You are on page 1of 8

SINGAPORE: Ang Istorya Ng Taxi Driver by Catherine Lim

AUTHOR: BUGITS | POSTED AT: 3:22 AM |

SINGAPORE: Ang Istorya Ng Taxi Driver


By Catherine Lim
Revised By: M.R. Avena

(1)Ayos, Maam. Sigurado-Darating kayo sa miting ng mas


Maaga sa tyempo. Dito tayo dumaan, Maam. Konting
Trapik, konting bara ng mga kotse. Medya-ora lang,
Naron na tayo. Kaya hwag kayong mag-alala, Maam

(2)Ano yon. Maam? Oho, oho. Ha, ha-dalawampung taon


Na kong taxi driver, Maam. Panahon pa ng kopongKopong. Di pa ganito ang Singapore-nanikip sa tao,
Bising-bisi. Noon mas tahimik, kokonti pa lang ang taxi
Drivers, at di-masyadong maraming kotse at bus

(3)Oho, Maam, kumikita naman. Di malaki pero pwede


Na. Anong mabuti? Para umasenso sa Singapore, sipag
Lang. Sa mga tulad naming no read, no write,w alang
kapital para sa negosyo, kailangang magpatulo ng
pawis nang kumita para sa misis at mga bata

(4)Oho, Maam malaki ang pamilya ko. Walong anak-anim


na lalaki,dalawang babae.Talagang malaki, ha, ha
problema,, no Maam? Pero noon, wala naming family
planning sa Singapore. Ang daming mag-anak ng
pamilya;taun-taon. Dalawa,tatlong anak, pigil na. Sabi
ng gobyerno, tama na.

(5)Buti na lang, malalaki na ang mga anak ko. Apat sa mga


anak kong lalaki kumakayod na, isang negosyante,
dalawang clerk, yong isa titser sa primary school. Yong
isa namay nasa National Service, at yong isa, nag-aaral
pa, sa Secondary Four. Yong pinakamatanda kong
babae, beynte anyos na siyang mahigit, sa bahay lang,
tumutulung sa nanay niya

(6)Wala po, wala pa siyang asawa. Masyadong mahiyain


at medyo sakitin pero ang bait, masunurin. Yong isa
kong babe-ay, naku, Maam, laking problema sa ama
pagyong anak na babaey salbahe at lumalaban sa
magulang. Napakalungkot, parang parusa sa Diyos.

(7)Ngayon, iba ang kabataan, di tulad naming noon


Noon, wala sa amin ang matigas ang ulo. Pag sinabi ng
magulang namin na, hwag gawin ito, di naming
ginagawa. Kundi, naron ang baston. Nabaston ako ng

tatay ko. Kahit binata na at malapit nang mag-asawa


baston parin. Istriktong masyado ang tatay ko, at
mabuti yon-maging istrikto ang magulang. Kundi,
walang silbi ang labas ng mga bata. Di mag-aaral,
aalpas at magna-night club o magda-drugs o sex. Tama
ba ako, Maam? Ngayong, laking sakit ng ulo sa
magulang ang kabataan. Nakita na nyo yong teenager
don sa labas ng coffee shop? Kita nyo na Maam? Mga
estudyante palang yon, pero kung umasta kala mo
mga big shot magastos, naninigarilyo na, kung magbihis
sunod sa moda at mahilig na sa sex. Naku, Maam,
kabisado ko na yan. Bilang taxi driver, kilala ko ang mga
iyan at mga bisyo nila

(8)Kayo, Maam dib a sabi nyo titser kayo? Alam nyo ba


ang mga batang babae na yan-kinse, disisais anyos?
Papasok ng eskwela ang mga yan sa umaga na
nakauniporme. Pagkatapos ng eskwela, di uuwi ang
mga yan. May dalang damit ang mga yan sa school
magpapalit ng suot, magmemeyk-up. Walang alam ang
mga magulang nila. Sasabihin sa mama nila, may miting
daw, may sports o laro, may ganon, ganito, pero ang
totoo e naglalakwatsa at kung anu-anong kalokohan ang
pinaggagawa

(9)A, Maam, mukhang ayaw ninyong maniniwala. Pero


yan ang totoo. Alam ko lahat ang kalokohan nila
Isinisakay ko sila sa taxi ko. Madalas, don sila sa bowling
Alley o coffee shop o hotel naghihintay. Tapos
lalapitan ng mga turisting kano o Europeo. Ganon sila
maglibang at kumita ng extrang pera. Maniniwala ba
kayo, Maam, kung sasabihin ko kung gano kadami ng
pera nila? Anak ng-! Kagabi, tong batang sakay ko-kyut
na kyut, nakameyk-ap at seksi ang suot. Sabi sa akin,
dalhin ko ra sa Orchid Mansions. Kilalang-kilala ang l
lugar na yon, isang four storey na apartment. Tapos
greenbacks-teg ten dollars lahat. Humugot ito ng isa at
sabi, keep the change wala raw syang tyempo. Para
sabihin ko sa inyo, Maam buwan buway mas malaki
ang kinikita ko sa mga teenager na ito kaysa don sa
nakikiapagbargain sa kin na wag na raw ibaba ang
metro pero naghihintay pa ng sukli nilang ten cents.
Pwe! Binubwisit akong talaga ng iba sa kanila. Pero
Itong mga batang to walang tawaran. Bayad lang nang
Bayad. At sobrang makikipagromansa sa taxi, kaya di
bale kung mag-iikot ka nang husto at singilin sila sa
metro!

(10)Sabihin ko sa inyo, Maam, meron dyan na di


pinoproblema kung magkano ang ginagasta sa taxi.

Ganito yon Maam: Paglampas ng ala-una ng umaga,


Mas malaki ang kita. Doon ako paparada sa labas ng
Elory Hotel o Tung Court o Orchid Mansions at sigurado,
Maam ayos ang buto-buto. Noong sabado, Maam,
walang biro-sa isang araw lang kumita ako ng halos
one hundred fifty dollars! Ang iba nyon, para sa
serbisyo. May turista kasi na di alam kung saan
pupunta, kaya ako na ang nagsasabi at dinadala ko sila don.
Ekstrang kita din yon. Ay, naku, Maam, kung
Ikukwento ko sa inyo ang lahat, di tayo matatapos

(11)Pero ito ang masasabi ko sa inyo. Kung meron kayong


dalagita at sasabihin sa inyo, Mommy, may miting
kami sa iskwela ngayon at di ako uuwi, hwag nyonh
sasabihin, Sige hija pero usisain nyo ang lahat.
Ngayoy di ninyo mapagkakatiwalaan ang mga bata,
Di tulad noon. Ay naku, Maam nasasabi ko ito dahil
Ako mismoy may dalagita. Mahal na mahal ko ang
batang ito. Napakabait nya at ang sipag mag-aral.
Nakikita ko ang report cards at yong sinusulat ng
Kanyang titser na Very Good o Excellent, sa report
Cards nya. Nag-aaral sya sa bahay at tumutulong sa
nanay nya. Pero minsay tinatamad at sasabihin
nya, pinababalik daw sya ng titser sa iskwela para
makapag-aaral pa, para maturuan pa sa subject na

mahina siya yon daw Math, Maam. At ako naman,


pinayagan ko sya, at araw-araw, gabi na siya umuwi,
tapos mag-aral, tuloy tulog. Isang araw-naku, Maam
hanggang ngayoy ginagalit pa ako. Isang araw, nagdadrive
ako ng taksi, parelaks-relaks lang, nang may nakita
akong dalagita ng nakakahawig ng sa aking Lay Choo,
may kasamang mga batang babae at ilang Europeo sa
labas ng coffee shop. Sabi ko, hindi pwedeng si
Lay Choo at ang isang ito e bihis na bihis, nakameyk-ap
At magaslaw kumilos.Di ganon ang anak ko. Tapos
Pumasok sila sa coffee shop. At yong puso ko sobra angPano nga sabihin yon, Maam? Yong puso ko, parang
Binabayo ng kung ano. Sabi ko, mabantyagan nga, at
tingnan ko ang kalokohan nya. Nong sumunod na
araw, nandyon sa uli. Ipinarada ko ang taxi ko,
Maam. Galit na galit ako noon. Sinugod ko ang
Tarantadong anak ko at sinunggaban ko sa balikat at
Leeg at saka pinagsasampal ko at binugbog syang muli.
Estupida! Walang hiya! Pinilit ako ilayo ng asawa ko
at ilang kapitbahay. Palagay koy napatay ko ang batang
iyon kung di ako naawat.

(12)Tatlong araw kinulong sa kanyang kwarto. Nahiya


akong sabihin sa kanyang titser kung ano ang nangyari,
kaya sabi ko nalang may sakit si Lay Choo, at kung

pwede, i-excuse nya sa klase. Ay naku, Maam. Anong


nararamdaman ninyo kung nasa lugar ko kayo?
Pinababa nya ang kanyang sarili, ganyon ang ama
Nyay maghapong pasada nang pasada ng taksi para
Maipadala sya sa unibersidad.

(13)Ano yon Maam? Oho, oho okey na ho ang lahat


Salamat. Di sya pwedeng lumabas ng bahay, liban kung
Papasok sa iskwela at bilin ko sa ina nya, check-in lagi
Ang ginagawa nyan at yong mga kabarkada nya, kung
anong klaseng mga ito. Ay, naku Maam ang kabataan
ngayon anong sakit ng ulo.

(14)Ano yon Maam? A, sorry ho, Maam di ko kayo


Mahihintay matapos ang inyong miting. Kailangan
kong lumarga, kaya pasensya na ho. Nagmamadali ako
Maam, papuntang Hotel Elory. Maraming mga batang
Maisasakay. Kaya sorry nalang, Maam at maraming
salamat.

Catherine Lim
Siya ay ipinanganak sa Kulim, Malaysia. Nag-aral siya sa kumbento ng Banal na Sanggol na si Jesus.
Natapos niya and digring Bachelor of Arts sa University of Malaya noong taong 1963. Noong 1967,
nagpunta siya sa Singapore, nagtrabaho roon habang ipinagpapatuloy ang digring post graduate sa
University of Singapore. Noong 1998, natapos niya ang digring Ph.D sa Applied Linguistics sa National
University ng Singapore. Siya ay naging Fullbright scholar din sa Colombia University at University of
California sa Berkeley noong 1990.

Siya ay naging isang guro, mamamahayag, direktor ng proyekto sa Curriculum Development Institute sa
Singapore at isa ring espesyalista at lektyurer sa Regional English Language Center (RELC) at nagturo rin
ng socio-linguistics at literatura. Taong 1992 nag-full time siya sa pagsusulat ng mga akdang
pampanitikan. Ginawaran siya ng Knight of Order ng Arts and Letter ng pamahalaan ng Pransiya noong
2003. Naging Ambassador siya ng Hans Christian Anderson Foundation sa Copenhagen noong 2005.
Ginawaran din siya bilang isang Honorary Doctorate sa Literatura ng Murdoch University at ng Southeast
Asia Award.

Inilathala ni Lim ang unang koleksyon niya na may pamagat na Little Ironies: Stories of Singapore
(1978). Sa koleksyon niyang ito, puno ng pagpapatawa ang estilo niya sa pagsasalaysay ng mga buhaybuhay sa lipunan ng Singapore. Ang iba pa niyang kuwento ay inilathala noong 1980. Isa sa mga
koleksyon niya ang O Singapore: Stories in Celebration mula pa noong 1988.

Ang pangunahing tema sa kanyang isinulat na mga kuwento ay ang papel ng kababaihan sa tradisyonal
na lipunan at kulturang Tsino. Noong 1998 ginawaran si Lim ng Montblanc-NUS Center for the Arts
Literary Award at noong 1990 natanggap niya ang SEA Write Award.

Mauro Ragasa Avena was born in 1937. He enrolled in the University of the East, where he became
literary editor of Dawn . Poet, playwright and storyteller, he won awards for his lyric play, The Beads in
1967 (adapted from Amador T. Daguio's short-story "Wedding Dance"), and for another play, Sakada .
He was a fellow at the International Writing Program, University of Iowa, in 1977.

His books include Rain and Other Poems (1970), Evening Poems (1971) featuring The Beads , and The
Libel Suitors and Other Stories (1990). A bilingual writer, Avena has also produced books in Filipino,
examples of which are Ang Tao sa Indoro at Iba Pang Mga Tula (1971) and Tatlong Dula (1983).

You might also like