You are on page 1of 14

Ang Istorya ng Taxi Driver

Tagapagsalaysay : Ang Nakaraan Isinalaysay ng mamang

sa titser ang kanyang buhay at ang dalawampung taon

niyang pagseserbisyo bilang Taxi Driver sa Singapore. Sa

araw-araw niyang pamamasada, napagtanto na niya na

malaki talaga ang kaibahan ng mga kabataan noon kung

ikukumpara sa mga kabataan ngayon na puro lakwatsa at

bisyo nalang ang inaatupag.

Taxi Driver: San ho ulit yung meeting niyo maam?

Titser: Limang kanto mula Elroy Hotel po.

Taxi Driver: Nabangit niyo po diba kanina na tister kayo?

Naku! Kung alam niyo lang po ang mga batang yan, yan

mismong mga tatawid, sakit na nga sa ulo ng mga magulang

nila, sakit pa sa lipunan! Ang babata pa, mga nasa kinse o

disisais anyos yata, ngunit nagagawa ng ibenta ang mga

sarili nila. Ewan ko nga kung anong klaseng mga magulang

ang kinalakihan nila o minsan napapaisip rin ako na baka

mga abandonado sila at kaya lang nila nagagawa yon dahil


kailangan nilang tustusan ang kanilang sarili. Ewan ko ho,

ang henerasyon nga naman ngayon, palala na ng palala!

Tister: Bakit niyo po ba nasabi lahat ng iyon? Aktwal

niyo na po ba silang nakita? Hindi ko lubos maisip na sa

likod ng mga maaamong mukha nila ay unti-unti na

palang nasisira ang kanilang mga dignidad. Paano

nalang kaya ang kinabukasa ng mga batang iyon?

Taxi Driver: Sinabi niyo pa po. Sa bawat araw na akoy

namamasada, kabisado ko na lahat ng kalakaran ng

mga batang yan. Papasok ng eskwela ang mga yan sa

umaga na nakauniporme pa. Aakalain talaga ng

sinumang magulang na seryoso ang kanyang anak sa

pag-aaral. Ngunit, pagkatapos ng klase, di uuwi agad.

Sa halip ay pumupunta sa mga public toilet o di kaya sa

hotel upang magpalit ng suot at magmemeyk-ap pa.

Sasabihin sa mga magulang nila na may miting o laro sa

paaralan, e, ang totooy gumagawa lang pala ng

kalokohan.
Titser: Grabe pala! Di man lang ako mulat sa mga bagay na

yan. Paano nalang kung isa sa mga estudyante ko ay

nakikipagsapalaran sa ganyan, nababahala tuloy ako.

Taxi Driver: Kung ayaw niyo pa pong maniwala, ganito po

yan.

[Pagbabalik-tanaw]

Tagapagsalaysay: Isinalaysay ng taxi driver sa tister ang

kanyang mga napagdaanan habang siyay nagbabalik-tanaw.

(UNANG TAGPO)

{Diana pasakay ng Taxi}

Taxi Driver: San tayo hija?

Diana: (Maarte ang pagsagot) sa Starbucks po.

Taxi Driver: Heto na po tayo.

Diana: Maraming Salamat! Eto po.

Tagapagsalaysay: Sa simula, akala ng Taxi Driver na pauwi

na ang batang iyon. Kaya sa kanyang pagtataka na sa halip

sa bahay tumuloy ay sa coffee shop pa tumambay,


napagisipan niyang manatili ng ilang minuto at pagmasdan

ang gagawin ng dalaga, eh sa kanyang palagay naman, dahil

mamahalin ang tinda sa coffee shop, walang sapat na pera

na pambili ito. Ilang minuto pa ang lumikas, namalayan

niyang may lumapit sa dalaga. Akala niyang kaibigan lang,

ngunit, napansin niyang tila mas matanda ito ng mahigit 30

taon.

{Marneil lumapit kay Diana}

Diana: Oh! Youre here! Ive been waiting for you. (nagbeso-

beso)

Black American: Im so sorry darling. I just came from a

meeting. So, where are we going to make love today?

Hahaha.

Diana: Keep quiet darling. Someone might hear you.

(Pabadyang tumawa)

Black American: Okay, lets go.

Tagapagsalaysay: Nagulat ang Taxi Driver sa kanyang

nakita. Ayon sa kanya, napakalayo raw talaga ng kaugalian

at kilos ng mga kabataan ngayon kaysa sa panahon niya.


Naalala niya pa ang isang pangyayari na kumita siya ng

malaki mula sa isang dalaga na kung lubos iisipin ang bata

pa para kumita ng ganoon kalaki. Alam niyang mula na

naman yun sa maduming trabaho.

Chatrina: Manong, sa Orchid Mansions.

Taxi Driver: Okay po maam.

{Dumating na sa Orchid Mansions}

{Binuklad ang pitaka}

Chatrina: Manong, eto na ho ang bayad. Keep the Change,

nagmamadali na po ako.

Tagapagsalaysay: Naiinis rin ang drayber dahil kung minsan

sasabihin ng pasahero na wag na ibababa ang metro, ngunit

naghihintay pa sa sukling ten cents. Minsan rin, sa sobrang

makipagromansa sa taxi, di na baling magikot ka ng husto at

silingin sila sa metro. May iilan rin na hindi problema kung

magkano ang igagasta sa taxi. Paglampas raw kasi ng ala-

una ng umaga, doble na ang upa sa taxi at syempre mas

malaki ang kita, kaya doon siya pumaparada sa labas ng

Elroy Hotel o Tung Court o Orchid Mansions.


Claire: Di ko po alam kung saan ako tutuloy. Mula pa po ako

sa Pilipinas, pwede ho bang magpatulong kung saan pwede?

Taxi Driver: Sige po. Ihahatid ko nalang po kayo.

{hinatid si Claire}

Claire: Maraming Salamat po. Eto po bayad.

Taxi Driver: 150 dollars ho to? Sobra po.

Claire: Okay lang po yun. Maraming Salamat ulit.

Taxi Driver: Maraming Salamat din po. Patnubayan kayo ng

Diyos.

Tagapagsalaysay: Napakasaya ng drayber sa Sabadong iyon.

Ekstrang kita na rin daw.

[Balik sa Kasalukuyan]

Taxi Driver: Naku Maam, kung ikukwento ko pa po lahat, di

na tayo matatapos. Hahaha. Di bale po, sana maging paalala

lahat ng sinabi ko sa inyo na dapat kilalanin at patnubayan

ng mga magulang ang kanilang mga anak. Di natin alam ang

mga isip ng kabataan ngayon. Lalo nat napapalibutan sila

ng temtasyon sa mundong ito.


Tagapagsalaysay: Tama nga naman, siguro ay malaking aral

iyon na dapat kilalanin ng bawat magulang ang kanilang

mga anak. Sa panahon ngayon, gabay at suporta ang

kailangan ng mga kabataan, lalo nat namumulat sila sa mga

bagay na dapat di nila gawin. Sana, bilang isa ring

kabataan, wag natin sirain ang ating kinabukasan. Patuloy

tayong mangarap at mamuhay sa malinis na paraan.


Mga Karakter:

Tagapagsalaysay- Xerczhiel Faye Rio

Taxi Driver- Macky Jones Sabornido

Titser- Julynna G. Ationg

Black American- Marneil John Bano

Nawawalang Turista- Claire Gigje

Mga babaeng kabataan na bayaran:

Nakauniporme sa umaga- Reyna

Benneath Mugot

Nakasakay sa Taxi- Chatrina

Nakatambay sa Coffee Shop- Diana


Table of Contents

Introduction

Ang istorya ng taxi driver

Mga larawan ng kultura

Talambuhay ng manunulat
Proyekto

Sa

Filipino
(Book Fair)
Title:Sama-sama tayong mag
saliksik at pag aralan ang bansang
SINGAPORE.

Ipinasa nina: Charlene yee


Klara Chavez
Mel Andrew Fenete

Ipinasa kay: Ms. Rose T. Magbanua


Talambuhay ni xerezhei faye roi
Mga kultura ng Singapore

You might also like