You are on page 1of 6

ANG ANGHEL NA MAY ISANG PAA Script

T: Isang araw, May isang batang nagngangalang Mateo. Kahit mula sa


malayo sabi niya:
MT: Yun ang anghel! Kailangang makausap ko siya!
T: Kabibili lang ng matandang babae ng tupig at bucayo sa tindahan ng
mga pasalubong.
Paika-ika siyang bumalik sa kanyang kotse, gamit ang saklay.
G: Teo, saan punta mo?
I: Dito ang papuntang playground.
MT: Mamaya ko na ipaliliwanag! Baka mawala pa siya!
T: At tumakbong parang kuneho si Teo patungong tindahan ng mga
pasalubong,
At tinanong niya ang tindera;
MT: Nanang, saan po ba nagpunta ang anghel?
NN: Anghel? Wala naming anghel na pumarito.
MT: Hindi, ang ibig sabihin ko ang matandang babae na nakasaklay!
NN: Yun pala? Nakaalis na. Pabalik na siya sa Maynila.
MT: Ha! Nakaalis na papuntang Maynila? Kailangan ko siyang
maabutan.
T: Nakita niya ang ale pero pag-angat ng ulo niya;
MT: Naku po! Nandoon na naman ang anghel sa kotse!
T: Tumakbo ulit si Teo na pang cheetah. Pero pagdating niya doon,
papaalis na ang kotse.
Pagkatapos noon, ay naabutan niya ang kotse. Kinatok ang bintana ng
kotse at nagmamakaawa;
MT: Maam, gusto ko lang po kayong makausap.
MSSG: Kilala ba kita?
MT: A-a-aa, opo! Kayo po si Miss S-Sallie San Gabriel.
MSSG: Hijo, ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit mo ako kilala. Ngayon
lamang ako nakapunta sa bayang ito.
MT: Gusto po kayong makausap ni Manang Pacita!
MSSG: Huh? Sinong Manang Pacita?
MT: Siya po ang may-ari ng Pacita’s pa-kape! Sa banda roon. Sige nap o,
puntahan na natin siya.
T: Kailangan na niyang bumalik sa Maynila, pero dapat matapos muna
ang misteryong ito.--- Pumunta sila sa kapehan ni Manang Pacita at
tinawag niya ito;
MT: Manang Pacita---a. Naku, may inaasikaso pa siguro si Manang
Pacita. Mamaya na nga lang…
T: At isinalaysay ni Teo ang kwento ni Manang Pacita.
MT:"Noong bata pa si Manang Pacita, namatay ang kanyang tatay at
nanay sa isang aksidente. Kaya pumunta sa Maynila para makitira sa
tiya niya. Mahirap lamang ang tiya niya at may limang maliliit na anak.
"Nagtinda ng dyaryo si Manang Pacita. Mahirap na trabaho pero
masaya! Kailangan niyang habulin ang mga kotse at bus hawak ang mga
dyaryo!
BMP: Dyaryo po! Dyaryo! Ale, ale, diyaryo walong piso lang po.
MT: Kahit mabilis siyang tumakbo, mas mabilis pa rin ang mga batang
lalaki kaysa kanya kaya mas nauuna nilang maubos ibenta ang mga
dyaryo nila.
BATA: Haha! Mas marami pa kaming nabenta sa iyo!
MT: Marami rin siguro akong dyaryo na maibebenta kasi ambilis akong
tumakbo!
MSSG: Anong sumunod na nangyari?
MT: Nabibili lahat ng mga dyaryo niya pagdating ng hapon at kumikita
siya para sa pamilya niya. Kailangan talagang magsipag para kumita, di
po ba?
MSSG: (w/ tawa) Tama ka, Mateo. Pero gusto ko sanang madinig ang
buong kuwento.
MT: Isang araw, nasugatan ang tuhod ni Manang Pacita.Hindi
siyamakatakbo dahil sa samit. Tatatlo pa lang ang naibenta miyang
dyaryo nang biglang umulan nang malakas! Sumilong siya sa hintayan
ng sasakyan. Binilang niya ang kanyang natitirang mga dyaryo
BMP: Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito!
MT: Itinago niya ang mga ito sa ilalim ng T-shirt niya, para hindi sila
mabasa. Naisip niya na doon na lang muna siya hanggang tumigil ang
ulan. Pero hindi tumigil ang ulan … hanggang gumabi na. Napaiyak
nalang siya.”
MSSG: ”At pagkatapos?”
MT: Lungkot na lungkot si Manang Pacita. Kasi hindi na mabibili ang
mga dyaryo pag gabi na. At gutom na rin siya wala pa siya
nagtanghalian.
MSSG: Huwag kang huminto hijo, ituloy mo lang.
MT: Isang babae ang dumating sa hintayan ng sasakyan. Nangangatog
na si Manang Pacita dahil sa ginaw. Nakiusap siya,
BMP: Ma’am, para n’yo nang awa, bili na po kayo ng isang dyaryo.
Gutom na gutom na po ako.
MT: Agad na ibinigay ng babae ang hawak niyang pandesal at Thermos
jug at sinabi;
BMSSG: Masyado ka pang bata para uminom ng kape, pero pampainit
ito ng katawan. Humigop ka nang kaunti.
MT: Tapos binigyan siya ng ale ng limandaang piso at sinabi;
BMSSG: Bibilhin ko lahat ng dyaryo mo.
MT: Nagulat si Manang Pacita. Sa buong buhay niya, wala pang
nagbigay sa kanya ng tinapay at mainit na kape, at binili pa ang lahat ng
kanyang dyaryo! Walang maisusukli sa limandaang piso si Manang
Pacita! Sasabihin sana niya ito sa ale, pero nakasakay na ito, kaya lang
sumakit ang kanyang tuhod! At humarurot nang palayo ang kotse.
BMP: Salamat Panginoon, para sa mga dyaryong nabenta; para sa
pandesal, kape, at ang malaking perang natanggap ko.
MSSG: Tama ‘yan Mateo. Pagkatapos…”
MT: Pakanta-kantang umuwi si Manang Pacita at ibinigayang
limandaang piso sa tiya niya. Napakalaking biyaya ang limandaan.
Ngayon lang sila kumita ng ganoong kalaking halaga sa isang araw
nilang pagtatrabaho. Ikinuwento niya sa kanyang tiya ang tungkol sa
pinakamabait na ale sa buong mundo!
TNP: Nagpasalamat ka ba, Pacita?
MP: A, e, sinubukan ko po, tiya. Kaya lang po, bigla siyang umalis.
TNP: Sayang, hindi mo na siya mapasasalamatan kailanman. Ni hidi mo
siya kilala.
MP: Makakilala ko po siya kahit saan! Kulot ang kanyang buhok,
napakaganda at napakaaliwalas ng kanyang mukha – parang anghel! At
saka, nakasaklay po siya. Iisa lang po kasi ang kanyang paa!
T: Napalunok muli si Miss San Gabriel.
TNP: Anghel na may isang paa!
MP: Pinadala po siya ng Diyos para tulungan ako!
Ang pangalan po niya ay si Miss Sallie San Gabriel!
TNP: Ha? Paano mo nalaman?
MP: May Malaki po siyang ID sa dibdib.
TNP: Sige, Ipanalangin natin na sana’y makita mong muli ang anghel na
ito para mapasalamatan mo siya.
T: Biglang tumahimik.
MT: Kaya po malungkot ang ending ng kuwento kasi dapat
pinapasasalamatan natin ang mga taong tumutulong sa atin di po ba?
MSSG: Haay….
MT: Kaya ko po kayo hinanap para makapagpasalamat si Manang Pacita
sa inyo. Nang nakita ko po kayo kanina, sigurado akong kayo nga ‘yun!
T: At naalala muli ni Miss San Gabriel na wala nang masabi pa.
“Mmmm, parang nakita ko na yan ha. Binili ko lahat ng diyaryo ng
isang batang basang-basa sa isang hintayan ng sasakyan at binigyan ko
pa ng pandesal at kape.” (recorded)
MP: Teo, hinahanap ka ng mga kaibigan mo. Diba sa Sabado ka dapat
andito?
(Sabay na lumingon si Teo at si Miss San Gabriel.)
MT: Manang Pacita, nahanap ko na ang anghel na para sa inyo.
(Dahan-dahang tumayo si Miss San Gabriel, at sumandal sa mesa upang
hindi matumba at ibinuka ang kanyang kamay.)
MT: (pabulong) Nasagot mo na ang mga panalangin mo, Manang
Pacita. Pwede ka nang magpasalamat!
MP: Salamat! Salamat! Salamat! Salamat! Salamat! Salamat! Salamat!
sa lahat ng iyong ibinigay na biyaya. Pagpalain ka sana ng Diyos!
T: Pitong pasasalamat para sa pitong diyaryong ibinili niya.
MT: Miss San Gabriel, Manang Pacita, aalis na po ako!
T: Naghihintay na sina Gadong at Isabelo sa playground.
Pero mga bingi sa kanyang paalam ang dalawa.

-----------THE END--------------
MGA NAGSIGANAP:
John Lester Mahilum bilang Mateo
Novie Joy Pande bilang Miss Sallie San Gabriel
Erica Perfiñan bilang Manang Pacita
Danna Rose Coma bilang Batang Manang Pacita
Khate Dahang bilang Batang Miss San Gabriel
Rhea Jane Buat bilang Nanang sa tindahan
James Bryan Pepico bilang Gadong
Kiervey Calotes bilang Isabelo
Saharah Caño bilang PROPS
Jea Entero bilang PROPS
Emely Ampilanon bilang PROPS
Gerald Gonzales bilang Tagapagsalaysay

You might also like