You are on page 1of 2

Reporter : Nobyembre 18, nang madaling araw, nang sumiklab ang sunog sa dulong parte ng Brgy.

Mabino. Ayun sa ulat, nagsimula ang apoy dahil sa pagputok ng electric generator. Madaling
kumalat ang apoy sa magkakalapit na mga bahay at nahirapan pang makapasok ang mga
bombero sa lugar dulat ng masikip na daanan. Pito ang naitalang patay habang 38 naman ang
sugatan. Sa mga nais mag-abot ng tulong, tumawag lamang sa LigtasKaBayan hotline number
043661 o di kaya ay mamahagi ng kagamitan sa LigtasKaBayan Foundation. Ako po si Johanne
Cabañas, nag-uulat.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kai: Rudy, kawawa naman sila. Asa na kaya sila matutulog ngayon?

Rudy: Oo nga. Kawawa naman yong mga namatayan. Wala na nga silang bahay, Nawalan pa sila ng mga
mahal sa buhay.

Kai: Tulungan kaya natin?

Rudy: Paano? Wala na rin akong pera dito. Ipagdarasal ko nalang sila.

Kai: Mag-fundraising tayo. Magpopost ako sa facebook para sa mga gusting magdonate. Pagkatapos,
ipapadala ko sa estasyon ng LigtasKaBayan yung nalikom natin.

Rudy: Magandang ideya! Sige, magpost ka na. Ibabahagi ko sa mga kaibigan ko.

Narrator: Pagkatapos ng tatlong araw, nakalikom ng tatlumpo`t libo ang magkakaibigan. Ngunit dahil
nalason sila ng temptasyon, naisipan nilang kunan ng ilang libo ang kabuuang halaga ng nakolekta nilang
pera.

Kai: Rudy! Malaki-laking halaga rin itong nakolekta natin. Tara! Ibigay na natin to sa mga biktima.

Rudy: Teka lang! Paano naman tayo? Dapat may bahagi rin tayo diyan.

Kai: Pero bawal yun. Akala ng mga tao na para lang ito sa mga biktima ng sunog.

Rudy: Hindi naman nila mapapansin. Tsaka tayo naman ang nagsikap para makakuha ng ganyang halaga.
Nararapat lang din sa atin yan.

Kai: Sige na nga. Kailangan din naman natin to eh.

Pretend na magkuha ug good amount of money si kai.

Kai: Eto oh, hati tayo nito ah.

Rudy: Okay na to. Sige, ipadala mo na yan. Samahan kita.

Narrator: Matagumpay na ipinadala ng magkakaibigan ang pera sa mga biktima ng sunog. Pagkatapos ay
naisipan nilang mamasyal at bumili ng regalo para sa kanilang sarili. Sa pananabik na mabili ang kanilang
mga gusto, malaking halaga ng pera ang kanilang dinala.

Kai: Oy! Diba gusto mo ng bagong cellphone? Ito ang latest model ng Iphone oh.

Rudy: Sige. Bibilhin ko yan mamaya. Pero magwiwithdraw muna ako ng pera.
Kai: Sige, sasamahan nalang kita.

Narrator: Hindi napansin ng magkakaibigan na may umaaligid na pala sa kanila.

Tutukan ug knife(prop) ni Cyruz si Rudy.

Cyruz (to kai): Huwag kang sisigaw; sasaksakin ko tong kaibigan mo.

Mag-atras si Kai ug mga three steps then adtuan siya ni Nesrine then tutukan pud niya ug knife si Kai sa
gilid.

Nesrine: Ibigay niyo ang mga gamit niyo. Lahat. Pati cellphone.

Kai: Opo… Saglit lang. Ibibigay po namin.

Cyruz (to Rudy): Ikaw din. Saan yung per ana winithdraw mo? Amin nay un.

Rudy: Nasa bulsa ko po.

Kuhaon ni Cyruz ang money sa pocket Rudy tapos itulak niya si Rudy. Same with nes, itulak niya si Kai
palayo.

Nes: Diba kayo yung nag-post sa facebook? Nagviral yung post niyo ah. Marami siguro kayong nakuhang
pera.

Cyruz: Tutal mukhang marami naman kayong nakolekta, amin na tong iba.

Nes: Huwag kayong gagawa ng ingay. Babalikan talaga namin kayo.

Cyruz: Tara na!

Mag run pahawa sila nesrine and cyruz

Kai: Yung pera ko…

Rudy: Dali, tumawag ka ng pulis.

Kai: Kinuha na rin nila pati cellphone ko.

Rudy: Tsk. Nakarmahan yata tayo.

Kai: Tara! Pumunta na tayo sa presinto.

Maghawa pud si Rudy and Kai sa scene.

Narrator: Umuwing walang-wala sina Rudy at Shekaina. Nagsisisi na sila kung bakit nila kinuhanan ang
kabuuang pera na kanilang nakolekta. Iniisip nila na baka naghiganti ang mundo kaya rin sila nanakawan.
Ginamit nila ang kanilang layunin na makatulong sa mga biktima ng lindol para pagtakpan ang kanilang
tunay na intension. Sinamantala nila ang pagkakataon upang makakuha ng pera at ngayon ay kailangan
na nilang harapin ang naging kahinatnan ng kanilang kilos.

Topic summarization by Rudy

You might also like