You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


Villa de Bacolor, Pampanga

PABULA
ISINUMITE NINA:
Angel Razon
Bryx Violenta
Denise Songco
Denmar Garcia
Estreene Lumanug
Jodie Santos
Jolo Roque
Karlo Deausen
Maeryl Katherin Tiongco
Sharmane Castro
Nikole Pring
Paul Bacani
Rica Joy Dimabuyu
Wednesday Almario

ISINUMITE KAY:
Gng. Joan N. Puebla,,, Ed. D
ANG KONSEPTO NG REYALIDAD
Narrator: Sa tauhan, kasalungat ang katauhan. Kwento ng punong kaibahan inyong pagmasdan. Sa estado
ng buhay aspeto ng kayamanan. Aming ipapakita ang kulay ng buhay ng mga nasa mataas na antas.
Buhay ay may kakaibang kulay kapag may kaakibat na kayamanan. Ito si Ming, mula pagkabata kita ang
karangyaan na ginamit niya sa kayabangan.
Ming na Pusa: Hay meow, bakit ba kase ang tagal. Hindi ka naman si Pedrong Pagong, nako ikaw
Mariang Aso ayusin mo trabaho mo.
Mariang Aso: Patawad arf! ‘Di ko naman sinasadya Ming arf! May nakita lang akong gwapo hihi
Ming na Pusa: Meow, meow sino naman yan ha?
Mariang Aso: Si Pedrong Pagong hihihi
Narrator: Saktong pagkabigkas ni Mariang Aso, pumasok si Pedrong Pagong na suot suot ang kaniyang
bagong damit.
Pedrong Pagong: Magandang umaga sainyo, kamusta Ming na Pusa?
Ming na Pusa: Meow, meow ano naman mapapala ng pangangamusta mo saken Pagong? Mabagal ka
paren dun ka nga!
Narrator: Umalis si Ming na Pusa at nagtungo sa isang pamilihan para wala lang ubusin ang kaniyang
pera.
Ming na Pusa: Kung gusto ko yon, meow, iyon pa, meow, iyon, at ito meow.
Saleslady: Naku miss, bawal po iyong bilhin may nauna na po sainyo.
Ming na Pusa: Meow,ha?! Sino naman? Gusto mo ito ay bibilhin ko?
Saleslady: Hahahahaha wag naman kayo magbiro ng ganyan miss.
Ming na Pusa: Meowahahahahaha, bilhin nating ngayon Andres Kalabaw
Andres Kalabaw: Moo, akin na itong proprosesuhin binibini.
Narrator: Napagod si Ming na Pusa, at napagisipan kumain sa isang kainan doon ay sakto napag isipan rin
ni Pedrong Pagong na kumain.
Ming na Pusa: Meow ang sarap, hmm ang sarap.
Pedrong Pagong: Mas masarap kapag nag cantunan tayo
Ming na Pusa: Ha ano ba Pedro bat bigla ka nalang magpapakita
Pedrong Pagong: Ay ganon talaga, kase pogi ako
Ming na Pusa: Nakakawalang gana diyan ka nga.
Narrator: Balitang balita sa telebisyong sira. Si Ming na Pusa bumili ng isang pamilihan doon ay nagulo
ang kanyang buhay sa paglabas niya sa pamilihan.
Ming na Pusa: Ay meow ang raming tao. Ang rami!!!!
Andres Kalabaw: Moo hintay ka lang binibini padating na ang mga iba pang sekyu.
Ming na Pusa: Bilis bilisan niyo kundi trabaho niyo ang matatanggal.
Andres Kalabaw: Ito na sila.
Narrator: Doon sa labasan ng pamilihan ay dumating ang iilan pang sekyu. Sa pagdaan nila ay mga tunog
at salita ng mga tao galing sa mga kompanya ng balita.
#1: Kamusta naman po miss Ming, maari ka po ba namin kausapin
#2: Miss ming balita po namin wala daw po kayong jowa
Andres Kalabaw: Tataggan niyo pa ang proteksiyon masyado silang mapalit.
#3: Miss ming balita ko po ay…
#4: Hanggang saan ba yaman niyo miss…..
Narrator: Nakadaan sila at doon naman ay naabutan niya si Pedrong Pagong na umiinom ng kape kasama
si Mariang Aso.
Pedrong Pagong: Oh binibining pusa kamusta?
Ming na Pusa: Tulungan niyo ako nagtatago ako sa mga tao.
Mariang Aso: Saan sa mga tao sa pamilihan? Nako ikaw gumasta ka nanaman ng pera.
Ming na Pusa: Ha? Bakit ba mayaman naman ako huh. Basta tulungan niyo ako.
Narrator: Sila ay nagtungo sa isang pook na kahit si Ming ay walang kaalam alam
Ming na Pusa: Saan naman ito? Pedro saan mo nanaman ako dinadala at kasama kapa Maria
Mariang Aso: Dinala kita rito upang malaman mo ang kahalagahan ng pera, hindi yung puro ka gastos
wala ka naman nagagawang matino.
Pedrong Pagong: Puro ka pera puro nalang pera.
Ming na Pusa: Ano ba namang buhay to! Kung ayaw niyo akong samahan pwes akong mag isa ang aalis.
Narrator: Umalis si Ming sa pook at sa paghuhula ng daan ay nakita niya si Andres Kalabaw.
Ming na Pusa: Andres, Andres Kalabaw!
Andres Kalabaw: Moo! Binibini bigla ka nalang nawala.
Ming na Pusa: Pumunta ako sandali meow kari Pedro at Maria ngunit meow ang gulo nila.
Ming na Pusa: Mabuti pa at samahan mo akong mamili sa bago kong pamilihan.
Andres Kalabaw: Kung iyan ang iyong kagustuhan binibini.
Narrator: Sa pagdaan ng ilang araw ay palaging pagastos ng pera ang ginagawa ni Ming. Sa ibang dako
naman ay ang buhay nila Pedro at Maria ay palagi ni Ming ginugulo. Simula ng sila’y nagkagulo.
Mariang Aso: Ano ba Ming kay tahimik ng buhay ko iyong iyo namang ginugulo.
Ming na Pusa: kase wala lang, sinasayang ko lang naman pera ko eh.
Pedrong Pagong: Kung wala kang magawa tumigil kana
Mariang Aso: Oo nga Ming, pag ikaw ‘di sinwerte at tinamaan ka ng malas lagot ka.
Ming na Pusa : Che meow, bahala kayo diyan huh. Tara na Andres gusto ko ulit magshopping!
Andres Kalabaw: Masusunod binibini! Moo!
Narrator: Pagdating nila sa pamilihan
Ming na Pusa: Eto at ito at ito at ito kukunin ko
Saleslady: Sige po mam
Narrator: Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos sa pamimili si Ming at lumabas na sila ng pamilihan.
Ming na Pusa: Ito Andres Kalabaw meow dalhin mo to.
Andres Kalabaw: Sige binibini
Narrator:Tumatawid na sila ng daan ng nahulog ang isang supot na pinalmili ni Ming.
Ming na Pusa: Ahhh ang mga damit!
Narrator: Sa bawat oras na pumapatak ay mahalaga. Gigising bilang payak at tahimik. Si Ming ay
nasagasaan. Di niya alam isa lamang itong panaginip na sana’y di na siya nagising.
Ming na Pusa: Meow, ang sakit ng ulo ko. Mariang Aso? Pedrong Pagong? Andres Kalabaw? Saan na ba
kayo?
Narrator: Litong lito ang nararamdaman ni Ming, hindi niya maisip ng maayos kung ano ang nangyari.
Ming na Pusa: Bumili ng pamilihan, at nasagasaan ako pero nasaan na iyong mga yon? Ha ano bang
buhay to?!

You might also like