siya sa cubicle para gawin ang dapat gawin.

Ha?! No way. He's not my type, no! Pero we did it sa CR sa second


floor.

Oh, my. Kaya pala ang lagkit ng tinginan niyo, ha?

Gawd, please, no, at nagtawanan ang mga popular girls. Paglabas naman
ni Ces sa cubicle, nakatingin sa kanya si Cheka na may ngiting. . . hindi
ngiti.

Ikaw, Ces?

Anong ako? Naghugas ng kamay si Ces pero hindi pa rin nawawala ang
tinginan nila ni Cheka sa salamin.

Have you tried the chocolate flavor?

Chocolate flavor? Tumango sina Cheka pero hindi pa rin nage-gets ni Ces
ang pinag-uusapan. Ng ano?

Condom. Napatigil si Ces sa narinig. Condom? Anong. . .? Pinag-uusapan


nila ang condom? Ito ba ang topic for the day nila?!

Hahindi.

So, orange flavor?

Ano, hindi kasi

What? nakataas-kilay na tanong ni Cheka. Hindi kayo nagko-condom ni


Lyle?

Pagkarinig ni Ces ng huling sinabi ni Cheka, nag-init ang mukha niya. May
naghahabulan na naman sa puso niya. Bakit ba ganito ang naririnig niya
nitong mga nakaraang araw?

Ha? H-hindi! Ano. . . Hindi siya makatingin sa salamin dahil makikita


roon ang repleksiyon ng mga popular girls na nakatingin sa kanya at
nagtataka. Nakakaramdam siya ng init, sobrang init at parang napepressure siya.

Ito ba ang hot seat na tinatawag nila?

Don't tell me! Napahawak si Marla sa kanyang bibig as if what she


thought was the most shocking news ever. Nagkatinginan sina Marla, Cheka
at Elisse na nanlalaki pa ang mga mata dahil sa realization na naganap sa
kanilang sentido kumon.

Hindi pa kayo nagse-sex ni Lyle?!

Kung may iniinom lang si Ces, marahil ay nabuga na niya ito sa sobrang
gulat pero napalunok naman siya bigla kaya muntikan pa siyang mag-choke
nang kaunti sa sariling laway. Anong klaseng tanong ang tinatanong nina
Marla? Anong klaseng realization ang naganap sa kanila para mapunta sa
usapang ganyan?

Girl, how come?

Sa mundo ngayon, wala nang virginlife fucks us all so why not let Lyle
fuck you first?

Napanganga nang kaunti si Ces sa mga naririnig. The girls were looking at
her asking, Bakit hindi pa kayo nagse-sex ni Lyle? as if ito ang dapat
gawin. Para bang isa itong normal na gawain. Tipong gindi puwedeng walang
ganito sa isang relasyon.

Virgin ka pa ba?

Tekaano. . . Bumibilis na ang rhythm ng paghinga niya. Actually,


nawawala na nga ang rhythm nito. Hindi niya malaman, nakakawindang dahil
tinatanong siya ng mga bagay na dapat ay hindi tinatanong pero kung
makapagkuwentuhan sila ay parang normal na topic lang ito.

I think she is. Nakita ni Ces na natawa sina Elisse at Cheka habang
nakangisi si Marla at ang iba pang babae na kasama nila.

A piece of advice. Hinawakan ni Marla ang balikat ni Ces. Magkasing


height sila sa araw na ito dahil nakakapanibago man, three inches lang
ang heels ng sapatos ni Marla na dati ay laging 4 inches. For a change
naman daw. Habang maaga pa, gawin niyo namasuwerte ka nga't nagtagal
kayo ni Lyle. Siguradong kating-kati na 'yun. . . maghanap pa ng iba, na
mas masarapkaysa sayo.

* * *

Nagpaulit-ulit sa utak ni Ces ang mga sinabi ni Marla kahit isang linggo
na ang nakaraan. Hindi na rin siya mapakali, halos tutukan na niya ang
bawat kilos ni Lyle para lang makita kung nabo-bored na ba sa kanya si
Lyle o kung naghahanap na ba ito ng ibang babae.

Yinaya naman ni Ces si Lyle na ma-gmallpasimpleng pagyayaya ng date at


pumayag naman ang binata kaya noong Saturday, imbis na magpunta sa bar sa
gabi, nagpunta sina Lyle at Ces sa SM para mag-stroll.

Kinikilig si Ces. Bakit? Holding hands sila ni Lyleas if pinagsisigawan


ni Lyle na siya ang girlfriend at walang dapat humadlang sa kanila pero.
. . ano nga bang laban ni Ces sa mga hindi papaawat na mga fans?

After all, Lyle is not The Lyle Yuzon without the hormonal fans.

OH MY GOD, SI LYLE YUZON BA YUN?!

KYAA! Ang prinsipe ko! Lyle!

Papicture tayo!

Lyle, pa-kiss!

Ang bilis ng mga pangyayari: pinagkaguluhan si Lyle ng mga babae at


pinalibutan na ng mga ito. Natutulak na nga at nabubunggo si Ces sa mga

wild girls na parang ngayon lang nakakita ng tao. Pero may napapansin si
Ces.

Karamihan sa nagpa-fan girls. . . magaganda, sexy at. . . wild.

Napatingin naman siya kay Lyle para tingnan ang expression ng mukha nito.
Natural lang naman. Natural na guwapokitang-kita ang charm at naguumapaw ang sex appeal. Ngumingiti kapag nagpapa-picture. . . ang dami
ring humahalik sa boyfriend niya pero wala siyang magawa.

Habang maaga pa, gawin niyo namasuwerte ka nga't nagtagal kayo ni Lyle.
Siguradong kating-kati na 'yun. . . maghanap pa ng iba, na mas masarap
kaysa sa'yo.

Iniisip pa lang niya 'yun, nanlulumo na siya. Siguradong marami ang mas
masarap sa kanya sa dagat ng mga babae ngayon na pinagkakaguluhan ang
boyfriend niya. Compared to her, mas maraming magaganda, sosyal at bagay
kay Lylesa mga babaeng ito, hindi imposibleng makahanap si Lyle ng
babaeng sinasabi nilang 'masarap' na mas masarap sa kanya.

Gusto na lamang mawala ni Ces sa mga oras na ito dahil kinakain siya ng
mga insecurities niya. Sinasakop na siya ng pressure na nararamdaman
every time na may babaeng lumalapit sa boyfriend niya. Nag-iinit ang
buong paligid niya...Natatakot siya na baka malingat lang siya nang
kaunti, makahanap na ng iba si Lyle.

Ano bang dapat kong gawin?

~ ~ ~
Author's Note:Wala pang 24 hours, may 300+ reads, 50+ votes at 30+
comments na ang TTLS. Thank you. :">
Dedicated to Cola. HI COLA!!!!! Nagulat ako kasi nakita ko sa home 'yung
username mo, tapos nilike mo yung last chapter tapos ako kinilig naman
ako kasi, kasi! Bakit mo to binabasa, ha?! Hahahaha thank you Cola. :">

=================
11 // Between the Lines
"I say I don't believe in love, but that's not really true - love is just
the name of an emotion. It's like on steroids. It's lust with ethics."
Tammara Webber

~ ~ ~

Bago pa siya sumigaw at mag-eskandalo para paalisin ang mga lintang


nakakabit sa boyfriend niya. . .ang Lyle niya, ay nagulat na lamang ang
lahat dahil imbis na si Ces ang sumigawsi Lyle ang gumawa nito.

Teka lang! Napatigil ang mga babaeng nakapalibot sa kanyahalos hindi


na nga matanaw ni Ces ang boyfriend dahil natutulak siya palayo
rito. I'm here with my girlfriend. Nagde-date kami so. . .

Unti-unting nabuo ang ngiti sa labi ni Ces. Hindi niya kayang pigilan ang
saya at kilig na naramdaman nang nag-make way ang mga babae na
pumapagitan sa kanila ng binata at siyay naglakad papunta sa kanya.
Inakbayan naman siya nito habang kitang-kita ang inggit, dismaya at
hiwaga sa mga mukha ng babaeng nandoon.

Please excuse us. Naramdaman ni Ces ang mahigpit na pagkakahawak ni


Lyle sa balikat niya at nagsimula na silang maglakad. Paglingon ni Ces sa
kumpol ng mga babae, nakatingin lang sila sa kanilapara bang natulala.

Kahit siya mismo. . . natulala sa inakto at sinabi ni Lyle. Bakit ba ang


suwerte ko kay Lyle?

Sorry doon, ha? Tumingin si Ces kay Lyle. Magkalapit sila dahil
nakaakbay pa rin ang binata sa kanya at wala pang kung anu-ano, hinalikan
ni Ces si Lyle sa mga labia quick yet very sweet kiss na nagbigay ng
ngiti sa mga labi ng binata. Para saan 'yun?

Ewan ko rin. Lalong lumaki ang ngiti ni Ces.

I lo Nag-panic ang buong sistema ni Ces at bigla na lang siyang


sumigaw na ikinagulat ng mga taong malapit sa kanila lalo na ng kasamahe
was about to say something when she cut him off. Maraming mata ang
nakatingin sa kanila na nagtataka.

Anoang cute nung ano, yung minion! Binilisan ni Ces ang paglalakad
papunta sa cute na Minion. Ang laki ng Istawa na iyon pero sobrang cute
kaya pinagkakaguluhan ito ng mga bata na kalaunan ay sumama na rin doon
si Ces.

Nagtaka naman si Lyle sa inakto ng girlfriend. Nawala ang ngiti ni Ces


pagkalapit niya sa minion na nakatingin sa kanya. Ramdam na ramdam niya
ang malakas na tibok ng puso niya na para bang kakagaling lang niya sa
isang karera kaya ganito kabilis ang tibok nito.

Huwag, Lyle, huwag mong sabihin yun.

* * *

Ces? Napapikit si Ces sa narinig na boses na tumawag sa kanya. Hindi


niya man gustong lumingon, hindi niya magawang dedmahin dahil pati si
Lyle ay lumingon na rin sa pinanggalingan ng boses. Nakangiting lumapit
si Erich, ang kaibigan ni Marky na sapilitang naging kaibigan ni Ces, na
para bang galak na galak itong makita ang dalaga. Oh my God, ikaw nga!

Niyakap ni Erich si Ces nang mahigpit na halos maubo na ito, thinking na


baka malaki ang galit nitong si Erich sa kanya kaya siya niyakap nang
sobrang higpit para mawalan ng hininga. Pagkalas nila sa yakapan blues,
ngiting-ngiti si Erich hanggang sa napansin ni Ces na nagtama ng tingin
ang boyfriend niya at ang babaeng nasa harap niya.

Uhm, ikaw si. . .? pagtatakang tanong ni Erich kay Lyle. Napakunot


naman ang ni Lyle nang kaunti. Paanong hindi siya kilala nitong babaeng
kaibigan ni Ces kung siyasiya si Lyle Yuzon, Imposibleng hindi kilala ni
Erich si Lyle dahil sikat ito, at mahilig naman ang dalaga sa lalaki.

Lyle.

Napansin ni Ces ang tingin ni Lyle kay Erich. May naramdaman siyang
kaunting inis, hindihindi kauntiparang naiinis na kasi talaga siya lalo
na't mas maraming kitang balat si Erich kaysa sa kanya. Nakasando lang
kasi si Erich na kita ang cleavage ng blessed future niya at bakat pa ang
bra, at short shorts na kaunting yuko lang ay puwede nang makita ng kung
ano man samantalang sa kanya ay regular shirt at skirt with heels lang
ang suot.

Isa pa, obvious ang pagpapa-cute ni Erich sa binata. Nakakainis.

Oh, so you're the Lyle they're talking about. I'm Erich. Inilahad ni
Erich ang kanyang kamay. tinanggap naman ito ni Lyle at parang nakaramdam
ng uneasy feeling si Ces nang makita niyang magkahawak-kamay ang
dalawa. It's nice to finally meet you.

Nice to meet you, too.

One. . . two. . .three.

Teka, bakit parang ang tagal ng shake-hands?

Kunotnoong kinuha ni Ces ang kamay ni Lyle at hinawakan ito, crossed


fingers. Nakita naman ni Ces ang mukha ni Erich na para bang may kung
anong pagkalukot ang nangyari sa noo nito pero ngumiti rin naman.

You two look good together. Gaano na kayo katagal?

Magtu-two months, walang-emosyon na sagot ni Ces.

Really? I'm happy for you

Ako rin, masaya para sa amin.

Nagkatitigan sina Ces at Erich. Ramdam sa buong paligid ang coldness ni


Ces pero mukhang isa't kalahating manhid itong si Erich kaya yinaya pa
niyang mag-dinner ang dalawa sa isang mamahaling restaurantat nakalibre
pa dahil si Lyle ang nagbayad.

Ang sarap talaga ng pagkain nila rito. Nag-iinit na ang tainga ni Ces
kakapakinig sa mga pinagsasasabi ni Erich. The whole time they were
eating, madalas na nagsasalita ay si Erich. . . tapos ang masama pa rito,
kay Lyle lang ito nakatingin. Para bang any moment, dadakmain na nito ang
binata kahit kamasa nito si Ces. Next time, isasama ko kayo sa isa pang
restau

Teka, sabay na tumingin si Erich at Ces kay Lyle na nagsalita. May


pupuntahan kasi kami ni Ces.

Really? Saan naman?

Somewhere. Salamat sa time at nice meeting you. Hinawakan ni Lyle ang


kamay ni Ces at sabay na tumayo habang si Erich ay nakaupo pa rin habang
nakatingin sa magkasintahang magka-holding hands. Bye.

Ngumiti lang si Erich habang mabilis na naglakad ang dalawa paalis ng


restaurant.

* * *

Saan tayo pupunta? Ito agad ang Itinanong ni Ces pagkapasok nilang
dalawa sa loob ng kotse ng boyfriend: magkatabi sa harap, sa driving seat
si Lyle sIyempre at si Ces ay sa tabi nitong upuan.

Ewan ko rin. Gusto ko lang na masolo kita. Masyadong madaldal 'yung


kaibigan mo.

Masyadong madaldal? Buo ang atensiyon ni Ces sa mga sinasabi ni Lyle


dahil napakainteresante nito. Kanina, akala niya ay may namumuo nang kung
ano man kina Lyle at Erich dahil panay sila ang nag-uusap pero ngayon,
ano itong sinasabi ni Lyle na masyadong madaldal?

Oo, ang daming sinasabi. Mas gusto ko pa ngayon, tahimik, nakaka-relax,


ang sarap sa pakiramdam tapos. . . Nakita ni Ces na ngumiti ang binata
at inialis ang distansya nilang dalawa sa pagbulong sa tainga niya. . .
.kasama pa kita. Perfect.

Pero may isa pa siyang napansin. . . her boyfriends hand, on top of her
left thigh.

* * *

Sorry!

Sa lahat ba naman ng puwedeng matamaan, si Keng na natutulog pa ang


mabubunggo ni Ces for the night. Nang magtama ang mga mata nina Ces at
Keng, nangilabot ang katawan ni Ces sa takot na nararamdaman. Nag-sorry
na siya ulit at lumabas na muna ng cake shop sa takot sa kung ano mang
puwedeng gawin ni Keng sa kanya.

Si Keng ang bagong ka-shift ni Ces dahil sa hindi malamang kadahilanan.


Nag-quit daw si Marky sa trabaho. Hindi niya matanong ang kaibigan dahil
hindi nito sinasagot ang tawag sa cellphone at noong pumunta siya sa
apartment ni Marky noong isang araw, umalis na raw ang kaibigan doon.

Dismayado si Ces.

Hindi niya kasi gamay ang pagkatao ng bago niyang kasamahindi naman sa
pagiging judgmental pero sobrang tahimik kasi nito na para bang
nakakatakot na ang katahimikan. Isa pa, kakaiba rin ito manamit: ang
buhok nito ay pinaghalong kulay blue sa taas at pink sa ibaba. . .
napakalayo sa normal na kulay. Nakita rin ni Ces ang tattoo ni Keng sa
may leeg noong isang araw. Kung hindi siya nagkakamali ay dalawang bungo
ang nandoon at ang dami ring piercing nito sa dalawang tainga.

Nakakapagtaka dahil nagtatrabaho ito sa cake shop. . .Hindi naman sa


pagiging masama pero hindi ba't ang tulad niya ay hindi naman
nagtatrabaho o kumakayod para mabuhay? Hindi ba mayayaman sila dahil naa-afford nila ang lifestyle na madalas pinapanatili ang hair color or
pagpapa-tattoo?

Nakangiting binati ni Ces si Keng noong una silang nagkita isang linggo
lang ang nakakaraan. She was being friendly pero nanlamig ang buong
pagkatao ni Ces nang hindi siya pansinin nito na para bang hindi siya
nakikita o isang hangin lang siya na natripang dumaan sa cake shop.

Isa pa, madalas tulog si Keng. . . kaya minsan ay si Ces na ang halos
gumagawa ng mga gawain sa cake shop.

Pilit iniiwasan ni Ces ang tingin o puwesto ni Keng dahil natatakot


siyang any moment ay baka suntukin siya nito. Magkaiba kasi sina Keng at
Marky: kung si Marky ay ubod ng daldal, sobrang girly at napaka-hyper, si
Keng naman ay tahimik, antukin at boyish. . . which was hard for Ces to
make friends with dahil hindi naman din siya palakaibigan. Hindi sila

nag-uusap at kahit tinginan man lang hanggang sa isang gabi, sinundo ni


Lyle si Ces sa cake shop at kinabukasan noon, nagulat si Ces nang
kausapin siya ni Keng.

Ikaw pala 'yun, panimula ng kasamahan. Ikaw pala 'yung girlfriend ni


Lyle.

Paglingon ni Ces kay Keng, nakatingin lang ito sa kanya habang nakaupo sa
upuan na nakalaan para sa kanilang customers. Nakapatong ang ulo nito sa
lamesa na para bang tamad na tamad.

B-bakit? Kinakabahan si Ces at hindi niya alam kung bakit ang bilis ng
tibok ng puso niya. Siguroy dahil first time lang siya kausapin ni Keng
at siguro feeling niya any moment dadakmain siya nito or something?

Kaya pala pamilyar ka. Pinipilit ko kasing isipin kung saan kita nakita,
e. Tumayo si Keng at lumapit kay Ces na siyang ikinabigla ng dalaga kaya
napaatras siya. Hindi ka ba natatakot?

Natatakot?

Oo.

S-saan?

Kay Lyle.

Bakit ako matatakot sa kanya?

Kasi sasaktan ka niya, Keng said, as if she's very sure sa mga sinasabi
niya, na para bang kilalang-kilala nito ang boyfriend niya.

Nagkatitigan lang silang dalawa, not too close but not too fartamangtama para sa dalawang taong nag-uusap ng kaswal. Kitang-kita sa distansya
nila na hindi sila close dahil may kung ano pang awkward air sa pagitan
nila.

Hindi niya ako sasaktan, nakangiting sabi ni Ces although this


conversation with Keng wass making her heart beat abnormally.
Nakakaramdam siya ng awkwardness dahil hindi siya sanay na kinakausap
siya ni Keng at ito pa ang topic nila sa first-ever conversation nila.

Noong first time ko siyang makita sa personal, may napansin agad


ako. Hinintay lang ng dalaga ang susunod na sasabihin ng
kasamahan. Parang may nakapaskil sa noo niya na I may be in a
relationship but if you wanna fuck, call me, mga ganung datingan ba.

Tumunog ang chimes at


pintuan. Ngunit imbis
siyang napatingin kay
Keng kay Lyle. Ganoon

sabay na napatingin sina Ces at Keng sa may


na ngumiti dahil nakita ni Ces si Lyle, kaagad
Keng. Kinakabahan siya dahil may kakaibang ngiti si
din naman si Lyle kay Keng.

Anong ginagawa mo rito? Napatitig si Ces kina Keng at Lyle. They were
talking as if they knew each other.

Nagtatrabaho ako rito. Pagtrabahuhan ko raw 'yung kotse ko, e. Siya pala
ang bago mo? Nagtataka na ngayon si Ces sa naririnig at nakikita. . .
Magkakilala sina Lyle at Keng?

A, oo, si

Oo, alam ko. Katrabaho ko siya. Natawa naman si Lyle sa pag-cut off sa
kanya ni Keng. Kahit kailan talaga, moody itong si Keng: hindi malaman
kung kailan seryoso o hindi. Minsan galit tapos mamaya masaya na.

Oo nga pala, Princess. Inakbayan ni Lyle si Ces. Hanggang ngayon,


nanlalaki pa rin ang mga mata ni Ces sa natutunghayan. All this time. . .
magkakilala pala sila pero bakit ganoon ang sinabi ni Keng patungkol kay
Lyle? Si Keng nga pala 'to, bestfriend ko.

Bestfriend?

Bakit, Ces, hindi ka naniniwala? Dahil ba mukha akong adik na babae at


mukhang prince charming yang boyfriend mo, hindi na kami puwedeng maging
mag-bestfriend?

Don't scare her! Niyakap naman ni Lyle si Ces gamit ang kamay na
nakaakbay sa dalaga.

Putek ka. Pa-English-English ka pa d'yan. Letse, sige na, lumayas na


kayo sa paningin ko. Naiirita ako. Natatawa lang si Lyle sa sinasabi ni
Keng. Siguro kung ide-describe si Keng in one word, puwede siyang
tawaging AstigNaBabaeNaMoodyNaAngWeirdPeroMagandaAngBuhok. Ces, 'yung
sinabi ko sa'yo, ha?

Nagkatitigan sina Keng at Ces. Hindi malaman ng dalaga kung ano ang dapat
i-react. Mag-bestfriend si Lyle niya at si Keng. At sinasabi ng babaeng
ito na sasaktan daw siya ni Lyle.

Imposible.

Anong sinabi mo sa prinsesa ko?!

Sabi ko ang pangit mo. Sige na, layas na!

Anong gustong ipahiwatig ni Keng tungkol kay Lyle? Hindi mawala sa isip
ni Ces ang lahat. . . nawawala siya sa focus dahil nakaramdam ng takot ni
Cesnope, hindi kay Keng. . . okay, kaunting takot kay Keng pero mas
maraming takot dahil nabalik na naman ang insecurites niya na baka
makahanap si Lyle ng ibang babae.

What if. . . ang daming what if pero ang pinakamalala ay ang what if
magkaroon ng babae si Lyle?

Hindi kakayanin ni Ces ang bigat ng problemang ganoon. Naiinis siya dahil
hindi siya ganoon kaganda: kinakailangan pa niyang mag-ayos, kailangan
pang kulutin ang buhok niyang hanggang bewang ang haba para magmukha
siyang sossy, kailangan pang mag-make-up para matago ang imperfection ng
mukha niyaang oily face, ang black heads and white heads at ang
pangilan-ngilang nagsusulputang pimples, magsuot ng sapatos o sandals na
sobrang taas ang takong para bumagay kay Lyle na sobrang tangkad,
kailangan niyang magpa-sexy. . . para maging worth it.

Pero ang ibang babae, kahit hindi sila mag-effort. Bagay sila kay Lyle. .
. sobra silang worth it.

Masakit 'yun. Masakit malaman na siya, si Ces na girlfriend ni Lyle, ay


pinipilit lamang ang sarili para mag-fit in habang ang iba ay nagpi-fit
in nang mabilisan sa buhay ni Lyle.

* * *

Kakatapos lang makuha ni Ces ang ire-revise niyang research papers at


pauwi na. Hindi niya kasama si Lyle dahil may practice ang boyfriend sa
basketball at hindi na niya mahihintay ito dahil marami-rami pa siyang
ita-type para maayos ang research paper nila.

Naglalakad na si Ces papuntang shuttle nang ma-realize niyang. . . wala


na palang shuttle sa mga oras na ito at nagulat na lang siyang. . .
biglang bumuhos ang napakalakas na ulan na wala man lang pasabi.

Napansin ng dalaga na may tumigil na sasakyan sa gilid niya at nakita


niyang si Lyle 'yun kaya pumasok agad siya nang basang-basa ang buong
katawan. Bakit wala kang dalang payong?

A, kasi

Princess, alam mo namang maulan ngayon. . . Look at you, you're so wet.


. . Nagkatinginan sina Lyle at Ces na para bang nakaramdam sila ng
awkwardness sa hindi malamang kadahilanan. Nakita ni Ces ang paglunok ni
Lyle dahil kitang-kita ang paggalaw ng Adams apple nito habang
nakatingin sa kanya. . . sa kakatawan niya? Let's go to my place, para
uminiuhm, para matuyo ka.

Tumango lang siya hanggang sa pinaandar na ni Lyle ang kotse. Tahimik


lang silang dalawa at nararamdaman ni Ces ang pagka-tense ng boyfriend.
Basang-basa naman siya mula ulo hanggang paa, pati na ang mga panloob
niyang damit.

Nagulat na lang si Ces nang mag-park si Lyle sa basement ng isang malaki


at mataas na building. Pagkalabas nila, medyo basa pa rin ang papers at
hindi naman nilalamig si Ces masyado dahil nakapatay lang ang air-con
noong pumunta sila rito.

Naglakad sila papunta sa lobby, sumakay ng elevator at bumaba sa 32nd


floor ng condominium na tinatayuan nila ngayon. Sinundan lang ni Ces ang
binata hanggang sa tumigil ito sa room 3211 at ang unang pumasok sa isip
ni Ces, perfect character dahil tulad ng mga nababasa ni Ces sa libro,
all the hot guys in the books ay may condo. Pagbukas ng pintuan, hindi
nga nagkamali si Ces.

Malinis at maaliwalas ang loob ng two-story condo ni Lyle tulad na lamang


sa mga fictional books. It has a black, white and gray motif na sobrang
manly ng dating. Sorry if my condo's a mess. Hindi kasi ako nakapaglinis
ngayong linggo.

Magulo 'to? Lumibot ang mga mata ni Ces sa paligid. Ang lawak ng
hitsura at malinis pero bakit magulo ang sabi ni Lyle? Well, compared to
where shes living. . . mas maayos naman itong condo ni Lyle. Mas magulo
yata yung tinutuluyan ko.

Paano naging sobrang perpekto ni Lyle? Sobrang nagfifit talaga siya as


the hot guy who fell in love with the girl protagonist. Physically,
mentally, emotionally at kahit financiallysobrang perfect.

Tumawa si Lyle at lumapit kay Ces habang pinatong ang isang tuwalya sa
ulo ng dalaga sabay yakap dito. You're so cute, Princess. Sa yakap ni
Lyle, para bang na-relax ang buong katawan ni Ces. Medyo nawala rin ang

kaunting lamig dahil sa tubig-ulan. Take a bath first. Papatuyuin ko


muna 'yung papers.

She did what he told her and took a bath. Sa katunayan, she took her time
literally dahil natuwa siya nang may bath tub sa loob ng CR ni Lyle.
Tuwang-tuwa siya rito, nag-bubble bath pa siya at may mainit pang tubig
doon. Ang ganda rin ng exterior ng CR dahil halos puti na ang buong
paligid at ang sarap lang tingnan; ang linis.

She's like living her life to the fullest while taking a bath.

Nilabhan na rin niya ang kanyang damit dahil basang-basa ito nang marealize na lang niya. . . wala siyang pamalit. To the rescue naman si
Lyle dahil pinahiram siya nito ng damit. . . although, wala siyang
panloob sa pang-itaas at iblinower na lang ang underwear niya.

Pagkalabas niya ng banyo, nagulat siya dahil nakaabang sa kanya ang


boyfriend niya na naka-topless. Naka-shorts na pambahay at gulo-gulo ang
basang buhok na mukhang kakaligo lang rin. Ang guwapo.

Wow, you look good in my shirt. Nag-init ang pisngi ni Ces nang sabihin
ni Lyle ang linyang 'yun. Tumayo ang binata at lumapit kay Ces at
hinalikan ito sa noo sabay yakap. Naramdaman naman niyang inamoy siya
nito kaya nakaramdam siya lalo ng hiya. Ang bango-bango mo pa.

Magkayakap lang sila at halos makatulog na si Ces sa relaxation na


nararamdaman niya sa yakap ni Lyle. Ito yata ang unang pagkakataon na
magkasama silang dalawa na may privacy. Parang ayaw na niyang umuwi at
mag-stay na lang na ganito sila buong gabi. "I want to eat before you
leave, Princess. Can you cook for me?"

"O-okay lang. Ano bang gusto mo kainin?" She prayed na sana ay madali
lang ang gustong kainin ni Lyle dahil kahit marunong siyang magluto,
hindi naman siya magaling. Madalas niyang kainin ay instant noodles at
oatmeals kaya hindi siya ganoon kasanay at baka maturn-off sa kanya ang
binata kung magluluto ng pang mayayaman na dishes.

Pero ikinabigla ni Ces ang paglayo ni Lyle sa katawan niya mula sa


kanilang yakap. Tinitigan siya sa mga mata ng binata hanggang sa untiunting lumapit ang mukha nito at hinalikan siya sa mga labi saka ito
nagsabi ng pagkaing hindi yata niya maluluto kahit kailan.

"Ikaw."

~ ~ ~
Author's Note:Ang bilis ng updates ko, masyado ata akong inspired dito
hahaha nakakatuwa kasi panay ang pasok ng scenes sa utak ko kaya
nakakagawa ako agad ng chapters. . . pero hindi ito araw araw, may mga
times na magiging sobrang tagal ako mag update dahil busy pero ngayon,
sakto lang. . .tamang masyadong busy lang. (hahaha fckd up priorities
4evs) Masaya rin siguro ako dahil ang daming nagbabasa ng TTLS kahit bago
pa lang siya, yay. :">
Dedicated to my tineh na hindi ko na masyadong nakakausap
ang destiny ng aking buhay na si Erin! (Yung ano ni Cloud
sa AFG hahahaha!) I miss you tineh, wala lang. . . namiss
tagal na kasi nating hindi nagkakausap, huhuhuhuh so ayun

ngayon ahuhuhu,
. . . kalandian
lang kita. Ang
kbye. :))

PS: Special Chapter: Three Big Words. Follow first. External link.

=================
12 // Love, Lust and Life
"Love is a dangerous thing. It comes in disguise to change our life...
Lust is the deceiver. Lust wrenches our lives until nothing matters
except the one we think we love, and under that deceptive spell we kill
for them, give all for them, and then, when we have what we have wanted,
we discover that it is all an illusion and nothing is there. Lust is a

voyage to nowhere, to an empty land, but some men just love such voyages
and never care about the destination. Love is a voyage too, a voyage with
no destination except death, but a voyage of bliss." Bernard Cornwell

~ ~ ~

Buntis ka ba?

Umalingangaw sa buong shop ang malakas na pagbagsak ng mga babasaging


baso sa tray na hawak-hawak kanina ni Ces. Unfortunately, nabitawan ito
ni Ces nang itanong sa kanya ito ni Kengwhich was weird dahil hindi
naman sila nag-uusap. . . biglaan lang.

Nagmadaling nilinis naman ni Ces ang kalatsa sobrang pagmamadali ay


nasugatan pa siya ng bugbog in the process. Nanginginig ang buo niyang
katawan . . . kung sa tanong ba 'yun ni Keng o dahil sa pagod, hindi rin
niya alam.

Pinagpatuloy naman ni Ces ang trabaho habang medyo sitting-pretty naman


si Keng sa isang tabi. May pahikab-hikab pa itong nalalaman pati nagiging
distractiono attraction siya ng mga customers dahil sa buhok nitong blue
at pink.

Hindi mo sinasagot ang tanong ko, pagpipigil ni Keng sa paglalakad ni


Ces.

Per hour ang suweldo natin dito, Keng. Napakunot ang noo ni Keng sa
sinabi ni Ces. Hindi niya kasi ito na-gets. Anong connect nito sa tanong
niya kanina? Inialis ni Ces ang kamay ni Keng sa braso niya para
makapagtrabaho na siya.

Nang pumunta si Ces sa cashier para kunin ang bayad ng isang customer,
nagulat siya sa biglang paglapag ng ilang libo sa pinapatungan ng cash
register. Pagtingin niya kung sino 'yun, si Keng.

A-ano 'to?

Babayaran ko ang oras mo. Puwede na ba 'yan sa 10 minutes?

H-ha?

Tinatanong kasi kita. Buntis ka ba?

And again, nakaramdam na naman ng sobrang kaba si Ces sa inulit na tanong


ni Keng sa kanya. Tinitigan siya sa mga mata ng kasamahan kahit na pilit
niyang iniiwas ang tingin niya sa pagkailang at pagkahiya.

B-bakit ba?

Umabot kayo ng one month. Siguradong may laman na 'yan, pagtuturo ni


Keng sa tiyan ni Ces. Napahawak naman si Ces sa tiyan niya para takpan
ito. Hindi ba?

Nakita ni Ces ang ngisi ni Keng. . . Gusto sana niyang takasan ang
babaeng nasa harap niya kung may tatakasan lang siya. Nakakagulat din

dahil naubos yata ang customers nila at silang dalawa na lang ang nasa
shop.

G-ganyan ka ba talaga sa bestfriend mo? Di ba close kayo? Bakit parang


sinisiraan mo siya sa akin?

Nangilabot naman si Ces sa pagngiti ng dalagang nasa harap niya. Hindi


ko siya sinisiraan. Nasa sayo naman yan kung maniniwala ka o hindi. Ang
sa akin lang, tumalim ang tingin ni Keng sa mga mata ni Ces at tumingin
ito sa tiyan ng dalaga, baka hindi niya akuin yan.

* * *

Nakatitig lang si Ces sa kisame habang hinahalik-halikan siya ni Lyle sa


leeg. . . napapaisip. Hindi niya talaga ma-gets ang sinasabi ni Keng. Ang
misteryoso rin ng babaeng 'yun. Sinasabi niyang mag-bestfriends sila ni
Lyle and yet, shes so against him.

Ano ba talaga?

What's with the long face, Princess? pagtatakang tanong ni Lyle.


Hinalikan naman niya ulit ang dalaga sa mga labi. Ibinigay naman ni Ces
ang ngiti niya pero hindi ito umabot ng ilang segundonawala rin ito
agad. Gulong-gulo kasi siya.

Lyle, may tanong ako. . .

Hmm? Busy si Lyle sa kanyang business in exploring Ces body pero


mukhang nakikinig naman ang binata kaya hinayaan na lang ni Ces ang
boyfriend sa kung ano ang gustong gawin nito.

Paano kung mabuntis ako?

Naramdaman ni Ces ang biglang pagtigil ni Lyle sa paghalik sa dibdib


niya. Tumingin ang binata sa mukha niya. Nagkatitigan sila sa mga mata.
Pinaupo naman ni Lyle si Ces sa kama, magkaharap.

Hindi ka naman mabubuntis, e. We're doing the natural metho

Pero di ba kahit ganun, may chance pa rin?

Bakit mo ba natanong 'yan? Do you want to have a baby. . . with


me? Kitang-kita ni Ces ang mukha ng binatawala itong bahid na kahit
anong masamang hangarin at mukhang walang balak na masama.

W-wala. . .

Silly. Hinalikan naman ulit ni Lyle si Ces sa balikat at bumulong sa


may tenga nito ng, Let's just enjoy our night together. Happy monthsary.
. .

Nakangiti lang si Ces, and yes: they've reached their second month
together and they've been doing it for quite some time. Hindi na rin
minsan mapakali si Ces kapag nawawala sa katawan niya ang hawak ni Lyle
sanay na siya sa masusing paghaplos ng boyfriend sa kaluluwa niya. Hindi

na siya makatulog nang maayos hanggat hindi niya nararamdaman ang


matamis na halik ng binata. Shes getting addictedto him, in love, and
lust.

Is it a good thing. . . or not?

* * *

Sabay na nagpunta si Ces at Lyle sa cafeteria one Friday lunch time.


Magka-holding hands ang dalawa na ikinagulat naman ng mga populars hindi
dahil sa magka-holding hands sila o magkasama dahil lagi naman silang
magkasama pero dahil ngayon na lang sila ulit sumabay sa lunch. . .Busy
kasi ang dalawang ito with other things.

Ces, are you getting fat? Napatigil sa pagkain si Ces at napatingin kay
Cheka na pinagmamasdan siya nang mabuti.

H-ha?

I don't know. Maybe imagination ko lang 'yun. Ang tagal kasi kitang
hindi nakita.

Pero, imagination rin ba ni Ces ang lahat kung bigla na lang bumaliktad
ang sikmura niya nang maamoy niya ang pagkain ni Elisse na lasagna?
Imagination ba niya ang pagduwal sa hindi malamang kadahilanan?
Imagination din ba niya ang pagsusuka every morning as if shes. . .
she's what?

Wala siyang masabihan. Natatakot siya sa puwedeng maging resulta kung


gagamit siya ng kit o magpapadoktor. Hindi rin niya masabihan si Lyle
dahil pumapasok sa utak niya ang sinabi ni Keng noon. . . pati hindi rin
siya sure. What if imagination ko lang ang lahat? she asked herself,
doubting.

Kung kailan kailangan niya si Marky. . . doon naman nawala ang kaibigan.

She was so upset. Parang naging mas emosyonal siya nitong mga nakaraang
araw hanggang sa na-realize na lang niya. . . lagpas na siya sa usual
period niya, almost two weeks delayed. What does this mean?

It kept bugging her. Tuwing gabi, lagi niyang pinapakiramdaman kung may
gumagalaw ba sa tiyan niya o kung ano. Lagi rin siyang nagkakaroon ng
headache. . . halos lahat na yata ng symptoms ay mayroon siya. And then
she tried it, nahihiya man: pumunta siya sa drugstore to buy a pregnancy
kit. . . Kakaiba pa ang tingin sa kanya ng mga tao na para bang mali ang
pagbili niya nito.

Pagkalipas ng ilang minuto ng paghihintay. . . nanlaki ang mga mata niya


sa nakita.

Dalawang pulang linya.

* * *

You can leave meTake away all that I haveYou can want meLove me for
who I am

Ang lakas ng kabog ng dibdib niya habang kumakanta sa bar. Nakatingin sa


kanya ang halos lahat ng audience habang ang iba ay nag-uusap-usap.
Nanginginig ang mga kamay niyahindi siya mapakali at para bang sa bawat
tingin sa kanya ng mga tao, hinuhusgahan na siya agad.

Choices, romanceTakin' me high in the airFlyin', so scaredAfraid not


to see you again

She couldn't tell it to Lyle. . . What if he got mad? Paano kung sinabi
ng binata na hindi siya ang ama? What If hindi siya paniwalaan? Anong
mangyayari? Anong mangyayari sa kanya at sa dinadala niya?

'Cause I'm scared to deathNow that I'm losin' youI'm scared to


deathKnowin' I can't get through

Natatakot siya na baka kapag sinabi niya kay Lyle, iwan siya nito. Hindi
niya kakayanin. Paano na sila ng nasa loob ng tiyan niya?

I'm scared to deathLiving this so lonely life without youOh, baby, I'm
scared to death

Napangiti naman si Ces nang ma-realize niyang sinasabayan na siya ng


audience. Well, at least ngayon nakikita niya ang ngiti ng mga tao sa
paligid niya, pero hanggang kailan ang mga ngiting 'yun?

Somethings changin'Giving me fears run through my headOnly find meGive


me the eyes I will understandWords left unsaid

But then, paano kung tanggapin ni Lyle? Paano kung magiging masaya sila
pagkatapos nito?

Leaving me weak in the edgeGetting overI'm running scaredI can't


comprehend

Kung tatanggapin man ni Lyle ang balita ngayon mismo, ito na ang magiging
pinakamasayang kaarawan ni Cesna wala namang nakakaalala. Kung hindi nga
lang pinaalala ng cellphone niya, hindi niya maaalala na birthday niya
pala ngayon.

But. . . who cares, right?

Pagkatapos niyang kumanta, nagpalakpakan ang mga audience, cheering for


more, pero dahil mas importante sa kanya ang pagsabi kay Lyle, nangako na
lang siya na sa susunod na lang.

She was about to text her prince nang mag-vibrate ang cellphone niya,
indicating someone texted her. Napangiti siya nang makita niyang si Lyle
ang nag-text telling her to meet her halfway ng 10 pm dahil may sasabihin
ito sa kanya.

Eight oclock pa lang sa orasan kaya naisipan ni Ces na tumambay muna sa


bar nang tawagin siya ng manager ng bar sa dressing room.

A, Ces, may nagpapatawag sa'yong customergusto ka raw makausap?

Nagtataka man dahil ito ang pinakaunang beses na may gustong kumausap sa
kanyang customer ay sumunod naman siya sa manager. Tinuro ng manager kung
saan yung customer at pagkalapit niya sa taong tumawag sa kanya,
napakunot ang noo niya.

Pamilyar kasi ito.

Sabi ko na nga ba ikaw 'yan, e! Lalong nagtaka si Ces dahil mukhang


pamilyar siya sa lalaking ito na hindi naman niya masyadong maalala.

Uhm. . . pasensiya na pero, sino po kayo? Nagkamot ng batok ang


binatang nasa harap ni Cesmaybe kasing age niya o mas matanda nang
kaunti. Matangkad ito, siguro ay mas matangkad kay Lyle which was
lalagpas na siguro ang lalaking ito sa six feet, balingkinitan ang
katawan, not too mascular pero not too thin, mas maputi sa kayumanggi ang
balat at nakasuot ito ng beanie sa ulo.

Ay, sorry. Note nga pala. Nakipag-shake hands si Note kay Ces at kahit
nagtataka, tinanggap pa rin niya ang pagpapakilala ng binata. Di ba
ikaw si Ces? Yung girlfriend ni Lyle Yuzon?

Kilala niya ako. . . pero sino siya?

Ang ganda ng boses mo! At kung hindi mo mamasamain, break na ba


kayo? Nanlaki ang mga mata ni Ces sa narinig. Ang lungkot kasi ng kanta
mo.

A-ano, hin

Nag-CR lang ako, nang-chicks ka na aga Napatigil sa pagsasalita si Ces


nang may dumating na lalaki sa tabi ni Note. Nakatingin ang binata sa
kanya na tila ba nagulat sa kanyang presensya.

Hinalungkat ni Ces ang kaibuturan ng memory storage niya sa


lalaking ito dahil sobrang pamilyar ang lalaking kararating
Matangkad din ito ngunit mas matangkad si Note. Maganda rin
pangangatawan ng binata, hindi rin masyadong ma-muscle pero
para masabing guwapo. Nagko-complement rin ang buhok nitong
pero maayos tingnan sa binata.

utak ang
lang.
ang
tama lang
gulo-gulo

O, Lyric, bilis mo namang mag-CR?

Lyric? Napatingin sina Note at Lyric kay Ces na tinawag ang pangalan ng
binata. May ngiti sa mga labi ni Note habang gulat naman ang nakapinta sa
mukha ni Lyric.

Kilala mo siya? pagtuturo ni Note sa kaibigan. Wow, Lyric, ikaw na!

Lyric. Note. MyuSick. The band called MyuSickat nasa harap ngayon ni Ces
ang isa sa mga naggigitara sa banda, at ang bokalista na sinasabi nilang
kaaway ni Lyle.

Hindi kasi. . . sa MyuSick?

Naks! Kilala mo kami! tuwang-tuwa na sabi ni Note habang tahimik lang


ang lalaking nasa tabi nito. Si Ces naman, sa hindi malamang kadahilanan,
ay kinakabahan.

So this was what they looked like


pinagkakaguluhan. Ang simple pala
shorts plus hoodie at chucks lang
sila mga sikat na tao. Ang simple

kapag wala sa school at hindi masyadong


ng hitsura nilanaka-shirt at maong
ang mga suot nila na para bang hindi
pero. . . ang lalakas ng dating.

A, Lyric, si Ces nga pala. Nagkatinginan sina Ces at Lyric at


nakaramdam naman ng awkwardness si Ces sa tinginang 'yun. Ces, si
Lyric. Pero bago pa siya makaiwas ng tingin, ang binata na ang unang
gumawa nitoni hindi man siya nginitian o tinanguan.

Tara na, Note. May rehearsal pa tayo. Malamig na boses ang ibinigay ni
Lyric sa kaibigan. Hinila niya si Note para umalis na pero kumakawala
naman si Note.

Teka! Kinakausap ko pa si Ces, e!

Nickname basis na kayo?

Oo. Bakit, inggit ka?

Takte, tara na!

KJ! Bye, Ces!

Nagtama ang paningin nina Lyric at Ces for the last time, and it felt
really weird hanggang sa tuluyan nang makaalis si Note habang hila-hila
ni Lyric sa kamay kahit nagpupumiglas ito.

Napangiti naman si Ces sa natunghayan. Ang cute nilang magkaibigan.

Teka, sina Lyric at Note ba 'yun? Napatingin si Ces sa dalawang babaeng


nag-uusap sa kabilang table. OMYG! Sila nga 'yun! Pa-picture tayo,
girl!

At pati ang dalawang babae ay lumabas na ng bar, hinahabol siguro ang


dalawang lalaki. Nagtaka naman nang kaunti si Ces.
Mukha namang
mababait ang MyuSick. Well, si Note. . . medyo awkward kasi kay Lyric but
then, nakikita naman niyang mabait ang bokalista.

Kaya bakit galit ang prinsipe niya sa lalaking yun?

* * *

Halos kinse minuto na ang nakalipas matapos ang alas diyes. Nakatayo lang
si Ces ngayon sa ilalim ng waiting shed. Ang sabi ng binata, he'd be a
little late dahil traffic sa EDSA. Excited na kinakabahan si Ces. Ito na
kasi ang oras para sabihin niya ang balita kay Lyle at hinihiling niya na
sana ay tulad ng test, positive rin ang reaksiyon ng binata.

Hi, miss. Napalingon si Ces sa kaliwa niya nang may nagsalitang lalaki
na papalapit sa kanya. Nakangiti itowhich was a bad thing dahil hindi
rin kaaya-aya ang ngiti nito. Hindi rin ito mukhang teenager: parang nasa
early 30's na mukhang hindi naligo nang mga tatlong araw.

Hindi pinansin
kinakabahan na
shed, and this
uneasy feeling

ni Ces ang lalaking lumapit sa kanya kahit ang totoo ay


siya. May isa namang lalaki na pumunta rin sa waiting
time, sa kanan naman niya tumayo. Nakakaramdam na siya ng
kaya napagdesisyunan na niyang umalis pero. . .

Saan ka pupunta, miss? Nanlaki ang mga mata ni Ces nang hawakan ng
lalaking nasa kanan niya ang kanyang kamay.

Pakibitawan po ako, please?

Bakit naman namin gagawin 'yun? Hinarap siya ng lalaking nasa kaliwa
niya kanina. Hindi na mapakali si Ces lalo na't hinawi ng lalaki ang
kanyang buhok. Ang ganda mo naman, miss.

S-sisigaw ako!

Napangiti naman ang lalaking nasa harap niya nang sabihin ito ni Ces
habang nadadagdagan ng kaba ang loob niya sa bawat segundong lumilipas na
hawak siya ng mga lalaking ito.

Okay nga 'yun, e. Mas masarap pakinggan kapag sumisigaw. . .

T-teka! Nagpupumiglas si Ces pero wala siyang pangtapat sa lakas ng


hawak sa kanya ng isa pang lalaki. Ang unang lalaking tumabi sa kanya na
nasa harap niya ngayon ay hinalikan siya sa mga labi nang marahasthen he
started kissing her on her neck.

Tumingin sa paligid si Ces pero wala siyang makitang taomaski anino.


Pati wala ring kotseng dumaraan as if this was a deserted place. Wag,
please. . . wag po!

Hindi na alam ni Ces ang nangyayari. Basta nararamdaman na lang niya ang
pagdampi ng mga labi ng dalawang lalaking sumisira sa damit niya.
Nararamdaman na rin niya ang pagpunit ng tela na nagsasaplot sa kanyang
balikat.

T-tama na. . . Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Ces, pero hindi pa
rin siya pinapakinggan ng dalawa. Hinila rin siya sa lugar na hindi naman
kalayuan pero sobrang dilim at mas liblib na tipong walang magliligtas sa
kanya.

Lyle, dumating ka, please. Lyle!

Iyak na lang nang iyak si Ces. Pilit man siyang lumalaban, nababaliwala
rin ito dahil ang lalakas ng mga lalaking sumunggab sa kanya.

L-Lyle. . . Tulong. Hindi na masyadong makahinga si Ces sa bawat


pagbulong niya ng pangalan ng prinsipe niya. Alam niyang hindi naman
darating si Lyle dahil tago ang lugar na ito.

Sino ba 'yang Lyle na 'yan, ha?! Andito na

Bullshit! Nagulat na lang si Ces nang biglang tumalsik ang lalaking


nakapatong sa kanya. How dare you touch her with your filthy hands!

L-Lyle. . . Nais tumayo ni Ces pero naramdaman niya na ang sakit ng


katawan niya dahil sa mga suntok at sipang kanyang natamo mula sa
dalawang lalaki.

Are you okay? Iyak lang nang iyak si Ces habang nakatingin kay Lyle.
Pero nagulat na lang silang parehas nang bigla na lang may sumuntok kay
Lyle sa pisngi nang sobrang lakas na napatalsik ang binata. Aghh!

Gago ka, ha! Feeling mo ang talino mo na sa Ingles?!

Lyle! Tutulungan sana ni Ces ang boyfriend pero bigla siyang hinawakan
ng isa pang lalaki sa braso.

At saan ka pupunta?!

W-wag, pakiusap. The guy holding her started nibbling on her neck
forcefully habang nakikita niyang pinagtatadyakan si Lyle ng isa pang
lalaki na kasama nito. A-ako na lang. . . hayaan niyo na siya.

Huwag mo nga silang pinapakialaman! Pasayahin mo ako!

Crack!

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang maramdaman niyang nasira na nang tuluyan
ang kanyang damit. May nararamdaman siyang tumutulo sa kanyang binti.
Pagtingin sa binti ay nanlaki ang kanyang mga mata.

Tanginang babae ka. Bakit ka dinudugo?! Nagkatitigan sina Ces at ang


lalaking nasa harap niya at sabay na napatingin sa binti niya. Hindi siya
makapaniwala sa nakikita. Nagpupumiglas naman siya sa hawak ng lalaki
para makapunta sa kung nasaan man si Lyle at tulungan ito pero nang
napatingin siya sa direksiyon ni Lylehe was running.

He was running away. . . from her? Saan pupunta ang prinsipe niya?!

Beep! Beep! Beeeeep!

Puta 'yung lalaki! Umalis na tayo rito!

Nanghina ang buong katawan ni Ces nang masaksihan niya ang isang
pangyayaring hindi niya kailanman ninais na makita. sumasabay pa ang
kanyang puson na sumasakit, tila ba iniikot ang kanyang sikmura. Natulala
siya for a moment. Everything went haywire when she realized everything:
ang dugo, ang malaking truck at. . .

L-Lyle!

~ ~ ~
Author's Note:Dedicated to seeyara. Bakit sa kanya eh hindi naman niya
binabasa 'to?! Bakit ba. . . hahahaha, de dapat kasi sa kanya
nakadedicate ang private special chapter: Three Big Words (External Link)
pero naisip ko, huwag na lang kasi nakakahiya sa master eh (hahahahahaha)
Isa siya sa mga author na magaling gumawa ng BS. Opo, BS, galing galing
hahahaha so ayun. :)

=================
13 // Of Reality Overdose
"Reality continues to ruin my life." Bill Watterson

~ ~ ~

Hi, miss. Puwede po ba kitang maabala? Kahit mga one minute lang?

Napatigil sa paglalakad si Ces sa pagpipigil sa kanya ng isang babae na


halos kasing edad niya. Napatitig siya rito. Hindi rin niya maintindihan
ang lahat. . .lutang siya, walang nararamdaman at walang iniisip.

Hanggang ngayon, nandoon pa rin siya sa pangyayari isang araw na ang


nakararaan.

Uhm, miss, kasi may binebenta po kami para po sa charity. May pinakita
ang babae na isang pocket calendar na may picture ng sinasabi nilang
mukha ni Hesus. Medyo may kamahalan po ito pero sa charity naman
mapupunta ang pera niyo. One hundred pes

Hindi ako naniniwala sa Kanya! Itinulak ni Ces ang babae kaya natapon
ang mga pocket calendar na hawak nito. Agad tinulungan ito ng mga
kasamahan para makatayo. Kung totoo Siya, anong ginawa ko sa Kanya para
ganituhin ako?!

Tuluyang nawala sa tamang wisyo si Ces. Hindi na rin niya malaman ang
tama at mali sa mga nangyayari, hindi na siya makapag-isip nang tama.
Guston- gusto niyang punitin ang pocket calendar sa sobrang pagkainis at
pagkaasar.

Uy, andito ka pala. Nagulat si Ces sa biglang paghawak ng isang lalaki


sa kanyang braso at pagpigil sa pagwawala nito. Napatingin siya sa mukha
ng lalaki at hindi niya mawari pero pamilyar itohindi lang niya malaman
kung sino at saan niya nakita ang binata. Tara, alis na tayosorry nga
pala sa ginawa niya, ha? Stressed lang.

Pinipilit ng lalaki si Ces para maglakad palayo. Nagpupumiglas man si Ces


ay hindi rin niya masyadong magawa dahil nanghihina na rin ang buong
katawan niya.

Si Melo

ba 'yun?

Sino 'yung babae?

May girlfriend na si Melo?!

Ito ang mga bulong na maririnig sa mga taong nakakasalubong nina Ces at
ng lalaking hawak-hawak siya sa braso. Naka-shades ang lalaki, may suot
na cap, simpleng polo shirt at pants. Matangkad rin ang binata.

Ano sa tingin mo ang ginawa mong eksena dun? nakataas-kilay na tanong


ng lalaking nasa harap ni Ces. Tumigil sila sa paglalakad nang makalayo
sila sa lugar kung saan halos magwala na si Ceswhich was so not her
dahil tahimik lang naman siya kung tutuusin.

Pero hindi niya kakayanin ang lahat ng nangyayarihindi niya kinakaya.

Sino ka sa tingin mo para pakialaman ako? matigas na sabi ni Ces but


with a hint of depression, stress and darkness.

Ako si Melo, ikaw si Cesat hindi ka naman ganyan, di ba?

Hindi kita kilala at hindi mo ako kilala. Matalim ang boses ng dalaga.
Something went bad kaya siya naging ganito. Something so bad. . .
that she couldnt take. Nilagpasan naman ni Ces ang binata na nagpakilala
bilang Melo. May halong pagkagulat, pagtataka at paghiwaga ang nakapinta
sa mukha ni Melo habang sinusundan ang paglalakad palayo ni Ces.

Diretso lang ang tingin ng dalaga, hindi pinapansin na ilang tao na ang
nababangga niya. Hindi naman siya nakaramdam ng sakit sa mga bunggo na
'yun dahil mas masakit ang nangyari sa kanya nang malaman niya na ang
prinsipe niya ay nag-aagaw-buhay sa ospital.

Hindi rin maalis sa isip ni Ces ang katotohanang nalaman niya when she
woke up after the incident two nights ago: ang insidenteng nangyari sa
kanya, kay Lyle at ang inaakalang niyang kasama niya sa tiyan niya noong
araw ng kaarawan niya mismo.

Ang lahat ng pangyayari ay tila ba nang-aasar na paulit-ulit sa utak


niya, na para bang pinagdidiinan sa kanya ang lahat. At habang naglalakad

sa hindi malaman ang patutunguhan, bumalik na naman sa kanya ang mga


pangyayaring halos magpatigil sa sistema ng kanyang buhay.

* * *

Nakaramdam ng paghaplos si Ces sa kanyang pisngi. Mahirap man dahil sa


bigat ng kanyang mga talukap ay binuksan niya ito para lang masaksihan
ang napakaliwanag na paligidpure white pero ang ikinabigla niya ay ang
nakita niya.

M-Mama?!

Ngumiti ang babaeng humaplos sa pisngi ni Ces. Nagtataglay ito ng isang


maamong mukha. Tumayo agad ang dalaga at niyakap ang kanyang nanay.
Pagkayakap niya rito ay mula sa lamig ng pakiramdam, nakaramdam ulit ng
init si Cesnaramdaman niya ang isang yakap ng pagkalinga.

M-Ma. . . Isinubsob ni Ces ang kanyang ulo sa kanyang ina para mas
mapahigpit ang kanyang yakap. Hinahaplos naman ng kanyang ina ang kanyang
buhok na nagpapakalma kay Ces. Tumigil ang oras nang mga panahon na ito
siguro ito rin ang kailangan ni Ces para makabangon sa mga nangyari sa
kanya.

Hindi rin naman nagtagal, bumitiw ang kanyang ina sa kanya at tumayo.
Tatayo na sana si Ces nang makita niyang may dugo ang kanyang binti na
kitang-kita dahil sa kaputian ng paligid. A-ano to?!

Napatingin si Ces sa kanyang ina. Nanlaki ang mga mata niya dahil may
dugo rin ang kamay ng kanyang inamay hawak itong parang isang. . .isang
fetus?

Ma! Baby ko 'yan! Pinilit tumayo ni Ces para habulin ang inang palayo
habang hawak ang fetus na hawak nito. Huwag mong dalhin ang baby ko
d'yan!

Ngumiti lang ang kanyang ina sa kanyaduguan ang mga kamay at ang ilang
parte ng damit nitong kulay puti. Pero kahit na duguan, maamo pa rin ang
hitsura nito. Papunta ito sa liwanag kung saan matagal na nitong
pinamamalagian.

Aaahhh!

Napapikit si Ces dahil sobrang sakit sa mga mata ng liwanag na biglang


lumitaw.

***

Yung baby ko!

Agad dumilat at umupo si Ces and realized she's lying on a hospital bed.
Nakaramdam siya ng sobrang sakit sa katawan. Nagulat rin ang nurse na
nasa kuwarto at pinahiga siya agad pero ang ikinagulat ni Ces ay nandoon
si Keng, nakaupo sa hindi kalayuan na upuan at nakataas ang kilay.

Baby? pagtataka nito sa sinabi ni Ces.

Miss, ano hong baby? Lumapit ang nurse at inaayos ang mga aparatong
nagulo sa biglang pag-upo ni Ces.

Y-yung baby ko. . .'yung. . . Hinawakan ni Ces ang kanyang tiyan para
pakiramdaman ito pero wala siyang maramdaman. Binigyan lang siya ng
pagtatakang tingin ng nurse saka ito nagpaalaam para tawagin ang doktor.

Pagkaalis ng nurse ay agad tumayo si Keng at inilapag ang magazine na


hawak niya kanina. Lumapit siya kay Ces. Nagkatitigan sila ng dalaga at
pagtatakang tinanong, Anong hong baby?

N-nasa. . .nasa tiyan ko, kinakabahang sagot ni Ces.

Nakita naman niya ang pagkunot ng noo ni Keng. Sabi ko na nga ba, buntis
ka.

Nope, she's not. Sabay na napatingin sina Ces at Keng sa biglang


pagpasok ng isang babaeng matangkad na nakasuot na white coat. She looked
sophisticated with her red dress sa loob ng coat niya na bumabagay sa
sandals nitong may mataas na takong.

Ano pong Hindi natuloy ni Ces ang sasabihin ni Ces nang lumapit ang
doktora sa kanya at hinawakan ang tiyan niya.

Walang laman na kahit anong buhay ang tiyan mo, simpleng pagbabanggit
ng doctor. Para namang may tumusok na maliit na aspile sa puso ni Ces sa
narinig.

H-hindi pupuwede 'yunhindi puwede. Ibalik niyo ang baby ko! Pilit na
kumakawala si Ces sa higaan pero nakaramdam siya ng masakit na pagturok
sa kanya ng injection at may inilagay ang doktor sa kanyawhich made her
calm.

Hindi namin mababalik ang baby dahil we can't do that at wala namang
baby in the first place, simpleng sabi ng doktor pagkatapos niyang
turukan ng pampakalma si Ces. Napatingin naman si Keng nang salitan kay
Ces at sa doktorhindi na rin niya naiintindihan ang nangyayari.

Anong pinagsasabi mo? Gustong sumigaw ni Ces pero pakiramdam niya ay


pagod na pagod siya. Dinugo ako noong nakaraan!

It's called menstruation.

Takte, naguguluhan na ako rito, a, pagkukumento ni Keng sa nangyayari


at naupo sa upuan niya kanina habang nakakunot-noong pinapanood ang mga
susunod na pangyayari.

H-ha?

It's normal. That's the reason for the blood. You didn't put any napkin
or tampons kaya nagka

P-pero, buntis ako! Pinagpipilitan pa ni Ces ang sinasabi niyang


buntis siya. She even explained everything: the symptoms pati na rin ang
pregnancy test na nakakuha siya ng positive.

Puwede mong sabihing you're manifesting the symptoms of being pregnant


cause you tend to let your mind believe it, pagpapaliwanag ng
doktor. Ganun ka-powerful ang utak natin. Kayang-kaya nitong
manipulahin ang sarili just by believing something. It's called
pseudocyesis o ang tinatawag na false pregnancy.

False pregnancy? Kahit si Keng ay hindi malaman kung ma-a-amaze ba siya


o magugulat sa mga naririnig at nalalaman niya.

Yes, and about the pregnancy test kit, 70% to 80% lang ang assurance na
totoo ang nandoon. Kung gusto niyong makasigurado, dapat nsa OB Gyne kayo
dahil may 97% - 99% ang chance na totoo ang sa doctor.

P-pero

Everything is just all in your mind, Ms. Flores.

* * *

Eveything is just all in her mindang lahat ng 'yun, hindi totoo. Ang
lahat ng pinaniwalaan niya, walang katotohanan. That made everything
senseless. Then she discovered she's anemic. She's too exhausted that's
why she passed out.

So sinong makakasisi kay Ces kung ganito na lang ang inaakto niya?
Tulala, lutang at wala nang pakialam sa paligid. She even started
questioning the existence of God. Walang ibang nakakaintindi sa kanya
kundi ang sarili niyasiya lang ang nakakaramdam ng lahat ng sakit na
parang mga aspili kung tusukin ang puso niya sa katotohanang. . .wala
siyang baby.

Ang baby nila ni Lylenonexistent.

At ang sakit nitong malaman.

* * *

How dare you let us see your face?! Rinig na rinig ang boses ni Marla
nang isigaw niya ito nang dumating si Ces. Nakatingin ang lahat ng tao na
nasa cafeteria sa kanila, Ces standing alone while Marlawith the
populars on the other side.

M-Marla. . . Hindi niya akalain na ganito ang magiging reaksiyon ni


Marla. Hindi naman siya lalapit sa mga ito pero sila na mismo ang lumapit
sa kanya. Nabalitaan na kasi nila ang mga nangyari the other night; at
hindi natutuwa ang mga populars sa balitang ito.

Oh, my God! Ang kapal ng mukha mo! Susugurin sana ni Marla si Ces pero
pinigilan siya ng mga lalaking kaibigan. Don't ever speak my name with
your filty mouth! How dare you! Nang dahil sa'yo, nasagasaan si Lyle!

Hindi makagalaw si Ces sa kanyang kinatatayuan. Naririnig na niya ang


iba't ibang bulong mula sa mga estudyante sa paligid. All eyes were on
her, mga mapanghusgang mga mata, mapanlait. . . na hindi man lang inaalam
ang tunay na nangyari.

I hate you! No, I abhor you! Ginamit mo


sa sarili mo then this happened! huling
hinatak palabas ng cafeteria. Lumabas na
cafeteria pero lumapit kay Ces si Kervin

lang ang pagkasikat namin para


pagsigaw ni Marla bago siya
rin ang ibang popular sa
at bumulong:

Kasalanan mo ang lahat.

* * *

Napatitig si Ces sa lalaking nakahiga sa ospital bed na nasa harap


niya. Rinig na rinig niya ang mabagal na paghinga ng binata kasabay ng
tunog ng mga machines sa loob ng kuwarto. Ang totoo n'yan, hindi puwede
si Ces sa hospital room ni Lyle pero dahil kay Kengwhich was so against
this ideaay pinayagan siyang bumisita for the night. It's Lyle's first
week sa ospital ngunit hindi pa rin nagigising at nakakapagtaka rin dahil
walang bisitang pumupunta, even his friends from schoolor parents.
Siblings. Wala.

S-sorry. Pumatak ang luha ni Ces sa mukha ni Lyle na panay galos at


sugat. Nakabenda rin ang ulo nito dahil ito raw ang napuruhan ng truck na
bumangga sa binata pati na ang left leg nito. Kung tutuusin, gUwapo pa
rin naman si Lyle kahit na ang dami niyang sugat sa katawan.

Tama sila, kasalanan ko ang lahat. Napahawak sa mukha si Ces at


tuluyang hinayaan ang sarili na umiyak. Naupo siya sa tabi at humagulgol
sa gilid ng kama ng kanyang prinsipe. Hindi rin niya alam kung bakit
tumakbo ang binata palayo noong muntikan na siyang ma-rape pero kasalanan
niya pa rin 'yun.

Kung hindi dahil sa kanya, walang mangyayaring ganito kay Lyle.

Siguro kasalanan nga niya talagasa mga nakukuha niyang galit mula sa mga
kaibigan ni Lyle for a week, sa mga hate messages na patuloy niyang
nakukuhalahat ng yun, dahil sa kanya. Siya lang ang kailangang
sisihin. Siya dapat ang sisihin.

Pero, anong gagawin niya? Ang lumayo kay Lyle? No! She can't do that. .
.never. Masyado niyang mahal si Lyle kahit pa wala naman talaga silang
nabuo. Mahal niya si Lyle kahit pa naninigarilyo ito at may bisyo sa paginom. Mahal niya si Lylesobra, sobra pa. . . maski pa sa sarili niyang
buhay.

Ugh Napaangat agad ng ulo si Ces sa narinig niyang mahinang pag-ungol


ng prinsipe niya.

L-Lyle? Nakaramdam ng panic si Ces nang makita niyang nagwawala na ang


machine na nakaugnay sa heartbeat ni Lyle. Anong nangyayari?!

Nagsidatingan ang ilang mga nurse. They were doing things: checking every
vital signs, ang pulse, ang heartbeatthey were shouting as if they were
on a panic. Nagbukas ulit ang pintuan at inuluwa ang isang doktorhindi
na maintindihan ni Ces ang nangyayari pero ang alam lang niya, sinusugod
na ang prinsipe niya sa ICU.

Teka, anong nangyayari?!

Ma'am, hindi po kayo puwede rito! Nagpupumilit pa rin si Ces na pumasok


pero ilang nurse na ang pumipigil sa kanya. Another fresh set of tears
fell. Sobrang sakit na ng nararamdaman niya at pakiramdam niya any moment
ay mapupunta na siya sa emergency room sa sobrang sakit ng mga
nangyayari.

Shes feeling numbteka, hindi. . . dahil may nararamdaman pa rin siya


sakit. Sobrang sakit not physically but mentally and emotionally. Hindi
niya alam kung anong nangyayari sa loob. nakikita lang niya ang mga
nurse na labas-pasok dito.

She felt helpless. . . and guilty.

Wala siyang ibang magawa kung hindi ang umupo at umiyak. Nawawala na rin
ang mga bagay sa paningin niya sa sobrang pagod. May ilang mga pasyente
na ang dumaan sa harap niya papunta sa ICU pero kalaunan ay aalis din.
May mga nag-iiyakang mga lalaki at babae kasabay niya pero at the end,
siya lang ang natira.

***

Dumaan ang ilang minutoang minuto ay naging oras pero wala pa ring
lumalabas na kahit na sino para balitaan siya kung ano na ang nangyayari.
Pakiramdam ni Ces, mababaliw na siyashe couldn't think straight hanggang
sa may lumabas na lalaki mula sa kuwarto habang tinatanggal ang takip
nito sa bibig at hand gloves.

For Mr. Yuzon?

Nagkatitigan sila ng doctor. Hindi maipinta ang mukha nito na siyang


nagpakaba nang sobra kay Ces. Nanginginig ang buo niyang katawan papunta
sa lalaking magbibigay sa kanya ng balitang kanina pa niya hinihintay.
Pero mali yata ang pag-anticipate niya para sa balitang ito dahil narinig
niya mula sa bibig ng doktor ang mga salitang nagpatigil sa pagtibok ng
kanyang puso.

I'm sorry, but he didn't make it.

~ ~ ~

Author's Note:Thank you sa pagbabasa at sa mga critics, yaaaay. Pasensya


na rin kung ang bibilis ng mga pangyayari at ang daming nangyayari per
chapter, hindi na ata ako magaling magpaligoy ligoy hahahaha itatry ko
pabagalin ng kaunti, mga 1 sec na bagal hahahaha so anyway, thank you sa
comments :)
Lilinawin ko lang, wala akong problema kay God--THIS IS JUST A STORY,
huwag masyadong seryosohin. I love God. I'm just being open minded and I
hope ang readers ko ay open minded din. Thank you.
Dedicated to lilcutebunny, bakit sa kanya? Kasi nakikita kong observant
talaga siya at gustong gusto ko siya dahil siya 'yung reader na nag iisip
(tungkol to dun sa "critic" niya last chapter), nakakatuwa na gusto niya
'yung hindi ko sinusubo sa kanya lahat ng information kasi napapaisip
siya, yay! Masyado lang akong natuwa dahil napansin niyang wala ang
parents ni Ces--sana nasagot nito ang tanong mo tungkol dito? Hehehehe.

=================
14 // Then There's Ash
"Still, this whole grim reaper thing should have come with a manual. Or a
diagram of some kind. A flowchart would have been nice." Darynda Jones

~ ~ ~

Lyle Yuzon. Blood lost due to internal bleeding. 1:18 am.


They tried to survive him. After all, ito naman talaga ang trabaho ng
mga doktor at nars: ang bumuhay at magpagaling hangga't sa makakaya nila.
As long as the patient won't give up, they won't, too. Pero this time,
nasaksihan ulit nila ang isa pang kamatayan na araw-araw na senaryo sa
kanilang ospital.

"You may see him," ani ng doktor with a sympathetic look on his face.
Nanginginig si Ces nang pumasok siya ng ICU. Binigyan siya ng ilang
minuto ng doktor para matanggap ang lahat.

Lumabas ang mga tao sa loob para bigyan ng pagkakataon si Ces na makita
ang binata. Pagbukas niya ng pintuan, napahawak siya agad sa kanyang
bibig at lalong umagos ang mga luha galing sa mga mata niya.
There, she saw Lyle, lying on his bed na may mapayapang mukha kahit na
sugatan as if waiting for her to see him. . . like this.
Wala nang nakakabit na kahit na anong machine, wires at kung anu-ano pang
bagay sa katawan ng binata. Wala na ring dextrose na nakatusok
sa mga kamay nito. . .Everything's so quiet.
At kahit pa tahimik si Ces, she didnt want this kind of silence. No. Not
ever. Never. Lalo na't involve rito ang mundo niya.

"L-Lyle. . ." Hindi na niya nakikita ang mabibigat na paghinga ng binata.


Pinakinggan pa niya ang heartbeat nito pero wala.

Lyle didn't really make it.

"Hindi pupuwede," pagkukumbinsi sa sarili. "Nakuha kong maniwala na


buntis ako so makukuha ko ring maniwala na hindi ka patay, di ba, Lyle?"
Hawak lang niya ang kamay ng binata. Hindi niya mawari kung mainit ito o
malamig. . . Naghintay siya ng ilang segundo para gumalaw o magsalita si
Lyle, para mag-respond sa sinabi niya pero wala, wala itong ginawa kahit
kaunting paggalaw man lang.
"Buhay ka, Lyle!" Niyugyog ni Ces ang katawan ng binata. "Buhay ka!
Makapangyarihan ang utak. Buhay ka!"

Napaupo sa sahig si Ces. It's hopeless. Totoo na ito. Hindi na ito isang
hallucination, malayo sa imagination at ito na ang totoong pangyayari.
Ito na ang katotohanan. Ito na ang masakit na katotohanang sasampal nang
napakalakas sa kanyang pisngi.

Matapos niyang malaman na wala siyang dinadalang isa pang buhay, nasa
harap naman niya ngayon ang mundo niyang binawian na ng buhay.

"Ako na lang. . . Ako na lang ang kunin Mo, huwag na siya," pagmamakaawa
ni Ces to Him, that Him she thought didn't exist, sa Kanya na
ipinagtataka ni Ces kung anong nagawa Niya para gawin Niya ito sa
dalaga. "Buhay ko na lang ang kunin Mo."

Nakatakip lang ang buong mukha ni Ces ng kanyang mga kamay. Hindi alam
ang gagawin dahil pakiramdam niya ay parang nawalan na rin siya ng buhay
sa pagkawala ng minamahal niyang prinsipe.

Halos mawalan na siya ng hininga sa paghagulgol. Ito na lang ulit ang


panahon kung saan ay umiyak siya nang sobra. The last time she cried like
she would die tomorrow was when her mom left her side. . . when her dad
left them for another. . . man.

And then some crazy idea went to her head. What if. . .what if, sundan
niya ang prinsipe niya? They'd live their happy ending, right?

Blag!

"Ay, shhh!"

Napansin ni Ces ang pagbagsak ng isang bote sa sahig. Hindi na sana niya
papansin ito pero gumulong ito papunta sa isang bagay na nagpakilabot sa
buong katawan ni Ceslahat ng balahibo niya ay tumaas sa nakita niya.

Mula sa ilalim ng hinihigaan ni Lyle ang isang pares ng paa na nakasuot


ng black chucks. . . na hindi tumatapak sa sahig.

"Ahhh!" Napaatras si Ces sa nakita habang patuloy ang pagtaas ng balahibo


niya sa katawan. Bakit may taong. . .nakalutang?!

"Anak ng!" Napatingin si Ces sa may higaan ni Lyle pero imbis na ang
katawan ni Lyle ang napansin niya, nanlaki ang mga mata niya nang may
makita siyang lalaking nasa tabi ng higaan ni Lyle. Hindi niya alam kung
paano pero mas kinilabutan siya nang makita ang lalaki sabay tingin sa
paanan nito at. . . siguradong-sigurado na siya, halos dalawang dangkal
ang layo ng talampakan nito sa sahig.

"S-s-sino ka?"

Mabilis na napatingin ang lalaking nasa tabi ni Lyle kay Cesnakatingala


naman si Ces at napatitig sa lalaking hindi niya kilala kung sino. . . o
kung ano, o kung tao man 'yun o hindi.

"Hmm?" Nakita ni Ces ang pagtingin ng lalaki sa kanya na parang


nagtataka. Lumingon pa ito sa likod nito sabay balik ang tingin kay Ces.
Nagkamot ito ng pisngi na natatakpan ng isang black na hoodie na suot
nito sa labas ng plain white shirt na ka-partner ng black skinny pants at
black chucks. "Bakit parang nakikita niya ako? Weird."

Napanganga nang kaunti si Ces sa narinig. Anonganong


nangyayari? Nabalot ng takot ang buong katawan ni Ces habang ang kanyang

mga luhang tumulo ay bumalik sa kanyang mga mata. Paatras siya nang
paatras hanggang sa makaupo na siya sa sofa na katabi ng pintuan.

"S-sino ka. . . B-bakit ka nandito?"

Nakataas-kilay na tumingin ang lalaki kay Ces na kanina ay parang ineexamine ang katawan ni Lyle. Matangkad itong lalaki, parang kasing
tangkad ni Note na aabot sa six feet, mukhang normal na taopapasa bilang
kamag-anak ni Lyle pero. . .

Bakit lumulutang?

"Bakit ba parang nakikita niya ako?" Hindi malaman ni Ces kung siya ba
ang kinakausap ng binata o hindi. Kinikilabutan fin siya sa boses ng
lalaki: malamig, malalim pero may hint ng loko-lokong boses. "A, ano ba
yan. Kailangan ko nang gawin 'to."

Inialis na ng lalaki ang tingin niya kay Ces pero ang tingin ni Ces,
hindi maalis sa binata. Patayo na ang dalaga dahil kahit papaano ay
bumabalik na rin ang enerhiya niya mula sa kakaiyak niya. Sino ba
siya? pagtatanong sa sarili.

"A-anong" Patuloy lang ang pagnood ni Ces sa binata. Out of nowhere,


may biglang lumabas na maliit na kutsilyo sa kamay ng binata as if like
magic. Her eyes widened. She continued watching hanggang sa na-realize na
lang niyang nilalapit ng lalaki ang kutsilyong hawak sa kanyang
boyfriend. "Ano yan!"

"Ahhhh!"

Napaatras 'yung lalaki kasabay ng malakas na pag-atras ni Ces sa hindi


niya malamang kadahilanan. Mabuti na lang at sofa ang nalandingan niya.
Pagtingin niya sa puwesto ni Lyle, wala na ang lalaki pero nang inangat
niya nang kaunti ang kanyang paningin. . .

"L-lu-lumu-Ah-hmm!" Nagulat si Ces dahil hindi na niya maibuka ang bibig.


Pinipilit niyang buksan ito pero hindi niya magawa. Sumisigaw siya pero
wala pa rin. Anong nangyayari? Bakit hindi ko mabukas ang bibig ko?

"Nakikita mo ako!" Tulad ng pagkagulat ni Ces, nagulat din ang lalaking


kasalukuyang lumulutang na kaunting tulak na lang ay mauuntog na sa
kisame ng kuwarto. Nawala na rin ang hawak nitong kutsilyo. "P-paano
nangyaring nakikita mo ako?!"

"Hmmhhhm?!" Halos mapunit na ang bibig ni Ces pero hindi pa rin ito
bumubuka. What's happening to her?

"A, teka! Wag kang magulo d'yan, teka!" Napatigil sa pagwawala si Ces at
taas-ulo niyang tinitigan ang lalaki dahil nasa may kisame ito. Napansin
niyang may kinuha ito sa bulsa at nakita niyang cellphone pa ito
touchscreen.

Nagpindot-pindot ang lalaki saka inilagay ang cellphone sa tabi ng


tainga. Habang na hihintay ng maaaring sumagot sa kabilang linya,
nakakunot-noo lang ang binatang nakatingin kay Ces na nagwawala. "Kumalma
ka nga!" iritableng sabi ng lalaki. Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Ces.

"Hello, boss?" Nawala ang pagkakunot ng noo ng binata. "Nakikita niya


ako!" Rinig sa boses nito ang pagpa-panic na para bang nakakita ang
binata ng multowhich was really weird coming from him dahil siya itong
lumulutang. "Opo, sige po. . .opo, sige, babay, ingats. Chupchup,
mwahugz."

Natapos na ang call na ginawa ng binata at unti-unting


lumapag ito papunta sa harap ni Ces and started examining her from her
head papunta sa mga paa ng dalaga na pinagtaka naman ni Ces kung bakit.
Isang metro ang layo nila sa isa't isa. Hindi na rin nagpa-panic si Ces
kahit pa sobrang kinakabahan pa rin siya hanggang ngayon.

"Mag-promise ka sa akin. kapag tinanggal ko ang bind sa bibig mo, hindi


ka sisigaw," mahinahon na sabi ng lalaki. Nag-aalangan man, tumango si
Ces para ipahiwatig na pumapayag siya. Wala pang ilang segundo,
naramdaman na niya ang pagbuka ng kanyang bibig at bago pa maka-react ang
lalaking nasa harap niya...

"Ahhhhhhh!"

"Hala!" Nagulat naman si Ces dahil pagkasigaw niya, naramdaman niyang


hindi na niya naigagalaw ang buo niyang katawan puwera na lang ang
kanyang mga mata. "Sabi ko huwag sisigaw tapos sumigaw? Ano ba naman
'yun."

Napatitig lang si Ces sa binata. Nakita naman niyang nakatapak na ito sa


sahig. Imagination lang ba niya ang lahat? Puwede peroteka, teka! Hindi
niya maigalaw ang buo niyang katawan. Anong nangyayari?

"Hay, nako," pagbubuntong-hininga ng binata at tumingin sa screen ng


cellphone na kakatunog lang kani-kanina. "Ang dami nang naka-line up
tuloy."

Tiningnan ng lalaki si Ces sa mga mata which was not a good idea for him
dahil nakita niyang tumutulo na ang luha ng dalaga sa takot. Napabuntonghininga naman ulit ang lalaki na para bang naramdaman na niya ang
pagkatalo at wala pang ilang sandali, nagalaw na ni Ces ang katawan niya.

"A"

"Teka nga sandali!" Napatigil si Ces sa pagsigaw niya. Nakakunot ang noo
ng lalaki na para bang naiinis na siya sa pagsigaw ng dalaga. "Kanina ka
pa sigaw nang sigaw. Hindi ko matatapos 'tong trabaho ko, e!"

"S-sino. . . A"

"Kailangan pa ba ng introduction?! Hi! Ako si Ash, secret years old.


Nagtatrabaho ako bilang si Kamatayan at mahilig ako sa mga patay na tao.
Mabait ako, hardworking, matangkad, maganda ang pangangatawan at maputi
ang balat. Sabi nila, guwapo raw ako pero hindi ako naniniwalaokay na
ba?"

Napatigil silang dalawa, nakatayo at magkaharap, walang nagsalita. Kahit


si Ces ay para bang naging istatwang nakatitig sa binatang nasa harap
niya na tinawag ang sarili na Ash. Was this guy joking around?

"A-ano?"

"Ang haba ng sinabi ko, hindi mo narinig?!"

"A-anong. . ."

"Kamatayan! Alam mo 'yun? Yung mga sumusundo sa mga patay na


tao?" pagpapaliwanag ni Ashna hindi naman alam ni Ces kung dapat ba
siyang maniwala sa pinagsasasabi ng kaharap niya.

"K-kamatayan?" Hindi malaman ni Ces kung bakit hindi siya tumatakabo


ngayon o kaya naman sumisigaw. Hindi niya alam kung bakit parang nawala
ang kaba sa dibdib niya at nakalma ang buo niyang katawan.

"Paulit-ulit lang?"

"P-pero, sigurado ka?"

"Sa tingin ko sigurado naman ako," sarkastikong sabi ng binata.


Kamatayan? Hindi talaga naniniwala si Ces. Actually, walang kapanipaniwala sa lahat ng nangyayari. Kung kamatayan man ang lalaking ito
napakalayo, dahil ang lalaking nasa harap niya ay mukhang normal na tao,
well, except lang sa lutang part. Hindi ba't ang mga kamatayan ay
skeleton na naka-black hood na may scythe? Pero. . .malayung-malayo ang
lalaking ito sa isang 'kamatayan' na sinasabi ng iba.

"Kung iniisip mong hindi ako mukhang kamatayan, e di wag. Hindi kita
pinipilit. Nandito lang ako para sa trabaho. Okay lang bang gawin ko
na ang gagawin ko? Marami pa akong kukuning kaluluwa, e." Naglakad si Ash
papunta kay Lyle at pinagmasdan ito.

Ces found herself asking, as if naniniwala siya sa mga nangyayari, "Aanong trabaho?"

"Hmm?" Lumingon si Ash kay Ces at ngumiti na nagpakilabot ulit sa katawan


ni Ces dahil nakita rin niyang nagliwanag ng kulay pula ang mga mata ng
binata. "Ano pa ba?"

"H-ha?"

"E di kukunin ko ang kaluluwa nitong si Lyle. Patay na siya. Hindi mo


narinig ang sinabi ng doktor?" simpleng sagot ni Ash kay Ces as if
answering a one-plus-one equation. Natigilan naman si Ces. Sumasakit na
ang ulo niya at hindi na niya alam. . . isa lang ang pumapasok sa utak
niya sa kasalukuyan.

This was crazy.

~ ~ ~
Author's Note:Maraming thank you sa 900+ reads, 80+ votes at 50+ comments
sa chapter 13 kahit 4 days lang ang nakakaraan. Ahihihihi thanks.
Dedicated to AegyoDayDreamer. Bakit sa kanya eh hindi naman niya 'to
binabasa?! Kasi, idolko siya. . . idol ko siya forever, kung pwede ko
lang mabasa lahat ng stories niya sa website, ginawa ko na. Kung pwede
lang ako makiFC sa kanya ng bongga para may appearance ako ng kahit
kaunti sa Wizard's Tale, ginawa ko na. Idol ko siya sa fantasy stories at
kahit sa mga simpleng stories lang, sobrang galing kasi niya! Pramis. So
ayun, dahil nagsisimula na ang fantasy sa TTLS, sa kanya nakadedicate ang
first chapter na may fantasy chuchu. :D

=================
15 // Talked

Back to Death

"Sometimes it isn't fighting that's brave, its facing the death you know
is coming." Veronica Roth

~ ~ ~

N-nababaliw na ba ako?

Actually, unti-unti nang natatanggap ni Ces ang isang teoryang nabuo sa


kanyang isipanna nababaliw na siya ngayon mismo. Sino ba naman kasing
hindi mababaliw kung nakakakita siya ng mga bagay na dapat ay hindi niya
makitalalo na't dalawa na taoo kamatayan na nagpapahiwatig na wala na
siya sa tamang katinuan.

Ako yata ang nababaliw dito, sambit ng isang batang lalaki na siguro ay
nasa edad na pito na kasusulpot lang ilang minuto ang
nakararaan. Hinihimas nito ang kanyang noo gamit ang kanyang kanang kamay
na parang stressed ito habang ang kabilang kamay naman ay yakap-yakap ang
isang teddy bear. Paano niya tayo nakikita, Ash? pagtatanong ng bata
kay Ash.

Aba, ewan ko! Sabi ko naman sa'yo nakikita niya ako, e, pagpapaliwanag
ni Ash. Sabay na tumingin sina Ash at ng batang tinatawag niyang boss kay
Ces. Hindi nila ma-gets kung paano nangyaring nakikita sila ng isang tao.

Mas lalong hindi nage-gets ni Ces ang lahat ng pangyayari.

Iniayos ni Boss ang kanyang suot na pajamas na kulay pale green at may
print na teddy bears. Tumingin siya kay Ces nang matalim ang mga mata na
siyang nagpakilabot sa buong katawan ng dalaga. This boss had this cute
face lalo na't mukha siyang seven years old lang pero kung makatingin
itomas nakakatakot kay Ash. Parang mas. . .mas mukhang kamatayan.

Kaya siguro boss ang tawag sa batang ito.

Umikot si Boss sa kinatatayuan ni Ces, looking at her from head to toe na


para bang ine-examine nito ang buong pagkatao ni Ces. Tumigil ito sa
harap ng dalaga, hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa kanya. Hindi
naman malaman ni Ces ang dapat i-react dahil hanggang ngayon, pakiramdam
niya ay niloloko pa siya ng kanyang mga mata.

Basta ang alam niya, kinikilabutan siya. . .for this scene right in front
of her was beyond reality.

Ash, kunin mo na kaluluwa ng lalaking 'yan para makaalis na tayo, utos


ni Boss nang hindi inaalis ang tingin kay Ces. Mula sa peripheral vision
ng dalaga, nakita niya ang biglang pagliwanag ng kamay ni Ash at out of
thin air, lumabas ang isang malaking scythe.

Nang itutusok na ni Ash ang talim ng kanyang scythe sa may bandang puso
ni Lyle para kunin ang kaluluwa nito, nagulat siya nang hindi niya ito
maipasok sa katawan ng binata na para bang may force field na pumipigil
sa kanyang ginagawa. Ilang ulit niyang binalak ipasok ang talim sa
katawan ng binata pero hindi talaga, ayaw talaga. Tumingin siya kay Boss
na nakatingin lang sa ginagawa niya. Hindi ko makuha 'yung kaluluwa
niya!

Bitiwan mo na siya. Mahinang bulong pero tila pumasok sa sistema ni Ces


ang salitang binitawan ni Boss. Nakakaramdam pa rin siya ng takot pero
nakikita ni Boss na hindi nagpapatinag ang dalaga. Nagtataka naman si Ash
dahil ang nakikita lang niya ay isang Ces na umiiyak nang tahimik, pero
bakit. . . bakit parang may kakaibang aura ang nababalot sa
dalaga? Kailangan naming makuha ang kaluluwa niya.

A-ayaw ko.

Nagtama ang paningin nina Ces at Boss, Ces looking downwards dahil nga
mas maliit si Boss at si Boss naman ay nakatingala kay Ces. Nakakunot

naman ang noo ni Ash habang nanonood sa titigan battle ng dalaga at ng


kanyang boss. Nobody moved. Nobody blinked.

Ilang segundo lang ay hindi na nakatapak sa sahig si Boss at umakyat ito


para magkatinginan sila ni Ces nang diretso sa mga mata. Hindi alam nina
Ces at Ash, ine-examine niya ang mga mata ni Ces. . .dahil nagsusumigaw
ang tingin ng dalaga.

Boss sighed hanggang sa tumapak na ulit siya sa sahig.

Hay, nako. Nag-make face pa si Boss na para bang napapagod na siya sa


ginagawa niya. Tumingin si Boss kay Ces na ngayon ay nawala ang tensyon
sa mukha nito, at tumingin naman kay Ash na nagtataka pa rin sa mga
pangyayari. Pag-ibig nga naman.

Iniiwas ni Ash ang tingin sa kanya ni Boss pero hindi rin naglaon,
nabalik kay Ces ang tingin ng batang kamatayan.

Masyado mo siyang mahal, tama ba ako? Agad-agad napatingin si Ash kay


Ces. Hindi niya mawari kung anong nararamdaman ng dalaga. Tahimik lang
siya habang patuloy ang pag-iyak pero kitang-kita ang sakit na
nararamdaman niya.

Napakuyom ng kamao si Ash.

Ibigay mo sa kanya ang kontrata.

Natigilan si Ash sa narinig. Nabingi ba siya sandali? Nagkamali ba ng


sinabi si Boss? Lumapit siya kay Boss at tiningnan ito nang mataman. Bbakit? B-Boss. . . A-ano?

Nagkatinginan ang dalawang kamatayan na nasa loob ng kuwarto, titigan na


tila ba silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Para bang may pinaguusapan sila na sila lang ang puwedeng makaalam.

Sumubsob naman si Ash sa sahig nang ikumpas ni Boss ang maliit nitong
kamay. Nagtama ang mga mata nina Ash at Boss once again pero ngayon ay
halos magkasingtaas na sila sa pagkadapa ni Ash pero lumulutang pa rin.

Narinig mo ba ang sinabi ko? Nagdilim ang buong kuwarto kung saan
nakahiga ang katawan ni Lyle. Halos nawawala na nga sa eksena ang totoong
nangyari na patay na si Lyle dahil sa dalawang kamatayan na nandito. Nagiba ang boses ni Boss mula sa batang boses papunta sa napakalalim na tono
na walang makakaakalang sa isang batang lalaki ito nanggaling.

Imposible man pero nakaramdam ng takot si Ash sa nakitang pagpula ng mga


mata ni Boss. Ngayon na lang kasi niya ulit nakita ang pagpula ng mga
mata nitona para bang nagpapahiwatig na seryoso na siya. Sumunod ka sa
utos ko, Ash.

P-pero Si Ash naman ngayon ang nakaramdam ng takot. Gusto pa sana


niyang humindi pero nagulat siya sa sunod na aksyong ginawa ni Boss.

Ngayon din!

Boom!

There was no logical explanation sa mga nangyayari. Sa totoo lang, kulang


na lang ay makakita ng wizard o fairy si Ces at maniniwala na siyang nasa
fantasy world siya at wala sa totoong buhay. Kasabay ng pagsalita ni Boss
ay para bang may isang malakas na puwersa ang nagpunta sa kuwarto para
magbuga ng napakalakas na hangin para gumalaw ang mga makina sa loob
nito.

Napatigil si Ash and sighed. Alam naman niya, kahit ano pang kontra niya
ay talo siya kay Boss. After all, si Boss naman talaga ang may huling
salita sa bawat desisyon ng Death Angels dahil si Boss lang naman ang
Death God.

Kinumpas ulit ni Boss ang kanyang kamay at napatayo si Ash agad-agad.


Tiningnan naman ni Ash si Cesnagkatitigan silang dalawa pero siya ang
unang umiwas ng tingin. Labag sa loob niyang inilabas ang D-Get o Death
Gadget niya at hinanap ang application para mag-print ng kontrata. Ilang
segundo lang ay iniluwa na ng kanyang D-Get ang kontrata na hinihingi ni
Boss.

Lumipad ang papel papunta sa harap ni Ces at ang una niyang napansin ay
ang nagliliwanag na mga letra sa bandang itaas na may nakalagay na Soul
Contract. Nang tingnan niya sa kabuuan ang kontrata na isang lumang
papel, ito lang talaga ang nakasulat ditowala nang iba.

Kung pipirmahan mo ang kontrata, mabubuhay ang lalaking ito, simpleng


pagpapahayag ni Boss.

Without ang single blink, Ces answered, Sige.

Nababaliwoo, sobrang baliw na talaga si Ces. Lahat ay gagawin niya para


lang mabuhay ang kanyang Lyle. . . Lahat ay papaniwalaan niya kahit sa
tingin niya ay nawawala na talaga siya sa katinuan.

Kahit kaluluwa mo ang kapalit? nakataas-kilay na tanong ni Boss


samantalang si Ash naman ay tahimik lang sa isang tabi.

Nagkatitigan sina Ces at Boss. Kita pa rin ang mga luha sa mga mata ng
dalaga. Sa tinginan na 'yun, kahit walang sinasabi si Cesalam na agad ni
Boss ang sagot ng dalaga. Inutusan ni Boss si Ash na ibigay kay Ces ang
pangpirma. Napilitan namang ibigay ni Ash ang scythe niyang pocket size.
Isa itong scythe tulad ng ginamit ni Ash kanina para kunin sana ang
kaluluwa ni Lyle pero mas maliit ito, puwedeng malagay sa bulsa, parang
pang-pendant ng necklace.

Wala nang isip-isip na hinawakan ni Ces ang scythe na parang ballpen at


itinusok ang matalim na bahagi ng scythe sa papel para pumirma pero
nagulat siya dahil pagpirma niya, nahati ang papel sa dalawa. Ay,
napunit!

Mula sa napakadilim na aura ng buong kuwarto, halos lumagakpak sa tawa si


Boss sa nangyaring pagkapunit ng papel habang si Ash naman ay parang
nanlulumo habang hinahawakan ang papel na napunit sa dalawa. Hala, yung
kontrata. . .ang mahal nito!

It was an epic scene. Ang bilis ng shifting ng emotion sa loob ng kuwarto


dahil kung kanina ay nakakatakot si Boss, now he's like a child laughing
his ass off. Kung kanina ay kengkoy si Ash, tumahimik, nagseryoso na siya
ngayon. He's in despair. Ang hindi lang nagbago the whole time ay si
Lyle. Mapayapa pa rin itong nahihimlay but Ces? Ces face was the most
epic face ever. Hindi malaman kung magi-guilty ba o malulungkot o
matatakot sa nangyaring pagkapunit niya sa papel.

S-sorry, ang tanging nasambit na lamang ni Ces. Kitang-kita naman sa


hitsura ni Ash ang parang binagsakan ng langitang kaninang pagkatahimik
niya ay nabasag dahil sa pagkapunit ng papel. Sa pangalawang pagkakataon,
nag-print siya ulit ng papel at ibinigay kay Ces ito na may masamang
tingin, nagbabanta.

Isa pang punit nito, ikaw pupunitin ko, ha. Umayos ka! Kinuha ulit ni
Ces ang papel at sa hindi niya malamang kadahilanan, nagulat siya sa
sarili niya nang itusok niya ang scythe sa kanyang braso. Nagdugo ito
pero wala siyang nararamdamang sakit habang pinagmamasdan lang siya ng
dalawang kamatayang gawin ang pagpirma. Binaliktad niya ang scythe at
isinawsaw ang kabilang dulo nito na hindi matalas sa kanyang dugo at
siyang pinangpirma niya sa may dulong parte ng papel.

She did it perfectly na para bang alam na alam niya ang ginagawa niya.

Napapikit si Ces nang biglang nagliwanag ang dugong nakapirma sa papel


pero ilang segundo lang, pagkadilat niya, nawala na ang kabuuhan ng
kontrata. Natahimik ang buong paligid, nawala ang tawa ni Boss at
nagkatitigan sina Ces at Ash. Hindi mawari ni Ces ang tingin sa kanya ng
binatang kamatayan. Parang may gusto itong sabihin pero hindi naman
nagsasalita.

Ash just looked at her. Without a single word, lumapit sa kinatatayuan


niya ang kamatayan. Bumulong ito gamit ang malamig nitong boses, Akin na
ang kaluluwa mo.

Mula sa kinatatayuan ni Ces, nakita niya ang paggalaw ng hinliliit ni


Lyle. She was about to call her prince's name pero nakaramdam siya ng
sobrang bigat sa kanyang katawan. Bago pa siya makapagsalita, nakita niya
ang mga mata ni Ash na may pulang liwanag. Narinig niya ang pagsambit
nito ng isang salitang hindi niya maintindihan: Auie.

She felt something from the inside was taken from her body and with a
snap, everything went black.

* * *

The Lyle Yuzon, almost dead butstill alive?!

Nakakaloka lang ang bilis ng mga pangyayari, mga Lycitizen. It was


exactly a week ago when we were so shocked na malaman na ang ating
prinsipe ay naaksidente dahil sa pagligtas niya sa babaeng hindi ko
malaman kung bakit girlfriend pa rin niya e mukhang kamalasan na lang ang
dala nitong babaeng ito sa kanya. Nagulantang din kaming lahat ng malaman
naming MUNTIKAN nang mawala sa piling natin si Lyle pero kahit ang mga
doktor, nagulat sa biglang paggalaw ng binata from his supposed-to-be
death bed.

Paano nangyari itech? E, sabi ng doctor, it's very confirmed na tumigil


na ang sistema ni papa Lyle noong mga panahong nasa ICU siya?
Nakakalerqui!

Pero we should celebrate, right?! Right? Ang ating papa Lyle, buhay!
Alive and kickingwell, not kicking dahil na-sprain ang kanyang legs but,
OMG lang. Kahit ang mga doctors, napamanghaLyle is a miracle sent from
above!

Mabuhay! More fun in the Philippines!

Ang chaka chikadora ng Lycitizen ng Pilipinas,LyLabsQitah

The news were everywhere, Lyle! Thank God, you're still alive!

Are you okay, papa Lyle?!

Waaah, anghel ka po yata!

Pagkalabas ni Lyle sa ospital, hindi na nawala ang mga taong nakapalibot


sa binata para alamin kung totoo nga ang balitang naaksidente siya at
muntikan nang mamatay. It's been a week and yet, ang dami pa ring
nakapalibot. Kung dati-rati ay pinagkakaguluhan si Lyle dahil sa angking
kaguwapuhan nito, ngayon ay mas lalo siyang pinagkakaguluhan dahil isa
raw siyang anghel na nagmimilagro.

Sa hindi kalayuan, nakaupo si Ces mag-isa sa isa sa mga benches habang


nakatanaw kay Lyle at sa mga taong pinagkakaguluhan ang binata. Nakangiti
siya but. . .she felt empty. Ang gusto sana niya ay makasama si Lyle pero
hindi sila binibigyan ng pagkakataon dahil sa mga nakapalibot dito.

One week na niyang hindi nakakausap si Lyle. . . dahil kahit sa klase


nila sa Research, hindi sila nakakapag-usap dahil kung hindi absent ang
binata ay pinagkakaguluhan ng mga kaklase.

At hanggang ngayon, ramdam na ramdam pa rin niya ang matatalim na tingin


ng populars sa kanya. Hindi na rin niya alam kung gaano na karami ang
hate mails na nakukuha niya sa locker. Hindi na nga rin siya gumagamit ng
cellphone dahil panay rin ang text sa kanya ng mga taong galit sa kanya
dahil sabi nila, isa raw siyang malas.

Look, 'yan yung girl na iniligtas ni Lyle kaya siya naaksidente.

Hindi man lang naging grateful.

Ang kapal ng mukha.

Huminga siya nang malalim at pinipilit na hindi pakinggan ang mga


sinasabi ng mga babae sa likod niya. Tumayo siya, without looking at the
girls, at naglakad na lang palayo. Siguro ay kakausapin na lang niya si
Lyle next time. Tutal, siya pa rin naman ang girlfriend.

Siya 'yung girlfriendyet siya ang nasa most hated list ng lahat.

Walang nakakaalam ng buong kuwentoang alam lang ng lahat ay ang side ni


Lyle, which was iniligtas nga raw niya si Ces from the two rapists pero
ang hindi alam ng karamihan ay tumakbo palayo si Lyle dahil he's fucking
scared to be beaten up.

He's not trying to ask for help; he's trying to get awayleaving Ces
behind dahil hindi niya hahayaang masira ang kanyang mukha para lang
makipagsuntukan. No, not his precious face. His face was too gorgeous
para masuntok para lang sa pagsagip kay Ces.

Nope. Sorry, he wouldn't risk his face for her.

Pero ang nangyari, sa pagtakbo niya para makalayo. . . sa pagtakbo niya


para makaiwas sa mga suntok na sisira sa kanyang mukha ay natamo niya ang
isang aksidenteng kamuntikan nang kumuha sa buhay niya.

No one knew anything about the truth dahil kinimkim lang 'yun ni Lyle and
exaggerated the story na sobrang benta naman sa lahat. Saying he's a
savior, a miracle in disguise at kung anu-ano pa. Siyempre, he's enjoying
the attention.

Guwapo na, talented na nga. . . sobrang matulungin pa.

The fact na ikinuwento niyang he tried to save her at nasagasaan siya ng


truck dahil he was pushed by one of the rapists? Iniidolo siya dati pero
ngayon, he's like a god. Sinasamba na siya. Kung pupuwede nga lang
halikan na ng mga tao ang tinatapakan ni Lyle ay ginawa na nila.

But what he or everyone didn't know was that Lyle, The Lyle Yuzon, owed
his life to someonesomeone named Pauline Flores, his girlfriend, whom he
tried to run away from kaya siya naaksidente.

Because this girl, also known as Ceswho loved him so much. . . talked
back to Death and bargained her soul just to save his life.

All for him.

Para lang sa kanya.

~ ~ ~
Author's Note:Not sure if this chapter is good or not. Nakakawindang kasi
hahaha so guys, sige na, sagarin niyo na pag kainis kay Lyle dahil
gustong gusto niyong naiinis sa kanya eh, ayan na ang "truth" about dun
sa pagtakbo niya. Anyway, thank you sa comments and likes. Huwag po kayo
magugulat dahil guys, simula sa umpisa, Fantasy na ang isang genre nito.
:)
Dedicated to Maria dahil isa siya sa mga sophisticated writer dito sa
wattpad na talaga namang iniidolo ko. Naaalala ko lang tuloy si S, grabe
'yung pasakit na ginawa niya sa character niyang 'yun, all the sacrifices
and stuff, grabe lang! Pero ayun, ewan ko pero sophisticated kaya yung
sulat ko? Nagmumukha kaya akong mature? Kung oo, sana maging
kasophisticated ko si Maria pero okay lang kahit hindi kasi idol ko naman
yang babaeng 'yan eh! :D
PS: Take note of some of the words dahil nagbibigay ako ng mga clue para
sa mga susunod pang mangyari. Huwag niyo basahin ang TTLS ng bara bara :)

=================
16 // The Masochist Lover
"There's something perverse about women...they're all masochists at
heart." Henry Miller

~ ~ ~

Nanginginig ang mga kamay ni Ces habang hawak ang mouse ng computer na
ginagamit niya. Nakatitig siya sa screen, staring at those big, bold, red
letters. Nanlalaki ang kanyang mga mata, halu-halong emosyonhindi siya
makahinga.

THE LYLE YUZON, FINALLY SINGLE!

Hindi kami nag-break! Halos itulak na ni Ces ang nirerentahan niyang


unit sa computer shop nang mabasa niya ang latest update ng website ng
prinsipe niya.

Muntikan na rin niyang batuhin ang hawak na mouse kung hindi lang ito
nakakabit sa CPU at kung hindi lang siya hinawakan ng bantay sa braso
upang pigilan.

Miss, huwag po tayong mageskandalo rito! Tiningnan ni Ces ang lalaking


bantay ng computer shop. Napaatras ang binata dahil sa matulis na tingin
sa kanya ng dalagang hawak-hawak nito.

Bitiwan mo ako.

Agad namang sinunod ng binata ang mariin na utos ni Ces.

Everyone inside the computer shop looked at her. Lahat napatigil, lahat
napatingin. Kahit 'yung mga busy players na naglalaro ng DotA ay
napatigil sa pagsira ng mga towers para tingnan kung anong komosyon ang
nangyayari. Napatigil din ang isang babae sa dulo na kanina pa nagseselfie para may ipang-display picture sa Facebook. May nag-pause pa ng
pinapanood nilang Koreanovela sa YouTube at kahit ang mga binatang
nanonood sa Youjizz ay nabitin dahil sa ingay.

Lumabas si Ces ng computer shop. Kahit ang mga tambay sa labas na


nagsusugal ay sinusundan siya ng tingindahil ang sexy niya sa damit
niyang fitted dress at dahil sa halos pagwawala niya sa loob ng shop.

Uy, miss! Magbayad ka muna! Akmang hahabulin na ng bantay ng computer


si Ces nang may humawak sa balikat nito para pigilan.

Paglingon ng bantay, nakita niya ang isang lalaking mas matangkad sa


kanya. Misteryoso ang hitsura, maamo ang mukha pero ang pinakamapapansin
sa kanya ay ang kanyang kanang kilay na may slant na hiwa. Kung tutuusin,
puwera kay Cessa kanya ang pinakamatino ang mukha.

Ako na lang ang magbabayad. Napatingin ang ilang tao sa computer shop
sa nagsalita. Ang ilan ay nagtaka kung sino 'yung lalaki, ang ilan ay
nagtaka na may ganyang klase palang nilalang ang magko-computer shop e
mukhang sosyalin na mayaman. Ang ilang babae ay nagulat dahil feeling
nila nakakita sila ng anghel pero may isang lalaking nakikinig ng music
ang nanlaki ang mga mata.

Sisi ano 'yan, a!

Pero, Pitch

Ngumiti si Pitch then some girly giggles were heard inside the
shop. Hayaan mo na, Bert. Baka may problema.

Sino nga ba 'yan? Sa banda 'yan, e. . . mahinang pagkokomento ng


lalaking nakikinig ng music. Pilit iniisip kung saan niya nakita si
Pitch.

* * *

Naglalakad lang si Ces, pinapakalma ang sarili sa sobrang pagkaasar sa


balitang nabasa niya sa website ng Lyle niya. Mas ikina-badtrip niya ang
pagkakatapilok dahil sa suot niyang sandals na may three-inch heels.

Para kang baliw. Pumikit si Ces at huminga nang malalim. Pakiramdam


niya mas naaasar siya sa nagsalita sa likod pero hindi na lang niya
pinansin dahil baka hindi naman siya ang sinabihan ng boses. Wow, ang
snob, ha?

Kunot-noong lumingon si Ces sa likuran para tingnan ang pinanggalingan ng


boses. Nanliit naman ang mga mata niya dahil feeling niya
ay pinagtitripan siya ng boseswala namang tao sa likod. Pagbalik niya ng
tingin sa harap, halos sumabog ang puso niya sa gulat.

Boo.

A Halos mapasigaw na siya sa gulat, mabuti na lang at napigilan


niya. Bakit ka nandito?

Kasi nababaliw ka na, matter-of-factly na sabi ng binata.

Hindi pa nga ba ako baliw? Kahit papaano, huminahon at naging mahina na


ang boses ni Ces. Kahit ang bilis pa rin ng tibok niya sa gulat,
pinapakalma pa rin niya ang sarili.

Tiningnan lang siya ng kasama na may pagtataka sa mukha.Hindi pa ba ako


baliw kung may nakikita akong lalaki na hindi nakikita at naririnig ng
iba? Na imbis na naglalakad nang normal, palutang-lutang na
lang? Napatingin ang kasama ni Ces sa kanyang mga paa. May isang dangkal

ang layo nito sa lupa, not touching the ground pero nakatayona para bang
weightless.

Hmm. . .hindi ko gets ang point mo, kunot-noong sabi ng kasama.

Ipinikit ni Ces ang kanyang mga mata at huminga nang malalim saka
idinilat muli ito. Alam mo, Ash, ako rin. . . hindi ko na nage-gets ang
lahat.

* * *

You sure are persistent. Isang himala na nagwawalis si Keng sa shop


habang walang customer. Gusto na nga sanang mag-celebrate ni Ces dahil sa
kasipagang ipinapakita ni Keng kung hindi lang siya malungkotkung hindi
lang siya distracted for the past monthwhich was dapat ay nagsecelebrate na sila ng monthsary ni Lyle but thenhes nowhere in sight.

Bumuntong-hininga si Ces at tiningnang muli ang cellphone na hawak niya.


Hindi pa rin ito nagba-vibratesimula nang lumabas si Lyle sa ospital,
hindi na niya muling nakausap si Lyle. Masyado kasing pinagkakaguluhan,
masyadong busy tapos ngayon. . . hindi na niya nakikita.

W-wala lang siyang load.

Walang load? Nagpapatawa ka ba? Tumigil si Keng sa paglilinis at


tumingin kay Ces na may ngisi sa mga labi. Naka-post paid 'yun. Paanong
walang load?

B-busy, buong-paniniwalang sabi ni Ces. Nakita niyang lumapit si Ash sa


tabi ni Keng at sabay silang bumuntong-hininga.

Uy, sabay kaming huminga, o! tuwang-tuwang sabi ni Ash habang tinuturoturo si Keng sa kanan niya. Nakakapagtaka dahil hindi naman siya
humihinga pero nagbuntong-hininga siya. Sumasagi talaga sa isip ni Ces na
weird ang kamatayan na ito.

Umikot lang si Ash kay Keng at pinagmamasdan ang buhok, mga tattoo at
piercing ng dalaga, amazed na amazed kahit ilang beses na niyang nakikita
dahil ikinukuwento niyang bawal kasi ang ganito sa mundo nila. But what
stopped Ash from admiring Kengs canvaswhich was herselfay ang sinabi
ng dalaga habang nakatingin kay Ces na nakatingin sa cellphone
nito. Nakakaawa ka.

Lumabas si Keng sa shop. . . Narinig ni Ces ang sinabi ng kasamahan pero


pilit niyang hindi pinapakinggan. Hinawakan niya nang mahigpit ang
cellphone niya, still waiting. Si Ash, nakatingin lang. . . medyo tulala,
pinagmamasdan si Ces na still hoping at si Keng na hindi malaman kung
anong nararamdaman.

* * *

Sapilitang pumalakpak ang mga estudyante dahil umakyat na ang may


pinakamataas na average nitong semester nila. Tuwang-tuwa naman ang
nakakuha ng certificate dahil first time niyang ma-recognize dahil sa
katalinuhan niya habang si Ces, ang dating tumatayo para kumuha ng
certificate dahil siya ang nakakakuha ng pinakamataas na average, ay
nakaupo lang sa isang normal na upuannakikipalakpak, nagbe-blend in sa
crowd.

Miss Flores. Tumingala si Ces only to see their University Dean, Miss
Caras, looking at her with something in her eyes. . . panghihinayang
yata? Follow me.

Sumunod si Ces kay Miss Caras. Nakatingin siya sa likod nito. Kahit pa
sinasabi nilang nasa late 40s na si Miss Caras, she still had this
glowing beauty. Parang kung tutuusin, mukha lang siyang in mid-20s at
isang bachelorette wherein ang totoo ay may anak itong tatlo at ang isa
ay graduate na ng college.

Pumasok sila sa opisina ng Dean. Ito


niya ang kontrata bilang pagtatag sa
ang Dean. Tahimik lang sila. Pinaupo
Nag-ayos muna ng kung anong papel si
nakakausap ni Ces, bumuntong-hininga

ang opisina kung saan pinirmahan


kanya as a scholar student. Umupo
rin siya sa katapat nitong upuan.
Miss Caras at tulad ng ibang
ulit ito.

What happened, Miss Flores? Hindi makatingin si Ces kay Miss Caras.
Alam niya itoshe's guilty. Alam niyang napabayaan niya ang pag-aaral
niya. Lahat ng professors ay nagtaka sa naging gawi ni Ces. Their ace and
favorite student. . . biglang nawala. Ang dating Ces na palaaral,
gumagawa ng mga activities at matataas ang nakukuhang grades ay. . .
nawala.

I'm not pressuring you or anything pero kung magpapatuloy ito, the
higher ups will not be pleased, mahinahong pagpapaalala kay Ces.
Napahigpit naman ang hawak ni Ces sa kanyang skirt.

S-Sorry. . .

Narinig niya ang hiyawan sa labas ng office at parang tugtugan


nagsisimula na yata 'yung last event para sa Semestral Ender program.

Pauline. Ces body stiffened. It was the first time na may tumawag sa
kanya ng Pauline na professor. Kung may problema ka, you could tell us.
Alam mong kakampi mo kami.

Tiningnan ni Ces si Miss Caras sa mukha nito. Kita ang pag-aalala ng


professor sa kanya at para bang mas lalo siyang nabalutan ng guilt; lalo
siyang nambaba. . . para bang wala na siyang kakayahan para magpakita pa
ng mukha sa mga tumutulong sa kanya.

Miss, babawi na lang po ako. . . s-sorry. Again, bumuntong-hininga si


Miss Caras but smiled at Ces saka ito pinayagan para lumabas.

Pagkalabas niya, nakita niya si Ash na nakatingin sa kanya na may


seryosong mukha. Hindi niya ito pinansin dahil may mga tao sa labas at
baka pagkamalan siyang baliw but Ash followed her. Hindi ka nag-aaral.

Patuloy lang ang paglalakad ni Ces, not minding that Death was following
her.

Funny sentence. . . Death was following her. Wala siyang kawala.

Tinutulungan ka ng mga professors

Wala kang alam, Ash, mariniin na sinabi ni Ces. Napatigil si Ash,


nakatingin lang sa likod ni Ces nang bumaba ito sa hagdan. Walang alam?
Si Ashisang kamatayan, walang alam? Napansin na lang ni Ash na ang tagal
ng pagkaka-stuck niya sa puwesto dahil may mga tumatagos na mga
estudyanteng naglalakad sa kinatatayuan niyarather, pinaglulutangan
niya.

Napangisi siya. Hindi niya kasi alam kung masasaktan ba siya o mababadtrip sa asal ni Ces.

Apparently, masyado nang nadi-distract si Ces. Lagi itong down, wala rin
itong kinakausap, laging nagagalit, parang iritable lagi. Hindi nawawala
sa tabi niya ang cellphone niya, still waiting. Minsan nga ay hindi na
ito pumapasok sa klase para lang hanapin ang kanyang prinsipe. Hindi na
rin siya nakakagawa ng mga school works.

Ang bilis ng biglang pagbago ng buhay ni Ces. One month pa lang ang
nakakaraan, her life became a mess hanggang ang one month na 'yun ay
naging two months and then on going. Mabuti na lang talaga at may awa ang
mga professors sa kanya. Kahit ang Research Prof. nila ay nagtataka dahil
gustong-gusto pa naman niya ang ginawa nina Flores at Yuzon.

Pero wala. . . nawala bigla ang Ces na palaaral tulad ng biglang


pagkawala ni Lyle.

* * *

But I don't care what they say, I'm in love with youThey try to pull
me away but they don't know the truthMy heart's crippled by the vein that
I keep on closing

Nakapikit si Ces, dinadama ang bawat salita sa kanyang kinakanta. Her


voice was complementing the guitarists soft strumming pati na rin ang
pagse-second voice nito.

You cut me open and IKeep bleeding, keep, keep bleeding loveI keep
bleeding, I keep, keep bleeding love

Ramdam naman ng audience ang pagkanta ni Ces. Siguro ang kantang ito ang
pinakaramdam nilang kinanta ni Ces. Hindi man madalas ang dalaga sa bar
dahil pinapatawag lang siya kapag kailangan, may ilang dumadayo pa rito
para marinig si Ces.

Keep bleeding, keep, keep bleeding loveYou cut me open

Puno kasi ng emosyon ang pagkanta ng dalaga. Ang sarap sa tainga, ang
sarap pakinggan.

Trying hard not to hear but they talk so loudTheir piercing sounds
fill my ears, try to fill me with doubtYet I know that the goal is to
keep me from falling

Kasama ng audience,
walang magrereklamo
Napapangiti si Ash.
smooth pero may isa

nanonood si Ash kay Cessa harap mismo. Siyempre,


dahil hindi naman siya nakikita ng mga ito.
Ang sarap kasing pakinggan ng boses ng dalagavery
siyang napansin kay Ces.

But nothing's greater than the rush that comes with your embraceAnd in
this world of loneliness I see your faceYet everyone around me thinks
that I'm going crazyMaybe, maybe

Her eyes. . . nakapikit ito pero ramdam mong may pinagdadaanan. Walang
nakakapansin dahil medyo malayo ang audience sa kinauupuan ni Ces sa
stage pero kung katulad ni Ash na pupuwedeng lumapit nang walang
nagagambala, kitang-kita niya: ang mga mata ng dalaga habang nakapikit at
kumakanta ay may mga luhang tumutulo.

Nagpalakpakan ang mga tao once again. Dito sa bar, ibang tao si Ces. Sa
bar na ito, no one hated herlahat ng nakikinig ay namamangha sa kanya.
Mabuti na lang sa bar, walang humuhusga sa kanya.

Magaling ka palang kumanta, no? compliment ni Ash habang palutanglutang sa backstage. Si Ces naman ay nag-aayos na ng kanyang mga
gamit. Kinongratyuleyt rin siya ng kasamang gitarista for doing a job
well done.

Titik titik!

Napatingin si Ces kay Ash na nagulat rin sa pagtunog ng kanyang Death


Gadget. Kumunot ang noo nito at tumingin kay Ces. Sige, may trabaho pa
ako, at bigla na lang itong nawala.

Hindi na rin nagugulat si Ces sa ganitong act ni Ashpawala-wala talaga


ito dahil may trabaho ang binata bilang kamatayan. Siguro natutuwa rin

naman siya sa company ni Ash, pero ang nakakaloko lang ay si Ash ang
nagiging reminder niya sa isang katotohanang. . . hindi na niya pagmamayari ang kaluluwa niya.

Pagkahawak ni Ces ng kanyang cellphone para iligpit, nanlaki ang mga mata
niya nang nag-vibrate ito. Pagtingin niya sa screen, halos magwala na ang
puso niya. Unti-unti, ang ngiting matagal nang nawala sa kanyang mukha ay
bumalik dahil sa nakita sa screen.

Lyle ko Calling. . .

She hurriedly answered the call.

Babe! Bakit ang tagal mong hindi sinagot yung phone? Ang kaninang
ngiti niya ay mabilis ding naglaho sa narinig. Napatigil siya. She looked
at the screen of her phone again. Hindi siya nagkakamali: si Lyle talaga
ito. Pero bakit?

Bakit hindi na Princess ang tawag sa kanya ng prinsipe niya?

B-babe?

Nakarinig ng kung anong ingay si Ces sa kabilang linya. Nakarinig pa siya


ng ilang mura. Parang may ibang kasama si Lyle na mga kaibigan.

A-ACes!

Lalong nanlaki ang mga mata ni Ces sa biglaang pagtapos ni Lyle ng tawag.
Pakiramdam din niya ay nanghina siya sa narinig. Parang. . . tama naman
pero sobrang. . . sobrang mali.

Lyle called her Ces. . . with her nickname.

* * *

Semestral break, bakasyon. Hindi pa rin mapakali si Ces dahil simula ng


tawag na 'yun ay cannot be reached na ang number ng binata. Dahil
gustong-gusto niyang makita ang kanyang prinsipe so she took the risk.
Inipon niya ang kanyang pera para magbayad ng entrance fee sa Kengs
Night Out bar. Hindi ito naging madali dahil mahal ang entrance fee at
ang haba rin ng pila pero nakagawa pa rin siya ng paraan.

It was a busy Saturday night. Pagpasok niya sa bar, masakit pa rin ito sa
mga matawalang pagbabago. People were wild, mas wild pa dati noong huli
niyang punta. Hindi na lang niya ininda ang sakit sa mga mata dahil sa
ilaw. Dapat niyang ituon ang atensyon sa paghahanap sa kanyang prinsipe.

Hindi naging madali ang lahat dahil ang daming tao but she spotted him
nakaupo sa usual sit nito. Her heart went wild. Ngayon na lang niya ulit
nakita si Lyle simula noong sa ospital. Wala na itong galos sa mukha,
walang mga sugat, wala na lahatbumalik na ang prinsipe niya sa dati.

Ngiting-ngiti si Ces na papalapit sa binata nang matigilan siya nang


makita niyang may isang pamilyar na babaeng lumapit kay Lyle. Tinakpan

ng babae ang mga mata ni Lyle at nakita niyang may ibinulong ito. She saw
them smile at each other at. . . at. . .

Nakaramdam si Ces ng mainit na paghinga sa kanyang batok at may isang


boses ng lalaki ang bumulong, Don't look. Nagulat siya sa biglang
pagtakip ng isang kamay sa kanyang mga mata. Hindi niya alam sa sarili
pero napangiti siya dahil huli na ang lahat.

Kasabay ng pagtakip sa mga mata niya ay saktong paglapat ng mga labi ng


dalawang indibidwal sa kaniyang harap.

~ ~ ~
Author's Note:OKAY LANG MAGULUHAN NGAYON. Sa mga nagtatanong bakit buhay
pa si Ces, wala akong sinabing patay na siya. . . ang sabi ko lang is
"everything went black" at hindi "namatay si Ces". Magkaiba po 'yun so
take note lang natin 'yung mga words. Answers will be revealed, don't
worry. Smile lang!
Dedicated kay sandreeya. Bakit? See picture at the multimedia part or
click external link. Thank you sa pagbabasa ng TTLS sandreeyaaa~ huwag ka
mahiya sa akin ano ka ba hahaha! Nakakatouch ka naman magcomment,
nahihipo ako ng todo eh! :D

=================
17 // She Almost Died
"Unbeing dead isn't being alive." E.E. Cummings

~ ~ ~

Lets partehhhh!

Nagsasaya ang buong paligid at rinig na rinig ni Ces ang mga sigawan,
pagkukuwentuhan at mga tawanan ng mga tao. After all, ito naman talaga
ang point sa pagpunta ng bar: ang magsaya. Everyone's happy, everyone's
enjoying the night.

Except her.

Never look at them, rinig niyang bulong ng lalaking nasa likod niya.

Ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. It was so unhealthy dahil sa


sobrang bilis nito, nahihirapan na siyang huminga. She opened her mouth,
gasping for air. . . She needed it. She really needed it. Hindi na niya
kaya.

Nakatakip pa rin sa mga mata niya ang kamay ng binatang nasa likuran
niya. Kahit pakiramdam niya ay inilalayo siya ng lalaki sa senaryong
iyon, hindi pa rin siya mapakali. Naglakad sila paatras, para lumayo. Ang
daming nagsisigawan sa loob ng bar pero mas rinig ni Ces ang pagsigaw ng
kanyang puso.

Ang sakit. . . sobrang sakit.

Nang tumigil sila sa paglalakad, umatras si Ces na ikinabigla ng binatang


nasa likuran niya. T-teka

Umtras lang siya nang umatras dahil pakiramdam niya ay makikita pa rin
niya 'yun. She needed to go. Gusto niyang lumayo. Lalayo siya. Lalayo
siya nang sobra. Sa sobrang pag-atras niya ay na-out of balance ang

binatang nasa likuran niya at nawala ang takip sa kanyang mga mata. Dahil
sa takot, pumikit siya at tumakbo palabas ng bar.

Hindi. . .hindi ito totoo.

Walang katotohanan ang lahatito ang pinipilit niya sa kanyang sarili.

Nanghihina ang buong katawan ng dalaga nang makalabas siya. Humugot siya
ng hangin dahil pakiramdam niya ay pinagdadamutan na siya ng
paghinga. Ces!

Nataranta siya sa pagtawag sa kanya kaya't dumiretso siya sa pagtakbo,


hindi lumilingon sa tumawag. Hindi niya iniinda ang panghihina ng kanyang
katawan. Tumakbo lang siya. Not minding other people Not minding the
curse she gets dahil sa mga nabubunggo niya. Hindi niya pinapansin ang
paligid. . . Wala siyang pinapansing iba.

Wala siyang pakialam sa ib

Beep!

C-Ces! Napatigil si Ces sa pagtakbo at bago pa siya makasama sa


pagharurot ng sasakyan, may humatak sa kanya pabalik.

Huminto ang kotseng muntikan nang matamaan si Ces. Rinig na rinig ang
musika sa loob nito dahil nakabukas ang mga bintana. Ibinaba ng driver
ang kanyang shades kahit madaling araw na noon at ipinakita ang

naiiritang mukha. Hinithit nito ang sigarilyong hawak at marahas na


itinapon sa harapan nina Ces.

PUTANGINA KANG BABAE KA! Gusto mo bang mamatay?! Nagulat sila pati na
ang ibang taong nakapaligid sa pagsigaw ng driver at biglang nagpaharurot
ng kotse.

Napatulala si Ces, nakatingin pa rin sa kalsada na kanina ay pupuwede na


niyang ikamatay. Ramdam niya ang hawak sa kanyang braso ng nagligtas sa
kanya ngunit hindi niya ito pinapansin hanggang sa magsalita ito.

A-are you okay?

Napatingin naman si Ces sa lalaking nagligtas sa kanya. Dapat ay


magugulat siya sa pagligtas ng lalaking ito sa kanya pero para bang
nawala ang lahat ng lakas niya para mabigla pa. Hindi na siya makapagisip nang maayos; wala na siyang maisip na matino.

She's lost.

Inialis niya ang hawak sa kanya ng lalaki at naglakad na lang. Lutang


siya; para siyang isang zombie na walang patutunguhan. She just walked.
No tears, wala. . . walang kahit na ano. Kahit ilang beses siyang tawagin
ng binata na nagligtas sa kanya, hindi niya pa rin ito tinutugunan.

Isa lang ang pumasok sa isip niyashe almost died physically, but
emotionally? Shes already buried.

* * *

Noong nagsimula ang panibagong semester, kahit enrolled na ay hindi


pumasok si Ces sa school. Natatakot siya sa puwedeng mangyari sa loob
nito. Natatakot siya sa mga puwede niyang makita. She locked herself away
from everyone for a week, then decided to go to the cake shop.

Pinagsabihan siya ng manager nila pero tumatagos lang sa kabilang tainga


niya ang pumapasok na sermon sa isa pa. Hindi siya sigurado sa sinasabi
ng manager pero ang alam lang niya ay 'yung tanong na, "Bakit hindi ka
pumasok nang isang linggo?"

Bakit nga ba hindi siya pumapasok? Because she's lost. Hindi niya makita
ang sarili.

Hindi naman talaga dapat pagsasabihan ng manager si Ces pero dahil sa


reklamo ni Keng na siya lang ang nagtatrabaho at baka nagpapakasaya si
Ces sa iba e unfair para sa kanya. Keng wanted revenge. Well, not
literally the bad revenge pero gusto niya, magtrabaho rin si Ces. Gusto
niya, hindi siya yung naghihirap.

Mahirap kayang magtrabahong mag-isa! Lalo na kapag tamad ka.

Bumalik sa trabaho si Ces. Ilang beses siyang kinausap ni Keng pero hindi
niya ito pinapansin. Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa dalagang
lutang. "Naka-drugs ka ba?"

She waited for a response pero wala pa rin. Nanliit ang mga mata ni Keng
at tumitig kay Ces, pinagmamasdan. "Sabi ko na nga ba."

Agad nabaling ang atensyon ni Ash kay Keng at sinundan ng tingin ang
dalaga sa paglalakad papunta sa CR. Tumingin din siya kay Ces na lutang.
. . then a customer arrived, but Ces was still in her own world.

"Uy, may customer."

Sa pag-announce ni Ash, doon lang natauhan ang dalaga. But she didn't
smile; nawala ang ngiti niyang pangbati sa mga customers. Instead, she
just looked at the customer and prepared the cake. Sobrang monotonous ng
ginagawa niya; walang kaemo-emosyon.

Then after the customer left, nawala na naman ang dalaga sa mundo,
staring at nowhere.

Keng was bored. . .then Ash disappeared dahil sa trabaho. Naiinis si Keng
dahil hindi niya makausap si Ces at lutang lang ito: from time to time ay
tinitingnan ang cellphone pero madalas ay nakatitig lang sa kawalan.
Naiinis siya kasi parang wala lang sa dalaga ang mga sinasabi niya.

E, gusto pa naman niyang nakikitang natatameme si Ces sa mga sinasabi


niya, pero ngayon? Wala. . .inii-snob siya ng dalaga. Nakakainis!

Nagbukas ulit ang pintuan ng cake shop. Pagtingin ni Keng, imbis na


ngumitiwhich was hindi rin naman niya ginagawa kahit mayrong customer
ay kumunot ang noo niya.

Anong ginagawa mo rito? malamig na tanong ni Keng sa binata.

Ngumiti naman ito kay Keng at tumingin kay Ces. Bibisitahin ko si Ces.

Umayos ka, Kervin.

Maayos naman ako, Keng. And again, he smiledthat innocent smile na


para bang nakakapanibago.

Nagkatinginan sina Keng at Kervin, sukatan ng tingin. May ngiti sa mga


labi ng binata habang kay Keng naman ay tingin na naaasar.

Magkakilala sina Kervin at Keng dahil parehas silang matagal nang


kaibigan ni Lyle. From time to time ay nagkakasama sila sa mga gimik,
inuman at pagba-bar. Minsan, magkasama rin sila sa mga trip sa buhayalam
nila ang trip ng bawat isa.

Hi, Ces. Bakit hindi ka pumapasok? He looked at Ces again pero hindi pa
rin siya pinapansin nito. Tulala pa rin ang dalaga. . .para bang hindi
napansin nito ang existence ng binata.

Lumapit si Kervin kay Ces, Keng eyeing him na para bang kaunting maling
galaw lang ng binata ay handa na niyang gyerahin ito. Lumapit naman ang
binata sa tainga ni Ces at bumulong, Huwag mo na siyang isipin.

Tumaas ang balahibo ni Ces nang marinig niya ang bulong nito. She looked
at Kervin na lalong ngumiti dahil sa wakas, nakita na nito ang presensya
niya. She looked at him with a blank expression pero maraming gumugulo sa
kanyang isipan.

Ang lalaking itoang lalaking walang ibang ginawa kung hindi ibulong sa
kanya ang mga bagay na tumatagos sa kanyang pagkatao.

Hindi niya makakalimutan ang marahan na pagbulong sa kanya ng binata ng


mga salitang humiwa sa puso niya. Those words. . . Ikaw ang may
kasalanan ng lahat. Ipinagsigawan na ni Marla sa lahat ang mga 'yun pero
mas masakit ang sinabi ni Kervinparehas lang ng mga salita pero iba ang
bersyon ni Kervin: mahinahon, pabulong pero sobrang sakit na para bang
ang mga salitang iyon ay nakalaan lamang para kay Ces.

Pero ang bilis nga naman ng ikot ng mundo. Para bang sa isang iglap, hes
like a savior, a guardian angel. Para siyang hinulog ng langit kung
tulungan niya si Cesuna sa bar. Siya ang nagtakip sa mga mata ng dalaga
upang hindi mapanood ang senaryong gumuho sa mundo ni Ces. Pangalawa ay
sa paghabol nito palabas ng bar at paghigit sa dalaga upang hindi
masagasaan.

It was so fast, the change of people. . . at para bang hindi na


nakakasabay si Ces sa bilis nito.

That next week, Ces decided to go to school. Kahit labag sa loob niya,
napag-isip-isip niyang hindi siya puwedeng maging ganito. Tiningnan siya
ng lalaking professor nang pumasok siya sa computer lab. All eyes were
looking at her. Late na nga siya, mukha pa siyang sabog.

Rinig din niya ang mga bulungan ng iba niyang kaklase. Hindi pa rin siya
ligtas sa mga masasakit na salita ng mga taong nakapalibot sa kanya.

Buhay pa pala 'yan.

Kapal ng mukhang magpakita sa atin, o.

Ha? Sino ba 'yan? Ano bang klaseng specie 'yan?

Hindi alam ni Ces kung anong problema ng mga bumubulong tungkol sa


kanya. . . Nakakatawa nga dahil bumubulong sila pero rinig na rinig
naman. Ano bang gusto ng mga ito? Ano bang makukuha nila habang
nagsasabi ng masasama tungkol kay Ces?

You must be Miss Flores, yes? Tumango si Ces at umupo sa pinakamalapit


na bakanteng upuan. Ramdam ni Ces ang mga masasamang tingin sa kanya ng
ibang kaklase. Kung nakakamatay lang ang tingin, siguro nasa 40 days na
ng pagkamatay ang dalaga.

Ngumiti muna ang professor na nagpakilalang si Mr. Quiano kay Ces saka
itinuloy ang lesson. Hindi pa nag-iinit ang pagkakaupo ni Ces sa kanyang
upuan ay may kumatok sa pintuan ng kanilang classroom. Nag-usap sina Mr.
Quiano at ang babaeng nasa may pintuan, at sabay na tumingin kay
Ces. Pinapatawag ka ng Dean.

Pagkarating niya ng Deans office, hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Miss


Caras. Masakit man para sa kanya ay wala siyang magagawashe tried saving
Ces reputation sa mga higher ups but the final decision couldnt be
changed.

Im sorry, Miss Flores, but your scholarship

I understand. Hindi na pinatapos ni Ces ang sinabi ni Miss Caras at


umalis na ng office. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa letter ng higher
ups sa kanya. Nakasaad sa sulat na 'yun ang status ng scholarship niya.

Scholarship Terminated.

Pinagbigyan naman siya ni Miss Caras na pumasok for this semester pero
hindi siya makakapasok sa susunod na semester kung hindi niya mababayaran
ang tuition fee this sem. Pero magkano ba ang isang semester dito? Hindi
lalagpas ng one-hundred thousand pero hindi rin naman liliit sa fifty
thousand.

Saan niya makukuha ang ganoong kalaki na halaga?

Ito ang naging dahilan para hindi bumalik si Ces sa kanyang klase
at nagpunta sa isang CR na pinaka hindi-gamit sa school. She cried there.
. . Hindi na niya kakayanin ang lahat ng sakit. Halos ibato sa kanya ang
lahat ng problema and she's not ready with those problems.

Hindi niya kaya.

Ang sabi niya kay Miss Caras ay she understood and yetshe didnt
understand anything anymore.

Hindi na pumasok si Ces for the whole day and stayed inside a cubicle.
Nakaupo lang siya roon, nakatulala hanggang sa nakarinig siya ng biglang
pagbukas ng pintuan at pagsara.

A. . . Nawala sa pagkalutang si Ces nang makarinig siya ng pag-ungol ng


isang babae. Nakarinig siya ng ilang paghampas at ilang ingay na
nagpapahiwatig na may nangyayaring kakaiba sa loob mismo ng comfort
room. D-dito taahh. . .yo. . .

Nanlalaki ang mga mata ni Ces nang marinig niyang nagbukas ang katabing
cubicle ng kinaroroonan niya. There, she heard a lot of things. . . lalo
na ang pagpipigil ng babaeng gustong-gusto nang humiyaw pero
nakakapagtaka dahil parang isang babae lang ang umuungol.

May tao, narinig ni Ces na bulong ng babae sa kabilang cubicle nang


marinig niyang nagbukas ang pintuan ng CR. T-teka, nakikiliti ako.

May tao ba d'yan? Narinig ni Ces ang isang boses ng babae na siguro ay
may edad na dahil sa pagkagaralgal nito.

Opo. Sorry, I really need to answer the call of nature po, e, sabi ng
boses ng babae sa kabilang cubicle.

Ay, Dyos ko! Hala, sige, i-flush mo 'yan pagkatapos, ha! Ilang minuto
lang ay narinig naman ni Ces ang pagbukas at sara ng pintuan ng CR.

Muntik na 'yun, a?" Napatigil si Ces sa narinig na boses. Isang boses ng


lalaki na. . . sobrang pamilyar sa kanya.

Ikaw naman kasi, huwag mo akong haw. . . aahhh, shit!"

Bumilis nang bumilis ang tibok ng puso ni Ces sa kanyang mga naririnig:
mga tawanan, mga pigil na pagsigaw at ilang pag-ungol ng babae sa
kabilang cubicle.

Woah!" Hindi na halos makahinga si Ces sa kanyang puwesto. Masyado


siyang nagko-concentrate sa mga sinasabi ng nasa kabilang cubicle para
makasigurado. Can I handle this?!"

It depends. Kasya ba?" Habang patagal nang patagal, hindi na niya


kinakaya ang mga naririnig niya.

Wait, hindi ba your girlfrieuhh. . ."

I don't like girls who talk too much."

Pinipigilan ni Ces ang mga luhang gustong-gusto nang kumawala sa kanyang


mga mata. She's too tired to cry and yet, hindi niya mapigilan ang
kanyang mga luha. Nag-uunahan ang mga ito habang nakaupo siya sa toilet
seat.

Pinipigilan niya ang paggawa ng ingay dahil ayaw na niyang makisabay sa


mga ungol at paghinga nang malalim ng dalawang tao na nasa kabit-cubicle
niya. It was too much. . . sobra-sobra na ang kanyang mga naririnig.
Hindi na talaga. . .hindi na talaga kaya lalo na nang makarinig siya ng
isang bagay na nalaglag sa lapag.

The two persons inside the other cubicle was too busy with their deed,
not knowing that Ces could hear everything. Nang tiningnan niya ang
lapag, halos pira-pirasuhin na ang kanyang puso sa nakita. There, she saw
a card that bore the identity of the guy inside the other cubicle.

Their school's name and logo were printed on it na may isang litrato ng
mukha ng lalaking sobrang guwapo, sharp eyes with manly features,
maputing balat at maitim na buhok na gulo-gulo man ay sobrang guwapo pa
ring tingnan, at mga labing hindi man pinkish dahil sa sigarilyo pero
masarap halikan. Sa picture rin na ito, kitang-kita ang ngiti ng binata
lalo na ang dalawang nunal nito sa kaliwang parte ng baba na hindi
masyadong kita sa ibang pictures. Kita rin dito ang matipunong balikat ng
binata. . . isang perpektong lalaki. Naka-print din ang school number,
course, pirma. . . at ang pangalan ng binata. . . printed with big, black
letters, the identification card screamed at Ces' eyes,

LYLE T. YUZON.

Right at that moment, alam niya sa sarili niya. . . namatay na siya.

~ ~ ~
Author's Note:Dedicated naman itong chapter na ito kay Brythelei. Bakit
sa kanya? Kasi. . . keen observer siya. Natutuwa ako dahil kilala niya
kung sino sila Pitch, natutuwa ako sa mga comments niya. Tipong napaka
simpleng detalye lang tapos hindi ko pa inemphasis dun sa mga nakaraang
chapters eh alam niya, ang galing lang. Thank you sa pagbabasa ng TTLS
:">

=================
18 // A Heart Clash
"Love does not appear with any warning signs. You fall into it as if
pushed from a high diving board. No time to think about what's happening.
It's inevitable. An event you can't control. A crazy, heart-stopping,
roller-coaster ride that just has to take its course." Jackie Collins

~ ~ ~

Nagmadaling umalis si Ces ng CR. Hindi na rin niya ininda kung malalaman
ba ni Lyle na nandoon din siya. O kung may narinig siya. Gusto na lang
niya makaalis. It's fucking hard for her. She couldn't breath. . . tila
ba pinapatay ang buong pagkatao niya.

Dumiretso siya sa MRT para makauwi. Hindi siya sigurado kung paano siya
nagkaroon ng lakas para makapunta sa istasyon. Lutang ang kanyang
pagkatao. Wala na siyang naiintindihan sa mga bagay-bagay. Pakiramdam
niya ay naiwan ang kanyang pagkatao sa CR. Naiwan ang kanyang puso dahil
sa mga narinig.

Tila isang paligsahan ang pakikipagtitigan ni Ces sa riles ng tren.

Hindi pa rin mawala sa isip niya ang narinig kanina sa school, sa


cubicle: ang pag-ungol ng babae, ang tawa at ang malalanding salita, ang
school ID ng lalaking 'boyfriend' niya na nahulog sa lapag. Hindi siya
makapaniwala. . . para bang nawawala na siya sa ulirat.

Nang dumating ang tren, hindi pa nakakahinto ay nakaramdam na ng


pagkakatulak si Ces sa kanyang likod. Ayaw man niyang gumalaw ay kusa
siyang nagagalaw dahil sa mga babaeng sabik makapasok sa tren.

Pagbukas ng pintuan ng tren, halos mag-unahan ang mga kababaihan sa


pagpasok at natutulak na palayo si Ces sa pintuan.

May bababa!

Ano ba, magpadaan nga kayo!

Miss kung hindi ka papasok sa loob, huwag ka sa unahan!

Rinding-rindi na si Ces sa mga sigawan na naririnig. Hindi na siya


nakapasok ng tren para makauwi dahil sa pagtulak sa kanya ng mga babae.
Muntikan pa siyang maipit ng tren kung hindi lang nagsisisigaw ang mga
babae para magbukas ulit ang pintuan.

Pag-alis ng tren, napabuntong-hininga si Ces.

Ang lupit ng mundo. . . Lahat ng inaakala niyang ikinaganda nito, para


bang isang kahibangan.

Nakatayo pa rin siya ngayon at nasa unahan na ng pila. Hindi siya


nakapasok kaya kailangan pa niyang maghintay ng panibagong tren na
darating. Then again, she stared at the railroad right in front of her.
Ang mga bakal na pinagdikit-dikit para maging daanan ng tren ay binabalot
ng mga kalawang, maintained ngunit puwedeng masira dahil sa mga kalawang.

Kung tutuusin, parang tao ang isang bakal: maintained, inaayospero kung
unti-unting babalutin ng kalawang ang isang bakal, masisira ito. Tulad ng
tao, kahit anong linis at ayos pa rin ng isang tao, kung babalutin siya
ng kalungkutan. . . kasamaan. . . ay maaaring ikasira niya ito.

Nakatitig lang si Ces sa riles. Hindi niya pinapansin ang mga boses ng
mga babaeng nagsasalita. Nanlabo sa pandinig niya ang lahat at ang
naririnig na lamang niya ang mabagal na pagtibok ng kanyang puso.

Hindi niya inaalis ang tingin sa riles. Ang semento roon, kitang-kita
niya ang mga crack; kahit ang mga maliliit na insekto na gumagapang ay

kitang-kita niya. . . pati na rin ang ilang bato na nakalagay doon. Ang
mga bakal na nangangalawang. . .para bang, para bang inaakit siya nito.

Tumingin siya sa kanan. Nakita niya ang ilang mga tao na katulad niya ay
naghihintay ng tren upang makasakay. Wala pa rin ang hinihintay ng
karamihan and again, she looked at the railroad.

Sa abong kulay ng tinitingnan niya, hindi niya alam kung bakit natutuwa
siya sa pagtitig dito. Wala namang interesante sa riles. . .sa mga bakal,
sa semento, kahit sa mga insekto ay walang nakakatuwang tingnan.

Humakbang siya nang isang beses.

Brrrt!

Napalingon ang karamihan sa malakas na pagpito ng guwardiya ng MRT.


Masama ang tingin nito sa puwesto ni Ces. May ginawa ito sa kanyang kamay
na para bang pinapaurong niya ang dalaga.

Bawal tumapak sa dilaw na linya!

Napatitig naman si Ces sa guwardiya ngunit para bang hindi niya naririnig
ang malakas na sigaw nito. Sa totoo lang, wala na ngang naririnig si Ces
dahil hinahatak siya ng riles sa kanyang harapan.

Humakbang siya ulit.

Hoy, miss! Hindi ka ba nakakaintindi?!

Naaasar na ang guwardiya kay Ces pero hindi pa rin siya pinapansin ng
dalaga. Lahat ng mga mata ay nakatingin kay Ces. May ilan ding tumatawag
sa kanyang pansin ngunit tila nawala ang lahat ng tao sa paningin ng
dalaga.

Napatingin siya sa kanan. Nakikita niya ang isang maliit na liwanag na


tila ba papalapit nang papalapit sa kinatatayuan niya. Tumingin siya ulit
sa riles. Nagdidilim na ang kanyang paningin at unti-unti, ipinikit niya
ang kanyang mga mata na pagod nang lumuha.

Malapit na. . . malapit na, malapit na.

Kunin mo na ako, Ash.

Huwag, Auie, rinig niyang bulong ng isang malamig na boses ng lalaki sa


kanyang tainga, but it was too late. Rinig na rinig ang papalapit na tren
and the railings, its pulling her down.

Down there.

Aaaahhh! Yung babae, nahulog!

* * *

"Imulat mo na ang mga mata mo."

Mabigat ang katawan ni Ces nang magising siya. Iniisip niyang nasa langit
na siya kung hindi lang niya nakita si Keng na nakatingin sa kanya. Hindi
naman sa iniisip niyang hindi makakatungtong ng langit si Keng pero. . .
medyo ganun na nga.

Napansin niya ang puting pader at kisame. Mga aparato. isang lugar na
pamilyar sa kanya. . .

Ospital.

Mabuti naman at gising ka na. Ang mahal na ng charge mo sa ospital.

Anong nangyari? May kung ano siyang naramdaman sa kanyang katawan,


hindi niya maipaliwanag. Parang mainit na pakiramdam na hindiang gulo.

Nahimatay ka sa ICU. Sinundan ni Ces ang pag-upo ni Keng sa upuan na


nakalaan para sa mga bisita.

Nahimatay? ICU?

Namatay si Lyle, simpleng sagot ni Keng. "Last three days ago. 1:18 am.
Internal blood loss."

A-ano?! Nanlaki ang mga mata ni Ces sa narinig. Napaupo pa siya nang
wala sa oras ngunit biglang nagdilim ang kanyang paningin kaya napahiga
siya muli. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.

O.A., ha? natatawang sabi ni Keng.

N-namatay. . . si. . . Wala pang ilang segundo ay nag-unahang tumulo


ang mga luha ni Ces. Tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang mga
kamay. . . Hinayaan lang siya ni Keng na umiyak. Walang nagsasalita.

Doon lang bumalik sa kanya ang nangyari kay Lyle. Birthday niya.
Magkikita dapat sila ni Lyle. Ibabalita niya sana ang magandang balita.
Ang rapist. Ang truck. Ang baby niyang nag-e-exist lang sa kanyang utak.
Ang balita sa kanya ng doktor. Ang galit sa kanya nila Marla. Nila
Kervin. Siya ang may kasalanan nang lahat. . . Wala na si Lyle.

Natawa si Keng sa reaksyon ni Ces. Buhay na siya.

Napatingin si Ces kay Keng na nakangising nakatingin sa kanya. Mukhang


pang-asar na tuwang-tuwa pa na umiiyak si Ces. Nagtataka si Ces. Anong
pinagsasasabi ni Keng?

Ano?

Kalokohan nga, e. Milagro raw kahit nagka-internal blood loss. Miracle


boy, amputa. Nakita ni Ces ang pag-irap ni Keng. Dumikwatro ito at
kinuha ang magazine sa katabing table ng inuupuan niya.

Miracle. . .? Hindi pa rin naiintindihan ni Ces ang lahat ngunit alam


niya ang nangyari: namatay si Lyle. . . at ngayon ay sinasabi ni Keng na
buhay si Lyle. Isang milagro. Nabuhay. . .Hindi ba ito isang gawa ng
kamatayan?

Masaya ka na? Agad na napalingon si Ces sa kaliwa niya at nanlaki ang


kanyang mga mata nang makita niya ang lalaking kamukhang-kamukha ng
kamatayang nagpakilala sa kanya sa ICU noong nakaraan.

Aaahh!

Tangina! Anong nangyari?! Nagulantang si Keng sa pagsigaw ni Ces.


Tinuturo naman ni Ces ang lalaking nasa kaliwang bahagi ng kuwarto. .
.takot na takot. Bakit?! Anong mayron? Ha?

Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Ces lalo na nang ngumiti ang binata at.
. . lumutang sa ere. Mas mataas na ang paglutang nito kaysa sa
kinahihigaan ni Ces.

Lano. . .

Ha? Ano, Ces? Anong nangyayari?! Takte, umayos ka! Nagpa-panic na si


Keng habang niyuyugyog nang kaunti si Ces. Tinitingnan niya kung saan
nakatingin ang dalaga pero hindi niya ma-gets kung ano ba ang nakikita ni
Ces.

Hindi niya ako nakikita at naririnig, nakangiting sabi ng


binata. Hindi mo ako naaalala? Three days ago lang 'yun ah? Ako pa rin
to, si Ash.

Bumibigat ang paghinga ni Ces ngunit nang magkatitigan sila ni Ash ay


para bang nakaramdam siya ng pagiging kalmado. Tumingin siya kay Keng na
hanggang ngayon ay naguguluhan sa mga nangyayari sa kanya. A-ano. . .
wala pala.

Putek! Sa mental ka yata dapat mag-stay, e! Nakita ni Ces ang pagkalma


ng katawan ni Keng at huminga nang malalim. Alis muna ako. Babayaran ko
ang bills mo rito.

Agad na naglakad si Keng palabas ng kuwarto habang bumubulong ng, Ano


ba yan. Baliw yata tong babaeng to, na naririnig naman ni Ces. Hindi
alam ni Ces pero napangiti siya sa pagbulong ni Keng na 'yun, pati na rin
sa narinig niyang pagbayad ng bills.

Keng. Hindi alam ni Ces kung dapat bang tawagin niya si Keng sa
pangalan nito. Pagtawag ni Ces sa dalagang nasa may pintuan na, hindi ito
lumingon ngunit tumigil ito sa paglalakad. Salamat.

Dumiretso na sa paglabas si Keng ng pintuan at ang pumalit naman sa


puwesto ng dalaga sa kanang parte ay si Ash, na ngayon ay kaunti na lang
ang pagitan ng mga paa sa sahig. Nagkatitigan sina Ces at Ash. . . Unang
nagsalita si Ces.

Buhay pa rin ako? pagtataka niyang tanong.

Ayaw mo?

H-hindi. . . pero, nabuhay si Lyle

Oo, at dahil 'yun sa kaluluwa mo.

B-bakit buhay pa ako? Nasa'yo na yung kaluluwa ko, hindi ba? Dapat
namatay ako, hindi ba?

Nakita ni Ces ang pagbuntong-hininga ng binata. Ang pagkuha namin ng


kaluluwa na ginagamit ang kontrata ay hindi literal na parang sinusundo
namin ang mga namatay. Hindi mo pa oras kaya ang pagpirma mo sa kontrata
ay ang pagkadena lang ng parsoul mo sa kamay namin.

Ha? Parsoul?

Napasapo sa ulo si Ash sa narinig. Ay, nako. Hindi na ako magsasabi ng


iba pang kamatayan terms! pagrereklamo sa sarili. Ang parsoul ay parang
"navigator" ng isang barko. Ito ang tumutukoy kung saan pupunta ang isang
kaluluwasa langit ba o sa impiyerno.

P-pero

Oop! Bawal nang mag-pero. Yan lang pwede mo malaman. Basta 'yung
parsoul mo ang kinadena namin kaya buhay ka pa. Nahimatay ka lang, mga
tatlong araw."

T-tatlong araw? Nanlalaki ang mga mata ni Ces sa gulat. Ramdam pa rin
niya ang bigat ng kanyang katawan, para bang pagod siya kahit na nakahiga
lang siya.

Hindi kasi basta-basta ang pagkadena ng parsoul. Hindi kakayanin ng


katawan ng isang mortal iyon. Tatlong araw ang process kaya tatlong araw
kang tulog, pag-e-explain ni Ash. Napatingin naman silang dalawa nang
nagbukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang doktor na kausap si Keng.
Lumapit naman si Ash kay Ces at bumulong ng, "Tatlong araw ka na ring
binabantayan ng kaibigan mo."

Agad na napatingin si Ces kay Ash. Si Keng?

Lumayo si Ash kay Ces at ngumiti lamang hanggang sa. . . naglaho ang ito
pati na ang paligid. Ilang sandali lang ay binalot na ng kadiliman ang
kanyang paligid. Kinilabutan siya nang makita ang pulang matang
nakatingin sa kanya. Bumulong si Ash sa kanya. "Akin na ang kaluluwa mo,
Auie."

Nawala ulit ang lahat ngunit nanunumbalik na ang kanyang pandinig.


Lumilinaw ang ingay na nanggaling sa tren. Ilang sandali lang, nakarinig
na siya ng mga boses na nag-uusap.

* * *

"Okay na ba siya? Nacontact niyo na 'yung lalaki?"

"Yes, sir."

Nang malaman ni Ces na mayroon na siyang ulirat, nakaramdam siya ng


sakit. Physically hurt. . .pero walang-wala ito sa sakit na nararamdaman
niya emotionally. Weeks ago, sobrang saya ng dalaga nang magising siya to
find out Lyle is alive because of her. But those happy moments vanished
when the later weeks gave her so much pain. Hearing "those" in the CR
gave her death. Pakiramdam niya ay hindi na dapat siya nabuhay pa.

Patayin niyo na lang ako, pakiusap.

Dumilat si Ces nang makaramdam siya ng sakit sa kanyang noo. Agad na


dinatnan niya ang mga titig ni Ash sa kanya. Wala itong emosyon, hindi
galit ngunit hindi rin masaya. . . nakatingin lang sa kanya. Kasama ng
kamatayan ang ilang guard at ilang babae na naghihintay ng kanyang
paggising.

Miss, okay ka lang ba?

A-ano. . . opo. Pinilit ni Ces na umupo kaya inalalayan siya ng


guwardiya Napansin niya na para siyang nasa isang maliit na kuwarto na
parang clinic. N-Nasaan po ako?

Nandito ka sa office. Nahimatay ka kasi kanina sa station. Kamuntikan ka


nang masagasaan, aba!

Naalala niya ang pagkakataon kanina. Kung paano siya inakit ng riles.
Kung paano siya nasaktan at namatay sa mga narinig sa CR ng school.

P-pasensiya na ho.

Sana natuloy na lang.

Okay lang. Andiyan naman na boyfriend mo para sunduin ka. Nanlaki ang
mga mata ni Ces sa narinig. Boyfriend? Sa isang salita ay para bang hindi
mapakali ang kanyang puso sa pagtibok nang napakalakas. Isa lang ang
pumasok sa kanyang isipanisang mukha na nakangiti sa kanya ngunit. . .
niwawasak ang kanyang pagkatao.

Ang prinsipe niya. . .

Kakayanin mo na bang tumayo? Tumango si Ces. Nakaramdam na naman siya


ng sakit sa ulo at napahawak siya sa kanang parte ng kanyang noo. Doon
lang niya napansin na may nakalagay na tela rito.

A, sirokay na yung girlfriend niyo. Napatingin si Ces sa guwardiya na


tumawag sa sinasabing boyfriend daw niya. Una niyang napansin ang
sapatos nito na humakbang papasok ng kuwarto at nagulat na lang siya sa
nakita niyang lalaki na pumasok sa office. . . na may pag-aalala sa
kanyang mukha.

Her heart started to abnormally beat again, nagwawala, nagagalit . . .


umaangal, at the same time ay tumitibok na naman sa sobrang saya.

There she saw her prince looking straight at her with those eyes she fell
for.

Princess!

~ ~ ~
Author's Note:Sana nasagot na ang tanong niyo tungkol sa "eh bakit buhay
pa rin si Ces kung kinuha na kaluluwa niya?" at sana rin eh huwag niyo
akong pasabugan ng dinamita sa bahay dahil binabalik ko si Lyle. . .
hahahaha! Ang mga iba niyong tanong ay masasagot din, chillax lang. :D
Salamat sa pagbabasa! \(^___^)/
Bakit pinalitan ko yung book cover? Kasi andaming nagtatanong kung sino
daw 'yung mga taong nilagay ko sa cover, tinatanong kung sino 'yung
"characters" pero hindi ko kasi sila kilala at naghanap lang ako sa net
tapos nilayout. Hindi po talaga ako madalas naglalagay ng "mukha" para sa
story ko at wala pong "mukha" ang characters ko dito sa TTLS tulad na
lang ng sa AFG. :)
Dedicated kay bruhannah, bakit? Kasi kinikilig kilig ako sa comment niya
doon sa please enlighten me na part nito. Basta, nung nabasa ko comment
niya, hindi na mawala 'yung ngiti ko kasi hahahaha angkyot kyot lang
binobola ako hahahaha! Thank you! External link para mabasa comment niya
:D

=================
19 // Three words, four syllables
"Like a compass needle that points north, a man's accusing finger always
finds a woman. Always." Khaled Hosseini

~ ~ ~

Napatitig ang lahat sa kamay ng itinuturing nilang prinsipe ng kanilang


school na si The Lyle Yuzon. . . na hawak ang kamay ng isang babae na
hanggang ngayon ay ipinagtataka nila kung bakit hawak pa rin niya. Ano na
naman ba ang nangyari?

Nabasa na ng lahat ng stalker ng website ni Lyle na single and available


ang prinsipe, pero ano itong lokohang ito? Maraming nagtaka, nagulantang
at na-badtrip. . . Akala ng karamihan ng babae ay brineyk na ni Lyle si
Ces dahil sa mga nakaraang linggo na hindi nila pagsasama. Hindi sila
nagpapansinan noong nakaraan pero, bakit halos one week na silang hindi
mapaghiwalay?

Ito ang dahilan kaya humupa ang mga haters ni Ces noon. . . pero nagliyab
na muli ang pagkatao ng mga kababaihan sa school nang makita na naman
nila si Ces na kasama ang Lyle nila. Ang sasama ng tingin, matatalas na
parang kaunti na lang ay hihiwa na ito sa katawan ng dalaga. Ngunit hindi
naman iyon pinansin ni Ces. All she knew was shes happyso happy. .
.kahit pakiramdam niya ay may mali.

Princess, kita na lang tayo mamayang lunch? Hinalikan ni Lyle si Ces sa


mga labi at nagsimula nang maglakad. Napansin naman ni Ces ang mga tingin
ng mga babae sa boyfriend niyang naglalakad nang diretso sa hallway.

Nakaramdam siya ng pagkaasar. Kung puwede lang bulagin ang mga babaeng
iyon ay ginawa na niya.

Its been a week since the train station incident and


unfortunately, they got back togetherteka, nag-break
knew was nagpahinga lang ang relasyon nila pero hindi
they didnt break upnever. Sino naman kasing nagsabi

fortunately. . . or
ba sila? All Ces
sila nag-break. No,
na naghiwalay sila?

Lahat ng nakita at narinig ni Ces noong nakaraannawala na parang bula sa


kanyang isip. Para saan pa kung iisipin niya na may ibang kahalikan ang
boyfriend niya e nakaraan na 'yun. Ang importante ay hawak niya kanikanina lang ang kamay ng boyfriend niya.

Boyfriend niya. . . ang Lyle niya.

Isa ito sa dahilan kung bakit bumalik si Ces sa kanilang schooloo nga't
sinabi ni Miss Caras na puwede siyang pumasok this semester pero nawalan
na siya ng gana noong nakaraang linggo. Kung hindi lang niya nakita muli
si Lyle, kung hindi lang siya sinundan ni Lyle sa istasyon pauwi, kung
hindi lang sila nakapag-usap, kung hindi lang nag-sorry si Lyle sa kanya
at in-explain kung bakit lumalayo ang binata, ay hindi na talaga siya
papasok sa school na ito.

Naniwala naman si Ces sa paliwanag ni Lyle na nais lamang protektahan ng


binata ang image ng nobya. . . . which was really weird that she fell for
his words that easily. Para bang kahit anong sabihin ng binata ay
paniniwalaan agad ni Ces. Nakakaloko. Pero masisisi pa ba si Lyle kung
ang binata na rin ang naging dahilan para ganahan ulit mag-aral si Ces?

O, Miss Flores, hindi ka ba papasok? Nakangiting bati ni Mr. Quiano,


ang computer class professor, sa dalaga na nakatayo lang sa tabi ng
pintuan.

A, hi, sir, ngiting bati ng dalaga sa kanyang propesor. Hahawakan na


sana niya ang doorknob para makapasok nang hawakan siya ng kanyang
professor sa braso.

Ako na. Napatingin si Ces sa kanyang propesor na nakangiti at binuksan


ang pintuan. Pinauna siya ni Mr. Quiano sa pagpasok. Hindi niya alam ang
gagawin. Parang nahiya siya sa simpleng gesture ng professor pero
nagpasalamat na rin siya at pumasok.

Okay, class, please open your units. . . Napatigil sa pag-iingay ang


buong klase nang pumasok si Ces ng classroom at ang professor nila na
nasa likruran ng dalaga. Hindi man tumingin si Ces sa mga kaklase niya ay
nakaramdam siya ng kakaibapara bang, para bang hinuhusgahan na naman
siya.

Buong klase niya sa computer class ay nakatingin lang siya sa professor.


Hindi niya iniaalis ang tingin sa harap dahil alam niyang kaunting sulyap
lang niya sa gilid ay siguradong masasamang titig ang madadatnan niya.

Napapansin naman niya na tumititig din paminsan-minsan si Mr. Quiano sa


kanya at ngumingiti. Siguro dahil siya lang ang nakikita ng propesor na
nakikinig dahil nga ang mga kaklase niya ay walang ibang pakialam kung
hindi ang sarili nila, pumapasok para irampa ang mga damit at magmayabang
ng mga gamit.

Pagdating ng saktong alas dose, hindi pa tapos ang klase ni Ces pero
kating-kati na siyang umalis. Gustong-gusto na niyang makita ang kanyang
prinsipe kaya naman nag-cut na siya ng klase. Hindi naman siya napansin
ng professor dahil maliit lang ang bag niya at nagpaalam para magpunta sa
CR.

Ngiting-ngiti siya habang naglalakad papunta sa cafeteria dahil sigurado


siyang hinihintay na siya ng kanyang prinsipe. Nawala ang ngiti ni Ces at
napatigil sa paglalakad nang makakita siya ng mahabang pila ng kababaihan
na para bang may pinagkakaguluhan sa cafe.

Wow, ano 'yan? Pila ng NFA rice? Napatingin agad si Ces sa kanyang
kanan nang bigla niyang narinig ang boses nito. Nakita niyang unti-unting
lumilitaw ang imahe ni Ash na nakatingin sa pila ng mga kinikilig na
babae sa cafeteria. Naghihirap na pala ang mga tao sa school ninyo.

Ang korni mo.

Sumimangot si Ash sa sinabi sa kanya ni Ces at iniangat ang sarili upang


makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga babae sa cafeteria. Tumingin
naman siya kay Ces nang seryoso ngunit ipinalit rin ang para bang nangaasar na mukha. Boyfriend mo pala ang nagbibigay ng NFA rice dun, o.

Si Lyle? Sinundan ni Ces ang tingin kay Ash na pababa na nang makarinig
siya ng bulungan ng dalawang babae sa hindi kalayuan.

Sinong kausap ng babaeng 'yun?

Baka nababaliw.

Nako, sana i-break na siya ni Lyle. Lagpas quota na siya sa buwan!

Baka ginayuma. Mukhang mangkukulam, e.

Napatingin si Ces sa dalawang babae na nag-uusap. Natigilan naman ang mga


dalaga nang makita nilang nakatingin sa kanila si Ces ngunit napalitan
ito ng mga ngiti sa labi. Nangaasar ang kanilang mga mukha na putingputi
dahil sa powder. Namumutok na rin ang mga labi ng mga ito dahil sa
sobrang pulang lipstick.

Kumpara sa make-up ni Ces, mukhang clown 'yung dalawang babae na


nagbubulungan.

Oops. Sorry, narinig mo pala.

Hindi namin sinasadya, sabay tawa at naglakad na palayo.

Napakuyom ang kamay ni Ces sa pagkainis. Hindi niya alam ang nangyari
pero nagkaroon siya ng lakas ng loob para sumugod sa cafeteria at sumigaw
sa loob.

Boyfriend ko 'yan!

Uy! Anong ginagawa mo?! narinig niyang sigaw ni Ash ngunit hindi niya
pinansin.

Natigilan ang mga tao. Nawala ang ingay sa loob ng cafe at napatingin
lahat kay Ces. Sobrang tahimik ng buong paligid. Sinundan lang ng tingin
ng mga tao ang paglalakad ni Ces hanggang sa makarating ang dalaga sa
puwesto ng kanyang prinsipe.

Tara na! Pasigaw na sabi ni Ces. Hinatak niya si Lyle para makaalis na
at mawala na sa paningin niya ang mga babaeng pinapalibutan si Lyle
ngunit nagulat siya sa biglang paghatak ni Lyle ng braso palayo sa hawak
niya.

Ano bang nangyayari sa'yo? Halata ang pagkainis sa boses ng binata sa


pagtatanong nito. Tumingin si Ces kay Lyle matapos ay binaling ang
atensyon sa mga babaeng kanina ay nakalapit sa boyfriend niya.

Ayokong may ibang babae na lumalapit sa'yo, mahinang sabi ng dalaga.

Wala ka bang tiwala sa akin?! Nagulat si Ces sa pagsigaw ng kanyang


boyfriend sa kanyakahit ang mga tao sa paligid ay nagulat dito. It was
the first time for them to see Lyle shouting.

M-mayronpero sa kanila! Tinuro ni Ces ang mga babaeng nakataas ang


kilay, na kung hindi pina-tattoo para mukhang perpektong tingnan ay mga
one hour inayusan para gumanda, at nakatingin sa kanya. Wala akong
tiwala sa kanila!

JustJust stop.

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang biglang naglakad palabas ng cafeteria
ang kanyang prinsipe, leaving her behind. Napatingin siya sa paligid.
Nakatingin pa rin sa kanya ang lahatkahit si Mang Pola na matagal na
niyang hindi nakakausap dahil nga busy siya kay Lyle ay nakita ang buong
senaryo. Kita ang lungkot sa mukha ng itinuring na kaibigan ni Ces na si
Manag Pola, mukhang nalulungkot dahil sa inasal ng dalaga.

T-teka, Lyle! Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Ces at nawala ang


init ng kanyang ulo nang habulin ang boyfriend niya. Nakalabas na siya ng
cafeteria ngunit ang mga tao sa loob ay parang nagkaroon ng aftershock sa
mga nangyari hanggang sa may isang sumigaw na babae.

Yung MyuSick, bumalik na! saka lang nagbalik ang ingay sa loob.

Hindi man napansin ni Ces ngunit nawala na ang nag-iisang kamatayan sa


senaryo, hindi nagpaalam, umalis na lang bigla. Nawala na sa kanyang isip
na kasama nga pala niya si Ash. . . siguro dahil mas importante sa kanya
ang prinsipe niya.

Lyle, wait lang! Gusto nang maiyak ni Ces. Hindi niya akalain na magbabackfire sa kanya ang pagkainis niya. Nagseselos lang naman siya, e.
Natural naman 'yun, hindi ba?

Lyle! Hinawakan ni Ces ang laylayan ng polo ni Lyle na siyang dahilan


para tumigil sa paglalakad ang binata at humarap siya.

Pinahiya mo ako sa half of the school body! What were you


thinking?! Napaalis ang paghawak ni Ces sa polo ni Lyle nang biglang
sumigaw ito. Kahit ang mga tao sa paligid na malapit sa kinatatayuan nila
ay natigil din sa gulat sa pagsigaw ng The Lyle Yuzon.

S-sorry. . .

Sorry for what?! Nagawa na, e!

S-sorry. . . Tuluyan nang umiyak si Ces. Hindi niya alam ang gagawin.
Tinakpan niya ang kanyang mukha sa sobrang pagkahiya at sa sakit na
nararamdaman.

Mali ba na makaramdam siya ng pagkainis sa tuwing may lumalapit na babae


sa kanyang boyfriend? Mali ba na magalit siya sa mga babae sa tuwing
nakikita niyang nilalandi ng mga ito ang boyfriend niya? Mali ba na
maging ganito siyang girlfriend?

Nagulat siya nang bigla siyang nakaramdam ng pagbalot ng mga kamay sa


kanyang katawan. Bumilis ang tibok ng puso ni Ces at lalong naiyak nang
ma-realize niyang yakap-yakap na siya ng prinsipe niya. Akala nga niya ay
sisigawan pa siya nito sa pag-iyak niya ngunit nakangiti ngayon ang
kanyang puso sa pagyakap ng binata.

Sshhh....Huwag ka na umiyak. Hinalikan ni Lyle ang bunbunan ni Ces na


ngayoy umiiyak. Niyakap naman pabalik ng dalaga ang kanyang prinsipe. .
. natutuwa, dahil kahit nag-away sila nang ganito ay ramdam na ramdam pa
rin niya ang pagmamahal ng binata sa kanya.

But that didn't last long.

* * *

Hi! Agad na hinalikan ni Ces ang mga labi ng binata pagkakitangpagkakita pa lang niya ritongunit nawala ang ngiti sa mga labi niya nang
makaamoy siya ng kakaiba na hindi usual na amoy ng binata.

Kakaibang pabango. . . parang pang-babae?

Hindi na sana papansinin ni Ces ang pabango ni Lyle kung hindi lang sa
pagkalas nilang dalawa ay kitang-kita niya ang isang stain ng parang
sobrang red na kulay sa polo ng binata. Agad na pumasok sa utak niya ang
isang bagaylipstick.

Lipstick? nakakunot-noong tanong ni Ces.

Nakita ni Ces ang panlalaki ng mga mata ni Lyle at napahawak sa leeg


niyana lalong nagpakunot ng noo ng dalaga dahil parang naalarma ang
binata sa tanong, na para bang dapat ay tago ito.

AA, ano kasi. . . nag-truth-or-dare kasi yung mga kaklase ko, nasama
pa ako. That was Lyles excuse. . . na pinaniwalaan naman agad-agad ng
dalaga.

Napapadalas na sa isip ni Ces ang mga posibilidad na maaaring may ibang


babae na si Lylehindi siya tanga para hindi niya maisip 'yun pero
sobrang tanga naman siya para hindi paniwalaan ang mga naiisip niyang
'yun. Pinipilit niya sa kanyang sarili na si Lyle ang para sa kanya dahil
kaluluwa niya ang naging kapalit ng buhay ng binata. Iniisip niya na test
lang ito ng Lumikha para mapatunyan ang pag-iibigan nila.

Iniisip niya na kung hindi man nagkatotoo rati ang baby na ang ama ay si
Lyle ay sigurado siyang makakabuo sila ng panibago at gagawa ng masayang
pamilya.

But what she thought was wrong . . . dead wrong.

* * *

May kukunin lang ako sa classroom, pagpapaalam ni Ces sa kanyang


boyfriend. Pauwi na sana sila sa condo ng binata para gumawa ng mga
bagay-bagay nang makalimutan ni Ces ang folder na kakailanganin niyang
ipasa sa isa niyang subject.

Pagdating ni Ces sa classroom ay agad siyang napangiti dahil hindi na


niya kakailanganing maghanap dahil nasa teachers table na ang
folder. Agad niyang kinuha ang kailangan, excited nang lumabas nang
magulat siya sa biglang pagharang ng isang binata gamit ang braso nito sa
pintuan.

Hi, Ces.

K-Kervin. Sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ng kaba si Ces


ngunit ngumiti na lang rin, iniiwas ang tingin.

Anong ginagawa mo rito? pagtatanong ng binata.

May kinuha lang ako.


niyang umalis ay hindi
sa pintuanwala namang
hinihintay kasi ako ni

Nakita ni Ces ang pagtango ni Kervin. Gustuhin man


niya magawa dahil nakaharang ang braso ng binata
ibang paraan para makalabas puwera rito. A-ano,
Lyle. . .

Lyle na naman.

H-ha? Tumingin sa kanya si Kervin. Hindi niya masyadong maaninag ang


mukha nito dahil against ito sa ilaw ng hallway at dahil nakapatay ang
ilaw sa loob ng room nila. Pasado alas syete na rin kasi.

I like you, Ces. Nanlaki ang mga mata ni Ces sa narinigbakit biglaan?
Nararamdaman niyang lumalapit sa kanya si Kervin, closing the gap between
them. I really like you.

T-teka, Kervin Nabitawan na ni Ces ang folder na hawak nang itulak


niya si Kervin dahil hinalikan siya nito sa leeg. Tatakbo na sana siya
papasok ng classroom nang bigla siyang hawakan ni Kervin sa kanyang braso
at marahas na hinatak palabas ng silid.

Akin ka na lang! Nagulat siya nang bigla siyang halikan ni Kervin sa


mga labiisang marahas na halik na nakakaramdam na siya ng sakit.

Kervin, ano ba! Pilit niyang itinutulak ang binata ngunit sobrang lakas
nito. Itinulak siya ng binata sa pader ng tahimik na hallway. Ang

kaliwang kamay ng binata ay mahigpit na hawak ang dalawang kamay ng


dalaga na nakataas. Hindi makaalis si Ces. Hindi siya makawala.

Niloloko ka lang ni Lyle! Sa akin ka na lang! Muli ay hinalikan ni


Kervin si Ces sa mga labi, pinagpipilitang ipasok ang kanyang dila sa
bibig ng dalaga. Sa sobrang pagkaasar ay hinawakan ni Kervin ang ulo ni
Ces at inuntog nang kaunti sa pader upang mapasinghap ang dalagathere,
he gained access to her mouth.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Ces lalo na nang hawakan ni Kervin ang
kanyang dibdib at unti-unting sinisira ang kanyang damit. Wala na siyang
magawa. Nanghihina na ang kanyang katawan, at para siyang isang preso na
nakakulong sa mga kamay ng binatang ito. Kahit ang mga binti ni Kervin ay
pinapagitnaan ang kanyang buong katawan. Wala siyang takas.

T-tama na. . . mahinang bulong ni Ces ngunit hindi siya pinapakinggan


ng binata. She closed her eyes and asked for help. . . Lyle, tulungan mo
ako! Lyle. . .

Soon enough, hindi siya binigo ng kanyang prinsipe dahil pati siya ay
nagulat sa biglang pagkaupo ni Kervin at pagkauntog ng ulo sa pader sa
sobrang lakas ng impact ng suntok.

Hayop ka, Kervin! Bastusan lang, pre?!

Lalong naiyak si Ces nang makita si Lyle. Kitang-kita ang galit na mukha
ng binata, nakakuyom ang mga kamao at parang uulit pa ng isang suntok.
Naiiyak siya dahil sa sobrang saya niya na hindi siya pinapabayaan ng
kanyang prinsipe.

Totoo nga. Totoo nga na si Lyle ang knight in shining unifor

Pak!

Ikaw naman! Napahawak si Ces sa kanyang kanang pisngi nang maramdaman


niya ang sobrang sakit na paglapat ng kamay ng prinsipe niya rito. Akala
ko ba may kukunin ka?! Anong kukunin mo, ari ng kaibigan ko?!

Nanginginig ang mga labi ni Ces, sa gulat. . . sa takot, sa sakit na


nararamdaman. Gusto niyang isigaw na hindi niya alam ang nangyayari,
hindi niya ginusto itohindi ito totoo ngunit walang lumalabas sa kanyang
bibig.

Hindi siya makakilos. Sobrang nag-iinit ang kanyang pisngi na sinampal ng


binata. Hindi niya namalayan na tumutulo na ang kanyang luha. . . pero
hindi pa tapos ang lahat. Hindi lang sampal sa pisngi ang aabutin niya
ngayong gabi dahil isa pang malutong na sampal sa kaluluwa niya ang
pinakawalan ng tinuturing niyang prinsipe.

Ang landi mo!

Tatlong salita lamang. . . ngunit sobrang tagos sa puso.

~ ~ ~
Author's Note:Hindi ko sigurado kung good thing ba 'yung "nakakakasabog
ng ulo!!" o hindi. . . sinong makakapagsabi sa akin kung positive o
negative 'yun? Anyway, gusto ko humingi ng kapatawaran, baka hindi ko na
po ito ituloy dahil nasisiraan na po kayo ng bait. (Hahahaha joke lang
itutuloy ko to para masiraan talaga kayo ng bait >:D)

Salamat sa mga nagbabasa at patuloy na nagbabasa kahit ang gulo? Magulo


ba in a good way o hindi?!?!? Naguguluhan na rin ako!!! :))
Dedicated kay IBelieveInFrvr_ dahil she got me at Whoa there, whoa here,
whoa everywhere! Hahahaha! Tuwang tuwa ako sa comment niya last chapter,
sobrang nag enjoy ako (mas nakakaenjoy pa comment niya kesa dito sa buong
update haha) tapos opo, ako gumawa ng cover. . . at salamat dahil
nagustuhan mo siya, hindi ko alam na sa Kimi ni Todoke pala yung sa upper
right, cute kasi nila eh. Anyway, salamat sa pagbabasa at sa pagkakaroon
ng "gana" sa pagbabasa! Thank you rin for considering TTLS as one of your
favorite story :) External link to read her comment.
PS: Tatapusin ko na ang paghihirap ni Ces next chapter. ^_______^

=================
20 // Then She Falls
"And the worst part is before it gets any better we're heading for a
cliff. And in the free fall I will realize I'm better off when I hit the
bottom" Hayley Williams

~ ~ ~

Huminga siya nang malalim.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinakiramdaman ang tibok ng puso
niya: kalmado, mabagal ngunit mayroong hinagpis. For the last time, she
smiled and opened her eyes to look at the people waiting for her voice.

Her last song.

Nagsimulang gumawa ng mahika ang kanyang mga kasama gamit ang kanikanilang instrumento. isang napakagandang pagbulong ng biyolin ang umamo

sa mga nakikinig. Sumabay rin ang mataimtim na tunog ang piano. Ngayon,
walang kahit anong ingay. Sa ngayon, walang kahit anong kakaibang tunog.

When you are overflown with cold tears,and when the time is ripe,

Natulala ang mga nakikinig sa banda ngayon. Nagpunta ang ilan dahil
nalaman nilang si Ces ang kakanta ngunit hindi nila inaakalang ganito
katahimik ang kanta ng dalaga. Tila ba, may pinapahiwatig. Isang paalam?
Isang mensahe?

you'd probably have sought out light,and shattered darkness.

Isa ito sa napakaemosyonal na kanta ng banda, punong-puno ng emosyon. Ang


bawat linyang kinakanta ng dalaga ay bumabalot sa mga nakakarinig. Ang
himig ng buong banda ay nararamdaman ng mga nakikinig: kalungkutan,
paghahanap sa sarili. . . takot. Kahit ang ilang waiter at waitress ay
napatigil sa paggawa nang marinig nila ang pagkanta ni Ces.

The Persian-red singing voiceslowly dyes your chest the same color,

Ipinikit muli ni Ces ang kanyang mga mata. . . para maramdaman ang kanta?
Puwede. . .ngunit hindi na niya kinakayang tingnan pa ang mga taong
nakatingin sa kanya. Hindi man siya hinuhusgahan ay natatakot siya;
natatakot siyang malaman ng lahat na sobra na siyang nasasaktan. Dahil sa
totoo lang, kahit siya ay natatakot na sa sariling nararamdaman.

In the stillness of the shining skyis my backyard garden.

Everything was still fresh in her mind. Hanggang ngayon na ilang araw na
ang nakalipas, ramdam na ramdam pa rin niya sa kanyang pisngi ang malakas
na sampal sa kanya ng lalaking sobrang minamahal niya. Nararamdaman pa
rin niya ang galit nito na ibinuhos sa kanyang pisngi.

as if it's an eternally yearningand swiftly dispersing melody.

But shes not mad. No, she could never be mad at him. Sa totoo lang,
pakiramdam niya ay nararapat nga sa kanya ang sampal na iyon. Hindi naman
kasi dapat niya pinayagan si Kervin na lumapit sa kanya. Hindi dapat siya
nagpakahina. Totoo nga yata ang sinabi ni Lyle. Siguro nga, malandi siya.

Ito ang dahilan upang makapagdesisyon si Ces na magpunta sa condo ng


kanyang prinsipe matapos ng kanilang gig. Kakailanganin niyang kausapin
ang binata dahil hindi na niya kakayanin pa ang pagkabalisa na
nararamdaman. Hihingi siya ng kapatawaran. . . dahil hindi niya kakayanin
kung mawala pa sa kanya ang Lyle niya. Hes her life. She couldn't bear
to lose him. Never again.

With a smile, kahit na sobrang kinakabahan ay nag-doorbell siya sa unit


ng binata. She patiently waited ngunit wala pa ring response. For the
second time, nag-doorbell siyang muli. Hindi siya sigurado kung sa loob
ba ng unit ang narinig niyang kalampag o hindi, hanggang sa nagbukas ang
pintuan sa kanyang harap.

ito na. Isang boses ng babae, napakapamilyar na boses. Pagkabukas ng


pintuan ay halos maubos ang dugo sa katawan ni Ces sa nakita. Nabitawan
niya ang pagkain na sana ay paghahatian nilang dalawa ng prinsipe niya
kung sakaling magkabati sila. Nagkalat ang pagkain sa sahig kasabay ng
mabilis na pagtibok ng puso ng dalaga.

C-Ces.
harapan
number.
babaeng

. . Katulad niya, kitang-kita rin ang gulat ng babaeng nasa


niya. Its as if the girl saw a ghost. She looked at the unit
. . Tama naman siya ng pinuntahan pero bakit, bakit nandito ang
ito?

Hindi. . .hindi ito

Babe, sino 'yan?

maaari.

Halos tumigil ang pagtibok ng puso ni Ces sa boses na narinig. . . lalo


na ang endermeant na babe. Muli niyang naalala ang huling tawag ni Lyle
sa kanya sa cellphone. . .babe. Mula sa loob ng unit, nakita ni Ces ang
kanyang prinsipe na nakatingin sa kanya habang nagsusuot ng damit. . . na
para bang kakagaling lang sa isang mabilis at mainit na laro.

Erich. . . mahinang bulong ni Ces nang ibaling niyang muli ang


paningin sa dalagang nagbukas ng pintuan.

Nagkatinginan sina Erich at Ces. Ang mahabang buhok ni Erich ay gulo-gulo


na tila ba kakakagaling lang sa isang mainit na gyera. Nakasuot pa ng
isang malaking T-shirt ang dalaga at nang mapansin ni Ces ito, she smiled
bitterly.

Ito rin ang suot niya noon.

O, bakit ka nandito? That line really shocked Ces. Hindi niya namalayan
na nakarating na pala sa may pintuan si Lyle. Nakita niya ang
ekspresyon sa kanya ng kanyang prinsipematalim na tingin, nawala ang
matamis na ngiti sa mukha. Teka, ito pa rin nga ba ang kanyang prinsipe?
Pumikit siya at pinakiramdaman ang paligid.

Panaginip lang ito. Panaginip lang.

Ngunit nang dumilat siya. . . totoo. Totoo ang lahat.

Babe? Bakit nandito si Ces? Nakita ni Ces ang pagtinginan nina Erich at
Lyle. Hindi niya maintindihan ang lahat ngunit hindi niya inaaasahan ang
paghalik ni Lyle kay Erich sa mga labi. Pumikit siya nang mangyari ang
halikan sa harap niya ngunit masyadong nahuli na siya. Kitang-kita pa rin
niya ang halik na 'yun. When she opened her eyes, nagkatinginan sila ni
Lyle. Erich went inside the unit. Naiwan silang dalawa na magkaharap.

O, ano? Ano ba kasing kailangan mo? Isinara ni Lyle ang pintuan ng


unit. Nasa labas sila ngayon, sa hallwaymarahil ay nanonood din ang mga
tao na nagbabantay ng mga CCTV camera sa buong condominium sa
nangyayaring ito. Isang drama, parang nasa teleserye.

Ano. . .ano to?

Seryoso ka ba d'yan? Nakita ni Ces ang pagngisi ng binata. Nakatulala


lang siya sa lalaking nasa harapan niya, nagtataka at hinahanap ang
totoong prinsipe niya. Ang hirap pala ng bobong ex.

With those words, tila ba nakuryente si Cesngunit ang kuryenteng ito ay


hindi masarap sa pakiramdam. Ang naramdaman lang niya ay sakit. . .
sobrang sakit. Tila ba may maliliit na aspileng tumusok sa kalooban niya.

Akala ko ba matalino ka? Nakakunot ang noo ni Lyle habang nakatingin sa


dalaga. Hindi pa ba obvious?

H-ha? Sa hindi malamang kadahilanan, Ces slightly laughed as if Lyles


joking. . .which was weird dahil may seryoso itong mukha. Ano ba 'yang
sinasabi mo, Lyle?

I can't believe this, mariin na bulong ni Lyle sa sarili.

P-puwedeng. . .puwedeng pakisampal ako? Napatingin si Lyle kay Ces nang


sabihin ito ng dalaga. Kumunot ang noo niya. Anong pinagsasabi ng
babaeng ito? Gusto ko lang malaman. . . kung nananaginip ba ako.

Napapikit si Lyle sa sobrang inis na naramdman. Ngumisi siya and looked


straight at Ces eyes. Leaning forward, he said, This is not a dream,
princess. Were over. Matagal na.

Ngumiti si Ces kay Lyle na kinaasaran naman ng binata. Ang. . . ang


galing mong mag-joke.

You know what? Hinawakan ni Lyle ang mga balikat ni Ces. Youre
crazy.

Ito ang huling sinabi ni Lyle bago tuluyang itulak si Ces palayo sa
kanya. Natulala pa muna ang dalaga hanggang sa unti-unti, nag-sink in sa
kanya ang mga sinabi ni Lyle, although hindi niya ito maintindihan.

Teka, Lyle! Lyle opened the door of his unit and for the last time,
looked at Ceswith disgust.

I can't believe pumatol ako sa'yo. Mas baliw ka pa sa kanila. And


finally, Lyle shut the door right in front of Ces.

Ces couldnt move. . . and couldnt think.

Her life. . . its gone.

Sa bawat hakbang na ginagawa ng kanyang mga paa, unti-unti siyang


dinadala nito sa lugar kung saan siya nararapat. It would be nice to
laugh about this. . . masaya rin sana kung nandito si Marky para
makipagtawanan kay Ces. It would be nice for someone to hug her, to
comfort her.

Pero. . . sinong someone?

Mayroon pa bang nakakaalala sa isang Ces? Sa isang Pauline Flores?

Ma. . . Tumingala si Ces at tiningnan ang madilim na


kalangitan. Masaya ba d'yan?

Some day you will finally reachthe other side of the shore.

Napangiti si Ces nang maramdaman ang paghampas ng hangin sa buo niyang


katawan. Ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin, tila ba

hinahagkan siya nito: isang malamig na pagbalot sa kanya. Puwede bang,


sumama na ako sa'yo?

Pumikit si Ces. Nais niyang ilabas ang lahat ng sakit sa kanyang pagkatao
ngunit tila nagsawa na ang kanyang mga mata sa pagluha. Nakakatawa lang
na kahit ang kanyang mga mata ay pagod na pagod na.

Kahit siya, sa sarili niyaalam niyang pagod na siya.

Ayoko na. . . mahinang bulong ni Ces sa sarili.

Kahit nasa mataas siyang lugar, dinig pa rin niya ang mga busina ng
kotse, mga sigawan ng ilang tao, at ang malalakas na tugtugan sa kalapit
na bar ng gusaling kinatatayuan niya. Ngunit kahit dinig niya ang mga
iyon, wala nang mas lalakas pa sa pagtibok ng kanyang puso.

Mabagal na pagtibok.

The night's darkness, while guarding the moon,whispers along a


lullaby, on and on.

* * *

Tumingin siya sa ibaba at sa hindi maipaliwanag na kadahilanan,


nakaramdam siya ng kapayapaan. Sa wakas, makakamit na niya ang ninanais
niyang katahimikan. Kailangan niyang umalis. Para saan pa ang buhay niya
kung ang buhay niya mismo ay tinakwil siya?

Ano pa bang halaga niya sa mundo?

Pumikit siyang muli and before her eyes, memories flashed back to her
mind.

Mula sa kadiliman, unti-unting lumitaw ang ilang makukulay na ilaw sa


kawalan at nagsama-sama upang gumawa ng isang imahe. . . siya. Sa harap
niya ngayon ay ang dating siya, isang dalagang nakasalamin, nakatali ang
buhok sa likod at hindi nag-aayos. Isang simpleng babae na nakangiti,
tahimik ngunit masaya

Hindi nagtagal ay tila may sumakop na kadiliman sa dalagang iyon at wala


pang ilang segundo, nabuo na naman ang bagong imahe. Siya. . . ngayon.
Dalagang napuno ng kolorete sa mukha, damit na kulang sa telaits very
different from the last time.

Ngayon. . . kahit kaaya-aya ang hitsura ng dalagang nasa harap niya,


hindi niya makakaligtaan ang mga luhang tumutulo sa mga mata nito. Ang
nagsusumigaw na hinagpis ng pagkatao ng dalaga. Ang lahat ng kasiyahan
niya'y naglaho.

The girl in front of her cried her heart out. . .hanggang sa may napansin
siyang dalawang maliit na pulang ilaw sa likod ng sarili niya. Ilang
sandali lang ay nabuo ang isang imahe ng binatang nakaitim na damit
ngunit nagtataglay ng maamong mukha. Hawak-hawak nito ang mga balikat ng
kanyang sarili sa harapan niya. . . Hindi niya maintindihan ngunit,
malungkot din ito.

until the eyes of the children,who no longer cry, become soaked in


dreams.

Kinakain na siya ng mga pangyayari. Everythings too much for her. Hindi
na niya kinakaya. Ang sakit, ang lungkotang mga paratang. Its just. . .
everythings too much, and no one could save her. The damage was too
deep. . no one understood. No one cared. All her pain. . . walang
nakakaintindi ng mga paghihirap niya.

What crushed the image from her mind was a guysmiling at her with those
eyes and smile she fell in love with. Lyle, Lyle Yuzon. Isang kanta. .
. isang boses ng lalaki. Iyaktawa, iba't ibang klaseng tunog.

Everything in her mind went fast. . . Nakita niya si Marky, looking at


her and crying. Hindi malaman ni Ces kung bakit umiiyak ang kaibigan.
Hindi siya sanay dito. Masiyahin ang kaibigan kaya bakit umiiyak ito?

Then Keng started cursing. Hindi niya alam kung kanino ngunit nakita rin
niya ang pag-iyak ni Keng. It was a soft cry, parang hindi ang babaeng
nakilala noong una. Bakit? Bakit sila umiiyak? Everythings too fast.
Everythings a blur. Yung bola! Tekaano itongAahh! Nakita niyang
may papalapit na bola sa kanyang mukhaisang lalaki? Dalawa? Isang
paaralan. . . ang bilis! Ate, okay ka lang? Pamilyar ang bosessinong,
sino siya? Sino sila?

Totoo pala ang sinasabi nila.

In the stillness of the shining skyis your home of return.

Sana mag-break na sila. Quota na siya ng ilang buwan, a! Mga tingin ng


mga babae Wala, nakakaumay, huwag mo nang i-try. Si Marky? Teka
anong Mamatay ka na! Then she saw two persons, a girl and a boy. . .
laughing.

Ang cute mo.

Mama! Isang boses ng babae? Sinoanong, isang classroom? UpuanAng


ganda pala ng boses mo. . .

Pero, break na ba kayo ni Lyle? Paunti-unti niyang nakikita ang mga


lalaking hindi niya malaman kung bakit niya nakikita. PitchNoteMelody,
Lyric? Sino silaKJ naman! A guy smiled at her, "isa kang prinsesa.
Prinsesa namin."

Lets all congratulate, Pauline Flores! Maraming palakpakanthen a lot


of stares. People were staring at her with judging eyes. Nakarinig siya
ng mga sigaw. . . Kervin? Lumapit sa kanya si Kervin at bumulong, Ikaw
ang may kasalanan ng lahat. isang sampal. Ako ang may kasalanan nito.
Sorry, sorry. . . Kaninong boses ang sumisigaw? Sino ang humihingi ng
kapatawaran? Nakita niya si Marla, sina Erich. . .they were laughing at
her.

When someones about to die, they see their life flash before their eyes.

A lot of messages, mga


scholarship then all
pitying her. She could
scholarship agreement.

hate mails. Im sorry, miss Flores, but your


the school facultys looking at her, judging
even see her and Miss Caras hands shaking for the
Hindi ka bagay sa Lyle namin!

Bakit hindi ka mag-singer? Sino itong lalaking nakikita niya? Nakaupo?


Puting poloclean cut hairisang gitara, pero may lalaki ring isa, teka.
. . lumilipad? Soul contract? Boss. Nakita niyang nakatingin sa kanya
si Boss with its serious face. . . the red eyes. Those red eyes.

And right now. . .

Ces was watching her life right before her eyes.

Hay, nako. Pag-ibig nga naman. Flashes of images. Hindi niya


maintindihan ang mga itoeverythings too fast. Too fast for her mind to
handle. Nakita niya ang pag-iyak niya sa namatay na katawan ni Lyle. .
Parsoul, she could also see her parsoul getting out of her body. Ako na
lang ang kunin mo! Isang sigaw ng lalaki? Kaninongbosesthen she saw
Ash, his red glowing eyes. "Prinsesa!"

Auie!

Muli, huminga siya nang malalim at iminulat ang mga mata kasabay ng
paghakbang papalapit sa paroroonan niya. Sa lugar kung saan, walang
pipigil sa kanya. Walang maaawa at walang magagalit. Walang huhusga.
Walang iyakan. Walang kasiyahan. Sa lugar kung saan kakayanin na niya
ang lahat. . .sa lugar kung saan siya maliligtas.

Sa sakit. Sa gulo. Sa sarili niya.

Hindi ko na kaya. . .

Hindi mo pa oras. Mula sa kawalan, unti-unting nag-form ang buong


katawan ni Ash sa harap ni Ces. He was floating in front of her.
Nakatitig siya sa dalaga with those red eyes of his. Lalong napangiti si
Ces nang makita si Ash.

Ito na, kasama na niya ang kamatayan.

Kung hindi pa ngayon, kailan pa?

Beyond the darkness where the moon sinksis a narrow path that leads
you

Auie. . . Kasabay ng pagsambit ni Ash sa isang salita ay ang malakas na


pag-ihip ng hangin. May malakas ding tunog ang nagmula sa may pintuan
papunta sa rooftop na nasa may likuran ni Ces. It was too late for him to
stop Ces. . . Hahayaan na ng dalaga na kunin siya ng ilalim. Hahayaan na
niyang lumipad ang kanyang sarili kasama ang hangin. Ito na 'yun. Its a
stop. A dead end. Her game over.

back to the beginning

Hayaan mo na ako, Ash.

For the last time, Ces closed her eyes, smiled and let herself fall.

~ ~ ~
Author's Note:Sorry, nawala 'yung momentum ko sa pagsusulat. . . matagal
ko na tong gusto isulat pero sobrang daming ginagawa at gagawin. School
works plus the voice wattpad, nakakaloka lang. Pasensya na :( But anyway,
thank you sa pagbabasa (paghihintay ng sobrang tagal sa update)! :D
Dedicated to imjane16 dahil sa sobrang kyot niyang comment doon sa
"please enlighten me" part nito dati. Wala lang, natutuwa lang ako. Hi
Jane! Salamat sa pagbabasa ng TTLS at sana hindi ka mabaliw dito
mehehehe.
PS: Sabi ko naman sa inyo eh, matatapos na paghihirap ni Ces ^____^

=================
eh kasi naman eh
Hindi ko sure kung matatawa ako o masasaktan sa ibang nababasa ko.
Naisip ko ang plot ng That Twisted Love Story nang mapanood ko ang
Hercules (animation) sa Disney Channel taong 2011.
Saan banda doon? kay Meg. Yung bidang babae. Bakit sa kanya?
Kasi si Meg, binenta niya ang kaluluwa niya kay Hades para buhayin yung
boypren niya. Nang mabuhay boypren niya, pinagpalit naman siya sa ibang
babae.
Gets? Si Ces si Meg, yung boypren niya si Lyle. Si Ash ay galing sa role
ni Hades. Twisted ang lahat kaya hindi niyo magegets kaagad. . . ibang
iba ang plot sa hercules. Ibang iba ang characters at ang mga ugali nila.
Bakit may ganitong explanation? Kasi sa totoo lang, naiinis ako sa mga
nagkocomment ng mga. . .
"parang *insert kdrama here* to? doon ba galing yung story?"
Alam kong innocent question lang yung iba pero kasi naman guys, hindi po
ako mahilig manood ng tv at hindi rin ako mahilig sa koreans so wala
akong idea sa mga palabas nila. Siguro kaya naiinis ako ngayon dahil busy
ako tapos may isang comment na parang inaakusahan akong ginagaya ang
isang kdrama.
I know this story is uber cliche (as in pinipilit kong maging cliche
siya) pero hindi naman ako kukuha ng idea sa alam kong obvious. Cliche
siya kasi kinukuha ko ung mga gasgas na plot at scenes pero ginagawa ko
siyang own version ko. . . so sana huwag niyong sinasabi sa akin na
nanggaling ang TTLS sa mga kdramas kasi hindi! (Or animes at games dahil
hindi talaga)
Mas tanggap ko pa kung sabihin niyong galing Hercules ito. . . ano bey,
pinag iisipan ko mga stories ko (lalo na itong ttls) at nasasaktan ang
ego ko kapag sinasabi niyong kinuha ko lang to sa isang dramarama sa gabi
or hapon, mga games na hindi ako pamilyar at sa mga animes.
Summary? Hindi ko alam ang 49 days. Hindi ko kilala si scheduler. Wala
akong alam sa plot at characters doon.Wala akong pinagbasehan na anime or
game. Wala akong pinagbasehan na dramas and such.

Galing ito sa masalimuot na labstori ni Megara of the animated film


Hercules. Period.
Thank you for reading TTLS :)

=================
21 // Aftermath of Pain
"That's the thing about pain. It demands to be felt." John Green

~ ~ ~

Gusto mo bang mamatay?!

Napatingin si Ces sa taas kung saan nakita niya ang kanyang kamay na
hawak ng isa pang kamayno, Ash couldnt be that savior. Hndi siya
puwedeng mahawakan ni Ash. She was almost there. . .malapit na, kaunting
segundo na lang ay okay na ang lahat pero natigil ito.

Someone saved her.

Her body was hanging in


ang dahilan upang hindi
eyes, tinignan niya ang
Kitang-kita sa mukha ng

the air. Tanging ang hawak na lang ng taong iyon


siya kuhanin ng kailaliman. With tears in her
taong hawak-kamay niya sa bingit ng katapusan.
tumulong sa kanya ang hirap sa paghawak sa kanya.

Bitawan mo na ako, mahina niyang pakiusap.

Hindi kita bibitawan!

Napapikit na lamang si Ces dahil sigurado siyang bibitaw rin ang lalaking
iyon. No one caredbakit kailangan makialam ng binata? Ngunit ilang
sandali lang, imbis na mahulog ay naramdaman niyang umaangat ang kanyang
katawan. . . at nakatapak na siya sa sahig.

Ano bang naisip mo at nagpahulog ka d'yan?! Napaupo ang dalaga sa


inapakan niya at napasandal sa railing. Una niyang tiningnan nang mabuti
ay si Ash na nakalutang sa likuran ng binatang nagligtas sa kanya.

Mula sa mga pulang mata kanina ng kamatayan ay bumalik ito sa itim.


Nawala ang nakakatakot na aura nito. Nawala ang galit sa mga mata at tila
ba nagbalik sa dating Ash ngunit seryoso ang mukha. Isang ekspresyon na
kahit ano pang gawin ni Ces ay hindi niya maintindihan.

Sorry. . . ang nasambit ng dalaga at tuluyan nang naiyak habang


nakatingin kay Ash.

Hindi niya alam kung bakit siya nagso-sorry. Basta yun lamang ang
tanging salita na sa tingin niya ay dapat niyang sabihin. Kanino? Kay
Ash? Sa lalaking nagligtas sa kanya? O sa sarili niya?

Sorry. . . sorry. . . paulit ulit niyang pagbanggit. Nakatingin lang sa


kanya ang binatang nagligtas sa kanya na para bang nagulat sa biglang
pag-iyak ng dalaga. Napalunok ang binata dahil hindi niya alam ang
kanyang gagawin. Hes not good with girls. . . lalo na kapag umiiyak sa
harap niya.

But what he didn't know ay magkatitigan lamang sina Ash at Ces. . . Ces
saying sorry habang tahimik lang ang kamatayang papalapit sa dalaga.

Alam kong masakit. Pilit pinipigilan ni Ces ang pag-iyak ngunit hindi
pa rin nagpapaawat ang mga luha niya. Nagkatinginan sila ni Ash, mata sa
mata, at para bang may pinapahiwatig ang kamatayan na hindi niya
maintindihan.

Hinawakan siya ni Ash. Akala niya ay tatagos ito ngunit nagulat siya nang
maramdaman niya ang mga kamay nito sa kanyang pisngi. Sobrang lamig. Sa
pagtitig niya sa mga mata ng kamatayan, nanlabo ang kanyang mga mata at
ilang sandali lang, Pero gusto kong sumaya ka.

Uy, Ces! Nagulat na lamang ang binatang nagligtas kay Ces nang bigla
itong nawalan ng malay. Ces!

Unti-unti, lumayo si Ash sa dalagang Ibinuhat ng binata palabas ng


rooftop. Nakatingin lang ito, nanonood sa nangyayari at bumulong,

Alagaan mo siya, Lyric.

Saka ito naglaho sa dilim.

* * *

Nang magising na siya, agad siyang nakaramdaman ng sakit.

Napakapamilyar ng kirot sa bandang kaliwa ng kanyang dibdib. Ramdam niya


pa rin ang pagtibok nito, isang mabagal at mukhang mapayapa ngunit bawat
pagtibok nito ay may halong sakit at paghihinagpis ng dalaga.

With eyes still closed, she asked, Ash, bakit ang sakit?

Hindi niya sigurado kung nasa tabi niya si Ash ngunit alam niyang
naririnig siya nito.

Bakit ang sakit magmahal? Agad-agad, nagsimula na namang tumulo ang mga
mata niyang hindi na nagpahinga sa pag-iyak. Sa totoo lang, pagod na
pagod na talaga siya. Gusto na niyang mamahinga ngunit pinipigilan siya
ng kamatayan mismo.

Ang ironic.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita si Ash na nakatingin sa


kanya with a serious face. Hindi ito nagsasalita; nakatingin lang sa
kanya ito.

Patawad. . . That was the last thing he said bago siya naglaho, leaving
Ces alone, kahit ang nagligtas sa kanya ay wala rin. . . Naiwan lang siya
sa loob ng isang hotel room kung saan siya nanatili for the night, crying
her eyes out.

Crying until the pain goes away. . . but it wouldn't stop anytime soon.

* * *

Ces was a living dead. She gave up in giving up her life. . . Kahit ano
pang gawin niya ay tutol pa rin si Ash dito. Hindi talaga niya
maintindihan kung anong gustong mangyari ni Ash sa buhay niya. Kahit
siya ay hindi na rin niya alam ang nangyayari sa buhay niya.

She went back to school. May something kasi sa kanya na gusto niyang magaral ulit, bumalikgusto niyang magpakasubsob ulit sa pag-aaral para
makalimutan ang lahat tulad ng dati. Tutal, nabuhay siya nang ilang taon
nang wala si Lyle. How hard would it get na mabuhay ulit nang walang
Lyle?

Well, for Ces, its very hard.

Para bang pinamumukha sa kanya ng mundo na sa kanya lang nababagay ang


sobrang masaktan. Lagi niyang nakikita ang binata kasama ang mga kaibigan
nito na nagkakasiyahanincluding Kervin. That Kervin. . . nakakatawa lang
na naging dahilan din ang lalaking iyon sa sakit na nararanasan niya
ngayon and yet, para bang walang nangyari at magkaibigan pa rin ang
dalawa.

Siya lang yata ang nasaktan.

It's like a typical story, actually: a simple girl fell in love with a
playboy, medyo nagtagal. . . at inaakala ni simple girl na ito na 'yun,
na nabago na niya si playboy. A nice story of how a bad boy fell in love
with a simple girl. Sobrang nakakakilig, sobrang magical. . . pero ang
totoo? Para lang din siyang 'yung mga naunang girlfriend ng playboy:
extra. Na tulad ng mga naunang babaeng dumaan sa playboy, kinakalimutan
na once na brineyk. . . ang iba pa, kinaiinisan pa ng mga tao.

And that pained her more.

She would always cry. Hindi papalya ang mga luha na bubamati sa kanya
pagkagising niya. Kahit simpleng pag-upo lang habang walang ginagawa ay
naiiyak na siya. Sa tuwing natutulog, lagi siyang nangangarap na sana. .
. sana hindi na siya magising pa.

But no. . . she wouldn't die. She couldn't die. Ash wouldn't let her.

* * *

Try mo kayang mag-move on. Tumingin si Ces kay Keng na nakatingin


sa kanya habang nakataas ang kilay. Mas masaya 'yun.

Tiningnan lang ni Ces si Keng sa mga mata, at nakaramdam ng kirot si Keng


sa mga tingin ng kasamahan. Those pained eyes na sobrang namamaga
kakaiyak. Napatahimik si Keng and somewhat felt sorry for Ces.

Hindi niya deserved ang ganitong pasakit.

But Keng didn't know what Ces had gone through. Walang nakakaalam sa mga
sakripisyong ginawa ni Ces para lang sa itinuring niyang prinsipe ng
buhay niya. Walang nakakaalam na ang buhay ni Lyle ay kabayaran ng
kaluluwa ng dalaga. No one knew she almost killed herself. . .Walang
nakakaalam na ginusto nang tapusin ng dalaga ang ibinigay na biyaya sa
kanya when she found out her supposed-to-be "friend", Erich, having or
had sex with her supposed-to-be "prince", The Lyle Yuzon.

Walang nakakaalam ng
sakit na nararanasan
masama si Ces ngunit
.she's trying to get
pababa.

buong kuwento. Walang nakakaintindi sa lahat ng


niya. Napaka-unfair dahil wala namang ginawang
nararanasan niya ang lahat ng ito. She's trying. .
up pero sa bawat pag-akyat niya, itinutulak siya

Nagbuntong-hininga si Keng at ipinatong ang braso sa counter kung saan


nakaupo lang si Ces sa tapat.

Plano nilang lahat 'yun.

Napatingin si Ces kay Keng na may pagtataka sa mukha nito. Ha?

Alam mo, ang sarap mong batukan hanggang sa matauhan. May kinuha si
Keng sa kanyang bulsa at nakita ni Ces na cellphone pala ito ng dalaga.
May kung anong pinindot si Keng dito at agad ipinakita kay Ces ang screen
nito.

Nakakunot lang ang noo ni Ces, ready to ask question kung ano nga ba 'yun
pero napatigil siya nang makita niya si Lyle sa screen na nagsalitaO,
bakit? Pinipiktyuran mo ako?

Narinig niya ang pagtawa ng isang babae at paggalaw ng video. Napatingin


siya kay Keng with her curious look. Hindi niya kasi ma-gets kung ano ang
gustong ipakita sa kanya ni Keng.

Just watch, mariin na sabi nito. Ibinalik naman ni Ces ang tingin sa
video at may nagsalita na naman na wala sa screen. Boses ni Keng. Sira,
videodocumentary 'to. Tuloy niyo na ang pag-uusap ninyo.

Ano 'yan? Lalagay mo sa Instagram? Ngumisi si Lyle.

Narinig ni Ces ang pagtawa ng boses ni Keng sa video. Paano mo nalaman?


Medyo famewhore ako, e, para magka-followers ako hashtag The Lyle
Yuzon! Nakita niya ang pag-irap ni Lyle habang natatawa sa screen at
tumingin kay Kervin na nakita na rin sa video. Kumaway naman ang binata
habang umiinom ng beer.

Yaan mo na nga 'yang si Keng. Saan na nga ulit tayo?"

"Kay Ces." Napakunot ang noo ni Ces nang marinig niyang binanggit ni Keng
ang pangalan niya. Nakita naman niya sa screen si Lyle na humithit ng
sigarilyo.

"A, oo! Yun! Ano na? Dali na, pre. Pumayag ka na kasi, nakangiting
sabi ni Lyle habang tinitingnan si Kervin. Kumunot naman ang noo ni
Kervin at humithit din ng sigarilyo.

Puta, ang babaho ng sigarilyo, mahinang kumento ng boses ni Keng sa


video.

Ano bang makukuha ko sa babaeng 'yan kung sakali? E, nakuha mo na


ang virginity niyon, e. Nagkamot ng pisngi si Kervin. Nanlaki naman ang
mga mata ni Ces sa narinig. Bumilis din ang tibok ng puso niya at parang
nag-init ang buong paligid.

Tumawa si Lyle pati na rin si Keng sa video. Well, I don't know. Fun?
Masaya siyang paglarua

Keng, tama na, mariin ngunit mahinang sabi ni Ces. Agad naman ini-stop
ni Keng ang video. Kinuyom rin niya ang mga kamay niya. Sa sandaling
video na napanood, para bang umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang ulo at
may nararamdaman siyang. . . kakaiba. Bakit ngayon mo lang sinabi sa
akin to?

Wow, ha? Napaatras si Keng at tiningnan si Ces nang nakataas ng kilay.


Ako pa ang hindi nagsabi? E, ikaw 'tong hindi nakikinig sa umpisa pa
lang.

Naging mabigat ang bawat paghinga ni Ces sa bawat segundong dumadaan.


Tinakpan niya ang kanyang bibig at tuluyan nang umiyak. Hinayaan naman
siya ni Keng at umalis ng caf. Ipinaskil din ng dalaga ang CLOSED sign
para walang makikiepal sa moment ni Ces.

She couldn't believe it. Ang prinsipe niya, ang itinuring niyang buhay
niyaang ipinalit niya sa kaluluwa niya, ay basura lang pala ang turing
sa kanya. All along, habang nagmamahal siya nang totoo ay laruan lang
pala talaga siya ng binata. Iyak lang siya nang iyak habang paulit-ulit
nagre-replay sa utak niya ang napanood na video: kung paano tumawa sina
Lyle at Kervin habang pinag-uusapan kung paano siya lokohin. . . pati ang
Kervin na 'yun.

Anong nagawa niya para makuha ang lahat ng ito?!

Ito ba 'yun? Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw ni Ash na mamatay siya?
Dahil kailangan pa niyang malaman ang mga kagaguhan ng itinuring niyang
prinsipe? Para masaktan siya lalo? Para ipamukha sa kanya na kinakayakaya lang siya ng mga tao sa paligid niya dahil mahina siya? Then, what?
What will happen next?

Shed just get hurt. Over and over again.

It was. . . she thought, the first time she fell in love and yet
bullshit! Isang bullshit ang pag-ibig.

Alam niyang masasaktan siya pero she didn't know that it's too painful.
Handa naman na siyang umiyak pero hindi niya inaakala na ganito pala ang
iyak na kailanganin niyang pagdaanan. Lahat ng sakit. . . parangi
pinipilit na lang niyang mabuhay pero ang totoo ay dapat na siyang
mamatay.

Ang sakit lang umibig.

Thats when she decided something. . . isang napakalaking desisyon. No,


she wouldnt kill herself anymore. Para saan pa? All she wanted was to be
happy and yet, this happened. Dahil lang sa pag-ibig ay nagkandaletseletse ang buhay niya.

Ngayon. . . shes sure of something.

Gusto niyang maging masaya without that godforsaken feeling.

* * *

Ash, pakausap kay Boss, marahan na utos ni Ces kay Ash. Tiningnan naman
siya ng kamatayan na may pagtataka sa mukha. Tumaas ang kilay nito. Ito

kasi ang unang pagkakataon na kinausap siya ni Ces after a week matapos
niyang iwanan ang dalaga sa hotel room.

Bakit?

Tawagan mo siya.

Para saan?

Gusto ko siyang makausap, matigas na sabi ni Ces na may seryosong


mukha. Nagkatitigan sila ni Ash. Buong akala ng kamatayan ay madadaan
niya sa tingin ang dalaga ngunit mukhang may iniisip si Ces na hindi niya
nalalaman. Hes not a mind reader, after all. Ang alam lang niya ay ang
mga puwedeng mangyari sa buhay ng mga tao, kung paano sila mamamatay at
kung kailan.

He, himself as a Death Angel, couldn't read Ces at all.

With a sigh of defeat, kinuha niya ang D-Get and dialled Boss contact at
wala pang ilang sandali, usto ko ng lolli. . . pop. Mula sa masayang
hitsura at aura ni Boss ay nawala ang ngiti nito nang makita nitong nasa
harapan na niya sina Ash na nagpadala sa kanya sa mundo at Ces na
nakatingin sa kanya nang seryoso.

Kumunot ang noo ni Boss. Ayaw na ayaw talaga niya ang mga ganitong
emergency call dahil busy siya sa pagkain niya and yet, ganito ang
nangyayari. Gusto niyang sirain ang D-Get ni Ash sa pagtawag sa
kanya dahil alam na alam naman ng mga Death Angel ito ngunit nagtimpi
siya. Nalungkot lang siya dahil hindi man lang niya nadala rito ang
lollipop na binili niya sa Death World.

O, bakit? Anong kailangan niyo? Badtrip si Boss at walang


makakapagpagaan ng loob niya kundi ang lollipop na gusto niya kanina.
Nagkamot ng ulo si Ash, tila natakot na sa puwedeng mangyari.

Ito kasi, e. Makikita kay Ash ang kaba. Kahit pa mukha siyang astigin
ay sobrang takot siya kay Boss dahil alam niya ang capability ng maliit
na batang ito. Mukha lang siyang bata ngunit siya ang pinakamatanda sa
lahat ng kamatayan. He's not called the Death God for nothing. Gusto
kang makausap, sabay turo kay Ces.

Tumingin naman si Boss kay Ces na kanina pa tahimik, at nang magtama ang
mga paningin nila, nagkaroon na siya ng hinala sa gustong sabihin nito.
Huminga nang malalim si Ces. Buo na ang kanyang desisyon. Ikinuyom niya
ang kanyang kamay at sinabing, may deal ako para sa'yo.

~ ~ ~
Author's Note:This story is killing meee~ Nahihirapan na ako sa sobrang
emo nitong story ahuhuhuhu, ang hiraaap~ Kailangan ko magtimpi sa mga
kakornihan ko kundi maaout of character sila kung sakali. This is so sad.
Very very sad TT___TT Mas stressful siya kesa sa mga projects ko,
pramis!! Gusto lang din sabihin niyo na gagaanan ko na din yung
pagsusulat nito, feeling ko kasi ilang tolenada ang pasan ko sa story na
to eh. Anyway, thank you sa pagbabasa ng TTLS!!
Noong nabasa ko 'yung comment ni Gianne (IBelieveInFrvr_), napasabi agad
ako ng "syet! Sa kanya ko idededicate tong chapter na to! Ang ganda ng
comment! Ramdam na ramdam niya si Ces! Ang ganda pa nung quote! (kaya
nilagay ko na rin dito, kudos sa'yo yay!) kaya lang kasi nadedicate-an ko
na siya. . . pero sobrang gusto ko na siyang dedicate-an talaga kahit
dumoble pa kasi sobrang nagustuhan ko talaga yung comment niya.
Then Nicole came. . . o Isabel? Isabel/Nicole na lang. Nung nabasa ko
'yung comment niya, BOOM! It's decided, imemention ko na lang si Gianne
pero kay Isabel/Nicole ko na lang idededicate para mag paid off yung mga
comments nila. Sobrang. . . huhuhuh! As in, natutuwa ako kasi alam niya
yung "hindi siya naglalagay ng isang bagay ng walang kahulugan" at alam
niyang bubuhayin ko si Ces. Masyado akong natouch na natuwa ahihihi thank
you sa pagbabasa! Sa pag realize nun! Sa inyong dalawa ni Gianne,
kinikilig ako sa inyo. Salamat! :"> (Click external link to read her
comment)

=================
22 // Their Twisted Deal
"It is painful to see someone suffering what you must be sufferingwatching someone you love be so cruelly hurt." Jude Morgan
(Indiscretion)

~ ~ ~

Ayoko nang magmahal, mariin na sabi ng dalaga.

Kumunot ang noo ni Ash sa narinig habang napataas naman ang kilay ni
Boss. Seryoso ang mukha ni Ces, clenching her jaw na para bang buo na
talaga ang desisyon niya.

Ilang segundo lang ang nakaraan, biglang tumawa si Boss. Ha-ha-haha! Isang malutong na tawa. Ano to, sharing of problems?! Hinawakan
ni Boss ang kanyang tiyan. Pinahid pa nito ang kamay sa mga mata dahil
naiiyak na siya sa sobrang tawa.

Pero ilang sandali lang, tumigil siya at tiningnan nang seryoso si


Ces. Ako, gusto ko nang umuwi.

Ash felt uneasy. Magkatitigan lang ngayon sina Ces at Boss sa harap niya,
not knowing what the hell was happening not knowing what the hell was
happening. He could feel the tension between the two.

Gusto mo ng kaluluwa, di ba? Mataman lang ang tingin ni Boss kay Ces,
hinihintay ang susunod na sasabihin ng dalaga. Kunin mo na 'yung
kaluluwa k

Pero hindi mo pa oras! Agad iniangat ni Boss ang kanyang kamay at


tiningnan si Ash. May kung ano sa ekspresyon ni Ash na hindi maintindihan
nito ngunit seryoso lang ang hitsura ni Boss.

Muli, ibinalik ni Boss ang paningin kay Ces. Ituloy mo.

Kku. . . Alam niya na buo na ang desisyon niya ngunit nang makita
niya ang tila gulat na reakisyon ni Ash ay para bang pumapasok sa isip
niyang magdalawang-isip. She closed her eyes, at dire-diretsong sinabi,
Kunin mo na ang buong kaluluwa ko kapag nagmahal ulit ako.

Ano?! Napadilat si Ces sa biglang pagsigaw ni Ash. Hindi puwede ya

Muling iniangat ni Boss ang kanyang kamay at napatigil si Ash sa


pagsasalita. Kahit ang buong katawan nito ay tumigil, tanging ang mata
lang ng kamatayan ang nakikitang gumagalaw. Ilang sandali lang ay umangat
sa era si Boss upang magkatinginan sila ng dalagamata sa mata.

Hindi ko magagawa 'yun, diretsong sabi ni Boss.

Nanlaki ang mga mata ni Ces at hinawakan ang maliit na mga balikat ng
kausap. Anong hindi mo magagawa? Diyos ka ng kamatayan, di ba? Paanong
hindi mo magagawa?!

Kung gawin ko man 'yun, ikinumpas ni Boss ang kamay niya at napansin ni
Ces na gumalaw na si Ash sa gilid, patay ka na ngayon.

Mas mabu

Manahimik ka! Napatigil si Ces sa biglang pagsigaw ni Boss. Nasasaktan


ka ngayon dahil nagmamahal ka. Hindi puwede 'yang gusto mo.

Per

Bumuntong-hininga si Boss. Ang pagmamahal ay isa sa pinakanatural na


nararamdaman ng isang tao. Hindi ako puwedeng pumatay dahil lang sa
nagmahal ka. . . Magagalit sa akin si Inang Mahal.

Boss. . . pagmamakaawa ni Ces.

Hindi makatarunangan para sa tulad kong Death God ang pumatay dahil sa
nararamdaman. Isipin mo, ang isang tao ay nagmamahal unconsciously, hindi
pa nila alammalalaman lang nila kapag tinanggap na nila sa sarili nila
'yun. Umiling si Boss. Sabihin mo, bakit gusto mong mangyari ang
kasunduang 'to?

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces. Ikinuyom niya ang kanyang kamay. Aayoko nang masaktan pa.

Bullshit!

Isang malakas na hangin ang biglang pinakawala ni Boss mula sa sarili.


Nagkagulo ang ilang gamit sa loob ng kuwarto ni Ces ngunit hindi natinag
ang dalaga.

Napakamakasarili mo, Ces. Alam mo bang araw-araw, may mga taong


nasasaktan dahil sa pag-ibig? kunot-noong sabi ni Boss. At ikaw, gusto
mong makawala sa paghihirap na 'yun?

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ng dalaga sa pagpipigil sa


nararamdaman. Makasarili? Ako ba talaga ang kausap mo, Boss? Pilit
ipinapahid ni Ces ang kamay sa pisngi ngunit mas malakas ang pag-agos ng
kanyang nararamdaman. Makasarili pa ba ako kung ibinigay ko ang kaluluwa
ko sa lalaking akala ko, prinsipe ko? Makasarili pa ba ako kung ang gusto
ko lang naman tumigil ang lahat ng sakit? Tinakpan ni Ces ang kanyang
bibig at naupo na sa sobrang panghihina. Hindi mo kasi nararamdaman
'yung sakit, Boss. Hindi mo ramdam.

Unti-unting bumaba si Boss upang pantayan si Ces na napaupo na sa lapag.


Nakatingin lang siya sa dalaga, contemplating what she just said.

Gusto ko lang namang maging masaya, pabulong na sabi ni Ces.

At sa tingin mo, sasaya ka kung namatay ka? Napatingin si Ces kay Boss
na hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang mukha ngunit ngunit kumalma ang
hitsura. Masarap magmahal, Ces.

Napangisi ang dalaga sa narinig. Bakit? Nararamdaman mo ba? Yung sarap


ng pagmamahal?

Nanlaki ang mga mata ni Boss sa narinig. Ito ang unang pagkakataon na
kuwestyunin siya tungkol sa pagmamahal. Kahit ang mga Death Angels niya
ay hindi siya tinatanong ng mga ganito. Hi-hindi.

Kaya hindi mo rin alam ang sakit. . .

Natahimik si Boss sa narinig at lumayo kay Ces na patuloy lang ang pagiyak. He was dumbfounded. Totoo. . . hindi niya alam kung ano ang
pakiramdam ng pagmamahal at sakit na kasama nito. Death God siya. Ang
alam lang niya ay kumuha ng kaluluwaang alam lang niya ay kung paano
pumatay ng mga mortal.

It was a first for him na makausap ang tulad ni Ces. . . at sa unang


pagkakataon, nakaramdam siya ng tinatawag na awa.

Ash, mahinang pagbanggit ni Boss. Pagbigyan mo ang kagustuhan niya.

Sabay na napatingin sina Ces at Ash sa sinabi ni Boss. Ha? Boss?! May
tono ng pagkagulat at pagtatanong sa boses ni Ash.

She wants to die because of love? taas-kilay na sabi ni Boss at


ibinaling ang tingin sa dalaga. Then be it, but I want to twist this
deal.

Boss. . . Halos magmakaawa na si Ash kay Boss pero buo na ang desisyon
ng nakataas. Buo na ang desisyon nito.

Ngumiti si Boss. . . isang ngiti na nagpakilabot sa buong katawan ni Ces.


Umangat mula sa lapag ang mga paa nito sa era at unti-unti, namuo ang
pulang liwanag sa maliliit nitong mga mata. You want to die? Sige. Pero
hindi ka mamamatay dahil lang sa nagmahal kapagbibigyan kita, magmahal
ka lang, kahit gaano pa karami pero! Mula sa kawalan ay lumabas ang
isang papel na pamilyar kay Ces.

Ang soul contract.

Lumipad ito sa kanyang harap. Nakita ni


sa papel. Hindi mo puwedeng sabihin sa
ano pang lengwahe o pamamaraan at kapag
bigla niyang makita si Ces sa may kanan
kaluluwa mo.

Ces na umuukit ang pangalan niya


kanila na mahal mo sila. Kahit
sinabi mo, napaatras si Ces nang
niya, ako mismo ang kukuha ng

Lumayo na muli si Boss at unti-unting nawala ang pulang liwanag mula sa


mga mata nito. Nakatapak na rin ito ngayon sa lapag. . . Desisyon mo ang
lahat. Saka ito naglaho mula sa loob ng kuwarto kasama ng
kontrata. Huwag mo sana tong pagsisihan. . . Ces, rinig niyang bulong
ng boses ni Boss.

Napasandal si Ces at napatingin sa kawalan habang iniisip pa niya ang


lahat ng nangyari hanggang saAaaahh... Napahawak siya sa kaliwang
parte ng kanyang dibdib sa sobrang pananakit nito na tila ba may pumapaso
sa balat niya. Sobrang init. Napakainit. Aaahhh!

Naramdaman na lamang ng dalaga na para bang may nakaukit na sa kanyang


balat. . . parang isang maliit na sugat, kasing laki ng isang
piso. Tanda ng kasunduan. . .

Napatingin si Ces kay Ash na lumapit sa kanya at tiningnan ang balat ng


dalaga. Bakit mo ginawa to?

Nagkatinginan sina Ces at ang kamatayan. Walang nagsalita. . .


Napakatahimik ng buong kuwarto. Muling tumulo ang mga luha ng dalaga sa
hindi niya malamang dahilan hanggang sa naglaho na rin si Ash sa kanyang
paningin.

Tama to. Tama tong desisyon ko.

Nanatili lang ang dalaga sa kinauupuan niya nANg ilang oras, tulala. Sa
ilang buwan na lumipas, napakarami na ang nangyari. . . nakakagulo,
nakakaloko. Tumayo siya, pumunta sa CR, at tinitigan ang sarili sa
salamin, examining herselftinitigan ang kanyang mukha na halos katulad
na ng namatayan, ang katawan niyang niyayakap ng manipis na tela, at ang
balat niyang kitang-kita kahit nakadamit siya. She looked at the left
side of her shoulder. Sa may bandang ibaba nito ay makikita ang simbolo
ng kasunduan nila ni Boss.

Puwedeng magmahal ngunit kapag sinabi ay. . .

Hindi niya mawari ang hitsura ng simbolo na iyon: pabilog na may


nakasulat na hindi rin niya maintindihankulay itim ito na parang tulad
ng mga tattoo ni Keng sa katawan ngunit nakaumbok itong sa kanya, ramdam
na ramdam kapag hinawakan.

Ano na bang nangyari sayo, Ces? Naghilamos siya ng mukha gamit ang
tubig sa faucet at muling tiniNgnan ang sarili. Bumalik ka na sa dati. .
. pakiusap sa sarili.

Auie. . . nanlaki ang mga mata ni Ces nang biglang lumitaw ang imahe ni
Ash sa likuran niya sa salamin. Agad siyang napalingon at natigilan siya
nang napansin niyang sobrang lapit nila sa isat isa. Ilang sandali lang,
naramdaman niyang hinawakan siya ni Ash sa bewangsobrang lamig.

Nahahawakan mo ulit ako. Magkatitigan ang dalawa. Mula sa itim na


mga mata ng kamatayan ay nagliwanag na naman ito ng kulay pula. Bumilis
ang tibok ng puso ng dalaga nang mapansin niya ang paglapit ng kamatayan
sa kanya.

Palapit nang palapit ang mukha ni Ash ngunit tumigil ito nang halos
magdikit na ang mga labi nila sa isat isa sabay bumulong ng, Patawad. .
. patawarin mo ako.

A-ano? Ash? Naguluhan si Ces sa paghingi ng kapatawaran ng kamatayan


ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makaramdam siya ng parang bang
binabali ang kanyang mga buto sa katawan.

Aahhh!

Napapikit si Ces sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Halos mapaso na


siya sa sobrang init ng paligid. Nararamdaman niyang may hangin na
lumalabas mula sa kanyang bibig papunta sa bibig ni Ash. May itim na
malamig na usok ding pumapasok sa kanya galing sa kamatayan. A-ano to
Ash. . .

Ngunit ang huling nakita na lamang ni Ces ay isang malungkot na pagngiti


ni Ash sa harap niya bago siya muling nawalan ng malay.

* * *

Kinapa niya ang simbolo ng kasunduan nila ni Boss sa kanyang balat. She
could feel it kahit na naka T-shirt siya. Its as if shouting at her na
ito na, totoo na talaga ito. Wala nang bawian.

Bagay sayo ang mga salamin mo. Napatingin si Ces kay Keng nang
banggitin ito ng dalaga. Nakita niya ang pagngisi ni Keng at
tumango. Sige, alis na ako.

Ngumiti na lamang si Ces. For some odd reason, parang medyo nag-light up
ang mood ni Keng. . . tamad pa rin pero hindi na siya tulad ng dati na
para bang galit sa mundo. Pagkalabas ni Keng ng cake shop, kinuha na rin
ni Ces ang mga gamit, nagpaalam na sa manager, at lumabas na ng cake
shop.

Kahit papaano, pakiramdam niya ay nabalik nang kaunti ang buhay niya.

Matapos ng kasunduan nila ni Boss ay napagdesisyunan niyang bumalik sa


dating siya. Well, physically, yesshes back with a new glasses, shirt,
jeans at ang pinakamamahal niyang chucks. Physically. . . parang dati
lang, but emotionally? Mentally?

Sobrang damaged. . . but shes trying.

Shes trying to move on.

* * *

Hey, Miss Flores! Napalingon si Ces nang may pamilyar na boses ang
tumawag sa kanya. Nakita niya ang professor sa computer na si Mr. Quiano
na papalapit sa kanya, bitbit ang bag nito at ilang
mga supot. Nagtatrabaho ka pala sa cake shop?

A...opo, sir, nahihiya ngunit nakangiting sabi ni Ces. "Ano pong


ginagawa niyo rito?"

"A, bumili lang," sabay pinakita kay Ces ang mga supot na hawak nito.

Tumango si Ces. "Para sa anak niyo po?"

That was when her professor laughed as if she said a funny joke. "Wala
akong anak. . . wala ring asawa. 28 lang ako, Miss Flores," patuloy na
pagtawa ng professor. Ngumiti na lamang si Ces. iniisip niya talaga na
nasa treinta-anyos na ang professor niya at marami ang anak.

Medyo mukha kasi itong manyak.

Tumingin si Mr. Quiano sa relos nito. Uuwi ka na ba? Gabi na, a.


Delikado na sa daan.

Ngumiti si Ces. Its very awkward dahil ilang meetings na rin ang hindi
niya napasukan kay Mr. Quiano. Its surprising dahil kilala pa rin siya
ng professor niya, and kind of weird dahil nagkita sila rito sa daan.

Gusto mo bang ihatid kita? Nanlaki ang mga mata ni Ces sa narinig.
Hindi rin niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan sa tanong ng
professor niya.

Aano, sir, okay lang ho ako. . . Lagi hong ganito ang uwi
ko, nakangiting sagot ng dalaga.

Halos mahulog ang puso ni Ces sa sobrang kaba nang hawakan ni Mr. Quiano
ang braso niya. No, I insist. I have a car. . .Delikado na ngayon. Baka
mamaya may bigl

Huy, Ces!

Sabay na napalingon sina Ces at Mr. Quiano sa may bandang likuran dahil
sa isang boses ng babae na narinig nila. Nanliit pa ang mga mata ni Ces
upang malaman kung sino ang tumawag sa kanya dahil sa medyo madilim na
talaga sa daan. But when she realized who the girl was, napahawak siya sa
kanyang bibig to cover her excitement, shock and questions.

M-Marky!

~ ~ ~
Author's Note:Eksayted na ba kayo sa pagbabalik ni Marky?!?!?! (Baka
hindi niyo na siya naaalala omaygahd hahaha)
This story is NOT unique. Gasgas ang plot nito, ano ba kayo. Ako na
nagsasabi, don't expect too much kasi madidisappoint lang kayo. CLICHE
STORY AT ITS FINEST PO ITO. Ang mga tanong niyo ay masasagot din, don't
worreh. (depende pala sa tanong, kasi 'yung iba. . . eheheks) Thank you
pala sa mga nagkocomment at sa mga nagbabasa. Feeling ko kahit na ang
dami kong mali, paligoy ligoy ako at magulo ako magnarrate (as 3rd pov
writer) eh love niyo pa rin ako. Ahihihi! Tenkyu <3

Dedicated kay ate Jaaay kasi nahulaan niya 'yung deal ni Boss at Ces.
Mabuhay kaaa~ gusto ko talaga ng mga readers na nag iisip, natutuwa ako
masyado pero at the same time, DON'T THINK TOO MUCH. Nakakawindang kasi
'yung mga iniisip niyo hahahaha! Thank you sa pagbabasa ng TTLS ate
Jaaayyy :D

=================
23 // Friends and Admirers
"Life is an awful, ugly place to not have a best friend." Sarah Dessen

~ ~ ~

Habang papalapit si Marky sa kinatatayuan nina Ces at Mr. Quiano, hindi


makapaniwala si Ces sa nakikita. Nanlalaki ang mga mata niya habang
nakatingin sa kaibigang nakangiti. Ang daming tanong. . . ang daming
walang sagot, pero nakakaramdam siya ng tuwa.

Nang makalapit na si Marky kay Ces ay tiningnan nito nang masama si Mr.
Quiano. Tara na, Ces. Hinahanap ka na ng boyfriend mo.

Biglang lumundag ang puso ng dalaga sa narinig. . . boyfriend.

All she could think was Lyle pero. . . napabuntong-hininga siya. But what
surprised her more ay ang reaksIyon ni Mr. Quiano. Nakataas-kilay itong
tumingin kay Ces. Boyfriend? pagtatakang tanong nito.

Opo, kaya excuse us lang po? paalam ng kanyang kaibigan, emphasizing


the po. Ngiting-ngiti si Marky at agad na hinila si Ces. Nawalan na ng
pagkakataon ang dalaga para magpaalam man lang sa kanyang propesor.

Kinaladkad lang siya ng kaibigan at mabilis ang lakad nila. Nakatingin


lang siya sa likod ni Marky, examining her friend from head to toe. How
she missed her friend, how she missed Markys witty feedbacks. Tara, ice
cream? pagyayaya ni Marky sa kaibigan.

Ces smiled. Isa pa sa mga na-miss niya ay ang bonding nilang dalawa.

* * *

Sino ba 'yung kumausap sa'yo?

Naninibago ngayon si Ces na kaharap niya si Marky habang kumakain ng ice


cream. Tiningnan niya ang mukha ng kaibigan. Medyo lumobokitang-kita ang
pagtaba nito pero maganda pa rin, morena pa rin, at kahit hindi hapit ang
damit nito ngayon, malakas pa rin ang appeal.

Prof. ko 'yun. . . sa computer. Nasamid si Marky sa narinig.

What? Prof. mo 'yun?! Napangiti naman si Ces sa reaksiyon ng kaibigan


dahil mukhang ni-retrace pa ni Marky ang mga pangyayari at ang ginawa
niyang disrespectful sa isang Prof. Seryoso? Akala ko kasi pinipilit
kang isama! Natawa agad si Marky sa sariling realisasyon. Shocks, mukha
kasing manyak! Baka mamaya bumagsak ka dahil sa akin!

Napangiti naman si Ces. Hindi siya makapagsalita. Parang gusto na lang


niyang pagmasdan ang kaibigan habang natatawa sa sariling mali nito. Pero
hindi siya mapakalikahit iwasan niya ay pabalik-balik ang kanyang
paningin sa tiyan ng kaibigan.

Nakaramdam ng awkwardness ang dalaga nang makita niyang hinawakan ng


kaibigan ang tiyan at ngumiti. Ninang ka, ha?

Nagkatinginan sina Marky at Ces. . . Walang nagsasalita, walang kumikibo.


Maraming gustong itanong ang dalaga sa kaibigan ngunit sa sobrang dami ay
hindi na niya alam ang unang itatanong. Bumilis ang tibok ng puso ni Ces
nang ngumiti sa kanya si Marky. 7 monthslalaki.

Katahimikan.

Tanging ang sound trip ng ice cream parlor ang maririnig sa dalawang
panig. Natahimik na naman si Ces. Hindi talaga niya alam ang dapat
sabihin at dapat itanong.

Kaya ako umalis sa trabaho dahil sa kanya. Tumingin si Marky sa


sariling tIyan habang hinihimas ito. Sorry, hindi ko sinabi sa'yo. medyo
nawindang din kami ni Fitz, e, sabay tawa ng dalaga.

Alam ni Matt?

Nakita ni Ces ang malungkot na ngiti ni Marky. Kaya ako umaliskasi


natatakot ako sa sasabihin niya.

Pero mag-bestfriends kayo, pagpapaalala ni Ces sa kaibigan.

Oo nga pero kasi. . .ewan ko. Nawala ang lungkot ni Marky at tiningnan
si Ces ng may masayang ngiti. Baka itakwil niya akong bestfriend, e.

Kitang-kita ni Ces ang pag-mature ng kaibigan ngunit hindi pa rin maaalis


ang kalokohan nito. Natutuwa siya ngayon dahil para bang unti-unti na
talagang bumabalik ang buhay niya sa dati.

Gusto mo siyang pakiramdaman? Nanlaki ang mga mata ni Ces sa sinabi ni


Marky.

Ha? Nakaramdam siya ng takot. Ang laki kasi ng tiyan ng kaibigan.


Natatakot siya na baka mapisil niya o maitulak ang tiyan nito.

Joke! Huwag muna. Baka mahawaan mo ng pagkatahimik, e, sabay tawa ni


Marky hanggang sa nagseryoso ulit ito at tumingin kay Ces. Kinabahan
naman siya sa tingin ng kaibigan. Anong nangyari?

Anong 'anong' nangyari? takang tanong ni Ces.

Kumunot ang noo ni Marky at tinitigang mabuti si Ces. Back to basic?


Glasses, shirt, at jeans? Nasaan ang skirt, backless, make-up at heels
mo? Si Lyle?

There goes that name again.

Tama ka nga, Marky. Kahit nasasaktan pa rin ay ipinakita ni Ces ang


ngiti sa kaibigan. Magugulo nga ang buhay ko dahil sa kanya.

Napahawak siya sa taas ng kanyang kaliwang dibdib at kinapa ang simbolo


ng kasunduan nila ni Boss, isang gulo sa buhay niya na kahit siguro si
Marky ay hindi ito paniniwalaan. Hindi man alam ni Marky kung ano ang
kinapa ng kaibigan, alam na nito na sinaktan ng Lyle na 'yun ang kaibigan
niya.

Sino 'yung babae?! Under construction 'yung website ng kumag na 'yun, e!


Gusto mong patayin ko na?! Nag-akmang tatayo si Marky pero natigilan
siya sa biglang sinabi ni Ces.

Si Erich.

Nanlaki ang mga mata ni Marky at napanganga ito. That bitch! Seryoso?

Sana nga hindi totoo. Muling naaalala ni Ces ang nakita niya sa condo
ng supposed-to-be boyfriend niyayung hitsura ng dalawa na pawisan na
para bang kakagaling lang sa kung ano mang pangyayari. Then her decision
to end her life. . .na hindi rin natuloy dahil sa niligtas siya niyong
lalaking 'yon.

Ang papansin talaga ng babaeng 'yun kahit kailan, nakakairita


na. Tumingin tingin sa paligid si Marky na para bang may
iniisip. Pinakilala ko pa naman sa kanya si Fitz, nako po. . . Pero okay
ka na ba? Kailan pa ba 'to?

Okay na ako. . . nakangiting sabi ni Ces.

Okay na siya. . . Shes trying. Hindi ganoon kadaling magpakatatag kung


walang kakapitan.

Napabuntong-hininga si Marky at inayos ang pag-upo. kung ano kasi


[ng kinaguwapo, yun naman ang kina-playboy.

Kung tutuusin, wala nang mas gaguwapo pa kay Lyle sa paningin ni Ces
hanggang ngayon. Kahit namang sabihing hindi niya puwedeng sabihin na
mahal niya ang isang tao, hindi niya maaalis sa sarili niya na kahit
sobrang sakit, mahal pa rin niya si Lyle.

After all, hes her first. . . all her first.

Pero okay lang 'yan. Basura plus basurahanperfect! natatawang sabi ni


Marky to brighten the mood.

Nakaramdam ng pagbabara ng kanyang lalamunan si Ces habang tinitingnan si


Marky na tumawa. It was so refreshingkahit na hindi niya masabi ang
lahat sa kaibigan, pakiramdam niya ay hindi na siya nag-iisa ngayon.

Whabakit ka umiiyak?! natatarantang tanong ni Marky. Hala, hindi ko


sinasadya. Sorry! Halos magkandaugaga na si Marky sa pagkuha ng tissue
para ibigay kay Ces. Promise, kapag nakita ko si Erich kakatayin ko siya
nang buhay! Huwag ka nang umiyak! Gusto mo, pati si Lyle katayin ko?

Napangiti si Ces sa sinabi ng kaibigan hanggang sa natawa na siya habang


tulo nang tulo ang luha niya.

Huy, ano ba, Ces! Napatakip si Ces ng bibig dahil kaunti na lang ay
mapapahagulgol na siya. Nagpa-panic naman si Marky. Hindi niya alam ang
dapat gawin o sabihin. Medyo gumagawa na rin siya ng eksena sa pagpapanic lalo na't takaw-tingin ang hitsura niya sa ngayon. Ano bang
kailangan mo? Tissue? Malamig na bangkay nina Lyle at Erich?! Sabihin
mo!

Hinawakan ni Marky ang magkabilang balikat ni Ces at niyugyog ang


mga ito. Nanlalaki na rin ang mga mata ng kaibigan. Ano n

Napatigil si Marky sa pagpa-panic nang bigla siyang yakapin ni Ces. It


was an awkward hug dahil may nakaharang na malaking tiyan sa kanilang
dalawa. Umurong nang kaunti si Ces at sa gilid na lang niya niyakap ang
kaibigan.

A-anong...huy? pagtataka ni Marky.

Na-miss kita. . . mahinang bulong ni Ces. Isinubsob niya ang kanyang


ulo sa balikat ng kaibigan at itinuloy lang ang pag-iyak. Sobrang miss
kita, Marky.

Ilang sandali lang ay tumulo na ang sipon ni Marky kasama ang luha sa
mga mata. Syaks! Gumagawa tayo ng eksena rito sa store! Hinawakan ni
Marky ang braso ni Ces na nakayakap sa kanya. Walangya ka! Dapat ako
ang mas emosyonal. Ako ang buntis, e!

Nag-iyakan ang dalawang magkaibigan habang tumatawa at nangingiti, hindi


iniinda ang mga taong tumitingin sa kanila.

It was the best crying moment for Ces. Hindi ito tulad ng mga nakaraang
buwan kung saan umiiyak siya dahil sa sobrang lungkot at sakit. Hindi ito

'yung sobrang pagod na sa buhay niya na pag-iyakito yung pure iyak,


dahil sobrang saya.

Every tear was worth it.

Kahit hindi man niya masabi ang buong nangyari sa kaibigan ay pakiramdam
niya, nabunutan siya ng tinik sa kanyang puso. Ang sarap sa pakiramdam. .
. ang sarap magkaroon ng kaibigan.

Kamusta ka na nga pala sa cake shop? Mabait ba 'yung anak ng mayari? tanong ni Marky.

Napatigil si Ces at tumingin kay Marky, kumawala sa pagyakap. Sinong


anak ng may-ari?

Ang alam ko 'yung pumalit sa akin, e K-Ker...Hindi ko maalala


yung pangalan. Nanlaki ang mga mata ni Ces sa sinabi ni Marky. Basangbasa pa rin ang kanyang mga pisngi sa pag-iyak pero alam niya kung sino
ang tinutukoy ng kaibigan.

Si Keng? Siya ang anak ng may-ari ng cake shop?

Keng ba 'yun? Oo yata. Basta 'yung may magandang buhok. . .

An image of Keng flashed in front of her eyes. . .yung Keng na tamad,


palautos at minsan tulog lang nang tulog sa trabaho. Sino ka ba talaga,
Keng?

* * *

HOY, BABAE. MAYA AH, KITA KITS!

Napangiti si Ces nang mabasa niya ang text sa kanya ni Marky. Pakiramdam
niya ay guminhawa na rin kahit papaano ang sikip sa kanyang dibdib.
Magba-bonding sila ni Marky pagkatapos ng klase niya at hindi na siya
makapaghintay pa.

Pagdating ng computer class, hindi pa rin mapakali si Ces dahil sa inasal


ni Marky sa harap ni Mr. Quiano kagabi. Hindi siya makatingin nang maayos
sa propesor dahil nahihiya rin siya sa hindi niya pagpaalam dito.

Miss Flores. Napatayo agad si Ces sa biglang pagtawag sa kanya ng


propesor. Unti-unti siyang tumingin dito, seryoso ang mukha. Kindly
explain to me the difference between binary and regular numbers.

Agad-agad namang sumagot si Ces. Po?

Nagtawanan ang buong klase sa sinabi ng dalaga. Nag-init ang


magkabilang pisngi niya dahil sa mga tingin at tawanan ng mga kaklase.
May ilang bulungan din siyang narinig

Ang tanga. Hindi alam! Ha-ha-ha-ha!

Pinakabobong nerd. . .

Class, keep quiet,suway ni Mr. Quiano sa klase. Tiningnan ni Mr. Quiano


si Ces nang mataman sa mga mata. Dapat alam mo na ito simula pa lang.
Napaka-basic nito! Nagulat siya sa pagsigaw ng professor.

S-sorry po, sir

Sit. Next time, do your own research kung mag-a-absent ka lang naman
lagi. Napayuko si Ces sa kahihiyan na dinanas although sanay na siyang
napapahiya. Iba nga lang ngayonpropesor na ang nagagalit sa kanya. Umupo
siya at natahimik buong klase.

Nang matapos ang klase, paalis na sana si Ces nang bigla siyang tawagin
ni Mr. Quiano.

I know your scholarship is terminated. . . marahan na sinabi ng


propesor habang nag-aayos ng papeles. And I want you to get your
scholarship back. Tutulungan kita, Miss Flores.

Binigyan ni Ces ng maliit na ngiti ang propesor. Salamat po,


sir. paalis na sana si Ces nang hawakan siya ni Mr. Quiano sa braso
upang pigilan. Paglingon niya sa propesor, nakangiti ito sa kanyaat
hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan.

Lets do one-on-one session, para matutukan kita.

* * *

Dumiretso si Ces sa locker upang kunin ang ilang libro na hiniram niya sa
library. Pagbukas niya ng locker niya, napakunot ang noo niya sa isang
pink na envelope.

Hate mail ba 'yan? Color pink?

Napatingin si Ces sa nagsalita at napangiti nang makita niyang nakangiti


rin si Ashwhich was sobrang tagal na simula nang makita niya ang
pagngiti ng kamatayan.

Kinuha ni Ces ang envelope at aakmang lulukutin na sana at itatapon


ngunit napatigil siya sa nakitang nakasulat dito.

This might be a lil corny, but I wrote this letter.

For you, my dear Princess. From me, your secret admirer.

Nanlaki ang mga mata ni Ces at kinabahan sa nabasa. Nagkatinginan sila ni


Ash. Kita rin sa kamatayan ang pagtataka nito. Agad na binuksan ni Ces
ang envelope na sobrang madikit kaya nasira na niya ito.

May admirer ka? pagtatakaga ni Ash.

Nagkibit-balikat lang si Ces at tahimik na binasa ang letter ngunit


binabasa naman nang malakas ni Ash. Ang corny ko, no? Nahihiya kasi ako
sa'yonahihiya pero nagbigay ng letter? Napatingin si Ces kay Ash.
Ngumiti lang nang malawak ang kamatayan. Well, at least, nawala ang
seriousness nito.

Ipinagpatuloy ni Ash ang pagbabasa: Hindi muna ako magpapakilala kasi


natatakot ako na baka layuan mo akostalker kasiano na naman? Tiningnan
kasi ulit ni Ces nang masama si Ash. Sana lagi kang ngumiti. Iba ang
epekto mo sa tuwing ngingiti ka sa akin, ang sarap sa pakiramdam.

Napangiti si Ces sa nabasa ngunit nawala rin sa sinabi ng kamatayang


kasama. Corny.

Alam mo ba, Ash, pangarap kong mabigyan ng love letter, mahinang sabi
ni Ces habang hawak-hawak ang love letter sa kanyang dibdib. Hindi ko
akalaing. . . mabibigyan ako nito.

Pero May gusto sanang sabihin si Ash ngunit pinigilan ang sarili.
Mapatingin sa kanya si Cesnagtataka. A, wala.

Parang totoo nga na si Lyle lang ang


nang dumating si Lyle sa buhay niya,
pagmamahal na pinaniniwalaan niya ay
guy who broke her heart, treated her
paglaruan.

nagpapagulo sa mundo niya. Simula


naging komplikado ang lahatang
nawasak. . . all because of that one
like a toyna kayang kayang

Mula sa masalimuot na pangyayari, para bang unti-unting bumabangon ang


buhay niya simula nang nakipag-deal siya kay Boss noong nakaraan. Siguro

sa lahat ng nangyari ay ang deal lang nila ni Boss ang hindi niya
pagsisisihan.

Napatingin siyang muli sa letter na may sulat na hindi man kagandahan ay


ramdam ang effort ng nagsulat.

Sino kayang nagbigay nito? tanong ni Ces kay Ash. Nagkibilit-balikat


naman ang kamatayan ngunit napatigil sa biglang nagsalita.

Ako.

Sabay na napalingon sina Ces at Ash sa pinanggalingan ng boses.

Hi, Ces!

~ ~ ~
Author's Note:Meremeng selemet se pegbebese! Kenekeleg ekew aheheheks.
Baka nagtatanong na kayo, nasaan si Lyle?! Ano ba guys, paano tayo
makakamove on kung hinahanap hanap niyo 'yung tao? Hahahahaha! Will make
this story lighter as much as possible, inuunti unti ko na nga eh
mehehehe. Nahihirapan na kasi ako sa too much drama! :((( Sana hindi pa
kayo bored ajujujuju.
Dedicated to BabyDemie kasi ramdam ko ang pagkasaya niya sa pagbabalik ni
Marky. Nakakatuwa na may nagmamahal kay Marky (chos hahaha) anyway, thank
you sa pagbabasa ng TTLS yaaaay :D click external link to read her
comment.

=================
24 // A Proscriptive Confession
"Confession is not betrayal. What you say or do doesn't matter; only
feelings matter. If they could make me stop loving you-that would be the
real betrayal." George Orwell

~ ~ ~

Halos tumalon na ang puso ni Ces pagkakita niya sa dalawang lalaking nasa
harapan nila ni Ash. Ang isa ay nakangiting papalapit sa kanya habang ang
isa naman ay tahimik lang na sinusundan ang kasama.

Ano 'yan? nakangiting tanong ni Note nang ituro nito ang sulat na hawak
ng dalaga.

Nagkatinginan naman sina Ces at Ash na ipinagtaka naman ng dalawang


lalaking nasa harap ni Ces. Uy, love letter ba 'yan? nakangiting tanong
muli ni Note.

Napakunot ang noo ni Ces. Naguguluhan siya. Napatingin naman siya sa


lalaking kasama ni Note na pamilyar ngunit hindi niya talaga kilala:
lalaking may tahi sa may kanang kilay nito at tahimik na nakatingin sa
kanya. Kung hindi siya nagkakamali ay kasama ito sa banda ng MyuSick. . .
Hindi lang niya maalala kung anong tawag dito.

Ikaw ang nagbigay nito, Pitch? nagtatakang tanong ni Note sa kasamahan.

Napangiti naman ang binata sa tanong ng kabanda at tiningnan si Ces nang


para bang may ipinapahiwatig. Tahimik lang ito, hindi nagsalita para
sagutin man lang ang tanong. Tara, band room na tayo.

Napakunot ang noo ni Note. Pati ang binata ay naguguluhan.

Ha? Hindi ko getsteka Hinila na ni Pitch si Note palayo kay Ces. Uy,
Ces, babay! Naks, may secret admirer! panunukso ni Note sa kanya. Nakita
naman ni Ces na tumingin si Note kay Pitch. Narinig din niya ang sinabi
nito sa kabanda. ikaw ang nagbigay ng letter? Bakit pink? Ang bading!

Kitang-kita ni Ces ang pagtawa ni Pitch sabay batok sa matangkad na si


Note. Hindi pa rin tumitigil ang pagtibok ng puso ni Ces nang sobrang
bilis. Si Pitch? Siya ang nagbigay?

Ang weird naman ng dalawang 'yun. Napatingin si Ces kay Ash na nasa
tabi pa rin niya. Pero yung nag ako yung tahimik. Siya kaya
ang admirer mo?

Nagkatinginan silang dalawa. . . at nagkibit-balikat na lang ang dalaga.

* * *

Nakatingin lang si Ces kay Keng noong nasa trabaho na siya. Iniisip pa
rin niya ang sinabi ni Marky na si Keng ang anak ng may-ari ng cake
shop. Kaya naman pala kahit matulog lang ito ay hindi pinapagalitan ng
manager nila.

Everythings weird about Keng: ang bruskong pananalita nito kahit na


mayaman, ang mga tattoo nito sa katawan, at kahit ang buhok na hindi
kakikitaan ng kulay itim, pati na rin ang tainga nitong puno ng hikaw na
siguro ay aabot ng isang libong piso ang presyo ng mga hikaw.

Baka malusaw ako. Napayuko si Ces nang tingnan siya ni Keng mula sa
paglalaro nito ng Candy Crush sa iPad. Anong tinitingin-tingin mo sa
akin?

Nakayuko pa rin si Ces at umiling.

Ang weird mo talaga, narinig ni Ces na bulong ni Kengngunit bulong na


talagang pinarinig sa kanya.

Sino ka ba talaga, Keng?

Sabay na tumingin sina Ces at Keng sa isa't isa. Tumaas ang kilay ni Keng
sa tanong ni Ces at hindi naman malaman ng dalaga kung bakit ang bilis ng
tibok ng puso niya. Hindi siya mapakali; gustong-gusto niyang malaman
kung sino si Keng dahil napakamisteryoso nito ngunit natatakot naman siya
rito.

Anong klaseng tanong 'yan?

Sino ka talaga?

Ibinaba ni Keng ang iPad na hawak nito at tumayo sa kinauupuan sa may


dulong parte ng shop. Pinalitan nito ang OPEN sign ng cake shop ng

CLOSE. Sa bawat hakbang ni Keng papalapit sa kanya ay pabilis nang


pabilis ang tibok ng puso ni Ces.

Ano bang gusto mo malaman?

Nang magtama ang tingin nina Ces at Keng, nakaramdam ng takot ang dalaga
ngunit may nakikita siyang kakaiba sa mga mata ng katapat. Hindi niya
mawari kung ano ito. Parang nagtatagoparang may something.

B-Bakit mo sinabi 'yung kay L-Lyung sa kanya, tanong ng dalaga.


Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siyang banggitin ang pangalan ng
prinsipe niya. . . dati. Sa tuwing naaalala niya ang binata, pumapasok sa
isip niya ang sakit ng pagmamahal. . . at ang buhay niyang napunta sa
wala. Kahit anong pigil niya ay pinapatay pa rin siya sa sakit ng
presensiya o memorya ng lalaking iyon. Bakit. . .bakit parang
tinutulungan mo ako?

Wala pang isang segundo, sumagot agad si Keng. Kasi nakakaawa ka.

Natahimik si Ces sa sinabi ni Keng. Pinanood lang ng dalaga ang kasamahan


na kumuha ng upuan papuntang counter para maupo sa tapat niya.

Naniniwala ka ba sa mga love stories sa libro? Napakunot ang noo ni Ces


sa tanong ni Keng. Para kasi itong walang kaugnayan sa tanong niya.
Nakatingin lang si Keng sa malayo, sa mga taong naglalakad sa labas ng
cake shop. Nakakakilig 'yung mga 'yun, di ba?

Halos lumuwa ang mga mata ni Ces sa naririnig niya mula kay Keng. Love
stories? Nakakakilig? This was so out of character; parang nagkamali yata
ng sasabihin si Keng. Para bang hindi yata dapat kay Keng manggaling ang
mga salitang 'yun. Anong nangyari? Bakit parang. . . may kakaiba?

Pero nasabi mo ba sa isip mo na sana nasa isang love story ka rin?


Tumingin si Keng kay Ces, and for the first time, nakita ni Ces ang isang
Keng na walang tapang sa mukha. Nawala ang bruskong aura nito; ang
pagkamisteryoso ay parang naglaho. . . Naging magaan ang boses nito at
malumanay. Na sana ikaw 'yung bidang babae kasi ang sayang magkaroon ng
prinsipe? Ng isang happy ending?

Keng. . .

Bullshit 'yun. Napaatras nang kaunti si Ces sa matigas ngunit mahinang


sabi ni Keng. Nakita rin ng dalaga ang pagkuyom ng mga kamao nito na
nakapatong sa counter table. At ayaw kong mangyari sa'yo yun.

Pumikit si Keng na ipinagtaka naman ni Ces lalo na sa tanong na,


Naniniwala ka ba sa arrianged marriage?

B-bakit?

Iminulat ni Keng mga mata niya at tumingin kay Ces. Nakita ng dalaga ang
pagkintab ng mga mata ni Keng na tumatama sa ilaw ng kisame ng shop.

Kasi totoo 'yun. Huminga nang malalim si Keng at tumayo. Tiningnan niya
si Ces. Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha nito. Tumapang
muli ang aura, nawala ang malumanay nitong bosesbumalik ang dating Keng,
ang Keng na misteryoso na nakakatakot lapitan.

Ngumiti ito at ikinagulat ni Ces ang sumunod na sinabi nito sa kanya.


Kasi kami ni Lyle, naka-arranged marriage kami noon.

* * *

Hindi pa rin mawala sa isip ni Ces ang sinabi ni Keng sa kanya kahit
nakalipas na ang ilang araw. Arranged marriage? Sila ni Lyle? Hindi niya
ma-getsang gulo. Paano nangyaring arranged marriage tapos magbestfriends sila. . . Nagtataka rin si Ces sa nakita niyang pangingintab
ng mga mata ni Keng. Naiiyak ba ito? Hindi niya matanong muli si Keng
dahil pagkatapos ng gabing 'yun ay bumalik ang aura ni Keng na hindi
makausap. Bumalik ulit ang hindi magibang harang sa pagitan nilang
dalawa.

Pero anong nais iparating ni Keng sa kanya?

* * *

Nagpatuloy ang normal na buhay ni Ces: pumapasok siya sa school at


nagkakaroon siya ng one-on-one session with Mr. Quiano tuwing pagkatapos
ng mga klase niya sa buong araw. Sa isang linggo na rin ang examination
nila kaya naman ay ginagawa ni Ces ang lahat upang makahabol.

Lagi siyang tinututukan ng professor. Natutuwa nga siya dahil kahit


minsan ay nale-late siya, ngingiti lang si Mr. Quiano at pauupuin siya
agad sa puwesto. Sa tuwing may activities sila ay on-hand ang pagtuturo
sa kanya ng propesor. . . nasobrahan nga lang.

* * *

Naramdaman ni Ces ang mainit na aura ng propesor na nasa likuran niya.


Hindi niya ito pinapansin. Nagpapatuloy lang siya sa pinapagawang
activity sa kanilang professor nang maramdaman niyang hindi pa rin
umaalis sa likuran niya si Mr. Quiano.

Miss Flores. Napaupo nang tuwid si Ces nang hawakan siya ng professor
sa balikat. Nilingon niya si Mr. Quiano at napaatras nang mapansin niyang
ang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa. Hindi pa siya nakakaimik nang
nagulat ito nang hawakan ng professor ang mouse na hawak-hawak niya.

T-te

Ganito 'yan. . . Hindi mapakali si Ces. Hawak-hawak ng professor ang


kamay niya habang may kung anu-anong pinipindot sa mouse. Ramdam ni Ces
ang lamig ng kamay nito dahil sa air-con ng buong classroom. Pinipilit
niyang alisin ang kanyang kamay ngunit parang nakulong siya sa mga kamay
ni Mr. Quiano, walang kawala.

Bumilis ang tibok ng puso niyahindi na siya makapag-concentrate sa


sinasabi ni Mr. Quiano dahil sa pagdidikit ng mga kamay nila. Hindi siya
mapakali lalo na nang mapatingin siya sa kaklase niyang babae na nasa
tapat niya.

Nakatingin sa kanila. . . sa kanila ni Mr. Quiano.

Nagkatitigan sila ng babaeng katapat niya at napatingin ito sa may


bandang mousena hawak ni Ces. . . na hawak ni Mr. Quiano. May kung anong
ngiting namuo sa mukha ng katapat hanggang sa nakita niyang ngumisi ito.

Iniiwas niya ang tingin. Hindi pa rin niya maialis ang kamay niya sa
propesor. Napapansin din niya na ang lapit ng mukha ni Mr. Quiano sa
kanyang mukha na kaunting galaw lang ay puwedeng may mangyaring kakaiba.
Hindi napansin ni Ces ang pagpipigil niya ng hininganapahinga lang siya
nang malalim nang alisin na ng propesor ang hawak nito sa mouse.

Thank you, sir, mahinang pasasalamat ni Ces. Magsisimula na sana siya


ulit sa kanyang gagawin nang natigilan siya sa naramdaman niya sa kanyang
bunbunan.

Naramdaman niya ang pagdampi ng mga labi ng propesor. Youre welcome.

Pakiramdam ni Ces ay naubusan siya ng dugo sa sobrang panlalamig ng buo


niyang katawan. Nanginginig ang kanyang mga kamay. Hindi siya makalingon
sa likuran kahit na wala na ang propesor sa likod niya. . . Hindi pa
nakakapahinga ay kumakarera na naman ang pagtibok ng puso niya.

A-anong nangyari?

Did Mr. Quiano just kiss her on her head?

Bumilis ang paghinga ng dalaga at nang mapatingin ulit siya sa direksiyon


ng kaklase niyang nakatingin sa kanya kanina. . . Bumilis lalo ang tibok
ng puso niya. Nakatingin ito sa kanya na nanlalaki ang mga mata.
Nakanganga rin ito nang kaunti na tila ba nakita ang lahat ng nangyari.

Alam niya sa sarili niya, pagkatapos ng araw na 'yun. . . may


mangyayaring kakaiba.

Pagkatapos ng klase ay hindi muna siya pumunta ng session nila ng


propesor. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng takot sa inasal ni Mr.
Quiano sa kanilang klase. Nagmamadali siyang dumiretso papuntang mga
lockers dahil natatakot siyang makita ang propesor. Nang makarating siya
sa area ay may napansin siyang isang lalaki na may tinitingnan malapit sa
kanyang locker. Pagkalapit niya rito, unti-unti niyang namumukhaan ang
lalaking ito.

Note?

C-Ces! Halos tumalon sa gulat si Note nang makita nito si Ces sa tabi.
Napahawak siya sa kanyang dibdib na tila ba takot na takot na parang
multo ang nakita. Napansin din ni Ces na ang lalim ng bawat paghinga ng
binata.

Anong. . . Ibinaling ni Ces sa locker niya ang tingin at ibinalik ito


kay Note.

A, wala. Sige, bye! Nagmadaling naglakad si Note. May hawak itong isang
puting bagay. . . Hindi niya malaman kung tela ba ito, papel o kung ano
man dahil madIlim na rin ang paligid.

Pero isa lang ang naisip niya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces sa nakita. Napakunot din ang kanyang
noo, realizing things. . . Si Note? Si Note ang nagbibigay ng love
letters sa kanya?

Agad niyang binuksan ang locker niya at hindi siya nabigo nang makita
niya ang pink envelope na walang palyang ibinibigay ng secret admirer
niya sa kanya. Binuksan niya ang envelope at binasa ang nakasulat.

Prinsesa ko,
Hindi mo alam kung hanggang saan umabot ang ngiti ko nang makita kitang
ngumiti. Sobrang corny pero siguro umabot ito sa langit. . . dahil para
kang anghel sa iyong mga ngiti.

Napahawak nang mariin si Ces sa pink na papel. Hindi niya mapigilang


ngumiti. . . Sa totoo lang ay kinikilig talaga siya sa secret admirer
na ito. Gustong-gusto na rin niyang malaman kung sino ito pero pumapasok
sa isip niya ang dalawang 'yun.

Sina Note at Pitch. . . isa nga ba sa kanila ang nagbibigay ng sulat?

I like your smile.

Napaangat ng ulo si Ces sa narinig na pamilyar na boses. Awtomatikong


bumilis ang tibok ni Ces nang makita si Mr. Quiano sa harap niya na
nakangiti. Looking at your smile is very refreshing.

P-po?

Ngumiti lang si Mr. Quiano imbis na mag-explain. Tumingin ito sa relos sa


kanang braso at kumunot ang noo. its late. Have you eaten dinner yet?

A, no. . .

A, gutom na akosamahan mo ako?

Hihindi pa sana si Ces sa pagyaya sa kanya ni Mr. Quiano nang hinawakan


siya nito sa braso at sinama papunta sa parking lot. Sandali lang naman
tayo. Mag-usap din nang sandalipara kilala natin ang isa't isa.

Nahihiya si Ces nang sumakay siya sa kotse ng propesor. Hindi na nawala


ang bilis ng tibok ng puso niya sa bawat segundong lumilipas na kasama
niya si Mr. Quiano sa loob ng kotse.

Ano bang gusto mong kainin? Meatfish, vegetables? Palingon-lingon sa


kanya si Mr. Quiano. Gustong-gusto nang tumalon ni Ces sa kotse upang
makaiwas ngunit hindi niya magawa. Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay
hindi niya mabuksan ang pintuan ng kotse.

K-kahit ano na lang po. Napangiti si Mr. Quiano sa sinagot ni Ces.

Ilang minuto lang ang nagdaan ay tumigil sila sa tapat ng isang


restaurantngunit hindi ito isang restaurant na pangmasaparang kainan
ito ng mga higher-class. Nakasunod lang si Ces kay Mr. Quiano habang
papasok ng resto nang may lumapit na waiter sa kanila. Table for two.

Inihatid sila ng waiter sa kanilang table at si Mr. Quiano na rin ang


nag-order ng pagkain para sa kanila. Hiyang-hiya si Ces dahil simple lang
ang damit niya samantalang ang ilang babae roon ay naka-make-up at mga

naka-dress. Napayuko siya. . . Hindi pa rin kasi nawawala ang kaba sa


kanyang dibdib.

Whats wrong? Bakit ka yumuyuko?

N-Nakakahiya po kasi, sir. . . Yung hitsura ko po mukhang basahaan.


Nanlaki ang mga mata ni Ces nang hawakan ni Mr. Quiano ang kanyang baba
at iniangat ito upang magtama ang ang tingin nila. Halos isang dangkal na
lang ang pagitan ng mga mukha nila sa isat isa.

Ngumiti si Mr. Quiano. Ikaw ang pinakamagandang babae na nandito sa


restaurant.

Natigilan si Ces sa narinig. Hindi siya makapag-Isip nang matino at ang


kaya lang niyang mabigay na reaksIyon ay panlalaki ng mga mata sa gulat.

"Ehem." Napahiwalay si Mr. Quiano kay Ces na talagang nagbigay ng relief


sa dalaga. Nang tingnan niya ang waiter na nagpapasalamat siya't
dumating, natigilan siya sa lalaking naka-waiter na damit na may
nakalagay na name tag sa damit nito.

Si Melo.

Heres your appetizer. Inilapag ni Melo ang pagkain sa table. Ngumiti


ito kina Ces at Mr. Quiano na masama naman ang tingin dito bago ito
umalis papuntang kusina.

Sinundan lang ng tingin ni Ces si Melo, nagtataka. Nagtatrabaho rito sa


restaurant si Melo? Hindi ba't nasa isang banda ito na sikat sa ibang
bansa? Bakit ito nagtatrabaho? Gumugulo lang ito sa isip niya ngunit
hindi naman niya makakaila na nasa tamang timing si Melo sa pagdating
nito kanina.

Pakiramdam niya ay nailigtas siya sa kung ano mang puwedeng mangyari.

Napatingin naman siya sa pagkain na nasa harapan niya. Hindi ito alam ni
Ces dahil ngayon lang siya makakakain ng ganitong klaseng pagkainparang
chicken na may cheese na hindi rin niya ma-getspero masarap. . . ngunit
kakaunti lang ang serving.

Alam mo bang paboritong kainan namin ito ng girlfriend ko?

Napaangat ng ulo si Ces sa biglang pagsasalita ng kanyang propesor.


Natahimik lang ang dalaga dahil sa nakikita niyang expression ni Mr.
Quiano: parang nasasaktan, parang may pinagdadaanan.

Pero ngayon, ako na lang ang pumupunta rito. . . nakita ni Ces ang
pagyuko ni Mr. Quiano, dahil nakalimot na siya.

May amnesia po siya?

Napatingin si Mr. Quiano kay Ces at natawa nang kaunti sa sinabi ng


dalaga. I love your humor, Miss Flores.

Nagtaka si Ces. Hindi naman siya nagpapatawa at nagtatanong siya nang


maayos ngunit natawa si Mr. Quiano. Tiningnan siya ng propesor sa mga
mata at ngumiti ito, isang ngiting malungkot. Kinalimutan na niya ako. .
. dahil may iba na siya.

That. . . that was the key sentence para mawala ang kaba ni Ces para sa
kanyang propesor. Parehas sila. . . parehas sila ng pinagdadaanan ni Mr.
Quiano. Kahit pa mukhang nakakatakot ito ay kitang-kita ni Ces na
nasasaktan ito, na hanggang ngayon ay mukhang kumakapit pa rin ang
propesor niya sa girlfriend nito.

Sir

Ngumiti muli si Mr. Quiano at tumingin kay Ces, isang ngiti na walang
malisya at walang lungkot. Call me Migz. Masyadong pormal kapag sir,
natatawang sabi ni Mr. Quiano o Migz.

Ngumiti lang si Ces. . . All of a sudden, nakaramdam na naman siya ng


awkwardness sa pagitan nila ng propesor. Gusto man niyang umalis, tumakas
sa mangyayari, ay wala na siyang magagawa dahil nagulat na lamang siya
nang hawakan ni Migz ang kanyang kamay na hawak-hawak ang kutsara niya.

Pauline... Palalim nang palalim ang hininga ng dalaga. . . Kahit gusto


niyang bawiin ang kanyang kamay ay hindi niya magawa. Ang bilis na naman
ng tibok ng puso niya lalo na nang iangat ng propesor niya ang kanyang
kamay at halikan ito.

I like you. I really like you.

~ ~ ~

Author's Note:Dedicated kay Zee dahil ankyot ng comment niya last


chapter. (Baka nakalimutan mo na ung comment mo kasi antagal na ng last
chapter hahahaha) pero ayun salamaaat salamaat~ kinilig ako dun sa mga
sinabi mo na,
"cliche ba kamo 'tong isoryang 'to? well, peyborit ko mga ganto!! yung
tipong nanghuhula ka sa mangyayari sa susunod na chap kasi nga cliche
diba? so alam mo na yung susunod. Pero ito talaga, wala pa kong tinamang
hula. Parang every chap ata ako naghuhula sa mangyayari after, but....
wala eh. Ito ang cliche na hindi cliche (hanudaw??) basta. Loves ko 'tong
story na 'to. Gusto ko yung protagonist na nahihirapan at nasasaktan sa
story para naman hindi na lang palagi kilig at happy moments. That's
life. Hindi lahat pasarap. Kailangan mo ring maghirap (o, nag rhyme :P)
HAHAHAH XD ayoko na. Kung anu-ano nang sinasabi ko =3="

=================
25 // Not So Hidden Desire
"Haven't I taught you anything? What have I always told you? Never trust
anything that can think for itself if you can't see where it keeps its
brain?--J.K. Rowling

~ ~ ~

Hindi pa rin mapakali si Ces sa sinabi ng kanyang propesor. Sa totoo


lang, natatakot siyang pumasok sa computer class nila dahil hindi niya
alam kung paano titingnan ang propesor niya. . . Natatakot siya dahil
tinakasan niya ang propesor niyangunit hindi naman siya puwedeng umabsent dahil examination week na nila.

Nakayuko siyang pumasok ng computer lab at nag-init bigla ang kanyang


pakiramdam nang maramdaman niyang may humawak ng balikat niya. Pagtingin
niya sa humawak sa kanya, napangiwi siya nang makitang nakangiti sa kanya
si Mr. Quiano.

Good morning, Ms. Flores, bati nito sa kanya.

Bumilis ang pagtakbo ng mga kabayo sa kanyang puso. Good morning din
po, sir, mahinang bati niya at agad na umupo sa kanyang puwesto.

Hindi naman masamang tingnan si Mr. Quianomukhang matinong tao, mukhang


programmer. Nasa edad na 28 at mas matanda nang halos walong taon kay
Cesngunit may something sa mga tingin ni Mr. Quiano kay Ces noong
umpisa, may something sa mga ngiti.

Kaya pala. . . May gusto pala ang propesor sa kanya.

* * *
Sir, wag naman po kayong magbiro ng ganyan, naiilang na sabi ni Ces
nang bawiin niya ang kanyang kamay na hinalikan ni Mr. Quiano.

Hindi inaakala ni Ces ang lahat. May respeto siya sa kanyang propesor
pero alam niyang hindi ito tama. Estudyante siya: hindi siya puwedeng
gustuhin ng isang propesor nila.

Ah, silly meof course, I don't like you.

Napahinga nang maluwag si Ces nang sabihin 'yun ni Mr. Quiano ngunit
nagulat siya nang haplusin ng propesor ang kanyang mukha. I love you.

Aaaahhhh~ Yung MyuSick!

Napatingin ang lahat ng tao sa loob ng restaurant sa may entrance nang


may mapansin silang nagtatakbuhang grupo ng lalaki at ilang guards na
parang binibigyang daan ang mga tumatakbo. May mga babae rin sa labas ng
restaurant na tumitili at nagsisigaw.

Ano 'yun? tanong ni Mr. Quiano kay Ces ngunit nang tumingin siya sa
harap niya ay wala na si Ces. Nakitakbo na rin yata palabas. Napakunot
ang noo ng propesor at tahimik na kinain ang in-order na pagkain.

* * *

Hindi naman siya tinanong ni Mr. Quiano buong examination tungkol sa pagalis niya sa restaurant. Sa totoo lang, parang hindi dinamdam ng propesor
ang pag-alis ni Ces. Nakahinga nang maluwag si Ces dahil doon.

* * *

Bakit mo naisipang isakripisyo ang sarili mo?

Ito ang pambungad na tanong ni Ash nang makauwi si Ces mula sa school.
Napatingin naman si Ces kay Ash, nagtataka.

Ano?

Sinaktan ka ni Lyle. Napangiwi si Ces nang banggitin ni Ash ang


pangalan ng lalaking 'yun.

Pakiramdam niya ay na-allergic siya sa pangalan ng lalaking dating


minimithi niya. Mabuti na nga lang at hindi niya nakikita sa school ang
binatanagsasaya yatang kasama ang Erich na iyon.

Pero bakit hindi siya ang hinayaan mong mamatay na lang?

Nagkatinginan sina Ash at Ces. Umupo si Ces sa maliit na sofa sa kanyang


kuwarto at napangiti nang maupo rin si Ash doonnang nakalutang.

Alam mo bang puwede mong kunin ulit 'yung kaluluwa mo? Alam mo bang
puwede mo siyang hayaang mamatay dahil nakatadhana na siyang mamatay dati
p Napatigil si Ash sa pagsasalita nang biglang magtanong si Ces.

Anong pakiramdam ng maging kamatayan?

Napakunot ang noo ni Ash, nagtataka kung bakit iniba ni Ces ang topic.
Ha? Bakit?

Noong una ba, kamatayan talaga kayo? Tao ba kayo dati? Paano ka naging
kamatayan? Pinanganak ka nang ganyan?

H-hindi ko a

May positive emotion ba kayong nararamdaman o puro galit lang ang


nararamdaman ninyo?

Anon

Matagal na tayong magkasama pero, sino ka ba talaga, Ash?

Inilayo ni Ash ang kanyang tingin sa dalaga. Agad siyang tumayo at


lumutang palayo sa kinauupuan ni Ces. Parang sa mga tanong ni Ces ay napressure siya sa kanyang mga isasagot; parang naramdaman niya ang
naramdaman ni Boss noong nakipag-deal si Ces kay Boss.

A-ako ay isang kamatayan, marahan na sabi ni Ash. H-hindi ako


nakakaramdam. . .ng kahit anong emosyon.

Per Magsasalita pa sana si Ces nang biglang naglaho na lamang si Ash.


Walang babala. Walang sabi-sabi. Napansandal si Ces sa sandal ng
sofa...sa kisame ng kanyang kuwarto Iniwan niya ako. . .

* * *

Ang landi talaga. Matapos akitin si Lyle, prof. naman ngayon.

Akala mo maganda.

Kadiri.

Nanlalaki ang mga mata ni Ces nang marinig niya ang mga
tao habang naglalakad siya. Hindi naman niya papansinin
hindi lang sa kanya nakatingin ang mga tao. . . at kung
pangalan niya ang binabanggit ng mga iyon. . . pati ang
Quiano.

bulungan ng mga
ang mga iyon kung
hindi lang
pangalan ni Mr.

Nanatili siyang nanahimik kahit lumipas na ang ilang araw. Ano nga ba ang
dapat niyang sabihin? Na hindi totoo ang lahat? Paniniwalaan ba siya ng
mga taong mapanghusga? It was like high school all over again. Napakaimmature ng mga tao sa kanyang school.

It was senseless to prove herself to people.

Walang maniniwala.

Hindi naman nawala ang nakayukong paglalakad ni Ces para lang makapunta
sa klase niya, pilit na iniiwasan ang mga mata ng mga taong kung tingnan
siya ay para bang siya na ang pinakamakasalanan sa lahat, iniisip kung
ano bang nagawa niyang pagkakamali. . . problem after problem; hindi
siya nauubusan. Totoo bang hindi pa niya oras? Kung ganoon man, bakit
habang nabubuhay siya, pinupuno siya ng mga tinging kaunti na lang ay
ikakamatay na niya?

Bakit sa tuwing ganito ang nangyayari sa kanya, nawawala si Ash? Bakit


siya ang may ganitong klaseng pinagdadaanan? Bakit ba nadikit lang siya

sa dati niyang prinsipe ay hindi na siya tinigilan ng mga tao? Bakit sa


tuwing akala niyang okay na siya, hindi pa pala? Bakit. . . bakit. .
.bakit. . .Ang dami niyang tanong ngunit kahit isa man lang ay walang
sagot.

Isang Biyernes, diretso lang siya sa paglalakad sa hallway. Papalapit


siya sa kanyang locker nang may nakita siyang lalaking naka-hoodie na
kulay itim. Agad siyang kinabahan dahil may kung anong ginagawa ang
lalaking iyon sa may locker niya.

Agad tumakbo si Ces para lumapit. Sino ka?

Umakmang tatakbo ang lalaki ngunit nahawakan ni Ces ang hood nito kaya'y
nakita ang ulo ng lalaki. Hindi ito lumingon ngunit nakita ni Ces ang
halos right side ng lalaki bago ito tumakbo nANg mabilis para mabitawan
ang kapit ng dalaga sa hood.

Napatingin lang siya sa lalaking tumatakbo palayo na nabubunggo na ang


mga taong nakakasalubong. Isa lang ang naaalala niya: ang tainga ng
lalaking iyon na may itim na crossisang pamilyar na hikaw.

Pagtingin niya sa pintuan ng locker niya ay may nakalawit na papel sa may


maliit na butas ng pintuan. Kinuha niya agad 'yun at hindi siya
nagkakamaligaling iyon sa secret admirer daw niya.

Hindi nila alam kung anong napagdadaanan mo kaya wala silang karapatan
tanggalin ang ngiti mo sa mga labi. Huwag kang yumuko; ipakita mo sa
kanilang hindi ka naapektuhan.

Gustong-gusto ko makita ang mga ngiti mo.

Agad namang napangiti si Ces sa nabasa. Napatingin naman siya sa dinaanan


ng lalaking nasa kinatatayuan niya kanina. . .

Siya kaya 'yun?

* * *

Oy, napalingon si Ces nang tawagin siya ng kaklase niya sa Chemistry


subject niya. May ibinigay itong papel sa kanya. Pinapatawag ka ni sir.

Sir?

Umirap ang babaeng tinawag siya at napangisi. Sino pa ba? E di 'yung


nilalandi mo, saka ito bumalik sa puwesto na kakagaling lang sa labas ng
room.

Napabuntong-hininga na lamang si Ces. . .Shes tired of everything at


kahit gustuhin man niyang mawala na lang, laging may pipigillaging hindi
natutuloy.

Hindi tuloy niya alam kung malas ba siya o suwerte.

Tiningnan naman niya ang papel na ibinigay sa kanyanakasaad doon ang


lugar kung saan niya kikitain ang propesor. Deans office? Napapikit
siya. Ano na naman ba ang nangyayari?

Kinakabahang pumasok ng Deans office si Ces nang marinig niya ang boses
ni Mr. Quiano sa loob na ipinapapasok siya matapos niyang kumatok.
Pagkabukas niya, wala naman ang Dean at tanging si Mr. Quiano lang ang
nandoon sa lobby ng officena lalong nagpakaba kay Ces.

Sir, pinapatawag niyo raw po ako?

Ngumiti si Mr. Quiano at tumayo para paupuin si Ces sa kaninang inupuan


nito. Dito ka muna. Hintayin daw natin si Dean.

Tumango naman si Ces at kahit umiwas man siya sa propesor ay para bang
sinasadya nito na magkadikit ang mga braso nila.

Hindi mapanatag ang loob ni Ces ngayong nasa iisang maliit na lugar sila
ni Mr. Quiano kahit pa nasa file room, isang maliit na kuwarto na meydo
malayo sa lobby, ang propesor. Tahimik lang si Cesnanlalamig dahil na
rin sa dala ng air-con sa loob, naghihintay sa kung ano ang dapat nilang
pag-usapan ng Dean na kasama pa si Mr. Quiano.

Dahil ba ito sa tsismis? Nakaabot na ba ito sa mga nakatataas?

Ilang minuto na ang nakakaraan, wala pa rin si Miss Carasnasa loob pa


rin ng file room si Mr. Quiano at walang pumapasok na kahit na sino
kaya't nag-iisa lang si Ces sa parang lobby ng office.

Miss Flores. Napalingon nang marahas si Ces nang maramdaman niyang may
humawak sa balikat niya. Nagulat naman si Mr. Quiano sa reaksiyon ni Ces
at napangiti ngunit may lungkot sa mga mata. Pasensiya na. . . Naging
mailap ka sa akin pagkatapos ng pangyayari sa

Ngumiti si Ces, kahit kinakabahan. H-hindi po, sir. Nagulat lang po


ako.

Pasensiya na. . .

Po?

A, wala. . . Puwede mo ba akong tulungan? Hindi ko kasi mahanap 'yung


file doon sa loobang dami kasi, e.

Sinundan ni Ces si Mr. Quiano papasok sa loob ng maliit na kuwarto na


lagayan ng files ng mga estudyante. Ang daming folders, mga papel, mga
envelope at mga drawers. May mga listahan din doon ng mga Deans lister
at ng mga on probation.

Ano po bang hahanapin natin, sir?

Paglingon ni Ces sa propesor, nakangiti lang si Mr. Quiano sa kanya.


Tititg na titig. Ang ganda mo, Miss Flores.

Napangiwi siya sa sinabi ng propesor at napansin ang pagtingin sa kanya


mula ulo hanggang paa ng propesor. Pakiramdam niya ay nahuhubaran siya sa
mga titig nito. Nakakatakot.

A-ano, sir, 'yung file. . . Naninigas na si Ces sa kanyang


kinatatayuan nang lumapit sa kanya si Mr. Quiano at hinaplos ang buhok
niya. Gusto man niyang lumayo, pader na ang nasa likuran niya. Wala na
siyang mapuntahanUhm, sir Itinulak anng kaunti ni Ces si Mr. Quiano
ngunit nagulat siya nang idiin ng propesor ang katawan nito sa kanya.

Akin ka na lang, Miss Flores.

S-sihmm! Nagulat siya sa biglang paghalik sa kanya ng propesor sa


mga labi. Agad niyang itinulak ang propesor kaya nakaalis siya sa mga
bisig nito ngunit nang buksan na niya ang pintuan para makalabas sa file
room ay agad siyang hinawakan ni Mr. Quiano sa binti kaya napahiga siya
sa lapag.

Aah!

Malakas ang pagkakabagsak ni Ces sa lapag. Pilit niyang inilalayo ang


sarili sa propesor ngunit pinigilan siya nito bago pa niya mahawakan ang
pintuan para mabuksan nang tuluyan. Pumatong si Mr. Quiano sa katawan ni
Ces at hinalikan nang marahas ang dalaga.

T-ta-hmm! Tuluyan nang umiyak si Cespumasok na naman sa isip niya ang


nangyari sa kanya noongusto rin siyang lapastanganin ng mga lalaking
iyon. Nanghihina na ang kanyang katawan at hindi niya maialis ang kapit
sa kanya ng propesor.

Sobrang sakit din ng katawan niya dahil sa sobrang lakas ng pagbagsak.

Matagal na akong nagtitimpi sa'yo. Nakita ni Ces ang malademonyong


ngiti ng propesor. Tangina kasi ang pakipot mo pa!

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang halikan siya muli ng propesor habang
hawak-hawak nito ang mga kamay niya. Kahit ang mga paa niya ay nakaipit
sa mga paa ng propesor. Napatingin siya sa may lobby gamit ang maliit na
puwang ng pintuan ng file room gawa ng pagbukas niya na naudlot kanina.
Walang taosadya ba ito ng propesor?

Ang tanga ko, ang tanga-tanga ko! paulit-ulit na sinasabi ni Ces sa


sarili.

Tulong. . .

She was so helplesstulong? Kanino siya hihingi ng tulong?! Wala na ang


dating prinsipe niyawala nang sasagip sa kanya. Medyo malayo ang file
room sa mismong lobby ng office, mga sampung kilometro pa ang layo. Hindi
siya makasigaw at kung sumigaw man siya, sinong makakarinig?!

Tulong. . .

Hindi na rin alam ni Ces ang mga kabalastugang pinaggagagawa ng propesor


nang mapatigil ito dahil sa biglang may kumatok sa pintuan ng office.
Agad na napatingin si Ces sa pintuang 'yun gamit ang maliit na puwang ng
pintuan ng file room.

Tinakpan ni Mr. Quiano ang bibig ni Ces at mahinang binantaan ang dalaga.
Huwag kang gagawa ng ingay kung ayaw mong maging malamig na bangkay.

Tahimik lang sila. Pinapakiramdaman ni Mr. Quiano kung kakatok pa ba ang


taong nasa labas ng office.

Miss Caras? Muli, kumatok ang taong nasa kabila.

Napapikit si Ces, nagdadasal, humihiling, nagsusumamo. Buksan mo 'yung


pinto, please! pagmamakaawa ni Ces sa isip.

Titig na titig lang siya sa pintuan ng office nang makita niyang pumihit
ang doorknob at bumukas ang pintuan. Pilit niyang gumagawa ng ingay
ngunit pinipigilan siya ng propesor.

Miss Caras? Pumasok sa loob ng lobby ng office ang isang lalaking


pamilyar kay Cessi Lyric. Tumingin-tingin si Lyric sa loob ng lobby,
inaalam kung nandoon ba si Miss Caras. Ay, wala si Miss? Nakita ni Ces
ang pagkakamot nito ng batok.

Tumingin ka sa akin, please. . . tumingin ka.

Tulo nang tulo ang mga luha ni Ces, pilit na gumagawa ng ingay hanggang
sa nasipa niya ang isang drawer na siyang dahilan para makagawa ng tunog.

May tao ba d'yan? agad na reaksIyon ni Lyric.

Tinitigan ni Mr. Quiano si Ces, nanlalaki ang mga mata sa inis. A, oo,
nag-aayos kasi ako ng files dito! Wala si Miss Caras kaya mamaya ka na
lang bumalik, pasigaw na sabi ng propesor habang nakatitig kay Ces nang
masama.

A, okay po? nakakunot-noong sabi ni Lyric. Iwan ko na lang po yung


folder dito sa lamesa?

Oo, sige. Busy ako kaya umalis ka na, naiiritang sigaw ni Mr. Quiano.

Lalong kumunot ang noo ni Lyric at bumulong, Sungit.

Inilagay ni Lyric ang folder sa may lamesa at paalis na nang. . .

Tumingin ka!

Napatingin ang binata sa may puwang ng pintuan ng file room. Hindi nito
nakikita ang lahat dahil maliit lang ang puwang ng bukas na pintuan.
Napatitig at napatigil naman ito nang makita ang mga mata ni Ces na
nakatingin sa kanya. Napakunot ang noo ng binata, nagtataka. .
.inaanalisa ang nakikitang mga mata sa file room na para bang nakahigang
babae.

Tulungan mo ako . . . pagsusumamo ni Ces sa isip.

Nakita ng dalaga ang panlalaki ng mga mata ni Lyric nang nakatingin sa


kanya. Tulo naman nang tulo ang mga luha ni Ces.Tulungan mo ako.

Nakakita na nang liwanag si Ces. . . Sa wakas, matutulungan din siy

Teka. . .teka. .

Ano itong..?!

Hinawakan ni Lyric ang doorknob ng pintuan palabas ng office. Pinihit


nito ang pintuan at binuksan.

A, sir, nakatingin pa rin si Lyric sa mga mata ni Ces, alis na po


ako. . .

Teka! Huwag kang umalis!

Have fun po sa pag-aayos ng files. . . saka lumabas ang binata sa


office.

Pagkasara na pagkasara ni Lyric ng pintuan ng office, umalingawngaw na


naman ang katahimikan. . . Tanging ang ingay na lamang ng air-con ang
maririnig at ilang mga malalabong ingay galing sa labas ng office.

Nagkatitigan sina Ces at ang propesor na nasa ibabaw niya. Ngumiti naman
nang nakakaloko si Mr. Quiano at binalot ng takot ang dalaga. Paano ba
yan, Miss Flores? Have fun daw.

~ ~ ~
Author's Note:Dedicated kay JannaChinita dahil sa comment niyang
nakakakilig last chapter. Eto 'yung exerpt, "ang ganda talaga nitong
story na to e. Talagang realistic. Ito ata yung fantasy story na
realistic. . . . Nabulag lang siguro talaga tayo ng ibang storya kung san
may bad boy na magbabago dahil kay girl. Pero hindi e, itong storya na to
pinapakita yung totoo, hindi yung nagpapakilig lang for the sake of the
readers' good comments. This is reality, friends. Wala nga lang si Boss
at Ash sa tabi natin." Yieeee hahaha siguro iibahin ko na genre nito,
hindi na kasi ata to romance eh. Gawin kong mystery! Hahahahaa chos thank
you rito Janna! Salamat sa pagbabasa :D
PS: Hindi ito edited at marami akong makakaligtaang details (ex:
birthdays, celebrations etc) dahil hindi yun importante sa story pero. .
I know, mali ako roon pero bear with me. Gusto ko na rin matapos itong
story tapos eedit ko na lang! Hahahaha! :))
PPS: Salamat sa makakapagtyaga sa akin :D
PPPS: Happy 100k reads sa atin TTLS! Yay!!

=================
26 // MyuSick and Lily
"Each day is a new beginning. You can start fresh, anticipating what
today will bring. Or you can just settle for yesterday's doubts, fears,
or worries. Which road will you take? Do you take the path to the clear
present or the the shadows of the past?" Eve Evangelista

~ ~ ~

Hinalikan muli ni Mr. Quiano si Ces at pinuntirya ang leeg ng dalaga.


Sisirain na sana nito ang damit ng dalaga nang may marinig silang kumatok
at bumukas na pintuan.

SINO YAN!? pasigaw na tanong ni Mr. Quiano habang nakatitig kay Ces.
Tulo nang tulo ang luha sa mga mata ni Ces.

Uhsir, nanlaki ang mga mata ni Ces, boses iyon ni Note. May ipapasa
lang po akong papel kay M

Nakita ni Ces ang naaasar na mukha ni Mr. Quiano. Napangiwi siya sa


mahigpit na paghawak nito sa kanya, pakibilisan ah, busy ako!

O. . kay?

Nakarinig si Ces ng pagsasara ng pintuan ngunit wala pang ilang segundo,


nagbukas muli ito.

Ahhmm! tinakpan ni Mr. Quiano ang bibig ng dalaga gamit ang kanang
kamay.

Ano na naman ba?!

Hindi na masyadong nakinig si Cesbasta ang alam niya ay nasasaktan siya


sa pinag gagawa ng propesor. Sa pag untog sa kanya at nararamdaman na rin
niya ang sobrang sakit ng katawan niya.

Ah sir, kasi

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang may makita siyang sapatos na naglakad sa
likuran ng pintuan ng file room. Iniangat niya ang kanyang mga mata at
nakita ang pamilyar na mukha ni Note. Nakatingin ang binata sa kanya,
nakakunot ang noo at tila ba gustong tignan si Mr. Quiano ngunit
natatakpan ng pintuan.

Ililigtas niya ako?

Sir, nasaan po kayo? Pwede ba kay nagtaka naman si Ces dahil naririnig
din niya ang boses ni Melo na nasa may lobby.

Nandito silang dalawa?

Tumayo si Mr. Quiano sa sobrang inis. Tinignan niya si Ces nang masama,
D'yan ka lang, bulong nito. Putangina ka kapag umalis ka d'yan.

Inilayo ni Ces ang kanyang paningin sa propesor at ibinalik kay Note na


nag aabang sa likuran ng pintuan. Tumayo si Mr. Quiano at bago pa siya
makalapit sa pintuan, bigla na lang nagbukas ang pintuan ng file room.

Uy teka! sigaw ni Note.

Hayop ka!

Muntikan nang sumubsob si Note dahil hindi niya inaasahan na biglang


itutulak pabukas ng kasama niya ang pintuan. Agad naman tumama ang kamao
ni Lyric sa sobrang tigas na pagmumukha ng propesor.

Mandiri ka sa sarili mo!

Nanlaki ang mata ni Cesnakatingin siya sa propesor na tumama ang ulo sa


cabinet at napahiga sa sahig. Tumingin si Ces kay Lyric, kitang kita ang
pagkaasar nito sa mukha. Nakakunot ang noo ngunit natigilan siya sa
kanyang nakita. . .

Isang cross na hikaw, kulay itim.

Agad na kinabahan si Ces. Hindi na niya napansin ang mga pagsuntok muli
ni Lyric sa propesor nang tulungan siya ni Note patayo, tara na!
tinanggal ni Note ang itim niyang jacket at pinatong sa harapan ni Ces
upang takpan ang malapit na maexpose na katawan dahil sa kaunting sira ng
shirt niya.

Nakita niya sa lobby ng office si Melo na nakangiti sa kanya at naglakad


papunta sa may file room. Sumisigaw ng parang, Go Lyric, go!

Paglabas nila, nakita niya si Pitch na nakatingin sa kanila kasama ang


ilang guards. Hands on his pocket, sobrang cool lang ng itsura.

Doon po siya sa loob, turo ni Note. Tumango ang mga guwardyang kasama
ni Pitch at patakbong pumasok sa loob ng office.

Nakarinig sila ng sigaw at isang tawa ng lalaki, oy, tama na papangit na


mukha ni Sir! tawa ni Melo. May kung anu-ano pang nangyari ngunit
natulala lang si Ces, tumutulo ang mga luha.

S-Salamat, mahinang sabi ni Ces at ibinalik ang jacket kay Pitch.


Tinakpan niya ang kanyang haraphindi naman ito masyadong sira pero
malapit na. S-Salamat.

Nakatingin lang si Pitch kay Ces ngunit napakunot si Note nang maglakad
palayo si Ces sa kanila, uy teka

Hindi pinansin ni Ces ang pagpigil sa kanya ni Note at tuloy lang sa


paglalakad. Hahabulin pa sana siya ng binata ngunit pinigilan ni Pitch
ang kasamahan. Hayaan mo muna siya.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay agad na pinatalsik si Mr. Quiano sa


paaralan. Hindi na rin nagulat si Ces sa mga chismis na kumalatkahit
saang anggulo naman kasi tignan, para sa iba, siya ang masama.

Malandi kasi, kaya ganyan.

Nako if I know, ginusto rin niya 'yan.

Pati ba naman MyuSick, dinadamay niya sa kalandian niya? Mygahd!

Sanay na siya. . . at sobrang nakakabother ang pagkasanay niya dahil wala


na talaga siyang pakielam sa paligid. Para bang namanhid na siya sa mga
pangyayari sa buhay niyaisang parusa.

Isang parusa na ang pagkabuhay niya.

Siguro nga ay nabigyan ng hustisya ang ginawa sa kanya ng propesor ngunit


hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga pinagdaanan.

Si Ash na madalas sumulpot ay hindi na niya muli nakita simula nang


umalis ito sa kwarto niya nung nakaraang linggo. Hindi rin niya makausap
ng matino si Kengkahit si Marky ay hindi macontact dahil nasa bahay daw
ito ng mga magulang ng boyfriend.

Ang tanging nagpapagaan kahit papaano ng buong pangyayari ay ang secret


admirer niya. . . na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung sino.

Sa mga ngiti mo, napapangiti mo na rin ako.

Ang korni man ng huling sulat ng admirer niya ay napangiti naman siya
nito. Kahit paano, pinagaan nito ang mabigat at unti-unting babagsak na
buhay ni Ces.

Pinangakuan naman siya ni Miss Caras na tutulungan siyang muli ibangon


ang sarili at para maging scholar muli. Napag isip isip siyasa ngayon,

parang wala na siyang dahilan para mag aral pa, wala na siyang dahilan
manatili sa paaralang ito.

Dahil ang dahilan niya noon?

Napayuko si Ces nang mahagip ng paningin niya ang lalaking iniiwasan


niya. Tumatawa ang binata kasama ang mga kaibigan nito. Hindi pa rin
maitatanggi ni Ces na si Lyle pa rin ang prinsipe niyaisang walanghiyang
prinsipe na minahal niya.

Agad siyang pumasok sa library upang makatakas sa maaaring pangungutya na


makukuha niya sa grupong iyon. Sigurado naman siyang kapag nakasalubong
niya ang tinuring niyang mga kaibigan noon ay pupunuin lang siya ng mga
bulangmalandi, haliparot, pokpoklahat na.

Napatingin sa kanya ang mga tao nang makapasok siya sa librarymay ilang
nagbulungan ngunit hindi na niya pinansin. Naglakad si Ces papunta sa mga
bookshelves hanggang sa may napansin siyang isang papelisang pamilyar na
papel.

Pink paper.

Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa lalaking may hawak ng


pamilyar na papel. . . si Melo, parang may kung anong sinusulat sa papel
na iyon.

Agad kinabahan si Ces. Hindi niya namalayan na unti-unti na siyang


lumapit kay Melo hanggang sa iniangat ng binata ang ulo nito at tinignan
siya. Hindi pinansin ni Ces ang pagngiti ni Melo, nakatitig lang siya sa
papel.

S-Sayo ba 'yan? pagturo ni Ces sa papel na hawak ng binata.

Ito? iniangat ni Melo ang pink na papel. Oo, bakit?

Para saan 'yan?

Kumunot ang noo ni Melo, love letter. . . ? mahinang sabi nito.

L-Love letter?

Halos sumabog na ang puso ni Ces sa narinig. Napatitig siya kay Melo na
may halong pagtataka sa mukha.

Oo, bakit? Gusto mo ba? ngiting tanong ng binata.

Nanlaki ang mga mata ni Ceshindi na niya matake ang pagwawala ng kanyang
dibdib. Si Melo? Siya? Hindi niya alam kung bakit pero nagmadali siyang
naglakad palabas ng library, sobrang kinakabahan. Narinig niyang tinawag
siya ni Melo ngunit hindi niya ito nilingon.

Gusto niya lumayoteka, imposible. Si Melo? Magugustuhan siya? Hindiat


walang hikaw si Melo na cross. Teka, ang lalaking may cross na hikaw na
itim ay parang si. . . Lyric?

Napasandal si Ces sa pinaka malapit na pader ng kinatatayuan niya. Hindi


pa rin tumitigil ang mabilis na pagtibok ng puso niya. . . parang
nakikipagkarera ito sa kung ano man. Habang pinapakalma ang kanyang puso,
nanlaki ang mga mata niya nang may makita siyang isang pamilyar na
hoodie.

Nakita niya ang isang lalaking may hoodiekaparehas na kaparehas nang


suot ng lalaki noong nakaraan sa may locker niya. Hindi pa sana niya ito
pupuntahan kung hindi lang niya napansin ang pagtingin ng lalaking ito sa
gawi niya. Napansin niyang parang nagulat ang lalaki at dahil malayo,
hindi niya masyadong namukhaan.

T-Teka! tumakbo si Ces papalapit sa lalaking may hoodie ngunit bigla


rin itong tumakbo. Nagulat at nagtaka ang ilang estudyanteng nakapaligid
sa biglang pagtakbo ni Ces na hinahabol ang tumakbo na ring lalaki na may
hoodie.

Nanginginig ang mga tuhod ni Ces ngunit hindi niya iyon iniinda hanggang
sa lumiko ang binata sa isang hallway. Papaliko na rin sana siya nang
bigla niyang mabunggo ang isang lalakisi Pitch.

Nagkatinginan silang dalawa, s-sorry

Tatakbo na sana muli si Ces nang hawakan siya ni Pitch sa braso.


Napatingin siyang muli sa binata kahit naiilang siya sa mga tingin nitong
seryoso. Gamit ang malalim na boses ng binata, nagsalita ito, wala bang
kaunting salamat sa pagligtas namin sa'yo?

A magsasalita pa lamang si Ces nang bitawan siya ni Pitch at naglakad


ito para lagpasan siya. Nagtaka si Ces. . . bakit biglang nagkaganoon si
Pitch? Napasandal muli si Ces sa pader. . . anong, anong nangyari?

Lumingin naman si Ces sa side ng hallway na tinakbuhan ng lalaking


nakahood. Wala na ang lalaking iyon ngunit may napansin siyang isang pink
na papel sa lapag. Agad siyang lumapit doon at kinuha. Nanginginig ang
mga binti, binasa niya ang nakasulat dito.

Hinahanap hanap ko ang boses mo, ang pagkanta mo, ang bawat emosyon na
binibigay mo isang kanta. Hanggang ngayon kahit matagal na ang nakalipas,
hinihintay ko ang pagbabalik mo rito.

Sana sa susunod, marinig ko muli ang boses mo. Isang boses na puno ng
emosyon. Sobrang sarap pakinggan.

Maghihintay ako.

Hi Ces, napaangat ang paningin ni Ces sa lalaking bumati sa kanya.


Pamilyar itong lalaki ngunit hindi niya kilala, hindi mo na ba ako
kilala? Patrickako 'yun

Ah sorry, masakit ulo ko, naglakad pabalik sa pinanggalingang lugar si


Ces ngunit nagulat siya sa biglang pagsigaw ng lalaking iyon.

Hihintayin kita!

Hihintayin niya. . . ako? At muli, napatingin siya sa sulat sa pink


letter. Maghihintay ako.

* * *

Ces! Masaya akong nagbabalik ka!

Ito ang bungad na sigaw nang pumunta siya sa bar kung saan siya madalas
mag gig datinung hindi pa siya nasasaktan ng sobra. Ilang linggo na rin
kasi siyang hindi bumabalik dito. Hindi niya alam ngunit ang secret
admirer na iyon ang tumulak sa kanya upang bumalik.

Hi ate, ngiting bati ni Ces.

Niyakap siya ng manager ng bar. Tuwang tuwa sa pagbabalik niya. Kahit


hindi scheduled ay agad siyang isinabak sa pagkanta dahil namiss daw si
Ces ng mga tambay sa bar.

Nakaramdam lalo ng pagkagaan ng loob si Ces nang umakyat siya sa stage at


nagpalakpakan ang mga tao. May ilang pamilyar na mukha siyang nakita na
ngiting ngiti sa kanya. Mga masasayang mukha na hinihintay ang pagbabalik
niya.

Napangiti siya. . . may mga tao pa rin pa lang gusto siya.

The music started and she did her magic.

I'm standing on a bridgeI'm waitin' in the darkI thought that you'd


be here by now

Rinig na rinig niya ang agad na pagpapalakpakan ng mga tao. Everybodys


eager to hear her voice again, her magical yet now broken emotion.

There's nothing but the rainNo footsteps on the groundI'm listening


but there's no sound

Napansin ni Ces ang ilang mga tao na nakikisabay sa kanyang pagkanta. May
pagkaluma man ang kanta niya ngayon, pinili niya ito dahil. . .ito ang
pakiramadam niya, ang sa tingin niyang nararamdaman niya.

Isn't anyone tryin' to find me?Won't somebody come take me homeIt's a


damn cold nightTrying to figure out this life

Bakit 'yan 'yung kanta niya?

Parang depress ata siya.

Malakas man ang tugtog ay naririnig niya ang ilang pag uusap ng mga tao.
Pumikit siya, pinakiramdaman ang buong paligid. Imbis na bumigat dahil sa
mga nangyayari sa kanyapakiramdam niya ay unti-unting gumagaan ito sa
bawat taong nakikikanta sa kanya.

Won't you take me by the handTake me somewhere newI don't know who
you areBut I, I'm with you

Ang ganda talaga ng boses mo, napadilat si Ces nang marinig ang
pamilyar na boses na bumulong sa kanya. Paglingon niya sa kanan ay nakita
ni si Ash na nasa tabi niya at nakangiti. Medyo napatigil si Ces ngunit
lumipad si Ash palayo sa kanya, ituloy mo lang.

I'm looking for a placeI'm searching for a Is anybody here I know

Napangiti siya. . . hindi rin niya alam kung bakit pero napangiti siya
habang kumakanta. Ang gaan, sobrang gaan. Lahat ng pinagdaan niya ay para
bang sinasama ng pagkanta niya palabas ng loob niya.

Isn't anyone tryin' to find me?Won't somebody come take me homeIt's a


damn cold nightTrying to figure out this life

Singing right now in front of the people who likes her is like getting
all the weight in her life out.

Ang sarap sa pakiramdam.

Won't you take me by the handTake me somewhere newI don't know who
you areBut I, I'm with you

Then she remembered the letterPatrick, ang secret admirer niya.

Inilibot niya ang kanyang mga mata sa mga taong nanonood sa kanyang
pagkanta. Nakangiti ang mga iyon, nakikisabay sa kanya. Inisa isa niya
ang mga mukha ng lalaki ngunit. . .hindi niya makita.

Oh why is everything so confusingMaybe I'm just out of my mindYea yea


yea

Wala siyang makitang Patrick.

Hindi siya?

Nakaramdam ng kalungkutan si Ceshindi rin niya alam. Magulo. Gusto


niyang makilala ang secret admirer na iyon, gusto niya ito makausap.
Hindi pa rin siya nakakasiguradong si Patrick na nagpakilala sa kanya ang
admirer na iyon. . . hindi niya alam, ang gulo.

It's a damn cold nightTrying to figure out this lifeWon't you take me
by the hand

Inilabot muli ni Ces ang kanyang paningin. Trying to find that certain
guy. Hindi naman niya gusto maging silaalam niya ang limitasyon niya.
Alam niyang hindi iyon pupwede dahil sa deal nila ni boss. Hindi niya
makakalimutan 'yon dahil sa sugat na nakuha niya roon. . . pero gusto
niya ito makilala, marami siyang gustong tanungin.

Take me somewhere newI don't know who you areBut I, I'm with you

Bakit siya? Bakit siya pa na maraming nagagalit sa kanya? Bakit. . .bakit


siya pa ang napili ng secret admirer na 'yun?

Take me by the handTake me somewhere newI don't know who you are

Tumigil ang paningin ni Ces sa isang lalaki sa likuran sa may pintuan


nakahood ito ngunit hindi ito hood ng lalaking nakita niya noon sa may
locker niya. Pamilyar ang lalaking ito. . . hindi niya mawari masyado
kung sino ngunit pamilyar talaga ito.

But I, I'm with youI'm with you

Nang matapos ang kanyang pagkanta, agad siyang bumaba sa stage. Nanlaki
naman ang mga mata niya nang makita niya si Patrick, nakangiti sa kanya.

Hi, agad kinabahan si Ces. Hindi niya alam kung bakit ngunit isa lang
ang nasa isip niya. Siya yung nagbibigay ng pink letters.

It was a finality, it all fits together. Nandito ngayon ang lalaking ito
dahil hinihintay nito ang pagbabalik ni Ces upang kumanta muli.

Ikaw 'yung. . .

Ngumiti lalo si Patrick, that, for Ces, is a yes.

B-Bakit. . .

Okay lang bang let's talk in private? napanganga ng kaunti si Ces,


kinakabahan pa rin. Halos tumalon na nga ang puso niya sa sobrang kaba.
Napatitig lang siya sa lalaki, nakangitimay maamong mukha.

Parang sa lalaking itopakiramdam niya ay sasaya siya ng kaunti.

Nagulat siya nang ipulupot ni Patrick ang braso nito sa katawan niya,
hawak hawak ang bewang niya. Tara? hindi masyadong makakilos si Ces. .
. nag iinit ang parte ng bewang niyang hawak hawak ng binata. She felt. .
.uncomfortable. May mali.

Hinanap ng mga mata ni Ces si Ash ngunit wala na naman ito. Naglakad lang
sila ni Patrick, inilalapit ng binata si Ces sa sarili. Palabas na sana
sila ng bar nang. . .

TUG.

Ahano ba?! natanggal ang hawak ni Patrick sa bewang ni Ces. Naramdaman


naman ni Ces ang basa sa kanyang likuran ngunit nanlaki ang mga mata niya
dahil sa pagbasak ng isang baso sa may ulunan ni Patrick na hawak hawak
na ng binata.

Sabay na napatingin si Ces at Patrick sa likuran only to see the guy with
the hood at ang isang waiter na nakaturo sa nakahood na lalaki.

Ano bang problema mo?! naiiritang tanong ni Patrick. Lumapit ito sa


lalaking nakahood at hinigit ang damit na siyang naging dahilan para
malaglag ang hood sa ulo nito, exposing his face.

S-Si Lyric?

Ako wala, pero ikaw meron. Marahang sabi ni Lyric.

Nagpintig ang tenga ni Patrick, ano?!

Hinawakan ni Lyric ang braso ni Patrick at tinignan sa mata ang lalaki.


Ngumisi siya, magpapanggap ka para maikama ang isang babae? Kawawa ka
naman.

Ano?!

Bingi mo! napasigaw ang ilang babae sa biglang pagtulak ni Lyric kay
Patrick kaya naout of balance ito. Muntikan na itong bumagsak ngunit
napahawak siya sa pader para magain ulit ang balance. Iniayos naman ni
Lyric ang kanyang damit na hinatak ni Patrick.

Hayop ka ah?! Aakma sanang susuntukin ni Patrick si Lyric nang may


humarang ang bouncer ng bar. Kumakawala pa si Patrick ngunit mas malakas
ang bouncer kaya't napalayas ito sa loob.

Natulala naman si Ces sa maliit na pangyayari sa kanyang harap.


Napatingin siya kay Lyric at nagulat siya dahil marahas siyang hinawakan
sa braso ng binata at hinatak papunta sa tahimik na parte ng bar.

Ano sa tingin mo ginagawa mo?! malakas na sigaw ni Lyric kay Ces.


Bakit ba ang dalas mong maniwala sa mga lalaki?! Muntikan ka na naman
dun!

Naninikip ang paghinga ni Ces. . . hindi niya sigurado kung dahil


nagpipigil na siya ng hininga o dahil sa mabilis na bumabagal na tibok ng
puso niya.

Kitang kita niya ang nakakunot na noo ni Lyric habang nakatingin sa kanya
na para bang naiinis. Hindi sila close, ngayon lang ata sila nag kausap
ngunit pinapagalitan siya ng lalaking ito na para bang matagal na silang
magkakilala.

Ganyan ka na ba kadesperada para palitan yang Lyle na 'yan?!

Pak!

Nanlaki ang mga mata ni Lyric na nakahawak sa kanang pisngi na sinampal


ni Ces. Nakita niya ang tumutulong luha ng dalaga sa pisngi nito.

W-Wala kang alam!

Nairita lalo si Lyric sa narinig at ngumisi, bakit ka ba ganyan? Binigay


mo ba lahat sa kanya? Parang pati kaluluwa mo, binigay mo na sa reaksyon
mo!

That statement made Ces cry morenatigilan si Lyric. Nakatitig lang siya
kay Ces sa pagdausdos nito habang umiiyak, naghahabol ng hininga.

Sa pag iyak na 'yun, alam na niya ang sagot.

Kaya ka ba. . . tumalon noon? mahinang tanong ni Lyric habang


nakatingin kay Ces na nakatakip ang mukha gamit ang kamay. Dahil. . .
lahat. . . hindi na maituloy ni Lyric ang nais sabihin o tanungin. Hindi
na siya mapakali dahil sa pag iyak ng babaeng nasa harap niya.

Hindi niya alam kung paano magpatahan ng babaebinalot siya ng konsensya.


Siya ang dahilan kung bakit umiiyak ang babaeng ito ngayon. Ang kapal ng
mukha, ni hindi nga sila malapit sa magkakilala.

T-Tahan na, umupo si Lyric sa tabi ni Ces na nakaupo sa lapag. Hindi


alam ni Lyric ang dapat gawain, yayakapin ba niya ang dalaga? Hindi
pupwede iyon. . .wala siyang nagawa kundi ipatong ang kanyang kamay sa
ulo ng dalaga. He was patting her.

Tahan na. . . please? pagmamakaawa ni Lyric dahil hindi siya sanay na


makakita ng babaeng umiiyak.

Sabi ko na nga ba andito kHALA! Nagpaiyak ka ng babae! napalingon si


Lyric nang marinig ang pamilyar na boses ni Melo na papalapit sa kanya.

Anong nangyari? dumating din si Note at kasunod nito ay si Pitch.

Lalong nakaramdam ng kahihiyan si Lyric at konsensya lalo na nang makita


nito ang tingin ng mga kabanda na nakatingin sa kanya, nanghihingi ng
opinyon.

Si Ces ba 'yan? tanong ni Note kay Lyric na nakaturo kay Ces na


nakaupo't umiiyak, not minding all the people.

Tumango si Lyric.

HALA KA! natatawang sabi ni Note. Gusto man batukan ni Lyric ang
kabanda, hindi niya magawa dahil hindi niya maiwan si Ces. . .pakiramdam
niya ay kasalanan niya ang lahat.

Ano 'tong kaguluhan na 'to?

Napatingin si Lyric sa pinanggalingan ng boses sa likuran ni Pitch.


Nakita niya ang manager nila na nakataas ang kilay. Nakaramdam siya agad
ng takot nang magtapat ang tingin nila sa isa't isa.

Nasaan 'yung babae? tanong ng manager.

Ah eh, ayun oh, pinaiyak ni Lyric, turo ni Melo. Nanlaki ang mga mata
ni Lyric, tinitigan niya si Melo ng masama.

Kumunot ang noo ng babaeng hindi ganoon katanda ngunit nasa edad 29 years
old na. May taas itong halos 57 at kung boots itong 3 inches heels ay
aangat ng 5'10. Mukha itong model ng mga damit sa taas lalo na't
balingkinitan ang katawan nito. Sobrang ganda at bagay na bagay sa maputi
nitong balat ang suot na all black fitted jeans at tank top.

Bakit umiiyak 'yan? mataray na tanong nito.

Nagkibit balikat sila Melo at Notehindi na rin nanghingi ng sagot ang


babae kay Pitch dahil madalas itong walang pakielam sa mundo. Tumingin
muli ang manager kay Lyric.

Kinabahan si Lyric nang maglakad palapit sa kinauupuan niya si manager.


Nagulat siya nang hablutin nito ang balikat niya patayo. Napapikit pa
siya dahil akala niya, susuntukin siya nito ngunit nagulat siya nang
hatakin ng manager si Ces patayonanlaki ang mga mata ni Ces.

Pak!

Manager! sabay sabay na sigaw nila Lyric, Note at Melo na nanlaki ang
mga mata.

Napatigil si Ces at napatingin sa babaeng hawak hawak siya sa braso. Nag


init ang kanyang pisngisobrang lakas ng pagkakasampal sa kanya ng
babaeng nasa harapan niya ngayon.

Hindi ko kailangan ng iyakin sa banda ko, Ikaw si Ces Flores di ba?


Kailangan kita, nakatitig lang si Ces sa babaeng nasa harapan niya.
Napatulala hindi dahil sa gandang taglay nito at pamilyar na mukha ngunit
dahil sa pagsampal nito bigla sa kanya.

Akala ko ba kakausapin ni Manager ng matino? pabulong na tanong ni Note


kay Melo.

Ngumisi si Melo, sira, matino na 'yan para sa kanyaaw! napatingin si


Melo kay Lyric ng masama dahil sa pag siko nito sa tagiliran.

Ako nga pala si Lily Yuzon, manager ng MyuSick.

~ ~ ~
Author's Note:Dedicated to BeaEsquivelAtacador dahil gustong gusto ko
'yung thoughts niya last chapter like:
". . .Ces suffered and is still suffering. Tama! Pahirapan ang mga bida!
Hnd puro sarap at happy ending ang naranasan sa totoong buhay. Ito yng
pinapakita ng story na ito. " Yiee, kinilig naman ako. Thank you thank
yoouu sa mga realization mo hehehe apir!
PS: Pramis, hindi ko sinasadya na sobrang daming pangyayaring masama kay
Ces. Biglaan din kasi 'yung iba, sorry po :(
PS ULIT: Sa mga AFGITMOLFM readers na gusto ipush ang "book version" ng
story, click "External Link" for more info. (para lang po ito sa mga
gusto talaga, kung hindi mo trip, carry lang din. HINDI ko buburahin ang
AFG :) )

=================
27 // For a Real Change

"None of us really changes over time. We only become more fully what we
are." Anne Rice

~ ~ ~

Tatlong araw na ang nakakaraan simula nang makilala ni Ces si Manager


Lily, ang manager ng bandang MyuSick. Hindi pa rin maalis sa isip niya
ang unang beses na nagkita silaang sampal na ibinigay sa kanya ng
Manager at ang pangyayari matapos nun.

Thinking and while looking at Keng na ngayon ay natutulog sa usual spot


nito sa shop, napagtanto ni Ces na Manager Lily is like Keng in
personality. Parehas sila, sobrang familiarrough at the same time
mysterious, medyo mas mysterious nga lang si Keng.
Theyre like twins. . . mas bata lang si Keng ng ilang taon.

At hanggang ngayon. . .kahit tatlong araw na ang nakakalipas, hindi pa


rin makapaniwala si Ces.

Kasali na siya sa MyuSick. Sapilitan.

* * *

Siguro naman pamilyar na sa'yo ang surname ko, taas kilay na tanong ni
Manager Lily kay Ces habang hinihintay na huminahon ang dalaga sa pag
iyak. Kasi kung hindi mo tatanungin, asawa ako ni Lyle.

Agad na napatingin si Ces sa sinabi ng babaeng nasa harapan niya. Hindi


naman sa matanda na ito para kay Lyle, sigurado rin namang ito ang tipo
ni Lyle na mga hot girls pero. . . the fact na asawa siya ni Lyle at
manager siya ng MyuSick? Na kinaiinisan ni Lyle?

So that explains everything?

At kaya rin nakipagbreak sa kanya si Lyle ay dahil may asawa pala talaga
ito? All along, niloko lang siya ng akala niyang prinsipe niya? Or all
along, nakipagbreak si Lyle sa kanya dahil may asawa pala ito? So ano
ito? Ang drama na mahal kita pero hindi pwede kaya makiki

I'm just kidding, nakangising sabi ni Manager Lily. I couldnt marry


him, hes my brother. Lumungkot ang mukha ng Manager. Kahit na mahal ko
siya. . .

Nanlaki ang mga mata ni Ces, nakatitig sa mukha ng babaeng nasa harapan
niya. Hindi makapaniwala sa mga naririnig.

After ilang seconds, lumapad ang ngiti sa labi ni Manager Lily. Look at
your face! I can't believe naniwala ka sa sinabi ko, at tumawa na lang
ito. Me? Will fall for that stupid guy? Mga tanga lang ang naiinlove kay
Lyle. . .

Medyo nasaktan si Ces.

No offense ha, nag peace sign si Manager Lily. Pero totoo, ang tanga
mo para mainlove sa kapatid ko. Papansin lang 'yun, dapat hindi mo na
pinansin.

Tumigil na pag iyak ni Ceshindi niya kasi alam kung matatawa ba siya o
maooffend sa sinasabi ng babaeng nasa harap niya. Although totoo ang
sinabi nito.

Tanga siya. Tanga siya para mahalin ng lubos si Lyle.

Anyway, I'm not here to give you a lecture, lets go somewhere else.

Hinatak siya ni Lily at kasunod na naglalakad sa likuran nila ang banda


ng MyuSick. On their way out sa bar, marami ang nagpapapicture at
lumalapit na mga babae sa banda kaya kinailangan pa na harangan ng mga
bouncer sila Note para makapasok sa kotsea black, heavy tinted Chevrolet
Travers.

Pumasok si Melo sa drivers seat and started the engine habang sa tabi
naman niya ay ang Manager. Sa gitna kung saan siya nakaupo malapit sa
bintana, katabi niya si Note, then si Pitch. . . si Lyric ay nasa pinaka
likuran, agad na humiga at ready na matulog.

Hindi ganito ang itsura ng isang regular na Chevrolet Travers, mukhang


pinasadya pa talaga ito para sa banda.

Tahimik lang silang bumabyahe at tanging naririnig lang ay ang soundtrip


ng kotse. Knock out sila Note at Pitch, medyo humihilik pa ang dalawa.
Paminsan-minsan ay tumatawag si Lily sa cellphone nito at may kung sinusinong kinakausap. Paglingon niya sa likuran, nakahiga si Lyric pero
nakadilat ang matanot sure kung dilat talaga ito matulog or gising
talaga at nakatingin ito sa taas. . . na may malalim na iniisip. Kasama
ni Lyric sa likuran ang ilang gitara at ilang equipment.

Dumating sila sa isang malaking bahay ng mag aalas dose na ng hating


gabi, sabog sila Note at Pitch lalo na si Melo dahil nagdrive ito.
Pagpasok nila sa bahay, agad siyang hinatak ni Manager Lily sa isang
kwarto not minding the band na kanya-kanya ang pag higa sa kung saan
saan. Ni hindi pa niya naappreciate ang laki ng buong sala ng bahay.

Pagpasok sa dulong kwarto ng first floor ay napamangha si Ces sa dami


mga CDs sa loob. Instead of books, library ito ng mga CDs. Nakita din
Ces ang ilang guitars both acoustic and electric, piano, drum set and
violin. Walang pang recording system sa loob pero mukha siyang studio
parang lobby dahil may dalawang black na mini sofa.

ng
ni
a
na

This is my secret haven, maswerte ka at nakapasok ka rito, binuksan ni


Manager Lily ang ilaw dahil medyo dim lights lang ang nakabukas. Lalong
namangha si Ces dahil mas maganda tignan ang mga instrument sa maliwanag
na ilaw.

Mas nakita niya ang kabuuan ng kwarto. May ilang music sheets na
nakakalat, may mic, at maraming posters na nakapaskil. Napangiti si Ces
nang makita niya ang isang poster ng MyuSick. . . parang recent pictures
lang dahil sa mga buhok nito. Sa tabi ng malaking poster ng MyuSick ay
mayroong cabinet na puno ng certicates and trophies, may ilang medals din
at parang contracts na naka frame. Sa ibaba ng poster ay namangha si Ces
sa napaka laking screen na computer, hindi lang isa kundi dalawang
malaking desktop at may isang maliit.

May kung ano pa siyang nakitang mga equipments na hindi siya pamilyar
pero pakiramdam niya ay pang music recording iyon. Nakapaikot ang
mahabang lamesa kaya may ilang papel din ito at napansin niya ang ilang
music magazine na MyuSick ang nasa coveriba't ibang language. May puting
laptop din doon sa may tabi ng desktop at isang itim na squivel chair sa
gitna ng paikot na table. Sa bandang likuran part ng table ay puno ng
equipments ngunit sa may harapan ay puro papel lamang.

This room is like a music room. . .ang astig lalo na sa black and white
color combination ng buong kwarto. Ang linis tignan, ang sarap pagmasdan.

Like what you see? napalingon si Ces at nakita ang Manager sa likuran
niyang nakangisi. Hindi niya napansin na naglalakad na pala siya at
inililibot na ang sarili sa loob ng kwarto. Naglakad si Manager Lily
papunta sa squivel chair sa gitna ng paikot na lamesa at umupo roon.

Upo, utos ni Manager Lily kay Ces. Agad naman napaupo si Ces sa tapat
na upuan ng front part ng lamesa kung saan nakalagay ang mga ilang papel.
Hindi sana niya papansinin ang mga ito kung hindi lang niya nakita niya
pangalan niya.

I, Pauline Flores, will accept the terms and conditions on becoming a


part of Myusick. . .

Napakunot ang noo ni Ces at napatingin kay Manager Lily. Nakangiti itong
nakatingin sa kanya.

You sign this contract and well take you home, marahan na sabi ng
babae.

Ano po ito? Bakit po

Look, iniayos ni Manager Lily ang mga papeles na dapat pirmahan ni Ces.
Kinuha niya ang ballpen na nasa tabi at inilagay sa taas ng mga papel. I
need your voice para payagan kami magrecord ng bagong kanta sa Europe.
MyuSick needs you.

Pero

Nakita ni Ces ang pag irap ni Lily bago ito may kinuha sa maliit na
compartment ng table. Tablet pala ito, may kung ano itong pinindot at
pinakita kay Ces ang isang video. . . of her singing.

Bleeding love.

Paano niyo po

Hindi mo ba napapansin na laging nasa bar kung saan ka kumakanta sila


Note at Lyric? They were the one who captured this video, tuloy lang ang
pagplay ng video. Its very uneasy for Ces to watch herself singing. .
.lalo na't para ito kay Lyle. Dapat kakausapin ka na raw nila noon pero
may nangyari ata sa'yo, Lyric didn't want to tell me. Sikreto mo raw
'yun. . .

Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Ces when that memory flashed back
again. Ito 'yung time na. . . gusto na niya tapusin ang lahat. When Lyric
showed and. . .helped her.

Lyric told me not to bother you that time so. . . ngayon, this is the
right time.

B-Bakit po ako?

Bumuntong hininga si Manager Lily, kung sa ibang babae lang ito baka
pumirma na sila at nakaalis na. Bakit ang dami mong tanong?

Natahimik si Ces.

Hindi ako ang pumili sa'yo. Ang pumili sa'yo ay ang mga ugok kong alaga
na nasa likuran ng pintuan, napatingin silang dalawa sa may pintuan at
doon lang narinig ni Ces ang ilang bulungan na hindi niya maintindihan.
Pumasok na kayo, utos ng babae.

May ilang kalabog pang narinig si Ces at nabigla sa pagbukas ng pintuan


at pagbagsak nila Note at Melody sa lapag. Presko namang pumasok si Pitch
sa loob, hands on his pocket at umupo sa sofa.

Putek Note, ang bigat mo!

Ikaw kasi binuksan mo agad!

Nag away pa sila Melo at Note habang nakadagan si Note kay Melo.
Nagbabangayan lang sila.

Si Lyric? Tanong ni Manager Lilysi Pitch naman ang sumagot dahil siya
lang naman ata ang matino roon.

Nasa kwarto niya sa taas, huwag daw istorbohin.

Agad na tumayo si Lily, hindi mawari ni Ces kung badtrip ba to or what.


Hoy tumayo kayo d'yan, harang sa daanan. Pagpuna ni Manager Lily sa
dalawang nag aaway pa rin sa carpeted na sahig ng kwarto saka ito
lumabas.

Tumayo naman na si Melo at Note at lumapit kay Ces.

Pinirmahan mo na? Eager na tanong ni Note.

Tumingin naman si Melo sa kontrata, bakit hindi mo pa pinipirmahan?may


lungkot sa mukha nito, nakasimangot pa.

Nakaramdam ng pressure si Ces sa tanong ng dalawa at bago pa siya


makasagot, nagulat siya nang biglang hablutin ni Pitch ang kwelyo ng
dalawang makulit na nasa harapan niya. Its kind of weird dahil mas
matangkad ng kaunti si Note kay Pitch and yet mas mature si Pitch sa
dalawa.

Uy ano ba 'yung damit ko!

Pitch! Get your filthy hands off me!

Natigilan sila Pitch at si Note sa sinabi ni Melo.

Wow, lakas naman nun, pang aasar ni Note sa kaibigan.

Nagtawanan naman ang tatlo habang naglalakad pabalik sa sofa na


kinauupuan nila kanina. Napangiti rin si Ces dahil ang cute tignan ng mga
lalaking iyon. Malayo sa sobrang astig na aura nila sa stage.

Aray, aray, aray! sabay sabay na napatingin ang lahat ng tao sa loob ng
kwarto sa may pintuan kung saan nanggaling ang pagsigaw ng boses ng
lalaki. Aray, Manager, ang sakit!

Okay nga 'to para magising ka! pumasok naman sa loob ng kwarto si
Manager na hawak hawak ang tenga ni Lyric. Agad naman nagtawanan sila
Note at Melo, si Pitch, tahimik pa rin. Nakaupo na ang tatlo sa may sofa.

Oh ito na si Lyric, itinulak ni Manager Lily si Lyric papunta kay Ces.


Muntikan na sumubsob si Lyric kung hindi lang ito humawak agad sa table
at lumayo kay Ces.

O-Okay ka lang?

Nagkatinginan sila Lyric at Ces pero umiwas agad ng tingin si Lyric at


agad na tumayo. Okay lang, mahinang sabi ng binata. Naglakad naman ito
palapit sa banda ngunit hinatak ulit ito ni Manager Lily at pinaupo sa
tapat ng inuupuan ni Ces.

Kanta, utos nito sa dalawa.

Napatingin si Ces dito at bago pa siya makapagsalita, nagreklamo agad si


Lyric. Pinababa mo ako rito para lang kumanta? Manager naman!

Kailangan ko marinig kung maganda pagbeblend ng boses niyo kung hindi. .


. kumunot ang noo n i Lily, looking at them both hanggang sa. . .
tatanggalin na kita sa MyuSick, Lyric.

Manager?! narinig naman ni Ces ang pagtawa nila Melo at Note kaya
nilingon ni Lyric ang kabanda. Kutos kayo sa akin mamaya, marahan na
sabi ni Lyric sa dalawa.

Im serious. . . so sing, kinabahan si Ces lalo na nang magkatinginan


ulit sila ni Lyric. Nagpapakiramdaman.

Uh, ano gusto mong kantahin? marahan na sabi ni Lyric habang nagkakamot
ng kanang pisngi.

H-Hindi ko alam. . . kasi hindi nama

Nagkahiyaan pa, sing Way Back into Love, naiiritang utos ni Manager
Lily.

Hindi ko po kabisad

Umirap naman si Manager Lily at ibinigay ang tablet kay Ces. Oh ito
Lyrics, wala ka ng excuse. Tumingin naman ito sa mga lalaking nasa may
sofa. Melo, gitara.

Tumango naman si Melo at kinuha ang isang acoustic guitar malapit sa


kinauupuan niya tska ito tumugtog.

Aalma pa sana si Lyric kung hindi lang sinamaan ng tingin ng Manager ang
binata. Ako rin, pabasa ng lyrics, ipinakita naman ni Ces kay Lyric ang
screen ng tablet then. . . she started singing.

I've been watching but the stars refuse to shine, I've been searching
but I just don't see the signs, I know that it's out there, There's gotta
be something for my soul somewhere!

Go Ces, rinig ni Ces ang ilang side comment ni Note. Hindi siya
tumintingin kung saan, nakatingin lang siya sa tablet, binabasa ang
lyrics habang kumakanta. Nakikita niya ang pagtingin sa kanya ng kaduet
niya. . . naiilang siya.

I've been looking for someone to she'd some light, Not somebody just to
get me through the night, I could use some direction, And I'm open to
your suggestions.

Huwag ka na Lyric! pang aasar na sigaw ni Melo habang nag gigitara.

All I wanna do is find a way back into love. I can't make it through
without a way back into love. And if I open my heart again, I guess I'm
hoping you'll be there for me in the end!

Ang ganda ng blending ng boses nila, rinig ni Ces na sabi ni Pitch.

Oo nga, woaahh, pagrereact na naman ni Note.

Pagtingin ni Ces kay Lyric, nabigla siya sa pag iwas nito ng tingin at
tumingin sa tablet. Nanliit ang mga mata niya at kinabahan siya sa muling
nakita niya. . . sa tenga nito, ang cross na hikaw.

Katulad ng cross na hikaw nung lalaking nakahood sa may locker niya noon.

Tumikhim si Manager Lily at natigil ang pagkanta nilang dalawa, narinig


niyo boses ninyo?nagkatinginan muli si Lyric at Ces. . . ngunit umiwas
ulit si Lyric. Theyre like match made in heaven.

Manager, pagod ako. Matutulog muna ako, agad na tumayo si Lyric.


Tinignan lang ni Ces ang paglakad nito, ni hindi nga tumingin ang binata
sa kanya.

Nice Lyric, ganda boses! pangangantyaw nila Melo at Note sa bokalista.

Humanda talaga kayo sa akin, sinabi ni Lyric bago ito lumabas ng


kwarto.

Natahimik panandalian ang buong kwarto. . . waiting for Ces answer.

Alam kong nawala ka sa scholarship and I can pay for your tuition until
you graduate, diretsong sabi ni Manager Lily. Every month may
allowance ka and every gig, may pera ka rin. Alam kong nagrerenta ka lang
sa maliit na attic at

Paano niyo po nalaman 'yun?

I do my research lalo na sa mga taong gusto ko. . . inilapit nito ang


mukha sa mukha ni Ces at mahinang sinabi ang kasunod, . . .maging akin.

* * *

Manage rLily? She was a possessive bitchyes, inamin din ni Lily na isa
siyang bitch. She gets what she wants at kahit ano pang hindi mo, mapapaoo ka na lang sa kanya. Hindi rin alam ni Ces kung paano siya napapirma
sa kontrata, malabo na rin sa memorya niya kung paano siya nakauwi nung
madaling araw na 'yun.

Para bang everything happened that night is just. . .a dream kung hindi
lang sa. . .

Sabay na napatingin sila Ces at Keng sa may labas. Hindi masyadong


maaninag ni Ces kung ano 'yun pero kita niya ang itim na kotse na sobrang
lakas magbusina. Agad na napatayo si Keng at kunot noong lumabas ng shop.

Oy ano ba! Nakakaistorbo ka ah, kita mon nagtaka sa pagtigil ni Keng


sa pagsigaw at pumasok sa store saka ito tumingin sa kanya. Para sa'yo
pala 'to.

Napataas kilay si Ces sa sinabi ni Keng at biglang paghinahon nito


hanggang sa narinig niya ang pamilyar na ingay ng ginagawa ng boots ng
isang taong kakakilala lang niya.

Thank you, Keng. Ang boses na 'yon.

Pumasok sa loob ng store si Manager Lily at agad kinabahan si Ces. Hindi


na niya tatanungin kung paano nalaman ni Lily kung paano nito nalaman ang
shop dahil siguradong research nga raw ito.

A-Ano pong ginagaw

Were going to shop, hinatak ni Manager Lily si Ces, halos kaladkarin


palabas ng shop. Hey, Keng, ibinaling nito ang tingin kay Keng. Mind
if I keep Ces for the night?

Sure ate Lily, sa'yong sa'yo na 'yan. Tulala naman lagi, nanlaki ang
mga mata ni Ces sa sinabi ni Keng. Tulala lagi?! Mas okay nga ang tulala
kaysa tulog lagi!

Pero ano nga bang panama niya sa anak ng may ari ng shop?

Pagpasok niya sa kotse, agad niyang nakita si Melo sa drivers seat at si


Note sa gitnang part. Pumwesto naman ang Manager sa harap katabi ni Melo
at si Ces sa tabi ni Note.

Hi, Ces! bati ni Note.

Ngumiti lang si Ces, nagtatakanasaan 'yung dalawa?

S-Saan po ba tayo pupunta? pagtatanong ni Ces nang umandar na ang


kotse.

I told you, were going to shop.

Tinignan ni Ces ang orasan sa loo ng kotse, sa 10pm? Hindi po ba

Akala ko ba tahimik ka? Bakit ang dami mong tanong?

Natahimik muli si Ces sa sinabi ng Manager. Tinapik naman siya ni Note sa


balikat, yaan mo nalagi lang 'yang meron, natatawang sabi ni Note.

Note, gusto mong mapalayas sa kotse? nakangising tanong ni Lily.


Nakatingin kay Note gamit ang rear-view mirror.

Nanlaki ang mata ni Note at agad na napangiti ng awkward, sorry po!

Natawa naman si Melo na kanina ay tahimik na nagdadrive.

Ilang minuto lang ay dumating na sila sa isang mall~ nakapatay ang ilang
ilaw pero nakabukas ang karamihan. Pagpasok nila ay agad silang

sinalubong ng isang lalaking matangkad, balingkinitan ang katawan at


bagay na bagay ang kulay pulang buhok nito sa kutis na maputi. Western
white.

Ah, Lily~ napangiwi si Ces sa narinig na boses. . .hindi pala ito


lalaki, medyo lang pala. Nag beso si Lily at ang lalaking medyo lalaki
sabay tumingin ito kay Ces. So, this is the girl?

Yes, make her a. . . tumingin si Manager Lily kay Ces mula ulo hanggang
paa. Nailang si Ces sa tingin sa kanya ni Lily at ng kasama nito, pati
sila Note at Melo ay ineexamine ang buong pisikal na anyo. . . .person.

Sabay na natawa si Melo at Note, napatingin naman si Ces sa dalawa kaya


biglang tumigil sa pagtawa ang mga ito at sumipol na lang.

Everything went fast. . . nagpunta sila sa isang boutique na puno ng mga


damit. Hindi ito mga sophisticated clothes tulad ng sa mga kaibigan ni
Lyle pero ito ay mga combination ng ragged, fitted, loose at rocker
outfits. Mga sinusuot ng mga nagbabanda at tulad ng mga sinusuot ni
Manager Lily.

By the way, Cessi Kis, ang stylist ng MyuSick, ngumiti si Kis kay Ces
pero kasabay nito ang pagtapat ng isang damit na nakahanger sa katawan ni
Ces.

She will look good in every clothes here, maganda pagpili mo sa kanya,
Lily, komento ni Kis saka ito kumuha ng napara kaming damit sa mga
nakadisplay.

Nakasunod lang sila Ces at sa likuran niya ay sila Note at Melo nag nag
uusap, kaya ayaw kong nag gigirlfriend eh, nagshashopping ng ganito.
Bumuntong hininga si Note.

Buti pa sila Pitch, natutulog lang sa bahay. . . si Melo naman ang


bumuntong hininga.

Ilang minuto rin silang nagstay sa loob ng store, kung anu-ano ang
pinasuot at pinasukat na pants at shirts kay Ces. May ilan ring skirts
pero mas madami ang pants na fitted. May ilan ding pinasuot sa kanyang
boots, shoes at kung anu-ano pa, may rubber shoes at ilang sandals na may
takong at wala. But all in all, she felt comfortable sa lahat ng
pinapasukat sa kanya.

Habang nagtitingin ng mga damit sila Lily at Kis na para bang


nakakalimutan na nilang kasama si Ces doon ay naupo ang tatlo sa isang
upuan sa boutique.

Ces . . . napalingon si Ces kay Note na nakaupo tabi niya sa kanan.


Hindi ba Pauline ang pangalan mo?

Tumango si Ces.

Kating kati na kasi ako tanungin 'to eh, nagkamot si Note ng batok.

Dali na, tanungin mo na, pagbibigay ng lakas ng loob ni Melo kay Note.
Nakaupo naman ang binata sa tapat na upuan kay Ces.

Nagtataka naman ang dalaga sa dalawa. Obviously, alam nitong dalawa ang
pinag uusapansiya lang ang naoOP.

Ano kasi, huwag mo sana masamain aaray! nagulat si Ces sa biglang


pagtulak ni Melo kay Note kaya muntikan na itong malaglag sa kinauupuan.

Bagal mo naman! natatawang sabi ni Melo. Bakit Ces nickname mo?

Napangiti naman si Ces sa tanong nito. Nakakatawa ang dalawang ito, ang
free-spirited, malayo sa dalawang kasama pa nila sa banda. Kasi

Let's go! Agad na hinatak ni Manager Lily si Ces sa kinauupuan nito at


napanganga naman sila Melo at Note. Nagreklamo pa ang dalawa na ang epal
ng Manager nila ngunit hindi sila pinansin nito at dumating sila sa isang
salon.

Hi Kis, malambing na bati ng isang babae kay Kis. Nagbeso naman ang
dalawa at parang nag usap habang tinitignan si Ces.

C'mon, ako na bahala sa buhok mo, nakangiting sabi ng babae kay Ces.
Anong favorite color mo?

Nagtaka naman si Ces sa tinanong ng babae, para saan ang favorite color?

R-red po?

Ngumiti lang ang babae at sinimulan na ayusin ang buhok niya habang nag
iinstruct si Manager Lily, ayaw kong iklian ang buhok niya dahil marami
kaming pwedeng gawin sa buhok kapag mahaba. Just style it, para
magmukhang maayos tignan.

Ilang oras din ang tinagal nila sa salon at nanlaki ang mga mata ni Ces
nang patuyuin na ang buhok niyang hanggang bewang ang hababagay sa'yo
ang ombre hair, nakangiti lang 'yung babae. Hindi pa rin siya
makapaniwalanaayos na ang buhok niya, may pagkawavy pero hindi curly,
hanggang tyan ang buhok niya. Lalong nag itim ang buhok niya ngunit
kitang kita ang sumisigaw na pulang buhok nito sa may dulo. May streaks
of gold pa sa ibang parte ng buhok niya na parang highlights!

Wow Ces, mukha ka nang rocker! pagbati nila Note at Melo kay Ces.
Hahawakan pa sana ni Melo ang buhok ni Ces ngunit tinapik ni Lily ang
kamay nito.

Don't touch, baka masira, natawa naman si Note sa sinabi ng Manager


habang sumimangot naman si Melo. Nagkantyawan lang sila hanggang sa
makarating sila sa isang store ng mga eye glasses.

Ayaw kong mawala 'yung glasses niya para maging trademark niya, tumango
tango lang si Kis kay Lily habang nagtitingin tingin ng salamin. Nagtaka
nga si Ces dahil hindi niya nakita ang mga binili nilang damitwalang may
hawak. Bumili ba talaga sila ng damit o nagtingin tingin lang?

Pinacheck up ang mata niya then nagpagawa si Lily ng hindi lang ng isa
kung hindi sampung eye glasses!

T-Teka, ateManager Lily, hanggang ngayon, naiilang pa rin siyang


tawagin si Lily bilang Manager. Hindi pa kasi nagsisink in sa utak niya
na nasa MyuSick na siya. Libre po ba 'yan?

Tumawa naman si Manager Lily sa tanong ni Ces, libre? Wala nang libre sa
mundo, dear.

Nanlaki ang mga mata ni Ces habang nakatingin kay Manager Lily. Hindi
makapaniwala sa naririnig, akala nga ni Ces ay tulad sa mga nababasa
niyang libro, sasabihin nito ang don't worry, akong bahala pero hindi
niya akalain na. . .siya pala ang magbabayad ng mga ito.

S-Seryoso po?

Do I look like I'm kidding? nanindig ang mga balahibo ni Ces sa tono ng
pananalita ni Lily. Halos gusto na lumabas ng puso niya sa katawan niya
nang lumapit sa kanya si Manager Lily, magkatitigan sa mga mata.

Napatingala siya ng kaunti dahil sa tangkad ng Manager, halos isang


dangkal na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.

You'll pay for me. . . with your voice.

~ ~ ~
Author's Note:Dedicated to msfebrything o si Jafs kasi gustong gusto ko
'yung realization niya sa last chapter na, "thats life, masyadong nating
pinatutuunan ng pansin yung mga pangit ng pangyayari sa buhay natin pero,
yung mga happenings na kagaya ng kay Ces na, may secret admirer pa rin
sya, ay isang malaking bagay na para, wag syang sumuko." Thank you sa
realization na ito, salamat din sa pagbabasa. Yaaay! :D

=================
28 // Life with Music

"The only escape from the miseries of life are music and cats..." Albert
Schweitzer

~ ~ ~

P-Po?

Pakiramdam ni Ces, nabingi siya sa narinig niya lalo na at kakagising


lang niya. Tumingin siya sa labas, madilim papagtingin naman niya sa
orasan, alas tres pa lang ng umaga.

Nabigla siya sa biglang pagpasok ni Manager Lily sa kanyang maliit na


tinitirahan. Hindi niya inaasahan na darating ang Manager nila at ngayon
nga ay may sinabi na pakiramdam ni Ces ay isang panaginip.

I want you to get out of this place, masyadong maliit. Hindi bagay sa
vocalist ng MyuSick ko, pinagmasdan ng manager ang buong paligid. Sa
isip nito ay minamaliit na nito ang lugar, maalikabok papara bang
pinatira rito si Ces dahil lang sa naghihirap ang dalaga at gustong
kumita ng land lady.

P-Pero napatigil si Ces sa pagsasalita nang hawakan siya ni Lily sa


braso at pinatayo. Teka

Ang pinaka ayaw ko sa lahat, hindi sumusunod sa akin.

That was the last thing Manager Lily said. Its very magical dahil wala
nang magawa si Ces para sa sarili. Para bang sa sinabi na 'yun ng
manager, napasunod na siya agad. Nakakatakot. And she was ready for this
dahil pagkababa nila Ces, nagsi-akyatan naman ang mga lalaking nagbubuhat
para kunin ang lahat ng gamit ng dalaga sa maliit nitong tinitirhan.

Teka, teka! Napatigil sila Ces nang pigilan siya sa paglalakad ng land
lady.

Madam, nakayukong bati ni Ces. Tumaas naman ang kilay ni Lily. Hindi
niya talaga gusto ang pagpigil sa paglalakad niya lalo na't hindi naman
kailangan.

Aalis ka na ba? Hindi ka pa nakakabayad sa renta mo! 3,000 per month,


limang buwan na kitang pinagtitiisan ah?

Babayara

Renta? Nakakunoot noong banggit ni Lily. Tumingin ito sa land lady at


pinagmasdan ito mula ulo hanggang paa. Nakacurlers ito na pink, daster na
bulaklakin. That small place, pinaparenta mo?

Ha? Bakittinutuluyan pa rin 'yun kahit maliit!

You know what? ngumisi si Lily. People like you disgust me.

Napanganga si Ces sa sinabi ng manager. Gusto man niya itong pigilan sa


kung ano pang gustong sabihin nito ngunit alam niyang wala siyang panama
kay Lily.

Kumuha ng pera si manager Lily sa bulsa ng pantalon nito. Napansin ni Ces


ang pangingintab ng mga mata ng land lady.

Napaisip siya. . . hindi siya masyadong pinapansin ng land lady noon


ngunit lagi siyang kinakatok nito para magbayad. Lagi siyang humihingi ng
palugid dahil nahihirapan na siya sa mga bayarin. Mabait ang land lady
niya pero bakit. . . bakit ganito ang inaasal nito ngayon?

Magkano ba utang sa'yo nito? Nagbilang si Manager Lily ng perang asul.

Ah20,000.

Nanlaki ang mga mata ni Ces, a-ano po?

Lalong napangisi si Lily. Ibinalik nito ang mga pera at kumuha sa jacket
ng mga papel. Nagsulat ito sa papel at napakunot noo ang land lady.

Ibinigay ni Lily ang papel sa babae. Agad naman kinuha ng land lady ang
papel, ito tseke. Ipapalit mo na lang. Kung gusto mo pa ng pera,
itinago ni Lily ang papel sa jacket pati na rin ang ballpen nito.
Magtrabaho ka, ayusin mo ang buhay mo at huwag na huwag mong lokohin ang
kapwa mo.

Napanganga ang land lady sa sinabi ni Lily.

Kaya ka hindi umuunlad dahil mukha kang pera, try to work for the money.
Yung desente, hindi 'yung pinagdidiskitahan mo ang mahina, tinalikuran
na ni Lily ang land lady bago pa ito makareact. Lets go Ces, never come
back to this place. Nakakadiri.

* * *

Pagbukas na pagbukas ni Lily ng pintuan ng bahay nito, agad nakarinig ng


tugtugan si Ces ngunit mahina lang. Tumingin siya kay Manager Lily,
nagpapractice 'yang mga 'yan. Hayaan mo na.

Inilibot ni Ces ang kanyang paningin sa buong living area na kinatatayuan


nila ngayon.

Ang kaputian ng pader ay nagbibigay ng relaxation sa mata ni Ces. Nag


complement rin ito sa tatlong sofa na kulay itim, ang isa ay parang
maliit na kama na may kumot pang nakalagay at isang t-shirt na puti. Sa
parte ng upuan na ito, may malaking lamp stand na nakatutok dito,
nakabukas pa na mukhang ginamit at nakalimutang patayin.

Sa tabi ng sofa-bed-ish ay may isang pahabang itim na bookshelves na


nakadikit sa pader. A-Ang daming libro!

Namangha si Ces sa nakita niya. Napangiti rin siya nang may makita pa
siyang labels sa bawat helera ng libro. May isang helera na nakalagay ay
Music. Ang isa naman ay Idiot Guides at mga How Tos. Meron rin siyang
nabasa nakitang Non-Fiction, Lifestyle, magazines pero napanganga siya ng
kaunti nang may nakalagay na Fiction Books na nasa dulong parte. Ang
ilang libro at nagkalat sa bookshelves, mukhang gamit na gamit.

Collection ni Pitch, napalingon si Ces sa narinig. He likes to read


fiction books kaya napabasa na rin 'yung tatlo.

Nanlaki ang mga mata ni Ces. Ibinalik niya ang paningin sa shelf ng
fiction books at napatulala siya sa nabasa niyang mga labels.

Peachxvision. Kat Duabe. BlackLily. AegyoDayDreamer. HumiGad. DeMisse.


Jhing Bautista. Pilosopotasya.

Puro romance? kinuha ni Ces ang isang libro na may bookmark. AFG?
Bakit kakaiba 'yung title?

Napangiti si Manager Lily, that's what hes reading right now, maganda
raw. Ang gay, no? Natatawang kumento nito. But I like it when they
read, they can go to other places and different worlds by just reading.
Nawawala sila sa magulo at stressful na mundo natin.

Hindi makapaniwala si Ces sa nakikita. Bumalik sa kanyang isip ang mukha


ni Pitch. . . ang ugali nito. Nagbabasa ng libro? Ng fiction books? Ng
Romance? Ang buong MyuSick?

Ibinalik niya ang libro at tinignan ang lamesang hindi nalalayo sa


bookshelves. Isang itim na lamesa ito na malapit sa pintuan na
pinanggalingan nila mula sa labas.

May isang picture frame na nakapatong dito. Nakangiti ang MyuSick sa


picture na pinagkakaguluhan ng mga tao. May isang lalaking nakakurbata na
may hawak na mic at nandoon din si Manager Lily ngunit mayroon siyang
nakitang isang lalaki sa picture ngunit kalahati lang ang kita.

Si Lyle.

First time sa battle of the bands, first time manalo. That was an epic
experience. Dahil d'yan, nandito kami ngayon. Kinuha ni Manager Lily ang
picture frame habang nakangiting pinagmamasdan ito. Ngunit nawala rin ang
ngiti ng manager at ibinalik ang frame sa lamesaparang may nakitao
naalala.

Have a sit, hinawakan ni Manager si Ces sa braso at pinaupo sa gitnang


itim na sofa na katapat ng maliit na table sa gitna. Sobrang lambot nito,
ang sarap din sa balat ang texture ng sofa. May ilang magazines na
nakapatong dito ngunit hindi niya maialis ang kanyang paningin sa katapat
niyang malaking tv. 64 inches? Hindi niya sigurado, basta malaki ito at
may dalawang stereo sa magkabilang side. Napangiti rin siya sa itim na
carpet sa living area, sobrang umaangat dahil puti ang mga pader at
sahig.

Tumungo naman si Manager Lily sa pasukan ng kusina. Katabi ng pasukan ng


kusina ay ang puting hagdanan na may itim na hawakan. Katapat nito ang
book shelvessa kanang parte niya ang hagdanan, kaliwa ang bookshelves at
entrance naman ang nasa likurankatapat ng television set.

Lumabas si Manager Lily, may hawak na tray na may pitsel ng juice at


dalawang baso. Nahiya naman ako at panay utos ko sa'yopampalubag loob
lang, inilapag ni Lily ang tray sa maliit na lamesa na nasa tapat nila.
Kinuha ni Ces ang isang baso ng juice at ininom ito habang nakatingin sa
dalawang pahaba at itim na lamesa na pinapagitnaan ang malaking tv.

Sa taas ng dalawang lamesa na may mga nakapatong na iba't ibang gamit at


damit, may tig-apat na black at square wooden cabinets na nakadikit sa
pader na mabato. Ang isa ay nakauwang kaya nakita niyang parang mga kalat
lang ang nandoon.

Naaalala mo 'yung haven ko? Itinuro ni Manager Lily ang parang hallway
sa dulo ng kanang bahagi ng first floor. Tumango si Ces. "May makikita
kang pintuan bago 'yung haven, yun ang recording at band studio ng
MyuSick. So itong buong pader na ito ang studio. tinuro ni Lily ang
pader na katabi ng entrance.

Napa ah si Ceskaya pala walang bintana sa labas ay dahil studio pala


ang nandoon. Ang mga bintana ay makikita kapag tumingala sa may ceiling,
mayroong chandelier dito na nakabukas ngayon.

Sa tapat ng band room, may pahabang kwarto naman doonwalk in closet ng


banda 'yun. nakangiting sabi ni Lily habang iniinom ang juice.

Walk-in closet?

Kapag lumalabas ka sa gig or sa tv, its a must na marami kang damit.


Marami kasing nagmamasid, minsan iniisip nila kapag paulit ulit ang
damit, hindi naliligo ang mga musicians, umiling iling si Lily.
Nakakaloko ang utak ng mga tao, tama? Kaya may rule kamihindi pwedeng
suotin ang damit for 6 months lalo na ang mga sinusuot sa photoshoots.
Basta, nakakalokabuti na lang at kaibigan ko si Kis. Magaling mag mix
and match ng mga damit.

Itong second floor naman, itinuro ng manager ang second floor. Yang
bungad na pintuan, kwarto ko.

Napatango si Ceskaya pala malaki ang itsura nito. May hallway sa kanan,
tama? D'yan naman ang mga kwarto nila. Sa may kanang parte, kay Melo at
Lyric. Sa kaliwa naman na katapat ng pintuan nung dalawa, kay Pitch at
Note. Sa pinaka dulo, public CR.

Pagkabanggit ni Lily noon, nagtaka si Ces ngunit hindi na siya nagsalita.


Naramdaman naman ni Lily na may gustong sabihin ang dalaga,

Pinalayas ko na si Note sa kwarto niya, sa'yo na 'yun, nanlaki ang mga


mata ni Ces. Don't worry, walang nagawa si Note. Nasa iisang kwarto na
sila ni Melo. So ang kwarto mo, kaliwang part. Katabi ng CR, katapat ng
kay Lyric.

Napangiwi si Cessaan mang anggulo tignan, napaka bossy talaga ni Lily.

Oh, and by the way! ngumiti si Lily, isang ngiti na hindi malaman ni
Ces kung dapat bang katakutan o hindi. Dahil walang gumagamit ng public
CR, pinaayos ko na siya. Walk-in Closet mo na 'yun, naalala mo 'yung
binili nating mga damit?

K-Kanina po? Bago siya gisingin ng alas tres ng umaga.

Nandy'an na lahat, and more! ngiting ngiti na sabi ni Lily. Araw-araw


nga pala, dumadating si Manang kasama ang ilang maids para ayusin itong
buong bahay. Kapag nandito kasi ang MyuSick, nagugulo lahat.

Napangiti si Ces at napantingin sa paligidhindi na siya nagulat rito


dahil nakikita naman niya ito sa living area pa lang. Maraming nakakalat
na damit, mga sapatos at ilang mga bagay pa. Mukha ngang hindi na ito
pinansin ng manager, mukhang wala na ring pakielam.

Every weekend lalo na kapag walang ginagawa, umuuwi rin ang ilan para
makasama ang family nila or minsan dumadating family nila rito, sinasabi
ko lang incase para hindi ka na magulat.

Ngumiti si Ces nginit naramdaman niya ang kaunting kalungkutan. Pamilya.


. . And uh. . . si Pitch, naglayas sa kanila so tinuturing niyang
pamilya ang MyuSick.

Napatingin si Ces kay Lily, nakangiti ito sa kanya ngunit alam niyang
naramdamana nito ang lungkot na bumalot sandali sa dalaga. Pamilya tayo
rito, Ces.

Napangiti si Ces at tumango. Kahit paano,


isang linggo pa lang niyang nakikilala si
at nakitang ubos na ang juice kaya kinuha
Napatigil naman siya nang hawakan siya sa
kilay, what are you doing?

napagaan ang loob niyakahit pa


Lily. Napatingin siya sa lamesa
niya ang tray at tumayo.
braso ni Lily na nakataas

AhHuhugasan ko po. . .? medyo nagtaka si Ces sa tanong ng manager.


Nagulat naman siya sa biglang pagtawa nito.

Vocalist ka, hindi utusanpakibaba na lang 'yan, ako na bahala d'yan.


Kinuha ni Lily ang tray at ibinaba sa lamesa. Tara, samahan kita sa
kwarto.

Umakyat sila Lily at Ces. Napansin ni Ces na may hagdanan paakyat pa na


hindi kita mula sa first floor. Papuntang roof top, nakakarelax.

Dumiretso sila sa pinaka dulong kwarto sa kaliwa. Pagbukas ni Lily ng


kwarto gamit ng susi na hawak, napanganga ng literal si Ces sa nakita.
Mukha itong maliit sa labas ngunit napaka laki nito sa loob. Kung pag
kukumpara ito sa tinitirahan niya na nirerentahan niya, dalawang kwarto
ang kwarto niya ngayon.

A-Ang ganda. . .

Bumungad sa dalaga ang sobrang puti at malaking higaan na may dalawang


malaking puting unan at isang pula na parisukat. Puting puti rin ang
buong pader na may touch of red sa ilang parte. May malaking bintana sa
tabi ng higaan ngunit may pula itong kurtina na nakatakip sa bintana at
glass door sa tabi nito.

May puting pahabang lamesa sa tabi ng pinanggalingan niyang pintuan, may


laptop na red at pulang upuan. Napansin din niyang nandito na rin ang mga
libro niya at ilang gamit. May mga paintings at ilang mga nakasabit na
palamuti sa pader.

Sa tapat ng higaan, kaliwa ni Ces ay makikita ang isang puti na pahabang


sofa na may maliit na pulang unan. May coffee table rin na glass, ilang
mga kandila at bulaklak sa gitna na nakadisplay at bookshelves! May
sarili siyang book shelves.

May maliit ding hagdanan sa parteng iyon, pag angat niya ng paningin ay
parang may tea set doon at pintuan palabas, veranda?

M-Manager tinignan niya si Manager Lily na nakangiti sa kanya at


hinila siya nito papasok sa pulang pintuan katabi ng kanyang higaan.

Right there and then, pagkakita palang niya kung gaano kalaki ang
pinasukan na kwarto. . .tears started to fall from her eyes.

T-Totoo po ba 'to? Napatikip ng bibig si Ces habang tinitignan ang


buong paligid.

May limang section ang buong walk in closet. May mga labels rin ito
according to what event the clothes are for. Parties, gigs, photoshoots,
ang dami! Mahaba ito pero bago pa makapunta sa mismong lugar na may mga
damit, napatitig siya sa dalawang mahabang glass like na pang
accessories.

Sa may kanan ay napaka rami, iba't ibang kulay, iba't ibang size na mga
singsing, kwintas, bracelet at hikaw. Sa kaliwang glass naman ay napaka
raming salamin sa mata. . .iba't ibang designs. May shades, reading
glasses at simpleng eye glasses.

Huwag kang OA Ces, mas malaki ang walk-in closet para sa mga lalaki,
napatingin si Ces, nanlalaki pa rin ang mukha. Hindi siya makalakad dahil
sobrang nanghihina siya.

Sa dulong parte, hindi man niya masyadong naaaninag ay nakikita niya ang
mga sapatos. Sa kanang parte ng pader ay nakadikit naman doon ang shelf
ng mga belts, bags at ilan pang mga gamit. Sa kaliwang pader ay isang
malaking salamin, isang pader ng salamin.

May isang drawer din doon katabi ng malaking lagayan ng sobrang daming
make up. May ilaw din na nakapalibot sa isang upuan na may pangalan.
CES.

Hindi makapaniwala si Ces sa nakikita. Parang isang buong panaginip ang


lahat. Inalalayan siya ni Lily palabas ng walk in closet at tinuro ang
tabing pintuan ng walk in closet, Cr 'yang sa kabila, gusto mo pa bang
makita? Baka hindi mo kayanin? natatawang sabi ni Lily.

Napatitig si Ces sa buong kwarto. . . alas kwatro pa lang ng umaga, wala


pang araw at pakiramdam niya, isa itong panaginip. Isang napaka gandang
panaginip na gusto na niyang magisingdahil naniniwala na siyang totoo
ito.

Totoo ba ang lahat ng ito?

Palabas na sila Ces at Lily nang makarinig sila ng tawanan. Tapos na ata
sila.

Pagbukas ni Lily ng pintuan, tumigil ang tawanan ngunit paglabas ni Ces,


biglang sumigaw si Melo.

AAHH! C-Ces! Agad niyang tinakpan ang sarili at pumunta sa likuran ni


Lyric. Nakatopless ito at nakaboxers short lang. Kahit si Note ay
nakatopless ngunit lumawak ang ngiti niya nang makita si Ces. Si Pitch ay
walang pakielam habang si Lyric ay parang nagulat din.

Mahiya nga kayo sa itsura niyo, mag ayos kayo at bumaba. May sasabihin
ako, utos ng manager. Agad naman tumakbo si Melo papasok ng kwarto nito
at kasunod si Pitch. Naglakad naman papunta sa kwarto si Pitch at ganoon
rin si Lyric, umiiwas ng tingin sa dalaga.

* * *

Kinakabahan si Ces na nakaupo sa kanina niyang inupuan na sofa. Katabi


niya si Melo sa kaliwa at si Note sa kanan. Sa isang sofa si Pitch na
pahiga at si Lyric ay doon sa may upuan na higaan at nakahiga roon, tabi
ng shelves. Maayos na ang mga damit nila, hindi na pang tambay.

Well be having a press release for Ces mamaya.

Yiee, kasama na namin si Ces, paglikot ni Melo sa dalaga.

Ngumiti lang si Ces kay Melo. Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin siya.
Alam niyang mababait ang MyuSick ngunit natatakot siya sa dalawakay
Pitch at Lyric.

Oo nga pala, tumingala si Ces, tinignan si Lily na nakatingin sa kanya.


Diretso sa kanyang mata. I don't allow my band to fall inlove with each
other.

Kinilabutan si Ces sa narinig at tinignan ang mga lalaking kasama niya.


Nakasandal lang sila Melo at Note sa sofa na inuupuan nila, sumulyap sa
kanya si Pitch at si Lyric naman ay nakatulala.

Napaisip siya. . . the band fall in love with each other? Ang mga
lalaking nasa tabi niya ayparang magic, nagsalita si Lily. As if reading
her mind.

Ano sa tingin mo dahilan kaya hindi nagkakainlaban ang mga 'yan?

P-Po? Nanlalaki ang mga mata ni Ces.

Yak Manager, mandiri ka sa sinasabi mo! pasigaw na sabi ni Note, mula


sa seryosong mukha ay natawa si Lily sa sinabi. Kahit si Pitch ay tumawa
ngunit tahimik pa rin si Lyric.

But seriously, walang girlfriend ang mga 'yankaya rule ko? No


boyfriends. Hindi ko mapipigilan pero maiiwasan naman, sa ngayon na
kailangan kita, focus muna sa banda, okay ba?

Tumango si Ces sa sinabi ni Lily.

'Yang dalawang katabi mo, si Melolead guitarist. Basist naman si Note.

Hindi pa nakakalingon si Ces ay agad siyang inakbayan ni Note. Nice


meeting you po! natatawa nitong sabi. Nakakatawa naman talaga dahil
ngayon lang sila napakilala ng matino.

Pitch, tumingin si Ces kay Pitch na nakahiga at nakatingin sa kanya,


drummer. Nagkatitigan sila ni Pitch, nanlamig ang kamay ni Ces sa titig
ni Pitch ngunit nagulat siya nang ngumiti ito sa kanya.

Welcome sa banda.

Napangiti si Ces sa pagbati sa kanya ni Pitch, nakaramdam siya ng


kakaibang kaunting. . .saya? Pakiramdam niya ay naging close sila ng
binata ng mga .10% sa ngiting ibinigay nito at sa pagwewelcome sa kanya.

Vocalist, kaduet moLyric.

Pagtingin ni Ces kay Lyric, napansin niyang tumingin agad ito sa ibaba
ngunit ngumiti sa kanya. Uhm, H-Hi.

Hi, mahinang bulong ni Ces.

Napatigil ang lahat at tumahimik. Binasag lang ni Manager Lily ang buong
katahimikan, matulog na muna kayo. At 9am, kakain tayo dahil may press
release ng alas dose then photoshoot ng ala-sais ng gabi. Go!

Agad nagsitayuan ang mga lalaki. Inaya naman nila Melo at Note si Ces
para tumayo na rinnagkanya-kanya ang ilan at habang paakyat sa hagdanan
si Ces kasama sila Melo at Note na kinakausap siya.

Hindi pa rin siya makapaniwala.

Totoo na talaga lahat ng ito.

* * *

CES?!

Lumingon si Ces sa tumawag sa kanyatumigil siya sa paglalakad nang


makita niya kanino nanggaling ang boses. Bumilis ang tibok ng kanyang
puso, hindi niya malaman kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba.

Kasalukuyan silang nasa parking lot, papunta sa entrance ng mall.


Napatigil sa paglalakad ang buong MyuSick na kasama ni Ces. Tinignan kung
sino ang tumawag sa dalaga.

Wow, sexy, mahinang kumento ni Note sabay sipol ni Melo. Poker face si
Pitch ngunit nakatingin sa dalawang babae habang si Lyric ay parang
tulala sa kawalan. Walang pakielam sa nangyayari.

E-Erich. . . napangiwi si Ces nang makalapit sa kanya si Erich.

Kamusta ka na! Long time, no see! ngiting ngiti si Erich habang


pinagmamasdan si Ces mula ulo hanggang paa at hinawakan nito ang buhok ng
dalaga. Ang ganda ng buhok mo! Grabe, ibang iba ka na!

Ngumiti lang si Ces. Napansin naman niya na napatingin si Erich sa


likuran niyasa banda.

Sino sila?nakangiting tanong ni Erich.

Nilingon naman ni Ces ang banda at nakangiti rin sila Melo at Note,
kumaway pa nga si Melo ng kaunti. Napabuntong hininga si Ces sa nakita.

Uhm, sila Melo at Note

Hi, ako nga pala si Melo, agad umentra si Melo at nakipagkamay kay
Erich, looking down at the girl. Ngiting ngiti si Melo lalo na nang
makita niya ang halos kinabukasan ni Erich sa suot nitong white sando at
medyo sumisigaw ang bra nitong kulay neon pink.

Itinulak naman ni Note si Melo paalis sa harapan ni Erich, Hi, Note nga
pala. Hinawakan ni Note ang kamay ni Erich at hinalikan ito. Tinignan ni
Note ang kabuuan ni Erich, tumigil siya sa legs ng dalaga. Ang kinis lalo
na't naka short shorts ito, kitang kita ang kakinisan.

Ang romantic mo naman, natatawang sabi ni Erich. Napangiti naman si


Note rito ngunit nagulat siya ng itulak siya ni Melo palayo. Nagtulakan
ang dalawa hanggang sa hindi na nila napansin na nandoon pa rin si Erich
na kasalukuyang nakatingin sa dalawang hindi nagpakilala. Sino 'yung
dalawa?

Si Pitch 'yung nasa kaliwa tapos si napatigil si Ces nang biglang


lumapit si Erich kay Pitch at nakipagkamay dito.

Hi, Erich nga pala, ngiting sabi ni Erich. Kaibigan ako ni Ces.

Ces cringed. Kaibigan.

Nakakawindang marinig sa babaeng ito ang salitang kaibigan na para bang


nakalimutan na nito ang ginawang kagaguhan dati. Hindi pa nga nakakalipas
ang isang taon.

Tinignan ni Pitch si Erich sa mga mata ngunit hindi nito inabot ang
kamay ng dalaga. Tumalikod ito at nilagay ang kamay sa magkabilang bulsa
ng pantalon saka ito naglakad.

Natigilan si Erich sa ginawa ni Pitch sa kanya ngunit nang makita nito si


Lyric ay lalo itong ngumiti. Lumapit siya rito, tulala ang binata. You
look familiar, nakangiti nitong turo sa binata. Mula sa pagkatulala,
para bang natauhan si Lyric sa sinabi ni Erich.

H-Ha?

Parang nakita na kita somewhere, umaktong nag isip si Erich. Artista


ka ba? Parang sa billboard ata kita nakita?

Ngumiti lang si Lyric at nagkamot ng batok, hin

MyuSick, anong tinitigil-tigil niyo d'yan? Nagugutom na ako!

Sabay sabay napalingon ang buong banda kay Manager Lily na malapit na
mawalan ng pasensya. Agad naman naglakad ang buong MyuSick at nagpaalam
kay Erich. Nilingon ni Ces si Erich, sorry. . . aalis na kami.

Sure, catch up na lang tayo next time, nakangiting sabi ni Erich.

Ngumiwi si Ces at sinundan na ang banda papasok ng mall. Next time?

Sana wala nang next time.

Nagdire-diretso ng lakad ang buong MyuSickhindi sila pinagkakaguluhan


siguro dahil nasa high-end mall sila ngunit napapansin ni Ces na may
ilang babaeng teenager na tumitili at sinusundan ng tingin ang banda.

Napatingin siya sa mga lalaking kasama niya. Nag uusap sila Melo at Note,
sinasama siya paminsan minsan habang nasa likuran sila Pitch at Lyric,
tahimik na naglalakad at sinusundan sila. Nasa harapan si Manager Lily,
taking the lead.

Pagkarating nila sa isang high-end na restaurant, agad na naupo si Lily.


Katabi nito si Lyric at at si Melo. Katabi naman ni Ces si Note na katabi
si Pitch. Katapat niya si Melo.

Gusto mo ba ng trivia? nakangiting tanong ni Melo kay Ces. Busy naman


sa pakikipag usap sa phone si Lily at si Lyric sa kakatingin sa menu ng
resto. Si Pitch ay nakapatong lang sa lamesa ang kamay at ulo, natutulog
habang si Note, nakikisakay kay Melo.

A-Ano?

Pinipigilan niyang magstutter ngunit hindi niya makaya siguro dahil


hanggang ngayon, kinakabahan pa rin siya. Hindi pa rin siya sanay sa
nangyayari ngayon.

Na ako ang pinaka gwapo sa MyuSick? nakangiting sabi ni Melo.

Napangiti naman si Ces.

Huwag kang maniwala d'yan! Ako kaya pinaka gwapo! pag singit ni Note.
Nag away pa sila Note at Melo hanggang sa may isang boses na sumaway sa
kanila.

Ang ingay niyo, napatingin sila kay Pitch na nagkukusot ng mata.


Mukhang nasira ang tulog dahil sa ingay nila Note at Melo.

Trivia ulit. Alam mo ba, lumapit si Melo kay Ces, si Pitch ang pinaka
tahimik sa amin.

Tumingin si Ces kay Pitch na nakatingin sa kanila. Tumaas ng kaunti ang


balahibo niya at napantingin kay Lyric na hanggang ngayon ay nakatingin
pa rin sa menu.

Hindi ba parehas lang sila? takang tanong ni Ces.

Sino? kunot noo namang tanong ni Melo.

Silang dalawa? Tinignan ni Ces si Pitch at Lyric para maturo kay Melo.

Sumandal naman si Melo at natawa, kahit si Note ay natawa rin sa tanong


ni Ces. As if nagjoke ang dalaga. Si Lyric? Tahimik?!

Napanganga at nanlaki ang mga mata ni Cesbigla siyang nakaramdam ng hiya


nang sabihin ng malakas ni Melo ang tungkol kay Lyric. Naramdaman niyang
napatingin sa kanya si Lyric ngunit hindi niya matignannanakahiya!

Tahimik lang 'yan kasi may chicks na kasama, no Lyric? Natatawang sabi
ni Melo. Pakiramdam ni Ces ay nag iinit na ang buong paligid sa sinabi ng
binata. It's as if wrong move ang pagtanong kay Melo.

Lalong itinago ni Lyric ang mukha sa menu ng restaurant, Lul. Busy ako.

Natawa naman lalo si Melo at nakisama si Note sa pagtawa.

Tinignan ni Melo si Ces, nako pagpasensyahan mo na 'yan. Hindi naman


ganyan 'yan sa mga chicks na lumalapit sa kanya, bigla atang tumiklop.

Hoy Melody, umayos ka

Napatigil si Melo sa pagtawa nang sabihin iyon ni Lyric, nakangisi si


Lyric sa kanya. Pagtingin ni Ces kay Melo, parang pumipitik ang mga mata
nito.

Peste ka, Melo space Dy 'yon! Apelido ko 'yung Dy!

O sige Carmelo, manahimik ka na d'yan.

Carmelo? pagtatakang tanong ni Ces. Agad naman tumawa si Note dahil


napatahimik si Melo at kinuha rin ang menu saka tinakpan ang sarili.
Carmelo pangalan mo?

Huwag mo akong kausapin!

Hinawakan ni Note ang balikat ni Ces, nako pagpasensyahan mo na si


Carmelo, medyo moody talaga 'yan! Natatawa nitong pang gagaya kay Melo.

Peste ka Notario the third ah!

Napanganga si Note sa binanggit ni Melo. Ibinaba ng binata ang menu na


tumatakip sa mukha niya at ngumisi. Mas maganda naman pangalan ko kesa
sa'yo, dumila pa si Melo, as if winning the battle.

Hindi napansin ni Cesnakangiti lang siya habang nagbabatuhan ng linya


ang buong banda. Hindi rin ito alintana ni Lily na nakangiting
pinagmamasdan ang grupo. Kahit sila Pitch at Lyric ay nakisali sa gulo
exposing their real names.

Pio Alberto for Pitch pero kay Lyric? Just plain Lyric.

Bakit Ces nickname mo?

Napatingin si Ces kay Pitch na hinihintay ang sagot niyaang totoo,


nakatingn sa kanya ang lahat. Naghihintay ng sagot.

Talaga bang curious sila sa nickname niya?

Kasi

Ang heres your appetizer, napatingala ang lahat at sinundan ang waiter
na isa-isang nilapag ang mga pagkain for their appetizer.

Nagsimula naman silang kumain, maingay pa rin ngunit nagsalita si Manager


Lily.

After this, may press release tayo for you, nakatingin si Lily kay Ces.
Once you step out of the doors, theres no turning back.

Nanlamig ang mga kamay ni Ces sa narinig. Nakaramdam siya ng kaba, ang
bilis na naman ng puso niya. Nakatingin sa kanya si Melo at ngumiti ito.

Isa ang napapansin ko na wala sa'yo, nagkatitigan sila Lily at Ces.


Confidence. . . at yan ang aasikasuhin namin. Lets boost that up, hindi
naman siguro 'yan ang naging epekto sa'yo ng kapatid ko?

Ces stiffened. Nawala sa isip niya na kapatid nga pala ni Lily si Lyle.
Hindi siya makapagsalita. . .

Uhm, sorrylets change the subject, kinuha ng mga waiter ang appetizer
nila at dinala na ang main dish. Kapag nakalabas ka na sa stage, smile.
Mawala man ang first impression nila sa susunod, its still important. Sa
unang tingin ng mga tao sa'yo, agad ka nilang huhusgahan.

Napasandal sa upuan si Ces sa sinabi ni Lily.

Be yourself but don't be too much yourself. Ang lahat ng bagay, may
limit. Hindi lahat, pinapakita. Pwedeng magalit, pwedeng maging mahina
but not in front of people because they won't care and they'll judge you
differently kahit ano pang gawin mo.

Tumingin si Lily sa mga lalaking katabi niya, itong kakulitan na


nakikita mo, hindi pa ito ang kulit ng MyuSick. Nakita mo mga kalat sa
bahay? Hindi 'yon pinapakita in tv. Noong nafeature sa MTV Asia ang
MyuSick, hindi na sila ganoon kakalat. Naging prim and properand that's
okay. Hindi lahat ng bagay, dapat malaman ng lahat. They're still boys,
makalat, magulo pero may limit.

Youre in a band at 'yun lang ang ipapakita mo. Mas okay makilala bilang
isang banda, bilang isang magaling na singer, guitarist or drummer
instead of other things. Mas okay makilala sa bagay na passion mo at kung
saan ka magaling. Nothing more. Ang focus, our band. Good music.
Inspiration. Fun.

Soon, people will look up at you. Lahat ng tao, ayaw maging bad
influence, pagpapaliwanag nito. Hindi ko sinasabing ibahin mo ang
sarili mo. Look at Pitch, alam mo bang nagdrugs siya rati?

Napatingin si Ces kay Pitch. Kumakain lang si Pitch, not minding


everyone.

But he changedfor the better. And that's what I want. May talent siya
at wala akong pakielam kung ganoon man ang past niya. Ang pakielam ko, ay
yung pagbabago niyo habang on going ang popularity ng banda. Manager ako
pero para na rin akong nanay niyo, ako ang magtitino sa inyo.

Your role is to sing, sing with your heart. Front man ka tulad ni Lyric,
at bilang isang front man, kailangan mo ipakita ang tama. Sakto lang,
huwag papansin. Kahit naman hindi ka nagpapansin at nakita nila ang
galing mo, sila mismo ang lalapit sa'yo.

Once you get popularity, youll be influencial. Once you get


influencial, maraming taomali ka man o tamaang maniniwala sa'yo. What
if may super fan ka na bata? Ipapakita mo ba na nagwawalanghiya ka in
front? No. Sa super fan mo, influencial kaas in idol ka nila kaya
madalas kung ano ang ginagawa mo, 'yun na rin ang gagawin nila. Theyre
kids, theyre teenagershindi pa nila alam ang tama at mali. Im not
saying na alam natin ang tama at mali, pero tayokayo, as young adults,
alam niyo na ang consequences ng actions niyo.

Tahimik lang ang buong banda, kumakainpero obvious na nakikinig sa


sinasabi ng Manager.

People will dig deep in your past, for me that's okay but to people,
they might make it a big deal. Basta ang isipin mo, kami. . .kilala ka
namin at tanggap ka namin. People will judge you, hindi natin 'yan
maiiwasan. Okay lang sa akin na magsalita kabut once is enough. Sabihin
mo na ang lahat sa isang statement, huwag paulit-ulit dahil magmumukha
kang defensive. Pagtanggol ang sarili pero huwag sobra. Kapag hindi pa
naniwala, huwag mo na ipilit. Kapag galit sa'yo ang tao, mali ka man o
tamahindi ka nila pakikinggan.

Don't give your opinion if not asked. That's another rule. Kung walang
magandang sasabihin, huwag na magsalita. Sabihin lang ang alam at kung
ano ang tama, the restkeep it to yourself.

Kinuha na ng waiter ang main dish nila, hindi pa nakakain ni Ces ang
kalahati ngunit kinuha na rin. Napapatulala kasi siya sa sinasabi ng
manager. Sobrang seryososobrang. . . nagfifit into places ang lahat.

What would you like for your dessert?

Chocolate cake! mabilis na isinigaw ni Note.

Ice cream ako, napatingin si Ces kay Lyric. Nagkatinginan sila sandali
ngunit iniwas agad ng dalaga ang paningin niya.

Ces, ikaw? tanong ni Note.

Uh, ice cream din. . .

Habang naghihintay for the dessert, ipinagpatuloy ni Lily ang sinasabi.

Feet on the ground. Kapag nagkaroon ka ng fans, treat them as family.


Makalimutan mo man ang mga pangalan at mukha nila, still, thank them.
Sila ang magbibigay ng kulay sa buhay mo. Without them, nandyan ka pa rin
pero may kulang kapag wala sila. Gets?

Once na may kumalat na kung anong kalokohan tungkol sa'yo, maraming fans
na titiwalag. And theyll become this so called, haters. Magugulat ka
na lang, 'yung mga taong nasa front row na sumisigaw para lang pansinin
mo, sila na ang sumisigaw para awayin ka.

Its either ikaw ang may problema na nakita nila o sila ang may
problema. Either way, huwag mong papansinin ang haters. Marami man 'yan,
sinisigurado kong MAS marami ang nagmamahal sa'yo kaya huwag panghinaan
ng loob.

Dumating na ang dessert at kumain na sila.

But Ces, advice. . . napatingin si Ces kay Manager Lily, ngumiti ito sa
kanya. . . .smile. People will swoon over your smile. Huwag mong itago.

Hindi napansin ni Ces, pagkasabi ni Manager Lily nitonapangiti siya.

Pagkatapos nila kumain ay dumiretso sila sa venue ng press release.


Ipapakita si Ces dahil hinihintay na ng MyuSician, ang fanbase ng
MyuSick, kung sino ang bagong kasali sa banda.

Nasa back stage sila, nanlalamig ang mga kamay ni Ces habang inaayos ang
damit at minemake-up'an siya.

Hinawakan siya ni Manager Lily sa kamay at naramdaman niya ang init ng


palad nito, ngumiti ito sa kanya. Smile and just be yourself. People
will like you. I'm sure of that.

Napahawak sa dibdib si Ces dahil hindi niya macontrol ang bilis ng tibok
ng puso. Naramdaman din niya ang sumimbolo ng deal nila ni Boss. Huminga
siya ng malalim.

Everything is real.

Napansin
Lyric at
Lyric at
like the
banda.

niya na nakahelera na ang banda sa tabi niya, katabi niya si


sunod sunod na sila Melo, Note at Pitch. Nagkatinginan sila
Ces, nagulat siya nang hawakan siya ng binata sa balikatits
first time na hawakan siya nito simula nang maging parte siya ng

Welcome sa mundo ng Music.

Nakangiti nitong sabi. Bumukas ang pintuan ang napaka raming naghiyawan
KYAAHH! MYUSICK!!

Walang masyadong makita si Ces dahil sa sobrang daming flash ng camera na


nakatapat sa kanila. Nang maglakad na sila, naramdaman niya ang
panginginig ng mga tuhod niya. Gusto niyang magback out ngunit naramdaman
niyang humigpit ang hawak ni Lyric sa kanyang balikat.

Pagtingin niya sa binata, nakangiti ito sa kanya. Hindi niya alam pero
nawala ang kaba na nararamdaman niya. Nanlalamig pa rin, nanginginig
ngunit pakiramdam niya ay narelax ang lahat sa kanya. . .

She smiled as she felt two raging emotions inside her: belongingness and
happiness.

~ ~ ~
Author's Note:I won't force you people pero kung magtutweet kayo tungkol
sa story, isama niyo ang hashtag na #ThatTwistedLoveStory or #TTLS or
itweet niyo sa @ulaaaann para makita ko (hindi lang ngayon dahil on leave
ako hehehe) Gusto ko lang mag update kaya hiniram ko sa kaibigan ko itong
account ko. Wala lang. Thank you sa pagbabasa. :D

This chapter is dedicated to youreverything05. Sobrang kilig lang 'yung


comment niya last chapter. Akswali marami akong gustong pagdedicate-an
nito pero kasi, isa lang pwede tapos siya nauna so. . .ayun. Nakakatuwa
naman kasi talaga ang comment niya :">
"Lahat ng stories mo, laging may laman. Laging may gustong ipahiwatig.
Minsan hindi ko na alam kung ano pa ang icocomment dahil kulang pa ang
reaction ko para makapagreact dito. . . Ang dami kong natututunan sa mga
ud's mo na pwedeng iapply sa real life and that makes you a one of a kind
author. Meron kasi sulat lang ng sulat at sa story lang umiikot ang
mundo. But for your stories? Hindi lang sa story umiikot. Kundi sa lahat
ng angles. Sa realidad, sa characters, sa lahat. . . . sorry kung magulo.
Sabi sainyo eh. I really can't find the right words to describe how
awesome your stories are. Keep on writing Miss Rayne! <3"

Thank you, kinilig ako ng bongga rito. Swerte ko at reader kita :">

=================
29 // Whirlwind Melody
"That deep silence has a melody of its own, a sweetness unknown amid the
harsh discords of the world's sounds." Paul Brunton

~ ~ ~
MYUSICK REVEALED THEIR FEMALE VOCALIST, CES!
Kaliwa't kanan ang labas ng mga balitainternationallypatungkol sa
bandang MyuSick revealing their very own female vocalist. Hindi magkandaugaga ang mga paparazzi upang makakuha ng magandang shot kay Ces para
ibenta sa mga newspapers.
Pagdilat ng mga mata ng dalaga, napatitig siya sa puting kisame na isang
linggo na niyang nakakatitigan sa tuwing gumigising siya sa napaka lambot
na kama niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala. . . lahat
ng mga nangyari, parang panaginip.
Pumikit siya at pinakiramdaman ang buong katahimikan ng paligid. Hindi na
niya naririnig ang maiingay na kotse sa ibabawala nang kumakatok sa
kanya para pagbayarin ng renta. Wala na ang lahat ng sakit at pasakit,
napalitan pa ito ng sobrang lambot at napaka kumportableng higaan.

May isa lang siyang hindi makalimutan kahit isang linggo na ang nakaraan.
. . ang pagngiti sa kanya ni Lyric.
Hindi na ito naulit mulitila naging mas malayo ang binata sa kanya
pagkatapos. Walang imikan at kaunting tinginan na lang ang nangyayari.
Magulo pero hindi na lang ito pinapansin ni Ces. Iniisip na baka ngayon
lang iyon, nahihiya lang siguro sila sa isa't isa.
Tumunog ang kanyang cellphone na bagong bili ni Manager Lily, touch
screen. Hindi man sanay, binuksan ng dalaga ang text ng isang unknown
number.
HOY CES ANG LAKAS MO ATANG MAGBAKASYON? NAG FILE KA BA NG LEAVE? PESTE,
BUMALIK KA RITO SA CAKE SHOP!
Napangiti siya at kamuntikan nang matawa sa nabasa. Agad niyang sinave
ang number na ito at pingalanan na Keng. Kung paano nalaman ni Keng ang
number niya, hindi rin niya alam.
Isang linggo na rin ang nakakaraan simula nang ipakilala siya sa mundo
bilang vocalist ng bandaang pinagtataka lang niya ay hindi mga Pilipino
ang sobrang nagwelcome sa kanya kung hindi mga taga ibang bansa.
Itinanong ni Ces kay Manager Lily ang dahilan kung bakit puro taga ibang
bansa ang fanbase ng MyuSickkakaunti lang ang mga Pilipino, more on
English people at American.
Mapait na ngiti ang ibinigay sa kanya ng Manager at sinabi ang
pangungusap na tumagos sa kanyang puso.
"Most of Filipinos idolize other countries which is kind of weird that
the other countries idolize us, Filipinos," malungkot na sabi ng manager.
"Hindi tayo marunong tumangkilik ng sariling atin kaya minsan, minamaliit
tayo ng iba."
* * *
Tuwing umaga, at six, hindi pupwedeng hindi magbreakfast ng sabay sabay
ang buong banda. Hindi pwedeng hindi sumabay unless there is an emergency
pero kung wala, THEY MUST EAT BREAKFAST TOGETHER.
Ito rin ang tinatawag ni Manager Lily na "sit back, relax and talk" na
sobrang ironic dahil laging wala si Manager Lily tuwing breakfast. She's
very busy talking to peoplesiguro nga ay ganoon kabusy ang mga manager
ng isang banda.

Just like now, pagkarating ni Ces sa dining area, ang nakita lang niya ay
si Melo at Pitch na kumakain. Si Note ay nasa living area, nakahiga at
humihilik sa sofa.
Napangiti si Melo nang makita si Ces, "Good Morning Ces!"
Binati niya pabalik ang binata at naupo sa tabi nito. Pwesto na niya ito
simula nang makarating siya rito sa bahay. Kumuha siya ng toasted bread
at napatingin kay Pitch na nakatingin sa kanya with bored look.
Naiilang pa rin talaga siya kay Pitchlalo na kay Lyric na naging mailap
sa kanya lalo. There's something sa dalawang ito na nakakapagtaka dahil
kinakausap naman ng dalawa sila Melo at Note ngunit mailap sa kanya.
Si Melo lang ang nag iingay sa loob ng dining area, kwento rito at kwento
roonnakikinig lang si Ces ngunit obvious na hindi interesado si Pitch.
Ilang minuto ang nakaraan, nakarinig sila ng ingay mula sa living room.
"Aahh ano ba, 'wag mo ako gisingin!" boses ni Note. "Ano ba, oy!"
May kalabog silang narinig at ilang segundo lang, pumasok sa loob si Note
nang hawak hawak ang ulo kasunod si Lyric na ngiting ngiti. Nag asaran pa
sila bago maupo sa kanilang pwestosi Note sa tapat ni Ces at si Lyric sa
tabi ni Pitch na katabi ni Note.
"Uy Ces, ganda mo ngayon ah!" nakangiting bati ni Note sa dalaga.
Naramdaman ni Ces ang pag init ng kanyang pisngi sa sinabi ng lalaki
kahit ilang beses na ito sinasabi ni Note, hindi pa rin niya maiwasan
mahiya.
"Note, hinay hinay sa pambobola," umiiling na sabi ni Melo at tumingin
kay Ces, "baka maniwala 'to!" sabay tawa nang malakas.
Napanganga ng kaunti si Cestrip na trip talaga siya ni Melo, inaasar
siya pero natutuwa rin sa pinagsasasabi ni Melo.
Nag patuloy lang sila sa pagkain, nagkukwentuhan sila Note at Melo
hanggang sa nagsalita si Lyric, out-of-nowhere mula sa pagkatahimik.
"Maganda naman siya eh," mahinang sabi ni Lyric.
Bumilis ang tibok ng puso ni Ces nang marinig ang sinabi ng binata. Mula
sa pagkakayuko, iniangat niya ang kanyang paningin at nagtama ang mga
mata nila ni Lyric. Kitang kita ang gulat sa mga mukha nila Melo at Note
na unti-unti ay naging pilyong mga ngiti. Kahit si Pitch ay napatingin
kay Lyric na biglang nagsalita.

"Nice Lyric," mapanuksong ngiti ni Melo sa bokalista.


Iniiwas ni Lyric ang tingin kay Ces at tinignan si Melo ng nakangisi,
"kung hindi siya maganda, hindi siya papatulan ni Lyle."
Napatigil si Ces sa narinig. . . nabitawan niya ang kanyang kubyertos na
naging dahilan upang tingnan siya ng apat na lalaki na may pagtataka.
Halos magwala na ang puso ni Cesang pangalang 'yon. Ang pangalan na
naman na 'yon.
Humigpit ang hawak ni Ces sa kubyertos. Yumuko siya at tinignan ang
kanyang pagkain. Hindi niya alam kung anong point ni Lyric para sabihin
iyon. . . ang ayaw lang niya ay ang epekto ng pangalan na iyon sa kanya.
Hindi pa rin nagbabago.
Mahal pa rin niya.
* * *
"Are you ready?" nakangiting tanong sa kanya ng Manager habang nakahawak
sa doorknob ng recording studio ng kanilang bahay. Rinig mula sa
kinatatayuan nila ang musikang ginagawa ng banda sa loobkinakabahan
naman si Ces dahil ito ang unang pagkakataon na sasali siya sa band
practice ng banda.
Nagkatinginan sila Ces at Lily. Huminga nang malalim si Ces at tumango.
Binuksan ni Manager Lily ang pintuan ng studio, "let's start"
Napatigil ang lahat sa pagdating nila Ces at Manager sa loob ng studio
nagkatinginan silang lahat hanggang sa unang sumigaw si Melo!
"Aaahh! My body~" agad tinakpan ni Melo ang sarili gamit ang kurtina na
malapit sa kanya. Napansin naman ni Ces ang pagsapo ng noo ni Manager
Lily nang makita ang anyo ng mga lalaki.
Nakatopless lang si Melo at nakaboxers short habang nakasuot ang beanie
niya sa ulo. Si Pitch naman ay nakatali ang bangs pataas habang hawak ang
drum stick. Si Lyric ay nakahairband na pink ang buhok na humahaba na. Si
Note ay nakatopless din pero wala pa rin siyang pakielam kahit makita pa
ni Ces ang katawan niya.
Kung tutuusin, lahat sila ay mukhang mga dugyotmalayong malayo sa image
nilang rockstars sa stage.

"Walangya, sabi ko sa inyo ayusin niyo itsura niyo sa practice, di ba?"


malapit na mag histerical na sabi ni Lily habang papalapit sa banda.
Nakatayo lang si Ces sa may pintuannanonood sa mga mangyayari pa.
Lumapit si Manager Lily kay Melo at piningot ang tenga nito, "aw! Aray,
manager!" at lumapit din kay Note para pingutin rin ang tenga nito,
"Aaahh! Manager, masakit!"
Pinipilit alisin ng dalawa ang pingot sa kanila ng Manager ngunit mukhang
mas malakas pa sa mga ito ang Manager lalo na kapag nababadtrip.
"Kayong dalawa, kailan ba kayo matututo mag t-shirt kapag nasa bahay,
ha?" naglakad lang si Manager Lily, kinakaladkad palabas ng studio.
"Paano kung biglang may magpicture sa inyo ng nakatopless? Mahiya nga
kayo sa mga taba niyo!"
"Ouch Manager, yung abs ko!" rinig ni Ces na sigaw ni Melo. Natawa naman
si Note.
Sa studio, tahimik ang tatlong naiwanCes, Pitch at Lyric. Nagpapalo lang
si Pitch sa kanyang drums habang si Lyric ay nakayuko lang habang hawak
ang mic. Nakatingin si Ces sa dalawa at napaisip.
Siguro kung silang dalawa lang sa banda, sobrang tahimik ng mundo.
Ilang minuto lang ang nakaraan, dumating na sila Melo at Notemaayos na
kahit papaano ang mga itsura. Dumating din si Manager Lily at pinagsama
sama sila sa sofa sa loob ng studio.
"Within three weeks, we need ten songs para makapasok sa Battle of the
Bands sa New Zealand. Okay?"
That was the last thing Manager Lily said. Nakapwesto na ang lahat, si
Pitch sa drums, si Melo sa lead at si Note sa basist. May hawak si Lyric
na isa pang gitara, rhythm guitar ngunit may mic din na nasa tapatkatabi
si Ces na hawak ang isa pang mic.
When they started singing, napaka ganda ng pagkakablend ng boses nilathe
thing is, awkward looking ang dalawa. It's as if they're strangers.
Walang pansinan at walang tinginan.
"I hate it, masyado kayong malayo sa isa't isa! Walang chemistry!"
pagrereklamo ni Lily, kunot ang noo na kaupo at nakatitig sa banda.
"Pero Manager, record la"
Manager Lily cut Lyric off.

"No. Sa pag kanta, it's importantlalo na kung duetdapat may chemistry


ang dalawang singer. Hindi kasi ako makaconnect! Ano ba?!"
Tumayo si Manager Lily at hinawakan si Ces at Lyric sa braso at
pinagharap. Nagkatinginan ang dalawa at lalong nakaramdam ng awkwardness.
Rinig naman ni Ces ang mahinang pagtawa nila Note at Melo habang
nakatingin sa kanila.
"What's up with you two? Galit ba kayo?" pagtataka ni Lily.
Walang sumagot sa dalawa. Iniiwas ni Lyric ang kanyang tingin habang si
Ces ay nakakaramdam ng kaba sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.
Napabuntong hininga si Lily at minasahe ang noo, stressed na stressed.
"Ayusin niyo 'yang awkwardness niyo ah, walang ganyan sa banda."
Pinatigil na muna ng manager ang session at lumabas ng studio. Huminga
siya ng malalimsiguro nga ay dapat maalis na ang awkwardness sa kanilang
dalawa.
She was about to say something when Lyric went out of the studio, leaving
her behind. Napatulala siya sa paglabas ni Lyric, nakatingin sa may
pintuan. Naramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat at nakitang
nakatingin din sa may pintuan si Melo.
"Galit ba siya sa akin?" takang tanong ni Ces.
Ngumiti si Melo, "hindibaka nahihiya lang sa'yo. Awkward eh."
Napatingin muli si Ces sa may pintuan. Nakaramdam siya ng lungkot. . .
ano ba talaga? Hindi na niya alam ang gagawinkahit siya ay nahihiya na.
Tama bang nasa MyuSick siya?
"Pero bakit Ces nickname mo?"
Mula sa likuran, hinarap ni Pitch si Cesinaantay ang sagot sa tanong.
Natawa naman si Melo, "nako si Pitch, chismoso!"
Mula sa lungkot na naramdaman, napangiti si Ceshindi niya alam pero
napangiti talaga siya lalo na at si Pitch ang nagtatanong. Ang cute ng
itsura nito na nakatali pa ang bangs. Kahit pa seryoso ang mukha ng
binata ay mapapatawa na lang dahil sa nakataling bangs.
"Bakit Ces? Kasi"

"UY MELOARAY!" napalingon sila Ces.


"Manahimik ka Note, may sinasabi si Ces!" napanganga ng kaunti si Ces
nang paluin ni Melo si Note sa braso. Hinimas naman ng binata ang brasong
pinalo ng kasamahan.
Nang mag sink in sa utak ni Ces ang nangyarinagulat na lang ang tatlong
binata na kasama ng dalaga sa loob ng studio nang matawa siya. Napahawak
si Ces sa kanyang bibig habang tumatawa ng mahina.
Natulala naman ang tatlo sa biglang pagtawa ng dalagait was the first
time they've seen and heard Ces laugh. Ang mga mata ng dalaga ay nawawala
sa pagtawa nito, ang mahinhin na boses na rocker-ish ay sobrang sarap
pakinggan kapag tumatawa.
"Hala! Tumatawa siya!" nanlalaki ang mga mata ni Note habang tinitignan
nang mabuti si Ces.
"Note, milagro ba 'to?! Nakakita ako ng milagro!" pinagsisigawan ni Melo.
Lalong natawa si Ces sa sinabi ng dalawahindi na niya mapigilan dahil
sobrang adik lang ng dalawa. Natatawa siya dahil sobrang curious ng mga
ito sa kung anong dahilan ng kanyang nickname.
Nang tumigil na siya sa pagtawa, napansin niyang tulala pa rin ang mga
lalaki sa kanya.
"Ces nickname ko kasi. . ." nakangiting sabi ni Ces.
"Kasi?" kunot noong tanong ni Pitch.
Napangiti lalo si Ces, hindi talaga siya makapaniwala na ganoon na lamang
kainteresado ang mga lalaking iyon sa nickname niya.
"Kasi prinsesa ako ng mama ko."
Tumigil ang pag ihip ng hangin at nawala ang lahat ng tunog sa buong
paligid. Nakatitig lang ang tatlong lalaki sa dalagang nasa gitna nila.
Ilang beses napapikit sila Melo at Note kung tama ba ang pagkakarinig
nila o nabibingi lang sila.
"Sabi ko na nga ba," patango-tangong sabi ni Pitch. Tumango na lang siya
kay Ces at lumabas na rin ng studio samantalang ang dalawang nakatulala
pa rin, nakatingin lang kay Ces. Hindi makapaniwala.

Ilang segundo pa ang nagdaan. . .


"ANO!? YUN LANG?!" sabay na sigaw ng dalawa.
Napangiti lalo si Ces at natawa ng kaunti, "bakit? Kailangan ba lahat ng
bagay may malalim na meaning?"
Hindi pa rin makaget over sila Melo at Notepinaglalaban nilang may iba
pang meaning ang nickname ng dalaga ngunit wala talaga. Wala talaga
silang mapiga kay Ces. Tumigil lang sila kakakulit nang pagbawalan sila
ng manager, huwag daw makulit kung hindibabawasan ang allowance nila.
Natatawa na lang si Ces sa reaksyon ng dalawa. Pagkatapos niyang ibigay
ang dahilan ng kanyang nickname, lalo siyang naging close sa dalawang
makulit na gitarista at ikinagulat din niya ang isang bagay.
"Morning Ces," si Pitchpinapansin na rin siya.
Everything's going smoothly except for one. . . Lyric. Hanggang ngayon,
hindi pa rin sila speaking termsparang walang improvement at lalo pang
nawala ang connection nila.
And that made Manager Lily furious.
"Kung hindi niyo maaayos yan this week, papalitan ko na kayong mga
vocalist!"
Saturday afternoon, walang halos tao sa loob ng bahaynagkanya-kanya raw
ng lakad ang buong banda. Ces decided to go to the cemetery. Hindi pa
sana siya papayagan ni Lily ngunit wala nang nagawa ang manager nang
sabihin ni Ces na bibisitahin niya ang kanyang nanay kaya pinagtaxi na
lang siya dahil wala rin si Melo nung araw na 'yon.
Bago pa makapunta si Ces sa pwesto ng kanyang nanay, may napansin siyang
likuran na pamilyar. Agad siyang kinabahan nang tumingin ang lalaki sa
may kanan at namukhaan niya itoS-Si Lyric?

Huminga siya ng malalim at naglakad para lagpasan na lamang si Lyric.


Hindi niya sigurado pero mukhang ayaw sa kanya ni Lyric kaya hindi na
lang niya masyadong pipilitin ang sarili sa binata. Nang makalampas na
siya at papunta na sa kanyang nanaybumilis ang tibok ng puso niya nang
tawagin siya nito.
"C-Ces."

Lumingon si Ces at nakita si Lyric na nakatingin sakanya. Hindi mapakali


ang puso ni Ces sa pagwawala. Siguro dahil hindi sila close ng binata at
parang ito na ang pagkakataon para makapag usap sila? Hindi niya talaga
alam.
"Sinong. . .?"
"Mama ko," mahinang sabi ni Ces. "Ikaw, sino. . .?" tumingin si Ces sa
lapida na nasa harapan ni Lyric. Mukhang ito ang dinadalaw ng binata.
Ngumiti si Lyric at tinignan ang lapidang nasa tapat. Natahimik ito ng
kaunti at tiningnan si Ces, "best friend ko."
Umihip ang hangin na siyang dahilan para hanginin ang kanilang mga buhok.
Natahimik ang dalawa, walang nagsasalita. Tiningnan siya ni Lyric ng
nanliliit ang mga mata, parang may iniisip o hinihintay.
"B-Bakit?" Nakakaramdam na siya ng ilang sa tingin ng binata sa kanya.
"A-ah, wala," sabay ngiti ng binata sa kanya.
Mabilis pa rin ang tibok ng puso ni Ces ngunit nakakaramdam siya ng
kapayapaanpara bang naramdaman niyang hindi galit sa kanya si Lyric.
Siguro nga ay it takes time. . . nagkataon lang na hindi pa ito ang right
time para magconnect ang dalawa.
Ma, sana maging maayos na lahat.

* * *

Malapit na araw ko, please be with me!

Napangiti si Ces sa nabasang text mula sa kaibigang si Marky.


Nakaramdaman siya ng giddinessexcitement sa balita ng kaibigan. Agad
siyang nagpaalam sa Manager at mukhang good mood ito kaya pinayagan siya
agad.
"Ces! Namiss kita!"
Napangiti si Ces nang makita si Marky. Nakadress itong malaki, kitang
kita na rin ang napaka laki nitong t'yan at mukhang malapit na nga talaga
ang paglabas nito sa mundo.
Gusto man magyakapan ng dalawa, hindi na nila ginawa dahil maiipit si
baby.
"You look different," napasimangot si Marky habang ineexamine ang
kaibigan. "Mas naging matino ka sa itsura mo. Rocker ang peg?"
Napangiti na lamang si Ces. Hindi alam ng kaibigan na kasali na siya sa
banda? Siguro nga ay hindi talaga sikat ang MyuSick sa sarili nitong
bansa.
Nagkwentuhan at kumain lang ng ice cream ang dalawa. Nagplano rin sila ng
sleepover kaya nang gumabi na ay dumiretso sila sa bahay ni Marky. Same
apartmentit feels nostalgic dahil bumalik sila sa dati nilang tambayan
noong buo at wala pang sumisirang pangyayari.
Pagkabukas ni Marky sa pintuan ng bahay, nanliit ang mga mata niya nang
makarinig siya ng mahinang ingay. Nagkatinginan sila Ces at Marky.
"Ano 'yun?" tanong ni Marky. Nagkibit balikat si Ces.
Sabay silang naglakad at palakas ito nang palakas hang papalpit sila nang
papalapit sa banyo. Nagkatinginan muli ang magkaibigan nang marealize
nila na hindi ito isang kakaibang ingayisang ungol.
Sabay na pag ungol.
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Ces at nanlalamig din ang kanyang mga
kamay. Nagtaasan ang kanyang mga palahibo nang hawakan ni Marky ang
doorknob at agad na binuksan ang pintuan ng CR.
Right there and then, nanlaki ang mga mata ng magkaibigan sa nakita.
It was Fitz standing and Erich sitting on the counter doing it. Napatigil
ang dalawa sa ginagawa nang marealize nilang nakabukas ang pintuan ng
banyo at kitang kita sila ni Marky na nakatakip ang bibig gamit ang isang

kamay. Naghanap sila ng pwedeng takpan ang mga hubad nilang katawan
ngunit wala silang makuhang pantakip.
"M-Marky" pagtawag ni Fitz.
Isinara ni Marky ang pintuan ng banyo. Napatitig lang si Ces sa kaibigan
na bigla na lang tumulo ang mga luha galing sa mga mata. Napansin niya
ang bigat ng paghinga ng kaibigan, sa pag galaw ng mga mata na parang
hindi mapakali at pagkunot ng noo.
"Marky. . ." hahawakan niya sana si Marky nang buksan ni Marky ang
pintuan ng banyo at agad sumigaw. Tulo pa rin nang tulo ang mga luha.
"PUTANGINA NIYO, LUMAYAS KAYO SA PAMAMAHAY KO!"
Tinext ni Ces si Matt, ang best friend ni Marky, para papuntahin sa
apartment ni Marky.
Agad naman sinugod ni Marky si Erich at hinawakan ng sobrang higpit sa
buhok pati na rin si Fitz saka ito pinag untog. "Mga walangya kayo,
binaboy niyo pa 'tong apartment ko!" pinag untog niyang muli ang ulo ng
dalawa.
"Ouch! Marky, masakit!"
"Malandi ka, wala akong pakielam sa'yo!" Itinulak ni Marky si Erich
palabas ng CR kahit na hubo't hubad ang dalaga.
"Isa ka pa!" Kahit na hirap, isinipa ni Marky si Fitz there where it
hurts the most. "Hayop ka ngayon ka pa nang gago!"
"Aw! Awww!"
"Fuck you! Fuck you both! Mamatay na kayo! Layas!" Tinulak tulak ni Marky
ang dalawa kahit na wala pang saplot ang mga ito. Binuksan niya ang
pintuan at marahas na tinulak muli ang dalawa habang hawak ang mga damit
palabas. "Huwag kayong magpapakita sa akin kung ayaw niyong kamutin ko ng
chainsaw 'yang mga kati niyo!"
Binagsak ni Marky ang pintuan at dadausdos na sana sa pintuan habang
umiiyak nang tulungan siya ni Ces para makaupo sa sofa. Iyak pa rin nang
iyak si Marky, halos magwala nahindi na makahinga.
"Tangina nila! Buntis akah. . ." napatigil si Ces nang mapansin niyang
napahawak si Marky sa t'yan nito. "Aw. . ." Nanlaki ang mga mata ng
dalaga nang marealize niyang nasasaktan si Marky. "Aaaahhhang, ang
sakit!"

Napatayo si Ces at tinignan ang tumutulong tubig mula kay Marky,


"manganganak ka na?!"
"Aahhh, shit talaga 'yung dalawang 'yun! Shit talaga! Aaahh~"
Hindi mapakali si Ces. Hindi niya kakayanin mag isa si Marky, she tried
calling Matt pero hindi ito matawagan. Hindi na niya alam ang gagawin,
sobrang lakas na nang pagsigaw ni Marky.
"Teka, Marky! Teka lang!"
Binuksan ni Ces ang pintuan para manghingi ng tulong nang dumating si
Matt na hingal na hingal at pawisan. Nakapambahay nga lang ito at mukhang
kumaripas talaga papunta rito. Nakaramdam ng kaunting pag asa si Ces.
"Matt, si Marky! Manganganak na!"
* * *
"Aaaahhh!!"
Everything's blursobrang daming tumatakbo na doctors at nurses papunta
sa emergency room. The pain is killing Marky, sobrang sakit ng paghilod
ng kanyang sinapupunan. Malapit na. . . malapit na.
"Ces~!"
Hindi mapakali si Ces. Sa bawat paghakbang nila, parang palayo nang
palayo ang emergency room. Nakikita niya ang pagtulo ng luha ni Marky.
Kahit hindi siya ang manganganak, nararamdaman pa rin niya ang sakit para
sa kaibigan.
"Ang sakit! Matt, ang sakit!"
Wala siyang ibang magawa kung hindi ang hawakan ang kaibigan sa kamay.
Sumuporta. Ramdam niya ang higpit ng hawak nito sa kanya, halos masugatan
na sa sobrang higpit ng kapit sa kanyang braso.
Sobrang nag aalala si Ces hanggang sa makita niyang tahimik lang si Matt
na tumatakbo. Nakatingin ang binata kay Marky, sobrang lapit nito sa
mukha ng kaibigan. She heard him whisper,
"Nandito lang ako," mahinang bulong nito. "Hindi kita iiwan, kahit
kailan."

Marky looked at Matt. . . kitang kita ni Ces ang tinginan ng dalawa. For
that second, nakaramdam siya ng kapayapaan sa tinginan ng mga ito.
All the while, habang kumakabog ang dibdib niya, isa lang pala ang
makakapanatag ng kanyang loob. Ang mag best friends, magkahawak ang mga
kamay.
Intertwined. A perfect fit.

A love made in heaven.


~ ~ ~
Author's Note:I know, sobrang jumpy ng mga scenes pero kasi, kailangan ko
icover itong mga pangyayari para cool. Hahahaha! (Joke. Nahihirapan lang
ako ilagay lahat ng characters <///3) Can't think properly, gusto ko lang
mag update dahil may nagrequest. Hi Eri :) Salamat po sa pagbabasa ng
That Twisted Love Story! Yaaay! (Me still offline po)
Dedicated to i_Shairaly. Dapat talaga matagal na akong nagdedic sa kanya
pero ngayon lang nagka"chapter" na para sa kanya so yeaah, hi! Sobrang
natutuwa ako kasi affected ka sa story <3 every chapter, sobrang senseful
ng mga comments mo. Thank yoou talagaaa :">
Like the plsptsya page, yay! (External link) or go
here: https://www.facebook.com/plsptsya thanks :)

=================
30 // Single Note
"I can only note that the past is beautiful because one never realises an
emotion at the time. It expands later, and thus we don't have complete
emotions about the present, only about the past." Virginia Woolf

~ ~ ~

Panatag na ang loob ni Ces sa mga nangyayari, siguro dahil alam din niya
na ang kaibigan niyang si Marky, nasa mabuti ng kamay ni Matt. Ang taong
totoong nagmamahal sa kaibigan. Ang taong alam niyang hindi man
perkpekto, gagawin ang lahat para mag fit ang lahat into places.

Aaahh!

Mommy!

Hindi mapigilan ni Ces ang pagtawa habang tinitignan ang dalawang katabi
niya sa sofasila Melo at Note. Si Note ay nakayakap sa kanyang braso
habang si Melo ay nakasandal sa kanya habang nakatakip ang unan sa mukha
nito.

Dahil sa stressful na five songs practice ng buong banda at isang kanta


na pagrerecord, kinailangan ng bandang MyuSick ang mag unwind para
sumabak muli sa susunod na araw sa panibagong practice at recording. . .
ito ang dahilan kung bakit hindi muna sila pumapasok sa kanilang
university at nanonood ngayon ng isang horror movie.

Patayin sa Kiliti si Rayne.

Sigaw nang sigaw sila Note at Melotawa naman nang tawa si Ces dahil ang
dalawang lalaki na kung makaasta ay sobrang macho, weak pala sa mga
horror movies.

Patayin na natin 'yan! halos paiyak na sigaw ni Melo, nakatakip pa rin


ang mukha ng unan.

Humigpit naman ang yakap ni Note sa braso ni Ces, huwaghuwag muna, para
mayakap ko pa si Ces! natatawang sabi nito.

Napatigil ang buong banda sa sinabi ni Note. Kahit sila Pitch na nasa
kabilang sofa na nakahiga at si Lyric na nasa kabila rin at nakahiga,
napatingin kay Note.

Ngumiwi ang binata, joke lang, saka inilayo ang sarili kay Ces.

Ngumiti si Ces. . . hindi man niya nakakausap masyado sila Pitch at


Lyric, nararamdaman din naman niya kahit papaano na nagkakaroon na sila
ng connection. Kahit sa pagduet, hindi na rin siya masyadong nahihirapan
kapag kasama si Lyrickahit hindi sila nagtitinginang dalawa.

At least their voices blend well.

Natahimik muli ang buong grupo at nagfocus sa panonood ng movie.


Napapangiti lang si Ces dahil naririnig niya ang malalalim na paghinga ng
dalawang katabi niya. Hindi mapakali, ready na matakot hanggang sa. . .

Shit!

Tumingin ang lahat ng nasa sala kay Pitch nang bigla itong sumigaw at
napalayo ang ulo sa screen. Wala pa namang nakakatakot sa pinapalabas at
wala pa naman sa gulatan portion talaga pero grabe ang reaksyon ni Pitch.

Anyare sa'yo, pre? pagtatakang tanong ni Melo habang hawak ang unan na
panangga.

Tumingin si Pitch kay Melo at napansin nito na nakatingin sa kanya ang


buong banda. Isinandal niya ang ulo sa head rest ng sofa, ewan ko sa
inyo. Matutulog na lang ako, saka ito nagposisyon pahiga, hindi na
tumingin sa screen ng tv.

Natakot, mahinang tawa ni Note.

Sumagot si Melo, duwagAHH!!!

AAHH!

AAHHHH!!!

Sunod sunod ang pagsigaw nila Melo, Note at Ces nang biglang sakmalin ng
lalaki sa palabas ang bida at kiniliti nang bonggang bongga saka ito
namatay. Tumigil na sa pagsigaw si Ces pero patuloy pa rin sila Melo at
Note.

Ayaw ko na! Nawawala pagkalalaki ko! Isinubsob ni Melo ang sarili sa


tabi ni Ces. Nakatakip ang unan sa kanyang ulo.

Ibinaling ni Note ang atensyon kay Lyric na parang wala lang ang
nangyayari sa pwesto nito, patayin mo na 'yung tv, Ly! Patayinapatigil
si Note nang tingnan siya ni Lyric ng masamamas nakakatakot sa palabas.
Uhm, ano. . .Lyric. Pakipatay, please?

Ipinatay naman ni Lyric ang TV. . . pilit man niyang magseryoso, hindi
niya magawa dahil sa kalokohan ng mga kabanda kaya napangiti ito, which
shocked Ces.

It was the first time Ces saw Lyrics smile. Ang gwapo.

Natahimik ang buong banda na nasa sala hanggang sa lumabas si Manager


Lily galing sa not-so secret haven nito. Nakataas ang kilay, mukhang
naiirita.

Ang iingay niyo, ano ba?

Ngumiti lang si Note at Melo na nagtuturuan. Umiling-iling na lang si


Manager Lily sa mga alaga niyahindi na talaga nagbago. Magkababae man sa
grupo o wala, magugulo pa rin. Mahaharot. Same MyuSick.

Ay Manager, may tanong ako, itinaas pa ni Melo ang kanyang kamay na


para bang hinihintay siyang mapili ng professor.

Ano?

Hindi ba natin bibigyan ng music name si Ces? Screen name man lang?

Napaisip si Ces sa tanong ni Melo. . . oo nga naman, bakit nga ba wala


siyang screen name? Bakit siya lang 'yung hindi tungkol sa music ang
pangalan? Tiningnan ng buong banda si Manager Lily na mukhang nag iisip
habang nakatingin kay Ces. Pinagmamasdan siya, ineexamine.

Hmm. . . malakas na pag iisip ng manager. Huwag na, tinatamad ako mag
isip. Tulog na, may practice pa bukas, tuloy tuloy nitong sabi. Umakyat
na si Manager Lily at pumasok sa loob ng kwarto.

Natahimik muli ang buong banda.

Nagpaalam na sila Pitch at Lyric at umakyat na rin sa kani-kanilang


kwarto. Naiwan sa sala ang tatlo, actually, simula nang dumating si Ces
sa bandasila na talaga ang pinaka dikit.

May tanong ako sa'yo, mahinang sabi ni Note habang nakatingin kay Ces.
Itinaas lang ni Ces ang dalawang kilay, waiting for the question. Minsan
ba naisip mo kung kailan at paano ka mamamatay?

Napatigil si Ces sa tanong ni Notehindi rin siya prepared sa sobrang


seryosong mukha ni Note pati na rin ni Melo na nakikinig sa usapan.
Kailan at paano mamamatay?

Paano nga ba, Ash? Kailan ang right time?

B-Bakit?

Ngumiti si Note at sumandal sa sofa, nakatingin sa taas. Ako, akala ko


alam ko na kung paano ako mamamatay.

Nanliit ang mga mata ni Ces sa sinabi ng kabanda. Hindi niya magets ang
sinasabi nito.

Dati kasi, nagsuicide ako.

Tumaas ang balahibo ni Ces sa sinabi ni Note. Magkatinginan sila


hinihintay niya ang salitang joke lang! pero ilang segundo na ang
nakalipas, wala pa rin. Nagkatitigan sila ni Note, tiningnan din niya si
Melo pero seryoso rin ang itsura nito.

Ha?

Note smiled, napicture ko na ang sarili ko kung paano ako mamamatay.


Masasagasaan ng kotse. Hit and run.

N-Nagjojoke ka ba? Hin-di kasi magandang biro 'yan.

Tiningnan siya ni Note, seryoso pa rin ang itsura. Sana nga nagjojoke
ako pero totoo 'to, nangyari ang lahat bago magkaroon ng MyuSick.

Tumango si Melo nang tingnan siya ni Ces. Ang bilis ng tibok ng puso ng
dalaga sa sinasabi ni Note, hindi niya alam kung bakit sinasabi ito ng
binata sa kanya ngayon.

Hindi naman ako ganito talaga, 'yung maloko? Sobrang layo kosa totoo
n'yan, ilang beses na akong nakulong.

Nanlalaki ang mga mata ni Ces. Hindi pa rin niya sigurado kung
paniniwalaan niya ang sinasabi ni Note o hindi.

Basagulero. Frat member inilahad ni Note ang kamay at ipinakita kay


Ces. Hinawakan ni Ces ang kamay ng binata at naramdaman niya ang faint
scar sa may gilid ng kamay nito. Naghubad si Note ng t-shirt at
ipinahawak kay Ces ang tagiliran nitomay mga tahi, keloid. Gang member.
Isa ako sa worst case. . . hanggang sa nakapatay ako.

N-nakapatay ka?

Kapatid ko.

Napaatras ng kaunti si Ces sa narinig. Hindi siya makapaniwala na si Note


ang nagsasalita ngayon mismo at nagkukwento ng nakaraan niya.

Hindi ko kinaya lahat, gusto kong tumiwalag pero shit lang talaga ang
frat, mahirap makapasok pero mamamatay ka kapag gusto mo na umayaw,
bumuntong hininga si Note. Suicide lang ang naisip ko. Tumawid sa
expressway ng sobrang gabi na para matapos na lahat.

Bumibigat na ang bawat paghinga ni Ces sa naririnig. Sumandal siya sa


sofa habang nakatingin lang kay Note.

Eh nagkataon, si Manager ang nakabangga sa akin. Imbis na tulungan ako,


minura pa niya ako, nakita ni Ces na natawa si Note na para bang
inaalala ang nangyari noon. Hoy tangina ka, anong kinakana-kana mo?!
Huwag kang haharang sa daanan kung ayaw mong sagasaan kita! Tiningnan ko
si Manager noon, wala na ako sa ulirat eh. Wala na akong nirerespesto.
Hinalikan ko siya.

H-Ha? Nanlaki ang mga mata ni Ces, hinalikan mo si Manager Lily?

Natawa lalo si Note, hindi ko alam. Ang hot kaya ni Manager!

Adik ka, Note! natatawang sabi ni Ces, kahit si Melo ay natawa rin.

Tapos ayun, nakaramdam ako ng sobrang lakas na suntoknatauhan ako.


Kung ano man 'yang problema mo, huwag mong dinadamay ibang tao, pwede
ba?! sabi niya.

Kaya ka ba nakasali sa MyuSick?

Nung time na 'yun, hindi pa. Umalis siya pagkatapos niya akong sipain
para mabalik sa gilid ng kalsada, natatawa muli si Note. Para bang ang
nangyari noong panahon na 'yun ay hindi mabigat na pangyayari. Pagkaalis
niya, nalaglag 'yung calling card niya. Pinuntahan ko siya at nanghingi
ng pabor.

Ano?

Pwede mo bang baguhin buhay ko?

Tumigil sandali ang kwentuhan at natahimik ang tatlo. Nagkatinginan,


nagpakiramdaman. Parang kani-kanina lang ay naglolokohan pa dahil sa
horror movie pero ngayon, hindi inaakala ni Ces na makakausap niya ng
seryoso si Note. Matino. Walang halong joke.

Sabi niya, hindi ko kaya 'yan, pero siguro magagawan natin ng paraan,
lalong ngumiti si Note. Alam mo sabi n'ya?

Ano ba, tapusin mo na 'yung kwento naeexcite na rin ako! pagmamadali ni


Melo sa kaibigan. Agad naman binatukan ni Note si Melo at kahit
magseryoso ang dalawa, hindi pa rin mawawala ang kalokohan nila.

Sabi niya, Ikaw ang babago sa sarili mo gamit ang musika, at ayun,
tinuruan niya ako ng basic guitar hanggang sa mas gumaling na ako sa
kanya. Grabe no? Ang tragic ng story ko? Wooh! Nainitan ako sa kwento
ko, natatawang sabi ni Note habang nagpapaypay.

Napahinga ng maluwag si Ces habang nakatingin kay Note na kausap na


ngayon si Melo na nagsasapakan at nagtatawanan. Nakikingiti siya sa
pangyayari pero nang malaman niya kung anong nasa likod ng buhay ni Note
parang natauhan siya.

Mas mabigat ang nangyayari sa buhay ni Note and yet, he tried to change.
He changed, for the better.

Siguro nga ay oras na rin para magbago na ng tuluyan si Ces.

For the better.

Sa tulong ng musika.

* * *

Nagising si Ces nang makarinig siya ng mahinang tugtog ng gitara at isang


bosesboses ng babae. Napatingin siya sa paligid, sobrang dilim pa rin
pero kaninong boses ang naririnig niya? Kay Lyric?! Nagiging babae si
Lyric tuwing madalinga araw?!

Lumabas si Ces para hanapin ang boses na iyon. . . hindi naman siya
nahirapan dahil napatigil siya sa pintuan ng kwarto ni Manager Lily at
narinig niya ang pinaka mala anghel na boses na narinig sa buong buhay
niya.

Just close your eyesThe sun is going down

Si Manager Lily?

You'll be alrightNo one can hurt you now

Idinikit ni Ces ang tenga sa pintuan para mapakinggan ng mas maigi ang
pagkanta sa loob ng kwarto ni Manager Lily. Napapanganga siya dahil
sobrang ganda ng boses nito, sobrang. . . sarap sa tainga.

Come morning lightYou and I'll be safe and sound

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang tumigil ang nag gigitara sa loob. Aaalis
na sana siya nang biglang magsalita si Manager Lily mula sa kwarto.
Napatigil siya sa paglalakad, kinabahan at para bang may tumulong pawis
mula sa kanyang noo.

Sino 'yan?!

Nawala ang mahinahong boses na narinig ni Ces at napalitan ng pagsigaw ng


Manager. Narinig niyang nagbukas ang pintuan ng kwarto ni Manager Lily,
paglingon niyanakatingin sa kanya si Lily.

Anong ginagawa mo d'yan?

Huminga ng malalim si Ces at hinarap ang manager. Lumunok siya at


nagdasal muna sandali bago magsalita, a-ang ganda po ng boses niyo,
Manager.

Nanlaki ang mga mata ni Manager Lily. Hinablot niya si Ces papasok ng
kanyang kwarto.

Don't you ever tell this to anyone.

Ang alin po?

Yung narinig mo.

Nagtatakang tiningnan ni Ces ang Manager, 'yung boses niyo po? Bakit p

Just. . . just don't. Okay? Matulog ka na, may practice pa bukas.

* * *

Hindi na muling narinig ni Ces ang boses ng Manager simula nung madaling
araw na 'yon. Hindi niya rin alam kung bakit o anong dahilan ni Lily. Ang
ganda ng boses nito kaya nakakapagtakang hindi nito gusto malaman ng iba
ang boses nito.

Ang gulo.

Pero ang mas nagpagulo kay Ces ay ang nakita niya sa table sa living
area, isang pink na papel. Agad na kumabog ang kanyang dibdib nang makita
niya ang pamilyar na papel na ito. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang
hawakan niya ang papel at inilapit ito sa kanya para tingnan ang sulat.

Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niyang parehas ang sulat na ito
sa sulat ng kanyang secret admirer.

Ces, halos mapatalon na sa gulat si Ces nang hawakan ni Melo ang


balikat niya. Kunot noong nakatingin ang binata sa kanya at sa papel na
hawak niya.

Melo, hindi pa rin mapakali ang puso ni Ces. Nagkatinginan sila ni


Melo, may pagtataka sa itsura ng binata. K-Kaninong. . . kaninong sulat
'to?

Kinuha ni Melo ang pink na papel kay Ces at pinagmasdan ng mabuti ang
sulat. Ngumisi naman ito pagkatapos, ay panget ang sulat. Kay Note 'to.

Note?

O, ano meron sa pangalan kong sobrang gwapo?

Nanigas si Ces sa kinatatayuan niya nang marinig ang boses ni Note.

Ano raw? Gwapong pangalan, Notario? natatawang sabi ni Melo. Agad naman
ito binatukan ni Note. Aray ah? Sulat mo raw ba 'to?

Ibinigay ni Melo ang pink na papel kay Note. Nakita ni Ces ang panlalaki
ng mga mata ni Note sa papel at unti-unting tumingin sa kanya ang binata.
Lumunok si Note at ngumiwi, ano 'to?

Hindi makapaniwala si Ces. . .Nasa harap niya ngayon ang secret admirer
niya? Ngayon mismo? Sa dinadami-dami ng lalaki, si Note pa?

Ikaw ba nagbigay. . . hindi na naituloy ni Ces ang itatanong nang itaas


ni Note ang kanyang mga kamay, surrendering. Dumating naman sila Lyric at
Pitch na nakitingin sa mga nangyayari.

Oo, ako nga Ces, ako nagbigay ng letter! nakapikit si Note at


sumimangot. Sabi kasi ni Manager Lily eh, para raw bumalik ka sa bar.

Nakatingin lang si Ces kay Note. So hindi totoo 'yung ibang sinabi sa
letter? Naguguluhan pa rin si Ces. . . all this time, ang iniisip niyang
secret admirer, para lang mapabalik siya sa bar, sa pagkanta at para sa
MyuSick?

Its not that shes complaining pero. . . ang empty ng feeling.

Anong letter? tanong ni Pitch.

Ibinigay ni Note ang pink na papel kay Pitch, eto oh. Yung pink paper
para bumalik siya sa bar, sabay na tinignan ni Lyric at Pitch ang papel.
Nanlaki ang mga mata ni Lyric. Sabay na tumingin ang dalawaPitch and
Lyrickay Note at kay Ces.

Oh, anong tinitigil-tigil niyo d'yan? Lets go! pagtulak ng manager sa


banda palabas ng bahay.

Bago pa makalabas na talaga si Ces, may napansin siyang isa pang pink na
papel. Nang kuhanin niya 'yun, bumilis ang tibok ng puso niya sa nabasa
kahit hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng nakasulat.

Nasaan ka na ba? Hindi na kita mahanap.

* * *

Nakadecide na si Manager Lily na siya na mismo ang kakausap sa may ari ng


cake shop para makaalis na si Ces. Hindi kasi kakayanin ng busy schedule
para sa banda ang pagtatrabaho ng dalaga sa cake shop at nakakahiya naman
kung puro absent siya kaya lahat sila, ipapaalam ang bokalista.

Pagdating sa tapat ng cake shop, si Ces ang naunang bumaba. Pagpasok sa


shop, nakita niya si Keng na nasa counter at unti-unting tumingin sa
kanya galing sa pagyuko.

Oh, buti dumating ka? Ano na namang arte 'yang ginawa

Sa hindi malamang kadahilanan, napatigil sa pagsasalita si Keng. Napansin


ni Ces na nakapasok na ang buong banda sa cake shop. Nanlaki ang mga mata
ni Keng na para bang nakakita ng multo.

Hi Keng, mind if I talk to you? nakangiting sabi ni Manager Lily.

AAhh, o-o sige, tara. . . naglakad si Keng paalis sa counter. Hindi


mawari ni Ces kung bakit parang kinakabahan si Keng, ah!

K-Keng!

Natalisod si Keng ngunit na gain kaagad niya ang balance niya. O-Okay
lang ako.

Keng lalapit na sana si Ces kay Keng nang pahintuin siya ni Keng at
ngumiti. Pero hindi niya sigurado kung para sa kanya nga ba ang ngiting
'yon at parang tumagos yata sa kanya. Huminga ng malalim si Keng. Okay
lang ako. O-Okay na ako. Tara ate Lily, sabay na naglakad si Keng at
Manager Lily papunta sa office.

Ang chicks naman nung Keng, kumento ni Note nang sila na lang ang
natira sa shop. Angas pa ng itsura, ganda ng buhoktattooes, piercings.
Grabe!

Pero parang ang awkward niya para sa physical look niya, no? takang
tanong ni Melo.

Hindi siya ganun. . . kasing tapang niya si Manager, pagsagot ni Ces


nang lumapit siya sa banda. Hindi ko alam anong nangyari sa kanya. . .

Magrereact pa sana sila Note at Melo nang magsalita si Pitch.

Baka dahil sa akin.

Lumingon ang buong banda kay Pitch na kanina pa tahimik pagkapasok.


Nagkatinginan sila Melo, Note at Ceskahit si Lyric ay parang nagtaka.

Si Note na ang nagtanong para sa banda, anong dahil sa'yo? Wow, close
kayo?

Ngumisi si Pitch at tiningnan ang kabanda. Nakapamulsa siya at nakasandal


sa pader. Huminga siya ng malalim at nagsalita,

Ex ko siya.

~ ~ ~
Author's Note:Marahil napa "WAAAHHT" kayo sa nalaman niyo. . . (Or pwede
ring, meh. Korni. Alam ko na 'yan eh.) but anyway, more or less 50
chapters lang ito so baka bawat chapter, may revelation! (or more
questions??? :o) Don't worry po, mabibigyan din tayo ng linaw sa story
pakonti-konti (kahit ako nabibigla minsan) so ayun, kung may mga tanong
din kayo. . . feel free to ask at susubukan kong sagutin 'yan sa story :)
Dedicated to beautiful_lie97 dahil medyo kilig lang sa comment niyang:
"... Sana most books are written this way, para kahit papaano hindi lahat
sa fictional lng kundi half and half or more on reality. Tsaka ang galing
po ng 3rd person narration, nakakagigil and straight to the heart tlaga
na emotion eh."
Bakit ba, kinilig ako eh yaan niyo na ako. Ahihihihi shenkyu po!! Akswali
andami niyong gusto kong pagdedicate-an pero pakiramdam ko hindi enough
ang chapters ng TTLS para madedicate-an kayong lahat, shet <////3
PERO SALAMAT PO NG MARAMI SA PAGBABASA. Kayo dahilan kung bakit hindi pa
rin ako bumibitaw ng tuluyan sa online world
PS: Sobrang natutuwa ako sa mga usapan niyo at hula pero sana isipin
niyo, CLICHE po ito! Hahahaha :D

=================
31 // Pitch Perfect
"The real marriage of true minds is for any two people to possess a sense
of humor or irony pitched in exactly the same key, so that their joint
glances on any subject cross like interarching searchlights." Edith
Wharton

~ ~ ~

Are you sure its okay?

Napatingin ang buong banda nang lumabas sila Lily at Keng mula sa office.
Pansin ni Ces na titig na titig si Keng sa Manager, or maybe, iniiwasan
na tumingin sa gawi nila.

Y-Yes, I'm sure tutal hindi naman ako nakikinabang sa katamaran ni Ces,
napansin ni Ces ang ngisi ni Keng. Napanganga ng kaunti si CesKeng is
really something. Napaka straight to the pointat the same time, hindi
niya magets ang ugali ng dalaga. Sometimes shes like a friend, sometimes
shes an enemy.

Ano ba talaga?

Cool, basta we'll be at the Kengs Night Out next week, nakangiting
sabi ni Manager Lily. Kengs Night Out? Parang pamilyar kay Ces ito. And
can we eat here? Medyo gutom na kasi ako.

Keng was taken aback; parang may kung anong sinabi si Manager Lily para
magulat ito. A-Ano? Mag-stay p-pa kayo rito?

Narinig ni Ces ang pagbuntong hininga ni Pitch sa kanyang likuran.


Nilingon niya ito, napansin din niyang lumingon din sila Lyric sa
kaibigan.

Hindi ako gutom. Labas muna ako.

Umalis si Pitch not waiting for an answer. Sinundan ng tingin ng buong


banda ang drummer hanggang sa makalabas ito. Nakayuko lang si Keng,
parang. . . umiiwas.

Naupo sila at si Keng ang asikaso ng kakainin nilang cake. Nang lumingon
muli si Ces sa kinatatayuan ni Pitch sa labas, nanlaki ang mga mata niya
nang bumuga ito ng usok mula sa bibig at napansin niyang may hawak itong
sigarilyo.

Naninigarilyo si Pitch? takang tanong ni Ces. Napalingon ang buong


banda sa labas, looking at Pitch while Keng stiffened at umupo sa tabi ni
Manager Lily.

Nagkatinginan si Melo at Ces, kapag stress, naninigarilyo siya.

And I'm trying to pursue him to stop pero alam ko namang ang addiction,
hindi kaagad nawawala sa sistema, Manager Lily said. So I'm waiting for
his own time to heal from that addiction.

Tahimik lang ang lahat. . . lalo na si Keng na hindi naman kinakain ang
cake na nasa platito, pinaglalaruan lang nito gamit ang tinidor.

Parang pag mumove on?

Everyone stared at Ces, parang nagulat sa sinabi ng dalaga. Kahit si Ces,


nagulat din siya sa sinabi niya. Keng looked at her, squinting her eyes.

Manager Lily smiled, Yes. Just like moving onhuwag pilitin. Unti-unti
lang hanggang sa masanay kang wala na siya sa tabi mo. Ces saw Keng bite
her lip while looking at Manager Lily. Parang si Pitch, nagmumove on
siya sa addiction niya. Kapag kasi binigla, lalo kang mahihirapan. Moving
on takes time. May tamang panahon. At bilang Manager ni Pitch, I'm
waiting for his own time to stop smoking.

Narinig ni Ces ang malakas na pagbuntong hininga ni Melo, grabe Manager!


Ang deep mo!

Natawa naman si Note sa sinabi ni Melo, pati sila Lyric natawa rin.

Ito ring si Ces, ang deep, pagpansin ni Note sa dalaga. Pinatong nito
ang kamay sa tuktok ng ulo ni Ces at ginulo ang buhok hanggang sa matigil
ito at tiningnan si Ces. May kinapa ito sa right side ng ulo ng dalaga at
kumunot ang noo. Ano 'to?

Everyone become curious. Lahat sila nakatingin kay Ces. She smiled shyly.

Naaksidente kasi ako noon, so ayun. . . tinahi.

Nanlaki ang mga mata ni Note at kaagad na inialis ang kamay sa tahi sa
ulo ni Ces, hala sorry! Nasaktan ba kita?

Ngumiti lalo si Ces. Hindi niya alam. . . pero feeling niya ang cute ni
Note kahit na matangkad ito at basagulero rati, ang cute ng side niyang
ganyan. Maloko. Caring.

Hindi okay lang, noong highschool pa naman 'to.

Natahimik ang lahat ngunit ilang minuto lang, bumalik ulit ang ingay lalo
na at pasimuno sila Note at Melo. Kahit si Ces ay natatawa rin sa pinag
gagawa ng dalawa. Si Manager Lily ay nakikisali rin sa usapan ngunit
patayo-tayo dahil may mga kausap sa phone at ngayon ay nakatayo ulit, may
kausap while Lyric. . . is in deep thoughts, looking at no one.

Minsan, pangiti-ngiti rin si Keng pero napaupo ito nang tuwid nang
bumalik si Pitch sa loob ng shop and sat in front of Keng. Nagkatinginan
ang dalawa for a moment ngunit unang umiwas si Keng at pinagmasdan ang
paubos na cake sa kanyang platito.

Tumahimik ang buong banda lalo na nang mapansin nilang nakatingin si


Pitch kay Keng, parang may gustong sabihin. May gustong gawin. Parang. .
. may something. Seconds later, tumayo si Keng at paalis na ng table nang
magulat ang buong banda na nasa lamesa rin sa paghawak ni Pitch sa braso
ni Keng, stopping her from going away.

Shit, mahinang bulong ni Melo na nasa kanan ni Ces.

Naririnig naman ni Ces ang mabigat na paghinga ni Note sa kaliwa niya,


kinakabahan ako sa mangyayari, sabi nito habang tuloy tuloy ang pagkain
ng kanyang cake. Hindi inaalis ang tingin kay Pitch at Keng.

K napatigil si Pitch sa pagsasalita nang lumapit si Manager Lily and


announced something about a mall tour tomorrow. Inialis ni Keng ang hawak
ni Pitch, holding her plate at pumasok sa loob ng kitchen. Tahimik ang
buong banda habang pinagmamasdan si Pitch na sinundan ng tingin si Keng.

Kahit si Ces, ang bilis ng tibok ng puso. Hindi mapakali ang kanyang utak
sa nakitang senaryo. Its as if Pitch wants to talk and yet Keng. . .
iniiwasan si Pitch.

Bakit? Ano bang nangyari sa kanila?

* * *

The first mall tour Ces had with MyuSick was a blast!

Hindi niya sigurado kung sumisigaw ang mga ito dahil sa kanya o dahil sa
mga kasama niya. Kumanta lang sila ng tatlong kanta. Isang siya lang ang
vocalist. Isang si Lyric lang ang kumakanta at isang duet sila.

Nang magduet sila, sobra siyang kinakabahanpero nang matapos, hindi


mawala ang ngiti niya lalo na nang hawakan siya ni Lyric sa balikat at
sinabing, ang galing mo talaga kumanta.

The whole week was tiring lalo na nang mag record sila everyday ng isang
kanta. Ilang beses pinapaulit ni Manager Lily ang pagpractice nila dahil
hindi raw perfect, nakakahiya raw sa mga mag aabang lalo na sa ibang
bansa. Pero sa one whole week na nagpapractice sila, lalo niyang
naramdaman na she belongs to MyuSick at mayroon siyang pamilya kapag
kasama ang mga ito.

Hanggang sa dumating ang pamilya ni Melo on one busy Saturday.

KUYA!

Ito ang bumungad sa buong banda nang makalabas sila galing sa studio.
Isang batang babae ang tumayo mula sa sofa at tumakbo palapit kay Melo.

Mela! ngiting ngiti na sinalubong ni Melo ang kapatid na siguro ay nasa


edad na sampu. Nagyakapan ang dalawa at napansin naman ni Ces na
papalapit ang dalawang matanda sa yakapan moment ni Melo at ng bata. Puti
na ang buhok ng dalawa at mukhang mag asawa sa sweetness nitonagkataon
lang na parehas na lalaki ang mga ito.

Which reminds Ces about her dad . . . leaving them for another man.

Lumapit si Note sa dalawang matandang lalaki at ngumiti, tito Mel, tito


Nel, napadalaw kayo?

Inanyayahan ni Note ang dalawang matanda para maupo muli sa sofa. Sumunod
naman sila Melo at Mela pati na rin ang buong banda except for Manager
Lily na maghahain ng pagkain para sa mga ito.

Bakit kayo nagpunta? nakangiting tanong ni Melo habang nilalaro ang


kapatid.

Ayan kasing si Mela, sabi ni Mel. Nasa edad seventy at kulubot na ang
balat. Puti ang buhok nito at medyo may kalakihan ang katawan pero ang
fashionista ng itsura.

Ang isa naman ay si Nel, kumpara kay Melmas payat ito pero fashionable
rin ang damit. Nagsalita ito, gusto ka raw makasama.

Tumaas ang kilay ni Melo at tiningnan ang kapatid. Ngiting ngiti si Mela
kay Melo ngunit kumunot ang noo ni Melo, anong kailangan mo sa akin?

Sumimangot si Mela which made her so cute. Napangiti si Ces doon at


napansin ito ni Mela kaya nabaling ang atensyon niya kay Cesna
ikinagulat ni Ces dahil kumunot ang noo ni Mela.

Sino 'yan? tanong ng bata habang turo-turo si Ces. Rinig ang pagkairita
ng bata sa tono ng pananalita nito. Nanlaki ang mga mata ni Ces nang
magtitigan sila ni Mela.

Para bang natakot siya bigla sa bata.

Nilingon siya ni Melo at ngumiti, siya ang ate Ces mo.

Ces? Bakit siya nandito? Hindi ba puro lalaki kayo? taas kilay na
tanong ng bata. Nagulat na lamang si Ces sa naririnig. Bakit ba
pakiramdam niya ay ayaw sa kanya nito? Girlfriend mo?

Natawa naman si Melo, paano kung sinabi kong oo?

Nanlaki ang mga mata ni Ces. Nginitian lang siya Melo at sinabing
tumahimik muna. Kita naman ang pagkaasar ba mukha ni Mela nang tumingin
siya kay Ces.

Ayaw ko sa kanya.

Ces was taken aback pero napalingon siya sa likuran niya nang hawakan
siya ni Note sa braso at ngumiti. Hayaan mo muna si Mela, ganyan talaga
'yan sa kuya niya. Possessive.

Pero paano hahayaan ni Ces si Mela when Mela became a brat lalo na nang
kumain sila sa dining area? Every 5 minutes, sinisipa ni Mela si Ces
ibaba ng lamesa habang kumakain sila. Nakikita niya ang pag irap ng bata
sa kanya as if ang sama-sama niya. Isang beses pa ay natapunan ni Mela
ng malamig na juice si Ces . . . accidentally.

Hala sorry po!

Nginitian lang ni Ces si Mela ngunit nakita niya ang pag irap sa kanya ng
bata. Napabuntong hininga na lamang siya, tumayo at umakyat sa taas para
makapagpalit ng damit dahil basang basa ito ng juice. Malagkit pa.

Hindi alam ni Ces kung paano ang kailangan niyang pakikitungo kay Mela at
bakit nga ba ganoon ang pakikitungo nito sa kanya. Wala naman siyang
ginagawa. . . ganoon ba talaga minsan ang mga tao?

Wala kang ginagawa pero nagagalit sila sa'yo?

Bumuntong hininga si Ces nang matapos siyang makapagbihis muli. Pababa na


sana siya nang matigilan siya pagbukas niya ng pintuan ng kanyang kwarto.
Nakatingin sa kanya si Pitch, looking straight at her eyes pero ang
ikinagulat niya ay nang magsalita ito,

Pwede ba tayo mag-usap?

Hindi alam ni Ces kung bakit sa dami ng tao sa loob ng bahay, siya pa ang
kinausap ni Pitch. Hindi naman sila madalas mag usap pero nagtataka siya
nang siya ang piniling kausapin ng binata.

They were silent for a while hanggang si Ces na ang pumutol sa


katahimikan.

T-Tungkol saan? Hindi malaman ni Ces kung bakit sobrang bilis ng tibok
ng puso niya. Nakita niyang bumuntong hininga si Pitch at ngumiti ng
kauntiwhich was the first time na ngumiti ito sa kanya.

Kay K--sa kanya sana.

* * *

Hindi makapaniwala si Ces sa kanyang nakita pagkapasok ng kwarto ni


Pitch. Hindi na siya nagulat sa sobrang laki nito dahil nasanay na rin
siya sa kanyang kwarto ngunit nagulat siya kung gaano kadark ang aura ng
buong kwarto.

Sinundan lang ni Ces si Pitch papasok. Napatigil siya nang may nakita
siyang picture frame. . . isang lalaki at isang babae.

Si Pitch at si. . . Keng?

S-Si Keng 'to?

Nanlalaki ang mga mata ni Ces nang hawakan niya ang picture frame. Hindi
siya makapaniwala sa nakikita niya. Obviously, si Pitch ang lalaking nasa
picture, humaba lang ang buhok at mukhang napabayaan ang sarili ng ilang
years pero the girl? Si Keng ba talaga iyon?

Itim ang buhok, maamo ang mukhawalang make-up na makapal na eyeliner,


walang mga tattoo sa balat at higit sa lahat. . .mukhang matino. Babaeng
babae.

Ewan ko, siya nga ba 'yan? kinuha ni Pitch ang picture frame sa kamay
ni Ces at inialis ang litrato sa frame. Tinitigan ni Pitch ang litrato,
hindi ko rin alam kung ako ba 'tong lalaki.

Hindi alam ni Ces kung bakit kinakabahan siya. Nakatingin lang siya sa
picture. . . nakauniform ito na pang highschool at nakangiti ang dalawang
tao sa picture. More like a selfie.

Binaliktad ni Pitch ang litrato at binigay kay Ces ito. Nanlaki ang mga
mata ni Ces nang mabasa niya ang nakasulat doon.

Pio Alberto Gabiasa Krystel Angela BermicoGaBe 2004 to forever

GaBe 2004 to forever. . . mahinang bulong ni Ces. Napaatras naman siya


nang ihubad ni Pitch ang t-shirt nito. Nanlaki ang mga mata niya nang
mapansin niyang maraming tattoo si Pitch sa katawanjust like Keng pero
ang kumuha ng kanyang atensyon ay ang tattoo sa may puso ni Pitch.

GaBe

Hindi malaman ni Ces kung ano ang dapat sabihin. Ang daming tanong sa
kanyang utak ngunit hindi niya alam kung paano at saan siya magsisimula.
Nanginginig ang buong katawan niya. . . hindi niya alam kung bakit, bakit
sa kanya pinapakita ito ni Pitch.

Hindi alam ng MyuSick ang buong kwento namin ni Krysniya, ni Keng,


pagsisimula ni Pitch. Sa totoo lang, sa'yo ko unang pinakita ang litrato
na 'yan.

Huminga ng malalim si Ceshindi pa rin siya makapaniwala sa naririnig


niya at masyado siyang naooverwhelm dahil ang haba ng sinabi ni Pitch,
beating the record of being a silent guy.

Umupo si Pitch sa upuan malapit at sumandal. Huminga ito ng malalim at


kitang kita ni Ces ang pag galaw ng tattoo ni Pitch sa may puso nito nang
humugot ito ng hangin.

Tumingala si Pitch at pumikit, hinahayaan na sumandal ang ulo sa pader.

Masaya naman kami eh, nung highschool, pagsisimula ni Pitch.


Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Ang dami naming gustotattoos,
drums, music. Siya ang naging lakas ko dahil mahina ako. Naniwala ako sa
salitang forever.

Hawak hawak pa rin ni Ces ang litrato nila ni Pitch at Keng.


Kinikilabutan at tumataas ang mga balahibo niya dahil hindi niya malaman
kung saan nanggaling ang mga ngiting ito galing sa picture at saan
nagpunta ang mga ngiti.

She never saw a genuine smile from Keng at Pitchsobrang layo sa picture
na hawak niya.

Mag lilimang taon na kami nang nakipag break siya.

Lumunok si Ces at napahinga ng malalim. Hindi niya alam kung bakit


pinipigilan niya ang paghinga niya. . . para bang alam naman na niya na
nagbreak sila pero, ang gulo. Sobrang gulo. She want to know more. A lot
more.

Tumingin si Pitch kay Ces. Ngumisi ang binata at sinabi ang nagpatigil
sandali ng mundo ni Ces.

Magpapakasal na raw siya.

Lyle.

Napahawak si Ces sa kanyang dibdib, sa may puso at naramdaman niya ang


pilat. Everything comes rushing again. Si Lyle. . . ang sinabi ni Keng na
naka arranged marriage sila ni Lyle. Tumingin siya kay Pitch at nakikita
niya sa mga mata ng binata ang sakit na nararamdaman din niya.

Ipaglaban mo ako, Pitch said, remembering the time when he and Keng
talked. Pero mahina ako.

Ces heart sank. . . mula sa madilim na kwarto, nakita niya ang


pangingintab ng mga mata ni Pitch nang tumingin ito sa labas at nailawan
ng buwan.

Natakot ako. Mahirap lang ako. Walang maipagmamalaki habang siya,


heiress ng malaking kumpanya, tumawa ng mapait si Pitch, gasgas pero
totoo.

P-Pitch. . .

Hindi ko siya naipaglaban. . . pero napaglaban niya sarili niya,


kinagat ni Pitch ang pang ibabang labi at tinuloy ang sinabi, tapos
nakipagkita siya sa akin.

Hindi na kinakaya ni Ces ang naririnig lalo na nang makita niyang tumulo
ang luha mula sa mga mata ni Pitch. The ever so silent guy, criedin
front her.

Naalala niya ang dating sinabi sa kanya ni Keng. . . about the perfect
love story. About a prince. About happy endings. And looking at Pitch,
parang alam na niya kung saan hinuhugot ni Keng mga sinabi nito noon.

October 23, nagkita kami. Sabi niya, ngumiti si Pitch. Isang malungkot
na ngiti. Dahil mahal niya ako, hindi siya magpapakasal.

Hindi namalayan ni Ces ang pagtulo ng kanyang luha habang tinitingnan si


Pitch at ang picture na hawak niya. Ang mga ngiti sa mga labi ng binata
at dalaga. Isang perpektong litrato and yetthe people in the picture are
now gone.

Ibang iba na.

Pero ayaw na niya sa akin. . . mahal niya ako pero ayaw na niya, Pitch
brushed his long hair upward. Frustrated. Naghahalo na ang pawis at luha
ng binata sa mukha nito. I failed her. Nangako ako sa kanya pero. . .
hindi ko nagawa. Hindi ko siya napaglaban.

Tumayo si Ces at lumapit kay Pitch. Hinawakan niya ang balikat ng binata
just to let him feel comfort.

Akala ko makakalimot ako


malilimutan ko lahat pero
at tinitigan ang mukha ni
ang sakit na nararamdaman

nung nagdrugs at nag adik ako. Akala ko


ngayong nakita ko siya ulit tumingala si Pitch
Ces. Ngumiti si Pitch ngunit kitang kita ni Ces
ng binata. mahal ko pa rin siya.

Pitch. . .

Hindi ko na alam gagawin ko, mababaliw ako.

Ngumiti si Ces at kahit naiiyak, tinignan niya si Pitch. Hindi pa naman


huli ang lahat, di ba?

Ano? kunot noong tanong ni Pitch.

Ipaglaban mo na siya ngayon. . . nakangiting sabi ni Ces, remembering


Keng. Her actions at ang emosyon nito habang sinasabi ang tungkol sa
love. Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang mga sinasabi niya ngunit
alam niya, alam niyang tama siya. Sigurado ako, mahal ka pa rin niya.

* * *

After their secret conversation, pakiramdam ni Ces, naging mas close


siya ng 50% kay Pitch. Nagtaka ang buong banda nang sabay bumaba ang
dalawa mula sa second floor, napansin din nila ang maliit na pagngiti ni
Pitch. . . which made everyone uncomfortable.

Hindi sila sanay na masaya si Pitch. May something wrong.

Bakit ka masaya?! nanlalaki ang mga matang tanong ni Note.

Tiningnan ni Melo si Ces, anong ginawa mo kay Pitaray! nagulat ang


lahat nang batukan ni Lyric si Melo bago pa maituloy ang sasabihin. Ano
ba Lyric?!

Ngumiti lang si Lyric at pumasok sa loob ng kusina.

Sige lang, gaganti ako sa'yo! pananakot ni Melo. Narinig nila ang
pagtawa ni Lyric mula sa kusina.

Kasalukuyan silang nanonood sa sofa habang kasama pa rin ang pamilya ni


Melo. Hindi pa rin mawala ang sama ng tingin sa kanya ni Melamalapit na
siyang kainin.

Nako iha, hayaan mo na si Mela ah, ganyan talaga 'yan, napalingon si


Ces nang magsalita si Tito Mel. Ngumiti lang si Ces bilang sagot dito.
Silang dalawa na lang kasi talaga magkasama kaya ayaw niyang mawala
atensyon sa kanya ng kuya niya.

Kuya! Turuan mo na ako mag gitara! pag aaya ni Mela kay Melo. Sumunod
naman ang kuya sa kapatid at nagpunta sa studiosumunod din si Note na
hinahatak din ni Mela sa kabilang kamay. Umakyat naman ng kwarto si Pitch
at nasa kusina rin si Lily, kasama si Lyric.

Silang dalawa na lang?

Ngumiti lamang si tito Mel nang lumapit si tito Nel sa kanilang usapan.

Siguro naman ay nagtataka ka kung bakit kami ang magulang ng dalawa?


nakangiting tanong ni tito Nel. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin
o ireact. . .lalo na't naalala niya ang kanyang tatay dito.

Nako Nel, huwag na natin pag usapan iyan. Masyadong madrama baka malunod
tayo sa baha ng iyak! natatawang sabi ni tito Mel.

Napangiti si Ces. Ngayon, alam na niya kung saan nakuha ang mga kalokohan
ng binata. Nagkwentuhan pa sila kasama sila Lyric at Manager Lily nang
lumabas na sa studio sila Melo.

Ate, ate!

Agad na kinabahan si Ces sa pagtawag sa kanya ni Mela dahil baka


sunggaban siya nito ngunit nagulat siya nang lumapit ito sa kanya at
nakangiti. Hinawakan ni Mela ang kamay ni Ces, sorry po ah?

Ces smiled. . . ganoon din si Mela. Pagtingin ni Ces kay Melo, nag thumbs
up ito. At alam niya, pagkatapos nito, everything's going to be fine.

* * *

Everythings going well.

Okay na ang practices nila at recording. Sa katunayan, sobrang natutuwa


si Manager Lily dahil sigurado na siyang maipapasa niya ang CD sa New
Zealand by Friday. Siguradong makakapasok ang MyuSick sa Battle of the
Bands.

Nang makasakay si Ces sa kotse, ang tanging nandoon pa lamang ay si Melo,


sa drivers seat. Napansin niyang tumingin si Melo sa may gate, papalapit
sila Lyric sa kotse.

Ugain mo 'tong kotse, mabilis na sabi ni Melo.

Napakunot ang noo ni Ces sa sinabi ng kasama, h-ha?

Tulungan mo akong ugain 'to, dali na Ces.

Nagtataka pa rin si Ces nang magulat siya nang ugain ni Melo ang kotse.
Hindi ito uga na wala lang, parang may rhythm. May movement. Pagtingin ni
Ces sa mga kabandang nasa labas pa ng kotse, nanlalaki ang mga mata nito.
Nagtataka.

Teka Melo, bakit mo ba

Agad na sumugod si Lyric sa may kotse at malakas na kinatok ang bintana.


It was hard to see dahil heavy tinted ang mga bintana at madilim na rin
sa labas.

Bwisit ka Melo anong ginagawa mo d'yan! Hoy! Sigaw nang sigaw si Lyric
habang pilit na binubuksan ang pintuan.

Tawa naman nang tawa si Melo hanggang sa tumigil siya sa pag uga sa kotse
at ginulo ang buhok ni Ces. A click happened at nabuksan na ni Lyric ang
pintuan, nanlalaki ang mga mata.

Oy?!

Ngumisi lang si Melo, wala akong ginagawa ah?

Nanliit ang mga mata ni Lyric na nakatingin kay Melo. Tawa lang nang tawa
si Melo at nagtataka naman si Ces. Anong nangyayari?

Takte ka, huling sabi ni Lyric pero bago pa niya isara ang pintuan,
nagkatinginan sila ni Ces. Iniwas kaagad ng binata ang tingin saka sinara
ang pintuan at lumayo sa kotse.

Ano 'yun? Ces asked innocently.

Lalong lumaki ang ngiti ni Melo at nilingon si Ces. Ginulo nito ang ulo
ng dalaga, gumanti lang ako. Salamat sa tulong mo.

Hindi pa rin nagets ni Ces ang sinabi ni Melo hanggang sa sumakay na ang
iba pa sa kotse dahil may gig sila. Kengs Night Out. Hindi malaman ni
Ces kung saan niya narinig 'yun at kung bakit pamilyar hanggang sa
tumigil sila sa isang napaka pamilyar na lugar.

Pagtingin niya sa neon lights, sa mga taong nakapila at sa mga bouncer,


alam na niya kung nasaan siya.

Kaagad na kinabahan si Ces sa hindi niya malamang kadahilanan. Sumunod


lang siya sa banda hanggang sa pumasok sila ngunit walang tugtog na
sobrang lakas, walang mga nagsisigawan, nagtatawanan at mga nagsasayaw ng
wild. Walang naghahalikan at naglalandian and yet. . . this place made
Ces remember her pain.

Kengs Night Out.

Ate Lily, napalingon si Ces nang marinig niya ang isang pamilyar na
boseskay Keng. So this. . . this bar is Kengs? She owns this bar? Gaano
nga ba kayaman sila Keng?

Bayad na kami pagkatapos nito, di ba? nakangiting sabi ni Lily. Tumango


naman si Keng then she stiffened nang makita si Pitch na may hawak na
drumstick. Nagkatinginan sila Pitch at Ces. Bumalik sa pagkatahimik si
Pitch hanggang sa nagpunta sila sa backstage.

Nag ayos muna ang buong banda habang inaayos ang stage para sa kanila.
After ilang minutes, nakasalang na sila sa stage but the thing is, si
Note sa keys, siya at si Lyric sa vocals lang ang nasa stage. Kung nasaan
si Melo at Pitch, hindi niya alam kung nasaan.

Sinenyasan sila ng Manager na nakaupo sa ibaba ng stage and then, they


started.

We clawed, we chained our hearts in vainWe jumped never asking why

They practiced this piece a lot. . . medyo nahirapan nga sila dahil hindi
masyadong makasabay si Ces. Everytime na kinakanta nila ito, the emotion
is presentpero nawawala talaga ang dalaga.

We kissed, I fell under your spell.A love no one could deny

Nababalik lang siya sa konsentrasyon tuwing nagkakatinginan sila ni


Lyric, and she would always see him smile at her habang kumakanta. Pero
pagkatapos ng tinginang 'yun, her heart would beat fast. Always. Parang
may hinahabol.

Don't you ever say I just walked awayI will always want you

Napatingin si Ces sa gilid ng stage at nakita niya si Keng na nakaupo,


mag-isa. Deep in her thoughts at napangiti na lamang siya nang makita
niya si Pitch na papalapit kay Keng.

I can't live a lie, running for my lifeI will always want you

Hindi niya alam kung anong sinabi ni Pitch but she saw Pitchs lips move
at lumingon si Keng. Right there and then, parang tumigil ang mundo ng
dalawa.

I came in like a wrecking ballI never hit so hard in love

Lyric and Ces started singing together at nagpalakpakan ang mga taong
nakikinig dahil sa ganda ng blending ng boses nila. Kahit si Note ay
ngiting ngiti habang nagpapianonararamdaman niya kasi ang passion ng
dalawa sa pagkanta.

All I wanted was to break your wallsAll you ever did was wreck me

Their voices were match made in heaven. A perfect pitch. Perfect harmony.
Perfect melody.

Yeah, you, you wreck me

Napangiti si Ces nang makita niyang tumayo si Keng at naglakad kasabay si


Pitch. Sinundan niya ng tingin ng dalawa, feeling giddy dahil siguradong
may magandang mangyayari.

Tiningnan niya si Lyric, he was looking at herserious. Kaagad na


kinabahan si Ces, ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Hindi niya sigurado
kung dahil ba ito sa kaba sa pagkanta o dahil sa mga tingin ni Lyric,
saying something through his eyes.

I put you high up in the skyAnd now, you're not coming down

Huminga ng malalim si Ces at nagsimulang kumanta. No one can ruin this


night. . . no one can ruin the mood hanggang sa mapatingin siya sa may
entrance ng bar dahil may pumasok na mga pamilyar na mukha. Ang populars
ng school.

It slowly turned, you let me burnAnd now, we're ashes on the ground

Then there, in the group of people, she saw him. Lyle.

~ ~ ~
Author's Note:Long chapters. . . you like it or not? Pasensya na,
hinahabol ko kasi 'yung count ng chapter. Hahahaha! Thank you sa
pagbabasa! Next update, not sure. Midterms namin so magiging busy ako (I
haz no sembreak so yeah) I get inspired easily pero grabe rin ma~writer's
block so minsan mabilis, minsan mabagal ang update.
Dedicated to Anthea or Kim or Anthea Kim basta si towaitforeternity. Isa
sa mga loyal readers ever tapos, tapos. . .sobrang sweet ng message niya
sa akin two days ago. (multimedia part) Tapos hindi siya nang iiwan,
voter tapos commentor pa tapos, eehhh~ thank you! :)

=================
32 // Yuzon's Wound
"Some wounds run too deep for the healing." J.K. Rowling
~ ~ ~

Nanginginig ang buong katawan ni Ces hanggang sa magtama ang tingin nila
ng lalaking pumatay sa dati niyang pagkatao. The smile on Lyles face
vanishedhis body stiffened as he look at the stage and saw. . . them.

All of them.

Ces tried to sing, ignoring Lyle pero hindi niya magawa. Its as if
nagpapapansin ang binata sa kanya lalo na nang lumapit ito sa stage with
a smirk plastered in his face. Napansin ni Ces na napatigil din ng kaunti
si Lyric, nakatingin kay Lyle at sa mga populars na nakasunod sa binata.

Nanlalamig ang buong kamay ni Ces, ang bilis ng tibok ng puso niya at
para bang nagwawala na itoparang gusto na kumawala. Hindi siya ready
para makita si Lyle ngayon, hindi siya readyhindi pa. Nang tumingin si
Ces kanila Marlaher so-called friends last time, hindi maipinta ang mga
mukha nito, lalo na ni Kervin. Nanlalaki ang mga mata nila, halos
ngumanga na nang makita ang pagbabago ni Ces.

But then, Lyles smirk didn't changed.

Titig na titig siya kay Ceshindi malaman ni Ces kung nang aasar ba ito o
may gustong sabihin. Lumapit si Lyric sa kanya at hinawakan siya sa
likuran niya. She looked at Lyric while they sing, mayroong something sa
mga mata ng binata na parang nakikiusap.

Huwag.

Pero anong huwag?

You re-wre-eck me. . .

That was the last line of the song and right there and then, naintindihan
niya ang pakiusap ng kapwa bokalista

Naramdaman niya ang mga luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Kaagad siyang
hinawakan ni Lyric sa braso at inaya papunta sa backstage kung saan
natutulog doon si Melo, humihilik pa. Pinapahid ni Ces ang kamay sa mga
luha sa pisngi.

Bakit, anong nangyari? Note asked as he entered the backstage. Tumingin


ito kay Ces at lumapit, Hala Lyric, pinaiyak mo na naman si Ces?!

S-Sorry. . . mag CR lang ako.

But that was a mistake for Cespagkapasok niya sa CR, she saw Marla and
the girls fixing their faceseste fixing their make ups. Aalis na sana si
Ces pero narinig na niya ang boses ng mga ito.

Oh look, Ces is here, nakangiting sabi ni Marla. Sabay sabay silang


tumingin kay Ces as she stiffened.

Naramdaman ni Ces ang paglapit sa kanya ng mga babaeng ito. Pinalibutan


siya.

So pagkatapos sa amin, MyuSick naman? nakangiting sabi ni Cheka.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces. Nakayuko lang siya, parang dati lang .
. parang dating pag uusap lang ng mga 'yon. Parang dati na kinakayan-

kayanan siya, parang dati. . . na nagpapatunay na hindi pa siya malakas


ngayon.

Tumawa ang mga babaeng nakapalibot. Have you seen the vocalists face?
Mukhang may nabiktima na ang ating prinsesa, mapang asar na sabi ni
Elisse.

Marla, Cheka and Elisse smirked as Marla held Ces face to meet their
accusing eyes.

You look like an angel outside pero impyerno na 'yang loob mo sa sobrang
pagtatago ng kulo. Ilabas na 'yan, Ces. . . Marla whispered habang
palabas ng CR, still looking straight at Ces eyes. Tumawa naman sila
Cheka at Elisse palabasleaving Ces alone.

Bumigat muli ang puso ni Ces, para bang may kung anong dalahin siyang mas
bumigat pa kaysa rati. Akala ba niya, okay na siya? Bakit ang appearance
ng mga iyon makes her knees weak. Make her heart beats fastpara siyang
pinapatay.

Nang lumabas siya, narinig niya ang isang kanta na nagpeplayno bands,
just music but then, habang papalapit siya sa backstage, napansin niya sa
ibaba ng stage si Manager Lily and Lyle, facing each other.

Surrounded by friends.They're just feeding arrogance.

--youre acting like a douche! Lily shouted. Lumapit si Note kay


Manager Lily para hawakan sa braso at patigilin pero mukhang nakakaroon
ng heated conversation ang magkapatid.

You're losing sight.Didn't even notice that you've been alone all
night.

Lyle faked a laugh. Sobrang lakas na tila ba mas narinig na ito kaysa sa
kanta ng buong bar. Everyone stopped and looked at Lyle and Lily,
talkingor arguing.

Like they really care.But you know they won't be there

Ako ba talaga, ate? Lyle asked, emphasising the last word. Tandaan mo
ginawa mo sa akin. Lumapit si Lyle kay Lily, halos isang dangkal na lang
ang layo sa isa't isa. Tumingala si Lily, tinitigan sa mga mata ang
kapatid.

To see you through.They just take advantage of the better part of you.

Wow, Lily mocked her brothers laugh, mas mahina lang. I can't believe
it, the Lyle Yuzon, hindi makamove on kahit two years ago na nakaraan?
Lily smirked.

You don't know, you don't know,What you're saying half the time.

Lyles face stiffened and then narrowed his eyes. Kumukulo ang dugo niya.
His sister really annoys him, he hated her. He loathed her.

You're in love, you're in loveWith the sound of your own voice.

Hindi ako nakakalimot, lalo na kung sarili kong ate ang gumawa sa akin
nun, matigas na sabi ni Lyle, looking straight at Lilys eyes. Full of
hate. Anger . . . and grief?

Take it all, take it allI don't need this anymore.

Nanlaki ang mga mata ni Lily. Beads of sweats started running to her
body. Hindi niya inaakalang hanggang ngayon, ganito pa rin ang kapatid
niya. Napaatras ito ng kaunti at iniwas ang tingin sa kapatid. This
conversation is useless, pag-irap ng Manager. MyuSick, tara na.

Go away, go awayYou're not as special as you think you are.

Sumunod naman ang MyuSick sa sinabi ng Manager. Nilagpasan ni Manager


Lily si Lyle, not looking at her brother. Sumunod sila Melo at Note na
parang hindi na alam kung anong nangyayari. Nagulat naman si Ces nang
hawakan siya ni Lyric sa braso at sinabayan sa paglalakad.

Motivated by greed.What a shallow life to lead.

Bago pa makalagpas sila Ces at Lyric, hinarangan ni Lyle ang dalawa and
plastered his smirk. Mapang asar, mapang akusa, nang gagago. Tiningnan ng
binata si Ces at Lyric, from head, to toe then back to their faces.

It must be nicegetting what you want every time you roll the dice.

Nakakatawa naman, tumawa ng kaunti si Lyle pero imbis na tawa na


masaya, tawa ito na parang nang gagago. Ang dalawa kong pinagsawaan,
nagsama.

I'm losing respect'cause I know you're second best

Napansin ni Ces na magkatitigan sila Lyric at Lyle. Napayuko siya nang


tiningnan siya ni Lyle na may ngisi pa rin sa labi.

at being you.In the middle of it all like you've got a lot to prove.

Tara na, mahinang bulong ni Lyric sa dalaga. Nilagpasan nila si Lyle


pero napatigil si Ces sa paglalakad nang marinig niya ang pamilyar na
boses na tinawag siya.

You don't know, you don't know,What you're saying half the time.

Princess. . .

You're in love, you're in loveWith the sound of your own voice.

Halos manghina si Ces nang marinig niya ang boses ni Lyle na tinawag
siyang Princess. Lahat lahat ng nangyari sa kanila, went straight back to
Ces' mindto her heart. Theres a little pang inside her chest. Bumalik
ang sakit at kirot sa kanyang puso. Sa bawat bilis na pagtibok nito, para

bang imbis na dugo ang pinapakawalan ng kanyang puso, puro sakit at


hinagpisrunning through her vains.

Take it all, take it allI don't need this anymore.

Napahawak si Ces sa kanyang dibdib at naramdaman na naman niya ang


simbolo ng kalungkutan niya. Ang pilat kung saan nakalagay ang lahat ng
sakit ng nararamdaman niya.

Go away, go awayYou're not as special as you think you are.

Its funny. . . dahil lahat ng sakit, hinagpis at kirot ng kanyang


nakaraan, pinapapaalala ng isang simbolong malapit sa kanyang puso.
Walang kawala. Para siyang pinapatay.

Paglingon niya kay Lyle, her knees weakened. Nakatingin sa kanya ang mga
mata ni Lyle at nakangisi ang binata. Isang ngisi na nagsasabing. . .
gago talaga si Lyle.

Maling-mali ang paglingon ni Ces. When she responded to Lyle's call. . .


alam na kaagad ni Lyle.

Nasa kanya pa rin ang puso ng dalaga.

* * *

Drummer siya ng banda bago si Pitch, Lyric started when the MyuSick
went homewithout Pitch. Mukhang busy pa si Pitch sa sarili nitong issue
sa buhay.

Ng MyuSick?

Lyric smiled faintly, mag kaibigan kami. . . noon.

Napatigil si Ces sa sinabi ni Lyric. Hindi naman na nagulat sila Note at


Melo dahil alam na nila itosila ang original MyuSick. Lyric, Note, Melo
and Lyleat Manager nila si Lily.

PaAn Ces wanted to say something, ask everything pero wala ni isang
salita ang lumabas sa kanyang bibig. She remembered Lyleang mga mata ni
Lyle sa tuwing makikita ang MyuSick. Ang pangangantyaw ng buong populars
kay Lyle sa tuwing nand'yan ang MyuSick.

I kicked him out, kung ang tanong mo anong nangyari, Manager Lily went
out of her haven and joined the band in the living room.

Tiningnan ni Ces ang mukha ng mga kasama sa living room. Lahat ay


seryoso, lahat. . . may tinatago. So this matter is serious to them, para
bang. . . napaka sensitive ng usapan nila.

Ha? Manager, hindi ba Note was cut off by Manager Lily.

Hindi siya nag quit, pinaalis ko siya, diretsong sabi nito.

Napataas ang kilay nila Melo at Note sa narinig. Hindi nila alam na ang
kabanda nila rati na si Lyle ay pinaalis ng Manager. All along, ang alam
lang nila ay nagquit si Lylehindi na raw niya matiis ang MyuSick.

Anong sinasabi mo Manager? Akala ko ba ayaw na niya? Melo asked.

Ayaw na niya? natawa ng kaunti si Manager Lily as if she heard a silly


joke. He wanted it. . . he wanted more.

Gusto pa sana magtanong nila Melo sa Manager kung anong ibig sabihin ng
sinabi nito ngunit umalis na si Lily. Umakyat ito papunta sa taas,
papunta sa roof top. Ces remembered Lily saying na pumunta si Manager
Lily sa rooftop para magrelax.

So Lyles case is stressful for her?

* * *

Lyle hunted Lilys mindhindi umaalis si Lyle, ang mga sigaw nito when
that certain night happened. Bumabagal ang pagtibok ng puso ng Manager,
ang kanyang paghinga ay bumibigat na tila ba pasan nito ang buong mundo.

Nakakatawa lang. . . sinabihan niya ang kapatid niya tungkol sa pag


mumove on pero siya mismo, hindi makausad.

Manager?

Agad pinunas ni Lily ang kanyang palad sa mukha para mawala ang mga
luhang tumulo mula sa kanyang mukha. She plastered her look--'yung tingin
na nakakatakot, 'yung tingin na walang problema then she looked at Ces
who walked towards her with a smile.

O-Okay lang po kung umiyak kayo, sabi ng dalaga without looking at the
Manager. Lily smirked.

Anong pinagsasasabi mo? Matulog ka na, may reco

Minahal ko ng sobra si Lyle, pagsimula ni Ces.

Napatigil si Lily at tiningnan ang dalagang nasa tabi niya na nakatingin


sa mga mumunting kumikinang na mga ilaw na nasa malayo. Tumaas ang kilay
ni Lily, nagtataka kung bakit sinasabi ito ni Ces.

Sobra pa sa sobra." She said, remembering everything. . . "Hindi kasi


siya mahirap mahalin, patuloy ng dalaga.

What are you trying to imply?

Ngumiti si Ces at tiningnan si Lily. Nagulat ang Manager nang makita niya
ang pangingintab ng mga mata ng dalaga, malapit nang tumulo ang mga luha.

Na alam kong tulad ko, mahinang sabi ni Ces. Nasasaktan ka rin dahil
sa kanya.

Kumunot ang noo ni Lily sa sinabi ng dalaga. Hindi niya inaakala na kay
Ces manggagaling ito. Of all people, ang babaeng nasa harapan niya ang
magsasabi na nasasaktan siyaof all people, si Ces pa na alam niyang
mahina inside and out.

Napapikit si Lily and remembered that nighthindi naman siya nahirapan


alalahanin ito dahil pinapatay siya ng senaryong ito tuwing gabi o tuwing
mag isa. Lily is not that strong. . . lahat ng tao, mukha lang matibay,
mukhang malakaspero deep inside everybody, laging may sakit.

Laging may kahinaan.

I hate him, diretsong sabi ni Manager Lily. that son of amagkapatid


nga pala kami, natatawang kumento ni Lily. Tumatawa siya and yet, Ces
could see hurt in her eyes.

Manager. . .

He was blinded by greed, power and money. Nung magpapakasal dapat sila
ni Keng, hindi siya umayaw dahil natatakot siyang mawalan ng pera at
itakwil ng tatay namin. Kailangan ko pang tulungan si Keng para
manindigan, tuloy tuloy na kwento ni Manager. I knew from the start
that Keng and Pitch were together but that Lyle, she paused. mag best
friend sila simula pagkabata and yet, hindi niya pinagbigyan si Keng.

Hindi malaman ni Ces kung anong dapat sabihin. She was stunned. Nagugulat
siya sa kung gaano kaliit ang mundo para magdugtong dugtong ang lahat ng
pangyayari.

Kailangan ko pang tulungan si Keng, imagine? Me and Keng were not close
and yet. . . ako pa ang tumulong sa kanya. Bumuntong hininga si Manager
Lily and continued, then his issue with Lyric came. He wants attention.
Naiinis siya kung bakit si Lyric ang vocalist. He wanted Lyric out.

Nanlaki ang mga mata ni Ces sa narinig. Tumingin siya kay Lily at lalo
siyang nagulat nang unti-unti nang tumulo ang mga luha ng Manager.
Tahimik lang sila, walang nagsasalita. Hindi pinilit ni Ces ang Manager
para magkwento. After all, its a secret of Manager Lily. They were
silent. Walang ingay. Walang nagsasalita. . .

Bakit ayaw mo siyang paalisin?! Lyle shouted. He was so frustrated


dahil hindi ito nakasali sa battle of the bands dahil pinagbawalan siya
ni Lily. Nagulat na lamang si Lyle nang makita niya sa stage na kumakanta
na ang MyuSick, with a new drummer, without him.

He felt betrayed by his sister and his only best friend. Of all people,
hindi niya inaakalang ang best friend niya at ang ate niya ang gagawa ng
paraan para masaktan siya ng ganito.

You know I can't do that

Ako o si Lyric? mataman ang tingin ni Lyle sa kanyang ate. They were at
their havenit was not Lilys, it was theirs. Sa kanilang magkapatid.

Lilys eyes narrowed, don't do this to me Lyle. Masasaktan ka lang sa


isasagot ko.

Putangina! Halos wasakin na ni Lyle ang buong haven nila ng kanyang


ate. Binato niya ang ilang papel at gamit sa loob. Sinuntok niya ang
pader na nasa tabi. Magsama kayo ng Lyric na 'yan! Mas bagay kayong
magkapatid, walang kwenta! Malakas ang pagkakasara ni Lyle sa pintuan ng
haven palabas rito, palabas sa bahay ng MyuSick at palabas ng buhay ni
Lily.

Palabas sa buhay nilang lahat.

Nakatingin lang si Lily sa pintuan na kakasara lang ng kapatid. Naupo na


lamang siya sa upuan dahil sa panghihina ng kanyang katawan at
pakiramdam. Ipinatong niya ang kanyang braso sa lamesa and massaged her
forehead. . . then all of a sudden, tears started flowing from her eyes
remembering her and her fathers talk about Lyle.

I want him out of that band!


But dad, he likes
Do I look like I care? Aalisin ko ang mana niya kapag nagpatuloy pa
siy
Just like what youve done to me?
Dont use that tone to me, youre just my daughter!
I'm not your daughter, matagal mo na akong tinakwil.

Walang nagawa si Lily. . . ayaw niyang maramdaman ng kapatid ang


naramdaman niya dahil sa kanilang tatay. He was too young to experience
the wrath of his dadpero nagulat din siya sa inaakto ng kapatid.

Lyle became a spoiled ass.

Right there and then, pagkatapos niyang paalisin si Lyle sa banda. . .


kahit pa mahal na mahal niya ang musika at pagkanta, she promised
herself. Sacrificed her love of music.

I won't sing again. . . just for him. As long as hes in pain, I won't
sing.

Nakakatoxic ang kayaman. . . mahinang sabi ng Manager out of the blue.


Napatingin sa kanya si Ces, tears are still flowing from her eyes. Ces
smiled at her. Natigilan si Lily sa mga ngiti ni Ces. It was genuine
alright. . . but it was also in pain.

Nakakatoxic maging malungkot, bulong ni Ces.

Lily was bewildered by what Ces said. May pinapahiwatig si Ces and yet,
hindi niya ito dinidiretso.

I hate this conversation, pinunas muli ni Lily ang kanyang kamay sa


mukha. Inaalis ang bawat luhang dumaloy sa kanyang pisngi. She looked at
Ces, staring at nowhere. This talk never happened, naintindihan mo?

Tumango si Ces and started to walk. Papasok na sana siya sa bahay nang
tawagin ni Manager Lily ang kanyang pangalan. Paglingon ng dalaga,
napanganga siya ng kaunti nang makita niya ang ngiti ng Manager. It was
so serene, malayong malayo sa mga ngiti nito na pilit. Ngayon, ang
nakikita ni Ces ay ang totoong ngiti ni Lilywith a little pain with it.
Hindi man niya alam kung ano talaga ang dahilan nito, alam pa rin niyang
may tinatago pa rin ang Manager.

Pero wala siyang magagawa rito. . . kahit naman siya ay may tinatago ring
sakit.

My brothers a jerk, he won't do any good to you.

Ces smiled weakly, mawawala rin po ito," hinawakan ni Ces ang pilat
niya. Alam niyang mawawala rin ang sakit. Ang lahat ng sakit na naranasan
niya, sa tulong niyo, ng MyuSick.

~ ~ ~
Author's Note:Ugh, too much sadness. Nakakaloko. Baka hindi ko nabigyan
ng justice yung sadness ni Manager Lily hahahaha! Aalisin ko na ang
masyadong lungkot, jusko. Kailangan natin magsaya!! Salamat sa pagbabasa~
:D
Dedicated to siomailab. . .todo support kasi siya tapos ang haba ng
comments niya at talaga namang mapapansin mong affected siya sa hindi
pagmumove on ni Ces (Ehem, pinaparinggan din ang sarili? Ahihihi) thank
you sa pagbabasa at paghihintay ng updates ng TTLS! Parang hindi ka ata
nawala sa comment box ever, wala lang ahihihi thank you

=================

33 // Rise After Fall


"The greatest accomplishment is not in never falling, but in rising again
after you fall. " Vince Lombardi

~ ~ ~

Goodluck Ces!

Napangiti si Ces habang pinapanood ang video na ginawa ni Marky para


magbigay suporta sa kanya sa gaganapin na Battle of the Bands. Lalo
siyang napangiti nang makita ni Ces ang baby ni Marky, a few weeks old
na.

Baby, say goodluck to tita Ces, may kung anong ginawa si Marky sa
kanyang anak at binosesan ng goodluck tita, pasalubong! hindi pa tapos
ang video nang gumalaw ito na para bang kinuha ng nag vivideo ang camera
at napangiti lalo si Ces nang itutok ni Matt ang video sa sarili. Nasa
likuran nito si Marky at ang anak nito.

Oy Ces, papanoorin ka namin ah? nakangiting sabi ni Matt. Lumapit si


Matt sa camera at tila ba bumulong, salamat sa suporta mokami na.

Hoy Matt, ano 'yang sinasabi mo kay Ces? takang tanong ni Marky,
nakakunot ang noo.

Tumingin si Matt kay Marky, nakatalikod sa camera. Wala, nag goodluck


lang ako.

* * *

Ngiting ngiti ka d'yan ah sa iPad ah? pagpansin ni Note sa dalaga.

Tumingin si Ces kay Note, kasi. . . ang cute nila tingnan. Happy
family.

Pinakita ni Ces ang nakatigil na video nila Marky, Matt at baby Marc sa
katabi niyang si Note. Napangiti rin si Note sa nakita, aww, ang cute
nila. Happy family nga, kumento nito.

Si Ces lang ata ang hindi masyadong natulog sa byahe papuntang Singapore
para sa stop over ng MyuSick papuntang New Zealand. Manghang mangha kasi
siya sa nakikita niya sa bintana. Natutuwa siya sa mga ulap na kapag
nadadaanan ng eroplano ay nanginginig ito. Ang lawak ng dagat na nasa
ibaba at natutuwa siya kung gaano kaliit ang mga lupang nasa ibaba rin.

Siya lang ata ang mayroong energy lalo na nang makababa sila ng
Singapore.

Hindi ba kayo naeexcite? tanong ni Ces sa mga kabandawhich is


masasabing si Note lang ang nakinig dahil lutang pa si Melo lalo na si
Pitch at Lyric. May kausap naman si Manager Lily sa phone kaya hindi rin
ito sumagot.

Nakakaexcite pero sobrang nakakapagod byahe, hindi ka ba napapagod?


kunot noong tanong ni Note.

Tiningnan ni Ces ang iba pang kasamakitang kita nga ang mga pagod sa
kanilang mga mukha kaya nakashades silang lahat pwera sa kanya. Nanlaki
naman ang mukha niya nang may mga babaeng tumili sa airport at lumapit sa
buong banda at nagpapicture.

Is that MyuSick?

OMG MyuSick is here in Singapore!

Kyaaahhh~

Napaatras si Ces nang dinumog ang buong MyuSick. Nalate pa ang mga guards
para harangan ang mga babaeng sabik na sabik mahawakan ang mga lalaking
kasama. Parang mga poon, pinapahiran ng mga panyo na para bang
magmimilgaro kung sakaling madampi ang mga balat ng MyuSick sa mga panyo
nila.

Are you Ces?

Napalingon si Ces nang may tumawag sa kanyang lalaki, foreignerhalos


mamangha si Ces sa mga mata nitong natural na kulay asul. Ngumiti si Ces
at tumango.

Man, the new poster of MyuSick didnt give justice to your beauty! Can
we, uhmtake a picture with you?

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Ces. . . totoo ba ang naririnig niya? May
taong gustong magpapicture sa kanya? Hindi pa siya nakakareact, dumikit
na sa kanya ang lalaking kumausap sa kanya tinapat ang camera sa kanilang
dalawapara bang selfie.

Aw!hey, let go! napalayo si Ces sa lalaki nang sumigaw ito na para
bang nasaktan ang kamay dahil sa pag pagpag nito sa kamay. Why did you
do that?! kunot noong tanong ng lalakinanlaki naman ang mga mata ni Ces
nang makita niya si Lyric na matalim ang tingin sa lalaki.

You can take a picture with her but do.not.touch.her, diretsong sabi ni
Lyric, emphasing the last few lines.

Kumunot ang noo ng lalaki at babangasan na sana si Lyric nang pigilan ito
ng mga kaibigan at umalis na sa pwesto nila Lyric. Nagkatinginan naman
ang dalawahindi alam ni Ces ang dapat sabihin kay Lyrickung
magpapasalamat ba siya o magtatanong kung anong nangyari dahil wala naman
siyang naramdamang touch galing sa lalaki kanina.

What do you mean our flight is delayed?

As if saved by the bell from awkwardness, sabay sabay na napalingon ang


buong banda ng MyuSick sa halos pasigaw na sabi ni Manager Lily sa
receptionist.

Maam

Misswe have a Battle of the Bands to attend to, we already reserved our
tickets weeks ago!

Napapalingon na ang mga tao sa loob ng airport kay Manager Lily na kaunti
na lang ay sasabog na ang ulo sa sobrang pagkainit nito. Nag usap pa ang
mga ito bago tuluyang umalis si Lily sa tapat ng receptionist at
nagpapapadyak habang may tinatawagan sa phone.

Nagkatinginan sila Melo at Note. Hindi tayo makakabot sa Battle?


malungkot na tanong ni Melo sa kabanda.

Huwag naman sana, sayang, pagbuntong hininga ni Pitch.

* * *

WHAT?! sabay na sigaw nila Note at Melo. Gusto sana makisali ni Manager
Lily ngunit wala na ata siyang lakas para sumigaw pananghihina na siya
sa jetlag at sa naabutan nila.

Were sorry but the Auditions is already done an hour ago, sabi ng
babaeng may headset na nakalagay sa may leeg nito at cmay clip board na
hawak. May kung sino itong kausap sa mic na nakakabit sa head set.

ButButBut. . .

Palakihan ng simangot si Note at Melo habang kitang kita naman ang


pagkadismaya sa mga itsura nila Pitch at Lyric. Hinihilod ni Manager Lily
ang noo habang si Ces ay para bang nawalan ng ulirat habang nakatayo.

Agad na pumasok sa isip niya na baka dahil sa kanya, nangyayari ang


ganito sa MyuSick. Baka nadala niya sa MyuSick ang kamalasang nakadikit
sa kanyang pagkatao.

Uhm, manager

What?!

Napaatras ng kaunti si Ces nang sumigaw si Lily sa kanya. Hinihilot pa


rin nito ang noo at ang lalalim ng hininga ng Manager.

Huwag ngayon Ces, masakit ulo ko. Huwag kang makisali.

Pagtingin niya sa iba pang myembro ng banda, nakaupo at nakatungkod ang


mga braso ni Note sa hita nito na para bang malalim ang iniisip.
Nakapatong naman ang dalawang kamay ni Melo sa likod ni Note pati na rin
ang ulo nito.

Nakatayo at nakasandal si Lyric sa pader, nakapikit at malalim ang


paghinga. Katabi nito si Pitch, nakasandal din sa pader at nakatayo pero
kapansin pansin na hawak nito ang cellphone at para bang nagtetext.

U-uhm, CR lang po ako.

Hindi na hinintay ni Ces ang pag-oo ni Manager Lily at lumayo sa


pinagtatambayan ng banda. Ramdam na ramdam niya ang pagkadismaya ng buong
bandalalo na si Manager Lily. Alam niya at nakita na niya kung paano
malungkot ang bawat isa sa mga ito ngunit para bang ang bigat sa kanyang

dibdib makitang sabay sabay ang mga masasayahing mga taong ito na
malungkot.

Iba't ibang klaseng tao ang nakakasalubong ni Ces sa hallway papuntang


CR. Naririnig din niya ang tugtog na sobrang lakas na maririnig sa
hallway dahil may mga tv sa taas na parte at pinapalabas ang bawat
audition piece sa mga tv na nakasabit sa mga dingding at napansin niyang
laging babae ang main singer sa bawat banda.

Ngayon lang nabalik sa utak niya na ito ang dahilan kaya siya napasama sa
MyuSick. . . dahil kailangan ng MyuSick ng babaeng vocalist para sa
Battle of the Bands and yet, ito ang nangyari sa kanila.

Hindi na nakapag audition.

Theyre not that great.

Napalingon si Ces sa lalaking nagsalita sa kanyang kanan. Napatitig siya


sa lalaking ito dahil sobrang tangkad nito, mas matangkad pa kay Noteat
nakakabighani ang mga mata nitong kulay gray lalo na nang tumingin ito sa
kanya. Mukha itong rakista at siguro ay nasa edad forty na.

I don't think theyll proceed to the next round, patuloy na


pagkukumento nito habang nakatingin sa screen na pinapalabas ang isang
banda na tumutugtog. I think they're a little. . .immature, yes?

W-What do you mean? malakas ang pagkabog ng dibdib ni Ces sa hindi


malamang kadahilanan. Napapatitig siya sa lalaking nakatayo sa tabi niya.
Mataimtim itong nanonood sa tv.

I don't think they deserve to have this kind of exposure, there are a
lot of unknown bands who know and appreciate the real art of music. This
battle is like a battle of the populars and not bands who are into good
music.

For a stranger, naparami na ata ang sinabi ng lalaki kay Ces pero may
something na tumulak sa dalaga upang magsabi ng opinyon niyawhich she
learned from the mastersMyuSick and Lily.

I disagree, sir, Ces started. Nakita niya sa peripheral vision niya ang
pagkabigla ng lalaking katabi niya. Nakatingin lang siya sa tv,
pinapanood ang panibagong banda na sumalang sa audition. I don't think
they get popular like that in an instant, maybe they did something great
to be liked by many. Tumingin si Ces sa lalaki. Nakakunot na ang noo ng
lalaki, nagtataka sa sinasabi ng dalaga.

Hindi alam ni Ces kung saan nanggaling ang kanyang pinagsasasabi pero
nagulat siya ng diretso siyang nagsalita, I still think everybody
deserves what they have as of the moment. Popularity is just a plus.
We're still young and we always seek for improvement in our own ways.
Maybe they are in the process of improving. Siguro ay nahawaan siya
kahit papaano ni Manager Lily ng katapangan nito. . . dahil siguro kung
si Manager Lily ang nandito, ito rin ang sasabihin nito.

Hmm, you have a point there, young lady, tumingin ang lalaki kay Ces.
And who are you anyway? Are you a vocalist in one of the band here?

Y-Yes. . . mahinang sagot ni Ces.

What band? Havent seen you in the auditions earlier.

Ngumiti si Cesngunit kahit anong pilit niyang alisin sa utak niya ang
mga mukha ng kabanda niyang halos pinagbagsakan ng mundo, naglaho rin
kaagad ang ngiti niyang iyon. Im from MyuSick.

MyuSick?

Our bands late so we didnt have the chance to audition. . .

I see.

Natahimik ang dalawang magkatabi habang nanonood sa tv na nasa harapan


nila. Huminga ng malalim si Ces at inihanda ang ngiti bago humarap sa
lalaki.

I got to go sir, pagpapaalam ng dalaga.

Ah yes, yes, Im glad weve met, Im na cut-off ang sinabi ng lalaki


nang may sumigaw na babae sa hindi kalayuan sa kanila.

Mr. Ambassador, weve been looking all over for you!

Ambassador? napatingin si Ces sa lalaking katabi at nakita niya ang


ngiti ng lalaki sa kanya. Isang ngiti na magbibigay ng pag asa sa buong
MyuSick at kay Manager Lily.

* * *

Seryoso?!I mean, are you serious? nabalik ang enerhiya sa pagkatao ni


Manager Lily nang ipatawag ang bandang MyuSick para isali sa auditions ng
Battle of the Bands.

Yes ma'am, Mr. Ambassador likes your vocalist, sabi ng babae nang
tumingin ito kay Ces. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa tingin sa kanya
ng babae, he wanted to give your band a shot.

Ces?

Napatingin ang buong banda kay Cesall eyes on here. Parang nanlamig ang
buong pagkatao ni Ces sa tingin ng mga ito sa kanya ngunit nagulat siya
sa biglang pagsigaw ni Note.

Nag CR ka lang pero nagustuhan ka na ng judge?! Tuwang tuwa na sabi ni


Melo.

Ang galing mo Ces! pagsigaw ni Note. Nawala ang pagkadismaya sa mukha


nito at napalitan ng ngiti at pagkagalak. Lumapit ang binata kay Ces at
niyakap ang dalaga ng mahigpit saka itohinalikan sa pisngi.

Na siyang ikinagulat ng buong banda. . . lalo na ni Ces.

Napahawak si Ces sa kanyang pisngi at napatingin kay Note na nagsasaya


papasok ng audition room. Ang bilis ng tibok ng puso niya at para bang
nag init ang pisngi niya. . . She kept on repeating to herself na wala
lang ang munting halik ni Note sa kanyang pisngi. Its just a friendly
kiss, nothing new. Ganoon lang talaga kasweet si Note.

Oo tama, ganoon lang talaga 'yun. No other things included. Dapat lang.

Ay, ako rin pa-kiss!

Lalapit na sana si Melo kay Ces para makahalik sa pisngi ng dalaga nang
hawakan ni Lyric ang damit nito at hinatak. Tumigil ka, inaantay na tayo
ng judge sa loob, sabi nito na hindi man lang tumingin o lumingon kay
Ces at diretsong pumasok sa audition room kung saan naghihintay si Mr.
Ambassador, ang main judge ng Battle of the Bands.

* * *

"This song is composed by DumdanneMayi, a song full of emotion, a song of


rising again after a fast fall from the ground, pagsimula ni Lyric saka
ito nagstrum ng gitara.

Sumunod na sila Note sa bass at si Melo sa piano. Nandoon pa rin si Pitch


sa drums at si Ces, nanginginig ang mga kamay na hawak hawak ang mic.
Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahandahil ba sa ngiti ni Mr.
Ambassador na nasa harap nila, sa audition o dahil pakiramdam niya, para
sa kanya ang kantang kinompose ng kaibigan ni Manager Lily.

You broke my heartYou never know how it hurtsYou play aroundWait til
you meet your match

Hindi niya maiwasan makita sa kanyang mata si Lyleall the pain sheve
been through. . . all the sacrifices, lahat ng naranasan niyapara bang
baliwala ito sa Lyle na iyon. Sa prinsipe niya. . . sat inuring niyang
taga pagligtas niya, siya pala mismo ang sisira sa kanya.

Pumikit siya nang maramdaman niyang nag iisa na ang musika at ang mga
liriko ng kanilang kanta. Isama pa ang magandang pagbeblend ng boses nila
ni Lyric kahit second voice lang ang binata.

And here I amWith my new found friendsStop pretendingAnd watch me


sing

Napapangiti si Ces habang nakikita niya sa kanyang utak ang masayang


MyuSick. . .ang mga tawa at lokohan ng mga ito kahit magkakaiba sila ng
ugali. Napakagat naman siya ng kaunti sa kanyang labi nang maalala niya
ang mga kaibigan niya noon na populars.

Mga quote unquote, kaibigan. . . na isa rin sa sumira sa pagkatao niya.

Rising from the groundYoure gonna eat your wordsYoure gonna feel
the painIm feeling the day I cursed your name

Pagdilat niya, nagulat siya nang maramdaman niya ang pagtulo ng luha sa
kanyang mga mata. Nakakatawa lang na kahit ilang beses na niya itong
kinanta, hindi pa rin mawawala ang emosyon.

Just gonna stay right hereFar from your heartless staresHoping youll
change like meAnd be the one who love so true ~oh

Ang pagkamunhi. . . ang galit. . . ang suklam. . . ang saya. . . ang


kilig. . .

Youve walked on meThought I would not fight backBut you were


wrongWait til you here this song

When Ces looked at the guys around her, napapangiti siya lalo at
napapasabi sa kanyang isip na sobrang swerte niyang kasama niya ang
MyuSick. Sila ang nagbigay buhay sa pagkamatay niya noonang MyuSick ang
nagbigay ng pangawalang buhay sa isang Ces Flores.

Now I stand tallFrom the tragic fallNo more hidingI can proudly sing

Ngayon. . . habang kumakanta siyahabang nararamdaman niya ang pagtulo ng


kanyang mga luha, hindi niya maiwasang mapangiti. Dahil alam niya na ang
pag tulo ng mga luhang ito ay hindi dahil sa sobrang lungkotito ay dahil
sa sobrang saya.

Sobrang saya niya na wala na sa prinsipe-kuno o quote, unquote mga


kaibigan niya, ang sisira sa kasiyahan na nararamdaman niya.

Rising from the groundYoure gonna eat your wordsYour gonna feel the
painIm feeling the day I cursed your name

Hindi madali ang pagkalimotsabi nga ni Manager Lily, everything takes


timelalo na ang pagmumove on. May sari-sariling coping mechanism, may
sari-sariling oras. Pero alam ni Ces na hindi man ngayon ang oras niya

para makamove on, alam niyang malapit nasobrang lapit na. . .


nahahawakan na niya ang kasiyahan na nararapat sa kanya.

Watch me stand on crowdGiving a smile so trueSo proud to tell the


wordI finally got over you ~ooh

Hindi na siya nag iisahindi na niya mararamdaman ang pag isa tulad ng
nangyari sa kanya noon. Hindi na niya maiisip na bawian ang buhay niya
dahil paulit ulit sa utak niya ang sinabi sa kanya ni Ash. . . hindi mo
pa oras.

Pray still, love true, rise again~Youll pay, youll see, Im no more
small~

Napahawak si Ces sa kanyang dibdib upang salatin ang pilat ng kanyang


nakaraan. Mabilis na pumasok sa kanyang isipan sila Ash at Boss. . . Ang
mga kamatayan na nagpagulo sa magulo na niyang buhay.

Pinakiramdaman niya ang pagtibok ng puso niya na sumasabay sa pagtugtog


ng bandaat unti-unti, naramdaman na lamang ni Ces na napapangiti siya at
para bang nabubura ang ilang sakit ng nakaraan.

I stand in frontWith love of my friends who stayedWith new found


strengthIts time for me to face the day~

Paglingon ni Ces kay Lyric, napatitig siya sa mga mata nitong nakatitig
sa kanya. May kung anong sinasabi ang mga mata ng binata ngunit napansin
niya ang pagngiti nito sa kanyaisang ngiti na nag aassure sa kanya.

Magiging okay lang ang lahat

Rising from the groundYoure gonna eat your wordsYour gonna feel the
painIm feeling the day I cursed your name

Huminga ng malalim si Ces at tiningnan si Manager Lily na nakangiti at


nakatayo sa may pintuan at pinapanood ang buong banda kung paano sila
tumugtog. Kung paano nila ibigay ang lahat ng emosyon sa bawat
instrumentong hawak nila.

Ang bawat pagpalo ni Pitch sa kanyang drums na sumasalo sa paghihirap ng


binata na siyang nagbibigay ng napaka gandang beat. Ang hindi makapatay
langaw na itsura ni Note habang pinapakiramdaman ang kagandahan na
ibinibigay ng bawat nota ng kanyang piano. Si Melo na seryoso ang
pagstrum at pagtipa sa kanyang gitara na nagbibigay ng isang magandang
melodiya sa tugtog. . .

Watch me stand on crowdGiving a smile so trueSo proud to tell the


wordIm alright and I got over you ~ooh

Then theres Lyric. . . ang boses nitong nagbibigay buhay sa buong musika
ng MyuSick. Ang boses na walang ibang ginawa kung hindi amuin ang lahat
ng mga nakikinig sa kanila.

Lahat ng ito, ramdam ni Ces. Sa bawat pagtugtog ng MyuSick at sa bawat


pagkanta niya para sa MyuSick, unti-unti na rin siyang naiinlove. . . sa
musika.

Pray still, love true, rise a--gain~

Bravo! kaagad na pumalakpak si Mr. Ambassador pagkatapos tumugtog ang


MyuSick. The song, your voices, the music, perfect! patuloy nitong
pagpalakpak at saka tumayo upang ipagpatuloy ang pagbunyi sa banda. You
are an example of a true artists, I want you to proceed to the next
battle!

Lumapit naman si Manager Lily sa banda at kinuha ang mick ay Cesat


nagsimulang magsalita, nakangiti.

Im very happy you liked MyuSick, Mr. Ambassador. It is a privilege for


us to play in front of you, nakangiting sabi ni Manager. But, as the
MyuSicks Manager, Id like to decline your offer for the next round.

MANAGER? nanlalaking mata na halos pasigaw na sabi ni Melo.

Teka, ano to?!

Pagrereklamo nila Note at Melo.

Tumingin ng masama si Manager Lily sa dalawa kaya napatahimik sila sa


kanilang pwesto.

The thing is, we were late. Rules are rules and I don't want MyuSick to
be seen as the band who got in just because the judge liked our
vocalist, patuloy na sabi nito at tumingin kay Cesagad kinabahan ang
dalaga ngunit napansin niyang walang halong galit ang tingin sa kanya ng
manager. But thank you, reallybut Im also sorry for this.

* * *

Nakauwi na't lahat ang buong banda sa Pilipinas, hindi pa rin makaget
over sila Melo at Note sa pagtanggi ni Manager Lily. Hindi naman
nakaramdam ng lungkot si Ces dahil alam niya ang gustong iparating ng
Manager ngunit nanghihinayang din siyamarahil ay ganoon din ang tingin
nila Pitch at Lyric.

Mas gusto kong mag hirap tayo papunta sa taas kaysa magkaroon ng vip
access. Mas masarap makita ang tagumpay kapag pinag hihirapan. . . Let's
win fair and square at hindi dahil nagmakaawa tayo, out of no-where na
sabi ni Manager saka ito humarap sa dalawang reklamador. Kung para sa
atin talaga 'yun, para sa atin talaga. Naintindihan niyo?

Pero Manager, hindi ba parang 'yun na nga 'yung para sa atin? Na-late
tayo tapos akala natin, hindi na tayo pwede makasali, pag-eexplain ni
Melo. Tapos nagkaroon ng second chance, pero humindi pa rin tayo?

Ibig sabihin, hindi pa 'yun yonsigurado ako na kapag 'yun na 'yung


chance, bubulong Siya sa atin, mahinang sabi ng manager. at tumigil ka
na sa pag reklamo at baka maipasok ko 'tong unan d'yan sa bibig mo.
Matulog na tayo, may gig pa tayo next week.

Nagkanya-kanyang balik ang buong banda sa kani-kanilang kwento. Aayain pa


sana nila Melo at Note si Ces para makipagkwentuhan pero sobrang pagod si
Ces sa sampung oras na byahe nila mula New Zealand papuntang Pilipinas.

Totoo pala talaga ang pagod kahit nakaupo ka lang ng sobrang tagal sa
byahe.

Pagpasok niya sa kanyang kwarto, napatigil siya nang makaramdam siya ng


sobrang lamig na hangin na dumapi sa kanyang balat. Nanliit ang kanyang
mga mata para pagmasdan ang buong kwarto ngunit wala namang bago.

Pahiga na sana siya sa kanyang higaan nang may marinig siyang napaka
pamilyar na boses. Malamig na malalim na boses.

Idol, pa-autograph!

Paglingon niya sa pinanggalingan ng bosestumaas ang halos lahat ng


balahibo sa kanyang katawan nang makita niya ang isang napaka pamilyar na
mukha na matagal na niyang hindi nakita. Nakangiti ito sa kanya. Itim pa
rin ang damit nitong long-sleeve hoodie na may nakapaloob na white tshirt na may design na bungo sa gitna. Fitted pa rin ang jeans nito at
ganun pa rin ang chucks na suot-suot at. . . nakalutang pa rin ang
katawan nito, defying the gravity.

A-Ash!

~ ~ ~
Author's Note:Ayan na si Ash, binabalik ko na. .___.
Hindi ko alam kung may sense ba tong update o wala. . . lutang, pagod,
sabog, busy at tamad kasi ako. Sinulat ko lang itong chapter na 'to para
makaraos dahil baka mawriter's block ako at mahirapan makabalik sa
momentum.
This chapter is dedicated to DumbanneMayi dahil siya ang nagcompose ng
kanta sa chapter na ito. The song is composed FOR Ces talaga, bongga!
(Ang kapal ko kasi, favor ko sa kanya yan mehehe) Ang talented niya, di
ba? And kindly click the External Link at the right para mabasa ang poem
na sinulat niya tungkol sa That Twisted Love Story. SOBRANG GALING NIYA
PO.

Edit 12/14/13:Nasa mulitmedia part ang kanta --> pakipakinggan po. Worth
it! Sobrang kilig. Ugh. Buhay na buhay si Ces! Ang saraaaap~ Composed by
Mae Anne Quejado (Kung kanino ko ito dinedicate) and sang by Pamela
Vergara! PAKINGGAN NIYO PLEASE! :D
SALAMAT SA PAGBABASA!

=================
34 // Pursuit of Happiness
"When one door of happiness closes, another opens; but often we look so
long at the closed door that we do not see the one which has been opened
for us." Helen Keller

~ ~ ~

Hi, nakangiting bati ni Ash.

Nanlaki
tumakbo
tumagos
kanyang

ang mga mata ni Ces, halos mapanganga na sa nakikita hanggang sa


ang dalaga papalapit sa kamatayang nasa harapan niya. . .ngunit
siya rito. Nakaramdam lang siya ng malamig na hangin na dumapi sa
balat.

Nagkatinginan sila Ash at Ces. Napangiti lang ng kaunti si Ash, isang


ngiting tila may tinatago.

Hindi na kita mahawakan? Lumapit muli si Ces kay Ash at inilapit ang
palad sa mukha ng kamatayan ngunit nagiging distorted air lang ang
parteng hinawakan ng dalaga. Bakit?

Nagkatitigan sila Ash at Ces hanggang sa lumayo si Ash rito.

Hindi mo naman talaga ako dapat nahahawakan, nakangiti pa rin nitong


sabi.

Pero. . .dati. . .

Ngumiti si Ash ng labas ngipinvery different from the Ash last time Ces
saw him. May mga circumstances lang. . .

Hindi pa rin naniniwala si Ces ngunit nakaramdam siya ng saya sa


pakiramdam. Ngunit ilang minuto lang, naramdaman na lang niya na bumagal
ang pagtibok ng kanyang puso. . . nakaramdam siya ng takot sa muling
pagbabalik ni Ash sa tabi niya.

Kamusta? Inilibot ni Ash ang kanyang paningin sa kwarto ni Ces. Nawala


lang ako, ang ganda na ng bahay mo?

Nagtama muli ang paningin ng dalawa. Umupo si Ces sa dulo ng kanyang


higaan at tumabi sa kanya si Ash, lumulutang nga lang.

Niligtas nila ako, Ash, nakangiting sabi ni Ces.

Ngumiti rin si Ash sa harapan ng dalaga at ipinatong ang kamay sa ulo ni


Ces. Walang naramdamang kahit na anong palad si Ces ngunit nakaramdam
siya ng malamig na hingin sa kanyang bunbunan. Sabi ko naman sa'yo,
hindi mo pa oras.

Nagkangitian ang dalawa. Walang nagsalita sa kanila for about a minute.


Magkatabi lang sila na nakaupo. Nakatingin sa pintuan na katapat nila
hanggang binagsak na ni Ces ang katahimikan.

Bakit ang tagal mong nawala?

Tumingin si Ash kay Ces, hindi mo naman ako kailangan eh.

Kumunot ang noo ni Ces. Hindi magets ang sinasabi ni Ash hanggang sa
ngumiti ang kamatayan sa kanya.

Joke lang, nag peace sign si Ash. Napangiti si Ces nang maalala niya
ang unang beses na nagkita sila ni Ash. Nakakatakot pero ang lakas
magjoke. Ngayon, bumabalik na si Ash sa dating aura. Light. Masaya.
Nakangiti. Naging busy ako sa trabaho ko, alam mo bang every 2 minutes,
may isang taong namamatay?

Seryoso? nanlalaki ang mga mata ni Ces nang tumingin siya kay Ash.
Lalong napangiti si Ash.

Oo, seryoso. Tska nakikita ko namang masaya ka na, tumayo si Ashwell,


not literally pero ganun na nga, hindi lang nakaapak ang paa sa sahig.
Pero Ces. . .

Lumayo si Ash. Tumingala si Ces nang sundan niya ng tingin ang kamatayan
na lumutang papunta sa may veranda. Tumingin si Ash kay Ces. . . may kung
ano sa mga tingin ng binata na nagpataas ng balahibo ng dalaga. Untiunti, mula sa itim na mga mata ay nag ilaw ito at nagmukhang pula.

Mahirap maging sobrang saya. . .

The last thing Ces remembered, ang mukha ni Ash na malapit na sa kanya.
Hindi niya alam kung paano o anong nangyari pero napapikit siya nang
maramdaman niyang kinumutan siya ng anghel ng kamatayan hanggang sa
makatulog siya.

* * *

ON AIR.

Isang napaka, napaka, napaka, napaka gandang babae koeste, gandang


gabi, Pilipinas! Nandito na naman ako para pagandahin ang mga gabi niyo!
Ano 'yun? Sino ako?

May pinindot na buton ang babae sa malaking machine na nasa harap nito
habang nakangiti at agad narinig ng buong station ang kanta. . .

What does the fox say?Jhing-jhing-jhing-jhing-jhingeringejhing!

Yes you're right, Jhing! Ang pinaka magandang DJ na nakakasama niyo


tuwing gabi!

Nagpindot muli si DJ Jhing ng isang buton at narinig naman nila ang


tagline ng radio station.

Ay ankyooooot!

Kasalukuyang nasa isang radio station ang bandang MyuSick. Nakaupo silang
lahat sa tapat ni DJ Jhing, all eyes on the DJ. Ngiting ngiti naman sila
Melo at Note dahil manghang mangha sila sa nakikitang mga buton,
recording equipments at kung anu-ano pa. It was their first time in a
radio station.

Ganoon din si Ces. . . pati na si Ash na naglilibot sa istasyon.

Si Lyric naman ay diretso lang ang upo pero si Pitch? Parang natutulala.
. . at nahihiyang nakangiti habang si Manager Lily ay nakaupo hindi
kalayuan sa kanila.

Ngayong gabi, may mga bisita tayo, natawa ng kaunti si Jhing dahil sa
kilig. . . Mga gwapo! nagpindot si Jhing ng buton at nakarinig sila ng
mga kinikilig na babae na sound effects. Ay, may maganda rin pala,
napangiti si Ces kay Jhing. Ang MyuSick!

Pinindot ni Jhing ang palakpak na sound effects.

Say hello to our listeners, MyuSick!

Tinanguan ni Jhing ang MyuSick saka naman isa-isang nagsalita ang banda
pero ang pinaka awkward. . . which is weird dahil alam nilang cool lang
ito, ay si Pitchna hindi nakaligtas sa tingin ni DJ Jhing.

Oh, bakit ang awkward ni Pitch?

Sabay-sabay na tinuon ng pansin si Pitch ng lahat ng tao sa loob ng


station. Nakangiti lang si Jhing ngunit halatang nagtataka.

Ay, baka nastarstuck sa'yo, DJ Jhing! Natatawang sabi ni Melo.


Nagtataka pa rin ang DJ pero natatawa na. Idol ka kasi ni Pitch,
binabasa niya mga libro moARAY!

Natawa na ng tuluyan si Jhing sa sinabi ni Melo habang hinihimas naman ni


Melo ang braso na sinuntok ni Pitch. Nakayuko lang si Pitch sa sobrang
kahihiyan at napapangiti si Ces.

That made sense. . . naaalala niya na mayroon nga pa lang Jhing


Bautista label sa book shelves nila.

Pinindot naman ni Jhing ang buton ng tagline ng station.

Ay ankyooooot!

Anyway, enough of that. Lets talk about you, MyuSick. . . dahil alam
kong marami nang naghihintay nito, halata kay Jhing na naeexcite na rin
siya. Shes a fan of the band and their music kaya naman masaya rin si

Jhing na siya ang nag iinterview sa bandang ito. Ano ang kwento sa likod
ng MyuSick?

Likod ng MyuSick? Note asked habang pilit tinitingnan ang likuran niya.

Hindi literal na likod! natatawang sabi ni Jhing sa pagkapilosopo ni


Note. I mean, paano kayo nabuo? Bakit may MyuSick kaming naririnig
ngayon?

Nagkatinginan ang magkakabanda. Alam ni Ces na hindi siya pupwedeng


magsalita dahil wala rin siyang alam kaya hindi na siya nagulat na si
Lyric ang nagsalita.

Passion. Fun. Music. . . at friendship.

Napangiti si Jhing, wow. Few words pero it tells a story. Very deep,
Lyric! nagpindot si Jhing ng sound effects.

Huwag niyo na ideny na hindi kayo successful dahil kitang kita naman
namin na umaariba kayo internationally, paano kayo naging successful?
BAWAL IDENY!

Nagkatinginan ang magkakabanda.

Ikaw na sumagot!

Hindi, ikaw na!

Natatawa naman si Jhing dahil ang kukulit ng buong banda. Malayong malayo
sa mga iniisip ng karamihan na maangas ang MyuSick.

Huminga ng malalim si Melo at sumagot, hindi kami tumigil.

Paanong hindi kayo tumigil?

Nagtuloy lang kami sa music! Matalo, manalo, hindi pa rin kami tumigil
at mas pinagbutihan pa namin, seryosong sabi ni Note. Napatingin si Ces
sa binata na manghang mangha dahil may seryoso pala itong sinasabi
paminsan minsan.

Narinig naman nila muli ang tagline ng station.

Ay ankyooooot!

You really are something MyuSick. . . patango-tangong sabi ni Jhing.


Pero the last Battle of the Bands, anong nangyari?

Lahat sila tumingin kay Manager Lily. Kumunot ang noo ni Lily dahil
napansin niyang sa kanya na nakatingin ang lahat ng tao sa station.
Bumuntong hininga siya.

Isa sa mga gusto ko ang. . . napatigil ang lahat nang magsalita si Ces.
paninindigan ni Manager Lily.

Nagkatinginan si Ces at Manager. Ces smiled at Lily at parang nagulat


naman si Manager dito.

Nice, nakangiting sabi ni Ash habang palutang lutang lang sa station.

Manager Lily. . .is officialy Ces inspiration. The one she idolizes. The
first person she looks up to.

Hindi man alam ni Ces ang puno't dulo ng hinagpis at sakit ng nakaraan ng
Manager, hindi naman ito pumapalya para pahangain siya sa paninindigan
nito. Sa mga sinasabi nito para pagaanin at the same time pabigatin ang
kanyang loob.

Hindi maikakaila na ang bagong Ces ay isang produkto ni Manager Lily.

* * *

Ces heard a knock from her door. Binuksan ni Manager Lily ang pintuan at
natigil sila ni Ash sa pag-uusap.

Ces, pumasok sa loob ng pintuan si Manager Lily, papers in her hand.


Sinara nito ang pintuan at nilock. We need to talk.

Nagtataka ang dalaga dahil sa sinabi ng Manager. Its almost 12am pero
gustong makipag-usap ng Manager sa kanya? May nangyari bang iba? May
nagawa ba si Ces na kinaasar ng manager? Nakaramdam ng kaunting takot si
Ces.

About the contract. . .

Nagkatinginan si Ash at Ces. Contract? Pagtataka ni Ash. Nagkibit


balikat si Ces at tumingin muli kay Lily na parang nagtataka sa pagtingin
ni Ces sa kanan na para bang may tinitingnan.

Nahihiya ako sa'yo dahil kinuha ko ang oras mo instead of you studying,
kinuha ni Manager Lily ang upuan ng study table ni Ces at inilapit kay
Ces na nakaupo sa may gilid ng kama. At ang contract ay para sa The
Battle of the Bands pero hindi naman tayo nakasali. . .

Ibinigay ni Manager kay Ces ang kontrata nila. Inaalis ko na ang


kontrata natin, Ces. Youre free from MyuSick.

Halos mahulog ang puso ni Ces sa sinabi ng Manager. Nagkatitigan sila


Lily at Ces. Hindi malaman ng dalaga kung ano ang gustong ipahiwatig ng
Manager. . . para bang lumutang bigla ang kanyang isip.

Is Manager Lily letting her go? Pinapaalis na siya sa MyuSick? Pinapaalis


na siya sa buhay ng mga ito?

Don't worry dahil ako pa rin ang magpapaaral sa'yo and you can still
stay here, sunod na sabi ni Manager.

Mababagsak na ang buong katawan ni Ces sa narinig. Biglang naghalo-halo


ang lahat sa kanyang utak. Nawala siya panandalian sa kanyang ulirat.

But if you want, I can give you your own house. . .

A-Ayaw ko. ..

Nanginginig ang buong katawan ni Ces sa naririnig. Ang lakas din ng kabog
ng kanyang dibdib na pakiramdam niya ay kaunti na lang, iiwan na siya ng
puso niya.

Napatigil si Manager Lily sa biglang sagot ng dalaga.

Ayaw mo ang alin?

Manager, hinawakan ni Ces ang kamay ng Manager. Ayaw kong umalis.

Napasandal si Manager Lily sa kanyang upuan at napangiti sa narinig.

Ayaw kong umalis sa MyuSick. . . mahinang bulong ni Ces. Pinipilit


niyang pigilan ang panginginig ng mga labi. Nagpipigil ng luha. Gusto ko
pang kumanta. Gusto ko pang makasama kayo.

Good. Nanlaki ang mga mata ni Ces ng kunin ni Manager Lily ang mga
papeles at pinunit. I'll give you another contract to sign.

Woah. . . mahinang react ni Ash sa gilid. Manipulative, parang si


Boss! manghang mangha nitong sabi. Ang galing.

Nagtaasan ang balahibo ni Ces. Napangiti siya habang tuluyan nang tumulo
ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Kaagad niyang niyakap si Manager
Lily. Salamat, mahigpit niyang yakap dito.

Nakangiti lang si Manager, I'm glad youre learning to have


confidence.

Kumalas sa pagkakayakap si Ces. Nakakunot ang noo, nagtatakang nakatingin


sa manager. A-Ano po?

Confidence: stand up. Look straight. Don't look down.

Hindi pa rin magets ni Ces ang gustong ipahiwatig ng Manager.

Nagkakaroon ka na ng confidence para sabihin ang gusto mo para sa sarili


mo, Ces.

* * *

And after some months, here she is, in front of DJ Jhing with the
MyuSick. . . as the official vocalist of the band. Dahil ito ang gusto
niya. . . dahil ito ang sinabi niya na gusto niya.

Kaya nandito siya ngayon. Kaya masaya siya ngayon. . .dahil pinili niya
ito.

Well, thats cool that you have a great Manager, kumento ni Jhing. I'm
sure kung ano man ang paninindigan na 'yun, mas malayo pa ang mararating
niyo.

MyuSick smiled. May mga pinag-usapan pa ang mga ito, question and
answers. Aliw na aliw naman si DJ Jhing sa banda, lalo na kay Pitch na
parang tuod na nakakita ng santo. Nastarstruck pa rin ata sa isa sa mga
favorite author niyang si DJ Jhing.

"Uh. . . napatingin ang lahat kay Pitch, waiting for him to talk.
Pwedeng pa-autograph?

Natawa naman si DJ Jhing at pinindot ang station tagline.

Ay ankyooooot!

Nakakahiya naman, ang isang Pitch? Magpapaautograph sa akin? natatawang


sabi ni Jhing.

Inasar naman ng buong banda si Pitch at kitang kita ang pamumula ng


pisngi ng binata. Kahit ipakita nito ang coldness sa ibang tao, hindi pa
rin mawawala na si Pitch, ay isang normal na tao, na humahanga rin sa
iba. . . at nagiging awkward guy din paminsan minsan.

So Ces, nakangiting pagkuha ng atensyon ni DJ Jhing sa dalaga. Anong


feeling na nakasali ka sa MyuSick? Mabilis ka bang nakapag adjust from
your normal life to a rockstar?

Napantigi si Ces at tiningnan ang buong kabanda. Ngiting ngiti naman sila
Melo at Note sa kanya.

Pinaka masayang pangyayari sa buhay kong napasali ako sa MyuSick.

Nagkatinginan ang magkakabanda. . . shocked was written all over their


faces. Hindi nila akalain na manggagaling kay Ces ito. Pinindot naman ni
DJ Jhing ang station tagline.

Ay ankyooooot!

You guys are so cute, siguradong maraming nainggit sa akin ngayon dahil
nasa harapan ko kayo! natutuwang sabi ni Jhing. Full of energy itong si
DJ Jhing kahit gabing gabi na. Anyway Ces, dahil na sa'yo na ako.
Mahirap ba?

Ang alin po?

To be surrounded by handsome, very adorable and cute guys?

Ehem, ehem! pagpapansin ni Note.

Tinulak naman ni Melo si Note sa mukha. Dun ka nga, huwag mo kaming


hawaan ng ubo mong peke!

Natawa naman si Jhing sa dalawang gitarista.

Ay, ito ang gusto ko malaman! Tuwang tuwa na sabi ni Jhing. Tumingin si
Jhing kay Ces at biglang kinabahan ang dalaga sa mapanuksong tingin ng
DJ. May crush ka ba sa mga kabanda mo?

Pinindot ni DJ Jhing ang isang buton at narinig nila ang panunuksong


sound effects.

Aiyiieee, kilig! Kilig!

EHEM EHEM! malakas na pagpapansin ni Note.

Kumunot ang noo ni Melo, ang ingay mo pre!

Syempre! pagmamayabang ni Note, taas noong nagsalita. Ako na crush ni


Ces. Nakangiting sabi ni Note kay Ces. Napangiti naman ang dalaga kay
Note. Hindi alam kung anong sasabihin.

Hala, biglang inakbayan ni Melo si Ces. Ako ang crush mo, di ba?!

Wag ka na! Panget!

Uy tae ka ah! Mas panget ka!

Natawa na naman si DJ Jhing. Umiling iling naman si Manager Lily, face


palming dahil sa kahihiyan. Keeping in her mind na next time na may
interview sila, hindi na niya isasama si Note at Melo dahil baka ang mga
ito pa ang makasira sa pangalan ng MyuSick.

This is the most entertaining interview I encountered so far, aliw na


aliw si Jhing nang magbangayan sila Note at Melo. Forgetting the question
and the their current topic. Umusog naman kaunti palayo si Ces sa
dalawang lalaking nagbabangayan para mag give way sa dalawang katabi nang
mapatingin siya sa kanan.

And there, she saw a glimpse of Lyrics eyes looking at her before Lyric
looked away.

Sa hindi malamang kadahilanan. . . para bang tumalon sandali ang puso ni


Ces mula sa kanyang dibdib.

Tsk, tsk, paglingon ni Ces sa kinalulutangan ni Ash, nakangiti ito sa


kanya. . .not reaching his eyes.

* * *

After ilang months, unti-unti na siyang bumabangon. Mahirap man pero


tinutulungan siya ng MyuSick to build a wall inside her. Hindi para
maging matigas siya pero para magkaroon siya ng lakas. . . para hindi
siya bumagsak kaagad.
But Ces, kahit anong man mangyari, is still the fragile figurine that can
be broken, anytime.

Lalo na ngayon na bumalik sila sa kanilang school to perform.

Are you ready? nakangiting tanong sa kanya ng Manager, holding her


hand. Nanginginig manhindi malaman kung sa takot, kaba o galit ay
tumango si Ces at ngumiti. Good.

Lumapit naman si Ash kay Ces, umupo sa tabi nito.

Kaya mo 'yan, nakangiting sabi ng kamatayan. Minsan ay nawawala ito


pero napapadalas na ang pagstay ni Ash sa tabi ni Ces. Minsan palutanglutang lang dahil hindi rin sila nakakapag usap kapag nand'yan ang
MyuSick. Ma

TITIK TITIK!

Napatayo si Ash at tiningnan ang D-Get na tumunog. Bumuntong hininga siya


at tumingin kay Ces, nawala ang ngiti sa labi.

Sige ah, may trabaho pa, at naglaho na lang si Ash.

Humugot ng malalim na hininga si Ces hanggang sa narinig na lang niya,


ang pagtawag sa kanila ng MC.

Lets all welcome our favorite band, MYUSICK!

* * *

Nakatatlong kanta na ang banda nang lumapit si Lyric sa kanya. Hindi niya
masyadong narinig ang sinabi ng binata dahil sobrang lakas ng sigawan ng
mga tao. May mga naririnig din siyang mga sigaw na I love you Ces ang
sinasabi.

Nang tumugtog ang banda, acoustic. . . beat box ang gamit ni Pitch,
keyboards naman ang kay Note at acoustic guitar kay Melo.

Napatingin si Ces kay Lyric, a-ano 'to.

Revenge, nakangiting sabi ni Lyric. Itinutok ni Lyric ang mic sa bibig


habang nakatingin pa rin kay Ces, Lyle T. Yuzon, mahinang bigkas ni

Lyric ngunit dinig na dinig sa buong lugar dahil nakamic. Pakinggan mo


'to.

L-Lyric, nakaramdan ng kaba si Ces lalo na nang magsimulang kumanta si


Lyric.

Hey girl, you know, you drive me crazyOne look puts the rhythm in my
handStill I'll never understand why you hang aroundI see what's goin'
down

Lumapit sa kanya si Lyric at hinawakan ang kanyang pisngi. Nanlaki ang


mga mata ni Ces sa kinilos ng binata. Kasabay ng malakas na pagkabog ng
kanyang puso ay ang malakas na hiyawan ng mga nanonood.

Cover up with make up in the mirrorTell yourself it's never gonna


happen againYou cry alone and then he swears he loves you

Natulala lang si Ces, nakatayo lamang siya at walang masabing iba.


Hinawakan ni Lyric ang kanyang kamay at halos sumabog si Ces nang
maramdaman niya ang mainit na palad ng binata sa kanyang kamay.

Do you feel like a man, when you push her around?Do you feel better
now as she falls to the ground?

Hinatak siya ng binata at iniharap sa mga nanonood. Tumingin si Lyric sa


isang lugar. . .kung saan nakaupo si Lyle, na ramdam na ang pag iinit ng
ulo mula sa kinauupuan.

Well, I'll tell you my friend, one day this world's going to endAs
your lies crumble down, a new life she has found

Itinaas ni Lyric ang kamay na hawak ang kamay ni Ces na para bang
sumusuntok sa ere. Napatingin si Ces kay Lyle na nakatingin sa kanila.
Kunot ang noo nito, nakakuyom ang mga kamay.

A pebble in the water makes a ripple effectEvery action in this world


will bear a consequenceIf you wade around forever you will surely drownI
see what's going down

Nakangiti lang si Lyric habang kumakanta at habang hawak ang kamay ni


Ces. Never letting her go. Nakikisabay din sa pagkanta ang mga kabanda.

I see the way you go and say you're right againSay you're right
again, heed my lecture

Nang mapunta sa chorus, ipinakanta ni Lyric sa audience and the audience


sang their heart out. Nagkaroon ng pagkakataon para makapag usap sandali
sila Lyric at Ces.

Ikanta mo.

A-Ano?

Ikanta mo lahat sa kanya, as in on cue, napakanta muli si Lyric at


nakangiting tumingin kay Ces bago tumingin sa audience.

Face down in the dirt she said,

Sinenyasan ni Lyric si Ces ngunit hindi nakakanta si Ces kaya ang rinig
ang audience nang tumigil si Lyric sa pagkanta.

This doesn't hurtShe said, I finally had enough

Ikaw naman,

Face down in the dirt she said,

Sinenyasan muli ni Lyric si Ces. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak


ni Lyric sa kanyang kamay. Huminga siya ng malalim at inilapit ang mic sa
bibig saka ikinanta ang mga bagay na dapat niyang kantahin mula sa
umpisa.

This doesn't hurt

Nang ikanta ni Ces ang tatlong salitang ito, para bang nabunutan siya ng
tinik mula sa kanyang puso.

She said,

Huminga muli ng malalim si Ces at tumingin sa pwesto ni Lyle.

I finally had enough!!

Napangiti si Lyric sa pagsigaw ni Ces. Ngumiti rin si Ces kahit ang lakas
pa rin ng kabog ng kanyang dibdib.

One day she will tell you that she has had enoughIt's coming round
again

Tumango si Lyric kay Ces and they both sang together. Unified. Blended
well. Sobrang ganda.

Do you feel like a man, when you push her around?

Isang linya pa lang ng kanta na sabay sila, nagsigawan at hiyawan ang mga
tao. May mga tao ring nakisabay sa pagkanta nilang dalawa. Its as if
people around them is singing with them. . . para ipamukha kay Lyle ang
lahat.

Do you feel better now as she falls to the ground?Well, I'll tell you
my friend, one day this world's going to endAs your lies crumble down, a
new life she has found

Tumayo si Lyle mula sa pagkakaupo at kaagad na umalis ng activity area.


Lalong napangiti si Lyric sa nangyari at kahit si Ces, nakaramdam ng
kaunting ginhawa.

Face down in the dirt she says, This doesn't hurtShe says, I finally
had enough

THAT WAS A VERY HOT PERFORMANCE!

Ang lakas ng hiyawan ng audience nang sumigaw ang MC. Naghihiyaw din sila
Note at Melo. Kahit si Pitch ay nakangiti, ramdam na masaya sa nangyari.

Ehem, nakangiti si Melo na nakatingin kay Lyric at Ces. Ibinaba nito


ang tingin sa kamay ng dalawa na magkahawak. Isang kanta lang tapos. .
.

Agad-agad inilayo ng dalawa ang kamay sa isa't isa. Binatukan naman ni


Lyric si Melo, ewan ko sa'yo.

Hindi naman tumigil si Melo sa panunukso ng dalawa habang nag-aayos ng


gamit ang banda sa backstage. Nagulat naman si Ces nang marinig ang isang
pamilyar na boses.

Ang ganda ng performance niyo, paglingon ng dalaga, nakita niya si Ash


na papalapit sa kanya. Oh wag ka na magsalita, baka mapagkamalan kang
baliw. Natawa naman ng kaunti si Ces. Sige, may trabaho pa ako ulit.
Balik ako mamaya.

Wala pang ilang segundo, umalis muli si Ash.

* * *

Papunta sana si Ces sa CR nang madatnan niya si Lyle na nakatayo at


naninigarilyo. Cool na cool itong nakasandal sa pader, parang nagmomodel
lang ng damit. An epitome of perfection for a guy.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces. Alam niyang hindi pa siya totally moved
on pero alam niyang papalapit na siya roon. Hindi pa rin nawawala ang
pagmamahal pero alam niyang kakayanin niyang mapigilan ito at mawawala
rin kalaunan.

Pero once na marinig niya ang boses nito. . . nalulusaw siya muli.

Princess, mahinang pagtawag sa kanya ni Lyle. Hindi tumigil sa


paglalakad si Ces. Tuloy-tuloy lang siya hanggang sa makaramdam siya ng
hawak sa kanyang balikat. Tumaas ang lahat ng balahibo ng buhok ni Ces at
napatigil sa paglalakad. Alam mo bang nagsisisi ako?

Naramdaman ni Ces ang paglapit ng


Nararamdaman niya ang paghinga ng
nanggaling dito. Hindi makatingin
natatakot siya kung gaano kalapit
hindi rin siya makalakad palayo.

mukha ni Lyric sa kanyang leeg.


binata, ang mainit na hangin na
o makalingon si Ces sa likuran dahil
sa kanyang likuran ang binata ngunit

Nagsisisi akong hindi ko kaagad nasabi sa'yo 'yung gusto kong sabihin
nung naaksidente ako, napapikit si Ces. Naaamoy niya ang pabango ni Lyle
at the same time ang sigarilyo na galing sa bibig nito. Oh that smell,
how she missed it.

Anong gustong ipahiwatig ni Lyle? Ano ang gusto nitong sabihin?


Nanghihina ang buong katawan ni Ces, hindi siya mapakali lalo na ang puso
niya na halos maghingalo na.

Sayang, dapat nakipagbreak ako kaagad sa'yo nun.

Ces stiffened. Hindi na siya mapakali kaya inikot niya ang buong katawan
para tingnan si Lyle. Nakangisi ito sa kanya.

A-Ano?

Ngumisi si Lyle. Naging rockstar ka lang, nabingi ka na? natatawa


nitong sabi, emphasing the rockstar part.

Ces jaw clenched. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. Nung


naaksidente si Lyle? Napakuyom ang mga kamay ni Ces. Hindi siya
makapaniwala. . . all those time, the mystery of why Lyle wanted to meet
her is because he wanted to break up with her. Take note that it's also
her birthday that evening.

Id love to see your tears, 'yung magmamakaawa ka. Yung hahalikan mo mga
paa ko, nakangiting sabi ni Lyle. Nawala ang korona ng binata sa
paningin ni Ces bilang isang prinsipe at napalitan ito ng sungay.
Mapupula, matatayog at umuusok na sungay. Ang sarap sanang makita 'yung
iyak mo, 'yung pagsusumamo mo. Saya

LYLE!

Napaatras at lumayo si Lyle nang marinig nila ang sigaw ni Lyric. Lumapit
kaagad si Lyric kay Ces at hinawakan ito sa braso para ilapit sa kanya at
ilayo kay Lyle.

Oh, knight in shining armor, wow. . . nakangising sabi ni Lyle. Ang


gandang love story naman 'yan.

Lumayo na si Lyle sa dalawa. Tinitigan lang ni Lyric ang papalayong si


Lyle habang hindi mawala sa isip ni Ces ang mga sinabi sa kanya ng
malademonyong lalaking iyon.

Ces? pagtatakang tanong ni Lyric sa kabanda.

Naiirita ako. . . mahinang sabi ni Ces.

Nanlaki ang mga mata ni Lyric nang marinig ang sinabi ni Ces. Hindi niya
inaakala na mayroon pa lang parte sa buhay ni Ces para mairita. Ang akala
kasi niya ay puro lungkot at ngiti lang ang kayang ibigay ng dalaga.

Naaasar ako. . . tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Ces. Nagulat
si Lyric sa pag luha ng dalaga. Hindi na naman siya mapakali dahil hindi
niya alam kung paano o anong gagawin kapag may umiiyak na babae. Ang
sakit, nakakainis. . .

Huminga ng malalim si Lyric at hinawakan ang kamay ni Ces saka ito


hinila. Napatingin si Ces sa kanyang kamay na hawak ni Lyric habang
naglalakad. Hindi na naman mapakali ang kanyang puso. Nag iinit din ang
kanyang pisngi na para bang may kung ano siyang nararamdaman.

S-Saan tayo pupunta?

Basta.

Pumasok sila sa activity area at umakyat sa isang maliit na kwarto na


nasa may hagdanan. Pagpasok nila, namangha si Ces dahil ngayon lang niya
nalaman na may ganito ang school nila. Mula sa kinatatayuan ay nakikita
ni Ces mula sa bintana ang loob ng buong activity area. May mga buttons
at machine rito, pati isang dalawang mic.

A-Ano to?

Radio station ng school. Lumapit si Lyric sa machine at may kung anuanong pinindot hanggang sa mag-ilaw ang ON AIR.

Bakit?

Sabihin mo gusto mong sabihin.

Napakunot ang noo ni Ces, hindi ba tayo papagalitan dito?

Ngumiti si Lyric, luluwag pakiramdam mo kapag inilabas mo lahat ng


'yan.

Kailangan naka on air? Pweden napatigil si Ces nang kumunot ang noo ni
Lyric. Pinindot ni Lyric ang pulong buton at itipat ang bibig sa mic.

Sound check, 1, 2, 3, check. Napangiti si Lyric nang mapansin niyang


napatingin ang mga tao na nasa activity area sa lugar nila. Naririnig
nila tayo. Ready ka na ba? paglingon ni Lyric kay Ces, parang aatakihin
na sa puso ang dalaga.

A-Anong. . .

Sigaw.

Ha?

Sigaw, pagpipilit ni Lyric kay Ces.

P-Pero. . .

Walang kwenta si Lyle, hindi ba?

Napatigil si Ces sa sinabi ni Lyric. They looked at each others eyes.


Naghahamunan ngunit umiwas din ng tingin si Lyric. Huminga ito ng malalim
at tumingin muli kay Ces, hindi nga lang concentrated sa mga mata nito.

Paano niya malalaman na wala siyang kwenta kung walang magsasabi?

Kailangan bang naka air?

Ngumiti ng malawak si Lyric, revenge.

Hindi alam ni Ces kung anong nangyari. Hindi niya alam kung paano siya
napa-oo ni Lyric sa balak nito. Basta ang alam lang niya. . . nasigaw na
niya ang lahat ng galit niya.

WALA KANG KWENTA LYLE YUZON!

* * *

Tumigil ang mga taong nakarinig sa malakas na pagsigaw ng isang babae


mula sa radio station. Almost everybody, ang mga naglalakad sa ground, sa
hallway, sa fast food at mga nakatambay kung saan-saan ay narinig ang
announcement na ito. Ilang segundo lang ay ang iba, nabalik sa dating
ginagawa pero karamihan ay nagtatanong kung sino ang sumigaw at bakit ito
sinigaw.

Napatigil si Lyle sa pagtawa nang marinig niya ang pangalan niya sa radio
announcement. Nagkatitigan ang mga populars pero natatawa naman si
Kervin.

Fuck off dude, gusto mong tanggalan kita ng bibig?! iritableng sabi ni
Lyle. Clenching his jaw habang nakakuyom ang mga kamao.

Chillax. . . marahan na sabi ni Kervin na lalong nagpaasar kay Lyric.

Kumunot ang noo ni Lyle. Chillax? How could he fucking chillax kung
nakikita niya ang mga taong nakatingin sa kanyaeyeing him as if hes a
fucking asshole?!

* * *

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces habang ngiting ngiti naman si Lyric sa
dalaga. Ano, okay ba?

Malalim ang paghugot ng paghinga ni Ces. Nanghihina rin ang kanyang mga
tuhod. Ang bilis ng pagdaloy ng dugo sa kanyang mga ugat. She felt
excited, very giddy. Ang sarap sa feeling.

Mabilis na tumango si Ces ngunit napatigil sila nang may sumigaw mula sa
ibaba. Isang matandang lalaki.

Hoy, anong ginagawa niyo d'yan? Trespassing kayo!

Nagkatinginan sila Lyric at Ces. Nanlalaki ang mga mata ng dalawa habang
nakangiti pa rin. Hinawakan kaagad ni Lyric ang kamay ng dalaga, takbo!

Kaagad na tumakbo ang dalawa palabas ng radio station at palabas ng


activity area. Hindi na sila hinabol ng matanda nang makalabas sila sa
area ngunit hindi sila tumigil sa pagtakbo. Tumakbo lang sila, natatawa,
nakangiti na parang mga bata hanggang sa makarating sila sa parking lot
ng school.

Pagkatigil nilang dalawa, nagkatinginan silang muli, hinihingal dahil sa


tagal ng kanilang pagtakbo hanggang sa. . . sabay silang napangiti at
tumawa.

Oh, bakit tumatawa 'tong dalawa? pagtataka ni Melo habang hawak hawak
ang gitara papasok sa kotse. Nagkibit balikat lang si Note habang diretso
lang si Pitch papasok ng kotse, not minding all of them dahil nagbabasa
ito ng libro.

Tawa pa rin nang tawa si Lyric at Ces. Hindi sila makapaniwalalalo na si


Ces na magagawa niyang isigaw ang gusto niya sa tulong ng kapwa
bokalista. It was so refreshing shouting it all. Parang sa pagsigaw na
iyon, nawala ang lahat ng sakit na naramdaman niya. Kahit pagod sa
kakatakbo at sobrang hinihingal, ang luwag pa rin sa pakiramdam.

Sobrang sarap sa feeling. . . ang saya niya.

Sobrang saya ni Ces.

~ ~ ~
Author's Note:Sorry for ze typos and stuff. Hindi madalas mag edit eh.
:))

Sa sobrang deep (lels) at bigat ng story feeling ko hindi ko nabigyan ng


justice 'yung pagkasaya ni Ces. Sakto na ba 'to? Huhuhu (nawawalan na ako
ng tiwala sa happy thoughts ko) anywaaay, 2k reads, 200 votes at 91
comments in 6 days? COOL! Sobrang cool talaga, nakakakilig! Thanks guys!
This chapter is dedicated to J/ Jhe / JH or penatic dahil sobraaang
natouch ako sa comment niya last chapter. As in nung nabasa ko 'yun,
nakangiti lang ako. Last chapter kasi feeling ko parang wala lang na
chapter pero akalain mong may napasaya ako dahil doon? Pinaka tumatak sa
akin 'yung sinabi niyang. . .
"The reason I didn't cry in times of her pain and sadness is because pain
and sadness is everywhere. Lahat ng tao nakakaramdam ng matinding lungkot
at sakit. Pero hindi lahat ng tao nakakaramdam ng genuine happiness. And
seeing Ces this contented and happy, is I think enough reason for a
person to cry. "
Saraaaap sa feeling! Hahahah thank you penatic sa pagbabasa ng story ko
at pahug nga! Ankyot kasi eh ahihihi salamat dahil masaya kang masaya na
si Ces Read her comment, external link.

=================
35 // Inside Feelings
"Falling in love should be the easiest thing in the world, but it's
not." Rachel Hawthorne

~ ~ ~

Hindi mawala ang mga ngiting nakapinta sa labi ni Ces habang inaaalala
ang nangyari kanina. She felt alive. . . She felt like a real person for
the first time.

Para bang naramdaman niyang ang swerte niya at binigyan siya ng buhay.

And it was all thanks to Myusick. . .lalo na kay Lyric. Hindi niya
inaakala na ang awkward guy from before ang tutulong sa kanya para isigaw

ang sakit ng nakaraan. Ang lalaking tumulong sa kanya noong dapat ay


mahuhulog na siya sa kadiliman ay siyang tumulong din sa kaya para
mailabas ang sariling kadiliman sa puso.

It was so refreshing. . . nabunutan siya ng tinik sa kanyang puso. Nawala


ang espadang tumutusok at nagpapahirap sa kanyang pagkatao. Kahit papaano
ay nawala ang bara sa kanyang paghinga. Nawala ang sakit, nawala ang
hinagpis, nawala ang nakaraan. . . she felt renewed. She felt like she's
the new Ces not just physically but mentally and emotionally as well.

Ngayon na lang niya muli naisip na ang sarap pa lang tumawa. . ngumiti at
maging masaya. Simula nang iwan siya ng kanyang nanay at ng tatay na
nangibang lalaki, pakiramdam niya ay nag iisa lang siya. Walang kakampi,
walang taingang nakikinig sa kanya at walang kahit sinong makakaintindi
sa kanya.

Kailan nga ba ang huling pagkakataon na naramdaman niyang masaya siya?


When she and Lyle were together? Did she really felt happiness before?
Naging masaya ba talaga siya noong nararamdaman niya ang kilig kay Lyle?
Masaya ba siya?

Alam niya na masaya siyang kasama niya si Marky. Pero alam din niya na
minsan ay hindi ito sapat. . . She felt happy being with her friend but
not like this kind of happiness kung saan masasabi niya na ligtas na siya
mula sa nakaraan.

She felt free.

Kung hindi siguro sa MyuSick. . . malamang ay naka lagpas forty days na


siyang wala sa mundo. Kung hindi siguro kay Lyric, malamang binabalot pa
rin siya ng sariling kadiliman.

And she's happy that everything is falling into pieces.

Tumingin si Ces sa kanyang kaliwang kamay at pinakiramdaman ito. Nag init


ang kanyang pisngi nang maramdaman niya ang naiwang presensya ng kamay ni
Lyric na nakahawak sa kanya.

Hindi man sobrang lambot ng kamay ni Lyric hindi tulad ng kay Lyle, kahit
basa pa ito ng pawis noong oras na iyon at may mga kalyo dahil sa pag
gigitara, hindi maiwasang mapangiti ni Ces. Ang bilis ng pagtibok ng puso
niya. She felt safe as Lyric held her hand . . para bang hindi siya
sasaktan ng mga kamay na iyon. Kahit kailan.

Napangiting muli si Ces nang maalala niya ang tingin sa kanya ni Lyric.
Ang mga tinging iyon na madalas tahimik na nagbibigay ng lakas sa kanya.
Ang mga itim na mata na sa kanya lang nakatingin.

"Ngiting ngiti ah?"

Lumingon si Ces sa may pintuan ng kanyang kwarto. Lumapit sa kanya si


Ash. Napangiti siya lalo nang iparallel ni Ash ang sarili sa kanya.
Nakahiga kasi siya sa kanyang kama at ngayon ay magkatapat na sila ni
Ash, lumulutang nga lang ang kamatayan.

Kahit papaano pala, hindi dinedefy ni Ash ang gravity dahil bumabagsak
din ang buhok ng kamatayan.

"Masaya lang. . ." kinuyom ni Ces ang kamay. . . nakakaramdam siya ng


"tingling sensation" dito. Namamanhid na hindi. . tipong kailangan pa
galaw-galawin para lang mawala ung kilig.

Dahil sa natatakpan ng buhok ni Ash ang mukha nito, itinaas nito ang
buhok. Napatingin si Ces sa kanang tenga ni Ash. . . isang itim na cross
na hikaw.

Pamilyar.

Papansinin na sana ni Ces ang hikaw ng kamatayan nang magsalita ito.

"Pansin ko nga." Lumayo si Ash sa dalaga at bumulong. . . "masaya akong


masaya ka na."

"Nakakaramdam ka ng saya?" pagtataka ni Ces.

Napatingin si Ash kay Ces. Hindi ito makapaniwala na narinig pa ng dalaga


ang sinabi. It was a whisper. Sobrang mahina. May lahing paniki ba si
Ces?

"Uh. . hindi," iniwas ni Ash ang tingin kay Ces. "Masaya lang ako."

Mula sa pagkakahiga, umupo si Ces at tiningnan ng mataman si Ash na


tumitingin sa paligid pwera sa kanya.

"Ash. . ." pagtawag ng dalaga sa kamatayan.

Hindi naman siya pinansin ni Ash. Marahil ay hindi narinig. Uulitin na


sana niya ang pagtawag kay Ash nang. . .

"Ces?"

Napatingin si Ces sa pintuan ng kanyang kwarto nang may kumatok dito.


Isang pamilyar na boses. . . kay Lyric. Agad siyang tumayo at binuksan
ang pintuan ng kanyang kwarto pero nagtaka siya nang nakatalikod si Lyric
sa kanya, parang may kinakausap sa likuran.

Lyric?

Napalingon si Lyric kay Ces at para bang nagulat siya na makita ang
dalaga sa harap. . . kahit siya naman ang kumatok sa kwarto ng dalaga.

Ah, ano, nagkamot ng batok si Lyric at yumuko, parang nahihiya. Yung


kanina kasi. . .

Kaagad naalala ni Ces ang nangyari kaninaang kanta, ang hawak, ang
sigaw, ang takbo, ang tawa at ang saya. Tumingin muli si Lyric kay Ces.

Pas

Thank you, mahinang sabi ni Ces sabay ngiti.

Napatitig sa kanya si Lyric, hindi makapaniwala sa narinig mula sa


dalaga. Huminga ng malalim ang binata at ngumitiibinalik naman ni Ces
ang ngiting iyon. For a moment, nakangiti lang silang dalawa sa harap ng
isa't isa hanggang sa may narinig silang tumikhim.

Paglingon nila sa kaliwa, nakatingin sa kanila si Pitch na papasok na sa


kwarto nito. Unti-unti, ngumiti si Pitch sa kanila at pumasok na sa loob
ng sariling kwarto.

Awkwardly, nagkatinginan ulit sila Ces at Lyric saka tumawa.

Ang awkward. . . kumento ni Lyric.

Natatawa namang sumang ayon si Ces.

Huminga ng malalim si Lyric. Pumikit ito saka tumayo ng diretso.

Hi, idinilat ni Lyric ang mga mata niya na nakatingin kay Ces. Nagtaka
si Ces sa ginawa ng binata. Inilahad ni Lyric ang kanyang kamay sa harap
nilang dalawa. Ako nga pala si Lyric, nakangiti nitong pagpapakilala sa
sarili. Lyric Yue. (Yu-we)

Yue. . .

Nakaramdam ng kaunting kirot sa ulo si Ces ngunit napangiti siya nang


marealize niya kung ano ang gustong gawin ni Lyric. He wanted to make a
new start. Magsimula ulit sa umpisa. Restart.

Ces shook Lyrics hand habang nakangiti. Hindi niya alam kung bakit pero
may something sa lalaking nasa harapan niya para mapangiti siya ng
ganitopara mabigyan siya ng kakaibang saya. Pauline Flores,
pagpapakilala ni Ces sa sarili. Ces na lang.

Magkahawak pa rin ng kamay ang dalawa habang nakangiti sa isa't isa.

Masaya akong makilala kita, natatawang sabi ni Lyric.

Ako rin.

KORNI NAMAN!

Inalis ng dalawa ang hawak sa kamay ng isa't isa at lumingon muli sa


kaliwa. Ngiting ngiti na nakatingin sa kanila si Melo at Note, tumatawa
tawa pa ang mga ito. Si Note ay may dalang gitara habang si Melo naman ay
may hawak na twalya.

Gabing gabi na oh, pailing iling na sabi ni Note habang papasok na sila
ng kanilang kwarto

Ngumuwi si Lyric sa dalawang kaibigan. Kahit kailan talaga, medyo epal


ang dalawang iyon.

Uh, ano. . .Ces, mahinang sabi ng binata. Nakatingin lang sa si Ces kay
Lyric, naghihintay ng sasabihin ng binata habang ang puso niya ay sobrang
lakas ng kabog. Tumingin ng diretso si Lyric sa kanyang mga mata pero
iniwas nito kaagad ang tingin. Goodnight.

Yumuko si Lyric at kaagad na pumasok sa kwarto na katapat nang kay Ces.


Nakatayo naman si Ces na nakatingin sa pintuan ng kwarto ni Lyric. . . at
unti-unti, nabubuo ang ngiti sa kanyang labi.

Paglingon niya sa loob ng kwarto niya para tawagin si Ash, napatigil


siya.

Nawala si Ash.

* * *

This. Cant. Be. Happening.

Iniwan nila tayo?!

Halos magkabungguan na sila Ces at Lyric nang malaman nilang iniwan sila
nila Manager Lily, Melo, Note at Pitch kung kailan mayroon silang gig.
Sobrang nagmadali ang dalawa, kung saan-saan nagpupunta para mag ayos nga
gamit habang hawak ni Lyric ang phone malapit sa kanyang tenga,
tinatawagan si Manager Lily.

Habang si Ash ay parang wala lang. . . palutang lutang lang.

Hindi sinasagot ni Manager Lily ang tawag. Asar na asar na si Lyric.

Paano makakalimutan ng Manager ang dalawang vocalist ng banda? PAANO?!


Sinasadya ba ito ng banda? Na iwan sila? Para saan? Hindi niya magets!
Bakit hindi sila ginising? Its freaking 6pm at pagod silang lahat mula
sa isang event kaninang umaga at kaunting pahinga para sa gig ngayong
gabi and yet, walang gumising sa kanila!

Ah shit, nasa kanila 'yung kotse! asar na asar na si Lyric pagkalabas


nila, realizing na wala 'yung kotse na lagi nilang gamit at wala naman sa
kanila ang susi ng van.

Chill dude, natatawang sabi ni Ash. Nagkatinginan si Ces at Ash habang


pailing iling ang dalaga. Kahit kailan talaga, ang adik nitong si Ash
buti na lang hindi naririnig ng iba ang mga kumento ng kamatayan.

Paano tayo makakapunta n'yan!

Tara lipad! pagsagot ni Ash kay Lyric. Lumipad pataas si Ash habang
tinitingnan ang tanawin mula sa itaas. Nandun sila oh! pagtuturo ni Ash
sa hindi naman malaman ni Ces kung saan. Umiling ulit si Ces.

Hindi ba malapit lang sa school 'yung venue? tanong ng dalaga.

Tumango si Lyric. Nagpapanic pa rin habang pilit na tinatawagan ang


Manager. Matapos ang tatlong ring, biglang nacut 'yung tawag. . . Inoff?! halos ibato na ni Lyric ang cellphone niya. Mabuti na lang at
pinigilan siya ni Ces. Tinawagan pa ni Lyric ang iba pang kabanda pero
wala ring sagot.

Mag MRT na lang tayo?

Nagkatinginan sila Lyric at Ces. . . MRT? para bang hindi makapaniwala


si Lyric sa narinig.

Huwag dun! Lumapit si Ash kay Ces. Nakikita naman ni Ces sa peripheral
vision niya ang paghindi ni Ash. Nanlalaki ang mga mata at sumesenyas pa
gamit ang kamay para humindi. Masikip dun eh!

Tiningnan ni Ces si Ash at pinanlakihan ng mga mata. Nagtaka naman si


Lyric sa inakto ni Ces kaya napangiti na lamang ang dalaga. Napabuntong
hininga si Ces nang tumawa si Ash sa tabi.

Ang hirap magkaroon ng Ash sa tabi.

Ibinaling ni Ces ang tingin kay Lyric at nginitian ang binata. Hinatak
niya ito pasakay ng tricycle, tara! Namiss ko rin mag MRT.

Wala nang nagawa si Lyric kung hindi sumang ayon kay Ces. . . it's been
two weeks since they met for the first time. Yung nag restart sila,
back to basic. So far, sa two weeks na 'yunhindi nabigo ang pagbuo ng
isang ship para sa dalawafriendship.

Hindi lang dahil sobrang ganda ng blending ng boses nila, marami ring
pagkaparehas sila Lyric at Ces. Isang paborito ng dalawa? Chocolates. Mga
sobrang adik sa chocolates. Hindi rin masama ang restart nila. . . siguro
dahil naunahan ng hiya nung umpisa kaya nagkaroon ng rocky roads. . .
siguro dahil na rin sa nangyari the past few months.

Pero ngayon? Theyre friends. . . FINALLY. Its about time.

And finally din, nakasakay na sila ng MRT. Nakahawak si Ces sa railing sa


may pintuan habang si Lyric naman ay nasa harapan niya, medyo nakasandal
sa pintuan.

Ces?

Lumingon si Ces sa tumawag sa kanya at nakita niya ang isang babaeng


nagtititili nang makita siya. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga, para bang
nakakita ng multo ang itsura.

Omaygahd, SI CES! OMAYGAHD! pagtili pa rin ng babae, siguro ay nasa


edad sixteen.

Sumilip si Lyric sa kaguluhan na nangyayari. Nang makita ng babae si


Lyric, lalo itong nagwala.

OHMAYGAHD, SI LYRIC NANDITO RIN!

Waaah, nasaan sila Pitch?!

Si Melo ko!

Yung anak ng tatay kong si Note, asan?!

People were staring at Ces and Lyric. Ang iba ay iniisip kung saan sila
nakita at ang iba naman ay manghang mangha dahil nakita nila ang dalawang
vocalist ng MyuSick. Most of all the people, nakangiti sa kanila.

Wow, sikat na talaga, ngiting ngiti na sabi ni Ash. Napangiti si Ces sa


sinabi ng kamatayan. Hindi siya makapagsalita dahil ang daming tao at may
mga nagpapapicture nang sumenyas si Ash na aalis na muna siya para sa
trabaho. Tumango ang dalaga at naglaho na si Ash.

Ayala station, ayala.

Pagkabukas ng pintuan, nagulat ang dalawa nang biglang dagsain ng tao ang
loob ng tren.

ARAY ANO BA!

HUY BABABA AKO!

Tangina naman oh.

Halos magwala ang mga tao dahil sa biglaang sikip sa tren. Nawalay na ang
mga fangirls kanila Ces at Lyric habang padami nang padami ang taong
tumutulak sa kanila papasok sa gitna. Napahinga ng malalim si Ces.
Narealize niyang kahit saan pa lang parte siya ng MRT, mapababae man o
lalaki, ganoon pa rin ang senaryo.

Nang magsara ang pintuan, napatigil si Ces nang may isa siyang marealize.
. . sobrang lapit na niya kay Lyric. As in sobrang lapit na nararamdaman
na niya ang mainit na paghinga ng binata sa kanyang pisngi. They were
inches apartno, isang inch na lang ang halos agwat nilang dalawa.
Magkadikit na ang kanilang mga katawan, kulang na lang ay maghalo ang
pawis nilang dalawa.

Nagkatinginan sila ni Lyric. . . and Ces felt her heart skipped a bit.
Siya ang unang umiwas at tumingin na lang ng diretso. . .which is katawan
ni Lyric ang kaharap niya.

Sa bawat pagbukas ng pintuan ng MRT, dagsa ang mga taong pumapasok.


Walang lumalabas pero ang daming pumapasok. That made Lyric and Ces
situation more awkward. Halos magkayakap na silang dalawahirap na rin
makahawak si Lyric sa railing dahil sa dami ng harang.

Halos tumalon sa gulat si Ces (kung pwede pa bang gumalaw sa sobrang


sikip) nang maramdaman niyang may humawak sa balikat niya. Pagtingin niya
sa humawak sa kanya, napatingin siya kay Lyric na nakatingala. Nag init
ang kanyang pisngi nang marealize niyang nasa balikat niya ang kamay ng
binata.

Uh, sorry. . .ang sikip kasi, sabi ng binata, nakatingala pa rin. Not
meeting Ces eyes or even looking down at her.

Hindi na nagsalita pang muli si Ces dahil nahihirapan na siya sa


nararamdaman niyang bilis ng tibok ng puso. Nag iinit din ang kanyang
pisngi pati na rin ang balikat na hawak ni Lyric. Dahil na rin sa sobrang
lapit ni Ces at Lyric sa isa't isa. . . naririnig din ng dalaga ang tibok
ng puso ng kapwa bokalista. Sobrang bilis, parang may hinahabol.

Nararamdaman din ni Ces ang bawat paghinga ni Lyric. . .minsan ay mabilis


na paghinga na tila ba may hinahabol. Maya maya ay lumalalim na ang
paghugot ng paghinga nito.

Pero narealize niya. . . tila ba sabay sila ng pag-ihip at pagbuga ng


hangin.

* * *

Ang sakit ng katawan ko! nag inat si Lyric dahil pakiramdam niya ay
namanhid ang buong katawan niya dahil sa MRT trip nila. Halos ilang
minuto rin silang magkalapit, halos hindi na gumagalaw sa loob. Nauuhaw
din ako, punta muna tayong 7 Eleven?

Tumango si Ces dahil kahit siya, medyo nanlalata na rin. Hindi niya alam
kung dahil ba sa sobrang sikip sa MRT, halo-halo ang amoy ng mga tao doon
o dahil sa puso niyang ayaw pa rin kumalma hanggang ngayon.

Pagpasok nila ng 7 Eleven kasama si Ash na lumulutang, kaagad silang


bumili ng chocolate flavoured ice cream. Oo, sinabi ni Lyric na nauuhaw
siya pero sino bang aayaw sa ice cream? Na chocolate?

Napansin naman ni Ces na dumiretso lang si Ash papasok, not minding the
people passing through him.

Pagkabili ay naupo sila Ces at Lyric sa bakantang upuan habang kumakain


ng ice cream. Ilang minuto lang silang tahimik hanggang sa mapatingin si
Ces sa mukha ni Lyric. . .at naalala niya ang pwesto nila kanina sa MRT.
Pumikit siya at huminga ng malalim.

Huwag mong isipin 'yan. . .

She mentally nodded and promised na hindi na niya iyon iisipin pa. Nope.
She won't think of that situation anymore. Dumilat siyang muli at
ibinaling ulit ang tingin sa kamasa.

Pwede magtanong? Hindi rin alam ni Ces kung bakit niya ito natanong sa
kaibigan. Siguro dahil curious siya, sino nga ba si Lyric? Kilala na niya
si Note, alam na rin niya ang saan nanggaling ang isang Melo, pati si
Pitch na sobrang tahimik ay nakilala na niya kahit papaano. . .pero kay
Lyric?

Anong alam niya kay Lyric?

Napangiti si Lyric nang marinig ang boses ni Ces, nagtatanong ka na!


natatawa nitong sabi. Pinanlakihan ni Ces ng mata ang binata, hindi
makapaniwala na binabara na nito siya.

"Ang adik mo!" natatawang sabi ni Ces. . . kahit papaano, nawala na rin
ang bawat kaba sa tuwing mag kausap sila. Nawala ang napaka laking bato
na nakaharang sa kanilang dalawa. Nawala kahit papaano ang awkwardness.

Nag peace sign si Lyric saka itinuloy ni Ces ang tanong, paano ka
nagsimulang. . . kumanta?

Napatigil si Lyric sa pagkain ng kanyang ice cream at nagtatakang


nakatingin kay Ces. Nakataas ang kilay.

Bakit mo natanong?

Curious lang.

Bumuntong hininga si Lyric at ngumiti sabay ipinagpatuloy ang pag kain sa


ice cream. Natigalan ng kaunti si Ces. . . okay, tanggap niya. Ayaw
sabihin sa kanya ni Lyric. Siguro nga ay hindi pa sila kasing close ng
iniisip niya na mag oopen up na sa kanya 'yung tao. Siguro siya lang
talaga ang nagfifeeling na magka

Music. . . passion, kahit takot.

Napatingin si Ces kay Lyric, nakatingin lang ito sa labas. . .sa mga
batang naglalaro sa dilim. Naghahabulan at nagkakatawanan.

Takot ako kasi ayaw ng tatay ko, medyo battered son eh, natatawa nitong
sabi. Napakunot ang noo ni Ces, hindi magets ang gustong sabihin ni
Lyric. Binubugbog ako ng tatay ko noon bago sila maghiwalay ni mama.

Natigilan si Ces sa narinig. Halos muntikan na nga malaglag ang ice cream
na hawak niya sa narinig.

Lyric? This guy beside her eating ice cream. . . ay isang battered son?
Isang lalaki, isang binata na binubugbog ng kanyang tatay? Ng sariling
ama? Well. . .hindi rin naman ito nakakagulat lalo na kung aalamin ang
buhay ni Note.

Binubugbog ka?

Ngumiti si Lyric. . . hindi mapait na ngiti, isang purong ngiti nang


tumingin ito kay Ces. Matagal na 'yun, humingi na rin siya ng sorry.

Hindi alam ni Ces kung saan patungo ang kwento ngunit nakinig lang siya.

Anong. . . bakit, ano. . .?"

Napangiti lalo si Lyric at tiningnan si Ces. Kitang kita ang pagtataka ni


Ces sa mukha, nakakunot ang noo nito, hindi maipinta ang ekspresyon.

Hindi ko rin alam, nagkaamensia na ata ako! natatawang pagpapaliwanag


ni Lyric.

Napapangiti si Ces nang ibalik niya ang tingin sa labas mula sa salamin
habang pinagpapatuloy ang pagkain sa ice cream. Hindi niya rin minsan
inaakala na ang isang Lyric na awkward guy dati ay mapagbiro rin pala.

Pero dahil sa tatay ko, nawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Takot akong
may makaalam na mahilig ako sa music, tumigil si Lyric sa pagsasalita.

Pagtingin ni Ces sa katabi, wala na itong ice cream. Tumayo ito at


nakangiting tumingin sa kanya. Teka, bili ulit ako ice cream.

Tumango lang si Ces hanggang sa makabalik na si Lyric sa katabi niyang


upuan na may hawak na ice cream. Sa'yo 'to oh, ibinigay ni Lyric ang
Crunch chocolate kay Ces.

Salamat, nakangiting sabi ni Ces. Tapos, ano na nangyari?

Ay grabe, natatawa si Lyric. Akala ko makakaligtas na ako kapag


binigyan kita ng chocolate!

Natawa ng kaunti si Ces. . . tama nga sila Note at Melo. Hindi naman pala
talaga tahimik si Lyric. Siguro si Pitch talaga ang pinaka tahimik tapos
si Lyric, 50-50. Fifty percent tahimik, fifty percent makulit.

May isang tao na nagsabi sa akin ng isang linyang hinding hindi ko


malilimutan, napansin ni Ces ang pagrerelax ng buong katawan ni Lyric
habang nakaupo. Para bang narerelax ito habang inaalala ang nakaraan.
Sabi niya, alam mo, ang ganda ng boses mo, ngumiti si Lyric nang
tumingin siya kay Ces. Sabi niya, iparinig mo 'yan sa maraming tao.
Marami kang maiinspire gamit boses mo, pero hindi niya alam, siya ang
nakainspire sa akin.

Hindi alam ni Ces kung bakit bigla siyang kinilabutan sa last few lines.
. . at kumabog ang dibdib niya. Nagtataka rin siya kung bakit ganito ang
reaksyon ng katawan niya rito.

"B-Babae ba 'yan?" Hindi niya alam kung bakit inaantay niya ang sagot ng
binata.

Lyric smiled a little, "oo."

S-Sinabi niya 'yun? hindi alam ni Ces kung bakit nauutal siya
pagkatapos. Pinipilit niyang ngumiti pero parang may something sa kanya
na pumipigil para maging masaya. Huminga siya nang malalim at inubos na
ang kanyang ice cream. Kung titingnan ngayon, totoo 'yung sinabi niya. .
." Nanghihina si Ces. . .at pahina nang pahina rin ang kanyang boses.
Halos ibulong na niya ang linyang, "ang galing.

Ngumiti si Lyric at inubos ang pangalawang ice cream niya. Tumingin ito
muli sa labas. Napansin ni Ces ang pangingintab ng mga mata ni Lyric. .
.na para bang isang importanteng tao ang nasa likod ng kwento ng binata.
Ang galing niya.

Napansin ni Ces ang pagkalumbay sa boses ng binata. Will she ask more or
not? Will she dig deeper in Lyric's past? Pero dahil nandoon na rin naman
sila. . .why not ask? Curious din siya. . . anong nangyari? Nasaan 'yung
babaeng 'yun? Ano na ang sunod na nangyari? Naging. . .sila ba?

Nahihiya man, she build all the courage inside her and asked, n-nasaan
na siya?

Napatingin si Lyric kay Ces na para bang nagulat sa tanong nito. May kung
ano sa mga mata nito na gustong sabihin. . .itanong. Siya? Nasaan?

Tumango si Ces. Kinakabahan siya. Hindi niya alam. . .parang natatakot


siya sa pwedeng isagot ni Lyric. Ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso at
nararamdaman niya ang pagpapawis ng kanyang mga kamay. Bakit siya
kinakabahan? Why does she felt uneasy?

Ngumiti ng maliit si Lyric at yumuko, hindi ko alam eh. Hindi ko na siya


mahanap.

Hindi na siya mahanap?

Bumilis ang tibok ng puso niya. . . at the same time parang nabawasan ng
tinik ang lalamunan niya sa narinig. Pero. . . paanong hindi mahanap?
Hindi niya ito naintindihan.

Paano

SABI KO NA NGA BA!

Napalingon sila Ces at Lyric nang biglang may sumulpot sa kanilang


likuran. Tinapik pa ng taong iyon ang dalawa para kuhanin ang atensyon
nila. Nanlalaki ang mga mata ng babaeng nasa harapan nila ngayon, ngiting
ngiti na abot hanggang kisame.

Nagkatinginan sila Ces at Lyric, nagpapakiramdaman kung kilala ba ng isa


sa kanila kung sino ang babaeng nasa harapan nila.

LYRIC AT CES NG MYUSICK!

Sabay na napangiti ang dalawa nang nagtatalon talon sa harap nila ang
babae. Still thinking kung kilala ba nila ang babaeng ito o hindi.

Ang swerte ko!" Nagtatalon ito sa harap ng dalawang bokalista.


Napapangiti naman sila Lyric dahil dito. "Tamang tama, idol kayo ng
kaibigan ko! Please, please~ favor!" Hinawakan ng babae ang braso ng
dalawa. "Sing for her, please, sing for her!"

Natawa si Lyric sa pagiging demanding ng babae. Hindi naman makapagsalita


si Ces, siguro ay hindi pa nagsisink in sa kanya ang lahato siguro dahil
sa puso niya na nagwawala pa rin.

"Anong kanta?" Lyric asked with a smile.

Nanlaki ang mga mata ng babae kasama ang panlalaki ng ngiti nito sa labi.
"Omaygahd, thank you!" yumakap ito kay Ces at kay Lyric habang
nagtititili. "Kahit happy birthday lang, please?"

"Ayan na siya!"

Napalingon sila Ces sa sumigaw na nagtago pa. Natawa naman siya dahil
nagtago pa sila eh salamin ang dingding ng buong store kaya kitang kita
ng mga taong nasa labas ang mga taong nasa loob.

"OMG, ayan na si Ellaine! Please, matutuwa siya sa kanta niyo!"


nagtatalon na sabi ng babae.

Pagkapasok ng babaeng Ellaine ang pangalan, kaagad siyang dumiretso sa


kinauupuan nila Ces at Lyric. May bangs ang babaeng ito, hindi
katangkaran pero hindi rin naman maliit. Nakauniform ito na pang college
at medyo malakas maka Dora the Explorer ang datingan. Nakanganga ito,
nanlalaki ang mga mata na hindi naniniwala sa nakikita.

Ngiting ngiti naman ang babaeng nagrequest kanila Ces at Lyric. Umalis
muna ito sa pwesto nila at may kinuha sa kung saan man. Hindi naman ito
napansin ng babaeng si Ellaine dahil nastarstruck ata sa nakikita.

"Oh my. . ." unti-unting inilapit ni Ellaine ang kanyang kamay sa mukha
ni Ces upang pakiramdaman kung totoo ba ito o isang aparisyon o baka
mamaya ay hallucination lang ng dalaga. Nakatingin si Ellaine kay Ces
nang ngumiti si Ces at ibinaling naman ng dalaga ang tingin kay Lyric.
Tutusukin sana ni Ellaine ang mga mata ni Lyric nang pigilan ito ng
binata, hawak hawak ang kamay niya. Napatingin si Ellaine sa kamay niyang
hawak ni Lyric, ilang segundo itong natulala at matapos ng pagkatulala
nito. . . "PAKSYET LANG OMAYGAHD!"

Nagtatatalon si Ellaine. Umuupo upo pa ito na hindi makapaniwala sa


nakikita. Napatakip ito ng bibig nang marealize niyang nasa harapan niya
ang dalawang bokalista ng paborito niyang banda na MyuSick.

Nakita naman nila Ces na sumenyas ang babaeng nagfavor sa kanila kaya
nagsimula silang kumanta.

Happy birthday to you Happy birthday to youHappy birthdaaayyhappy


birthdaaayhapppy birthday to you!

"SHEEETT!" Hindi pa rin natatapos ang pagwawala ni Ellaine. Tuwang tuwa


siya, halos maiyak na siya dahil nakita niya sila Ces at Lyric, sa 7
Eleven! Sa isang gabi, sa birthday niya mismo!

Hindi naman mawala ang ngiti ni Ces at Lyric. Lalo na ang dalaga dahil
ito ang unang pagkakataon na may taong halos maiyak na dahil lang sa
nakita siya sa personal. That was a first. . . and it was a pleasing
feeling.

"Happy birthday, Eri!"

Lumingon si Eri at tuluyan nang naiyak nang makita ang kaibigan niya na
may hawak na cake at may 21 candles na nakasindi. Papalapit sa kanya ang
kaibigan, hindi pa rin makakilos ng maayos si Ellaine sa gulat. Nagsimula
namang kumanta ang mga tao sa loob ng 7 Eleven.

"Lorraine, ginawa mo lahat ng 'to?!" naiiyak na tanong ni Eri sa


kaibigan. Natawa naman ng kaunti si Lorraine.

"Uh. . ." Tumingin si Lorraine kanila Lyric at Ces. Nag okay sign si
Lyric kaya napangiti si Lorraine. "Nagkataon lang na blessed ka kaya
umayon ang lahat sa plano, may freebies pa!" natatawa nitong sabi. "Kaya
dapat maging thankful ka, kaibigan mo ako!" pagmamayabang nito.

Hindi alam nila Ces at Lyric na inoccupy pala nila Lorraine ang 7 Eleven
na iyon para isurprise ang kaibigan nilang si Ellaine. Nagkataon pang
sobrang idol ni Ellaine ang MyuSick. It was the perfect surprise.
Lorraine is thanking Ces and Lyric and all the angels and saints that
sent the two vocalist in the venue.

Nagblow ng candles si Ellaine matapos niyang mag wish. Nagyakapan ang


magkaibigan, nagpasalamat sa isa't isa na naging magkaibigan sila and
more years to come for their friendship kahit magkaiba sila ng ugali.
Nakangiti lang si Ces, kahit si Ash na nagmamasid ay nakangiti sa
nangyayari.

Ibinaling naman ni Ellaine ang tingin kanila Lyric at Ces. Obvious ang
sobrang pagkasaya nito pero may hint din ng disappointment nang may
maisip si Lyric.

Ano pa bang kanta gusto mo? nakangiting tanong ni Lyric. Nagkatinginan


sila Lyric at Lorraine, nanlalaki ang mga mata ni Lorraine sa gulat.
Tumango lang si Lyric, indicating na okay lang namang kumanta sila for
Ellaine.

Hindi makapaniwala si Ellaine sa narinig. Nagtatalon pa siya, kinikilig,


tawa nang tawa hanggang sa nagsabi siya ng isang kanta, "My Guardian
Angel!"

Napatingin si Ces kay Ellaine pero nakuha ng atensyon niya ang kamatayan
sa likurang parte ng babae na para bang nagulat sa title ng kanta.
Nakatingin sa mata sila Ash at Ces kahit malayo ang mga ito sa isa't isa.

"My Guardian Angel?" nakangiting tanong ni Lyric ngunit nawala rin ang
ngiti nito sa mukha. "Paborito niya. . ."

"Po?" pagtataka ni Ellaine. Umiling si Lyric at ngumiti.

Nagkatitigan si Ces at Ash. . . walang kumikibo, nagpapakiramdaman ang


dalawa hanggang sa nagsimula nang kumanta si Lyric.

When I see your smile,Tears run down my faceI can't replace.

Biglang nagtatatalon ang dalawang magkaibigan sa harapan nila Ces at


Lyric. Kinikilig na hindi malaman. Nakikisabay din ang dalawa sa pagkanta
ng binata.

And now that I'm strong I have figured out,How this world turns cold
and it breaks through my soul.And I know I'll find deep inside me,I can
be the one.

Tumingin si Lyric kay Ces at sinenyasan ito para ituloy ang kanta. . .na
siyang ikinatuwa lalo nila Ellaine at Lorraine. When Ces opened her mouth
to sing, napatingin siya kay Ash. Nakatitig sa kanya ang kamatayan at. .
. nakangiti.

I will never let you fall.I'll stand up for you forever.I'll be there
for you through it all.Even if saving you sends me to Heaven.

There's something with Ash's smile na gustong yakapin ng dalaga ang


kamatayan. . . if given the chance. Kung pupwede. . .yung hindi siya
tatagos dito. Ang mga ngiti kasing iyon. . . may something. Hindi niya
mawari.

Nang magblend ang boses nila Ces at Lyric. . .

It's okay. It's okay. It's okay.And seasons are changing,And waves
are crashing,

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng store. Halos himatayin na ang


magkaibigan sa sobrang kilig.

Lahat ng tao sa loob ng store ay napatigil at pinakinggan sila Ces at


Lyric. Ang ilan ay kumuha pa ng picture at nagvideo habang ang
magkaibigan ay ngiting ngiti na abot langit.

Tumingin si Ces at Lyric sa mga mata ng isa't isa at napangiti. Alam nila
sa kanilang sarili na job well done ang pagkanta nila ngayon kahit nasa 7
Eleven sila. Na isang magandang pagkakataon na kumanta sila sa birthday
ng kanilang tagahanga. . .ng biglaan.

At bakit ba parang may nakakalimutan silang puntahan? Hindi niya maalala.

And stars are falling all for us.Days grow longer and nights grow
shorter,I can show you I'll be the one.

Shet, ELLAINE LASAM. Tandaan niyo kuya Lyric at ate Ces, number 1 fan
niyo ako! Ellaine Lasam! pagsigaw ni Ellaine. Napangiti naman sila Lyric
at Ces. Halos lahat sila ay kumakanta na nakangiti.

Pagbalik ni Ces ng tingin sa kinalalagyan ni Ash, nagtaka siya nang


mawala ito roon. Instead,ang nakita niya ay mga taong nanonood sa kanya.
Nasaan si Ash?

I will never let you fall.

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang marinig niya ang boses ni Ash sa kanyang
likuran. Hindi siya makalingon dahil siguradong magtataka ang mga ito
pero naririnig niya ang sinasabi ni Ash. . .

I'll stand up for you forever.I'll be there for you through it


all.Even if saving you sends me to Heaven.

The lyrics. . . instead of singing, Ash whispered and recited the lyrics.
Alam ni Ash tong kanta? Pagtatanong ni Ces sa sarili. Tuloy lang sila sa
pagkanta.

'Cause you're my, you're my, myMy true love, my whole heart.Please
don't throw that away.

Para hindi mahalata, unti-unting lumingon sa likuran si Ces. Nagkunwari


siyang tinitingnan at nginingitian ang mga taong nanonood sa kanila para
makita si Ash ngunit wala ito sa likuran niya. Nawala rin ang boses ng
kamatayan.

Nasaan siya?

'Cause I'm here for you.Please don't walk away and,Please tell me
you'll stay.

Ibinalik ni Ces ang tingin kay Lyric na nakatingin sa kanya at nakangiti


pero may pagtataka sa mukha. Ibinaling ni Ces ang atensyon kay Ellaine na
ngiting ngiti sa panonood sa kanila.

Tumaas naman ang balahibo ni Ces nang may marinig siyang bulong sa
kanyang tainga.

Stay.

Pagkatapos ng kanta, lumingon lingon siya sa buong store habang


nagpapalakpakan ang mga tao. Nawala si Ash. . . naglaho na naman ito.
Napabuntong hininga siya.

Nasaan ka, Ash?

Hindi niya minsan mawari kung nag aalala ba sa kanya si Ash o hindi. Nasa
tabi ba niya si Ash lagi dahil sa kailangan nito ang kaluluwa niya? Dahil
sa deal na nagaganap sa kanila ni Boss? Binabantayan ba ni Ash ang
kaluluwa niya para walang ibang makakuha? May iba bang kukuha ng kaluluwa
niya?

Maraming tanong ang bumabagabag sa utak ni Ces patungkol kay Ash. . .lalo
na sa mga tingin nito na minsan ay may gustong sabihin, may gustong
ipaalam. Alam niyang kamatayan lang si Ash pero tinuturing niya itong
kaibigan. After all, naging sandalan din niya si Ash paminsan minsan--at
ito rin ang sumampal sa pagkatao niya para huwag bawiin ang buhay.

Okay lang naman sa kanya na umaalis si Ash pero minsan kasi. . . nawawala
ito ng biglaan. Natatakot si Ces. Bakit siya natatakot? Hindi rin niya
alam. . . basta natatakot siya sa pagwala nito minsan.

Tulad ngayon.

OMG!! Im gonna die! Thank you!! Yumakap ng mahigpit si Ellaine kanila


Lyric at Ces. Sa sobrang saya nito ay halos mabuhat na nito ang dalawang
vocalistng sabay! Nagpicture pa siya kasama sila Lyric, nagselfie at
para bang kaunti na lang ay iuuwi na nito ang dalawang bokalista. Ganun
din ang ilang kaibigan nito, halos kumapal na ang mukha ng iba at
nanghingi pa ng kiss.

Napangiti si Lyric at Ces kay Ellaine. Sabay nilang binati ang dalaga.
Happy Birthday!

Tuwang tuwa pa rin si Ellaine hanggang sa paglabas nito ng store kasama


ang iba pang kaibigan nito. Pinagmamayabang na mayroon siyang picture
kasama ang vocalist ng MyuSick pati pinapatugtog ang nirecord niyang
pagkanta ng dalawa.

"Uh, hi. . ." lumapit si Lorraine kanila Lyric at Ces. "Sobrang thank you
po!" Niyakap ni Lorraine ang dalawa. . .bumilis ang tibok ng puso ni Ces,
may saya sa bawat pagtibok nito. Fulfillment. "Thank you po talaga dahil
nag eexist kayo sa mundo!"

Napangiti si Ces sa narinig. Nag-eexist sa mundo. Niyakap niya pabalik si


Lorraine. "Thank you, Lorraine. Salamat din kay Ellaine. . .salamat."

Binigyan ni Lorraine ang dalawa ng tig isang slice ng cake. Nagbigay din
ito ng tatlo pa para sa mga kabanda at kay Manager Lily. Masayang masaya
itong umalis, ngiting ngiti. Hindi naman nawala ang ngiti nila Ces at
Lyric pagkatapos ng sobrang ingay na pangyayari sa 7 Eleven hanggang sa.
. .

Wala pa ring kupas!

Sabay na napalingon sila Ces at Lyric sa babaeng nagsalita na


pumapalakpak papalapit sa kanila. Hindi pa nakakareact si Ces dahil hindi
niya kilala ang babaeng nasa harapan nila ay nagulat siya sa biglang
pagtayo ni Lyric na nanlalaki ang mga mata.

Love!

Kaagad na lumapit si Lyric sa babae at niyakap ito ng mahigpit. Kitang


kita ni Ces ang pagngiti ng dalawa, ang pagyakap sa isa't isa na para
bang matagal na silang hindi nagkikita. For some odd reason, bigla niyang
naisip ang babaeng inspirasyon ni Lyric.

Nakita niyang nakatingin sa kanya ang babae mula sa balikat ni Lyric


habang yakap ang binata. Ces smiled faintly as the girl smiled at her
too. Nang lumayo ang dalawa mula sa pagkakayakap, may kumirot sa puso ni
Ces nang makita niya ang tinginan ng dalawa. Longing to see each other.

Mukhang ikaw na ang hinanap niya, Lyric.

~ ~ ~
Author's Note:November 11. HAPPY BIRTHDAY TO ME!
Opo, birthday ko kaya dapat reguluhan niyo ako ng nakakatouch na comment!
Hahahaha! Joke, syempre free will niyo na 'yan. Salamat sa 300k reads! :)
This chapter is dedicated to someone. Gets niyo naman na siguro kung
sino? EHEM EHEM, Maria Ellaine Lasam, hi! Happy Birthday sa atin! Sorry
hindi ko masuklian si L kaya ito lang naisip kong kapalit, ahuhuh
pasensya na! <///3 Will make a virtual letter dahil susuklian ko naman
ang yellow paper letter mo sa akin. Pramis, gagawin kong worth it 'yung
virtual letter na yun tipong maiiyak ka! Hahaha chos. Sesend ko na lang
sa'yo 'yung link hahahahappy birthday ulit! Salamat sa pagiging reader
ko, syaks. THANK YOU HAPPY BIRTHDAY SA ATIN!

=================
36 // Help a Hand
"Love is not patronizing and charity isn't about pity, it is about love.
Charity and love are the same -- with charity you give love, so don't
just give money but reach out your hand instead." Mother Teresa

~ ~ ~

Nanginig ang buong katawan ni Ces. . .hindi sa takot, hindi rin sa ginaw.
Hindi niya sigurado kung bakit nanginginig ang mga ito. . .,parang may
nararamdaman siyang init. Parang pakiramdam niya, hindi niya ito dapat
makita.

O ayaw niyang makita ito.

Kumalas sa yakapan ang dalawang nasa harap ni Ces at nagkabatian pang


muli bago ibinaling ang pansin kay Ces.

Oo nga pala, Ces. . .si Love nga pala, Love, si Ces, pagpapakilala ni
Lyric sa dalawang babae.

Nagulat naman si Ces nang biglang lumapit sa kanya ang dalaga at niyakap
siya. Isang mahigpit na yakap. Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin kay
Lyric, tumango lang ang binata sa kanya.

Hindi ako makapaniwalang nakikita na kita ngayon sa personal! kumalas


sa pagkakayakap ang babae kay Ces. Kumabog ang didbib ni Ces dahil kitang
kita niya ang masayang mukha ng babaeng kaharapan niya.

Love. . . marahil ang babaeng. . . para kay Lyric.

Pero teka, bakit parang kilala siya ng babaeng ito?

Nagkatinginan muli sila Lyric at Ces habang nakangiti lang si Lyric sa


kanya. Nagtataka si Ces. Akala ba niya ay matagal nang hindi nakikita ni
Lyric ang babaeng inspirasyon nito? O baka sila Melo ang nagkwento sa
babaeng ito tungkol sa existence niya sa MyuSick? O baka naman nakikita
lang nito ang mukha niya kasama ang MyuSick sa mga posters, pictures na
nagkalat sa internet.

Hindi na nakakapagtaka lalo na't mukhang girlfriend siya ng kapwa


vocalist. Marahil ay alam ng babaeng nasa harapan niya ang lahat ng
tungkol sa love nito.

Ang ganda mo, Ces! muling niyakap ng babae si Ces habang ngiting ngiti.

S-Salamat uh . . . napatingin sa gilid si Ces upang alamin ang pangalan


ng babaeng nasa harapan niya kay Lyric ngunit nagtataka rin si Lyric sa
tingin ng dalaga. Napataas ng kilay si Lyric. Sorry, 'yung pangalan mo
sana. . .

Nagkatinginan ang tatlo sa sinabi ni Ces hanggang sa. . . tumawa ang


babae sa harapan niya.

OMG! natatawang sabi ng babae. Love! Love itawag mo sa akin, Lovelylyn ang totoong pangalan ko!

Nag init ang pisngi ni Ces sa narinig. Napatingin siya kay Lyric na para
bang nagtataka rin sa mga nangyayari. Nagulat si Ces nang hawakan siya ni
Love sa magkabilang braso.

Kaya pala nakaramdam ako ng something nung pinakilala ako ni Lyric


sa'yo, natatawa nitong sabi. Akala mo siguro, magjowa kami no?

Love?! halos pasigaw na pagbabanta ni Lyric kay Love.

Natawa lang si Love at dumila pa kay Lyric bago ituon muli ang paningin
kay Ces. Don't worry, president lang ako ng fanbase ng MyuSick! Sa'yong
sa'yo lang si Lyric!

Nanigas si Ces
Love. Love!
itong sinasabi
more on dati

sa kinatatayuan niya nang biglang sunggaban ni Lyric si


Tinakpan ni Lyric ang bibig ng babae habang may pilit
na hindi maintindihan ni Ces. Ang naririnig lang niya ay
sabay tawa at may kaunti pa siyang narinig na ikaw.

Mula sa kaba na naramdaman, hindi nalamayan ni Ces na unti-unti siyang


ngumingiti habang tinitingnan ang harutan ng dalawang nasa harapan niya.
An idol and a fan girl na kung magharutan ay parang magkapatid. Parang
harutan ng buong MyuSick.

Nagkulitan lang ang tatlo habang hinahatid pauwi si Lovely ng dalawang


bokalista. Ang totoo, si Love lang talaga ang nangungulit. . .tahimik
lang si Lyric dahil ang lakas mang alaska ni Love. Pinagtuunan lang ng
pansin ni Love si Ces na nakangiti dahil sobrang friendly ng president
ng MyuSick fanbase.

Noong una talaga, hindi nila ako pinapansin! Mga snob eh! natatawa si
Love habang inaalala ang nakaraan. Siguro mga one year nila akong
siniseenzone.

Mga one year ba 'yon? pagtatanong ni Lyric.

Oo kaya! Bastos kayo, halos ibigay ko na ang lahat sa inyo pero. . .


suminghot singhot si Lovely habang nagpupunas ng pisngi. Kunwari may
luha.

Natawa naman si Lyric pati si Ces sa inaakto ni Love.

Pero alam mo ba, Ces? Nung nag concert sila for a charity? ngiting
ngiti si Lovely. Tinuon naman ni Ces ang atensyon niya kay Lovely. Halos
mamatay ako para lang mapansin nila ako!

Mamatay? pagtataka ni Ces.

Natawa naman si Lyric. Oo, naalala ko 'yun! Kasi nung paalis na kami,
nasa kotse na. Bigla ba namang humarang sa kalsada. Nakailang mura si
Melo nun!

Mula kay Lyric, tumingin muli si Ces kay Love na natatawa rin. Seryoso?

Ngumiti ng malawak si Love at ipinatong ang kamay sa braso ni Ces bago


tumigil sa paglalakad. Alam mo Ces, kung gusto mo talaga mapansin ng
taong gusto ka pansinin, gagawa ka ng paraan. Buwis buhay! natatawa
nitong sabi. Tumingin si Love sa likuran niya na entrance ng mataas na
building. Dito na lang ako, salamat sa paghatid.

Ngumisi si Lyric, hindi mo ba hahanapin si Melo? pang aasar nito.

Heychu! Alis na ako! ngumuso si Love kay Lyric at tumingin kay Ces
sabay yakap dito. Masaya akong nakilala kita sa personal!

It was refreshing to see how Lyric and Love become friends kahit na idolfan relationship lang ang mayroon sa kanila noon. Walang barrier, walang
harang. Pantay lang sila at walang humigit sa relasyong idol-fan.

And for some odd reasons, nakahinga ng maluwag si Ces.

Nagpaalam na sila sa isa't isa habang napupuno naman ng tanong si Ces sa


kanyang isip. . . lalo na tungkol kay Melo.

Anong meron kay Melo? tanong ng dalaga habang nasa taxi na sila, pauwi
sa kanilang bahay.

Natawa ng kaunti si Lyric, hindi ko rin alam pero. . . ngumisi si Lyric


na nakatingin kay Ces. Napakunot naman ang noo ni Ces ngunit napapangiti
rin dahil sa itsura ng katabi. Mukhang may something.

Something?

Tumango si Lyric hanggang sa magkwentuhan sila sa mga bagay bagay. More


on pinagkwentuhan nila sin Melo at Love na parang naging awkward si Melo
at Love nung isang gig nila at may mga tinginan na kakaiba. Na kung
minsan itatanong ni Melo sa banda kung dumating na ba si Love sa
Pilipinas dahil apparently, nag aaral pala si Love ng Music Conservatory
sa England.

Ah love, very cute in its own simple ways.

Pagkapasok nila sa bahay, biglang bumukas ang ilaw. Akala nga nila ay
automatic na nagbukas ang ilaw kung hindi lang nila nakita si Manager
Lily na nakatingin sa kanila nang nanlilisik ang mga mata. Mas
nakakatakot sa pamumula ng mata minsan ni Ash. Nandoon din sila Melo at
Note na ngiting ngiti na nakatingn sa dalawa habang si Pitch ay
nakahandusay sa isang sofa, knock out na.

AT SAAN KAYO NANGGALING?! pagsigaw ni Manager Lily na halos ikabingi ng


dalawang bokalista. Kaagad natawa sila Melo at Note. Alam niyo bang kayo
ang vocalist ng banda? Alam niyo bang hindi good idea na si Melo ang
kumanta?!

Manager?! nakanganga si Melo. Pinagtawanan naman siya ni Note, halos


gumulong gulong na ang bass guitarist sa sobrang pagtawa dahil kay Melo.
Pakyu ka Note, matalas ang tingin ni Melo kay Note. Hindi naman
nagpaawat si Note, tawa pa rin siya nang tawa kaya nagising si Pitch.

"Ingay," Pitch mumbled at ibinato ang unan na malapit sa hinihigaan nito


kay Note bago matulog ulit.

Aw! halos muntikan nang mahulog si Note sa sofa na kinauupuan.

Ngumisi si Melo, buti nga sa'yo!

Care to explain? taas kilay na tanong ni Manager Lily.

Nagkatinginan sila Lyric at Ces. Walang nagsasalita. Kita sa mga mata


nila ang takot sa wrath ng manager. Sabay silang nagbuntong hininga at
sabay na nagsorry.

Naalala nila, meron nga pala silang gig. Fail.

Next time, don't do this again. Ayaw din macontact mga cellphone niyo!
padabog na paglalakad ni Lily paakyat. Kung hindi niyo gagamitin yang
cellphone niyo, itapon niyo na! malakas na sinara ni Manager Lily ang
pintuan ng kwarto nito.

Anong ginawa niyo? pagtatanong ni Note kanila Lyric at Ces.

SI Melo naman ang nagsalita, nagdate kayo no? natatawa nitong tanong.

Nag init ang mukha ni Ces sa narinig. Kahit si Lyric ay mukhang nahiya
kaya pinagbabatukan nito ang mga kabanda.

Walang nagsalita kanila Lyric at Ces hanggang sa makarating na sila sa


mga kwarto nila

"Ang damot! Porke't close na kayo ayaw na magshare!" rinig na sigaw ni


Note sa kanila. Natatawa na lamang si Ces at nagsorry si Lyric sa kanya
sa kalokohan ng dalawang kabanda saka nagpaalam sa isa't isa para pumasok
sa kanya-kanyang kwarto.

Pagtingin ng dalaga sa kanyang kamay, napangiti siya nang makita ang


Crunch na binigay sa kanya ni Lyric. Gusto man niya kainin ito ngunit
nanghihinayang siya. What if wala nang chocolate pagkatapos nito? Teka,
may pera naman siya. . .binibigyan naman siya ng allowance ni Manager
Lily kaya bakit siya natatakot na walang chocolate sa susunod?

Napabuntong hininga si Ces at inilagay ang chocolate sa mini fridge ng


kanyang kwarto at humiga. Napatingin naman siya sa kanyang cellphone nang
tumunog ito.

Kahit na tamad na tamad, kinuha niya ang kanyang cellphone at napakunot


ang noo sa nabasang mensahe.

From: +63922111213
Goodnight, Ces. :)

Napaupo siya ng tuwid at tumitig sa kanyang cellphone.

Sino 'to?

* * *

Araw-araw, sa bawat pagmulat tuwing umaga at pag pikit tuwing gabi ni


Ces, shell receive a text message from that mystery texter. Sa tuwing

itetext niya naman ito, hindi nagrereply. Kapag tumatawag naman siya,
cant be reach.

Napabuntong hininga siya nang magtext na naman si mystery texter sa


kanya.

Good morning, Ces. :)

Good Morning din, pagbati ni Ces sa screen ng kanyang cellphone. Not


bothering to reply dahil nga hindi naman din ito magrereply.

Napatingin siya sa maaliwas na kwarto niya. Maliwanag. Puno ng pag-asa.

Its been what? Almost another month passed since the night she got
acquainted with Love, the president of MyuSick fanbase.

Nalaman din niya na si Love pala ang nag hahandle ng facebook page ng
MyuSick. Ito rin ang pinaka naghahandle ng website ng MyuSick kasama ang
ilang website developer. Love is like the assistant manager of the band.
Shes the one who keeps on updating the fans of what MyuSick is about to
do, when they will be seen and such.

Sab nila, mabilis ang araw kapag masaya. And for Ces, ang bilis ng mga
pangyayari. Everyday, hindi mawawala ang lokohan nila Note at Melo na
laging sinasama si Ces. Every morning, laging tulog sa table si Pitch
kahit na ang iingay nila dahil sa breakfast. Every week, they would

practice a new song para sa bagong album na ilalabas nila next year with
Ces in it. Every night, hindi nawawala ang kaunting kwentuhan nila. . .
kahit si Pitch na tahimik ay nakikisali rin paminsan minsan.

It was a blast. . .'yung ilang months na kasama niya ang MyuSick, ito ang
hindi niya pinagsisisihan.

Kahit sobrang busy, sobrang daming pinupuntahan, mga gigs, photoshoots,


hindi sila nauubusan ng mga gagawin at kahit galit sa kanila madalas si
Manager Lily, hindi maikakaila na Ces is having fun. Alam niya na bawat
isang tao na kasama niya sa banda ay may mga malalalim na pinaghuhugutan
ng sakit. Alam niya na ang lahat ay may pinagdadaanan but seeing them
smiling, laughing at each others jokes. . . worth it ang sakit na 'yun.

Everytime na may lalapit sa kaniya o sa kanila na nagtatatalon sa tuwa,


mga taong halos maiyak na at gumulong sa sahig sa tuwing nakikita sila ay
isa sa mga dahilan kung bakit minamahal ni Ces ang musika bawat minutong
lumilipas.

Sa bawat ngiting nakukuha niya sa mga tao, naiinspire siya lalo.

Ces could remember the last time she thought that everyday was a
nightmare . . . na bawat pagkakataon na gigising siya, iiyak siya at
itatanong kung bakit buhay pa rin siya. Naaalala niya ang bawat paghinga
niya ng malalim dahil sa bigat na dinaranas niya noon. Everytime na
titingin siya sa salamin, napapatingin siya sa pilat ng kanyang nakaraan
na nasa tapat ng kanyang puso. Nakatago rito ang lahat ng sakit niya. .

Hindi niya sigurado kung nagsisisi ba siya sa pakikipag usap kay Boss o
nagsisisi siya sa nangyari sa kanya noon. What if that didnt happen?
Will this happiness happen? Will MyuSick happen? Ang daming tanong. .
.pero wala na rin siyang makukuhang sagot.

All she has to do is to make every single day in her life worth it.

Which is not that hard lalo na't MyuSick ang kasama niya araw-araw.

* * *

When Pitch, Melo and Note started playing their instruments, people got
wild. Shouting every band members name lalo na ang mga babae, puro marry
me at tatay ang banda ng mga anak nila.

This song is for the people from the sky. . . Let's pray for them.

But when Lyric started to sing. . .

People from the skyEase me from the coldest nightWake me in the


morning lightHeal the warrior's wounded eyesA kiss can bring me back to
life

WE LOVE YOU MYUSICK!

Sobra pa sa sobra ang appreciation ng mga tao sa MyuSick. Hindi nila


inaakala na ang maliit na charity event na ginawa nila ay magiging
success.

The sky shed tears for the brokenThere is heart in every


dungeonFather told me there are dragonsAll the stories that never
happened

Theyve done a lot of events like this but this one is special. Siguro
dahil nandito na rin si Ces pero dahil ito ang unang pagkakataon na
gumawa sila ng event para sa mga nasalanta ng bagyo na kakaalis lang sa
Pilipinas. It was devastating to watch in television about the news in
other part of the Philippines. Hindi mapakali ang banda. . .

So they made this event. To help. . .kahit hindi man ganoon kalaki ang
maitutulong nila, atleast, they know they somewhat helped.

So I take flightFrom your eyesSo bid your goodbyesCause I'll be with


the people from the sky

People from the sky. Ash. . . Napaisip si Ces, nasaan na kaya si Ash?
Nandoon kaya ang kamatayan sa mga nasalanta? Nandoon kaya ang mga Death
Angels para kunin ang mga kaluluwa ng mga taong iniwan na ang kanilang
mga pamilya? Thinking that Ash gets the soul of the people who die,
nanlulumo ang pakiramdam ni Ces.

Kasa-kasama niya paminsan-minsan ang kamatayan. . . na kumukuha ng mga


kaluluwang namatay.

See me off if I dieAll I want is see you smileFeel the scars in my


armsTake the sword out my heart!

Its weird. . . very weird. Not knowing if she should be thankful or


what. Wala naman siyang magagawa. . .Ash is made to be Death. Pero minsan
napapaisip si Ces, may nararamdaman kayang awa si Ash sa tuwing kukuha

siya ng kaluluwa? Ano ang naiisip niya sa tuwing may umiiyak na tao kapag
kinukuha na niya ang kaluluwa ng ibang tao?

Mahirap kaya maging kamatayan?

And I take flightFrom your eyesBid your goodbyesCause I'll be with


the people from the sky

She breathed heavily and sang her heart out. Ito ang kauna-unahang beses
na makakatulong ang boses niya para sa ibang tao. Shes thankful na
nakasama siya sa MyuSick lalo na't binibigyan siya ng pagkakataon ng
banda upang makatulong sa ibang tao.

Anywhere you go I will be thereEven if you can't feel me

Singing in this event made her realize na kahit gaano pa kaliit, kung
gusto makatulong, pwede. Ito ang goal nila. Help each other. Wala nang
sisihan sa mga nangyari at magtulong tulong na lang upang makabangon
ulit.

That was Manager Lily said. Tulungan. Huwag magsisihan. Makakabangon


tayo.

Open your eyes look up and say hiI'll be with the people from the sky

When the event ended, ang dami pa ring naghihiyawan. May ilan na bumili
ng merchandise at ang ilan ay nag donate na lang ng mga pagkain para
ipadala sa nasalanta. Seeing everybody giving a little help to people
they don't know made Ces smile. . .ang ginhawa sa pakiramdam, nakakaproud
na ang kapwa Pinoy niya, tumutulong na bukal sa loob.

Filipino spirits. Nothing can ruin it.

Ces! Pagtawag ni Melo.

Kakatapos lang ng gig nila at nasa backstage na sila habang nag aayos ang
ilang banda, ibang crews ng mga instruments.

Ngiting ngiti sila Melo at Note na lumapit sa dalaga.

Kunin mo 'to! Idinikit ni Melo ang dalawang gilid ng palad sa isa't isa
na para bang may hawak itong bola. Napatingin si Ces dito, wala naman
siyang nakikitang hawak ni Melo kaya tiningnan niya si Melo nang
nagtataka.

Tumingin din sila Pitch at Lyric sa pinag uusapan nila habang si Manager
Lily ay may kausap sa phone.

Saan d'yan? gusto sana makisakay ni Ces ngunit hindi talaga niya
nagegets.

Ito! Kunin mo! natatawa si Note sa pagpipilit ni Ces kay Melo.


Pagdikitin mo rin gilid ng palad mo! pag uutos ni Melo.

Kahit hindi alam ni Ces kung saan patungo ang usapan nila, sumunod si
Ces. Pinagdikit niya ang dalawang gilid ng palad niya.

Ito ang mundo ng tropahan natin. Hawakan mo, umakto si Melo na may
nilagay sa dalawang kamay ni Ces. Ngiting ngiti naman si Melo habang si
Ces ay napatingin sa kanyang palad. . .hawak na niya tropahan nila?
Ngayon, alugin mo.

Alugin? pagtataka ng dalaga.

Kita rin kanila Lyric at Pitch ang pagtataka dahil hindi rin nila
nagegets ang pinag sasasabi ni Melo. Tumango si Melo at kahit nagtataka,
inalog ni Ces ang mundo ng tropahan nila na hawak niya nang. . .

WOAH! Lumilindol! Biglang sigaw ni Melo sabay ginalaw nito ang buong
katawan na para bang inaalog siya. Ganoon din si Note, ginagalaw din ang
katawan habang sila Ces naman ay nakatingin sa dalawang gitarista.
Nagtataka.

Diretso lang ang mukha nila Lyric at Pitch habang tawa nang tawa sila
Note at Melo. Hindi naman nagets ni Ces ang nangyayari.

Hindi ko alam kung saan ako nagkamali at napili ko kayong gitarista ng


banda, napahawak ng noo si Manager Lily nang mapatigil siya sa tabi nila
Melo at naglakad muli.

Napanganga sila Melo at Note, looking heart broken in the process nang
matawa si Ces sa reaksyon ng dalawang gitarista. Basag na basag ang joke
nila. Kawawa naman.

Melo and Note are the cutest. . . very far from the two guitarist of the
band na composed and very manly. Isama mo pa ang astig. . . very
far from that. Mabuti pa sila Pitch at Lyric, medyo consistent sa
character.

Napapangiti na lang si Ces. . . habang napapatingin siya sa mga kabanda


niya. Pitch texting. . . Lyric helping with fixing the instruments, Note
and Melo consoling each other dahil pinagtulungan sila ng lahat. . . they
were perfectly united with their imperfections. Ang saya lang.

Nang pauwi na sila, may iba silang dinaanan. Medyo tagong lugar dahil
nagsara raw ang main road sa hindi malamang kadahilanan. Habang
nagdadrive si Melo, knocked out kaagad si Pitch, well, lagi naman, pati
si Note na nakasandal kay Ces. Si Lyric naman ay nakahiga at nakatitig sa
taas, mukhang may iiisip.

Ang ganda talaga ng mga graffiti rito, biglang pagsasalita ni Melo.

Napatingin si Ces sa labas ng bintana at nakita niya ang iba't ibang


painting sa pader. . .isang helera ng mga nag gagandahang paintings. She
knows graffiti art pero hindi pa siya nakakakita ng isang pader na may
mga street art. . .ngayon lang.

Pero pinagbabawalan 'yan, napatingin si Ces kay Manager Lily nang


bumuntong hininga ito. Ive always love street arts. Napaka free ng mga
art nila, may hangarin. May vinovoice-out. Hindi lang basta basta, laging
may purpose.

Tumango si Melo, sana nga pabayaan na nila mga graffiti artists, public
walls naman ang pinipintahan nila. Hindi rin naman sila nakakasira sa
kalsada. Mas gusto kong magdrive na may nakikitang magagandang art kesa
magdrive na sobrang dull ng mga pader.

Sad reality, hindi lahat ng tao nakakaappreciate ng art. Para sa kanila,


art is useless. Kahit anong klaseng art, inaayawan nila but the truth is,
everything we see is made because of art or because of the love of art.

Nakikinig lang si Ces sa usapan nila Melo at Manager Lily. Naaamaze kasi
siya sa usapan ng dalawa dahil ngayon lang niya narinig na mag usap ang
dalawang ito na seryoso.

Nang malapit na sila sa kanilang subdivision, biglang umulan. Nagmamadali


na si Melo para makapagparada na dahil madaling araw na. Mag aalasingco
na rin kasi ng umaga. They need to rest.

May nakita naman si Ces na batang babae na may hawak na mga bulaklak,
kumakatok sa bawat kotse para magbenta. Basang basa na ang bata pero ang
mga bulaklak ay nakabalot sa plastic, keeping it safe and dry.

Bababa ako, napalingon sila Ces at Manager Lily nang magsalita si Lyric
sa likod. Melo, pakitigil. Bababa ako, mauna na kayo.

Teka, Lyric

Hindi pa nakakahinto talaga si Melo ay kaagad na lumabas si Lyric ng


kotse kahit umuulan. Tiningnan nila si Lyric na naglakad sa ilalim ng
ulan. Hihinto na sana si Melo nang nag ingay ang kotse sa likuran nila.

Ah, shit. Walang parking, aalis na ba tayo?

Tiningnan ni Manager si Lyric na nasa labas, hayaan mo na siya. Malaki


na 'yan, makakauwi siya mag isa.

Napabuntong hininga si Melo and continued to drive habang si Ces,


sinusundan ng tingin si Lyric. Nanlaki ang mga mata niya nang makita
niyang hawak ni Lyric ang kamay ng batang babae na nagbebenta ng bulaklak
at tumakbo para makasilong dahil lumakas lalo ang ulan. Susundan pa sana
niya ito ng tingin nang lumiko na ang kotse at nawala na sa paningin ni
Ces sila Lyric at ang bata.

Nagkanya-kanya silang balik sa kwarto, walang pansinan dahil pagod ang


lahat. Wala na ngang sinanto si Melo dahil kaagad na siyang humiga sa
sofa at wala pang ilang minuto ay humilik na ito.

Pagdating ni Ces sa kanyang kwarto, nagulat siya nang makita niya si Ash
na nakahiga sa kanyang kama. Hindi ito natutulog, nakatingin lang ito sa
kisame.

Nagbalik ka ulit. . . nakangiting sabi ni Ces.

Tumingin si Ash kay Ces at tumayo sabay ngiti, syempr

TITIK TITIK!

Bumuntong hininga si Ash habang kinukuha ang D-Get. Tiningnan niya muna
ito at napangiwi. Paano ba 'yan, busy ulit.

Tumango lang si Ces at umalis na naman si Ash.

Well, kailangan na niyang masanay. Hindi lang siya ang kaluluwang


binabantayan ng kamatayan.

Inayos na muna ni Ces ang sarili para makatulog na. Nakakarinig na siya
ng mga tumitilaok na mga manok dahil mag aalasais na ng umaga nang may
marinig siyang parang kaluskos sa may pintuan ng kanyang kwarto.

Pagbukas niya ng pintuan, natigilan siya sa nakita niya. Napahinto rin


ang isang Lyric na basang basa sa kanyang ginagawa. Kaagad na tumayo ng
maayos ang binata na nanlalaki ang mga mata.

Ah eh. . . napatingin si Ces sa hawak ni Lyric. Sa kanang kamay ay


ilang dosenang red roses at sa kaliwa ay isang rose na hawakna mukhang
balak nito iwan sa labas ng kwarto ni Ces. Ano. . .

Binili mo lahat sa bata 'yung bulaklak? mabilis na tanong ni Ces.

Napanganga ng kaunti si Lyric sa narinig, para bang hindi makapaniwala sa


sinabi ng dalaga. Napangiwi siya. Oo eh.

Napangiti si Ces. . .hindi niya alam pero naramdaman niyang sobrang


sumaya siya. So 'yun pala ang dahilan kung bakit biglang bumaba ng kotse

si Lyric. Para tulungan ang batang babae. . .para kahit papaano ay


matulungan ito at makauwi na ang bata.

Kahit na mabasa, hindi ito ininda ni Lyric para tumulong.

A-Ano, sige. . .aalis na ako, uhm, bye, nagmamadaling tumalikod si


Lyric at dumiretso sa kanyang kwarto. Sinara kaagad nito ang pintuan,
naiwan si Ces sa tapat nito na nakangiti.

Ang bait bait ni Lyric. She thought.

Pagkasara niya ng pintuan ng kanyang kwarto. Nahiga na siya at papunta na


sa dreamland nang may kumatok sa kanyang kwarto. Hindi na sana niya ito
papansinin dahil sobrang pagod na rin siya pero hindi siya mapakali kaya
kaagad siyang tumayo at binuksan ang pintuan

Akala niya ay makikita niya si Lyric ngunit wala ito. Nagtaka siya at
nakaramadam ng pagkilabot sa buong katawan.

Ash? Paglingon lingon na tawag ni Ces. Pinagtitripan mo ba ako?

Huminga ng malalim si Ces. Hindi ako natatakot. Nakakasama ko ang


kamatayan. Pagkukumbinsi sa sarili. Isasara na sana niya ang pintuan nang
may maramdaman siyang naapakan niya.

Pagyuko niya, kaagad niyang kinuha ang rosas dito. Napatingin siya sa
pintuan ni Lyric. . .alam niyang si Lyric ang nagbigay nito. Napangiti
siya sa maliit na act ng kabanda pero lalo siyang napangiti nang may

makita siyang isang piraso ng yellow paper na parang mabilisang pinunit


at medyo basa-basa pa.

Mukhang kakasulat lang ito ni Lyric kani-kanina lang.

Hoping that this rose will paint a smile in your face.

Hindi na nawala ang ngiti sa kanyang labi habang hawak hawak ang rosas.
Isinara na niya ang pintuan ng kanyang kwarto dahil alam niyang hindi
naman siya lalabasin ni Lyric kung sakaling kumatok siya. Inipit niya ang
rose sa kanyang libro, admiring its beauty.

Nagtext na lang siya kay Lyric, thanking him for the rose. Pagkatapos ng
ilang minuto, tumunog ang kanyang cellphone kaya naman nagmadali siyang
kunin ito expecting a reply from Lyric pero iba ang nagtext. Si mystery
texter.

Isang text na nagpakabog sa kanyang dibdib.

Hinanap kita nung nawala ka sa school at masaya akong makitang nakangiti


ka na ngayon. Nagulat ka ba? Namiss mo ba ako? Hindi mo ba inaakalang ako
ito?
Ako ito. Secret admirer. Pink paper. Sa locker mo.
Seeing you smile gives me peace.Thank you for smiling.

Napahinga nang malalim si Ces at naalala ang mga pink paper na ibinibigay
sa kanya ni secret admirer. So hindi si Note ang nagbigay after all?
Hindi si Manager Lily ang may pakana nang lahat? Sino ito? Sino ba itong
secret admirer na ito? Its been a month noong nagtext itong si mystery
texter at bakit ngayon lang ito nagpakilala bilang si secret admirer?

Totoo bang may secret admirer siya?

Kaagad na tinawagan ni Ces si mystery texter slash secret admirer and was
shocked nang mag ring ito. Hindi na babae ang sumasagot sa kanya para
sabihing out of reach ang number, nag ring ito! NAG RIN

Halos tumigil ang paghinga ni Ces nang marinig niyang tumigil ang pagring
at tumahimik sa kabilang linya. Walang nagsasalita ngunit alam ni Ces na
may tao sa kabila. Humihinga ito. . .malalim na paghinga.

H-Hello?

Ang bilis ng kabog ng dibdib ni Ces. Napapikit siya habang nakahiga,


hinihintay ang pagsalita o pagbaba ng tao sa kabilang linya ngunit halos
mapatalon siya sa kanyang kama nang marinig ang boses nito.

Good Morning, Isang boses ng lalaki, malalim na boses at husky voice.


Inaanalyze niya ang boses, inaalam niya kung sino ito pero she failed.
Her memory failed. Hindi niya mabosesan ito. . . kahit boses ni Patrick
na nagpanggap bilang secret admirer niya ay malayo sa boses ng lalaking
nasa kabilang linya. Ces.

Busy. She tried calling again pero cant be reach na kaagad ang number.

Napatitig si Ces sa kisame ng kanyang kwarto. Ang daming gumugulo sa


kanyang isip na hindi na niya alam kung ano ba ang dapat unang isipin.

Sino ka ba talaga?

~ ~ ~
Author's Note:Medyo filler chapter. I know. Walang masyadong nangyari at
sense dito, it's just that. . . kailangan ko lang ibuild up ang mga bagay
bagay at gusto ko isali rito ang pagtulong ng MyuSick sa mga nasalanta.
Huhuhuhu wala akong masyadong magawa. Pero baka magdonate kami or bumili
ako ng shirt sa ABS-CBN, isasama raw nila 'yun sa donation. Pray din
tayo, please. Anyway, salamat sa pagbabasa and say yes to Graffiti arts
too!
The song in this chapter is entitled "People from the sky". An original
compo of Firetree, an indieband. Magaling po sila! Let's support our own
bands! Click external link para mapunta sa facebook account nila at
pakinggan niyo ang song sa gilid, youtube video.
More from Firetree, soon! LIKE THEIR
PAGE: https://www.facebook.com/firetree.ph yay!

This chapter is dedicated to Ann. Opo, sa'yo khyciemonique! Sorry mukhang


ang laki ng utang ko kasi dapat matagal na kitang binigyan (akala ko nga
nabigyan na kita eh ahuhu) kaya eto, babawi ako. Salamat sa pagbabasa ng
TTLS tapos sobrang tuwang tuwa ako sa mga mahahaba mong comments, sobrang
consistent! Tapos pag nababasa ko 'yung mga hula mo tungkol sa TTLS,
natutuwa ako. Nakakatuwang pinag iisipan mo talaga ang story. Yieee,
salamat! Happy 1 year din! (Nakita ko binati mo sarili mo sa fb mehehehe)
salamat ulit!!!!!

PS: Baka sumobra sa 50 chapters itong TTLS. More than 50 pero SANA less
than 60.

=================
37 // Obvious Mysteries
"The world is full of obvious things which nobody by any chance ever
observes." Arthur Conan Doyle

~ ~ ~

It's been a week since they had a concert for a cause and since the last
time Ces heard Mystery Texter's voice. Simula kasi ng umagang iyon, hindi
na ito nagtext o tumawag pa sa dalaga.

Making my way downtownWalking fastFaces passAnd I'm home bound

Napagdesisyunan ng banda. . .or ni Manager Lily na kailangan mag unwind


ng MyuSick sa polluted na mundo ng musika at Manila. They need a break.
Everyone needs a break kaya ito ang naisip ni Manager Lily na medyo labag
sa loob ng isang myembro ng MyuSick: Pio Alberto Gabiasa.

Tumahimik nga kayo, iritableng reklamo ng binata. Matalim na tiningnan


ni Pitch ang magkatabing Melo at Note na kumakanta ng sobrang lakas.
Sinasabayan ang pinapatugtog sa buong mobile house bus na sinasakyan
nila.

Staring blankly aheadJust making my wayMaking a wayThrough the crowd

Hindi pinansin ng dalawa ang pagkaasar ni Pitch at nagpatuloy lang sa


pagkanta. Pitch hates adventure kaya hindi niya trip ang gagawin nila sa
one week na bakasyon. Nagpunta siya sa nakalaan na kama para sa kanya at
nahiga, pinipilit matulog.

Tahimik lang si Manager Lily na nakaupo at nagbabasa. Naka earphones ito


at nakikinig ng sariling music, mas gusto niya ito kaysa pakinggan ang
pagkanta ng dalawa. Si Lyric naman ay nagpapahinga sa kama nito.
Kakagaling lang kasi nito sa trangkaso. May ubo at sipon pa nga ito pero
pinilit ni Manager na sumama ang bokalista.

Tara Ces, kanta!

And I need youAnd I miss youAnd now I wonder....

Pilit na pinapakanta nila Melo at Note si Ces na nasa tabi nila sa mini
sofa. Nag iingay lang sila, mabuti na lang pala ay gitarista sila at
hindi sa vocals kung hindi, marami na silang haters ngayon.

If I could fallInto the skyDo you think timeWould pass me by

Natatawa naman si Ces sa pinag gagagawa nila Melo at Note. Sa buong


byahe, ang dalawang ito lang ay may energy. Sila lang ang maingay, ang
nagbibigay buhay sa buong bus.

Pagtingin ni Ces sa may drivers seat kung saan nakaupo si manong driver,
napangiti siya nang makita si Ash na nasa tabi ni manong, nagmamasid sa
dinadaanan.

'Cause you know I'd walkA thousand milesIf I couldJust see youTonight

* * *

Isang linggo ang banda sa Tanay Rizal. Tanay Rizal? Anong meron doon?
Wala namang white sand o pink sad o brown sand o kahit na black sand sa
Tanay. Wala naman itong bulkan na maipagmamalaki, walang lamig na
mararamdaman at malayo sa mga relaxation o tourist spot ng bansa. Bakit
sa Tanay Rizal kung pwede naman sa mga beach?

Ayaw ko, maraming tao. Polluted.

Relaxation. Sabi nila, mas nakakarelax daw kapag nasa beach but instead,
sa second day ng pagpunta nila ng Tanay Rizal (rest day ang first day),
Calinawan cave ang destinasyon nila. . . na kakailanganin umakyat sa
sobrang taas na hagdan para makababa sa kweba. Aakyat para makababa. How
ironic.

Pagod na pagod na ang lahat lalo na si Pitch na hindi naman madalas o


mahilig maglakad. Si Manager Lily ay obvious na hirap na rin pero hindi
niya ito ininda. Nararamdaman na rin ni Ces ang pagod at tagaktak ng
pawis sa kanyang katawan. Tahimik lang naman si Lyric, sumisinghot
paminsan minsan dahil nga sa sipon, nasa likuran si Ces at inaalalayan
ang dalaga. Nasa tuktok naman si Ash, nauna na roon.

Jusko, hirap. . na. . .hirap. . .na ako! pagrereklamo ni Note nang


hawakan nito ang balikat ni Melo para sa suporta. Tumingin siya sa ibaba,
malayo na rin ang nararating nila ngunit pag tingin niya sa taas, malayo
pa ang pinaka dulo.

Ano. . ba. . . kasi. . . to. . . isang salita, isang hingal na sabi ni


Melo. Pinapaypay na rin nito ang beanie na dapat ay nasa ulo niya.
Stairway. . .to . . . heaven? Manager. . . ibinaling ni Melo ang
tingin sa Manager. Uwi. . .na. . .tayo!

Hindi sila pinansin ni Manager Lily. Matapos ang halos thirty minutes
nilang pag akyat, nakarating na sila sa tuktok ngunit wala silang
makitang kweba.

Nasaan 'yung kweba? nanlalaking mata na sabi ni Melo habang patingin


tingin sa paligid. Nawala 'yung kweba?! Pinaghirapan natin umakyat dito
tapos walang kweba?! pagrereklamo ni Melo. Nagpapapadyak pa siya ng paa
habang tinitingnan ang hagdanan na dapat nilang babaan. Pramis, may
galit na ako sa mga hagdan.

Umiling iling si Manager Lily. Wala pa rito, maglalakad pa tayo papunta


roon.

Pagkaturo ni Manager Lily sa lugar na hindi naman natatanaw ng banda,


lalong nag amok sila Melo at Note.

Pagod na ako, sabi ni Pitch.

Tiningnan ni Manager Lily si Pitch nang ilang segundo hanggang sa ngumiti


ito at, lets go! nagsimulang maglakad papunta sa tinuro nito.

Napabuntong hininga ang buong banda at sumunod sa Manager. Tagaktak na


ang pawis nilang lahat. Ang mga buhok nilang lahat ay nakapony tail na,
nakataas at basta, hindi sagabal sa kanilang ulo.

Pakipaalala nga sa akin na magpapakalbo na ako pagkauwi natin, hingal


na hingal na sabi ni Note kay Melo.

Ngumiwi si Melo, langya? Ano ka shaolin soccer? Hiyaah! natatawang sabi


nito.

Napapangiti na lamang si Ces dahil kahit pagod, pawis na pawis at


hinihingal na ay nagagawa pang magbiruan ng dalawa. Inggit talaga siya sa
energy ng dalawang ito.

Naglakad lang sila. Umiiwas sa mga sanga ng puno, tumitingin sa mga batobatong daan at tinitingnan ang tanawin. Kitang-kita ang aura ng probinsya
mula sa nilalakaran nila. May nadaanan nga rin silang parang bahay kubo,
ang cool lang.

Tatawid tayo r'yan? takang tanong ni Lyric habang nakatingin ang lahat
sa sapa na nasa harap nila.

Ngumiti si Manager Lily at tinanggal ang sandals na suot at lumusong sa


sapa. Pagkarating ni Manager Lily sa kabilang parte, nakataas na ang
kilay nito at nakapameywang.

Oh, anong tinatanga-tanga niyo r'yan? Tara na! Nagsimula na ulit


maglakad si Manager Lily, leaving the band behind.

Nagkatinginan ang magkakabanda at napatingin sa mga sapatos na suot.


Halos lahat sila, nakachucks pwera kay Note na nakatsinelas lang. Ilang
argument din ang nangyari bago nila tinanggal ang mga sapatos at lumusong
sa sapa. Kamuntikan pang madapa si Melo, sayang.

Pagod ka na ba? tanong ni Ash kay Ces.

Ngumiwi si Ces, medyo.

Anong medyo?

Paglingon ni Ces ay nakita niya si Note, nagtataka.

Ah ano, medyo. . . medyo pagod.

Tumango si Note at ngumiti ng malapad sa dalaga, gusto mo buhatin kit


aah! napalingon si Ces nang hilahin ni Lyric si Note. Ano ba, Lyric?!

Ano?! pasigaw na tanong ni Lyric ngunit nakangiti. Kailangan ko ng


kakapitan, napapagod ako.

Nagkatinginan sila
kaya napangiti rin
lang si Ces habang
Pitch at Melo pati

Lyric at Ces ng mga sandaling iyon. Ngumiti si Lyric


si Ces at iniwas kaagad ang tingin sa binata. Diretso
nasa likuran niya si Note at Lyric at nasa harapan si
si Manager Lily.

Muntikan ka nang pagkamalang baliw, natatawang sabi ni Ash. Napairap


naman si Ces sa kamatayan. Naglakad lang si Ces habang lumulutang sa tabi
si Ash nang magsalita ito muli. Close na kayo ni Lyric, ano?

Napatingin si Ces kay Ash. Nakangiti ang kamatayan at napapaisip si Ces


kung ano ba ang nasa isip ng kamatayan ngayon. May iniisip nga ba talaga
ito? Ano ang nagtutulak para ngumiti ang kamatayan?

HOY DALIAN NIYO!

Napatingin si Ces kay Manager Lily na nasa tabi ang isang signage na
nakadikit sa malalaking bato na magkakadikit dikit.

CALINAWAN CAVE.

* * *

They were ecstatic. Excited. Sobrang saya. Pero naglaho ang lahat nang
pumasok sila sa kweba kasama ang tourist guide. . .at wala silang
flashlight na dala.

Shit ang dilim! sigaw ni Melo.

Pansin ko nga, pansin mo rin? natatawang sabi ni Note.

Bumuntong hininga naman si Pitch at kinuha ang cellphone na may


flashlight. Kahit paaano, nakatulong ito para maibsan ang kadiliman sa
loob ng kweba.

May kung anu-anong sinasabi ang tourist guide ngunit wala namang
nakikinig dahil kanya-kanya sila nang way para makalakad sa madilim na
lugar.

Puta, aray!

Napahinto ang lahat nang marinig nilang sumigaw si Note. Tinutukan ni


Pitch ng flashlight si Note at nakita nilang hinihimas nito ang noo.

Hindi niyo man lang sinabing mababa pala 'tong batong 'to! tinuro ni
Note ang isang bato na nakausli. Natawa naman si Melo at pinatong ang
kamay sa balikat ng kaibigan.

Ang higante mo kasi. Magpaliit ka rin minsan, natatawang sabi ni Melo.

Binatukan naman ni Note ang kaibigan at bumalik na ulit sila sa


paglalakad sa kung saan man patungo ang dilim.

Shit!

Napatingin ang lahat sa likuran nang marinig ang mahinang sigaw ni Pitch.
Natawa si Melo nang mapansin niyang nadulas pala si Pitch kaya nakakuha
ito ng batok mula rito. Tumawa si Note at siya naman ang binatukan ni
Pitch.

Umiling iling na lang si Manager Lily sa mga ito.

Nagpatuloy ang lakad nila. Tumalon. Naglakad. Umiwas. Yumuko. Pawis at


pagod. Palibot libot din ang ilaw na dala ng cellphone ni Pitch hanggang
sa tumutok ang ilaw ng flashlight sa tabi ni Ces. Nang masinagan ang tabi
ni Ces, nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

Aahh!

Ces!

Kamuntikan nang malaglag si Ces kung hindi lang siya kaagad nahawakan sa
braso ni Lyric. Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Ces at ang bilis ng
tibok ng kanyang puso.

A-Ayos ka lang? mahinang tanong ni Ash.

Malalim ang paghinga ni Ces habang nakatingin kay Ash na ikinagulat niya
ang presensya sa kanyang tabi. Napahawak siya sa kanyang dibdib at pilit
na pinapabagal ang pagtibok ng puso.

Anong nangyari sa'yo? tanong ng kabanda sa dalaga.

Pilit ngumiti si Ces ngunit nakita ni Ash ang pagngiwi ng dalaga. WWala, may ano. . . umiwas ng tingin si Ces at tumayo ng maayos.
Nakaalalay pa rin sa kanya si Lyric. May nakita lang ako, s-sorry.

Nanginginig ang mga tuhod ni Ces nang maglakad ito muli. Nakaalalay na sa
kanya ang buong banda at hindi na rin siya binibitawan ni Lyric. All eyes
on her dahil siya ang prinsesa ng banda.

Sorry, hindi ko alam na matatakot ka, sorry. . . paulit-ulit na sabi ni


Ash kay Ces.

Napangiwi ulit si Ces. Alam niyang hindi sinasadya ni Ash ang lahat.
Hindi sinasadya ni Ash na mabigla siya sa presensya nito. Wala namang
dapat isisi sa nangyari ngunit hindi rin naman maikakaila na natakot ang
dalaga nang makita si Ash sa kaunting ilaw na nakatutok dito kanina.

Okay lang. .

Ano 'yun, Ces? takang tanong ni Melo na nasa likuran ng dalaga.

Okay lang ako, okay na. . .

Tumango lang si Melo at nagets na rin naman ni Ash ang gusto ipahiwatig
ni Ces.

S-Sorry talag

TITIK! TITIK!

Nagkatinginan sila Ces at Ash nang tumunog na naman ang D-Get ng


kamatayan.

Aalis muna ako, trabaho pa.

Napabuntong hininga si Ces nang makaalis na si Ash. . . ngunit napatingin


sa kanyang braso, hawak pa rin ni Lyric. Hindi siya binibitawan. . .
hanggang sa makalabas sila ng kweba.

"Takte akala ko mahuhulog ako kanina, nakakatakot mahulog!" halos mamatay


matay na si Melo habang nagpapaypay sa labasan ng kweba. Nakaupo ito sa
isang bato habang hawak hawak ang dibdib.

Ipinatong ni Note ang kamay sa balikat ng kaibigan, "alam mo pre, hindi


ka takot mahulog," sabi nito. Kumunot ang noo ni Melo ngunit pinagpatuloy
ni Note ang sinasabi, "takot ka lang masaktan kapag nahulog ka na."

Natahimik ang lahat.

Naramdaman ni Ces ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso na para bang


may hinahabol.

Si Melo naman ang nagsalita, "eh kung ikaw kaya itulak ko para mahulog ka
sa dilim na 'yun, hindi ka matakot?!"

Nagharutan na naman sila Melo at Note. Napapangiti si Ces sa nakikita


kahit medyo nahihirapan siya sa kanyang puso. Masaktan? Just like what
Boss said last time. Nang mapatingin siya kay Lyric, nakatingin ito sa
kanya at ngumiti. Lumapit siya sa binata at napansin niyang natense ang
katawan ng lalaki.

"S-Salamat pala kanina," nakangiting sabi ni Ces, not looking at Lyric


pero nakikita niya ang binata sa peripheral version niya. "Sa pag-alalay
sa akin."

Nagkamot ng batok si Lyric at napapangiti, "basta ikaw, huwag kang


sisigaw bigla ah? Natakot ako sa sigaw mo eh."

Sabay silang natawa sa sinabi ni Lyric kaya napatigil sa harutan sila


Melo at Note. Tiningnan sila ng lahat na may pagtataka.

"Nagkaroon na naman sila ng sariling mundo," kumento ni Melo habang


pailing-iling. Umiling iling din si Note habang naglalakad hanggang sa
makarating na sila muli sa pinanggalingan kanina para makabalik.

"Hagdan na naman?!" pagrereklamo ni Melo nang makita nito kung saan sila
dadaan para makababa.

* * *

Tent?

Hindi magets ng buong banda kung ano ba talaga ang trip ni Manager Lily.
Mayroon naman silang mobile house pero kinandado ito ni Manager Lily at
pinaalis na muna ang driver para lahat sila ay matulog lang sa camp.

Malamig ang simoy ng hangin. Rinig na rinig ang pag agos ng tubig sa kung
saan man. May ilan din silang naririnig na huni ng ibon.

Kung saan-saan sila nagpunta for the week. Sa grotto, sa simbahan,


namalengke, nagpunta sa kung saan-saan. Halos hindi na nga nila magamit
ang bus dahil panay sila lakad kung saan-saan.

Sa susunod na araw, uuwi na silang Manila para sa susunod na mangyayari


sa career nila. Nagulat naman ang MyuSick nang bumalik sila galing falls
ay nakatayo na ang anim na tent, naghihintay sa kanilang pagbabalik.

Yung totoo Manager, anong trip mo? pagtataka ni Note habang


pinagmamasdan ang mga tent.

Ngumisi si Manager Lily, relaxation.

Napailing na lamang sila. Naupo ang anim sa may mga kahoy at gumawa ng
apoy. Mabuti na lang at may lighter si Pitch kung hindi, wala silang pang
luto. Walang may alam kung paano gumawa ng apoy gamit ang dalawang kahoy.

Nagluto sila roon gamit ang kawayan para sa kanin, ang paso para sa ulam.
Tila ba nagbalik sila sa buhay nung nakaraan kung saan simple lang ang

lahat. Walang electronics. Walang pollution. Walang kahit na ano kung


hindi sila lang at ang kalikasan.

Nagkwentuhan lang ang mga ito, nagtawanan at nagkantahan hanggang sa


lumabas na ang mga bituwin sa langit.

Ang ganda ng langit ngayon, nakatingalang sabi ni Lyric.

Tumingin ang MyuSick sa langit, pinagmamasdan ang langit na napuno ng


nagniningning na mga bituwin. Iba ibang klase, iba ibang lakas ng
ningning at iba ibang laki. Asul na asul ang kalangitan, walang kahit na
anong halong itim na usok.

Napagdesisyunan ng banda na imbis na sa tent ay sa labas na lang sila


mahiga at matulog para pagmasdan ang ganda ng kalangitan. Tabi tabi ang
mga ito na nakatingin sa kalangitan ngunit ilang minuto lang nakaraan ay
kaagad naghilikan ang MyuSick pwera kay Ces na nakaupo at kay Lyric na
nakahiga, nakatingala sa langit.

Ganoon din ang pwesto ni Ash, nakahiga, nakatingala. . .pinagmamasdan ang


kapayapaan ng gabi.

Tahimik lang silang tatlo na nakatingin sa langit. Pinapakiramdaman ang


paghampas ng hangin sa kanilang mga katawanexcept kay Ash. No awkward
silence. Just silence. . .hanggang basagin ito ni Lyric gamit ang isang
kanta.

And I'd give up forever to touch you'Cause I know that you feel me
somehowYou're the closest to heaven that I'll ever beAnd I don't want to
go home right now

Napatingin si Ces kay Lyric na nakatingin sa langit habang kumakanta at


nakahiga. Nakapatong ang ulo nito sa dalawang kamay, not minding
everything o kahit ang buhok nitong halos nakasabog na sa mukha.

And all I can taste is this momentAnd all I can breathe is your life

Ngayon lang ulit napakinggan ni Ces ng mabuti ang boses ni Lyric. Ang
malamig nitong boses na nagbibigay ng relaxation sa kanyang katawan.
Nawala na rin kasi ang sipon at ubo nito kaya nagbalik ang ganda ng boses
nito.

And sooner or later it's overI just don't wanna miss you tonight

Tumingin si Ces kay Lyric at nagulat siya nang makita niyang nakatingin
sa kanya si Lyric at nakangiti. Kaagad iniwas ni Ces ang tingin sa
kabanda at tumingala. Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa tingin ni
Lyric. Napapikit siya sa takot.

Hindi 'to pwede.

Pagdilat niya, nakatingin sa kanya si Ash.

And I don't want the world to see me'Cause I don't think that they'd
understandWhen everything's made to be brokenI just want you to know who
I am

Magkatinginan lang sila ni Ash. Walang nagsasalita hanggang sa ngumiti si


Ash. Isang ngiting walang kahit na anong bahid. Ngiti lang.

And you can't fight the tears that ain't comingOr the moment of truth
in your liesWhen everything feels like the moviesYeah you bleed just to
know you're alive

Humiga si Ces at pumikit. Pinakiramdaman ang hangin. Rinig ang kaunting


hilik ng ibang lalaki ngunit mas rinig niya ang pagkanta ni Lyric lalo na
ang pagtibok ng kanyang puso.

And I don't want the world to see me'Cause I don't think that they'd
understandWhen everything's made to be brokenI just want you to know who
I am

Pahina nang pahina ang pagkanta ni Lyric hanggang sa hindi na ito


kumanta. Pagtingin muli ni Ces sa katabing bokalista, lumakas ang kabog
ng dibdib niya nang makita niyang nakatingin sa kanya si Lyric, seryoso
ang mukha. Titig na titig sa kanyang mata na para bang hindi na nito
gustong pakawalan ang tingin.

B-Bakit? kinakabahang tanong ng dalaga.

Seryoso pa rin ang mukha ni Lyric nang magsalita ito.

Nung highschool ka, anong nangyari sa'yo noon?

Napakunot ang noo ni Ces sa tanong ng binata. Nagtaka siya sa biglaang


tanong nito.

Highschool?

Tumango si Lyric.

Hindi ko alam. . . pagtatakang sagot ni Ces. Paanong anong nangyari?

Tutok na tutok si Lyric kay Ces kaya hindi malaman ng dalaga kung ano ba
ang dapat gawin o sabihin. Naiilang din siya sa tingin nito. Hindi ito
umiiwas, sa kanya lang nakatuon ang tingin.

Kakaiba? Sobra? Experience? tuloy tuloy na sabi ni Lyric.

Hinanap ni Ces ang sagot sa kanyang magulong utak at napangiti nang


makita niya ang hinahanap niya. Valedictorian nung highschool,
nakangiti nitong sagot.

Iba pa?

Paanong iba?

E-Ewan ko. . . pumikit si Lyric at tumingin sa langit. Ikaw, 'yung


kakaibang experience. Yung hindi mo malilimutan.

Napatingin si Ces sa langit. Natahimik ang dalawa samantalang si Ash ay


palutang lutang lang kung saan-saan. Pinagmasdan ni Ces ang mga
nagniningning na mga bituwin.

Sa tahi ko sa ulo. . . sagot ng dalaga sa tanong ni Lyric. Hindi ko na


masyadong maalala 'yung mga nangyari talaga pero hindi ko 'to
makakalimutan, natatawang sabi ni Ces at hinawakan ang maliit na tahi sa
kanyang ulo.

Ces. . .

Napangisi si Ces sa naalala, tapos 'yung papa ko na sumama sa ibang


lalaki, napangiti si Ces. Hindi ito ngiti ng saya, napangiti lang siya
dahil kahit anong mangyariisa pa rin ito sa pinaka masakit na pangyayari
sa buhay niya. Kumikirot pa rin ang sakit kahit matagal na ang nakaraan.
Ngayon lang niya sinabi ang tungkol dito sa ibang tao.

Kahit sila Marky ay hindi ito alamang alam lang ni Marky ay iniwan na si
Ces ng mga magulang nito at sumakabilang buhay na pero not like this. Not
like this kind of truth kung saan sinabi niya ang totoo talagang
nangyari. Unbiased version. Unedited version. Uncut version.

Nagsimula nang mag init ang mga mata ni Ces hanggang sa nararamdaman na
lang niya na tumutulo na ang kanyang mga luha. At nagsuicide si mama
dahil doon.

Nanlalaki ang mga matang tumingin si Lyric kay Ces. Napanganga ito ng
kaunti nang mapansing lumuluha na ang dalaga.

S-Sorry, hindi na mapakali si Lyric at napaupo na ito. Tubig? Pagkain?


Ano kailangan mo? P-Pase

Anong kailangan ko?

Kausap.

Natigil si Lyric sa pagpapanic at napatitig kay Ces na nakangiti sa


kanya. Pilit na pinupunas ng dalaga ang kamay sa kanyang pisngi upang
mawala ang pagtulo ng luha nito ngunit hindi kinakaya. Nagkakasipon na
rin si Ces kaya naman naupo na rin ito.

Kailangan ko ng kausap, kaibigan. . . ng taong makikinig, magtatanong,


patuloy ng dalaga.

Lyrics body relaxed as he smiled at Ces. Now he get it. Ngayon alam na
niya kung ano at saan ba ang pinaghuhugutan ni Ces ng problema.

S-Si Lyle ba. . .

Nagpintig ang tainga ni Ces sa pangalan na narinig ngunit hindi na siya


nakaramdam ng panghihinayang o kahit na anong pagkagusto para makabalik
sa binata. Ang dating pagmamahal kasi niya sa prinsipe-kuno na iyon ay
napalitan ng inis at galit.

. . . minahal mo talaga?

Huminahon na si Ces mula sa mga luhang tumutulo sa kanyang pisngi.


Napansin naman niyang napatingin sa kanila si Ash, nakikinig sa bawat
salitang binibitawan nilang dalawa.

Sobra, wala pang ilang segundong sagot ni Ces.

Napakunot ng noo si Lyric sa narinig, sobra?

Mas minahal ko siya kaysa sa buhay ko, diretsong pahayag ni Ces.

Nagkatinginan sila Ces at Lyric nang umihip ang hangin para tanangayin ng
kaunti ang kanilang mga buhok. May mga tanong sa mata ni Lyric. Mga
tinatagong tanong na matagal na nitong gustong malaman ang sagot. Ganoon
din naman ang kay Ces. . . ngunit iba ang mga titig ni Lyric.

B-Bakit? pagtataka ni Lyric.

Napangiti si Ces. Gusto man niyang kalimutan ang mga nangyari ay hindi
niya magawa dahil nasa harapan niya mismo ang kamatayan na kumuha ng
kanyang kaluluwa. Na nagpapaalala na ang lahat ng nangyari nung nakaraan
ay totoo. Ang lahat ng sakit, ang lahat ng sakripisyo, ang lahat ng
lokohan, lahat ng pekeng katotohanan ay totoo.

Kasi tanga ako. Napakagat ng labi si Ces at pumikit. Pinakiramdaman


niya muli ang kanyang pilat sa may dibdib upang ipaalala sa sarili na

minsan na siyang naging tanga. . . oo, tanga pa rin siya pero natututo
naman siya. Sana. Sobra.

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang bigla siyang hawakan ni Lyric sa braso,
hinatak at niyakap nang mahigpit. Nabigla siya sa biglaang pagkayap sa
kanya ng binata. Isang mahigpit na yakap. Longing. Sincerity. Friendship?

Naramdaman ni Ces ang mabilis na tibok ng puso ng binata na sumasabay sa


mabilis na tibok ng kanyang puso. Halos hindi na siya makahinga na para
bang kinukuha ni Lyric ang lakas niya sa yakap na iyon.

H-Hindi ko alam kung saan 'to mapupunta pero Ce

Keng. . .

Kaagad napakalas si Lyric sa pagkakayakap kay Ces nang biglang magsalita


si Pitch. Napatingin sila Lyric at Ces sa binata ngunit gumalaw lang ito,
nagpalit ng pwesto pero tulog pa rin.

Nang ibalik ni Lyric ang tingin kay Ces ay kaagad nag iwas ang binata ng
tingin.

T-Tulog na ako.

Tumalikod si Lyric sa dalaga nang humiga ito. Napatitig naman sa kawalan


ang dalaga nang lumutang papalapit si Ash sa harapan niya. Nagkatinginan
ang dalawa, ilang minuto lang silang ganoon hanggang sa ngumiti muli si
Ash.

Napahawak si Ces sa kanyang bulsa nang tumunog ang kanyang cellphone.


Pagtingin niya sa screen, lumakas ang kabog ng kanyang dibdib sa nakita.

Mystery TexterGoodnight, Ces. :)

Napatingin muli si Ces kay Ash na ngayon ay may pagtataka sa mukha.

Bakit? Sinong nagtext?

Umiling lang si Ces at tumingin sa parte ni Lyric. Nakapatong sa half


body ni Lyric ang malaking unan. Natatakpan ang ulo nito, ang kamay at
ang halos kalahating parte ng katawan ng binata. Mukhang mahimbing na ang
pagtulog.

Nagulantang naman siya nang tumunog muli ang kanyang cellphone at isang
text na naman ito galing kay Mystery Texter. Napalunok si Ces sa nabasa
at napatingin kay Ash na nakataas ang kilay. Sinilip ni Ash ang cellphone
ni Ces at binasa ang nakasulat doon.

Gusto mo ba akong. . . makilala? Tawag. . . ka? Nagkatinginan muli sila


Ash at Ces. Sino 'yan? tanong ng kamatayan sa dalaga.

Umiling si Ces at napakagat ng labi. Kinakabahan siya. Para bang


sinusuntok ang kanyang dibdib sa bawat segundong lumilipas. With shaking
hands, she called him but then, may narinig siyang boses.

Boses ng babae. Isang napaka pamilyar na boses.

Sorry. The number you dialed can not be reached. Please try again later.

Seryoso ba 'to?

Napapikit siya out of frustration. Niloloko ba siya ni Mystery Texter?


Ginagago ba siya ng secret admirer na ito? Ano ba. . .at bakit ba
parang affected siya sa nagtetext sa kanya o sa taong sinasabing admirer
niya?

Kung totoong may gusto sa kanya ang taong 'yon, hindi na dapat ito
nagtatago sa anino ng cellphone o ng isang pink na papel. Kung gusto nito
si Ces, dapat ay gumawa ito ng paraan. Para saan pa ang mga lokohang ito
kung by the end of the day, hindi rin naman sila magkakakilala.

Pero bakit nga ba interesado ang dalaga para malaman kung sino ang nasa
likuran ng bawat letrang nababasa niya?

Will that make a change?


Boss? Will everything be
sila. . . o kung malaman
na ang sunod? Ano na ang

Mababawi ba nito ang pakikipagdeal ni Ces kay


alright kung magkakilala man sila? Kung magkita
lang niya kung sino nga ba ang lalaking ito, ano
mangyayari?

Maraming tanong si Ces ngunit nanaig ang isang tanong na bumabagabag sa


kanya. Muli ay tinext niya ang lalaking iyon.

Sino ka ba talaga?

Wala pang ilang segundo, nakatanggap kaagad siya ng reply.

:)

~ ~ ~
Author's Note:Salamat sa pagbabasa at sa mga comments!
For the mean time, I'll be semi-inactive for a while. Medyo busy na kasi
talaga ako. Projects sa school ang dapat kong atupagin at medyo nawawala
ako sa focus kapag nasa wattpad ako. Iniisip ko kasi lagi ang next update
at hindi dapat maging ganun!
So I can't update regularly. Huwag niyo ako pilitin please dahil kapag
bumagsak ako, siguradong magagalit sa akin ang mga magulang ko tapos
madedepress ako tapos hindi ko na matatapos 'tong story! Nako, ayaw natin
mangyari 'yun, di ba? So wait lang tayo :>

This chapter is dedicated to Yace o kay LucidDreamer_ na nag iemail sa


akin tapos nagmemessage sa akin, yieeeee. Gusto ako kausap kahit ang
boring kong tao ahihih kilig. Natuwa rin ako sa observation niya sa

story, mehehehe. Hi Yace, sobrang thank you sa pagtatyaga sa pakikipagusap sa akin at sa pagbabasa nitong TTLS. Thank you beri mats!

Like niyo fb page ni plsptsya! www.facebook.com/plsptsya (or click


external link)Twitter: @ulaaaann (apat na "a", dalawang "n") HASHTAG.
#TTLSSongs used in this chapter: A Thousand Miles by Vanessa Carlton and
Iris by Goo Goo Dolls (multimedia part)Picture at the side: Status ng
#TTLS as of November 17, 2013. 1:56am (before posting this chapter)

=================
38 // FAQS About Death *
"To the well-organized mind, death is but the next great adventure."
J.K. Rowling

~ ~ ~

That Mystery texter, also known as Secret Admirer is killing Cesnot


literaly, pero gets? Hindi siya pinapatulog nito. Its as if theres
something with that guy na gustong gusto malaman ni Ces . . . gustong
gusto niya malaman ang pagkatao nito. Ang dami niyang tanong. . . lalo na
ang bakit?

After their mini vacation, sobrang naging busy ulit sila. Mall shows,
photoshoot, recording, practice at mga mini concerts. May dahilan pala
ang pagpilit ni Manager sa pagbabakasyon nilauna, para mag unwind at
pangalawa. . .

Were going to have a concert at the big dome!

Ito ang pinaka na, the best pa news para sa MyuSick. Their big break.
Concert? At the Big Dome? Grabe! Nalaman pa nilang nandoon din ang MTV

Asia na magkocover sa buong concert para ipalabas din sa ibang bansa.


Kaya naman todo practice sila, halos hindi na magkandaugaga dahil sa
practice. This is a good thing. Dahil mas sikat sila sa ibang bansa,
magandang idea na mabigyan din sila ng pagkakataon na ipakita sa sariling
bansa na may ibubuga sila.

Ces was so exhausted. Kailangan niya ng break from hard work. Kaya hindi
rin siya masisisi kung nagpapasalamat siya at napaos siya for a week.
Nagmamaktol nga sila Melo at Note dahil gusto rin nilang magpahinga. Pero
anong ieexcuse nila? Namaos ang kanilang mga daliri sa pag gigitara?
Manager won't allow that.

Nakaupo si Ces sa kanyang kama at nagbasa. Matagal na rin simula nung


huli siyang nagbasa. Masaya rin siya na maraming books si Pitch na pwede
niyang hiramin. There's a whole library at the living room. Sobrang
sarap. nagpapakasarap siya habang naririnig niya ang faint sound ng
pagpapractice ng kabanda sa loob ng recording studio.

Feeling very comfortable, dumating si Ash at naupo sa kanyang tabi.

Okay ka na? tanong ng kamatayan.

Half-tango, half iling ang ginawa ni Ces. Natawa si Ash sa ginawa ng


dalaga.

Ah, wala pa ring boses?

Medyo, garalgal na sabi ni Ces.

Natawa ng malakas si Ash sa narinig. Wow, ang manly ng boses mo!

Kumunot ang noo ni Ces. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Ash. Inaasar
ba siya ng kamatayan?! Papaluin sana niya si Ash nang tumagos ang kanyang
kamay sa balikat ng kamatayan. Tumingin lang siya sa usok na binuo ng
balikat ni Ash.

Pagtingin niya kay Ash, nakatingin din ito sa kamay niyang tumagos sa
balikat nito. Sabay silang nag angat ng tingin at napatitig sa mga mata
ng isa't isa.

Ngumiti si Ces, feeling awkward. Akala ko mahahawakan na ulit kita.

"Hindi pwedeng hawakan ng isang tao ang isang kamatayan. . ."

"Pero nahawakan mo ako noon. . ."

"Circumstances, depende sa dahilan."

Ngumiti si Ash. Panandalian silang nabalot sa katahimikan. Awkward. Pilit


binabasa ni Ces ang librong binabasa ngunit hindi niya makalimutan ang
kamay niyang tumagos sa kamatayan. Dati naman, nahahawakan niya ito. . .
bakit kaya ngayon ay hindi na?

Wala siyang naririnig na kahit na anong ingay galing sa katabi. Siya lang
ang humihinga. Siya lang ang nakaupo sa kama dahil nakalutang na nakaupo
si Ash, siya lang ang kumukurap, siya lang. . .ang tao.

Hindi napigilan ang sarili, Ces asked, anong pakiramdam maging


kamatayan? hindi pa rin inaalis ni Ces ang tingin sa kanyang libro. She
can see words, sentences. . .pero wala roon ang utak niya. Ang utak niya
ay nasa mga tanong niya patungkol sa kamatayang nasa tabi niya.

Nakita niyang tumingin si Ash sa kanya gamit ang peripheral vision.


Ganoon lang sila. Tahimik. Nakatingin lang si Ash kay Ces. Nakatingin
lang si Ces sa kanyang libro.

Wala akong pakiramdam, simpleng sagot nito.

Tumingin si Ces kay Ash. Pero ngumingiti ka.

Hindi 'yun pakiramdam. Pwedeng peke-in ang ngiti.

Kumunot ang noo ni Ces. Looking at Ash, wala siyang alam dito. Matangkad
ito, mukhang kasing age niya o mas matanda sa kanya. Siguro ay nasa
twenty na ang edad pataas? Pero ang edad ba ng kamatayan ay parang tulad
sa mga tao? At bakit nagtatagalog sila?

Ang dami mong tanong tungkol sa amin, nakangising sabi ni Ash sa


dalaga.

Paano ka naging kamatayan? diretsong tanong ng dalaga.

Nanlaki panandalian ang tingin ni Ash. Kitang kita sa mga mata ni Ces ang
kagustuhan para malaman ang tungkol sa kamatayan. Bumuntong hininga si
Ash at lumutang. Akala ni Ces ay maglalaho ito ngunit nahiga ito sa kama
niya.

Lahat kami, naging tao rati, marahang pagkukwento nito.

Tumingin si Ces sa nakahigang Ash. Hindi niya alam pero ang lakas ng
kabog ng kanyang dibdib. Nagwawala. Nagsusumamo. Siguro ay excited siyang
malaman kung sino nga ba talaga si Ash.

Pero hindi ko na maalala kung kailan ako naging ganito. Ilang taon,
ilang dekada rin nakaraan, pagpapatuloy ni Ash. Basta nagising na lang
ako, kamatayan na ako.

Paano mo nalama

Tumingala si Ash para tingnan si Ces at ngumiti. Minsan magigising ka na


lang, malalaman mo na kung ano ka. Ganoon nangyari sa akin. Pag gising
ko, alam ko sa sarili ko, kamatayan ako. Tagakuha ako ng mga kaluluwa ng
mga taong namatay.

"May pamilya ka?

Wala. Wala sa bokabularyo ng mga kamatayan ang pamilya, kaibigan o kahit


ano pa. Wala kaming emosyon kaya walang emotional attachment,
pagpapaliwanag nito.

"Eh dati?"

Ngumiti si Ash ngunit yumuko rin, "hindi ko alam. Tinanggal sa memorya


namin ang lahat."

Gusto sanang hawakan ni Ces ang ulo ni Ash, feeling the pain he's into
(if ever he's in pain) pero hahawakan pa lang niya ang ulo nito ay naging
usok na ito. She gave up. Wala na siyang magawa. Mukhang hindi na talaga
niya mahahawakan si Ash. Not that she's complaining, alam naman niyang
hindi talaga niya mahahawakan ang mga kamatayan pero. . .the fact that
one time she and Ash had a physical contact, may something. May dahilan
kung bakit nahawakan siya noon ni Ash.

Pero ano? Bakit? Paano? Is it a spell? A chant? Magic?

It pained
nahuhugot
niya, ang
kaya kung
something

her. Seeing Ash like this. Hindi niya alam kung saan niya
ang lungkot na nararamdaman para sa kamatayan. Basta ang alam
bigat sa pakiramdam. Anong feeling makalimutan ang lahat? Paano
kapamilya ni Ash ang kinukuha nito mismo? Will he feel
or wala talaga? Magkakaroon ba ng lukso ng dugo?

Will Ash feel something for his beloved? Naaalala kaya ng puso niya noong
tao pa lang siya ang hindi maalala ng utak niya ngayon bilang kamatayan?
Or wait. . . walang puso ang mga kamatayan. So. . .wala talaga? Para sa
kanila, balewala talaga ang lahat? Ang daming tanong. . . ang daming
kailangan na sagot ngunit walang kasagutan.

Nahiga si Ces sa tabi ni Ash at sabay silang nakatingin sa kisame.


Looking in her mind to ask things. Things she wants answers. Tanong ko
lang. . .

Binaling ni Ash ang tingin sa dalaga, ano?

May iba pa bang tao ang nagsakripisyo ng kaluluwa nila para sa isang
tao?

Bahagyang nagulat si Ash sa tanong ni Ces. Tumingin si Ces sa kamatayan,


asking for an answer. Kung totoong tao lang si Ash, siguro ay kinakabahan
ito. Itsura pa lang na para bang nakakita ng multo.

H-Hindi ko alam. . . mahinang sagot nito. Pero sa kaso ko, ikaw pa


lang. Ewan ko kay Boss. . .

Speaking of Boss, ibinalik ni Ces ang tingin sa kisame. Bakit siya


naging boss? Ganoon ba talaga siya kabata?

Tumawa ng kaunti si Ash na para bang nakarinig siya ng joke mula sa


dalaga.

Kasi siya ang pinaka makapangyarihan. . .at hindi niya totoong itsura
'yun. Walang nakakaalam ng totoo niyang itsura dahil hindi niya
pinapakita sa amin. Nasa kamatayan na ang desisyon kung ipapakita nila

So hindi mo talaga itsura 'yan? pagtataka ni Ces habang nakatingin kay


Ash. Lumutang si Ash patayo at tiningnan ng maigi si Ces. Puno ng mga
tanong ang mata ng dalaga. Puno ng mga tanong na walang sagot. Puno ng
mga tanong na kahit kailan, hindi pupwedeng masagot.

Mga bakit. Mga paano. Mga what if.

Sik-re-to, nakangiting sabi ni Ash.

Napanganga ng kaunti si Ces at bumangon mula sa pagkakahiga. Ang sama!


natatawa nitong pag aakusa sa kamatayan. Nagkwentuhan pa sila. Paiba-iba.
. .pero more on sa buhay. Sa kamatayan. Sa pagkamatay.

"Hindi ba ang mga kamatayan, kalansay? Ibang iba kayo sa alam naming
itsura niyo."

"Kasi, maraming make believe kayong mga tao. Marami kayong pinaniniwalaan
na half truth but almost all lie."

Napatitig lang si Ces panandalian kay Ash bago siya muling nagtanong.

Nagtatagalog ba talaga kayo? Ces asked out of curiosity.

Mabilis sumagot si Ash, hindi.

Pero. . .

Nagsasalita kami sa sarili naming lengwahe. Ang totoo n'yan, iba ang
sinasabi ko sa naririnig mo. Death Tongue. . . iba ang sinasabi namin,
pero lengwahe niyo ang naririnig niyo sa boses namin.

K-Kaya pala. . . ano talagang ginagawa mo? Kayo ba ang pumapatay sa mga
tao o kaluluwa lang?

Alam ko kung kailan ang oras ng mga tao, kung kailan kayo mawawala sa
mundo, pag-eexplain ni Ash. Pero hindi ko alam ang dahilan ng
pagkamatay.

Paanong hindi mo alam paano pero alam mo kung kailan?

Umupo ng maayos si Ash. Napatingin siya sa D-Get niyang hindi tumutunog.


Isang himalang wala siyang sinusundong kaluluwa ngayon.

Kasi taga sundo lang ang mga tulad kong Death Angel. Kabuuang kaluluwa
lang ang kinukuha ko. Sa'yo ang pinaka unang parsoul na kinuha ko. May
iba-iba kasing parte ng kaluluwa," sabi ni Ash. Ces looked at him.
Naghihintay ng susunod na explanation. "Pero masyadong kumplikado 'yung
soul kaya huwag na. Doon tayo sa ibang Death angel na ang trabaho ay ang
gumawa ng paraan sa pagkamatay ng tao. Sila madalas ang gumamit ng Death
Tongue para bumulong sa mga taong mamamatay na.

Hindi napigilan ni Ces ang pagtaas ng balahibo sa katawan. Knowing that a


Death Angel will do everything to kill someone? Thats weird. Mabuti na
lang at medyo tamer ang tulad ni Ash na Death Angel.

May iba namang Death Angel na nagbabantay sa mga kaluluwa ng tao. Parang
guardian angel. Sila ang kasama ng kaluluwa kapag binigyan ng pagkakataon
ang mga kaluluwa para magpaalam sa mga naiwan, pagpapaliwanag ni Ash.
May iba ring Death Angel na nagtatali ng kaluluwa ng tao sa ibang

katawan. Cycle. Dahil ang buhay, paulit-ulit lang. . . Pag may namamatay,
may nabubuhay.

Tumango tango si Ces. Knowing this makes her feel. . . better? Heavy in
the inside? Is knowing about the real thing is a good thing or not?

Lahat ng oras, paraan, tao. . . nasa listahan ni Boss. Siya ang nag
uutos sa amin. Kaya nga nagulat ako sa pakikipag usap mo sa kanya eh,
natatawang sabi ni Ash. Ang fierce.

Ngumiti si Ces ng kaunti. Ngayon lang din niya narealize ang pakikipag
usap niya kay Boss ay parang pakikipag usap kay Manager Lily. Mabuti na
lang at hindi siya sinampal ni Boss.

Sa kanya. . . kahit hindi mo pa oras pero gusto niyang kunin kaluluwa


mo, magagawa niya, patuloy na pagkwento ng kamatayan. Walang sabi-sabi.
Walang announcement. Pero sa ngayon, wala pa akong nababalitaang nilabag
niya ang schedule.

Tumango-tango si Ces hanggang sa matigilan siya sa sinabi ni Ash.

Mukhang sa'yo lang ang lalabagin niya, matalim ang tingin ng kamatayan
sa dalaga.

Napalunok si Ces at napahawak sa kanyang pilat sa may dibdib.


Pinakiramdaman niyang muli itowala nang sakit. . . pero nandoon pa rin
ito. Ngumiti si Ces at tiningnan si Ash.

Depende. . .pero siguro, hindi, tiwala sa sariling sagot ng dalaga.


Pwede mo naman akong pigilan, hindi ba?

Ngumiti si Ash, hindi, diretsong sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ni Ces. Kumabog panandalian ang puso niya sa
narinig. Ang dami na namang tanong ang bumuo sa utak niya. Ang daming
akalaakala niya ay okay na sila ni Ash. Akala niya ay parang magkaibigan
na sila. Magtutulungan. Magkakapitan.

A-Ash. . .

Hindi kami pwedeng makielam sa mga tao. Paparusahan kami, diretsong


sabi ni Ash. Tumingin ang kamatayan kay Ces, sa totoo lang, hindi dapat
mangyari itong pag-uusap natin.

B-Bakit?

Dahil ang dapat, hindi nag uusap ang isang kamatayan at ang isang tao.

TITIK! TITIK!

Sabay na napatingin ang dalawa sa D-Get na hawak ni Ash. Nakasilip ng


kaunti si Ces sa D-Get ngunit wala siyang naintindihan. Parang mga linya
lang ito na pinagsama-sama.

Anong nakalagay? Ces asked.

Nagkatinginan si Ash at Ces. Ash smiled.

Romero, Jus Alejandro G. Makati. 1991. Life ID: #RJA22M0CKA27PH

Details tungkol sa kukunin mong kaluluwa? pagtataka ni Ces.

Tumango si Ash. Pagkareceive ko nito, nakikita ko na rin sa mga mata ko


kung nasaan siya, sagot ni Ash. At doon ako lilitaw pagkaalis ko rito
sa kwarto mo.

So. . . Finoformulate ni Ces ang tanong sa kanyang isipan. Para


lumitaw ka sa isang lugar, kailangan mo munang makita sa mata mo 'yung
lugar na 'yon?

Automatic. Basta bigyan lang ako ng detalye. Minsan ibigay lang sa akin
ang life ID, alam ko na kaagad kung nasaan ang isang tao. Ganoon kaming
mga kamatayan, itong Life ID niyang #RJA22M0CKA27PH. May ibig sabihin,
pagturo ni Ash sa isang parte sa kanyang D-Get na hindi rin naintindihan
ni Ces. RJA initials ng may-ari ng kaluluwa. 22, araw kung kailan siya
pinanganak. M0, male at pure. Kapag naging 1 'yung 0, ibig sabihin pusong
babae. Kapag naging 2, bisexual, kapag 3, transgender at kung anu-ano
pa.

Tumango tango si Ces. Kahit papaano, nagegets niya ang Life ID na


sinasabi ni Ash.

CKA initial ng taong mabibigyan ng kaluluwa niya. 27, araw kung kailan
malilipat ang kaluluwa niya. PH Philippines.

All of a sudden, Ces wanted to ask her own. A-Anong Life ID ko?

TITIK! TITIK!

Napatingin muli si Ash sa kanyang D-Get at nanlaki ang mga mata nito.
Unti-unting tumingin si Ash kay Ces. May gustong sabihin ang kamatayan
ngunit hindi ito nagsasalita. Nanlalaki lang ang mga mata na siyang
nagpakaba ng todo kay Ces hanggang sa magsalita ito na nagpawala sa dugo
ng dalaga.

L-Life ID mo.

Pinakita ni Ash ang D-Get kay Ces ngunit walang naintindihan si Ces dito.
Kumabog ang kanyang dibdib, nanlalaki ang mga mata at tumataas ang
balahibo sa katawan.

This can't be. Nakaupo lang siya kasama ang kamatayan. . . nanlalamig.
Hindi pa siya ready. . .hindi pa siya handa. Ni hindi siya nagsabi na
mahal niya ang isang tao kaya bakit? Wala rin siyang nararamdamang
kakaiba. Paano mangyayari ito?

Pero ang sumunod na sabi ng kamatayan ang nagbigay ng hudyat sa lahat.

Oras mo na.

~ ~ ~
Author's Note:Ending na ata sa next chapter?
Walang katotohanan pinagsasasabi ni Ash. Baka bigla kayong maniwala.
Imagination ko lang po 'yan.
Dedicated to ExNiCrisostomoIbarra. Sobrang cute ng comment niya last
chapter. Ramdam niya 'yung pinapakita ko tungkol sa turing ng MyuSick kay
Ces. Ahihihihi, kyot. Thank you sa pagbabasa ng TTLS! :"> For her
comment, click external link.
Joke lang na ending na next chapter. Malayo pa :)

=================
39 // Doomed Death Destruction
"To love is to destroy, and that to be loved is to be the one
destroyed." Cassandra Clare

~ ~ ~

Ngiting ngiti si Ash--isang nakakalokong ngiti. Malawak. Abot hanggang


tenga. Nakangiti lang ang kamatayan sa kanyang harap. Ngiting malapit
nang matawa.

Nanlalaki ang mga mata ni Ces sa narinig at sa ngiti ni Ash. Nag sink in
nasa kanya ang sinabi ng kamatayan. As it was sinking in, it was hurting
her. The fact that Ash said is burning her life.

Hindi pwede. . . hindi pwede. Paulit ulit na sabi ng dalaga sa sarili.

Nagkatitigan sila Ash at Ces at unti-unting nawala ang mga masayang ngiti
ni Ash sa labi. Walang kumikibo. Nakaupo. Magkatapat. Walang nagsasalita.
Walang nararamdamang kakaiba si Ces ngunit paulit ulit sinisigaw ng
kanyang utak na ayaw pa niya. . . hindi pa siya handang mamamatay.

Not now. Not yet.

Sa pagtitig ni Ces kay Ash, unti-unting lumapit ang mukha ng kamatayan sa


kanya. Theres something with Ashs eyes. Something familiar, something
close to her heart. To her soul. Those eyes. . . na ngayon lang niya
natitigan nang malapitan. Hindi siya makaiwas lalo na't mula sa magaganda
at maitim nitong mga mata ay nagliliwanag ito at nagiging pula.

Hinihigop siya ng tingin nito.

A-Auie, when Ash said that unfamiliar yet very close to her word,
bumilis ang tibok ng puso ni Ces.

Ito na ba ang katapusan niya? Ito na ba ang katapusan nang lahat? She was
ready before but now, shes far from ready.

Gusto pa niyang maexperience kung paano mabuhay. Kung paano mabuhay ng


totoo.

Hindi siya makagalaw. She tried but failed. Its as if someones


hindering her to move. Tulad nang nangyari sa kanya noong una niyang

nakita ang kamatayang nasa harapan niya. Is Ash. . . stopping her from
moving? Is death stopping her to escape?

Hindi na ba siya makakaligtas sa kamatayan?

She couldnt blink. She couldnt open her mouth. She couldnt move.

Hindi ko n. . ., she heard death whispered.

Papalapit lang nang papalapit ang mukha ni Ash sa kanya. Gusto niyang
lumayo pero may something sa kanya na ayaw din niya. Not sure if its
because Ash is controlling her body o dahil gusto rin ito ng kanyang
katawan.

When their lips was about to almost touch, Ash froze. His eyes widen with
shock. Hindi pa rin makagalaw si Ces kaya kitang kita niya ang maliliit
na kuryenteng tumutusok sa mukha ng kamatayang nasa harapan niya.

A-Anong nangyayari? She asked herself, hoping to get an answer ngunit


hindi siya makapagsalita. Hindi siya naririnig. Walang kasagutan sa
kanyang tanong.

Ash winced. Nagulat si Ces nang biglang tumalsik si Ash palayo sa kanya.
In the middle of the air, Ashs face facing upward, looking hurt. His
skin is turning gray. Diretso ang buong katawan nito pati ang kamay na
halos mamilipit na. Kitang kita sa mukha ng kamatayan ang paghihirap, ang
sakit, ang hinagpis ng kung ano mang nangyayari rito. Nagsilitawan na ang
ugat sa leeg at kamay nito. Mga mga maliliit at malalaking kuryenteng
bumabalot sa katawan nito.

N-Nag. . . Nagjo-joke. . . Ash whispered. L-Lang. . . hes in pain.


Someone or something is making him suffer. A-Ako. . .B-Bo. . .ss.

Joke? This is a joke? Pero anong nakakatawa kung joke ito? Ganito ba
magjoke ang mga kamatayan? Death Jokes? Nakakamatay na joke?

Tumingin si Ash kay Ces, isang mata lang ang nakabukas. Kitang kita sa
mata nito ang sakit na nararamdaman. Lumiliwanag ito ng kulay pula,
sobrang pula. . .

Kinilabutan si Ces sa itsura ni Ash. Hindi pa rin siya makapagsalita at


makalagaw. Gusto niyang tumulong, gusto niyang puntahan si Ash ngunit
wala siyang magawa.

H-Hindi. . .ka. . . hindi mo. . p-pa oras. N-Nagb-biro . . . lang a-ako,


ma-maging masaya k-ka hingal na sabi ni Ash. A-Auie, he continued as
he vanished.

Pagkawala ni Ash, naramdaman ni Ces na nasa kanya na ang command sa


katawan niya. She looked at where Ash left off. Nanlalaki ang mga mata. .
. nagtataka hanggang sa mapahawak siya sa kanyang dibdib upang pahupain
ang nagwawala niyang puso.

A-Anong nangyari. . . Ash.

* * *

Hindi na muling nagpakita si Ash kay Ces after that incident. Its been a
week of hard practice and a lot of photoshoots pero wala pa rin si Ash.
Tanging nagtatanggal lang sa isip ni Ces ang tungkol sa nangyari sa
kamatayan ay ang banda.
Mystery texter continued to text the usual good mornings and good nights.
Pitch is still quiet with some Hellos and Good Mornings. Note and Melo
are the same goofy guys and Lyric is somewhat. . .uh, shy.

Everythings perfectly fine and It was . . . scary.

Lunes, after practice, binungad ng ngiti ni Manager Lily ang buong banda
na nagpapractice for recording nila ng fifth song para sa kanilang album
na ilalaunch before their concert. She was smiley. And it was scary.
MyuSick were scared. So scared.

B-Bakit siya nakangiti ng ganyan? natatarantang bulong ni Melo kay


Pitch. Kumapit pa ito sa braso ng drummer kaya nabatukan siya ng wala sa
oras.

Huwag po Manager! Biglang sigaw ni Note. Nakaharang ang kanyang


dalawang braso paekis sa kanyang mukha na parang kumakanta ng Di Ko
Kayang Tanggapin by April Boy Regino. Bata pa akoAray! napahawak si
Note sa kanyang noo nang ibato ni Manager ang hawak na ballpen sa binata.

Anong pinagsasasabi mo? nakakunot noong tanong ni Manager Lily.

Nagulat naman ang lahat nang magsalita si Pitch, for the first time, this
day.

Ang creepy daw ng mukha mo, diretso nitong sabi.

Napatingin ang buong banda kay Pitch na nakatayo lang at nakatingin ng


diretso kay Lily. Ramdam na ramdam ang tension sa tingin ng MyuSick.
Napabuntong hininga si Lily at inialis ang ngiti sa labi.

Okay then, this coming Saturday, at your school. Sabi ni Manager Lily
with a straight face. Ces at Lyric, kayo lang ang pupunta.

Yes! kaagad na pagsasaya nila Note at Melo.

Ha? Bakit kami lang? pagtataka ni Lyric. Nagkatinginan pa ang dalawang


bokalista, as if the answer is right infront of their eyes. . . pero wala
naman.

Tiningnan ng masama ni Manager Lily ang dalawang maingay na gitarista.


Huwag kayong magsaya, lilinisin niyo 'tong buong bahay.

ANO?!

Ibinaling ni Manager Lily ang tingin sa dalawang bokalista habang


nagwawala ang dalawang gitarista. Nagmamakaawa. Halos lumuhod na sa harap
ng Manager para lang huwag silang paglinisin.

Bakit kayo? taas kilay nitong sabi. Tandaan niyong hindi kayo sumipot
sa isang gig natin.

Napabuntong hininga ang dalawa. Wala na rin naman silang magagawa. After
all, kasalanan din nila na nagpunta silang 7eleven. Well, atleast they
made someone happy for that night.

* * *

Lyric started strumming. . . then he started singing, which made Ces


stare at Lyrics face. Kung paano ito tumipa, kung paano magstrum ang mga
kamay nito. Ang ulo nitong sumasabay sa tempo ng musika. . . ang lahat.
Pansin na pansin niya ang lahat.

Waiting for your call, I'm sick, call I'm angrycall I'm desperate for
your voiceListening to the song we used to singIn the car, do you
remember

It was Manager Lilys choice. . .the music, that is. Gusto niya raw kasi
ang mellow approach, maiba lang.

Butterfly, Early SummerIt's playing on repeat, Just like when we


would meetLike when we would meet

Nang malapit na magchorus, nagkatinginan sila Lyric at Ces pero kaagad


inalis ng dalaga ang tingin.

Cause I was born to tell you

Their voices were the perfect blend but Ces stopped. She couldnt say it.
No. . . no freaking way. Not now. Never. Masaya na siya sa buhay niya
ngayon. . . hindi niya pwedeng sabihin ito. Kahit sa kanta pa.

I love you. . . Lyric stopped from singing and strumming.

Natigilan si Lyric sa biglang pagtigil ni Ces sa pagkanta.

Napahawak nang mahigpit si Ces sa kanyang damit. Not knowing how to


answer Lyric kung magtatanong man ito. Hindi naman niya pwedeng sabihin
na bawal siyang magsabi ng I love you sa isang taong mahal niya kung
hindi, kukunin na ang kaluluwa niya ng Death God, hindi ba?

Sureball na tatawa lang si Lyric doon or worse, ipadala na siya sa


mental.

Hindi niya sigurado kung kasama ang kanta, ang lyrics or what sa
kasunduan nila ni Boss pero better be safe than be dead, right?

Hinawakan ni Lyric si Ces sa balikat. Pagbaling niya sa binata,


nakaramdam siya ng calmness sa tingin nito.

Kinakabahan ka?

Kinakabahan nga ba? Hindi rin niya alam. . . Bumuntong hininga si Ces.
M-Medyo.

Ngumiti si Lyric na nagpabilis sa tibok ng puso ng dalaga. Theres


something in Lyrics smile na nagpapabilis ng pagtakbo ng kanyang puso.
Nangangarera. Nagpapalpitate. Hindi mapakali. Siguro dahil ang sweet ng
ngiti nito? Siguro. Oo, 'yun nga. Yun lang.

Bakit ka naman kakabahan? pagtataka ng binata. Nakakunot ang noo. Medyo


nakasimangot na nagpapacute.

Umiling si Ces. Hindi ko rin alam. Dahil sa buhay ko?

Pinisil ni Lyric ang balikat ng dalaga, huwag ka mag alala. Kasama mo


lang ako.

Napatitig si Ces sa mukha ni Lyric. Ngayon lang niya natitigan muli ang
mukha ni Lyric. Kalmado. Childish yet matured. Strong yet charming.
Sobrang contradicting. . .siguro dumedepende rin kung ano ang ugali ng
binata sa kung paano ang magiging itsura at aura nito.

Instead of being calm, Lyrics presence beside her made her heart pump
severely. Halos ikamatay na niya ang bawat bilis ng pintig ng kanyang
puso. She tried to calm down pero hindi niya magawa. It was his hug. . .
doon nagsimula ito.

Sa yakap ni Lyric noong may sasabihin dapat ito sa Rizal noon.

Siguro ay hindi pa rin masyadong nagsisink in sa kanya ang ginawa ng


binata. They were not that close. Not that close to the point na yayakap
sa kanya ito pero they were close enough for that hug moment to happen.
Magulo. Ewan.

Basta magulo. . .parang puso ni Ces ngayon. Ang gulo. . . nagwawala.


Natatakot. Dahil lang sa isang ngiti, tingin at encouragement ng kapwa
bokalista.

Second day of practice, nauna si Ces sa band room. She tried continuing
the song. . . nag sabi rin siya na hindi niya kakantahin ang parteng
chorus na iyon. . .made her own reason na kinagat naman ni Lyric.

Ces imagined the strumming of guitar beside her with Lyric singing.
Inaalam niya ang kanyang timing, kung saan siya papasok, saan mas mataas
ang boses niya at saan mas mahina.

Tintatry niya rin mag gitara when all of a sudden, nagulat siya nang
hawakan siya ni Lyric sa balikat. Hindi niya nahalata ang pagpasok ng
binata. Siguro ay napa-into the music siya kani-kanina.

M-May. . . para sa'yo ata 'to? hindi siguradong sabi ni Lyric. Nagtaka
si Ces at nang tingnan niya kung ano ang ibinibigay sa kanya ni Lyric,
nanlaki ang mga mata ng dalaga.

Kinuha kaagad ni Ces ang pink na papel sa Saan mo nakuha 'to?

Napakunot panandalian ang noo ni Lyric. Nagtataka sa biglang tanong ng


dalaga.

Ah, ano. . . Nagkamot ng batok si Lyric at naupo. Tumingin ito sa


paligid bago pinagpatuloy ang sasabihin, sa may gate. May nagdoorbell e

Sinong nagdoorbell? kaagad na tanong ni Ces.

H-Hindi ko al

Wala akong narinig na doorbell kanina, diretso nitong sabi, cutting


Lyric off. Hindi mapakali si Ces. Kinuha niya ang kanyang cellphone at
nagulat siya nang may nareceive siyang isang text. Galing kay Mystery
Texter.

I want you to know something.Read my letter.

Napatingin si Ces kay Lyric. Diretso lang ang mukha ni Lyric, walang
emosyon.

Sinong nagbigay nito, Lyric? halos may pagmamakaawa na sa boses ng


dalaga.

Tumingin sa gilid si Lyric at yumuko, s-sorry. Hindi ko alam. . .


mahina nitong sabi.

Excited na binuksan ni Ces ang pink paper na kanyang hawak.

It has been 6 yearssince the day I fell in love with youPauline


Flores,and up to this point.Im still crazy in love with you.

Napaupo si Ces sa nabasa. Nanginig ang kanyang mga kamay at pakiramdam


niya ay nanghina ang kanyang katawan. It was scary. . . the letter was
scary. Hindi niya akalain na ang mga linyang nagpapakilig sa kanya noon
ang tatakot sa kanya ngayon.

She looked at Lyric. Nakatingin sa kanya ang binata. Pinagmamasdan ang


bawat galaw niya nang maigi. She felt awkward. . . and scared. . . and
clueless. Who the hell is Mystery Guy? She wants to know. She wants to
talk to him. . .

And make him stop.

Before that guy break the wall in Ces heart.

Sobrang delikado.

A-Anong sabi? tanong ng binata.

Ces smiled faintly. W-Wala, hindi naman importante.

Napansin ni Ces ang pagbagsak ng balikat ni Lyric. Tumayo ito at ngumiti


sa dalaga.

May kukunin lang ako, sabi nito sabay alis, hindi na inantay ang
pagtango ni Ces.

Napatingin lang si Ces kay Lyric hanggang sa tuluyan na itong umalis.


Muling napatingin si Ces sa hawak na papel. Hindi pa rin mapakali ang
kanyang puso.

Hindi pwede. . . hinawakan ni Ces ang pilat sa kanyang dibdib. Ramdam


na ramdam niya ang simbolong nakaukit sa kanyang balat. Ang simbolo ng
ugnayan niya sa Death God. Hindi ito pwede, she told herself . . . as
she whisper it to her heart.

* * *

Ang swerte nga naman ni Ces. . . not.

When the fated day arrived, pagkapasok ni Ces sa loob ng school ground
kasama ang kapwa bokalista na si Lyric, ang ilang staff ng media na

magkocover sa kanilang pagkantaunang tumambad sa kanya ay ang taong


nagpapahirap sa kanya. Nakatingin sa kanila. Nakangisi.

Kung hindi dahil sa lalaking iyon, hindi siya matatakot ng ganito. . .


pero bakit nga ba siya matatakot? Is she in love?

Of course not.

Hindi na lang nila pinansin ang pagngisi ng nakakalokong mukha ni Lyle at


nagpunta ang buong set sa backstage ng activity area. Nag aayos ang lahat
at pati ang stage ay inaayos na rin para sa dalawang bokalista ng
MyuSick. Namangha nga sila Ces at Lyric dahil pagdating din nila ay may
tarpaulin sa labas ng school na may mukha nila.

Ang proud ng school nila sa kanila ah, infairness.

Mag isa si Ces sa backstage habang nag aayos ng mga gamit dahil ang media
ay nagseset up somewhere habang si Lyric naman ay may inaasikaso rin.
Sila lang ang nasa school dahil naglilinis ng bahay sila Melo at Note
samantalang MIA naman si Pitch. Si Manager Lily ay maraming inaasikaso
para sa concert nila soon.

Nakaupo lang siya habang nag papractice ng vocals nang magulat siya sa
biglang pagtakip ng kanyang mata ng isang pares ng kamay. Napahawak siya
sa kamay na ito at nakaramdam siya ng kaba dahil alam na alam niya ang
mga kamay na iyon.

Pinalakad siya ng tao sa kanyang likod. . . wala siyang magawa kung hindi
sumunod. Naglakad lang siya habang ginaguide siya ng taong nasa likuran
niya hanggang sa magsalita ito. . .na nagbigay ng kasiguraduhan sa utak
niyang nagugulo na naman.

Princess. . .

Si Lyle. . . ang boses ni Lyle. Na naman.

Inialis ni Lyle ang kamay nito na nakatakip sa paningin ng dalaga.


Napatingin siya sa paligid at nakita niyang nasa gitna sila ng ground.
Hinawakan ni Lyle ang dalawang balikat ni Ces at iniharap sa sarili. Ces
stiffened. Everything came back. . .

Ang lahat nang pinaghihirapan niyang kalimutan, walang paghihirap na


bumalik kaagad. Hindi man lahat. . . kalahati nito ay bumabalik. Naaamoy
na naman niya ang pabango nito na naghahalo sa amoy ng sigarilyo which
made this guy in front of her manlier. Napansin ulit niya ang dalawang
nunal ng binata sa may baba nito. Ang mga mata nitong nang aakit. .
.lahat. Lahat-lahat.

Lyle smiled when he noticed that Ces was dumbfounded.

Missed me? he asked.

Napapikit si Ces at tila ba binuhusan siya ng malamig na tubig nang


marealize niyang hindi ito tama. Ang mapalapit physically sa taong
kinakalimutan ay hindi dapat mangyari dahil siguradong magkakaroon na
naman ng attraction. . . ng longing. . . ng love?

L-Lyle. . . Tama na.

Itinulak ni Ces si Lyle para lumayo ang binata sa kanya. Natawa si Lyle
dahil hindi naman siya natulak, parang hangin lang.

Dont push me away. I know you want me near you, mahinang bulong ni
Lyle sa tenga ng dalaga na nagpakilabot sa buong katawan ng dalaga.

Hinawakan ni Lyle ang magkabilang kamay niya na nagpahina sa katawan ni


Ces. Lyle intertwined his fingers with hers. Ces felt the tingling
feeling inside of her. Namiss niya ito. . . sobra.

Lalong napangiti si Lyle sa nakikita nitong reaksyon ng dalaga. He looked


somewhere at lalong lumawak ang ngisi sa labi nito. Inilapit ni Lyle ang
kanyang mukha sa dalaga, only inches apart which each other.

You love me, right? Say it. . .you love me, yes? Lyle asked. He looked
at Ces lovingly with longing in his eyes. I love you, he said.
Provoking her.

I. . . bago pa siya makapagsalita, nanlaki kaagad ang kanyang mata nang


maramdaman niya ang matamis na halik ng kanyang prinsipe. Nagbalik ang
lahat sa kanyang katawan. Nawala ang galit na nararamdaman niya. Ganoon
kadali. Ganoon kagago. Ganoon siya kahina.

Nang kumalas si Lyle sa halik, he smiled at her lips. Hanggang ngayon,


tanga ka pa rin.

Natigilan si Ces sa narinig. Nabuhusan siya nang malamig na tubig sa


kanyang kokote. Napatitig siya sa mga mata ni Lyle at nagulat siya nang
nakatingin ito sa kanya ng may pandidiri. Panggalaiti. Pagkaasar.

A-Anon. . .

Masabihan ka lang na mahal ka ng tao, naniniwala ka kaagad? Kahinaan


'yan ng mga babaeng katulad mo. . . sabi ni Lyle nang lumayo ito kay
Ces. Nagbago nga itsura mo, tanga ka pa rin, natatawa nitong sabi.
Sino sa atin ngayon ang walang kwenta, Pauline Ces Flores?

Tangina mo Lyle! kaagad na sumugod si Lyric at inilapat ang nag iinit


na kamao sa pagmumukha ng pinaka paksyet na lalaki sa buong mundo.

Napaupo si Lyle sa lupa. Shit!

Lyric!

Nanlaki ang mga mata ni Ces sa nakitang pagsuntok ni Lyric kay Lyle.
Hindi pa nakakatayong muli si Lyle ay inambagan ulit ng bokalista ang
kawawa ngunit gwapong mukha ni Lyle.

Hinawakan ni Lyric ang colar ng damit ng nakahiga na Lyle sa lupa.


Nanlilisik ang mga mata ng bokalista. Kung nakakamatay lang ang tingin ay
siguradong nakabaon na sa lupa si Lyle.

Ano ba talagang problema mo, ha?! nanggalaiti nitong sabi.

Natawa si Lyle kahit na mukhang nasaktan ito sa pagtawa. His face was
damaged dahil sa suntok na ibinigay sa kanya ni Lyric. Ikaw. . .
mahinahon nitong sabi. Kayo. Mga putangina, kayo problema ko.

Hinawakan ni Ces si Lyric, pinipigilan ang pagsuntok nito dahil marami


nang nakakakita nang pangyayari. She looked around. May mga taong
nakatingin, nanonood, mga hawak ang cellphone at nakatutok sa kanila ang
camera nito.

Tama na Lyric. . .

Lalong hinigpitan ni Lyric ang pagkwelyo sa dating kaibigan. Gusto niyang


suntukin ulit si Lyle ngunit nakangiti lang ito na para bang nanggagago.
. . nakangiti lang ito na para bang okay lang sa kanya na masuntok siya
nang masuntok.

Bakit ba, Lyle? mahinahon na tanong ni Lyric. "Bakit ka ba ganito?"

Ayaw kong maging masaya kayo. . . nakangisi nitong sabi. At para


malaman mong ako ang mahal ng iniingatan mong prinsesa.

Sa huling sinabi ni Lyle ay nakatanggap ito muli ng hagupit ng kamao ni


Lyric. Hindi tumigil si Lyric at hindi rin tumigil sa pagngiti si Lyle.
Hindi iniinda ni Lyle ang mga sakit ng suntok ni Lyric.

It was all Lyle getting hurt and Lyric hitting Lyle hanggang sa maging
headline na sa lahat ng dyaryo, online news websites at chismis blogs
kinabukasan ang. . .

LYRIC YUE OF MYUSICK, WILL HE BE FOREVER DOOMED?Like a mad man (maybe on


drugs), Lyric Yue (22) will be suspended in National TV for the next six
months due to hitting the helpless Lyle Yuzon (22) in the prestigious
(school) last (date). See pg7.

~ ~ ~
Author's Note:Please, pakitama ang aking grammar. Medyo sabog. Antok.
Tulog na ang utak ko (2am na) kaya baka may mga mali akong grammar or mga
typos. Pakisabi lang, thanks. THANK YOU RIN SA WALANG SAWANG PAGBABASA NG
TTLS. Grabe, 400k reads na! Tinalo niya ang AFGITMOLFM (kung ikukumpara
sa On-going period thingy hahaha!) :">
This chapter is dedicated to sheynefff dahil sobrang natuwa ako sa
comment niyang sobrang malaman. Binola rin niya ako in the process kaya
natuwa ako lalo! Hahahaha! De kasi kahit na parang ngayon ko lang siya
nakita sa comment (yung UN at profile pic niya hindi po pamilyar sa akin,
parang last chap lang ata siya nagcomment) eh natuwa pa rin ako sa
comment niya. Hi, salamat sa iyong mga observations ;) External link to
read her comment

=================
40 // Prince Charming in Disguise
"Women do not need a knight in shining armor or a Prince Charming to come
to their rescue." Bryant McGill

~ ~ ~

Philippines Trends
Lyric and
Lyle#G2BRayneAndDJPadilla4everAndEver#KeepCalmAndIgnoreLyleLyCitizen#TTLS
MyuSick#BooMyuSick#RespectLyle#MentionSomeoneKyotwattpad

Lyle Forever @LyCitizenla tlgang mgwa sa lyf yng lryics na yn bka ingit
dhil sikat c Lyle! Eh sya? Sino ba
sya? #BooMyuSick #RespectLyle #HaterAkoNiLyrics
1,864 Retweets 10,283 Favorites

MyuSickIS @Myu_Sick_FansDear @LyCitizen please get your facts straight.


Bago niyo awayin si Lyric, alamin niyo muna spelling ng name
niya! #Eww #DiMarunongMagspell
2,003 Retweets 10,138 Favorites

Lyle Forever @LyCitizenDear @Myu_Sick_Fans, y ang hba ng UN niyo? Sayang


kau sa spce pls shut up di nman gwapo ang Myusick kumpara kay Lyle
pic.twitter.com/8TLGun2R7O
3,084 Retweets 18,520 Favorites

MyuSickIS @Myu_Sick_FansExcuse us, @LyCitizen prng wala naman ata sa


usapan ang UN namin at ang kagwapuhan kuno ng Lyle niyo. Kagwapuhan ni
Lyle? #NonExistent
956 Retweets 1,274 Favorites

Lyle Forever @LyCitizenWell, excuse you @Myu_Sick_Fans! Drugaddict lng


yng iniidolo niyo eh #Eww #BooMyuSick #RespectLyle
2,844 Retweets 5,082 Favorites

MyuSickIS @Myu_Sick_Fans@LyCitizen waw! Alam niyo ba ung kwento? La


kayong

kwenta. #DontRespectLyle #KeepCalmAndIgnoreLyle #MyuSickForever #SupportL


yric
3,777 Retweets 9,934 Favorites

Lyle Forever @LyCitizenMas kau wlang kwenta @Myu_Sick_Fans! look niyo


bilang ng followers niyo. Kami 500k nlang 2M na kayo gagapang plang pa
1m! #Eww #HindiSikat
8,088 Retweets 15,283 Favorites

MyuSickIS @Myu_Sick_FansWag tanga @LyCitizen hindi kami official


twitter. Try looking at @MyuSick_PHOfficial para maiyak kayo sa inggit.
9,364 Retweets 20,263 Favorites

Lyle Forever @LyCitizen@Myu_Sick_Fans @MyuSick_PHOfficial La kming pake


sa 7m mga paksyet kayo!! Atleast smen effortless ang pagkasikat. Tse!
7,187 Retweets 9,260 Favorites

@MyuSick_PHOfficial@LyCitizen @Myu_Sick_Fans Guys, okay lang kung tumigil


kayo? Medyo ipakita naman nating edukado tayo. Huwag niyo palakihin ang
gulo. Salamat. Love
43,463 Retweets 79,553 Favorites

MAKEPEACENOTWAR
@Myusick_is_Love@MyuSick_PHOfficial @LyCitizen @Myu_Sick_Fans oo nga!
Lets stop this. #MakePeaceNotWar
13,202 Retweets 27,022 Favorites

LYLE FOH LAYF @Lylers@Myusick_is_Love @MyuSick_PHOfficial


@LyCitizen @Myu_Sick_Fans stop na po. Medyo baha na newsfeed eh TT ^ TT
13,202 Retweets 24,079 Favorites

Follow me! @akosirayne@Lylers @Myusick_is_Love @MyuSick_PHOfficial


@LyCitizen @Myu_Sick_Fans Hi po! Pafollow naman po ako, thanks! :)

Asawa ni DJ Padilla @Rayne_P@akosirayne, nice. Medyo panira ka moment.


Hahahaha! #EpicPeopleAreEpic #Fail #G2BRayneAndDJPadilla4everAndEver

Follow me! @akosirayne@Rayne_P ha? Bakit po? Newbie lang po kasi ako sa
twitter. Please follow me po. tnx :)

View more in conversation

* * *

Twitter. Facebook. Yahoo. Local and International news.

Kahit saan tumingin. . .magbasa. . . laging ito ang topic.

Lyle and Lyric. Lyric and Lyle.

What were you thinking?! Bulalas ni Lily nang umuwi ito kaagad from
Macau dahil sa nabalitaan niyang insidente. Naiinis. Naaasar. Naiirita.
Nagtataka. Ito ang mga nararamdamang aura ng MyuSick sa secret haven ni
Lily. MyuSick meeting ang tawag dito. . .or Lily and Lyric confrontation
sa gabing ito.

Ikinuyom ni Lyric ang kanyang kamao. Sumusobra na siya.

Tiningnan ni Lily si Lyric nang matalim na para bang kaunti na lang ay


hihiwain na niya ang bokalista sa gitna. Sumosobra na siya? natawang
sabi ni Lily. "So you decided to just beat the fuck out of him in front
of other people? I thought youre mature enough para hindi patulan ang
pagkaimmature ni Lyle.

Talakamak sa internet ang nangyari kanila Lyric and Lyle. Nandoon ang mga
youtube videos na nagvideo sa pagsuntok ni Lyric kay Lyle. Ang mga
pictures na kitang kita ang mga mukha nila na wala na sa katinuan
maraming commentsmaraming likes and dislikesmaraming shares. Sobrang
kalat.

Lyric clenched his jaw. Pabalik balik ang tingin ng buong banda kanila
Lyric at Manager Lily na nagpapalitan ng mga salita.

Alam niyang siya ang dahilan kung bakit nagkaganito. Siya ang dahilan
kung bakit naagrabyado si Lyric. Siya ang dahilan kung bakit galit na
galit si Manager Lily. Siya ang dahilan ng lahat. . .dahil sa katangahan
niya. Sa kahinaan. Sa kalokohan.

Tumayo si Lyric at huminga ng malalim. Paalis na sana siya sa haven nang


hawakan siya ng mahigpit ni Lily. Halos mapangiwi na dahil bumabaon na
ang mga kuko nito sa binata.

And where do you think youre going? iritableng sabi ni Lily.

Huminga ulit si Lyric nang malalim. Matutulog, mahinang sabi ng binata.

Nagpintig ang tainga ni Manager Lily sa narinig. This is not the right
time to sleep. This is an important matter. You will not sleep until I
say so! pasigaw na utos ni Lily.

Nilingon ni Lyric ang kanilang Manager at nang magtama ang kanilang


tingin, Melo and Note felt scared. Nagsusukatan ng tingin ang dalawa.
Para bang may kuryenteng naglalaban sa pagitan ng kanilang mga tingin.

Alam mo Manager Lily, mahina ngunit pagalit na sabi ni Lyric. Hindi


naman magiging immature 'yang kapatid mo kung sinabi mo na lang sa kanya
ang lahat! Eh di sana hindi siya nagpapapansi

Gago ka!

Nagulat ang lahat nang biglang tumama ang kamao ni Manager Lily sa mukha
ni Lyric. Kahit si Lyric ay nagulat sa pagsuntok sa kanya ng Manager
nila. Hinawakan niya ang kanyang pisngi at napangisi.

Totoo naman, di ba? mahinang tanong ng binata.

Nang aakmain ulit ni Manager Lily na suntukin si Lyric, hinawakan siya


kaagad ni Note. Kahit si Melo ay hinarangan si Lyric upang makalayo kay
Manager.

Nagulat ang lahat nang tumulo ang mga luha ni Manager Lily. It was the
first time they saw her tears. Walang alam ang lahat tungkol sa
pinagdadaanan ni Manager. Kahit si Lyric ay kaunti lang ang alam
samantalang ang iba ay clueless talaga.

Dont you dare!

It was the last thing that Lyric heard from Lily nang gabing 'yun dahil
kaagad itong umakyat at nagkulong sa kwarto. Pinaalis ni Manager Lily
sila Pitch, Note, Ces at Melo sa haven nito. Tahimik ang apat na naupo sa
living area. Hindi man halata kay Pitch, nag aalala rin siya sa
nangyayari. Hindi rin mapakali si Melo at si Note naman ay parang may
iniisip na malalim habang nakatitig sa cellphone nito.

Ilang sandali lang ay may nagdoorbell. Gabing gabi na ngunit may taong
natripan mag doorbell para cool. Patayo na sana si Ces nang hawakan siya
ni Note sa braso at matalim na tumingin sa dalaga.

Ako na.

Napatitig si Ces kay Note dahil for a split second, nakaramdam ng takot
ang dalaga sa tingin ni Note. Sobrang seryoso. Is Note waiting for that
doorbell to happen? Kaagad tumakbos si Note palabas.

Nagkatinginan sila Ces at Melo sa inakto ng kabanda ngunit mas natutulala


sila sa nangyari at pwedeng mangyari. What will happen now? Parehas na
stressed ang Manager at vocalist. Parehas na galit ang dalawa at mukhang
malayong magkabati.

Hindi mapakali si Ces sa nangyari. Nagbalik na silang lahat sa kwarto at


tahimik ang lahat. Walang nagsasalita. Walang kumikibo. Wala siyang
naririnig na kwentuhan nila Melo at Note sa kabilang kwarto. Wala siyang
naririnig na pagtugtog sa gitara. Wala lahat.

And this is all her fault.

Bumangon siya sa kanyang kama, lumabas ng kwarto at nanlalamig ang


dalawang palad na kumatok sa kwarto ni Lyric. Walang nagsasalita sa loob
ngunit hindi siya tumigil sa pagkatok. Alam niyang gising si Lyric. . .
alam niyang marami itong iniisip. Marahil ay sinisisi siya nito sa
nangyayari or sinisisi ni Lyric ang sarili sa nangyayari.

Lyric. . . bulong ni Ces. P-Pwede ba kitan

Hindi pa natatapos ang kanyang sasabihin nang magbukas ang pintuan ng


kwarto ni Lyric at bumungad sa kanya ang binata. Gustong maiyak ni Ces
dahil ilang oras lang ang nakalipas ay mukha nang stressed si Lyric.
Malaki na ang eyebags nitohindi sigurado ng dalaga kung dahil ba ito sa
pag iyak o kung ano man. Mukhang lutang din si Lyric at nawala ang kintab
sa mga mata ng binata.

He looks. . .nothing like Lyric. Far from the guy who always save her.
Far from her savior. . .from her knight in shining armor.

L-Lyric. . . Nakita ni Ces na may isang luhang kumawala sa mata ni


Lyric. Kaagad itong pinunasan ng binata ngunit kitang kita ni Ces ang
lungkot sa binata. Walang magawa si Ces kung hindi ang yakapin si Lyric.

Maybe to ease his pain. May to be a shoulder to cry on. Basta, sa ngayon
nNasasaktan si Ces na makita ng ganito ka fragile si Lyric nang dahil sa
kagagawan niya at ito lang sa ngayon ang magagawa niya para paagaanin ang
loob ni Lyric. Sana. . . Sana.

Ce

Ibinaon ni Ces ang kanyang mukha sa dibdib ng binata kaya rinig na rinig
niya ang mabilis na pagkabog ng puso ni Lyric.

Sorry, mahinang sabi niya. Sorry. . . Sorry Lyric, pag ulit ng


dalaga. Sorry, mahigpit na niyakap ni Ces ang binata. Hindi niya
naramdaman ang pagbalik ng yakap ni Lyric. Napangiti siya sa realization
na galit sa kanya si Lyric ngunit nagulat siya nang maramdaman niyang nag
iinit na ang kanyang mga mata at nagsimula nang umiyak.

Nakakatawa lang dahil hindi naman siya ang naagrabyado ngunit siya ang
umiiyak. Napaka hina niyakahit pala ilang buwan na ang nakaraan, mahina
pa rin siya. Kahit gaano pa niya pilitin ang sarili para magbago, hindi
pa rin pala pwede.

All she wanted to have is happinesskung kailan malapit na niyang makuha


magsaya, kinukuha naman niya ang kasiyahan ng ibang taong malapit sa
kanya. Ngayon, dalawa sa tumulong sa kanya ang magkagalit, ang
nasasaktan. . . ang kumukuha ng pasakit.

Mahal mo pa rin ba si Lyle?

Natigilan si Ces nang marinig niya ang tanong ni Lyric. Ramdam pa rin
niya ang bilis ng tibok ng puso ni Lyric na sinasabayan ng mabilis na
tibok ng kanyang puso.

H-Hindi ko alam. . .

Nagulat si Ces nang hawakan ni Lyric ang dalawang balikat niya at inilayo
sa katawan nito. Nagkatitigan ang dalawanamumula ang mga mata ni Lyric
na para bang nagbabadya na namang maluha habang patuloy lang ang pagtulo
ng luha ni Ces.

Wala na siya sa tama, mariing sabi ni Lyric. Gustong iiwas ni Ces ang
tingin sa binata ngunit hindi niya magawa. May kung anong bagay ang
pumipilit sa kanya upang tumitig sa mga mata nito. Sa mga mata nitong
nagsusumamo sa kanyang pagtingin. Huwag ka nang magpakatanga sa kanya,
niyakap ni Lyric si Ces nang mahigpit. Pakiusap. Maagh, t-tama na Ces.

Nag unahan na naman ang mga luha ni Ces sa pagbagsak. S-Sorry. . .

* * *

Isang linggo na ang nakalipas. Wala pa ring kibuan sila Manager Lily at
Lyric. Pinipilit maging masaya nila Note at Melo ngunit ramdam na ramdam
sa buong bahay nila ang aura ng bawat isa. Galit? Ilang? Takot? Puro
negatibo. Nakakalungkot lang na dati ay enjoy ang buong bahay pero ngayon
ay nag iiwasan ang iba samantalang walang magawa ang karamihan sa iwasang
nagaganap.

Mukhang may nangyaring masama, ah?

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang marinig ang boses ni Ash. Paglingon niya
sa veranda, nakita ni si Ash na nakangiting lumulutang papalapit sa
kanya.

Ash!

Kamusta? nakangiti nitong tanong.

Hindi magawang ngumiti ni Ces. Hindi niya alam kung saan ba siya
magsisimulasa pagtatanong kung anong nangyari sa kamatayan nung nakaraan
o ikwento ang mga nangyayari ngayon. She was about to talk to Ash nang
may malakas na kumatok sa kanyang pintuan.

Malakas na katok ni Melo, Ces!

Lyric!

Pitch! Manager! rinig na sigaw ni Note.

Si Lyle! Nasa TV si Lyle! sabay na sigaw ng dalawa.

Nagkatinginan sila Ash at Ces sa narinig pagsigaw nila Melo at Note.


Kaagad siyang bumaba at nanood, hindi na siya naupo. Sumandal na lamang
siya sa pader at katabi niya si Ash na nakalutang. Dumating na din sila
Pitch, Lyric at nahuli si Manager Lily. Halatang halata sa mukha nina
Lyric at Manager ang stress at pagod kahit isang linggo na rin silang
hindi umaalis ng bahay.

Masyado pa kasing maingay ang kanilang pangalan kaya pinagbawalan na muna


ni Manager Lily ang paglabas ng banda. Makaiwas man lang sa mga umaaligid
sa palibot ng kanilang subdivision. Lahat gagawin ng isang reporter para
unang makaalam at mukhang nagawa ng isang channel mapapayag si Lyle para
magsalita.

Anong nangyari? Bakit nandyan siya sa TV? pagtatanong ni Ash. Walang


sumagotdahil delikadong sumagot si Ces at si Ces lang din ang
nakakarinig sa kamatayan.

Nagbabalik po tayo at kasama po namin ngayon si Lyle Yuzon, Hi, Lyle,


pagbati ng reporter kay Lyle.

Napansin ni Ces na parang hindi pa rin nawawala ang mga pasa sa mukha ni
Lyle ngunit hindi naman ito namamaga. Malungkot ang mukha ni Lyle, ni
hindi ito ngumiti nang batiin ng reporter.

Make-up, mariin na sabi ni Manager Lily kaya napatingin sa Manager ang


lahat ng tao (at ang isang kamatayan) rito. Bullshit talaga.

Ibinaling muli ng lahat ang atensyon sa tv. May mga tinanong ang reporter
kay Lyle patungkol sa pag aartista nito na tinanggihan dati, ang strong
fanbase ng LyCitizen, ang website na most viewed sa Pilipinas (pwera
social networking sites) at kung anu-ano pa hanggang sa tanong na. . .

So what really happened last week? Would you mind if you share the truth
with us?

Nagkaroon ng background music habang nagkukwento si Lyle. How dramatic.

I just greeted Ces, ganun lang. I mean, is it bad to greet my exgirlfriend? Hindi naman, di ba?

Kumunot ang noo ni Lyric


Ces dahil hindi rin alam
dahil naunahan ang lahat
halos mapanganga siya sa

sa naririnig. Napatingin sila Note at Melo kay


ng lahat ang totoong nangyari. Walang nagkwento
ng galit at takot. Hindi makapaniwala si Ces,
naririnig.

Nagkita ulit kayo ni Lyle? takang tanong ni Ash. Hindi nakasagot si


Ces.

So Ces is your ex-girlfriend? tanong ng reporter.

Ngumiti ng maliit si Lyle, yes. Datifor 1 year.

1 year? pagtataka ni Note. Nilingon ni Note si Ces na nakasandal sa


pader. Nag 1 year kayo?

Hindi makapagsalita si Ces. Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Sa


National TV, Lyle dared to tell a lie! How dare he?! Nag iinit ang buong
katawan ni Ces sa galit at pagkainis sa naririnig.

What happened? Bakit nagbreak kayo?

Sumandal si Lyle sa sofa na inuupuan nila ng reporter, looking


devastated. She broke up with me.

Hindi totoo 'yan. . . kaagad na sabi ni Ces.

It was our anniversary when she broke up with me. Then ayun. . .
huminga nang malalim si Lyle at ngumiti sa reporter. Pwedeng huwag ko na
lang ikwento? Respeto na rin sa kanya.

What the fuck, anong pinagsasasabi nitong Lyle na 'to? iritableng


komento ni Melo.

Okay then, continue the story na lang?

Lyle sighed and nodded.

Hindi ko sigurado kung maibabalik pa namin ni Lyric pagkakaibigan namin.


I mean, we were best friends back then pero yung pagsuntok niya sa akin
ng walang dahilan? Hindi ko rin alam kung ano na nangyayari sa kanya,
patuloy na pagkwento ni Lyle.

Is he on drugs? asked the reporter.

Ngumiti si Lyle ngunit may lungkot sa mga ngiti nito. Bagay na bagay ang
artista sa kanya. Nakakapagtakang tinanggihan niya ang offers. I hope
not.

Natulala na si Ces sa naririnig. Wala na sa katinuan ang kanyang pag


iisip. Hindi na rin niya naririnig ang mga sinasabi ni Lyle sa tv.
Everythings a blur. Nakakagago. Nakakaloko. Napaka walanghiya.

TANGINA?! sabay na sigaw nila Melo at Note.

Tahimik lang si Manager Lily. Tahimik lang din si Lyric ngunit malapit na
niyang masira ang remote control na hawak. React nang react sila Melo at
Note. Puro sila mura at sigaw sa sobrang panggagalaiti kay Lyle.

Tangina! Tara Melo, ipagdrive mo ako nang mapatay ko 'yang Lyle na


'yan! tumayo si Note at hinila si Melo. Nabubuhay ang katawang warfreak
ni Note nang dahil sa walanghiyang si Lyle. Lalabas na sana sila ng bahay
nang magsalita si Manager Lily.

Dont go outside, utos ni Manager.

Pero Manager! Hindi mo ba naririnig kwento nung gagong 'yun? parang


bata na nagsusumbong si Note. Napaka twisted na ng kwento niya! Sinisira
niya tayo!

Shh. . .

Napatingin ang lahat nang mag shh si Pitch. Tumayo ito at tiningnan ang
dalawang gitaristang uhaw na uhaw gulpihin si Lyle. Hayaan niyo si
Manager. Tumingin si Pitch kay Manager Lily na nakatingin din dito.
Alam niya gagawin niya.

Bumuntong hininga si Note ngunit hindi nagpapigil si Melo, pero sinisira


niya si Lyric! pagmamaktol nito. Ibinaling ni Melo ang tingin kay Lyric.
Lyric, explain mo sarili mo sa tv!

Kaagad naman nagsalita ang bokalista, suspended ako.

Ang intense ng nangyayari rito, nanlalaki ang mga matang kumento ni


Ash.

Pero hindi nila alam totoong nangyari! Nagkalokohan na. Baka sabihin-'yung ano. . .tapos. . . agh! ramdam na ramdan ni Melo ang pagkairita na
para bang siya ang agrabyado. Well, buong MyuSick ang agrabyado. All for
one, one for all ang kanilang banda. Maraming magagalit sa ating
makikitid ang utak n'yan!

Hindi natin kontrolado kung ano paniniwalaan nila, muling pagsasalita


ni Pitch. Hindi nila alam totoong kwento kaya kung ano unang nakita ng
camera, yun kaagad ang paniniwalaan. Pag-eexplain nito which was weird
dahil hindi naman ito mahilig mag explain o mag salita ng mahahabang
sentences. Si Lyric ang nakitang nanuntok at si Lyle ang unang
nagsalita.

Pero Pitch

Kapag nag explain, defensive. Kapag hindi nag explain, guilty.


Diretsong sabi nito. Gawin man o hindi ni Lyric ang pag-explain,
balewala rin. May negatibo pa rin.

Pero. . . hindi na alam ni Melo ang sasabihin dahil totoo nga ang
sinabi ni Pitch. Minsan lang ito magsalita at wala na rin itong nagawa
dahil totoo ang lahat ng sinabi ng drummer.

TITIK TITIK!

Nagkatinginan sila Ash at Ces.

Trabaho pa. . . pagpapaalam ng kamatayan sa dalaga.

Nang maglaho si Ash ay nagulat si Ces nang hatakin siya ni Manager Lily
palabas ng bahay.

Uy Manager! pagtawag nila Melo ngunit hindi na sila nilingon ni Lily.

Nakahawak lang si Manager Lily sa braso ni Ces hanggang sa pinasakay nito


ang dalaga sa shotgun seat habang nasa drivers seat naman ito. Hindi
nagsasalita si Manager noong interview ni Lyle sa TV ngunit kitang kita
ni Ces ang galit nito. Halos mamuti na ang kamao nito sa sobrang hipit ng
pagkakahawak sa manibela.

Manager. . .

Hindi nagsalita si Manager Lily habang nagdadrive. Nakakunot lang ang noo
nito at panay ang mura kapag natatraffic. Mabilis ang pagpapatakbo ng
Manager sa kotse hanggang sa makarating sila sa isang condominium na
napaka pamilyar kay Ces.

Tirahan ni Lyle.

Hatak lang ni Manager Lily si Ces hanggang


pintuan ng condo ni Lyle. Nagdoorbell lang
nagsasalita. Panay lang ang pindot nito ng
ni Ces ang boses ni Lyle sa kabilang parte

sa makarating sila sa tapat ng


si Manager Lily. . .hindi ito
doorbell hanggang sa narinig
ng pintuan.

Sino ba 'yan?! Teka nga!

Pagkarinig ni Ces ng boses na iyon, nag init ang kanyang mukhahindi sa


kilig. . .no. More on, sa pagkairita. Pagkaasar. Bumalik sa kanya lahat
ng panggagago ni Lyle sa kanya lalo na nang idamay nito ang mga taong
nagpapasaya sa kanya ngayon. How dare that douchebag.

Pagkabukas ni Lyle ng pintuan, bumungad sa kanila ang nakaboxers na Lyle


at pinagpapawisan. Nanlaki ang mga mata ni Lyle nang makita si Manager
Lily at Ces. Isasara na sana ni Lyle ang pintuan nang sunggabanan ni
Manager Lily ang binata.

Aaghh!

Napahiga si Lyle sa lapag ng kanyang condo at napatitig si Ces nang may


makita siyang babae sa may CR na nakatingin sa kanila. Nakahawak ito sa
isang kumotmarahil ay may ginagawa ang dalawang ito na kahibangan bago
sila dumating ni Manager Lily.

Sinuntok ni Manager Lily si Lyle, nakadagan sa katawan ng binata.


Matagal ko na dapat ginawa 'to sayo, walang hiya ka!

Fuck, tama na! pilit tinatakpan ni Lyle ang kanyang mukha ngunit
sobrang lakas ni Manager Lily ngayong gabi kaya hindi ito naaawat.

Hindi ako titigil hangga't hindi ka tumitino! Sino bang nagpalaki sa'yo
at naging ganyan ka kagago?! patuloy na pagsuntok ni Manager Lily kay
Lyle. Nakatayo lang si Ces. Nakatingin. Nanonood. Nanlalamig ang kanyang
buong katawan. Kitang kita rin niya na natatakot na ang babaeng nasa
kwarto ni Lyle.

Ano ba ate!

Parang isang magic word ang salitang ate kaya napatigil si Lily sa
kanyang pagsuntok. Napatingin ang manager kay Lyle na takot na takot
habang nakatakip pa rin ang mga braso sa mukha. Malalim ang bawat
paghinga ni Lily, sobrang lalim. Pagod na pagod. Napansin din ni Ces na
nanlalata ang manager nang tumayo ito.

Huwag mong dinadamay ang MyuSick sa galit mo sa akin, mahinahon na ang


boses ni Lily. Mula sa warfreak na babae ay naging composed ulit ito.
Nakahiga pa rin si Lyle, takot na baka mamaya ay sunggaban siyang muli ng
kanyang ate. Dahil kung ikukumpara ang MyuSick sa'yo? Hindi ako
nagsisisi na sila ang pinili ko.

Boom!

Nagulat si Ces nang makita niya si Ash na ngiting ngiti sa kanyang tabi.

Ash . . .

Tumingin si Ash sa kanya at nagpeace sign.

Ayos nangyayari rito ah, maaksyon! natatawa nitong sabi.

Nagkatitigan ang dalawang magkapatid. Walang nagsasalita, walang


kumikibo. Hindi maipinta ang mukha ni Lyle. Tiningnan ni Manager Lily ang
babaeng nanonood sa kanila kanina pa.

Ikaw naman, pagturo ni Lily sa babae. The girl stiffened. Nanlalaki ang
mga mata nito dahil sa takot. Makikipag sex ka sa gagong 'to? Huwag
magpakatanga.

Lumabas na si Manager Lily at paalis na nang makita ni Ces ang pagngisi


ni Lyle habang tumatayo. Nakaramdam lalo ng pagkaasar si Ceskailan ba
matututo si Lyle? Kailan ba?!

Teka Manager, pagpipigil ni Ces kay Lily. Hindi na nito hinintay ang
pagsang ayon ng Manager at kaagad na pinigilan ang pagsasara ni Lyle ng
pintuan ng condo.

Ano kailangan mo?

Tinulak ni Ces ang pintuan para magbukas. Nakita niya ang babae ng mas
malapit dahil nasa likuran na ni Lyle ang babaeng nakatapis ng kumot. She

felt sorry for the girl pero wala na siyang magawa. Kahit papaano, choice
pa rin naman ng babaeng ito na magpagamit kay Lylena nangyari rin sa
kanya noong nakaraan.

Looking backshe felt disgusted with herself na nagpagamit siya sa taong


walang ibang ginawa kung hindi manloko at manira ng buhay nang may buhay.
Nadoble pa ang sakit dahil affiliated siya sa MyuSick.

Dapat magtanda ng lalaking ito. . . dapat malaman ni Lyle kung anong


kagaguhan ang ginagawa niya.

Gusto ko lang magpasalamat, Ces started.

Bakit ka nagpapasalamat sa kanya? Pagrereact ni Ash ngunit hindi


pinansin ni Ces ang kamatayan.

Nagtaka si Lyle sa narinig. Tinaasan niya ng kilay si Ces at natawa,


wow, this is new.

Ngumiti si Ces as if its the first time na nakita niya si Lyle at wala
pang kahit na anong bahid ng negatibo ang kanyang nakaraan. She smiled
sweetly na nanggulat kay Lyle.

Salamat kasi ginago mo ako. Salamat kasi niloko mo ako. Salamat kasi
ginamit mo ako. Salamat dahil kinuha mo ang lahat sa akin. Salamat kasi
hinayaan pa kitang mabuhay, sunod sunod na sabi ni Ces. May kung ano
pang sinabi si Ash ngunit hindi niya ito naintindihan.

Anong hinayaan mabuhay? Still a crazy bitch? natatawang sabi ni Lyle.

Nakangiti lang si Ces, mabilis ang pagtibok ng kanyang puso. Hindi


iniinda ang pang aasar sa kanya ni Lyle. Ngayon lang niya narealizekung
ano ang ikinagwapo at kina prince charming ni Lyle ay 'yun ang
ikinaimmature nito.

Nararamdaman din niyang nag iinit ang kanyang pilat sa dibdib. Salamat
dahil kamuntikan na akong mabaliw. Salamat dahil ginusto kong bawian ang
buhay ko dahil sa'yo. Salamat dahil kung hindi dahil sa'yo, hindi ko
makikilala ng husto ang MyuSick.

Naiirita na ang mukha ni Lyle sa naririnig. Anong pinagsasasabi ni Ces?


Hindi pupwede ito. Dapat ay magalit si Ces, not the other way around!
Anong naisip ng dalaga para magpasalamat sa mga kalokohan ni Lyle?
Nababaliw na nga ata si Ces.

Kung hindi dahil sa'yo, kinuha ni Ces ang kanang kamay ni Lyle at
hinawakan ng dalawang kamay. Nanlalaki ang mga mata ni Lyle, iniaalis ang
paghawak sa kanya ni Ces ngunit malakas ang kapit ng dalaga sa kamay
nito. O nanghihina na ang binata dahil sa mga suntok na natamo galing kay
Manager Lily. Hindi ako makakaramdam ng totoong saya at mabuhay ng
totoo.

Bakit mo sinasabi sa kanya 'yan? pagtataka ni Ash ngunit hindi pa rin


siya pinapansin ni Ces.

Kaya Lyle, sobrang salamat.

Hinalikan ni Ces ang kamay ni Lyle na siyang nagpakilabot sa buong


katawan ng binata. Nagulat si Lyle sa inakto ni Ces. Umatras ito nang

umatras dahil natatakot na si Lyle sa dalaga. Natatamaan na nga ni Lyle


ang babaeng nasa likuran niya pero atras lang ito nang atras.

W-What theyou freak, bitch. Crazy! Umalis ka rito!

Inialis ni Lyle ang hawak ni Ces sa kanyang kamay at isasara na sana ang
pintuan nang magsalitang muli si Ces.

Teka. . .

Hindi pa nakakapagreact si Lyle nang suntukin ni Ces ang binata sa mukha.


Napaatras si Lyle at natamaan ang babae kaya sabay silang bumagsak sa
lapag. Nagdudugo na rin ang ilong ni Lyle at namamaga na rin ang mukha ng
binata.

Nice! natatawang sabi ni Ash.

Tiningnan ng masama ni Ces ang lalaking tinuring niyang prinsipe. She


felt like a superiornag iinit ang kanyang kamao na sumapak sa pagmumukha
ni Lyle. Gusto pa niyang makaisa ngunit pinigpilan niya ang sarili.
Pakiramdam niya, lahat na ng naramdaman niya ay nailabas niya. Pakiramdam
niya, lahat negatibong emosyon niya sa katawan ay nailabas niya sa
kanyang suntok. . . papunta sa walanghiyang Lyle na ito.

Sirain mo na ako huwag lang ang mga taong importante sa akin.

* * *

Ngiting ngiti si Manager Lily habang nagdadrive. Kahit si Ces ay


nakangiti rinthe two girls had their own victory. Pakiramdam nila ay
lumutang sila sa saya. Sa cloud nine. Ang sarap talaga sa pakiramdam.

That was a nice punch. Tumingin si Manager Lily sandali kay Ces then
back to the road. Nakaramdam ng hiya at the same time ng kilig si Ces sa
narinig. Sumandal siya sa upuan at lalong ngumiti.

Ramdam pa rin niya ang giddy feeling nang makasuntok siya kay Lyleang
mukha nitong nagulat, nanlaki ang mga mata nang tumama ang kamao niya sa
makapal na mukha nito. Hindi maalis ni Ces ang kanyang ngiti habang
iniimagine ang itsura ni Lyle

That face was priceless. Most unforgettable moment.

Natuto ata ako sa'yo, Manager.

Nagtawanan sila Ces at Manager Lily pauwi. Masyado kasi silang natakot.
Masyado silang nagcare. Masyado silang mahina pagdating kay Lyle but
then, kung may iba nang nadadamay na importante sa kanilapapalag na
sila.Wala nang pagsasanto o pagtitimpi. Wala nang rason kung tama ba o
mali.

Basta alam nila, deserve iyon ng "Prinsipeng" si Lyle.

~ ~ ~
Author's Note:Nako po, imbis na gumawa ng project, ito ang tinapos ko
ngayong araw. Dahek lang <///3 Hahaha wala po akong self control. Baka
bumagsak ako nito :( Pero salamat sa pagbabasa ahuhuhu nakakatouch mga
comments niyo, maygahd :">
This chapter is dedicated to Alliah o AnythingBlue. Hindi ko sure kung
ngayon lang siya nagcomment or what pero napangiti ako sa comment niya
last chapter. Bakit? Kasi nagets niya kung anong pinapahiwatig ko tungkol
kay Lyle. Natuwa lang ako na may nakagets. Ibig sabihin, effective 'yung
sinusulat ko >:D
Hi Alliah, ang galing ng observation mo. Pramis ahihihi

=================
41 // More Than That
"It gives me strength to have somebody to fight for; I can never fight
for myself, but, for others, I can kill." Emilie Autumn

~ ~ ~

Hindi lahat ng bagay, nagtatagalkaya hanggat maaari. YOLO.

You only live your life once. . . so make the best out of it. At hindi
lahat ng pagkakataon, laging masaya. Dahil ang saya, may katumbas na
lungkot sa susunod.

For a day, nakaramdam ng gaan ng loob si Ces. Pinagsabihan siya ni


Manager Lily na huwag na itong sabihin sa MyuSick at maging secret of the
girls na lang ang nangyari kay Lyle. Pagkauwi nga nila galing byahe ay
kaagad na dumiretso si Manager Lily sa loob ng kwarto nito. Ganoon din
ang ginawa ni Ces kahit na gustong gusto niyang ikwento ang lahat. . .
kung paano niya nagawang suntukin si Lyle, kung ano ang feeling before
and after the punch. Gusto niyang sabihin na nagawa niyang ipaglaban ang
MyuSick pero tumahimik na lang siya.

Siguro ay ayaw malaman ni Manager Lily na pinaglaban ng Manager ang


MyuSick sa sarili nitong kapatid. Siguro gustong itago ni Manager ang
pagiging mabait nito sa banda. . . siguro ang gusto lang ni Manager ay
ipagtanggol ang kanyang MyuSick without even letting MyuSick know. . .
ganoon niya kamahal ang MyuSick. Ganoon magmahal si Manager Lilynapupuno
ng sakripisyo.

Obviously, kahit na sobrang pasaway ng MyuSick, pamilya pa rin ang turing


ni Manager sa mga ito. Kahit ang kukulit, madudungis at makalat sa bahay,
mahal pa rin nito ang mga lalaking ito.

Pero nagdaan na ang ilang araw, hindi pa rin nag-uusap sina Manager Lily
at Lyric. It must have been for them to ignore each other. To take their
pride down.

* * *

Pagkababa ni Ces mula sa kanyang kwarto ay nakita niya si Lyric na


nakatayo malapit sa haven at nagsasalitang mag isa.

hindi ko talaga sinasadya. . . sorry Ma napatingin si Lyric kay Ces


nang maramdaman nito ang presensya ng dalaga. Nagkangitian sila ng kaunti
at napahawak si Lyric sa kanyang batok.

Magsosorry ka? tanong ni Ces sa binata.

Ngumiwi si Lyric at tumingin sa pintuan ng secret haven ni Manager Lily.

Uhm, medyo, nagkakamot pa rin ng batok si Lyric. Hindi mapigilan ni Ces


ang pagngiti dahil kitang kita niya ang kaba sa mukha ng kapwa bokalista.
Kaya lang natatakot akong kumatok eh.

Lumapit si Ces sa pintuan ng haven ni Manager Lily. Gusto mo ako


kumatok? Ngiting ngiting sabi nito.

Napanganga si Lyric. Nanlalaki ang kanyang mga mata at pipigilan sana si


Ces sa pagkatok. It was a funny moment, really. Ang lakas ng trip ni Ces
dahil lang sa nakasuntok siya kay Lyle noong nakaraang araw at ngayon ay
pinagtitripan niya ang awkward na si Lyric. Very good.

T-Teka Ce

Natigilan ang dalawa nang biglang bumukas ang pintuan ng haven ni Lily at
tumambad ang mukha ng Manager na magkadikit ang dalawang kilay. Na naman.

Anong ginagawa niyo rito?

Nagkatinginan sina Lyric at Ces. Sabay silang napalunokobviously,


badtrip si Manager Lily at mukhang hindi ito ang tamang oras para
gambalahin ito.

Huminga ng malalim si Lyric. Magsasalita na sana siya nang pigilan siya


ni Manager Lily.

Dont talk. Tawagin mo 'yung tatlo, I need to say something.

Ito ang huling sinabi ni Manager Lily bago pumasok muli sa haven.
Nagkatinginan muli ang dalawang bokalista. Wala silang magawa kung hindi
ang sumunod. Nagreklamo pa sila Note at Melo ngunit wala rin naman silang
nagawa.

Managers order eh. Rule number 1, huwag badtrip-in si Manager Lily kapag
badtripwhich is everyday.

But what has Lily announced shocked the whole MyuSick. They couldnt
believe that a four word sentence can tear MyuSicks heart apart. Those
simple words na kapag pinagsama-sama, nakakagago. Nakakaloko. Nakakawarak
ng puso. It gave them the reason to involuntarily shed (secretly) manly
tears. Every single word crushed inside their heart. . .and it hurts. A
lot.

They cancelled our concert.

And its all because of that fucking issue of Lyle with MyuSick.

Natulala si Ces pagkalabas nila ng haven.

Alis muna ako, seryosong sabi ni Melo nang kunin nito ang car keys at
dumiretso sa labas. Wala pang ilang segundo ay narinig na nila ang
pagharurot ng kotse.

Nakita ni Ces ang paglabas ni Pitch ng sigarilyo mula sa bulsa nito at


inilagay sa bibig. Tahimik lang ito ngunit nakakunot ang mga noo. . .
tinitigilan ni Pitch ang paninigarilyo ngunit ngayon ay parang ito na
lamang ang kakapitan ng binata.

Umakyat si Note sa kwarto nito. Sinipa nito ang pintuan ng kwarto upang
magbukasnakita pa ni Ces ang pagsabunot ni Note sa sarili sabay sigaw ng
tangina! bago pumasok sa loob ng kwarto.

Nanatili si Manager Lily sa haven at natira na lamang si Ces at Lyric sa


sala. Tahimik lang ang dalawa. Parang kanina lang ay medyo nagbibiruan pa
sila ngunit ngayon. . . nawala ang lahat ng saya.

Katahimikan.

Tumingin si Ces kay Lyric at pinagmasdan ang mukha ng binata na nakatayo


lang. Wala itong emosyonnakatulala ito sa kawalan. Dalawa sila sa sala
ngunit para bang hindi siya nakikita ng binata.

G-Gusto mo umakyat sa rooftop?

Unti-unting tumingin si Lyric kay Ces, ikaw ba tutulak sa akin?

H-Ha?

Ngumiti si Lyric. Ngunit ang ngiting ito ay hindi man lang umabot sa mata
ng binata. Para bang ngumiti ito for the sake of smiling and trying to be
okay. But he's not. Obviously not.

Dumiretso si Lyric sa rooftop. Sinundan ni Ces ang binata. Naupo si Lyric


at sumandal sa may pader saka pumikit. Nahihiya man si Ces, tumabi siya
kay Lyric. Walang nagsasalita. Tahimik lang. Pinapakiramdaman ang hangin.

Ilang minuto ang nakalipas. . .

Kasalan ko lahat.

Tumingin si Ces kay Lyric. Halos mawasak ang puso ni Ces nang makita ang
mukha ng bokalista na para bang unti-unting nawawala sa ulirat.

Hinayaan kong gaguhin ka ni Lyle. Gumawa ako ng eskandalo. Nagkagalit


kami ni Manager. At dahil sa akin, 'yung concert natin. . . Sumandal si
Lyric sa pader at tumingala. Kumunot ang noo nito. Kitang kita ni Ces ang
adams apple nito na panay ang galaw. . . na para bang nagpipigil.
Tangina, kasalanan ko lahat, halos pabulong na patuloy ng binata.

Nakakuyom ang kamao ni Lyric. Nakapikit. Pinapakiramdam ang paligid.


Galit sa sarili. Galit sa mundo. Ngunit nawala ang matigas na
pagkakakuyom ng kamao ng binata nang hawakan ni Ces ang kamay ni Lyric to
open his hands. To maybe ease the pain. The anger. Everything.

Natigilan si Lyric at napatingin sa kamay niyang binukas ni Ces. Ano

Hindi mo kasalanan lahat, mahinang sabi ni Ces ngunit malakas na rin


para marinig ng kapwa bokalista. Nakatingin si Ces sa kamay ni Lyric na
ngayon ay nakabukas na. . . nawala ang nginig sa pagkagalit nito kaya
napangiti siya lalo.

Ces. . .

Nagkatinginan ang dalawa. Tandaan mong kung hindi dahil sa'yo, matagal
na akong wala. Kung hindi dahil sa kamay na 'to, hinawakan ni Ces ang
braso ni Lyric upang itaas ang kamay ng binata. Enough to give Lyrics
hand the attention it needs. Hindi ako maliligtas.

Anong. . .

Tumayo na si Ces at ngumiti kay Lyric na para bang bata ang kinakausap.
It was a genuine smile. Nakakagulat. Kahit si Lyric ay nagulat sa
positive vibes na ibinibigay ni Ces. Dahil niligtas mo na ako, ako naman
magliligtas sa inyo.

Ano?

Gagawin ko to bilang pasasalamat.

Ang alin? pagtataka ng binata.

Sik-re-to. Iniwan ni Ces ang nagtatakang Lyric sa rooftop. Iniisip niya


kung ano ang dapat gawin dahil kahit siyahindi rin niya alam. Pagbaba
niya mula sa rooftop, nakita niya si Pitch na naglakad papuntang kusina.

Doon lang niya naisip ang kanyang gagawin.

Agad agad, tinawagan niya ang taong alam niyang makakatulong sa kanya.
Pagkasagot ng kanyang tawag, isang marahas na boses ng babae kaagad ang
bumungad.

Ano?! Istorbo ka ah?!

Keng. . . may hihin

"Ayoko."

* * *

Ces made this a secret from everyone.

Live na tayo in five, pag aannounce ng isang crew habang


nagkacountdown.

Are you ready?nakangiting tanong sa kanya ng katabi.

Tumango si Ces. Nanlalamig ang kanyang kamay at kinakabahan dahil ito ang
unang pagkakataon na gagawin niya ito. Pagtingin niya sa gilid, nandoon
si Keng na nakaupo habang katabi si Marky na hawak ang baby nito.

Napangiti si Ces dahil kahit na ayaw daw sa kanya ni Keng, tinulungan


pa rin siya nito upang matulungan ang MyuSick. Kahit na "ayaw" ni Keng
ang pagtulong at kahit "napipilitan" lang daw ito ay sinamahan pa rin
siya ng kasamahan sa kanyang balak. Keng is much like Manager Lilymay
malasakit sa ibang tao ng patagomas galit nga lang sa mundo si Keng
kaysa kay Manager.

Now, she's still asking herself kung paano naging si Keng at Pitch noon.
I mean, okay, hindi ganito kalala si Keng at Pitch pero. . . anong ugali
nila before everything happened? Paano sila nagclick?

But anyway, hanggang ngayon, hindi pa rin sure si Ces kung friends na ba
sila o hindi. It's very complicated. Lalo na ang sitwasyon ng MyuSick
ngayon.

Remember Ces, keep it honest," nakangiting paalala ng reporter.

Live! sigaw ng isang crew.

Kaagad nagsalita ang katabi ni Ces na si Sandreeya, isa sa mga batikang


reporter sa Pilipinas na ngayon ay makakapanayam niya. This is exactly
where Lyle is sitting noong si Lyle ang ininterview a few weeks ago.
Ngayon, siya naman ang nakaupo. . ang kausap si Sandreeya at ang
magsasabi ng katotohanan.

Good evening everyone, nandito po ako ngayon kasama ang bokalista ng


isang banda na mainit ngayon sa showbiz. Ces from MyuSick!

Nakita ni Ces ang pagcue sa kanya ng isang crew na tumingin sa camera at


batiin ang viewers. Nagkaroon din ng cue ang mga audience upang
pumalakpak. Hindi niya masyadong makita ang mga tao dahil tutok na tutok
sa kanya ang mga ilaw.

May mga basic na tinanong si Sandreeya sa dalaga hanggang sa pinagkwento


na nga ng reporter si Ces, for the first timelahat nakinig sa kung anong
sasabihin ng dalaga.

Walang alam si Manager Lily at ang MyuSick na haharap ako sa mga tao
para magkwento. . .at, tumingin si Ces ng diretso sa camera. Manager
Lily, alam kong pinagbawalan mo kami pero. . . ito lang ang alam kong
paraan para bumalik sa dati ang lahat.

Hmm, mukhang sumuway ka sa Manager mo, Ces. Paanong bumalik sa dati ang
lahat?

N-Na masaya kami. Huminga ng malalim si Ces. Dahil nasasaktan akong


nakikita ang MyuSick na nasasaktan. Nahihirapan akong makita ang mga
taong nagbigay sa akin ng saya na ganito kaapektado. Gusto kong. . .
maramdaman nila na kahit anong mangyari, hindi ko sila iiwan. Gusto ko
malaman ng lahat ng taong nanonood ngayon na ang MyuSickhindi isang
bandaisa kaming pamilya at ipagtatanggol ko sila.

That was. . . touching.

Hindi totoong nagdadrugs si Lyric. Hindi totoo ang mga sinasabi niyo
patungkol sa kanya. Tao lang kami at may emosyon. Hindi kami perpekto at

malayong malayo kami sa pagiging perpekto. So sana. . .sana matuto tayong


pakinggan ang mga panig at. . .huwag na lang manghusga.

So hindi totoo ang kwento ni Lyle noon? Ang video?

Totoong sinuntok ni Lyric si Lyle. . . totoong nagalit si Lyric noon,


napahawak ng mahigpit si Ces sa panyong hawak habang inaalala ang
katangahan niya nung araw na iyon. Katangahan na kung hindi dahil sa
kanya, walang ganito. Hindi ko alam kung paniniwalaan ako ng mga
nanonood ngayon pero ginawa 'yun ni Lyric para iligtas ako.

Kumunot ang noo ni Sandreeya, paanong iligtas?

Ngumiti si Ces at tumingin sa reporter, iligtas sa sarili ko.

Natahimik ang lahatkahit si Sandreeya ay natigilan sa sinagot ni Ces.


She just looked at the vocalist na para bang nagkalokohan na ang lahat
hanggang sa magsalita ang isang crew, stage manager ata.

Hey, Sandreeyadead air! Dead air!

Parang natauhan si Sandreeya sa narinig at tumingin sa camera upang


ngumiti.

Ang deep pala ni Ces, ano po? natatawang sabi ni Sandreeya. Natawa
naman ng kaunti ang mga tao sa audience. Nagcue ng break ang crew kaya
tumigil din ang lahat. Nang mawala ang mga lights, nagkatinginan sila
Sandreeya at Ces.

Walang ibang sinabi si Ces patungkol kay Lyle. Hindi rin kasi niya nature
ang magsabi ng bagay na ikasisira ng pagkatao ng ibang tao. No. She
doesn't want a revenge. Ang gusto niya ay maipadama sa MyuSick, kung
nanonood man ang mga ito sa tv, na mahala ang MyuSick sa kanya. Ginagawa
niya ito ngayon upang iparamdam sa mga tao na hindi mabubuwag ang samahan
ng bandang kinabibilangan niya.

Youre too honest, Ces. Kumento ni Sandreeya.

Masama bang sabihin ang totoo? Hindi ba't sinabi ng reporter na ito na
sabihin ang katotohanan?

And I can feel that you really love MyuSick. Nakangiti si Sandreeya
habang nireretouch ang make up nito. Muling tiningnan ng reporter ang
dalaga. Sana maramdaman din ng mga taong nanonood sa atin pagmamahal mo
sa kanila.

Napangiti si Ces sa narinig lalo na nang may ibalita ang isang crew sa
kanila.

Trending worldwide? MyuSickForever? Seriously?

Nang maglive ang show, ngiting ngiti si Sandreeya nang ibalita nito na
trending ang MyuSickForever worldwide at number one spot pa ito. Ito ang
unang pagkakataon na magtrend ang fineature nila at nagworldwide pa!

Siguro dapat iguest natin lagi ang MyuSick para magworld wide trend tayo
lagi, ano? Natatawang sabi ni Sandreeya. Ipinapakita sa screen ang
feedbacks from twitter.

@WaMaisipNaUN_ I really love MyuSick! Sobrang totoo sa sarili!


Nakakaproud! Happy that Ces is in @TVSomething #MyuSickForever

@meh I hope matuto ang mga tao sa sinabi ni Ces sa @TVSomething na


pakinggan ang mga panig ng tao at wag na lang manghusga. Peace.
#MyuSickForever

@MyuSick_is_Love Sana hindi nila kinancel ang concert ng MyuSick, sobrang


eksayted pa naman ako! TT ^ TT @TVSomething @MyuSick_PHOfficial
#MyuSickForever

@akosirayne Uy, may bagong trend! Makikitrend nga ako para IN ako!
#MyuSickForever

Nang matapos ang proper interview, its time for Ces to sing her heart
out. . . at ito na ata ang pinaka masayang pagkanta niyafor a long time,
ngayon lang niya naramdaman na masaya siya. . . na totoo ang saya na
nararamdaman niya.

You shout it out,But I can't hear a word you sayI'm talking loud not
saying muchI'm criticized but all your bullets ricochetYou shoot me down,
but I get up

Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Ces habang kumakanta dahil nakikita
niya ang mga tweets ng mga tao patungkol sa MyuSick. Ang hinihiling lang
naman niya ay mapakinggan siya and yetpeople gave her more than just
earspeople gave her their understanding.

I'm bulletproof, nothing to loseFire away, fire awayRicochet, you take


your aimFire away, fire awayYou shoot me down but I won't fallI am
titanium

Nang matapos ang kanyang pagkanta, nagpalakpakan ang mga tao. People were
requesting for more ngunit kapos na sa oras. Ces thanked everybody for
the night. Masayang masaya siya sa naging feedback ng kanyang pagpunta sa
show na ito ngunit may nakalimutan siya.

Si Manager Lily.

Nagulat siya nang makita si Manager na nakaabang sa kanya sa dressing


room na nakataas ang kilay.

Bakit mo sinuway ang utos ko? kunot noong tanong ni Manager Lily.

Napalunok si Ces at tumingin sa paligid. Nakangisi lang si Keng na


nanonood sa kanila at wala si Marky, baka nagpunta kung saan saan para
magfangirl sa mga artista. She eyed Keng, trying to get some help pero
mukhang nag eenjoy si Keng na makitang nagagalit si Manager Lily sa
kanya.

M-Manager. . .

How dare you disobey me Ces. . .

Iiwas sana si Ces nang makita niyang itinaas ni Manager Lily ang kamay
nito. She was expecting a slap or a punch ngunit nagulat siya nang bigla
siyang yakapin ng Manager. She felt Managers warm hug.

But thank you, thank you for being here.

Malakas ang kabog ng dibdib ni Cesshe was stunned. Parang nananaginip


siya. Parang kinidnap ang totoong Manager Lily at pinalitan ng medyo
mabait na Manager.

Seriously, thank you.

Kyaaah! Yung MyuSick! rinig na sigawan sa labas ng dressing room.

Ano ba 'yan, ang ingay! reklamo ni Keng. Mga fangirl amputek.

Bago pa makakalas si Manager Lily kay Ces, nagulat na lang sila nang
magsalita ang isang pamilyar na boses.

A vert touching scene~ natatawang kumento ni Note sa nakita.

Kaagad sumama ang tingin ni Manager Lily kay Note at tumingin kay Ces na
nastun pa rin sa pagkakayakap nito sa dalaga. But next time Ces, NEVER
disobey me. Understand?

Tango na lang ang nasagot ni Ces lalo na nang lumapit si Melo at Note kay
Ces upang yakapin ang dalaga.

Grabe Ces! Saludo ako sa interview mo! tuwang tuwa na sabi ni Melo
habang yakap si Ces. Sa totoo lang, medyo nahihirapan na nga makahinga si
Ces sa higpit ng yakap ng dalawa. Mahal na mahal mo talaga kami!

Nasaan si Pio?

Kumalas sila Melo at Note sa pagkakayakap kay Ces at tumingin kay Keng
na nakakunot ang noo. Lumawak ang ngiti ng dalawang gitarista.

Uyy, bakit hinahanap mo si Pitch? pang aasar ni Melo. Ikaw aaah!

Hinawakan ni Ces sa braso si Melo para pigilan ang binata sa balak nitong
panunukso kay Keng. No. Not Keng. Never Keng. Asarin na ang lahat huwag
lang si Keng. Huwag.

Ha? Anong huwag? takang tanong ni Melo.

M-Melo. . . pagtawag ni Note sa kasama.

Napatingin si Melo sa tinuro ni Note. Nanlaki ang mga mata nito nang
makitang nanlilisik ang mga mata ni Keng. Hindi maipaliwanag ang mukha ni
Keng at ang tanging paraan na lamang ay tumakbo palayo at huwag
magpahabol kay Kengkung hindi. . . maraming mangyayari.

Maraming mangyayarina nakakatakot.

Aaahh~ help meehh! tumakbo palabas si Melo habang tawa nang tawa si
Note. Hinabol ni Keng si Melo ngunit natatawa rin sa inaakto ng
gitarista.

Nang pumasok si Lyric sa dressing room, hindi malaman ni Ces kung bakit
bigla siyang kinabahan lalo na nang ngumiti si Lyric sa kanya. Isang
ngiti na matagal na niyang hindi nakikitangayon na lang ulitat dahil ba
ito sa kanya? Isang ngiti dahil sa kanya?

Lumapit sa kanya si Lyric at nagulat siya nang ipatong ni Lyric ang kamay
sa kanyang ulo. Yumuko ng kaunti si Lyric upang maging magkatapat na ang
mukha nila saka ngumiti lalo.

Salamat sa pagligtas sa amin.

Tila ba nahawa si Ces at napangiti rin sa sinabi ni Lyric. It was a


refreshing scene. Kahit papaano, naramdaman ni Ces na may worth pa ang
kanyang buhayna hindi lang siya basta palamuti o pampagulo sa mundo.
Dahil ngayon, ang importansya niya ay nasa MyuSick.

Ganoon lang ang set up ng dalawang bokalista nang bigla siyang umiwas kay
Lyric nang makita si Ash na nasa likuran ng binata. Kinabahan si Ces sa

presensya ni Ash. . . na para bang natakot siya rito. Na para bang dahil
kay Ash. . .may naalala siyang. . .bawal.

Bakit? pagtataka ni Lyric nang mapansin na may tinitingnan si Ces sa


likuran. Paglingon ay wala naman siyang nakitang kahit na ano.

Ibinalik ni Ces ang tingin kay Lyric. Nginitian niya ang bokalista, wwala. Teka, CR lang ako.

Kaagad umalis si Ces sa dressing room. Napahawak siya sa kanyang dibdib.


Tumigil siya sa paglalakad nang mapansin niyang wala nang masyadong tao
at napapikit habang pinapakiramdaman ang pilat na simbolo ng kasunduan
nila ni Boss.

Nanghihina siya sa sobrang kaba na nararamdaman. Ni hindi nga niya alam


kung bakit siya kinabahan. . . nakakaramdam siya ng takot. Na para bang
may mangyayaring masama. Nang hindi kanais-nais. Na taliwas sa kagustuhan
niya.

Masakit ba?

Napadilat si Ces at nakita si Ash na nakatingin sa kanyang kamay na hawak


ang pilat.

H-Hindi. . .

Ngumiti si Ash. . . isang maliit na ngiti. Its not even a smile


actually. Half smile? Yes, it was like a half half smile.

Huwag m

Naputol ang sasabihin ni Ash nang magring ang cellphone ni Ces. Sabay
silang napatingin sa cellphone ng dalaga sa bulsa niya. Nang makita ng
dalaga ang screen, nanlaki ang mga mata niya at nagsimulang kumarera ang
kanyang puso sa bilis ng takbo.

Mystery Texter Calling. . .

Nanginginig ang kamay ni Ces nang idikit niya ang cellphone sa kanyang
tainga nang iaaccept niya ang call.

Magkatinginan lamang si Ash at Ces. May halong pagtataka ang itsura ni


Ash habang si Ces naman ay hindi makapaniwala na nasa kabilang linya si
Mystery Texter. Hindi siya nagsalita. . .hinihintay niya kung magsasalita
ba ito ngunit wala. . .ilang segundo na ang lumipas, wala pa ring
nagsasalita.

Ces felt defeated at ibaba na sana niya ang tawag nang makarinig siya ng
paghinga mula sa kabilang linya at napatigil sa sinabi ng boses ng lalaki
mula rito.

See you soon, Ces.

~ ~ ~

Author's Note:I don't know if this makes sense or is shitty pero sana
hindi ko kayo masyadong nabadtrip? Ang tagal kong hindi nag update, halos
mag 1 month na tapos ito lang?! ITO LANG?! <//3 Pasensya na rin kung
limitado lang ang aking vocabulary at minsan walang sense. . .sabog po
kasi ako. #Iyak. Pero thank you po sa pagbabasa! Pasensya na kung walang
masyadong nangyari, may pinapakita lang ako sa chapter na 'to mehehehe.
SALAMAT PO PALA SA HALF A MILLION READS! Omaygahd. *u* :">
Dedicated to kimjaestyles dahil kinilig ako sa comment niya sa Chapter
40.
Pinaka gusto ko sa comment niya is, ". . . Grabe, may mga times na ang
lakas ng tibok ng puso ko dahil dito! Natutuwa talaga ako Miss Rayne.
Gifted ka po talaga sa pagsusulat. Kahit na clich to, mali parin ang mga
hula ko <//3 . . ."
Pinaka gusto ko 'yung nakabold. Bakit? Kasi as a reader, may mga story na
nagpapalakas ng kabog ng dibdib ko at gusto ko maachieve 'yun sa story
ko. Yung tipong nakakaiyak sa sobrang inis. Nagwawala sa sobrang bitin o
sa mga pangyayari. Yung kumakabog ang dibdib sa mga linyahan. Yung mga
kilig na nararamdaman sa kamay, basta ganun! Hindi ko maexplain eh pero
basta, achievement ko na napapalakas ko ang tibok ng puso ng isang reader
at nagpapasalamat ako kay kimjaestyles dahil siya ang tumupad ng pangarap
kong 'yun. (Ang korni ko maygahd)
Anyway, thank yoouu sa pagbabasa ng TTLS! Thank yoouuuuuu~ > :D <
(external link for ze whole comment) :D

=================
42 // Less of a Secret
"A picture is a secret about a secret, the more it tells you the less you
know." Diane Arbus

~ ~ ~

Hindi na nawala ang ngiti sa labi ng MyuSick.

Matapos ng guesting ni Ces sa TV Something, ang nawala na sampung libo na


likers sa facebook page ng MyuSick, dumoble ang bumalik na likes. Halos
magdadalawang linggo nang trending ang MyuSick at halos walong libo na
ang nakalike sa facebook page na We Want MyuSicks Concert Back.

Lahat nang kamalasan nila a few weeks ago, napalitan ng swerte.

Natahimik ang buong buhay nila mula sa magulong pangyayari. Everythings


back. Ang saya, ang ingayang mga damit na nakalat sa kung saan-saan.
Nagbalik na rin sila sa pagrerecord ng kanta para sa pagrelease nito next
month. Hindi rin nawala ang ngiti ng MyuSick lalo na noong isang Sabado
at nasa hapagkainan silaay nag usap nang muli sina Lyric at Manager
Lily.

All is well.

Well, not really.

Unang iniisip ni Ces ay si Ashna naging tahimik. Kung hindi naman


tahimik ay madalas wala ito. Hindi naman na siya nagtataka na laging wala
si Ash ngunit nagtataka siya kung bakit sa tuwing nagkikita sila (which
is napapadalang na) ay tahimik lang ito.

Pangalawa ay si Mystery Texter. Matapos nang pagtawag nito sa kanya noong


nakaraan, hindi na ito muli nagparamdam. Parang ginagago lang ata siya ng
tao sa kabilang linyang iyon. Sa sobrang bilis din ng tawag ay hindi niya
ito nabosesan. . . sino nga ba talaga iyon?

Ang pinakahuli ay si Note. Napapansin ni Ces na may kakaibang kinikilos


ang kaibigan. Well, hes still the goofy guy pero may something off.
Naging mas seryoso? O minsan ay nawawala sa mundo? Laging tumitingin sa

paligid sa tuwing lumalabas sila. Laging lutang at minsan may malalim na


iniisip.

Hindi alam ni Ces kung siya lang ba ang nakakapansin ngunit alam niyang
may tinatago si Note. Hanggang sa napatunayan niyang mayroong kakaiba sa
kabanda. . . at hindi ito basta basta.

Isang sabado ay may hindi inaasahang nagdoorbell ang dumating sa MyuSick


residence. Ces was about to go outside nang hawakan siya ni Note sa braso
at tiningnan nang mataman. For a second, nakaramdam ng takot si Ces sa
tingin ng kaibigan. Nawala ang friendly aura at napalitan ng. . darker
aura?

Ako na, mahinang sabi nito saka lumabas ng bahay.

Pagsilip ni Ces ay may napansin siyang lalaking hinatak ni Note palayo sa


kanilang gate. Susundan sana ito ni Ces nang may humawak sa kanyang braso
para pigilan siya.

Hayaan mo siya.

Napalingon si Ces at nakita niya si Lyric na seryoso ang mukha habang


nakatingin sa kanya.

Kilala mo ba 'yung lalaking 'yun? tanong ng dalaga. Si Note kasi. . .

Hindi eh, pero oo. . .napapansin ko rin, mahinang sabi ni Lyric.

Gustong itanong ni Ces ang nangyayari kay Note ngunit pag uwi ng kabanda
mula sa labas ay maputla ang binata. Nakangiti ito ngunit kitang kita sa
mukha nito na may hindi tama. Wala rin atang nakapansin sa change outfit
ni Note at medyo iika-ika nitong paglalakad.

Oh Note, saan ka galing? tanong ni Melo.

Bumilis ang lakad ni Note paakyat, sa labas lang. Pahangin.

Kaagad pumasok si Note sa kwarto nito.

Kumunot ang noo ni Melo, pahangin ng mga 12 hours? Kanina pa siya umalis
tapos madaling araw na, natatawang sabi ni Melo habang pailing iling at
ibinalik ang atensyon sa pinapanood na Chick Flick movie.

Hindi na napigilan ni Ces ang sarili. Note is very important for her at
gusto niyang malaman ang nangyayari sa kaibigan. Wala si Manager dahil
nasa ibang bansa, si Pitch ay laging may ginagawa at mukhang walang idea
si Melo sa kakaibang kinikilos ng kaibigan. Si Lyric naman ay may
nararamdaman na ring kakaiba ngunit mas pinipiling huwag pakielaman ang
kabanda.

Umakyat si Ces at tiningnan ang pintuan ng kwarto nila Note at Melo


hanggang sa manlaki ang mga mata niya sa narinig sa loob. Isang daing na
tila ba may masakit.

Note? kumatok si Ces sa pintuan ng kwarto ng kaibigan at natahimik si


Note sa loob. Anong nangyari sa'yo d'yan?

Ilang segundo lang ay nagbukas ang pintuan at nakangiting tumambad si


Note sa dalaga.

Oh, anyare sa'yo Ces? nakangiting tanong ng binata.

Kumunot ang noo ni Ces habang pinagmamasdan ang itsura ni Note. Napansin
ni Ces ang pagtulo ng pawis ng kaibigan. Tila ba pagod na pagod ito.
Napansin din niya ang pangingitim ng ilalim ng mata ng binata. Nawala ang
friendly aura nito. . nawala ang Note na nakilala niya. . . ngunit
pinipilit itago ng bagong Note ang sarili gamit ang mga ngiti ng dating
Note.

K-Kasi. . .

Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Ces ay nginitian siyang muli ni Note


at pinatong ang kamay sa ulo niya sabay gulo sa buhok. Matulog ka na,
goodnight.

Huminga ng malalim si Ces at isasawalang bahala na lang ang lahat ngunit


nanlaki ang mga mata niya sa nakita bago maisara ni Note ang pintuan ng
kwarto.

Sa may kama, ang damit ni Note bago ito umalispuno ng dugo.

Hindi niya alam kung anong nangyari o kung bakit may dugo. O dugo nga ba
ang pulang kulay sa damit ng kabanda. Hindi naman din nagpapakita si Note
ng kahit na anong kilos na may masakit sa kanya.

Kahit si Melo ay mukhang walang alam kahit na nasa iisang kwarto lang
natutulog ang dalawa. Pero. . .siguradong may malipilit na sinasabi ni
Ces sa sarili. Hindi man kay Note ang dugo sa damit nito, kanino? At
bakit may dugo? At sino ang lalaking hinatak ni Note palayo noong
nakaraan?

Maraming tanongmaraming dapat isagotngunit walang sumasagot.

Sa kanyang kwarto ay hindi pa rin mapakali si Ces. Pilit man niyang


kalimutan, hindi mawala sa kanyang isip si Noteat kung anong nangyayari
sa kabanda niya.

Ngayon na lang siya ulit nakaramdam ng matinding pag aalala sa ibang tao.
Kahit nga sa sarili ay hindi na siya nag aalala, ngayon lang. . . ngayon
na lang ulit.

Tama si Lyric, hayaan mo na lang siya.

Napatingin si Ces kay Ash at sumimangot, pero paano kung may


nangyayaring masama na kay Note na hindi namin alam? Paano kung m-ma
natigilan si Ces at hindi na natapos ang sasabihin. Isang foul na ang
makaisip na may mangyayaring ganoon kasama kay Note. Kung kailan masaya
na silahindi 'yun maaari. Hindi pupwede.

Ngumisi si Ash sa narinig, paano siya mamamatay eh wala siya sa listahan


ko.

Bumuntong hininga si Ces at naupo sa kanyang kama. Tama si Ash, hindi


mamamatay si Note kung wala sa listahan ng isang legit na kamatayan.
Napatingin muli si Ces kay Ash nang maglaho na naman ito dahil sa
trabaho.

For a moment, she felt relieved.

Alam niyang hindi magsisinungaling sa kanya si Ash. . . kaya panatag


siyang walang mangyayaring malapit sa kamatayan.

Sana.

* * *

Wake up! Open this goddamn door!

Imbis na dumilat ay kaagad na napatayo si Ces nang marinig ang napaka


lakas na kalampag sa pintuan ng kanyang kwarto. Natumba siya sa kanyang
kama dahil sa hilo na naramdaman sa bigla niyang pagtayo.

Pagtingin niya sa paligid, sobrang dilim ng kanyang kwarto. Marahil ay


gabi pa rin dahil kakagaling lang nila sa isang gig nang makabalik si
Manager Lily mula sa ibang bansa isang linggo ang nakaraan.

Ces, wake up!

Hinimas ni Ces ang kanyang ulo dahil sa sakit nito. Nagmadali siyang
tumayo at hindi na lang ininda ang sakit para buksan ang pintuan. Bago pa
masira ni Manager Lily ang pintuan.

Manager

Kunot noong tiningnan siya ni Manager Lily. Ill give you 10 minutes to
prepare. Go!

Kahit naguguluhan ay sumunod si Ces kay Manager Lily. Nagdamit na lang


siya ng simpleng shirt, jeans at chucks incase na tumugtog sila ng gig.

Pagkababa niya ay nakataas ang kilay ni Manager Lily, Youre late.

P-po?

Napatingin si Ces sa orasan. Hindi naman siya late eh.

You've wasted my time for. . ." tumingin si Manager Lily sa relo nito.
"For a minute. C'mon, let's go.

Hindi na lang umangal si Ces at hinayaan na hilahin siya ni Manager Lily


papunta sa kotse. Pagkaandar ay nagulat si Ces nang may ibato sa kanya si
Manager Lily. Isang panyo.

Para saan po ito?

Piring. May surprise MyuSick para sa'yo, tuloy-tuloy na sabi ni Manager


Lily habang nagdadrive, not looking at Ces.

Natanga for a moment si Ces narinig at unti-unti ay napangiti sa narinig.


Hindi dahil sa nalaman niyang may surprise sa kanya ang MyuSick ngunit
dahil sa sinabi ito ni Manager Lily.

Eh di Manager, hindi na siya surprise kasi sinabi niyo naAH! halos


sumabog ang puso ni Ces nang biglang huminto ang kotse. Mabuti na lang at
malakas ang pagtulak niya sa dashboard para hindi siya mauntog dito.

Nagkatinginan sila Ces at Manager Lily. Kinabahan si Ces nang makita ang
matalim na tingin ng Manager sa kanya.

Kaagad nagdial si Manager Lily sa phone nito at nang may sumagot ay


nagsalita, huwag na ituloy 'yung surprise.

Nanlaki ang mata ni Ces at inagaw ang cellphone kay Manager Lily.

Hala hindi! Natatarantang sabi ni Ces. Narinig ni Ces ang mga boses ng
lalaki sa teleponosila Note at Melo na mukhang nagrereklamo na maayos na
ang lahat, maganda ang ipapakita nila and stuff. Hindi malaman ni Ces
kung ngingiti siya dahil sa naririnig mula sa kabilang linya o matatakot
dahil sa tingin ni Manager.

Bibigay mo sa akin phone ko o lalabas ka sa kotse? malamig na tanong ng


Manager. Halos ginawin na nga si Ces sa boses nito. Mas malamig pa sa
aircon ng kotse. Nakakunot pa rin ang noo ni Lily.

Inilapit ni Ces ang cellphone sa kanyang bibig saka nagsalita, ituloy


niyo, please, saka ibinigay ang cellphone sa Manager. Marahas na kinuha
ni Lily ang cellphone nang hindi nawawala ang tingin sa dalaga.

Isang salita mo pa, palalabasin na kita.

Napahinga nang malalim si Ces at hindi na muling nagsalita. Buong byahe,


tahimik lang ang dalawa ngunit hindi maikakaila na napapangiti si Ces
dahil sa narinig. And its kinda cute na magkamali ng ganoon si Manager
Lilyhindi nga lang cute ang reaction kapag pinuna.

Bumaba sila sa isang lugar na sigurado siyang kilala niyaKengs Night


Out.

Pero pagkababa ay walang bouncer na nakita si Ces at wala ring malakas na


party song na naririnig. Itinali ni Ces ang panyo upang takpan ang
kanyang mata.

Wala pang ilang segundo, nakarinig siya ng boses na pamilyar sa kanya.


Isang boses na nagpabilis sa pagtibok ng kanyang pusoboses ni Lyric.

Tara,nakiliti ng kaunti ang tainga ni Ces sa bulong ng binata. Amoy


fresh mint. Masarap sa pakiramdam. Safe.

Inalalayan ni Lyric si Ces papasok ng bar. Ramdam ni Ces ang mainit


ngunit pasmadong kamay ng binata na nakahawak sa kanyang likod at braso.
Pinakiramdam ni Ces ang paligidnagtataka kung bakit nandito sila sa bar
at bakit ang tahimik. Hindi rin alam ni Ces kung ano bang surprise ang
magaganap nang paupuin siya sa isang upuan at nakarinig siya ng
announcement at tugtog.

Welcome to Ms. MyuSick of the Universe!

Tinanggal ni Ces ang kanyang piring at napanganga


kung gaano kaganda ang set up ng buong lugar. May
makukulay na palamuti at nakasulat na Ms. MyuSick
Napansin naman niyang may lamesa sa kanyang harap
siyang judge?

ng kaunti nang makita


stage sa harap na may
of the Universe.
at may mga papelisa

Ms. MyuSick of the Universe? natatawang tanong ni Ces kay Manager Lily
na katabi niya sa kanan.

Ngumisi si Manager Lily ngunit nagulat si Ces nang mapansin niya kung
sino ang nasa kaliwa niya.

Matt! nanlalaki ang mga mata ni Ces at kaagad na niyakap ang kaibigan.
Natuwa siya nang malamang kapwa judge niya si Matt. Paglingon niya sa
paligid, walang ibang tao, sila-sila lang, mga waiters, barista na nasa
kani-kanilang istasyon at si Kisang fashion guru ng MyuSick, ang isa
pang judge.

Nasaan si

Hello Judge Ces, pwede na ba akong magpakilala? narinig ni Ces ang


boses ni Melo sa speaker.

Paglingon ni Ces sa stage, halos mapanganga ang dalaga sa nakita.


Nakangangang nakangiti na malapit nang matawa.

Sa harap ay nakaspotlight si Melo, nakaminiskirt na hapit na hapit sa


katawan ng binata. May mahaba, brown at kulot sa dulo na wig. Hindi
malaman ni Ces kung masasagwaan ba siya o ano dahil sobrang balbon ng
binti ng binata.

Ngumiti si Melo kay Ces at muling nagproject sa harap habang hawak ang
mic saka ito nagpakilala.

Akala niyo ba si Maria Mercedes? Hellomas maganda ata ako doon!


maarteng pagkakasabi ni Melo na ipit ang boses. Ako nga pala si Maria
Carmela Dy na may vital statistics na 36, 36, 36. Naniniwala po ako sa
kasabihan na kung sa tingin mong maganda ka, liars go to hell and so are
people like you. Ambisyosa. Thank you!

Napanganga lang si Ces. . . hindi niya alam ang gagawin o iisipin kaya
hindi pa siya nakakamove-on sa sinabi ni Melo ay rumampa naman ang
contestant number 2halos mabuga ni Matt ang iniinom na tubig nang
lumabas si Note na naka-two piece. Nakawig ito na kulay puti, updo at
puno ng glitters ang katawan.

Ngumiti si Note nang humarap sa judges ngunit unang napansin ni Ces ay


ang sugat ni Note sa tagiliranmukhang fresh pa.

Hi. My name is Nathalie the Beautiful, 23 years old, female,


Philippines. Ikaw, Nasl u? sabay kindat ni Note.

Halos humagalpak sa tawa si Matt sa narinigkaagad itong may sinulat sa


papel at bumulong, panalo 'to sa akin.

Napailing iling lang ang MC at pinakilala na ang 3rd contestant. Nanlaki


ang mata ni Ces na pati si Lyric ay mapapapayag sa kalokohang ito.

Pero imbis na mini dress at two piece na suot ng dalawang nauna, nakalong
gown si Lyric na takip na takip ang buong harap. Kulay blue na long dress
mula sa leeg hanggang paa at long sleeves na hapit sa binata. Dahil
mahaba na ang buhok ay hindi na ito nagwig.

Bago magsalita ay hinawi pa ni Lyric ang buhok saka nag beautiful eyes at
ngumiti na halos mawala na ang mata. Labas ngipin. Kahit nang magsalita
ay labas lang ang ngipin nito, pinipilit ngumiti habang labas na labas na
ang cheekbones.

Eke nge pele se Lereke Yue, panimula nito. Kaagad natawa si Matt sa
narinig. Natatawa rin si Ces dahil lumalaki ang butas ng ilong ni Lyric
habang nagsasalita. Eseng bebeeng mey dengel de teled ng deleweng neene
se eken. Nenenewele pe eke ne eng bebeeng nekengete lege ey mengengeley
se bebeg memeye. Tenkye, sabi ng binata gamit ang maliit na boses.

Nang maglakad si Lyric para pumuntang side ay tumalikod muna ito. Nagulat
ang mga judges lalo na si Ces nang makitang isang tali lang ang naguugnay sa damit ni Lyric sa harap. Walang kahit na anong tela sa likod at
kitang kita ang boxers ng vocalist.

My eyes! natatawang sabi ni Kis. Natutuwa ang aking eyes!

"Kahihiyan 'to ng MyuSick, Ces!" kumento ni Matt.

Face palm na ang naging reaksyon ni Manager Lily. Iniisip kung tama pa ba
ang nangyayari. Kung tama bang ganito ang surprise ng MyuSick upang
pasayahin si Ces. Kung tama bang maging manager ng MyuSick. . . o kung
tama bang ang mga lalaking ito ang binuo niyang MyuSick.

Ngunit nagulat si Ces nang may fourth contestant pa.

Seryoso, si Pitch? nanlalaki ang mga mata na tanong ni Ces kay Manager
lily.

Ngumisi si Manager at tinuro ang bandang likuran. Paglingon ni Ces ay


nakita niya si Keng sa isang tabi na nakatayo, nakacross ang arms sa may
dibdib at nakatingin sa stage. Nakangisi.

Wala tayong magagawa, uto-uto eh.

Nanlaki ang mata ni Ces nang rumampa si Pitchnakashort shorts na hapit


sa binti at nakavarsity jacketsiguro ay para takpan ang mga tattoo. Wala
itong wig ngunit nakaayos ng curl ang buhok nito.

Nang magpakilala ay tumawa na naman si Matt.

Malalim ang boses ni Pitch at seryosong nagsalita kahit nakafull-make up


at ayos na ayos, Pia Alberta Gabiasa.

Yep, 'yun lang.

Mabilis na ang nangyari sa sumunodmay mga inayos sila for the talent
portion. Hindi makakalimutan ni Ces ang talent portion dahil doon siya
nagsimulang tumawa talaga nang tumawa.

Simula kay Melo na tumula.

Sa stage, may upuan sa may likuran at hawak hawak ni Melo ang mic. Ehem,
ehem, panimula nito.

Ako ay may tula, Mabahang-mahaba. Naglakad si Melo habang nagsasalita


at naupo sa upuan sa likuran. Ako'y uupo, tapos na po.

Sumunod ay si Note na kumanta ngunit agad pinatigil ni Manager Lily dahil


hindi kakayanin ng buong bar ang boses ni Note at baka mamaya ay magiba
pa ito.

Hindi naman na nagulat ang lahat sa talent na ginawa ni Lyric. Nakaupo


siya sa upuan at nasa gitna. Nagsimula siyang mag gitara at muli, binalot
ng magandang boses ni Lyric ang buong paligid.

The strands in your eyes that color them wonderfulStop me and steal
my breath.And emeralds from mountains thrust towards the skyNever
revealing their depth.

Napatitig si Ces kay Lyric nang mapansin niyang nakatitig sa kanya si


Lyric. Gusto niyang alisin ang tingin sa binata ngunit hindi niya magawa
para bang hinihigop siya ng mga mata nito. Asking her to not look away.

Tell me that we belong together,Dress it up with the trappings of


love.I'll be captivated,I'll hang from your lips,Instead of the gallows
of heartache that hang from above.

Tumayo si Lyric at nagsimulang makisabay ang ilang waiter at waitress sa


pagkanta ni Lyric. Halos lahat ng tao ay napakalma. . . nawala ang
tawanan ngunit ngiting ngiti ang lahat. Ngunit hindi mapakali si Ces
dahil sa titig sa kanya ni Lyric. Napapainom siya ng tubig sa sobrang
kaba na nararamdaman niya.

I'll be your crying shoulder,I'll be love's suicide

Mula sa pagkakatayo sa stage ay naglakad si Lyric papunta sa direksyon ng


mga judges. Lalong bumilis ang tibok ni Ces nang humarap si Lyric sa
kanya habang kumakanta at nag gigitara.

I'll be better when I'm older,I'll be the greatest fan of your life.

Hindi pa rin maalis ni Ces ang tingin


pabalik sa stage at naupo, nakatingin
pag galaw ni Lyric. Napalunok siya at
pakiramdam niya ay binabawian na siya

kay Lyric. Kahit naglakad na ito


lang si Ces. Sinusundan ang bawat
huminga nang malalim dahil
ng hininga sa sobrang kaba.

And rain falls angry on the tin roofAs we lie awake in my beah!!!

Okay, tama na 'yan!

Nagulat ang lahat nang lumitaw si Note mula sa backstage, naka robe at
nakahairband. Inilayo niya ang mic kay Lyric.

Note, ano ba? pagrereklamo ni Lyric.

Tumigil ka na sa pagkanta, madaya ka. Baka manalo ka eh!

Natawa ang ilan at natapos na ang talent portion ni Lyric. Ngunit hindi
pa rin natatapos ang kaba na nararamdaman ni Ces. Napahawak siya sa
kanyang dibdib at hinimas ito, iniisip na huhupa rin ang nararamdaman.

Ni hindi nga niya napansin na dumating na si Pitch at nagulat ang lahat


sa itsura nito. Fitted black and shiny suitna may buntot pa! Nakamaskara
ito na black that matches his suit. Susmaryosep

Isang senaryong hindi na matatanggal pa sa utak ng mga nakanood.

Pole dancing. As talent. ni Pio Alberto Gabiasa.

It was too late. When Pio started caressing the pole beside him,
nakatunganga na ang lahat. Eyes wide open. Jaw-dropped. The reaction of
people are priceless. Hindi maipinta ang mukha dahil sa sobrang
pagkagulat.

Walang emosyon si Pitch habang kung anu-anong pag-ikot ang ginawa niya sa
pole ngunit hindi nawala ang tingin nito kay Keng. Na kung tutuusin,
ganoon din si Keng. Hindi mawala ang titig kay Pitch. . . na may kasamang
pagngisi.

Nagpatuloy lang ang pageant ngunit hindi mawala sa isip ni Ces ang tingin
ni Lyric sa kanya, nang lumapit ito at kinanta ang para sa talent
portion. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga mata ng binata na para
bang nagsusumamona parang ang daming gustong sabihin.

Nang magkaroon ng intermission number habang naghihintay sa backstage ang


mga contestant at inaayos ang score. Nagulat si Ces nang may tumawag sa
kanyang cellphone. Pagkakita niya ay lalo siyang kinabahan sa nakita sa
screen.

Mystery Texter Calling. . .

Sinagot niya kaagad ito at nagsalita naman kaagad ang nasa kabilang
linya.

Sa likod ng Kengs Night Out. Nandoon ako.

Kaagad tumayo si Cesnot minding people around her. Hindi rin niya alam
kung bakit pero parang nanginig ang buo niyang pagkatao at nakaramdam
siya ng excitement. Kahit si Marky na lumabas sa backstage upang kausapin
siya ay pinag mamaya na muna niya.

Habang hawak ang cellphone ay lumabas siya ng bar. Luminga-linga siya sa


paligid. Iniisip niyang baka nasa tabi lang ang lalaking iyon ngunit wala
siyang nakita. Nasa likuran ng bar. Excited. Kinakabahan. Natutuwa.
Natatakot. Halo-halo ang emosyon ni Ces ngunit hindi na siya nagdalawang
isip pagusto na niyang makilala si Mystery Texter kahit pa wala naman
itong sinabi na magkita sila. Kahit pa ang sinabi lang ng Mystery Texter
ay nandoon ito sa likod ng bar. Maraming tanong si Ces. Gusto na niya
itanong sa lalaking iyon ang lahat. Bakit. Ano. Kailan. Paano.

Mga tanong na gumugulo sa isip niya tungkol sa pagkatao sa likod ng mga


text at mga letter.

Lakad-takbo ang ginawa ni Ces para lang makapunta sa likod ng bar.


Hinihingal siyang tumigil. Madilim ang paligid. Natigilan si Ces nang may
makita siyang pares ng pamilyar na mga mata. Nakatingin. Nagliliwanag.
Pulang-pula.

~ ~ ~Author's Note:CLICHE PO ITO PLEASE. Huwag kayong masyadong mag isip.


. .kasi pramis, baka mataas expectation niyo tapos biglang, yun lang pala
huhuhu kaya please, cliche ito. Gasgas. Sa sobrang gasgas pati ang word
na cliche sa author's note ko ay nagiging cliche na rin.
Will try to update more often kapag una: nainspire ako sa mga comments,
pangalawa: hindi na ako busy, pangatlo: hindi ako tinamad, pang-apat:
hindi ako mawalan ng inspirasyon at panglima, mainspire ako sa mga
readers. Kayo kasi ang inpirasyon ko at maraming salamat sa pagbabasa ng
TTLS hanggang ngayon.
Dedicated to springbeige dahil sa
pagbabasa sa iba ko pang stories.
niya 'yung stories ko kahit 'yung
comments at sa pagbabasa Ehm (?)!
LIKE NIYO EXTERNAL LINK! :)))

=================
43 // Beneath Those Eyes

comment niya rito sa TTLS at sa


Nakita ko library niya medyo pinakyaw
private hahahaha! Thank yooouuu sa

"I have noticed that if you look carefully at people's eyes the first
five seconds they look at you, the truth of their feelings will shine
through for just an instant before it flickers away." Sue Monk Kidd

~ ~ ~

Ash?

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces. Nagkatitigan sila ni Ash. Maraming


gumugulo sa isipan ni Ces. Maraming tanong. Maraming impormasyon.

Malamig na hangin ang bumalot sa paligid. Ash's eyes were as red as fresh
blood. Naglaho ito at napalingon si Ces sa paligid, hinahanap kung saan
napunta ang kamatayan. Kahit ramdam na ramdam ng dalaga ang kaba ay hindi
niya ito masyadong ininda.

Nasaan ka? Ash?

Prinsesa. . . isang mahinang bulong ang narinig ni Ces mula sa kanyang


leeg. Kinilabutan siya sa bulong.

Paglingon niya ay nakita niya ang mapupulang mata ng kamatayan.


Nakakabulag na liwanag. There was something in his eyes and voice.
Something in his presence that gives Ces uneasiness. Hindi maipaliwanag
ni Ces kung bakit imbis na matuwa ay natatakot siya sa presensya ni Ash.
Imbis na ligtas ang maramdaman ni Ces, nakakaramdam siya ng panganib.

Naglaho muli si Ash at maglalakad na sana siya pabalik nang matigilan si


Ces sa naramdaman sa kanyang leeg. Isang matalim na bagay na tumutusok sa
kanyang leeg. Isang kutsilyo. Hinawakan din ang kanyang mga kamay upang
hindi makagalaw. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang marealize niyang
hindi pamilyar ang lalaking nasa likuran niya.

Ibigay mo sa akin lahat ng pera mo. Kung ayaw mong masaktan.

Nanginig ang buong katawan ni Ces nang marinig ang boses nito. Hindi siya
makagalaw nang lumitaw muli si Ash sa kanyang harap. Nagliliwanag pa rin
ang mga mata. Nakangisi. Isang ngiting. . .demonyo.

Ash. . . a-ano 'to?

Hindi siya sinagot ni Ash ngunit nagsalita ang lalaking nasa likuran.

Ash? Baliw ka ba? Ibigay mo na pera mo kung ayaw mong mamatay!


pagkaasar ng lalaki.

Wala nang maintindihan si Ces. Ang tanging naririnig niya ay ang pagbilis
at pagbagal ng pagtibok ng kanyang puso. She was staring at Ash. . . she
was asking for anything. A help? A hand? An explanation?

Anong nangyayari?

Hindi na nagulat si Ces nang itulak siya ng lalaki sa kanyang likuran


nang makuha na nito ang gusto. Pera at cellphone. Napaupo siya sa sahig
at tumakbo na ang holdaper. Hindi pa rin maalis ang tingin ni Ces kay

Ash. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Ash. Mga ngiting mapanlinlang. .
. mga ngiting nagsasabi kay Ces na hindi siya ligtas.

Will she die? Ito na ba ang oras niya?

Nawala na sa kanyang isip ang Mystery Texter. Nawala na sa isip niya ang
saya na makikilala na niya ang matagal nang palaisipan sa kanyang utak.
Nawala ang lahat nang may isang palaisipan nabumalot sa kanyang isip.

Si Ash.

S-Sino ka ba talaga? isang mahinang tanong ni Ces sa kamatayan.

May mga ingay malapit kay Ces ngunit hindi niya ito pinansin. Ang tanging
gumugulo sa isip ni Ces ay ang kaharap. Ang mga mata nito. Ang ngiti
nito. Ang presensya nito. Ito ba ang totoo?

Ash. . . pagsusumamo ni Ces.

Hindi rin alam ni Ces kung bakit siya nagkakaganito. Kaya niyang kumilos.
Kaya niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa. Kaya niyang lusubin si Ash
ngunit ngayon ay para siyang nadikit sa sahig.

Ces!

Nakita ni Ces si Lyric na patakbong palapit sa kanya. Nakajacket na may


hood si Lyric. Wala rin itong make up mula sa isang kalokohang pageant.
Kaagad siyang inalalayan ni Lyric patayo.

Anong nangyari? May masakit ba sa'yo? Ces? sunod-sunod na tanong ni


Lyric. Mabilis ang paghinga ng binata.

Lyric. . . mahinang bulong ni Ces.

Nagulat na lamang ang dalaga nang makarinig siyang muli ng isang bulong.
Gamit ang malamig at nakakakilabot na boses, ibinulong ni Ash ang mga
katagang. . . Isa akong kamatayan.

Paglingon ni Ces ay wala na si Ash. Nawala ang panganib sa paligid.


Narinig na ni Ces ang malalakas na sigaw at daing ng isang lalaki.
Paglingon ay nakita ni Ces sila Note na sinusuntok ang isang lalakiang
holdaper.

Walangya ka, nagsasaya kami tapos mangnanakaw ka sa pinapasaya naming


babae?! iritableng kumento ni Melo.

Hindi pa rin makapagsalita si Ces hanggang sa makabalik na sila kanila


Manager Lily sa loob ng bar. Ibinalik sa kanya ni Melo ang cellphone at
pera. Maraming-nag alalanatigil ang pageant dahil sa nangyari.

Ces, okay ka lang? pag-aalala ni Marky sa kaibigan.

Sino ba kasing tanga ang lalabas ng ganito kagabi? At mag-isa pa. kunot
noong pagpaparinig ni Keng.

S-Sorry, ang tanging nasambit ni Ces.

The fun ended just like that.

Napagdesisyunan nilang umuwi na lamang. Pinauna nang pauwiin sila Matt at


Marky. Hinatid naman ni Pitch si Keng pauwi. Nasa kotse lang si Ces
habang hinihintay ang mga kabanda na nag aayos sa loob ng bar. She stayed
there looking at nowhere. Sa tuwing pipikit siya ay nakikita niya ang
mapanganib na mata ni Ash.

She felt scared. Natakot siya sa kamatayan. . . hindi ito weird. Ang
totoo, dapat talagang matakot ang mga tao sa kamatayan ngunit iba si Ash.
Iba ang relasyon ni Ash at Ces. Magkaibigan silafor Ces, Ash is one of
the reason shes happy now.

Ngunit ang mga tingin ng kamatayan kanina ay nagsasabi ng kabaliktaran.

Napalingon si Ces nang bumukas ang pintuan ng kotse. Umupo si Lyric sa


kanyang tabi. Tahimik lang silang dalawa ng ilang minuto hanggang sa
unang nagsalita ay si Lyric.

Sorry.

Nagtaka si Ces sa sinabi ng kabanda. Magtatanong pa sana siya nang


kinabig ni Lyric ang katawan niya at niyakap ng mahigpit.

L-Lyric. . .

Sorry, Ces. Sorry. . .

Naguluhan si Ces sa ikinilos ni Lyric. Ganoon lamang sila ng ilang minuto


hanggang sa tumunog ang cellphone ng dalaga. Doon natauhan si Lyric.
Kumalas si Lyric sa yakap at kaagad bumaba ng kotse.

Pagtingin ni Ces sa kanyang cellphone, bumilis ang tibok ng puso niya sa


nakitang text message. Isang text message na nagbigay sa kanya ng isang
sagot.

Ang katauhan sa likod ni Mystery Texter.

* * *

Ilang araw na ang nakakaraan simula ng insidente sa bar.

Hindi pa rin mawala sa isip ni Ces ang mga mata ni Ash. Ang kakaibang
titig nito. Ang boses nito at ang pagpapakilala nito sa sarili. Isa
siyang kamatayan. Hindi naman ito nawawala sa isip ni Ces ngunit bakit
nakaramdam siya ng takot sa pagpapaalala sa kanya ni Ash ng impormasyon
na iyon?

Masyado ba siyang nagtiwala kay Ash? Masyado ba siyang naging panatag na


kaibigan na niya ang kamatayan? Totoo ba ang mga pinapakita ng kamatayan
sa kanya noon? Ang ngiti? Ang mga paalala? Ang pang unawa at pagligtas?
Ang mga kalokohan? Mga kumentong ng kamatayan na nagpapawala kahit
papaano sa tensyon? Ano nga ba ang katotohanan?

Does Ash cares for her o ang tanging kailangan lang ni Ash ay ang
kaluluwa niya?

Kaya ba siya inaalagaan ng kamatayan dahil kaluluwa niya talaga ang


iniingatan nito? Kaya ba siya kinakaibigan ng kamatayan ay dahil
kailangan nito mapalapit sa kaluluwa nito? Everything became senseless.
Ngayon lang niya narealize na wala pala talaga siyang alam tungkol kay
Ash, kay Boss o kahit sa Death. Wala siyang alam kung manloloko ba sila o
malakas ang trip o kung ano pa man. Hindi niya sigurado kung totoo ba ang
lahat ng sinasabi ng mga Death Angels o kahit ng Death Gods.

And its breaking Ces heart; knowing that Ash is Death. Nothing more,
nothing less.

* * *

Hating gabi na nang mapagdesisyunan ni Ces na magpahangin sa third floor


to rest her brain. Bago pa siya makaakyat ay napatigil siya sa narinig.
Akala niya ay siya na lang ang gising ngunit may narinig siyang
nagsasalita sa ibaba, sa hallway ng haven ni Manager Lily. Isang mahinang
usapan na tila ba may tinatago.

Naglikha ng ingay ang paghakbang ni Ces


Nakarinig siya ng isang shh. Nakaramdam
mula sa dilim ang mga hakbang sa ibaba.
muli sa kanyang kwarto. Pabalik na sana
ang boses ni Manager Lily.

kaya natigil ang usapan sa ibaba.


ng kaba si Ces nang marinig niya
Kaagad siyang tumakbo papasok
siya sa kanyang kama ng marinig

Pag-isipan mong mabuti, palakas nang palakas ang boses ni Manager.


Iisipin ni Ces na nasa tapat lang ng pintuan niya nakatayo si Manager.

Nakarinig siya ng pagbubukas ng pintuanmalapit lang ang pintuan kaya


naisip niyang si Lyric iyon. Hindi nga siya nagkamali dahil boses ni
Lyric ang sunod niyang narinig.

Pero Manager

Idinikit ni Ces ang kanyang tainga sa pintuan ng kanyang kwarto.


Pinipilit niyang pakinggan ang bulong ngunit hindi niya marinig.

May tinatagong sikreto ang dalawaat natatakot siya sa pupwedeng


mangyari.

Isang pagsara ng pintuan ang muling narinig ni Ces. Mga yabag ng paa,
pagbukas at pagsara ng isa pang pintuan. Napasandal si Ces sa pader
kinakabahan sa hindi malamang kadahilanan.

After ilang minutes, napatingin siya sa kanyang cellphone sa pagtunog


nito.

Kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone at napangiti nang malaman kung
sino ang nagtext. Siya. Si Mystery Texter.

Goodnight, Ces. :)

Huminga ng malalim si Ces sa nabasa. Binuksan niyang muli ang pintuan ng


kanyang kwarto at napatingin sa pintuan sa kanyang katapat. Ang pintuan
ni Lyric. . . matapos ng insidente sa bar, hindi na sila muling nagkausap
ng matagal. Matapos magsorry ng binata ay hindi na sila muling
nagkadapuan ng palad.

Hindi rin alam ni Ces kung bakit pakiramdam niya ay lumalayo sa kanya ang
kapwa bokalista. At hindi rin niya alam kung bakit bumibigat ang kanyang
paghinga sa tuwing narirealize niyang lumalayo sa kanya si Lyric. Mabigat
sa pakiramdam. Nakakatakot na pakiramdam.

Inialis muna ni Ces ang pag-iisip ng kung anu-ano at nagpunta sa rooftop.


Lumapit siya sa railing at tumingala para tumitig sa langit. Mula sa
kinatatayuan niya ay kitang kita niya ang mga bituwing kumikislap sa
madilim na langit. Kahit pa sabihing polluted na ang Metro Manila, hindi
pa rin maiaalis na maganda pa rin ang mundo.

Bakit hindi ka pa tulog?

Agad napalingon si Ces sa nagsalita. She smiled nang makitang papalapit


sa kanya si Lyric.

Gusto ko lang pagmasdan 'yung langit, sagot ni Ces habang nakatingin sa


kalangitan.

Naalala niya noong nagbakasyon sila si Rizal. Naalala niya muli ang
pagtitig niya sa napaka gandang kalangitan. Kasama niya rin si Lyric
noon. Well, kasama niya ang buong banda pero silang dalawa lang ni Lyric
ang magkausap nang gabing iyon. Isang tahimik na gabi. Hindi man kasing
ganda ng langit na ito ang nakita ni Ces sa Rizal, parehas pa rin ang
naramdaman kapayaapan ni Ces.

Naramdaman ni Ces ang paghinga nang malalim ng lalaking ngayon ay nasa


tabi na niya. Ininangat ni Lyric ang ulo upang tingnan ang langit. Hindi
sinasadya ni Ces ang pagtitig sa kaibigan. Bumilis ang tibok ng puso ni
Ces nang tumingin si Lyric sa kanya at ngumiti.

Bakit? May dumi ba ako sa mukha? natatawang sabi ni Lyric.

Ngumiti si Ces at umiling. Ibinalik niyang muli ang atensyon sa langit.

Mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung dahil ba
ngayon na lang ulit sila nakapag usap ng ganito o may iba pang dahilan.
Hindi na rin kasi nagegets ni Ces ang sarili. Sa dami ng nangyayari sa
kanya, hindi na rin niya alam kung ano ang iisipin niya.

So she decided not to think anymore.

And just relax. . . enjoy what life has to offer.

Gusto mong mahiga? nilingon ni Ces si Lyric na nakaupo na pala sa


malamig na lapag ng rooftop. Tinapik ng binata ang tabi.

Ngumiti si Ces at naupo rin sa tabi ni Lyric. Sabay silang humiga at


naramdaman ni Ces ang lamig ng lapag sa kanyang likod. Ngunit kahit
malamig, nakaramdam si Ces ng kakaibang relaxation. Pakiramdam niya ay
ang lamig ng lapag ang nagbibigay sa kanya ng pampakalmasiguro isama na
rin ang presensya ng lalaking nasa tabi niya.

Walang iniinda. Tahimik. Maaliwalas. Walang kahit na ano.

Ikaw, bakit gising ka pa? nilingon ni Ces si Lyric.

Hindi ko rin alam. May nagsasabi sa aking huwag muna matulog at pumunta
rito, mahina ang boses na sagot ni Lyric.

Natahimik muli ang dalawa. Pumikit si Ces dahil nararamdaman na rin niya
ng pagod at antok nang magsalita ang katabi.

Anong mas pipiliin mo? Pangarap o saya?

Napadilat si Ces at tumingin muli kay Lyric na nakatingin na sa kanya


ngayon. Ang mga mata ng binata ay kumikinang dahil sa pagtama ng sinag ng
buwan rito. Napaka ganda ng mga mata ng binatangayon lang napansin ni
Ces.

Bakit? Hindi ka ba masaya sa pangarap mo?

Ngumiti ng kaunti si Lyric at tumingin sa kalangitan. Mas masaya ako


kapag hindi pangarap ang pinili ko.

Natawa ng kaunti si Ces.

Mukhang mahirap mamili d'yan.

Sobra, pagbubuntong hininga ni Lyric. Siguro mag aantay na lang ako ng


sign.

Sign?

Sign mula kay God.

Pinagmasdan muli ni Ces sa langit. Thinking about God. . .thinking about


what happened to her life. Thinking about the signs God gave her. Marami
siyang napagdaanan bago pa mapunta siya sa buhay niya ngayon. And shes
thanking God for giving her this life.

Kung ano mang sign 'yun, panimula ni Ces. Siguradong para sa


ikakaganda 'yun.

Muling natahimik ang paligid. Wala na namang nagsalita sa kanila. Pero


kahit na walang nagsasalita, hindi rin naman nagkakaroon ng awkwardness.
Katahimikan lang. Parang sa tahimik na paligid, narerelax sila. Sa
tahimik na paligid, sumasaya na sila.

Alam mo ba dati, pagsisimula ni Lyric. Natatawa ito ng kaunti na para


bang may naalalang nakakatawa. Nung bata ako, pangarap kong maging
model.

Model?

Ngumisi si Lyric. Oo, model ng damit.

Anong nangyari?

Tinigil ko na kalokohan na 'yun. Ang gugwapo ng mga model eh, wala


silang panama sa akin! pagmamayabang ni Lyric habang nakangiti.

Napakunot ang noo ni Ces at natawa. Ano? Walang panama kagwapuhan nila
sa'yo?

Kumunot din ang noo ni Lyric nang tumingin kay Ces. Um-oo ka na lang
kasi.

Oo na lang, natatawa pa ring sagot ni Ces.

Ngayon na lang ulit sila nakapag-usap ng ganito. Walang problemang


iniintindi. Walang kahit na anong pressure. May problema man pero sa paguusap nila ay nawala ito. Naglaho. Parang isang magic na nagpapawala sa
lahat ng pangyayaring masama.

Ikaw, anong pangarap mo? tanong ni Lyric sa dalaga. Noong bata ka pa?
Ngayon?

Napaisip si Ces sa tanong ng kaibigan. Pangarap? Ano nga ba ang pangarap


niya? When she was little. . . she wanted to be a doctora nurse, mga
trabahong tutulong sa mga tao. Then she wanted to be a teacherpara kahit
papaano ay magkaroon ng saysay ang existence niya sa mundo. Na maibigay
niya ang mga kaalaman niya sa ibang taobut she decided to change her
dream when she started drawing animes. . . and reading romance stories.

Doon, nasabi niya ang long time dream niya.

Gusto ko maging mangaka. Nakangiti si Ces. Siguro dahil sa tanong ni


Lyric, nalaman niya sa sarili kung ano nga ba ang pangarap niya para sa
sarili.

Mangaka? takang tanong ni Lyric.

Gumagawa ng comics. Nahilig kasi ako sa pagbabasa noonmga romantic


stories, pagkukwento ni Ces. Now if she think about it, ngayon na lang
siya nagkwento ng tungkol sa kanya. Sa tuwing nagbabasa ako ng mga
romance, kinikilig ako, natatawang sabi ni Ces. Ang korni man pero
totoo.

Nagdodrawing ka? pagtataka ni Lyric na para bang hindi kapani-paniwala


ang sinabi ni Ces. Kailan pa?

Nung college ako nagsimulang magdrawing, nakita ni Ces ang pagtango ni


Lyric na para bang nasagot ang tanong nito. Medyo late bloomer pero
natigil ako sa pagpapractice nung. . .

Nung?

Nalipat ako sa school natin.

Hindi na inungkat ni Lyric ang bagay na ito ngunit nagtanong pa rin siya.
Nagtanong na siya na parang interesado siya sa bawat sagot ni Ces. Na for
the first time, nagkukwento na si Ces ng tungkol sa sarili. Nagkukwento
ang dalaga na walang alinlangan. Which only means shes comfortable.

Ano bang nakakatuwa sa romance stories? Hopeless romantic ka?

Ngumiti si Ces at muling bumaling sa itaas.

Siguro. Ganun nga. Kasi naniniwala akong may magic ang love. Kaya. . .
Ces voice faded when she remembered what happened to her last time.

Kaya?

Kaya siguro naniwala akong magbabago si Lyle para sa akin, diretsong


sabi ni Ces.

Huminga ng malalim ang dalawa. Napatingin si Lyric kay Ces, nag aantay ng
susunod nitong sasabihin.

Natawa si Cesngunit hindi ito tawa ng kaba o ilang. Isa itong tawa na
para bang isang kalokohan ang naisip ni Ces noon. Isang kahangalan.

Ganoon ako kahopeless romantic. Naniwala ako sa mga gasgas plot sa mga
stories. . . ngumiti si Ces without the bitterness. Ngumiti si Ces as if
remembering the days. Hindi na rin siya nagsisisi dahil sa mga nangyari.
naniwala ako na ang isang playboy, maiinlove sa isang nerd.

Gasgas plot ba 'yung ganun?

Natawa si Ces sa tanong ni Lyric. Siguro nga ay walang alam masyado si


Lyric dito. Siguro dahil busy din ito at wala nang time para magbasa
hindi tulad ni Ces na napaka raming oras dati. Hindi tulad niya na
everyday ay nakakatapos siya ng isang libro dahil wala siyang ginagawa sa
buhay niya.

Hindi mo lang alam kung gaano karaming kwento ang nabasa kong ganun,
natatawang sagot ni Ces.

Ngumisi si Lyric at tumingin sa langit.

Siguro isa lang ang pinaniniwalaan ko sa mga hopeless romantic na 'yan .


. .

Ano?

Tumingin si Lyric kay Ces. Ilang segundo rin silang nagkatitigan hanggang
sa ngumiti si Lyric at nagsalita.

Ang tao, kayang isakripisyo ang lahat para sa mahal niya.

As if on cue, out of nowhere, may narinig silang kanta.

You tell all the boys "No"Makes you feel good, yeah.

Napaupo sila kaagad at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Pagkatayo ay


doon lang nila nakita na may party yata sa kalapit na bahay.

I know you're out of my leagueBut that won't scare me away, oh, no

Ang lakas ng tugtog para marinig nila ang kanta ngunit tamang tama sa
pandinig nila ang kanta. Para bang pinatugtog ito ng kabilang bahay upang
marinig nila.

You've carried on so long,You couldn't stop if you tried it.You've


built your wall so high

Huminga ng malalim si Ces nang maramdaman niyang bumibigat ang kanyang


dibdib. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Nanginginig din ang kanyang
katawan sa kaba. Pinapamasdo rin siya at parang bumabaliktad ang chan.

That no one could climb it,But I'm gonna try.

Lyric. . . she started. Not knowing what will happen.

Hindi nakatingin si Ces sa binata ngunit nakita niya paglingon nito mula
sa peripheral vision. Kinakabahan si Ces.

Noong nasa Keng's Night Out tayo last time, makikipagkita sana ako.

Would you let me see beneath your beautiful?Would you let me see
beneath your perfect?

M-Makikipagkita?

Ngumiti si Ces at tumingin kay Lyric.

Kay Mystery Texter.

Napansin ni Ces ang panlalaki ng mata ni Lyric sa narinig. Nakita rin


niya ang pag galaw ng adams apple ng binata.

Take it off now, girl, take it off now, girlI wanna see insideWould
you let me see beneath your beautiful tonight?

Nandoon siya nung gabing 'yun, patuloy ni Ces.

Napalunok si Lyric sa narinig ngunit nag aabang pa rin sa susunod na


sasabihin ni Ces.

Pero imbis na siya ang makita ko, holdap-er pa, napapangiting kwento ni
Ces. Hindi siya nagpakita sa akin.

Ces. . .

You let all the girls goMakes you feel good, don't it?

Ngumiti si Ces at
Theres something
things that needs
ito pinapansin ni

humarap kay Lyric. She felt awkward with Lyrics gaze.


with his eyes telling her something. Telling her the
to be told. There is tension between them ngunit hindi
Ces pero mukhang ramdam ito ni Lyric.

Hindi ko alam kung bakit niya ako ginugulo.

Lyric stiffened. Natigilan sa narinig mula kay Ces.

Hindi ko alam kung bakit siya nagtatago.

Behind your Broadway showI heard a boy say, "Please, don't hurt me"

Muli, natahimik ang dalawa pero nakaramdam na ng awkwardness sa paligid.


Siguro dahil patuloy pa rin ang pagtugtog sa kabilang bagay, hindi rin
nila alam. But it seems like everything around them becomes uneasy.
Everything about them got awkward or something.

Siguro. . .Siguro dahil natatakot siya, simpleng sagot ni Lyric.

You've carried on so longYou couldn't stop if you tried it.You've


built your wall so high

Napatingin si Ces kay Lyric na nakatingin lang sa kalawan sa harap.


Mukhang nawalan na rin ng sense si Lyric. Mukhang nawala na rin ang
atensyon at focus nito. Napansin ni Ces ang kamay ni Lyric na nakahawak
ng mahigpit sa railing as his hands whitens.

Natatakot?

Narinig ni Ces ang mabigat na paghinga ni Lyric. Sa isang pangyayari. Sa


isang pangako.

Hindi mapigilan ni Ces ang pagwawala ng kanyang puso. Pinagpapawisan ang


kanyang mga kamay. Hindi na rin niya alam kung ano ang dapat isipin o
kung ano ang dapat sabihin. Nawawala ang paligid sa kanyang paningin.
Tanging si Lyric at siya lang ang nakikita niya.

Nakatayo. Magkatabi. Nag-uusap.

That no one could climb it.But I'm gonna try

Natatakot siya? pagtataka ni Ces. Pero bakit pa siya nagparamdam kung


natatakot siya?

She wants answers and she wants to know the truth. Gusto niyang malaman
ang lahat dahil pinapatay na siya ng mga pangyayari. Hindi man siya
ginugulo ng Mystery Texter na 'yun, stilleverythings a mystery.

Nakakatawa lang na si Lyric ang kausap niya tungkol dito.

Would you let me see beneath your beautiful?Would you let me see
beneath your perfect?

B-Baka hindi niya mapigilan. Mabigat ang paghugot ng paghinga ni


Lyric. Baka gusto niyang ipaalam sa'yo na kahit ayawan ka ng mundo.
Binaling ni Lyric ang mga matang nagsusumamo sa dalaga. May isang tao pa
ring nagmamahal sa'yo.

Napalunok si Ces. She felt nervous. Blood rushing inside. Nagkakagulo ang
internal organs niya sa loob. Kahit ang utak niya ay halos gusto na
tumalon sa narinig.

L-Lyric. . .

Take it off now, boy, take it off now, boyI wanna see insideWould you
let me see beneath your beautiful tonight, oh, tonight?

Ito na lang ang huling nabanggit ni Ces. Sasabog na ang puso ni Ces.
Hindi na niya mapigilan. May pumipigil sa kanyang paghinga. Nagkakagulo
na ang utak at puso niya. Isama pa ang ilan pang internal organs na halos
kumawala na sa kanyang katawan.

Ngumisi si Lyric, pero hindi ko rin alam. Wala akong idea. Hindi naman
ako 'yun.

Nagkatitigan muli sina Lyric at Ces. Nagulat na lamang si Ces nang


hawakan ni Lyric ang magkabilang balikat niya at niyakap ng mahigpit.

Goodnight, mula sa yakap ni Lyric ay naramdaman ni Ces ang mabilis na


pagtibok ng puso ni Lyric kasabay ng sa kanya. Ces.

See beneath, see beneath,I...

Bago kumalas ay nag-iwan ng isang maliit na halik si Lyric sa ulo ni Ces.


Natulala lang si Ces sa ginawa ni Lyric. Nag init ang kanyang pisngi pati
na ang parte ng ulo niyang hinalikan ni Lyric.

TonightI...

Naglakad na palayo ang binata. Iniwan si Ces na nakatulala lang sa


kawalan. Bago pa makaalis si Lyric ng tuluyan ay tumigil ito at lumingon
sa dalaga.

Ah, Ces. . .

Unti-unting napatingin si Ces kay Lyric. Napansin niya ang pagpikit ng


binata at paghinga ng malalim bago magsalita muli.

W-Wala. Sige.

Pagkaalis ni Lyric ay agad na napaupo si Ces sa sahig. Nanghihina na siya


at nakakaramdam ng hilo.

I'm gonna climb on top your ivory towerI'll hold your hand and then
we'll jump right out

Kinuha ni Ces ang cellphone sa bulsa. She searched for that text that
made her sure kung sino nga ba si Mystery Texter. She stared at the text
message. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Hindi
niya alam kung bakit ganito ang reaksyon ng kanyang katawan.

We'll be falling, falling but that's OK'Cause I'll be right hereI just
wanna know

Lyric. . . bakit?

Isang text ni Mystery Texter. Isang text na hindi alam ni Mystery Texter.
Isang text na wala mang kinalaman sa kahit ano ay nagbigay linaw pa rin
sa lahat.

Ces! Si Melo 2matatagalan kmi sa pg-ayos ng bar. Pkisbi nga kay Lyric
bumalik xa d2. Natuwa ata xang 2makas sa gawain. Tnx.
PS: wg ka mgreply, bka mgalit sakin c Lyric pg nlaman nya gamit ko fone
nya mehehehe :D

~ ~ ~Author's Note:Aaahhh, it's about time na malaman niyo na ang


katotohanan. Para naman matapos na 'tong story na 'to jusko. Magsawa
naman tayo rito~ hahahaha! Salamat sa mga sumagot about sa hula nila kung
sino nakita ni Ces at kung sino si Mystery Texter. Sana hindi niyo ako
sapakin, please. :( Nawindang nga ako sa dami ng nagcomment sa tanong
ko. 130+ comments?! Pero bakit konti lang nagkocomment sa pinaka chapter?
BAD :( Anyway, SALAMAT SA PAGBABASA!!!
This chapter is dedicated to ate Yish. Una dahil sa suporta na
natatanggap ng TTLS galing sa kanya at pangalawa, sa effort sa pag gawa
ng video ng LyriCes. Omaygahd lang. First time lang ata na may gumawa ng
video tungkol sa loveteam ng isa kong story at si ate Yish ang gumawa ng
history!!! Pakiplay na lang po ang youtube video sa gilid --->
mapapakinggan niyo rin ang featured song sa chapter na ito. "Beneath Your
Beautiful" salamat ate Yish! Salamat sa effort. Salamat sa support. THANK
YOU!
Pilosopotasya page (click external link)
MERRY CHRISTMAS GUYS! Sobrang thankful ako na naging parte kayo ng buhay
ko at masaya akong maging parte ng Christmas niyo ang pagbabasa ng

chapter na ito (kung babasahin niyo man ng Christmas day mehehe) THANK
YOU PO TALAGA SA SUPORTA! *hugs*

=================
44 // A Stupid Mistake
"Without music, life would be a mistake." Friedrich Nietzsche

~ ~ ~

Napatitig si Ces sa pintuang nasa harapan niya. Everyday for the past
week, tinitingnan niya ito. She was hoping that someones going to open
that door to greet her. A good morning or a goodnight. Kahit isang
simpleng ngiti lang ay okay na siya. Pero sa araw-araw na iyon, walang
kibo ang pintuan. Hindi bumubukas, hindi rin nagsasara. Walang tao. .
.wala pa ring tao.

Alam mo, napayuko ng kaunti si Ces nang hawakan ni Melo ang ulo niya.
Nakatingin ang binata sa pintuan ng kwarto ni Lyric. Ang pintuang kanina
pa tinititigan ng dalaga. Babalik din 'yan.

Tumingin si Ces kay Melo, pero nasaan siya?

Nagkibit balikat si Melo. Ngumiti saka ginulo ng binata ang buhok ni Ces
bago bumaba ng hagdan.

Isang linggo na rin ang nakalipas nang umalis si Lyric. Hindi ito
nagpaalam kahit kaninonagulat na lang ang lahat nang wala na ito sa
bahay. It was the day after they talked. Umalis si Lyric pagkatapos
nilang mag-usap sa rooftop. . . and she. . fucking. . .miss him.

She tried calling him. Ang number ni Mystery Texter, that is. Ngunit
kahit ito ay hindi rin nagpaparamdam. Kinakabahan si Ces. . . what if
Lyric already knew that she already know him? Baka nagback out? Natakot?
Saan?

Sa isang pangyayari. . . pangako?

Simula nang mag-usap sila ay binabagabag na ni Lyric ang utak ni Ces.


Everynight, magpapakita si Lyric sa isip ng dalaga. Repeating those
words. Ang mga kinakatakutan ni Mystery Texter. Everynight, when Ces
shuts her eyes, naaalala niya ang boses ni Lyric when he said his last
good night. Ramdam na ramdam niya iyon and she fucking miss it.

Shes frustrated and she doesnt even know why. Basta ang alam niya,
naiinis siya. Sa sarili niya? Kay Lyric? Hindi niya alam. Gusto lang niya
ay malaman ang katotohanan. Why tell a lie? Why make an identity?

Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Mystery Texter? Maraming tanong. Marami


siyang hindi maintindihan at si Lyric lang ang makakasagot nito and yet.
. .hes nowhere to be found.

She tried asking Manager Lily about it pero sinasabi nito ay wala itong
alam. Mayroong hint si Ces na may alam ang Manager sa pag-alis ni Lyric.
Napapansin din kasi ng dalaga na lumalayo sa kanila si Manager Lilykahit
pa sinasabi nito na inaayos kasi ang album ng banda at sobrang busy.

She felt empty. Hinahanap-hanap niya ang lalaking nakasama niya sa


rooftop a week ago. Hinahanap niya ang pag-uusap na walang pretentions.
Hinahanap ng puso niya ang bawat pagbilis ng tibok sa tuwing lalapit sa
kanya ang binata. Hinahanap niya ang yakap nito. Sa tuwing hihiga ay
naaalala niya ang lamig ng sahig na hinigaan nila noong gabing 'yun.
Malamig pero isa sa pinaka kumportableng lugar para sa kanya. Naalala

niya ang pagkislap ng mga bituin sa langit. Ang mapayapang gabi. Ang mga
tawanan. Ang tinginan. Ang katahimikan.

Kahit ang kanta noon ay hinanap pa niya sa internet. Dinownload,


pinakinggan ng paulit-ulit at inalam kung paano igitara. Everything
happened that night became a drug for her. Nakakaadik. Hinahanap-hanap.
Hindi mapakali hangga't hindi nakikita o natitikman ulit.

Hindi pwedeng hindi siya bumalik ng pasko. Lumingon si Ces kay Pitch.
Kakabukas lang nito ng pintuan ng kwarto, papasok.

Pasko? Bakit?

Hindi sinagot ni Pitch ang tanong ni Ces. Pumasok ito at sinara ang pinto
ng kwarto. Naglock pa. Everybodys so mysterious. Parang lahat sila may
tinatago at nahihirapan si Ces dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin
o dapat alamin.

Hindi nagpaawat ng pagkamisteryoso si Note nang magring ang telepono ng


bahay. Pagkasagot ni Ces ay nakarinig siya ng mabigat na paghinga sa
kabilang linya. Ilang segundo lang ay may nagsalita na boses ng lalaki.
Bulong na nagpataas sa balahibo ni Ces. Napaka seryoso. Mapanaginip na
boses.

Wala ka nang takas Notar

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang may kumuha ng telepono sa kanyang kamay.
May sinabi pa ang tao sa kabilang linya ngunit hindi na niya narinig.
Paglingon ay nakita niya si Note na nakatingin sa kanya.

"Sorry, wrong number ka po." Binaba ni Note ang telepono. Eyes fixed on
her.

Note . . .

Seryoso ang mukha ni Note. Kinabahan si Ces sa pagkaseryoso nito. Ang mga
mata nito ay may tinatago na kapag tinitigan ay siguradong malulunod sa
mga titig ng kawalan. Nawala ang dating Note. . .sigurado na si Ces na
hindi ito si Note. Hindi ito si Note na nakilala niya noon. . . o baka
ito ang Note bago pa ang MyuSick.

Huwag ka sasagot ng kahit na anong tawag.

Napatango si Ces kahit hindi na niya nagegets ang mga nangyayari.


Nilagpasan siya ng kaibigan at lumabas ng bahay. Nakatayo lang siya,
nakatitig sa kawalan. Sobrang tahimik ng buong bahay. Maraming kalat
ngunit walang tao. Silence swallowed the house and its bothering her.

Malapit na mag pasko ngunit hindi nararamdaman ni Ces ang pasko.

Kahit si Ash, hindi na nagpakita pa.

* * *

Ilang buwan na ring kasama ni Ces ang banda. Sa totoo lang, hindi na siya
nakakasabay sa agos ng buhay ng MyuSick. Ang bilis ng phasing lalo na sa

change of emotion. The last time, sobrang misteryoso nila tapos ngayon,
nag-aaya ang lahat para mag malling. Ang daming tanong ni Ces pero grabe
talaga ang bilis. . . parang niloloko siya ng mga ito.

Siguro sa dami ng problema ng mga kabanda, gusto rin nilang magsaya kahit
papaano. Mag-unwind sa mall. Makakita ng mga taong naglalakad, nagsasaya
at nag-uusap. Matagal tagal na rin kasi ang huling pagpunta nila ng mall.
. .ni hindi na nga naalala ni Ces kung kailan ang huli.

Pagkapark ni Melo ay nagsilabasan na sila ng kotse. All coasts were clear


kaya naglakad na sila papuntang entrance. Nauunang naglakad sila Note at
Melo, si Ces ang nakasunod at si Pitch ang nahuhuli.

Ilang segundo lang ay nakarinig sila ng malakas at nakakabinging ingay ng


gulong.

May nagdidrifting ba rito? natatawang sabi ni Melo.

Nagulat ang lahat nang may sasakyang nagwawala na papalapit sa kanila.


Rinig din nila ang sigaw ng driver nito, tabi! Tabi! Wala akong preno!
Nagpapanic ito habang iwinawagayway ang braso sa labas. Pinapatabi ang
mga taong haharang sa daanan.

Everythings so fast. Nakarinig sila ng mga pito ng guard. Tumakbo ang


buong MyuSick papuntang gilid. Kahit si Ces ay tumakbo ngunit nagulat
siya nang makatapat niya ang kotse. Nabubulag siya sa sobrang liwanag ng
ilaw. Nabibingi siya sa lakas ng busina ng kotse. Sobrang bilis. Sobrang
lapit.

CES!

Bago pa pumikit si Ces, nakita niya ang isang pamilyar na pigura.


Pamilyar na damit. Pamilyar na mukha. Pamilyar na matang nagliliwanag ng
pula. Nakatingin ito sa kanya. Seryoso ang mukha. Sa loob ng kotse ay may
katabi ang driver.

Ash!

Pagkapikit ay naramdaman ni Ces ang isang paghatak at yakap. Ilang


segundo na ang nakalipas ay wala naman siyang narinig na malakas na
pagbunggo o pagkasira ng kotse.

Ces? boses ni Melo.

Pagmulat ni Ces ay nakita niya si Note na yakap siya. Sobrang higpit ng


yakap ng binata. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. . . at
doon lang din niya naramdaman ang pagwawala ng kanyang puso. Parang after
shock ang nangyari sa kanyang katawan dahil ngayon lang niya naramdaman
ang panghihina ng kanyang tuhod. Nanginginig ang kanyang katawan. Tanging
ang hawak lang ni Note ang nagbibigay ng lakas sa kanya para makatayo.

Pagtingin sa kotse na muntikan nang tumapos sa kanya ay nagulat ang lahat


nang tumigil ito. Tumigil ito na halos isang dangkal ang layo sa pader.
Unscratched. Parang nakaparking lang.

Nag-init ang ulo ni Note. Hoy ikaw

Kaagad pinigil ni Ces ang siguradong mainit na diskusyon. Sorry nang


sorry ang driver kanila Ces. Hindi rin kasi nito alam kung bakit nasira

ang break at hindi rin nito alam kung bakit napreno niya ang kotse. Ces
smiled, didnt ask for anything kung hindi ang sorry lang.

Pinabayaan na niya ang lahat. Told the driver to just forget everything
and shes okay.

* * *

Ilang minuto lang ay naglalakad na sa loob ng mall ang MyuSick na para


bang walang nangyari sa parking lot. Na para bang hindi kamuntik maipit
ng isang kotse ang babaeng bokalista nila. Umiiling si Note at Melo.

Hindi ko gets bakit hindi natin pinagbayad 'yung gagong 'yun, kumento
ni Note.

Bumuntong hininga si Melo. Wala eh. Sabay na tumingin si Melo at Note


kay Ces na tahimik lamang na naglalakad. Ayaw niya eh.

Habang naglalakad ang MyuSick ay may mga taong napapalingon sa kanila.


Matatangkad kasi ang mga ito, lalo na si Note na nasa 6ft. Magaganda ang
pangangatawan at maganda pumorma.

Simple lang ang porma nila. Si Pitch ay nakalong sleeves na black. Siguro
para takpan ang mga tattoo sa katawan. Nakatali ang buhok nito kaya kita
ang mga piercings at tattoo sa leeg. Simpleng jeans at chucks. Angat ang
tahimik na aura ni Pitch. Bad-boy look naman si Note na naka typical get
up nitong jacket na may fitted shirt sa loob, skinny jeans, at ang
paborito niyang chucks. Melo is in his usual v-cut plain t-shirt, skinny
jeans, converse at nerdy glasses. Kunwari ay hot nerd. Si Ces naman ay
nakaponytail ang buhok, simpleng shirt, jeans, boots at suot din ang
salamin.

People were staring. Pinagmamasdan ang bawat paggalaw ng buong banda. Ang
iba ay kilala sila, ang ilan naman ay nakuha ang atensyon dahil sa mga
itsura nila. Ang gugwapo kasi. Iba-iba ang aura pero gwapo pa rin.
Pakiramdam din ni Ces ay nagmumukha siyang katulong sa tabi ng mga ito.
Mabuti na lang din siguro na wala si Lyric kung hindi, dagdag gwapo pa.

Tumambay ang banda sa isang coffee shop. Rinig doon ang pagtugtog ng mga
nagbabantay sa music store. Kitang kita rin sa pinagtatambayan nila ang
cake stall sa gitna ng daanan at ang mga babaeng namimigay ng flyers sa
mga tao. People were ignoring those girls. Kakikitaan ng pagkadismaya sa
expresyon ng mga babae sa tuwing tumatanggi o hindi pinapansin ng mga
taong dumadaan ang flyers. Ngunit ilang segundo lang ay ngingiti ulit ang
mga ito. Theyre good at hiding their pain from a lot of rejections.
Siguro kailangan ng mga taong nagtatrabaho bilang tagabigay ng flyers ay
ang maging matatag. No space for people who cant accept rejection.
Every. Day.

Tahimik ang coffee shop dahil halos lahat ng customers ay may kanyakanyang ginagawa. Kung hindi sa computer ay nagsusulat o kaya naman ay
nagbabasa. Ganoon din ang ginagawa ni Pitch, nagbabasa ng bagong librong
binili niya. Nagkukwentuhan naman sila Melo at Note. Pinipilit nilang
isali sa usapan si Ces ngunit nakatahimik lang ang dalaga. Nakatingin sa
kawalan.

Naaalala ni Ces ang pangyayari kanina. Ang kotseng muntik nang kumitil sa
kanya. Ang hiwaga sa break ng driver at ang katabi nito. Si Ash. .
.sigurado siyang si Ash ang nakita niya.

Bakit?

Ces was too deep in her thoughts. Bumuntong hininga si Note. Minsan
iisipin mo, tumutugtog ka dahil gusto mo lang pero, tumingin ang binata
sa lalaking nasa music store. Once na may lumapit sayong tao para
sabihin na naiinspire niyo po ako nagkakaroon ng plus ang dahilan mo
para tumugtog. Para sa sarili mo, at para makainspire sa ibang tao.
Pailing-iling nitong sabi.

Napakunot ang noo ni Melo. Pre, anong point mo?

Ngumiti ng malawak si Note. Wala, pa-deep lang.

Nagtawanan ang dalawa. Pinipilit ni Pitch magconcentrate sa librong


binabasa pero sobrang korni ng mga kabanda nito na napapangisi na siya.
Pagtingin nila Note kay Ces, walang epekto ang inaakto nila. Hindi sila
pinapansin ng bokalista.

Uhm, Ces. Nilingon ni Ces si Note. CR tayo.

Bago pa makareact si Ces ay agad siyang hinila ng kaibigan. Hindi na siya


nakatanggi o naka-oo. Ni hindi na niya naisip kung saan siya inaaya ni
Note.

Hi ma'am, sirKape Keyk po, inalok ng babae si Ces at Note ng flyer.


Hindi sana ito papansinin ni Note ngunit kinuha ni Ces ang flyer. Nakita
ni Ces ang pagngiti ng babae. Isang genuine smile. Thank you po.

Pinilit ni Note na mag CR si Ces kahit hindi naman kailangan ng dalaga


mag CR. Kahit naguguluhan ay pumasok na siya ng CR. Hindi kasi siya
tinatantanan ni Note hangga't hindi raw siya nagcCR.

Pagkatapos maghugas ng kamay ni Ces for the 3rd time, may mga babaeng
pumasok na hawak ang flyer na kaparehas ng kanya. Tatlong highschool
students, nakauniform at tig-iisa pa ng flyers. Tumatawa ang mga ito na
tila ba kinikilig.

Ang gwapo nila!

Ahihi, oo nga!

Grabe~

Anong nangyari? Kaagad naisip ni Ces.

Pagkalabas ay nagtaka siya nang mawala si Note. May ilang babae na


papasok ulit ng CR at kinikilig na hawak ang mga flyers nila. Napalingon
si Ces sa mga babaeng iyon, nagtataka. Nagtataka siya. May nangyayari ba
sa flyers? Bakit kinikilig ang mga babaeng iyon?

May nakasalubong din si Ces na magkasamababae at lalaki. Ngiting ngiti


ang lalaki at hindi sinasadya ni Ces na marinig ang sinabi nito. Kapag
ako nagmahal, Rhianne. . .pati asin, tumatamis.

Natawa ang babae at binatukan ang lalaking kasama. Anak ng, korni mo,
Nathan! Saka naghiwalay ang dalawa upang mag CR.

Naglakad si Ces para makalabas sa hallway ng comfort room. Natigilan siya


nang makarinig siya ng mga sigaw. Hindi rin naman mahirap hagilapin ang
pinagkakaguluhan dahil kitang kita niya kung sino ang mga
pinagkakaguluhan. Nasa gitna. Sa may cake stall.

Ang MyuSick.

Nakangiting nagpapamigay ng flyers sila Note at Melo. Tinutulungan nila


ang mga babaeng sobrang lawak ang ngiti ngayon. Si Pitch ay nagdadrums
gamit ang set ng music store sa tabi at ang lalaki sa gitna. . .ang may
hawak ng mic. Nakaharap sa kanya ang binata at ngumiti.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Huwag kang matakot'Di mo ba alam nandito lang akoSa iyong tabi

Ang boses na iyon. Ang mga ngiti. . . hindi namalayan ni Ces na


napapangiti na rin siya habang naglalakad palapit sa lalaking hinahanaphanap niya sa nakalipas na linggo.

'Di kita pababayaan kailan manAt kung ikaw ay mahulog sa banginAy


sasaluhin kita

Si Lyric.

He was wearing a jacket. Ang itim na hoodie na nakita noon ni Ces na suot
ni Mystery Texter. Dahil nakatali ang side ng buhok ni Lyric sa kanay ay
kitang kita ni Ces ang hikaw nitong kulay black na may design na cross.

Huwag kang matakot na matulog mag-isaKasama mo naman ako

Tumigil ang lahat sa paligid nang magkaharap sila ni Lyric. Ilang metro
lang ang layo. Ang nagbibigay ng flyers na sila Note, Melo at ang mga
babae ay tumigil. Si Pitch na nasa may music store ay nakatigil din.
Ganoon din ang salesman ng store na nag gigitara. Ang mga tao sa paligid,
ang lahat ng gumagalaw ay tila ba naglaho.

Tanging si Lyric lamang at ang sarili ang nakikita niyang gumagalaw.


Kumakanta at nakangiti sa kanya.

Huwag kang matakot na umibig at lumuhaKasama mo naman akoHuwag kang


matakot

Nang matapos ang kanta ay nagpalakpakan ang mga tao. Dinumog sila ng mga
fans. Nagpapicture, nagpaatograph sa kung saan-saang pwedeng mapirmahan
pati na rin sa ibat-ibang parte ng katawan. May isang sexy na babaeng
nagpaautograph kay Melo sa bandang dibdib nito. Tuwang tuwa naman ang
loko.

Natahimik sa pandinig ni Ces ang lahat nang nakatayo na sa harap niya si


Lyric. Ngiting ngiti ito sa kanya. Sa halos dalawang linggo nitong
pagkawala, para kay Ces ay isang buwan ang nagtagal. Ngunit sa presensya
ng binata ay tila ba naibsan ang kaunting emptiness sa kanyang loob.

W-Welcome back, pagbati ni Ces.

Nagkangitian ang dalawang bokalista. Walang masyadong kumikibo. Ang


tanging nararamdaman lang ni Ces ay ang mabilis na pagtibok ng kanyang
puso. Isang kaba na masarap sa pakiramdam. They just stood there. Staring
at each others eyes with a hint of longing.

Kamusta?

Kahit ang boses ni Lyric ay kumukuryente sa pagkatao ni Ces. Tila isa


itong magandang melodiya na bumubulong sa kanyang tainga. His voice was
luring her. . .inaakit siya nito. She breathed heavily. Ibinabalik ang
normal niyang paghingahindi niya napansin na nagpipigil pala siya ng
hininga kanina. Lyric, just by standing in front of her, made her
breathless.

This. Is. Not. Good.

Hindi. . . namiss ko lang siya. Bilang kaibigan. Pagkumbinsi ni Ces sa


sarili. Satisfied, nakumbinsi naman niya ang sarili. Yeah, she missed
him. Pero dahil magkaibigan sila. . .at hindi lang siya sanay na mawalay
sa mga kabanda ng dalawang linggo.

Oo, tama. Ganun nga.

Ay grabe to, a moment to remember ang drama, natatawang kumento ni Melo


habang nakatingin sa dalawang bokalista. Natawa si Note at tahimik lang
si Pitch habang nagbabasa ng nakatayo.

Thank you po sa pagtulong, pagpapasalamat ng dalawang babaeng namimigay


ng flyers. Pagkatapos ng isang kanta ay naubos ang flyers na pinamimigay
nila. Ganoon kalakas ang hatak ng MyuSick.

For a reward, inilibre sila ng mga babae ng tig-isang cake. Hindi


tumanggi sila Note at Melo. Pagkaupo sa nakalaang table sa customers ng
cake stall ay agad nilang nilantakan ang mga cake. Napapangiti si Ces sa
pinag gagagawa ng dalawa.

Wow, parang ang saya mo ata ngayon, Ces? pagbati ni Note sa dalaga.
No, Lyric? pagbaling ni Note kay Lyric. Ang saya ni Ces ngayon. Kanina
ang tahimik n'yan.

Nanlaki ang mata ni Ces. Napanganga rin siya ng kaunti dahil sa mga
pinagsasasabi ni Note. Note

Lumawak ang ngiti ni Note at pinatong ang kamay sa ulo ni Ces. Joke
lang, medyo guilty? natatawa nitong sabi.

Nag-init ang pisngi ni Ces. Note is teasing her! Ang lakas ng topak. She
cant believe it. Iniiwas man niya ang tingin kay Lyric, napansin niya
ang paghawak ni Lyric sa batok nito. Hindi rin makatingin si Lyric kay
Ces.

Ah, young love, kumento ni Melo. Ngiting ngiti.

Lalong nag-init ang pisngi ni Ces. Hindi niya malaman kung ngingiti,
sisimangot o kukunot ang noo. Nagkatinginan sila ni Lyric ngunit sabay
ding umiwas ng tingin. Papatigilin na sana ni Ces ang dalawa sa panunukso
sa kanila nang magring ang kanyang cellphone. Pagtingin niya sa
tumatawag, number lang.

Pagkasagot, narinig niya ang isang boses na sobrang pamilyar. Boses na


nagpapasakit sa kanyang ulo at dibdib. Sa galit. Sa inis. Sa pagkairita.

Hi Ces!

She knew answering the call was the most stupid thing she has ever done.

~ ~ ~Author's Note:Sa 1000+ people na nagbabasa ng TTLS kahit hindi


nagpaparamdam, (o sa mga napapadaan lang), HAPPY 2014!!! Sa mga todo
suporta sa TTLS with ze votes and comments, thank you berimats guys.
Masaya akong nagtapos at nagsimula ang taon ko na kasama ko kayo.
Natatawa na natutuwa ako dahil natutuwa kayong tama ang mga hula niyo. .
. mehehehehe. So now, let's start everything, shall we?
MyuSick at the right -->
This chapter is dedicated to a new reader of TTLS. Si SadButterfly!
Nabasa ko kasi 'yung comment niya at. . .wala lang. Matalinong bata.
*tango tango* so yeah, akala ko hindi ako magaling maglead ng clues pero
may nakakagets naman pala. Masaya ako dahil doon. And Ms SadButterfly,
maraming salamat sa comment, sa pagiging reader pati na rin pagmarathon
ng JOA :D
Happy 2014 ulit :)

=================
45 // Plan of Little Devils
"We must be willing to let go of the life we planned so as to have the
life that is waiting for us." Joseph Campbell

~ ~ ~
It was not a good decision.
Nang marinig ni Ces ang matinis na boses na iyon, alam niyang maling mali
siya. Wala siyang karapatang humindilalo na't si Manager Lily na ang
sumang-ayon. Hindi nga niya alam kung paano nakuha ng taong 'yun ang
number niya. Hearing that squeaky familiar voice made her shiver. . . no,
she's not angry because of what happened. Hindi rin siya takot. It's just
that. . . she loath that girl.

"Ayaw kong magbida, Manager!" pagmamaktol ni Lyric.


Kasalukuyang nasa Haven ang MyuSick for their meeting about the 'favor'
that girl brought. Paulit ulit sa isip ni Ces na kung hindi lang sana
niya sinagot ang phone, hindi siya mapipilitan kausapin si Manager Lily.
Well, ang totoo ay hindi naman talaga niya sinabi kay Manager Lily ang
tungkol dito but that girl has her own ways to talk with their Manager.
Ang kapal ng mukha. That devil bitch.
Tiningnan nang masama ni Manager Lily ang bokalista. Natakot ang buong
MyuSick sa reaksyon ni Lily. Lily was serious. "Ilabas mo na lang
kaartehan mo sa film."
"Pero"
"Oo lang ang sagot," marahang sabi ni Manager Lily. Kinuha nito ang
cellphone at nagdial. She looked at Lyric with authority. "Lilinisin ng
indie film na 'to ang pangalan mo."
"Pero musician ako. Hindi artista."
"Enough."
That was what Manager Lily said. . . and it was final. Lyric was
devastated. Pagkalabas ay inihilamos ng binata ang kamay sa mukha. He
brushed his hair upward in frustration.
"Hindi ako marunong umarte!" pagrereklamo nito.
Ngumisi si Melo, "isa kang kahihiyan sa MyuSick kapag hindi mo
ginalingan, pre."
"Huwag kang maging tuod sa shoot ah?" Nakisali pa si Note sa pang-aasar.
Dumiretso si Pitch sa kanyang kwarto dahil busy itong nagbabasa habang
nakatayo lang si Ces. Nakatingin kay Lyric. Pakiramdam niya ay kasalanan
niya ang lahat. Nakakapangsisi.
"Sorry." Napatingin ang tatlong binata kay Ces.

"Hindi ko alam na. . ."

Ngumiti si Lyric ngunit kitang kita na hindi ito masaya. "Okay lang."
Narinig nila ang malakas na boses ni Manager Lily mula sa Haven. Tila ba
pinaparinig talaga ni Lily ang mga salita sa tainga ni Lyric. "Hello?
MyuSick's Manager. Lily. Yes. Lyric's in."

* * *
"Hoy!"
Mula sa pagkakahiga ay napatingin si Ces sa pintuan ng kanyang kwarto.
May boses ng batang babae ang sumisigaw sa labas. Isang pamilyar na
boses. Nang buksan ni Ces ang pintuan, nagulat siya sa takot nang makita
ang batang iyon. Si Mela, ang kapatid ni Melo. Nakangiti.
"B-Bakit?"
"Aalis tayo!"
Napangiwi si Ces nang pagsarhan siya ni Mela ng pintuan. Pintuan ng
mismong kwarto niya! Kahit hindi alam ni Ces ang nangyayari, sumunod na
siya sa bata at nag-ayos.
Ilang minuto ang nakaraan, lumabas si Ces ng kwarto. Hindi na niya
hinanap kung nasaan si Mela dahil naririnig niya ang maliit na boses ng
bata sa ibaba. Pagkababa ay nakita niyang nakaayos ang buong MyuSick.
Nagtataka siyang tumingin sa mga kabanda. Bakit sila nakaayos? Sa album
launch ba nila ito? Sa meeting with the production of Direk J? Ngunit
walang sinabi si Manager. . . kahit text ay wala siyang natanggap.
Nagpaalam sandali ang magkapatid na Melo at Mela para umakyat. Naiwan
sila Lyric, Note, Ces na nakatayo habang tulog sa sofa si Pitch.
Napansin ni Ces ang pagkakamot ng ulo ni Lyric. Nang magkatinginan ang
dalawa ay nginitian niya ang lalaki ngunit nag iwas ng tingin. She felt
weird. Hindi alam ng dalaga kung nasaktan ba siya sa pag iwas na iyon.
Nagulat si Ces nang may lumitaw na kamay sa harapan niya na may hawak na
chocolate. Paglingon ay nakita niyang nakangiti sa kanya si Lyric.
"Gusto mo?"
Hindi kaagad nakakibo si Ces. Nag init ang buong pisngi niya. Napatingin
siya kay Lyric na nakangiti sa kanya. Kukunin na sana niya ang chocolate
nang umentrada si Note.
"Uy, pahingi!" kukunin sana ni Note ang chocolate ngunit iniwas ni Lyric.
"Pang babae lang."
Sumimangot si Note. Para siyang batang hindi pinagbigyan ng tatay
kargahin. Mula sa haven ay lumabas si Manager Lily na nakapambahay,
nakatali ang buhok at may hawak na mug. Nagtaka si Ces dahil hindi

nakaayos ang Manager nila. Magsasalita pa lang sana ang dalaga nang
naunahan na naman siya ni Note.
"Manager!" pagtawag ni Note kay Lily. "May chocolate bang binigay si
Lyric sa'yo?"
Kumunot ang noo ni Manager Lily. "Wala, bakit?"
Ibinalik ni Note ang tingin kay Lyric ngunit may ngisi na ito sa labi.
"Pang babae lang daw oh. . ." natatawang sabi ni Note. Kamuntikan nang
maout-of-balance si Note nang hawiin siya ni Manager Lily. "Aray ko
naman."
Hindi pinansin ni Manager si Note. Tumaas ang kilay niya nang makitang
may hawak na chocolate si Lyric. "Bakit may chocolate ka? Hindi ba sinabi
kong bawal ang dairy products sa inyo."
Nagkatinginan sina Lyric at Ces. Ngiting tagumpay ang nakabalandra sa
mukha ni Note nang ibigay sa kanya ni Lyric ang chocolate. "Oh ito na,
sa'yong sa'yo na 'tong chocolate."
Tuwang tuwa si Note nang buksan niya ang chocolate at kumagat. Asar na
asar naman si Lyric habang nakapasok na ng kwarto si Manager Lily.
Nakatayo lang si Ces habang nakatingin kay Note. Humupa na rin ang kabang
naramdaman niya mula kanina.
Nagkatinginan sila ni Note at inalok siya ng gitarista. "Gusto mo?"
Ngumiwi si Ces, "sige, okay lang. Huwag na."
"Buti naman," natatawang sabi ni Note.
Pinalo ni Ces si Note sa braso dahil sa pang-aasar nito. Tawa nang tawa
si Note habang obvious na badtrip si Lyric. Umupo sa pangalawang sofa si
Lyric at nagulat na lang ang lahat nang may unan na tumama sa ulo ni
Note.
"Aray!" hinimas ni Note ang ulo. "Ano ba?!"
Pagtingin ay nakita nila ang kamay ni Pitch na hinagis ang unan. Tumayo
si Pitch at tiningnan si Note nang mataman. Sumimangot si Note ngunit
hindi nagpatinag si Pitch. Sa mga tingin ng drummer ay pwede nang magyelo
on the spot si Note. . . pinapaalam na gambalahin na ang lahat huwag lang
ang natutulog na Pio Alberto.
"Ang ingay mo."

Paakyat si Pitch nang mapansin ni Ces na pababa si Mela ng nakangiti.


Walang Melo-ng nagpakita. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin siya kung
bakit nasa MyuSick residence si Mela. Dahil ba malapit na magpasko at
wala ang mga magulang nito kaya kay Melo muna nakikisama? Either way, ano
man ang sagot. . . natatakot pa rin siya sa presensya ng bata. . . lalo
na nang tumigil ito sa harap ni Lyric. Nakangiti pa rin.
"Ikaw, ipasyal mo ako," utos ng bata.
Napangiwi si Lyric at tiningnan nang mataimtim si Mela. Dahil nakaupo ang
binata, kasing taas niya ang bata. Face to face.
"Anong ipasyal?"
Umirap si Mela. "Duh, pasyal. Hindi mo alam 'yon?"
"Pero maraming tao. Magpapasko na." Nagkamot si Lyric ng noo. Humindi
siya kay Mela ngunit nagulat siya nang kulit-kulitin siya ng bata. Hindi
nagpapaawat. When Ces was about to ask for Note's help, nagtaka siya nang
wala na ang gitarista sa tabi. Saan nagpunta 'yun?
"Aray!"
"Lyric!" Paglapit ni Ces ay nakita niyang kinagat ni Mela ang kamay ni
Lyric.
"Ang sakit!"
"Ipasyal mo na kasi ako!" pagmamaktol ni Mela. Nagpapapadyak ito. Nang
pigilan ni Ces ang pagwawala ni Mela, kinagat ni Mela ang braso ni Ces.
"A-aw." Ces winced.
"Oy!" Agad na tumayo si Lyric at hinawakan sa braso si Mela. Binuhat nito
ang bata upang ilayo kay Ces. Nagwawala pa rin si Mela at nagsisisigaw na
ipasyal siya ni Lyric. "Ano ba, huwag kang maingay." Nakakunot ang noo ni
Lyric. Hindi na rin niya malaman kung dapat ba niyang pitikin ang bata sa
noo para tumigil pero baka machild abuse siya. He was torn between dahil
sumusobra na ang pagkabrat ni Mela.
"IPASYAL MO AKO!"
"Bakit ba kasi ako?!" Ibinaba ni Lyric si Mela. Nakakunot noo pa rin si
Lyric ngunit nagulat siya nang kumunot din ang noo ni Mela. "Pwede bang
kuya mo na lang magpasyal sa'yo?"

"Ayaw ko! Baka mamaya ipasagasa niya ako, eh!"


Sumimangot si Lyric at naupo ulit sa sofa. "Hindi na ako nagtaka."
"Lyric." Pagbabanta ni Ces.
Nagkatinginan sila Ces at Lyric sandali at parang natigil ang oras ng
dalaga nang ngumiti ang binata sa kanya. It's as if that smile says he
won't do it. Never. Kahit nakakaasar na talaga si Mela.
"Gusto ko ipasyal ako ng daddy figure." Sagot ni Mela. Ngiting-ngiti.
Huminga nang malalim si Lyric. "Anong pinapahiwatig mo? Na mukha akong
tatay?"
Lumawak ang ngiti ni Mela at pinat ang ulo ni Lyric. "Ang pogi mo."
"Ikaw!" Tinuro ni Mela si Ces. "Sama ka."
* * *
Little Cute Devil.
Hindi maikakaila na isang minion ni Manager Lily si Mela. She was a brat.
Really. Nagmamaktol kapag hindi nasusunod ang gusto. Pala-utos at kung
umasta ay parang boss. Sa edad nitong siyam, ang dami na nitong alammas
marami pang alam kay Ryzza Mae ng Eat Bulaga.
"Ang tagal naman!" pagrereklamo nito.
Napangiwi si Lyric habang nagdadrive. Kanina pa talaga siya nagtitimpi sa
mga reklamo at sigaw ng bata. Kahit nga ilang minuto na ang nakaraan at
nasa kotse na sila, nararamdaman pa rin niya ang kagat ng bata. It
stings. And it hurts. A lot.
Ganoon din ang nararamdaman ni Ces.
Her heart was pounding. Hindi siya mapakali dahil nasa tabi siya ng
driver's seat. . . which is Lyric. Ngayon lang sila nagkatabi sa kotse.
Ngayon lang din niya nalamang nagdadrive ang binata. At ngayon lang din
niya napagtantong hindi ito ang kotse na dinadrive lagi ni Melo. Gusto
niyang itanong kay Lyric ang mga ito ngunit may isang pumipigil sa kanya:
Ang kaingayan ni Mela. Tanong nang tanong kung nand'yan na ba sila o wala
pa. Sinasabing ang tagal at kupad mag drive ni Lyric.

"Mela, Amusement Park ang gusto mong puntuhan. Magpapasko na. Traffic.
Four hours ang byahe. Huwag ka namang demanding." Ilang ulit na sinabi ni
Lyric ito ngunit nagrereklamo pa rin si Mela.
"Wala akong paki! Paliparin mo 'tong kotse!"
Ngumiwi si Lyric at tiningnan ang batang nasa back seat mula sa rear-view
mirror. "Gusto mong ikaw ang lumipad?" Tiningnan nang masama ni Mela si
Lyric. Ngumiwi si Lyric, "experience lang."
Inirapan ni Mela ang bokalista. "Korni."
Humugot ng malalim na hininga si Lyric. This is pathetic.
Hindi natapos ang kaingayan ni Mela. Kung anu-ano ang napapansin nito at
napagdesisyunan na lamang nila Ces na huwag na lang pansinin ang bata
dahil mapapagod din ito. Nilibot ni Ces ang paningin sa loob ng kotse.
Maganda ang kotseng ito dahil maliit lang hindi tulad ng sa Van. Maayos
ang kotse at walang kahit na anong sira o kalat. Pagtingin ng dalaga sa
dashboard, may napansin siyang isang maliit na glass bottle na may takip.
Ilang minuto lang, knock out na si Mela. . . kaya nagkaroon ng tsansang
makapag-usap ang dalawang bokalista.
"Kaninong kotse 'to?" unang tanong ni Ces.
Tumingin sa kanya si Lyric at ngumiti. Napangiti si Ces dahil doon ngunit
nagwawala naman ang puso niya sa loob.
"Akin."
"Hindi mo sinabing may kotse ka pala. . ." Tiningnan ni Ces si Lyric at
pinagmasdan kung gaano kagwapo ang binata habang nagdadrive at nakatingin
sa daanan. "at nagdadrive."
Nakita ni Ces ang pagkamot ni Lyric sa batok habang nakangiti. She finds
him cute while doing it. Sobrang boyish ng dating at ang teenager ng
feel. "Hindi ka naman nagtatanong eh," nakangisi nitong sabi.
Nagtawanan ang dalawa nang magkwentuhan pa sila tungkol sa ilang bagay.
Tuwang tuwa rin sila dahil natahimik si Mela kahit paaano. . . mukhang
napagod sa pagmamaldita. Ang dami nilang topic: Ang MyuSick. Ang Music in
general. Ang mga bagay-bagay. . . ngunit hindi mapakali si Ces. She was
itching to ask a simple question since he went home a few days ago.
"Saan ka nagpunta?"

Napatingin si Lyric kay Ces ng ilang segundo. Nagtataka. .


ang tingin sa harap. "Saan nagpunta?"

at ibinalik

"Noong dalawang linggo."


Natahimik ang dalawa panandalian. Hindi nagsalita si Lyric kaya't
napatingin sa kanya ang dalaga. Waiting for answer. Yearning for the
truth.
"Bakit?"
Bumilis ang tibok ng puso ni Ces sa pagsagot ni Lyric ng isang tanong.
Bakit? Bakit nga ba? Bakit siya interesado malaman kung saan galing ang
kapwa bokalista? Hindi ba dapat hayaan na lang niya ito? Si Manager Lily
nga ay hindi na tinanong kung saan galing si Lyric. . . siya pa kaya?
"W-Wala lang."
"Sa ibang bansa."
"Ibang bansa?" Muling binaling ni Ces ang tingin kay Lyric.
Ngumiti si Lyric at tumingin kay Ces. "Bakasyon lang."
Hindi na nagtanong pa si Ces. It was good enough. Ngunit hindi rin niya
alam kung anong nangyayari sa kanya. Sa tuwing natatahimik sila ni Lyric
ay hindi siya mapakali. Kapag nawawala ang mga salita ay pakiramdam niya
namimiss niya ang boses ng binata. . . kahit katabi lang niya ito. It was
so weird. Tila ba hinahanap-hanap niya ang pag-uusap nila ng binata.
"Ano 'to?" Kinuha ni Ces ang maliit na bote sa dashboard. Tiningnan niya
ang loob nito at napansing puno ng tuyot na rosas ang nandoon. May nakita
rin siyang papel. . . at bigla siyang kinabahan nang mapansin niy ang
kulay nito. Pink.
Mystery texter.
"Ah ano. . ." natigilan si Lyric. Kinuha niya sa hawak ng dalaga ang bote
at inilaglag. Hindi ito makuha ni Ces dahil sinadyang bitawan ni Lyric
ang bote sa ilalim ng driver's seat. "Wala lang 'yun. B-Basura."
Hindi na nagsalita pa si Ces. Hindi na rin niya kakayanin magsalita dahil
ang bigat ng kanyang paghinga. Kaunti na lang ay tatalon na palabas ng
katawan niya ang kanyang puso.

When Mela woke up, nagsimula na naman itong magreklamo. . . at hindi


inaakala ni Ces na magpapasalamat siyang nagising ulit si Little Devil.
Bago pa sila makapunta mismo sa Amusement Park, gumuho ang mundo ni Lyric
nang magsalita si Mela.
"Ayaw ko na sa park, playground na lang."
* * *
Pagod na pagod si Lyric nang maupo siya sa bench ng playground. Mula sa
Amusement Park ay bumalik sila sa center of Manila para mapuntahan ang
playground na gusto ni Mela. That spoiled little devil.
Nanggigil si Lyric pero hindi niya magawang gumalaw dahil sa sobrang
kapaguran. Ngayon na lang kasi ito nagdrive ulit ng halos abutin ng five
hours. Kahit si Ces ay naramdaman ang pagod kaya naman nakaupo lang sila.
Magkatabi. Habang nakatingin kay Mela na binubully ang ibang bata sa
playground.
"Kakaiba talaga 'yang Mela na 'yan, torture!" Iniistretch ni Lyric ang
kanyang katawan. Naninigas kasi ito dahil sa sobrang tagal nitong
pagkakaupo. Nangangalay rin ang kanyang mga braso at binti.
Napangiti si Ces ngunit tahimik lang. Ilang minuto silang tahimik.
Tanging ang ingay ng mga bata, sigawan, tawanan at sigaw ni Mela ang
naririnig sa playground. Hindi rin maaraw kaya masarap magpalipas ng oras
sa labas.
Walang nagsasalita sa dalawang bokalista. Nakadikwatro lamang si Lyric
habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid. Si Ces ay nakaupo, tensed at
nakayuko.
"Kwento ka naman."
Napatingin si Ces kay Lyric ngunit hindi ito nakatingin sa kanya. "Ako?"
Nakita ni Ces ang pagngiti ni Lyric. Bumilis ang tibok ng puso niya nang
tumingin ito sa kanya. "Oo, ikaw nga. . .Prinsesa."
Natigilan si Ces sa narinig. Prinsesa. . . Napapikit siya at sumandal.
She should felt the pain with that word pero wala siyang naramdamang
sakit. Wala siyang naalalang prinsipe na sumira sa kanya noon. It's as if
she finally, as in finally, moved on from her past.
Tumingin ng diretso sa harap. "Pero wala naman"

"Mula sa pagkabata." Napatingin si Ces kay Lyric na nakatingin sa kanya.


Huminga ng malalim ang bata nang maramdaman niyang hinihigop na siya ng
mga mata ng binata. "Ikwento mo sa akin lahat ng naaalala mo mula
pagkabata hanggang ngayon."
Magkukwento. . . ano bang dapat ikwento? Hindi naman siya pala kwentong
tao. Madalas, si Marky ang kausap niya pero hindi naman nagpapakwento si
Marky tungkol sa pagkabata niya.
Yes, Marky's like her best friend since first year college sa dati niyang
school pero hindi sila nagkwentuhan na ang topic ang simula pagkabata.
"Pero"
"Boring? Wala akong pakielam," malumanay na sabi ni Lyric. Ngumisi ang
binata at naramdaman ni Ces ang pagtalon ng kanyang puso nang tinuloy ni
Lyric ang sasabihin. "Interesado ako."
That was when Ces gave up and started telling her own tale. Nagsimula ang
kwento niya noong kindergarten siya at nagkabulutong. Umiyak siya noon
dahil hindi siya nakapunta sa Christmas Party.
"Dahil lang doon?!" hindi makapaniwalang tanong ni Lyric. Natatawa.
Sumimangot si Ces nang tumingin kay Lyric. Natatawa rin siya. "Kinder
lang ako noon!"
"Excuses. . . tapos?"
Accelerated siya kaya siya ang pinaka bata sa batch. Pagdating ng grade
one, naaalala niyang siya ang first honor ng kanilang batch. Hanggang pag
graduate ng grade school ay consistent ang kanyang grades. Kulang na lang
ay pakpak para lumipad ito sa sobrang tataas. Sa buong grade school days
niya, walang masyadong nangyari. She had some friends na nagstay at
mayroon ding nawala. Ang pinaka naaalala lang niya ay nung time na
binully siya ng kaklase niya.
Tinulak siya ng babaeng kaklase niya papasok ng CR ng boys at nilock siya
doon. Nagkakakatok siya para palabasin nang makarinig siya ng 'sss'
sound. Paglingon ay napasigaw siya at napatalikod dahil may lalaking
umiihi, hindi kalayuan sa kanya.
"Kaya pala!" Natigilan si Ces nang lumapit sa kanya si Lyric. She felt
uneasy hanggang sa pinindot ni Lyric ang gilid ng kanyang mata. "May
kuliti ka oh! Naninilip ka pala."

"Hala, hindi ko"


Natawa si Lyric. Nag-init ang pisngi ni Ces sa pang-aasar sa kanya ng
bokalista. "Ikaw ah."
Napanganga si Ces, "wala akong nakita!" Napahawak si Ces sa magkabilang
pisngi at tumayo. "Ayaw ko na nga magkwento." Palakad na sana si Ces nang
hawakan siya ni Lyric sa braso. Napalunok si Ces nang maramdaman ang
mainit na palad ng binata sa kanyang braso. Huminga siya nang malalim
bago nilingon ang kaibigan. She acted normal. . .kahit abnormal na ang
puso niya.
"Huwag. Magkwento ka pa."
Para makaiwas sa titigan session, naupo ulit si Ces. Tumingin siya kung
saan-saan pwera kay Lyric. Naiilang siya dahil nakikita niya sa gilid ng
kanyang mata ang mukha ni Lyric na nakaharap sa kanya. Ang mga mata
nitong sa kanya lang nakatingin.
"Nung ano, highschool. . ." pinilit ni Ces halukayin ang mga nangyari sa
kanya nung highschool. Ang naaalala lang niya ay ang mga malulungkot na
bagaytulad na lang nang maaksidente siya. Isang mabilis na kotse ang
nakikita niya sa kanyang mata. Pag gising ay wala ang mga magulang niya
sa ospitalhindi niya alam na nagsisimula na pala noong mga panahong iyon
ang problema sa kaniyang mga magulang.
Nag-iinit ang pisngi ni Ces at hindi maituloy ang kwento.
"Okay lang kahit laktawan na natin 'yun." Nagkatinginan sila Ces at
Lyric. Ngumiti si Ces ngunit pinagpatuloy niya ang kwento. Pagdating ng
fourth year, nalaman na lang niyang may iba nang kinakasama ang kanyang
tatay.
"Teka, fourth year?"
"Oo, bakit?"
Ces felt something weird nang umiwas nang tingin si Lyric. Doon lang niya
naalala. . . si Mystery Texter. It was six years ago. Iniwas din niya ang
tingin kay Lyric at tumitig sa kawalan. Six years ago. Siguradong
highschool years 'yun. Twenty na siya this year so she's about fourteen
when that 'six years ago' happened.
Pero. . . kailan?
Ces was in deep thoughts nang magsalita muli si Lyric, which made her
taken aback. Her heart leaped. Nakakunot ang noo ng binata habang
nakatingin sa kanya.

"Walang nanligaw sa'yo noon?"


Unti-unti siyang tumingin kay Lyric. "Nanligaw?" Lyric nodded. Nakatingin
ito sa kanya na tila ba siya lang ang tao sa paligid. Nakaramdam ng kaba
si Ces. Six years ago. . . sino si Lyric six years ago? Nagkadapuang
palad ba sila noon o hindi niya kilala si Lyric?
Or that mystery texter, six years ago and all other stuff are all craps?
"W-Wala."
Napayuko ng kaunti si Ces nang pinatong ni Lyric ang kanyang kamay sa ulo
ng dalaga. "Kawawa ka naman. Hindi ka maganda noon?" Nakangisi nitong
tanong. Hindi pa nakakapagsalita si Ces ay nagulat siya nang guluhin ni
Lyric ang kanyang buhok. "Okay lang, maganda ka na ngayon." Napatitig si
Ces sa sinabi ni Lyric. Nagkatitigan sila sa mga mata. Seryoso ang binata
ngunit ngumiti itong muli ng nakakaloko. "Konti. Konting konti lang."
Pinalo ni Ces si Lyric at nagkatawanan ang dalawa. Tila ba silang dalawa
lang ang nandoonkahit si Mela ay nawala na sa isipan ng dalawa sa
sobrang engross nila sa usapan.
"Uhm, ikaw?" nag-aalinlangan tanong ni Ces. "M-May niligawan ka na ba?"
"Wala."
Wala pang segundo nang sagutin ito ni Lyric. Napatingin sa kalangitan si
Ces na papunta na sa pinaghalo-halong pula, orange, yellow, pink, violet
at blue. Sunset. Sobrang payapa. . . ngunit lalong naguluhan ang dalaga
sa sagot ni Lyric.
"Wala?" pagtataka niya. Tumingin siya kay Lyric na nakatingin ng diretso.
"Wala." Simple nitong sabi. "Pero. . ."
"Pero?"
"Nagmahal na ako." Nakailang kisap mata si Ces sa narinig mula sa boses
ni Lyric. Hindi na siya mapakali sa kanyang inuupuan at gusto na lamang
niyang tumakbo palayo sa sobrang kabang nararamdaman."Pero natural lang
'yun. Lahat naman ata tayo naramdaman na 'yun."
Huminga nang malalim si Ces. Napahawak siya sa kanyang mga braso dahil
nararamdaman na niya ang palamig na gabi.

"Anong nangyari?"
"Wala. Kumplikado."
Napangisi si Ces, "kumplikado? Parang facebook lang," natatawa nitong
kumento kahit kinakabahan. Just to make the atmosphere at ease.
"Hindi," seryosong sabi ni Lyric. Tumingin si Lyric kay Ces. "Mas
kumplikado pa doon."
"H-Ha?"
"Naniniwala ka sa destiny?"
Napapikit si Ces at bumuntong hininga. Sa
naiintindihan ang usapan nila. Lyric's so
figure out. Hindi naman sa mind reader si
ano bang umiikot sa utak ng katabi. Hindi
dumiretso si Lyric sa pagsasalita.

totoo lang, hindi na niya


mysterious. He's so hard to
Ces pero hindi niya alam kung
nagsalita si Ces ngunit

"Alam mo bang naniniwala ako na lahat tayo, may destiny?" Tumingin sa


paligid si Lyric at ngumiti. "Tipong kahit anong mangyari, doon at doon
tayo patungo."
"Lyric. . ."
"Pero sinisira ng tadhana ang karapatan natin pumili ng para sa sarili
natin. . . nakakagago, no?" Tiningnan ni Ces si Lyric. Nakatingin lang
ang binata kay Mela, nagbabantay gamit ang mga mata. "Naniniwala ako na
kung ano man pinili natin, walang lusot. Yung mga 'paano kung'? Malakas
ang kutob kong pakulo lang 'yan ng nasa taas. Pinagtitripan tayo. Kasi
ang totoo, kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, kung ano pinili mo. .
.yun na talaga 'yun. Nakatadhana. Isang dulo na patungo sa panibagong
pagpipilian."
Pinagmasdan ni Ces ang itsura ng katabi. Mapayapa ang itsura nito ngunit
halatang pagod. Mga misteryo na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya
naiintindihan. Sa tuwing nakikita niya si Lyric ay napupuno siya ng
tanong sa isip. Napupuno siya ng pagdududa kung totoo ba ang lahat o
hindi.
Ano o sino ang nagsasabi ng totoo?
"Pinili kong manahimik." Tumingin si Lyric kay Ces. "Sobrang kumplikado."
Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakaramdam ng kakaibang init sa
katawan si Ces. Sumakit ng kaunti ang kanyang ulo at nakarinig siya ng

isang sigaw ng lalaki sa kanyang utak. Tinatawag siya. Mga tawanan. "Pero
nah"
"Ang korni ng pinag-uusapan niyo." Nagulat ang dalawa nang nasa harapan
na nila si Mela. Tila sumulpot bigla. "Gutom na ako," pagrereklamo nito.
Hinihimas ang t'yan.
Pagkatayo nila Lyric at Ces upang umalis ay pinatigil ni Mela ang dalawa.
Lyric and Ces looked at each other mirroring each others emotion:
confused.
"Akbayan mo siya." Utos ni Mela.
"A-Ano?!" Nanlalaki ang mga mata ni Lyric. Hindi siya makatingin kay Ces
sa sobrang kahihiyan. Ganoon din si Ces dahil nag init ang kanyang pisngi
sa inutos ng bata.
"Bingi! Akbayan mo siya," pag-uulit nito.
Hinawakan ni Lyric ang kamay ni Mela. "Oy, tumigil ka na. Tara n"
"RAPE!"
Napanganga si Lyric sa biglang pagsigaw ni Mela. Inialis niya ang hawak
sa bata. Nagkatinginan sila ni Ces. Nanlalaki ang mga mata sa narinig.
"Kung hindi mo siya aakbayan, sisigaw ulit ako."
Napakamot ng mukha si Lyric sa sobrang pagkaasar kay Mela. Kulang na lang
ay maalis ang balat ng mukha ng binata sa sobrang pagkayamot. Hindi niya
alam kung paano naging ganito kabossy ang batang ito kung sobrang playful
ng ugali ni Melo.
"Tumigil ka ah, tara na."
"RAPhmm!" tinakpan ni Lyric ng kamay ang bibig ni Mela. Nakakakuha na
sila ng atensyon ng mga taong dumadaan sa gilid nila. Hindi na rin alam
ni Ces ang gagawin. Nakatayo lang siya. Hindi mapakali.
"Ano ba, Mela?"
Muling kinagat ni Mela ang kamay ni Lyric at nagsimula na namang sumigaw
ang bata.
"Rape!" tinuro ni Mela si Lyric at umiyak. "Rape!"

Napatingin si Lyric sa paligid. People were staring at them. Ang kalahati


ay inaakusahan na agad siya gamit ang mga mata. Napansin din niyang
mukhang nakikilala na siya ng ibang tao.
"Oo na! Oo na eto na!" Nagulat na si Ces nang umakbay sa kanya si Lyric.
Naramdaman niya ang kamay ng binata sa kanyang balikat ngunit sandali
lang dahil gumaan ulit ito. It felt weightless. Tinitigan ni Lyric ng
masama si Mela. "Masaya ka na?" naiiritang tanong nito sa bata.
Ngiting malawak ang ibinalik ni Mela. Himala rin dahil nawala ang mga
luha nito sa mata. Hinawakan ni Little Devil ang kamay ni Lyric saka sila
nagsimulang maglakad papuntang kotse. "Yehey, mommy and daddy!"
Nanlaki ang mga mata ng dalawang bokalista ngunit hindi sila makatingin
sa isa't isa. It felt hell. Hindi naman dahil sa ayaw nila sa isa't isa
ngunit grabeng blackmailing na ang ginagawa ni Mela. It's as if the kid
planned this. . . evil scheme.
Ilang minuto silang naglakad na ganoon. Parang isang munting pamilya na
kakabuo lamang. . . they were happywait no, the little devil was happy,
alright. But the two vocalist? Malapit nang sumabog ang puso.
"Pasensya na. . ." Narinig ni Ces ang bulong ng lalaking naakbay sa kanya
ngayon. Alam niyang nakaakbay sa kanya si Lyric ngunit hindi niya ito
nararamdaman. Nagdadampi lang ang balat ng binata sa kanyang balikat
ngunit walang bigat.
Hindi makatingin si Ces kay Lyric ngunit hinawakan niya ang braso ni
Lyric at idiniin sa kanyang balikat. Nagulat si Lyric sa ginawa ni Ces.
Without looking at Lyric, she said,"okay lang . . . at para hindi ka
mangalay."
Napalunok si Lyric at natahimik muli ang dalawa hanggang makasakay sa
kotse.
Si Mela ang namili ng kakainan. Hindi naligaw si Lyric dahil alam niya
ang restaurant na itokahit si Ces ay nagulat sa pinuntahan nilang
kainan.
"Favorite namin 'to ni kuya Melo!" tuwang tuwang sabi ni Mela habang
pababa ng kotse. "Dito kami lagi pag birthday namin."
"Oo, alam ko. Nandito tayo noo"
Nagkatinginan sila Ces at Lyric. Nakita ni Ces ang paglunok ni Lyric
ngunit hindi na niya ito masyadong pinagtuunan nang pansin dahil sa
restaurant na pinapasukan nila. Ito ang restaurant kung saan sila kumain

ni . . . Mr. Quiano. Ito rin ang favorite restaurant ng propesor at ex


nito.
Kaya ba nandito ang MyuSick noon dahil kay Melo? Kaya ba nag'waiter' si
Melo dahil dito? But it doesn't make sense. Why save her? Coincidence ba
ito or what? Knowing who Mystery Texter is frustrating Ces a lot. . .
lalo na't si Lyric na halos abot lang niya ang Mystery Texter na iyon.
Pumagitna si Mela sa dalawang bokalista nang pumasok sila sa restaurant.
Table for three. Hinawakan ni Mela ang kamay ng dalawa habang naglalakad
papuntang table. Ngiting ngiti si Mela. They actually looked cute. . .
para talagang pamilya.
Ngunit nagulat ang dalawa nang ipaglapit ni Mela ang kanilang kamay.
They heard chains at sa isang click, nakaposas na sila.
"Mela, ano 'to?!" nanlalaki ang mga matang tanong ni Lyric. Pilit niyang
kinakalas, sinisira ang posas na nakakabit sa kaliwang wrist niya.
"Posas?" hindi makapaniwang sabi ni Ces habang nakatingin sa kanang
kamay.
Tumakbo palayo si Mela at naupo sa assigned table nila. Ngiting ngiti
ito. Creepy na ngiti. "Tara po, kain tayo."
Napanganga ang dalawang bokalista. Napansin nilang nakatingin na ang
lahat ng tao sa kanila kaya naupo na rin sila. They sat beside each other
because of the chains. Ngiting ngiti pa rin si Mela na nasa tapat nakaupo
ni Ces.
Kumunot ang noo ni Lyric at tinitigan ng masama si Mela. "Ano 'tong
ginagawa mo, bata?"
"Nakangiti po ako, kuya Lyric," pang-aasar nito.
Hindi na makapagpigil si Lyric. Gustong gusto na niyang ibato si Mela
simula pa kaninang umaga sa sobrang pagkaasar. Natigilan lang siya nang
masaktan si Ces sa bigla nitong pag-angat ng braso at nang dumating ang
mga pagkain sa lamesa nila.
"Teka, hindi pa kami nag-oorder," nagtatakang sabi ni Lyric. Tiningnan ng
binata si Mela at nakangiti pa rin ito. Huminga nang malalim si Lyric
dahil nagpipigil na talaga siya sa sobrang pagkainis.
"Mela," pagbabanta nito.

"Ano po 'yun?" nakangiti nitong tanong. Flashing her sweet smile. . . her
sweet evil smile.
"Kinausap ka ba ni Melo tungkol dito?" naiiritang tanong ni Lyric.
Nawala ang ngiti ni Mela at sumimangot. "Bakit?"
"Inuuto ka ng kuya mo."
Binagsak ni Mela ang kamay sa lamesa which caused the neighbor tables to
look at them. "Hindi niya ako inuuto!" sigaw nito.
"T-tumahimik ka. Volume nga, pakihinaan."
Tiningnan ni Mela si Lyric at Ces sabay sabi, "Gusto ko kayo na lang
magkatuluyan para hindi niya," tinuro ni Mela si Ces. "lapitan si kuya.
Akin lang si kuya!"
Face palm. Ito ang naging reaksyon ni Lyric sa narinig. Napatingin siya
sa kisame sa sobrang frustration sa naririnig. Hindi makaimik si Ces
dahil sumasabog na ang puso niya. Ilang kuryente na ang dumadaloy sa
kanyang katawan sa paulit-ulit na pagdampi ng kanilang balat sa isa't
isa.
Pagtingin ni Lyric sa likuran ni Mela, may napansin siyang isang pamilyar
na likod ng dalawang lalaki. Napakuyom ang kanyang kamao at nanggigigil
ang kanyang panga. "Hoy kayong dalawa," tawag nito sa dalawang lalaki sa
kabilang table. Hindi siya pinansin ng dalawa. Sa sobrang inis, kinuha
niya ang kutsara at binato sa alam niyang mastermind.
"Uy Lyric," pagpipigil ni Ces ngunit huli na.
Bull's eye!
"Aray!" paglingon ay lalong nainis si Lyric nang makita ang pagmumukha ni
Melo. Sunod na lumingon si Note na may laman pang hipon ang bibig. "Putek
ka, anong problema mo?" Hinimas ni Melo ang parte ng ulo na natamaan ng
kutsara.
"Anong ginagawa niyo rito?" malalim ang boses na tanong ni Lyric.
Paglingon ni Ces sa katabi, nakaramdam siya ng takot sa pagkaseryoso
nito. Pagtingin naman niya kay Mela sa tapat, masaya lang itong kumakain
na tila walang nangyayaring kakaiba.
Sumimangot si Melo. "Nagpapasalon."Tinalikuran nila Melo at Note sila
Lyric. Pinagpatuloy ng mga ito ang pagkain.

Hinawakan ni Lyric ang tinidor at binantaan ang dalawa. "Gusto niyo bang
tinidor naman ibato ko?"
Lumingon si Note at kumunot ang noo. "Lyric, ano ba. Common sense.
Restaurant ito. Malamang kumakain kami."
Nanlilisik na ang mga mata ni Lyric. Binitawan niya ang tinidor na hawak
dahil ayaw niyang mabato ito biglaan sa sobrang pagkainis sa mga
nangyayari. Huminga siya nang malalim lalo na't nararamdaman niya ang
pagdampi ng kamay ni Ces sa kamay niya.
"Ano bang trip niyo?"
"Wala. Kumain ka na lang."
But it was hard to eat. . . lalo na't nakakaposas ang kaliwa niyang kamay
sa kanan na kamay ni Ces. It was more harder for Ces dahil kanan ang
nakaposas sa kanya. But Lyric is such a gentleman na hinayaan niyang
huwag na lang gamitin ang kaliwang kamay para magamit ni Ces ang kanan.
Eating a single dish took the two vocalists an hour to finish. Mabuti na
lang at may pakinabang ang presensya nila Note at Melo dahil si Melo na
ang nagdrive ng kotse ni Lyric pabalik ng bahay. Asar na asar si Lyric
ngunit hindi siya makapagconcentrate sa ingay nila Mela, Note at Melo
lalo na't sa buong byahe ay milyon milyong boltahe na nang kuryente ang
kanyang naramdaman sa dampi ng balat.
Pagkauwi, dinatnan nila si Manager Lily na natutulog sa sofa. Paakyat na
sana ang lima nang matigilan sila sa narinig na boses. Scarier than a
ghost.
"Ano 'yan?" Paglingon ay nakita nila si Manager Lily na nakahiga ngunit
nakatingin sa kanilaspecifically kanila Ces at Lyric na nakaposas.
"Bakit may posas kayo?"
"Si Me" Tinakpan ni Melo ang bibig ni Lyric. Kinagat ni Lyric ang kamay
ni Melo.
"Putspa! Kailan ka pa natutong mangagat?!"
Sinamaan ni Lyric ang tingin kay Melo at tumingin kay Mela. "Simula nang
makasama ko ng isang araw yang kapatid mo."
"Goodnight po!" Natatawang sabi ni Mela at nagskip paakyat papuntang
kwarto nila Melo.

"Lumayas na nga kayo," kunot noong sabi ni Manager. "Ang sakit sa ulo ng
ingay niyo."
Pag-akyat ay natigilan sila Ces at Lyric. Tumingin sila kanila Melo at
Note. Nakangisi ang dalawang mokong at naiinis na talaga si Lyric sa mga
pinag gagagawa ng mga kaibigan.
"Yung susi." Nakaabang ang palad ni Lyric para makuha ang susi ngunit
nagulat siya nang hawakan ni Melo ang doorknob ng kwarto nila ni Note.
"Ibibigay ko sana sa'yo kaya lang. . ."Nanlaki ang mga mata ni Lyric. No!
This can't be. Bago pa makareact si Lyric at Ces ay sumigaw si Melo,
"kinagat mo ako eh!" sabay takbo ng dalawang binata papasok ng kwarto
nila. Malakas ang pagbasak ng pintuan nito. Pinipilit buksan ni Lyric
ngunit hindi niya mabuksan.
"Lagot kayo sa akin!" Pagbabanta ni Lyric.
Napabuntong hininga sila Ces at Lyric. Sabay silang tumingin sa kanilang
mga kamay na nakaposas at sa mga mata ng bawat isa. Sabay din ang
kanilang pag-iwas ng tingin. Nagkamot ng batok si Lyric.
"P-Paano 'yan?"
Bumungong hininga si Lyric. "Sa sofa muna tayo?"
Nagtooth brush na muna ang dalawa and it's so awkward to be in a bathroom
na magkasama sila. They're fully clothed dahil hindi rin naman sila
makakapagbihis kung connected silang dalawa pero sobrang awkward. Matapos
ng mga seremonyas ay nahiga si Ces sa sofa habang nasa lapag si Lyric.
Pinipilit ni Ces na mahiga ito somewhere na may foam ngunit okay na raw
si Lyric sa carpet.
Tahimik sila sa ilang minuto. Ang dilim ng paligid at tanging ilaw lang
sa labas ang nagbibigay ng liwanag sa living area. Nakadikit sa lapag ang
kamay ni Ces upang hindi mangalay at mahirapan si Lyric. Ganoon lang ang
set-up hanggang magsalita si Lyric.
"Anong oras na?"
Nagtataka man ay tiningnan ni Ces ang digital clock.
"Mag aala una na." Mahinang sabi ni Ces hanggang sa naalala niya ang
okasyon ngayon. "Merry Christmas." Nakangiting sabi ni Ces habang
nakatingin sa kisame.
"Christmas," mahinang bati ni Lyric.

Natahimik muli ang dalawa. Pinipilit ni Ces na pumikit at matulog ngunit


hindi pa rin mapakali ang puso niya.
"Ces. . ."
Pinapakiramdaman ni Ces ang binata. "Hmm?"
"P-Pwedeng kumanta ka?"
"Ng?" Napadilat ang kanang mata niya. Nagtataka.
"Kahit ano. O-kay lang?"
Huminga nang malalim si Ces at hindi na nagtanong pa. She started humming
that particular song she felt singing to lullaby Lyric. To make him
sleep. At peace.
Whenever sang my songsOn the stage, on my ownWhenever said my
wordsWishing they would be heard
She let her soft voice whisper her words to his ears kahit na nasa sofa
siya at nasa lapag si Lyric. Silang dalawa lang ang nasa sala kaya sana
ay rinig na rinig ni Lyric ang boses niya.
I saw you smiling at meWas it real orJust my fantasy
Mabilis ang tibok ng puso ni Ces sa bawat pagkanta niya sa liriko ng
kanta. Pumikit siyang muli at pinakinggan ang sarili habang kumakanta.
Wishing na sana ay maparelax ng boses niya ang kanina pang naiinis na
Lyric.
You'd always be there in the cornerOf this tiny little bar
Naramdam niya ang ilang paggalaw ng binata. Medyo nahihirapan na rin siya
sa posisyon ng kanyang kamay.
My last night here for youSame old songs, just once moreMy last night
here with youMaybe yes, maybe no
Pahina nang pahina ang kanyang boses dahil nararamdaman na niya ang
antok. Mabuti nga't hindi siya nagkakamali sa Lyrics.
I kind of liked it your wayHow you shyly placed your eyes on me

She felt someone held her right hand, the one with the chain. She's not
quite sure kung totoo ba ang nararamdaman niya o panaginip lang lalo na
nang maramdaman niyang may kamay na unti-unting finifill-up-an ang space
between her fingers. It was their hands, intertwined.
Did you ever knowThat I had mine on you?
Tumigil na sa pagkanta si Ces sa sobrang antok. Naramdaman niyang may
dumamping labi sa kanyang kamay. Napangiti ang dalaga nang makarinig at
maramdaman sa kanyang kamay ang mainit na paghinga ng bumulong, "Salamat,
Prinsesa."
~ ~ ~Author's Note:So far, ito ang pinaka mahabang chapter ng TTLS. Wew.
5am na jusko po. Salamat sa mga naghintay at nagbabasa nitong TTLS <3
Bottle at the car. Boss, Ash, Lyle, Keng, Erich and Marky at the
multimedia box. :)
This chapter is dedicated to prismm. Una, dahil siya lang nakahula kung
sino yung tumawag. (Hindi ko pa nireveal dito pero medyo obvious na)
pangalawa, dahil sa pagmamarathon niya with comments at pangatlo, sobrang
natouch ako sa isa niyang comment na: "Naparamdam sa akin ng story na 'to
yung ibang emotion na minamaliit at sinasabihan kong 'pang-OA' dati."
Isa pa, gustong gusto ko 'yung hindi niya ako finofollow pero effort
siyang basahin ang story ko. Sweet. Thank you *u*

=================
46 // Some Unspoken Truths
"Everybody is identical in their secret unspoken belief that way deep
down they are different from everyone else." David Foster Wallace

~ ~ ~

Anghel sa lupa, mananatili ka

Nagising ang diwa ni Ces nang maramdaman niyang lumulutang ang kanyang
katawan. Natauhan siya ng kaunti nang marinig niya ang boses ng
kumakanta--si Lyric. Rinig na rinig niya ang kanta nito na para bang
sobrang lapit niya sa binata.

Di na hahayaang lumipad at iwan ako.

Dumilat ng kaunti si Ces at nakita ang mukha ni Lyric na nakatingin sa


harap, naglalakaddoon lang niya naramdaman ang hawak ng dalawang kamay
sa kanyang katawan. Hindi siya lumulutangbinubuhat siya ng binata.
Pagtingin sa kisame ay napansin niyang paakyat sila ng hagdan.

Anghel sa lupa, nahuhumaling ka

Hindi makapagsalita si Ces. Ramdam niya ang pagod sa kanyang katawan kaya
kahit ayaw niyang buhatin siya ng binata ay hindi siya makakilos. Hindi
rin siya makapagsalita as sobrang pagod.

Pinakiramdaman ng dalaga ang kanyang kamay. Gumaan itowala na ang posas


na nakakabit sa kanya.

Langit nadarama 'pag kapiling kita.

Dinilat muli ni Ces ang kanyang mata at nagulat siya nang makita ang
isang pamilyar na mga pulang matang nakatingin sa kanya sa kaliwa. Si
Ashlumulutang si Ash na nakatingin sa kanya habang buhat siya ni Lyric.
May tingin itong kakaibahindi na siya nakakaramdam ng kaba ngunit may
gusto itong sabihin pero hindi nagsasalita. Pinikit muli ni Ces ang
kanyang mata ngunit pagdilat ay wala na ulit ang kamatayan.

Kailan mo balak sabihin sa kanya?

Napapikit si Ces nang marinig ang boses ni Melo. Nararamdaman niyang nasa
second floor na sila at parating na si Lyric sa kwarto ng dalaga.

Ang alin? mahinang bulong ni Lyric. Naramdaman ni Ces ang pagnginig ng


katawan ni Lyric nang magsalita ito. Bumilis ang tibok ng puso ni Ces
nang mapansin niyang sobrang lapit ng katawan ng binata sa kanya.

Nakarinig si Ces ng isang buntong hininga. Ewan. Kung anong dapat


sabihin? Narinig niya ang pagbukas ng isang pintuan at pag-iiba ng
direksyon ni Lyric habang buhat-buhat siya.

Ilang segundo lang ay naramdaman na niya ang paglapat ng kanyang katawan


sa malambot na kama. May ilang ingay siyang narinig at naramdaman na rin
niya ang kumot na bumalot sa kanyang kamay. Akala niya ay matatapos na
ito ngunit napadiin ang kanyang pagpikit nang maramdaman ang pagdampi ng
labi sa kanyang noo.

Hindi ko alam, sagot ni Lyric kay Melo.

Pagkalabas nila Lyric at Melo sa kwarto ng dalaga ay nanumbalik ang antok


sa dalaga at tuluyang nakatulog muli.

* * *

Pagkagising ay agad bumangon si Ces. Hindi niya alam kung bakit pero
nakaramdam siya ng sayasiguro dahil ito ang unang pasko niya na may
pamilya siyangm maituturing. Pagkababa, natigilan siya nang si Pitch lang
ang nakita niya sa sala na nagbabasa. Tahimik ang buong paligid. Kahit
ang pag-iingay ni Mela ay wala.

Hindi ba. . .

Napatingin si Pitch kay Ces at ngumiti. Morning.

Pitch sila. . . hindi maituloy ni Ces ang kanyang mga tanong at


sasabihin dahil naguguluhan siya. Bakit walang masayang pakiramdam?
Nasaan ang dapat siglang dapat na mayroon?

Hindi kami nagsecelebrate ng pasko, sabi ni Pitch without looking at


Ces.

Lumapit si Ces kay Pitch at tumingin sa binata. Ha? Its not shes
actually celebrating Christmas herself pero bakit? Hindi ba nagpapasko
ang MyuSick? Hindi ba sila nagsasaya?

Birthday ni Lyric.

A-Ano? Nanlaki ang mga mata ni Ces at napanganga sa narinig. Walang


nagsabi sa kanya na December 25 pala ang birthday ng binata. Ngunit kung
kaarawan ni Lyric ngayon, dapat ay doble selebrasyon ito ngunit bakitang
lungkot? Nasaan siya?

Sementeryo.

Nagtaasan ang balahibo sa katawan ng dalaga nang sumagot si Pitch. Umupo


si Ces sa tabi ng drummer. Bakit?

Tumayo si Pitch. Naramdaman ni Ces na naiinis na si Pitch sa mga tanong


niya. Napayuko siya at handa nang humingi ng tawad nang magsalita muli si
Pitch bago tuluyang umalis.

Death anniversary ng kaibigan niya.

Napasandal si Ces at tumingin sa kisame. Today is Christmas. Today is


Lyric birthday. And today. . . is his friends death anniversary.

Ilang oras ang nakalipas. Tahimik pa rin ang buong bahay nila. Wala sila
Melo at Note. Si Pitch ay nasa kwarto nito at si Manager Lily ay nilock
ang sarili sa haven. Hinahayaan na lamang ni Ces na maglibang sa
pamamagitan ng panonood ng tv. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat
niyang maramdaman. Hindi siya sigurado kung ngingiti ba siya pagkauwi ni
Lyric o magsasabi ng condolence. Iniisip niya na sana masaya ngayong
arawpero naramdaman niyang sobrang selfish niya.

But then, kung ganito kagloomy ang bahaywalang mangyayari. And so, Ces
decided to give a simple light in the MyuSick residence.

Nag internet siya at nag aral ng ilang oras sa pagbake ng cake at pagluto
ng pangmaliit na salu-salo. Hindi niya sigurado kung uuwi ang mga
kasamahan o kung ano man pero gusto niyang at least ay maramdaman ng
MyuSick na sila ang pinaka magandang regalong nakuha niya sa buhay niya.

Pagkatapos ng ilang kalat, sunog at sira ng pagkainnatapos na niya ang


kanyang mga niluto at binake without causing the kitchen on fire. Padilim
na at nararamdaman na niya ang pagkalam ng kanyang tiyan ngunit nanatili
siyang nakaupo sa kanyang upuan habang hinihintay ang pagdating ng
MyuSick.

Pagsapit ng alas syete, napangiti si Ces nang marinig ang pagpatay ng


makina ng kotse. Ilang minuto lang, napangiti siya lalo nang makita si
Melo na nakatingin sa kanya. Gulat na gulat.

A-Ano to? nanlalaki ang mga mata ni Melo nang tingnan niya ang
nakahandaang pagkain sa lamesa.

Ngumiti si Ces, Merry Christmas, Melo.

Lumawak ang ngiti ni Melo at agad itong lumapit kay Ces upang halikan ang
pisngi. Ang sweet mo, Ces! natutuwang sabi nito nang kumuha ito ng
chicken at kumagat.

Ilang minuto lang ay dumating si Pitch at dumiretso sa ref upang kumuha


ng malamig na tubig. Pagkainom ay palabas na sana ito nang napatigil ang
binata nang makita si Melo nilalantakan ang chicken at si Ces na
nakatingin sa kany. Nakangiti lamang si Ces habang nakatingin sa kanya.

Merry Christmas, Pitch.

Kain tayo! Ang sarap magluto ni Ces! pag-aaya ni Melo.

Napangiti si Pitch at inilapag muna ang librong hawak. Naupo ang binata
kasama sila Ces sa dining area. Hindi naman nalalayo nang dumating si
Manager Lily nang nakakunot noong nagsalita, ano na na

Merry Christmas, Manager.

Taas kilay na lumapit si Manager Lily sa table at inobserbahan ang mga


nakahaing pagkain. Umupo ito sa upuan at tiningnan muli ang mga pagkain.

Saan niyo binili?

Luto ni Ces 'yan, Manager! sagot ni Melo habang nilalantakan ang


chicken.

Tiningnan ni Manager Lily si Ces, marunong ka magluto?

Nawala ang ngiti ni Ces habang pinagmamasdan ang Manager habang kumukuha
ito ng soup at humigop. Kinakabahan si Ceshindi pa siya kumakain kaya
hindi niya sigurado kung masasarap ba ang mga pagkaing niluto niya. Base
sa itsura ni Melo at Pitch, okay namanpero iba si Manager Lily. Iba ang
taste nito.

Ilang segundo ang nakaraan matapos tikman ni Manager ang soup, tumingin
ito kay Ces. . . at ngumiti. Masarap.

Nawala ang kaba ni Ces at napangiti. Natutuwa siya dahil nakikita niyang
natutuwa ang mga taong pinapahalagahan niya. It was a Merry Christmas
indeed lalo na nang matigilan siya at napatingin sa may labasan ng
kitchendoon, nakatayo si Lyric habang nakangiti at nakatingin sa kanya.

Ngumiti si Ces at tumayo, Merry Christmas, Lyric.

Tumingin ang lahat sa dining area kay Lyric na papalapit sa kanila.


Nakatingin ang binata sa lamesa nang huminto ang paningin nito sa cake na
nandoon. P-Para saan. . .

Happy Birthday, bati ni Ces sa binata.

Natigilan si Lyric at tumingin kay Ces nang nanlalaki ang mga mata. Kahit
ang sina Manager at Pitch ay napatigil sa pagkain. Si Melo ay tumigil
sandali ngunit bumalik ulit sa kanyang ginagawa.

No one dared to greet Lyric dahil sa mga nangyari noontanging si Ces


lang ang gumawa nito. Pinipilit ni Ces ang sarili na ngumiti, hoping na
hindi magalit si Lyric. Nawala ang ngiti nang dalaga nang mapansin niyang
nawala ang ngiti ng binata habang nakatingin sa cake.

Halos sumabog ang puso ni Ces nang diretsong tumingin si Lyric sa kanyang
mga mata. Hindi niya maintindihan kung ano ang gusto nito sabihin o kung
ano ang nararamdaman ng binata. But she felt scaredlalo na nang lumapit
ang binata sa kanya. She was expecting a slap or something that hurts
ngunit nagulat siya sa ginawa nito.

Niyakap siya ni Lyric.

L-Lyric. . .

Salamat, mariin nitong bulong. Salamat, Ces.

Ibinalik ni Ces ang yakap ng binata at napangiti. Mabilis ang pagtibok ng


kanyang puso ngunit hindi niya ito ininda lalo na't nararamdaman din niya
ang bilis ng tibok ng puso ng binata.

Ano to?! Napakas sila Ces at Lyric nang marinig ang boses ni Note.
Nakatayo ito sa labasan ng kusina. Nawala lang ako, nagyayakapan na
kayo?!

Gago, natatawang sabi ni Lyric.

Nagtawanan ang MyuSickang buong MyuSick nang gabing iyon. For the first
time, naramdaman ulit ni Ces ang saya ng MyuSick. Sama-sama.
Nagtatawanan. Kwentuhan. Ang mga ingay na kanyang namiss. Lahat bumalik.

Masaya siyang masaya sila muli.

* * *

Lumipas ang araw ng napaka bilis. Sa isang iglap ay panibagong taon na


muli at naging busy na ang lahat. Lalo na si Lyric na kasama sa indie
film. Laging wala si Lyric sa bahay at madalas, madaling araw umuuwi at

umaga umaalis o kaya naman ay hindi umuuwi ng ilang araw. Isasabak daw
kasi ito sa cinemalayakasama ang babaeng iyon. Si Erich.

Hearing Erichs name makes her cringe. Hindi lang para sa sarili ngunit
para rin kay Marky. Wala na sa kanya ang lahat ngunit naiinis siya dahil
sa mga nangyari noon. Pero hindi rin naman maikakaili na naging daan din
si Erich para makasama ni Ces ang MyuSick.

Ngunit hindi alam ni Ces na ganoon din ang gusto ni Erichang makasama
ang MyuSick. All for her.

Sa mga oras na wala silang ginagawa, naubusan na nang jokes si Melo.


Nawalan na rin ng ulirat si Note dahil sobrang lamig ng panahon. Si Pitch
ay madalas na umalis ng bahay o kaya naman ay nananatili sa bahay para
magbasa ng libro. Si Manager Lily ay nagpupunta sa ibang bansa para sa
mga negotiations.

Bored na sila Note, Melo at Ces. Isang nakakainip na araw para sa MyuSick
na hindi umaarte para sa independent film, nagdesisyon si Melo na
puntahan si Lyric sa shooting.

Pwede ba 'yun? tanong ng Note.

Ngumuti si Melo, gate crash!

Nakaramdaman ng excitement si Ces sa sinabi ng kabanda. Ilang linggo na


rin niyang hindi nakikita si Lyric. Gusto niya makita kung magaling ba
umarte si Lyricgusto niya makitawa kanila Melo once na nagkamali si
Lyric. Gusto niya makita ang pagngiti ng binata sa cameraang pagsasalita
nito, ang pag arteang kabuuan ng binata.

Gusto niya makausap ito mulio makita man lang.

Nag-aayos na sila para makapunta sa set nila Lyric. Nasa sala sila habang
inaayos ang bag na dadalhin. Mula sa kusina ay lumabas si Pitch at
paakyat na nang. Kaagad siyang tinawag ni Melo bago pa makapasok sa
kwarto ang binata. Hindi na dapat lilingon si Pitch kung hindi lang
parang sirang plaka si Melo sa pagtawag sa kanya.

Ano? naiiritang tanong ni Pitch.

Tara, punta tay

Napahinto si Melo nang magsalita kaagad si Pitch. Magkakasakit ako.


Ingat kayo. Pumasok sa loob ng kwarto si Pitch, not waiting for Melos
come back.

Ngumuso si Melo at kumunot ang noo.

KJ talaga.

Si Melo ang nagmamaneho habang si Note ang nagsasabi ng direksyon. Isang


buong araw daw kasi sila Lyric na magshushoot sa amusement park. Naaalala
tuloy ni Ces si Melakinikilabutan siya at the same time, napapangiti sa
mga nangyari nang araw na 'yun.

Paano mo nalaman kung saan sila? tanong ng dalaga sa kaibigan.

Ngumiti si Note, sources. Alam mo Ces, uso ang twitter. Maraming


nagtutweet tungkol kay Lyric. Hashtag fangirls."

Napapangiti si Ces habang palapit sila nang palapit sa Amusement Park.


Four hours drive pero nang dumating sila ay hindi siya napagod lalo na't
nakita niya ang dami ng tao sa paligid na nakapalibot. May mga nakita rin
siyang cameras, crews at mga pag-uusap ng ilang tao.

Marami silang naririnig na sigawan ng mga babae sa entrance pa lang. May


mga babaeng may hawak na camera at cellphone na para bang hindi
mapakali.

Naglalakad sila Note, Melo at Ces. Napapalingon si Ces sa paligid dahil


ang daming tent na nakatayo at mga tao sa paligid. Ang ilan ay nakatingin
sa kanila at nanlalaki ang mga mata.

SHIT! SILA NOTE, MELO AT CES!

Napatingin ang tatlong MyuSick members sa babaeng sumigaw na nasa tabi


nila. Ngumiti sila sa babaeng 'yon at halos mangisay na ang kababaehan.
Napahinto rin sa paglalakas si Note nang may humawak sa kanyang shirt.

Katabi ko ang MyuSick! Omaygahd, ang MyuSick!

Nagkagulo ang mga tao sa entrance pa lang ng park dahil sa kanila. Ang
daming lumibot kanila Ces at halos mabulag siya sa mga flash na natatamo
galing sa mga camera nito.

Aahhh! MyuSick!!!

Ate Ces, pa-hug!

"Nasaan si Pitch?!"

People were shouting. Wala nang naiintindihan ang MyuSick nang makarinig
sila ng napakalakas na sigaw mula sa isang microphone. Mula sa malayo ay
napalingon sila sa sumigaw.

Anong nangyayari?!

Humawi ang mga babaeng nagkakagulo sa MyuSick nang dumaan ang dalawang
babae na may malaking ID. Kita sa mga ID's na 'yun na assistant director
ang isa at ang isa naman ay director. Hawak ng assistant ang megaphone
habang nakasalamin na tahimik ang itsura ng direktor.

MyuSick? Anong ginagawa niyo rito? tanong ng director.

Nakatingala ito ng kaunti dahil matatangkad ang MyuSickdahil na rin sa


maliit ito. Maliit ngunit puno ng kapangyarihan ang datingparang Manager
Lily ang tindig.

Hi? natatakot na bati ni Melo habang nakangiwi. Bibisita lang sana


kami kay Lyric?

Kumunot ang noo ng babaeng may hawak na microphone. Kahit magkakalapit na


ay nakamicrophone pa rin ang assistant. Alam niyo po bang busy kami?

Opo pero

Yun naman po pala eh. Kung maaari lang, huwag po sana kayo gumawa ng
kumo

Tinigil ng direktor ang kanyang assistant. "Hayaan mo na Daph."

"Pero Direk J

Well make good use of them, sagot ng direktor. Puno ito kapangyarihan
sa boses. Ngumiti ang direktor sa MyuSick na siyang kinatakot ng tatlong
pinagkakaguluhan kanina. Tara sa tent, masyadong maraming tao rito.

Sumunod ang tatlo sa direktor. Nagkakagulo pa rin ang mga babaeng


dinadaanan nila. May ilan pang sumisigaw ng pangalan nila upang matandaan
ng MyuSick. Paglingon ni Ces sa paligid, hindi niya nakita si Lyric
hanggang sa makapasok sila sa loob ng tent.

Sa loob ng tent ay may mga aparato: tatlong tv na may mga nakasulat na


camera 1, camera 2 at camera 3. May headphones at mic. Mga speakers na
nagkalat. May mga tao ring nakatayo na tumingin sa kanila. May isang
babae ring nakaupo sa upuan habang nagkakape at minamasahe ang likuran.

Guys, dumating ang MyuSick, pag-announce ng Direktor. Nagpakilala ang


direktor sa MyuSick. Ako nga pala si J. Marie, direktor ng film na 'to.
Ito si Daph, assistant director.

Nagpakilala ang tatlo sa dalawang direktor. Mukhang mababait naman ang


crews ngunit kitang kita na ang stress sa mukha ng mga ito. Mukha rin
silang mga batamukhang kaedaran lang din ni Manager Lily. Mas bata pa
nga ata.

Siya si Ciello, producer ng film, itinuro ni J. Marie ang babaeng


umiinom ng kape. Mukha rin itong bata.

Ciello? takang tanong ni Note. Ciello as in C-I-E-L-L-O?

Tumaas ang kilay ng babaeng tinawag na Ciello, oo, bakit?

Lumapit si Note at ngumiti. Bagay ka sa MyuSick! Related ka ba sa amin?


Nakipag-apir si Note ngunit natigilan siya nang tinitigan lamang siya ng
babaeng nagkakape. Nawala ang ngiti ni Note at nakasimangot na lumapit sa
kabanda. Sungit. Natawa sila Melo.

Pinakilala rin ng direktor ang ilang staff na nasa loobang writer na si


Deth, ang mga editors, at mga ibang crews. Nandoon din ang cinemtographer
na nag-uutos sa mga grippers at camera man sa mga angle at perspective.
Sa totoo lang, humahanga si Ces dahil puro babae ang main crewmay man
power pero karamihan ng gumawa ay puro babae.

Direk J, naghihintay na raw sila doon.

Bumalik sa trabaho ang mga kasali sa film. Nakaupo lang sila Ces, Note at
Melo habang nanonood sa tatlong TV na dalawang babae ang focus. Napansin
naman ni Ces ang isang quote sa taas na nagpangiti sa kanya.

Work hard in silence. Let sucess make the noise.

Nasaan kaya si Lyric? tanong ni Note, bagot na bagot na.

Sumimangot si Melo, oo nga. Akala ko ba nandito sila?

Wala pa po sila rito. Napatingin ang tatlo sa babaeng lumapit sa kanila


at nagbigay ng inumin. Nagbebreak pa sila.

Ah, ganon? tanong ni Note. "Salamat, Aira," tawag nito nang mabasa ang
pangalan sa ID nito.

Welcome po.

Nagbigay din ng inumin si Aira sa iba pang crew sa loob. Hindi na rin
pinansin ng direktor ang MyuSick dahil naging busy ito habang kausap ang
assistant direktor na nasa set mismo. Natutuwa si Ces sa nakikita dahil

parang diyos ang direktor sa isang film; siya ang nakakakita ng lahat
kaya siya rin ang nagdidikta.

Binigay ni Ciello, o ng producer ang isang papel sa MyuSick. Nagtaka sila


Note pero nagsalita ito kaagad.

"Kaysa mag-ingay kayo r'yan, basahin niyo na lang ang script."

Tumango ang tatlo at binasa ang script. Habang naririnig nila ang mga
sinasabi ng dalawang artista sa TV, binabasa nila ang script ng kwento.

SEQ 1 EXT. PARK ARAW


Sa isang park na maraming tao ngunit ipaparamdam na dalawa lang sila sa
parkeng iyon.
YARA, isang dalagang estudyante ng medisina. Dalawampung tong gulang.
Makinis ang kanyang balat at may mahaba at itim na buhok. Maayos ang
pananamit. May lungkot sa mga mata ang dalaga ngunit palaging nakangiti.
Umupo si Yara sa bench sa tabi ng kaibigan. Nagkita sila dahil sa
malungkot na nangyari kay Yara na nais ibalita ng dalaga.
GAIL, kaibigan ng bidang si Yara. Maikli ang buhok nito at may angas sa
itsura. Boyish type ng dalaga.
Tahimik lang ang magkaibigan na pinagmamasdan ang mga taong naglalakad.
YARA (Pangiti)Hindi mo ba itatanong kung okay lang ako?
GAIL (Lumingon)Alam kong hindi ka okay kaya bakit ko itatanong? Makikinig
na lang ako sa mga hinaing mo.
YARA (Mangingintab ang mga mata)Gail, may tanong ako.

Nag-abang si Gail sa susunod na sasabihin ng kaibigan.


YARA (Hindi makatingin sa kaibigan)Anong mas gusto mo, magmahal o
minamahal?
GAIL (Ngumiti)Mas gusto kong magmahal. Mas gusto ko maramdaman first hand
ang saya, lungkot at sakit kaysa iba makaramdam ng mga iyon dahil sa
akin. Katangahan pero worth it magpakatanga minsan. Tandaan mo. Minsan
lang dapat.
YARA (Natawa)Oo na, madam. Minsan lang.
Nanatiling tahimik ang dalawang kaibigan hanggang sa tumulo na ang luha
ni Yara.
YARA (Nakatingin sa kaibigan)Alam mo bang may nakapagsabi sa akin na
'Love doesnt exist until you acknowledge it to others'.
GAIL (Ngiti)Really? Sa tingin ko totoo naman iyon.
YARAGail.
GAIL.Hm?
Hinawakan ni Yara ang kamay ni Gail. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito
hanggang sa nakaramdam ng kaba si Gail sa kinikilos ni Yara. Tumingin si
Yara kay Gail na tulo nang tulo ang luha habang nakangiti.
YARA.How can acknowledging this kind of love be so painful? Too painful
for me to bear.
GAIL.Anong sinasabi mo?
Magugulat si Gail nang ilapit ni Yara ang kamay nilang magkahawak sa
dibdib ng dalaga. Nanlaki ang mata ni Gail nang halikan ni Yara ang kamay
niya.
YARA.I wish to exist outside the boundaries of your needs, Gail. I wish
you acknowledge this love to exist.

Pagkatapos nilang mabasa ang isang sequence, napatingin si Ces sa tatlong


TV. Ang isang TV ay nakafocus sa gulat na mukha ng babaeng maikli ang
buhok. Ang isang TV ay focus sa naiiyak na mukha ng babaeng mahaba ang

buhok. At ang pangatlong TV ay nakafocus sa kamay ng dalawa habang


magkahawak kamay.

Kinabahan si Ces habang nakatingin sa kamay. She felt hot on her cheeks
when she remembered something. . .something near that holding hands.
Lyric. Huminga nang malalim ang dalaga at inialis sa isip ang binata.

"Babae sa babae?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Note.

"Nagtapat ng walang kasiguraduhan. Greatest risk," mahinang sabi ni Melo


na narinig nila Note at Ces. Napatingin sila sa kaibigan ngunit
nakatingin lang ito sa script. They both wanted to ask what's wrong
ngunit mas pinili na lamang nilang manahimik. Baka nagpapakadeep lang ang
kamasahan.

Narinig nila ang sigaw ni Daph, ang assistant director, ng 'cut'. Nag
disperse ang mga tao sa scene at nagkanya-kanya ng ayos. Napalingon ang
tatlong myembro ng MyuSick nang tawagin sila ni Direk J. Marie at
tanungin.

You want to be part of the film?

* * *

Kinagabihan, nasa labas silang lahat para mashoot ang isang scene nila
Lyric. Vocalist kasi ang character ni Lyric sa film. Ang scene na ito ay
isang charity event na inayos ni Erich. . . na kaibigan nila Yara at Gail
sa film. Napansin nila Note na puno ng artista ang nasa set kaya
nagpapicture sila kung kani-kaninong artista.

Kay Ysa na isang sikat na teenage star at kay Emerald na model ng isang
beauty product. Tuwang-tuwa si Note at Melo dahil minsan lang sila
makapagpapicture sa mga celebrities. Hindi rin nagpatawad si Note at Melo
nang makita nila ang isa sa mga highest paid model na brit-nay (british pinay) na si Yuli at ang kaibigan nitong sobrang ganda rin na si
Kristina. Nanosebleed lang sila dahil english spokening ang dalawa.

Excited sila Note at Melo nang maupo sila sa second row. May mga katabi
silang tumitili sa kanila kaya nagpicture at autograph signing din ang
dalawa.

Inaayusan si Ces sa isang tent nang pumasok si Erich na nakatingin sa


kanya. Bakit ka nandito, Ces?

Nakatingin si Ces kay Erich gamit ang salamin sa kanilang harap. Wala
lang.

"Ah, okay." Tumango si Erich na nakataas ang kilay saka ito ngumiti nang
ayusan siya ng isa pang stylist. Nauna nang umalis si Ces at naupo sa
tabi ng dalawang kaibigan. Tahimik lang siya kahit na nag-iingay ang fans
ng MyuSick sa kanilang paligid.

Nang dumating si Erich, all eyes were on here. Lahat napatingin. Lahat
binati si Erich na ang ganda ng ayos nito kahit simple lang. Naupo si
Erich sa harap mismo ni Ces. Tapat ng stage.

Kinaukausap ng staff na ang pangalan ay Mariss si Erich upang mabrief ng


mga gagawin. "Ngingiti lang po kayo. Basta ngiti lang na para pong
daydreaming. Mukhang mahihiya pero titingin din kay kuya mamaya."

Tumango si Erich.

Nag-aayos na ang mga crew at staff. Ang mga speakers. Ang stage na may
mga camerang nakatutok. Ang camerang nakatutok kay Erich. Mga lights.
Maraming extra ang nandoon na nakaupo at nagfafangirl sa MyuSick. Nakaupo
rin at may sari-sariling spot ang mga artista ng film na tinututukan din
ng mga camera. Mukhang cameo ito ng ibang artista.

Hi po, napalingon si Ces nang kalabitin siya ng isang babae. Ako po


pala si Shane.

Ngumiti si Ces. Hi Shane.

Omaygahd! Nagulat si Ces sa nireact ng babae. Nagpaypay ito ng kamay at


nagtititili nang yakapin ang dalaga. Ang sarap marinig ng pangalan ko sa
boses niyo. Isa pa po, please!

Shane, natatawang sabi ni Ces. Lalong lumakas ang tili ng babae at


nagpapicture pa bago huminahon. Natatawa lamang si Ces nang mapatingin
siya sa stage at nakita niya ang lalaking kanina pa niya hinahanap.

Si Lyric.

Kuya, lumapit si Mariss kay Lyric. Habang kumakanta po, titingin lang
po kayo sa kanya, turo ni Mariss kay Erich na nasa harapan ni Ces. Sa
kanya lang po.

Sige.

Napangiti siya nang marinig niya ang boses ng binata. Napangiti siya
dahil nakita niyang muli ang kapwa bokalistamukhang pinagtuunan ng
pansin ang pagstyle ng buhok nito dahil rakistang Lyric ang nakikita niya
ngayon. Nakaeyeliner ito at naka black choker. All black ang get up at
medyo fitted, sobrang fit sa katawan nito. *

Ang gwapo niya sa ayos niya ngayon.

Tumingin si Lyric kay Erichngunit tila ba tumagos ang tingin ng binata


at napatingin kay Ces. Bumilis ang tibok ng puso ni Ces sa mga titig ni
Lyric lalo na nang ngumiti ito sa kanya.

Sumigaw muli ang assistant direktor at nagsimula nang tumugtog ang


bandang kasama ni Lyric. Hindi na napansin ni Ces ang mga ito. Nakatingin
ang binata sa kanyaalam niyang siya ang nakikita ng mga mata nito nang
magsalita si Lyric.

Masaya akong nandito ka ngayon.

Napalunok si Ces at napayuko. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa


sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Nadurog siya sandali nang
maramdaman na naman niya ang pilat sa kanyang dibdib.

Hindi pwede.

And dont go to bed yet love, I think its too earlyAnd we just need
a little time to ourselvesIf my wall clock tells me that it's 4 in the
morning I'll give it hell

Nagsimulang mag gitara ang mga gitarista at nagsimulang kumanta si Lyric.


Hindi pa rin makatingin si Ces dahil pinipilit niya ang sarili na huwag
ibalik ang tingin ngunit. . .

Cause Ive been trying way too longTo try and be the perfect songWhen
our hearts are heavy burdensWe shouldnt have to bear alone

Hindi niya kaya. Hindi niya kayang hindi tumingin. He was seducing her
with his voice. Hindi makatiis si Ces. When she looked back at Lyric,
napasandal siya nang mapansing nakatingin sa kanya si Lyricnakatitig sa
kanya ang binata.

So goodnight moon and goodnight youWhen youre all that I think


aboutAll that I dream about

Sinabihan sila ni Mariss na pumalakpak. She tried clapping pero hindi


niya magawa. Nanghihina siya sa mga titig ni Lyric. Hindi na niya maialis
ang tingin sa binata. She missed those eyes. Ang mga matang sa kanya lang
nakatingin.

Huwag Lyric.

Howd I ever breathe withoutA goodnight kiss from goodnight you

Okay ka lang? Napalingon si Ces nang magsalita si Melo na nasa tabi


niya. Mukhang tulala ka d'yan?

Ayos lang, she assured.

Ayos nga lang ba siya? Ayos nga lang ba kung grabe ang kaba na
nararamdaman niya? Ayos nga lang ba kung hindi na siya makaiwas ng tingin
sa nangungusap na mga mata ni Lyric?

Huwag, Ces.

The kind of hope they all talk aboutThe kind of feeling we sing
aboutSit in our bedroom and read aloud

Huwag, ano?

She figuritively feels heaven with his eyes looking at hers but she felt
something. . . near death. Literally.

Boo! Lyle, huwag ka na! MyuSick for life!

Like a passage from goodnight moon

Mula sa keyboards ay nagsimulang tumugtog ang drummer na hindi napansin


ni Ces. Natauhan ang dalaga sa sigaw. Nawala ang titigan ng dalawa at
napatigil sa pagkanta si Lyric. Tumigil din sa pagtugtog ang banda.
Tumingin ang lahat sa babaeng sumigaw sa likuran. Tumayo ang babaeng
nakasalamin at nakabackpack. Maliit ito at maputi. Lagpas balikat ang
itim na buhok at nakatali ang bangs.

Leah, wag kang maingay!

"Wapakels! Dapat malaman ng Lyle na 'yan na hater niya ako!

Nagulantang ang mga tao sa sigaw ng isang dalaga. Biglang sumigaw ang
assistant director sa megaphone na nagpatigil sa mga tao. Anong
nangyayari?! CUT!

Nagkagulo ang mga tao. Binato pa ng dalaga ang tsinelas na suot sa stage.
Nag-aapoy ito dahil sa pulang kulay na may hello kitty design; kamuntikan
nang matamaan si Lyric. Pinipigilan ng mga lalaki ang pagwawala ni Leah
bago pa makalapit sa stage. Paglingon muli ni Ces kung saan nakatayo si
Lyric, nanlaki ang mata niya nang makita ang lalaking nasa likuran ng
bokalista.

She blinked twice. Ngunit hindi siya niloloko ng kanyang mata. The
drummer. . . was Lyle Yuzon.

~ ~ ~Author's Note:Thank you sa 850k reads, 11k votes at 3k comments.


Thank you guys! Really. Sa mga sumali sa Theory Shmeory, 'yung iba
nalagay ko na. Yung iba tapos na ang cameo pero yung iba, hindi pa tapos
(next update pa) at yung iba, hindi pa nababanggit ang pangalan. HANGGANG
CHAPTER 47 lang po ang cameo kaya huwag na po tayo mag expect pa sa
susunod. Mahirap ang maraming pangalan <//3

Dedicated to Patricia. Sobrang nagustuhan ko kasi ang gawa niyang fanvid


ng Lyric Ces. Sobrang kinilig ako lalo na nung nabasa ko 'yung mga
quotes. Ahihihi kilig kilig. Thank you po rito Patricia! Nagustuhan ko
rin 'yung song na Goodnight Moon kaya kinuha ko rin para sa chapter na
ito.
Like pilosopotasya page! (click external link, yay!) :D
MyuSick: Manager Lily. Ces. Lyric. Note. Melo. Pitch. (See Multimedia
picture)

=================
47 // Denying the Undenied
"The thing about denial is that it doesn't feel like denial when it's
going on." Georgina Kleege

~ ~ ~

Looking at Lyle, Ces got nervous. Hindi dahil mahal pa rin niya ito. Wala
na siyang nararamdaman sa binata. Lahat ng emosyon. . .galit, sakit,
lungkot at saya na binigay sa kanya ni Lyle ay iniwan na niya sa suntok
na binigay niya sa binata.

Ngayon, kinakabahan siya. Bakit? Hindi rin niya alam pero nang makita
niya ang mukha ni Lyle, nag-iba ito. Nagmature ng kaunti ang mukha ni
Lyle sa matagal na pananahimik. Seryoso ang mukha. Hindi niya alam kung
bakit nandito ang taong ito ngunit hindi na siya nakakaramdam ng kahit na
anong inis. . .well, pwera na lang sa dalawang katabi niyang gitarista na
mukhang nanggagalaiti sa galit.

Nagwawala pa rin si Leah. Nagkakagulo ang ibang babae pero ang ilan ay
pasimpleng dumidikit sa MyuSick.

Ohmygash Sam, katabi ko si Note! mahinang sigaw ng isang babae na nasa


likuran nila Note, Melo at Ces. Nakaupo ngunit patayo-tayo dahil sa
excitement.

Natawa si Sam at hinila ang kaibigan palayo kay Note. Ano ka ba Rya, may
dramatic scene na nangyayari. Huwag muna si Note! Tara kay Melo!

Binatukan ni Rya ang kaibigan. Natawa silang dalawa at tinuon na lamang


ang tingin sa eksenang nagaganap.

Muling bumalik ang atensyon ni Ces kay Lyle. Kinuha ng binata pulang
tsinelas na may hello kitty design. Nagulat ang lahat nang patigilin ni
Lyle ang mga lalaki para ilabas si Leah. Seryoso ito. Hindi rin
nagmamadali ang kilos niya. He was like taking his time. . . wala ring
nakikitang kahit na anong emosyon si Ces sa mukha ng dating kasintahan.

Hindi mapigilan ni Ces ang sarili na mamangha nang lumuhod si Lyle sa


tapat nni Leah. Nanlaki ang mata ni Leah. Hindi makapaniwala na nasa
harapan nito ang lalaking kinamumuhian. Sinira kasi ni Lyle ang mundo ng
paborito niyang banda at hindi niya ito mapapatawad. Kahit kailan.

Huwag! Huwag mong hawakan paa ko! Ipapaputol ko 'yan! Natawa sila Melo
at Note. Nagpapapadyak si Leah at kumakawala sa hawak ng dalawang
naglalakihang lalaki sa kanyang braso. Nagulat siya nang pagsipa niya ay
natamaan ang kabuuan ng mukha ni Lyle.

Fuck!

Napaatras si Leah pati na ang mga lalaking nakahawak sa kanya. Napahawak


sa bibig si Ces. Hinawakan ni Lyle ang mukha nito. . . no! Not his
precious face. Hindi pupwedeng sipain na lang ng isang kutong lupa ang
kanyang pagmumukha. People die because of his face. People kneel before

him just to see his face and yet. . . isang Leah lang ang makakasipa sa
mukha niya?!

H-Hala! Hindi na mapakali si Leah. Hindi niya alam kung ano ang dapat
gawin dahil nagtatalo ang pagkainis niya kay Lyle at ang moral niyang
hindi siya dapat manakit ng taoexcept kay Lyle. Dahil sa totoo lang,
gustong gusto niyang sagasaan ng pison si Lyle ngunit tumitiklop ito
ngayong nasa harapan na niya ang pinaka kinaiinisan. Kasi! Lumayo ka nga
sa akin!

Shut up.

Natigilan ang lahat ng tao. Nawala ang ingay ng paligid. Hinawakan ni


Lyle ang paa ni Leah at sinuot ang tsinelas ng dalaga. Bagay na bagay sa
paa ni Leah ang kanyang tsinelas. Red yet very playful ang dating dahil
sa design nitong hello kitty. Kumalabog ang dibdib ni Ces sa nadatnan.
Tila ba tumigil ang lahat ng bagay at natuon ang atensyon niya sa dalawa.

The two sparked in front of Ces na tila ba nagkaroon pa ng liwanag, paruparo at mga bulaklak sa paligid. Ngiting ngiti siya habang nakatingin sa
dalawaone doesnt like the other and one who doesnt know the other. And
yet, they're together. They're making a scene. A prince and princess
scene. Just like in fairy tales.

Hindi maialis ni Ces ang tingin sa dalawa. Nakanganga si Leah nang tumayo
si Lyle. Magkatitigan ang dalawa sandali at napangiti si Ces dahil
dito. Naaalala niya kung gaano kagentleman noon si Lyle sa kanya.
Naaalala niya kung paano siya tinulungan nito nang madapa siya sa
cafeteria.

And seeing Leah and Lyle in front of her, she believed that maybemaybe
Lyle Yuzon is a real prince charming after all. A twisted prince, maybe?

Natigil sa pag-iisip si Ces nang magsalita si Note. Bumait ang gago?

Okay, scenes over! Pwedeng pakiayos na ulit ang mga sarili?! pagsigaw
ng assistant director sa buong set.

* * *

Ilang linggo nang nagshushoot si Lyric at mukhang nakikiepal na rin ang


MyuSick dahil madalas na silang contact-in ng production upang makasama
kahit extra lang. Hindi na rin muling nagpakita si Lylekahit si Leah ay
hindi na rin nakikita as extra. Hindi rin nag-usap sila Lyle at Ces.
Walang nangyaring kakaiba. It's like everything's normal. Walang past.
Wala na ring nag ungkat pa ng pangyayari noong araw na iyon.

Being in a production is hard. Nakikita ni Ces kung gaano naiistress si


Direk J. Marie dahil ito ang halos nagsasabi ng dapat gawin. May ilang
artista na nagpapainit ng ulo nito. May mga staff din na nagpapaasar ng
sobra kay Direk J. Kung last time ay napaka kalmado nito, unti-unting
nawala ang poise ng direktor. She's like Manager Lily but scarier.

Pero may mga kalmado pa rin namang crew na nandoon. Natutuwa si Ces dahil
marami siyang natututunan sa production. Lalo na sa writer na si Deth.

Tulad na lamang sa isang part kung saan magpapakamatay ang isang


character nila. She was fascinated on how Deth made it so realparang
nararamdaman din ni Ces ang nararamdaman ng character. Nang basahin rin
niya ang script, lalo siyang napahanga on how the writer issued life and
death in the film.

Cause life is important, Ces. Sabi ng writer habang nakangiting


nagsusulat sa isang notebook. Lahat may dahilan. Binuhay ko siya dahil

kailangan siya sa kwento. Dahil kailangan niyang kumunekta sa ibang


bagay. Lahat ng tao, may misyon sa mundo.

Talking to Deth is like talking to someone whos knowledgeable about


life. Someone whos old enough to experience the hardship on life. Na
nakakapagtaka rin dahil hindi ganoon katanda ang writer. It was amazing
for Cesdahil ngayon lang siya nakakausap ng taong ganito ka positibo sa
buhay.

Pero, paano ang mga batang namamatay? Ibig sabihin, tapos na ang mission
nila? Ganoon kadali? Hindi palatanong si Ces ngunit hindi niya mapigilan
ang sarili. Gusto niya kasi maliwanagan. Gusto niya malaman kung ano pa
ba ang nalalaman ng isang writer.

Hindi. Ibig sabihin, nagsimula na ang misyon ng baby.

Nagsimula na? Anong mission?

Mas patatagin ang pamilya niya.

Natigilan si Ces sandali sa sinabi ng writer. It was a weird answer and


yet, made so much sense. She's like talking to. . . Death. Paano mo
nalaman ang mga ito?

Hindi kaya isang Death Angel din ang kausap niya? Come to think of it,
parehas na parehas din ang pronunciation ng Death at Deth. Inalis lang
ang "a."

Imagination.

Naisip mo ang lahat ng ito?

I'm fascinated with life and death. Sobrang magical. I want to tackle
it. I want people to see what's beyond their life by using these stories
in the movie. Yung hindi na dapat sabihin. Yung sila na lang mismo
makadiskubre ng sariling dahilan. Ganito ang ginawa kong kwento not to
dictate but to tick people's mind.

For some odd reason, nang makausap niya ang writer ay tila ba lalong
lumaki ang respeto niya rito. Life is indeed questionable. Ang daming
tanong na walang kasagutan. Maraming kakaibang pagbabago. Hindi lahat ng
bagay, nasasagot ng sensya o ng logic. Sa dami ng sinabi ni Deth, isa
lang ang naintindihan ni Ces that made so much sense. Sa imahinasyon man
ng isang tao o ginamitan ng sensya nanggaling. . . for now, isa lang muna
ang paniniwalaan niya.

Lahat ng tao, may purpose.

* * *

Unang nag-extra ay si Melo. Nasa likuran siya ng dalawang artista na


mukhang foreigner. Matatangkad ang mga ito at maputi. Blonde ang buhok ng
isa at ang isa ay strawberry blonde. May mga freckles din na lalong
nagpaganda sa mga ito.

Nag-uusap ang dalawa sa may bench. Tahimik ang mga tao sa paligidnandoon
din sila Note at Ces sa set. For the past few weeks, sila na ang laging
magkakasama dahil ibang lugar at araw ang pinagshushooting-an nila Lyric.

Quiet on the set, sigaw ng assistant director. Action!

Hindi mapakali si Melo sa likuran ng dalawang artista. Takbo ito nang


takbo, nagpapacute sa likod.

Im so tired of life.

Hinawakan ni Yuli, ang artistang blonde ang buhok ang balikat ni


Kristina, ang strawberry blonde ang buhok. Finocus ng camera ang mukha ng
dalawa.

You wont get tired if you live your life to the fullest.

Tinignan ni Kristina ang kaibigan. But I am living my life to the


fullest. Its just unfair! Theyre happy while Im

Unfair. Natahimik ang dalawa. You know what? Dont compare yourself to
others cause you will always think youre the inferior. Tumayo si Yuli
at ngumiti sa kapwa artista. In life, always compare yourself from
yesterdays self. If better, good. If not, do better.

Tumigil si Melo sa may likuran at tumingin sa camera. Nakangiti ito


ngunit hindi rin masyadong nakikita dahil blurred ang background. Gusto
sanang magcut ng assistant director dahil nakikita niya ang kalokohan ni
Melo ngunit in character na ng lubusan ang dalawang artista.

Im not sure if Im better. I mean, they

Itinayo ni Yuli ang kaibigan sa scene. Stop it. Tinitigan ng artista


ang kapwa artista. You envy them but have you thought that maybe, others
envy you?

What? Nanlaki ang mata ni Kristina. Finocus ng camera ang emosyon ng


dalaga.

Maybe you cant see your own greatness because you keep looking on
somebodys back. I mean, I en

A-Aahhchoo!

CUT!

Natawa sila Note at Ces nang biglang bumahing si Melo ng napaka lakas.
Natawa rin ang dalawang foreigner na artista. Sumimangot si Melo,
tumingin sa paligid at kitang kita ang sama ng tingin sa kanya ng
assistant director.

* * *

Sumunod na nag-extra ay si Note. Hindi nga lang ito extra dahil may linya
rin si Note na siyang kinainisan ni Melo.

Ang daya, bakit may lines ka? pagsisimangot ni Melo.

Ano ka ba, agaw eksena ka nga doon sa isa eh! Natatawang sabi ni Note
habang inaayusan siya ng make up artist. Ako, dadaan lang saglit.

Inirapan ni Melo ang kapwa kaibigan. Nabadtrip siya dahil ilang araw na
ang nakalipas pero pinagtitripan pa rin siya ni Note. Eh sa nabahing siya
dahil malamig eh! Anong magagawa niya?!

Matapos ng ilang sandaling prep nagsimula na ulit ang shoot. Nasa isang
condominium sila at tungkol naman ang kwentong ito sa heartbreak. Si Note
ay nakabihis bilang pizza delivery guy. Nasa labas si Note, naghihintay
ng signal para pumasok. Nasa kabilang kwarto sila J.Marie, ang ibang crew
at sile Ces at Melo.

Action!

Ang tanga ko! pagsisimula ng artistang si Iya. Umiiyak ito habang


nakahiga sa kama. Yakap ang malaking unan. Bakit ba ako nakinig sa puso
ko?!

Lumapit ang isang babae at naupo sa gilid ng kama. Umiinom ng tubig.


Nakinig sa puso. . . Binuksan ni Emerald ang TV at naglipat lipat ng
channel. Tila ba hindi ito nakikinig sa kaibigang kanina pa umiiyak.

Oo! Sabi ng utak ko, huwag na dahil niloloko niya ako. Sabi ng puso ko,
okay lang! Ako naman, sumunod sa puso ko. Nasaktan. Ang tanga ko.

Sabi ng utak at puso mo? Bakit, nagsalita? natatawang sabi ni Emerald.


Those things are your freaking internal organs. Bakit mo sinisisi sila
sa katangahan mo? Ang puso, taga pump lang ng blood. Nagmumukha lang
siyang simbolo ng pag ibig dahil ito ang tumitibok. Nararamdaman. Pero
ang totoo nyan, ang utak ang nag uutos sa atin para "sundan" ang puso
natin. Either way, tanga ka pa rin.

Kaya nga. Ano ba sabi ko? Tanga nga ako.

Wala lang. Gusto ko lang pagdiinan.

Sabay na bumuntong hininga ang dalawa.

Sabi niya, true love na raw 'to. True love na kami, pagsisimula muli ng
dalagang umiiyak. Mas humigpit ang hawak sa unan. Bullshit na true love
'yan. Walang katotohanan.

Natawa si Emerald sa kaibigan. Hindi totoo? Sigurado ka ba d'yan? Eh ano


yang sakit na nararamdaman mo, peke? Porke't nasaktan ka ng isa o napaka
raming beses, hindi ibig sabihin hindi na totoo ng true love. Totoo ang
true love. Nagkamali ka lang ng pinagbigyan pero totoo 'yun.

Ginagawa mo ba lahat ng paniniwala mo? Ang dami mong alam eh."

Naghampasan ng unan ang dalawang artista. Natigil sila nang may


nagdoorbell. Pagkabukas ng babaeng umiiyak sa pintuan, tumambad si Note
na may hawak na pizza. May note din sa taas ng box na may nakasulat na
Im sorry, babe.

Cut!

Natigil ang shoot. Nagpunas ng luha si Iya habang nakatingin sa assistant


Director na tinigil ang senaryo.

Bakit po? takang tanong ng dalaga.

M-May ano, pinabago. Lumapit si Daph sa dalawa. Pinausog na muna niya


ang dalaga at nagpunta sa posisyon ng artista. Pagkabukas ng pinto,
manlalaki ang mata mo sa note, di ba? Tapos papasok si Daniel para
magsorry pagkatapos ni kuya Note.

Opo.

Ngayon, titingin ka sa mata ni Note. Ginagawa ng assistant director ang


mga bagay na sinasabi niya. Ngumiti si Notehalos tumambling ang puso ng
dalawang babae sa ngiti ng binata. T-Tapos ano, yayakapin mo siya.

Yayakapin?

Oo, parang ganito. Nagulat ang lahat nang yakapin ni Daph si Notekahit
si Direk J. Marie na nanonood sa kabilang kwarto ay nagtaka. Nakatingin
sila sa screen, nakikita kasi doon ang buong senaryo. Napansin ni Ces ang
kakaibang tingin si Melo sa screen. Kumunot ang noo nito at tumayo. Hindi
pa nakakapagtanong si Ces, umalis na nang kwarto ang binata.

"Saan pupunta 'yun?" takang tanong ng isang crew habang nakatingin sa


pintuang kakasara lang ni Melo.

Nagkibit balikat si Ces. Tinitigan sandali ang pintuan at napabuntong


hininga. Ano naman kayang nangyari sa kaibigan?

Yayakapin mo siya sa sobrang saya, okay?

Tumango ang dalagang artista sa paliwanag ng assistant director pero


natigilan dahil napatagal ang yakap ni Daph sa binata. Biglang kumalas
ang assistant directorngunit napansin ni Ces ang isang bagay na
nagpangiti rin sa kanya. Kitang kita sa screen kahit napaka bilis na
pangyayari.

Ang pagkagat ni Daph sa labi habang nagpipigil ng pagngiti.

* * *

Nasa isang bar sila at may mga extras pa rin. Nag-aayos ang mga crew ng
mga lightings at camera. Inaayos na rin nila ang mga props at lamesa.
Nawala na ang mga fangirls extra dahil mukhang halos lahat ng tao ay nasa
lagpas teenage years na.

Nakaupo sa dulo si Manager Lily, nanonood at the same time ay nasa scene.
Ngunit pinili niyang umupo sa dulo kahit pinapalipat siya sa gitna. Gusto
lang kasi magmasid ni Manager Lily sa paligid, first hand. Napapangiti
rin dahil nakikita niyang umaarte ang kanyang mga alagayet hindi pa rin
nalilimutan ang musika.

Sa stage ng bar, nakaupo si Ces sa gitna. Nasa tabi niya si Pitch na may
hawak na gitara. Nandoon din si Zyrah, ang nag-aayos ng buhok ni Ces.

Alam mo ate, fan mo ako, sabi ng dalaga kay Ces.

S-Salamat, ngiting sagot ni Ces.

Pero. Tumingin si Zyrah sa likuran kung saan nandoon ang mga audience.
Nakaupo habang nag-aayos ang mga ito. Sa gitna ay si Lyric at Erich na
magkatabi habang inaayusan ng iba pang crew. Mas fan ako ng loveteam
niyo.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces. H-Ha?

Ngumiti nang malawak si Zyrah at nag final touch na sa buhok ni Ces.


Lumayo ito ng kaunti at kumindat kay Ces, sa inyo po ni Lyric.

Hindi na makapagsalita pa si Ces. Loveteam nila? Ni Lyric? Pinipigilan ni


Ces ang puso sa pagwawala. Paglingon niya kay Pitch, nakatingin ang
binata sa kanya.

Love team. Ngumisi si Pitch. Napanganga ng kaunti si Ces.

H-Hindi!

Sige, sabi mo.

Hindi na siya muling tiningnan ni Pitch at nawala rin ang mapanuksong


ngiti ng binata. Ang weird talaga ni Pitch. Pero nawiweirduhan din si Ces
sa sarili. Nanlamig ang kanyang kamay at nagpapawis. Napahawak siya ng
mahigpit sa mic at hindi sinasadyang tumingin kay Lyric at Erich.

Agad niyang tiningnan ang dalawang kaibigan na nasa likuran nila Lyric at
Erich. Doon niya tinuon ang pansin dahil hindi niya matagalan ang
makitang pakikipag usap ni Erich kay Lyric. Tumawa nang malakas sila Note
at Melo kaya nakuha nito ang atensyon ng Direktor.

Why are you two laughing? tanong ni Direk J. Marie sa dalawang adik na
sila Melo at Note.

Tinuro ni Melo ang kaibigan. Natatawa ako sa pagmumukha ni Note.

Direk, pwede bang takpan mukha ni Melo? Ang sagwa, parang nagdedate
kami!

Napailing na lamang si Direk J at may binulong kay Mariss. Wala kasi ang
assistant director niya. Mukhang nahiya kay Note. Tumango si Mariss at
lumapit kay Manager Lily. May binulong ito sa Manager at tiningnan ng
masama ni Manager Lily ang dalawang kumag.

Kayong dalawa, tumigil kayo kung ayaw niyong ipalinis ko buong bahay sa
inyo.

Natigilan ang dalawa sa pagtawa at nanahimik. Napangiting tagumpay si


Manager Lily. Alam niya ang pananakot sa dalawa. Alam niyang tamad ang
dalawang ito kaya aayaw sila sa paglilinis.

Natawa si Erichdoon natuon ang pansin ni Ces. Ang funny niyo naman,
sabi ni Erich sabay hampas sa braso ni Melo.

Nagkatinginan sila Note at Melo sa isa't isa. Sabay silang ngumiti sa


dalaga at nag usap na lamang ng tahimik. Hindi na pinansin si Erich.

Last scene for Lyric and Erichdito magtatapat ang character ni Lyric kay
Erich. Ilang segundo lang, nag-umpisa na ang countdown ni Direk J. Marie.

And, action!

Nagsimulang mag gitara si Pitch. Hindi lang siya basta sa drums, marunong
siya sa halos lahat ng klase ng instrumentohes not a music lover for
nothing, right?

When I was youngerI saw my daddy cryAnd curse at the wind

This is just like an ordinary gig she had beforepero bakit, bakit kapag
nakatingin siya sa audience ay bumibigat ang kanyang paghinga?

He broke his own heartAnd I watchedAs he tried to reassemble it

Huminga nang malalim si Ces nang mapatingin siya kay Lyric at Erich.
Hinuhugot ang lahat ng hangin na kaya niyang kunin dahil pakiramdam niya
ay nawawalan siya ng hininga. Nag-uusap ang dalawa habang may nakatutok
na camera sa mga ito. Hindi makagalaw si Ces dahil may nakatutok din na
camera sa kanya at kay Pitch.

And my momma swore thatShe would never let herself forget

Pinipilit ni Ces na huwag tumingin sa dalawa. She focused on Melo and


Note whos talking silently at the background. Nang mapansin ng dalawa na
nakatingin si Ces sa kanila, ngumiti ang dalawang gitarista. Tinaas ang
hinlalaki at nag okay sign.

And that was the day that I promisedI'd never sing of loveIf it does
not exist

Sumenyas si Direk J. Marie at pinatigil ang buong pangyayari. Nagtayuan


ang mga crews at camera man. Nagbalik ang mga make up artist para ayusin
sila Lyric.

Natigil si Ces sa pagkanta.

I can't feel the intensity. Wala akong maramdaman na love.

S-sorry. Mahinang bulong ni Lyric sabay yuko.

Pero nung kumanta ka sa stage, kitang kita ko ang pagmamahal. Anong


nangyari, Lyric? takang tanong ni Direk J. Marie. Hindi makasagot si
Lyric.

Maybe they should kiss at the end.

Nabitawan ni Ces ang mic na hawak. Malakas ang pagkakalaglag nito at


gumawa pa ng ingay kaya lahat ng tao ay napantingin sa kanya.

S-Sorry. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Ces nang tumayo siya mula sa
pagkakaupo at kinuha ang mic. Focusing on her hands just to divert her
attention.

Are you okay there, Ces? tanong ni Direk J. Tumango si Ces nang hindi
nagsasalita. Hindi na nila pinansin ang bokalista at nagkatinginan si
Direk J at ang producer na si Ciello. Kiss? Will that intensify it?

Are you a director or not? Taas kilay na tanong ni Ciello. Dapat alam
mong sa halik nananalaytay ang pag-ibig ng dalawang nag-iibigan!

Whatever Ciels, ang hopeless romantic mo. Pang-iirap ni Direk J sa


producer ngunit natatawa. You have a point there but I have a plan.
Tumingin si Direk J kay Lyric at Erich. May binulong ang direktor sa
dalawa. Nanigas si Lyric ngunit ngiting ngiti si Erich. Understood?

Nakayuko lamang si Ces nang muling magpatuloy ang senaryo. Hindi na niya
maatim ang nakikita. She looked at Pitch na nakatingin sa kanya na may
diretsong mukha.

And, action!

But darlin'
You are the only exceptionYou are the only exception

Nanginginig ang boses ni Ces. . . hindi niya ito maiayos dahil kahit siya
ay naguguluhan sa sarili. Shes trying her best to sound good pero ayaw
talaga. Hindi nakikicooperate ang kanyang boses, utak at puso sa isa't
isa.

You are the only exceptionYou are the only exception

Cut!

Kinausap siya ni Direk J. Marie. Kinakabahan siya at kaunti na lang ay


sasabog na ang kanyang puso. She could feel her hands and feet freeze.

Are you okay? Bakit hindi ka makakanta ng maayos? tanong ng direktor.


Humingi ng paumanhin si Ces at sinabing susubukan niya ulit. Napatingin
siya sa pwesto nila Lyric at Erich at muntikan nang malaglag sa upuan
nang makitang nakatingin sa kanya si Lyric. Are you sure youre okay?
You look sick.

O-Okay lang po ako.

Nagsimula muli ang shoot. Napabilis din dahil ibabagay na lang ang kanta
sa scene pero patuloy siyang kinukuhanan ng isang camera.

Maybe I know, somewhereDeep in my soulThat love never lasts

Napatitig si Ces sa dalawang nasa harap. Sinusundan ang bawat pag galaw
ng dalawa nang magtawanan ito at mag-usap. Hindi niya naririnig ang mga
sinasabi nito dahil malakas ang kabog ng dibdib niya na kahit ang sarili
ay hindi na naririnig.

And we've got to find other waysTo make it aloneOr keep a straight
face

Hindi niya dapat ito maramdaman. Hindi dapat. . . pero hindi niya
mapigilan. Nanikip ang kanyang dibdib nang makita ang kamay ni Erich na
hinawakan ang kamay ni Lyric. Hinahawakan ni Ces ng mabuti ang mic.

And I've always lived like thisKeeping a comfortable, distance

Napaupo ng matuwid si Lyric ngunit lumapit kay Erich. Habang palapit nang
palapit ang mukha ng dalawa, palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ni
Ces. Dumarami rin ang mga aspiling tumutusok sa kanyang puso. Maliliit
ngunit napaka rami.

And up until nowI had sworn to myself that I'm contentWith loneliness

Nangininig ang paghawak niya sa kanyang mic. Nag iinit ang kanyang pisngi
nang hinawakan ni Lyric ang pisngi ni Erich. It was terrifying to see the
look on the twonakatitig sa isa't isa. Na para bang walang tao sa ibang
paligid kung hindi sila lang.

Acting lang ito, Ces. Independent film. Pagkumbinsi sa sarili. . . and


yet, she asked. Why convince herself?

Because none of it was ever worth the risk, well

She tried looking away pero hindi niya magawa. Pilit niyang binibigay ang
atensyon sa pagkanta ngunit hindi na gumagana ng maayos ang kanyang utak.

You are the only exception

Two inches apart. Kaunting kaunti na lang ay mahahalikan na ng dalawang


nasa harap niya ang isa't isa. This is acting ngunit bakit ganito ang
nararamdaman niya? She should act professional. Isa siyang singer sa
isang bar. Dapat hindi siya nakatingin sa iisang tao. She should look at
everybody. Let her voice move the audience. Dapat wala siyang
nararamdamang ganito. Dapat wala siyang pakielam sa ginagawa ng mga
audience and yet. . . she kept on staring at the two.

You are the only exception

Halos mawalan siya ng hininga nang kaunti na lang ay maglalapat na ang


labi ng dalawa. Nagwawala na ang puso at utak niya. She's trying to shut
herself down ngunit hindi na talaga siya pinapakinggan ng sarili. Isa
lang ang nagawa niya.

Ang pumikit.

You are the only exception

She's trying to breath pero mukhang ayaw kumuha ng hangin ang kanyang
sistema. Halos pabulong na lang ang nakanta niya sa huling linya as she
felt an ache inside her chest.

You are the only exception

Tumigil na sa pagkanta si Ces ngunit patuloy lang ang pag gitara ni


Pitch. Getting ready to end the music.

Hindi nakikita ni Ces ang senaryo ngunit pakiramdam niya ay tumigil ang
kanyang puso. She imagined Lyric and Erich. . . and a kiss that slowly
crushing her heart. Hindi tuloy niya alam kung tama ba ang desisyong
pumikit kung pati ang utak niya ay pinapakita ang ayaw niyang makita.

"Aaannd, cut!"

Naramdaman ni Ces ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Sumasakit ang
kanyang dibdib ngunit hindi ito dahil sa kanyang pilat. It's beyond the
scar. Beyond the deal she had with Death. Beyond the death Lyle had given
her.

"Hindi nagdampi ang mga labi nila."

Napadilat si Ces sa bulong na narinig. Nakita ni Ces si Ash na lumulutang


sa kanyang harap. Hindi na naramdaman ni Ces ang panganib sa paligid.
Nanumbalik ang maamong mukha ng kamatayan. Hindi na rin kulay dugo ang
mga mata nito. Hindi pa nakakapagsalita si Ces ay unti-unting naglaho ang
kamatayan sa kanyang harap na may ngiti sa mga labi.

Napansin niyang wala na si Pitch sa kanyang tabi at nakikipag usap na sa


cellphone. May kanya-kanya na ring buhay ang mga crew dahil nagliligpit.
Kinakausap ng direktor si Erich at Lyric habang may mga crew na
nagpapapicture kanila Melo at Note.

Nagtaka si Ces nang makarinig ng kakaibang ingay. Pababa na siya ng stage


nang. . .

"Miss Ces, 'yung mga ilaw!"

Napatingin si Ces sa tumawag sa kanya. Tinuro ng isang crew ang taas.


Pag-angat niya ng tingin, nasilaw siya sa mga naglalakihang light
equipments na babagsak na sa kanya. Halos mawalan siya nang hininga nang
may makita siya sa taas kung saan galing ang mga equipments. Isang pares
ng pulang mata. Maliit. Mukhang bata.

"Ces!"

Si Boss.

~ ~ ~Author's Note:Emergehd. Bitin na naman! Please don't kill me. Masaya


lang akong nabibitin kayo para kyot :">
Salamat ng marami sa pagbabasa! Salamat sa mga walang sawang nagkocomment
at sa paghihintay! Tapos na rin ang Theory Shmeory~ Nalagay ko na lahat
ng umabot. Yay!
This chapter is dedicated to Mariss. Bakit? Dahil ang kulit kulit kulit
kulit niya~ ankyut kyut! Tapos sobrang natouch din ako sa message niya sa
akin (click external link) Hi Mariss, pasensya na kung napatagal ang
dedication. Andami kasing nakaline up at mahirap mag usog nang mag-usog.
Anyway, maraming salamat sa suporta, Mariss. Sana makita kita soon tapos
babatukan kita! Muhahaha >:D joke. De seryusli, salamat :)

=================
48 // Synesthesia Sensation
"Maybe there's something you're afraid to say, or someone you're afraid
to love, or somewhere you're afraid to go. It's gonna hurt. It's gonna
hurt because it matters." John Green

~ ~ ~

Ces versus death.

Hindi na mahalaga kung anong klaseng death ang kinakalaban ni Ces. One
way or another, its still death. Kamatayan. Maging maliit na bata man
ang itsura nito, may mapula mang mga mata, lumulutang man o nakasayad sa
lupa ang paaits still death. Kahit saan siya magpunta, kahit saan siya
magtagokahit gaano niya itanggi ang lahat. . . nilalapitan pa rin siya
nito.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa set noon. Nakakabingi ang mga
sigawan ng mga tao. Hindi magkandaugaga ang lahat. Ces was expecting to
be crashed. . . kahit ayaw niya, tanggap niya. Nagkamali siya. Hindi niya
sinasadya. Siguro tama nga na walang emosyon ang mga kamatayanang gusto
lang naman nila ay kaluluwathey wont be a nice guy for her. No. Never.

After all, hindi naman nagpakitang mababait nga ang Kamatayan sa kanya.
Theyre just fair. . . ata? Fair nga bang maitatawag ito kung gusto na
kaagad kuhanin ng kamatayan ang buhay niya?

But then, bago pa maramdaman ni Ces ang napaka init na ilaw para pumaso
at malaglag sa kanya ay nakarinig siya ng napaka lakas na ingay mula sa
kanan. Hindi pa rin siya dumidilat ngunit napaupo siya sa stage,
nanginginig, natatakot. Maraming nagsigawanrinig na rinig niya ang mga
boses ng mga kabanda hanggang sa lumapit ang mga ito sa kanya at niyakap
siya.

Ces, okay ka lang?!

Pagdilat ni Ces, una niyang nakita ang mata ni Note na sobrang nag-aalala
sa kanya. Doon lang niya naramdaman ang bilis ng tibok ng puso niya.
Hindi siya sumagot bagkus, tumingin siya sa taaswala na si Boss.
Pagtingin niya sa kanan, doon niya nakita ang pagbagsak ng lightings
wasak na wasak. Imagining herself under those lightings scared her to
death.

Nabaling ang tingin ni Ces sa lalaking nakatayo hindi man sobrang lapit
ngunit may distansya sa kanyahalatang natigilan at nagulat sa lahat.
Kita rin niya ang bilis ng paghinga ng binata. Nag-alala si Lyric ngunit
hindi niya nagampanan ang pagiging 'life saver'. Napuno ng tao sa paligid
ni Ces habang pinapaupo siya. . . nakatulala. Hindi masyadong nagsisink
in ang lahat sa kanya habang salita nang salita ang mga tao sa paligid.
Sa mga pangaral ni Manager Lily sa kanya, ang mga sinasabi ni Erich na
nahimatay pa sandali sa braso ni Lyric.

Second time. Its the second time na muntikan na siyang bawian ng buhay.
Ano bang trip ng kamatayan? Warning ba ito? But for what?! Shes not
inlove, for petes sake. Shes just. . . scared. Oo tama. Takot siyang
may gawing kagagahan si Erich sa kabanda niya. . . sa kaibigan niya. . .
kay Lyric.

Nagpasalamat si Ces sa crew na humila ng isang tali para mabago ang


direksyon ng lightings. Nagpasalamat ang buong banda kay Direk J. Humingi
ng paumanhin ang buong produksyon. All was well. Hindi na rin inungkat
ang lahat. Its an accident. Hindi naman nila inaakalang masisira ang
cord kaya bumagsak ang lightings. Its no ones fault. Well, except for
Ces dahil binabagabag siya ng pangyayaring iyon.

Pagkauwi ay hindi mawala ang tingin ni Ces sa kisame. Hindi niya


mapatigil ang bilis ng tibok ng puso dahil sa nangyari. Its terrifying.
Kung dati-rati, handang handa na siya. Ngayon, kahit masugatan ay hindi
niya maisip mangyari sa kanya. Not now that shes happy. Not now na
kasama na niya ang pamilya niyang hindi niya kadugo. Ayaw niyang mawala
sa piling ng MyuSick. Kahit makukulit, magugulo at masusungit ang mga ito
paminsan-minsankahit nakakatakot si Manager Lily, hindi niya kayang
mawalay sa mga iyon.

Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Ces nang tumunog ang kanyang cellphone.


Halos magwala ang puso niya nang makita kung sinong tumatawag. Mystery
Texter.

Matagal na simula nang magparamdam si Mystery Texter. . . ni hindi nga


ito bumati noong Christmas. Hindi naman sa nag hihintay siya ng text
nitoang weird lang dahil hindi naman alam ni Mystery Texter na kilala na
ito ng dalaga kaya nagtataka rin siya kung bakit ito biglang tumigil.

Agad sinagot ni Ces ang tawag. Hindi siya nagsalitakinakabahan siya.


Wala ring nagsasalita sa kabilang linya ngunit naririnig niya ang pag
gigitara nito. Isang mahinang pag-iistrum. Tumingin siya sa pintuan ng
kanyang kwarto kahit hindi niya nakikita si Lyric ay alam niyang nasa
kabilang kwarto lang ang binata. Nag gigitara.

Pumikit siya habang nakikinig. Napapakunot ng kaunti ang noo niya. Alam
niya ang tonong itoalam niyang narinig na niya iyon ngunit saan? Nilibot
ni Ces ang kanyang utakhinanap kung saan niya narinig ang musikang iyon.
. . but she failed. Hindi siya mapakali. . . alam niya ang tonong 'yun!
Alam na alam niya. . .pero saan niya narinig ito? Is it a new song? An
old one? Hindi niya talaga maalala.

Napatigil si Ces sa pag-iisip nang tumigil sa pag gigitara ang nasa


kabilang linya. Tumahimik sandali ang dalawa. Akala nga niya ay ibababa
na ni Mystery Texter ang tawag ngunit nagsalita ito. His voice made Ces'
heart pound harder.

Prinsesa.

Ayan na naman ang term na 'yan. Napapikit si Ces at huminga nang malalim.
Isang salita lang ay grabe na ang epekto sa kanyalalo na at alam niya
kung kanino ito nanggaling.

Kamusta?

Hindi alam ni Ces kung sasagot siya. Sinubukan niyang magsalita ngunit
hindi niya magawa. Wala siyang lakas. . . tila ba kinukuha ng tawag na
iyon ang lahat ng kanyang lakas.

Huwag ka na sumagot, mahinang sabi ng lalaking nasa kabilang linya.


Habang patagal nang patagal, doon lang narealize ni Ces na boses nga iyon
ni Lyric. Its 100 percent Lyric. Doon lang niya narealize na ganito pala
talaga ang boses ni Lyric sa phonenapaka gwapo. Ang tahimik.
Nakakarelax. Pasensya na kung ngayon lang ako nagparamdam. Ang tagal na
rin, hindi ba? Natawa ng kaunti si Lyriceste si Mystery Texter kaya
napangiti si Ces. Doon lang niya narealize kung gaano kasaya pakinggan ng
tawa ng binata. Tumawag ako dahil. . .

Hinihintay ni Ces ang susunod na sasabihin ng lalaki sa kabilang linya.


Hindi na siya mapakali. Gustong gusto niyang magsalita. Gusto niyang
sabihin na kilala na niya siya ngunit may pumipigil sa kanyabaka kasi
lumayo si Lyric. At hindi niya kaya 'yun.

Gusto ko magpaalam.

Ha? automatic na sagot ni Ces without thinking. Nakarinig siya ng


buntong hininga sa kabilang linya. Nanlalaki ang mga mata ni Ces habang
nakatingin sa kawalan. Waiting for an answer. Waiting for some
explanation.

Paalam, Prinsesa.

Bago pa makapagsalita si Ces, agad na binaba ng binata ang tawag. She


tried calling him pero out of reach ito kaagad. Nakarinig siya ng
pagbukas at pagsara ng pintuansa kwarto ni Lyric.

Bumuntong hininga siya. Hindi niya akalain na ganito na ang epekto sa


kanya ni Mystery Texter.

* * *

Matagal-tagal na rin ang lumipas simula nung huling pag-uusap nila Ces at
Lyricas them. A week after Mystery Texter called, hindi na talaga ito
nagparamdam. Hindi rin sila nagkikita dahil laging wala si Lyric for
recording para sa independent film. Kakatapos lang din ng dalaga mag
record ng boses para roon. Normal na ulit ang lahatbut what does normal
means? Melo. . . always joking around. For example, noong time na bagot
na bagot sila at walang magawa ay bigla itong nagsalita.

May dalawang donut, panimula ng binata habang nakatingin lang sa kanya


si Note at Ces. Si Mama donut at Baby donut. Isang araw, umakyat si baby
donut sa puno. Anong sabi ni mama donut?

Nagtataka man sila Note at Ces, they tried answering. Nawiweirduhan na


rin sila kay Melo dahil tawa ito nang tawa kahit wala namang nakakatawa.
Ilang minutong sagutan at tawanan ang nangyari bago magsiret ang dalawa.

Anak! Bavarian!

Natahimik sandali ang tatlo sabay tawa ni Melo. Agad naman siyang
binatukan ni Note. Takte. Ang korni mo!

No comment naman si Ces. After all, she has no humor. Hindi niya nagets
ang joke.

Hindi nagpapigil si Melo dahil nagbigay pa siya ng isa pang joke.

Eh 'yung chinito, alam niyo?

Sumagot muna si Note, yung mga hayop na katulad mo. Singkit na maputi.

Gago ka," diretsong sabi ni Melo. Natawa ng kaunti si Note. "Hindi.

Si Ces ang sumunod, kanta ni Yeng?

Lumawak ang ngiti ni Melo. Hindi! Ito 'yung kapag may tumawag sa phone,
sinagot mo. Hello, chinito?

Natahimik muli ang lahatnormal nang lalong maasar si Note ngunit hindi
normal na biglang natawa si Ces. Laking tuwa ni Melo nang tumawa si Ces
sa kanyang joke ngunit napasimangot nang biglang tumigil si Ces at
nakapoker face na nagsalita.

Huwag mo na uulitin 'yan.

It was the first time. . . the very first time that Ces broke Melos
heart into tiny little pieces.

Napatigil lang ang kanilang kwentuhan at tawanan nang magring ang


telepono ng bahay. Agad nagseryoso si Note at siya ang sumagot.
Pagkasagot sa phone ay nawala ang pagkaseryoso nito at nakita ni Ces ang
pagtataka sa mukha ni Note.

"He's not here," sabi ng binata sa kausap sa phone. Mataman itong


nakatingin kay Ces habang kausap ang taong nasa phone. Sa hindi malamang
kadahilanan, nakaramdam ng kakaibang takot ang dalaga sa mga tingin na
iyon. "Yeah, sure."

* * *

Second normal ay si Manager Lily. For some odd reason, mas naging
mahigpit ito (normal lang 'yun) at pinaalis ang mga maids nila. Bakit?
Manager Lily forced MyuSick to clean their house. Hindi na kasi natututo.
Puro na lang daw kalat (again, its normal). Todo reklamo sila Melo at
Note habang si Pitch ay walang imik.

Speaking of Pitch. . . abala ito sa mga lakad. Kung hindi ito nakikitang
magbasa habang hindi nagpapractice ng songs, wala ito sa bahay. Ganoon
din si Notewell, si Note ang isa sa mga hindi normal sa lahat. Bumabalik
na kasi ulit ang misteryosong Note. . . ang lalaking umaga aalis ngunit
gabi babalik na may mga matang nakakatakot.

Normal ang lahat sa MyuSick. . . pero nawala ang pagkanormal nang magannounce si Manager Lily. Ngiting ngiti pa ito (hindi ito normal).

TV Guesting?! nanlalaking mga mata nila Note at Melo.

Kasalukuyan silang nasa Haven. Wala si Lyric dahil busy pa rin ito sa
recording. Apat na myembro lang ng MyuSick ang nandoon plus Manager.
Nakaupo ang apat sa sofa na katapat ng table ni Lily. Si Manager Lily ay
nakatayo sa harap ng mga ito.

Yes, kasama si Lyric.

Pero Manager. Nagkamot ng noo si Note. Hindi ba banned si Lyric sa TV?


Wala pang six months ah?

Ngumiti ng malawak si Manager Lily na siyang dahilan upang kilabutan sina


Melo at Note.

Sabi ko sa inyo. . . that independent film will do good.

May napansin si Ces na kakaiba sa reaksyon ni Note. Parang nagtataka ang


mukha ng binata. Nagtatanong. May gustong alamin. Nabaling ang kanyang
atensyon nang magsalita si Melo.

Pero Manager, may tanong ako! Nagtaas ng kamay si Melo as if hes in a


school waiting for his teacher to call him. Hindi na sana siya papansinin
ni Manager Lily kung hindi lang ito tumayo at lumapit sa Manager.
Nagpapapansin.

Ano?! Sabihin mo na at nasasayang ang oras ko! iritang iritang sabi ni


Manager Lily.

Sumimangot ng kaunti si Melo ngunit ngumiti rin ng malawak. Anong past


tense ng Mcdo?

Tinitigan ni Manager Lily si Melonot willing to answer his question.


Tumalikod na si Manager at inaayos na ang mga papeles sa kanyang desk
nang nagsalita muli si Melo.

Eh di, Mcdid.

Kumunot ang noo ni Manager Lily, get out! Now!

* * *

Kung mothers know best, Manager Lily knows everything. Alam na ni Manager
Lily ang lahat simula umpisa. Tama ang idea niyang paartehin si Lyric.
Tama ang idea niyang mapasama ang buong MyuSick sa independent film. Kung
dati ay aayaw pa ang media sa kanilangayon, nag-uunahan na ang media
para mainterview ang buong MyuSick. Alam niyalalo na at si J. Marie ang
direktoray maaayos ang lahat ng gusot. Shes damned smart. Hindi siya
isang Manager for nothing, right?

And so, nasa isang sofang mahaba ngayon ang MyuSicknakaupo habang
nakangiti sa camera. Nasa sariling upuan sa kanan ang hostsa mahabang
sofa ay sila Lyric na malapit sa host, Note, Melo, Ces at Pitch.
Iniinterview ng isa sa mga batikang tv host sa isang batikang istasyon.
Sobrang proud ni Manager Lily na nakaupo sa front row ng audience.
Napapangiti rin siya dahil MyuSick never fails to entertain the viewers.
. . hindi sila peke. Pinapakita ng MyuSick kung sino talaga silawell,
thats what Manager Lily said. Be yourselfnot just too much para walang
intriga. Nakakabobo rin kasi minsan ang issues.

So ang next question. Tumingin ang host sa kanyang cue card at medyo
natawa pa ito bago magsalita. Kung nasa elevator kayo ng crush niyo.
Kayong dalawa lang at lumobo ang sipon mo, anong gagawin mo?

Unang tinanong ng sagot ay si Pitch. Bababa sa next floor.

Natatawa si Lyric nang siya ang sumagot. Magpapakamatay ako sa harap


niya mismo!

Si Ces ay natatawa lang kaya hindi na siya nakasagot. But Melos and
Notes answers are the most epic ones.

Marami ang natawa nang sumagot si Melo nang, sasabihin ko sa kanya,


bakit? Hindi ba uso babols ngayon?

Lalong natawa ang lahat nang si Note na ang nagsalita. No words. Just
tears. Manly tears, pare.

Marami pa ang tawanan. Enjoy na enjoy ang lahat pati


audience. Hindi na rin kinailangan magpatawa ng host
gumagawa noon. Pagkatapos ng commercial, inanyayahan
kumanta. He easily obliged. Accompanied with Melo as
guitarist, pumunta sila sa maliit na stage ng studio
kumanta.

na ang studio
dahil MyuSick na ang
si Lyric upang
the back up
at nagsimulang

Save your smile,Everything fades through timeI'm lost for


words,Endlessly waiting for you

Napatitig si Ces sa isang monitor na katapat ng inuupuan niya. Hindi siya


makatingin kay Lyric ngunit nakatitig siya sa monitor na nakatapat sa
mukha ni Lyric.

Stay with meYes I know, this cannot beAs morning comes,I'll say
goodbye to you when I'm doneThrough the sun...

Nagpipigil siya ng hininga. Kung bakit ay hindi niya alam. Sobrang ganda
talaga ng boses ng binata. Sobrang nakakagaan sa loob. Nakakawala ng
problema. Ganoon ang epekto ng boses ni Lyric sa kanya. Its as if hes
lullaby-ing her to safeness.

Because I've waiting for you, Waiting for thisDream to come true, just
to be with you.

Tumigil panandalian ang tibok ng puso ni Ces nang tumingin sa kanya si


Lyric. Wait, no. Hindi nakatingin sa kanya ang binata. Sa camera ito
nakatingin. Hindi sa kanya. But his eyes takes her away. Makapigil

hininga ang titig ng binata sa kanyasa screen. Sa mga taong nanonood sa


kanila ngayon.

And if die, remember this line,I'm always here, guarding your


life...Guarding your life...

Wala nang naiisip si Ces. Nablangko na siya. Lahat ng nasa utak niya ay
lumipad na't iniwan siya. Ang alam lang niya ay nakikinig siya sa boses
ng kanyang kabanda. Oo tama, kabanda. Kabanda lang.

I am yoursI'm completely trapped in your soulDazed and confusedSwept


away with your own world.

Yumuko si Ces at tinigil ang pakikipagtitigan sa mata ni Lyric habang


nakatingin sa monitor. Hindi na niya alam kung normal pa ba itong
nararamdaman niyathinking na sana siya lang ang tinitingnan ng binata.
Hoping na sana, hindi ito magpaalam sa kanya. Hindi tulad ng ginawang
pagpapaalam ni Mystery Texter. And by that goodbye. . . para saan iyon?

You're my starInvincible, haunting and farGrace under fireSomeone is


building my heart, in my heart...

Bakit ka nakayuko? Napatingin si Ces kay Pitch na nakatingin sa kanya.


Kaagad siyang umayos ng upo ngunit napansin ni Pitch na iniiwasan ng
dalaga ang pagtingin sa monitor. Ayaw mo siyang tingnan?

P-Pitch. . . bulong ni Ces. Pinipigilan ang mga susunod pang sasabihin


ng katabi. Natatakot siyang baka marinig sila ng lahat. Alam niyang hindi
naka ON ang mic nila but stillwait, ano ang kinakatakot niya?

Nginisian lamang siya ni Pitch.

Because I've waiting for you, Waiting for thisDream to come true, just
to be with you.And if die, remember this lines,I'm always here, guarding
you

Unti-unting tumingin sa monitor ang dalaga. Napahinga siya nang malalim


nang mapansin ang nakapikit na mata ni Lyric. Good. Thats good. Hindi na
ata niya kayang makipagtitigan sa mata ng kabanda sa monitor. Ikamamatay
na talaga niya ito.

Ngunit nagulat si Ces nang dumilat ang mata ni Lyricat tila ba


nakikipagtitigan sa kanya ang binata. Its as if walang monitor. Walang
camera. Walang audience. Parang silang dalawa lang ang nakikita ng isa't
isa.

Slowly falling into you

Bumibigat ang bawat paghinga ni Ces sa bawat lirikong kinakanta ni Lyric.

I'm obsessed with the fact that I'm with you.

Sumasabay pa ang napaka gandang melodiya na ibinibigay ni Melo gamit ang


pag gigitara.

I can't breathe without you...

It was perfect. The song. The voice. The music. Its too damned perfect
na kinakatakot na ito ni Ces. Kinakatakot niyang mahulog siya sa
pagkaperpekto ng musika.

Nagpalakpakan ang lahat nang matapos ang performance nila Melo at Lyric.
Tuwang tuwa ang host at ilang ulit sinabing napaka ganda sa pandinig ng
boses ni Lyric.

Really, sobrang ganda ng performance niyo.

Salamat.

Pero tell me, 'yung kanta kasi. . . ngiting ngiti ang host. Para
kanino 'yun?

Nagulat si Lyric sa tanong. Natatawa lamang si Melo. Tulala si Note,


mukhang malalim ang iniisip. Si Pitch ay nakikinig lang ngunit si Ces. .
. ang puso ni Ces ay tumalon palayo sa kanya. Mukhang mas nagulat pa
kaysa kay Lyric.

P-Po? hindi makapaniwalang reaksyon ni Lyric.

Para kanino ang kanta? I mean, its likeyoure falling for someone,
hindi ba? tanong ng host sa audience. Tumango-tango ang lahat. May mga
sumigaw din na fangirls ng MyuSick. Napahawak ng mahigpit si Ces sa
kanyang panyo nang magtanong muli ang host. Whos the lucky girl?

Naghiyawan ang mga kababaihan sa loob ng studio. May mga nagchachant din
na sabihin na ni Lyric kung sino. Hiyang tawa ang pinalabas ni Lyric
dahil hindi siya makapagsalita. Sobrang bilis naman ng tibok ng puso ni
Ceslalo na't nakikita niya ang sarili na nakaupo kasama ang MyuSick sa
monitor na nasa harapan.

For some odd reason, napatingin si Lyric sa gawi nilathen their eyes
met. Wala pang ilang segundo ay umiwas ng tingin si Ces, busied herself.
Piniling bigyang atensyon ang kanyang panyo kaysa kay Lyric. Huminga siya
nang malalim at pumikit.

Siya ba 'yung partner mo sa independent film niyong Life directed by


J.Marie? Natawa ng kaunti ang host. Oh, napalibreng endorse pa.

Napadilat si Ces at tumingin sa host. Ngiting ngiti ang host habang


nagulat naman si Lyric.

Partner?

Lalong lumawak ang ngiti ng host. Yes! Si Erich Gaile! Natahimik ang
lahat. Hala, nagblush si Lyric, ang cute!

Kinulit pa siya ng host. Nagtanong pa nga ito kung bagay ba si Erich at


Lyric sa MyuSickno comment si Pitch, tawa naman ang sinagot ni Note
habang sinasabing alam na niya 'yun, si Melo naman ay may pwidi. Piru
dipindi habang si Ces. . . kahit nagsusumigaw ang sarili niyang hindi,
napasabi na lamang siya ng kung gusto nila isa't isa, babagay sila.
Kaplastican. Well, totoo naman talaga. Kahit sa mga love stories na
nababasa niya, kahit against all odds ang lahat, kung gusto nila isa't
isa. Why not? Eh kung iyon ang tinitibok ng puso nila. . . bakit hindi?

Natigilan si Ces. . . hindi kaya ito ang dahilan kaya nagpapaalam si


Mystery Texter?

Natapos ang lahat interview after another thirty minutes. Kumanta rin si
Ces with Note as back up guitarist at Pitch for beat box. Kulitan lang
din ang nangyarigustong ungkatin ang mga buhay nila ngunit hindi sila
masyadong nagsalita. Pagkatapos na pagkatapos ng interview ay kaagad
umalis si Notenagpaalam na siya na lang ang uuwi mag-isa. Hindi
napalampas sa mata ni Ces ang lalaking hinablot ni Note bago ito tuluyang
umalis. May kung ano pang sinabi si Note, tila bumulong. Pupuntahan niya
sana ang kabanda nang dumami ang mga staff, crews at audience ang lumapit
sa kanya at nagpapicture.

Pagkauwi ng gabi, nagkanya-kanya ang MyuSick sa pag-aayos ng sarili para


magpahinga. Pasado alas dose na nang madaling araw ay wala pa rin si
Note. Nang mag-ala una, narinig nila ang napaka lakas na kalampag sa gate
ng kanilang bahay. Kaagad silang bumaba at tiningnan kung anong nangyari
and they were all shock to see Note. Bloody as hell.

Nagmadali ang lahat upang isugod sa ospital si Note. Kitang kita ni Ces
ang pagkataranta ng lahatang pagmamadali ni Melo sa pagdadrive, ang
pagtawag ni Manager Lily sa kung sino man upang makatulong sa kanila.
Kahit si Pitch ay kitang kita ang pag-aalala sa kaibigan habang pasulyapsulyap. Tahimik lamang si Lyric, binabantayan ng tingin si Note habang
nakasandal ang ulo ni Note sa hita ni Ces.

Bilisan mo, Melo!

Oo putek, eto na nga!

Halos lumipad na ang van nila sa sobrang bilis ng pagmamaneho ni Melo.


Mabuti na lang ay madaling araw na kaya wala nang masyadong sasakyang
sasagabal. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa ospital.

Naiwan sila sa waiting room habang nagmamadali ang mga nars at doktor
para gamutin si Note. Bugbog sarado ang mukha nitonangingitim ang
paligid ng dalawang mata ni Note. May mga sugat din ito sa mukha na
mukhang sinugutan gamit ang matatalim na bagay: bubog o kutsilyo. Sa
braso ay puno rin ito ng pasa at sugat. Ang damit ng binata ay
pinaghalong dugo, pawis at lupa.

Nakipag-away ba si Note?! Halos pasigaw na tanong ni Manager Lily


ngunit walang sumasagot.

Nakaupo ang lahat. Ang pinaka kalmado ay si Pitch. Si Lyric ay nagaalala. Hindi mawala sa isip ni Ces ang lalaking kasama ni Note sa
studio. She's feeling guilty. Gusto niyang sabihin ngunit alam niyang
dapat si Note ang magsabi sa kanila. Wala siyang karapatan panghimasukan
kung ano man ang nangyayari sa kaibigan. She sighed in defeat habang
pinipigilan ang sarili sa pagluha. Tulala si Melo. . . hindi nagsasalita,
hindi kumikibo. . . tila hindi na rin ito humihinga. Hindi makapaniwala
na nangyari ito sa matuturing niyang matalik na kaibigan. Sinong gago ang
gagawa ng ganito kay Note? Sinong walanghiya ang bubugbog at halos
patayin ang kabanda nila?

Hindi nawala ang pangamba ng MyuSick hanggang sa lumabas ang doktor upang
ibalita na wala na si Noteeste wala na ang mga dugong bumalot sa katawan
ng binata at okay na ito. Nakatamo lang ito ng napaka raming physical
injury kaya nanghihina. Kaunting pahinga lang ay okay na ang binata.

Ilang araw lang ay nakauwi na si Note sa kanilang bahay. Hindi ito


nagsasalita kahit gaano pa siya sinigawan ni Manager Lily. Wala itong
sinabing kahit ano tungkol sa nangyari sa kanya kaya wala na ring nagawa
ang Manager. Masaya na rin sila dahil okay na si Noteafter two weeks,
nakakalakad na rin ng maayos si Note. Magaling na ang ilang sugat niya at
nawawala na rin ang pangingitim ng kanyang mga mata nang magulat si Ces
isang gabi sa sigaw na narinig mula sa kwarto nila Note at Melo. Malakas
ang loob nilang magsigawan dahil wala si Manager Lily for a meeting in
Hongkong.

Napatingala si Ces upang tingnan ang second floor dahil nakaupo siya sa
sofa. Binuksan ni Note ang pintuan ng kwarto nila at kitang kita ang
galit nito sa mukha.

Kung makaasta ka parang mas malala ka pa sa babae! Napatayo si Ces


dahil akala niya ay nagbibiruan lang ang dalawa. Ngunit sa nakikita niya
ngayonmalayo sa biruan ang nangyayari. Pare, magkaibigan tayo! Hindi
tayo magboyfriend!

Gago ka!

Melo! Nagmadaling umakyat si Ces. Nagulat siya nang suntukin ni Melo si


Note sa mukha. Papalapit pa lang siya ay dumating na si Lyric at Pitch
upang harangan ang dalawang kabanda.

Paksyet ka talaga! Hayop ka. Pilit kumakawala ni Melo sa hawak ni


Pitch sa kanya. Ganoon din si Note sa hawak ni Lyric. Dadagdagan ko pa
'yang mga sugat mo!

Hindi makakilos si Ces dahil naguguluhan na siya sa mga nangyayarikung


ano man ang nangyayari sa kanila. Wala na siyang maintindihan.
Nagsimulang magsagutan sila Note at Lyric.

Huwag kang makielam sa akin!

Umayos ka, mahinang tugon ni Lyric.

"Ikaw ang umayos Lyric, may" Naputol ang sasabihin ni Note nang sumigaw
muli si Melo.

Kung gusto mong mamatay! Ako pa papatay sa'yo! Muling nagsagutan sila
Melo at Notekitang kita na rin ang pagkairita sa itsura ni Lyric lalo
na't sumusobra na rin ang pagkagago ni Note. Kita rin ang hirap sa mukha
ni Pitch upang hadlangan si Melo sa pagsugod kay Note.

Tama na. . . mahinang bulong ni Ces. Nararamdaman niya ang pagtulo ng


luha sa kanyang pisngi. Hindi siya makapaniwalang nag-aaway ngayon sila
Melo at Note. Si Note at Melo na madalas magkasamamadalas niyang
nakakausap at nakakakulitan. Ang dalawang lalaking nagpapatawa sa kanya
ay magkaaway. Hindi siya napapansin ng mga kasama ngunit huminahon na si
Melo.

Tangina. Tinulak ni Melo si Pitch upang kumawala. Bago bumaba ay


tinulak din ng binata si Note kaya natumba ito.

Takte ka ah!

"Tama na, Note!" Pagpigil ni Lyric sa kaibigan. Nagpupumiglas pa ang


gitarista sa hawak ng bokalista.

Tiningnan ni Melo si Note. Tiningnan niya ang kaibigan na para bang


nandidiri itong nakikita niya ang lalaki. Ngunit may dalawang emosyon na
kitang kita sa mukha ni Melolungkot at sakit. Bumaba si Melo ng hagdan
at diretsong lumabas ng bahay. Hindi nila narinig ang kotse ngunit
narinig nila ang malakas na pagkalampag ng gate. Susundan na sana ni Ces
si Melo ngunit hinawakan sa balikat ni Note para pigilan. Gamit ang
malalim at seryosong boses, nagsalita ito.

Teka, Ces.

Paglingon ni Ces kay Note ay kaagad siyang kinabahan sa tingin ng


kabanda. Naging seryoso ang aura ni Notehalos hindi siya makahinga sa
tingin nito. Nanlaki ang mga mata niya nang ibinuka ng binata ang bibig
at nagsalita. Napatingin si Ces kay Lyric sandali, waiting for a
reaction, ngunit pag-iwas lang ng tingin ang nakuha niya rito. Nagkuyom
din ito ng kamao.

Bumalik ang atensyon ni Ces kay Note nang hawakan ng binata ang kanyang
mukha upang iharap. Akala niya ay nabingi siya ngunit hindiwalang
problema ang kanyang tainga. Walang diperensya ang kanyang pandinig.
Totoo ang naririnig niya lalo na't inulit ito ni Notengunit bakit?

Okay lang bang magdate tayo?

Bakit Note?

~ ~ ~Author's Note:Namiss ko magsulat kaya sinulat ko itong chapter na


ito. Guys, HAPPY 1 MILLION READS SA ATIN! Kinikilig ako sa suporta niyo
kahit ang daming silent readers hahahaha. Thank yooouu for supporting and
reading TTLS. Sana hindi pa kayo magsawa sa dami ng twist (kung twist pa
rin bang matatawag ang mga ito o lokohan na lang) at pasensya na kung
maraming typos at mali. 6am na natapos eh :(
This chapter is dedicated to majikath!! Bakit sa kanya? Kasi sobrang cute
niya! Sobrang cute ng pagmamahal niya kay Melo Dy! Please, basahin niyo
ang poem na ginawa niya for Melo! (Click External Link) at tingnan niyo
ang photo sa kanan --> Yan ang "ilan" (meaning marami pa) sa mga tweets
niya tungkol kay Melo, Note, at sa MyuSick in general. Sobrang cute lang
na nakukyutan siya kay Melo. Hi Kath! Salamaaaatttt sa epic reactions!
Sana macute-an ka pa rin kay Melo kahit nangyari ito sa kanila ni Note

=================
49 // Complex Emotion

"You can only be jealous of someone who has something you think you ought
to have yourself." Margaret Atwood

~ ~ ~

What the hells happening?!

Code red na ang nangyayari sa MyuSick. Nagkakagulo. Nagkandaloko-loko.


Walang nang patutunguhan. Para bang nasa isang digmaan ang lahat
nagpapatayan gamit ang mamatalim na titig. Nagpapatayan gamit ang mga
emosyong kinikimkim.

Hindi umuwi si Melo at isang linggo na ang nakakaraan nang magkaaway sila
ni Note. Pagkarating ni Manager Lily mula sa meeting sa ibang bansa ay
ito ang bumungad sa kanya. Buong akala ni Lily ay hindi na madadagdagan
ang problema niya tungkol kay Note pero mukhang nagkamali siya. Maling
mali. They tried calling tito Nel at tito Mel pero nagwala lang si Mela
dahil nawawala ang kuya niya at baka nakidnap na ito.

Kung ano man 'yang away niyo. Isa-isang tiningnan ni Manager Lily ang
bandang nasa harap. Kinikilatis ang bawat reaksyon ng mga ito. Tahimik
lahat pero ninenerbyos. Tanging si Pitch lang ang walang pakielam dahil
hindi naman siya kasali sa nangyayari. Kahit si Ces ay may kakaibang
guilt na nararamdaman kahit dapat ay wala. Tapusin niyo na.

Manager Lily sighed. Stressful. It's hell. She planned on having a gig
for MyuSick sa ibang bansa pero ito pa ang nangyari. All the meeting she
had the past few days were wasted dahil sa mga personal na bagay na wala
namang sumasagot kung ano o bakit.

Natapos na ang "meeting" turned "sermon" ni Manager Lily. Naunang umalis


si Pitch. Palabas na rin sana si Lyric nang pigilan siya ni Manager Lily.

"We need to talk."

Nagtataka man si Ces ay lumabas na rin siya. Kakaiba ang mga tingin ni
Manager Lily, tipong may gustong sabihin ngunit hindi sinasabi. May
tinatago. . . pero kasama rin ba si Lyric sa sikretong iyon? Anong
klaseng sikreto? Ganoon ba talaga ito katago at hindi nila pupwedeng
malaman bilang banda?

And then there's Note. Ang lalaking isang linggo na ring nangungulit kay
Ces tungkol sa "date." Paakyat na si Ces sa hagdan nang harangan siya ni
Note. Ngiting ngiti ang binata sa kanya.

Isang araw lang, mahinang sabi nito.

Napatingin si Ces sa may Haven nang nakarinig siya ng pagbukas at sara ng


pintuan. Ilang segundo lang ay naglakad si Lyric. Naguguluhan man ang
dalaga sa sarili kung bakit pero pinapanalangin niyang sana pigilan ni
Lyric si Notena sana humadlang si Lyric. Na patigilin si Note sa
kalokohan ng binata pero walang nangyari. Ni hindi nga tumingin si Lyric
sa gawi nila at pumasok sa kusina.

Bumibigat ang loob ni Ces sa bawat segundong lumilipas. Ibinalik niya ang
tingin kay Note na nagsalita muli. Isang araw lang Ces, game?

Note. . .

Ayaw mo ba? tanong ni Note.

"Excuse."

Sa isang salita, tila riot ang nangyari sa loob ni Ces. Nagwala ang puso
niya nang dumaan si Lyric sa kanan nila ni Note. Umakyat ito. . . at
tumungo sa rooftop. Pagbalik ng tingin ni Ces sa kausap, nakatitig sa
kanya si Note na para siyang inaalisa.

Lumungkot ang seryosong mukha ni Note. "Kaya ba ayaw mo?" Natigilan si


Ces. Kaagad siyang nakaramdam ng pangangalabit ng kunsensya nang
magsimulang umakyat si Note nang dahan-dahan. Lugmok ito. Bagsak ang mga
balikat. Tila may isang tolenadang dala-dala ang binata sa sobrang
pagkadismaya. Nagulat na lamang si Ces sa sarili nang hinawakan niya ang
t-shirt ni Note. Napatigil si Note ngunit hindi ito lumingon.

"Hmm?"

"Note. . . kasi. . ." Napapikit si Ces. Bakit ba kasi kailangan may


mangyaring ganito? Bakit kailangan niyang mag-isip? Bakit kailangan
niyang maguluhan? Bakit ba kailangan may ganito pang senaryo? Bakit ba
siya pa?

"Okay lang." Hinawakan ni Note ang braso ni Ces. Nakatalikod pa rin ito
sa dalaga. Inialis ni Note ang hawak sa kanya ni Ces. "Naiintindihan ko."

"H-Hindi!"

Humarap si Note sa kanya. Kitang kita ang pagtataka sa mukha ni Note.


Hindi na naiintindihan ni Ces ang nangyayari. Ayaw niya. . . pero ayaw
din niyang magalit sa kanya ang kaibigan. She's torn between everything.
. . hirap na hirap siya. Ngunit sa isang iglap, sa isang paghakbang ng
lalaki pababa mula sa rooftop ay kaagad nakapagsalita si Ces nang alam
niyang pagsisisihan niya.

"Sige."

"Sige?" Lumawak ang ngiti ni Note sa sagot ng dalaga. Napangiti na lamang


si Ces at napayuko hanggang sa marinig niya ang pagpasok ni Lyric sa loob
ng kwarto nito.

* * *

Bakit nga ba siya pumayag? Gulong-gulo si Ces lalo na nang sabihin ni


Note na sa sabado na mangyayari ang "date" na iyon. She panicked. Nakita
niya ang sapatos ni Lyric. Hindi niya sinasadyang mapa"sige". . . Biglaan
lang talaga. Hindi naman niya aakalain na hindi titingin si Lyric sa
kanila. . . wait, what? Is she expecting Lyric to do something about her
and Note? Sino ba siya para pigilan ni Lyric? May sarili siyang buhay.
May sarili siyang utak. At kailangan niyang alalahanin ang pagpapaalam sa
kanya nito. Pero buong akala niya ay nagpaalam si Lyric bilang "Mystery
Texter", hindi lang siya handa nang magpapaalam din si "Lyric Yue" sa
kanya.

Wala siyang magagawa roon. . . siguro she's hoping. Hoping na sana


apektado si Lyric kay Note. Na sana may something na nararamdaman si
Lyric for her. . . na magiging rason para huwag pumayag ito sa
nangyayari. Sa halos isang linggong pangungulit ni Note sa dalaga,
mukhang wala namang pakielam si Lyric. Siguro nga, nagpaalam na talaga
ito sa kanya. For real.

May mali bang nagawa ang isang Pauline Flores? It's a good thing. . .
pero bakit masakit?

Tulala si Ces sa tv. Nakahawak siya sa remote control at nakatingin sa


television ngunit lutang na lutang ang kanyang isip. Noong umaga kasi ay
nagkasabay sila ni Lyric sa pagbukas ng pintuan ng kwarto. They both
stared at each other's eyes pero wala pang ilang segundo ay umiwas kaagad
si Lyric. Nagmadali itong bumaba at mukhang may lalakarin. Kasama pa si
Manager Lily. Wala rin si Note kaya naman sobrang tahimik ng bahay. Hindi
na rin naman bago dahil isang linggo na ring tahimik ang bahay nila. May
tao man o wala. Magkakasama man sila o hindi.

Ang dating masayang tahanan ng MyuSick, gumuho na lang bigla.

"Sayang kuryente." Napalingon si Ces nang marinig ang boses ni Pitch.


Nagkakamot ito ng mata, mukhang kakagising lang kahit hapon na.

"Sorry," mahinang tugon ni Ces.

Umupo si Pitch sa kanyang tabi at kinuha ang remote control. Ito ang
naglipat ng channel. "Itulog mo na lang 'yan."

Parehas na nakatingin ang dalawa sa screen ng TV. Si Pitch ay nanonood


habang si Ces ay tahimik na nakatingin sa kawalan. Muling bumalik ang mga
tanong sa kanyang utak. Tungkol kay Note. Tungkol kay Manager Lily.
Tungkol kay Melo. Tungkol kay Lyric. Everything's too messed up. She
wanted to help pero paano siya makakatulong kung wala siyang kaalam-alam
sa mga nangyayari? At kailan pa siya natutong makielam sa ibang tao?

Since the day MyuSick arrived. . . since that day, doon lang niya
naramdamang kailangan niyang makielam. MyuSick ang nagbigay sa kanya ng
dahilan para mabuhay. And this is the reason why she needs to fix
everything.

"Pitch" Hindi pa naitutuloy ni Ces ang sasabihin nang tumayo ang binata
at hinagis sa sofa ang remote. Bago pa umalis ay tumingin muna si Pitch
sa kanya. Nagulat siya nang ngumiti ito.

"Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo itatanong."

That was it. Kahit kakaunti lang ang sinasabi ni Pitch ay punong puno ito
ng sense. That made Ces clear her mind at gawin ang nararapat. Iisaisahin niya ang mga taong malapit sa kanya para matapos na ito. Dahil
takot siya kay Manager Lily, hindi niya kakayaning makausap si Lyric, at
wala si Melo ay kahit naiilang, naghanap siya ng tyempo para makausap ng
masinsinan si Note.

It was thursday afternoon nang humarap sa kanya si Note na nanliliit ang


mata. Pinagmasdan ng binata si Ces. Hindi kasi mapakali si Ces. Kung
nasaan si Note, nandoon din si Ces. It's like a never ending cycle at
nawiweirduhan na si Note. Niyugyog ng binata ang balikat ni Ces. "Sino ka
at nasaan ang kaibigan ko?!"

Ngumiti si Ces.

"Creepy," kumento ng binata. "Iniistalk mo ba ako? Anong trip mo?"

Ikaw, anong trip mo? Gusto sana ibalik ni Ces ang tanong sa kanya ng
kaibigan ngunit natawa siya ng kaunti. Kahit papaano, naramdaman niya ang
gaan ng atmosphere nila ni Note. Siguro dahil dalawa lang sila. Siguro
dahil wala si Lyric. . .teka, Lyric na naman ba? Bumuntong hininga si Ces
at pinagmasdan si Note. Nawawala na ang mga sugat at pasa ng binata sa
mukha.

"Anong tinatawa-tawa mo d'yan? Nababaliw ka na?"

Hindi na pinatagal ni Ces ang gustong itanong. She knew people around her
needs someone to talk to. Alam niya ang pakiramdam na may kinikimkim sa
loob. Alam niya kung gaano kahirap ang may tinatago. It's like a bomb. A
time bomb that'll explode once it's time is up. Walang kasiguraduhan.
Walang nakakaalam lalo na kung nakatago ang oras. Sasabog ito at untiunting papatay sa pagkatao. Siguradong maraming madadamay sa pagsabog na
iyon. She knew that feeling very well. . . at ayaw niyang mangyari iyon
sa mga taong mahahalaga sa kanya kaya diniretso na niya si Note. "Anong
nangyari sa'yo?"

Note's body stiffened. Napatigil din ito sa pag-inom ng juice sa narinig.


Note stared at Ces. Nawala ang ngiti ni Ces at ganoon din kay Note.
Muling bumalik ang mabigat na aura ng pag-uusap nila.

"Anong anong nangyari sa akin?" kunot noong tanong ni Note.

Yumuko si Ces at tinitigan ang dalawa niyang kamay na nilalaro. "Mga


sugat. Pasa. Yung dugo. . ." Iniangat ni Ces ang tingin at tinitigan sa
mata si Note. Searching for an answer in his eyes. Nadismaya ang dalaga
dahil hindi niya mabasa kung ano ang mayroon kay Note. Tila pinipigilan
ng binata ang kahit na sinoo upang pasukin ang kanyang pagkatao. But that
won't change Ces' mind. She want to do this. She needs to be a friend.
"Sino 'yung lalaki?"

Ibinaba ni Note ang baso ng juice na hawak. "Anong lalaki?"

"Sa studio."

Kitang kita ni Ces ang pagkagulat ni Note. That hit something. Base sa
reaksyon ni Note ay mayroong something sa lalaking kinwelyuhan ng binata.
Malaki rin ang tsansya na kaya lutang si Note sa studio ay dahil may
sumasagabal sa pag-iisip ng binata.

"Hindi lahat ng bagay, dapat malaman." Palabas na sana si Note ng kusina


nang tumayo kaagad si Ces at hinawakan sa braso ang kaibigan.
Nagkatinginan muli silang dalawa ngunit iniwas ni Note ang tingin sa
dalaga. Pinipilit niyang alisin ang hawak sa kanya ngunit natigilan ito
sa pagsasalita ni Ces.

"Muntikan ka nang bawian. . ."

Napapikit si Note. Humugot ito ng malalim na paghinga saka ito tumingin


sa dalaga habang nakangiti. "Hindi naman ako namatay, hindi ba?"

"Bakit?"

"Kasalanan ko," bulong nito.

"Kasalanan?"

Inialis ni Note ang kamay ni Ces na nakahawak sa braso nito. Ipinatong


nito ang kamay sa ulo ni Ces at lalong nilawakan ang ngiti sa labi.
"Basta, sa sabado ah? Date." Nagpaalam ito at nagmadaling umakyat
papuntang kwarto.

Mission failed.

Gabi na at nahiga si Ces sa kanyang kama. Nagpapapalo siya sa kanyang


kama dahil naiistress at nafufrustrate siya. Lalong nagulo ang utak niya
sa mga sinabi ni Note. So there's something wrong. Mayroon talaga. Hindi
na ito maikakaila pero walang siyang magawa. Gustong niyang manuntok.
Gustong niyang sumigaw. Naiinis siya sa sarili dahil ngayon lang niya
naramdaman kung gaano siya kawalang kwenta sa buhay ng mga taong
kinikilala niyang pamilya. And then she sighed. Ito ata ang unang
pagkakataong nafrustrate siya sa mga nangyayari. Walang siyang magawa. .
. at naiinis siyang wala siyang magawa.

The day before the so-called date na pinilit ni Note, nagulat si Ces
nang bumukas ang gate ng residence nila. Lyric came across her mind dahil
umalis ang binata ngunit nadismaya ito ng kaunti nang hindi si Lyric ang
nakita. Nawala rin naman kaagad ang dismayang naramdaman nang makita niya
ang kabandang matagal na nawala. Kaagad siyang lumabas ng bahay at
niyakap ng sobrang hipit ang kaibigan.

Aw Ces, grabe. Namiss mo ako kaagad?

Ikaw kasi. . . Ibinaon ni Ces ang mukha sa dibdib ni Melo. Huwag ka na


umalis.

Hinawakan ni Melo ang ulo ni Ces at ngumiti. Oo na, hindi na ako aalis.

Dumiretso ang dalawa sa sofa upang magrelax. Masayang masaya si Ces dahil
nakita niyang muli si Melo. Pinagmasdan ng dalaga ang kaibigan. Walang
nagbago rito. . . except one thing: ang ngiti ni Melo.

Saan ka nagpunta?

Ngumiti si Melo. . . nasasaktan si Ces dahil sa ngiti na nakikita niya sa


kaibigan Sa malayo.

Dahil ba sa. . ." She almost whispered the last word. "away?

Hindi." Huminga nang malalim si Melo. Tumingin ito sa paligid.


Pinagmamasdanan ang bawat sulok ng bahay na matagal niyang hindi inuwian.
Ibinalik ni Melo ang tingin kay Ces. "Dahil sa sarili ko rin.

Napakunot ang noo ni Ces. Ito na naman. . . ang misteryo ng kanyang mga
kaibigan. B-Bakit?

Huminga nang malalim si Melo. Ngumiti siya kay Ceslalong nalungkot si


Ces dahil hindi umaabot ang ngiti ni Melo sa puso. Hanggang labi lang.
Hanggang pakitang tao lang.

Kailangan ko itigil eh.

Natigil ang pag-uusap nila


Tumayo si Ces at sasagutin
kamay na biglang kumuha ng
Manager Lily. . . ni hindi

nang magring ang telepono ng kanilang bahay.


na sana ang telepono nang magulat siya sa
receiver. Pagtingin ay nagulat siya kay
niya ito napansin na malapit sa kanya.

Nakatingin si Manager Lily kay Ces habang kausap ang tumawag.

"Yes speaking," sagot ni Manager Lily. Pause. "Okay, I'll call you back
as soon as he gets back." Binaba ni Manager Lily ang telepono at
pinagsabihan si Ces. "Huwag mong sasagutin ang kahit na anong phone call,
okay?"

Nagtaka
Manager
Manager
ang noo

si Ces sa utos ng Manager. Sabay naman silang napatingin ni


Lily nang tumikhim si Melo sa may sofa. Mula sa bored look ni
Lily ay nagulat ito. Matapos magulat ng ilang segundo ay kumunot
nito, nagtagpo ang dalawang kilay at tiningnan ng masama si Melo.

"Oh, babalik ka pala?" sarkastikong sabi ni Manager Lily. "Pinalitan na


kita."

Nagulat si Ces sa narinig. "Manager?"

"OA nito," kumento ni Manager Lily. Medyo nasaktan ng kaunti si Ces.


Medyo lang dahil siguro nga napasobra ang gulat niya. It's just that,
hindi siya handang iwan o maiwan ang kahit isa sa MyuSick. "Ikaw Melo."
Tiningnan ni Lily ang gitaristang halos dalawang linggong nawala.
"Linisin mo ang bahay."

"Ano?!" Pagrereklamo ni Melo.

Napangiti si Ces dahil unti-unting gumagaan ang kanyang pakiramdam.


Nakikita na niya ang pagngiti ng mga mata ni Melo. Ramdam din niya na
natutuwa rin si Manager Lily sa presensya ng gitarista. Unti-unting
nakikita ni Ces ang maliit na liwanag mula sa sobrang dilim na usok noong
nakaraan.

"Rereklamo ka pa?" Napaangat ng tingin ang tatlong nasa sala nang marinig
ang boses ni Note. Sa second floor, nakangising nakatingin si Note sa

kanila. Specifically kay Melo. "Parusa 'yan sa pagsuntok mo sa akin. Gago


ka."

Lumawak ang ngiti ni Melo nang bumaba si Note at ginawa nila ang "secret"
handshake nilang dalawa. Nagtawanan ang dalawa. Walang isang salita.
Tawanan lang. . . at napapatawa na rin si Ces sa nakikitang senaryo. Ang
gaan sa pakiramdam. Naluluha si Ces sa sobrang saya na nararamdaman niya.
Ang napaka laki at bigat na bato na nakapatong sa kanyang puso ay tila
iniangat kaya't nakakahinga na siya nang maluwag.

"Tapos na ba kayo sa reuniting party niyo?" Sabay-sabay napatingin sila


Ces, Note at Melo kay Manager Lily. "MAGLINIS NA KAYO!" Sigaw ni Manager
Lily.

Kaagad kumilos ang dalawang gitarista. Reklamo pa nang reklamo si Note


dahil hindi naman siya dapat kasali sa paglilinis pero dahil bros forever
ang dalawa, kahit papaano. . . masaya si Note kahit nakakatamad maglinis.

Masaya si Note dahil nandyan na ulit si Melo. Masaya si Melo dahil okay
na sila ni Note. Masaya si Ces dahil masaya na ang dalawa niyang
kaibigan. Masaya si Manager Lily dahil nakaganti na rin siya sa wakas sa
dalawang kumag na nagpaistress sa kanya ng sobra. Kahit si Pitch na
nanonood mula sa second floor ay napapangiti sa senaryo. Sayang lang at
wala si Lyric upang masaksihan ang lahat.

* * *

Natuloy ang "date" ni Note at Ces. Suportado pa nga si Melo. Cheer nang
cheer at magpicture pa sila para raw remembrace. Napapangiwi na lamang si
Ces. Kung ano man ang kalokohan na naiisip ni Note, alam niyang hindi ito
makakatulong. Lalo na at joined force na ang Melo at Note tandem.

Well, atleast everyone's happy again. . . right?

Maangas ang porma ni Note sa kanyang black fitted pants at white simple
shirt. Nakastuds bracelet din with matching necklace. Nagwax din ito ng
buhok. Mukhang mabango tingnan. . . at natawa si Ces dahil
nagpapakagentleman din si Note. Medyo hindi bagay.

Pagkarating sa mall, nagjacket na ang dalawa upang hindi makilala ng mga


tao. Sa hindi malamang kadahilanan, bumilis ang tibok ng puso ni Ces. Why
would her heart beat fast? May mangyayari ba? May makikita ba siyang
hindi dapat? It's as if her heart is warning her.

"Enjoy mo lang." Napatingin si Ces kay Note. Tumingala pa ang dalaga


dahil sa tangkad ng binata. "Kunwari hindi ako 'to."

Ngumiti si Ces. Nagulat na lamang ang dalaga nang makita niya sandali sa
utak ang ngiting matagal na niyang gusto makita muli. Unti-unting nabubuo
ang mukha ng lalaking iyon sa kanyang isip. Natigil lamang si Ces nang
ipatong ni Note ang kamay sa ulo niya. Nagkunwari pa itong nasasaktan.

"Ouch, mukhang inimagine ngang hindi ako ang kadate!"

Napatakip ng mukha si Ces gamit ang dalawang kamay. She mentally slapped
herself. Ano bang problema niya?! She tried to relax. Tiningnan ni Ces
ang kasama na diretso lang ang tingin. Nagseryoso ang mukha ng binata.
Nawala ang ngiti sa mga labi nito. Napapansin din niya na mukhang may
hinahanap si Note.

Kahit alam niyang walang matinong sagot na makukuha, out of curiosity,


she asked. Bakit?

Mukhang nabalik sa sarili si Note. Mukhang malalim ang iniisip ng binata.


Lalong napatunayan ni Ces na hindi dapat mangyari ang date na ito dahil
sa inaakto ni Note. Tiningnan ng binata si Ces. Nagtataka. Anong bakit?

Bakit may ganito?

Napansin ni Ces na parami nang parami ang mga tao sa nilalakaran nila.
Nagulat siya nang akbayan siya ni Note at inilapit siya sa katawan ng
binata. Hindi siya makahinga dahil ito ang unang pagkakataon na maging
ganito kaaggresive si Note. Nagwawala ang puso at utak niya. Pakiramdam
niya ay maling mali itong ginagawa nilapero bakit mali?

Nagulat at natigilan si Ces nang halikan siya ni Note sa ulo at bumulong,


kailangan mo nang malaman.

Magtatanong pa sana si Ces nang makarinig siya ng isang pamilyar na boses


ng babae. Pagtingin sa kanan, nakita niya si Erich na kasama si Lyric.
Pinagkakaguluhan ng mga tao. Nngiting ngiti si Erich habang
nagpapasalamat. . . ang daming kumukuha ng kanilang picture. Nakita rin
niya ang manager ni Erich na nasa isang tabi at nakangiti. Pero nang
tingnan niya si Lyric, kinabahan siya nang makita ang mga mata ng binata
na nakatingin sa kanyasa kanilasa kanilang dalawa ni Noteat ganoon pa
ang pwesto.

Selos, ang bigat ng 'yong dala

Napatingin si Ces kay Note nang kumanta ito. Nagpupumilit lumayo si Ces
sa akbay ni Note ngunit humigpit ang hawak sa kanya ng binata. Nagtataka
siya sa kung anong ginagawa ni Note o kung ano ang iniisip nito.
Nginitian lamang siya ng kaibigan.

Inaya siya ni Note para umalislumayo. Pumayag siya kaagad dahil hindi
ata kakayanin ng sarili niyang makita sila Erich at Lyric na magkasama
nang wala namang shooting. Tapos na ang independent film. Editing na
langso bakit magkasama ang mga iyon? For publicitys sake? Pero wala
namang nakaschedule na advertising sa malls. Ano 'yun, nagdedate sila?

Hindi pwede. Kaagad na sagot ni Ces sa sariling iniisip.Wait. Anong


pinagsasasabi niya? Ano bang iniisip niya? Mali 'yun! Ikaw ang hindi
pwede, Ces. Pagpilit ng dalaga sa sariling kokote. Mas mabuting sila na
lang. Kakailanganin na ata niyang iuntog ang sariling ulo sa pader upang
matauhan na hindi dapat siya mag-isip o makaramdam ng kahit na anong
malapit doon. Sa pakiramdam na iyon.

Grabe! Ang gwapo ni Lyric!

Pinilit ni Ces na huwag lumingon sa mga nagkakagulo.

Ang ganda mo po ate Erich!

Pinilit niyang huwag makinig. Pinilit niyang huwag pansinin ang lahat.

Emerghed bagay kayo!

Halos tumigil ang pagtibok ng puso ni Ces sa narinig. Kaagad siyang


kumapit kay Note na ikinabigla ng binata. Ngumisi lamang si Note sa
reaksyon ni Ces. Kitang kita sa mukha ni Ces ang dismaya. Note tried to
joke pero walang epekto.

Wala sa katinuan at lutang si Ces nang kumain sila ni Note. Umiling-iling


na lamang ang binata habang tumitingin sa cellphone na para bang may
inaantay. Ilang minuto lang ay napangiti si Note nang tumunog ang phone.
Kaagad niyang inaya si Ces palabas ng restaurant, palabas ng mall at
papasok sa isang bar malapit sa mall. Pagkapasok, napaka dilim ng paligid
ngunit natigilan ang dalaga nang makita ang lalaking nasa stage, may
hawak na gitara at pakanta na. . . si Lyric.

Ano ba tong. . .

Ngumiti si Note at tinanggal ang jacket na suot. Soundtrip tayo.

Naghihilahan ang dalawa dahil gusto umupo ni Note sa harap, malapit sa


stage habang si Ces ay gusto sa pinaka likuran. Ayaw niyang magkita sila
ni Lyricteka, ayaw niyang makita siya ni Lyric! Ayaw niyang makita
siyang kasama niya si Notebut why? Hindi na siya tinigilan ng tanong na
bakit. Hindi rin niya alam kung gusto ba niyang makita si Lyric na
kumakanta o hindi. Gulong gulo na talaga siya. Nag-hatakan lang sila
hanggang napatigil si Ces nang magsimulang kumanta si Lyric.

The drugs begin to peak, a smile of joy arrives in me

Napaupo si Ces sa isang bakanteng upuan ng wala oras. Nang marinig ang
boses ng binata ay para siyang natense. Parang may kumukuryente sa
kanyang pagkataoa good one? No. Its more like. . . nasasaktan siya.
Nasasaktan siya lalo na't wrong move ang pag-upo sa inuupuan niya ngayon
dahil nasa harap niya ang likuran ni Erich. Isang metro lang ang layo.

But sedation changes to panic and nauseaAnd breath starts to shorten,


and heartbeats pound softer

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ni Ces. Hindi ito nakakatulong
dahil sumasakit ang kanyang dibdib. Sumasakit ang kanyang pagkatao.
Sumasakit dahil unti unti na niyang nararamdaman ang dapat hindi
maramdaman. Sa tuwing naririnig niya ang boses ni Lyric ang nararamdaman
niya ang sakit. Sa tuwing kumakanta ang binata ay nahihirapan siya sa
paghinga.

Patayo na sana si Ces nang pigilan siya ni Note, hawak ang kanyang braso.
It's a torture. Pinipira-piraso ang pagkatao ni Ces sa bawat segundong
nilalagi niya sa bar. Nagkatinginan sila ni Noteseryoso lang ang tingin
sa kanya ng binata. She tried to communicate with her eyes. She tried
talking to Note, telling him na nahihirapan na siya pero Note just smiled
at her.

You won't try to save meYou just want to hurt meAnd leave me desperate

Ces heaved a sigh. Pinipilit niya ang sarili na makinig.


lang habang nakayuko pero hindi niya kinakaya. She needs
listening. Its like every lyric, every line, itinutusok
lahat ng dapat na sakit. Na ipinapaalala ng bawat liriko
niya.

Mag-enjoy man
to stop
ni Lyric ang
ang katangahan

Umalis na tayo.

Hindi siya pinansin ni Note at nag order pa ito ng drinks. Kahit ayaw
niya ay naririnig niya ang napaka gandang boses ni Lyric. Ang napaka
gandang boses ni Lyric na hinihiling niya na sanay ay tumigil na sa
pagkanta. . . dahil kinukuha ng boses ni Lyric ang kanyang puso.
Binibihag na nang binata ang kanyang pagkatao. Ikakamatay niya ito.

You taught my heart a sense I never knew I hadI can't forget the times
that I was

Nilakasan ni Ces ang kanyang loob at tumingin sa likuran ni Erich. She


need to fight back. She can control herself. Napasimangot si Ces nang
makita ang obvious na kilig ni Erich kay Lyric. Pagtingin niya sa stage,
diretso lang ang tingin ng binata. Nakatingin ito sa kawalan.

Bumigat ang kanyang loob. Bakit ba siya nakakaramdam ng sakit? Bakit


kailangan niyang masaktan? Para saan?! No way, hindi siya nasasaktan.
Its just that. . . the lyrics of the song is too painful to bear. Oo,
ganoon lamang. The lyrics are just too painful. That's it.

Lost and depressed from the awful truth

Nakita ni Ces ang pagtingin ni Lyric sa parte ni Erich. Napapikit siya at


nagbilang ng ilang segundo para lang iwasan kung ano man ang dapat na
iwasan makita. Pagkadilat, muntikan nang mabitawan ni Ces ang basong
hawak hawak.

How do you do it?

Nagtama ang mga mata nila ni Lyric. Natigil sa pagkanta ang binata, tila
nagulat sa presensya ni Ces. Nagtaka ang mga taong nakikinig sa pagtigil
ng vocalist. Lumunok si Lyric at tinitigan nang maigi si Ces bago sabihin
ang linya ng kanta. Isang pabulong na pagkanta without any guitar or
strumming to accompany the lyrics.

You're my heroine

Its like he whispered those words in Ces ears. A lullaby that kills Ces
from the inside. Kinilabutan si Ces sa kung gaano kaganda ang
pagkakabigkas ni Lyric sa liriko. Nagsimula ulit magstrum si Lyric at

kumanta ngunit hindi na naiintindihan ng dalaga. Nawala na siya sa


katinuan. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi pwede. Hindi talaga
pwede ngunit alam niyang malapit na malapit na.

Nagulat siya nang hawakan siya ni Note sa pisngi. Hindi niya masyadong
maaninag ang mata ni Note dahil sa dilim ng bar. Kinabahan siya nang
mapansing papalapit nang papalapit ang mukha ng binata sa kanya.

Pumikit ka. . .

Nagtaka si Ces. Natigilan. Hindi siya makapagsalita o makapagreact. Hindi


niya maitulak si Note dahil nakakaramdam siya ng panghihina. Ramdam na
ramdam niya ang paghinga ni Note. Kaunting kaunti na lamang ay magdadampi
na ang labi nila sa isa't isa. She tried protesting pero may tiwala siya
kay Note. . . pero anong kalokohan ito?!

Ayaw kong makita mo 'to.

Nagulat si Ces nang may sumuntok sa mukha ni Note. Nagsigawan ang mga tao
sa loob ng bar nang bumagsak ang table nila. Nabasag ang mga baso na
sumabay sa pwersa ng pagkabagsak ni Note. Napatayo si Ces ngunit ramdam
na ramdam niya ang panginginig ng kanyang tuhod. Napahawak siya sa
kanyang bibig. Kitang kita ni Ces ang pagkabigla ni Note. Kitang kita rin
niya ang galit sa mukha ni Lyric.

OMG Lyric! Kumapit si Erich kay Lyric upang pigilan ang binata.
Napatingin si Erich kay Ces. Nagkatinginan ang dalawang dalaga. . . at
para bang pinapatay si Ces nang makita ang kamay ni Erich na nakahawak sa
braso ni Lyric. Ces. . ahh! Teka." Bago pa matuloy ni Erich ang
sasabihin ay hinawakan na ni Lyric ang kamay ni Erich at umalis ng bar.

Hinawakan ni Lyric ang kamay ni Erich.

May mga taong tumulong kay Note. Tumayo si Note at tila ba hindi
nakaramdam ng sakit. Para bang nakatulog siya sandali at kakagising lang
mula sa napaka gandang panaginip. Lumapit si Note kay Ces na nakatayo at
walang imik. Seryoso ang mukha ni Note nang ipatong ang kamay sa ulo ni
Ces.

Bakit mo tiningnan? Tinakpan ng mainit na palad ni Note ang kanyang mga


mata. Pasensya na, namiscalculate ko 'yung layo.

Pumikit si Ces at hinayaang takpan ni Note ang kanyang mga mata. Humugot
ang dalaga ng malalim na hininga nang mapagtantong nagpipigil siya ng
hininga. Kahit ilang segundo lang nagtagal ay hindi nawala sa isip ni Ces
ang kamay ni Lyric at Erich na magkahawak na lumabas ng bar. She could
still feel a small sharp-pointed that injected her heart with pain when
Erich smiled.

Hindi na niya namalayan. . . tumulo na ang luha sa kanyang mga mata.


Hindi ito maaari.

~ ~ ~Author's Note:
Malapit naaaa! Sorry kung nagiging boring na siya hahaha <////3 Pwede
naman na kayo mag give up sa pagbabasa, pramis. . . boring din sa mga
susunod hanggang ending :( !!!! Anyway, salamat sa mga nagbabasa ng
TTLS!
Chapter dedicated to chubbyzea_19! May nakapagsabi kasi sa akin
(ehem sielle_24 ehem) na birthday daw ni zea na kaibigan niya. So
kailangan lang natin bigyan credit itong si sielle dahil nag effort pa
siyang mag PM para raw mapasaya si Zea. Jusko po. Ako? Magpapasaya dahil
sa pag greet lang?! NAKOOOO mukhang malabo! But anyway, kaya siguro
napasulat ako kaagad ng chapter ay para may magamit ako bilang regalo. .
. lahat talaga ng bagay may purpose. Hahahahappy birthday (belated)
chubbyzeaaa! Thank you for reading and supporting and liking and
commenting :D

PS: LIKE NIYO PILOSOPOTASYA PAGE! (click external link) or visit:


fb.com/plsptsya yaaay salamat :D

=================
50 // Ordinary Romance
"When one is in love, one always begins by deceiving one's self, and one
always ends by deceiving others. That is what the world calls a
romance." Oscar Wilde

~ ~ ~

Wala. Wala talaga ito. Sana.

Hindi umuwi si Lyric. That made Manager Lily furious. Naiinis siya dahil
bigla-bigla na lang nawawala ang mga alaga niya. Naiirita siya dahil
pagkapasok ng isa, may isa namang lalabas ulit. Syempre, may dahilan
iyon. . . pero ano na namang dahilan? Ano na naman ba ang nangyari?
Magiging clueless na naman siya sa lahat.

MyuSick is out of her hands. Unti-unting nawawala ang hawak niya sa buhay
ng mga ito. Dati naman ay masasaya pa sila. Nagkakaproblema, yes, pero
hindi tulad ng ganito. Hindi tulad ng mga pangyayaring ito. Hindi tulad
ng ganitong klaseng gusot at gulo. Lumalaki. . . tumatagal. . .
nakakatakot.

Nang makauwi sila Note ay may sinabi pa ang binata kay Ces na nagpagulo
sa utak ng dalaga. Before the goodnight, may palaisipan pang ibinigay si
Note sa kaibigan. Everything's like a maze. A riddle. A lot of questions
were still unanswered. Hindi nga rin sigurado ang dalaga kung masasagot
pa rin ba ang mga tanong na iyon. Everything's a mystery. But are
mysteries need to be solved?

"Huwag mo siya hayaan."

Hayaan saan? Bakit? Anong mayroon? Ito ang mga tanong ni Ces ngunit hindi
rin sinagot ni Note. Hinalikan ng binata ang noo ni Ces at nagpunta na sa
kwarto. Naiwan siya sa sala na walang kaalam-alam kung anong nangyari,
nangyayari at mangyayari.

Nahiga si Ces sa sofa at doon nakatulog. Pagkagising, sumikat na ang araw


at bumungad sa kanya ang mga mata ni Melo na nakatingin sa kanyang mata.

"Tara?"

Nagtataka man ay hinila kaagad ni Melo ang dalaga. Umakyat sila sa roof
top. Napapikit si Ces. Roof top. Dito sila nag-usap ni Lyric noon. Kahit
saan siya magpunta, si Lyric ang kanyang naaalala. Wow.

Naupo ang dalawa sa dalawang upuan na nandoon. Tumingin si Melo sa


langit. Nakangiti lamang ang binata habang pinagmamasdan ang mga ulap sa
alapaap. Huminga ito ng malalim at nanahimik. Ganoon din ang ginawa ni
Ces, tumingin sa kalangitan.

Ang hirap, ano? panimula ni Melo. Hindi tumingin si Ces sa kaibigan.


Minsan talaga hindi natin mapigilan ang epekto nito.

Nakakaramdam ng bigat ng damdamin ang dalaga. Ipinikit niya ang kanyang


mga mata para mawala sa kanyang isip ang nangyari ngunit hindi niya
magawang alisin sa utak ang lalaking iyon.

Ang hirap magpanggap na okay lang kahit hindi. Natatawa si Melo sa


sinabi. Minulat ng dalaga ang kanyang mga mata at tumingin kay Melo.
Nakangiti ito sa kanya. "Wala lang, padeep.

Ngumiti si Ces ngunit kita niya sa mata ni Melo ang sakit. Kung si Note
ay tagong tago, si Melo ay may mga matang nagsusumamo. May mga mata itong
nagbibigay linaw sa kung ano man ang nararamdaman niya. But then, baka
padeep nga lang si Melo.

S-Sorry.

Ngumiti ng nakakaloko si Melo. Sorry para saan?

Sa nangyayari.

Inakbayan ni Melo si Ces at niyakap ng patagilid. Isinandal ni Melo ang


kanyang ulo kay Ces at pinagmasdan ang kalangitan.

Hindi mo kasalanan, bulong nito. Kasalanan 'to ng pag-ibig.

Pagkababa nilang dalawa sa second floor mula sa roof top, natigilan sila
nang makitang nag-uusap si Note at Manager Lily sa may sala, nakatayo at
seryoso. Mukhang may sagutang nagaganap ngunit tahimik ang sagutan na
iyon. Pabulong. Napansin ni Manager Lily na nasa may second floor sila
Ces at Melo kaya pinatahimik nito si Note. Bumaling ang tingin ni Note
kanila Ces. Kinabahan si Ces nang matamamn siyang tinitigan ni Note.

Hinawakan ni Manager Lily si Note sa balikat. "Let him think first."

Him. Sino ang pinag-uusapan nila?

* * *

Isang linggo na ang nakakaraan simula nang huli nilang nakita si Lyric.
Wala na rin atang pakielam si Manager Lily dahil paalis-alis na rin ito
at mukhang walang balak hanapin ang binata. Nag-iwan pa ito ng note na
may gig sila with or without 'the bastard'. Kahit sila Melo, Note at
Pitch ay mukhang wala na ring balak gumawa ng paraan para hanapin si
Lyric.

Napagdesisyunan ni Ces makipag-usap sa iba. Lumabas at umalis muna sa


problema. Pumunta siya sa kinaroroonan ng kaibigan na si Marky. Pagdating
sa bahay ng kaibigan ay ngiting ngiti sa kanya si Marky na nakasuot ng
pambahaymukhang wala itong anak kung hindi lang hawak nito ang baby.
Kung hindi lang hawak ni Marky si baby Marc.

Anong meron? takang tanong ni Marky.

Nagsimulang magkwentuhan sila Marky at Ces. Gumaan kahit papaano ang


pakiramdam ng dalaga dahil sa nakakatawang pagkukwento ni Marky sa mga
nangyari sa kanila. Nawala sa isip ni Ces ang problemang bumabagabag sa
kanyang pagkatao but then, the topic changed. The topic went back to the
problem. To him. Kahit anong iwas at ilag niya, doon pa rin talaga ang
pupuntahan ng usapan.

Si Lyric? gulat na tanong ni Ces. Her heart stopped from beating just
by hearing his name. Just by saying his name, it gives her so much
feelings. Ganoon kalala ang problema niya.

Yes, musta na kayo?"

Napahawak si Ces ng mahigpit sa unan. A-Anong musta? Ano ka ba.

Ano ka ba ka rin. Hindi pa rin nagkoconfess ng kanyang dying love para


sa'yo?

Nag-init ang pisngi ni Ces. Naalala niya ang mga senaryong nakasama niya
si Lyric. Kumanta sila sa harap ni Lyle. Ang roof top. Sa Rizal. Bago mag
pasko. Si Mystery Texter. Ang dami pa. Halos sumabog ang puso niya sa
panunukso ng kaibigan. Marky!

Ano? Natatawa si Marky. Wala pa rin? Kahit crush? Gusto? Nilalaro ni


kaibigang-ina si baby Marc. Mahal?

A-Ano ka ba. . . Namumuo ang init sa kanyang pisngi. She never imagined
this could happen to her. . . again. Even worse. Happier. How can a
feeling be so contradicting?

What? ngiting sabi ni Marky. Napatingala ang dalawa nang marinig ang
mga yabag mula sa hagdanan pababa. Nakangiti si Matt nang makita si Ces.
Obvious naman, eh.

"Oh, Ces. Hi." Nagkangitian sila Matt at Ces. Dumiretso si Matt kay Marky
at hinalikan ito sa noo habang nag-aayos ng necktie. Hinalikan din ni
Matt si baby Marc. Mukha talaga silang pamilya. "Anong obvious?" pagsali
ni Matt sa usapan.

"Si Lyric." Sinuway ni Ces si Marky ngunit hindi ito nagpapigil.


Humagikgik pa si baby Marc na tipong kampi rin ito sa kanyang ina. "Hindi
ba obvious naman na gusto niya si Ces?"

Napangiti si Matt kay Ces. Gusto na lamang magpakain si Ces sa lupa nang
magsalita si Matt. Lalo na 'yung sa pageant. Ngiting ngiti ang binata.
Yung tingin niya sa'yo, nagsusumamo. Humagikgik muli si baby Marc.
Sumasang-ayon sa kanyang "ama."

Hindi. W-Wala lang

Hindi 'yun wala lang. Tumunog ang cellphone ni Matt. Nakangiti pa ito
ng binubuksan ang mensahe. Lalaki ako. Alam ko 'yun. Yung tingin niya,
ganoon ako tumingin kay Marky.

Natawa kaagad si Marky. Pang manyak na tingin?

Nakangisi si Matt nang tingnan ang minamahal ngunit kumunot ang noo nang
nakatingin sa cellphone. Napansin ni Ces ang paninigas ng katawan ni Matt
at napatingin sandali kay Marky. "A-Alis na a-ako."

"Okay ka lang?" tanong ni Ces.

Ngumiti si Matt. "O-Okay lang."

Nagbago ang mood ni Matt. Tila natakot sa nabasang text message. Kaagad
nagpaalam si Matt sa mag-ina at kay Ces saka umalis.

"Anong nangyari kay Matt?" pagtataka ni Ces. May kakaiba kasi sa mga
tingin ng binata. . . hindi nakita ni Marky dahil busy si Marky na
nakatingin kay baby Marc. Anong mayroon sa text?

"Nalasing two weeks ago kaya nagpapakabait ngayon. May kikitain sigurong
kliyente. Teka, huwag mong iniiba ang usapan." Natatawang sabi ni Marky.
"O ano, naniniwala ka na sa akin? Mahal ka nun."

Balik pa rin pala sa kanya ang topic. Isinandal ni Ces ang ulo sa sofa at
pumikit. She tried clearing her things pero naghalo-halo ang lahat sa
utak niya. Sa dami ng emosyon ay hindi na niya alam kung anong
mararamdaman. Sa dami ng dapat isipin, pakiramdam niya ay tumitigil na
ang utak niya sa pag gana. Shes mentally exhausted. She couldnt bear
everything.

Ano bang dahilan ng pagpipigil mo? Obvious namang gusto mo 'yung tao.
Napadilat si Ces at tiningnan si Marky. Seryoso ang mukha ng kaibigan.
Si Lyle na naman? Katahimikan. Mag iisang taon na kayong wala. Sa
pagkakaalam ko, three month rule ang mayroon sa break-up. Hindi one year
o decade o century. Nagpepyesta na 'yung lalaki, ikaw nasa lamay pa rin?
Can't move on, teh?

B-Bawal.

Bawal? Mag-move on? Maging masaya? Says who?

Death. She wanted to answer pero hindi niya masabi.

M-Manager. . . Manager Lily? Sigurado ba talaga siya roon? As far as


she remembers, walang sinasabi si Manager Lily na hindi siya pwedeng
magsaya.

Manager? Si Manager Lily? taas kilay na tanong ni Marky. Alam mo,


rules are meant to be broken. So are contracts. Hanggang kailan ba
kontrata mo sa MyuSick?

For a lifetime. Hanggang sa mamatay siya ay hindi mawawala ang kontrata.


Maybe some rules are meant to be broken. Some promises too. Kahit ang
kontrata ay pupwedeng mapunit o mawala pero paano kung si kamatayan ang
may hawak ng mga ito? Paano kung isang pagkamamali lang ay buhay na niya
ang kapalit? Madali lang naman iyon eh. Kung mamamatay siya, mawawalan
siya ng problema. Ngunit ayaw niyang mawala.

Alam mo ang nakakainis? Bumuntong hininga si Marky nang hindi na


nagsalita pa si Ces.Yung nanghihingi ng advice pero hindi naman
nakikinig.

Pero hindi ako

Oh yeah, hindi ka nga pala nanghingi ng advice. Tumayo si Marky at


hinele si baby Marc. Sundin mo kung anong trip mo. After all, buhay mo
naman 'yan. Mula sa seryosong mukha ni Marky na nakatingin kay Ces ay
ngumiti ito at binaling ang tingin sa baby. Hindi ba, baby?

* * *

Gig ng MyuSick. Lyrics nowhere to be found pero the show must go on.
People asked where Lyric is pero ngiti lang ang kaya nilang ibigay. Hindi
rin kasi nila alam kung nasaan ito. Wala namang reaksyon si Manager Lily.
Mukhang tanggap na rin ng Manager na pawala-wala talaga ang kanyang mga
alaga. And its weird dahil inaccept na lang ito kaagad ni Manager Lily.

Pinakilala na sila ng host at sa tagal ng panahon, muli silang nagsimula


ang MyuSick sa pag gawa ng mahika gamit ang musika. It's their love.
Music is the reason why they're all here. And one of the reason why
they're all hurting inside.

Watching those shining starsThinking of the way you smile the way you
talk and the way you laugh

Kinakabahan si Ces. Hindi dahil takot siya sa tao. Sanay na siya sa mga
nakikinig sa kanya. Natatakot lamang siya dahil siya ang nag-iisang
nakatayo sa stage na kumakanta. Wala ang kapartner niya. Wala ang covocalist niya. Wala si Lyric. Thinking that Lyric's not with her pains
her. Scares her.

And i just wonder what it feels to be with youCos i think you're


legendary for me

Natatakot na siyang mag-isa.

Don't be afraid to fall down from the skyCos I'll be here to catch you
wherever you are

It was a soft song. Malayo sa madalas na rock song na kinakanta nila.


Pinagtataka rin ni Ces kung bakit ngiting ngiti si Manager Lily. Enjoying
the song? The music? Siguro nga si Ces na lang ang hindi nakakamove on sa

pagkawala ng kabanda. Imagining Lyric with Erich. . . hindi kaya


magkasama ang mga iyon? Napakagat sandali si Ces nang labi sa naisip.

Think of happy thoughts. Think of happy thoughts.

Then she thought of herself and Lyric together. Smiling at each other.

But I'm justAn ordinary girlCant reach you like a starCant touch you
like a fire

She tried thinking about other things. Huwag na pala ang happy thoughts.
Delikado ang happy thoughts. Happy scenerios will ruin her and other's
lives. She needs to stop this. Hanggang maaga pa. Hanga't wala pang
investments. Hanggang wala pang umuusbong. . . pero paano?! Kung
nagsisimula na ang lahat?

Ordinary GirlNo matter what I doI cant be like your other girls

Tumingin si Ces sa kanyang mga kabanda. Taimtim na nag gigitara ang


dalawang magkaibigan. Mahina ang pagpapalo ni Pitch ng beatbox na
nakatingin sa kanya. When she looked at the audience, nagsusway ang mga
tao na sinasabayan ang musika.

If you'd only knew me yeahYou'll swear that I'm not justAn ordinary
girl

Pagtingin ni Ces sa pwesto ni Manager Lily, nagulat siya nang makita niya
ang isang lalaki. Nakaupo sa tabi ni Manager Lily. Kaagad nilingon ni Ces

ang mga kasama sa stage kung anong reaksyon ng mga ito. Nakangiti sila
Melo at Note, tila alam na nila ito. Pagbalik ng tingin ni Ces kanila
Manager Lily, kaagad bumilis ang tibok ng puso niya.

No matter what I doIts you who's always stucking in my mindIts you


who's running through my chest

Ngumiti si Lyric nang magkatitigan silang dalawa. Iniwas niya kaagad ang
tingin dahil nauubusan na siya ng hininga sa bawat pagbigkas ng liriko.

Cos you've got something that I couldn't resistThat until now its
killing me

Pagkatapos ng kanta ay kaagad umalis si Ces ng stage. Hindi niya kasi


kayang harapin si Lyric. O makatitigan man lang. Hindi niya kayang makita
ito. . . pero gustong gusto niyang makasama ang binata. Nakaramdam siya
ng tuwa. Ngunit masakit. Sobrang naglalaban ang kanyang emosyon.
Nagtatalo-talo kung ano ang dapat maramdaman. Ang kasiyahan niya ay ang
pumapatay sa kanya.

Habang nag aayos ng mga gamit, nagulat siya nang kalabitin siya ni Note.
Ngiting ngiti ito sa kanya.

Uhm, may sasabihin ako. Hindi nawala ang kaba ni Ces. Kung ano man ang
sasabihin ni Note, marahil ay ikakagulo ito lalo ng buhay niya. Seryoso
ang mukha ni Note na lumapit kay Pitch. Hindi pala tayo talo.

Nagtaka si Ces sa sinabi ng kaibigan. Magsasalita pa sana siya nang


biglang kumapit si Note sa braso ni Pitch. Nagulat si Pitch sa ginawa ng
kaibigan. Si Melo ay natatawa na.

Mas type ko pala si Pitch!

Tinulak ni Pitch ang pagmumukha ni Note. Kahit matangkad si Note ay


napatumba pa rin ito ni Pitch. Mandiri ka.

Natawa sila Note, Melo at Ces. Diring diri ang itsura ni Pitch habang
lapit nang lapit sa kanya si Note. Natigil lamang ang tawanan nila nang
bumukas ang pintuan ng dressing room at tumambad si Manager Lily.
Nakakunot ang noo nito. Mukhang galitngunit ilang segundo lang ay
ngumiti ang Manager.

MyuSick, may bisita kayo galing rehab.

Pumasok sa loob ng dressing room ang vocalist ng banda. Nagkakamot ito ng


batok habang nakayuko. Lalong kinabahan si Ces sa presensya ng binata.
Kaagad lumapit si Note kay Lyric at kinutusan ito.

Aray! Napahimas si Lyric sa kanyang ulo. Nagulat ang lahat ngunit hindi
umimik.

Ngumisi si Note. Hindi 'yan sapat para sa sakit ng naramdaman ko, pare.
Natawa si Note at sinuntok ng mahina si Lyric sa pisngi. Nagkatinginan
ang dalawa ng seryoso. Ang sakit ng suntok mo, ah?

Mula sa seryosong mukha ay napangiti sila. Ilang segundo lang ay


nagtawanan ang dalawang magkaibigan. Ngiting ngiti sila Melo, at Manager
Lily. Walang pakielam si Pitch na nag-aayos ng gamit habang si Ces? She
felt uneasy. Nag-excuse siya sa banda upang makalabas dahil sa

naghihingalo niyang puso. Pumikit siya upang hindi makita si Lyric na


sobrang lapit sa kanya pagkarating niya sa may pintuan.

When she felt his touch, she froze. Sa isang hawak ng kamay ng binata ay
nadikit sa kinatatayuan ang dalaga. Napadilat si Ces at tiningnan ang
kamay na hawak ang kanyang braso. Ang kamay na matagal na niyang gustong
mahawakan. Nagwala ang kanyang loob. Ang pisngi niya ay unti-unti nang
umiinit sa nararamdaman.

Paglingon ni Ces, nagtama ang tingin nila ni Lyric. Sa mga matang


nangingintab, may nais sabihin ang binata. And she's scared to hear it
from his voice.

~ ~ ~Author's Note:Hi! Dapat March 1 pa ang update pero. . .wala lang,


hindi ko mapigilan <//3 Anyway, thank you very much for reading this!
Salamat sa tsaga sa pagbabasa nito! Konting kapit na lang :)
This is dedicated to biancanism. Bakit? Kasi ang ganda ng sagot niya sa
favorite scene niya kay Ces at Lyric. "Noong kumanta sila ng Way Back
Into Love." Walang kilig scene. Hindi sila close. Pero sabi niya, may
sparks daw. Nakakatuwa lang na nakikita niya ang sparks habang nagbabasa
lang. AT!!! Sobra sobra akong natutuwa rito kay Bianca (at Anna) kasi
lagi silang nag uusap tungkol sa TTLS. Sobrang nakakatuwa kasi every
update, may pag-uusap lagi sila. Kyot lang.
The song I used is entitled: Ordinary Girl. Originally composed by a
Filipina Youtuber, Denise Cuarto. Visit her page
at: http://www.facebook.com/TheDeniseCuarto or click the external link!
Pakinggan niyo rin po ang youtube sa multimedia para marinig ang boses
niyang napaka ganda. Support natin ang kapwa natin pinoy! :D

=================
51 // One Step to Death
"Love caused her pain then she cursed the feeling. Now, love is on
revenge. The thing is, revenge isnt really that sweet. It tastes like
death." R. Mariano

~ ~ ~

Hindi ka ordinaryo.

Nagpaulit-ulit sa utak ni Ces ang tatlong salita na sinabi sa kanya ng


binata sa dressing room. Pagkatapos noon ay natahimik ang buong MyuSick
saka napagdesisyunang umuwi. Hindi na muling nag-usap ang dalawa.
Naiilang kasi si Ces. Kinakabahan siya sa presensya ng binatakahit ang
kaalaman na nasa kabilang kwarto lang ito ay hindi na siya mapakali.
Tulog man o gising, alam niyang nandoon lang iyon. Nasa iisang bahay lang
sila.

Hindi ako ordinaryo? Napangiwi si Ces nang hawakan niya ang pilat sa
kanyang dibdib. Namumuo ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang mata.
Nagbabara na rin ang kanyang lalamunan. Siguro nga, hindi ako ordinaryo.

Shes going to die.

No, wait. Shes not going to die. Hangga't walang mangyayari na


ikakamatay niya, hindi siya mamamatay. And so, she tried her best to
ignore Lyric. Kung kailan magkasama na ulit ang MyuSick sa iisang bubong,
doon pa nagdesisyon si Ces na lumayo. Well, hindi lumayo talaga dahil
tumatambay pa rin siya sa sofa kasama sila Melo at Note. Nakikipagtawanan
pa rin. Gumawa lang siya ng pader. Isang pader na naglalayo sa kanila ni
Lyric.

Huwag pansinin. Ito lang ang tanging paraan upang umayos ang lahat.
Kailangan niyang matutunan kung paano indahin ang lahat. Ang emosyon. Ang
sakit. Ang nararamdaman. Dapat ay hindi siya magpaagos sa kanyang sarili.
Kung hindi. . .

* * *

Nasa sariling studio ang MyuSick. Nagsimula na silang magpractice ng


kanilang mga kanta. Malapit na kasi ang isa nilang gig at recording pa.
Nang magbreak sila, nag CR sandali si Lyric. Nagbabasa ng libro si Pitch.
Nag gigitara ng mahina si Melo habang umakbay naman si Note kay Ces na
tulala.

Ano na? ngiting ngiti na tanong nito.

Nagtaka si Ces. Anong ano na?

Napakunot ang noo ni Note na nakatitig sa dalaga. Inilayo ni Note ang


sarili at pinagmasdan ang babaeng nasa harap niya. Wala pa rin?!
paghihisterikal nito.

Ha?

Napalo ni Note ang noo niya sa inis. Kaunti na lang ay magpapalit na ng


pwesto ang mga kilay nito. Nag-isip ito ng malalim. Crossed arms.
Nakaramdam ng ilang si Ces dahil titig na titig sa kanya si Note.

Hindi pa pala sapat 'yung ginawa ko. Sumimangot si Note at pinalobo pa


ang pisngi. Natawa si Melo dahil sa itsura ng kaibigan. Pacute. Eh kung.
. . Lumapit si Note at hinawakan ang pisngi ni Ces. Bumilis ang tibok ng
puso ng dalaga. Theres something in Notes eyes. May ngiti rin ito sa
mga labi. Tototohanin ko na lang?

Unti-unting lumapit ang mukha ni Note sa dalaga ngunit kaagad hinawakan


ni Melo ang pagmumukha ni Note saka ito tinulak palayo. Napahawak si Note
sa kanyang mukha na napaatras. Aray, takte ka.

Ngumiti si Melo at inakbayan si Ces. Hindi mo siya puwedeng kunin. May


nag mamay-ari na nito.

Eh hind

Melo. Puno ng owtoridad ang boses na iyon. Napatingin ang lahat sa may
pintuan dahil sa nagsalita. Nakatayo si Lyric na siyang lalong nagpakaba
kay Ces. Kaagad tinanggal ni Melo ang hawak sa dalaga at tinaas ang kamay
na parang nahuli ng pulis. Natatawa rin ito. Bumalik sa pwesto si Lyric
nang hindi tumitingin kay Ces. Seryoso ang mukha. Practice ulit.

* * *

Nag-aya mag bar si Melo. Nakakagulat dahil kahit si Pitch ay game rito.
Gusto sana magpass ni Ces dahil nandoon din si Lyric ngunit pinilit siya
ng dalawang makulit na kaibigan. Hindi sumama si Manager Lily dahil
masusuka lang siya sa kaingayan ng mga tao roon.

They were decently dressed pagpasok ng bar. Ang dilim ng paligid at


nabubulag si Ces sa iba't ibang ilaw na tumatama sa kanyang mata. Naupo
sila sa paikot na sofa na may bilog na lamesa sa harap. Ang ingay ng
buong lugar pero narinig nila ang pagsigaw ni Melo na drinks on him.
Pagkatayo ni Melo, may babaeng lumapit kay Note na ngiting ngiti.
Napatingin lamang si Ces dahil sobrang ikli ng dress ng babaeng lumapit
sa kaibigan.

Kuya, pwedeng patext? Napangiti si Note at ibinigay ang cellphone. All


the time the girls texting, hindi mawala ang eye contact ng dalawa.
Ilang minuto ay ibinigay na ng babae ang phone kay Note. Thanks, the
girl seductively smiled and went away.

Ilang segundo lang, napatingin sila nang magvibrate sa lamesa ang phone
ni Note. Lumawak ang ngiti ni Note nang mabasa ang text sa kanya.

Mukhang nakitext nga 'yung babae, natatawa nitong sabi.

Bakit? Lyric asked.

Pinakita ni Note ang text kay Lyric, tinext niya sarili niya eh!

Natawa si Note nang marealize ang ginawa ng babae. The girl texted her
own number from Notes cellphone. Sneaky move. Tumayo si Note at tumango
sa ibang table. Paglingon nila Ces, nakita niya ang babaeng nakitext kay
Note na kumindat sa binata. Kinilabutan siya rito.

Pupunta ka? Ces asked Note.

Nginitian ni Note ang dalaga at pinatong ang kamay sa ulo ni Ces. Were
here to have fun. Naiiyak ako wala akong kapartner eh! saka ito umalis
para lumipat sa kabilang table.

Napatingin si Ces sa dalawang lalaki na kasama. Nanonood sa mga


nagsasayaw si Pitch habang si Lyric ay tulala. Tiningnan niya ang relos
niya.

Ang tagal ni Melo. . . sabi ng dalaga upang mawala ang awkward silence
sa table.

Busy 'yun, diretsong sagot ni Pitch.

Nagtaka si Ces. Busy?

Tumango si Pitch at tinaas ng kilay upang ituro kay Ces kung nasaan si
Melo. Nakita ni Ces si Melo na nakatayo sa may counter. Tumingin ito
sandali sa parte ni Note kaya sinundan din ni Ces ng tingin ang binata.
Napasapo siya ng noo nang makitang nakikipagtawanan si Note sa mga babae
sa kabilang table. Nang ibalik ng dalaga ang tingin kay Melo, nagulat
siya sa inaakto ng kaibigan. Tila nakikipaglandian ang binata lalo na
nang lapitan ni Melo ang tainga ng babae. Hinalikan man o binulungan ay
hindi siya sigurado. Tanging sigurado lang niya ay ang mga ngiti sa labi
ng mga ito. Hindi siya makapaniwala na si Melo ang nakikita.

Si Melo 'yun? Pagtataka ni Ces nang tumingin siya kay Pitch. Ngumiti si
Pitch bilang sagot. Pero. . . hindi siya ganoon.

Hindi mo siya kilala. Sagot ni Pitch. Lalong naguluhan si Ces sa


narinig. Wala pa sa kalahati ng pagkatao niya ang alam mo. Parang Ako.
At ikaw.

Ako?

Ngumiti si Pitch. "Hindi ka rin namin kilala talaga."

Natigilan si Ces. Nagkatinginan sila ni Pitch, nawala nga kahit papaano


ang atensyon ni Ces sa lalaking katabi niya na si Lyric. Nawala ang
titigan nila ni Pitch nang may dalawang babae na kumalabit sa binata.
Tulad ng lumapit kay Note, maiikli rin ang mga suot nitong dress.
Kumikintab ang mga damit mula sa liwanag na nanggagaling sa ilaw ng table
nila.

Hi kuya, would you like Natigilan ang babae nang may tumikhim mula sa
likuran ng mga ito. Lumingon ang dalawang babae nang hawakan ang balikat
nila ng taong iyon. And who told Nagulat ang mukha ng mga ito sa
nakita.

Erm. We'll just go. Kaagad lumayo ang dalawa nang ganoon kabilis.
Pagkaalis ng mga ito, laking gulat ni Ces nang makita si Keng. Pink at
blue pa rin ang buhok nito. Sobrang angas ng itsura lalo na't kitang kita
ang sleeves at neck tattoo ng dalaga mula sa dress na suot. Kaya siguro
napaalis kaagad ang mga babae dahil natakot sa itsura ni Keng. Not that
she looks like a monster. She's quite presentable. Quite.

Pero si Ces, may gana pang magtanong. B-Bakit nandito ka?

Ces was expecting a comeback from Keng pero nagulat siya nang nawala ang
tapang sa mukha ni Keng. Ah, ano. . . Kitang kita ang pagkailang nito
sa senaryo. Pinipilit na ibalik ang kanyang tapang. Tinitigan nito si Ces
nang masama ngunit bigo ito. Aalis na pala ako.

Huwag. Nagulat sila Ces at Lyric nang hawakan ni Pitch ang kamay ni
Keng. Keng stiffened. Nanlalaki ang mga mata nito. Dito ka lang."

Pabalik-balik ang tingin ni Ces at Lyric kanila Pitch at Keng. Natahimik


ang lahat. Walang kumikibo nang hilahin ni Pitch si Keng para makaupo sa
tabi nito. Wala pa ring nagsasalita. Ces felt a little awkward.

Aalis ako." Tumayo si Lyric na ikinabigla ni Ces. Lalo siyang nagulat


nang hawakan ni Lyric ang kanyang braso. "Kasama siya."

Hindi na nakapag-isip ng mabuti si Ces nang tinayo siya ni Lyric. Lumabas


sila at iniwan sila Pitch at Keng sa table. Naupo sila sa labas. Hindi
iniinda kahit madumihan man ang kanilang damit.

Then the silence came.

Maraming sasakyan ang humarurot sa harap nila Ces. Hindi rin nila iniinda
ang mga taong naglalakad sa kanilang likuran. Nagmistulang Christmas
lights ng mundo ang madilim na lugar dahil sa mga nagliliwanag na night
lights. Sobrang ganda.

For some odd reason, hindi mabilis ang tibok ng puso ni Ces. Not that
she's complaining. Sa katunayan, sobrang kalmado ng pakiramdam niya kahit
ilang dangkal lang ang layo niya sa pwesto ni Lyric. At ang sarap sa
pakiramdam. They didnt talk. They just stayed there. Nakaupo.
Nagkakagulo ang loob at labas ng bar pero tila may sarili mundo ang
dalawa.

Ces smiled. . . ngayon na lang ulit siya nakaramdam ng ganito kapayapa.


This is the first time na kahit hindi niya kausap si Lyric, the fact na
nasa tabi lang niya ang binata ay nakakagaan na ng loob. She wanted this
to last. Kahit pa hindi sila magkatinginan ni Lyric, kahit hindi
nagdadampi ang mga balat nila. She wanted this. Kalma lang. Chill lang.
No pressure. No mistakes. Just by being there at each other's side is
enough. More than enough.

But then, bago pa magsink-in sa mismong pagkatao ni Ces ang kalmadong


senaryo, napatingin siya sa babaeng nagsalita sa harap nila.

Anong ginagawa niyo rito?

Love?

Ngumiti si Love at itinayo si Ces. Niyakap ni Love ang dalaga. Napatayo


rin si Lyric kaya niyakap din ito ng number one fan ng MyuSick.

Bakit nakatambay kayo sa labas? Natatawang tanong ni Love. Tumingin ito


nang mapanukso kay Lyric. Anong mayroon, ha?

Pinanlakihan ng mata ni Lyric ang dalaga. Ikaw ang dapat kong itanong.
Bakit nandito ka?

Mamamalengke sana ako," natatawang tugon ng dalaga.

Sinamaan ng tingin ni Lyric ang kaibigan. "Wow. Galing. Madaling araw


namamalengke."

Nandito ako dahil sa boyfriend ko," natatawang sagot ni Love. May


kakaiba pa rin itong tingin kanila Ces at Lyric. Ngiting mapang-asar.
Pansin iyon ni Lyric ngunit hindi ito pinapansin ng binata.

Nagulat si Lyric. Boyfriend? pagtataka nito. May pumatol?

Pinalo ni Love si Lyric at sumimangot. Ang sama mo! tawa nang tawa si
Lyric. Nakatingin lamang si Ces. Its nice to see Lyric laugh. Sobrang
saya kasi ng tawa nito. Ang sarap sanang irecord. . . .then play it on
repeat. Then she stopped from thinking about it. Delikado.

Hindi nga, sino? May nabulag ka na pala hind

Natigil si Lyric sa pagsasalita nang may tumawag kay Love. Paglingon nila
ay nanlaki ang mata ni Ces at Lyric. Theyre both dumb founded. Sinundan
ng dalawang bokalista ang lalaking lumapit kay Love. Hinalikan ng lalaki
ang noo ni Love at ngumiti. Inakbayan nito ang dalaga at tiningnan ang
dalawang kabanda na gulat na gulat pa rin.

Kayo?! Hindi makapaniwala si Lyric.

May kakaibang ngiti si Love habang hawak ang kamay ng lalaking umakbay sa
kanya. Nakatitig lamang silaCes at Lyric sa kamay na magkahawak. Gulat sa
nakikita. Ngumiti si Melo. Hindi ko ba nasabi?

* * *

Gabi na nang makauwi si Melo. Halos buong araw itong walainiwan pa nga
nito ang mga kaibigan sa bar dahil sa date na naganap. Mula madaling
araw hanggang gabi. Anong klaseng date iyon? Hindi ito pinalampas ni Note
dahil kaagad itong naghisterikal nang pumasok si Melo sa bahay. Mas
nagreklamo pa ito kaysa kay Manager Lily na nananahimik sa haven nito.

May girlfriend ka na pala! nanlalaki ang mga matang sabi ni Note.


Kailan pa?

Noong umalis ako. Ngiting sagot ni Melo.

Nang akbayan ni Note si Melo ay nagulat ito, nanigas ang katawan.


Kiniskis ni Note ang kamao sa ulo ni Melo bago nagsalita. Nanggigigil.
Nag-aalala ako sa'yo nung nawala ka ng ilang linggo tapos naglalandi ka
lang pala?! Landi mong gago ka!

Tinulak ni Melo si Note nang natatawa. Tahimik lang si Ces at Lyric


habang pinapanood ang drama ng dalawang gitarista.

Walangya. Napaupo si Note sa isang upuan at sumandal. Stressed na


stressed ang itsura. Ako na lang talaga ang walang partner, bulong ni
Note sa sarili ngunit rinig na rinig naman ng mga kabanda. Nagmoment pa
siya sa sarili at nag self-pity sa isang tabi.

Natawa na lamang si Ces kahit nakaramdam na naman siya ng ilang.


Nagpaalam na siya sa mga kaibigan na matutulog ngunit pinigilan siya ni
Lyric. Kaagad kumabog ang kanyang dibdib nang hawakan siya ng binata sa
braso.

Ako rin, sabay na tayo.

Nakatingin lamang si Melo at Note kanila Lyric at Ces na paakyat.


Bubuksan na sana ni Ces ang pintuan ng kanyang kwarto nang magsalita si
Lyric.

May ipaparinig ako sa'yo.

Imbis na sa kwarto pumasok, sinundan niya si Lyric sa kwarto ng binata.


Nakatayo lang si Ces sa may pintuan nang kuhanin ni Lyric ang kanyang
gitara. Dumiretso si Lyric sa sariling veranda ng kanyang kwarto. Tahimik
na sumunod si Ces. Sa bawat hakbang na ginagawa ng dalaga ay
nakikipaglaban siya sa kanyang nararamdaman.

Maganda ang loob ng kwarto ng binata. Kasing laki ng kwarto ni Pitch


ngunit mas may kulay ito kumpara sa itim na motive ng kwarto ni Pitch.
Green, blue, white at black ang naghalo-halo upang mabuo ang kabuuan ng
kwarto ni Lyric. Sa dinadaanan nila ay may mga litrato na hindi na
masyadong napapansin ni Ces dahil sa kabang nararamdaman. Nakatutok din
kasi ang kanyang paningin sa likuran ni Lyric na kanyang sinusundan.

Ano?

"Isang kantang. . ." Umupo si Lyric sa gilid ng pintuan palabas ng


veranda saka itinuloy ang sinabi, "sinulat ko para sa kanya."

Kumabog ang dibdib ng puso ni Ces. Gusto niyang itanong kung sinong
"kanya" iyon ngunit nanahimik na lamang siya.

Nang matitigan ni Ces ang itsura ni Lyric, napangiti siya kung gaano
kadramatic ang aura. Madilim na at ilaw sa labas ang nagbibigay ng
highlight sa feature ng mukha ni Lyric. Medyo matangos na ilong.
Magandang pilik mata. Manipis na labi. Kitang kita rin niya ang adams
apple ng binata. Makitang nakaupo lamang si Lyric doon ay napapangiti na
siya.

Ganoon kadali. Ganoon ka effortless ang pagpapangiti sa kanya. Basta si


Lyric, kahit simpleng pag-upo ay napapagaan na nito ang pakiramdam ng
dalaga.

Nagsimulang magstrum sa gitara. Ang payapa at kalmado ng paligid.


Tinitigan ni Ces ang kamay ng binata. Ngayon lang niya natitigan nang
mabuti ang pag gigitara nito. It was magical, seeing Lyrics fingers do
its magic. Kahit pa pasmado ito o magaspang ang kamay, still, its
magical.

Nagtataka si Ces nang marinig sa sariling utak ang strumming ng isang


gitarasumasabay ito sa pag gigitara ng binata. Hindi niya mawari kung
saan o paano niya naririnig iyon ngunit pakiramdam niya ay pamilyar ang
strumming ng intro. Tila narinig na niya ito noong nakaraang araw,
linggo, buwan o taon. Nawala sa kanyang isip ang kanyang pagtataka nang
magsimulang kumanta si Lyric.

In my dreams you haunt me before you cameThere was you forming within
my fate

Tiningnan niya ang mukha ni Lyric. Nakatingin ito sa gitara habang


kinakanta ang bawat liriko na bumubuo sa kanta.

If this is true wake me up todayCause you were there when the world
was away.

Halos mahulog ang puso ni Ces nang tumingin sa kanya ang binata. His eyes
were sparkling. Mas maganda pa sa pangingintab ng ibang bampira sa mga
palabas.

All the words never really came out rightFinally I've found someone
that makes me smile

Nanghihina ang tuhod ni Ces sa naririnig. Gusto niyang maupo ngunit


natatakot siya. Ang gulo ng nararamdaman niya lalo na at nagwawala ang
kanyang puso.

In your eyes my future ignitesThis might be what it means to be alive

Kinikilabutan si Ces. Gusto na niyang umalis. Gusto na niyang lumabas.


Gusto na niya lumayo pero hindi siya makagalaw. Tila dinikit siya ng
musika ni Lyric sa kinatatayuan niya. Tila nanigas ang kanyang katawan sa
mga titig ng bokalista.

Napansin ni Ces ang pagtigil ng pag-iistrum ni Lyric. Pumikit siya at


pinakiramdaman ang nagwawalang puso. Ilang segundo lang, narinig niya ang
boses ni Lyric. Mahina. Mataimtim. Puno ng emosyon.

Ces.

Napasandal si Ces nang marinig ang boses ni Lyric na tinawag ang kanyang
pangalan. It was so sweet. Sa pagtawag ni Lyric sa pangalan ng dalaga ay
nakaramdam ng saya si Ces. Ngunit unti-unti rin siyang nakakaramdam ng
sakit. Unti-unti siyang nakakaramdaman ng panghihina.

Humugot ng malalim na hininga si Lyric. Natigilan si Ces nang muling


nagsalita ito. Diretso ang paningin ni Lyric sa kanyang mga mata at
diretso ang boses ng binata sa kanyang puso.

Mahal kita.

~ ~ ~Author's Note:"WAAAHT? SERYUSLI?! HINDI KO ALAM YON GRABE OMAYGAHD


PLOT TWIST PO ITO HINDI KO AKALAIN AS IN NABIGLA PO AKO HUWAAAAW SERYUSU
BA ITUUU. NAKAKABIGLA. NABIGLA AKO. NABIGLA KA BA?!"
Hahahahaha anywaaaay, maraming salamat sa pagbabasa ng TTLS. Sa mga
comments na sobrang nakakainspire Ang kanta po ni Lyric sa taas ay
isang original composition ng kakilala ko in real life. As in pinush ko
na sana makasulat siya ng related kay Lyric. Sa susunod, lalagyan na raw
niya ng tono. HINTAYIN NATIN :">
This chapter is dedicated to IanneRiera. Siya po kasi ang pangalawa at
panghuling nanalo sa LyriCes contest kuno. Nakuha niya ang loob namin ni
Admin Ai dahil sa comment niya! See multimedia at the right! NAGPASALAMAT
SIYA SA AKIN huhuhuhu thank you riiiin :""">
Dahilan ni Admin Ai kung bakit niya pinili ang entry ni IanneRiera:"Pag
may mga ganitong question, mas gustong kong malaman kung anong naitulong
ng scene sa buhay nila. I must say, her answer to number one question
made me think, too."
Marami pang maganda eh pero isa lang pwedeng piliin. May ilan na sobrang
nagstand out kaya lang nadedicate-an na. PSSH. But anyway, thank yooouuu
sa pagbabasa!!! Next dedication ay manggagaling sa comments para sa
chapter na ito. :) Pilosopotasya page, external link! :D

=================
52 // Postponed Fairy Tale
"You can't have it both ways. Love is too powerful to hide for very long.
Deny it and suffer the consequences. Acknowledge it and suffer the
consequences. Revealing it can either be shameful or it can be
liberating. It is for others to decide which it will be." Tonya Hurley

~ ~ ~

Dalawang salita lamang.

Sinong mag-aakala na dalawang salita lang ang magpapabago ng ikot ng


kanilang emosyon?

Napatitig si Ces, hindi makagalaw. Nararamdaman niya ang pagpiga sa


kanyang puso. Tumigil ang oras ng mga sandaling iyon. Nakatitig lamang
ang kanilang mga mata sa isa't isa. Mabibigat na paghinga. Walang
nagsalita. Walang kumibo. Ilang minuto silang tahimik. Sa bawat tibok ng
puso ng dalaga ay nakakaramdam siya ng sakit. Physically? Emotionally?
Mentally? Hindi siya sigurado.

Hindi pa nakakatayo si Lyric ay kaagad yumuko si Ces at nagpaalam sa


binata. G-Goodnight.

Nabigla si Lyric nang bumaba nang hagdan si Ces. Nagmadali ang dalaga
upang buksan ang pintuan para makalabas nang mahabol siya ng binata at
hinawakan sa braso. Nagkulang ang hangin sa paligid nilahirap na hirap
huminga ang dalaga. Hindi siya lumingon. Pinipilit niyang huwag tumingin
kay Lyric dahil natatakot na siya. Sobrang natatakot.

Ces. . . mahinahon ang boses ni Lyric ngunit pansin na pansin ang


pagbabara ng lalamunan nito. Tila may pumipigil din sa boses ng binata
upang makapagsalita.

Nawawala na sa wisyo ang dalaga. Hindi na niya naiintindihan ang malakas


na usapan nila Note at Melo na paakyat na ng second floor. Tanging tibok
ng puso niya ang bumibingi sa kanyang pagkatao. Huminga nang malalim si
Ces at binuksan ang pintuan.

Teka

Hindi na natapos ni Lyric ang sasabihin nang kaagad pumasok si Ces sa


sariling kwarto. She even locked the door. Nawala ang ngiti at tawanan ng
dalawang gitarista nang tumingin sila kay Lyric. Devastated. Nakatingin
sa pintuan ng kwarto ni Ces. Tulala. Sawi.

Pagkasara ng dalaga sa kanyang pintuan, kaagad siyang napadausdos.


Nanghihina ang buong pagkatao niya kaya't sinandal niya ang pagod niyang
katawan sa pintuan. Pagkaalis sa salamin sa mata ay napapikit siya.
Hinawakan ng dalaga ang kanyang pisngi, pinipilit gumising sa isang
panaginipngunit hindi siya magising-gising. Tila isang magandang
panaginip na binabalot ng bangungot ang nangyayari sa kanya. Mabilis ng
kanyang paghinga. Kinagat ni Ces ang kanyang hinlalakitrying to ease the
pain. Just to shoo the pain away. Napahawak siya sa kanyang pilat. It
didn't hurt. It was just there, planted on her chest just to prove that
her life is near its end.

Nanginginig ang kanyang bibig nang yakapin ang sarili. Pagkayuko ay nagunahan nang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Ang luha ng sakit
na matagal na niyang tinatago. She cried her heart that night. Pinipilit
niyang huwag gumawa ng ingay. Pinipilit niyang hindi maapektuhan. Shes
supposed to be okay. It was just a confession. But the confession
triggered pain in her. That confession gave her heart happiness. . . and
death all at the same time. It was painfully sweet. Wala siyang magawa.
It was love versus death. Rather, it was love and death, combined.

Ano bang laban niya sa sarili niyang katangahan?

* * *

Hindi naging mahimbing ang tulog ni Ceslalo na't hindi siya makatulog
nang magpaulit-ulit ang kanta ng binata sa kanyang isip. Ang paghinga
nito. Ang pagstrum. Ang dalawang salitang binanggit nito.

Pagod na pagod ang kanyang utak. Buong gabi itong gumagana. Nag-iisip.
Iniisip ang mga susunod na gagawin. . .kung may dapat nga ba siyang
gawin. Kung dapat bang isipin niya ang iniisip sa ngayon.

Napatitig si Ces sa kisame habang naghihintay ng oras. Sobrang tahimik


lalo na't paumaga pa lang. Hindi siya mapakali. Paikot-ikot sa kanyang
utak ang lahat. Napansin na lamang ng dalaga na nakatulog siya nang
magising siya sa lakas ng katok sa kanyang pintuan.

Ces! Gising! Ces! Boses ni Melo.

Napadilat si Ces ngunit hindi siya makabangon. Sobrang nanghihina ang


kanyang katawan sa kakaiyakpuyat pa siya. Pagtingin niya sa may bintana
ay mataas na ang sikat ng araw.

Manager! boses ni Note.

Nagtataka si Ces sa pagsigaw ng mga ito. Trending ang MyuSick sa twitter


at facebook!

Ano bang problema niyo? boses ni Manager. Nakarinig pa ng ilang


pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto si Ces. Hindi pa rin siya
makabangonhindi rin kasi niya alam kung anong dapat ikilos pag
nagkadapuang tingin sila ni Lyric.

SiKasi. . . sabi ni Love. . . Hindi makumpleto ni Melo ang sasabihin.


Nanatiling nakahiga si Ces nang si Manager Lily na ang mismong kumatok sa
pintuan ni Ces. Mas kalmadong katok.

Ces, are you awake? May dapat kang makita.

Kahit pagodpinilit bumangon ni Ces. Napatingin siya sa salamin at


napatitig sa mga matang namamaga dahil sa kakaiyak. She looked wasted.
Stressed. Ang laki rin ng kanyang eyebags. Naghilamos muna siya at
pagkabukas ng kanyang pintuan, tumambad si Manager Lily, kasama si Melo
at Note na nakatingin sa kanya. Seryosong tingin.

Ano po 'yun?

Hindi maiwasan ni Ces ang paglingon sa paligidhinahanap ng kanyang mga


mata ang lalaking iyon ngunit wala siyang makita. Huminga siya nang
malalim at pinilit na ngumitingunit nawala ang kanyang ngiti nang
pinakita ni Manager Lily ang tablet sa kanya.

Isang tweet tungkol sa kanya ng isang showbiz show. At sa tweet na iyon,


nagkagulo ang lahat.

ChiqCadorAh! @chiq_doraPH
34m#CesOfMyuSick, not so princess-ly? A
picture sent by anon. Ces and LyleYuzon, sitting on a sofa, K-I-S-S-I-N-G
?! pic.twitter.com/Kswlngmgwa12,544 Retweets 14,296 Favorites
Fusah @KathKatCat
26m@chiq_doraPH OMG. Srsly? Si #CesOfMyuSick ito?
Seryoso?! OMG IKENAT.
Huh @LaMaisipUN
19m@chiq_doraPH Aaahhh~ my eyes! Bakit ang landi ng
itsura ni #CesOfMyuSick?! VAKHET? #sarapNaSarapPaHa?!
Blue! @bluekoh
17m@chiq_doraPH theyre not kissing. Lyles lips on her
neck lang. At mukhang tulog din si Ces. Edited? Or baka pinatulog then
picture? Stop this nonsense pls.

Lyle Forever @LyCitizen


13m@chiq_doraPH wtda?! Pls lang wag nyu isama
sa kalandian si Lyle Yuzon namin! #CesOfMyuSick lang ang malandi! Amen!
#LyleYuzonForever
JusK @idding1002
6m@chiq_doraPH #CesOfMyuSick Ew gross. Gust0ng gust0.
Malandi. Kadiriii. Ganda nga boses, mahinhin kuno. Landers nman. Ew.
Heh @ehehek
5m@chiq_doraPH @idding1002 tumah! Ndi na nahiya ano ba yan
magsex na lang nagpicture pa pwe! Boycott na ang #MyuSick! Boo!
#CesOfMyuSick landi!
Ultear @LuhaUl
5m@chiq_dora_PH mapusok na mga kabataan ngayon. They
keep on taking pics na hindi kaaya aya then theyll post it online.
(1/8)
Ultear @LuhaUl
4mTo think theyre public figures? Dapat they know
that theyre influencial kaya they need to keep their dirtiness inside
their pants (2/8)
Ultear @LuhaUl
4mand not like this na parang pinagmamalaki pa nila.
Sayang si girl, ganda pa naman. Si boy rin, ang gwapo. (3/8)
Ultear @LuhaUl
3mAs a mom of three teenagers, hindi ko hahayaan
idolohin ng mga anak ko ang mga ganitong klaseng tao! (4/8)
Ultear @LuhaUl
3mMapamusician man or artista. Dapat maging mabuti
silang ehemplo! Hindi yung ganito! Puro kahalayan at may hawak pang alak?
Wow. (5/8)
Ultear @LuhaUl

2mI just can not. (6/8)

Ultear @LuhaUl
2mMasyado ng advance kalokohan ng mga bata. Naiistress
ako sa mga kabataan ngayon. Naku . Nakakawalan ng respeto.
#AralMunaKayoKids (7/8)
Ultear @LuhaUl
twitter! (8/8)

1m#PWE! Makapag candycrush na nga lang. Stressful ang

ChiqCadorAh! @chiq_doraPH
40s@LuhaUl Naku momi, hinga hinga rin pag
may time. Naiyak po ang show namin sa speech niyo. Thanks mami. Go candy
crush!
Follow p0h @akosirayne
1sBakit laging trend ang #MyuSick?
#CesOfMyuSick? Sino yun? Anyway, FOLLOW NIYO PO AKO FOR DAILY UPDATES
REGARDING MY LIFE. #tnx #rayneluvsyah
Load error. Refresh.

Hindi makapaniwala si Ces. Nakatitig lamang siya sa tabletnakatitig sa


isang litrato na malamang ay kuha ng cellphone dahil sa low quality at
madilim pa. May hawak na alak si Lyle sa kanang kamay habang hawak ng
kaliwang kamay ang pangkuha ng litrato. Nakadantay ang ulo ni Ces sa sofa
habang tulog na tulog ngunit hindi siya ganoon kakita dahil masyadong
malapit sa camera. Hindi nakalagpas sa mga mata ng tao ang labi ni Lyle
na nakadampi sa leeg ng dalaga.

Saan. . . B-Bakit. . . Si-Sino? Hindi makuha ni Ces ang tamang tanong.


Nagulo ang kanyang utak nang parami nang parami ang nagkocomment tungkol
sa picture na iyon. Hapon pa lang ay nagkakagulo na ang twitter universe
dahil sa kanila.

Napatingin ang lahat nang magsalita si Pitch na kakagaling sa sala.

Sa TV. . .

Napakunot ang noo nila Melo, Note, Manager Lilyngunit tahimik lang si
Ces. Nagmamadaling bumaba ang lahat nang mapatigil si Ces sa yabag ng paa
mula sa rooftop. Pagtingin sa taas ay kaagad kinabahan ang dalaga nang
makita si Lyric, mukhang hindi rin ito nakatulog ng maayos dahil sa mga
mata nitong pagod na pagod.

SHIT.

Kaagad bumaba si Ces upang tingnan ang TV. Nanlaki ang kanyang mga mata
ganoon din ang mga kabanda sa nakita.

Theres something fishy about the two vocalist of MyuSick. . . boses ng


reporter sa TV. Especially with these pictures sent by an anonymous
sender.

Pictures. A lot of pictures of Lyric and Ces. Napasandal si Ces nang


marealize na ang mga litratong ito ay patagong kinuhanan bago magpasko.
Noong kasama nila si Mela. Ang akbay, ang pagkain ng nakaposas at paguwi. Lahat ay nandoon na tila ba sinusundan sila ng kumuha noong litrato.

A-Anong. . . Hindi napansin ni Ces ang pagbaba ni Lyric. Nakatitig ito


sa telebisyon. Lahat sila ay nakatingingulat na gulat. Nagtataka at
nabubwisit sa mga nakikita at naririnig.

Hindi rin nakalampas ang isang picture ni Ces at Lyle Yuzon, kapatid ng
Manager ng MyuSick na si Lily Yuzon, na diumano'y kumalat sa twitter
nitong umaga.

Nanlaki ang mga mata ni Note, pigilan mo ako, Melo! Pagsigaw ng binata.
Masisira ko 'tong tv na 'to! kinuyom ng binata ang kanyang kamao. Nagiinit na ang ulo.

Geh, kaya mo 'yan, tugon ng kaibigan.

Aakmang susugod na sana si Note papuntang TV nang hawakan ni Manager Lily


ang balikat ni Note. Isang mariin na hawak. Subukan mong sirain 'yan,
ikaw sisirain ko.

Natahimik si Note at natawa ng kaunti si Melo. Napatingin ang lahat kay


Melo nang sumigaw ito habang nakatingin sa tablet na hawak.

N-Nagkakagulo na ang MyuSick page sa facebook. . . mahinang balita


nito.

Pakiramdam ni Ces ay nawawalan na siya ng lakas upang makatayo sa


sariling mga paa. Nanginginig ang mga labing tiningnan ni Ces ang tablet
ni Melo. Napapikit siya nang makitang nag-aaway away ang MyuSick lovers,
MyuSick haters, and MyuSick soon-to-be haters dahil sa kanya.

Josh Didnt know the new vocalist was a slut. Unfollow.


Hetty Excuse me Josh, but you dont know who Ces is. We dont care if you
unfollow! We, MyuSick fans dont need you here.
Leila Hetty, u too dnt know hu Ces is! Maybe shes jst using MyuSick! Aw,
my poor little Lyric.
Yllaya Hey, stop fighting guys. Were one family here. No picture can
ruin our fandom
Kei SLUT BTCH EW GROSS SAW THE PICTURE IN TWITTER. EW.
Weren She should die coz of being a slut. Maybe her mom is like her haha!
Ohm hypocrites.
Ako Si Rayne ^Aww, nosebleed sila. Mga porenjers. Pls subscribe: Ako si
Rayne http://fb.com/akosirayne thanks.
Pedra OMG sabi na nga ba may something dyan kay Ces eh! Biglaan kasi!
Hindi naman nagpaaudition ang MyuSick at bakit hindi musically inclined
ang pangalan niya? SOBRANG FISHY talaga. Sabi na nga ba. Baka ginagamit
lang ni Ces ang MyuSick tapos sila pala talaga nung Lyle Yuzon na yon!
Tapos baka ginagamit lang din ni Manager Lily ang MyuSick para sa
kasikatan ng kapatid niya? Di ba nawala rin sa MyuSick si Lyle? Di ba
siya talaga ang drummer ng MyuSick? Pero nawala siya! Baka kasi mas gusto
mag artista ni Lyle tapos ganito ganyan nakooooooo ang fishy ng grupo na
'to hindi ko kinekeri.

Petro ^dami mong sinabi. Unfollow na lang.


Pedra NO WAY. Fan nila ako.
Huwan ^Fan? #PushMoYanAte #KunwariMaramiKamingNaniniwalaSaPagigingFanMo
#KahitMedyoAsInMedyoMedyoSinisiraanMoNaAngMyuSickAnoPo?
#OoTamaYanFanKaNgaNila #GalingMoNamanAteBigyanNgJacket!
Ako Si Rayne Pls subscribe: Ako si Rayne http://fb.com/akosirayne thanks.
#Uso #Rin #Pala #Hashtag #Sa #Facebook #OMG

Ilang sandali lang ay nagload ang MyuSick page at may panibagong post
itomarahil ay galing ito kay Love na admin ng page:

Stop. It.
I am Love and I know MyuSick personally. Ces is definitely not a slut or
a whore or whatsoever you want to call her. She will never use MyuSick
for stardom. MyuSick is not a band. Theyre a family. We are a family.
Im just disappointed with all these commotion happening in our page.
Youre bullying MyuSickespecially Ces! What if she read this? Do you
know how it feels to have a lot of haters that you once knew was a fan? A
listener? Cmon guys, have some common to your senses!
This is not just about MyuSick and bullying Ces. This is about BULLYING
in cyber world. You think its okay to post bad things about a certain
person? Call them names and trashtalk their family and friends? What?
Youre excuse is this is just the internet, stupid!? But what if the
person youre cyberbullying has suicidal tendencies? Words can kill, I
tell you. It will never be a suicide. Itll always be a murder.
Will you be happy to be a murderer? Think before you click.

Nagulat na lamang ang lahat nang biglang lumabas si Lyric ng bahay.


Kaagad siyang hinabol ni Melo at Note. Napasama rin si Ces dahil hatakhatak siya ni Note. Pinilit magdrive ni Lyric ngunit hinila siya ni Melo
palayo sa drivers seat.

Delikado ka magdrive ngayon, babala ni Melo. Saan?

Alam mo na.

Ilang minuto lang ay nakapunta na sila sa isang pamilyar na condominium.


Lugar ni Lyle. Nakakuyom ang mga kamay ni Lyric nang makarating sila sa
floor ng tinitirahan ni Lyle. Magwawala na sana si Lyric ngunit natigilan
siya nang biglang magbukas ang pintuan ng condo ni Lyle at tumambad ang
isang pamilyar na babae sa kanila. Lumuluha. Pinilit nitong makaalis
kahit nakaharang ang MyuSick. Mabilis itong bumaba ng hagdan kahit mataas
ang pinanggalingang palapag.

Teka, Leah!

Lyle! Bago pa makalapit si Lyle sa babaeng hinahabol ay kaagad sinuntok


ni Lyric ang mukha ni Lyle. Nakalayo ang babaeng tinawag ni Lyle at
napaatras ito sa lakas ng pagsuntok ng bokalista. Nang matauhan ay
napakunot ang noo ni Lyle, nagtataka ngunit kitang kita ang galit. May
emosyon din itong gulat at lungkot. Ano na naman bang problema mo?!

Ang alin?! iritang iritang tanong ni Lyle.

Pataasan ang boses ng dalawang lalaki. Nagsusukatan ng tingin.


Kinwelyuhan ni Lyric si Lyle at tinitigan sa mata nang nakakunot ang noo.
Hindi nakikisali sila Melo at Note. Nakatitig lamang si Ces sa nangyayari
dahil kahit siya ay nanghihina na rin. Nakahawak na nga lang siya sa
braso ni Melo para maka balanse.

Yung mga litrato. . . ano ba talaga ang gusto mo mangyari? mahina


ngunit puno ng galit na tanong ni Lyric.

Tinitigan ni Lyle ang mga mata ni Lyric. Kumalma na ang itsura nito.
Wala akong kinalaman doon.

Ako ba pinaglololoko mo?! Aakmang susuntukin na sana ulit ni Lyric ang


binata nang magsalita ulit si Lyle.

Ako ang kumuha pero hindi ako nagpost. Dinelete ko na 'yun, matagal na.

Kumunot lalo ang noo ni Lyric. Hindi naniniwala sa pinagsasasabi nito.

Wala na akong pakielam sa inyo, marahang sabi ng binata. Tumingin si


Lyle kay Cessa mga mata nito na tila nakikiusap. Hindi ako ang may gawa
noon.

Mahing bumulong ang dalaga, L-Lyric. . .

Napapikit si Lyric at bumuntong hininga bago niluwagan ang pagkakahawak


sa kwelyo ni Lyle. Inialis ni Lyle ang kamay ni Lyric. Nagkatitigan pa

muli ang dalawahindi pa rin naniniwala si Lyric dahil lahat ng kagaguhan


at kalokohan ay siguradong si Lyle ang may gawa.

Paalis na ang MyuSick nang magsalita si Lyle. Last year pa 'yung


picture, mahinang sabi nito. Napatigil sa paglalakad ang MyuSick at
nilingon ni Lyric ang dating kaibigan. Sa dati ko pang cellphone
nakasave ang picture na 'yun.

Saan mapupunta ang usapan na 'to?iritableng tanong ni Lyric.

May access ang mga naging babae ko sa cellphone ko. Baka isa sa kanila.

Naging interesado si Lyric sa sinasabi nito. Sino?

I dont know. . . and I dont care. Nanumbalik ang inis ni Lyric sa


sinagot ni Lyle. Naglakad si Lyle papunta sa hagdanan. May iba na akong
buhay. Hindi ko na kayo ginugulo kaya huwag niyo na rin akong guluhin.

Hindi pa nakakapagsalita si Lyric ay kaagad bumaba ng hagdan si Lyle. Sa


sinabi nito, nagkaroon ng dead end sa pag alam kung sino ang gumagawa ng
kagaguhang ito. Nang ilibot ni Ces ang paningin sa mga kasama, lugmok ang
mga ito. Nararamdaman niya ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

Dahil sa kanya, nagkakaroon na naman ng ganitong kaguluhan..

Habang pauwi ay tahimik ang lahat. Melo and Note kept telling her
everythings going to be fine pero hindi na siya bata para maniwala at
mauto. Alam na niya ang okay lang sa hindi okay. At ngayon, walang okay

sa nangyayari. Alam niya na sa bawat minutong lumilipas, parami nang


parami ang mga taong naiinis sa kanyasa MyuSick. Sa musika nila at
kinakain siya ng konsensya.

Umuwi sila nang bigo. Madilim na rin sa paligid nang makita ni Melo si
Erich na naghihintay sa labas nga kanilang bahay. Akala ng lahat ay si
Lyric ang pakay nito ngunit si Ces ang nginitian ng dalaga.

I just want to talk to her.

Nagkatinginan pa ang lahat bago bumaba si Ces ng kotse. Inaya ni Erich


ang dalaga sa isang coffee shop. Nag order si Erich ng kape not minding
Ces. Sumipsip ng kape si Erich bago kumalikot sa cellphone at tumingin
kay Ces.

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, marahang ibinaba ni Erich ang baso


ng kape. Pinanliitan ng tingin ni Erich ang dalaga nang muli siyang
magsalita. Ano 'to?

Pinakita ni Erich ang screen ng cellphone nitong pink at may burloloy pa.
Napatitig si Ces sa litrato na nandoonlitrato niya at ni Lyric na
pinakita sa telebisyon.

Hindi pa nakakapagsalita si Ces ay muling nagsalita si Erich. Ang kapal


talaga, Ces.

Unti-unting napatingin si Ces sa mga mata ni Erich. Ang mga tingin ni


Erich ay may halong pandidiri at pangungutya. Nagpintig ang kanyang
tainga at nakaramdam ng pagkairita si Ces sa narinig. Ano?

Ngumisi si Erich habang tinatago ang cellphone. Tiningnan nito si Ces


nang nakataas ang kilay. Tinuring kitang kaibigan, mahinang sabi nito.
Pero anong ginawa mo? Umirap muna ito bago nagpatuloy, nilandi mo ang
boyfriend ko.

Tumalon ang puso ni Ces sa salitang boyfriend. Boyfriend?

Si Lyric.

Napanganga ng kaunti si Ces. Lyric?

Tumayo si Erich na ikinagulat ni Ces. Inilapit ni Erich ang katawan nito


kay Ces, nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa upang makabalanse.
Hindi ko kasalanan kung ako ang ipinalit ni Lyle sa'yo noon. Lalong
nanikip ang dibdib ni Ces sa narinig. You know what sucks?

Nagtitinginan na ang mga tao dahil sa pagtaas ng boses ng dalaga.


Nakatahimik lamang si Ces, nagpipigil ng pagkairita at inis.

You fell. You fell deep. Katangahan ang mainlove, Ces, natatawang sabi
nito. So ano? Si Lyric ang aagawin mo para fair, ganoon? tumayo si
Erich at lalong nilukot ang mukha sa pagkainis. I didnt know you play
dirty. . . that much.

Ano bang

Dont you dare touch Lyric.

Kumunot ang noo ni Ces. Tumayo si Ces para magkapantay ang paningin nila
sa isa't isa. Tinitigan niya ng mabuti si Erich. Gustong gusto niya itong
sabunutan. Sapakin. Suntukin. Sipain at ihambalos ang lamesa sa
pagmumukha ni Erich para sa kanya at para kay Marky ngunit hindi niya
magawa. Sayang kasi ang lamesa, baka madumihan. . . at kung gagawin niya
man iyon ay siguradong madadagdagan ang init ng tingin sa kanya ng mga
tao.

Huminga nang malalim si Ces at tumalikod. Its nonsense to argue with a


fool so she decided to keep her cool.

* * *

Nang maglakad si Ces pauwi ay hindi siya tinigilan ng mga mata ng tao.
Nakatingin sa kanya ang mga tao. Hinuhusgahan siya ng mga tao sa kanyang
anyo. Sa mga litratong lumabas. Ganoon na lamang ang lahat. Sa mga
litrato at panirang kumento ay lalagapak siya sa lupa.

Bago pa siya makapasok sa kanyang kwarto, kaagad tumibok ang puso ng


dalaga sa narinig. Isang pagtugtog ng gitara. Isang boses ng lalaking
nagpapahina sa kanyang pagkatao. Naglakad siya papunta sa hagdanan ng
rooftop at nanatili roon.

You by the light is the greatest findIn a world full of wrong you're
the thing that's rightFinally made it through the lonely to the other
side

Napasandal siya sa pader sa may hagdanan at naupo. Gusto na sana niyang


magpahinga ngunit ang boses na iyon ang pumipigil sa kanya. Saya at sakit
ang sabay na naghahalo sa kanyang pagkatao sa naririnig.

You said it again, my heart's in motionEvery word feels like a


shooting starI'm at the edge of my emotionsWatching the shadows burning
in the dark,

Ramdam na ramdam ni Ces ang emosyon mula sa boses ng binata. Pakiramdam


niya ay nakikita niya sa kanyang isip ang itsura ni Lyric. Nag gigitara.
Nakaupo. Nakatingin sa kalangitan o kaya naman ay nakapikit.

And I'm in love and I'm terrified.For the first time and the last
timeIn my only life.

Hinayaan niya ang sarili na malunod sa kanta ng binata. Para mawala ang
mga problemang unti-unting bumabalot sa kanilang pamumuhay. Dahil sa
kanya. Sa katangahan niya. Sa nangyayari sa kanya.

This could be goodIt's already better than lastAnd nothing's worse


than knowing

Nag-iinit ang pisngi ni Cesunti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga


mata. Ilang sandali lang ay nagsimula nang tumulo ang luha sa kanyang mga
mata.

You're holding backI could be all that you neededIf you let me try

What are you doing there? Napaupo ng maayos si Ces nang marinig ang
boses ni Manager Lily. Kaagad niyang pinunasan ang mga mata dahil sa
pagluha. Bakit gising ka pa?

I only said it 'cause I mean itI only mean it 'cause it's true

Napatingala si Manager Lily na tila narinig ang boses ni Lyric na


kumakanta. Mula sa simangot ay napangiti ang Manager.

Ang ganda ng boses niya, hindi ba?

Kinakabahang tumango si Ces. Kaagad siyang tumayo at bumaba. Pabalik na


sana ang dalaga sa kanyang kwarto nang pigilan siya ni Manager Lily.
Kinakabahan siya dahil nakangiti ito. . . pero iba ito sa mga ngiting
sarkastiko ni Manager Lily. Isang ngiti ito na. . . natural. Sobrang
natural na tila wala silang problemang iniinda.

So don't you doubt what I've been dreaming'Cause it fills me up and


holds me closeWhenever I'm without you

Pakinggan mo siya, Ces.

Naguluhan si Ces sa sinabi ng Manager. A-Ano po?

Nawala ang ngiti ni Manager Lily at binuksan ang sariling kwarto.


Matulog ka na. Saka sinara ang pintuan pagkapasok.

* * *

Isang linggo na ay hindi pa rin tumitigil ang ingay tungkol sa kanila.


Sobrang ingay. Sobrang gulo. Parami na rin nang parami ang tumatambay sa
labas ng village nila just to have her picture. Dahil sa isang pangyayari
ay dumami ang sangkot. Parami nang parami na minsan ay nagiging joke na
ang lahat. Nagreklamo sila sa media ngunit hindi sila pinansin. Nagtanong
sila kung saan nanggaling ang mga kalokohang balita ngunit hindi
nagsasalita ang media. Habang patagal nang patagal, nasisira na rin ang
bandang MyuSick.

Thats when Ces decided everything that one faithful night.

Pinilit maging masaya ng dalaga. Nagluto rin siya para magsalu-salo sila
ng MyuSick. Nagtataka man ang mga kabanda ay nakisakay na lang din sila
sa kasiyahan ni Ces. Nasa sari-sarili nang kwarto ang banda nang kumatok
si Ces sa pintuan nila Note at Melo. Nang buksan ni Note ang pintuan,
kaagad niyakap ng dalaga ang kaibigan.

Anong mayroon? pagtataka ni Note.

Kahit kinakabahan ay ngumiti si Ces nang ibaon niya ang mukha sa dibdib
ng kaibigan. G-Goodnight.

Natawa ng kaunti si Note at niyakap din ng mahigpit si Ces. Ganoon lamang


sila ng ilang minuto hanggang sa tumikhim si Melo.

Napangiti si Ces at kaagad niyakap si Melo. Napangiti nang malawak ang


binata sa kasweet-an ng dalaga ngayong gabi. Nagkwentuhan pa ang tatlo
sandali bago magpaalam si Ces na si Pitch naman ang babatiin. Nagtataka
man ay um-oo na lamang ang mga ito.

Nang katukin ni Ces ang pintuan ng kwarto ni Pitch, kaagad itong binuksan
ng binata. Nagkatitigan sandali ang dalawa hanggang sa mapangiti si Ces
at niyakap si Pitch. Walang nagsasalita. Tahimik lang silang magkayakap.

Pitch.

Hm?

Salamat.

Nang maghiwalay sila ay ngumiti si Pitch sa kanya. Salamat din, mahina


nitong bulong. Tiningnan ni Pitch ang pintuan ng kwarto ni Lyric saka ito
nagpaalam sa dalaga at nagsara ng pintuan.

Tumayo si Ces sa harap ng pintuan ng kwarto ni Lyric. Nakatitig siya rito


dahil hindi mawala ang kaba na nararamdaman ng kanyang puso. Halong saya
at sakit muli ang kanyang nararamdaman. Gusto niyang kumatok ngunit hindi
niya magawang mag-ingay.

Huminga siya nang malalim at pinihit ang doorknob ng pintuan. Pagkapihit


ay nagulat siya nang bukas ang pintuan. Bumilis ang kabog ng puso ni Ces.
Gusto niyang tawagin si Lyric, sabihin ang pangalan nito ngunit hindi
niya magawa.

Pagkapasok ay sobrang dilim ng kwarto ngunit nadatnan niya si Lyric na


nakahiga sa sofa na tapat ng pintuan. Hinayaan ni Ces na bukas ang
pintuan upang pumasok ang liwanag mula sa hallwayhinayaan niyang
nakasara ang ilaw sa loob ng kwarto. Hinayaan niyang tulog lang si Lyric.

Habang papalapit nang papalapit sa kinahihigaan ng binata, pabilis nang


pabilis ang tibok ng kanyang puso. Gusto na sana niyang lumayo lalo na
nang gumalaw si Lyric ngunit tila mahimbing ang pagtulog ng binata.
Huminga nang malalim si Ces bago tuluyang lumapit sa binata. Tinitigan
niya ang mukha ng binatapinagmasdan ito at inaalala ang bawat anggulo
nito para hindi makalimutan. Napangiti si Ces nang mapansin kung gaano
kapayapa ang mukha ng bokalistakasing payapa sa tuwing kumakanta ito.

Hinawakan ni Ces ang pisngi ni Lyric. Just for the sake of touching him.
Pumikit siya at huminga nang malalim. Hindi ito tama. Kailangan niya
lumayo pero siya ang lumalapit. Nagtatalo ang kanyang utak sa kung ano
ang dapat at gustong gawin. Sumasali pa ang puso niyang hindi tumitigil
sa pagwawala.

Ilang segundong nakatitig si Ces sa mukha ni Lyric. Gusto na niya umalis.


Gusto na niya tumayo ngunit pinipigilan siya ng kanyang puso. Tumitig
siya kay Lyric hanggang sa napansin na lamang niya ang sarili na
lumalapit. Sa mga labi nito. Isang beses lang. Isa lang. Pagkatapos ay
wala na. Pumikit siya at hinayaan ang sarili na lumapit. Nararamdaman na
niya ang bagal ng paghinga ng binata na sumasabay sa bilis ng tibok ng
kanyang puso. She was almost there. Almost.

Ces. . . huwag. Tinigil niya ang sarili. Minulat niya ang kanyang mga
mata para itigil ang kahibangan. Kumalabog ang puso ni Ces nang makita
ang mga mata ni Lyric. Nakatingin sa kanyahalatang gulat sa presensya ng
dalaga. Kaagad lumayo si Ces ngunit nahawakan siya sa braso ng binata.
Pinilit bawiin ng dalaga ang braso at tuluyang tumayo sabay takbo.

Teka, Ces!

Tumakbo si Ces pababa. Napalingon siya nang marinig ang boses ni Lyric at
tila nahulog pa ito mula sa pagkakahiga sa sofa. Nagmamadaling kinuha ni
Ces ang susi ng lock ng gate sa lamesa. Kaagad siyang lumabas ng bahay.
Hindi ito ang plano niya. Everythings fucked up. Again, dahil sa sarili

niyang katangahan. Kinakabahan at nanghihina siyang tumakbo hanggang sa


buksan niya ang gate.

Ces, teka!

Hindi na lumingon si Ces. Nanghihina ang kanyang mga kamay nang isara
niya ang gate at ilock ito gamit ang hawak na susi. Nagkakamali pa siya
sa sobrang pagmamadali at panghihina ng mga kamay. Natataranta siya
dahil sa paghahabol sa kanya ni Lyric. Bago pa niya mailayo ang kamay sa
lock ay kaagad siyang kinapitan ni Lyric sa braso. Nakatingin ito sa
kanya mula sa kabilang parte ng gate. Nasa labas na si Ces, hawak ang
susi ng lock habang si Lyric ay nasa loobnakakulong. Nagsusumamo.

Ano to? pagtataka ni Lyric.

Umiling si Ces. Nag-uunahan na ang kanyang luha palabas ng kanyang mga


mata. Nahihirapan na siyang huminga lalo na nang tumitig sa kanya ang
binata. Nagtataka ang binata. Namumula at nangingintab ang mga mata dahil
naghahalo halo na ang emosyon sa pinapakita ng dalaga sa kanya. Ces, ano
to? Buksan mo 'yung lock, Ces. . .

Hindi na napigilan ni Ces ang paghagulgol sa harap ni Lyric. Nahahawakan


nila ang isa't isa. Nakikita nila ang isa't isa ngunit hindi pwede. Hindi
maaari. Bumibigat ang bawat paghinga ng dalaga. Gusto niyang manatili.
Gusto niyang makasama pa ang MyuSicksi Lyric. . . ngunit ang lahat ng
bagay ay nagwawakas.

Umiling muli si Ces at tumakbo palayo, hawak ang susi ng lock ng gate.
Pinipilit ni Lyric umakyat ng gate ngunit sobrang taas nito. Hindi siya
mahabol ng binata. Dapat lang. Dapat lang siyang hindi mahabol ng lahat
dahil kailangan niyang lumayo. Sa kanila. Sa lahatdahil siya ang toxic
ng napaka gandang samahan.

Nanatili si Ces sa isang convenience store. Kinausap niya ang cashier


kung pwedeng makitawag. Nginitian siya ng cashier na tila ba kilala siya
nito at umoo. Nanginginig ang mga kamay ni Ces nang idial ang number ng
taong kailangan niyang kausapin.

Nakailang ring pa muna bago ito sinagot ng kabilang linya.

Who the hell calls at the middle of the night?!

Typical Manager Lily. . . walang hi or hello. Nangingiti si Ces habang


naluluha. Hindi na rin niya iniinda kung mapagkamalan siyang baliw ng
cashier, guard at ilang tao na bumibili sa store. It was nice hearing
Managers voicefor the last time, that is.

Manager, mahinang pagbanggit ni Ces.

Bumibigat muli ang kanyang paghinga. Tulo nang tulo ang kanyang luha.
Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak ang telepono.

Whos this? Pwede bang ipagpabukas na lang 'yan, inaantok na ako.

Ngumiti muli si Ces. Hindi na niya pinatagal pa ang sasabihin kahit hirap
na hirap siya. Kahit labag ito sa loob niya. Kahit masakit ay kailangan
niya itong gawin. Lumayo. Mawala. Lalo na't may nararamdaman siyang hindi
nararapatpara rin tumigil na ang ingay na hindi nararapat sa banda.

Manager Lily, pag-uulit ng alaga.

Ano ba? Sino ba it

Hindi na pinatapos ni Ces sasabihin ng Manager.

I quit, pabulong na sabi ng dalaga. Kaagad niyang ibinaba ang telepono


at napayuko dahil sa mabilis na agos ng luha sa kanyang mga mata. Hindi
niya mapigilan. Sobrang sakit pero ito ang nararapat.

Sinong mag-aakala na dalawang salita lang ang maghuhudyat ng katapusan ng


lahat?

Dalawang salita lamang.

~ ~ ~Author's Note:Yung pinuno ako ng "UPDATE PLEASE" sa comments,


facebook at sa message? Jusko po guys, natatawa ako lalo na't pati si ate
Lily, nakikidemand. Ayan na nga, para hindi na kayo mabagot kakahintay.
Mahaba 'yan kaya next month na lang ang sunod na update! Hahahaha!
Pakinggan niyo po ang kanta sa right side (multimedia section) kras na
kras ko si Kaye Cal at ang boses niya. Babae po siya.
This chapter is dedicated to Anna! Si Anna ay si wannabells sa twitter na
ka-partner in crime ni biancanism na nag uusap lagi tungkol sa TTLS.
ANKYUT LANG DI BA? Huhuhuhu so ayun. Ngayon ko lang kasi nalaman ang mga
wattpad account nila kaya ngayon lang ako nakapagdedicate. Hi Anna!
Maraming maraming salamat sa pagiging affected lagi sa TTLS. Sa mga
tweets mo at sa palitan niyo ng kuro kuro. Pati na rin pala sa pambobola
hahaha! Kinikilig ako sa'yo at sa inyo ni Bianca! Mehehehe thank yooouu
dahil hindi talaga kayo bumitaw.

=================

53 // The Young Mistress


Everything we shut our eyes to, everything we run away from, everything
we deny, denigrate or despise, serves to defeat us in the end. What seems
nasty, painful, evil, can become a source of beauty, joy, and strength,
if faced with an open mind. Every moment is a golden one for him who has
the vision to recognize it as such." Henry Miller

~ ~ ~

Sorry. . .

Paulit-ulit na binanggit ni Ces ang mga salitang ito habang naglalakad sa


kahabaan ng kalsada. Tanging ang ilaw lamang sa ilang posteng magkakalayo
at liwanag ng buwan ang nagbibigay ng liwanag sa kadiliman.

Madaling araw na. . . kakaunti na rin ang mga taong naglalakad pero siya?
Patuloy lang. Walang patutunguhan. Naghihingalo na sa pag-alala ng lahat
ng katangahang ginawa niya sa buhay niya.

Sorry. . .

Iyak tawa ang ginawa ni Ces habang inaalala ang lahat. Natatawa sa mga
masasayang bagay ngunit naiiyak dahil winakasan na niya ang sayang iyon.
Niyakap ni Ces ang sarili habang tulo nang tulo ang kanyang luha.
Napatitig lamang siya sa susi ng padlock ng gate na hawak ng kanyang
kamay. Sa dinami-dami ng pwedeng kuhanin. . . padlock pa ng gate. Hindi
na talaga gumagana ang utak niya ng matino.

Sorry. . .

Kahit anong iwas niya ay pilit pumapasok sa kanyang isip ang mga kabanda.
Sa bawat pagpikit niya ay nakikita niya ang seryosong mukha ni Pitch at
ang sama ng tingin ni Manager Lily. Sa bawat lingon ay naririnig niya ang
mga jokes ni Melo na sinasabayan ng pagtawa ni Note. Sa bawat tingin niya
sa paligid, nakikita ni si Lyricang mga mata ni Lyric. Ang mga mata
nitong nagsusumamo.

Ces, mahal kita.

S-Sorry.

As if on cue, biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan. Walang warning.


Biglaan na langat lalo siyang nakaramdam ng lamig at pag iisa. Lalo
siyang nakaramdam ng sakit at lumakas pa ang kanyang pag iyak. Hindi na
niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. It's for the best and yet
she's hurting inside. Naalala niya ang sinabi ni Boss sa kanya rati.

Ang pagmamahal ay natural na nararamdaman ng isang tao. Biglaan. Walang


warning.

May warning na eh, hindi pa siya nadala.

Napalingon si Ces sa malakas na busina mula sa kanyang likuran. Nasilaw


pa siya sa lakas ng head lights nito. Nang mawala ang ilaw, nanliit ang
kanyang mga mata nang makita ang taong nasa drivers seat na nakangisi sa
kanya.

Si Keng.

Get in, pag-utos ni Keng kay Ces.

Nahihiya man ang dalaga dahil basang basa siya ay sumakay siya sa kotse
ni Keng. Hiyang hiya siya dahil tulo nang tulo ang buong katawan niya sa
dahil sa ulan. Kahit ang susing hawak ay basang basa na. Nakangisi si
Keng habang nakakunot noong nakatingin kay Ces. Pinatay ni Keng ang
aircon at binigyan ng twalya ang dalaga mula sa likuran. Anyare sayo?

Nakatigil lang ang kotse. Naghihintay si Keng pero hindi nagsalita si Ces
nang may biglang bumusina sa likod ng kotse ni Keng. Sa sobrang pagkaasar
ay binaba ni Keng ang bintana at pinagmumura ang driver na hindi
mapakaling nag over take sa kanila.

Pakyu ka! Ang laki laki ng daan bubusina ka sa likuran ko! Gago! tuloy
tuloy na sabi ni Keng. Asar na asar si Keng pero binaling niya ang tingin
ka Ces na tuyo na ang katawan kahit papaano. Bakit ka ba basang basa?
Gumagawa ka ng music video?

Ha?

Ewan. Balik na tayo sa Myusick

Huwag!

Nagkatinginan si Keng at Ces. May pagtataka sa mukha ni Keng, ineexamine


si Ces na uneasy ang pakiramdam. Mabigat ang bawat pahinga ni Ces at
kahit naguguluhan si Keng ay pakiramdam nito ay nagegets niya ang
vocalist.

Bakit?

Napayuko si Ces at huminga ng malalim bago nagsalita. Kinuyom niya ang


kanyang mga kamay habang naaalala ang mga mukha ng kasamahanang mga
pagtatakalalo na si Lyric.

Nagquit na ako.

Seriously?

Nanlalaki ang mga mata ni Keng habang nakatingin kay Ces. Hindi na rin
iniinda ni Keng ang mga busina sa likuran dahil nakatigil sila sa tabi.
Tahimik lang ang dalawa. Keng wants an explanation. Ces wont talk.
Napabuntong hininga na lamang si Keng at pinaandar ang kotse. Tahimik
sila sa buong byahe habang malakas ang ulan. Tumigil lamang sila nang
makarating sila sa tapat ng isang malaking itim na gate.

Nagbusina si Keng at ilang sandali lang ay awtomatikong bumukas ang gate.


Nang paandarin muli ni Keng ang kotse, isa-isang nagbukas ang ilaw mula
sa kalsadang dinadaanan nila papunta sa napaka laking mansyon.

A-Ano 'to? manghang mangha si Ces habang nakatingin sa mansyon.

Duh, bahay? Lumabas si Keng at umikot papasok ng mansyon ngunit tumigil


dahil hindi pa rin lumalabas si Ces. Binuksan ni Keng ang pintuan sa side
ni Ces at tiningnan ng nagtataka ang dalaga. Eh kung lumabas ka kaya
d'yan at basang basa na ang loob ng kotse?

Kaagad lumabas si Ces at nagulat siya nang may mga katulong na lumapit sa
kanya para patuyuin ang kanyang buhok. Pigain ang kanyang damit at kung
anu-ano pa. Hindi makapagsalita si Cesgulat na gulat siya hanggang sa
makapasok sila sa mansyon at malula sa sobrang laki nito. Sobrang yaman
nila Keng.

Nakaramdam siya ng panliliit. . . marahil ay ganito ang naramdaman ni


Pitch noon.

Patuyuin niyo siya doon sa taas. Kausapin ko lang yung halimaw, aalis
din kami, pag-uutos ni Keng sa mga katulong. Pakituyo na rin 'yung loob
ng kotse. Umulan sa loob eh. Sinamaan ng tingin ni Keng si Ces bago
pumasok sa isang glass box si Kengnanlaki ang mga mata ni Ces nang
umakyat ito! Isang glass elevator! Sa loob ng mansyon!

Manghang mangha si Ces habang tinutulungan siya ng mga katulong papunta


sa isang malaking kwarto. Mas malaki pa ito sa kwarto niyaat ng mga
kasamahan niya sa MyuSick. Ugh. MyuSick na naman. Sila na naman.

Dapat na niya matutunan kung paano lumimot para wala na lang masaktan.

Nang iwan siya ng mga katulong sa kwarto para makapag bihis ng tuyong
damit, hindi maiwasan ni Ces ang mapatingin sa paligid. Pink kasi ang
buong kwarto mula sa kisame, pader, carpet hanggang sa mga kagamitan.
White at pink ang motif ng buong kwartolacey din ang karamihan ng mga
tela. Babaeng babae.

Habang nagpapalit ng damit, napunta ang atensyon ni Ces sa isang litrato


sa puting cabinet. Hindi pa siya makapaniwala ngunit alam niyang hindi
siya niloloko ng kanyang mga mata. May nakita siyang isang picture frame
na may litrato ng isang teenager na babae.

Si Kengall dressed uplike a porcelain doll.

A-Ang. . .ang cute niya.

Thanks.

Napalingon si Ces nang buksan ni Keng ang pintuan ng kwarto. Kaagad


sinuot ni Ces ang shirt at may pagtataka sa mga mata ni Keng habang
nakatingin sa may dibdib ni Ces. She dismissed the thought at nginitian
si Ces.

Thanks but no thanks. Hindi 'yan si Kenglets go?

Saan? takang tanong ni Ces.

Duh.

Hinila siya ni Keng pababa. Yumuko pa ang mga katulong na nilampasan


nila. Tumila na rin ang ulan nang makalabas sila ng mansyon. Ilang
segundo lang ay may kotseng dumating sa harap nila, minamaneho ng isang
lalakiibang kotse naman ito.

Nasaan 'yung. . .

Bago sumakay si Keng ay tiningnan niya si Ces ng nakataas ang kilay. Sa


tingin mo gagamitin ko pa 'yun kung nabasa na 'yung loob? sumakay ito sa
drivers seat at ganoon din si Ces, sa tabi nito. Plus, hindi akin 'yung
kotse. Sa katulong 'yon.

Nanlaki ang mga mata ni Ces. Kotse? Ng katulong niyo?

Natawa si Keng na para bang nagjoke si Ces. Pinaandar na nito ang kotse
at humarurot palabas. Duh. Mayaman kami.

Tahimik muli sila sa kahabaan ng byahe. Napatitig lamang si Ces kay Keng
wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ng kasama ngunit alam niyang
hindi siya pababayaan nito. Sana. Napatitig siya kay Kengkitang kita ang
piercings nito sa tainga lalo na ang sleeve tattoo nito. Ibang iba ang
aura ni Keng kapag nakapormamas nakakatakot yet ang cool tingnan. Cool
chick. Ibang iba rin ito sa itsura ng Keng noon. . . ang Keng na hindi
ngayon. Habang naaalala ang picture ng isang manikang babae ay hindi siya
makapaniwalang si Keng ang babaeng iyon.

Sobrang layo pero malapit din.

Maraming pumasok sa isip ni Ces habang kinakacalcula ang lahat ng


pagbabago kay Keng. Wala namang nagbago sa mukha nito so walang plastic
surgery ngunit ang mga tattoo nito sa katawan ang nagsasabing isa siyang
rebelde mula sa dolled-up girl na nasa litrato kanina. Imbis na long
sleeves na white at pink lacey dress, naka fitted shirt ito na bakat ang
buong katawan. Imbis na doll shoes ang suot ay nakaboots itong kulay
itim. Imbis na pearl earrings at mga mamahaling kwintas at purselas ay
naka studs ito na choker na tumatakip kahit papaano sa mga tattoos.
Napaka raming piercing sa tainga. . .at sa totoo lang, hindi na kailangan
ni Keng ng accessories dahil ang tattoo na nito ang accessories niya.

Kapag nalusaw ako sa mga titig mo, mababangga tayo. Napaiwas ng tingin
si Ces sa biglang pagsasalita ni Keng. Yumuko siya at nanahimik. "Alam
ko, malaki talaga ipinagbago ko. Hindi kasi ako iyon."

Nilingon ni Ces si Keng. Nakatingin lang ito diretso sa kalsada.

"Bakit ka nagbago?" tanong ng dalaga.

Ngumisi si Keng at tiningnan sandali si Ces saka ibinalik ang tingin sa


daan. "Kasi hindi ako 'yon. Kasi ang nakita mo sa litrato, maskara ng
babaeng hindi naman ganoon. Nakakasawa magpanggap. Gusto kong maging
malaya mula sa mga kashitan na 'yun."

Nakatingin lang si Ces kay Keng. Keng is such a mystery for her. . . pero
sino bang hindi? Lahat ng tao ay may lihim. Lahat ng tao ay may sarisariling tinatago. Sariling maskara. Kahit siya mismo ay may tinatago,
napaka raming sikreto.

Ngumiti si Ces kay Keng, "mas gusto ko si Keng ngayon."

Tiningnan ni Keng si Ces ng nagtataka. Kumunot ang noo nito sandali


ngunit hindi na nagsalita si Ces. Ibinaling na lang ng dalaga ang tingin
sa bintana. Narinig ni Ces ang malakas na pagbuntong hininga ni Keng.
Binuksan nito ang radyo ng kotse at napangisi sa narinig na tugtog.

Do you feel the way I do right now?I wish we would just give upCause
the best part is falling

Oh, boses mo, natatawang sabi ni Keng.

Halos hindi na makahinga si Ces nang marinig ang boses sa radyoang


kantang iyon. Then after some seconds, narinig niya ang boses nilang
dalawa ni Lyric. Blending together.

Call it anything but love

Binuksan ni Keng ang bintana ng kotse at pinapasok ang malakas na hangin


dahil sa bilis ng kanilang kotse. Sobrang sarap lalo na't malamig ang
simoy ng hangin at wala pang ibang kotse. Joyride.

And I will make sure to keep my distanceSay, "I love you," when
you're not listeningAnd how long can we keep this up, up, up?

Ang ganda ng boses niyo, no? pinatong ni Keng ang kaliwang braso sa may
bintana habang nakahawak ang kanang kamay sa manibela. Tumingin siya kay
Ces. Ganda ng blending.

Hindi makaimik si Ces dahil naglalaban ang puso't utak niya sa naririnig.
Kung kailan dapat niyang kalimutan ang lahattska pa nagpaparamdam ang
mga kanta nila ni Lyric. Huminga siya ng malalim at tiningnan ang
kalsada, inaalis ang konsentrasyon sa naririnig na kanta.

Please don't stand so close to meI'm having trouble breathingI'm


afraid of what you'll see right now

Pwedeng. . . Hindi na niya kaya.

Hm?

Nakakaramdam ng sobrang kaba sa naririnig si Ces. Gusto niya makalimot


pero paano siya makakalimot kung sa bawat sulok ng pagkatao niya ay
sinisigaw na kasali siya sa MyuSick?

Paki ano.

Ano nga? Hindi ako nakakaintindi ng 'Ces language', pwede ba? iritang
sabi ni Keng habang nakakunot noo. Pabalik-balik ang tingin kay Ces at sa
kalsada.

I give you everything I amAll my broken heart beatsUntil I know


you'll understand

Yung kanta sana...

Lakasan? Waw, hindi ko akalaing medyo

Napapikit si Ces at huminga ng malalim. Hindi. Pakipatay.

What?

And I keep waitingFor you to take meYou keep waitingTo save what we
have

Pinatay ni Keng ang radyo habang napapatitig ng kaunti kay Ces. Nakayuko
lamang si Cesat napansin na lamang ni Keng ang mga luhang tumutulo mula
sa mga mata ng dalaga. Natigilan si Keng at nanahimik. Hindi sila
nagpansinan hanggang sa tumigil sila sa tapat ng isang bahaymalaki
ngunit hindi kasing laki ng mansyon nila Keng o ng bahay ng MyuSick.

Ugh. MyuSick na naman.

Sa bagong pinuntahan nila, wala nang driver o mga katulong na yumuko para
sa kanila. Diniretso ni Keng sa garahe ang kotse at tinigil ito. Tahimik
ulit ang dalawa.

Pwede kang magstay dito kung wala kang pupuntahan, mahinang sabi ni
Keng. Nakatingin lang sa harapan.

Tiningnan ni Ces si Keng at nagsimulang tumulo na naman ang mga luha sa


dalaga. Pinipigilan niya ito ngunit hindi siya makapaniwala sa sinasabi
ni Kenghindi siya makapaniwala na tinutulungan siya ni Keng. Hindi kaya
magkaibigan na sila sa lagay na ito?

Pagkababa nilang dalawa ay naunang


Sumunod si Cesbago pa makalayo si
ng shirt ni Keng. Naghehesitate pa
Keng ang kanyang kamay ngunit good
paglalakad pero hindi humarap.

pumasok sa loob ng bahay si Keng.


Keng ay hinawakan ni Ces ang laylayan
nga siya dahil baka biglang putulin ni
thing dahil tumigil si Keng sa

Salamat sa pagtulong, Keng.

Unti-unting lumingon si Keng kay Ces at nakaramdam ng kakaibang takot si


Ces sa mga ngisi ng kaharap. Iba itong takot na naramdam niyamay
something wrong. Pakiramdam din niya ay nakakita siya ng black aura sa
paligid nito habang nagsasalita.

Tulong? Ano ka, swerte? Walang madali sa mundo, paghirapan mo ang


pamumuhay mo.

A-Ano?

Lalong lumawak ang ngiti ni Keng at hinawakan ang braso ni Ces upang
ialis sa pagkakahawak sa kanyang shirt. Simula ngayon, tawagin mo akong
Young Mistress, ang sarap pakinggan, hindi ba?

Si Keng lang ang tanging babaeng makakapagpataas ng balahibo ni Ces sa


takot na nararamdaman. Mas nakakatakot pa kay Manager Lily at boss
combined. Seryoso.

* * *

CES!

Dalawang linggodalawang linggo na ang nilalagi ni Ces sa bahay ni Keng


na apparently ay isa siyang maid ng young mistress.

Nagmamadaling bumaba si Ces mula sa kwartong binigay sa kanya ni Keng at


nagpunta sa sala. Nakita niya doon si Keng na nakahead band, messy bun,
sando at shorts habang naglalaptop at nakabukas ang TV.

Tawag mo ako? tanong ni Ces.

Tiningnan ng masama ni Keng si Ces at sinimangutan. Ay hindi, trip ko


lang sumigaw, iritableng sagot nito. CES!

Young Mistress. Napangisi si Keng sa tawag sa kanya ni Ces. Itinuloy ni


Ces ang sasabihin, ano hong maipaglilingkod ko?

Ayan, very good. Ngumisi muli si Keng at tinuro ang remote na nasa
lamesa, ilang metro lang ang layo. Pakikuha nga 'yung remote, hinaan mo
'yung volume tapos pakibalik doon.

And yes, malakas ang trip ni Keng for some odd reason.

Sa dalawang linggo ay hindi papalya si


Hindi rin ito pumapalya para pahirapan
Wala lang. Trip lang niya. Madalas din
ginagawa kaya pantitrip lamang kay Ces
oras.

Keng upang utos-utusan si Ces.


ang dalaga for no apparent reason.
kasi si Keng sa bahay at walang
ang madalas nitong pampalipas

Wala na ring alam si Ces nangyayari sa MyuSick. Hindi na rin niya alam
kung ano na bang nangyari kay Erich o kay Lyric o sa kanilang dalawa. Sa
pagkakaalam niya ay malapit na ipalabas ang independent film pero hindi

niya alam kung kailan. Hindi na niya matandaan. . .sa totoo lang, masaya
siyang hindi na niya masyadong natatandaan ang ilang detalye patungkol sa
MyuSick o sa bahay nito.

Its good this way'yung wala na lang siyang kuneksyon para hindi sila
mahirapan lahat-lahat.

Nang umabot ang pangatlong linggo, kahit papaano ay nadidistract na rin


si Ces at hindi na masyadong naiisip ang MyuSick. Tila ba nakatadhana
nang makita niya muli si Keng para makalimot. Hindi na niya kailangan
gumawa ng paraan para mag move on dahil si Keng na ang gumagawa ng paraan
para maging busy siya. Sa sobrang daming ginagawa, kahit kaunting pahinga
ay hindi niya magawa.

Madalas siyang gumising ng umaga para ipaghanda ang break fast ni Keng at
matutulog ng madaling araw para ihanda ang midnight snack nito. Hindi pa
natatapos ang lahat dahil in between ay may mga utos itong pagtimpla ng
kape, pagmasahe ng likuran, pagbukas at pagsara ng TV at kung anu-ano pa.
Silly request pero sobrang nakakatulong kay Ces upang makalimot.

Sobrang alila siya pero hindi niya rin inaakala na mabait din kahit
papaano si Keng dahil noong isang araw ay dinala siya nito sa isang mall.
Syempre, siya pinagbitbit ng mga damit, gamit at kung anu-ano pa pero
lahat ng pinamili ni Keng ay para sa kanya.

Kakaiba talaga maging mabait si Keng.

Naging madali ang lahat kay Ces habang kasama si Keng. Well, almost
except sa mga utos na hindi na makatwiran lalo na ang pagsayaw o pagkanta
para lang maaliw ang Young Mistress. Minsan ay pinagbabasa rin siya nito
ng mga libro at pinapakwento sa kanya ang mga nangyari. Sasabiin ang
ending o ang exciting part at kung irerate ay gaano ito kaganda. Hindi
malaman ni Ces kung parusa ba iyon o swerte.

Madalas nakatutok si Keng sa TV particularly sa palabas ng Pinas.


Nakakapagtaka dahil noong nakaraan ay diring diri si Keng sa palabas ng
Pinas pero nitong mga nakaraang araw ay nakatutok siya rito.

Madilim na ang paligid habang nakatingin lang si Keng sa TV. Paakyat na


si Ces at gusto sana niyang siguraduhin na hindi ipapapatay ni Keng ang
TV sa kanya. Sigurado kang

Matulog ka na nga, may kailangan pa akong panoorin.

Pero. . .

Shut up. Go to sleep.

Nagtataka si Ces sa mga kinikilos ni Keng dahil may inaabangan ito sa TV.
Sigurado siyadahil hanggang sa mag final airing na ng Lupang Hinirang,
hindi pa rin pinapatay ni Keng ang TV.

Sa sumunod na araw, nagulat si Ces dahil hindi siya ginising ng napaka


lakas na sigaw ni Keng na tinatawag ang kanyang pangalan. Iniayos niya
ang kanyang sarili bago lumabas ng kwarto at nakita niya ang Young
Mistress na bihis na bihis.

Saan ka pupunta? kaagad na tanong ni Ces.

Napatigil si Keng sa pabalik-balik na lakad sa kanyang kwarto at kung


saan pa at tinignan si Ces. Wala kang karapatan tanungin ang Young
Mistress mo.

Napatahimik si Ces. Ilang sandali lang ay umakyat si Yka, ang nag aayos
ng schedule ni Keng.

Ah Miss Keng. Binaling ni Keng ang tingin kay Yka. Tumawag po si


Direk. Hindi raw tuloy 'yung VTR.

Kaagad nagtaka si Ces. VTR?

Malawak ang ngiti ni Yka nang tumingin siya kay Ces. Ay oo! Mag
aaudition kasi si Miss Keng sa isang commercial!

Hindi malaman ni Ces kung ngingiti ba siya o magtataka. Nakita niyang


pinandilatan ni Keng si Yka at sumama ang tingin sa katulong. Isa pang
salita mo, baka madikit yang bibig mo sa lupa.

Humagikgik lamang si Yka. Kitang kita ang pagkadismaya at pagkairita sa


mukha ni Keng nang pumasok ito sa kwarto.

Huwag niyo akong guguluhin sa kwarto! sigaw nito.

Bakit siya sasali sa commercial? pagtataka ni Ces.

Baka dahil kay Sir.

Napatingin si Ces kay Yka na ngiting ngiti pa rin. Sinong Sir?

Ngiti lang binigay na sagot ni Yka nang bumaba ito. Masayang masaya pa at
tila kinikilig. Naiwan si Ces sa tapat ng kwarto ni Keng. Nakatitig sa
pintuan ng Young Mistress. Nagtataka sa mga nangyayari.

Anong mayroon?

* * *

Mag iisang buwan na siya sa bahay ni Keng. Hindi pa rin mapakali si Keng
habang naghihintay ng kung ano man sa palabas sa TV. Matatawa sana si Ces
kung malaman niyang nag aabang ng teledrama si Keng ngunit napapansin
niyang madalas itong maglaptop habang bukas ang TV na mahina pa ang
volume.

Weird.

Isang araw ay sinabihan siya ng kanyang Young Mistress na aalis sila. Ang
destinasyon nila? Cake shop. Pinagbihis siya nito ng matino, emphasizing
sa matino na tila ba hindi nagdadamit ng matino si Ces. Nasa kotse na
sila nang magtanong ang dalaga sa Young Mistress..

Yung ano

EHEM? taas kilay na pagpapapansin ni Keng kay Ces.

Napalunok ang dalaga. Uhm, Young Mistress. . .


kamusta na?

yung cake shop po,

I dont know and I dont care. Ngayon pa lang ulit ako babalik doon.
Nakatingin lamang si Keng sa kalsada. Binuksan niya ang radyo at buti na
lang, metal rock ang tugtog. Sinasabayan ni Keng ang tugtog ngunit hindi
makarelate si Ces.

Pero, hindi ba nagtatrabaho ka roon? takang tanong ni Ces, nakatingin


kay Keng. Naghihintay ng sagot.

Dati. Ngumisi si Keng. Pero nakuha ko na ang kotse ko kaya wala na


akong pakielam sa cake shop. Its not minesa halimaw 'yun.

"Halimaw? pagtataka ng dalaga.

"Tatay ko."

Tumango tango na lamang si Ces. Halimaw ang tawag ni Keng sa kanyang ama.
Ang saya lang. Nang makarating si Ces sa cake shop, napatingin sa
paligid. Iba na ang mga taong nandoonang mga bantay, ang cashier at
kahit na ang manager. Nag-iba na rin ang prices ng cakes at ang ilang
disenyo. Ang tagal na ring nawala ni Ces sa cake shop at nakaramdam siya
ng saya kahit papaano at nakabalik siya rito.

It felt nostalgic. Naaalala niya kung gaano kasimple ang buhay niya noong
nagtatrabaho siya rito. . .and now, customer na lang siya. Katulong ng
anak ng may ari ng cake shop. Ang daming nangyari for the past few months
na hindi niya akalain na malapit na mag isang taon ang pangyayaring
nagbago sa buong buhay niya. Nakakatuwang isipin na dati rati ay nasa
likuran siya ng counter na iyon at ngingiti kapag may papasok ng
customer.

Iba ang realidad niya noon. Tahimik lang ang buhay niya bago pa makilala
si Lyle. Nakatira siya sa attic. Nagbabayad ng rent. Mataas ang grades.
Nag aasam na grumaduate ng Magna Cumlaude. Marami ring nagsasabi na
kakayanin niya iyon dahil matalino siya at masipag mag aral. Masaya pa
siya noon kasama si Marky na paiba iba ang lalaking nakakasama. Masaya pa
siya noon bago pa ang lahat. Ang realidad niya noon ay simple lang.

Ngayon ay iba na ang lahat. Ibang iba na.

Baka malusaw 'yung store kapag tinitigan mo. Eh kung kumain na kaya
tayo? iritableng sabi ni Keng.

Hindi na umimik si Ces habang kumakain. Tahimik lang sila ni Kengwalang


nagsasalita. Mukhang may malalim ding iniisip si Keng kaya hindi siya
pinapansin nito. Ilang sandali lang ay may mga babaeng nahahagikgikan na
pumasok sa shop.

Excited na ako! kinikilig na sabi ng isang babae sa mga kasama nito.

Dumiretso ang grupo ng mga babae sa counter at namili ng cake. May isang
nagsalita, eh sino ba 'yung MyuSick na 'yon?

Nanigas sa kinauupuan si Ces sa narinig. Bumilis ang tibok ng kanyang


puso nang marinig ang salitang iyon. Pero. . . pupwedeng hindi ang
naiisip niya ang pinag-uusapan ng mga babae. Marahil ay Music iyon in
general at hindi ang banda. Unconsciously siyang nag aabang ng susunod na
sasabihin ng mga babae. Pagtingin niya kay Keng, napansin niyang
natigilan din si Keng sa kinauupuan.

Sila lang naman ang hottest band group ever.

MyuSick. Halos hindi makahinga si Ces just by thinking about the band.
Ilang linggo na ring nawala sa isip niya ang mga iyon at ngayong nagbalik
na naman. . . nagbalik din ang saya at sakit.

At sila rin ang tutugtog sa bar mamaya sa HindiKoAlamPangalan Bar!

Sinundan ng tingin ni Ces si Keng nang tumayo ito at nagbaba ng pera sa


counter. Binigyan din siya ng pera ng Young Mistress na kanyang
ipinagtaka.

Kaya mo naman umuwi mag-isa, hindi ba? May pupuntahan ako, with that,
Keng left Ces at lumabas ng cake shop. Napatitig si Ces sa perang
ibinigay ni Keng. Limang libong piso.

Limang libo? Para sa pamasahe?

Huminga nang malalim si Ces at napatingin sa mga babaeng kinikilig habang


palabas ng cake shop. MyuSick. Nagtalo na naman ang puso't isipan niya.
So what? Ano naman kung malapit ang MyuSick sa kinauupuan niya? Ano naman
kung kaunting tumbling lang ay pwede na niya ulit makita ang MyuSick?
Masilayan. Mahagkan. Makangitian. Makita.

Huwag. Kailangan mo lumayo. Pag-uulit niya sa sarili nang lumabas siya ng


cake shop. Patuloy lang siya sa paghindi sa sarili habang naglalakad sa
kawalan. Nawawala na rin siguro siya sa sarili dahil nagtatalo talo ang
buong pagkatao niya sa dapat gawin. Gusto niya pumunta. Pero ayaw niya.
Gusto niyang makita sila. Pero hindi pwede.

Gusto niyang makita siyapero siguradong babalik na naman ang lahat.

Ang lahat lahat sa kanya.

She closed her eyes at nag isip sandali hanggang sa narealize na lang
niya, nasa tapat na siya ng HindiKoPoAlam Bar at nakakarinig na siya ng
mga sigawan sa loob. Is it a sign?

Nilakasan ni Ces ang kanyang sarili. Isang sulyap lang, pagpapaalala niya
sa sarili habang papasok ng bar.

kamusta ka na?

Napatigil si Ces nang marinig ang boses na na umalingawngaw sa buong


kadiliman ng bar. Kaagad siyang nanghina. Gusto na niyang lumabas ngunit
paglingon sa likuran ay ang daming taong naghihintay sa kanya na nakapila
papasok.

Sana ikaw ay laging masayaKasamang mga kaibigan mo

Kinikilabutan si Ces habang naglalakad papunta sa gitna. Nanginginig ang


kanyang kamayang kanyang bibig at ang kanyang mga tuhod. Hinang hina
siya hanggang sa makapunta siya sa pinaka likuran. Napapikit pa siya
dahil nakikita na niya ang stage. Huminga siya ng malalim upang
pakalmahin ang sarili.

Pakinggan mo ang sasabihin ko

Kapag dumilat siya, makikita niya ang MyuSick.

Aaminin koSa lahat ng taong nandito

Kapag dumilat siya, babalik ang lahat.

Aaminin koIkaw pa rin ang hinahanap ko

Kapag dumilat siya, masasaktan siya.

Tanda mo pa baMga panahong tayo ay laging magkasama

Is the MyuSick worth the pain?

Pagkadilat ay naramdaman niya ang mga luha na umagos sa kanyang pisngi.


Napahawak siya sa kanyang bibig habang nakatingin sa stage at nakikita si
Lyric na kumakanta habang nakapikit. Kahit sa layo ni Ces ay kitang kita
niya ang amo ng mukha ng bokalista. Nilibot niya ang tingin sa stage
taimtim na nag gigitara si Melo at Noteganoon din ang mahinang pagpalo
ni Pitch. Ang MyuSick.

Puno ng ligayaDi ko naisip na bigla na lang nawala

Napasandal si Ces sa pader habang nakatingin sa buong banda. Hindi niya


mapigilang humagulgol. She missed those guys. Gustong gusto niya tumakbo
sa stage at yakapin isa-isa ang mga ito. Gusto niyang isigaw na nagkamali
siya at gusto niyang bumalik. Gusto niya bumalik. Gusto niya hagkan ang
mga ito. Gusto niya makasama ulit ang mga lalaking iyon.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. Pasalamat siya at malakas ang sound


system dahil hindi siya naririnig ng mga taong malapit sa kanyasarili
lang niya ang nakakarinig ng bawat hikbi niya. Sarili lang niya ang
nakakaramdam ng bawat bilis ng tibok ng kanyang puso. Sarili lang niya
ang nakakaramdam ng sakit sa bawat pagkabig ng puso niya.

Ces?

Napatingin si Ces sa biglang tumawag sa kanya. Boses iyon ng babae ngunit


hindi niya kilala. Napapunas siya ng luha sa kanyang mukha habang
nakikipagtitigan sa babae.

Ces ng MyuSick? tumaas ang boses ng babae.

Nakaramdam ng takot si Ces. Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo


sa kanyang mukha.

Nanlaki ang mga mata ng babae habang pinapalo ang kasamang lalaki sa
isang table. Omaygahd, si Ces! Bumalik si Ces! Bumalik na siya!

Tumaas ang halos lahat ng balahibo ni Ces nang lumingon ang mga tao sa
kanya at nanlalaki ang mga mata. Nanghina siya bigla lalo na nang tumigil
ang tugtog dahil sa ilang sigawan. Pakiramdam niya ay hilong hilo na
siya. Bago pa makatakbo si Ces, nakita niya ang buong bandasi Melo, si
Pitch, si Note at si Lyricang buong MyuSickang pamilya niyanakatingin
sa kanya. Gulat na gulat.

Kaagad siyang tumakbo palabas ng bar. Nanghihina siyang nagpara ng taxi


at bago pa siya mahabol nila Lyric na lumabas ng bar, nakapasok na siya
ng taxi. Nakikita niya sa side mirror ng taxi na hinahabol siya ni Lyric.
. . ni Note. . . nila Melo. Napansin din niya si Pitch at kung hindi siya
nagkakamali ay si Keng na kasama ng binata. Napasandal siya sa upuan at
iniwas ang tingin sa side mirror saka pumikit upang hindi makita ang
lalaking iyon. Ang buong MyuSick.

Sobrang sakit na lumayo siyang muli pero ito ang tama.

Tulo nang tulo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya pinansin ang
tingin sa kanya ng driver. Hinayaan niya ang sarili upang muling umiyak.
. . Hinayaan niya ang sarili magpakahina muli mula. Alam niyang pagkawala
niya sa MyuSick ang maram na ang nagbago. She felt empty. She felt
incomplete. Pero ininda niya ang lahat ng iyon dahil alam niyang iyon ang
makakabuti.

But then, sarili na niya mismo ang naglakad papunta sa MyuSick. Sarili na
niya mismo ang gumawa ng paraan para makita ang MyuSick. . . pero sarili
rin niya mismo ang gumawa ng paraan upang lumayo muli.

Kahit isang buwan na ang nakakaraan, nang bumalik ang lahat ay hindi pa
rin nawawala ang sakit na nararamdaman. Hindi pa rin tumitigil ang sakit.
. . pinapatay pa rin siya nito unti-unti.

* * *

That was a close one. . . hindi malaman ni Ces kung dapat siyang matuwa
dahil nakita niya muli ang MyuSick o maasar sa sarili dahil sa pagtakbo
ulit palayo sa kanila. Katangahan. Puro katangahan na lang.

Iniyak niya ang lahat buong gabi habang nakayakap sa susi ng lock ng gate
ng MyuSick. Marahil ay hindi na ito ang susi ng lock dahil nasa kanya na
iyon. Nanghihina siya. Itong susi na lamang ang bagay na mayroon siyang
may bakas ng MyuSick. Hindi mawala sa kanyang isip ang tingin ng mga tao
sa kanya. . .gulat ang lahat. Nakangiti pa ang ilan na tila ba masaya
silang nakita siya. Hindi rin mawala sa isip niya niya ang pagkagulat sa
mga mukha ng banda nang tumingin sa kanya. It was ecstatic to see them
but it was painful too. Sobrang sakit. Nakakagago.

She cried herself to sleep that night. Because of pain. Of suffering.


Everything.

Lumipas ang ilang araw nang hindi siya pinapatawag ni Keng. Hinayaan lang
siya ng Young Mistress kung ano ang gusto niya gawinwhich is magmukmok
sa kwarto buong magdamag. Pero hindi siya pupwede maging ganito palagi.
Siya ang nagdesisyon upang umalis. Lumaya ang MyuSick sa kanya. Kailangan
niyang magiging matatag.

Kakaligo lang niya at nakatapis pa nang biglang binuksan ni Keng ang


kwarto niya na siyang kinagulat niya. Mukhang may sasabihin si Keng
ngunit napunta ang atensyon nito sa dibdib ni Ces. Nakaramdam ng
uneasiness si Ces sa tingin ni Keng hanggang sa lumapit ito at hinawakan
ang kanyang pilat. Bumilis ang tibok ng puso ni Ces sa ginawa ni Keng
kaya't napalayo siya.

Sinasabi ko na nga ba. Hindi ako namamalikmata noon.

Lalong nakaramdam ng takot si Ces. Tiningnan ni Keng si Ces sa mga mata,


sa pilat at binalik sa mga mata. Alam ba ni Keng?

Kailan pa ang tattoo na 'yan?

Napahinga siya ng malalim. Hindi makapagsalita si Ces. Nakatitig lamang


siya kay Keng na nakatingin sa kanya. Pabilis nang pabilis ang tibok ng
kanyang puso. Dapat ba siyang magsinungaling at sabihing tattoo ito? O
sabihing pilat? Birthmark? Hindi siya nakapaghanda kaya kaagad siyang
tumakbo palabas ng kwarto.

Ah sige po Young Mistress, gagawin ko na po mga inuutos niyo! Mabuti na


lamang ay hawak niya ang kanyang mga damit. Bago pa siya makadiretso sa
CR ay narinig pa niyang sumigaw si Keng.

Uy teka! Wala pa akong inuutos!

Nagmamadali si Ces papuntang CR. Nang makarating sa CR ay pinakalma na


muna niya ang sarili habang nakatitig sa salaminnakatingin sa kanyang
pilat. Naalala na naman niya ang kasunduan nila ni Boss. Naaalala na
naman niya na hindi pupwede ang lahat ng kanyang nararamdaman. Naaalala
na naman niya ang sakit. Napapikit siya at huminga nang malalim saka
nagbihis. Kailangan niyang maging matatag. Desisyon niya iyon.
Paninindigan niya iyon. Sana.

Pagkabukas ng pintuan ay nagulat siya nang makita si Keng nakaabang sa


kanya.

Hindi pa tayo tapos sa tattoo mo, bad ass ka na pala, marahang sabi
nito. Bago bumaba ay matamang tiningnan ni Keng si Ces. May mga bisita
akong darating. Pagbuksan mo sila mamaya.

Napabuntong hininga si Ces at nanalangin na sana ay huwag na lang


ungkatin ni Keng ang tungkol sa pilat. Nanatili si Keng sa study room
nitong buong araw. Mabuti na lang dahil nakakaligtas si Ces sa mga tanong
ng Young Mistress.

Nang dumating ang gabi, nakarinig ng pagbusina si Ces mula sa labas.


Pagkalabas ni Ces para pagbuksan ng gate ang mga bisita ni Keng,
natigilan siya dahil napaka pamilyar ng kotse. Isang itim na heavy tinted
na Chevrolet Travers. Nakaramdam siya ng kaba at pabilis nang pabilis ang
tibok ng puso niya habang papalapit sa gate. Napatitig siya sa driver ng
kotse at nakaramdam siya ng paghihina nang ngumiti ito sa kanya. Isang
ngiting sobrang pamilyar. Isang masayang ngiti ng kapamilya.

Kahit saan siya magtago. Kahit mabilis siyang tumakbo. Kahit palagi
siyang lumalayo. . . nakikita pa rin siya ng mga ito.

Ang MyuSick.

Bisita ng Young Mistress ang MyuSick ngayong gabi.

~ ~ ~Author's Note:Magaan na chapter naman, tama? Ayoko ng masyadong


madrama eh! Hahahaha~ Salamat sa pagbabasa ng TTLS. Sobrang kyot lang
dahil apektado kayo forever. Yiee, thank you! Kilig kilig lang. First
song is Distance by Christina Perri ft. Jason Mraz at second song is our
very own Aamin ko by 6cyclemind. OPM YAY!

This chapter is dedicated to sharmainetubiera! Madalas ko siyang makita


na nauuna sa pagvote ng every chapter ng TTLS pero hindi ako masyadong
updated sa votes kaya nagulat ako nang magdedicate siya sa akin ng isang
tula. Yes. TULA with a title of "Prinsesa" LYRIC'S POV GUYS! You should
read it. ANG GANDA PO! Kilig na kilig ako please. Sharmaine, thank you sa
napaka gandang tula! Feeling ko ako 'yung prinsesa tapos sinabihan mo ako
ng ganun ahihihi. Salamat sa pagbabasa, sa suporta at sa lahat lahat!
THANK YOU! *u*

=================
54 // Hundreds of Questions
"There are years that ask questions and years that answer." Zora Neale
Hurston
~ ~ ~

Ayos ka lang?

Napangiwi si Ces nang tanungin siya ni Yka. Nakatambay sila sa kusina


naghihintay ng iuutos ng Young Mistress. Ayos lang? Si Ces? Napaka layo
ng ayos sa nararamdaman niya ngayon.

Hindi mapakali ang puso niyahindi mapakali ang buong pagkatao niya
habang nadidinig ang tawanan at sigawan sa sala kung nasaan ang MyuSick
at si Keng. Nag-iinuman ang mga ito habang naglalaro ng baraha. Rinig na
rinig niya ang kasiyahan. . . hindi nga lang niya nakikita ang mga ito
dahil natatakpan ng pader. Wala rin naman siyang lakas ng loob para
sumilip at panoorin ang MyuSick.

1, 2, 3 pass!

Nang buksan niya ang gate kanina, halos tumakbo palayo ang puso niya.
Nginitian siya nila Melo at Note. Si Pitch ay tinanguan siya. Si Lyric. .
. nakatingin sa kanya si Lyric. Nanhihingi ng sagot sa lahat ng tanong.

1, 2, 3 pass!

Muling narinig ang malakas na tawanan nila Melo at Note. Ilang side
comments ni Keng na naiinis na siya sa ingay ng dalawa.

Bakit kaya nandito ang buong MyuSick. . . tanong ni Yka.

Maraming sagot ang umusbong sa utak ni Cesdahil sa kanya. Dahil


hinahanap siya ng mga kabanda. Dahil trip nila dumalaw kay Keng. Dahil
kay Pitch. Dahil malaki ang atraso niya sa MyuSick sa pagkawala. Dahil
umalis siya bigla. Dahil nalaman nilang nandito siya kay Keng. Dahil. . .
dahil kay Lyric.

A-ano, aakyat muna ako, okay lang?

Tawanan muli ang narinig sa sala. Tiningnan siya ni Yka. Ha? Bakit?

Napahawak si Ces sa kanyang ulo at ngumiwi. Medyo masakit kasi ang ulo
ko.

1, 2, 3 pass!

Lalabas na sana si Ces ng kusina papuntang sala para makaakyat na nang


marinig niya ang lakas ng boses nila Melo at Note. Lyric!

Kaagad bumalik si Ces sa kinatatayuan kanina. Nanigas siya. Nagtaka pa


ang kasamahan niya habang nakatingin sa kanya. Sa pangalan lang ng
binatang iyon ay hindi na siya mapakali. Hindi na siya magkandaugaga.

Truth or dare? boses ni Note.

Truth.

Napasinghap si Ces nang marinig ang boses ni Lyric. Gusto niya maiyak
gusto niya matuwa habang naiiyak dahil sa pagkamiss sa boses nito. Ilang
linggo na niyang hindi naririnig ang boses nito habang nagsasalita.
Naaalala niya ang huling sinabi ng binata gamit ang boses na iyon.

Ano to, Ces? Buksan mo 'yung lock. . . Ces.

Naninikip ang kanyang dibdib sa naaalala. Pilit niyang kinakalimutan ang


pagsusumamo ng binata ngunit hindi niya magawa. Hindi mawala sa isip niya
ang mga mata nitoang mga tingin nito noong gabing iyon.

May namimiss ka ba?

Iniinterogate nila 'yung vocalist! Ang pogi! kinikilig na sabi ng


kasamahan.

Halos hindi na makahinga si Ces. Hindi na siya makakilos. Gusto na niya


tumakbo palabaspaakyatpalayo na tipong hindi na niya maririnig ang
boses ng binata ngunit nakadikit siya sa kinatatayuan niya. Naghihintay
sa isasagot nito.

Wala.

Napapikit si Ces sa narinig habang ramdam niya ang maliliit na aspileng


tumutusok sa kanyang puso. Dapat lang iyon sa kanyadapat lang niya
malaman na wala na siyang puwang kay Lyric. . . matapos ng lahat ng
sakit? Matapos ng pagtakbo niya ng ilang beses? Aasa pa ba siya? Siya ang
dahilan ng nangyayari sa kanya ngayon. Dapat lang siyang parusahan. . .
malamang ay baka si Lyric na at si Erich. Wala na siya sa mundo ng
MyuSick at dapat niyang tanggapin iyon.

Lul gago, wala kang maloloko rito, tuloy tuloy na sabi ni Note. INOM!

Nagtawanan ang MyuSick at si Keng sa sala. Hindi pa rin ito nakikita ni


Ces ngunit naririnig niya ang buong ingay. Naglaro muli sila ng baraha.
Nakalimutan na ni Ces ang sakit ng kanyang ulo at hindi na umakyat.

1, 2, 3 pass!

Tawanan. Tiliankahit sila Melo at Note ay tumitili. Sigaw nang sigaw


hanggang sa. . .

Truth.

Si Lyric. . .ulit. Hindi malaman ni Ces kung pinaparusahan ba niya ang


kanyang sarili. O natutuwa ba siyang pinaparusahan ang sarili. Napahawak
siya sa kanyang pilatsa kanyang dibdib. Sobrang lakas ng kabog ng
kanyang dibdib. Sobrang bilis ng bawat pagtibok na tila ba kaunti na lang
ay ikakamatay na niya ang nararamdaman.

May gusto ka bang makita? boses ni Melo.

Wala.

Diretso ang pagkakasabi ni Lyrictila hindi na nag isip pa at siguradong


sigurado sa sagot. Sa sagot ng binata ay gusto na lang lumubog ni Ces.
Kaagad niyang pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang pisngi.

Sa isang salita lang ay naramdaman ni Ces ang sakit na dinulot niya kay
Lyric.

Ewan ko sayo, inom na!

Huminga nang malalim si Ces. Napansin niyang nakatingin sa kanya si Yka


na tila nagtataka sa nangyayari. Magsasalita pa sana ang kasamahan nang
magsimulang maglaro muli ang banda at si Keng.

1, 2, 3 pass!

Nawala ang ingay saglit. Nakaramdam ng kaba si Ces.

Yung totoo Lyric, sinasadya mo bang matalo? boses ni Melo.

Mahina ang boses ni Lyric ngunit rinig na rinig ito ni Ces. Truth.

Korni mo! Dare na!

Natahimik ang mga tao sa sala. Doon nagkaroon ng pagkakataon si Ces upang
umayos ang sarili. Naghilamos pa siya at nagpaalam sa kasamahan dahil
aakyat na siya. Hindi na niya kakayanin ang lahat. Nginitian siya ni Yka
at pagkalabas ni Ces ng kusinabumungad sa kanya si Lyric.

Halos mahulog ang puso ni Ces nang makita si Lyric. Nakatingin ito ng
mataman sa kanya. Hindi siya humihingahindi siya makahinga sa tingin ng
binata. Ang lapit nila. Ang lapit nila sa isa't isanakakaloko na.
Nanlaki ang mga mata ni Ces nang hilahin siya ng binata at niyakap.
Sobrang higpit. Hindi na siya sigurado kung bakit hindi siya makahingasa
higpit ba ng yakap o dahil sa presensya ng binata. Naaamoy na rin niya
ang bango ng alcohol na iniinom nila. High class ang amoy.

Namumuo ang mga luha sa mata ni Ces habang yakap siya ni Lyric. Nakatayo
lang silang dalawa. Hindi makakilos si Cesramdam na ramdam niya ang
bilis ng tibok ng kanyang puso na sumasabay sa bilis ng tibok ng puso ng
binata. Ibinaon ni Lyric ang ulo sa balikat ni Ces.

Ang tagal kitang hinanap, mahinang bulong ni Lyric. Napapikit si Ces


habang nakapatong ang ulo sa balikat ng binata. Pinapakiramdam ang bawat
salitang binanabanggit nito. Prinsesa.

Ramdam na ramdam ni Ces ang mainit na paghinga ni Lyric na dumadampi sa


kanyang leeg. Nagsisitaasan ang mga balahibo niya sa katawan.

Ohmy, kumento ni Yka habang nakatingin kay Ces at Lyric. Ngiting ngiti
na kinikilig.

Ilang minuto ang lumipasmagkayakap lang ang dalawa. Ces felt safe. Felt
the warm. Like home. Sa mga yakap ng binata ay pakiramdam niya, walang
mangyayaring masama sa kanya. Sa mga yakap ng binata, alam niyang okay
siya. Sa mga yakap ng binata, nararamdaman na niya. . . ang bawal.

Hoy, napapatagal yang yakapan ah?! boses ni Keng.

Natauhan na si Ces mula sa yakap ngunit hindi pa rin kumakalas si Lyric.


Mahigpit pa rin ang yakap nitoayaw na bumitaw. Gusto na manatali sa
kanyang tabi. Kahit labag sa loob ay tinulak ni Ces si Lyric na siyang
ikinabigla ng binata. Nilakasan pa ni Ces ang pagtulak hanggang sa
napakalas si Lyric kay Ces, nakatingin sa mga mata ng dalaga habang
nagtataka.

M-May. . . May trabaho pa ako.

Kaagad lumayo si Ces. Alam niyang sinundan siya ng tingin ni Lyric nang
umakyat siya at dumiretso sa kwarto ni Keng. Bakit sa kwarto ni Keng?
Hindi rin niya alampakiramdam kasi niya ay ligtas siya sa kwarto ng
Young Mistress. Kaagad siyang naupo sa lapag at sumandal sa gilid ng
kama. Pumikit siya nang isandal niya ang kanyang ulo sa kama at kinapa
ang kanyang pilat. . . unti-unti ay tumulo na naman ang luha sa kanyang
mga mata.

Hindi napansin ni Ces na nakatulog siya habang nakasandal. Sobrang sakit


ng kanyang leeg nang magising at natuyo na ang luha sa kanyang pisngi.
Ilang sandali lang, narinig niya ang boses nila Melo at Note mula sa
labas ng kwarto.

Nandito? pabulong na sabi ni Melo.

Oo, nakita ko, sagot ni Note.

Nagtataka si Ces sa bulungan ng dalawang iyon nang magulat siya na


bumukas ang pintuan ng kwarto ni Keng. Napatitig siya kanila Melo at Note
na hawak si Lyric na natutumba-tumba na.

Hi Ces, ngiting bati ni Melo sa dalaga.

Patayo na sana si Ces ngunit pinigilan siya ni Note at pinaupo sa kama.


Hindi ka pwedeng umalis.

Note. . . pagtawag ng dalaga sa kaibigan.

Nginitian lamang ni Note si Ces. Aalagaan mo pa si Lyric.

Bago pa makapagreact si Ces, tumakbo na palabas sila Note at Melo nang


iwan si Lyric sa sahig sa may gilid ng kamakung saan nakaupo ang dalaga
kanina. Hinabol pa ni Ces ang pagsara ng pintuan ngunit nilock ng
dalawang gitarista ang pintuan mula sa labas. Katok siya nang katok
ngunit tawa lang ang sagot sa kanya ng dalawa.

Napaupo siya malapit sa pintuan at sumandal habang nakatingin kay Lyric.


Nakapikit ang binata, mukhang lasing na. Nakaramdam ng kaba si Cesand
yet hindi siya makagalaw. Ilang metro ang layo nila sa isa't isa ngunit
masaya na siyang nakikita si Lyric. Napapangiti na siya habang nakatingin
sa binata na walang muwang. Mas okay siya sa ganitong set up. Yung siya
lang ang titingin. Malayo pero malapit din.

Ay putek kayo, kwarto ko 'yun. Saan ako matutulog?! narinig ni Ces ang
boses ni Keng mula sa kabilang parte ng pintuan.

Nanlaki ang mata ni Ces nang marinig ang sunod na boses na nagsalita. Kay
Pitch! Sa tabi ko.

Sunugin kaya kita?

Basta magkasama tayo, diretsong sagot ni Pitch.

Nakarinig ng ilang hakbang si Ces at tawanan nila Melo at Note. Magtigil


ka Pio. boses ni Keng.

Paano kung ayaw ko?

Nako! Nag aaway ang mag-asawa! napangiti si Ces nang marinig ang
kumento mula kay Melo.

Hindi kami nag aaway! iritableng sagot ni Keng.

Aah okay. Mag asawa lang? pang aasar ni Melo.

Napapangisi si Ces sa naririnig. Naiimagine niyang namumula si Keng sa


pang aasar ng kaibigan. Huwag kang matutulog dito sa bahay ko.

Uy, hindi dineny.

Natahimik ang lahat. Tulog na ako, mahinang paalam ni Keng. Nakarinig


si Ces ng ilang yabag ng mga paa.

Hindi talagaARAY!

Lumakas ang tawa ni Note mula sa kabilang parte ng pintuan. Narinig din
ni Ces ang mahinang pagtawa ni Pitch.

Aray! Ang sakit! pagmamaktol ni Melo.

Ayan, sige. Asarin mo pa si Ken natigil si Note sa pagsasalita nang


sumabat si Keng.

Don't call me Keng. Hindi nga kita kilala, eh.

BOOM! boses ni Melo habang natatawa. Masakit, no?! pang aasar pa


nito. Natahimik si Note. May mahinang tawa mula kay Pitch.

Mga adik, kumento ng drummer.

Tumigil na ang ingay mula sa labas. Kahit papaano, nakaramdam ng gaan ng


loob si Ces sa narinig na skit mula sa kasamahan kahit hindi niya
nakikita. Rinig na ni Ces ang lakas ng kabog ng kanyang puso sa
katahimikan.

Tulog kaya silang dalawa? mahinang tanong ni Melo.

Baka nagmomoment, iwan natin 'to.

Nakarinig ng kaunting kalampag si Ces mula sa kabila hanggang sa nanigas


siya nang makarinig ng isang kantanapahinga siya ng malalim. Boses na
naman ni Lyric. . . kailan ba siya titigilan ng boses ng binatang ito?

And now I concede on the nightof this fifteenth songOf melancholy, of


melancholy

Napatingin si Ces kay Lyricsigurado kasi siyang tulog na tulog ito


ngunit nang ibaling niya ang tingin sa binata, tumigil ang pagtibok ng
kanyang puso nang makitang gising ito. Nakatingin sa kanya. Namumula ang
mga mata at inaantok ang itsura.

Walang nagsalita sa kanilang dalawatanging ang boses lamang ni Lyric na


kumakanta mula sa iniwan nila Note sa may pintuan ang nagbibigay ng ingay
sa buong paligid. Its as if they have their own background music in
their own love storykaya lang, walang love story. Wala dapat na
mangyaring kwentong pag-ibig.

And now I will admit in this fourth lineThat I love you, that I love
you

Kamusta? mahina ang boses ni Lyric, tila nahihirapang magsalita ngunit


pinipilit pa rin. Nakatitig lamang siya sa mga mata ni Ces. Hindi inaalis
ang tingin. Hindi niya kailanman inalis ang tingin sa dalaga.

O-Okay lang. . . sagot ni Ces. Ikaw?

Wasak," halos pabulong na sabi ng binata.

Hindi na makapagsalita si Ces. Nakita niya si Lyric na patayo ngunit


muntikan na itong matumba kaya kaagad niyang tinulungan ang binata.
Kaagad naamoy ni Ces ang pinaghalong alak, mint, mango at kung anu-ano pa
mula sa binata. Pinaupo ni Ces si Lyric sa gilid ng kama. Palayo na sana
siya nang hilahin siya ni Lyric kaya napaupo siya sa tabi ng binata.

Bakit? pagtatanong nito.

Hindi makatingin si Ces sa binatang nakatingin sa kanya. Sa bawat


segundong lumilipas, bumibigat ang kanyang paghinga.

Anong nangyari?

Napapikit si Ces nang ipatong ni Lyric ang noo sa gilid ng ulo niya.
Nararamdaman na niya ang paghinga ng binata sa kanyang pisngisobrang
bagal na paghinga. Pakiramdam niya ay nalalasing na rin siya sa bawat
segundong lumilipas.

I don't care what they sayI don't care what they do

Ces. . . bulong ng binata na nagpataas ng balahibo ng dalaga. Bakit ka


umalis? Dumiin ang noo ni Lyric sa gilid ng ulo ni Ces. Bakit ka
lumayo? Anong mayroon? Bakit kailangan mong mawala. . . ulit?

L-Lyric. . . Hindi makaalis si Ces. Pakiramdam niya ay kapag umalis


siya ay maiiwan niya ang pagkatao niya sa tabi ni Lyric. Hindi na niya
kayang umalis. . . hindi na niya kayang lumayo.

Nung gabing 'yun. . . bakit ka lumapit sa akin? Bakit ka tumakbo?

Pinipilit ni Ces na pigilan ang sariling maiyak ngunit tumulo na ang luha
niya nang maramdaman niyang may tumulong luha sa kanyang balikat. Bakit
laging masakit?

Cause tonight I leave my fears behindCause tonight I'll be right at


your side

Ayaw. . . ayaw ni Manager Lily.

Nagulat si Ces nang nilayo ni Lyric ang ulo nito sa kanya at hinawakan
siya sa magkabilang balikat. Hinarap siya ng binatapumikit siya dahil
natatakot siyang makita si Lyric. Natatakot siyang makitang sinasalamin
ng emosyon ni Lyric ang sa kanya.

Bakit ayaw mong tumingin? mahinang sabi ng binata. Tumingin ka sa


akin. . . pakiusap.

Ayaw niyang dumilatngunit gusto niyang makita ang binata. Gustong gusto.
Pagkadilat, lalong bumuhos ang luha niya sa nakita.

The clock on the TV says 8:39 p.m.It's the same, it's the same

Si Lyric. . . kitang kita niya ang emosyon ni Lyric. Gusto niyang pahiran
ang luhang umaagos sa pisngi nito ngunit siya mismo ang may kagagawan ng
lahat ng sakit. Siya ang dahilan kung bakit nakikita niyang nasasaktan
ang lalaking ayaw niyang masaktan.

Hindi totoo 'yun. . . marahang sabi ng binata. Si Manager Lily. . .


siya ang nagsabing ipagpatuloy ko. Naramdaman ni Ces ang mahigpit na
hawak ni Lyric sa kanyang balikat. Siya ang nagsabing hintayin kita.

And in this next line I'll say it all over againThat I love you, that
I love you

Hindi na halos maramdaman ni Ces ang pagtibok ng kanyang puso. Pakiramdam


niya ay lutang na lutang na siya. Wala na siya sa tamang wisyo.
Pakiramdam niya ay nalulunod na siya sa mga tingin ng binatasa
nagsusumamo nitong mga mata.

Lyric, pakiusap. Hinawakan ni Ces ang pisngi ni Lyric na binabalot ng


sakit at lungkot. Gusto niyang punasan ang mga luha. Gusto niyang pawiin
ang sakit. . . pero siya mismo ang nagpipinta nito sa binata. Huwag.

I don't care what they sayI don't care what they do

Inilapit ni Lyric ang noo sa noo ni Ces. Bakit? garalgal na tanong ng


binata. Bakit kailangan maging ganito?

S-Sorry. . .

Bakit sorry? mahinang tanong ni Lyric. Naramdaman ni Ces ang labi ng


binata sa kanyang pisngi. Gusto niyang hawakan ang mga labing iyon. Gusto
niyang. . . halikan ang mga labing iyon. Nararamdaman niya sa kanyang
pisngi ang bawat pag galaw ng labi ng binata. Lasing na lasing na siya sa
pinaghalong amoy ng alak, mint at prutas. Lasing na lasing na siya kay
Lyric. Bakit lagi na lang ganito? Noon pa man, wala akong maintindihan.

Cause tonight I leave my fears behindCause tonight I'll be right at


your side

Patuloy lang ang pagtulo ng luha ng dalawang bokalista. It was painfully


beautiful . . . that even their tears perfectly blend. Puno ng hinagpis.
Ng sakit. Ng pagkabigo. Ng saya. Ng pagmamahal.

Bakit ka nawala? Bakit ka nagbalik? Bakit ba ikaw pa rin? Bakit kita


hinahayaan saktan ako? Bakit mo ginagawa sa akin ito? Hinawakan ni Lyric
ang magkabilang pisngi ni Ces at nilayo ang ulo sa dalaga. Tinitigan ni
Lyric ang mga mata ni Ces na parang mga bituwin sa pagkintab sa dilim.
Bakit sobrang ganda mo?

Lie down right next to meLie down right next to me

Napapikit si Ces nang lumapit si Lyric sa kanya at hinalikan siya sa


magkabilang talukap ng mga mata. It was a gentle kiss. A gentle kiss that
melted her heart. Tila iniingatan siya ng mga halik na iyon na para
siyang isang babasagin. Isang importanteng babae na dapat ay alagaan.

Bakit gustong gusto kita?

Bumaba ang labi ni Lyric sa ilalim ng mga mata ni Ces at hinalikan ang
mga iyon. Hinalikan ni Lyric ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ng
dalaga.

And I will never let go, will never let go

Bakit hindi pa rin mawala ang nararamdaman ko para sa'yo?

Hinalikan ni Lyric ang gilid ng kanyang ilong. Gustong itulak ni Ces si


Lyric. Gusto niyang lumayo. Tumakbo ulit. Magtago ulitpero hindi niya
magawa. All she wanted is to be with him. Gusto niyang nasa tabi niya
lang si Lyric. Ayaw na niyang magtago. Ayaw na niyang mawala.

Gusto na lamang manatili ng prinsesa sa piling ni Lyric.

Tumigil si Lyric sa paghalik nang kaunti na lang ay matatamaan na niya


ang labi ni Ces. Tumingin ang binata sa mga mata ni Ces. Lumayo ng
kaunti.

I leave my fears behindCause tonight I'll be right at your sideLie


down right next to me

Gusto mo ba akong lumayo?

Tiningnan ni Lyric ang mga labi ng dalaga at huminga nang malalim.

H-Hindi, bulong ng dalaga.

Ayaw mo akong lumayo?

Muling nanumbalik ang mga luha sa mga mata ni Ces. Ayaw niyang lumayo si
Lyric. Ayaw niyang lumayo pa. . . ngunit ang kasunduan. . . ngunit. . .
si Boss. . . ang kamatayan. . . gulong gulo na siya.

H-Hindi ko alam.

Lie down right next to meAnd i will never let go, never let go

Ramdam na ramdam ni Ces ang pahinga nang malalim ng binata. Iisang hangin
na lang ang hinihingahan ng dalawa. Iisang mundo na lang ang ginagalawan
ng dalawa ngunit pinipilit pa rin niyang harangan ang hindi na
maharangan. Gusto niyang iwasan ang hindi na maiiwasan.

Lumapit ang mga labi ni Lyric sa labi ni Ces. . . hindi nagdidikit ngunit
malapit na. Pitong taon na, Ces. . . mahinang bulong nito sa labi ng
dalaga. Halos nararamdaman na ni Ces ang labi ng binata sa kanyang labi.
Hanggang kailan mo ako. . .

But still I see the tears from your eyes

. . . papatayin?

Tumulo ang luha sa mga mata ni Ces nang bumagsak ang ulo ni Lyric sa
kanyang balikat. Bumigat ang kanyang paghinga kung may mas ibibigat pa
ito kanina. Hindi pa rin nawala ang sakit sa kanyang puso. Nakita niyang
nakapikit si Lyric, mabagal ang paghinga at tila pagod na pagod sa
kakahabol sa kanya. Tumutulo ang mga luha sa mga mata ng binata. Hirap na
hirap ito.

Mahal na mahal kita, mahinang bulong ni Lyric sa leeg ng dalaga.


Nanghihina. Prinsesa.

Maybe I'm just not the one for you

* * *

Nagising si Ces nang sumasakit ang kanyang puso at mga mata


kagabi. Nagising siya nang unang naisip niya ay nasaktan na
Lyric. Napatingin siya sa paligid at nagtaka na nasa sarili
kwarto natutulog. Nanatili siya sa kanyang kama, nakatingin
habang iniisip ang nangyari kagabi.

kakaiyak
naman niya si
na siyang
sa kisame

Napahawak siya sa kanyang labi. . . they almost kissed. Almost. Again.

Nag ayos siya ng sarili bago bumabangunit pagkababa niya ng hagdan ay


nagulat siya nang may marinig na kumakanta. Ang MyuSick at si Keng. . .
lahat nakaupo sa dining area at nakangiti sa kanya habang kinakanta ang
happy birthday.

Napatingin siya sa kalendaryo. July 18. Birthday niya.

Tinulungan siya ni Note upang umupo sa tabi nitona halos katapat si


Lyric. Iniiwas kaagad ni Ces ang tingin sa binatapakiramdam niya ay wala
na siyang maihaharap kay Lyric sa bawat pag iwas, pagtakbo at pagtago
niya rito. Pakiramdam niya ay hindi niya deserve ang nararamdaman nito.
Sa nangyari kagabi, pinapanalangin niya na sana walang naaalala si Lyric.
Na sana masyado itong lasing para maalala ang lahat.

Make a wish! sigaw ni Melo habang nakangiting nakatingin kay Ces.

Ngumiti si Ces at napatingin kay Lyric na nakatingin sa kanya. Hindi niya


mawari ang emosyon ng binata. Iniiwas niya muli ang tingin at pumikit. .
. isa lang ang naisip niyang dapat niyang hilingin. Sa nangyari kagabi,
alam niyang hirap na hirap na ang binata sa kanya.

Sana maging masaya na kami. . . kaming lahat.

Bago pa niya hipan ang kandila. . . nagulat silang lahat nang mawala
kaagad ang apoy nito. Nagkatinginan sila ngunit ilang sandali lang,
nagsaya silang muli at hinayaan na lang ang nangyari.

Hindi siya makapaniwalang pinaghandaan siya ng MyuSick at ni Keng para sa


kanyang birthday. Simula kasi ng magkaroon ng ibang lalaki ang kanyang
tatay, hindi na siya nagcelebrate ng birthdaylast year, the same day
dapat ay ibabalita niya kay Lyle na buntis siyangunit maraming nangyari
at nalamang sa utak lang pala iyon. Ngayong birthday niya ulit at bente
anyos na siyahindi siya sigurado kung dapat ba siyang maging masaya o
hindi. . .sa dami ng nangyari sa kanya. Sa dami ng nasaktan dahil sa
kanya. Sa dami ng umiyak dahil sa katangahan niya.

Dapat bang maging masaya siya na dalawang dekada na siyang nag eexist sa
mundo? At pitong taon na niyang pinapahirapan si Lyric? At isang taon na
ang lumipas nang maranasan niya ang lahat ng misteryo?

Ngumisi si Note nang kuhanin ang cellphone at ibinigay kay Ces. Tawag ito
galing kay Manager Lilyhindi tuloy alam ni Ces kung dapat ba siyang
matakot o maging masaya na makakausap niyang muli si Manager Lily. After
a month of running away.

H-Hello?

Ces.

Nakaramdam ng kaba si Ces nang marinig ang boses ni Manager Lily. Ganoon
pa rin ang boses nitosanay na rin siguro siya sa pagtataray ni Keng kaya
immune na immune na siya. Akala niya ay okay na ang lahat ngunit nalayo
niya ang cellphone nang biglang sumigaw si Manager Lily.

ANONG KALOKOHAN ITO? AT ANG LAKAS MO PANG KUHANIN ANG SUSI NG PADLOCK NG
GATE? ADIK KA BA?! tulog tuloy na sabi ng Manager. Ano sa tingin mo
ginawa namin para makalabas ng gate? Walanghiya ka, pinahirapan mo kami
at anong drama mo na you quit, you quit?! I DONT FUCKING ACCEPT YOUR
QUIT SHIT, OKAY?!

Napangiwi si Ces. Nakatingin lang sa kanya ang lahat sa lamesa,


naghihintay.

By the way. Huminahon ang boses ni Manager Lily. Happy birthday. . .


and don't you ever call me when you plan on quitting! binabaan ni
Manager Lily ng phone si Ces.

Napatulala si Ces at kaagad natawa si Melo. Ang sweet talaga ni Manager


Lily.

Hindi naman nakaloud speaker pero rinig na rinig pa rin natin 'yung
sigaw niya, kumento ni Note habang umiiling.

Nagtawanan silawell, mostly sila Note at Melo. Nagsimula silang


magkwentuhan habang kumakain sa hapag kainanpinipilit naman iwasan ni
Ces ang tingin kay Lyric kahit alam niyang madalas nakatitig sa kanya ang
binata.

Ay alam mo ba Ces. Ngumiti si Melo at pinalo sa balikat si Pitch. TV


commercial actor na si Pitch! natatawang sabi nito. Naks, artista na.

Nanlaki ang mga mata ni Ces. Hindi niya madigest ang binalita sa kanya ni
Melo habang nakatingin kay Pitch na nakayuko lang. Hindi siya
makapaniwala. . . paano nangyaring si Pitch? Ang tahimik na si PItch?
Commercial actor?

Si Note naman ang nagsalita. Ikaw Keng, pagbaling ni Note kay Keng.
Nakita mo na si Pitch sa TV?

Umirap si Keng kay Note. Wala akong time manood.

Napanganga ng kaunti si Ces nang marealize ang lahatkaya pala. Kaya pala
madalas nakabukas ang TV noong nakaraang linggo ay dahil may hinihintay
si Keng! Nakita ni Ces na napatingin si Pitch kay Keng ngunit walang imik
ang huli. Wala itong kibo hanggang sa tumayo ito at lumabas ng kusina.

Saan pupunta 'yun? tanong ni Notehabang nginunguya ang chicken.

Baka papanoorin yung commercial sa youtube ng patago! natatawang sagot


ni Melo. Natawa rin si Note at nag apir pa sila pero bago pa sila
tuluyang magsaya, kaagad silang pinag untog ni Keng nang bumalik ito.

May kinuha lang ako, mga ugok! nakasimangot na sabi ni Keng ngunit
kitang kita na natatawa.

Ay! Nanlaki ang mga mata ni Melo habang nagkakamot ng noo. Tumingin ito
kay Lyric at ngumiti. Despedida party na rin natin 'to!

Kaagad nagtaka si Ces. Nakaramdam siya ng kaba sa narinig. Despedida?

Oo? nagtatakang sagot ni Melo. Tumingin ang gitarista kay Lyric na


nakafocus ang atensyon sa kinakain. Hindi mo ba sinabi sa kanya?

A-Ang alin? takang tanong ng dalaga.

Nabaling ang atensyon ni Ces nang magsalita si Note. Matagal na siyang


kinukuha ng international recording.

Last year pa, pagsingit ni Melo.

Napatitig si Ces kay Lyric na nakayuko. L-Last year?

Yung mga tawag na pinagbawalan ni Manager Lily na sagutin noon? pagkuha


ng atensyon ni Note sa dalaga. International calls pala para sa kumag na
'to. Kinutusan ni Note si Lyric at umalma si Lyric ngunit hindi gaanong
nagreact. Ang pachicks na nga kasi half a year na rin siyang
nililigawan.

Sumimangot si Melo habang nakatingin kay Lyric. Ayaw nga namin kaya
lang. . . sayang naman.

Wow, thats a good opportunity, kumento ni Keng.

Pangarap mo iyon, di ba? tanong ni Note kay Lyric. Dumiretso ang tingin
ni Lyric at imbis na tumingin kay Note para sumagot ay tinitigan ng
binata si Ces. Kumalabog ang puso ni Ces mula sa loob.

Oo.

Napalunok si Ces bago magsalita. Pakiramdam niya ay nanghihina siya sa


narinig. A-Alis ka?

Ngumiti si Lyricat sa ngiting iyon ay hindi akalain ni Ces na


makakaramdam siya ng pagpiga ng kanyang puso. Kumikirot.

K-Kailan?

Nanlalamig ang kanyang mga kamay. Hindi pa siya handa sa sagot ngunit
kailangan niya malaman. Halos mawalan siya ng hininga nang sumagot ang
binata. Pakiramdam niya ay unti-unti na naman siyang pinapataysa
birthday pa niya mismo. Bakit sa tuwing dapat ay masaya siya. . .
kinukuha ang sayang iyon sa kanya?

Next week.

~ ~ ~Author's Note:SALAMAT SA PAGBABASA! Salamat sa mga comments, sobrang


nakakatouch.
This chapter is dedicated to shtrhythm (together with MisterK na kapatid
niya) pero kasi, siya yung reader na masasabi kong kahit ilang years pa

ako mag update, hindi siya titigil sa pagsupport. Hindi siya tumigil sa
pagbabasa ng TTLS since day 1 tulad ni ate Lily (nakakatouch) at kapag
sinabi kong since day 1, since Nov 7, 2011 pa. Yung Love's Limit pa ang
title neto. Since noon pa. 3 years ago pa. Hindi siya bumitiw! Nagbabasa
pa rin siya. . . at iyon ang nakakatuwa sa feeling. Malaman ko lang na
she's staying with me, sobrang saya. Nakakakilig na nakakatuwa na
nakakagaan ng pakiramdam na hindi siya nabored or nabadtrip or what. Hi
din, MisterK! Salamaaat salamat sa inyong dalawa.
See multimedia box to see her first message to me.
Click external link to go to http://fb.com/plsptsya (pilosopotasya page)
THANK YOU.

=================
55 // Her Last Words
"To love is to risk, not being loved in return. To hope is to risk pain.
To try is to risk failure. But risk must be taken because the greatest
hazard in my life is to risk nothing." Bob Marley

~ ~ ~

Hindi na bago ang pagtulala ni Ces sa kisame ng kwartong inilaan ng Young


Mistress sa kanya. Ilang oras na nga ba siyang nakatitig sa kisame? Sa
kawalan? Sa sobrang dami niyang iniisip, wala na siyang maisip na kahit
ano pwera sa isa.

Kasalanan niya ang lahat.

* * *

Iniwan ng
ang tibok
tumayo at
nakatitig

MyuSick ang dalawang bokalista sa sala. Rinig na rinig ni Ces


ng kanyang puso kahit na malakas ang volume ng TV. Gusto niyang
umalis pero hindi siya makagalaw. Nang lingunin niya si Lyric,
ang binata sa telebisyon. Nakatitighindi nanonood.

Napayuko si Ces at huminga nang malalim. Ilang beses siyang pumikit at


pinilit lakasan ang loob. Bakit gusto niyang ituloy ngunit . Sino ba
siya para magtanong? Sino ba siya para magkaroon ng karapatan para
itanong si Lyric? Ang binatang sinasaktan niya dahil sa mga naging
desisyon niya.

Hmm? Naramdam ni Ces na nakatitig ang binata sa kanya.

Kinuyom ng dalaga ang kanyang kamay at pabulong na inagpatuloy. Aalis


ka? Nakayuko pa rin si Ces. Hindi niya tiningnan si Lyric at walang
nagsalita sa kanila ng ilang minuto.

Pumikit ng mariin ang dalaga at muling nagsalita, nilalabanan ang takot


at kabang nararamdaman. P-Paano si Erich?

Si Erich? Napalunok si Ces nang marinig ang mahinang boses ni Lyric.


Anong mayroon kay Erich?

Maraming gumugulo sa isip ni Ces. Wala pa rin kasi siyang ideya kung ano
na bang nangyayari sa MyuSick o kay Lyric at Erich. Hindi niya alam kung
tama ba ang mga naiisip niyaat natatakot siyang malaman ang sagot.

Paano ang MyuSick? pikit matang tanong ng dalaga. S-Si Manager Lily?
ako?

Halos huminto sa pag gana ang kanyang puso nang sumagot ang binata. Wala
na silang magagawa.

Namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata. Halos isang dangkal lang ang
layo nila sa isa't isa nunit pakiramdam niya ay isang kilometro ang layo
ni Lyric sa kanya. Sa totoo lang, naiinis na siya sa sarili niya.

Pwede naman niyang sabihin kay Lyric. . . pero anong kasunod? Anong mas
pipiliin niya, saya o sakit? Kung pupwede lang ay pagtawan niya ang
kanyang sarili dahil kahit pagbali-baliktarin man ang mga nangyayarisa
sakit mauuwi ang lahat.

Pangarap o saya. . .

Sa mga salitang binitawan ng binata, nanlaki ang mga mata ni Ces sa


naaalala. Sobrang pamilyar ng desisyon na iyonng tanong na iyon.
Napalingon siya sa binata at napansing nakatingin lang ito sa kawalan.
Seryoso. Ikaw na ang pumili. Napansin ni Ces ang malalim na paghugot ng
paghinga ng binata. Saya ko na mismo ang kusang umalis.

Saya?

Tiningnan ni Lyric si Ces at halos mawalan na ng ulirat si Ces nang


sumagot ang binata. Nakangiti ito ngunit kitang kita sa mga mata ang
sakit na nararamdaman. Ikaw.

* * *

We'll do it allEverythingOn our own

Isang parusa para kay Ces na pakinggan ang bagong kantang inilabas ng
MyuSickwithout her. Kasama kasi ito sa bagong album na ilalabas ni Lyric
para mapitch sa ibang bansa. Gusto sana ng MyuSick na irecord ulit para
kasama si Ces ngunit maganda na raw ang emosyon ni Lyric sa kanta.

We don't needAnythingOr anyone

Maganda na raw ang lungkot na emosyon ng binata sa kanta na tila ba totoo


ang nararamdaman nitothat was what Melo told her. Sinabihan pa nga ng
gitarista na huwag pakinggan ni Ces ang kanta ngunit hindi mapakali si
Ces.

She wanted to hear MyuSick playshe wanted to hear Lyrics voice. She
wanted to hear the emotion.

If I lay hereIf I just lay hereWould you lie with me and just forget
the world?

And for hearing the emotion, it's like cutting her heart into pieces.
Gustong gusto niyang naririnig ang boses ng binata na nagpapasakit sa
kanyang puso. Siguro nga ay masokista siyaramdam niyang masaya siyang
nasasaktan niya ang kanyang sarili.

I don't quite knowHow to sayHow I feel

Napatitig si Ces sa kawalan habang pinapakinggan ang kanta sa cellphone


na iniwan ni Note sa kanya. Ibinalik ni Note ang kanyang cellphonepara
raw kung sakaling gusto niyang bumalik, tumawag lang siya at susunduin
siya ng buong MyuSick.

Those three wordsAre said too muchThey're not enough

Pinipigilan ni Ces na huwag maiyak ngunit hindi na talaga niya kaya ang
pagpigil. Napayakap siya sa kanyang unan at tuluyang umiyak. Kahit na
umalis siya sa MyuSick, handa pa rin siyang yakapin ng mga ito pabalik.
No hard feelings. Kahit puro kamalasan na ang nadala niya sa banda, hindi
pa rin siya sinisisi ng mga ito.

If I lay hereIf I just lay hereWould you lie with me and just forget
the world?

Deserve ba niya ang kabaitan ng MyuSick? May karapatan ba siyang dalhin


ang pangalan na MyuSick sa kanyang balikat? Deserve ba niyang mahalin ng
mga kabanda? Ni Lyric?

Forget what we're toldBefore we get too oldShow me a garden that's


bursting into life

Hindi namalayan ni Ces na may nagbukas na pala ng kanyang kwarto. Narinig


niya ang boses ng kanyang Young Mistress na nagsalita. Nagpanggap siyang
tulog.

Let's waste timeChasing carsAround our heads

Kung mahal mo siya, bakit kailangan mo magtimpi?

Pumikit si Ces habang nararamdaman ang


puso. Hinihiling niya na sana ay hindi
Sana ay umalis na lang ito at huwag na
siyang nakakaramdam ng init sa pagilid
presensya ng isang tao.

mabilis na pagtibok ng kanyang


mapansin ni Keng na gising siya.
siyang gambalahin ngunit unti unti
na tila palapit nang palapit ang

I need your graceTo remind meTo find my own

Oh please, huwag kang magtulog-tulugan. Narinig ko ang pag-iyak mo sa


labas ng kwarto. Ilang sandali lang, nagulat si Ces nang biglang kinuha
ni Keng ang unang yakap niya. Basang basa ng luha.

A-Anong?

Itinayo ni Keng si Ces at tinitigan sa mga mata. Umupo ito sa kama sa


tabi niya. Cut the crap. Hindi ako tanga. Hindi mo ba nakikita, ikaw
lang ang nagpapahirap sa inyong dalawa? Kumunot ang noo ni Keng. Mahal
mo siya at mahal ka niya, why cant you two happen?

All that I amAll that I ever wasIs here in your perfect eyes, they're
all I can see

Napalunok si Ces. She hesitated for a moment pero hindi siya tinigilan ng
talas ng tingin ng Young Mistress niya. Walang pag iisip na nagsalita si
Ces.

Dahil sa she stopped herself.

Lalong napakunot ng noo si Keng. Nagtataka. Ano?

W-Wala.

I don't know whereConfused about how as wellJust know that these


things will never change for us at all

Walang makakaintindi sa nangyayari sa kanya. Walang nakakaalamwalang


pupwedeng makaalam.

Huminga nang malalim si Keng at hinawakan ang balikat ni Ces. Niyugyog ni


Keng ang bokalista. Wake up! lalong lumakas ang pagyugyog ni Keng kay
Ces. Try mong sumaya! Nakikita kahit saan ang saya. Nasa tao na lang
kung tatanggapin ba niya ang kasiyahan na yun. Eh ikaw, anyare sayo?

If I lay hereIf I just lay hereWould you lie with me and just forget
the world?

Napayuko si Ces. Hindi siya makapagsalita. Kahit walang alam si Keng,


pakiramdam niya ay sinasabihan siya nito ng tanga ka ba? Bakit ka
nakipagkasunduan sa kamatayan?

Ano? Hihintayin mo pa ako magsabi ng kung anu-anong linyahan na


nakakatouch ng damdamin? Earth to Ces, hindi lahat ng sinasabi sa totoong

buhay, quotable quotes. Anak ng tokwa, hindi mo kailangan ng quotes para


malaman kung saan ka sasaya!

Hindi pa rin umiimik si Ces. Napabuntong hininga si Keng at tumayo. Bago


lumabas, nilingon nito ang dalaga at ngumiti ng malungkot.

Ayaw kong mangyari sa inyo ang nangyari sa amin ni Pio. Takot? Pride?
Ano pa, selfishness? Too selfless? Tangina, masakit 'yun, mahinang sabi
ni Keng nang lumabas ito ng kwarto at sinara ang pinto.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces at nahiga sa kanyang kama. Napahawak


siya sa kanyang pilat at pinakiramdam ang kasunduang alam niyang
katangahan niya. Ilang sandali lang, nagsimula ulit ang kantang
pinapakinggan niya.

We'll do it allEverythingOn our own

Masakit. . .sobrang sakit, bulong ng dalaga.

* * *

Ash. . .

Inaasahan na ni Ces na kaunting oras na lang ay darating si Ash sa tabi


niya na may mga pulang mata. Inaasahan na niyang kukuhanin ng kamatayan
ang kanyang kaluluwa. Matagal tagal na rin kasi nang huling nagpakita sa
kanya si Ash o kahit si Boss. Nagtataka na nga siya dahil wala pa rin ang
mga ito.

Inilibot niya ang tingin sa kwarto niyang hindi na nasisikatan ng araw.


Halos apat na araw na siyang wala sa sarili. Sinubukan niyang maging
busysinubukan niyang magbasa muli ng mga libro ngunit maluluha lamang
siya sa katupasan. Dahil sa bawat katapusan ng kwento, halos dalawa lang
ang pinatutunguhan: Magkakatuluyan ang dalawang bida o may mamamatay.

Alam niya sa umpisa pa lang kung ano ang katapusan ng kanya.

Boss. . .

Kahit ilang beses niyang banggitin ang pangalan ni Ash o tawagin si Boss,
wala pa ring nagpapakita. Walang lumulutang. Walang mapupulang mga mata.
Walang kamatayang lumalapit sa kanya. Nakalimutan na kaya siya ng mga
ito? Hindi kaya wala na ang kasunduan?

Sinalat niya ang kanyang dibdibnandoon pa rin ang pilat.

Napahinga siya ng malalim. Ang tanong, handa na ba siyang harapin ang


kamatayan?

Seriously? Magmumukmok ka lang?

Napapikit si Ces nang may bumukas ng ilaw ng kanyang kwarto. Nagulat din
siya sa biglang pagsasalita ni Kengsa apat na araw na pananatili niya
madalas sa kwarto, nawawalan na rin siya ng muwang sa kanyang paligid.

I-Inaantok lang ako, magtatakip sana si Ces ng unan sa mukha ngunit


natigilan sa sinabi ni Keng.

Paano kung sinabi kong may emergency?

Nilingon niya ang Young Mistress. Naghahalo ang pagtataka at kaba.


Emergency?

Sa MyuSick.

Kaagad siyang bumangon at nagmadaling umayos. Pinagdrive siya ni Keng


pero nagtaka siya nang mapansing hindi sila sa bahay ng MyuSick
dumiretso. Lalong nakaramdam ng kaba si Ces nang tumigil sila sa isang
ospital.

Pagkalabas ng kotse ay hindi na mawala ang kabang nararamdaman ni Ces.


Napapatingin siya sa paligid habang naglalakad. Tahimik lang niyang
sinusundan si Keng ngunit nakakaramdam siya ng takot habang nadadaanan o
kaya naman ay nakakasalubong ang mga pasyente.

A-Akala ko ba, MyuSick?

Ano ba sabi ko? Emergency, hindi ba?

Hinahabol na ni Ces ang hangin sa paligidhalos hindi na siya makahinga


nang umakyat sila ng hagdan. Sobrang daming pumapasok sa kanyang isip na
gusto na lang niyang ilayo sa kanya ang utak. Hindi pwede. . . walang
dapat mangyari. Paulit-ulit niyang pinapakalma ang sarili. Nananalangin
siya na sana ay joke time lang ang emergency. Na sana ay daan lang ito ng
MyuSick para bumalik na siya sa kanila. Pinapanalangin niyang para sa
kanya itona maiiyak siya sa sobrang tuwa dahil nahulog na naman siya sa
mga kalokohan ng MyuSick. . . ng pamilya niya.

Ngunit habang papalapit nang papalapit si Ces sa kwartong sinabi ng nurse


sa reception, hindi siya mapakali. Halos huminto ang pagtibok ng kanyang
puso nang lumabas sa isang kwarto si Melo na lugmok at tila wala sa
katinuan. Nawalan ng lakas si Ces upang humakbang pa nang napatingin sa
kanya si Melomay luha sa mga mata nito.

Kinilabutan siya sa itsura ni Melonaluluha ang gitarista. Naluluha ang


masayahin niyang kaibigan. Napapikit siya nang lumapit siya kay Melo.
Kaagad siyang niyakap ng binatasobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.
Halos lumundag ang kanyang kalamnan nang may lumabas na doktor sa kwarto
na kasama si Manager Lily.

ry to wake him up.

Napatingin si Manager Lily kay Ceshalos mawala sa katinuan si Ces nang


makitang namumula ang mga mata ni Manager Lily. Mukhang kakagaling lang
sa pag-iyak. Hindi na napansin ni Ces na wala na pala si Keng sa kanyang
tabi.

A-Anong nangyari? pagtatanong niya sa kayakap.

Humigpit ang yakap ni Melo kay Ces at muling lumuha ang binata.
Nararamdaman na rin ni Ces ang mga luha niyang nagbabadya na namang
tumulo. Napakuyom siya ng kamay at kumalas sa kaibigan. Trip lang ito. .
. pinipilit niya ang sarili na trip lang ito ng MyuSick. Hindi pa rin
nagsasalita si Melo. Kahit kinakabahan si Ces, nilakasan niya ang loob
upang pumasok sa kwarto.

Napatigil si Ces sa kanyang kinatatayuan. Nalaglag ang kanyang pusohindi


siya makapaniwala. Napapikit siya habang naaalala ang senaryong tulad
nito. Hindi niya inaakalang babalik siya sa ospital para makakita muli ng
ganitoonly worse. Napasandal siya sa pader malapit sa kanya at napahawak
ng bibig nang buksan muli ang mga mata. She tried slapping herself, just
to be free from the nightmarebut it was her reality. Their reality is a
nightmare.

Awtomatikong tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi nagpigil
hindi niya kinaya. Kung pupwede lang mapaupo ay baka napaupo na siya sa
panghihina sa nakikita.

Hindi maaari.

Napatitig siya sa lalaking nakaratay sa kama. Hindi niya malaman kung


good acting ba ito o bangungot. Mapayapa ang mukha ng kabanda ngunit
kitang kita ang sakit na naramdaman kahit tulog. Maraming nakakakabit na
aparato sa buong katawan nito. Hindi makaya ni Ces ang humakbang
papalapithindi niya kayang maniwala sa nakikita. Paglingon sa kanan,
nakita niya si Pitch na nakaupo't tulalakatabi si Keng na tulala rin.

Comatose. Napalingon si Ces nang magsalita si Manager Lily mula sa


kanyang likuran sa kaliwa. Pinipilit ng Manager na pigilan ang pagtulo ng
mga luha. Alam ko na eh, hindi ko lang pinansin.

Manager. . . boses ni Melo sa tabi ng Manager.

Lintek na gang war. . . patuloy ng Manager. Bumalik siya sa nakaraan


niya.

Hindi inaakala ni Ces na madudurog pa ang durug-durog niyang puso. Habang


nakatingin kay Note na nakaratay sa kanyang harapan, hindi na siya
makahinga. Hindi niya kayang makalapit dahil nakikita niya ang sugatang
katawan ng binata at ilang sunog sa balat nitoat ang mukha ni Note. Ang
mukhang madalas ay ngiti ang nakapaskil ay sunog ang halos kanang parte.

Narinig ni Ces ang malakas na paghikbi ni Melo na sinundan ni Manager


Lily.

Hindi siya makapaniwala na nangyari ito sa kanyang kaibigan. Kailan lang


ay nakita niyang nagjojoke pa ito. Tumatawa. Nakangiti. Hindi siya
naniniwala sa lahat ngunit sa mga mukha ng kabandani Manager Lily, lahat
ng ito ay katotohanan. Lahat ay walang kasinungalingan.

May kasamahan siya na dinala rin dito sa ospital, pagkwento ni Manager


Lily, pinipilit pigilan ang pag-iyak. Dead on arrival.

Tumigil ang oras ng mga sandaling iyon. Napatitig lamang si Ces. Hindi na
niya alam ang gagawin o ang dapat pang sabihin o kung ano man ang dapat
isipin. Hindi na siya sigurado kung saan siya lulugar. Ano nga ba ang
dapat niyang alalahanin? Lahat ng tao sa paligid niyatulad niyaay
nasasaktan na rin. They were all vulnerable. Nakakagago ang mga
nangyayari sa kanila.

Everything was too much to take.

* * *

Hindi muna ako aalis.

Ito ang pinaka unang boses na narinig mula sa bahay ng MyuSick. Simula
kasi ng nangyari kay Note, lahat sila ay tahimik. Wala ngang nag-iingay
dahil alam nila, at the back of their mind, kahit wala sila sa ospital ay
mayroon silang kapamilyang nakahiga sa isang kama na walang kasiguraduhan
kung anong mangyayari sa susunod na mga araw. Isang kapamilya na nag
aagaw buhay. . . na kung tutuusin ay mas malaki ang tsansang hindi na ito
magising.

Si Love ang nakabantay kay Note sa ospital habang pinipilit mamuhay ng


normal ng MyuSick sa kanilang bahay. Sinabihan din kasi sila ng ospital
na magpahinga muna ang banda dahil sa dami ng nangyayariat nahihirapan
ang mga tauhan ng ospital sa pagcontrol ng mga reporters sa panghihimasok
sa loob. Marami ring fans ang nagpupumilit makita si Note ngunit hindi
sila pinagbibigyan.

Una, umalis at bumalik si Ces. Pangalawa, aalis si Lyric. Pangatlo, si


Note.

Tiba-tiba ang media sa MyuSick . . . maraming balitang pang exclusive.


They're like popstars instead of rockstars. Kung dapat ay musika ang
kadugtong nila, ngayon ay mga chismis na. Lahat ay nagkukumahog para
malaman ang mga nangyari sa buhay nila. Lahat ay nag-uunahan para
makausap ang isa sa kanila just to know the juicy details about their
private life.

Ganoon kabastos ang media. . . ang mga taong nakapalibot sa mundo ng mga
sikat. Lahat gagawin, makakuha lang ng balita.

Walang tingin-tinging nagsalita si Manager Lily. No, youll go. Matagal


ng plan

Pero si Note

Umalingawngaw sa buong silid ang lakas ng pagbaba ng kubyertos ni Manager


Lily. Nang tumingin si Manager Lily ng matalim kay Lyric, natahimik ang
lahat. Walang kumikilos. Oo alam ko, nasa hospital si Note, o tapos?
Kapag ba nag stay ka rito, mapapagaling mo siya? Magigising ba siya ng
kanta mo? Ng pag-eemo mo? Dont act like a hero, Lyric. Hindi ka bayani."
Napakuyom ang kamao ni Lyric sa naririnig. "Lahat tayo, hindi bayani o
miracle worker para magising o mapagaling si Note. Wala tayong magagawa,
kaya pwede ba? Bago ka magdecide ng kung anu-anong ikakabagsak ng buhay
mo, mag isip ka muna. May sariling buhay si Note. May sarili ka ring
buhay." Nagsimulang kumain muli si Manager Lily na tila wala lang ang
kanilang pinag-uusapan. "May kanya-kanya tayong buhay at hindi pwedeng
tumigil ang lahat dahil lang tumigil ang sa isa.

Napatingin ang lahat nang biglang tumayo si Melo. Busog na ako. Lumabas
ito ng dining area. Sumunod na tumayo ay si Lyric. Hindi ito nagpaalam
nang umalisni hindi nga ito tumingin kay Manager Lily. Napapikit na
lamang si Ces dahil hindi niya kayang makita ang lahat. Hindi na nga rin
niya alam kung paano pa sila nagigising sa dami ng problemang nangyayari.

Ilang sandali lang ay nakarinig si Ces ng paghikbi. Pagdilat ay nakita


niya si Manager Lily na nagtatakip ng mga mata. Umiiyak. Manager Lilys
image infront of Ces broke her heart. Ang nakilala niyang sobrang tapang
na babae ay umiiyak sa kanyang harapan. Ang iniidolo niya ay bumagsak na
rin.

Tumayo si Pitch at tumingin kay Ces. Ako nang bahala kay Manager.
Nagtaka si Ces sa sinabi ng kabanda ngunit natauhan nang magsalita itong
muli bago umupo sa tabi ng Manager. Kausapin mo siya.

Siya. . . pagkasabi pa lang ni Pitch ng siya ay isang tao lang ang agad
na pumasok sa isip ng dalaga.

Kusang tumayo si Ces at umalis. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa


bawat hakbang niya. Natigil siya sa paglalakad nang may magdoorbell.

Natigilan siya nang may makitang babae sa labas at nakasilip sa kanya.


Buong akala niya ay si Keng ang nakita niya dahil sa sleeve tattoo sa
braso ng babaeng nasa harapan. Kapansin pansin sa babaeng nagdoorbell ang
nunal nito sa taas ng labi at nagyoyosi rin ito. Itim na itim ang buhok
nito at pinalibutan ng itim at makapal na eyeliner ang gilid ng mga mata
nito.

"A-Ano pong. . ." Hindi na naituloy ni Ces ang sasabihin nang magsalita
kaagad ang babae.

"Si Treb?" Kinilabutan si Ces sa boses ng babaeng iyon. "I mean, si Pio?"
Napansin ni Ces ang pagdiin ng babae sa pangalan ni Pitch. "Pio na nga
pala siya ngayon," natatawang kumento ng babae.

Magsasalita pa sana muli si Ces nang may magsalita sa kanyang likuran.


"Lys."

Nakita ni Ces ang pagngisi ng babaeng nasa harapan nila. Pagtingin kay
Pitch ay seryoso ang mukha ng binata, nakakunot ang noo.

"Hi Treb, missed me?"

"Ces," matigas na sabi ni Pitch. "Puntahan mo na siya," utos nito.

Nagtaka si Ces sa nangyari at napatanong sa sarili kung sino ang babaeng


tumawag ng Treb kay Pitch. Sino ang babaeng iyon at anong mayroon sa
kanya? At bakit natatakot siya sa presensya ng babae? Kung tutuusin ay
mas maraming tattoos si Keng ngunit mas nakakaramdam siya ng takot sa
babae sa labas. Kaibigan kaya iyon ni Pitch? Kailan? Dati? Bago siya
makapasok sa MyuSick? Noong kadiliman pa ng buhay ng kabanda? Hinayaan na
lang niya si Pitch at ang babae at papasok na sana ng bahay nang
paglingon ay nagulat siya sa nakita.

Hinalikan ng babae si Pitch sa mga labi nito.

Iniiwas ni Ces ang tingin at kaagad pumasok sa loob ng bahay. Napatingin


siya sa cellphone malakas na nagvavibrate na nakapatong sa lamesa. Nang
tingnan ni Ces kung may tumatawag ba ay doon lang niya napansin na kay
Pitch ang cellphone lalo na nang makita ang pangalan ng tumatawag.

Krystel A. GaBe Calling. . .

Si Keng.

Nagdalawang isip kung sasagutin ba ni Ces ang tawag o hindi. Hindi na


siya makakabalik pa sa labas dahil natatakot siya sa kung ano man ang
mangyari kung malaman ni Pitch na may nakita siya. Hinayaan na lang niya
ang tawag, si Pitch at ang babae at nagsimulang umakyat para puntahan ang
dapat niyang alalahanin. Hindi rin niya alam kung bakit pero kusa siyang
dinala ng mga paa niya sa rooftop at hindi siya nagkamalinandoon si
Lyric.

Halos mawalan siya ng hininga nang makita ang likuran ng binata. Nakatayo
ito at nakatingin kawalan. Sa kintatayuan niya, gusto na lang niyang
tumakbo at yakapin si Lyric ng sobrang higpit. Mabawasan man lang ang
sakit na nararamdaman ng binata.

Napatigil si Ces sa paglapit nang magsalita si Lyric nang hindi


nakatingin sa kanya.

Sabihin mo lang. . . Bumilis ang tibok ng puso ni Ces sa boses ni


Lyric. Rinig na rinig sa boses nito ang sakit na nararanasan. Sabihin mo
lang na huwag akong umalis, hindi ako aalis.

Nilingon siya ng binata at nadurog ang kanyang puso nang makitang


nangingintab ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Hindi siya
nakagalaw nang lumapit sa kanya ang binata at niyakap siya ng mahigpit.
Sobrang higpit.

Oo o hindi. Isang salita lang. Rerespetuhin ko.

Halos hindi na makahinga si Ces sa pagbaon ng ni Lyric ng ulo sa kanyang


balikat. Ramdam na ramdam niya ang kagustuhan ng binatang malaman ang
kanyang sagot. Hindi niya mayakap pabalik si Lyrickahit gustong gusto
niyang yakapin ito ay pinipigilan niya ang sarili. Alam niya kasi na
kahit anong gawin niya, masasaktan at masasaktan ito. Sa lahat ng
pupwedeng desisyon niya, masasaktan ang lahat.

S-Sorry. . . pabulong niyang sabi.

Humigpit lalo ang yakap ng binata. Sorry saan?

Tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ni Ces sa tanong na iyon. Ayaw
niyang umalis si Lyric. Ito ang sinisigaw ng pusot isipan niya. Gusto
niyang makasama si Lyric. . . gustong gusto niyang lumaban kasama si
Lyricang MyuSickhabang nangyayari ang problemang ito sa kanila. Pero
worth it ba? Worth it ba ang pananatili niya sa piling ng mga ito kung
iiwan din niya ang mga kasamahan? Kung iiwan din niya si Lyric?

Dapat pa ba niyang patagalin ang lahat?

Mahal na mahal kita, Pauline," pabulong nitong sabi. "Prinsesa.


Ikakabaliw ko 'to.

Tulo nang tulo ang luha ni Ces habang siya ay nananalangin.

Nananalangin siyang sana ay mawala na lang ang kasunduan. Hinihiling niya


na sana ay makausap niya si Bossmakipag kasundo muli. Gusto niyang
ipagbalewala ang kasunduan upang maibsan ang sakit na nararamdaman nilang
dalawa. Masarap magmahal. . . masarap ang mahalin. . .pero kung
nasasaktan ang taong minamahal, dapat pa ba niyang ipaglaban ang lahat?

Kung kakausapin niya si Boss, may magagawa pa ba siya? Para kay Note?
Para sa MyuSick? Para sa kanya? Para kay Lyric? Kung kakausapin niya ang
kamatayan, mayroon pa ba siyang iaalay na mas gugustuhin ng kamatayan
kaysa sa kaluluwa niya?

Kung darating si Boss. . . o si Ash. . . maaari kayang mangyari na


mawalan ng bisa ang kasunduan?

Love is to take risk. Will this risk be worth it?

Tahimik silang dalawa. Walang nagsasalita. Pakiramdam ni Ces ay kinuha na


niya ang lahat kay Lyric. Ang mga ngiti nito. Ang saya nito. Ang buhay ng
binata. Unti-unti, nararamdaman ni Ces ang pagluwang ng yakap sa kanya ng
binata. Lalo siyang naluha sa pakiramdam na pinaparaya na siya ng binata
na kapag kumalas ang binata sa pagyakap ay titigil na ito. . . lalayo.
Aalis na. Mawawala na sa kanyang pilingat hindi niya kinakaya ito.

Bumulong siya sa binataisang mahinang bulong. S-Salamat.

Naramdaman ni Ces ang paninigas ng katawan ni Lyric na nakayakap sa


kanya. Hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng kanyang luha.

Salamat sa lahat, pagbulong ng dalaga sa binata. Pabilis nang pabilis


ang tibok ng puso. Niligtas mo ako. Hindi ka bumitaw. Halos nagbabara
na ang kanyang lalamunan sa pagpipigil. Lyric. . . gustong gusto niyang
banggitin ang pangalan ng binata. Pakiramdam niya ay ito na ang huling
beses na maririnig ang sariling boses na binabanggit ito. Lyric Yue.

Tumutulo na ang luha ni Lyric sa balikat ni Ces. Humigpit muli ang


pagyakap ng binata kay Ces. Nakangiti ito na tila ba napakasaya ni Lyric
nang banggitin ni Ces ang kanyang pangalan. Naluluhang nakangiti si Ces.
. . sa totoo lang, hindi na rin niya alam kung ano ang kanyang
nararamdaman.

Sana sumaya ka. Doon lang niyakap pabalik ni Ces si Lyric. Hinigpitan
niya ang yakap sa binatakung pupwede lang ay huwag na siyang bumitaw.
Gusto kong sumaya ka.

Ces. . .

Nanginginig ang mga labi ni Ces nang mapansin niyang may itim na usok na
namumuo sa bandang likuran ni Lyric. Sa kanyang paningin sa kawalan.

Lyric, pabulong niyang pagsusumamo.

Ayaw na niyang bumitaw. Humigpit ang kapit ni Ces sa damit ni Lyric.


Unti-unting binabalot ang dalaga ng takot nang makita ang imahe sa
kanyang harap. Nakaitim. Nakahood. Sa tagal niyang hindi nakita ito,
pakiramdam niya ay nagbago na ang lahat. Nawala ang gaan ng pakiramdam
niya habang nakikita ito at napalitan ng kaba. Nagliliwanag ng pula ang
mga mata nito ngunit ang mga ngiti ay sumasalungat sa paningin nitong
mapanganib. Nakapinta sa mga ngiti nito ay isang malumanay na ngiti.
Malayong malayo sa nakakatakot nitong aura.

Auie. . .

Umihip ang malamig na hangin sa bulong ng kamatayan. Napangiti si Ces


nang marinig muli ang boses ni Ash na banggitin ang pamilyar na salitang
iyon. Naghalo ang saya, ngamba, takot at lungkot sa kanyang pagkatao nang
makita si Ash. Hindi na rin siya nagulat nang magpakita ito sa kanya
dahil pakiramdam niya ay nalalapit na rin ang katapusan.

Lyric. . . muling pangbanggit ng dalaga.

Napapikit si Ces nang lumapit sa kanya si Ash ngunit napadilat nang may
maramdamang init na dumadaloy sa kanyang katawan. Nanlaki ang kanyang mga
mata habang nakatitig sa itim na usok na kinukuha ng kamatayan mula sa
kanya. Hindi nagtagal ay tila ba kinakain ng itim na usok ang kamatayan.
Ang pulang mga mata nito ay unti-unting bumabalik sa normal. Nang
mangitim muli ang mga mata ng kamatayan, napahigpit ang kapit ni Ces kay
Lyric nang mapansing unti-unting naglalaho si Ash sa kanyang harapan.

U-Umalis ka na. . . pagpapatuloy ng dalaga.

A-Ano?

Kakalas na sana si Lyric ngunit niyakap ni Ces nang mahigpit ang binata.
Niyakap niya ito na tila ba wala nang bukas habang naluluha.

Nawala si Ash ngunit nanatili ang usok. Umikot ito at bumuo ang usok na
iyon ng isang imaheng nagpakilabot sa kanyang pagkatao. Isinubsob ni Ces
ang ulo sa dibdib ni Lyric nang makita ang pulang mata ng kinakatakutan
niyang kamatayan. Naririnig na niya ang sinisigaw ng puso ng binata.

Ilang sandali nang iangat ni Ces ang kanyang paningin, nakita niya ang
mukha ni Boss. Kitang kita niya ang mapanganib at seryosong mukha ng
kamatayan. Hinigpitan lalo ni Ces ang pagyakap kay Lyric. Takot siya.
Takot na takot.

Humugot ng malalim na paghinga si Cesang huling hangin na dadaloy sa


kanyang katawan.

L-Lyric, mahinang sabi ng dalaga. Kumalas siya sa pagkakayakap kay


Lyric at tinitigan sa mga mata ang binata. Sabay na tumutulo ang luha ng
dalawang bokalista. May pagtataka rin sa mga mata ng binata. Hinihintay
ang mga susunod niyang sasabihin. Pinapakinggan ang bawat pagsasalita ng
dalaga. Lyric Yue. . .

Napansin ni Ces ang pagkumpas ng kamay ni Boss na tila ba may inaangkin


ito. Napapikit si Ces nang maramdaman ang nakakapasong init ng kanyang
pilat. Bumibigat ang bawat paghinga niya dahil sa nararamdamang sakit.
Pakiramdam niya ay natutuklap ang pilat sa kanyang balat habang sinusunog
ang kanyang dibdib.

M-Mahal. . . Tumitig si Ces sa mga mata ni Lyric ngunit nanlalabo na


ang mga mata ng dalaga. Nag iitim na ang kanyang mga paningin. Tiniis
niya ang sakit na nararamdamantinitiis din niya ang naghahalong lamig at
init na naglalaro sa kanyang katawan niya. Hinawakan niya ang pisngi ni
Lyric at muling napaluha nang hindi na niya nararamdaman ang paghawak
niya rito. Bumabagal at nanlalabo ang ingay sa paligid na tila may
nagbabara sa kanyang panrinig. . . . na mahal. . .

Lalong nagliwanag ng kulay dugo ang mga mata ni Boss. Ayaw man makita ni
Ces ngunit naramdaman niyang wala na siyang pag asa nang makita ang
malawak na pagngisi ng kamatayan sa kanya. Nakakapangilabot ang mga ngiti
nitong napaka layo sa maamo at batang mukha. Pinapalibutan ang kamatayan
ng mga naglalarong itim at puting usok na tila ba galing ito sa kanyang
katawan. Pagkakita noon, alam niya. . . alam niyang una't huli na ito.

. . .kita.

Hindi na niya narinig ang sarili ng banggitin ang huling salita. Hindi na
niya naririnig ang mga sigaw ni Lyric. Pabagal nang pabagal ang pagtibok
ng kanyang puso. Naghahalo ang init at lamig sa kanyang mga ugat.
Nagdilim ang kanyang paningin at nawawalan na siya ng control sa kanyang
katawan. Naramdaman niya ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata at
ilang luhang galing sa binata na tumulo sa kanyang pisngi. Ang huli
niyang naramdaman ay ang paghinto ng pagtibok ng kanyang puso.

All along, she was hoping for a miracle to happen. A change of deal. A
change of plan. A change of story. A change of tragic ending.

Nakipagkasundo siya sa isang kamatayanat iyon ang kamalian niya.

~ ~ ~Author's Note:This chapter is dedicated to LaureenAnneErandio!


Bakit? See the multimedia at the side! Alam kong dati na ito pero sobrang
tuwa ko lang dito kay Shane at Laureen. Madalas nila pag usapan ang TTLS
at nakakatuwa dahil nagkakilala sila dahil sa TTLS (tama ba ako?) Sobrang
cool lang. Sobrang nakakatouch ang mga tweets niya. Thank you Laureen!

=================
56 // After The End

"An ending was an ending. No matter how many pages of sentences and
paragraphs of great stories led up to it, it would always have the last
word." Sarah Dessen

~ ~ ~

Ito ang katapusan.

Nagising si Ces sa narinig na bumulong. Malalim at lalaking boses ang


kanyang narinig sa kanyang utak. Hindi niya mawari kung kilala niya ba
ang nagsalita. . . ngunit nagtaka siya dahil ibang diyalekto ang kanyang
narinig. Ibang diyalekto ngunit naiintindihan niya ang sinasabi nito na
para bang ito ang pinaka unang diyalekto niya. Pagkadilat ay wala siyang
ibang makita kung hindi kadiliman.

Binabalot siya ng dilim.

Napahawak siya sa kanyang dibdib at nasalat na wala na ang pilat. Tapos


na ang kasunduan. Napaawang ang kanyang bibig nang may isa rin siyang
napansin. Sinubukan niyang huminga ngunit pakiramdam niya ay walang
hangin na lumalabas o pumapasok sa kanyang sistema. Sinubukan niyang
pakiramdaman ang dibdibhindi tumitibok ang kanyang puso. Hinawakan niya
ang kanyang braso ngunit walang siyang nararamdamang init o lamig. Wala
siyang maramdaman.

Ano nga ba ang huling nangyari? Sinabi niya ang nararamdaman kay Lyric. .
. nagpakita si Ash. Nawala si Ash. Nagpakita si Boss. May mga itim na
usok. Nawala ang kanyang pakiramdam at nagdilim ang lahat. Nasaan siya?
Patay na ba siya? Marami siyang tanong at dapat alamin ngunit kalmado
lang siya. Marami siyang gustong alamin pero pakiramdam niya ay hindi
siya naghahanap ng sagot sa mga tanong.

Naglakad si Ces kahit wala siyang nakikita sa kadilimankahit ang mga paa
niya o ang mga kamay ay hindi niya makita sa sobrang dilim. Dapat ay
nakakaramdam na siya ng kaba ngunit hindi niya mahanap ang tibok ng
kanyang puso. Hindi rin siya makaramdam ng kahit na anong takot sa
paligid.

Habang naglalakad ay may napansin siyang maliit na nagliliwanag sa


kaliwang parte ng kanyang paningin. Lumapit siya roon at napansin niya na
hindi lang ito basta ilaw dahil parang telebisyon ito sa kadiliman.
Napatitig siya sa parihabang liwanag at sa loob ng parihabang ito ay may
nakita siyang dalawang pamilyar na tao na magkaharap at magkatitigan.
Kapansin pansin ang mga tato ng dalawa sa katawan.

Krystel Angela, lumuhod ang lalaki sa parihabang liwanag sa harap ng


babaeng puno ng tattoo sa katawan.

Si Pitch at si Keng.

Hindi tulad ng huling kita ni Ces kay Pitch na mahaba ang buhok, umikli
ang buhok ng binata at nakatali ang kanang bahagi ng buhok. Kitang kita
ang mga piercings ni Pitch na nakayakap sa tainga nito. Napansin din ni
Ces na dumami ang tattoo sa katawan ni Pitch kahit nakapormal itong suot.

Nanginginig ang mga kamay ni Pitch nang ilabas ang maliit na kahon.
Napansin ni Ces ang panlalaki ng mga mata ni Keng at doon lang niya
natitigan ang Young Mistress niya. Nakamake-up ito at nakapormal din
malayo sa kung paano siya pumorma talaga ngunit kitang kita pa rin ang
mga tattoomukhang nadagdagan pa nga ang mga ito. Nakatali ang itim na
buhok ni Keng into a messy bun.

Gulat na gulat si Keng. Napahawak siya sa kanyang bibig upang itago ang
kaba, saya at takot na nararamdaman. Nang buksan ni Pitch ang kahon ay
nangingilid na ang mga luha ng dalawa. Nangingintab ang mga mata nila na
tila mga bituwin sa umaga.

Will you marry me?

Tuluyang umiyak si Keng. Gusto ring maiyak ni Ces sa sobrang saya ngunit
wala siyang maramdaman. Hinila ni Keng si Pitch patayo at niyakap ang
binata. Naluha rin si Pitch sa eksena. Tahimik na magkayakap ang dalawa
habang sabay na lumuluha.

Kumalas sila sa pagkakayakap at ngumiti sa isa't isa. Yes Pio Alberto,


nakangiting sagot ni Keng. Yes!

Lumawak ang ngiti ni Pitch at ganoon din si Keng. Sinuot ni Pitch ang
singsing sa daliri ni Keng. Nagkatitigan pa muna ang dalawa hanggang sa
palapit nang palapit ang kanilang mga mukha sa isa't isa nang. . .

AAAANNNNDDDD CUT!

Mula sa parihabang liwanag ay biglang lumawak ito. Napalitan ng ingay at


gulo ang itim na paligid. Napuno ng mga taong naglalakad, tumatakbo at
may mga taong nagpupunas ng luha. Ang daming pamilyar na aparato ang
nakapaligid. Nakakagulat ang mga taong tumatagos sa katawan ni Ces ngunit
hindi siya nagulattila isang normal na pangyayari ang tagusan siya ng
mga tao habang naglalakad. Napahawak siya sa kanyang mga mata at napansin
na wala na siyang suot na salamin. . . pero ang linaw ng paligid. Hindi
na malabo ang kanyang mga mata.

Thats a wrap people! Pamilyar ang boses na iyon.

Nagsipalakpakan ang mga tao sa paligid ni Ces. Nang ibalik niya ang
tingin sa kinatatayuan nila Keng at Pitch, napansin niya ang pag alis ni

Keng ng singsing sa daliri nito. Lumapit ang isang babae na napaka


pamilyar sa kanyahumaba lang ang buhok nito.

Good job GaBe loveteam! Si Direk J. Marie, only older. I'm sure hindi
na magrereklamo ang fans niyo. Youll now have a happy ending. Your own
forever.

Ngumiti si Keng. . .at ganoon din si Pitch. Nagyakapan ang tatlo at


iniwan na ng direktor ang dalawa.

Anniversary niya, bulong ni Keng nang hindi nakatingin kay Pitch.

Yumuko si Pitch. Oo, pupunta ako mamaya.

Ah, okay. Sige.

Hinawakan ni Pitch si Keng sa braso kaya napatigil ang dalaga.


Nagkatinginan sila saglit ngunit binitawan din kaagad ni Pitch ang hawak.
Sama ka?

Kaagad sumagot si Keng, not thinking. Busy pa. May presscon pa ako
mamaya. Try ko but Ill pray for him.

Tumango si Pitch. Lumayo na si Keng.

Maraming nagkocongratulate sa dalawa. Ang ingay pa rin ng paligid ngunit


sinundan ni Ces ng tingin ang kabanda habang naglalakad. Gusto niyang
magulat sa nakita nang may isang bata na lumapit kay Pitchmarahil ay
nasa pitong taon na. Hinalikan ng batang babae si Pitch sa pisngi at
ngumiti. Napansin ni Ces ang babaeng nakaupo na hawak sa kamay ang bata.
Ilang beses siyang napapikit sa sobrang pamilyar ng babaeng nakaupo.
Nagyoyosi ito at napatitig si Ces sa nunal ng babae sa taas ng labi.

Doon lang pumasok sa kanyang utak na ito ang babaeng pinagbuksan niya ng
gate noong gabi bago niya sabihin kay Lyric ang nararamdaman. Ito ang
babaeng may ngisi sa mga labi na kinakatakutan niya. Ito ang babaeng
tumawag ng Treb kay Pio.

Mommy, sino 'yung papakasalan na iba ni Daddy?

Natigilan si Ces sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa nakikita at


naririnig. Ngumisi ang babaeng nagyoyosi at binuhat ni Pitch ang batang
tumawag sa kanya ng Daddy.

Wala akong pakakasalan, Alys, sagot ni Pitch.

Pero sabi nung direktor, may happy ending daw kayo? Hindi makapagsalita
si Pitch sa tanong ng bata. Tapos forever pa. Paano na si Mommy? Ako?

Ngumiti si Pitch ngunit kita ni Ces ang lungkot sa mga ngiti nito.
Tumingin si Pitch sa babaeng nagyoyosi at nagkatitigan sila sandali bago
pa ibinaba ni Pitch ang bata. Walang forever. . . hindi totoo iyon.

Nang tingnan ni Ces si Keng na nasa kabilang parte ay napansin niya ang
paglingon nito sa kinatatayuan ni Pitch. Agad din itong umiwas nang may

mga teenagers na nagpapirma sa kanya. Ilang sandali, tinawag ni Direk J.


Marie sila Pitch at Keng upang magkuhanan ng litrato.

Bago pa sila ulit magkahiwalay pagkatapos ng pictures ay nagkumento pa


muna si Direk J. Marie. You two look good together. Its been years
since the fandom pero may chemistry pa rin. Parang may love pa rin kahit
matagal na.

Napangiti lamang ang dalawasinasalamin ang ngiting hindi umabot sa mga


mata at puso.

Hindi sila sa huli.

Napalingon si Ces sa likuran nang may marinig na boses. Hindi pa rin ito
ang alam niyang tagalog o English na lengwahe . . . iba pa rin ang
kanyang naririnig ngunit naiintindihan niya ang sinabi nito. Doon niya
nakita si Boss na naglalakad papunta sa kanya. Hindi ito lumulutang
naglalakad ang kamatayan. Normal din ang mga mata nito, bumalik sa batang
cute na hindi mababakasan ng panganib.

Hindi? pagtataka ni Ces. Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang
sarili na nagsalita ng ibang lengwahe. Hindi niya alam ito ngunit
naiintindihan niya ang sariliat kusang binabanggit ng kanyang bibig ang
mga salitang hindi siya pamilyar. Bakit? Anong nangyari?

Ngumisi si Boss at lumutang paangat upang magkapantay ang paningin ng


dalawa. Nakatingin sila Boss at Ces kanila Pitch at Keng na magkalayo.
Hindi sa lahat ng pagkakataon na nagkasama sa umpisa, magkasama hanggang
huli. Kahit gaano pa kalaki at kahirap ang laban, maaari pa ring mapunta
ang lahat sa wala.

Gustong masaktan ni Ces sa naririnig ngunit hindi niya magawang


maramdaman ang sakit. Kahit awa sa kabanda at kaibigan ay wala siyang
maramdaman.

Tahimik silang dalawa. Nakatingin lamang si Ces sa babaeng tinawag ng


bata na mommy. Nag-uusap sila ni Pitch. Nagsalita muli si Boss. Ang
nakaraan, kahit gaano kalimutan at layuan, hahabulin ka nito. Sa
kasalukuyan at sa hinaharap."

Hindi mapigilan ni Ces ang sarili. "Anak ba ni Pitch iyon?" Nilingon niya
si Boss na nanonood lamang sa senaryo.

"Hindi. . . oo. . . walang nakakaalam. Ngumisi si Boss at tumitig kanila


Pitch. Pero may nangyari sa kanila. Pero may nangyari rin sa babaeng
iyon at sa ibang mga lalaki."

"Paano na si Keng?" Tiningnan ni Ces si Keng na nakangiti sa kabilang


dulo habang pinipicture-an ng mga paparazzi.

"Hindi siya nang gugulo ng isang pamilya. Inusente ang bata sa kung anong
nangyayari sa kanila."

Tiningnan muli ni Ces si Boss. Nagparaya siya . . . Tumango si Boss.

"Dahil ang maayos na, nagulo pa. Unti-unting binabalot ng dilim ang
kapaligiran. Naglalaho ang mga tao sa senaryo. Ang akalang gulo, naayos
dahil akala nila ay dapat itong ayusin."

Ang huling nakita ni Ces ay ang date noong araw na iyon sa papel na
ibinigay ng isang staff kay Direk J. Marie.

August 11, 2019.

Nagdilim muli ang paligid. Wala pa ring nararamdaman si Ces. Walang


hangin na bumabalot sa kanyang katawan. Walang takot na nararamdaman.
Walang kahit na ano.

Boss, mahinang sabi niya. Anong . . . nangyari?

Hindi nagsalita si Boss ngunit nakarinig siya ng ilang hikbi ng isang


bata sa paligid. Ilang sandali lang ay namumuo muli ang liwanag at mga
kulay saka ito kumalat sa kanilang paligid. Nag-iba ang senaryo. Mula sa
ingay at gulo ng paligid nila Keng at Pitch, tahimik ang bago nilang
paligid. Sa harap ni Ces ay may isang batang lalaki na nakauniform na
pangkinder. Palubog na ang araw at iyak nang iyak ang batang nakaupo sa
bench malapit sa isang playground.

Sino siya? tanong ni Ces. Hindi siya sinagot ni Boss. . . nakangiti


lang itong nanonood at tila may hinihintay.

Ilang sandali lang ay may isang lalaki na nakasuot ng polo shirt at black
slacks ang umupo sa tabi ng bata. Kayumanggi ito at may matipunong
katawan. Hindi pinansin ng bata ang lalaki ngunit namukhaan ni Ces ang
lalaking tumabi sa bata.

M-Matt?

Hindi siya narinig ni Matt. Nakatingin lamang si Matt sa batang lalaki na


umiiyak. Ilang beses itong napalunok saka nagsalita.

Bakit ka umiiyak?

Wala pa ring pagbabago si Matt. Mukha pa rin itong matinokahit ang buhok
nito ay clean cut pa rin tulad ng huli niyang kita sa kaibigan. Shaved
ang bigote at balbas. Napakalinis tingnan. Nakasalamin ito at tila
mukhang negosyante na.

Nilingon ng bata si Matt. Nakasimangot. Kasi. . . hindi pa rin


dumadating si Mama!

Nanginginig ang mga kamay ni Matt nang hawakan niya ang ulo ng bata.
Napangiti si Matt ngunit kitang kita ni Ces ang pangingintab ng mga mata
nito. Nagrereflect ang sunset sa mga mata ng kaibigan.

N-Nasaan daw ang Mama mo?

Lalong sumimangot ang bata. Hindi ko po alam.

Pinatahan ni Matt ang bata. Binilhan pa ni Matt ng ice cream ang batang
lalaki. Nakangiting kinakain ng bata ang ice cream ngunit may mga luha pa
rin ito sa pisngi.

Darating din ang Mama mo.

Sinamahan ni Matt ang bata. Noong una ay tahimik sila ngunit nagdaldalan
din at nagkatuwaan kalaunan. Napapangiti si Ces kahit hindi niya
nararamdaman ang saya na nakikita sa dalawa. Parang mag-ama.

Matt.

Napalingon si Ces sa boses na narinig sa kanyang likuran. Nakita niya si


Marky na hinihingalkulot ang buhok nito at nakauniporme pang trabaho.
Kaagad niyang napansin ang pangingintab ng mga mata ng kaibigan. Naglakad
si Marky at tumagos sa kinatatayuan ni Ces.

Marky, pabulong na sabi ni Matt habang nakatingin kay Marky.

Mama! Lumapit ang bata kay Marky at yumakap. Humingi ng tawad si Marky
sa anak niya dahil pinag-overtime siya ng boss.

Napangiti si Matt. Ang laki na niya.

Malamang. Ilang taon na ring nakaraan.

Napangisi si Matt at napailing dahil hindi pa rin nagbabago si Marky.


Siya pa rin ang Marky na best friend niya noon. Ang astig na mommy ni
baby Marc noon. Ang mommy ng batang si Marc ngayon. Lumapit ang bata kay
Matt at niyakap ang lalaki. Thank you po sa ice cream at sa pagsama sa
akin!

Tumulo ang luha ni Marky sa mga mata at agad nitong pinunasan ang mukha.
Marc baby, tara na. Tumango ang batang si Marc at muling hinigpitan ang
yakap kay Matt bago kumalas. Aalis na kami.

Papa!

Napalingon silang lahat nang may isang batang babae na lumapit kay Matt
at yumakap sa binti nito. Binuhat ni Matt ang bata at hinalikan siya ng
bata sa pisngi. Nilingon ng batang babae sila Marky at ang anak nitong si
Marc habang nakangiti.

Sino s

Gaile! Muli, napalingon ang lahat sa boses ng babae na sumigaw. Nang


makalapit ang babae sa tabi ni Matt ay hinihingal pa ito. Nako Gaile,
kung saan-saan ka nagpupunta! pagrereklamo ng babae sa bata na hawak ni
Matt. Sorry Matt, akala

Natigilan ang babaeng nagsasalita nang mapansing may tao sa paligid. Nang
lumingon ang babaeng humawak sa braso ni Matt ay nanlaki ang mga mata
nito.

Ngumisi si Marky at binuhat si Marc. Erich. . .

M-Marky. . .

Nagsalitan ang tingin ni Erich kay Marky at Matt. Umikli ang buhok ni
Erich. Kulot na blonde na ito. Napatitig si Ces sa batang babae at
nanlumo nang mapansin kung sino ang kahawig ng batasi Matt at Erich.
Pinikit ni Marky ang kanyang mga mata at ngumiti kahit na tumutulo ang
luha sa mga mata. Nagtataka ang dalawang bata sa kung anong nangyayari sa
kanilang mga magulang. Maraming gustong sabihin si Matt ngunit wala
siyang lakas upang magsalitasi Erich ay napatitig lamang sa dating
kaibigan.

Nagkamali siya. Hindi niya sinasadya.

B-Bye.

Pagkasabi ni Marky ng huling salita ay kaagad nagdilim ang paligid.


Natulala lamang si Ces sa napanood na senaryo. Hindi siya makapagsalita.
Gustong niyang maiyak sa nangyari. Gusto niyang maiyak dahil alam niyang
nasasaktan si Marky at Mattat si Erich. Wala na talagang magawang matino
ang babaeng iyon.

It was heartbreakingMatt and Markys love is a love made in heaven . . .


pero anong nangyari? Not all love made in heaven stays. Tulad ng sabi ni
Pitch. Walang forever.

Hindi na kinakaya ni Ces ang mga nakikita. Natatakot na siyang makakita


muli ng liwanag dahil natatakot siyang may mapanood ulit na ikasisira na
ng kanyang bait. Pakiramdam niya ay natatakot siyapero wala talaga
siyang nararamdaman. Gulong gulo siya dahil alam niyang tao pa rin siya
ngunit wala siyang nararamdaman na kahit ano. Hindi kaya ganito rin ang
pakiramdam ni Ash?

Tangina, pre. Napatingin si Ces sa paligid nang may marinig na boses.


Humihikbi rin ang pinanggalingan nitonapaka pamilyar ng boses na kanyang
naririnig. Tangina talaga.

Ilang sandali lang ay muling nagkaroon ng kulay ang paligid. Nang


tumingin si Ces sa taas, walang kahit isang bituwin. Unang napansin ni
Ces ay ang pagkapamilyar ng lugar sa paligidang sementeryo. Nakita
niyang naglalakad si Boss at kaagad niyang sinundan ang kamatayan.
Tumigil si Boss sa likuran ng isang lalaki na nakaupo at nakayuko.

Anim na taon na. . . gago ka.

Inutusan ni Boss si Ces na lumapit sa lalaking nakaupo sa damuhan.


Sumunod si Ces sa utos na ito.

Iniwan mo ako, boses ni Melo.

Akala ni Ces, si Note ang nakita niyang umiiyak dahil sa pamilyar na


bonnet nito ngunit natigilan nang makitang si Melo ang nanghihina sa
kanyang harapan. Nawala na ang saya sa mukha ng binatatumanda pa ang
itsura nito. Pagod na pagod ang mga mata ni Melo na tila ba matagal na
itong lumuluha. Sinusuntok suntok nito ang lapida sa harapan. Bakit ka
ba kasi nakigulo? Humihikbing tanong nito. Gangster? Ngumisi si Melo.
Akala mo ba, cool 'yun? Bakit ka ba nagpaagos sa mga bwisit mong kafrat
member? Bakit ba kasi ayaw mong makinig sa akin? Akala ko ba umalis ka na
sa frat? Bakit wala kang sinasabi sa amin?

Napatingin si Ces sa lapidang iniiyakan ni Melo. Napakagat ng labi ang


dalaga nang makita ang pangalan na nakasulat sa lapida.

III
2013
be misplaced
never be replaced"

Notario "Note" Adams


October 19, 1989 August 11,
"A note that will never
A friend that will

Tangina pre, mahal kita. Mahal kita, tangina.

May isang babae na lumapit kay Melo at hinawakan ito sa balikat. Umiiyak
din itonang tingnan ni Ces kung sino iyonnakita niya si Love na tumanda
na rin. Umikli ang buhok. Melo. . .

Bakit kasi hindi ko sinabi sa kanya? Bakit ba ako natakot na baka layuan
niya ako kapag sinabi ko sa kanya? Sinusuntok ni Melo ang lapida. Umupo
si Love sa tabi ni Melo at hinayaang ipatong ni Melo ang ulo sa kanyang
balikat. Hanggang ngayon, shit. Ang sakit pa rin.

Tahan na. . . naiiyak na sabi ni Love. It was ironic to tell Melo to


stop crying when she was also crying. Ang gulo lang.

Kumuyom ang kamao ni Melo. Fuck society and people who judge. Fuck them
dahil sa kanila, takot na takot ako. Niyakap ni Love si Melo nang
sobrang higpit. Sorry dahil ginamit pa kita, Love. Sorry dahil
nasasaktan ka rin tulad ng nararamdaman kong sakit.

Lumuluhang nakangiti si Love sa kanya. Okay lang. . . gamitin mo lang


ako hanggang maging okay ka. Maging girlfriend mo lang ako hanggang sa
maisip mong okay ka na.

Humigpit ang yakap ni Melo kay Love. Ibinaon niya ang ulo sa balikat ng
dalaga. Tangina, nanginginig ang boses niya. Ang sakit sakit na nang
iwan siya.

Tumigil ang buong pangyayari na tila ba pinatigil ang lahat ng isang


remote control. Kinumpas ni Boss ang kanyang kamay pataas at kaagad nagiba ang senaryo. Madilim pa rin . . pero wala na sila sa sementeryo.

Nakita ni Ces si Melo na mag-isang naglalakad sa


Sinundan nila ni Boss ang kabandang may hawak ng
ang damit ng binata kanina sa sementeryo at suot
ni Note. Pagewang gewang itong naglakad hanggang
bahay.

madilim na kalsada.
bote ng beer. Ito pa rin
pa rin nito ang bonnet
sa tumigil sa isang

"Andito na ako!" pagsigaw ni Melo ngunit mahirap na maintindihan dahil sa


pagkalasing. "Buksan mo pinto."

Pagkabukas ng pintuan, napangiti si Ces nang makita ang isang dalaga na


pamilyar sa kanya. Si Mela. . . dalaga na ang maliit na maldita. Mahaba
na ang buhok nito. Nagdalaga na ang itsura at nakikita na ang kurba sa
katawan nito. Malayong malayo na ang batang Mela noon na spoiled sa
ngayon.

Narinig ni Ces ang pagpapatugtog ni Mela na kanta. Napakagat siya ng labi


nang mapansin kung kaninong boses ang naririnig na kumakanta. . . kay
Lyric.

Getting up, getting dressed, livin with this regretBut I know if I


could do it over

"K-Kuya!"

Bumagsak si Melo ngunit nasalo siya ng kapatid. Pumasok sila Ces at Boss
sa loob ng bahay ng magkapatid habang hirap na hirap sa pagbuhat si Mela
kay Melo. Kaagad ipinahiga ni Mela ang kuya sa sofa. Kitang kita pa rin
ang luha sa mga mata binata.

I would trade give away all the words that I saved in my heartThat I
left unspoken

Bumuntong hininga ang dalagang Mela. Dahil sa dilim, binuksan nito ang
ilaw sa may kusina para hindi ganoon kaliwanag. Pinunasan ni Mela nang
maligamgam na tubig ang kapatid. Inilayo rin nito ang bote ng beer sa
kamay ng kuya.

What hurts the mostIs being so close

Napapangiti si Ces dahil nakikita niya ang pagmamahal ni Mela sa kapatid.


Nagtingin siya sa paligid. Nakita niya ang isang acoustic guitar na may
nakasulat na Melo sa katawan at electric guitar na sigurado siyang pirma
ni Note ang nakasulat sa guitar strap. Napatigil siya nang makita ang
isang poster ng MyuSick sa isang tabi. May litrato rin nila Melo at Mela
na kasama ang isang puntod. . . puntod nila Tito Nel at Tito Mel na may
nakasulat na date: April 7, 2018.

And having so much to say (much to say)And watching you walk away

"Kuya. . ." Napalingon si Ces nang marinig ang pagsasalita ni Mela.


Nakaupo ito sa lapag at nakatingin sa kapatid. Si Boss ay nakangisi
lamang sa isang tabi. Nakalutang sa may sofa. "Bakit ba kasi ganyan ka?"

And never knowingWhat could have been

Hinaplos ni Mela ang mukha ni Melo at tinanggal ang bonnet sa ulo ng


kapatid. Napansin ni Ces na naluluha na rin ang dalaga. "Iniwan na tayo
nila Tito. . . bakit pakiramdam ko, iniiwan mo na rin ako? Bakit ba hindi
na lang ako ang piliin mo? Patay na siya. . . buhay pa ako."

And not seeing that loving you

Napatitig lamang si Ces. Naguguluhan na siya sa nangyayari o sa mga


sinasabi ni Mela. Napalingon si Ces sa labas dahil sa biglang buhos ng
napaka lakas na ulan sa labas. Binalik niya ang tingin sa magkapatid.
Hinawakan ni Mela ang kamay ni Melo at hinalikan ito ng marahan. "Mahal
kita kuya, bakit hindi mo ramdam?"

Is what I was trying to do, oh.

Napalingon si Ces kay Boss pero ngumisi lang ito. Hindi na nakaimik si
Ces. Hinayaan na lamang niyang balutin ang buong paligid ng kadiliman. Sa
dami ng kanyang nakita, sa dami ng kanyang napanoodnamanhid na siya sa
nangyayari. Lahat ng malapit sa kanya ay may sari-sariling kwento ngunit
lahat ay nabaon sa isang masalimuot na katapusan.

Bakit nakikita ko ito? tanong ni Ces sa kadiliman.

Natawa ng kaunti si Boss. Trip ko lang.

Hindi nga, bakit?

Hindi na nagsalita pang muli si Boss nang makarinig si Ces ng sobrang


lakas ng pagbagsak ng ulan. Muling nawala ang kadiliman ng paligid.
Napatitig si Ces sa kanyang harapnapaka lakas ng ulan na pumapatak. Nang
tumingin siya sa langit, pakiramdam niya ay nakikiiyak ang langit sa
nararanasan ng kanyang mga kaibigan.

May napansin siyang isang babae na naglakad na may payong. Ngumisi si


Boss kay Ces at sinundan nila ang babaeng naglalakad. Nang maglakad sila
sa ilalim ng ulan, wala siyang naramdamang pagkabasa. Bago lumapit ay
tumitig ang babaeng may dalang payong sa waiting shedat pamilyar ang
waiting shed na iyon. Doon naghintay si Ces kay Lyle noondoon siya
kinausap ng mga rapist noon. At ngayon, doon din niya nakita si Lyle na
nakaupo at umiiyak.

Pagkalapit ay napansin niya ang higpit ng yakap ng binata sa isang


tsinelas na kulay pula. May hello kitty itong designat pamilyar ang
tsinelas na iyon ngunit hindi maalala ni Ces kung saan nakita.

Napansin ni Ces ang pag-upo ng babaeng nakapayong sa tabi ni Lyleat doon


lang niya napagtantong si Manager Lily ang babaeng iyon. Humaba na ang
buhok nito. Tahimik lang ang dalawanakayuko si Lyle habang pinagmamasdan
ni Manager Lily ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Uwi na tayo, bulong ni Manager Lily.

Humigpit ang hawak ni Lyle sa tsinelas na hawak. Nawala na siya,


naiiyak nitong sabi. Kinuha siya. Iniwan niya ako. Ng lahat.

Nandito pa rin ako. Hinawakan ni Manager Lily ang balikat ni Lyle.

Ate, bulong ni Lyle. Umupo ito ng tuwid at tumingin kay Manager Lily.
Magkatitigan lamang ang magkapatid habang tumutulo ang luha sa mga mata.
Sorry.

Niyakap agad ni Manager Lily ang kapatid. Kasabay ng buhos ng ulan ay ang
pag agos ng galit sa puso ng magkapatid. Humigpit ang yakap nila sa isa't
isa at binaon ni Manager Lily ang kanyang mukha sa balikat ni Lyle.

Matagal na kitang gustong yakapin.

Napapikit si Lyle sa sobrang sakit at gaan ng nararamaman. S-Sorry ate.


. .sorry.

Ngumiti si Manager Lily. Sorry din.

Kumalas sila sa pagkakayakap at sabay na tumingin sa kalangitan.


Hinawakan ni Manager Lily ang kamay ng kapatid saka ngumiti. "Kung nasaan
man siya, siguradong hihintayin ka niya."

Tumango si Lyle habang pinupunasan ang tumutulong luha sa kanyang pisngi.


Itinaas niya ang kamay na hawak ang hello kitty na tsinelas at ngumiti sa
umiiyak na kalangitan. "Hintayin mo ako d'yan, Leah."

Ginawa mo ang hindi dapat kaya nakikita mo itong katapusan ngayon.


Napalingon si Ces nang magsalita si Boss. Nakangisi ito habang nanonood
sa nakangiting Yuzon. At may kailangan kang malaman na hindi dapat.

Malaman? Na hindi dapat? Ano?

Tumingin si Boss kay Ces. Soul contract. Hindi dapat nangyari iyon.

Naguguluhan na si Ces sa sinasabi ni Boss. Napansin na lamang niya na


wala na si Manager Lily at Lyle sa waiting shed. Napasin din niya sa
paligid na tumigil ang lahatang mga kotseng umaandar, ang hangin na
humahampas sa mga kalat at ang ulan. Ang bawat patak ng ulan ay tila
tumigil sa kawalan. Lumulutang sa kanyang paningin.

Hindi dapat nakikipagkasundo ang isang mortal sa isang kamatayan.

Pero, bakit binigyan niyo pa rin ako ng kontrata? tanong ng dalaga.


Kung hindi dapat, bakit tayo nagkaroon ng deal?

Dahil sa pagmamahal.

Kumabog ang kanyang dibdib. Napahawak siya sa kanyang puso na tila


nabigla sa narinig. Ngunit hindi nagtagal ang kabog. . . nawala rin ito
bigla.

H-Ha?

Dahil sa pag-ibig.

Kumalabog muli ang kanyang puso. Paglingon sa paligid ay nagdilim muli


ang lahat. Nawala ang buhos ng ulan at hindi na niya nakikita si Boss.
Binalot ng katahimikan ang kanyang paligid. Wala na naman siyang
nararamdaman sa kanyang puso. Wala pa ring paghinga. Wala pa ring
emosyon.

Yung bola! Ilag!

Napalingon si Ces nang may malakas na boses ng lalaki ang sumigaw.


Paglingon ay nanlaki ang kanyang mga mata nang may bolang mabilis na
papalapit sa kanya. Sinubukan niyang takpan ang mukha at napapikit sa
paghihintay ng sakit. Ilang sandali ay wala pa rin siyang naramdaman
ngunit may narinig siyang boses ng babae. Isang napaka pamilyar na boses.

Aray!

Hala, okay ka lang?! boses ulit ito ng lalaking sumigaw.

Pagdilat ni Ces ay sobrang liwanag ng paligid. Ilang sandali lang ay


napansin ni Ces ang isang pamilyar na lugar. Ang paaralan niya noong
highschool. Natigilan siya nang makita ang dalawang pamilyar na mukha na
tumatakbo sa kinatatayuan niya. Mas batang tingnan. Sina Lyric. . . at
Ash.

Okay ka lang? boses ni Ash. Tumagos ang tingin ni Ash sa kanya na


nakatayo. Nakita niya si Lyric sa may likuran ni Ash na walang imik
ngunit gulat ang ekspresyon.

Mukha ba akong okay?

Paglingon ni Ces sa boses ng babae, nanlaki ang kanyang mga mata sa


nakita. Sarili niyanakikita niya ang kanyang sarili na nakahawak sa
mukha habang nakapikit at mukhang nasaktan. Mahaba ang kanyang buhok at
nakatirintas. Alam na alam niya ang itsurang ito dahil ito ang itsura
niya noong second year highschool siya. Pitong taon na ang nakakaraan.

Gulong gulo na siya sa mga nangyayari. Si Ash. . . si Lyric. . .at siya.


Nasa ground sila ng school niya noong highschool. Nilingon ni Ces si Boss
upang humingi ng kasagutan. Nakatingin ang kamatayan sa kanya habang may
ngisi sa mga labi.

Balikan natin ang simula.

~ ~ ~Author's Note:Salamat sa paghihintay! Kung nalimutan niyo na ang


nangyari last chapter, re-read na lang. Baka isipin niyo naligaw na kayo
hahahaha~ Salamat sa 8k reads omaygahd atat na atat na ba kayo sa update
at panay balik niyo sa chapter na yun? Hahaha salamat din sa vote at sa
comments na sobrang nakakatouch pati sa messages!!!
Edit 3/30/14:Ito na, may nanalo na sa picQuote! After so many
deliberations. . . nakapili na si Admin Ai ng mananalo! At iyon ay si. .
. ImAirisshu!!! See the multimedia part to see the picQuote. So bakit
siya ang nanalo?
"Nakapagdecide na ako! Ung may butterfly na lang kasi naglet go si Ces sa
happiness niya. Hahaha. Mas feel ko ung emotion dun." ~ Admin Ai.
Bakit nga ba hindi ako ang nagdecide? Dahil ako ay matechnical. . .plus
kaibigan ko ang ibang sumali, baka magkabias. Maraming maganda. Maraming
maangas. Marami akong gustong panalunin pero isa lang ang pwede. . .kaya
humingi ako ng tulong kay Admin Ai kasi siguradong hindi siya bias dahil
wala siyang kilala sa mga readers.
So yeaah, salamat sa mga sumali sa picQuote / word art contest! Salamat
sa halos 400+ na pictures na inedit niyo all in all.
Hi ImAirisshu, congrats at thank yooouuu sa pagiging reader ng TTLS!

=================
57 // Before Once Upon A Time

"This is what the past is for! Every experience God gives us, every
person He puts in our lives is the perfect preparation for the future
that only He can see."- Corrie ten Boom

~ ~ ~

"Ano 'to, Boss?"

Mula sa senaryong nakabalot sa kanila ay nagdilim ang paligid. Ang


senaryo nila Ash, Lyric at Pauline, ang highschool na siya ay lumiit at
napunta sa isang pahabang transparent na salamin. Nagliliwanag ito habang
lumutang sa kanilang harapan. Kung titingnan ng maigi, kahit na naging
parihabang salamin na lang ang senaryo ay gumagalaw pa rin sila sa loob
ng salamin. Parang maliit na TV.

Umikot ang tila salamin sa kanila. Hindi nagtagal ay nabalot na sila ng


napaka raming salamin ng senaryo. Iba iba ang mga nangyayaring senaryo
pero isa lang ang nakikita niyang pinapahiwatig ng mga senaryong ito.

Siya. Si Lyric. Si Ash.

Nandoon silang tatlo sa mga maliliit na parihabang salamin.

"Ito ang umpisa," nakangiting sagot ni Boss. Nang magkatinginan ang


dalawa, sobrang daming tanong ni Ces pero hindi siya makapagsalita. "Na
kailangan mong malaman."

"Sila Lyric at Ash?"

Sa mga umiikot na salamin, madalas ay makita niya ang sarili na mag-isa.


Mag-isa siyang kumakain tuwing recess pero nakikita rin niya sila Ash at
Lyric na minsan ay nakatingin sa kanya. Mag isa siyang kinakausap ang
kanilang teacher. Mayroon ding kita ang saya ng lahat dahil bakasyon na
ngunit tahimik lamang ang batang siya nang lumabas ito ng room at
umuwi. Hindi pa rin nagbago-ito ang naaalala niya. Alam niyang second
year highschool siya nito . . . pero hindi niya maalala na mayroong Lyric
at Ash noon.

Bumilis lalo ang pag-ikot ng mga senaryo at nakita na niya ang sarili na
may maikling buhok-hanggang balikat ang haba. Nakasamalin na rin siya
nito dahil naaalala niyang lumabo lalo ang mata niya ng taong ito. Third
year highschool. May isang senaryo na nasa labas ng classroom ni Pauline
sina Ash at Lyric na tila may hinahanap pero umalis din kaagad.
Pinagkaguluhan si Pauline ng mga kaklaseng babae pagkapasok niya ng
classroom ilang minuto pagkaalis ng dalawa.

Ang isang senaryo ay nagpakita ng nakaupo si Pauline sa isang parte ng


cafeteria nila. Nakita ni Ces ang gulat sa mukha ni Pauline nang umupo
sila Lyric at Ash sa tabi niya at nagpakilala ang mga ito. May salamin
na lumagpas kay Ces na ngiting ngiti si Pauline habang kasama ang
dalawang binata. Marami pa ang mga salamin na nagbibigay ng iisang sagot.

"Magkakaibigan kayo pitong taon na ang nakakaraan," pagsasabi ni Boss.

Tumigil ang isang memorya sa kanilang harapan. Lumaki ito at bumalot ang
classroom sa buong paligid. Unang napansin ni Ces ay ang lalaki na
nakaupo sa isang upuan, nakatalikod at gulo gulo ang medyo mahabang
buhok. May hawak din itong gitara.

Nakatayo si Ces at Boss sa may hallway-napansin din niyang palubog na ang


araw at tumatama ang sinag sa binata sa classroom.

"At ito ang memorya naming tatlo," patuloy ni Ces.

Hindi patanong ang sinabi ni Ces-wala siyang maalala na nangyari ang


lahat ng ito ngunit pakiramdam niya, tama siya. . . na memorya niya ito.
Na totoong nangyari ito nung nakaraan na hindi na niya maalala. Hindi rin
naman kasi siya sinagot ni Boss.

Nakarinig ng pagtugtog ng gitara ang dalawa. Lumapit sila Ces at Boss sa


lalaking tumutugtog ng gitara at napangiti siya nang makita si Lyric na
seryosong nag aaral sa pag gigitara gamit ang isang song hits. Nawala ang
ngiti ni Ces nang makita ang mga pasa sa braso ni Lyric-may pasa rin ito
sa mukha at ilang bahagi ng katawan. Nagsimulang kumanta si Lyric.

Our little conversations are turning into little sweet sensationsAnd


they're only getting sweeter every time

"Binubugbog siya ng tatay niya. . ."

Ngumisi si Boss. "Naaalala mo?"

Our friendly get-togethers are turning into visions of foreverIf I


just believe this foolish heart of mine

Nilingon ni Ces si Boss at umiling. Sana nga ay naaalala niya pero hindi.
"Kinwento niya sa akin noon."

I can't pretend that I'm just a friend'Cause I'm thinkin' maybe we


were meant to be

Tumango tango lamang si Boss habang nanatili silang nakatayo habang


nanonood. Kanina pa sila nakatayo pero hindi napapagod si Ces o
nangangalay man lang.

"Ang ganda ng boses niya kahit noong highschool pa lang," nakangiting


kumento ni Ces. Tumango tango ulit si Boss.

I think I'm fallin', fallin' in love with youAnd I don't, I don't know
what to do

Nakita ni Ces ang batang sarili na sumilip sa loob ng classroom.


Pinapakinggan nito ang pagtugtog at pagkanta ni Lyric.

I'm afraid you'll turn awayBut I'll say it anywayI think I'm
fallin'(fallin') for youI'm fallin'(fallin') for you

Nakangiting lumapit ang highschool na Ces at naupo sa likuran ni Lyric.


Natigilan ang binata at biglang lumingon.

"P-Pauline!" gulat na sabi ni Lyric.

"Hala, bakit ka tumigil? Ituloy mo lang."

Hindi gumalaw si Lyric-halata ang gulat sa mukha ng highschool student na


binata.

"Alam mo, ang ganda ng boses mo," pagbasag ni Pauline, o ang batang Ces
sa katahimikan. Nahihiyang ngumiti si Lyric, hindi pa rin nagsasalita.
Hiniram nito ang gitara kay Lyric at nagstrum kahit hindi marunong mag
gitara. Nginitian muli ni Pauline ang binata. "Iparinig mo yan sa
maraming tao. Marami kang maiinspire gamit boses mo. For sure!"

Kung may nararamdaman lamang si Ces, malamang ay nagulat siya sa narinig.


Ito ang sinabi ni Lyric sa kanya noon-sa kwento ng bokalista sa kanya.

"Salamat," nakangiting sabi ni Lyric. "Ang ganda rin ng mga ngiti mo."

Natigilan si Pauline. Napangiti ang Ces na nanonood sa senaryo-napangiti


siya kahit wala siyang nararamdaman. Napangiti lang siya dahil si Lyric
ang nagsabing maganda ang ngiti niya.

"Binola mo pa ako!" hinampas ni Pauline si Lyric hanggang sa magtawanan


sila. "Kaya ka nagrepeat dahil sa pambobola mo ng teachers eh!"

"Oy, hindi ako repeat. Nagstop lang, grabe."

"Defensive!" natatawang sabi ni Pauline. "Tanda."

Napapangiti si Ces sa tawanan ng dalawang highschool student sa harapan


nila ni Boss. Hindi rin niya akalain na ganito siya kasaya noon-ang
naaalala niya lang kasi ay noong second year na madalas ay iwas siya sa
mga tao. Masyado raw kasi siyang matalino na hindi na makatarungan dahil
pabor sa kanya ang mga guro.

"Ang ganda ng mga ngiti mo noon. Kahit ngayon naman," pagkukumento ni


Boss. "Pero dahil ang naaalala mo lang ay ang mga pangyayari na hindi
dapat ikasaya, unti unting nagbabago ang mga ngiti mo."

Tumigil ang buong senaryo ng paligid, Lumiit ito at hinigop ng parihabang


salamin. Nakakulong ang senaryong iyon sa salamin. Umikot ito ng mabilis
kasama ang iba pang naglitawan na katulad ng parihabang salamin ng
senaryo.

"Memyor," biglang pagsabi ni Boss habang kinuha ang isang salamin ng


senaryo. Lumulutang ito sa mga kamay ni Boss. "Mga memoryang nawala at
mawawala sa isang mortal. At ang mga ito ay sa'yo. . . sa inyo."

Mula sa pagkakahawak, nabasag ang Memyor sa pagpitik ni Boss.

"Bakit nawala sa akin ang mga 'to?" pagtatanong ni Ces. Gusto sana niyang
hawakan ang isang Memyor ngunit tumagos ang kanyang kamay sa mga ito.
"Hindi ko rin mahawakan."

"Dahil kailangan nila mawala sa'yo at ako lang ang pupwedeng makahawak ng
mga ito."

Nagkatitigan sila Boss at Ces. Marami pang gustong itanong ang dalaga.
Marami pang hiwaga sa mundo ng mga kamatayan at gusto niyang alamin ang
mga ito-pero saan siya magsisimula? Ano ang dapat niyang tanungin upang
makuha ang dapat na sagot?

"Auie!"

Tumigil ang isang Memyor sa kanilang harapan at nagsimula na itong


palibutan ang buong paligid. Nilingon ng mga tao sa library nang pumasok
si Ash sa silid. Kaagad nagreklamo ang librarian sa pag iingay ng binata.

"Shh!"

"Sorry po!" nakangising sabi ni Ash sa librarian.

Lumapit si Ash kay Pauline na nagkoconcentrate sa pagbabasa ng libro sa


Chemistry. Mukhang kinakabisa ang mga elements. Mula sa likuran ay
tiningnan ni Ash ang librong binabasa ng dalaga.

"Ano ba 'yang binabasa mo? Ang boring."

Umupo si Ash sa tabi ni Pauline at nilayo ang mga libro sa paligid.


Nilingon ng dalaga ang kaibigan.

"2nd quarter examination na next week," pagreremind ni Pauline sa


kaibigan. "Graduating ka na. It's about time dahil ang tagal mo na sa
fourth year," natatawa nitong dugtong.

Ngumuso si Ash. "Aray ah, namumuro ka na. Hinintay ko lang si Lyric para
sabay kami grumaduate at next week pa yung exam, bakit ngayon ka na nag
aaral? Gusto mo na rin grumaduate? Sabay ka sa amin?" natatawa nitong
sabi.

Hindi na makapagbasa pang muli si Pauline dahil sa pangungulit ni Ash.


"Para handa ako."

Hinawakan ni Ash ang librong hawak ni Pauline at bigla itong binato.


Natamaan pa ang isang estudyanteng nakikipagdaldalan sa loob ng library.

"Uy, ano ba Ash!" Tatayo na sana si Pauline upang kuhanin ang mga binato
ni Ash ngunit hinawakan siya ng binata sa braso at pinaupo sa upuan.
Matamang nakakatitig ang binata sa kanya.

"Gala na lang tayo," ngiting aso nitong sabi.

"G-Gala?" Napansin ng nanonood na Ces na namula ang pisngi ng batang


siya. "Nasaan si Lyric?"

"Busy eh, nag aaral."

Nanlaki ang mga mata ni Pauline. "P-Pero, nag aaral din ako."

"Ayun na nga. Mas gusto kitang guluhin kaysa sa kanya." Ginulo ni Ash ang
buhok ni Ces at kinuha ang mga libro saka sinauli sa librarian. Binalikan
ni Ash si Pauline na hindi na nakagalaw sa sobrang kaba. Nilahad nito ang
kamay sa harapan ng dalaga. "Tara, Auie?"

Muling lumiit ang senaryo at bumalik sa maliit na salamin. Umikot itong


muli kasama ang iba pang Memyor. Hindi makapagsalita si Ces habang
ngising ngisi at pailing iling pa si Boss sa nakita.

"Si Ash. . ." hindi na matapos ni Ces ang sasabihin dahil nag-iba na ang
senaryo sa paligid.

Nakaupo ang highschool na Ces sa isang upuan na tila naghihintay. Naka


civilian ito at napansin ni Ces na ito ang college university niya na
nilipatan niya. Dito niya nakita si Lyle. . . ang MyuSick. Matapos ng
ilang minuto, dumating ang dalawang magkaibigan na ngiting ngiti kay
Pauline.

"Pumasa kami, Auie!" natutuwang sabi ni Ash. Inakbayan ni Ash si Pauline


at kinulong sa braso saka ginulo ang buhok. Tuwang tuwa ang batang Ces sa
magkaibigan. Nagkangitian naman sila Lyric at Pauline. "At dahil pumasa
kami, ililibre mo kami!"

"Hala?" Ngiting aso lang ang ibinalik ni Ash. Nagkamot ng batok si Lyric
at napabuntong hininga si Pauline. "Sige na nga."

Isang kumpas lang ni Boss ng kamay ay gumulo at tila nadistort na


tubig ang senaryo. Ilang segundo lang ay nag-iba na ang buong paligidnasa isang fast food chain na sila. Napaka raming tao at nadadaanan na
nga si Boss at Ces ngunit para lang silang usok na tumatagos sa mga tao.
Wala ring nakakakita sa kanila.

"Tara, doon tayo," pag-aaya ni Ash sa isang table na may magkasintahan na


paubos na ang kinakain. Bumulong si Ash sa dalawang kasamahan. "Titigan
natin sila hanggang mailang para umalis."

Sa sobrang lakas ng trip ay ginawa ng tatlong magkakaibigan ang sinabi ni


Ash. Tinitigan nilang tatlo ang magkasintahan sa table at kitang kita sa
dalawang kumakain ang pagkailang. Pagkatapos kumain ng magkasintahan,
tumayo agad ang mga ito at umalis.

Natatawang umupo ang tatlo sa lamesa.

"Sabi sa inyo, effective eh," natatawang sabi ni Ash. "Ano Auie,"


inakbayan ni Ash ang katabing si Pauline. "Plus pogi points na ba 'to?"

Natatawang umirap si Pauline. Pansin ng nanonood na Ces ang tingin ni


Lyric sa dalawang kaibigan-magkahalong ngiti sa mga labi at sakit sa mga
mata. Umiwas ito ng tingin at tumitig sa labas ng bintana habang
nagkukulitan sila Pauline at Ash.

Kumumpas muli si Boss sa tabi ni Ces at nagbago muli ang senaryo.

Nasa music store na sila. Nasa ibang parte si Lyric, nagtitingin ng mga
CDs at nakikinig ng mga kanta sa headset na nakalaan para sa mga
customers ng store. Si Ash at Pauline ay nagkukulitan sa isang parte.
Napatigil si Pauline nang may isang lalaki na pumasok sa music store.

Marami itong tattoo pero pumukaw sa paningin ni Pauline ay ang hikaw sa


tainga ng lalaking pumasok. Nahalata ito ni Ash kaya sumimangot ang
binata.

"Anong tinitingin tingin mo d'yan?" naiiritang tanong ni Ash.

"Ang cool kasi ng tainga niya, may piercings. Cross pa."

Kumunot ang noo ni Ash. Nagtataka. "Mahilig ka sa cross?"

Ngumiti si Pauline at tumango. "At sa lalaking may piercings. Ang gwapo


kasi ng mga lalaking ganun!"

"Sinong gwapo?" takang tanong ni Lyric nang puntahan nito ang mga
kaibigan. May hawak itong supot na may laman ng biniling CD.

Ngumisi si Ash at nagpogi sign. "Ako raw, pogi."

Umirap si Pauline habang natatawa sabay harap kay Lyric. "Huwag mong
paniwalaan 'yan."

Kinumpas ni Boss ang kamay at nagbago muli ang senaryo. Nasa classroom si
Pauline habang nagbabasa ng notes nang kumatok si Ash at nagmadaling
pumasok sa classroom ng dalaga. Nagulat ang mga kaklase ni Pauline sa
fourth year na pumasok. Hinatak palabas ng binata ang kaibigan habang
ngiting ngiti.

"May surpresa kami sa'yo!" nakangiting sabi ni Ash. Naghintay lang si


Pauline kung ano ang surpresa nang hatakin ni Ash si Lyric na nasa
likuran at tinuro ang kanang tainga nila.

"Piercings?" nanlaki ang mga mata ni Pauline at tumitig sa mga tainga ng


mga kaibigan. "Cross na itim na hikaw?" Halos mapanganga na ang dalaga sa
nakikita. "Bakit kayo nagpabutas ng tainga?"

Ngumisi si Ash. Taas baba ang kilay habang nakapogi sign. "Para gwapo
ako, inaya ko rin siya para hindi ako mag isa." Tiningnan ni Pauline si
Ash at si Lyric ng salitan. Tahimik lang si Lyric na napapailing habang
tinutuloy ni Ash ang kwento.

"Natakot kasi siya sa baril. Gusto ng kasama."

"Lul, sabi ni God, share your blessings daw. Shinare ko lang sa'yo
kapogian ko para hindi unfair kasi baka isipin ng iba, nobody's perfect
tapos pinanganak ako. Hindi ba ang unfair non?"

Binatukan ni Lyric si Ash para sa violent reaction. Nagtawanan ang tatlo


habang nag-usap usap hanggang sa mag ring ang bell indicating na
magsisimula na ang klase.

"Hala, late na tayo!" natatarantang sabi ni Ash. "Ay di bale, okay lang
pala malate. Ayaw ko naman sa bunot na sir na 'yun eh."

"Sige na, lumayas na kayo rito," natatawang sabi ni Pauline habang


tinutulak si Ash.

Kahit ayaw ni Ash ay nagpaalam na ang dalawang binata. Bago pa pumasok ng


classroom si Pauline ay nagulat siya nang hatakin siya ni Ash at
hinalikan sa noo. Nanlaki ang mga mata niya-nakita rin ni Lyric ang
ginawa ng kaibigan.

"Kitakits tayo mamaya!" Tumakbo na si Ash papunta sa hallway ng mga


fourth years. Naiwan si Lyric na hindi makagalaw sa hallway ng third
years, nakatingin ang binata kay Pauline. Nagkatitigan ang dalawa
hanggang sa ngumiti si Pauline kay Lyric at kumaway upang magpaalam.
Tumango si Lyric at naglakad papunta sa hallway nila.

Pagkapasok ni Pauline sa sariling classroom ay tahimik lamang siya


hanggang sa palibutan ng mga babaeng kaklase at ngiting ngiti sa kanya.
Buong akala niya ay nakita ng mga kaklase ang ginawa ni Ash ngunit iba
pala ang pakay ng mga ito.

"Emergehd Pauline, sino 'yung mga 'yun?"

"Ang pogi nung hindi nagsasalita. Pahingi number!"

"Ang cute nung pumasok sa classroom natin, ahihihi!"

"Swerte mo Pauline, may mga fourth years na lumalapit sa'yo!"

Inialis ni Pauline ang kabang nararamdaman sa sarili at ngumisi sa mga


kaklase. "Sila ang maswerte dahil ako ang nakakasama nila!" sabay tawa sa
sarili. Natawa rin ang mga kaklaseng nakapalibot sa kanya.

Maraming
magawang
dapat ay
pagtibok

nalaman si Ces sa mga senaryong napanood ngunit hindi niya


magulat. Kung tutuusin, dapat ay marami siyang nararamdamannaghahalo-halo na ang kanyang emosyon pero wala pa rin. Kahit
ng puso ay wala. Kahit paghinga, hindi niya ginagawa.

Nagdilim muli ang paligid at nagbalik na naman ang mga Memyor sa pag
ikot. Habang patagal nang patagal, nakikita na ni Ces ang improvement sa
highschool na siya. Kay Pauline Flores. Nakangiti na ito-madalas na
tumawa at tila ba naglighten ang mood sa mundo ng dalaga.

Napangiti si Ces habang inaalala ang mga napanood. "Ang saya ko noon. . .
namin."

"Oo nga."

"Anong nangyari?" pagtatanong ni Ces kay Boss. Nang magkatinginan sila ay


ngiti lang ang sinagot ni Boss saka sila binalot ng panibagong senaryo.

Nasa classroom si Pauline at Ash. Nakaupo lang sila-si Pauline ay


nagsusulat ng notes habang si Ash ay malapit nang humiga sa mga upuan sa
classroom sa sobrang pagkabored.

"Auie," pagmamaktol ni Ash. "Matagal pa ba 'yan?"

Hindi nakatingin si Pauline nang magsalita ito. "Mauna ka na kasi umuwi,


kailangan ko lang tapusin 'to."

Inilapit ng binata ang upuan sa upuan ni Pauline upang tingnan ang


ginagawa ng dalaga. Titig na titig ito na kulang na lang ay magpalit ang
papel ni Pauline at ang mukha ni Ash ng pwesto.

"Ash. . ."

"Auie. . ." Nakangising sabi ni Ash.

Bumuntong hininga si Pauline. Iba talaga ang kakulitan ni Ash. "Awi ka


nang Awi. Pauline kasi pangalan ko."

Ngumuso si Ash. Nagpapacute. "Auie ang gusto ko. Huwag ka magulo."

Umiling na lang si Pauline at nagpatuloy sa pagsusulat pero ginulo na


naman siya ni Ash. Kinuha ng binata ang ballpen at notebook ng dalaga.
Naiinis na nilingon ni Pauline si Ash pero nakangiti lang ang binata.

"Hindi mo ba itatanong kung saan ko nakuha ang Auie?" Tuwang tuwa na


tumayo si Ash. Hawak nito ang notebook at ballpen ng dalaga hanggang sa
lumapit ito sa blackboard. Kumuha ng chalk si Ash at nakangiting sinulat
ang pangalan ni Pauline.

P A U L I N E

Tinaasan ng kilay ni Pauline si Ash. Umiling iling si Ash. "Seryoso?


Hindi mo nagets?" Hindi nagreact si Pauline. Umiling muli si Ash. "Kawawa
ka naman. Ang talino mo nga, mas matalino naman ako sa'yo sa mga ganitong
bagay. Pssh."

Ilang sandali lang ay kinuha ni Ash ang pambura at binura ang consonant
letters sa pangalan na Pauline.

A U

"Gets mo na?"

"Ganun pala 'yun?" Napatingin si Ces nang magsalita si Boss. "Kaya pala
Auie. Akala ko trip lang niya banggitin lagi 'yun eh. Galing," natatawa
nitong kumento. Hindi malaman ni Ces kung totoo ba ang reaksyon ni Boss o
nagpapanggap lang.

"Okay naman na ang Pauline," kumento ni Pauline nang tumayo ito at kinuha
ang notebook at ballpen na hawak ni Ash.

Ngumisi si Ash. "Oo nga. Okay nga-pero gusto ko maaalala mo ako sa isang
nickname. Para kapag narinig mo 'yun, ako lang maaalala mo. Ako lang may
karapatang tumawag sa'yo ng Auie. Ha?"

Umiling iling si Pauline at umirap. Tumalikod ito kay Ash at dumiretso sa


upuan kanina ngunit bago umupo, nakita ng nanonood na Ces ang malawak na
pagngiti ng batang siya.

"May gusto ba ako kay Ash?" takang tanong ni Ces.

Nagkibit balikat si Boss. Nanatili silang nakatayo habang naghihintay sa


pagliligpit si Ces. Akala niya ay aalis na sila sa senaryo pero mukhang
may inaantay pa sila.

"Oh, Ashley-Pauline, bakit nandito pa kayo sa room?"

Sabay na lumingon sina Pauline, Ash at si Ces mismo sa may pintuan ng


classroom. Nanlaki ang mga mata ni Ces nang makita kung sino ang tumawag.

"Ashley-pfft!" Tumawa sa tabi ni Ces si Boss.

"Ma'am naman, Ash na lang." Nagkamot ng batok si Ash na tila ba nahiya


ngunit may ngiti sa mga labi. Napansin din ni Ces ang pamumula ng pisngi
ni Ash.

Ngumiti ang teacher kay Ash. "Okay Mr. Manzon," pagbibigay diin sa
apelyido ni Ash. "Umuwi na kayo ni Ms. Flores, mag gagabi na."

Tumango ang dalawang estudyante. Umalis na ang teacher ngunit sinundan ng


nanonood na Ces ang babaeng tinawag ni Ash ng Ma'am.

"Si Manager Lily. . . teacher namin?"

Lumawak ang ngiti ni Boss nang sumunod ang kamatayan sa dalaga. "Studentteacher sa music."

Nang lumingon si Ces kay Boss, una niyang napansin ay si Ash na nakatanaw
sa kanya at nakangiti-na para bang nakatingin ito mismo sa kanya ngunit

alam niyang hindi siya nakikita ng binata. Nilingon ni Ces ang


tinitingnan ni Ash habang ngiting ngiti: si Manager Lily.

Muling nagdilim ang buong paligid. Natulala lang si Ces sa mga


napapanood. Dumami ang gumulo sa isip ni Ces pero pakiramdam niya ay
sobrang payapa ng kanyang utak. Pakiramdam niya ay hindi dapat ito
isipin.

Hindi pa nakakapagreact si Ces, nasa classroom ulit ang senaryo pero


mukhang ibang classroom na ito-hindi na classroom ni Pauline. Napansin
niya ang dalawang estudyante sa may gilid, isang babae at isang lalaki na
natutulog sa upuan. Napagtanto niya ang dalawa kung sino ang mga iyonsina Pauline at Lyric.

"Auie! Ly!" Tumakbo papasok ng classroom si Ash at hingal na hingal nang


gisingin ang dalawang kaibigan. Ngiting ngiti ito pero kita ang kaba sa
mga mata. Nang magising ang dalawang kaibigan, kaagad binalita ni Ash ang
nangyari sa kanya. "Nalagay ko na sa drawer ni Ma'am Yuzon 'yung pink
paper!"

"Pink paper?" kaagad kumento ng nanonood na Ces sa sinabi ng binatang


Ash. Nilingon niya si Boss, hindi ito kumikibo.

"Thank you Auie!" Umupo si


ang mga mata ni Pauline at
love letter! Ang galing mo
doon tapos tatanungin niya

Ash sa tabi ni Pauline at niyakap ito. Nanlaki


ngumiti ng malungkot. "Salamat sa tulong sa
talaga magsulat! Siguradong kikiligin si Ma'am
kung sino nagbigay tapos magpapakasal kami!"

"Ano bang natripan mo at si Ma'am Yuzon pa ang nagustuhan mo?" pagbabasag


ni Lyric sa daydreaming ng kaibigan.

Ngumisi si Ash at binaling ang tingin sa kaibigan. "Ano ka ba, ang ganda
kaya ni Ma'am. Sexy. Mabait. Matalino. Talented. Ganda boses! Nasa kanya
na lahat! Ako na lang kulang," natatawa niyang sabi.

"Nakng," pagsimula muli ni Lyric. Kinuha ng binata ang back pack at


tumayo. "Alam mong hindi pwede 'yang gusto mo, hindi ba?"

Umiling si Ash. "KJ mo. Basta okay na ako kasi tinulungan ako sa love
letter nitong si Auie." Ginulo ni Ash ang buhok ni Pauline. Napangiti
lamang si Pauline. . . habang tumingin naman si Lyric sa dalaga habang
umiiling.

"Uwi na ako."

"Uy teka lang Ly!"

Kinumpas ni Boss ang kamay at nagulo na ang senaryo. Ilang sandali lang,
nakita na nila si Lyric na nakaupo sa harap ng computer at parang hindi
mapakali. Nasa kwarto sila ng binata-unang napansin ni Ces ay ang mga CDs
sa kwarto at mga posters ng mga banda. Rinig na rinig din ang rock music
na pinapatugtog sa kwarto.

"A-add ko ba siya?" hindi mapakali si Lyric. Kumukuyakoy pa ito habang


nakakatitig sa screen ng computer.

Lumapit si Ces at Boss sa likuran ni Lyric. Napansin ni Ces ang


tinitingnan ni Lyric-friendster niya. Ang friendster ni Pauline Flores.

Natawa si Boss pero hindi nagsalita. Tiningnan lang ni Ces ang kamatayan
at binaling ang tingin kay Lyric. Nakatitig lang siya sa binata-tila
nahihiya na hindi malaman. Pikit matang nagclick sa add as a friend si
Lyric. Kaagad itong tumayo, kumuha ng twalya at tumakbo papuntang CR.

"Uy, maliligo siya, sama tayo?" nakangising tanong ni Boss.

"Boss!"

"Ano?" Lalong lumawak ang ngisi ni Boss. "Baka trip mo lang kasi makita."

"Boss!" pag-ulit ni Ces.

"Fine!"

Kumumpas si Boss. Mula sa kwartong iniwan ni Lyric kanina ay nagbalik


muli ang binata sa upuan sa tapat ng computer. Basa ang buhok nito,
nakabihis na at may twalya na nakasabit sa balikat.

Lumawak ang ngiti ni Lyric habang nakatitig sa screen. Pinukpok pa nito


ang dibdib na tila sobrang kaba ang nararamdaman. Bumulong ito sa hangin
habang nakangiti. "Inaccept niya ako."

Hindi namalayan ni Lyric na may pumasok na pala sa loob ng kanyang


kwarto. Nang tingnan ni Ces kung sino ang pumasok, napatitig siya sa
mukha ng binata. Lumapit ang binata sa likuran ni Lyric, halos katabi na
ni Ces habang nakangisi.

"Yan pala 'yung Prins-"

"Shit!" Halos mahulog si Lyric sa kinauupuan sa sobrang gulat. Napahawak


ito sa dibdib habang tawa nang tawa ang binatang nasa likuran niya
kanina. "Putspa ka Lyle, anong ginagawa mo sa kwarto ko? Hindi ka
marunong kumatok?"

"Chill lang dude. Grabe, naramdaman ko ang possessiveness mo sa kanya.


Galit na galit ah," natatawa pa ring sabi ni Lyle. Naupo ito sa gilid ng
kama ni Lyric.

"Ano bang ginagawa mo rito bahay?" iritableng tanong ni Lyric.

Ngumisi si Lyle at tumayo. Lumapit ito kay Lyric at tinitigan ang screen
ng computer. Pilit tinatakpan ni Lyric ang screen ngunit ayaw patinag ni
Lyle. "She's cute. . . pero hindi siya hot. Masyadong simple. Ganyan ba
mga type mo?" Nagtatakang tanong ni Lyle. "Masyadong basic. Simple. Ano
ba 'yan, walang thrill."

Habang naririnig ni Ces ang mga ito. . . hindi niya alam kung anong
mararamdaman sa mga sinasabi ng highschool na Lyle. Dapat ba siyang
masaktan? Mainis? Magalit? Pero sa ngayon. . . wala siyang maramdamang
kahit ano.

Tumayo si Lyric at hinila si Lyle palayo sa computer. "Lumayas ka nga sa


kwarto ko, sino bang nagpapasok sa'yo sa bahay? Mama!" sigaw ni Lyric na
pinagtawanan ni Lyle.

Narinig ni Ces ang sigaw ng isang babae mula sa labas ng kwarto. "Lyric!
Huwag mo muna pauwiin 'yang si Lyle! Dito na siya maghapunan!"

"Mahal talaga ako ng nanay mo, Lyric." Natatawang sabi ni Lyle. "At relax
lang! Hindi ko aagawin ang Prins-" Lalong natawa si Lyle sa sama ng
tingin ni Lyric. "Okay, hindi ko na tatawagin siya ng ganoon, okay?
Happy? Pinapunta kasi ako ni ate Lily dito, pahiram daw ng notes sa
music. Tinututor niya 'yung isa niyong teacher."

"Sinong teacher? Si Sir Riano?"

Nagkibit balikat si Lyle. "I don't know bro. Hindi ako nakikimeddle sa
mga kalandian ng ate ko," natatawang sabi ni Lyle.

Umiling na lamang si Lyric nang ibigay ang notebook sa kaibigan. "Dito ka


ba kakain?"

"Ayaw mo ba?"

"Oo, ayaw ko. Kaya lumayas ka na sa pamamahay namin!" pagtulak ni Lyric


sa kababata.

Tawa nang tawa si Lyle habang tinutulak siya ni Lyric palabas.

Nag-iba muli ang senaryo sa pagkumpas ng kamay ni Boss. Nagbalik muli


sila sa classroom at nag-iisa lang doon si Pauline. Nakaupo sa upuan sa
pinaka likuran. Halos nagdidilim na rin ang paligid-nakatitig lang ang
dalaga sa blackboard. Tulala sa kawalan.

Dumating ang binatang Lyric sa classroom na hinihingal at seryosong


tumingin kay Pauline. Naglakad ito papalapit sa dalaga at naupo sa tabing
upuan sa likuran.

"Umalis ka na. Hindi ko kailangan ng kausap," diretsong sabi ng dalaga.

"Dito lang ako. Hindi ako magsasalita."

Hindi nga umalis si Lyric sa tabi ni Pauline. Nandoon lang sila. Nandoon
lang din sila Ces at Boss habang nanonood sa katahimikan ng dalawang
highschool student. Nang lalong magdilim sa loob ng classroom, nakarinig
sila Boss at Ces ng hikbi.

"Umiiyak ako?" tanong ni Ces.

"Ssshh. . ." Nakita ni Ces ang pagyakap ni Lyric kay Pauline. "Kung
masakit, pwede kang tumigil." Umiiyak ang dalaga habang hawak ang isang
ballpen at pink paper. Kitang kita ang tulo ng luha sa pink paper na ito
na may nakasulat ng Para kay Ms. Lily Yuzon.

Kinumpas ni Boss ang kanyang kamay at nag-iba ang senaryo. Nasa hallway
si Pauline habang naglalakad papasok. May mga kakaibang tingin ang
kaklase nito sa kanya na tila kinikilig at ngiting ngiti. Nagtataka man
siya ay hindi na niya ito pinansin.

Pagkabukas ni Pauline sa locker para kuhanin ang mga gamit, natigilan


siya nang makita ang isang pamilyar na papel. Pink paper. Napatitig din

si Ces na kasama ni Boss sa papel at nakaramdam siya ng pagtibok ng puso


sa nabasa.

Sana hindi mawala ang ngiti sa mga labi mo, Prinsesa.

~ ~ ~Author's Note:Iwas iwas tayo sa mabigat na update. Pati ako,


nabibigatan eh! Salamat sa feedback last chapter. Sobrang overwhelming.
Thank you!!! 4 chapters to go plus epilogue!
Para sa photo manipulation / video contest, isa lang ang mananalo sa
dedication pero parehas na mananalo ng libro. . .so ang chapter na ito ay
dedicated kay ashxhien!!! Gustong gusto ni Admin Ai 'yung photo
manipulation / book cover-ish na ginawa mo at ako rin, nagustuhan ko
dahil ang sarap sa mata
At para sa fan-made video, hindi na kailangan nito ng dedication dahil
nadedicate-an ko na siya pero bibigyan ko pa rin ng libro dahil sa video
na nagustuhan din ni Admin Ai. Si towaitforeternity! Kahit na binubully
mo ako, sabi ni Admin Ai maganda raw yung gawa mo! #Bully #ImDieingPls

PS: Gawa gawa lang po yung video. HINDI sila ang characters dahil walang
characters ang TTLS.
See multimedia part to see the video and the photo manipulation. :)
Dear Ash at Sam, pakiPM po ako sa page para sa prize na libro.
PS: Click external link for a picture of Ash, Ces and Lyric.
PS ulit: SALAMAT SA 2M READS EMERGEHD. 2M READS NA TAYO GUYS YAY :D

=================
58 // Love's Limit
"How far should a person go in the name of true love?" Nicholas Sparks

~ ~ ~

Kaagad kinabahan si Pauline sa ingay at gulo ng mga fourth years.


Nagpunta kasi siya sa hallway ng fourth years para magtanong. Ang daming
nasa labas na nagtatawanan, nagjajamming, kwentuhan, sigawan at may ilang
naghahabulan. Ang tatangkad at ang lalaki ng mga seniors nila.

Uy, hi! May lumapit na isang senior na lalaki sa kanya. Junior ka ba?

Malawak ang ngiti ng binata at mukha namang harmless pero kinabahan pa


rin siya. Hindi kasi ito sanay sa mga taoo sa mga lalaki na kinakausap
siya.

Sa hindi kalayuan, nakaupo sa upuan sa labas si Lyric habang nag


gigitara. Nakikipagjamming ito sa mga kaklase nang lumingon sa gawi ng
kinatatayuan ni Pauline. Napatigil ito sa pag gigitara at lumapit sa
kaibigan pero humarap muna sa kapwa senior.

Oy Kimwell, huwag mo namang takutin 'yung kaibigan ko.

Anong takutin? Nagpapakafriendly lang ako!

Natawa lang si Lyric at sinabihan ang kapwa senior na siya na ang bahala
sa dalaga. Nang makaalis si Kimwell, nilingon niya si Pauline na hiyang
hiya. Bakit napunta ka rito? Dapat sinabi mo para kami na pupunta
sa'yo.

Napakagat ng labi ang dalaga bago nagsalita. Si Ash sana. . .

Napatingin si Lyric sa hawak ni Pauline na sinundan din ng tingin ng


nanonood na Ces. Nakita ni Ces ang pagkuyom ng kamao ni Lyric sa nakitang
pink paper na hawak ng dalaga. Nawala ang ngiti nito nang ilang sandali
ay nakarinig sila ng malakas na boses na galing sa hagdanan. Paglingon ay
nandoon si Ash habang hawak hawak ang mga gamit ng gurokasama si Ms.
Lily Yuzon.

Bago pa makita ni Ash ang dalaga ay kaagad nagpaalam si Pauline. A-Aalis


na ako, time na kasi. Bye. Kaagad ito tumakbo pabalik sa hallway ng mga
juniors. Napahawak ang dalaga sa dibdib para pahupain ang kabog nito.

Napangisi ang nanonood na Ces sa nakita. Nasasaktan ako.

Naramdaman mo? Nilingon ni Boss si Ces.

Hindi. . . pero kitang kita na nasasaktan ako.

Tumitig lang sandali si Boss at muling kinumpas ang kamay. Mabilis na


umandar ang mga tao sa paligid na tila nakafast forward ang lahat.
Naglakad sila ni Boss papunta sa ground at nanatili doon habang tumatagos
sa mga estudyanteng nakakalat. Bumalik sa normal na bilis ang lahat nang
kinumpas pababa ni Boss ang kamay at napansin nila ang tatlong
magkakaibigan na sina Pauline, Ash at Lyric na nakatambay sa ilalim ng
puno.

Lumapit sila ni Boss sa magkakaibigan at ang una niyang narinig ay ang


boses ni Ash na nagtanong.

Ano 'yan? kunot noong tanong ni Ash. Kinuha nito ang pink paper na
halos malaglag na sa bulsa ng uniform ni Pauline. Nang basahin ang
nakasulat ay ngumuso ito. Ang korni naman nito, sinong nagbigay?

Nagtaka si Pauline. Kitang kita ang panlalaki ng mga mata nito sa tanong
ng kaibigan. Gusto niyang magtanong pero hindi siya nagsalita.

Tingnan mo Ly, pink paper din. Gaya-gaya. Binigay ni Ash ang lukot
lukot na pink paper kay Lyric.

Gaya-gaya eh di ba galing kay Pauline 'yung pink paper?

Napatingin si Ash kay Pauline at kay Lyric tapos kay Pauline. "Kahit na!
Pink paper pa rin. Ganun din 'yon eh."

Umiling na lamang si Lyric at tahimik na binasa ang sinulat. Napangiti


ito habang binabasa ang isang salita.

Prinsesa. . .

Nakaramdam ng pagsabog sa puso ang nanonood na Ces. Napahawak siya sa


kanyang dibdib dahil sa biglaang pagtalon ng puso niya sa loob.

Ang korni, prinses naputol ang kumento ni Ash nang magsalita si Lyric.
Nakatingin nang mataman si Lyric sa dalagang hiyang hiya na. Ibinalik
nito ang pink paper sa dalaga at ngumiti.

Bagay sa'yo ang Prinsesa.

Natatawa si Ash nang magsalita. Oo nga. Prinsesa! Sesa. Mga anak ko,
Crespen, Baseleo!

Umiling ulit si Lyric sa kalokohan ni Ash. Napatigil lamang si Ash sa


pagtawa nang mapangiti sa nakitang teacher na dumaan. Hi Ma'am Yuzon,
pagbati ni Ash na sinundan din ni Lyric at Pauline.

Nang makalayo si Ms. Yuzon ay tumingin nang masama si Ash kay Lyric.

Ano 'yang tingin na 'yan? kunot noong tanong ni Lyric.

Ngumuso si Ash. Hindi mo sinabi sa akin na ate pala ng kababata mo si


Ma'am Yuzon, langya ka.

Napatingin sandali si Lyric kay Pauline na tahimik na umiinom ng zesto.


Nakayuko lang ito at obvious na iniiwas ang tingin. Binaling ni Lyric ang
atensyon kay Ash. Kailangan mo bang malaman?

Oo, sana pinakilala mo ako kay Ma'am, hindi ba. Wala ka pala eh.

Natawa si Lyric. Gago ka ba, kilala ka na ni ate Lily.

Ate Lily?! Ate Lily na tawag mo sakanya?! Alangy

Napatigil sa pag-uusap ang dalawang seniors nang marinig ang boses ng


lalaki na tumawag kay Lily Yuzon. Ms. Lily!

Sinundan ng tingin ni Ash ang lalaking tumawag kay Ms. Yuzon. Kita ang
pagkairita ni Ash nang makita ang teacher niya sa Araling Panlipunan na
lumapit kay Ms. Yuzon. Nagkangitian ang dalawang guro at nagsabay sa
paglalakad. Bakla talaga 'yang si Sir, badtrip.

Bitter naman, natatawang sabi ni Lyric.

Hindi ako bitter, pre. Wala pa sa dumi ng kuko ko 'yang pagmumukha ni


Sir, naaasar na sabi ni Ash habang titig na titig sa teacher niya.
Natahimik silang lahat nang magsalita si Pauline na mauuna na siyang
bumalik sa room.

T-Teka Auie, bakit? Nagulat si Ash sa biglang pag-alis ni Pauline


ngunit tahimik lang si Lyric na sinundan ng tingin ang kaibigan. Anyare
doon? takang tanong ni Ash kay Lyric. Magsasalita na sana si Lyric nang
mapatingin ang halos lahat ng tao sa ground sa biglang pagsigaw ng isang
babaeng grade schooler.

Ash!

Tumakbo papalapit ang batang babae sa harapan ni Ash at ngiting ngiti na


sumigaw. Crush na crush po kita Ash po! Tanggapin mo ito po! Halos

isubo na ng grade schooler ang card sa bibig ni Ash sa sobrang


pagkaligalig.

Ano 'to? takang tanong ni Ash. Natatawa lang si Lyric sa nakikita.

Hinawi ng batang babae ang kulot nitong buhok at nag beautiful eyes.
Invitation card po natin 'yan para sa kasal po natin. Nakita mo po 'yan,
AshLaine, Ash at Ellaine! Pagturo ng bata sa harap ng card na may mga
dinikit na piraso ng magazine at art papers. Dalo po kayo sa kasal natin
ah! Binaling ni Ellaine ang tingin kay Lyric. Kayo po best man kuya
Lyric, ahihih po!

Natawa na lang si Lyric sa kalokohan ng grade school na lumapit sa


kanila. Nakita rin ng nanonood na Ces ang natatawang Boss sa kanyang tabi
habang pailing-iling. Tumahimik ang buong paligid ngunit dire-diretso
lang ang mga nangyayari hanggang sa hinigop muli ng salamin ang senaryo.
Nagdilim ang paligid at muling pumalibot sa kanila ang mga Memyor.

Sinundan ni Ces si Boss nang maglakad ito sa kadiliman. Napapalingon siya


sa mga Memyor na sumusunod sa kanilanakikita niya ang mga ngiti niya sa
mga Memyor na iyon. Nakikita niya kung gaano siya kasaya kasama ang mga
kaibigan. Naglakad lang silabuong akala niya ay magkakaroon muli ng
senaryo nang marinig niya ang sariling boses na nagsalita.

Ces?

Napalingon sa paligid si Ces ngunit kadiliman pa rin ang kanyang


nakikita. Naghintay siya ng babalot sa kanilang paligid ngunit nang
tingnan muli si Boss ay naglalakad lang ito.

Oo, Ces nga. Okay lang ba? Boses ni Lyric.

Nagtingin tingin si Ces sa mga Memyor na nakapalibot sa kanya ngunit wala


siyang nakikitang umuugnay sa naririnig niyang senaryo.

Natatawa ang boses ng dalaga. Bakit naman Ces?

Para hindi mo makalimutan na isa kang Prinsesa. . .

Napatigil sa paglalakad si Ces nang marinig ang sinabi ng boses ni Lyric.


Umalingawngaw ito sa buong kadiliman at dumiretso sa kanyang tainga.

P-Prinsesa? boses ni Pauline.

Ah, ano. . . oo. N-Namin ni Ash.

Boss. . .

Tumigil sa paglalakad si Boss at may kinuhang isang Memyor. Lumutang ang


Memyor sa kanyang kamay. Nang ihagis pataas ni Boss ang Memyor ay bumalot
ang liwanag sa kadiliman. Unang narinig ni Ces ay ang boses na kumakanta.
Alam niyang hindi ito kay Lyric dahil kabisado niya ang lamig ng boses ng
kapwa bokalista kaya nagtaka siya.

When I see your smile,Tears run down my faceI can't replace.

Napalingon sa paligid si Ces sa kantang napaka pamilyar. My Guardian


Angel. Unti-untinagkaroon ng senaryo sa kanilang paligid. Nakatayo sila
ni Boss sa may bintana habang nasa tapat na dalawang upuan ang kumantang
si Ash at si Pauline na nakikinig. Hawak nila parehas ang song hits.

And now that I'm strong I have figured out,How this world turns cold
and it breaks through my soul.And I know I'll find deep inside me,I can
be the one.

Tumigil sa pagkanta si Ash at nginitian si Pauline. Ikaw naman.

Kahit hiyang hiya ay napilit ng kakulitan ni Ash si Pauline upang


kumanta. Ito ang unang pagkakataon na kumanta ang highschool na Ces kaya
mahina pa ang boses nito. Napapangiti na lamang si Ash sa narinig na
boses.

I will never let you fall.I'll stand up for you forever.I'll be there
for you through it all.Even if saving you sends me to Heaven.

Woah Auie, ang ganda pala ng boses mo.

Sakto lang.

Sakto? nanlalaki ang mga matang tanong ni Ash. Paano pa kaya boses ko,
semi-sakto lang? natatawa nitong sabi. Natawa rin si Pauline sa kaadikan
ni Ash. Natigil lang ang tawanan nang magseryoso si Ash.

B-Bakit? Nakaramdam ng pagkailang si Pauline sa titig ng kaibigan.

Ngumiti si Ash. May boyfriend ka na ba?

H-Ha?

Natawa nang kaunti ang binata. Grabe, natense ka kaagad. Nagtanong lang
ako kasi baka nagagalit na 'yung boyfriend mo dahil laging kami ni Ly ang
kasama mo.

Yumuko si Pauline at umiling. W-Wala akong boyfriend.

Bakit naman? Walang nanliligaw? Crush? Gusto? Mahal? MU?

Sobra na ang kaba na nararamdaman ni Pauline sa mga tanong ni Ash. Ano


ba, bakit ba ganyan ang mga tanong mo.

Sumandal si Ash sa upuan at diretsong tumingin sa kaibigan. Hindi mo ba


tatanungin kung sino crush ko?

A-Ano? kinakabahang tanong ni Pauline. Si Ma'am Yuzon, b-bakit


kailangan ko pa itanong?

Lumawak ang ngiti ni Ash at tumingin sa blackboard. Hindi na. Ayaw ko


na. Masyado siyang matanda para sa akin. Gusto ko mas bata. Hindi mo ba
pansin, tumigil na ako sa pagbibigay ng pink paper sa kanya. . .tapos
ginaya pa ako ng nagbigay sa'yo.

Ah. . . Awkward laugh. S-Sino ba?

Pinatong ni Ash ang braso sa lamesa. Pumalumbaba ito at tinitigan nang


mataman ang dalaga kaya ilang na ilang na si Pauline.

Pilitin mo ako, natatawa nitong sabi.

Nag iwas ng tingin si Pauline. Huwag na, ayaw mo na

Natigilan si Pauline sa paghawak ni Ash ng kanyang pisngi. Napatingin


siya sa binata na may mapupungay na mga mata at nagsalita.

Ikaw.

Napalingon ang dalawang estudyante nang marinig nila ang isang malakas na
katok sa pintuan ng classroom. Nakatayo si Lyric sa may pintuan habang
nakasukbit ang backpack sa isang balikat. Seryoso ang tingin nito habang
hinihingal pero kitang kita ang titig nito sa kamay ni Ash na nasa pisngi
ni Pauline.

Sorry natagalan ako sa meeting.

Ngumisi si Ash at tumayo. Pinatong ng binata ang kamay nito sa ulo ni


Pauline at ginulo ang buhok. Yumuko ito sandali at bumulong, huwag mong
kalimutan sinabi ko, ah?

Nanlaki ang mga mata ni Pauline sa narinig. Ilang segundo pa ang


nakalipas bago siya natauhan para tumayo at sumabay sa dalawang binata.
Nauuna si Ash habang ngiting ngiti habang nakatitig si Lyric sa
nakayukong Pauline.

Ces.

Nilingon ni Pauline ang pagtawag sa kanya ni Lyric. Mula sa seryosong


mukha ay ngumiti si Lyric sa kanya. Buti nilingon mo ako sa Ces.

"Auie!" pagtawag ni Ash kay Pauline.

Kinuyom ng nanonood na Ces ang sariling mga kamay nang makita ang mukha
ni Lyric na nawala ang mga ngiti sa pagtawag ni Ash kay Pauline.
Napatitig si Ces kay Lyric. . . sinubukan niyang hawakan sa pisngi ng
highschool na Lyric ngunit tumagos lang ang kamay niya sa binata.

Napangisi si Boss sa nakitang senaryo. Kinumpas nito ang kamay at tumigil


ang senaryo saka nabasag ang paligid nila na tila ba mga salamin. Ilang
sandali lang ay mabilis na bumalik ang mga salamin na nabasag sa kanilang
paligid ngunit imbis na sa hallway ay ibang senaryo na ang nakapalibot sa
kanila.

Nasa music room sina Lyric at Pauline. Nag gigitara si Lyric habang
pinagmamasdan ng dalaga ang kaibigan.

Sigurado kang sa akin mo ipaparinig pinaka una mong composition?


pagtataka ng dalaga.

Tiningnan ni Lyric ang dalaga at ngumiti saka sinimulan ang pag gigitara.
Oo naman, ikaw lang may karapatan para marinig pinaka una kong sinulat.

Napatigil ang nanonood na Ces nang marinig ang napaka pamilyar na intro
ng tugtog na ito. Alam na alam niya ang musikang ito.

Napatigil sa pagtugtog si Lyric nang kumatok si Ash sa pintuan. Lumapit


ito kaagad sa dalawa at nakangiting hinawakan sa braso si Paulinena
siyang ikinagulat ng dalaga. Pre, teka lang ah. Kunin ko lang si Auie,
sandali lang!

Napatitig si Lyric kay Pauline. Nagkatinginan si Lyric at Ash. Ngiti ang


nakapinta sa mukha ni Ash samantalang salungat naman ang nakikita sa
mukha ni Lyric. Ngumiti ito nang malungkot at tumango. Nang mahatak na
palabas ni Ash si Pauline, isinandal ni Lyric ang ulo sa pader at
pumikit. Tahimik lang ang buong paligid. Lumapit ang nanonood na Ces sa
binatang Lyric.

Bakit. . . Sinubukang hawakan ni Ces ang pisngi ni Lyric ngunit tumagos


lang ang kanyang kamay. Bakit ko sinaktan si Lyric?

Lumutang sa tabi ni Ces si Boss at ngumisi. Nakatingin lang din ito sa


binatang nakaupo't nakapikit. Heart breaker ka kasi kahit dati pa,
natatawang sabi ni Boss.

Walang nararamdaman si Ces ngunit pakiramdam niya ay nasasaktan siya para


sa binatang Lyric. Dumilat si Lyric at tiningnan ang gitara saka ito
pinatugtog.

Kung alam ko lang na nasasaktan ko na siya. . .

In my dreams you haunt me before you cameThere was you forming within
my fate

Gustong manghina ni Ces nang marinig ang boses ni Lyric nang kumanta ito.
Ito pala. . . ito pala ang pinaka unang sinulat ni Lyric. Na hindi niya
pinakinggan.

If this is true wake me up todayCause you were there when the world
was away.

Lalong nanlumo si Ces nang marinig ang lyrics ng kanta. Hindi siya
nagkakamaliito ang kinanta sa kanya ni Lyric nang magtapat ito.

Sabi nga ng kaibigan mong gitarista, hindi lahat dapat nalalaman. . .


mahinang sabi ni Boss. Nilingon ni Ces ang kasamang kamatayan. Kung
nalaman mong nasaktan mo siya noon, ano kayang mangyayari ngayon?

All the words never really came out rightFinally I've found someone
that makes me smile

Ngumisi si Boss at lumayo sa kanya. Naupo ito sa isang upuan at


dumikwatro habang nakatingin kay Ces. Kung pinakinggan mo siya noon,
mangyayari kaya ang nangyayari ngayon?

In your eyes my future ignitesThis might be what it means to be alive

Nilingon ni Ces si Boss. Anong gusto mong parating?

Your voice is magical.

Tumango si Boss at sabay na lumingon ang nanonood na Ces at highschool na


Lyric sa biglang nagsalita sa may pintuan. Doon, tumambad ang isang
pamilyar na babaesi Lily. Si Manager Lily Yuzon.

A-Ate Lily. . . Napatigil sa pagkanta si Lyric at kaagad na tumayo.


Tumagos ang binata kay Ces nang ligpitin ng binata ang gitara.

Ate? Nasa school tayo so Ma'am Yuzon ang itawag mo sa akin, nakangising
sabi ni Manager Lily. Lumapit si Lily kay Lyric saka kinuha ang gitara ng
binata. Hindi mo sinabi sa akin na maganda pala ang boses mo.

Ah eh, hindi kasi

Gusto mong magbanda? tanong ni Lily. Kasama si Lyle dito.

Lumutang palapit si Boss kay Ces at hinawakan sa balikat ang dalaga.


Bumulong si Boss sa dalaga. Kung hindi kinanta ni Lyric ang sakit na
naramdaman niya noon, may MyuSick pa kayang mangyayari?

Nanlalaki ang mga mata ni Ces. Nagulo ang kanilang paligid at nag-iba ang
simoy ng hangin. Unang napansin ni Ces sa paligid ay ang mga palamuti ng
pasko. May mga parol sa bawat pintuan ng classroom at Christmas lights sa
taas. Naghalo-halo rin ang mga kulay na dilaw, kahel at asul sa paligid
dahil sa papalubog na araw.

Ginamit ni Boss ang labi para ituro kay Ces ang dalawang binata na
nakatayo sa may hagdanan ng mga seniors. Seryoso ang mga mukha nito.
Baka gusto mong tingnan? nakangiting tanong ni Boss.

Hindi na nagsalita o nagtanong si Ces at naglakad na siya palapit sa


dalawang binata. Ang una niyang narinig ay si Lyric na mukhang
nagmamadali. Nakasukbit ang gitara sa likuran ngunit pinigilan ni Ash na
hawak ang braso ng kaibigan.

May gusto ka ba kay Auie?

Tinanggal ni Lyric ang kamay ni Ash na nakahawak sa kanyang braso.


Wala, diretso nitong sabi. Kung yun lan

Mahal ko na si Auie, marahang sabi ni Ash.

Napaawang ang bibig ni Ces sa narinig. Nakatingin lamang siya sa dalawang


binatang magkatitigan. Unti-unti ay nakita niya ang pagngisi ni Lyric sa
kaibigan.

Ahh, okay. Paano na, aali

Pinigilan muli ni Ash si Lyric sa pag alis at tinitigan sa mga mata ang
kaibigan. Ipangako mo sa akin. Walang talo-talo. Kapag minahal mo siya
sa susunod, huwag.

Nanlaki
Ngumisi
balikat
tatlong

sandali ang mga mata ni Lyric ngunit nagbalik din sa dati.


ito at medyo natawa. Oo naman, pre. Tinapik ni Lyric ang
ni Ash. Batang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Halos
taon din ang gap. Ano ka ba naman.

Natahimik ang dalawang binata. Magkatitigan sila hanggang sa tumango si


Lyric kay Ash at ganoon din si Ash kay Lyric.

Geh bro, advance happy birthday, ah?

Natawa si Lyric. Ilang weeks pa. Sige na, practice pa ako.

Geh, may kukuhanin pa ako sa locker.

Nagtapikan sa balikat ang dalawang magkaibigan. Nauna nang bumaba si Ash


ng hagdan habang naiwan si Lyric. Biglang napaupo si Lyric sa hagdan at
napasapo ng noo. Kitang kita ni Ces ang malakas na pagbuntong hininga ng
binata mula sa pagkakayuko.

Gustong gusto hawakan ni Ces si Lyric ngunit biglang nag-iba ang paligid.
Napalingon siya kay Boss na kakakumpas lamang ng kamay. Nasa hallway na
sila ng mga third years at walang tao rito. Nagtataka pa si Ces nang
magulat siyang tumagos sa kanya ang binatang Ash. Dumiretso ito papunta
sa classroom ni Pauline. Ilang sandali lang ay lumabas ng classroom si
Ash at nanlaki ang mga mata ni Ces nang makita ang isang pamilyar na
bote.

Isang maliit na bote na may laman na mapupulang rosas.

Lumapit si Ces kay Ash habang binabasa ni Ash ang nakasulat sa pink
paperlalong natigilan si Ces nang makita ang nakasulat doon.

Prinsesa,Sana malaman mo, mahal na mahal kita.Lyric.

Nagulat si Ces nang nilukot ng highschool na Ash ang pink paper at


tinapon sa basura kasama ang bote na may mga rosas. Nakakuyom ang kamao
ni Ash at halos magdikit na ang dalawang kilay nito habang naglalakad.

Ako nauna sa kanya, Lyric. Ako.

Biglang nagdilim ang buong paligid. Ang tanging nasabi lang ni Ces ay ang
pangalan ni Ash. Sobrang dami niyang nalaman. . . at alam niyang wala
siyang nararamdaman sa mga nalaman niyang iyon pero pakiramdam din niya
ay nahihirapan siya. Ang gulo.

May Christmas gift ako sa'yo!

Isang sigaw ang naging dahilan upang pumalibot sa kadiliman ang senaryo
ng madilim na playground. Ngunit sa dilim ng playground ay may mga
naglalarong ilaw dahil sa nalalapit na pasko.

Tinext mo talaga ako para sa Christmas gift? Pwede namang sa pasukan na


lang ulit, natatawang sabi ni Pauline kay Ash. Nakaupo ang dalawa sa
swing habang ninanamnam ang malamig na simoy ng pasko.

Eh, hindi na ako makapaghintay.

Kumunot ang noo ni Pauline. Akala ko ba Christmas gift? Wala ka namang


dala eh.

Tumayo si Ash at lumapit sa likuran ng nakaupong Pauline. Huwag kang


haharap!

Hala, bakit? pinipilit ni Pauline na lingunin si Ash ngunit hinawakan


ng binata ang ulo ng dalaga upang pigilan ang paglingon. Ano ba Ash, ano
ba 'to, natatawang tanong ni Pauline.

Kasi. . . nahihiya ako. Ayaw ko ring makita reaksyon mo.

Ha? Bakit? Ano bang mayroon?

Yumuko si Ash at lumapit sa tainga ng dalaga saka bumulong. Auie. . . I


love you.

Natigilan si Pauline sa narinig. Kitang kita ng nanonood na Ces ang


panlalaki ng mata ng highschool version niya. Kaagad tumakbo si Ash at
tumawid sa kabila sa sobrang kaba. Nanginginig ang mga binti nito sa pagamin.

Nilingon ni Pauline si Ash na nasa kabila. Kahit kinakabahan ay tumayo


ito at tumapat kay Ash. A-Anong sabi mo? hindi makapaniwalang tanong ng
dalaga.

Lumawak ang ngiti ni Ash, ang sabi ko, I love you! pagsigaw ng binata.

Napahawak sa bibig
pinipigilan maiyak
Patawid na siya ng
ilang sandali lang
narinig.

si Pauline. Nangingintab na rin ang mga mata nito


sa sobrang tuwa. Tumakbo si Pauline palapit kay Ash.
kalsada. Masayang masaya siya, ngiting ngiti. Ngunit
ay nabingi ang mga tao sa napaka lakas na pagbusina na

BEEEEEEP!

Kitang kita ng dalawang mata ni Ces. Ni Ash. Ni Boss. . . ang pagkawala


ng ngiti sa mga labi ni Pauline.

A-A-AUIE!

Nagdilim ang paligid.

Nanlalaki ang mga mata ni Ces sa nadatnan. For a moment, nakaramdam siya
ng mabilis na tibok ng puso at biglang tigil. Napaka sakit sa loob.
Nakaramdam siya ng biglaang takot pero nawala rin kaagad. Tiningnan niya
si Boss na natatamaan ng ilaw ng mga Memyor kaya't kitang kita niya ang
ngiti sa mga labi nito.

"A-Anong. . .ano. . ." Hindi mahanap ni Ces ang tamang mga salita upang
magtanong. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o may katotohanan pa
ba ang mga nakikita niya.

Hindi niya maalala na nangyari iyon ngunit ang naaalala niya ay


naaksidente sila sa kotse. Nasa loob siya ng kotse. Hindi siya nasagasaan
dahil sila ang nakasagasa ng isang bata. Pero ano itong pinapakita ni
Boss? Ibang-iba ang nakikita niya ngunit parehas ng senaryo.

"Ito ang katotohanang hindi mo kailanman malalaman. . ." pabulong na sabi


ni Boss. Kumuha ito ng Memyor at inihagis sa taas na siyang dahilan upang
balutin sila ng isang senaryo. "Ito ang memoryang hindi mo kailanman
makukuha."

Nakapalibot na sa kanila ang mga puting pader ng ospital. Walang


nadaramang tumingin si Ces sa batang siya na nakaratay sa puting higaan
ng ospital. Nakita niya ang kanyang nanay na umiiyak katabi ang kanyang
tatay na kasama ang lalaking kinakasama nito.

"Comatose. . ." Bumaling si Ces sa katabing si Boss. "Uso ang comatose sa


mundo niyo, ano?" nakangisi nitong sabi.

Tumahimik lang si Ces. Paglingon niya sa may upuan, doon niya nakita ang
batang Ash na duguan ang mga damit at nakatulalang nakatingin sa batang
siya. Hindi ito nagsasalita at mukhang walang balak magsalita.

"Tingnan mo ang nangyari sa lalaking 'yan," sabat ni Boss. "Nang dahil sa


kanya, naaksidente ka pero tulala lang. Tsk tsk. Bad."

"Bakit. . . bakit mo ba pinapakita sa akin ang mga 'to?" Nakatingin si


Ces sa kanyang sarili na binalot ng benda ang ulo at may mga sugat sa
iba't ibang bahagi ng katawan. Tila natutulog lang siya roon nang
mahimbing. "Kailangan ko ba talagang malaman ang mga 'to?"

"Alam mo ba ang pinaka masayang parte sa pagiging kamatayan?" tanong ni


Boss. "Basta. Manood na lang muna tayo."

Kinumpas ni Boss ang kamay at nabasag ang buong senaryo sa paligid.


Muling nagdilim ang lahat ngunit naririnig ni Ces ang mga boses na
nagpapasakit ng kanyang ulo.

"Auie. . . sorry. . . " boses ni Ash. "Gumising ka na, please. Gising


na."

Rinig na rinig ang pagmamakaawa ng boses ni Ash mula sa kadiliman. Umikot


ang mga Memyor sa kanila ni Boss kaya kitang kita niya na tila ba
natutuwa pa si Boss sa mga nangyayari.

"Alam mo ba kung bakit sobrang guilty siya?" nagtitingin tingin ng Memyor


na tanong ni Boss. Nilingon ni Boss si Ces na may seryosong mukha. "Kasi
niloko ka niya."

"N-Niloko?"

"Niloko niya ang batang ikaw. . . pinaniwala na ikaw ang mahal niya."
Natawa si Boss sa sariling sinabi. "Dahil sa pagiging makasarili niya. .
.ayan, nangyari yan. Nakakatuwa lang."

Kumunot ang noo ni Ces. "Ano bang nakakatuwa rito?"

Nagulat si Ces nang lumakas lalo ang tawa ni Boss. Umalingawngaw sa buong
kadiliman ang tawa habang naririnig nila ang boses ni Ash na paulit ulit
na nagmamakaawa.

"Wake up. Gising na. Auie. . .gising."

"Lahat. Nakakatawa ang lahat." Hinawakan ni Boss ang isang Memyor at


pumalibot itong muli sa kanilang dalawa ni Ces.

Ospital muli ang nakikita niya. Mag-isa lang si Ash sa ospital na


nagbabantay kay Ces. "Simula nang maaksidente ka, hindi na siya nawala sa
tabi mo. Nag aapoy na pagkakasala ang kikitain sa kanyang aura."

Mula sa nakakabinging
Ash. Tiningnan ni Ces
Lyric na tumatawag. .
tinititigan lang iyon

katahimikan ay biglang tumunog ang cellphone ni


kung anong mayroon at nakita niya ang pangalan ni
. ngunit ilang minuto na ang nakakaraan,
ni Ash.

"Bakit ayaw niyang sagutin?" takang tanong ni Ces. "Sagutin mo, Ash."

"Bakit niya sasagutin?" pag-eepal ni Boss. "Kapag sinagot niya 'yan,


siguradong siya ang masisisi sa lahat ng nangyari. . .na totoo naman."

"Boss. . . ano bang ginagawa mo?"

Ngumisi si Boss. "Dahil gusto ko malaman mo kung gaano ka pinahirapan ng


taong minahal mo noon."

Hindi na maintindihan ni Ces ang mga pinagsasabi ni Boss. Pinaglalaruan


ba siya ng kamatayan? Ginagamit ba siya ng kamatayan? Gusto na niyang
tumigil ang lahat. Gusto na niyang tumigil ang mga nakikita niya ngunit
mukhang walang balak tumigil si Boss.

Kinumpas ni Boss ang kanyang kamay at bumilis ang lahat na tila nakafast
forward. Sa halos matagal tagal na mabilis na pangyayari, si Ash lang ang
halos consistent sa kwarto niya. Si Ash lang ang hindi umaalis. Si Ash
lang ang nakatulala. Si Ash lang ang halos nandoon.

Unti-unting naaalala ni Ces na dito na nagkakaproblema ang kanyang nanay.


Alam niyang sa mga pagkakataong ito, may kinikimkim na rin ang kanyang
ina.

Bumagal ang oras sa pagdating ng ala-una ng madaling araw, Nakatingin


lang si Ces sa harap niyang si Ash na gumigising. Tumingin ito sa
cellphone nito at bumuntong hininga.

"Birthday mo na, Lyric."

Iniangat ni Ash ang ulo nito ngunit nanlaki ang kanyang mga mata at
napaatras sa pader. Nanlaki rin ang mga mata ni Ces dahil feeling niya,
nakita siya ni Ash. Aalis na sana siya nang matigilan nang magsalita ulit
si Ash.

Anong ginagawa mo rito bata? tanong ni Ash.

Kumunot ang noo ni Ces. Papalapit na sana siya kay Ash nang magulat siya
at tumagos siya sa binata. Paglingon, nanlaki ang kanyang mga mata nang
makita niya si Boss na prenteng nakaupo sa gilid ng higaan ng batang
siya.

Tumingin muna sa kanya si Boss at ngumiti bago ibinaling ang tingin kay
Ash. Hindi ito nagsalita.

Bakit ka nandito? Umalis ka d'yan, nagpapahing

Ngumisi si Boss na siyang ipinagtataka ni Ces.

"Anong nangyayari?" takang tanong ni Ces ngunit walang sumagot sa kanya.


Nanatili siyang nakatayo sa likuran ng binatang Ash. Nagtataka sa lahat
ng nangyayari.

Nagpapahinga?

Nakita niyang napatigil si Ash nang marinig ang boses ni Boss. Isang
pilyong boses ang kumawala rito. Hindi makabasag pinggan ngunit punong
puno ng awtoridad at panganib. Ibang lengwahe pa rin ang gamit ni Boss

pero kung ibabase niya sa mukha ni Ash. . .naiintindihan din ito ng


binata.

Sigurado kang nagpapahinga siya?

A-Ano?

Nakita niyang napaupo sa lapag si Ash nang tumayo si Boss at lumutang sa


ere. Kumunot ang noo ni Ces, nagtataka sa kung anong ginagawa ng
kamatayan. Kitang kita ang takot sa mga mata ni Ash.

T-A-AnoSinAn, SinPutaaaa. . .

Lalong lumawak ang ngisi ng bata. Ako si Boss. . ." Tumingin muna si
Boss kay Ces bago ibinalik ang tingin kay Ash. "Ang nag-iisang
kamatayan.

Kitang kita ang panginginig ng katawan ng binata sa sobrang takot. Kaagad


siyang tumayo at nagbadyang bubuksan ang pinto ng kwarto ngunit ayaw nito
mabukas. Nakatingin lang si Ces nang mawala si Boss sa gilid ng kama.

Umalingawngaw sa buong silid ang tawa ni Boss. Kitang kita ni Ces ang
paglingon ng binatang si Ash at halos mamatay nang lumitaw si Boss isang
dangkal lang ang layo sa mukha ng binata.

Aaaahh!

Nanlaki ang mga mata ni Ces. Gusto niyang kumilos. Tulungan man lang si
Ash ngunit nang gagalaw na siya ay lumingon sa kanya si Boss. . . hindi
na siya makagalaw.

B-Bakit hindi ako makagalaw?! tiningnan niya si Boss ngunit hindi


umimik si Boss. Nang ibaling ni Ces ang tingin kay Ash, nakahawak sa
magkabilang tainga ang binata. Dumausdos pababa ng pintuan.

Sigaw ito nang sigaw. Anong kailangan mo sa akin! Tama na. Tama na. .
.hindi ko sinasadya! Pakiusap, tama na!

Lalong lumakas ang tawa ni Boss. Hindi kita kailangan. . .pero ako,
kailangan mo ako.

Kinumpas ni Boss ang kanyang kamay at agad napatayo si Ash na tila ba isa
itong manikin. Pinalakad ng kamatayan ang binata hanggang sa pinaupo ito
sa upuan. Kitang kita ni Ces ang takot sa mga mata ni Ash. Kitang kita
niya na nanginginig ito at gustong kumawala.

Alas tres ng umaga ng ika-dalawamput lima ng Disyembre taong dalawang


libo at anim. Pauline L. Flores. . . Ngumisi si Boss habang nagliilwanag
ng kaunti ang mga mata nito ng pula. Nilingon niya si Ces na hindi rin
makalagaw habang nakatayo. Nako, malapit na mag alas tres. Malapit na
ang katapusan niya.

"A-Ano?" tanong ni Ces ngunit wala siyang nakuhang sagot kay Boss.

Ibinalik ni Boss ang paningin kay Ash na kaagad nagsalita. A-Anong


pinagsasasabi mo?

Nag aagaw buhay ang kaibigan mo ngayon. Mukha siyang nagpapahinga ngunit
ang kaluluwa niya ay nakikipaglaro sa akin.

Lalong naguluhan si Ces sa pinagsasabi ni Boss. Siya ba ang kaluluwang


nakikipaglaro kay Boss? Ngunit bata itong nakikita niyang siya. Ilang
beses siyang nagtanong kay Boss ngunit hindi siya sinasagot nito. . .
tila wala nga itong naririnig pero panay ang ngisi at tingin sa kanya ng
kamatayan.

S-Si Auie?

Lumapit si Boss sa katawan ni Pauline at inilapat ang hintuturo sa dibdib


ng dalaga. Napapikit si Ces nang maramdaman ang nakakapasong init sa
hinawakan ni Boss na parte ng katawan ni Pauline. Pagkalayo ni Boss ng
kanyang hintuturo sa dibdib ni Pauline, nanlaki ang mga mata ni Ces nang
makita niyang nagiging puting usok ang kangyang dibdib. Sobrang init ng
kanyang pakiramdam na para bang pinapaso siya.

Nanlalaki ang mga mata ni Ash nang makita ang puting usok sa hintuturo ni
Boss. Nakaramdam ng takot si Ces nang makita ang pagwawala ng katawan ng
batang siya.

Nahihirapan na siya. . . at ikaw ang dahilan ng paghihirap niyang ito.

Ibinalik ni Boss ang puting usok sa katawan ni Pauline at unti unti ay


huminahon ang katawan ng dalaga. Nabalik na rin ang dibdib ni Ces.

Napaawang lang ang bibig ni Ash sa nakita.

Alam mong mahal ng kaibigan mo ang babaeng ito at ang ginawa mo ay


napaka makasariling desisyon. Napaka mapanlinlang," sabi ni Boss. Kapag
nalaman ito ng kaibigan mo. Na ginawa mo lang ito dahil alam mong
mananalo ka. . . ikatutuwa kaya nila ang pangyayaring ito?

Lalong nakaramdam ng takot si Ash sa sinabi ni Boss. Napahawak ito sa


tainga na tila ba ayaw na marinig ang lahat ngunit patuloy lang ang
pagsasalita ni Boss.

Pinatay mo siya. . . at tinatago mo ang kasalanan mo, natatawang sabi


ng kamatayan. Sa tingin mo, maibabalik ng sorry o patawad ang buhay ng
dalagang ito? Ng Auie mo?

Ces felt hopeless. . . Gusto niyang tulungan si Ash ngunit wala siyang
magawa. Pinaglalaruan sila ng kamatayan. Pinaglalaruan sila ni Boss. . .
ngunit ang malaman ang lahat ng ito. Ang malaman ang dahilan ni Ash. Ang
nangyari nung nakaraan. . . nagkakagulo na ito sa isip niya.

Nakita ni Ces ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Ash. Tama na. . .
hindi ko sinasadya. . . tama na," halos pasigaw na ang binata. Ayaw ko
na. . . tigilan mo na ako.

May isa kang magagawa para mabago ang lahat.

Kumunot ang noo ni Ces at tumingin kay Boss na prenteng nakaupo sa gilid
ng kama. Napaangat din ng ulo si Ash at tiningnan ang kamatayan.

Ang buhay mo . . . kapalit ang buhay niya.

A-Ano? halos sabay na sabi ni Ces at Ash.

Huminga nang malalim si Boss at ngumuso. Napapagod na kasi ako bilang


kamatayan. . . nabobored na ako. Kailangan ko ng papalit sa akin.

B-Bakit ako? nakakabaliw na tanong ni Ash.

Dahil para maging kamatayan. . . nararapat na puno ng saya, hinagpis,


sakit at kasalanan ang isang kaluluwa.

Nakipagtitigan si Ash kay Boss. Nakita ni Ces na ilang beses kinurot ni


Ash ang sarili. Napangisi si Boss habang pinapanood ang ginagawa ni Ash.
Nababaliw na ang binata. Sa lahat ng nakikita niya ay hindi na pumapasok
sa kokote niya ang lahat.

Tik tok. Tik tok. Umaandar ang oras. . . pagpapaalala ni Boss.

"Boss. . . ano bang ginagawa mo. . ." tanong ni Ces. Nilingon lang siya
ni Boss at nginitian.

Ano bang gusto mong mangyari?

Nagkatitigan sila Boss at Ash na tila ba nagsusukatan ng tingin. Tumingin


si Ash sa katawan ng batang Ces. Hindi na nawala ang ngisi ni Boss mula
pa kanina. Ilang minutong natahimik ang lahat at tanging pag-iyak lamang
ni Ash ang naririnig. Napakuyom ng kamao si Ash habang nakapikit.

S-Sige na. . .

Nanlaki ang mga mata ni Ces. Gusto niyang pigilan ito ngunit hindi siya
makagalaw. Napatayo si Boss sa sobrang pagkasabik kaya nakalutong siya sa
ere. Sige?

Buhayin mo siya. . . naluluhang sabi ni Ash. Kailangan niyang


mabuhay.

"Ash. . .anong pinagsasasabi mo?!" pasigaw na tanong ni Ces ngunit hindi


naririnig ng binata.

Tumayo si Ash at tila ba wala na sa sariling lumuhod sa harapan ni Boss.


Malakas ang paghikbi nito. Sinubukan hawakan ng binata si Boss ngunit
tumagos lang ang kamay nito sa kamatayan. Napahawak siya sa kama ng
kaibigan saka yumuko.

"Buhayin mo siya. . . ako na lang. Ako dapat ang mawala."

Kahit buhay mo pa ang kapalit? Bakas sa mukha ni Boss ang pagkatuwa.

"Boss. . .tigilan mo na ito," pagbabala ni Ces. Tiningnan lang siya ni


Boss at ngumiti na para bang sinasabi na hindi kailanman susunod ang
isang kamatayan sa isang tao na tulad niya.

Napakuyom ang kamao ni Ash at iniangat ang mukha upang tingnan si Boss na
nakangisi. Tulo nang tulo ang luha ng binata. . .sa sakit. Sa lungkot. Sa
galit sa sarili. Sa hinanakit. Sa pagkakasala. Sa kasalanang nagawa niya.

Kahit buhay ko pa.

"Tama na. . ." pagmamakaawa ni Ces.

Para sa kanya lang? excited na tanong ni Boss. Ngiting ngiti ito na


tila ba nakajackpot sa narinig.

Hindi na malaman ni Ces ang dapat gawin. Ilang beses siyang nagsalita.
Nagsumamo. Nagmakaawa. "Huwag. . ."

Napakuyom ang panga ni Ash at napaupo na nang tuluyan sa sahig sa sobrang


panghihina. "P-Para lang sa kanya.

Pero hindi mo siya mahal kaya bakit? pagtataka ng kamatayan.

"Dahil kasalanan ko ang lahat." Kumuyom ang panga ni Ash habang sinasabi
ang mga ito.

Napakagat ng labi si Ces sa naririnig. She wants everything to stop.


Bakit ganito? Bakit ganito ang nangyayari?

Dumiretso ang mukha ni Boss at nawala ang mga ngisi sa labi nito. Kapag
ibinigay mo sa akin ang buhay mo, makakalimutan ka niya.

A-Ano? halos sabay na tanong ni Ces at Ash.

Ngumiti si Boss na parabang hindi makabasag pinggan. Nawala ang panganib


sa mga ngiti nito. Mawawala sa kanya ang lahat ng tungkol sa'yo at lahat
ng pangyayari na may kaugnay sa'yo. Makakalimutan niya rin ang matalik
mong kaibigan, pagpapaliwanag ni Boss. Magbabago ang kanyang memorya at
aayon ito sa lahat na walang kinalaman sa iyo.

"Boss. . ." hindi makapaniwala si Ces sa narinig.

Pero bakit? Dapa magsasalita pa sana si Ash nang mapatigil at


makaramdam nang takot nang magpula ang mga mata ng batang nasa harapan
niya.

Wala ka nang magagawa. . . Ngumisi muli si Boss at lumapit sa batang


Ash na nakaupo sa sahig. Akin na ang kaluluwa mo.

"Huwag boss!" nanlalaki ang mga mata na pigil ni Ces.

Napasigaw si Ash ngunit natahimik din nang kontrolin muli ni Boss ang
binata. Sabay na lumutang si Boss at si Ash sa kawalan. Kitang kita ni
Ces kung paano nagpapapadyak ang binatang Ash na tila ba hirap na hirap.
Na para bang binabawian ito ng buhay.

Ilang segundo lang ang nakalipas, tumigil na ang pag galaw ng katawan ni
Ash.

"Ash!" sigaw ni Ces. Pinipilit ni Ces gumalaw ngunit hindi talaga niya
magalaw ang kanyang katawan.

Lumawak ang ngisi ni Boss. Nagliliwanag ang mga mata nito ng kulay pula.
Inilapat ni Boss ang kamay sa dibdib ng binata habang nagsasalita na
hindi maintindihan ni Ces.

"Boss, huwag. Huwag mong gawin kay Ash 'yan!"

Hinigop ni Boss ang napaka raming puting usok na lumabas sa katawan ni


Ash. Hinigop niya ito na tila ba napakasarap na pagkain ang kaluluwa ni
Ash. Ilang segundo lang ay lumuwa ng itim na usok ang kamatayan at
ipinasok sa katawan ni Pauline.

Umikot sa ere ang katawan ni Ash na walang buhay. Walang maramdaman si


Ces ngunit alam niyang hindi tama ang nangyayari. Nakikita niya ang mukha
ni Ash na napaka payapa ng itsura. Binabalot ng itim na usok ang katawan
ni Ash. Labas pasok ang mga usok na iyon na tila ba pinaglalaruan ang
katawan ng binata.

Ilang sandali lang, nahulog ang katawan ni Ash sa lapag ngunit naiwan ang
mala-usok na itsura nito na nakalutang. Hindi makapaniwala si Ces sa
nakikita. Hindi na gumagalaw ang katawang nasa sahig ngunit patuloy ang
pag-ikot ng mala-usok na katawan ni Ash sa ere.

Kahit gaano pa magmakaawa si Ces, magsisisigaw at magtanong ay hindi na


siya papakinggan ng kamatayan. Huli na ang lahat. Pagkadilat ng mala-usok
na Ash, nakita ni Ces ang mga mata ng binata na nakatingin sa kanya.
Nagliliwanag. Pulang pula. Mga mata ng isang kamatayan.

~ ~ ~Author's Note:Thank you for still reading TTLS. As in. Salamat din
sa mga tweets na nababasa ko. Yung mga reactions niyo. Sobrang cute.
Thank you. 3 chapters + epilogue to go!
Para sa review contest, hindi ako makapili sa dalawa kaya pinapili ko na
si Admin Ai. Ang napili niya siii. . .dun dun dun duuunnnn .
. pparkshinhye!
Dahilan kung bakit review niya ang napili ni Admin Ai, "naamaze ako kay
pparkshinhye. Nasasali ung feelings niya, ung ayaw niya sa story pero ung
effect sayo, maganda. Hindi masyadong masakit, objective, walang halong
galit, at napupunta ka sa improvement part. Maiisip mong "ay oo nga. Tama
siya dito.""
So ayun po, hi pparkshinhye! Please pm me sa facebook page with your
name, contact number and address. Salamat po.
Sa mga sumali sa review contest, sobrang gusto ko lahat ng sinabi niyo
huhuhuhu salamat sa pambobola at sa pagtulong sa akin sa pag improve pero
isa lang kasi ang pwedeng manalo. </////3 Babawi ako sa inyo next time.
D:
Click external link para makita ang ginawa kong picture para sa chapter
na ito. Twitter post 'yun pero may nakalagay din na fb post (ayaw kasi
maglink ng fb huhu). :)
GIF at the right is made by Sam / towaitforeternity.

=================
59 // Sweetest Downfall
"Love is the greatest corrupter ever known and has been the number one
downfall of mankind since the first creation." Sherrilyn Kenyon

~ ~ ~

Nawala ang puting pader ng ospital. Nawala ang dalagang Pauline na


nakahiga sa kama. Nawala ang katawan ni Ash. Nawala ang usok na Ash.
Nawala ang mapupulang mata. Ang tanging nakikita lamang ni Ces ay si Boss
na seryosong nakatingin sa kanya.

Natahimik silang dalawa.

"Masaya ka bang nakikita mo ang lahat ng 'to?" panimula ni Boss.

Pinilit ni Ces galawin ang kanyang katawan ngunit hindi pa rin siya
makagalaw. Napapikit siya habang pinapakiramdaman ang paligid. Sa mga
nakita niya, pakiramdam niya ay hindi dapat pagkatiwalaan ang kamatayang
nasa harapan niya.

"Gago ka Ash."

Napadilat si Ces sa narinig na boses. Boses iyon ng binatang Lyric.


Lumibot ang kanyang paningin dahil imbis na puting mga pader ang
nakapalibot, kadiliman ng sementeryo ang kanyang nadatnan. Nakita ni Ces
ang binatang Lyric na nakaupo sa tapat ng isang lapida.

"Ano bang problema mo sa akin? Nag Pasko lang. Nag birthday lang ako. . .
pagbalik ko, ganito ka na? Ito na madadatnan ko sa'yo?" pabulong na sabi
ng binata. Tumutulo na ang luha sa mga mata nito. "Anong trip mo? Bakit
ganito ireregalo mo sa akin?"

"Lyric. . ."

Napatingin sa kanan si Ces nang makarinig ng pamilyar na boses. Nanlaki


ang kanyang mga mata nang makita si Ash sa kanyang tabi. Magsasalita na
sana siya ngunit hindi siya makapagsalita.

"Akala ko ba gagraduate tayo ng sabay?" Napakuyom ang kamao ni Lyric at


yumuko. "Akala ko ba aalagaan natin si Ces? Si Auie mo? Hinayaan ko na
kayong maging masaya, kaya bakit?"

"Nakita mo na ang ginawa mo sa matalik mong kaibigan?" sabi ni Boss kay


Ash. "Sinaktan mo ang best friend mo, Ash."

"Bwisit na 'yan. Hindi na nga makakapasok si Ces sa school, wala ka pa?


Ano bang problema mo, Ash?!"

Ash? Ash! Nakikita mo ba ako?!

Halos sumigaw na si Ces ngunit hindi siya naririnig ni Ash na nasa tabi
niya lang mismo. Natigilan lang siya nang tumingin sa kanya si Boss at
inilapit ang hintuturo sa sariling labi.

"Huwag maingay. . ." bulong ni Boss habang nakangiti kay Ces.

Lumingon si Ash kay Boss at nagtanong. "Anong huwag maingay? Hindi naman
ako maingay ah?"

Ngumisi lang si Boss at kinumpas ang kamay saka nagdilim ang buong
paligid. Kahit madilim ay nakikita ni Ces si Boss at si Ash na
naglalakad. Kahit hindi magalaw ang katawan, nagulat na lamang si Ces
nang kusang gumagalaw ang kanyang katawan para sumunod sa dalawang
kamatayan.

"Nasaan na si Auie?" tanong ni Ash.

"Secret, bakit gusto mong malaman?" natatawang tanong ni Boss.

"Hindi na niya ako maaalala? Pati si Lyric?"

"Dehins na," nakangiting sagot ni Boss. Lumingon muna si Boss kay Ces
bago tinuloy ang sasabihin, "Ginugulo ko pa ang memorya niya pero oo,
makakalimutan ka niya at lahat ng tungkol sa'yo."

Kumunot lamang ang noo ni Ces dahil hindi siya makapagsalita. Hindi niya
malaman kung siya ba ang sinasabi ni Boss o ang Ces / Pauline na batang
naaksidente.

Natahimik ang dalawang kamatayan habang naglalakad sa unti-unting nabubuo


mula sa kadiliman. Ang walang hanggang kadiliman ay napalitan ng mga
sira-sirang gusali. Mga patay na puno at halaman. Masukal, lubak-lubak at
halos nasisira nang mga daan.

Nang tingnan ni Ces si Ash, hindi nagbago ang binata. . . kung ano ang
nakita niya noon ay siya pa rin ito. Ang black hoodie ay suot pa rin ng

kamatayan. Pati ang shirt nito, ang skinny jeans at black chucks. Suot pa
rin ni Ash ang itim na cross sa kanang tainga tulad ni Lyric. Nang
ibaling niya ang tingin kay Boss ay nakangisi ang kamatayan sa kanya.

Kumumpas si Boss at nagdilim muli ang paligid. Nanatili si Boss ngunit


nawala si Ash. Nakagalaw na rin si Ces at naramdamang nakakapag salita na
rin siya. Ngunit nanatili siyang tahimik.

"Wala ka bang tatanungin? Sa tingin ko ito na ang tamang oras para


magtanong," nakangiting sabi ni Boss.

Natahimik lang si Ces. Nanatili siyang nakatitig sa kamatayan na walang


ibang iniisip. Sa totoo lang, blangko na rin ang utak ni Ces. Pakiramdam
niya ay nawawala na ang pagkatao niya sa bawat oras, kung may oras nga
ba, na lumilipas.

Titik! Titik!

Ano ba 'to, tigil tigil din sa pagtunog!

Ngumisi si Boss nang muling lumitaw ang kamatayang Ash sa harap ni Ces.
Nakatingin si Ash sa Death Gadget nitong hindi na tumigil sa pagtunog.
Napakagat ng labi si Ces nang padaanan siya ng tingin ni Ash ngunit
dumaan lang talaga ang tingin nito. Hindi siya nakikita ni Ash.

Titik! Titik!

Tama na po jusko! Babatuhin kita nang masira ka na!

Subukan mo lang. Biglang lumitaw si Boss sa harap ni Ash. Napaatras si


Ash at napaawang ang bibig.

Nakatingin lang si Ces. Nanonood.

Boss naman! Bakit mo ako ginugulat?

Kumunot ang noo ni Boss. Ginugulat? Pinaglololoko mo ba ako?

Bumalik sa pwesto si Ash at ngumuso. Joke lang. Hindi ka talaga mabiro


eh. Namiss ko lang makaramdam, eh.

Kumunot ang noo ni Boss habang hawak ang lollipop na kinakain.


Magtrabaho ka na bago pa ako mairita sa'yo.

Hangsungeeet?! Pinanlakihan ng mata ni Ash si Boss.

Ibinaling ni Ash ang tingin sa D-Get niyang kanina pa tumutunog.


Nagscroll siya para makita ang pinaka unang tao na kailangan niyang
kuhanin ang kaluluwa sa araw na 'yun. Mula sa mga mata ni Ces, nakita
niya ang pagliliwanag ng pula ng mga mata ni Ash bago ito naglaho nang
paunti-unti sa kanyang harapan.

Bumaling sa kanya si Boss at ngumisi. Nawala lang saglit si Boss ay may


dala na itong lollipop na dinidilaan. "Gusto mo malaman kung saan siya
pupunta?"

Mahina ang boses ni Ces nang magsalita. "S-Saan?"

"Lyle T. Yuzon."

Pagkasabi ni Boss ng pangalan ni Lyle ay biglang may narinig na tunog si


Ces. Ngumisi si Boss nang tumingin ito sa sariling D-Get at tila may
kinausap.

"Lalayas muna ako," paalam ng kamatayan.

Nawala si Boss at naiwan si Ces sa kadiliman. Ngunit hindi nagtagal ay


biglang lumitaw si Boss at si Ash. Prente lang ang itsura ni Boss habang
takot na takot ang itsura ni Ash na para bang nakakita ng multo.

"P-Paanong. . . nakikita niya ako Boss!" pagpapanic ni Ash. "Nakikita ako


ni Auie! Paano nangyari 'yun?"

Ngumuso si Boss habang nakatingin kay Ces na tila nag-iisip. "Baka dahil
kalahati ng kaluluwa mo ay nasa kanya?"

"Seryoso?" tanong ni Ash.

Ngumiti si Boss at pinalo-palo ang balikat ni Ash. "Hindi ko sure eh. Ehe
ehe ehe."

"Boss naman!" Napakamot ng noo si Ash at parang nainis nang may nakita sa
kanyang D-Get. "Yung kasunduan pa. . . bakit ka naman pumayag sa soul
contract?"

Dahil sa pagmamahal, nakangising sabi ni Boss habang nakatingin kay


Ces.

Napakunot ang noo ni Ces sa narinig. Magsasalita sana siya nang


maramdamang nawala na naman ang kanyang boses. Ilang ulit na siyang
ginaganito ni Boss na para siyang isang manikin na pinaglalaruan ng
kamatayan.

Nanlaki ang mata ni Ash. Mahal mo siya?!

Gago. Kinumpas ni Boss ang kamay kaya't nagpakita ang soul contract.
Nakita ni Ces ang dugo niyang nakapirma sa papel na lumutang.
Nakakatuwang pumayag siya sa kontrata. Ang gusto ko lang ay panoorin ang
mangyayari sa buhay niya, nakangising sabi ni Boss, nakatingin pa rin
kay Ces. Sana lang ay hindi siya magsisi sa desisyon niya.

"Napaka tuso mo, Boss," kumento ni Ash.

Ngumiti si Boss kay Ash. "Hindi ako tuso. . . trabaho ko lang ito."

Nagdilim ang buong paligid ngunit hindi pa rin nakakakilos si Ces.


Nakatayo siya sa kawalan. Walang kahit na sino at kahit si Boss ay nawala
rin. Sinubukan niyang sumigaw, tawagin ang pangalan ni Ash ngunit walang
nakakarinig sa kanya.

Bakit ka pumayag sa panibagong kasunduan?!

Umalingawngaw ang malakas na boses ni Ash sa buong kadiliman. Hinanap ni


Ces kung saan nanggagaling ang boses na iyon nang maramdaman niyang
nakakakilos na siya. Tumakbo siya at naglakad. Luminga-linga siya sa
paligid ngunit wala siyang makitang kahit ano kung hindi kadiliman.

Alam mong magmamahal pa rin si Auie, kaya bakit mo ginawa 'yon?

Dahil ayaw na niya, boses ni Boss.

Tumakbo lang nang tumakbo si Ces sa kadiliman ngunit pakiramadam niya ay


kahit gaano pa kalayo ang takbuhin niya ay sinusundan lang siya ng boses
ni Ash at Boss. Tila ba sumisigaw ang mga boses na iyon sa kanyang tainga
upang hindi niya makaligtaan.

Pero Boss

Ano? Bakit masyado kang nag-aalala sa taong 'yun? Hayaan mo siya.


naatawang boses ni Boss. Natutuwa ako sa kanyaat sa katangahang taglay
niya.

Huwag naman ganito, halos magmakaawang sabi ni Ash. Para saan pa ang
pagsakripisyo ko kung papatayin mo rin siya?

"Sakripisyo mo?" malakas ang tawa ni Boss na pakiramdam ni Ces ay


mababasag na ang kanyang pandinig. "Hanggang ngayon, sarili mo pa rin ang
iniisip mo, Ash?"

Tumingin sa paligid si Ces ngunit wala pa rin siyang nakikita kung hindi
kadiliman.

"H-Hindi, Boss. Hindi sa ganoon."

"Oo na," mahinahong boses ni Boss. Gusto mo ba ng panibagong kasunduan


para magtagal ang buhay niya? Baka lang trip mo?

Napatigil si Ces sa paggalaw at pinakinggang mabuti ang susunod na


sasabihin ng dalawang boses sa kanyang tainga.

S-Sige. Para sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Ces sa narinig. Narinig niya. . . narinig mismo
ng kanyang tainga ang pagsakripisyong muli ni Ash para sa kanya.

Oo ka kaagad? Ang bilis, ah. Para sa sarili mo na naman ba 'yan? Para


kunwari, bayani ka? pagtataka ni Boss. "O importante na ba siya sa'yo?
Nagsisisi ka? Huwag kang mag-alala, sikreto lang natin 'to. Walang
makakarinig na iba."

Nakatitig lang sa kawalan si Ces nang makita ang imahe ni Ash na


nakatingin sa kanya mismo. Nakangiti ito ngunit alam niyang wala itong
nararamdaman bago ito sumagot, hindi ko alam.

"Okay." Lumitaw si Boss sa harapan ni Ces. Nagliliwanag ng kulay pula ang


kanyang mga mata habang inilalapit ang hintuturo sa kanyang dibdib. Ikaw
ang masusunod. . .

Hindi na nagulat si Ces nang may puting usok na lumabas sa kanyang


katawan. Ngunit ang puting usok na iyon ay pinilabutan ng itim na usok na
naglalaro. Wala siyang nararamdaman ngunit nang tingnan ni Ces si Ash sa
likuran ni Boss, nakapikit si Ash na tila namimilipit sa sakit.

"A-Ahh. . .Shit." Nakakuyom ang kamao ni Ash at nakatingin sa taas. Ang


itim at puting usok na nanggaling sa kanya ay lumipat kay Ash na labaspasok sa katawan nito. Ilang sandali lang, tumigil sa pag galaw ang
binata. Nagliwanag ng nakakasilaw na pula ang mga mata nito saka naglaho
bigla.

"Huwag mo na pahirapan si Ash," diretsong sabi ni Ces. Nanlaki ang mga


mata ni Boss habang nakatingin sa dalaga.

"Oh, nakakapagsalita ka na?" nakangiti nitong sabi.

"Itigil mo na ang pagpapahirap kay Ash," ulit ng dalaga habang mataman na


nakatingin sa kamatayan. Hindi malaman ni Ces kung anong naiisip ng
kamatayan. Hindi malaman ni Ces kung anong susunod na gagawin ng
kamatayan.

"Hindi ko siya pinapahirapan. . .mga desisyon mo ang nagpapahirap sa


kanya."

"Desisyon ko?"

Itinaas ni Boss ang dalawang kamay nito. May liwanag na namumuo sa


pagitan ng dalawang kamay ni Boss hanggang sa naging isang salamin ng
Memyor ang liwanag. Ibinaba ni Boss ang dalawang kamay at ipinakita kay
Ces kung anong nakapaloob sa memoryang iyon.

Napakagat ng labi si Ces nang makita niya ang sariling umiiyak sa tapat
ng salamin. Nakahawak sa pilat sa dibdib ang Ces na nasa Memyor.

"Ang desisyon niya para iligtas ka ay isang kahangalan," sabi ni Boss.


"Tulad ng desisyon mo para hindi na magmahal."

Dumating si Ash sa tabi ng Ces sa Memyor. At hindi nagkakamali ang


nanonood na Ces na ito ang pagkakataong nahahawakan siya ni Ash, at naginit ang kanyang katawan sa usok na hinigop palabas at pinasok sa kanya
ng kamatayan.

"Ang huling kasunduan ay pagkawala. Hindi namatay dahil hindi kailanman


nabuhay sa mundo ng mga tao," bulong ni Boss. "Kapalit ng buhay mo ay
pagkawala niya. Kapalit ng paghihirap mo ay ang paglaho niya."

"A-Ano? Anong pinagsasasabi mo?" pagtataka ni Ces.

"Ang isang salita mo ay ang ikakalaho niya." Ngumiti si Boss nang mabasag
ang Memyor na pinapanood nila. Tiningnan ni Boss si Ces at bumulong,
wala kang nararamdaman na sakit, hindi ba?

Tumango si Ces. Lalong lumawak ang ngisi ni Boss. Pero naluluha ka


ngayon. Bakit ka naluluha?"

"H-Hindi ko alam. . . " Pinunasan ni Ces ang kanyang luha. Ang mga
sakripisyo ni Ash, hindi ko na naiintindihan. Sabi niya hindi niya ako
naaalala pero baki hindi na pinatapos ni Boss ang tanong ni Ces.

Hindi naaalala? natatawang tanong ni Boss.

Oo. . . hindi b

"Ang mga tao talaga, ang bibilis maniwala." Tumawa nang napaka lakas si
Boss. Hindi lahat dapat paniwalaan, iha. Sa katunayan, malaki ang
tsansang hindi ako nagsasabi ng totoo. Nagseryoso ang mukha ni Boss.
Mamili ka kung ano o sino ang paniniwalaan mo. Ako o si Ash. Si Ash o
ako. O wala.

Hindi malaman ni Ces kung ano ang dapat gawin o ikilos. Gusto niyang
magpanic ngunit kalmado ang kanyang loob. Walang tibok ng puso. Walang
hanging lumalabas at pumapasok sa kanyang sistema. Walang kabang
nararamdaman. Gusto niyang tumakbo palayo ngunit nang ihahakbang na niya
ang paa ay hindi na niya magalaw ang katawan.

Hindi ka ba interesado malaman kung ano ang nangyari kay Lyric


pagkatapos ng lahat ng nangyari? Matapos mong mawala sa kanya? Ay wait,
hindi ka nga pala naging sa kanya." Dahang dahan kinumpas ni Boss ang
kanang kamay paikot. "Dahil mas gusto mo ang lalaking sarili lang ang

iniisip. Dahil mas gusto mo ang lalaking nagawang paglaruan ang


nararamdaman mo nang walang dahilan."

"Tama na," mariing sabi ni Ces.

Ngumisi si Boss. "Samahan mo muna akong manood.

Bumilis ang ikot ng kanilang paligid hanggang sa tumigil ito sa isang


madilim na bar. Makikita sa stage ang magandang babae na nakamessy bun na
kumakanta. Kitang kita sa mga nag-iinuman at nakikinig na customers na
nahahalina sila sa boses na taglay ng babaeng ito.

Ito na ang ating huling sandaliHindi na tayo magkakamaliKase wala ng


bukas

Nakatayo lamang si Ces sa gitna. Nadadaanan na siya ng mga tao at mga


waiter na paligid ligid habang hawak ang mga drinks. Kahit hindi magalaw
ang katawan ay lumigid ang kanyang mata upang hanapin ang isang tao.

Hinahanap mo siya? nakangiting tanong ni Boss nang lumitaw ito sa


kanyang harap. Tinuro niya ang likuran ni Ces at sinabing, lumingon ka
sa likuran.

Sulitin natin ito na ang wakasKailangan na yata nating umuwi

Nang subukan ni Ces galawin ang kanyang katawan ay napangiti siya nang
kaya na niyang lumingon. Pagkalingon ay nagulat siya nang makita ang

Lyric niya. . . pero hindi ito ang highschool na Lyric. He was older.
Much older than what she remembers.

"Baki"

"Ay, sorry," natatawang sabi ni Boss. "Masyado ko atang nafast forward sa


future. Pero huwag kang mag-alala, mas exciting ito."

Hawakan mo aking kamayBago tayo mag hiwalayLahat lahat ibibigay,


lahat lahat

Napaawang ang bibig ng dalaga nang makita ang matured na mukha ni Lyric.
Nakaponytail ang hanggang balikat nitong buhok at mapapansin na may
kaunting balbas na rin. Lumaki ang katawan nito kaunti at nagmatured ang
itsura. Hindi makapaniwala si Ces na nasa harapan niya si Lyric.
Nakatingin sa kanya ito ngunit alam niyang tumatagos ang tingin ng binata
sa kanya. Ibang iba na ang Lyric na nasa harapan niya ngunit ito ang
Lyric na kilala niya. Ito ang Lyric niya.

Kung ang mukha ng Lyric na highschool noon ay napaka inusente, nakangiti


at puno ng kasiyahan, ang Lyric na nakikita niya ngayon ay pagod na
pagod. Tila ilang beses itong nasaktan at nasasaktan pa rin hanggang
ngayon. Nakangiting walang bakas ng kasiyahan.

Lyric," pagtawag ng dalaga sa lalaking nasa harapan niya. Sinubukan


niyang hawakan si Lyric ngunit napatigil din nang may tumawag sa
bokalista.

Paalam sating huling sayawMay dulo pala ang langitKaya't sabay tayong
bibitawSa ating huling sayaw

Sir Yue, may ano po. . . medyo nagwawalang lasing sa likuran,


pagbabalita ng isang waiter.

Kumunot ang noo ni Lyric at tumango. Yumuko ang waiter na nagbigay galang
kay Lyric. Sinundan ni Ces si Lyric hanggang makalabas sa likuran ng bar.
Napahinto si Ces nang makita ang pamilyar na damit at bonnet ng nagwawala
sa likuran ng bar. Ang pamilyar na mukha nito at ang pamilyar na matang
pagod na pagod nang umiyak.

Melo! pagsigaw ni Lyric. Kaagad hinawakan ni Lyric ang kamay ni Melo


bago pa batuhin ang boteng hawak. Tumigil ka nga!

Ang boses ni Lyric. . . mas lalong lumalim ang boses ng Lyric niya.

Marahas na tinulak ni Melo si Lyric. Tumigil?! Tangina, moved on ka na


kaagad? Iniwan tayo ni Note! Hindi ka man lang bumisita sa kanya!

Kumunot ang noo ni Lyric. Kinuha nito ang bote sa kamay ng kaibigan. Get
your grip! Anim na taon na 'yon!

"Puro na lang sarili mo iniisip mo sa nakaraang apat na taon, pre! Naging


banda tayo, pamilya tayo!" Kumakawala si Melo nang may mga waiter ng bar
ang pumipigil sa kanya. Putangina Lyric, masaya ka na ba talaga?
Kinalimutan mo na ba ang samahan natin? Si Note? Siya?! Natutulak pa rin
ni Melo ang kaibigan kahit marami na ang nakahawak sa kanya. "Dahil sa
mga kalokohan ni Note, nadamay siya! Balewala lang sa'yo ngayon?"

Iniayos ni Lyric ang polo niya. He stayed calm. . . like he was from the
past. Huminga ito nang malalim ngunit napatigil nang muling sumigaw si
Melo.

Iniwan ka niya! Iniwan niya tayo, pero okay ka pa rin? Tangina, minahal
mo siya, hindi ba? Ginawa mo lahat para sa kanya. Ginawa namin ang lahat
para magkalapit kayo pero bakit okay ka na kaagad?! naiiyak na sabi ng
gitarista. "Pinagpalit mo na siya kaagad!"

Sa mga salitang binitawan ni Melo ay nagulat ang lahat nang mabilis na


sinuntok ni Lyric ang kaibigan. Ang bigat ng mga kamay nito ay tumama sa
pisngi ni Melo. Napaupo sa lupa si Melo sa sobrang lakas ng suntok.

Kenneth, tawag ni Lyric sa isang waiter. Bigyan mo ng kape yan nang


mahimasmasan. Tumango ang waiter sa utos ni Lyric. Papasok na sana sa
loob si Lyric nang magsalita si Melo.

Wala kang puso, Lyric.

Walang emosyon ang mga mata ni Lyric nang tumingin siya kay Melo bago
sinara ang pintuan pabalik ng bar.

Ang saya, hindi ba? nakangiting tanong ni Boss. "Nakakaaliw."

Halata ang saya at galak ni Boss nang tingnan ni Ces ang kamatayan ngunit
hindi siya kumibo. Pumasok sa loob ng bar si Boss at sumunod si Ces. Una
niyang napansin ay ang babaeng kumakanta sa stage ay nasa tabi na ni
Lyric sa isang table.

Anong nangyari sa likuran? May nagwawala raw, ah? tanong ng babae saka
yumakap kay Lyric.

Napaatras si Ces at halos mawasak ang pusokung mayroon mannang makita


ang pagyakap ng babae kay Lyric. Sa kanyang Lyric. Tulala nang kaunti si
Lyric ngunit ngumiti rin nang ngitian siya ng babae.

Pakiramdam ni Ces ay nabasag ang puso niya sa pagngiti ni Lyric sa ibang


babae.

Hindi lang makamove on 'yung tao, nakangiting sabi ni Lyric nang


haplusin nito ang buhok ng babae. Uuwi ka na ba? Uuwi na sana ako. Medyo
nakakapagod ngayong araw.

Kumalas sa yakap ang babae kay Lyric at ngumuso. "Uuwi ka? Akala ko ba
may dinner date tayo?"

"Ah, sorry. . ." Nagpakamot ng batok si Lyric at ngumiti. "Sige, mag


dinner date na tayo."

"No," madiin na sabi ng babae. "Sige na, umuwi ka na at mukhang pagod ka.
Next time na lang ang date, okay?"

"Sorry," sagot ni Lyric.

Ngumiti ang babae. "It's okay." Hinawakan ng babae ang kanang tainga ni
Lyric na may hikaw na cross. "Masakit pa rin ba ang piercing?"

"Medyo."

"Thank you ah." Niyakap ng babae si Lyric. "Kahit na ayaw mo magpahikaw,


nagpahikaw ka pa rin para sa akin."

Tumigil sa pag gana ang utak ni Ces nang makitang hinalikan ng babae si
Lyric sa labi. Ngiting ngiti ang babae at kita rin ni Ces ang ngiti ni
Lyric. Isang matamlay na ngiti. Nagpaalam na ang dalawa sa isa't isa at
umalis na ng bar si Lyric.

Sumandal ang babae sa may counter habang umiinom. "Anong problema ni


Lyric?" takang tanong nito sa baristang katabi niya.

"Hindi ko rin ho alam, Miss Princess. Baka pagod lang."

"M-Miss Princess?" hindi makapaniwalang sambit ni Ces.

Tumango ang babaeng tinawag na Princess at tumitig sa stage na may mga


bandang nag-aayos upang kumanta muli.

Napatitig si Ces kay Princess. Maamo ang mukha nito. Maganda ang itim na
buhok na nakamessy bun. Maayos rin ang pananamit nito pero napansin ni
Ces ang kanang pulso ng babae na napaka raming hiwa. Na mukhang
pinagtuunan ng pansin ng babae ang pulso nito kapag walang magawa.

Walang ideya si Ces kung sino ang babaeng ito. Hindi rin niya maalala
kung nakita na ba niya ito noong nakaraan o hindi pa. Napatitig si Ces sa
kanang tainga ng babae na may hikaw na itim na crosstulad ng itim na
cross sa kanang tainga ni Lyric.

Masaya na siya. . . bumingisngis si Boss at kinumpas ang kamay saka


nagbago ang paligid.

Pagod na si Ces. Pagod na siyang makita ang lahat ng ito. Gusto na niyang
mawala. Kung mamamatay siya, go. Kung mabubuhay siya, go. Pero sa ngayon
isang torture ang lahat. Pinapatay siya.

Nagdilim ang paligid at nagbago. Napunta sila sa isang kotse, nakasakay


sila sa likuran at napansin ni Ces ang pamilyar na itsura ng kotse.
Nahagip ng mga mata ni Ces ang pamilyar na maliit na bote na nakasabit sa
rear-view mirror. Ang boteng nakita niya noon. . . tuyong tuyo na ang
dapat ay pulang rosas at nasa loob ng bote ay isang maliit na pink paper.
Tahimik na nagdadrive si Lyric hanggang sa makarating sila sa bar.

Yuecez Bar

Pumasok sa loob si Lyric habang nagbibigay respeto ang mga nakakasulubong


na staff. Nakakangitian niya ang mga ito hanggang sa pumasok si Lyric sa
pintuan ng isang office na may nakasulat na Mr. Yue. Hindi na kailangan
buksan nila Ces ang pintuan para makapasok dahil tumagos na sila papasok.

Pagkapasok ay nakita ni Ces na office ito ng may-ari ng bar. Office ni


Lyric. May mga awards na kasabit sa pader at mga posters ng mga bandang
hindi kilala ni Ces. May isang cabinet sa gilid na may mga libro at
papel. May mga picture frame doon na nakapatong. Nang tingnan isa isa ni
Ces ang mga pictures, nawasak ang puso niya nang makita ang masayang
MyuSick with Manager Lily sa isa. Picture ni Lyric na backgroud ang
Yuecez bar. At ang panghuli ay si Lyric, kasama ang Princess na magkatabi
sa picture at ngiting-ngiti.

Iniwas na niya ang tingin sa picture na iyon at tiningnan ang mga


nakakalat na papel sa cabinet. Isang papel lang ang kumuha ng atensyon
niya. Isang cut-off ng dyaryo na mukhang ilang taon nang nandoon dahil sa
paninilaw ng papel. Nang basahin ni Ces ang title ng article ay lalong
nawasak ang puso niya sa nabasa.

Sunday, May 10, 2015Lead Vocalists of MyuSick, now ready to sing as one!
MANILAafter the road accident that happened a few weeks ago,
MyuSick's lead vocalists, Lyric Yue and Pauline "Ces" Flores, announced
to the public that they are now ready to sing as an engaged couple. It
was tragic news when Bassist. . .

Napalingon si Ces nang marinig ang malakas na pagbukas at pagsara ng


isang cabinet. Nang ibaling ni Ces ang tingin kay Lyric, nakita niya ang
lalaki na hawak ang isang silver ring na may kumikinang na bato sa gitna.
Tumutulo ang luha ng binata na tila ba matagal na itong tinatago ng
bokalista.

Hindi kita nakalimutan. . . kahit kailan, hindi kita makakalimutan,"


halos pabulong na sabi ng binata. Tinakpan ng lalaki ang mukhang
sumasalamin sa dapat ay kasiyahan ngunit kabaliktaran ang nakikita.
"Sinubukan kong sumaya dahil sabi mo maging masaya ako. . . pero ang
hirap. Sobrang hirap maging masaya kung saya ko na mismo ang nawala."

Lumapit si Ces kay Lyric at tinangkang hawakan ang balikat ng lalaki nang
maramdaman niyang may pumigil sa kanyatiningnan niya si Boss na matamang
nakatingin sa kanya sabay iling.

Gumulo ang paligid at nagdilim. Akala ni Ces ay tapos na ang lahat nang
makarinig siya ng malakas na hikbi galing kay Lyric. Paglingon niya sa
paligid ay napansin niyang nasa sementeryo ulit siya.

Nanlaki ang mga mata ni Ces sa nakitang pangalan na nakaukit sa batong


iniiyakan ni Lyric. Isang pamilyar na pangalan ang nandoon.

R. I.
P.
Pa
uline "Ces" L.
Flores
July 18, 1993
October 10, 2015
"A fight is what she
had. A battle is what she won.
A
damsel not in distress. A princess that saved us
all.
Now an angel up above. Her smile will
be given to us all."

Hindi pa siya nakakapagsalita ay muling nagdilim ang paligid. Hindi pa


siya nakakamove on ay may nabuo na namang panibagong senaryo. Malakas na
hangin ang unang narinig ni Ces. Nang lumingon siya sa paligid, ang una
niyang napansin ay ang madilim na kalangitan na tila pinagkaitan ng mga
bituwin. Nagsisitaasang building. . . at kinatatayuan niya ngayon ay isa
ring mataas na gusali.

Nilingon ni Ces ang paligid upang hanapin si Boss ngunit hindi niya
makita ang kamatayan. Napalingon siya sa likuran nang bumukas ang pinto
at tumambad si Lyric.

"L-Lyric?"

Naglakad ang lalaki na tila ba wala sa sarili. Iba na ang suot nito mula
kanina at mukhang ilang araw na rin ang nakaraan dahil sa pagod na itsura
ng binata. Namumugto ang mga mata nito na tila ba ilang araw nang
lumuluha at hindi makatulog. Nangayayat ang itsura nito at mukhang
napabayaan na rin ang mukha sa balbas at bigoteng nagtutubuan. Magulo rin
ang mahaba nitong buhok na nakapony tail.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ng dalaga kahit alam naman niyang hindi
siya naririnig nito.

Tumagos si Lyric sa kanya at tumayo sa kanyang harapan. Ilang dangkal


lang ang layo nila sa isa't isa kaya't rinig na rinig ni Ces ang bigat ng
paghinga ng lalaki. Matamlay na lumingon sa paligid si Lyric. Hindi
mapigilan ni Ces ang sarili na hawakan ang binata. . . ngunit tumagos
lang siya rito and she felt pathetic. Again.

Nakarinig si Ces nang kanta. . .at hindi siya magkakamali dahil boses
iyon ni Lyric. Napatingin siya sa bulsa ng binata. Nag-iilaw ang
cellphone ni Lyric na nasa bulsa nito.

Well, I never saw it coming.I should've started runningA long, long


time ago.

Mukhang tawag ito ngunit mukhang walang balak si Lyric sagutin ang phone.

And I never thought I'd doubt you,I'm better off without youMore than
you, more than you know.

Nakaramdam ng kaba si Ces nang magsimulang maglakad si Lyric papalapit sa


gilid ng building. Humawak ito sa railings nang lumakas ang ihip ng
hangin. Pinakiramdaman ni Lyric ang ihip na hangin na tila ba gusto nito
maging kaisa ng hangin.

I'm slowly getting closure.I guess it's really over.I'm finally


getting better.

Hindi tumigil sa pagtunog ang cellphone ni Lyric. Patuloy lang ang


pagtunog. Patuloy lang pagkanta. Patuloy lang ang musika.

And now I'm picking up the pieces.I'm spending all of these


yearsPutting my heart back together.'Cause the day I thought I'd never
get through,

Kinuha ni Lyric ang cellphone sa bulsa at tumitig sa cellphone.

I got over you.

Tinanggap na niya ang tawag ngunit hindi siya sumasagot. Wala ito sa
wisyo upang magsalita o gumawa man ng ingay. Rinig na rinig ni Ces ang
boses na nanggagaling sa cellphone. Boses ni Princess na kumanta noon sa
Yuecez Bar at ang babaeng hinalikan sa Lyric sa labi.

Wala pang ilang segundo ay binitawan ni Lyric ang cellphone at inilaglag


sa ikailaliman.

Natigilan si Ces sa nakita. Sinubukan niyang lumapit para patigilin sa


kung ano man ang iniisip ng lalaki nang mapansing hindi na naman siya
makagalaw. Unti-unting nakaramdam ng panic ang buong pagkatao ni Ces.
Ilang sandali ay naramdaman niya ang lamig ng hangin na humahampas sa
kanyang katawan.

Bakit hindi ako makagalaw? Lyric! Itigil mo 'yan! Pinipilit niyang


pumiglas pero sobrang sakit ng kanyang katawan na tila ba hinihila ang
balat niya mula sa kanyang kaluluwa. Boss! Tigilan mo si Lyric!

Tumingin sa kailaliman si Lyric na tila ba wala na sa sarili. Napakagat


ng labi si Ces nang makita ang napaka pamilyar na senaryong ito. Alam
niya ang pangyayaring ito dahil siya mismo ay napunta sa nararamdamang
ganito. Siya mismo ay napunta sa pwestong ito.

Huwag, please!

Tuluyang tumulo ang luha


sakit at ang pagkirot ng
nakikita. Halos lahat ng
unti-unti nang bumabalot

mula sa mga mata ni Ces. Naramdaman niya ang


kanyang puso. Pinipiga ang kanyang loob sa
sakit na dapat ay maramdaman niya kanina ay
sa kanya.

Boss, pagmamakaawa ni Ces. Masaya na siya. . . hayaan niyo na siyang


sumaya." Pinipilit ni Ces pigilan ang pag-iyak ngunit hindi na mapigilan
ang emosyong dumadaloy sa kanyang katawan. Kanina pa dapat niya ito
maramdaman ngunit parang isang bombang sumabog biglaan ang lahat. Hayaan
niyo na siya.

Masaya nga siya. . . Napalingon si Ces sa bulong ni Boss ngunit hindi


niya nakita ang kamatayan. Pero hindi siya kailanman naging maligaya.
Iniwan mo siya, Ces.

Naramdaman ni Ces ang puso niyang tila malakas na kumabog sa kanyang


dibdib. Mabagal pa ang tibok nito hanggang sa bumilis ito nang bumilis
hanggang sa nararamdaman na niya ang sakit ng tibok ng kanyang puso.
Gustong kumalawa ang kanyang puso sa kanyang dibdib. Gustong lumabas
dahil sa sakit na nararamdaman.

Huwag. . . bulong ng dalaga. Kumakawala si Ces sa pwersang pumipigil sa


kanya. Gustong niyang hawakan si Lyric. Pigilan ang kung ano man ang
balak gawin nito. Boss. . . tama na!

Ito ang nararapat na katapusan, muling bulong ng kamatayan. "Dahil ito.


. . ang magtatapos sa inyong napaka gandang kwento."

Mula sa bilis ng tibok ng puso ni Ces ay bigla itong huminto. Tumigil.


Nawala. Halos mabaliw siya nang makita si Lyric na hinayaan ang sariling
mahulog sa kailaliman.

"Kamatayan."

Lyrriiiccc!!!

Hindi na ininda ni Ces ang sakit. Nakawala siya sa pumipigil sa kanyang


pwersa at walang atubiling tumakbo at tumalon para iligtas ang lalaking
parating nagligtas sa kanya. Umagos ang luha ng dalaga nang tumagos ang
kanyang kamay sa binata. Nang makita ang hawak ni Lyric habang nahuhulog.
. . tumigil ang mundo ni Ces.

He was holding the engagement ring. Close to his heart.

Boss, iligtas mo siya! Iligtas mo si Lyric! Ash! Tama na, itigil niyo na
'to! Tama na, pakiusap! Pakiusap. . . pagmamakaawa ni Ces. Gusto niyang
yakapin si Lyric ngunit tumtagos lang siya. Ilang sandali lang ay
siguradong makikita ng dalawa niyang mata ang pagwasak ng buhay ni Lyric.

Ash? natatawang tanong ng boses ni Boss na sumabay sa kanilang


paghulog. Hindi mo siya kilala. Hindi mo ako kilala at hindi mo ito
alam. Hindi mo kami nakilala o nakita kahit kailan.

A-Ano?

Umiling iling ang kamatayan. Mga tao talaga.

Nagulat si Ces nang tumigil ang oras at lumutang silang lahat sa ere.
Nang makita ni Ces ang itsura ni Lyric ay nakapikit lang ito na tila
naghihintay na ng katupasan. Dahil sa pagtigil ng oras, kitang kita ni
Ces ang mga luha galing sa mata ni Lyric.

Binaling ni Ces ang tingin kay Boss na nakatayo sa harap niya. "Alam mo
ba ang pinaka masayang parte sa pagiging kamatayan? Ang makitang
nagdurusa ang isang kaluluwa."

"A-Ano?!"

"Dalawa lang kasi 'yan, magbabago ba ang naramdaman mo dahil sa mga


nakita mo o ganun pa rin," nakasimangot na sabi ni Boss. "Pero hindi
nagbago ang nararamdaman mo para sa binatang ito," pagtingin ni Boss kay
Lyric. "Mukhang kailangan ko pang hintayin ang deadline. Kainis. Akala ko
pa naman malalasap ko na ang naghihinagpis na kaluluwa."

Pailing-iling na inilapat ni Boss ang hintuturo sa noo ni Ces. Nanlalabo


ang kanyang mga mata pero nakita pa rin niya ang itim na usok na binubuo
ang imahe ni Ash. Tumagos ang usok na iyon sa kanya at bumalot sa buo
niyang katawan na tila ba naaalis ang sakit na nararamdaman niya
physically, emotionally and mentally.

Napapikit si Ces sa sakit ng kanyang ulo. Pakiramdam niya ay lumutang ang


kanyang isip at ang kanyang pagkatao. Nablangko ang kanyang utak.
Pagkadilat ng dalaga, nakaramdam siya nang takot nang makitang binabalot
na siya ng kadiliman.

"Auie. . ."

Sumakit ang ulo ni Ces nang marinig ang isang kalmadong boses. Unti-unti
ay nabubuo ang imahe ng isang lalaki hindi kalayuan sa kinatatayuan ng
dalaga. Isang lalaking nakaitim na hoodie, skinny jeans at black chucks.

Pakiramdam ni Ces ay kilala niya ang binatang nakatayo ngunit hindi niya
maalala kung sino. Nang lumingon ang binata sa kanya ay nakita ni Ces ang
isang maamong ngiti ng binata. Isang pamilyar na ngiti.

"Paalam."

"Ito na ang katapusan ng kasunduan." Isang pamilyar na matinis at


nakakatakot na boses ang bumulong kay Ces. Nawala bigla ang binata sa
kanyang harap at nagulat nang biglang may lumitaw na batang nakangiti sa
kanya. Inusente ang itsura ngunit nakaramdam siya ng takot sa aura nito.

"Kasunduan? A-Anong kasunduan?" Napaatras si Ces sa takot sa bata.


Nakangiti lang ito nang inusente. "Sino ka?"

"Boss nga pala," nakangiting sabi ng bata. "Ngunit hindi mo ako kilala."

"B-Boss? Ano?" takot na tanong ni Ces. Pinilit niyang umatras ngunit


hindi niya magalaw ang kanyang katawan. "Hindi ko maintindihan. Anong
kailangan mo sa akin?!"

Ang kaluluwa mo," natatawang sabi ng bata na nagpataas ng balahibo sa


katawan ng dalaga. "Mawala man ako sa iyong ala-ala, tandaan mong sa akin
ka pa rin sa huli. . ." Ang huling nakita ni Ces ay ang nakakatakot na
ngisi ng bata at ang mata nitong nagliliwanag ng pula bago siya muling
binalot ng kadiliman. ". . .mahal na Prinsesa.

~ ~ ~Author's Note:Kilig kilig ako, malapit ko na matapos ang storyang


nakakabaliw. Nabaliw na po ako. Intindihin niyo pong mabuti ang mga
sinasabi ni Boss kasi nasa kanya na po ang kasagutan. :)
Ang winner po para sa one shot ay si Mcxynth. Bakit siya?! Marami akong
gusto pero please click the external link to read her one shot. Ewan ko
na lang, ah? Pero humanga ako sa kanya nang mabasa ko ang one shot niya.
Tingnan niyo rin ang GIF sa gilid --> gawa niya rin yan. Bongga.
Hi Mcxynth, pm mo ako sa FB page (Name, Contact Number at Address) thanks
:>
Songs: Huling Sayaw - Kamikazee || Over You - Chris Daughtry (salamat sa
nagsuggest ng Over You :) )
Sa external link din, makikita niyo ang picture na nilaan ko para sa
chapter na to. :)
PS: Don't trust me too much.

=================
60 // Fictitious Ever After
"You can't get mad at a real ending. Some of them are ugly. It's the fake
happily ever afters that should piss you off." Colleen Hoover

~ ~ ~

Nagising si Ces nang nanghihina at pagod ang katawan na tila ba naglakbay


siya nang walang pahinga. Naramdaman niyang tumulo ang luha sa kanang
mata kahit hindi siya naiiyak. Ang bilis ng tibok ng puso niya ay hindi
na tumigil at kumalma.

Ang lalaking nakahood. Ang batang nakakatakot.

It felt so real. . . but it was just a dream. Her recurring dreams.

Napatingin siya sa paligid. Tiningnan niya ang kanyang mga kamay.


Hinawakan niya ang kanyang mukha. Buhay siya. Nasa kwarto niya siya.

Napahawak siya sa kanyang noo at tumitig sa kisame ng kanyang kwarto. Ang


liwanag galing sa sikat ng araw sa labas ay nagbibigay ng bagong pag-asa
at araw sa kanyang buhay.

Yung panaginip na naman na 'yun. . . bulong ng dalaga sa sarili. Sino


ba sila?

Nang magtapat si Ces kay Lyric sa rooftop isang taon na ang nakakaraan,
tila pakiramdam niya ay nawalan siya ng hangin kaya't nahimatay siya. Ang
gusto lang naman ng dalaga ay huwag nang paalisin ng ibang bansa si
Lyric. . . na naging matagumpay dahil sa pagkahimatay niya.

Pero simula rin ng gabing iyon, nagsimula ang kakaiba niyang panaginip.
Kadiliman. Lalaking nakablack hoodie na titingin sa kanya at ngingiti.
Noong una ay putol-putol pa ang kanyang panaginip. Noong mga nakaraan ay
malabo pa ang mga mukha ng kanyang nakikita.

Pero habang patagal nang patagal, unti-unti niyang nakikita ang mga mukha
nila. Unti-unti niyang naririnig ang mga dati ay bulong lamang.

Auie. . . paalam.

Ano ang Auie? At bakit nagpapaalam ang lalaking may hood. Sa kanya ba
nagpapaalam ang lalaki?

Hindi rin mawala ang takot ni Ces sa batang lalaking may inusenteng mukha
ngunit nakakatakot na aura. Ang mga ngiti nitong nagpapataas ng kanyang
balahibo. Ang mapupulang mata ng bata. Ang kasunduang binanggit. Ang boss
na pagpapakilala. Ang kaluluwa niyang nais makuha ng bata sa panaginip.
At ang pagbanggit nito ng mahal na prinsesa.

Pakiramdam niya ay totoo ang lahat na para bang nasa ibang mundo siya sa
kanyang panaginip.

Ngunit ngayong nagising na siya, normal lang ang lahat.

Pagkabangon ay nag-ayos na siya ng sarili dahil panibagong araw na naman


ang binigay sa kanila. Kahit isang taon na ang nakakaraan nang halos
masira ang MyuSick ay matibay pa rin sila at pinipilit mabuhay.
Pinagpapatuloy ang kanilang hangarin na ipamahagi ang kanilang musika.

Kahit kulang na sila.

Bumaba siya ng kwarto nang makita niya si Melo na nakaupo sa sofa habang
naglilipat lipat ng channel sa TV. Nakatulala ito at mukhang hindi naman
talaga nanonood. Simula nang mangyari ang trahedya isang taon na ang
nakakaraan, naging ganito na si Melo. Tahimik.

Good Morning, Melo, bati ni Ces sa kaibigan.

Tumingin sa kanya si Melo at ngumiti. Ngunit ang ngiti ng gitarista ay


hindi na kailanman umabot sa mga mata nito. Hindi na kailanman nanggaling
sa puso nito.

Good Morning din, sabi nito. Nasaan si Lyric? Nakangiti pang dagdag.

Hindi na pinansin ni Ces ang napansing lungkot sa kaibigan at pinilit na


maging masaya. Pinanliitan niya ng tingin ang kaibigan habang umuupo sa
tabi. Bakit sa akin mo hinahanap si Lyric?

Lumawak ang ngiti ni Melo. . . ngunit gusto maiyak ni Ces nang makita ang
pangingintab ng mga mata ng kaibigan. Gusto niyang yakapin ito ngunit
hindi ito ang araw, buwan o taon para muling balikan ang nakaraan.

Uhm, ewan ko. Kasi isang taon na kayo tapos akala ko nasa iisang kwarto
na kayo natutulog. Alam mo 'yun, para maging dalawa ka na? natatawa
nitong sabi.

Nag-init ang pisngi ni Ces sa sinabi ni Melo. M-Melo, ano bang

Ay? Nanlalaki ang mata ni Melo. Wala pa ba kayo sa stage na 'yun?


Tsk. Umiling-umiling ito. Hindi mapusok. Hindi kayo nakikiuso.

Ano ka ba. Binato ni Ces ng unan ang kaibigan kaya natawa si Melo.
Tigilan mo nga 'yang sinasabi mo.

Lalong natawa si Melo. Ano ba 'yan, 2015 na Ces. Nagkakahiyaan pa rin?


Friends-friends tayo rito!

Hiyang-hiya na si Ces sa pinagsasabi ni Melo. Gusto na nga niyang magtago


sa kusina ngunit ayaw din naman niyang iwan ang kaibigan dahil siguradong
mararamdaman na naman niya ang aura nitong pag-iisa.

Isang taon na rin ang nakaraan. Pinipilit nilang bumangon. Unti-unti ay


nagagawa nilang tumayo muli sa pagkabagsak ngunit ang nabasag sa kanilang
pagbagsak ay hindi na kailanman mababawi.

Uy dali na, kwent

Tinotorture mo na naman si Ces.

Napatingin sa may hagdanan sila Ces at Melo nang magsalita si Lyric.


Kaagad nagkatinginan sina Lyric at Ces at nagkangitian. Nakita 'yun ni
Melo at kaagad na tumayo.

Okay, OP na ako, natatawa nitong sabi at dumiretso sa kusina.

Dumiretso si Lyric sa tabi ni Ces at hinalikan ang dalaga sa noo. Good


Morning, bati nito sa dalaga.

Good Morning din, nakangiting bati ni Ces.

Naupo si Lyric sa tabi ni Ces. Parehas silang nakatingin sa TV ngunit


alam nila na ang presensya ng isa't isa ang nagiging hadlang para hindi
maintindihan ang palabas. Nakaupo lang sila. Walang nagsasalita. Walang
gumagalaw hanggang sa

Lyric.

Ces.

Sabay nilang tinawag ang isa't isa. Nagkatinginan sila at nagkangitian.


Natawa si Ces nang nagkamot ng batok si Lyric. Nakitawa rin si Lyric sa
dalaga. Kahit sa maliit na tawanan ay gumaan pa rin ang kanilang loob.

Hindi ko talaga kayo gets.

Napatingin ang dalawang bokalista kay Melo na nasa may pintuan ng kusina
papunta sa sala. Nakatingin si Melo sa kanila nang nakataas ang kilay.

May iba ba kayong lengwahe? Nagkaintindihan kayo? Sinong nagjoke?


Nakakatawa ba 'yung joke? Bakit kayo tumawa? sunod-sunod na tanong ni

Melo. Umupo siya sa kabilang upuan at tumingin sa dalawang kaibigan.


Walang humor si Ces kaya si Lyric ang nagjoke pero corny si Lyric! Bias
ka ba, Ces? Bakit sa jokes ko hindi ka tumatawa eh ako pinaka may humor
dito sa bahay?

Anong pinagsasasabi mo? tanong ni Lyric.

Alam niyo, hindi ko rin alam. Naguluhan din ako sa sarili ko, natatawa
niyang sabi. Dont mind me, maglandian lang kayo sa harapan ko.

Mel Natigilan si Lyric sa pagsasalita nang biglang bumukas nang


napakalas ang pinto palabas. Nakita nilang papasok si Pitch na hawak ang
cellphone na tila may katawagan. At mukhang naiinis na ito.

Humina ang boses ni Pitch nang umakyat ito at pumuntang kwarto. Natahimik
ang tatlo sa sala habang nagkakatinginan.

Anong nangyari kay Pitch? tanong ni Lyric.

Ngumuso si Melo at uminom. Mukhang kinukulit na naman siya.

Ni Lys? patanong na sabi ni Ces. Yung tumatawag sa kanya ng Treb?


Hanggang ngayon?

Tumango si Melo. Mukhang hindi siya tinitigilan ng babaeng 'yun,


nakangising sabi ni Melo. Mukhang hindi siya tinitigilan ng nakaraan
niya.

Chismis talaga aatupagin niyo?

Manager!

Napatayo ang tatlo nang makitang kunot-noong lumabas galing haven si


Manager Lily. Nakapamewang ito sa kanila habang tinitingnan isa-isa.

Nasaan si Pitch? tanong ng Manager.

Nasa taas po.

PITCH! malakas na sigaw ni Manager Lily. Ilang sandali lang ay nagbukas


ang pinto ng kwarto ni Pitch at lumabas ang binata. Tahimik lang ito nang
bumaba para harapin si Manager Lily. Cmon, one last practice sa lahat
then diretso na tayo sa bus, matagal ang byahe natin.

Tumango ang apat at nagpunta sa studio para magpractice ng mga kakantahin


nila para sa isang concert tour.

Nagseryoso ang lahat nang magpractice sila ng mga kanta. Hindi na sila
nakapagpahinga pa dahil pinag-ayos na sila ni Manager ng mga gamit para
makaalis na sila kaagad. Hindi na nagawang magreklamo ni Melo kahit pagod
na pagod.

Ang lahat naman ng ito ay para sa kanilang kapamilya.

* * *

Nasa likuran ng mobile house bus ang kanilang mga instrumento. Ang drums
ni Pitch ay nasa pinaka dulo. Nakakabit ang mga gitarang gagamitin nila
Lyric at Melo for bassist at lead. Nandoon din ang electric guitar ni
Note.

Nakasakay ang MyuSick sa loob ng mobile house bus para sa 9 hours na


byahe papunta sa lugar kung saan sila magkoconcert. Nasa tabi ng driver
si Manager Lily habang may kausap sa phone. Nasa sofa si Melo habang
nakahiga at nagpapahinga. Si Pitch ay magdamag na hawak ang cellphone at
tila seryoso ang itsura.

SIla Ces at Lyric ay magkatabing nakaupo sa kabilang sofa. Ang dalaga ay


nakatingin sa bintana habang si Lyric ay nakatingin sa dalaga. Ganoon
lamang ang set-up nila nang hawakan ni Lyric ang kamay ni Ces.

Inaantok ka? tanong ni Lyric sa dalaga.

Umiling si Ces ngunit trinaydor siya ng sarili nang napahikab siya sa


harap ni Lyric. Napangiti ang binata at hinawakan ang ulo ni Ces upang
ipatong sa kanyang balikat.

Magpahinga ka muna, malayo pa ang byahe.

Hinigpitan ni Lyric ang hawak sa kamay ni Ces habang inaalalayan ang ulo
ng dalaga. Pumikit si Ces nang magsimulang kumanta si Lyric.

Slow down, the world isn't watching us break downIt's safe to say we
are alone now, we're alone now

Pakiramdam niya ay kumakalma ang buo niyang katawan.

Not a whisper, the only noise is the receiverI'm counting the seconds
until you break the silenceSo please just break the silence

Nakangiti lang si Ces habang nakapikit. Pinipilit niyang huwag makatulog


para mapakinggan ang boses ni Lyric habang kumakanta. Ito talaga ang
theraphy niya kapag pakiramdam niya ay kinakabahan siya. Ang boses ni
Lyric. Ang tanging boses na nagbibigay ng kasiguraduhan na magiging okay
lang ang lahat.

The whispers turn to shoutingThe shouting turns to tearsYour tears


turn into laughterAnd it takes away our fears

Unti-unti na siyang kinakain ng antok at ilang sandali lang ay nawawala


na siya sa kanyang mundo. Pero kahit pakiramdam niya ay pagod na pagod
siya, naririnig pa rin niya ang boses ni Lyric na kinakantahan siya.

So you see, this world doesn't matter to meI'll give up all I had just
to breatheThe same air as you till the day that I dieI can't take my eyes
off of you

Pagkadilat ng mga mata ni Ces ay kadiliman ang bumalot sa kanyang


paligid. Naririnig pa rin niya ang boses ni Lyric ngunit nang hanapin ay
wala ang binata. Hindi na rin niya makita ang sariling mga kamay sa
sobrang kadiliman.

And I'm longing, for words to describe how I'm feelingI'm feeling
inspiredMy world just flip turned upside down

Unti-unti ay nabubuo ang isang imahe sa harapan hindi gaano kalayo sa


kanya. Isang binata ang kanyang nakita nang lumingon ito sa kanya at
ngumiti. Ang lalaking nakahood. Siya ulit.

Auie. . .

It turns around, say what's that soundIt's my heart beat, it's getting
much louder

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Ces nang marinig ang salitang iyon. Auie.
Hindi pa niya naririnig kailanman ang salitang iyon. Salitang English ba?
Bisaya? French? Secret code? Hindi niya malamanpero sa tuwing naririnig
niya ang salitang Auie ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

Malapit na malapit na. . .

Napalingon si Ces sa paligid nang marinig na naman ang boses na matinis


na natatawa pa. Ilang sandali lang, naglaho na ang binata sa kanyang
harapan at biglang bumungad ang batang nakangiti sa kanya. Kinilabutan si
Ces nang makita ang mga mata nitong nakatingin sa kanya na kahit madilim
ay kitang kita pa rin niya ang itim na mata ng bata.

M-Malapit na ang alin? tanong ni Ces.

My heart beat, is stronger than everI'm feeling so alive, I'm feeling


so alive

Lumawak ang ngiti ng bata sa kanya at unti-unti ay nagliwanag ang mga


nito na kulay ng dugo.

Ang katapusan.

AAAHHHH!!!

Napadilat si Ces nang maramdaman ang napakalakas na pwersang tila tumulak


sa kanya. Madilim pa ang kanyang paningin nang nakaramdam na siya nang
pananakit ng kanyang ulo na tila binibiyak.

Ces! boses ni Lyric.

Kumapit kayo! Boses ni Manager Lily.

Nakailang kurap si Ces ngunit pakiramdam niya ay hilong-hilo siya.


Dumudoble ang kanyang paningin at sobrang pagod ang kanyang katawan na
hindi na niya magalaw ang sarili. Napansin niyang umiikot ang kanyang
paningin nang ilang beses. Pagtingin sa paligid ay napansin niyang
nakayakap sa kanya si Lyric na may pulang likidong nanggagaling sa noo
nito.

M-MyuSick. . . narinig ni Ces ang paghihingalo ng boses ni Manager


Lily. Gustong niyang tingnan si Manager Lily ngunit wala siyang lakas
lumingon.

Namanhid ang kanyang katawan ngunit nakikita niya ang ilang apoy sa
paligid. Ang makinang sira. Ang mga gamit nilang nagkalat sa kalsada. Ang
mga instrumento nilang tumilapon kung saan-saan. Isang truck na
nakatabingi sa isang tabi at isang babaeng hindi niya kilala ngunit
katulad niya ay nakahandusay sa lupa.

Kumurap siya at napatingin sa isang lalaki na may hood na nakatayo sa


kalsada hindi kalayuan sa kinahihigaan niya. Nakatingin ng diretso sa
kanya ang binatang iyon. Kahit nasa ilalim sila ng mga basag na salamin
at mga bakal, kitang-kita pa rin niya ang lalaki na nakatingin sa kanya.
Na tila nag-aabang sa kanya.

C-Ces? rinig niyang bulong ni Lyric sa kanyang ulo. G-Gising ka ba?

Napapikit si Ces at pagbaling ng tingin sa lalaki na nasa kalsada at


nakatayo. . . wala na ang lalaki.

Pumikit muli si Ces sa sobrang panghihina habang yakap ni Lyric. Wala


siyang ibang maramdaman dahil sa kamanhiran. Nakarinig siya ng ilang
daing at sigawan hanggang sa naririnig na niya ang ingay na nanggagaling
sa isang ambulansya.

Naramdaman niya ang sariling binubuhat. Nakapikit lang siya habang


pinapasok siya ng mga medics sa loob ng ambulansya. Napadilat siya nang
maramdamang mahigpit pa rin ang hawak sa kamay niya. Paglingon ay nakita
niya si Lyric na nakatingin sa kanya habang duguan ang mukha at katawan.

H-Huwag kang bibitaw, bulong ni Lyric. Lalong humigpit ang hawak nito
sa dalaga. May kinuha si Lyric sa bulsa nito at nanghihinang inilapit sa
dalaga ang hawak na singsing na may batong kumikinang sa gitna. Pagkapagkatapos nito, sabi ni Lyric sa bawat paghinga. P-Pakasalan mo na
ako. M-Magpakasal. . . Magpakasal na tayo. Ces. . .

Pumikit si Ces sandali. Dumilat siya para malaman kung totoo ba ang
naririnig niya o nag dedeliryo na siya sa kamanhiran ng kanyang katawan.
Ngunit kahit ilang beses siyang kumurap, pagdilat ay nakikita niyang
nakatingin sa kanya si Lyric na nakahiga sa katabing hospital bed habang
hawak ang singsing.

Naghihintay sa kanyang sagot.

Hindi nakapagsalita si Ces ngunit tulo nang tulo ang luha mula sa kanyang
mga mata. Pinilit niyang ngumiti sa binata at tumango nang kaunti.
Ngumiti si Lyric nang makita ang tango ni Ces.

S-Salamat. Mabigat ang paghinga ni Lyric. M-Mahal na mahal. . . kikita.

Napapikit na si Ces nang marinig ang huling sinabi ni Lyric. Muling


nagdilim ang paligid at nanlalabo ang kanyang paningin. Bumubulong ang
nasa paligid niya at tila may nakatakip sa kanyang tainga. Maraming ingay
ang naririnig niya ngunit wala siyang maintindihan kahit isa.

"Auie. . . Gumising ka," bulong ng isang malalim na boses.

"Ash?"

Dumilat si Ces. Nakailang kurap pa siya para makita ang puting mga pader
at kisame. Paglingon sa paligid, nakita niya si Lyric na may benda sa ulo
at naka arm cast na nakatingin sa kanya at nakangiti.

Good Morning, bati ng binata sa kanya.

Napapikit si Ces at pinakiramdam ang sarili. Pinilit niyang alalahanin


ang nangyari noong nakaraan ngunit wala siyang maalala. Nakaupo sa tabi
ng hospital bed si Lyric.

Okay ka na? tanong ni Lyric.

Ngumiti siya sa binata. "Good Morning.

Naramdaman ni Ces na nanakit ang kanyang ulo. Gusto sana niyang hawakan
ang ulo ngunit sobrang bigat ng kanyang kamay na tila ba hindi niya ito
mabuhat. Sinubukan niyang tingnan ang braso at nagulat nang makita ang
sugat at bugbog sa kanyang mga braso. Nakaramdam din siya ng kirot sa
tagiliran.

A-Anong nangyari? tanong niya.

Hinawakan ni Lyric gamit ang kamay na walang arm cast ang kamay ni Ces.
Road accident.

Bakit?

Lumunok si Lyric bago sumagot. May babaeng biglang tumawid. Nagpreno si


Kuya pero may truck na hindi nakapagpreno sa likuran. Sumalpok.

Pagkarinig ni Ces nang huling sinabi ni Lyric ay nakaramdam siya ng


paninikip ng dibdib. Tiningnan niya ang likuran ni Lyric ngunit walang
ibang tao kung hindi silang dalawa lang. N-Nasaan sila Manager? Sila
Melo? Pitch?

Nasa kabilang kwarto si Manager, nagpapahinga. Ganoon din si Melo. Si


Pitch naman. . .

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang hindi nagsalita si Lyric. Kumabog ang
kanyang dibdib dahil hindi ata niya makakayang marinig pa ang susunod na
sasabihin ng binata. Not again. Not Pitch. Not anyone close to her heart
again.

Si Pitch. . .

Tuluyan nang tumulo ang luha ni Ces ngunit nagtaka siya nang ngumiti nang
malawak si Lyric. PInahiran ni Lyric ang luha ni Ces.

Nag CR lang, babalik din siya.

Lalong naiyak si Ces. Adik ka, natatawa niyang sabi habang lumuluha.

Sorry, nakangiting sabi ni Lyric habang patuloy lang ang pagpahid sa


luha ng dalaga. Ang bigat kasi ng aura, dapat pagaanin.

Ngumiti si Ces at tiningnan ang kabuuan ni Lyric. Ang benda sa ulo nito.
Ang arm cast sa kaliwang braso. May ilang galos ito sa mukha at braso
ngunit mukhang okay naman na si Lyric.

"May tanong pala ako," sabi ni Lyric. Naghintay si Ces ng susunod na


sasabihin ng binata. "Ano 'yung binanggit mo kanina?"

"Binanggit?"

"Ash," sagot ni Lyric. May pagtataka sa mukha. "Ano 'yung Ash? Tao ba
'yun?"

Napatingin sa kisame si Ces at inalala ang nangyari. Ash. . . "Hindi ko


alam. Sinabi ko ba talaga 'yun?"

Pinanliitan ni Lyric ng mata ang dalaga. "Sigurado ka? Baka may iba ka
na, ah?"

Ngumiti si Ces at gusto sanang hawakan ang mukha ni Lyric ngunit hindi
niya magalaw ang katawan. "Maghahanap pa ba ako ng iba?"

Ngumiti si Lyric at hinalikan ang kamay ni Ces na hawak. Nag-usap lang


sila tungkol sa nangyari. Halos dalawang araw lang ang nakaraan nang
maaksidente sila.

"Kaibigan nga ako!"

Napalingon sila Lyric at Ces nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
Tumambad si Marky na hingal na hingal. Bumuntong hininga muna siya bago
lumapit kay Ces.

"Grabe, ang hirap makapasok dito! Ang daming reporters kahit sa baba ng
ospital!" Hinihingal pa rin na sabi Marky. Tumayo si Lyric upang paupuin
si Marky sa tabi ni Ces. "Kamusta ka na? May masakit pa ba sa'yo?"

Napangiti si Ces dahil ngayon na lang niya ulit nakita si Marky. "Okay
lang naman."

"Sigurado kang okay ka? Tingnan mo, ang dami mong galos! Tapos may sugat
ka pa sa mukha omaygahd mareremedyuhan pa ba yan ng make up?" sunod sunod
na sabi ni Marky. "Baka ayawan ka na ng madla!"

"Marky, chill," sabi ni Ces.

Natigilan si Marky at tiningnan nang taas-kilay ang kaibigan. "Chill?


Sino ka at anong ginawa mo sa kaibigan kong humorless?" tanong ni Marky.

Natawa si Ces sa kaadikan ng kaibigan. "Nasaan nga pala si Matt?"

Nawala ang ngiti ni Marky sa tanong ni Ces. Itatanong pa lang sana ni Ces
kung bakit parang natigilan ang kaibigan nang ngumiti ito ulit. "Hindi ko
sure, baka busy."

"Nasaan si Baby Marc?" tanong niya.

"Na kay Mama, bumalik na ako sa bahay namin," sagot ni Marky.

"Si Matt?" tanong muli ni Ces. "Saan siya?"

"Malay ko."

Nagkatinginan sila Marky at Ces. Gusto niyang itanong kung anong mayroon
ngunit pakiramdam niya ay ayaw ipaalam ni Marky ang problema. Nawala rin
sa gana si Marky at tila pinipilit na lang ang sarili upang ngumiti.

Ilang sandali lang ay may kumatok muli sa pinto. Pinagbuksan ni Lyric ang
kumatok at tumambad ang isang babaeng ngayon lang nakita ni Ces. May
galos ito sa ilang bahagi ng katawan ngunit mukhang ayos naman dahil
nakangiti ito.

Hi, bati ng babae. Unang tiningnan ng babae ang binata si Lyric. Kinuha
ni Lyric ang dala ng babae na mga prutas at bulaklak. Pasensya na pala
sa pagtawid ko, sabi nito at binaling ang tingin kay Ces.
Nangyari tuloy ito sa inyo. Wala akong pera para sa gastusin pero
nagdala ako ng prutas.

Narealize ni Ces na ang babaeng nasa harapan niya ay ang kinwentong


tumawid. Okay lang. Salamat.

Ang ganda mo pala talaga sa personal, nakangiting sabi ng babae. Don't


get me wrong, nakikita ko kasi kayo sa TV at mas maganda ka talaga sa
personal. MyuSick, di ba?

Ngumiti si Ces sa dalaga at napansin ang tainga nito na may hikaw na itim
na cross sa kanan. Napatingin siya sandali sa tainga ni Lyric at nagtaka
siya nang maghanap siya ng itim na cross sa tainga ng binata.

Wala naman talagang butas sa tainga si Lyric simula highschool noong una
silang nagkita. Kahit noong naghiwalay sila dahil nag ibang bansa si
Lyric pagkarating ng college at pagbalik sa Pinas para mabuo ang MyuSick,
wala naman talagang hikaw ang binata. Bakit siya naghahanap?

Inialis ni Ces sa isip ang hikaw na cross nang ibaling niya muli ang
atensyon sa babae na nagpakilala sa kanya.

Ako nga pala si Princess.

Natigilan si Lyric sa sinabi ng babae. Princess?

Ngumiti ang babae sa binata. Yup, magkanickname nga kami ni Ces, eh.
Double s lang ang sa akin, nakangiting sabi ni Princess.

Princess. . . bakit parang nakita na niya ang Princess na ito.

Pinagmasdan niya si Princess. Ang maamo nitong mukha. Ang messy bun na
buhok. Ang cross na itim na hikaw. Napatingin siya sa braso ng babae at
nagtaka nang may nakabalot na benda sa may pulso.

"Anong nangyari sa braso mo? Sa may pulso?" tanong ni Ces kay Princess.

Biglang tinago ni Princess ang kanyang braso sa likuran at ngumiti. "Ah,


wala lang ito."

Napangiti si Ces ngunit hindi pa rin siya mapalagay. Alam niya sa sarili
niyang nakita na niya si Princess. . . pero hindi niya malaman kung paano
at kailan.

* * *

Halos dalawang linggo nanatili ang MyuSick sa hospital bago sila gumaling
nang tuluyan. May ilang sugat at galos pa ang kita ngunit okay na ang
kanilang katawan. Pinagbawalan nga lang sila ng doctor na huwag iistress
ang katawan at siguro ay huwag munang tumugtog ng dalawa pang linggo.

Ang driver nila ay sa kasamaang paladbinawian ng buhay. Ang truck driver


ay binalitang nakainom kaya sumalpok sa kanila. Hindi na rin naman gumawa
ng ingay ang MyuSick at nakipag alegro na lamang sa truck driver para
matapos na ang lahat.

Kinakabahan naman si Ces habang naghihintay sa backstage. Ilang beses


siyang huminga nang malalim kaya minasahe siya ni Lyric sa likod.

Ready ka na?" tanong ng binata.

Tumango si Ces. Medyo kinakabahan.

Hinawakan ni Lyric ang kamay ni Ces. Huwag kang kabahan. Nandito ako.

Ngumiti si Ces kay Lyric. Huminga siya nang malalim at humarap sa


kurtinang nasa harapan nila.

Cue niyo na.

Magkahawak-kamay na lumabas si Lyric at Ces papunta sa set. Bumulag


sandali sa kanila ang malakas na ilaw na nakatutok sa kanilang dalawa.
Nabingi sila sa lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao. Nakita nila sa
may harap si Manager Lily, Melo at Pitch.

May napansin si Ces sa may dulo ng mga audience. May nakatayo na dalawang
lalaki na naktingin sa kanya at malayo sa pagngiti ang emosyon.
Nakatingin lang sila at parang nag oobserba sa paligid. Napansin ni Ces
ang sleeve tattoo ng isa at ang isa namang lalaki ay pamilyar sa kanya.
Nawala ang atensyon niya sa dalawang lalaki nang magsimulang kumanta si
Lyric.

I'm finally waking up, a twist in my storyIt's time I open up, and let
your love right through meI'm finally waking up, a twist in my story

Nagkatinginan sandali ang dalawa at nagkangitian bago kuhanin ni Ces ang


entablado at kumanta.

It's time I open up, and let your love right through meThat's what you
getWhen you see your life in someone else's eyesThat's what you get,
that's what you get

Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos ang kanta ng dalawa. Nakangiti at
magkahawak kamay silang naupo sa sofa malapit sa interviewer na si
Sandreeya. Halos isang taon na rin ang nakaraan simula nang interview-hin
sila ni Sandreeya. The last time was when they're all complete as
MyuSick.

Grabe! nakangiting sabi ni Sandreeya. Legal bang pakiligin tayo nang


sobra ng dalawang ito? natatawa niyang sabi.

Naghiyawan at palakpakan ang mga audience. Ngiti ang binigay nila Ces at
Lyric sa mga tao.

Hindi na kasi ako makapagtiis, nakangiting sabi ni Sandreeya. Sa harap


ng national TV sa araw na May 10, 2015. Ano bang status ng dalawang
vocalist ng MyuSick? At huwag niyo sabihing friends lang kayo kung ganyan
kayo kung magholding hands ha!

Nagkatinginan si Ces at Lyric sandali at sabay na natawa.

Hala! Tumawa sila parehas, ang cute! kumento ni Sandreeya. Tumingin ang
interviewer sa isang crew nang ibalita sa kanila ang isang bagay. Oh
wait, trending na raw ang show natin. World wide!

Ano ba? natatawang sabi ni Lyric. Namumula na rin ang mukha nito at
tila nahihiya. Bumulong siya kay Ces na hindi rinig sa mic. Ano nang
sasabihin?

Ikaw. . . ano ba? natatawang sabi ni Ces.

At ayun po mga kaibigan, nagbubulungan na ang dalawa! nakangiting sabi


ni Sandreeya. Halatang kinikilig sa nakikita. Oh ayun, number 1 trending
na po ang hashtag na CesRicMyuSick! Ano ba Ces at Lyric, balak niyo bang
ipatrend lahat bago pa kayo umamin?

Nagtawanan ang mga tao. Kinakabahan si Ces. Ganoon din si Lyric.


Nagkatinginan sila at sabay na huminga nang malalim. Tumingin sila kay
Manager Lily na nakangiti at kanila Melo at Pitch. Huminga ulit sila nang
malalim.

Magkahawak kamay silang tumingin sa camera at sabay na ngumiti. Tinaas


nila ang kamay na magkahawak at pinakita sa camera ang singsing ni Ces na
may kumikinang na bato.

Habang nakangiti. Habang masayang-masaya. Habang magaan ang lahat. Sabay


silang nagsalita.

Were engaged.

"Magpapakasal na kami."

Worldwide Trends
#LyriCesEngaged#CesRicMyuSickRespect No oneTV
SomethingCesRicForeverAndEverAllelujahLyriCesForeverAndEverAmenUnrespect
Everyone#KyutKaSanaKasoHindiKaSiRayne#DanielAndRayneForeverPoInsertMonthH
ere PlsBeGoodToMe

akosirayne @ulaaaann 4mAno bang meron sa MyuSick bakit ba lagi silang


trending haa?!? Follow me
po!!! #LyriCesEngaged #CesRicMyuSick #KyutKaSanaKasoHindiKaSiRayne
akosirayne @ulaaaann 8sPansinin niyo ang pagchange ko ng UN po. Korni
kasi ng akosirayne. ulaaaann na lang para badass ang
dating. #KeepCalmAndFollowRayneAKAme

Masaya na ang MyuSick lalo na sa announcement na nanganap. Hiyawan at


sigawan ang narinig sa loob ng studio. Ngiting ngiti si Sandreeya na nag
congrats sa dalawang bokalista.

Dapat masaya na silang lahat. Dapat.

~ ~ ~
Author's Note:THEY DESERVE THIS LIGHT CHAPTER. Huhuhuhu sa tingin ko
(Waht? sa tingin ko????? hahaha) masyado ko silang pinahirapan kaya
kailangan kong maglagay ng ganito. Hindi ito filler chapter pero sa
tingin ko kung medyo medyo twisted din ang utak niyo ay baka magets niyo
ang mga nangyari at mangyayari.
Napagdesisyunan kong hanggang Chapter 61 itong TTLS + Epilogue.
Dinagdagan ko so hindi pa matatapos ang pagpapahirap!! este ang TTLS.
Kaunting kembot pa bago matapos (mga 500)

Dedicated to Tonyaa. Ang nanakit sa aking kalooban. haha echos. Dahil


dagdag chapter ito, bibigyan ko ng dedication si Tonya. Hi Leighton,
tenkyu sa review mo. Sobrang natauhan ako. Next time na iedit ko ito, I
shall do my best to make it more not mysterous hahaha tenkyu sa review!
Song: A Twist in My Story - Secondhand Serenade
Click external link para makita ang tweet / review ni Tonya / fb post na
nilaan ko para sa chapter na ito. May picture din akong inedit! '
GIF at the multimedia is created by Mcxynth :)

=================
61 // Their Last Page
"Fairy tales have a habit of ending too soon. They never show what
happens afterwards when the prince and princess ride off the page." Kate
Morton

~ ~ ~

Ito ang hinihintay ng lahat.

Pagkatapos ng mga nangyaring trahedya. Paglagas ng kanilang pamilya.


Pagkatapos ng lahat ng sakit, luha at dugong dumanak.

Nakatayo na sa stage ang MyuSick. Facing their crowd. Sharing their song
to the world.

Para sa'yo to Notario! sigaw ni Lyric.

Nagsimulang tumugtog si Melo gamit ang gitara ni Note. Pumalo na rin si


Pitch sa kanyang drums at nagsimulang mag gitara si Ces.

Our heart's gotta beat this battleOur heart's gotta win this warWhat's
living if we're killing?And what are we dying for?

Kahit patapos na ang outdoor concert nila, hindi pa rin nauubos ang
energy ng mga nanonood at nakikinig. Naghihiyawan at nakikisabay ang mga
taolalaki, babae, matanda o bata. Lahat ramdam ang saya na dinudulot ng
musika ng MyuSick.

See the sights of what's wrong and what's rightFill your cup cause I'm
up for a good fightRally your troops togetherWe call to arms tonight

Ang kapayapaan ng gabi ay tumataliwas sa concert ng MyuSick. Matapos ang


pagwasak ng mga puso nila sa mga nakaraang taon na nakalipas, hindi
mapapantayan ang saya na nararamdaman nila dahil sa suporta ng mga dumalo
ngayong gabi.

Army of love

Ang biggest concert ng MyuSick.

Matatapos na ang kanta ni Lyric nang lumapit siya kay Ces. Nagkatinginan
sila saglit at nagkangitian. Hinawakan ni Lyric ang pisngi ni Ces at
halos mabingi na sila sa sigawan ng mga tao.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ces nang hawakan ni Lyric ang kanyang pisngi
at unti-unting nilapit hanggang sa umepal ang fireworks sa gilid at
likuran ng stage. Tuwang tuwa ang mga tao sa pasabog ng outdoor concert
ng MyuSick.

Natawa si Ces at lumayo kay Lyric. Ibinigay nito ang bass guitar sa
binata at kinuha ang mic. Napasimangot si Lyric kaya tinapik ni Ces ang
mukha ng binata at bumulong ng mamaya.

Nagsimulang tumugtog ng panibagong beat. Malakas ang pagpalo ni Pitch na


sumasabay sa malalakas na fireworks sa gilid at likuran ng stage.
Nagsimula na rin si Melo at kahit malungkot si Lyric sa biglang pag entra
ng fireworks ay nagsimula na rin siyang magstrum.

Got a mouth full of words,But nothing to sayIf you could've seenHow I


looked yesterdayA hopeless disasterBut I'm getting betterAt being faster

Naghiyawan ang mga tao. Rinig na rinig ang sigawan at pagsabay nila sa
kanta. Nakatayo ang mga tao at nakataas ang kamay para makisabay sa
musika.

Natapos na rin ang fireworks ngunit hindi nabawasan ang enerhiya sa


concert.

Is there any other wayTo live your lifeThan to throw it all wayAnd cut
the ties?Were they really holding usIn place to begin with?

Pinagbawalan ang mga electronics sa concert dahil delikado at ayaw ng


MyuSick na ang tanging gawin lang ng mga tao ay video-han sila at

picture-an. They want the people to enjoy their music. May mga nagkalat
namang photographers at nagvivideo.

Who are you judging anyway?It's my neck on the line

Ibinuhos ni Ces ang buong lakas niya sa pagkanta para maramdaman ng mga
tao ang saya na dulot ng musika sa kanilang buhay. Pagkatingin niya sa
kanyang mga kabanda ay tila ibinibigay rin ng mga ito ang lahat para sa
concert na ito.

Say goodbye to everything

Pagkabigkas pa lang ni Ces ng unang linya sa chorus, biglang bumuhos ang


ulan. Napatingin siya kay Manager Lily na nasa gilid ng stage na
nakathumbs up sa kanya. Nandoon din si Princess na naging kaibigan ng
MyuSick nitong mga nakaraang buwan. Tumingin siya sa floor manager na
tumango lang upang ituloy niya ang kanta.

Forget your regretsThey're better left behindSay goodbye to whispering


uncertainty

Naghiyawan lalo ang mga tao sa ulan na bumuhos. Nagtatalon sila at


nakikisabay sa kanta. Hindi naging hadlang ang ulan para matigil ang
buong concert.

Lahat ng tao sa concert ay humiyaw sa saya.

What's holding us backIs keeping us alive.

Natatakpan ang stage ng bubong ngunit may mga pangilan-ngilang ulan na


pumapasok sa stage kaya nababasa rin sila. Ngunit parang napaghandaan na
ata ito ng mga nag set up ng stage dahil hindi sila pinatigil.

Shut your mouthAnd start to believeOh excuses, excusesThat I don't


need,If it's me you're afterWell, how about a straight answer?

Lumapit si Ces sa mga tao at kahit nababasa na siya ay nakipagkantahan pa


rin siya sa mga audience. Sobrang saya ng feeling ni Ces dahil alam na
alam ng mga tao ang lyrics ng kanta nilaat sumasabay ang mga ito sa
kanila.

We don't have all the dayWe don't have all yearPut it into oneAnd out
the other earWere you ever listening at all?

Pumunta si Ces sa gitna ng stage sa may lilim upang hindi mabasa nang
sobra ang mic at wires kahit mukhang wala rin namang magagawa ang ulan
para masira ang pinaka masayang concert sa buong taon.

Who are you judging anyway?It's my neck on the line

Tumigil sa pagkanta si Ces at itinutok ang mic sa mga tao. Hindi na niya
kailangan iutos sa mga nakikinig na kumanta dahil kusa na ang mga itoat
lalong lumakas pa ang pagkanta at hiyawan.

Say goodbye to everythingForget your regretsThey're better left


behindSay goodbye to whispering uncertaintyWhat's holding us backIs
keeping us alive, alive

Pagkatapos ng kanta ay ang pag hinto ng ulan.

Oh, it's the only thing that's keeping us alive.

Sigawan ang mga tao. Nagtipon tipon sa gitna ang MyuSickkitang kita ang
ngiti ni Lyric, Melo at kahit si Pitch. Nagyakapan silang tatlo habang
nakataas ang kanang kamay sa kalangitan at sabay-sabay na sumigaw.

Para sa MyuSick!

* * *

Natapos ang concert nang naiwan ang mga tao na may saya. Nag trend ang
concert sa twitter ng halos tatlong araw dahil sa nangyari. Naging usapan
ng lahat ang concert nila habang ang MyuSick ay piniling huminga muna at
magchill ng ilang araw.

Nagbabasa lamang si Ces ng libro sa sofa habang sa kabila naman ay si


Lyric na natutulog nang magring ang cellphone niya. Napatingin siya sa
nakabukas ng TV nang pumukaw sa atensyon niya sa balitang nangyayari sa
kasalukuyan.

Isang lalaking nasa itaas ng billboard. Napatitig siya sa TV habang nag


sasalita ang reporter hanggang sa ilang sandali lang, nagulo ang camera

nang tumalon ang lalaki. Napaka bilis ng mga pangyayari nang lumapit ang
camera ilang metro ang layo sa lalaki.

". . . tumalon siya!" sabi ng reporter sa TV.

Titig na titig siya sa TV nang may mapansin siyang isang lalaki na


nakatayo sa tabi ng nakahandusay sa lupa. Napansin niyang nakaitim itong
hood at tila walang nagpapaalis sa lalaking iyon sa lugar. Napantingin si
Ces sa kanyang cellphone nang tumunog ito.

Ngunit pagbalik ng tingin ni Ces sa TV, wala na ang lalaking nakahood.

Nagtaka pa siya nang kaunti sa nangyari ngunit napangiti nang sagutin ang
tawag ni Marky. Nawala lang ang ngiti niya nang marinig na humihikbi si
Marky sa kabilang linya.

C-Ces. . . Hindi ko na kaya.

Kahit gabi na, hindi napigilan ni Ces na umalis ng bahay upang puntahan
ang kaibigan. Hindi siya nagpaalam kahit kaninokahit kay Lyric na
natutulog lang sa katabing sofa. Hinalikan lang niya ang noo nito at
umalis na.

Naglalakad siya sa subdivision papunta sa labasan upang makasakay at


mapuntahan si Marky. Alam niya na may something wrong sa kaibigan. Two
months ago, noong nagpunta si Marky sa ospital para puntahan siya ay alam
niyang may problema.

At sigurado siyang may kinalaman si Matt doon.

Ngunit habang palapit nang palapit sa labasan ng subdivision, gumagapang


ang takot sa kanyang katawan. Naririnig niyang may mga taong naglalakad
sa kanyang likuran pagkalabas pa lang niya ng bahay. Iniisip niya na baka
kasabayan lang niya ang mga ito palabas kaya hindi niya pinansin hanggang
sa lumingon siya at nakita ang dalawang pamilyar na lalaki.

Hi, sabi ng lalaking may sleeve tattoo.

Nanlaki ang mga mata ni Ces at bago pa makasigaw ay naramdaman niyang may
matulis na bagay na tumutusok sa kanyang leeg. Tinakpan nito ang bibig
niya at hinila siya sa tagong lugar.

Nararamdaman na niya ang sakit ng pagkakatusok sa kanya ng kutsilyo sa


leeg ng lalaki sa kanyang likuran. Natawa nang kaunti ang may sleeve
tattoo na lalaki.

Kailangan siya ng buhay ni pinuno, sabi nito.

Hindi nakikita ni Ces ang lalaki sa likuran niya ngunit naramdaman niyang
inilayo nito nang kaunti ang kutsilyo sa kanyang leeg. Pasensya.
Eksayted lang.

Nagsusumigaw siya ngunit alam niyang wala lang iyon kaya nanahimik siya.
Pinagmasdan niya ng mabuti ang lalaking may sleeve tattoo na kinuha ang
puting kotse. Sinakay siya ng humahawak sa kanya sa likuran. Nang makita
niya ang lalaking tumusok sa kanyang leeg, alam na niya kung anong
nangyayari.

Gangsters.

Mga ka-frat ni Noteat hindi nagkakamali si Ces na ang lalaking humawak


sa kanya ay ang lalaking kinwelyuhan ni Note noong huling TV guesting ng
MyuSick na buo pa sila. At silang dalawa rin ang nakita niya sa audience
noong nag tv guesting sila ni Lyric sa TV something.

Ginapos ang dalawa niyang kamay at paa. Hindi rin siya makasigaw at
makapagsalita dahil tinakpan ng napaka higpit na panyo ang kanyang bibig.
Tinitiis din niya ang sakit at kirot ng kanyang leeg na tinusok ng
lalaki.

Nasa drivers seat ang naka sleeve tattoo habang ang isa naman ay
nakatingin sa kanya mula sa front row habang nakangisi.

Sa tingin mo, papayag kaya si Pinuno kung galawin muna natin siya?
tanong nito sa kasamahan na nagdadrive.

Yan? Hindi naman maganda. Ganyan tipo mo?

Natawa nang kaunti ang dalawa. Iniisip ko lang baka kasi masikip. Pwede
naman patay ang ilaw para di ko makita mukha.

Nag tawanan at kwentuhan pa ang mga lalaki habang hirap na hirap si Ces
sa kanyang sitwasyon. Napatingin siya sa cellphone niyang nasa bulsa ng
kanyang pantalon. Ilang oras siya natahimik habang pinipilit kuhanin ang
cellphone, i-unlock at tawagan si Lyric. Nang matawagan niya si Lyric at
narinig ang boses ng binata na naghello, biglang tumigil ang kotse.

Halos mamatay si Ces sa sobrang kaba. Kahit sobrang sakit sa braso at


balikat, pinilit niyang kuhanin ang cellphone at nilagay sa bulsa ng
hoodie niya. Naririnig pa rin niya ang paghello ni Lyric sa cellphone
nang buksan ng lalaking nakasleeve tattoo ang pinto at hinatak siya
palabas.

Nandito na tayo, nakangiting sabi nito.

Tumingin siya sa paligidhindi sa isang warehouse ang pinuntahan nila.


Hindi rin sa isang barong-barong. Sa katunayan, ang laki ng bahay na
pinuntahan nilamay swimming pool pa at mga ilaw sa labas.

Kinaladkad siya papasok ng dalawang lalaki hawak ang kanyang buhok. Hindi
siya makatayo at makagalaw dahil sa gapos ng kanyang katawan kaya't
nasisira na ang pantalon niya. Sobrang sakit na rin ng kanyang katawan sa
pagtama nito sa mga bato na tila walang pakielam ang mga lalaki sa kanya.

Pagpasok sa malaking bahay ay tinayo siya ng lalaki at binuhat para


ilaglag sa sofa.

Hindi siya makakilos sa sobrang sakit ng katawan. Napapikit siya habang


pinapakiramdaman ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Hilong hilo na siya
sa sobrang sakit ng katawan at anit. Mabuti na lang ay malambot ang sofa
pero napadilat siya nang may humawak sa kanyang pisngi.

Sumigaw siya dahil sa lalaking sobrang lapit sa kanya. Natakot siya nang
makita ang lalaki na may sunog sa kaliwang bahagi ng pisngi.

Ngumisi ang lalaki sa kanya at inalalayan ang dalaga para makaupo.

Hi, kamusta?" tanong ng lalaki.

Hindi nagsalita si Ces nang tumingin siya sa paligid. May isang lalaking
kumakain ng chichirya sa katabing sofa. Sa kabila naman ay nakita niya
ang dumakip sa kanya na umiinom ng tubig sa may kusina habang
nagkukwentuhan.

Pasensya na sa mga 'to, hindi marunong tumanggap


nakangiting sabi ng lalaking may sunog sa pisngi.
lalaki at tumango sa mga lalaki na naging dahilan
tao. Naiwan siya kasama ang lalaki. Ikaw si Ces,

ng mga bisita,
Tumingin sa paligid ang
para umalis ang mga
hindi ba?

Nakatingin lang si Ceshindi nagsasalita at hindi kumikibo ngunit


kumakapit ang takot sa kanyang puso.

Ngumiti ang lalaki sa kanyang harap ngunit kahit maamo ang mukha nito ay
natatakot pa rin si Ces dahil sa sunog ng mukha nito. At sa mga mata
nitong nakatitig sa kanya na parang isang salita lang niya ay kakainin na
siya nito ng buhay.

Ah, kaya pala hindi ka makapagsalita. May takip ang bibig mo. Hindi pa
rin nawala ang ngiti ng lalaki nang tanggalin nito ang panyong nakatakip
sa bibig ni Ces.

Naramdaman ng dalaga ang hapdi sa kanyang bibig dahil sa higpit ng


pagkakatali. Huminga siya gamit ang mga bibig ngunit hindi pa rin siya
nagsasalita.

Huwag kang matakot sa akin. Isa lang naman ang kailangan ko, sabi ng
lalaki.

Kumunot ang noo ni Ces at naglakas loob na nagsalita, sino ka?

Ay, kailangan ba ng introductions? Tumango ang lalaki sa likuran ni


Ces. Hindi na nagulat si Ces nang may humawak sa kanyang balikat at
minasahe siya. Hindi mo na kailangan malaman ang pangalan ko pero. . .
umupo ang lalaki sa harap ni Ces. Tawag sa akin ng mga bata ko ay
Pinuno.

Pinuno?

Oo Ces, at ako bilang Pinuno ay nalulungkot dahil sa kawalanghiyaang


nagawa ng isa sa mga bata ko, sabi nito. May isang bata na tinakbuhan
ako kahit nangako siyang babalik. Nagawa pa niya ito sa gwapo kong
mukha, malungkot na sabi ng lalaking si Pinuno nang hakawan ang pisngi
nitong may sunog. Gusto ko sanang pagbayarin siya.

Kinakabahan na si Ces nang maupo sa tabi niya ang lalaking pamilyar sa


kanya na kasama ng lalaking may tattoo sleeve. Ngumiti ito sa kanya at
napapikit siya nang hawakan siya nito sa hita at nagawa pang pisilpisilin ang kanyang balat.

A-Anong kailangan niyo sa akin? nanghihinang sabi ni Ces nang


nakapikit.

Alam mo kasi, 'yung bata kong iniwan kami, hindi man lang naging
thankful, panimula ng pinuno. Ako ang nagkupkop sa kanya noong mga
panahong nag-eemo siya. Tapos ako sisisihin niya noong napatay niya ang
kapatid niya? Ang gago hindi ba?

Nagtawanan ang mga lalaki sa paligid. Hindi niya nakikita ang mga ito
ngunit alam niyang nakapalibot lang ang mga tao sa buong bahay. Humigpit
din ang pagmasahe sa kanyang balikat na kaunti na lang ay pakiramdam
niyay mababali na ang kanyang balikat.

Ang gusto ko lang naman ay pera. Hindi naman 'yun kawalan sa kanya dahil
sikat na siya. Pero ano? Tinakbuhan na nga kami, iniwan kami at nagawa pa
niya ito sa mukha ko. Nasaan na nga ba 'yung batang 'yun? tanong ng
Pinuno sa lalaki sa likuran ni Ces. Asan na si Notario?

Natawa nang kaunti ang lalaking nasa tabi ni Ces. Narinig din niya ang
tawa ng lalaking nagmamasahe sa kanya.

Patay na siya Pinuno. Isang taon na.

Napailing ang Pinuno at natawa nang kaunti. Hah, tingnan mo nga naman.
Nang iwan na talaga nang tuluyan? Pasensya na, hindi ako masyadong
informed sa mga showbiz balita.

Wala akong pera, mariing sabi ni Ces.

Ngumisi ang Pinuno at tumayo papalapit kay Ces. Kung tutuusin, may itsura
nga ang lalaking ito kung hindi lang sa sunog sa kanang pisngi. Marahil
ay kasing edad lang din ang mga ito o mas bata pa nga ata. Nang ilang
pulgada na lamang ang layo nila sa isa't isa, napatitig si Ces sa mga
mata ni Pinuno at nakaramdam siya nang takot.

Oo, ikawwala. Pero 'yung taong nakikinig sa atin, siguradong mayroon.

Napakunot ang noo ni Ces at nagulat na lamang siya nang hawakan siya ng
lalaki sa kanyang dibdib at dumausdos sa bulsa ng kanyang hoodie. Ngumisi
ang lalaki nang ilabas nito ang cellphone.

Hindi nakapagpigil si Ces at dinuruan niya ang mukha ng lalaki. Napasigaw


siya nang hilahin ng Pinuno ang kanyang buhok at tinayo para ihagis sa
kabilang sofa.

Gago ka ah, anong karapatan mo para duraan ako?! naiiritang sabi ng


Pinuno.

Hinihingal si Ces at nanghihina na rin ang kanyang katawan. Nang tatayo


na siya ulit ay hinatak siya ng isang lalaki at pinaupo sa sofa. Halos
baliin na ang buto niya sa balikat.

Nakatingin lamang si Ces sa Pinuno habang nakangiting inilapit ang


cellphone sa tainga. Hello? sabi ng Pinuno ngunit inilayo rin nito ang
cellphone sa tainga sa sigaw na narinig mula sa kabilang linya.

Medyo masakit sa tainga ang sigaw ng lalaking ito ah? natatawang sabi
ng Pinuno.

Ilang sandali lang ay nilapit ulit ng Pinuno ang cellphone. Napapangiwi


pa ito dahil nabibingi na ito sa mga sigaw.

Ouch, wait. Chill ka lang bro, natatawang sabi ng Pinuno.

Nagpupumiglas si Ces ngunit hindi siya makalaban sa lalaking hawak siya


sa balikat. Pumikit siya at nagdasal. Nagdasal na sana ay masamang
panaginip lang ang lahat.

Limang milyon. Isang oras lang ang ibibigay ko. 2am sa likuran ng Kengs
Night Out. Kapag umabot ng 2:01am, hindi ko maipapangakong may buhay pa
kayong madadatnan. At dahil sobrang galit ka, naiisip ko na ikaw 'yung
magpapakasal sa babaeng ito, tama? Lyric Yue?

Dumilat si Ces at tiningnan ang Pinuno na nakangisi pa rin habang kausap


ang tao sa telepono.

Malalaman mong nandoon kami kapag may nakita kang puting kotse. Huwag ka
mag-alala, tumutupad kami sa usapan. Kung binabalak mong magdala ng kung
sino man lalo na ang mga pulis? Tumawa ang Pinuno. Alam mo na kung
anong mangyayari.

Gustong sumigaw ni Ces pero alam niyang walang magagawa ang kanyang
sigaw. Shes just silently praying. Hoping that God will grant her wish.
Na sana masamang panaginip lang ito.

Ah, gusto mo siya makausap? Ano sa tingin mo dahilan para pumayag akong
kausapin mo siya? nakangiting sabi ng Pinuno habang nakatingin kay Ces.
Kausapin mo siya pag nadala mo na ang pera! sigaw ng Pinuno at binato
ang cellphone sa pader na naging dahilan upang magkapira-piraso ang
cellphone.

Lumapit ang lalaking kumidnap sa kanya. Ang lalaking kinwelyuhan ni Note.


Ang lalaking humawak sa kanyang hita kani-kanina lang. "Uminom ka muna,"
sabi nito.

Umuling siya at inilayo ang mukha sa baso ngunit pinipilit pa rin ng


lalaki ang baso sa kanya. Halos mabasa na ang buo niyang katawan dahil sa
natapon na tubig. Muntikan na rin siyang malunod sa pagpilit sa kanya
hanggang sa maubo na at mainom ang ilang tubig sa baso.

Nanlalabo na ang kanyang mga mata nang maramdamang nag-iinit na ang


kanyang pakiramdam. Nakita niya ang pagngisi ng Pinuno at napansing may
nilagay ito sa bulsa ng pantalon.

Ilang sandali lang, nawalan na siya ng malay.

Ang tanging naririnig lamang ni Ces ay ang pagtawa ng isang bata sa


kanyang isip.

Pagkagising niya, ang tahimik ng paligid. Nakagapos pa rin ang buo niyang
katawan ngunit walang takip ang kanyang bibig. Umaandar ang kotse ng
kinahihigaan niya. Madilim ang buong paligid at sobrang pawisan na rin
siya. Sa sobrang sikip, alam niyang nasa isang kahon siya o kaya naman ay
nasa likuran ng kotse.

Hilong hilo si Ces kahit na tumigil na ang kotse. Narinig niyang bumaba
ang ilang mga tao sa kotse at parang lumapit sa kinalalagyan niya.
Andyan na sila Pinuno.

Narinig niya ang malakas na paghampas sa parte niya na muntikan na siyang


mapasigaw sa takot. Sobrang kinakabahan na siya nang mapansing nawala ang
mga tao. Napapikit siya at nagdasal ngunit hindi siya makapag concentrate
dahil sa takot na nararamdaman.

Ilang minuto rin ang nagtagal nang tahimik ang paligid. Nakatakip na ang
bibig niya at parang pakiramdam niya ay kakainin na siya ng kadiliman at
kasikipan ng paligid. Napapikit siya nang biglang luminaw dahil sa
pagbubukas ng hood ng likod ng kotse. Para lang siyang isang bagahe na
itinambak sa likuran.

Pagkadilat muli ay napatingin siya sa lalaking nakatingin sa kanya. Si


Lyric.

Binuhat siya kaagad ng binata para makaalis sa likuran ng kotse. Parehas


silang pawisan at halos walang mahinga sa takot. Tinanggal ni Lyric ang
takip sa bibig ni Ces pati ang pagkakagapos ng kamay at paa nito. Sobrang
hapdi ang naramdaman ni Ces dahil sa higpit ng pagkakagapos sa kanya.

Hinalikan ni Lyric ang noo ni Ces habang umiiyak. Akala ko mawawala ka


na sa akin.

Tumulo ang luha ni Ces at nagpaalalay kay Lyric upang makatayo. Iika-ika
siyang naglakad dahil may hiwa pa siya sa binti na nagdudugo. Naglalakad
lang sila ang diretso. Nadaanan nila ang lalaking may sleeve tattoo na
nakangiti sa kanila pero nakatayo sa malayo. Sa kabila ay may mga lalaki
ring nakangiti sa kanila na hinahayaan lang sila maglakad paalis.

Sa hindi kalayuan ay nagkatinginan sila ng Pinuno na may hawak na


backpack. Nakangiti lang ito sa kanya at kay Lyric. Pagtingin ni Ces kay
Lyric ay tahimik lang ito na tila wala nang pakielam sa paligid basta
mailigtas lang siya.

Malapit na tayo, bulong ni Lyric. Makakaalis na tayo rito, dagdag


nito.

Tumango si Ces at hinalikan si Lyric sa pisngi. Salamat.

Paalam, nakangiting sabi ng Pinuno nang magkasalubong sila. Pagkalagpas


ay bumulong pa ang Pinuno. Hanggang sa muling pagkikita.

Nanlaki ang mga mata ni Ces nang makarinig ng pagkalampag ng mga bakal.
Diretso lang sila sa paglalakad ngunit lumingon si Ces at nakita ang
Pinuno na nakangiting tinutok sa kanila ang baril na hawak.

Napayakap nang sobrang higpit si Ces sa likuran ni Lyric, waiting for a


gun shot. Waiting for that burning moment pero walang nangyari. Walang
balang tumama sa kanya ngunit nakarinig siya ng pagputok ng baril.

Paglingon nila ay nanlaki ang kanilang mga mata nang napaluhod ang Pinuno
at dumiretso ang buong katawan sa lupa. Nagtakbuhan ang mga lalaki sa
paligid at naiwan na ang bag na puno ng pera. Nang ibaling nila Ces at
Lyric ang tingin sa harap ay nakita nila ang pulis na pinaputok ang baril
at hinabol ang mga lalaking nagsitakbuhan.

Ligtas.

Inaalalayan ni Lyric si Ces papunta sa kotse para makauwi na ngunit bago


pa sila makarating sa pinagparking-an ng kotse ay napatigil si Ces sa
narinig. Lumingon siya sa kanan at nanlaki ang mga mata sa nakitang
mabilis na kotseng papalapit sa kanila ni Lyric.

Kasabay ng napaka bilis na pangyayari ay parang may isang bombang sumabog


sa kanyang memorya at nagbalik ang lahat. . . lahat. . . lahat. . . ng
tungkol kay Ash. Kay Boss. Sa pakikipag kasundo niya. Sa mga nakita
niyang nakaraan. Sa mga napanood niyang hinaharap. Sa mga pangyayaring
nangyari at mangyayari pa lang.

Wala pang ilang segundo ay tuluyan na siyang naiyak nang nagbalik ang
lahat ng naramdaman niya. Ang sakit. Ang galit. Ang pagkamunhi. Ang
lungkot. Ang pagsisisi. Ang kunsensya. Tila sinisira ng naghahalo-halong
emosyon ang kanyang pagkatao.

Para lang siyang bumalik sa pinaka umpisa ngunit iba na ang pangyayari,
ang tao at ang nararamdaman. Ang unang ginawa ni Ces ay ang bagay na mula
noon hanggang ngayon ay gagawin niya. Paulit-ulit man na katangahan ay
wala siyang pakielam.

Ang piliin ang taong mahal niya kaysa sa sarili.

Itinulak niya si Lyric palayo at bago pa makatingin muli sa puting


kotseng papalapit ay narinig niya ang malakas na sigaw ng boses ng
lalaking pamilyar sa kanya.

"Para kay Pinuno!"

Mabilis ang mga pangyayari pero pakiramdam ni Ces ay tumigil ang mundo
niya.

"Ces!"

Lumapit
at isip
ni Ces.
dalaga.

si Lyric sa dalaga na nakahandusay sa lupa. Naglalaban ang puso


ni Lyric kung hahabulin ba niya ang sasakyan o manatili sa tabi
Ang tanging nagawa na lamang ng binata ay ang maiyak sa tabi ng
Huwag ganito, Ces. Mahal na mahal kita, huwag ganito.

Hindi rin nawala ang pagluha ni Ces. "L-Lyric. . ."

Paano na ang pangako natin sa isa't isa? Magpapakasal pa tayo, Ces. Yung
bar na gusto natin ipatayo, Ces. Sa ating dalawa 'yun. Sa atin. . .

Hinawakan ni Ces ang pisngi ni Lyric. Umiiyak lang siya habang nanunuot
ang sakit sa kanyang katawan. Nangangamoy dugo na rin ang buong paligid
at nakikita na rin niyang napupuno na ng dugo niya ang damit ng binata.

Gusto kong. . . maging masaya ka, Lyric.

Tangina Ces, paano ako magiging masaya?! Pinaupo ni Lyric sa kotse si


Ces. Tama na. Tama na ang sakit. Huwag mo akong ganituhin.

Pabagal nang pabagal ang pagtibok ng puso ni Ces. Nanlalabo na rin ang
kanyang mga mata habang sumasakit ang lahat. Mentally. Physically.
Emotionally.

Pagod na pagod na siya.

Sorry sa katangahan ko, nanghihinang sabi ni Ces.

Nanginginig ang mga kamay ni Lyric na nagdial sa phone. Tarantang taranta


ang binata habang nakatingin sa kanya.

Melo, ospital! Tangina Melo, si Ces. . .

Narinig ni Ces ang paghagulgol ni Lyric kaya hindi na natuloy ng binata


ang sinasabi. Umandar na ang kotse. Ang lakas din nang pagbusina ni Lyric
upang magising ang mga tao sa bahay nila. Ramdam ni Ces ang hirap sa
paghinga. Tila bawat segundong lumilipas ay pinapatay siya ng
nararamdaman.

"Sandali lang 'to. Sandali lang." sabi ni Lyric nang tumingin sa kanya
ito. "Makakapunta na tayo sa ospital, kumapit ka lang."

Tulo nang tulo ang luha ni Ces nang napagdesisyunan niyang hawakan ang
kamay ng binata. Kahit nahihirapan ay pinisil niya ang kamay ni Lyric.

"K-Kapit ako," nakangiting sabi ng dalaga. "Hindi ako bibitaw."

Nakita niyang tumango si Lyric at mas lalo pang binilisan ng binata ang
pagpapaandar sa kotse. Paulit-ulit sa utak ni Ces ang pagpilit sa sarili
upang hindi matulog. Hindi siya pipikit. Hindi siya bibitaw. Naramdaman
na lamang niya na tumigil na ang kotse at binuhat siya ni Lyric.
Lumiwanag ang paligid at napansin niyang nakahiga na siya habang may mga
taong nakaputi ang tumutulak sa ospital bed.

"Pakiusap." Hinawakan ni Lyric ang kanang kamay niya. Tulo nang tulo ang
luha nito. "Huwag kang bibitaw."

Napapikit si Ces habang sumasabay ang luha niya sa luha ng binata.


"Patawad."

Nang magkahiwalay sila ay ayaw pa niyang alisin ang hawak kay Lyric.
Nagulat na lamang siya nang maalis ang engagement ring sa kamay niya at
narinig na nalaglag sa lapag.

"L-Lyric . . . Mahal kita," sabi ng dalaga sa gitna ng paghikbi.


"Patawarin mo ako."

Ang huli nakita ni Ces bago magsara ang pinto ay si Lyric na napaupo sa
sahig habang umiiyak.

~ ~ ~Author's Note:Ahhh yes. I'm ready for ze hate.


#BoomClicheSabiSaInyoEh!
Kung nabigla pa rin kayo sa nangyari, ibig sabihin hindi niyo talaga
naintindihan ang kwento or yung mga clues. Ang sad sad ko naman
pagnagkataon ajujujuju. Joke lang. Kung galit man kayo sa akin,
aymsosarreh. Kung gusto niyo ng mas malinaw na version nito, ieedit ko
to. Wait kayo ng mga one year ajejeje.
Maraming salamat sa mga hindi galit sa akin ahuhuhuhu but really, thank
you for reading this roller coaster ride story. May epilogue pa. Pero
hindi ko sinasabing mag expect ng himala sa epilogue. Fantasy po ito pero
hindi miracle story. D:
This chapter is dedicated to a silent reader named Mark (?) o kilala ko
sa twitter as Mac Spicy o may username dito sa wattpad na Infinity_BLUE.
Hindi ko talaga siya kilala. Napag alaman ko na nireplyan ko siya sa
message board. Siguro dahil sa AFGIT yun? Pero hindi ko maalala <///3
Ngayon ko lang siya napansin talaga dahil sa mga tweets niya everytime
may update ang TTLS. Binobola rin po niya ako ajujujujuju de seriously,
nakakatuwa at nakakaamaze lang na may lalaking nagbabasa ng kwentong to
although hindi ko ito sinulat para sa lalaki.
Thank you sa mga insights at pambobola Mark!
Songs: Army of Love - Bury the Bully | Never Look Back - The Nearly Deads

HAPPY 1 YEAR ANNIVERSARY SA ATIN TTLS AND READERS. Yaaaay!


External link para sa picture na nilaan ko for this chapter. :)

=================
Xx // Death's Twisted Story
"Love has the power to create and destroy us. Just like death."~ R.
Mariano

~ ~ ~ WALANG BOOK 2.

TITIK TITIK!

Napabalikwas sa upuan si Ash nang tumunog ang kanyang Death Gadget.


Napakunot ang kanyang noo nang lumingon siya kay Boss na kumakain ng ice
cream. Nang magkatinginan sila, alam na ni Boss na nanghihingi ng sagot
si Ash.

Oras na, simpleng sabi ni Boss nang ubusin niya ang ice cream.

Kumunot ang noo ni Ash. Ngayon na?

"Napatagal na nga ang extension niya."

Kukuhanin ko siya? tanong ni Ash.

Ngumisi si Boss. Ako ang kukuha sa kanya.

Nagkatinginan si Boss at Ash ngunit ngumiti lang si Boss at sa isang


iglap lang, napunta na siya sa emergency room. Pinagmasdan ni Boss ang
paligid ng kwarto. Puno ng aparato at mga taong nagkakagulo sa kwarto.

Lumipad siya papalapit sa babaeng pinagkakaguluhan ng mga nars at doktor.


Nakapikit ang babae at mukhang payapa ang pagtulog. Mukhang ayos na ang
dalaga.

"Okay na siya, doc!" sigaw ng isang nars.

Napangiti ang doktor nang mastable nila ang kalagayan ng pasyente.


Lumabas ang doktor para sabihin sa mga naghihintay ang magandang balita.

Umiling si Boss dahil sa katangahan ng mga mortal. Hinawakan niya ang


dalaga sa pisngi, pinapatikim ang kamatayan nang mapangiti siya sa pag
galaw ng babae. Napadiin ang pagpikit nito na tila ba natatakot at
nasasaktan sa kanyang hawak.

Masakit ba ang malaman biglaan ang lahat ng hinagpis? Natatawa si Boss


habang inaalala ang lahat. "Ang lahat ng katangahang nagawa mo na mauuwi
dito?"

Ang buhay. Ang kasunduan. Ang kamatayan. Ang nakaraan. Ang hinaharap. Ang
memoryang nawala at ang memoryang nagbalik. Ang hinagpis ng kaluluwa at
kung gaano ito kasarap para sa kamatayan. Lahat ay umayon sa plano niya.

Sabi ko naman sayo, bulong ng kamatayan.

"Sa akin ka pa rin sa huli."

Hinawakan ni Boss ang dibdib ng dalaga nang naglulumaban ang kaluluwa


nito. Ayaw ng dalaga umalis. Ayaw niyang sumama sa kamatayan. Gusto
nitong manatili kung saan ang mga taong mahal niya.

Ngunit hindi papatinag si Boss. "Pasensya na pero masyado nang huli ang
pagsisisi mo."

Itinapat ni Boss ang bibig sa bibig ng dalaga at inangkin ang kaluluwang


puno ng hinagpis. Nagkagulo muli sa kwarto nang makitang nahihirapan at
nagwawala ang puso ng pasyente.

"Anong nangyayari?!"

Ngumingisi lamang si Boss habang pinagpapatuloy ang ginagawa. Masaya


siya. Pinaghirapan niya ito. Ang pinaka paborito niyang kaluluwa na
inalagaan niya nang halos ilang taon ay sa wakas, mapapa sa kanya na.

"Paalam, mahal na prinsesa."

"Doc, yung pasyente!" sigaw ng isang nars na lumabas ng emergency room.

Lumingon si Boss nang dumating ang doktor mula sa labas. Hindi lang iyon
dahil pumasok din sa loob ang lalaking nagmamahal sa dalagang nagmamayari ng paborito niyang kaluluwa. Mahigpit ang hawak nito sa singsing na
nakatapat sa dibdib. Napansin niyang tila wasak na wasak na ang pagkatao
ng binata. Nasa labas din ang mga kasamahan nito sa banda.

Umalingawngaw sa buong kwarto ang matinis na tunog ng makinang nagpakita


ng isang tuwid at berdeng linya.

Napangisi si Boss nang makita ang paghinto ng mundo ng binata. Nakatingin


lang ang binata sa katawan ng babaeng minamahal nito. Lumipad ang
kamatayan palapit sa binata at bumulong habang nagliliwanag ng pula ang
mga mata.

Kayo naman sa susunod.

~ ~ ~ END ~ ~ ~
WALANG PART 2.
This ending is dedicated to you. Thank you for reading TTLS and sticking
with me 'til the end. :)
Mga tanong. Bakit? Saan? Ano? Sino? Anyare? Click external link for
Questions and Spoilers. Warning: Mahabang babasahin. Lahat ng tanong ng
mga readers, halos nasagot na doon. Pahirapan.com pero nag enjoy ako
sagutan ang mga tanong niyo! At nabaliw ako dahil kausap ko ang sarili
ko.
Kung hindi makita ang external link, punta na lang sa page:
fb.com/plsptsya at hanapin ang picture na may matang nagliliwanag na red.
Thank you for reading TTLS. The story finally ends here.

=================
After Effects of TTLS
Nasabi ko na bang ang TTLS ay paborito kong kwento na nasulat ko as of
now? Sa katunayan, thesis ko ay tungkol sa suicide dahil kay Ces. Inaaral
ko ang suicide dahil kay Ces! Emergehd.
So medyo nire-read ko 'yung last few pages ng TTLS at binasa ko rin 'yung
comments.
Karamihan ng comments ay. . .
"Hindi ko nagets!"
"Ang gulo"
"ANO RAW?"
"Nawala na ata ako"

Alam ko. Kasalanan ko ito. Don't worry dahil aayusin ko ito as much as I
can.

Tapos sa ending puro. . .


"BITIN!!!!!"
"Sobrang tragic! <////3"
"Akala ko pa naman may twist pa rin dahil twisted love story pero biglang
wala. nakakadisappoint huhu Lyric!!!! :((("

Ay. Hahahaha hindi ko tuloy alam kung ayos lang ba 'yun or what. But
anyway, may kwento ako. Ituloy kung interesado sa kwento ko.

Naisip ko na ring bigyan ng happy ending sina Ces at Lyric. Why not? They
deserve it, right? Pero kung happy ending ito, ano pang saysay ni Boss?
Ano pang saysay ng kamatayan? Ano pang saysay ng mga ginawa kong
foreshadowing kung biglang manlalambot ang puso ni Boss at sasabihing "Oh
well, love conquers all including death nga naman sige happy ending para
everybody happy yay!" di ba?
So no. No 'happy' ending.
Plus may nabasa ako tungkol sa ending. na yung mga supposed to be tragic
ending stories na binigyan ng 'panibagong ending' for a happy ending eh
hindi magaling manindigan na writer. Kasi natatakot daw ang mga
nagbibigay ng 2 endings na layasan ng reader.
Alam kong maraming nainis sa akin sa ending. At nilayasan ako.
Hindi siya bitin para sa akin. If you read chapter 56, ayun na 'yung mga
ending nila. Kung gusto mo ng ending ni Lyric, nandun sa ch59. Kaya ayun
lang. . .medyo stress yung nagsasabi ng 'bitin'. Alam mo 'yung habaan mo
man ang update o iklian, bitin pa rin sa readers hehehehe.
And no. Walang part 2. Sequel. Prequel and side stories.

Nandito ako ngayon para magets niyo ang point ko.


"Tragic" ending nga raw itong TTLS kasi walang naging masaya kundi si
Boss. Nakakainis nga kasi hindi deserve ni Lyric at Ces ang nangyari.
Nakakabwisit dahil ang cliche at hindi pa sinagad ang 'twist' hanggang
ending. Naging predictable daw ang ending.
Now, hear me.
May napanood ako (months after ko matapos ang TTLS). Corpse Party.
Spoiler ito sa anime pero sa may ending kasi, sobrang stress ako. As in
hindi ko alam 'yung mafifeel ko kasi alam mo ung ending na lang, namatay
pa yung peyborit character ko? In a bloody way? Pero kung iisiping
mabuti, namatay siya dahil sa selfless act niya. Yet katangahan.
Yung moment na 'yun sa ending, sobrang napa "Wat" ako. As in nganga. As
in wala akong maisip. Wala akong mapa.. . basta! Alam niyo yun. yung
feeling na shet hindi ako makamove on grabe ituuuu. Sobrang tatak sa isip
ko 'yung nangyaring 'yun to the point na kahit 2 weeks ago ko pa pinanood
yun, sobrang fresh pa rin sa isip ko ang nangyari kung ikukwento ko man
ngayon.

Tragic ending siya. Nabaliw pa nga 'yung isang girl eh. Tapos walang
closure sa nangyari dun sa isa pang naligtas. To think na 9 silang
magkakaibigan, tatlo silang nakabalik pero ung isa (peyborit ko), kamay
na lang 'yung natira.
YEAH. KAMAY. Akswali braso eh. Duguan pa. ANG SAKET DI BA?!?!?!
TRAGIC SIYA. Walang dahilan ang kamatayan nung ibang characters pero
sobrang. . . ganda. Nagandahan ako. Nasaktan kasi ako eh. Nashock ako.
Napasabi ako ng "SHIT ANG GANDA" kahit tragic after 10 minutes ng nganga
moment ko pagtapos ng anime.
At yun ang
feel ko sa
ng readers
can't move

gusto ko sa mga stories ko (yung tragic hahah chos). Yung naending ng Corpse Party, ganun na ganun ung ideal kong reaksyon
sa TTLS nung sinulat ko ang ending. Yung "shock" moment at
on na natagumpayan ko naman kahit papaano (ata?).

So yeah, mabago man ang mga scenes at kung anu-ano pa, hindi na mababago
ang ending. Pasensya na.
Hindi ko sasabihin ang I write to express blah blah pero sinulat ko ito
kasi gusto ko ichallenge sarili ko. Gusto ko ipakita sa iba na kaya kong
manindigan. Gusto ko isulat ang kwentong gusto ko mabasa.
:)

=================
P B L S H
Help. Tulungan niyo ako maayos ang TTLS for better reading experience. BE
TRUTHFUL. Hindi ko kailangan ng bola. Kailangan ko, katotohanan.
Answer these questions. Sana ay hindi niyo laktawan ang kahit isang
question.

1. Ano ang top 3 favorite chapter mo?


2. Ano ang top 3 favorite scene mo?
3. Top 3 favorite character.
4. Top 3 hated character.

5. Ano ang top 3 na pinaka ayaw mong nangyari sa TTLS pero ayaw mong
mawala sa kwento?
6. Ano ang pinaka boring part ng TTLS na gusto mo na lang alisin?
7. Ano ang hindi mo nagets kahit kelan? Tipong ilang beses mong nire-read
pero wala talaga eh. Hindi talaga gets. At gustong malinawan.
8. Saang part ang hindi ka na-convince na parang napa "eh?" ka na lang?
9. Ano ang pinaka INTENSE na scene / chapter na tipong kinabahan,
iniyakan, tinawanan mo? Yung superlative degree ang emosyon. (kung meron
man. kung wala, N/A)
10. Top 3 favorite line ever. Pwedeng sinabi ng character o ng narrator.
HUWAG yung quotes.
11. Kung idodrawing ang apat (4) na scene ng TTLS, anu-ano 'yun?
12. WHY READ TTLS? Why recommend this to other readers? What's with TTLS?
Pwedeng sagutan niyo as is or pwede ring may dahilan. Kayo po ang bahala.

Baka may tanong pa akong iba pero for now, ito muna. Kakailanganin ko ito
for reference. Para saan? Basahin ang title ng post na ito. Salamat! :D

Kailan ko ba to kailangan? Kahit kailan. Basta natapos mong basahin, go


lang. I need answers from readers like you. :)

You might also like